MAGING MALAP IT KAY JEHOVA

Size: px
Start display at page:

Download "MAGING MALAP IT KAY JEHOVA"

Transcription

1 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA

2 Tungkol sa Diyos na Jehova, ang Isaias 40:11 ay nagsasabi: Papastulan niyang gaya ng pastol ang kaniyang sariling kawan. Sa pamamagitan ng kaniyang bisig ay titipunin niya ang mga kordero; at sa kaniyang dibdib ay bubuhatin niya sila. Kapag tinitingnan mo ang korderong nasa dibdib ng pastol, nasasabik ka bang maging malap ıtdinnagayanitosaiyong makalangit na Ama? Subalit paano ka kaya m apapalap ıt kay Jehova?

3 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA

4 Pinanggalingan ng mga Larawan: ˇ Pahina 49: Sa kagandahang-loob ng Anglo-Australian Observatory, larawang kuha ni David Malin ˇ Pahina 174: U.S. Fish & Wildlife Service, Washington, D.C./Wyman Meinzer ˇ Pahina 243: J. Heidecker/VIREO 2002, 2014 WATCH TOWER BIBLE AND TRACT SOCIETY OF PENNSYLVANIA Maging Malap ıt kay Jehova Mga Tagapaglathala WATCHTOWER BIBLE AND TRACT SOCIETY OF NEW YORK, INC. Brooklyn, New York, U.S.A. Inilimbag Disyembre 2013 Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan. Draw Close to Jehovah Tagalog (cl-tg) Made in Japan Gawa sa Japan

5 Mahal na Mambabasa: Nadarama mo bang malap ıt ka sa Diyos? Para sa marami, iyan ay waring imposible talaga. Nangangamba ang ilan na napakalayo niya sa kanila; ang iba naman ay nakadaramang sila y lubhang di-karapat-dapat. Gayunman, ang Bibliya ay maibiging humihimok sa atin: Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit siya sa inyo. (Santiago 4:8) Tinitiyak pa nga niya sa kaniyang mga mananamba: Ako, si Jehova na iyong Diyos, ay nakahawak sa iyong kanang kamay, ang Isa na nagsasabisaiyo, Huwagkangmatakot.Akoangtutulongsa iyo. Isaias 41:13. Paano kaya natin maaabot ang gayong matalik na kaugnayan sa Diyos? Sa alinmang pakikipagkaibigan na pinagsisikapan nating linangin, ang buklod ay nakasalig sa pagkilala sa tao, sa paghanga at pagpapahalaga sa kaniyang namumukod na mga katangian. Kaya ang mga katangian at pamamaraan ng Diyos, gaya ng isinisiwalat sa Bibliya, ay isang napakahalagang paksa na dapat pag-aralan. Ang pagbubulay-bulay sa paraan ng pagpapakita ni Jehova ng bawat isa sa kaniyang mga katangian, ang pagkakita kung paano ipinamalas ni Jesu-Kristo sa sakdal na paraan ang mga ito, at ang pagkaunawa kung paanong tayo rin ay makapaglilinang ng mga ito ay lalong magp apalap ıt sa atin sa Diyos. Makikita nating si Jehova ang nararapat at sakdal na Soberano ng uniberso. Bukod diyan, siya ang Ama na kailangan nating lahat. Palibhasa y makapangyarihan, makatarungan, marunong, at maibigin, hindi niya kailanman pinababayaan ang kaniyang tapat na mga anak. Sana y matulungan ka ng aklat na ito na lalo pang m a- palap ıt sa Diyos na Jehova, upang makapaglinang ng isang buklod sa kaniya na hindi masisira kailanman, nang sa gayon ay mabuhay ka upang purihin siya magpakailanman. Mga Tagapaglathala

6 Mga Nilalaman Kabanata 1 Narito! Ito ang Ating Diyos 7 2 Talaga Bang Makalalapit Ka sa Diyos? 16 3 Banal, Banal, Banal si Jehova 26 SEKSIYON 1 Malakas ang Kapangyarihan 4 SiJehovaay...DakilasaKapangyarihan 37 5 Kapangyarihang Lumalang Ang Maylikha ng Langit at ng Lupa 47 6 Kapangyarihang Pumuksa Si Jehova ay Tulad-Lalaking Mandirigma 57 7 Kapangyarihang Magsanggalang Ang Diyos aykanlunganparasaatin 67 8 Kapangyarihang Magsauli Ginagawang Bago ni Jehova ang Lahat ng Bagay 77 9 Si Kristo ang Kapangyarihan ng Diyos Maging Tagatulad sa Diyos sa Iyong Paggamit ng Kapangyarihan 97 SEKSIYON 2 Maibigin sa Katarungan 11 Lahat ng Kaniyang mga Daan ay Katarungan May Kawalang-Katarungan ba sa Diyos? Ang Kautusan ni Jehova ay Sakdal Naglaan si Jehova ng Pantubos na Kapalit ng Marami 138

7 Kabanata 15 Si Jesus ay Nagtatag sa Lupa ng Katarungan Magsagawa ng Katarungan sa Paglakad na Kasama ng Diyos 158 SEKSIYON 3 Marunong sa Puso 17 OangLalimng...Karunungan...ngDiyos! Karunungan sa Salita ng Diyos Karunungan ng Diyos sa Isang Sagradong Lihim Marunong sa Puso Ngunit Mapagpakumbaba Isinisiwalat ni Jesus ang Karunungan Mula sa Diyos Inuugitan ba ng Karunungan Mula sa Itaas ang Iyong Buhay? 219 SEKSIYON 4 Ang Diyos ay Pag-ibig 23 Siya ang Unang Umibig sa Atin Walang Makapaghihiwalay sa Atin sa Pag-ibig ng Diyos Magiliw na Pagkamahabagin ng Ating Diyos Isang Diyos na Handang Magpatawad O Pagkalaki ng Kaniyang Kabutihan! Ikaw Lamang ang Matapat Upang Makilala ang Pag-ibig ng Kristo Patuloy Kayong Lumakad sa Pag-ibig Lumapit Kayo sa Diyos, at Lalapit Siya sa Inyo 310

8

9 K A B A N A T A 1 Narito! Ito ang Ating Diyos MAGUGUNIGUNI mo bang ikaw ay nakikipag-usap sa Diyos? Ang isipin man lamang ito ay nakapangingilabot na ang Soberano ng uniberso ay nakikipag-usap sa iyo! Sa pasimula y atubili ka, subalit maya-maya y nakasagot ka rin. Nakinig siya, tumugon siya, at ipinadama pa man din niya sa iyo na malaya kang magharap ng anumang tanong na gusto mo. Ngayon, ano ang gusto mong itanong? 2 Noon, may isang lalaki na nasa ganiyang-ganiyang kalagayan. Ang pangalan niya ay Moises. Gayunman, baka magulat ka sa tanong na pinili niyang iharap sa Diyos. Hindi siya nagtanong tungkol sa kaniyang sarili, sa kaniyang kinabukasan, o maging sa malungkot na kalagayan ng sangkatauhan. Sa halip, itinanong niya ang pangalan ng Diyos. Maaaring ipagtaka mo iyan, dahil alam na naman ni Moises ang personal na pangalan ng Diyos. Kung gayon, tiyak na may mas malalim na kahulugan ang kaniyang tanong. Sa katunayan, iyon ang pinakamahalagang tanong na maaaring iharap ni Moises. Apektado tayong lahat ng sagot. Makatutulong ito sa iyo na gumawa ng isang napakahalagang hakbang upang maging malap ıt sa Diyos. Paano? Tingnan natin ang pambihirang paguusap na iyon. 3 Si Moises ay 80 ta ong gulang noon. Apat na dekada siyang napalayo sa kaniyang bayan, ang mga Israelita, na mga alipin sa Ehipto. Isang araw, habang inaalagaan niya ang kawan ng kaniyang biyenang lalaki, nakakita siya ng isang kababalaghan. Nagliliyab ang isang tinikang-palumpong, subalit hindi naman ito natutupok. Patuloy lamang itong nagliliyab, nagniningning na parang isang parola sa gilid ng bundok. Lumapit si Moises upang magsiyasat. Tiyak na nagulantang siya nang makipag-usap sa kaniya ang isang tinig mula sa gitna ng apoy! Sa pamamagitan ng isang tagapagsalitang anghel, ang Diyos at si Moises ay nag-usap na mabuti. At, gaya marahil ng alam mo, doon ay inatasan ng Diyos ang nag-aatubiling si 1, 2. (a) Anu-anong tanong ang nais mong iharap sa Diyos? (b) Ano ang itinanong ni Moises sa Diyos? 3, 4. Anong mga pangyayari ang umakay sa pakikipag-usap ni Moises sa Diyos, at ano ang buod ng pag-uusap na iyon?

