E P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Size: px
Start display at page:

Download "E P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS"

Transcription

1 Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS E P P 5 MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

2 Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE). Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines. This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal ( under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

3 GRADE V MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/ BASKET COMPOSTING ALAMIN MO Alam mo ba na sa paghahalaman, kailangan ang abono upang maging mataba at malago ang mga halaman? Ito ay maaaring kunin sa natural na kapaligiran. Sa pamamagitan ng composting ang mga sariwa o nabubulok na mga basura tulad ng dahon ay maaaring gawing abono. Tinatawag itong organikong abono. Ito ay nakapagpapaunlad sa kalidad o uri ng lupang pagtatanman. Sa modyul na ito, tatalakayin natin at matututuhan mo ang wastong pamamaraan sa paggawa ng compost. PAGBALIK-ARALAN MO Bago tayo magpatuloy sa ating aralin sa modyul na ito, balikan natin ang natutunan sa pag-aalaga ng lupa sa pamamagitan nitong mga bugtong. Ako y isang uri ng pataba, Upang mapagyaman ang lupa, Nagdudulot ako sustansyang kailangan, Na galling sa nabubulok na bagay. Ano ako? Ako y dapat idagdag sa halaman, Kung mabagal ang paglaki Maaari ako y ikalat sa paligid Isabog sa pagitan ng halaman O ihalo sa tubig at idilig Ano ako? 1

4 PAG-ARALAN MO Basahin ang panayam ng mga bata at intindihin ang nilalaman nito. Ang leksyon ng mga bata ay tungkol sa composting. Naisipan nilang kapanayamin si Mang Isko, isang magsasaka sa kanilang lugar. Mga Bata: Magandang umaga po, Mang Isko. Mang Isko: Magandang umaga. Ano ba ang maipaglilingkod ko sa inyo? Mga Bata: Kami po ay nagpunta rito upang alamin kung paano ang paggawa ng compost. Ito po kasi ay leksyon naming ngayon. Mang Isko: Alam ninyo mga bata, bagamat may mga komersyal na pataba na maaaring mabili sa iba t-ibang tindahan. Kaya lang ang paggamit ng compost ay higit na iminumungkahi lalo na kung ang lugar ay may malawak na bakuran. Halina kayo sa likod ng bahay ko at ipakikita ko sa inyo ang paggawa ng compost. Gagawa tayo ng hukay dito sa isang bahagi ng bakuran at dito natin itatapon ang mga nabubulok na kalat upang maging pataba pagkalipas ng ilang buwan. Ito ay tinatawag na compost pit. Tulong-tulong tayong gumawa para matutunan ninyo sa pamamagitan ng sumusunod na mga hakbang. Ang Paggawa ng Compost Pit 1. Pumili ng angkop na lugar. a. patag at tuyo ang lupa b. may kalayuan sa bahay c. malayo sa tubig tulad ng ilog, sapa at iba pa. 2

5 2. Gumawa ng hukay sa lupa nang may limang metro ang lalim at dalawang metro ang lapad. Patagin ang loob ng hukay at hayaang makabilad sa araw upang hindi mabuhay ang anumang uri ng mikrobyo. 3. Tipunin ang mga nabubulok na kalat gaya ng tuyong damo, dahon mga balat ng prutas at iba pa. Ilatag ito nang pantay sa ilalim ng hukay hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas. Haluan ng 1 hanggang 2 kilo ng abono urea ang inilagay na basura sa hukay. 3

6 4. Patungan ito ng mga dumi ng hayop hanggang umabot ng 15 sentimetro ang kapal at lagyan muli ng lupa, abo o apog. Gawain ito ng paulit-ulit hanggang mapuno ang hukay 5. Panatilihing mamasa-masa ang hukay sa pamamagitan ng pagdilig araw-araw. Tiyakin hindi ito babahain kung panahon nanamn ng tagulan, makabubuting takpan ang ibabaw ng hukay ng ilang piraso ng dahon ng saging upang hindi bahain. 4