10 8 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Moises na iwan ang kaniyang mapayapang buhay at magbalik sa Ehipto upang iligtas ang mga Israelita mula sa pagkaalipin. Exodo 3: Nang sandaling iyon, maaari sanang tanungin ni Moises ang Diyos ng kahit ano. Gayunman, pansinin ang kaniyang piniling tanong: Sakaling pumaroon ako ngayon sa mga anak ni Israel at sabihin ko sa kanila, Isinugo ako sa inyo ng Diyos ng inyong mga ninuno, at sabihin nila sa akin, Ano ang pangalan niya? Ano ang sasabihin ko sa kanila? Exodo 3:13. 5 Una sa lahat, itinuturo sa atin ng tanong na iyan na ang Diyos ay may pangalan. Hindi natin dapat ipagwalang-bahala ang simpleng katotohanang ito. Subalit marami ang gumagawa nito. Ang personal na pangalan ng Diyos ay inalis sa di-mabilang na mga salin ng Bibliya at pinalitan ng mga titulo, gaya ng Panginoon at Diyos. Ito ang isa sa mga pinakamasaklap at pinakamabigat na pagkakasalang ginawa sa ngalan ng relihiyon. Kung sa bagay, ano ba ang una mong ginagawa kapag may nakilala ka? Hindi ba t itinatanong mo ang pangalan niya? Ganiyan din sa pagkilala sa Diyos. Hindi siya isang walang-pangalan at malayong puwersa, na hindi maaaring makilala o maabot ng isip. Bagaman di-nakikita, siya y isang persona, at siya y may pangalan Jehova. 6 Bukod diyan, kapag isinisiwalat ng Diyos ang kaniyang personal na pangalan, isang pambihira at kapana-panabik na bagay ang napipintong mangyari. Inaanyayahan niya tayong makilala siya. Nais niyang piliin natin ang pinakamagaling na mapipili natin sa buhay ang maging malap ıt sa kaniya. Subalit higit pa ang ginawa ni Jehova kaysa sabihin lamang sa atin ang kaniyang pangalan. Itinuro din niya sa atin ang mga katangian ng personang nagtataglay ng pangalang ito. Ang Kahulugan ng Pangalan ng Diyos 7 Si Jehova ang pumili ng kaniyang sariling pangalan, isa na pu- 5, 6. (a) Ang tanong ni Moises ay nagtuturo sa atin ng anong simple at mahalagang katotohanan? (b) Anong mabigat na pagkakasala ang ginawa sa personal na pangalan ng Diyos? (c) Bakit napakahalaga na isiniwalat ng Diyos ang kaniyang pangalan sa sangkatauhan? 7. (a) Ano ang nauunawaan natin tungkol sa kahulugan ng pangalan ng Diyos? (b) Ano ang talagang nais malaman ni Moises nang itanong niya sa Diyos ang Kaniyang pangalan?

11 NARITO! ITO ANG ATING DIYOS 9 nung-puno ng kahulugan. Nauunawaan natin na ang pangalang Jehova ay nangangahulugang Kaniyang Pinangyayaring Magkagayon. Wala siyang katulad sa buong uniberso dahil siya ang lumikha sa lahat ng bagay at pinangyayari niyang matupad ang lahat ng kaniyang layunin. Lubhang kamangha-mangha iyan! Pero may iba pa bang isinisiwalat ang kahulugan ng pangalan ng Diyos? Maliwanag na nais ni Moises na matuto pa nang higit. Ang totoo, alam na niya na si Jehova ang Maylalang, at alam niya ang pangalan ng Diyos. Ang pangalan ng Diyos ay hindi na bago noon. Maraming siglo nang ginagamit ito ng mga tao. Sa katunayan, nang itanong ang pangalan ng Diyos, ang talagang itinatanong ni Moises ay tungkol sa personang kinakatawan ng pangalan. Sa diwa, sinasabi niyang: Ano ang sasabihin ko sa iyong bayang Israel tungkol sa iyo na magpapatibay ng kanilang pananampalataya sa iyo, na makakakumbinsi sa kanila na talagang ililigtas mo sila? 8 Bilang tugon ay isiniwalat ni Jehova ang isang kapana-panabik na aspekto ng kaniyang personalidad, na nauugnay sa kahulugan ng kaniyang pangalan. Sinabi niya kay Moises: Ako ay magiging gayon sa anumang ako ay magiging gayon. (Exodo 3:14) Sa maraming ibang bersiyon ng Bibliya, ganito ang pagkakasalin dito: Ako yaong ako nga. Pero ipinakikita ng maingat na mga salin dito na hindi lamang pinatutunayan ng Diyos ang kaniyang pagiral. Sa halip, itinuturo niya kay Moises at pati na rin sa ating lahat na siya ay magiging gayon, o pipiliin niyang maging, anuman ang kinakailangan para maisakatuparan ang kaniyang mga pangako. Ganito tuwirang isinalin ni J. B. Rotherham ang talatang ito: Ako ay Magiging anuman na kalugdan ko. Ganito ipinaliwanag ng isang awtoridad sa Bibliyang Hebreo ang parirala: Anuman ang kalagayan o pangangailangan..., ang Diyos ang magiging solusyon sa pangangailangang iyon. 9 Ano ang naging kahulugan niyan para sa mga Israelita? Anumang hadlang ang mapaharap sa kanila, anumang hirap ang kasadlakan nila, si Jehova ay magiging anuman na kinakailangan upang iligtas sila mula sa pagkaalipin at dalhin sila sa Lupang Pangako. Tiyak na pumukaw ng pagtitiwala sa Diyos ang pangalang 8, 9. (a) Paano sinagot ni Jehova ang tanong ni Moises, at ano ang kadalasang mali sa paraan ng pagsasalin sa Kaniyang tugon? (b) Ano ang kahulugan ng pangungusap na Ako ay magiging gayon sa anumang ako ay magiging gayon?

12 10 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA iyan. Ganoon din ang magagawa niyan sa atin sa ngayon. (Awit 9:10) Bakit? 10 Bilang paghahalimbawa: Batid ng mga magulang na kailangang sila y mahusay sa lahat ng bagay at marunong makibagay sa pangangalaga sa kanilang mga anak. Sa loob ng maghapon, ang magulang ay maaaring maging nars, tagapagluto, guro, tagadisiplina, hukom, at marami pa. Marami ang lubhang nabibigatan dahil sa napakaraming papel na inaasahang gagampanan nila. Napapansin nila ang lubos na pagtitiwala sa kanila ng kanilang mga anak, na hinding-hindi nag-aalinlangan na kayang pagalingin nina Tatay at Nanay ang sugat, lutasin ang lahat ng pag-aaway, ayusin ang anumang nasirang laruan, at sagutin ang anumang tanong na sumasagi sa kanilang isip na walang tigil sa pag-uusisa. Ang ilang magulang ay nakadaramang hindi sila karapat-dapat at paminsan-minsan ay nasisiraan ng loob dahil sa kanilang sariling mga limitasyon. Nadarama nilang sila y labis na nagkukulang sa pagganap ng marami sa mga papel na ito. 11 Si Jehova rin ay isang maibiging magulang. Subalit, sa nasasaklaw ng kaniyang sakdal na mga pamantayan, walang anumang papel ang hindi niya kayang gampanan upang mapangalagaan ang kaniyang mga anak sa lupa sa pinakamabuting paraang magagawa. Kaya ang kaniyang pangalang Jehova ay nag-aanyaya sa atin na alalahanin siya bilang ang pinakamagaling na Ama na mailalarawan sa isip. (Santiago 1:17) Di-nagtagal at naranasan ni Moises at ng lahat ng iba pang tapat na mga Israelita na si Jehova ay totoo sa kaniyang pangalan. Buong-panggigilalas silang nagmasid habang pinapangyayari niyang siya y maging isang di-nagagaping Kumandante ng Militar, ang Panginoon ng lahat ng likas na elemento, walang-kapantay na Tagapagbigay-Batas, Hukom, Arkitekto, Tagapaglaan ng pagkain at tubig, Tagapag-ingat ng kasuutan at panyapak at marami pa. 12 Sa ganitong paraan ipinakilala ni Jehova ang kaniyang personal na pangalan, isiniwalat ang kapana-panabik na mga bagay tungkol sa personang nagtataglay ng pangalang iyan, at pinatunayan pa nga na totoo ang sinasabi niya tungkol sa kaniyang sarili. Walang 10, 11. Paanong ang pangalan ng Diyos ay nag-aanyaya sa atin na alalahanin siya bilang ang pinakamahusay sa lahat ng bagay at pinakamagaling na Ama na mailalarawan sa isip? Ipaghalimbawa. 12. Paanong ang saloobin ni Paraon kay Jehova ay naiiba sa saloobin ni Moises?

13 NARITO! ITO ANG ATING DIYOS 11 alinlangan, nais ng Diyos na makilala natin siya. Paano tayo tumutugon? Ninais ni Moises na makilala ang Diyos. Ang matinding hangaring iyan ang humubog sa buong landasin ng buhay ni Moises at umakay sa kaniya na maging napakalap ıt sa kaniyang makalangit na Ama. (Bilang 12:6-8; Hebreo 11:27) Nakalulungkot, iilan lamang sa mga kapanahon ni Moises ang may ganiyang hangarin. Nang banggitin ni Moises ang pangalan ni Jehova kay Paraon, ang palalong Ehipsiyong monarkang iyon ay dagling tumugon: Sino si Jehova? (Exodo 5:2) Hindi ninais ni Paraon na matuto pa nang higit tungkol kay Jehova. Sa halip, buong-pangungutyang binalewala niya ang Diyos ng Israel bilang walang halaga o walang kabuluhan. Ang ganiyang pananaw ay lubhang karaniwan sa ngayon. Binubulag nito ang mga tao sa isa sa pinakamahalaga sa lahat ng katotohanan si Jehova ang Soberanong Panginoon. Ang Soberanong Panginoong Jehova 13 Si Jehova ay napakahusay sa lahat ng bagay at napakagaling makibagay anupat nararapat lamang na taglayin niya ang maraming titulo sa Kasulatan. Ang mga ito y hindi kaagaw ng kaniyang personal na pangalan; sa halip, itinuturo ng mga ito sa atin ang higit pa tungkol sa kinakatawanan ng kaniyang pangalan. Halimbawa, tinatawag siyang Soberanong Panginoong Jehova. (2 Samuel 7:22) Ang matayog na titulong iyan, na daan-daang ulit na lumitaw sa Bibliya, ay nagsasabi sa atin ng posisyon ni Jehova. Tanging siya lamang ang may karapatang maging Tagapamahala sa buong uniberso. Isaalang-alang kung bakit. 14 Si Jehova ay namumukod-tangi bilang Maylalang. Ang Apocalipsis 4:11 ay nagsasabi: Ikaw ang karapat-dapat, Jehova, na Diyos nga namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng karangalan at ng kapangyarihan, sapagkat nilalang mo ang lahat ng bagay, at dahil sa iyong kalooban ay umiral sila at nalalang. Ang mariringal na salitang ito ay hindi maikakapit sa sino pa mang persona. Utang kay Jehova ng lahat ng bagay sa uniberso ang pag-iral nito! Walang alinlangan na si Jehova ay karapat-dapat sa karangalan, kapangyarihan, at kaluwalhatian na kaakibat ng pagiging Soberanong Panginoon at Maylalang ng lahat ng bagay. 13, 14. (a) Bakit binigyan si Jehova ng maraming titulo sa Bibliya, at ano ang ilan sa mga ito? (Tingnan ang kahon sa pahina 14.) (b) Bakit tanging si Jehova lamang ang karapat-dapat na tawaging Soberanong Panginoon?

14 12 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA 15 Ang isa pang titulo na ikinapit tangi lamang kay Jehova ay Haring walang hanggan. (1 Timoteo 1:17; Apocalipsis 15:3) Ano ang kahulugan nito? Mahirap para sa ating limitadong kaisipan na maunawaan ito, subalit si Jehova ay walang hanggan sa magkabilang direksiyon sa nakaraan at sa hinaharap. Ang Awit 90:2 ay nagsasabi: Mula pa sa panahong walang takda hanggang sa panahong walang takda ay ikaw ang Diyos. Kaya si Jehova ay hindi kailanman nagkaroon ng pasimula; lagi siyang umiiral. Nararapat lamang na tawagin siyang ang Sinauna sa mga Araw walang hanggan na siyang umiiral bago pa man umiral ang sinuman o anuman sa uniberso! (Daniel 7:9, 13, 22) Sino kaya ang maykatuwirang makatututol sa kaniyang karapatan na maging Soberanong Panginoon? 16 Gayunman, tinututulan nga ng ilan ang karapatang iyan, gaya ni Paraon. Bahagi ng suliranin ang sobrang pagtitiwala ng di-sakdal na mga tao sa nakikita ng kanilang mga mata. Hindi natin nakikita ang Soberanong Panginoon. Siya y isang espiritung persona, di-nakikita ng mga mata ng tao. (Juan 4:24) Bukod diyan, kung ang isang taong may laman at dugo ay tatayo sa mismong presensiya ng Diyos na Jehova, ang karanasang ito ay totoong makamamatay. Sinabi mismo ni Jehova kay Moises: Hindi mo maaaring makita ang aking mukha, sapagkat walang tao ang makakakita sa akin at mabubuhay pa. Exodo 33:20; Juan 1: Hindi natin dapat pagtakhan iyan. Nakita ni Moises ang isang bahagi lamang ng kaluwalhatian ni Jehova, malamang na sa pamamagitan ng isang kinatawang anghel. Ano ang naging epekto? Ang mukha ni Moises ay nagliwanag nang mahaba-habang panahon pagkaraan nito. Natakot ang mga Israelita na tumingin man lamang nang deretso sa mukha ni Moises. (Exodo 33:21-23; 34:5-7, 29, 30) Kung gayon, tiyak na walang hamak na tao ang makatitingin sa mismong Soberanong Panginoon sa kaniyang buong kaluwalhatian! Nangangahulugan ba ito na siya y hindi kasintunay ng mga bagay na ating nakikita at nahihipo? Hindi, agad 15. Bakit tinawag si Jehova na Haring walang hanggan? 16, 17. (a) Bakit hindi natin nakikita si Jehova, at bakit hindi natin dapat pagtakhan iyan? (b) Sa anong diwa higit na totoo si Jehova kaysa sa anumang bagay na ating nakikita o nahihipo?

15 NARITO! ITO ANG ATING DIYOS 13 nating tinatanggap na totoo ang maraming bagay na hindi natin nakikita halimbawa ang hangin, mga radio wave, at mga ideya. Isa pa, si Jehova ay namamalagi at di-apektado ng paglipas ng panahon, kahit ng di-mabilang na bilyun-bilyong taon! Sa diwang iyan, siya y lalong higit na totoo kaysa sa anumang nahihipo o nakikita natin, sapagkat ang pisikal na daigdig ay tumatanda at nabubulok. (Mateo 6:19) Kung gayon, iisipin ba natin na siya y isa lamang di-matukoy, di-personal na puwersa o mahiwagang Unang Sanhi? Tingnan natin. Isang Diyos na May Personalidad 18 Bagaman hindi natin nakikita ang Diyos, may kapana-panabik namgatalatasabibliyanatumutulongsaatinupangmasilayan ang mismong langit. Ang isang halimbawa ay ang unang kabanata ng Ezekiel. Si Ezekiel ay binigyan ng isang pangitain tungkol sa makalangit na organisasyon ni Jehova, na nakita niya bilang isang pagkalaki-laking makalangit na karo. Ang lalo nang kahanga-hanga ay ang pagkakalarawan sa mga makapangyarihang espiritung nilalang na nakapalibot kay Jehova. (Ezekiel 1:4-10) Ang mga nilalang na buh ay na ito ay may malapit na kaugnayan kay Jehova, at ang kanilang anyo ay nagsasabi sa atin ng isang bagay na mahalaga tungkol sa Diyos na kanilang pinaglilingkuran. Bawat isa ay may apat na mukha yaong sa toro, sa leon, sa agila, at sa tao. Maliwanag na ang mga ito y sumasagisag sa apat na namumukod na katangian ng personalidad ni Jehova. Apocalipsis 4:6-8, Sa Bibliya, ang toro ay karaniwan nang kumakatawan sa kapangyarihan, at angkop naman, sapagkat ito y talagang napakalakas na hayop. Sa kabilang dako naman, ang leon ay karaniwan nang lumalarawan sa katarungan, sapagkat ang tunay na katarungan ay nangangailangan ng tapang, isang bantog na katangian ng mga leon. Ang mga agila ay kilalang-kilala sa kanilang napakatalas na paningin, anupat nakikita kahit na ang napakaliliit na bagay na kilu-kilometro ang layo. Kaya ang mukha ng agila ay 18. Anong pangitain ang ibinigay kay Ezekiel, at ano ang isinasagisag ng apat na mukha ng mga nilalang na buh ay na malapit kay Jehova? 19. Anong katangian ang kinakatawan ng (a) mukha ng toro? (b) mukha ng leon? (c) mukha ng agila? (d) mukha ng tao?

16 14 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Ilan sa mga Titulo ni Jehova Makapangyarihan-sa-lahat. Ang kaniyang kapangyarihan ay walang takda, di-malalabanan. Apocalipsis 15:3. Ama. Ang bukal ng lahat ng buhay, lakip na ang buhay na walang hanggan, siya y may makaamang pag-ibig sa kaniyang mga lingkod. Kawikaan 27:11; Juan 5:21. Dakilang Tagapagturo. Siya ang pinakamarunong na Guro, na siya nating dapat pagkunan ng instruksiyon at patnubay. Isaias 30:20; 48:17. Ang Bato. Di-nagbabago, siya ay isang ligtas na kanlungan. Deuteronomio 32:4. Pastol. Pinapatnubayan niya at iniingatan ang kaniyang tulad-tupang mga lingkod at inilalaan ang kanilang espirituwal na pagkain. Awit 23:1. angkop na lumalarawan sa malayong pananaw ng karunungan ng Diyos. At ang mukha ng tao? Buweno, ang tao na nilalang sa larawan ng Diyos ay walang katulad sa kaniyang kakayahang ipakita ang nangingibabaw na katangian ng Diyos ang pag-ibig. (Genesis 1:26) Ang mga pitak na ito ng personalidad ni Jehova kapangyarihan, katarungan, karunungan, at pag-ibig ay napakadalas itampok sa Kasulatan anupat ang mga ito y maaaring tukuyin bilang pangunahing mga katangian ng Diyos. 20 Dapat ba tayong mag-alala na baka nagbago na ang Diyos sa paglipas ng libu-libong taon mula nang siya y ilarawan sa Bibliya? Hindi, ang personalidad ng Diyos ay hindi nagbabago. Sinasabi niya sa atin: Ako ay si Jehova; hindi ako nagbabago. (Malakias 3:6) Sa halip na biglang magbago dahil sa bugso ng damdamin, pinatutunayan ni Jehova na siya y isang huwarang Ama sa paraan ng kaniyang pagharap sa bawat situwasyon. Ipinamamalas niya ang mga aspektong iyon ng kaniyang personalidad na pinakanaaangkop. Sa apat na mga katangian, ang nangingibabaw ay ang pagibig. Ito y nakikita sa lahat ng ginagawa ng Diyos. Ginagamit niya ang kaniyang kapangyarihan, katarungan, at karunungan sa maibiging paraan. Sa katunayan, may di-pangkaraniwang bagay na sinasabi ang Bibliya hinggil sa Diyos at sa katangiang ito. Ito y nag- 20. Dapat ba tayong mag-alala na baka nagbago na ang personalidad ni Jehova, at bakit iyan ang sagot mo?