7 6. Pumili ng ilang piraso ng kawayang wala nang buko at may butas sa gilid. Itusok ito sa nagawang compost pit upang makapasok ang hangin at maging mabilis ang pagkabulok ng mga basura. 7. Bunutin ang mga itinusok na kawayan pagkalipas ng tatlong linggo. Haluing mabuti ang mga pinagsama-samang kalat at lupa. Pagkalipas ng dalawang buwang o higit pa ay maaari na itong gamiting pataba ayon sa mabilis na pagkakabulok ng mga basurang ginamit. Mga bata: Hay! Nakapapagod pala gumawa ng compost pit pero enjoy po naman. Maraming salamat po Mang Isko, halimbawa wala kang sapat na lugar upang gumawa ng hukay, pwede pa rin ba kami makagawa ng sariling pataba? 5

8 Mang Isko: Oo naman, Ito y sa pamamagitan ng basket composting. Isang paraan din ito ng pagpapabulok ng mga basura pero sa sisidlan naman hindi sa hukay. Halina kayo, ipakikita ko sa inyo. Ito ang mga paraan sa paggawa ng basket composting. 1. Pumili ng sisidlan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba. May isang metro ang lalim 2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong dahon. dayami, pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga hayop at lupa tulad ng compost pit hanggang mapuno ang sisidlan. 6

9 3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang mabulok kaagad ang basura. 4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste. 7

10 5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan upang magsama ang lupa at nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan. Mga Bata: Ang galing mo po, Mang Isko. Kailan naman po namin pwedeng gamitin ito? Mang Isko: Maaari nang gamiting pataba ang laman ng sisidlan pagkalipas ng dalawang buwan o mahigit. Mga Bata: Maraming salamat po. Mang Isko. Ang dami naming natutunan sa mga ginawa nating compost pit at basket composting. Mang Isko: Walang anuman mga bata. Pagkatapos mabasa ang panayam, anu-ano ang mga hakbang sa paggawa ng basket composting. Ano ang iyong natutuhan? 8

11 SUBUKIN MO Subukin natin ang natutunan mo sa modyul na ito. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan. A. Tumingin ka sa paligid ng inyong bahay. Aling lugar ang pwede mong gamitin sa paggawa ng organikong pataba. 1. compost 2. basket composting B. Ipaliwanag kung bakit iyon ang napili mong gagawin? C. Sa napili mo paano ang wastong paraan ng paghahanda nito? TANDAAN MO Ang compost ay isang uri ng pataba mula sa mga tuyong damo-dahon, balat ng prutas at gulay, at mga dumi ng hayop na ipinabubulok sa isang hukay sa isang malawak na lugar samantalang ang basket composting ay pagbubulok ng basura sa isang sisidlan. ISAPUSO MO Basahin ang mga sumusunod na pamantayan sa paggawa ng compost/ basket. Iguhit ang mukhang masaya kung nasisiyahan ka o angkop na gawin at mukhang malungkot kung kung hindi kanais-nais. 1. Ihanda ang mga mahahalagang materyales na gagamitin. 2. Mag-iingat sa paggamit ng matatalas at matutulis na kagamitan upang hindi masugatan. 3. itapon ang mga kasangkapan sa ilog pagkatapos. 4. linisin ang lugar at katawan pagkatapos ng gawain. 5. magsigawan habang gumagawa. 9

12 GAWIN MO Isaisip uli ang mga natutunang mga paraan sa paggawa ng compost pit at basket composting 1. Gumawa ng compost pit sa bakuran niyo o sa likod ng inyong bahay sa tulong ng iyong mga kasambahay. 2. Hikayatin mo ang iyong kapitbahay gumawa ng basket composting at ipaliwanag ang kahalagahan nito. PAGTATAYA Tignan natin uli ang galing mo sa pag-intindi nitong modyul. Basahin ang sitwasyon at suriing mabuti kung ano ang magandang gawin. 1. Nakikita mong maraming basura sa paligid ninyo. Ikinakalat lang ito ng mga kapitbahay mo kung saan-saan at ang iba naman ay nakita mong sinusunog ito. Pulungin mo sila sa pahintulot ng kapitan at ipaliwanag ang benepisyong makukuha kung ang basurang nabubulok ay hindi susunungin. 2. Kapanayanim mo rin ang isang kakilalang naghahalaman sa pulong na ito. Tanungin ang uri ng patabang ginagamit gayundin ang kabutihang dulot nito sa mga alagang pananim. Isulat ng patalata ang kinalabasan ng pakikipagpanayam. Salamat kaibigan, at natapos mo ang mga gawain sa modyul na ito. Maaari mo ng gawin ang susunod na modyul. Binabati kita! 10