17 NARITO! ITO ANG ATING DIYOS 15 sasabi: Ang Diyos ay pag-ibig. (1 Juan 4:8) Pansinin na hindi nito sinasabing ang Diyos ay may pag-ibig o na ang Diyos ay maibigin. Sa halip, sinasabi nito na ang Diyos ay pag-ibig. Ang pag-ibig, na siyang buod ng kaniyang personalidad, ang gumaganyak sa kaniya sa lahat ng kaniyang ginagawa. Narito! Ito ang Ating Diyos 21 Nakakita ka na ba ng isang bata na itinuturo ang kaniyang ama sa kaniyang mga kaibigan at pagkatapos ay tuwang-tuwa at buong-pagmamalaking nagsasabi, Iyan ang tatay ko? Taglay ng mga mananamba sa Diyos ang lahat ng dahilan upang madama ang gayundin kay Jehova. Inihula ng Bibliya na darating ang panahon na ang tapat na mga tao ay bubulalas: Narito! Ito ang ating Diyos. (Isaias 25:8, 9) Habang nagtatamo ka ng higit na kaunawaan sa mga katangian ni Jehova, lalo mong nadarama na ikaw ay may pinakamahusay na Ama na mailalarawan sa isip. 22 Ang Amang ito ay hindi malamig makitungo, walang-malasakit, o malayo di-gaya ˆ ng itinuturo ng ilang istriktong relihiyonista at mga pilosopo. Malayong m apalap ıt tayo sa isang malamig-makitungong Diyos, at hindi ganoon ang pagkakalarawan ng Bibliya sa ating makalangit na Ama. Sa kabaligtaran, ang tawag nito sa kaniya ay maligayang Diyos. (1 Timoteo 1:11) Taglay niya kapuwa ang mga damdaming masidhi at malumanay. Siya ay nasasaktan sa kaniyang puso kapag ang kaniyang matatalinong nilalang ay lumalabag sa mga tagubiling ibinibigay niya para sa kanilang kapakanan. (Genesis 6:6; Awit 78:41) Subalit kapag tayo y kumikilos nang may karunungan ayon sa kaniyang Salita, pinasasaya natin ang kaniyang puso. Kawikaan 27: Nais ng ating Ama na tayo y maging malap ıt sa kaniya. Hinihimok tayo ng kaniyang Salita na apuhapin siya at talagang masumpungan siya, bagaman, sa katunayan, hindi siya malayo sa bawat isa sa atin. (Gawa 17:27) Kung gayon, paano magiging posible parasahamaknamgataonam apalap ıt sa Soberanong Panginoon ng uniberso? 21. Ano ang ating madarama habang higit nating napag-uunawa ang mga katangian ni Jehova? 22, 23. Paano inilalarawan ng Bibliya ang ating makalangit na Ama, at paano natin nalalaman na nais niya tayong maging malap ıt sa kaniya?

18 K A B A N A T A 2 Talaga Bang Makalalapit Ka sa Diyos? ANO ang madarama mo kung ang Maylalang ng langit at lupa ay magsabi patungkol sa iyo, Ito ang aking kaibigan? Para sa marami, iyan ay tila malayong mangyari. Kung sa bagay, paano nga ba maaaring makipagkaibigan ang isang hamak na tao sa Diyos na Jehova? Gayunman, tinitiyak sa atin ng Bibliya na talagang maaari tayong m apalap ıt sa Diyos. 2 Si Abraham noon ay isa na nagtamasa ng gayong malap ıt na ugnayan. Tinukoy ni Jehova ang patriyarkang ito bilang aking kaibigan. (Isaias 41:8) Oo, itinuring ni Jehova si Abraham na isang personal na kaibigan. Ipinagkaloob kay Abraham ang matalik na ugnayang iyan sapagkat siya y nanampalataya kay Jehova. (Santiago 2:23) Gayundin sa ngayon, si Jehova ay naghahanap ng mga pagkakataon upang maging malap ıt sa mga naglilingkod sa kaniya dahil sa pag-ibig. (Deuteronomio 10:15) Ang kaniyang Salita ay humihimok: Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit siya sa inyo. (Santiago 4:8) Masusumpungan natin sa mga salitang ito kapuwa ang isang paanyaya at isang pangako. 3 Inaanyayahan tayo ni Jehova na lumapit sa kaniya. Siya ay handa at may pagnanais na tanggapin tayo bilang mga kaibigan. Kasabay nito, nangangako siya na kung tayo y gagawa ng mga hakbang upang maging malap ıt sa kaniya, gayundin ang kaniyang gagawin. Magiging malap ıt siya sa atin. Kaya tayo ay makapapasok sa isang bagay na totoong napakahalaga ang matalik na kaugnayan kay Jehova. (Awit 25:14) Ang matalik na kaugnayan ay nagbibigay Kapansin-pansin, ang salitang Hebreo na isinaling matalik na kaugnayan ay ginamit sa Amos 3:7, na nagsasabi na ang Soberanong Panginoong Jehova ay nagsisiwalat ng kaniyang lihim na bagay sa kaniyang mga lingkod, anupat patiunang ipinababatid sa kanila ang kaniyang nilalayong gawin. 1, 2. (a) Ano ang tila malayong mangyari para sa marami, subalit ano ang tinitiyak sa atin ng Bibliya? (b) Ipinagkaloob kay Abraham ang anong matalik na ugnayan, at bakit? 3. Anong paanyaya ang ipinaaabot ni Jehova sa atin, at anong pangako ang kaugnay nito?

19 TALAGA BANG MAKALALAPIT KA SA DIYOS? 17 ng ideya ng pribadong pakikipag-usap sa isang natatanging kaibigan. 4 Mayroon ka bang isang matalik na kaibigan na maaari mong pagtapatan? Ang gayong kaibigan ay isa na nagmamalasakit sa iyo. May tiwala ka sa kaniya sapagkat napatunayan mong siya y matapat. Tumitindi ang iyong kagalakan kapag ibinabahagi mo iyon sa kaniya. Gumagaan ang pinapasan mong kalungkutan dahil sa kaniyang madamaying pakikinig. Kahit sa wari y wala nang nakauunawa sa iyo, inuunawa ka niya. Sa katulad na paraan, kung ikaw ay malap ıt sa Diyos, nagkakaroon ka ng isang natatanging Kaibigan na tunay na nagpapahalaga sa iyo, taimtim na nagmamalasakit sa iyo, at lubos na nakauunawa sa iyo. (Awit 103:14; 1 Pedro 5:7) Ipinagkakatiwala mo sa kaniya ang iyong kaloob-loobang mga damdamin, sapagkat batid mong siya y matapat sa mga nagtatapat sa kaniya. (Awit 18:25) Gayunman, natatamo natin ang pribilehiyong ito ng matalik na kaugnayan sa Diyos dahil lamang sa siya ang nagpaging posible nito. Binuksan ni Jehova ang Daan 5 Kung sa ating sarili lamang, tayo bilang mga makasalanan ay hindi kailanman m apapalap ıt sa Diyos. (Awit 5:4) Ngunit inirerekomenda ng Diyos sa atin ang kaniyang sariling pag-ibig anupat, samantalang tayo ay mga makasalanan pa, si Kristo ay namatay para sa atin, isinulat ni apostol Pablo. (Roma 5:8) Oo, isinaayos ni Jehova na ibigay [ni Jesus] ang kaniyang kaluluwa bilang pantubos na kapalit ng marami. (Mateo 20:28) Ang ating pananampalataya sa haing pantubos na iyan ang nagpaging posible upang tayo y m apalap ıtsadiyos.yamangangdiyosang unangumibigsaatin, ini- latag niya ang pundasyon upang maging posible ang pakikipagkaibigannatinsakaniya. 1Juan4:19. 6 Gumawa si Jehova ng isa pang hakbang: Ipinakilala niya ang ka- 4. Paano mo ilalarawan ang isang matalik na kaibigan, at sa anong paraan pinatunayan ni Jehova na siya y gayong uri ng kaibigan doon sa mga malap ıt sa kaniya? 5. Ano ang ginawa ni Jehova upang maging posible para sa atin na m apalap ıt sa kaniya? 6, 7. (a) Paano natin nalalaman na si Jehova ay hindi isang Diyos na nakakubli at imposibleng makilala? (b) Sa anong mga paraan ipinakilala ni Jehova ang kaniyang sarili?

20 18 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA niyang sarili sa atin. Sa anumang pagkakaibigan, ang pagiging matalik ay nakasalig sa tunay na pagkakilala sa isang tao, na pinahahalagahan ang kaniyang mga katangian at pamamaraan. Kaya kung si Jehova ay isang Diyos na nakakubli at imposibleng makilala, hindi tayo kailanman maaaring maging malap ıt sa kaniya. Subalit, sa halip na ikubli ang kaniyang sarili, ninais niyang makilala natin siya. (Isaias 45:19) Bukod diyan, ang kaniyang isiniwalat tungkol sa kaniyang sarili ay para sa lahat, maging doon sa mga kasama natin na maaaring itinuturing na hamak ayon sa mga pamantayan ng sanlibutan. Mateo 11:25. 7 Paano ipinakilala ni Jehova ang kaniyang sarili sa atin? Ipinababatid ng kaniyang mga gawang paglalang ang ilang aspekto ng kaniyang personalidad ang kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan, ang kalaliman ng kaniyang karunungan, ang kasaganaan ng kaniyang pag-ibig. (Roma 1:20) Subalit hindi natatapos sa mga bagay na kaniyang nilalang ang pagpapakilala ni Jehova ng kaniyang sarili. Bilang ang Dakilang Tagapagpabatid, naglaan siya ng isang nasusulat na pagsisiwalat tungkol sa kaniyang sarili sa kaniyang Salita, ang Bibliya. Pagmamasid sa Kaigayahan ni Jehova 8 Ang Bibliya mismo ay ebidensiya ng pag-ibig ni Jehova sa atin. Sa kaniyang Salita, ipinakilala niya ang kaniyang sarili sa paraang mauunawaan natin patotoo na hindi lamang niya tayo iniibig kundi nais din niyang siya y makilala at ibigin natin. Ang ating mababasa sa mahalagang aklat na ito ay tutulong sa atin na mapagmasdan ang kaigayahan ni Jehova at mag-uudyok sa atin na hangaring maging malap ıt sa kaniya. (Awit 90:17) Talakayin natin ang ilang kasiya-siyang paraan ng pagsisiwalat ni Jehova ng kaniyang sarili sa kaniyang Salita. 9 Ang Kasulatan ay naglalaman ng maraming tuwirang pangungusap na nagpapakilala sa mga katangian ng Diyos. Pansinin ang ilang halimbawa. Si Jehova ay maibigin sa katarungan. (Awit 37:28) Ang Diyos ay dakila sa kapangyarihan. (Job 37:23) Ako ay ma- 8. Bakit masasabi na ang Bibliya mismo ay ebidensiya ng pag-ibig ni Jehova sa atin? 9. Ano ang ilang halimbawa ng tuwirang mga pangungusap sa Bibliya na nagpapakilala sa mga katangian ng Diyos?

21 Ang Bibliya ay tumutulong sa atin na maging malap ıt kay Jehova tapat, ang sabi ni Jehova. (Jeremias 3:12) Siya ay marunong sa puso. (Job 9:4) Siya ay isang Diyos na maawain at magandang-loob, mabagal sa pagkagalit at sagana sa maibiging-kabaitan at katotohanan. (Exodo 34:6) Ikaw, O Jehova, ay mabuti at handang magpatawad. (Awit86:5)At,gayangbinanggitsanaunangkabanata, isang katangian ang nangingibabaw: Ang Diyos ay pag-ibig. (1 Juan 4:8) Habang minumuni-muni mo ang kalugud-lugod na mga katangiang ito, hindi ka ba naaakit sa walang kapantay na Diyos na ito? 10 Bukod sa pagsasabi sa atin kung ano ang kaniyang mga katangian, maibiging inilakip ni Jehova sa kaniyang Salita ang espesipikong mga halimbawa kung paano niya ipinakita ang mga katangiang ito. Iginuguhit ng mga salaysay na ito sa isipan ang malilinaw na larawan na tumutulong sa atin upang makita nang lalong maliwanag ang iba t ibang pitak ng kaniyang personalidad. Iyan naman ang tumutulong sa atin upang maging malap ıt sa kaniya. Isaalangalang ang isang halimbawa. 11 Isang bagay ang mabasa na malakas ang kapangyarihan ng Diyos. (Isaias 40:26) Subalit ibang-iba naman ang mabasa kung paano niya iniligtas ang Israel sa Dagat na Pula at pagkatapos ay tinustusan ang bansa sa il ang sa loob ng 40 taon. Maaari mong gunigunihin ang umaalimbukay na tubig habang ito y nahahati. Mailalarawan mo sa iyong isip ang bansa marahil ay 3,000,000 lahat-lahat na tumatawid sa tuyong sahig ng dagat, habang ang namuong tubig ay nakatindig na parang pagk alalak ıng pader sa magkabilang panig. (Exodo 14:21; 15:8) Makikita mo ang katibayan ng maingat 10, 11. (a) Upang matulungan tayong makita nang lalong maliwanag ang kaniyang personalidad, ano ang inilakip ni Jehova sa kaniyang Salita? (b) Anong halimbawa sa Bibliya ang tumutulong sa atin na mailarawan sa isip ang aktibong kapangyarihan ng Diyos?

22 20 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA na pangangalaga ng Diyos habang nasa il ang. Ang tubig ay dumaloy mula sa bato. Ang pagkain, na tulad ng mapuputing buto, ay lumitaw sa ibabaw ng lupa. (Exodo 16:31; Bilang 20:11) Isinisiwalat dito ni Jehova hindi lamang ang pagtataglay niya ng kapangyarihan kundi ang paggamit niya nito alang-alang sa kaniyang bayan. Hindi ba t nakapagpapalakas-loob na malaman na ang ating mga panalangin ay pumapailanlang sa isang makapangyarihang Diyos na siyang kanlungan at kalakasan para sa atin, isang tulong na kaagad na masusumpungan sa panahon ng mga kabagabagan? Awit 46:1. 12 Si Jehova, na isang espiritu, ay gumawa ng higit pa upang tulungan tayo na makilala siya. Bilang mga tao, limitado tayo sa nakikita lamang ng ating mga mata at sa gayo y hindi natin nakikita ang daigdig ng espiritu. Kung ilalarawan ng Diyos ang kaniyang sarili sa atin sa mga terminong ginagamit ng mga espiritu, para na ring sinisikap mong ipaliwanag ang mga detalye ng iyong hitsura, gaya ng kulay ng iyong mata o mga pekas, sa isang ipinanganak na bulag. Sa halip, buong-kabaitang tinutulungan tayo ni Jehova na makita siya sa mga terminong mauunawaan natin. Kung minsan, gumagamit siya ng mga metapora at mga paghahalintulad, anupat inihahambing niya ang kaniyang sarili sa mga bagay na alam natin. Inilalarawan pa nga niya ang kaniyang sarili na parang nagtataglay ng ilang sangkap ng tao. 13 Pansinin ang paglalarawan kay Jehova na masusumpungan sa Isaias 40:11: Papastulan niyang gaya ng pastol ang kaniyang sariling kawan. Sa pamamagitan ng kaniyang bisig ay titipunin niya ang mga kordero; at sa kaniyang dibdib ay bubuhatin niya sila. Dito ay inihahalintulad si Jehova sa isang pastol na bumubuhat sa mga kordero sa pamamagitan ng kaniyang bisig. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng Diyos na protektahan at suportahan ang kaniyang bayan, maging yaong lubhang mahihina. Madarama nating Halimbawa, binabanggit sa Bibliya ang mukha, mata, tainga, butas ng ilong, bibig, bisig, at paa ng Diyos. (Awit 18:15; 27:8; 44:3; Isaias 60:13; Mateo 4:4; 1 Pedro 3:12) Ang gayong matalinghagang mga pangungusap ay hindi dapat unawain sa literal na paraan, gaya rin ng mga pagtukoy kay Jehova bilang ang Bato o isang kalasag. Deuteronomio 32:4; Awit 84: Paano tayo tinutulungan ni Jehova na makita siya sa paraang mauunawaan natin? 13. Anong larawan sa isipan ang nililikha ng Isaias 40:11, at paano iyon nakaaapekto sa iyo?

23 TALAGA BANG MAKALALAPIT KA SA DIYOS? 21 ligtas tayo sa kaniyang malalakas na bisig, sapagkat kung tayo y matapat sa kaniya, hinding-hindi niya tayo pababayaan. (Roma 8:38, 39) Binubuhat ng Dakilang Pastol ang mga kordero sa kaniyang dibdib isang ekspresyon na tumutukoy sa maluluwag na tupi ng pang-itaas na kasuutan, na kung minsan ay ginagamit ng pastol upang kargahin ang isang bagong silang na kordero. Kung gayon ay nakatitiyak tayo na si Jehova ay nagmamahal at nagmamalasakit sa atin. Natural lamang na naisin nating m apalap ıt sa kaniya. Nais ng Anak na Isiwalat Siya 14 Sa kaniyang Salita, inilalaan ni Jehova ang pinakamatalik na pagsisiwalat ng kaniyang sarili sa pamamagitan ng kaniyang minamahal na Anak, si Jesus. Walang sinuman ang mas tumpak na makapagpapakilala sa pag-iisip at damdamin ng Diyos o mas malinaw na makapagpapaliwanag tungkol sa Kaniya maliban kay Jesus. Kung sa bagay, ang panganay na Anak na iyan ay umiiral na sa piling ng kaniyang Ama bago pa man lalangin ang ibang espiritung nilalang at ang pisikal na uniberso. (Colosas 1:15) Kilalang-kilala ni Jesus si Jehova. Kaya naman masasabi niya: Kung sino ang Anak ay walang nakaaalam kun- 14. Bakit masasabi na inilalaan ni Jehova ang pinakamatalik na pagsisiwalat ng kaniyang sarili sa pamamagitan ni Jesus? Isiniwalat ni Jehova ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng kaniyang mga gawang paglalang at ng kaniyang nasusulat na Salita