GRADE VI GAMIT NG GRID

GRADE VI GAMIT NG GRID GRADE VI GAMIT NG GRID ALAMIN MO Ito ang mundo. Matutukoy mo ba kung saan dito matatagpuan ang ating bansa? Halika, hanapin mo! Sa modyul na ito, matututuhan mo ang paggamit ng grid sa paghahanap ng tiyak

More information

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS Modified In School Off School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools E P P 4 SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL Department

More information

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE) Page 1 of 16 A CLOUD INFORMATION SYSTEM FOR DISASTER PREPAREDNESS GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE) UPDATED: NOVEMBER 2016 No pa r t of this publica tio n m ay be re pro duce

More information

H E K A S I PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL 5 Department of

More information

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016 5 Music Talaan ng mga Gawain (Unang Kwarter) Department of Education June 2016 identifies visually and aurally the kinds of notes and rests in a song / MU5RH-Ia-b-1 RHYTHM Aralin 1 MGA NOTE AT REST Layunin

More information

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools Modified In School Off School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I 4 Distance Education for Elementary Schools SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS Department of

More information

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

I-reboot ang Iyong X1 TV Box I-reboot ang Iyong X1 TV Box Kapag nagto-troubleshoot ng problema sa iyong XFINITY X1 TV box, maaari kang madirekta upang i-reboot ang device. Alamin ang tungkol sa tatlong opsyon na mayroon ka para sa

More information

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila. Naniniwala Kami Ika-13 Aralin II ANG IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" 'I Paq-eralen ayon sa I11gatuntunin na nasa pasimula ng unang aralin. 1. Paano natin dapat pakitunguhan ang ating mga magulang? ~ Kinakailangang

More information

H E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

H E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS H E K A S I 6 BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN Department of Education

More information

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan? Tagalog NATIONAL STANDARDS sa pagbabasa, pagsusulat at matematika Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan? The New Zealand Curriculum Ano ang National Standards? Simula 2010, ang lahat ng mga paaralan

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Kung ikaw ay isang magsasaka, gumagamit ka ba ng pestisidyo sa iyong sakahan? Alam mo bang nakapipinsala ang mga pestisidyo sa iyong kalusugan at sa lupang iyong sinasaka?

More information

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO 5 Department of Education BUREAU OF

More information

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit Paaralang Pampurok ng Anchorage Talaan ng Nilalaman Paano Makapag-akses sa ParentConnection... 2 Tuloy Po Mga Magulang!... 2 Mga Rekisito sa Computer... 2 Paghahanap

More information

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA 5 Department of Education

More information

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? 5 Department of Education

More information

Ang aklat na ito ay inilimbag ng WWF-Philippines para sa proyekto ng Coral Triangle Support Partnership sa tulong ng USAID.

Ang aklat na ito ay inilimbag ng WWF-Philippines para sa proyekto ng Coral Triangle Support Partnership sa tulong ng USAID. Acknowledgement This workbook is made possible by the generous support of the American people through the United States Agency for International Development (USAID). The contents are the responsibility

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ituturo ng modyul na ito ang tungkol sa iba t ibang pamamaraan ng pagtantiya (estimation) at kung paano mo ito gagamitin sa iyong pang-arawaraw na pamumuhay. Bakit sa tingin

More information

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika 4 Batas-trapiko 4-1 Batas-trapiko sa Japan May mga batas-trapiko para sa mga taong naglalakad, sasakyan, motorsiklo, bisikleta at iba pa sa Japan. Tandaan ang mga batas-trapikong ito sa pinakamadaling

More information

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot Petsa ng pagbabago 8/1/2018 Ang Santa Clara Family Health Plan (SCFHP)

More information

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay? Ika-14 na Aralin Naniniwala Kami Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. na 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay? ~ Hindi. Ang Panginoon ang may-ari ng buhay

More information

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS H E K A S I 6 MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA

More information

Oops... Ingat sa Lansangan

Oops... Ingat sa Lansangan 2 Oops... Ingat sa Lansangan B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a l B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m d e p A r t M e n t O f e d u c A t I O n Reformatted

More information

Tungkol Saan ang Modyul na ito?

Tungkol Saan ang Modyul na ito? Tungkol Saan ang Modyul na ito? Sa ating pangaraw-araw na buhay, tayo ay nakikipagugnayan sa mga sukat. Halimbawa, sinusukat natin ang ating taas, ang haba ng ating braso, pati ang sukat ng ating baywang.

More information

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay Special Science Elementary School (SSES) ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN 1 Prepared by:

More information

Chapter 6 Tagalog Verbs

Chapter 6 Tagalog Verbs Chapter 6 Tagalog Verbs Ang TAGALOG VERBS ay mayroong dalawang bahagi na tatawagin nating ROOT (UGAT) at AFFIX (PANLAPI). Ang ROOT (UGAT) ay nagbibigay ng kahulagan sa VERB (PANDIWA) habang ang AFFIX (PANLAPI)

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Nasisiyahan ka ba kapag namimili sa palengke? Mahirap ba para sa iyo ang mamili kung ano ang iyong bibilhin? Minsan, ipinagbibili ang isang paninda na may iba t ibang dami

More information

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO PROVIDER NUMBER PROGRAMA NG MGA SERBISYO NG SUPORTA SA BAHAY (IN-HOME SUPPORTIVE SERVICES PROGRAM, IHSS) KASUNDUAN SA LINGGUHANG TRABAHO & PAGBIBIYAHE NG TAGABIGAY (Dapat itong makumpleto ng isang provider

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Halimbawang ikaw at ang iyong apat na kapatid na lalaki ay nakapagmana ng isang bahagi ng lupa na may haba na 400 metro lamang at may lawak na 50 metro. Ang lupa ay hinati

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Alam mo ba kung ano ang mga linya (line) at anggulo (angle)? Ituturo ng modyul na ito kung ano ang linya at ang iba t ibang uri nito. Ituturo din nito kung ano ang anggulo,

More information

H E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools Modified In School Off School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I 4 Distance Education for Elementary Schools SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO Department of Education BUREAU

More information

GRADE VI LIKAS NA YAMAN AY GAMITIN: BATAS AY DAPAT SUNDIN

GRADE VI LIKAS NA YAMAN AY GAMITIN: BATAS AY DAPAT SUNDIN GRADE VI LIKAS NA YAMAN AY GAMITIN: BATAS AY DAPAT SUNDIN ALAMIN MO Pag-aralan ang larawan. Sino ang makikinabang kung ang mga babala ay susundin? Sino naman ang maapektuhan kung babalewalain ang mga kautusan?

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Alam mo ba kung ano ang temperatura? Ang temperatura ay bahagi ng iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Halimbawa, gaano kainit mo gusto ang iyong kape o gatas? Nais mo bang

More information

GRADE IV REHIYON VI KANLURANG VISAYAS

GRADE IV REHIYON VI KANLURANG VISAYAS GRADE IV REHIYON VI KANLURANG VISAYAS ALAMIN MO Tingnan at suriin ang larawan. Saan mo nakikita ang pagsasayaw sa kalye? May ganito rin bang okasyon sa inyong bayan? Alam mo bang dinarayo ang ganitong

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tinatalakay natin ang numero o bilang sa araw-araw. Madalas natin itong ginagamit sa tuwing tayo ay namimili, nakikipag-kalakalan o nagsusukat. Kahit na ang pinakasimpleng

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Nakadalo ka na ba sa isang pagpupulong, o kaya, ay nakapamuno ka na ba sa isang pagpupulong? Maaaring ito ay isang hindi pormal na pagtitipon lamang o isang pormal na pagpupulong

More information

Kaya Ko, Kaya Mo. pagpapanatili ng. Buhay na Lupa. Paggawa ng Compost at Iba Pang Organikong Pamamaraan na Subok ng Magsasaka

Kaya Ko, Kaya Mo. pagpapanatili ng. Buhay na Lupa. Paggawa ng Compost at Iba Pang Organikong Pamamaraan na Subok ng Magsasaka Kaya Ko, Kaya Mo pagpapanatili ng Buhay na Lupa Paggawa ng Compost at Iba Pang Organikong Pamamaraan na Subok ng Magsasaka Federation of Free Farmers Hulyo 2013 Mga Patnugot Raul Q. Montemayor Anthony

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Naaalala mo ba noong bata ka pa at inaabihan ka ng iyong nanay na kumain ng mga gulay? Naaalala mo rin ba noong namimita ka ng mga mangga mula a puno ng iyong kapitbahay?