24 22 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA di ang Ama; at kung Sino ang Ama ay walang nakaaalam kundi ang Anak, at yaong sa kaniya ay nais ng Anak na isiwalat siya. (Lucas 10:22) Nang nasa lupa bilang tao, isiniwalat ni Jesus ang kaniyang Ama sa dalawang mahalagang paraan. 15 Una, ang mga turo ni Jesus ay tumutulong sa atin na makilala ang kaniyang Ama. Inilarawan ni Jesus si Jehova sa paraang nakasasaling sa ating puso. Halimbawa, upang ipaliwanag ang maawaing Diyos na muling tumatanggap sa mga nagsisising makasalanan, itinulad ni Jesus si Jehova sa isang mapagpatawad na ama na lubhang naantig nang makita ang kaniyang nagbabalik na alibughang anak anupat tumakbo siya at sumubsob sa leeg ng kaniyang anak at magiliw itong hinalikan. (Lucas 15:11-24) Inilarawan din ni Jesus si Jehova bilang isang Diyos na naglalapit sa matuwid-pusong mga tao sapagkat iniibig niya sila bilang mga indibiduwal. (Juan 6:44) Alam pa nga niya kapag nahuhulog sa lupa ang isang maliit na maya. Huwag kayong matakot, paliwanag ni Jesus, nagkakahalaga kayo nang higit kaysa sa maraming maya. (Mateo 10:29, 31) Tiyak na nanaisin nating maging malap ıt sa gayong mapagmalasakit na Diyos. 16 Ikalawa, ipinakikita sa atin ng halimbawa ni Jesus kung anong uri ng Diyos si Jehova. Ganap na nasasalamin kay Jesus ang kaniyang Ama anupat masasabi niya: Siya na nakakita sa akin ay nakakita rin sa Ama. (Juan 14:9) Kaya nga, kapag nababasa natin sa mga Ebanghelyo ang tungkol kay Jesus ang damdaming ipinamalas niya at ang paraan ng pakikitungo niya sa iba sa diwa ay nakikita natin ang isang buh ay na larawan ng kaniyang Ama. Wala nang iba pang mas maliwanag na pagsisiwalat ng kaniyang mga katangian ang maibibigay ni Jehova sa atin maliban diyan. Bakit? 17 Bilang paghahalimbawa: Gunigunihin na sinisikap mong ipaliwanag kung ano ang kabaitan. Maaari mong bigyang-kahulugan ito sa pamamagitan ng mga salita. Subalit kung may maituturo kang isang tao na aktuwal na gumagawa ng kabaitan at sasabihing, Iyan ang isang halimbawa ng kabaitan, ang salitang kabaitan ay nagkakaroon ng higit na kahulugan at nagiging mas madaling maunawaan. Ganiyan din ang ginawa ni Jehova upang tulungan tayong maunawaan kung anong uri siya ng Diyos. Bukod sa paglalara- 15, 16. Sa anong dalawang paraan isiniwalat ni Jesus ang kaniyang Ama? 17. Ilarawan kung ano ang ginawa ni Jehova upang tulungan tayong maunawaan kung anong uri siya ng Diyos.

25 TALAGA BANG MAKALALAPIT KA SA DIYOS? 23 wan sa kaniyang sarili sa pamamagitan ng mga salita, pinaglaanan niya tayo ng buh ay na halimbawa ng kaniyang Anak. Nakita kay Jesus kung paano aktuwal na ipinamamalas ang mga katangian ng Diyos. Sa pamamagitan ng mga ulat ng Ebanghelyo na naglalarawan kay Jesus, sa diwa, si Jehova ay nagsasabi: Ganiyan ako. Paano inilalarawan si Jesus ng kinasihang ulat nang siya y nasa lupa? 18 Buong kagandahang namalas kay Jesus ang apat na pangunahing katangian ng Diyos. Siya y may kapangyarihan sa sakit, gutom, maging sa kamatayan. Gayunman, di-gaya ng sakim na mga tao na umaabuso sa kanilang kapangyarihan, hinding-hindi siya gumamit ng makahimalang kapangyarihan para sa kaniyang sariling kapakanan o para saktan ang iba. (Mateo 4:2-4) Mahal niya ang katarungan. Ang kaniyang puso ay napuno ng matuwid na pagkagalit nang makitang pinagsasamantalahan ng di-makatarungang mga negosyante ang mga tao. (Mateo 21:12, 13) Pinakitunguhan niya ang mahihirap at ang naaapi nang walang pagkiling, anupat tinutulunganangmgaitona makasumpongngkaginhawahan para sa kanilang mga kaluluwa. (Mateo 11:4, 5, 28-30) Walang kapantay na karunungan ang nasa mga turo ni Jesus, na higit pa kaysa kay Solomon. (Mateo 12:42) Subalit hindi kailanman ipinagparangya ni Jesus ang kaniyang karunungan. Ang kaniyang mga salita ay nakaabot sa puso ng karaniwang mga tao, sapagkat ang kaniyang mga turo ay maliwanag, simple, at praktikal. 19 Si Jesus ay isang namumukod-tanging halimbawa ng pag-ibig. Sa buong ministeryo niya, nagpamalas siya ng pag-ibig sa maraming pitak nito, lakip na ang empatiya at pagkamahabagin. Hindi siya makatingin sa pagdurusa ng iba nang hindi nahahabag. Paulitulit, ang pagdadalang-habag na iyan ang nagpakilos sa kaniya. (Mateo 14:14) Bagaman pinagaling niya ang mga maysakit at pinakain ang mga nagugutom, si Jesus ay nagpakita ng habag sa isang lalo pang mahalagang paraan. Tinulungan niya ang iba na kilalanin, tanggapin, at ibigin ang katotohanan tungkol sa Kaharian ng Diyos, na magdudulot ng permanenteng pagpapala sa sangkatauhan. (Marcos 6:34; Lucas 4:43) Higit sa lahat, si Jesus ay nagpakita 18. Paano ipinamalas ni Jesus ang mga katangian ng kapangyarihan, katarungan, at karunungan? 19, 20. (a) Paanong si Jesus ay isang namumukod-tanging halimbawa ng pagibig? (b) Habang ating binabasa at binubulay-bulay ang halimbawa ni Jesus, ano ang dapat nating laging isaisip?

26 24 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Awit 15:1-5 Ano ang inaasahan ni Jehova sa mga nagnanais na maging kaibigan niya? Awit 34:1-18 Malapit kanino si Jehova, at anong pagtitiwala sa kaniya ang maaaring taglayin ng mga ito? Awit 145:18-21 Anong gawain sa ating bahagi ang maglalapit sa atin kay Jehova? 2 Corinto 6:14 7:1 Anong paggawi ang kailangan kung nais nating mapanatili ang isang malap ıt na kaugnayan kay Jehova? ng mapagsakripisyo-sa-sariling pag-ibig sa pamamagitan ng kusang pagbibigay ng kaniyang kaluluwa alang-alang sa iba. Juan 15: Nakapagtataka ba kung ang mga taong may iba t ibang edad at pinagmulan ay magnais na maging malap ıt sa lalaking ito na may magiliw na pagmamahal at masidhing damdamin? (Marcos 10:13-16) Gayunman, habang binabasa natin at binubulay-bulay ang buh ay na halimbawa ni Jesus, lagi nating isaisip na nakikita natin sa Anak na ito ang isang malinaw na larawan ng kaniyang Ama. Hebreo 1:3. Isang Pantulong sa Ating Pag-aaral 21 Sa pamamagitan ng napakalinaw na pagsisiwalat niya ng kaniyang sarili sa kaniyang Salita, nagbibigay-katiyakan si Jehova na nais niyang tayo ay m apalap ıt sa kaniya. Magkagayunman, hindi niya tayo pinipilit na magsikap na magkaroon ng isang sinang-ayunang kaugnayan sa kaniya. Pananagutan natin na hanapin si Jehova samantalang siya ay masusumpungan. (Isaias 55:6) Ang paghahanap kay Jehova ay nagsasangkot sa pag-alam ng kaniyang mga katangian at pamamaraan gaya ng isiniwalat sa Bibliya. Ang pantulong sa pag-aaral na binabasa mo ngayon ay dinisenyo upang tulungan ka sa pagsisikap na iyan. 22 Mapapansin mo na ang aklat na ito ay nahahati sa mga seksiyon may kaugnayan sa apat na pangunahing katangian ni Jehova: kapangyarihan, katarungan, karunungan, at pag-ibig. Bawat seksiyon 21, 22. Ano ang nasasangkot sa paghahanap kay Jehova, at ano ang nilalaman ng pantulong na ito upang matulungan tayo sa pagsisikap na ito?

27 TALAGA BANG MAKALALAPIT KA SA DIYOS? 25 ay nagsisimula sa isang sumaryo ng katangian. Ang sumunod na ilang kabanata ay tumatalakay kung paano ipinamamalas ni Jehova ang katangiang iyan sa iba t ibang aspekto nito. Bawat seksiyon ay naglalaman din ng isang kabanata na nagpapamalas kung paanong si Jesus ay naging halimbawa sa katangiang iyon, at gayundin ng isang kabanata na nagsusuri kung paano natin ito maipakikita sa ating buhay. 23 Simula sa kabanatang ito, may isang tampok na bahagi na pinamagatang Mga Tanong Para sa Pagbubulay-bulay. Halimbawa, tingnan ang kahon sa pahina 24. Ang mga kasulatan at mga tanong ay hindi dinisenyo bilang isang repaso ng kabanata. Sa halip, ang layunin ng mga ito ay upang tulungan kang mag-isip-isip sa iba pang mahahalagang aspekto ng paksa. Paano mo mabisang magagamit ang bahaging ito? Tingnan ang bawat binanggit na teksto, at maingat na basahin ang mga talata. Pagkatapos ay isaalang-alang ang tanong na kalakip sa bawat binanggit na teksto. Pag-isipang mabuti ang mga sagot. Maaari kang gumawa ng ilang pagsasaliksik. Itanong sa iyong sarili ang ilang karagdagang tanong: Ano ang sinasabi sa akin ng impormasyong ito tungkol kay Jehova? Paano ito nakaaapekto sa aking buhay? Paano ko ito magagamit upang tulungan ang iba? 24 Ang gayong pagbubulay-bulay ay makatutulong sa atin upang lalo pang m apalap ıt kay Jehova. Bakit? Iniuugnay ng Bibliya sa puso ang pagbubulay-bulay. (Awit 19:14) Kapag buong pagpapahalaga nating minumuni-muni ang ating natututuhan tungkol sa Diyos, ang impormasyon ay tumatagos sa ating makasagisag na puso, kung saan naaapektuhan nito ang ating pag-iisip, naaantig ang ating damdamin, at sa wakas ay nauudyukan tayong kumilos. Tumitindi ang ating pag-ibig sa Diyos, at dahil sa pag-ibig na iyan, napakikilos tayo na hangaring mapaluguran siya bilang ating pinakamamahal na Kaibigan. (1 Juan 5:3) Upang matamo ang gayong ugnayan, dapat na malaman natin ang mga katangian at pamamaraan ni Jehova. Gayunman, talakayin muna natin ang isang aspekto ng personalidad ng Diyos na naglalaan ng isang mahigpit na dahilan upang naising maging malap ıt sa kaniya ang kaniyang kabanalan. 23, 24. (a) Ipaliwanag ang tampok na bahagi na Mga Tanong Para sa Pagbubulay-bulay. (b) Paano nakatutulong sa atin ang pagbubulay-bulay upang naisin na lalo pang m apalap ıt sa Diyos?