More information

H E K A S I PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG HAPONES SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG HAPONES SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG HAPONES 5 Department of Education

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Kumiriring ang telepono. Sinagot mo at bumati ng, Hello! Ano na pagkatapos? Sapat na bang magsalita, ipahayag ang gusto mong sabihin tapos ibaba ang telepono? Paano kung

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ano-ano Ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ano-ano Ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Isang importanteng paraan para paghambingin ang dalawang uri ng bilang ay sa pamamagitan ng paggamit ng ratio. Ang ratio ay ginagamit upang ipakita kung gaano kabilis ang

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tingnan mo ang iyong paligid. Ano ang iyong nakikita? Ang buhay ay nakapalibot sa paligid mo! Araw-araw kang nagigising na naririnig ang mga taong nag-uusap at mga ibong

More information

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue 20 November 2018, page 1 of 18 52 Malingap St., Sikatuna Village, Quezon City Website: www.sws.org.ph Tel: 924-4456, 924-4465 Fax: 920-2181 Erratum, 20 November 2018: In Table 5, page 18, the June 2018

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ang teknolohiya ay ang pangkalahatang kataga para sa proseso na kung saan ang tao ay gumagawa ng mga kagamitan at makina upang madagdagan ang kanilang kontrol at pag-unawa

More information

KABAYARAN SA PAGTAPON NG BASURA PAG-PUPULONG NG RESIDENTE BAYAN NG HIGASHIURA

KABAYARAN SA PAGTAPON NG BASURA PAG-PUPULONG NG RESIDENTE BAYAN NG HIGASHIURA KABAYARAN SA PAGTAPON NG BASURA PAG-PUPULONG NG RESIDENTE BAYAN NG HIGASHIURA Ano ang waste disposal charge? Depende sa dami ng basura na itatapon ng tao, ito ay isang sistema ng pagbabayad sa isang parte

More information

Nang Matuto Ka at Magising

Nang Matuto Ka at Magising 2 Nang Matuto Ka at Magising B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a l B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m d e p A r t M e N t o f e d u c A t i o N Reformatted

More information

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III Alamat ng Kawayan Anthony Pascua SAILN, Tier III Noong unang panahon ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabamg ito at taas-noo. Ipinagmamalaki nito ang kanyang makinis na katawan. Berdeng-berde ang

More information

H E K A S I ANG EDUKASYON SA PANAHON NG ESPAÑOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I ANG EDUKASYON SA PANAHON NG ESPAÑOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS ANG EDUKASYON SA PANAHON NG ESPAÑOL 5 Department of Education

More information

Pagsasanay sa Filipino

Pagsasanay sa Filipino Pagsasanay sa Filipino Pangalan Petsa Marka Paggamit ng Pang-angkop Kakayahan: Naipagsasama ang mga salita gamit ang pang-angkop A. Bumuo ng parirala mula sa dalawang salitang ibinigay sa pamamagitan ng

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Maraming gamit ang estadistika. Maaari mong gamitin ang estadistika upang pigilan ang paglaganap ng peste sa inyong barangay at upang masubaybayan ang pangyayari ng karamdaman

More information

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I ( Effective and Affordable Secondary Education ) EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I MODYUL BILANG 8 Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.1/14 EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I Yunit II Modyul

More information

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo? -bingo! Gabay para sa game master o facilitators Ano ang nutri-bingo? Ang nutri-bingo ay hinango sa pinagtambal na at bingo. Ito y masaya at nakakaenganyong pamamaraan ng pagtuturo sa kahalagahan ng wastong.

More information

BANGHAY ARALIN sa ARALING PANLIPUNAN 3 IKATLONG MARKAHAN - Isinulat ni Cecelia G. Buta, MTB Regional Trainer, Region XI

BANGHAY ARALIN sa ARALING PANLIPUNAN 3 IKATLONG MARKAHAN - Isinulat ni Cecelia G. Buta, MTB Regional Trainer, Region XI IKATLONG LINGGO (Week 3) BANGHAY ARALIN sa ARALING PANLIPUNAN 3 IKATLONG MARKAHAN - Isinulat ni Cecelia G. Buta, MTB Regional Trainer, Region XI! - Layunin: Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon

More information

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi Mabuhay! Malugod na Pagsalubong sa Bagong IKAW! Isang karangalan para sa akin ang mabasa ninyo ang aking libro! Hindi dahil sa ako ang nagsulat nito, kundi dahil sa bawat tagumpay at pagsubok, ito ang

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Nabubuhay tayo sa panahon ng teknolohiya. Maraming daan ang binuksan ng teknolohiya upang magkaroon tayo na mas mabuting pamumuhay. Halos lahat ng ating mga kasangkapan

More information

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME) SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME) Ano ba ang Matibay na Kagamitang Medikal? Ang matibay na

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Kasalukuyan ka bang nagtatrabaho sa isang kompanya? Kung ganoon isa kang manggagawa o empleado. Para sa iyo ang modyul na ito. Makatutulong ito upang higit na mahalin mo

More information

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton 16 Mar 2012. Talumpati ito tungkol sa edukasyon entitled:

More information

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

MAY KAAGAPAY KA NA BA? MAY KAAGAPAY KA NA BA? By Derick Parfan March 21, 2010 GAWA 2:41-47 Kaya't ang mga tumanggap sa sinabi [ni Pedro] ay nagpabautismo, at nadagdagan ang mga alagad ng may tatlong libong katao nang araw na

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ikaw ba y nakakakuha ng wastong nutrisyon? Kumakain ka ba ng mga wastong uri at dami ng pagkain? Nagagamit ba ng iyong katawan ang mga sustansya mula sa pagkain upang manatili

More information

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan 1 2 Ikatlong Markahan, Baitang 2, Karagdagang Aralin 1 Paksa: Ang Hanapbuhay at Kultura ng Aking Komunidad Layunin: Natatalakay ang mga produkto at mga kaugnay na hanapbuhay

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Mayroon ka bang mga alagang hayop sa iyong tahanan? Paano mo sila pinapangalagaan? Malaking bahagi ng ating buhay ang mga hayop. Tinutulungan tayo ng mga ito sa ating kabuhayan.

More information

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon Dito sa Q&A na ito, ang lokal na kawanihan ng imigrasyon ay sumasaklaw ng mga district office at

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Taga Roma 15:5-7 Magkaisang Pag-iisip Aa Pag-aasawa ni Rev. Carl Haak Kaugalian na ng mga

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Corinto 10:31 "Mga Dapat Unahin Sa Pag-aasawa (1)" ni Prof. Barrett Gritters Ang Westminster

More information

GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY

GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY Agricultural Training Institute INTERNATIONAL TRAINING CENTER ON PIG HUSBANDRY ISO 9001:2008 CERTIFIED ANO ANG LAHI NG BIIK NA DAPAT KONG ALAGAAN? Inahing Landrace

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Colosas 3:12-13 "Batas Pangkasuotan sa Pag-aasawa ni Rev. Carl Haak Paano itinuturing ng mag-asawang

More information

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE Education for Better Work (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE PAMBUNGAD ANG GRUPO BANG ITO AY MAKAKATULONG PARA MAKAPAG-ARAL AKO? Hindi palaging madali na makapag-aral, ngunit tutulungan

More information

para sa lahat na ginawa Mo. Sa Pangalan ni Jesus Cristo inaasahan namin ang Iyong mga pagpapala. Amen. Kayo ay makakaupo na.

para sa lahat na ginawa Mo. Sa Pangalan ni Jesus Cristo inaasahan namin ang Iyong mga pagpapala. Amen. Kayo ay makakaupo na. MGA SIRANG BALON Tayo ay manalangin. Panginoon, ngayon po y, sumasampalataya kami. Kami ay nanampalataya sa Anak Ng Dios, at, sa pamamagitan nito, aming tinatanggap ang Buhay na Walang-Hanggan sa pamamagitan