28 K A B A N A T A 3 Banal, Banal, Banal si Jehova GAYON na lamang ang pagkasindak ni Isaias sa tanawing nasa harapan niya isang pangitain mula sa Diyos. Parang totoong-totoo! Pagkaraan ay isinulat ni Isaias na aktuwal na nakita [niya] si Jehova sa Kaniyang matayog na trono. Napuno ˆ ng mahabang laylayan ni Jehova ang napakalaking templo sa Jerusalem. Isaias 6:1, 2. 2 Nasindak din si Isaias sa kaniyang narinig napakalakas na pagaawitan anupat nauga nito ang templo hanggang sa mga pundasyon nito. Ang awit ay nagmumula sa mga serapin, mga espiritung nilalang na may napakataas na ranggo. Ang kanilang malakas at nagkakaisang tinig ay umalingawngaw na may simpleng mga salita ng karingalan: Banal, banal, banal si Jehova ng mga hukbo. Ang kabuuan ng buong lupa ay kaniyang kaluwalhatian. (Isaias 6:3, 4) Ang tatlong ulit na pag-awit ng salitang banal ay nagbibigay rito ng pantanging pagdiriin, at angkop lamang ito, sapagkat taglay ni Jehova ang pinakamataas na antas ng kabanalan. (Apocalipsis 4:8) Ang kabanalan ni Jehova ay idiniriin sa buong Bibliya. Daan-daang talata ang nag-uugnay ng kaniyang pangalan sa mga salitang banal at kabanalan. 3 Kung gayon, maliwanag na ang isa sa mga pangunahing bagay na nais ni Jehova na maunawaan natin tungkol sa kaniya ay na siya y banal. Gayunman, marami sa ngayon ang nayayamot sa mismong ideyang ito. Ang kabanalan ay may kamaliang iniuugnay ng ilan sa pagbibigay-matuwid sa sarili o pagbabanal-banalan. Para sa mga taong binabagabag ng isang negatibong pangmalas sa kanilang sarili, ang kabanalan ng Diyos ay baka lalong makatakot sa halip na makahikayat. Maaaring sila y nangangamba na hindi na sila kailanman magiging karapat-dapat na m apalap ıt sa banal na Diyos na ito. Kaya naman, marami ang lumalayo sa Diyos dahil sa kaniyang kabanalan. Nakalulungkot iyan, sapagkat ang kabanalan ng Diyos sa katunayan ay isang matibay na dahilan upang lu- 1, 2. Anong pangitain ang tinanggap ni propeta Isaias, at ano ang itinuturo nito sa atin tungkol kay Jehova? 3. Paanong ang mga maling pangmalas sa kabanalan ni Jehova ay nakaakay sa marami na lumayo sa Diyos sa halip na lumapit sa kaniya?

29 BANAL, BANAL, BANAL SI JEHOVA 27 mapit sa kaniya. Bakit? Bago natin sagutin ang tanong na iyan, pag-usapan muna natin kung ano ang tunay na kabanalan. Ano ang Kabanalan? 4 Ang pagiging banal ng Diyos ay hindi nangangahulugang siya y mapagmapuri, palalo, o mapanghamak sa iba. Sa kabaligtaran, kinapopootan niya ang mga ugaling ito. (Kawikaan 16:5; Santiago 4:6) Kung gayon, ano nga ba talaga ang kahulugan ng salitang banal? Sa Biblikal na Hebreo, ang salitang ito ay kinuha sa isang termino na nangangahulugang hiwalay. Sa pagsamba, ang banal ay kumakapit sa isang bagay na hiwalay sa karaniwang gamit, o na itinuturing na sagrado. Ang kabanalan ay nagdadala rin ng ideya ng pagiging malinis at dalisay. Paano kumakapit ang salitang ito kay Jehova? Nangangahulugan ba ito na siya y hiwalay sa di-sakdal na mga tao, anupat malayo sa atin? 5 Hindi naman. Bilang ang Banal ng Israel, inilarawan ni Jehova ang kaniyang sarili bilang nananahan sa gitna ng kaniyang bayan, bagaman sila y makasalanan. (Isaias 12:6; Oseas 11:9) Kaya ang kaniyang kabanalan ay hindi nagl alay o ˆ sa kaniya. Kung gayon, paano siya nagiging hiwalay? Sa dalawang mahalagang paraan. Una, siya ay hiwalay sa lahat ng mga nilalang sa dahilang siya lamang ang Kataas-taasan. Ang kaniyang kadalisayan, ang kaniyang kalinisan, ay ganap at walang limitasyon. (Awit 40:5; 83:18) Ikalawa, si Jehova ay lubusang hiwalay sa lahat ng kasalanan, at iyan ay nakaaaliw isipin. Bakit? 6 Tayo y nabubuhay sa isang daigdig na salat sa tunay na kabanalan. Lahat ng bagay sa lipunan ng tao na hiwalay sa Diyos ay marumi sa ilang antas, anupat may bahid ng kasalanan at dikasakdalan. Tayong lahat ay kailangang makipagbaka sa kasalanang nakapaloob sa atin. At tayong lahat ay nanganganib na madaig ng kasalanan kung tayo y hindi mag-iingat. (Roma 7:15-25; 1 Corinto 10:12) Wala kay Jehova ang gayong panganib. Palibhasa y lubusang hiwalay sa pagkakasala, hindi siya kailanman mababahiran ng bahagya mang bakas ng kasalanan. Pinatitibay nito ang ating pagtingin kay Jehova bilang ang ulirang Ama, sapagkat 4, 5. (a) Ano ang kahulugan ng kabanalan, at ano ang hindi kahulugan nito? (b) Sa anong dalawang mahalagang paraan hiwalay si Jehova? 6. Bakit nakaaaliw sa atin ang pagiging lubusang hiwalay ni Jehova sa kasalanan?

30 28 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA nangangahulugan ito na siya y lubusang maaasahan. Di-gaya ng maraming makasalanang amang tao, si Jehova ay hindi kailanman magiging tiwali, buktot, o mapang-abuso. Dahil sa kaniyang kabanalan, tiyak na imposibleng mangyari ang gayong bagay. Sa pana-panahon ay ipinanunumpa pa nga ni Jehova ang kaniyang kabanalan, sapagkat wala nang iba pang bagay na higit na mapagkakatiwalaan. (Amos 4:2) Hindi ba t iyan ay nakaaaliw? 7 Ang kabanalan ay likas kay Jehova. Ano ang ibig sabihin nito? Bilang halimbawa: Isaalang-alang ang mga salitang tao at disakdal. Hindi mo mailalarawan ang una nang hindi binabanggit ang huli. Ang di-kasakdalan ay nananaig sa atin at nakaiimpluwensiya sa lahat ng ating ginagawa. Isaalang-alang naman ngayon ang dalawang salita na ibang-iba Jehova at banal. Kabanalan ang nananaig kay Jehova. Lahat ng tungkol sa kaniya ay malinis, dalisay, at matuwid. Hindi natin makikilala kung sino talaga si Jehova hangga t hindi natin nauunawaang mabuti ang makahulugang salitang ito banal. Ang Kabanalan ay kay Jehova 8 Yamang si Jehova ang mismong larawan ng katangian ng kabanalan, makatuwiran lamang na sabihing siya ang bukal ng lahat ng kabanalan. Hindi niya buong-kasakimang sinasarili ang mahalagang katangiang ito; ibinabahagi niya ito sa iba, at ibinibigay niya ito nang sagana. Aba, nang makipag-usap ang Diyos kay Moises sa pamamagitan ng isang anghel sa nagniningas na palumpong, maging ang lugar sa palibot nito ay naging banal dahil sa koneksiyon nito kay Jehova! Exodo 3:5. 9 Maaari kayang maging banal ang di-sakdal na mga tao sa tulong ni Jehova? Oo, sa isang relatibong diwa. Binigyan ng Diyos ang kaniyang bayang Israel ng pag-asang maging isang banal na bansa. (Exodo 19:6) Pinagpala niya ang bansang iyon ng isang paraan ng pagsamba na banal, malinis, at dalisay. Kaya naman ang kabanalan ay isang paulit-ulit na tema ng Kautusang Mosaiko. Sa katunayan, ang mataas na saserdote ay may suot na isang gintong 7. Bakit masasabing ang kabanalan ay likas kay Jehova? 8, 9. Ano ang nagpapakita na tinutulungan ni Jehova ang di-sakdal na mga tao na maging banal sa isang relatibong diwa?