More information

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya) 1) Panimula Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya) (para sa mga digital device, network, at serbisyo sa internet na pagmamay-ari at pinapahiram

More information

Ang Makisig at Hangal na Hari

Ang Makisig at Hangal na Hari Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata Ang Makisig at Hangal na Hari Isinulat ni: Edward Hughes Inilarawan nila: Janie Forest Isinalin ni: Dulia Penalber Ibinagay nila: Lyn Doerksen Kuwento Bilang 18

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Nakarinig ka na ba ng isang tao na bumibigkas ng tula, nagbabasa ng dula o nagkukuwento ng istorya? Narinig mo na ba ang iyong lola na nagkuwento tungkol sa mga hindi malilimutang

More information

DEPED COPY. S i n i n g. Kagamitan ng Mag-aaral

DEPED COPY. S i n i n g. Kagamitan ng Mag-aaral 4 S i n i n g Kagamitan ng Mag-aaral Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores II Corinto 5:1 "Pauwi Na ni Rev. Carl Haak Sa araw na ito ay nais kong isaalang-alang na kasama

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ikaw ba ay naghahanap ng pagkakataon para kumita? O may kaibigan ka bang naghahanap rin ng pagkakataon na kumita? Naiisip mo bang baka mahirapan kang makahanap ng pagkakakitaan

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Naranasan mo na bang magkasakit nang biglaan kahit kanina lamang ay mabuti pa ang iyong pakiramdam? Alam mo ba kung bakit nangyayari ito? Sasagutin ng modyul ang katanungang

More information

Paghahanda para sa Kadakilaan

Paghahanda para sa Kadakilaan Paghahanda para sa Kadakilaan Paghahanda para sa Kadakilaan Manwal ng Guro Inilathala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw Lungsod ng Salt Lake Pabalat: Ang Pagkabuhay na Mag-uli,

More information

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7 Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7 Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga taong pumapatay ng katawan at wala nang kayang gawin maliban dito. Sasabihin

More information

Starting and Growing My Business. (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo) SELF-RELIANCE

Starting and Growing My Business. (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo) SELF-RELIANCE Starting and Growing My Business (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo) SELF-RELIANCE PAMBUNGAD MATUTULUNGAN BA AKO NG GRUPO NA ITO NA MAKAPAGSI- MULA O MAKAPAGPALAGO NG NEGOSYO? Hindi madaling

More information

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika Tagalog Tagalog Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika Bilang isang magulang ng isang bata na matututo ng dalawa o higit pang mga wika, maaring mayroon kang mga katanungan. Itong patnubay

More information

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3 nternational Correspondence nstitute PHLPPNE NATONAL OFFCE P.O. Box 1084, Manila TALA NG MAG-AARAL oo ANG GLESYA Unang Aralin hanggang 3 Petsa ng ipadala. sulat ng Malinaw Tirahan.. Gulang Babae o Lalaki..

More information

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1 EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1 Isang Buhay, Isang Diyos I. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Nasa ikaapat na taon ka na sa haiskul! Ilang buwan na lamang at haharap ka na sa panibagong

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matutuhan Mo sa Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Araw-araw, hinaharap natin ang iba t ibat suliranin. Isa sa mga suliranin ay kung paano maitatawid ang pangangailangan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.

More information

H E K A S I EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGAN SA KASALUKUYAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGAN SA KASALUKUYAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGAN SA KASALUKUYAN

More information

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

God s Electing Love (Mal. 1:1-5) God s Electing Love (Mal. 1:1-5) pastorderick.com /2015/02/08/gods-electing-love-mal-11-5/ Hindi ko alam kung anong nangyayari sa buhay ninyo ngayon. Pero kung tinitingnan n yo ang mga magagandang nangyayari

More information

H E K A S I KAHALAGAHAN NG BATAS SA PAG-UUGNAY NG MGA UNANG PILIPINO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I KAHALAGAHAN NG BATAS SA PAG-UUGNAY NG MGA UNANG PILIPINO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I 5 Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS KAHALAGAHAN NG BATAS SA PAG-UUGNAY NG MGA UNANG PILIPINO Department

More information

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi) Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi) By Derick Parfan April 5, 2009 (Palm Sunday) Roma 6:1-11 Ano ngayon ang sasabihin natin? Patuloy ba tayong magkakasala

More information

Pagsasanay ng mga guro sa programa ng K to 12 Baitang 8

Pagsasanay ng mga guro sa programa ng K to 12 Baitang 8 Republic of the Philippines Department of Education REGION IV (A) CALABARZON Karangalan Village, Cainta, Rizal Pagsasanay ng mga guro sa programa ng K to 12 Baitang 8 Sesyon: 6 Paksa: Pagtatasa at Pagtataya/Workshap

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Subukan mong isipin kung anong mangyayari sa iyo kung hindi ka marunong magsalita. Paano kung nakapagsasalita ka subalit hindi naman nakaririnig ang mga tao sa iyong paligid?

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Tesalonica 2:7-12 "Mga Ulirang Ama" ni Rev. Carl Haak Kung nakinig kayo sa ating programa

More information

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject): IRB# University of California (ilagay ang pangalan ng iyong system ng kalusugan) 1 Pahintulot na Gumamit ng Personal na Impormasyong Pangkalusugan para sa Pananaliksik Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ano ang naaalala mo noon sa iyong kabataan? Subukang balikan ang mga araw noong bata ka pa. Marahil matatandaang madalas kang naglalaro kasama ang iyong mga kaibigan. Masasabi

More information

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA PAGBABASA SA TAG-INIT PARA SA GRADE K estudyante na matatapos ang Pagbabasa sa Tag-init. Mangyaring kumuha sa pamamagitan ng sumusunod na libro para sa Kindergarten: We re Going On A Bear Hunt Rosen, M

More information

KJ~ NG DIYOS ILILIGTAS. International Correspondence Institute. ARALiN 7. Tungkol sa Diyos - Ang Ating Pag-aralan

KJ~ NG DIYOS ILILIGTAS. International Correspondence Institute. ARALiN 7. Tungkol sa Diyos - Ang Ating Pag-aralan ARALiN 7 International Correspondence Institute ILILIGTAS KJ~ NG DIYOS Tungkol sa Diyos - Ang Ating Pag-aralan Inaalis ng DIYOSang lahat ng bagay na masama. IbIg ng DIYOSna maligtas ang mga tao. Imhhgtas

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Nakapanood ka na ba ng isang pangmusikang pagtatanghal na may mga tradisyunal na sayaw at tugtuging Pilipino? Kapag nakikinig ka sa radyo, naiisip mo ba kung pinakikinggan

More information

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN Isang pribilehiyo para sa akin ang muling makabalik sa himpapawid para sa Reformed Witness Hour para sa darating na apat na

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Isipin na lamang kung paano ang buhay kung hindi tayo makapagpahayag ng sarili. Ang komunikasyon ay napakahalagang bahagi sa buhay ng tao. Sa pamamagitan ng komunikasyon

More information

PalayCheck. Key Check 5. Sapat na sustansya sa panahon ng pagsusuwi hanggang paglilihi at pamumulaklak.

PalayCheck. Key Check 5. Sapat na sustansya sa panahon ng pagsusuwi hanggang paglilihi at pamumulaklak. PalayCheck Key Check 5 Tandaan: Ito ay mabisang sistema ng pamamahala ng palay na nagpapakita ng pinakamagandang teknolohiya bilang Key Check; nagkukumpara sa pinakamagandang pamamaraan ng pagpapalay sa

More information

Kanser sa Balat. Skin Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Kanser sa Balat. Skin Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved Kanser sa Balat Pangkaraniwang kanser ang kanser sa balat. Mabilis na tumataas ang pandaigdigang bilang ng mga insidente ng kanser sa balat. Bagama t ang bilang sa Hong Kong ay higit na mas mababa kaysa

More information

Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27

Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27 Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27 Not everyone who says to me, Lord, Lord, will enter the kingdom of heaven, but the one who does the will of my Father who is

More information

MODYUL SA PAGKATUTO. Pangkalahatang Ideya

MODYUL SA PAGKATUTO. Pangkalahatang Ideya 1 Grado 7 Mga Saksi sa Kasaysayang Pilipino Markahan 1 Sinaunang panahon hanggang sa pagtatag ng kolonyang Espanyol Modyul 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwala Gawain 1. Ano ang artefact?

More information