31 BANAL, BANAL, BANAL SI JEHOVA l amina sa harapan ng kaniyang turbante, kung saan makikita ng lahat ang pagkislap nito sa liwanag. Nakaukit dito ang mga salitang: Ang kabanalan ay kay Jehova. (Exodo 28:36) Kaya naman isang mataas na pamantayan ng kalinisan at kadalisayan ang magiging pagkakakilanlan ng kanilang pagsamba at, sa katunayan, ng kanilang paraan ng pamumuhay. Sinabi sa kanila ni Jehova: Magpakabanal kayo, sapagkat akong si Jehova na inyong Diyos ay banal. (Levitico 19:2) Hangga t ang mga Israelita ay namumuhay ayon sa payo ng Diyos sa abot-kaya ng di-sakdal na mga tao, sila y banal sa isang relatibong diwa. 10 Ang pagdiriing ito sa kabanalan ay ibang-iba sa pagsamba ng mga bansang nakapalibot sa Israel. Ang mga paganong bansang iyonaysumasambasamgadiyosnaangpag-iralngmgaitomismo ay isang kasinungalingan at panlilinlang, mga diyos na inilalarawan bilang marahas, sakim, at mahalay. Sila y di-banal sa lahat ng aspekto. Ang pagsamba sa gayong mga diyos ang dahilan kung bakit ang mga tao ay naging di-banal. Kaya naman, binabalaan ni Jehova ang kaniyang mga lingkod na manatiling hiwalay sa paganong mga mananamba at sa kanilang maruruming relihiyosong gawain. Levitico 18:24-28; 1 Hari 11:1, Kahit sa pinakamabuting kalagayan, ang piniling bansa ni Jehova na sinaunang Israel ay makapaglalaan lamang ng bahagyang larawan ng kabanalan ng makalangit na organisasyon ng Diyos. Ang milyun-milyong espiritung nilalang na tapat na naglilingkod sa Diyos ay tinutukoy bilang kaniyang laksa-laksang banal. (Deuteronomio 33:2; Judas 14) Ganap nilang inilalarawan ang maningning at dalisay na kagandahan ng kabanalan ng Diyos. At alalahanin ang mga serapin na nakita ni Isaias sa kaniyang pangitain. Ipinahihiwatig ng nilalaman ng kanilang awit na ang makapangyarihang mga espiritung nilalang na ito ay gumaganap ng mahalagang papel sa paghahayag ng kabanalan ni Jehova sa buong uniberso. Gayunman, isang espiritung nilalang ang nakatataas sa lahat ng mga ito ang bugtong na Anak ng Diyos. Si Jesus ang pinakadakilang larawan ng kabanalan ni Jehova. Makatuwi- 10. May kinalaman sa kabanalan, ano ang pagkakaiba ng sinaunang Israel at ng nakapalibot na mga bansa? 11. Paanong ang kabanalan ng makalangit na organisasyon ni Jehova ay maliwanagnanakikita(a)samgaanghel?(b)samgaserapin?(c)kayjesus? 29

32 30 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA ran lamang na makilala siya bilang ang Banal ng Diyos. Juan 6: 68, 69. Banal na Pangalan, Banal na Espiritu 12 Kumusta naman ang sariling pangalan ng Diyos? Gaya ng nakita natin sa Kabanata 1, ang pangalang iyan ay hindi basta titulo o katawagan lamang. Ito ay kumakatawan sa Diyos na Jehova, anupat saklaw nito ang lahat ng kaniyang katangian. Kaya naman, sinasabi sa atin ng Bibliya na ang kaniyang pangalan ay banal. (Isaias 57:15) Itinakda ng Kautusang Mosaiko ang parusang kamatayan sa sinumang lumapastangan sa pangalan ng Diyos. (Levitico 24:16) At pansinin kung ano ang inuna ni Jesus sa panalangin: Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan. (Mateo 6:9) Ang pagpapabanal sa isang bagay ay nangangahulugan ng pagbubukod dito bilang sagrado at pagsamba rito, pagtataguyod dito bilang banal. Subalit bakit kaya kailangan pang pakabanalin ang isang bagay na likas nang dalisay na gaya ng sariling pangalan ng Diyos? 13 Ang banal na pangalan ng Diyos ay tinuligsa at dinungisan ng mga kasinungalingan at paninirang-puri. Sa Eden, si Satanas ay nagsinungaling tungkol kay Jehova at nagpahiwatig na Siya y isang di-makatarungang Soberano. (Genesis 3:1-5) Mula noon, tiniyak ni Satanas ang tagapamahala ng di-banal na sanlibutang ito na lumaganap ang mga kasinungalingan tungkol sa Diyos. (Juan 8:44; 12:31; Apocalipsis 12:9) Inilarawan ng mga relihiyon ang Diyos bilang di-makatuwiran, malayo, ˆ o malupit. Inangkin nilang siya y sumusuporta sa kanilang uhaw-sa-dugong pagdidigmaan. Ang papuri sa kamangha-manghang gawang paglalang ng Diyos ay madalas na ibinibigay sa di-sinasadyang pagkakataon, o ebolusyon. Oo, ang pangalan ng Diyosaywalang-patumanggang siniraang-puri. Dapat itong pakabanalin; ang nararapat na kaluwalhatian nito ay dapat isauli. Nasasabik tayo sa pagpapabanal sa kaniyang pangalan at pagbabangong-puri sa kaniyang soberanya, at nalulugod tayong gumanap ng anumang bahagi sa dakilang layuning iyan. 12, 13. (a) Bakit angkop lamang na ilarawan ang pangalan ng Diyos bilang banal? (b) Bakit dapat pakabanalin ang pangalan ng Diyos?

33 BANAL, BANAL, BANAL SI JEHOVA May isa pang matalik na nauugnay kay Jehova na halos palaging tinatawag na banal ang kaniyang espiritu, o aktibong puwersa. (Genesis 1:2) Ginagamit ni Jehova ang di-mapipigilang puwersang ito upang isagawa ang kaniyang mga layunin. Lahat ng ginagawa ng Diyos ay ginagawa niya sa isang banal, dalisay, at malinis na paraan, kung kaya ang kaniyang aktibong puwersa ay angkop na tawaging banal na espiritu, o espiritu ng kabanalan. (Lucas 11:13; Roma 1:4) Ang pamumusong sa banal na espiritu, na nagsasangkot ng kusang pagsalansang sa mga layunin ni Jehova, ay isang di-mapatatawad na kasalanan. Marcos 3:29. Kung Bakit ang Kabanalan ni Jehova ay Naglalapit sa Atin sa Kaniya 15 Kung gayon, hindi mahirap unawain kung bakit pinag-uugnay ng Bibliya ang kabanalan ng Diyos at ang makadiyos na takot sa panig naman ng tao. Halimbawa, mababasa sa Awit 99:3: Purihin nila ang iyong pangalan. Dakila at kakila-kilabot, iyon ay banal. Gayunman, ang pangingilabot na ito ay hindi isang malagim na pagkatakot. Sa halip, ito ay isang matinding pagkadama ng mapitagang pagkasindak, ang pinakadakilang antas ng paggalang. Angkop lamang na makadama ng ganiyan, yamang gayon na lamang ang kahigitan sa atin ng kabanalan ng Diyos. Ito y nagniningning sa kalinisan at kaluwalhatian. Subalit hindi ito dahilan upang tayo y lumayo. Sa kabaligtaran, ang isang angkop na pangmalas sa kabanalan ng Diyos ay magl alap ıt sa atin sa kaniya. Bakit? 16 Una sa lahat, iniuugnay ng Bibliya ang kabanalan sa kagandahan. Sa Isaias 63:15, ang langit ay inilalarawan bilang ang marangal na tahanan ng kabanalan at kagandahan ng Diyos. Naaakit tayo ng kagandahan. Halimbawa, tingnan ang larawan sa pahina 33. Hindi ka ba naaakit sa tanawing iyan? Bakit ito lubhang nakahahalina? Pansinin kung gaano kalinaw tingnan ang tubig. Tiyak na maging ang hangin ay malinis din, sapagkat ang langit ay 14. Bakit tinawag na banal ang espiritu ng Diyos, at bakit napakaselang ng pamumusong sa banal na espiritu? 15. Bakit ang pagkakaroon ng makadiyos na takot ay isang angkop na pagtugon sa kabanalan ni Jehova, at ano ang nasasangkot sa gayong pagkatakot? 16. (a) Paano iniuugnay ang kabanalan sa kagandahan? Magbigay ng halimbawa. (b) Paanong ang mga paglalarawan kay Jehova sa mga pangitain ay nagbibigay-diin sa kalinisan, kadalisayan, at liwanag?

34 32 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA asul at ang liwanag ay waring kumikinang. Ngayon, kung babaguhin ang tanawing iyan ang batis ay barado sa basura, ang mga punungkahoy at mga bato ay pinapangit ng mga graffiti, ang hangin ay pinarumi ng usok hindi na tayo maaakit dito; mandidiri tayo. Natural lamang na iugnay natin ang kagandahan sa kalinisan, kadalisayan, at liwanag. Magagamit din ang mga salitang ito upang ilarawan ang kabanalan ni Jehova. Hindi nga kataka-takang mapahanga tayo sa mga paglalarawan kay Jehova sa mga pangitain! Kumikislap sa liwanag, nakasisilaw na parang batong-hiyas, nagliliwanag na gaya ng apoy o ng pinakadalisay at pinakamakinang na mamahaling metal ganiyan kaganda ang ating banal na Diyos. Ezekiel 1:25-28; Apocalipsis 4:2, Gayunman, dapat ba nating madama na tayo y napakababa kung ihahambing sa kabanalan ng Diyos? Mangyari pa, ang sagot ay oo. Kung tutuusin, tayo ay talaga namang mas mababa kay Jehova at ang ganitong pananalita ay kulang na kulang pa nga. Dahil ba sa pagkaalam nito ay dapat na tayong m apalay o ˆ sa kaniya? Isaalang-alang ang reaksiyon ni Isaias nang marinig ang paghahayag ng mga serapin sa kabanalan ni Jehova. Sinabi ko: Sa aba ko! Sapagkat para na rin akong pinatahimik, dahil ako ay lalaking may maruruming labi, at sa gitna ng isang bayan na may maruruming labi ay tumatahan ako; sapagkat nakita ng aking mga mata ang Hari mismo, si Jehova ng mga hukbo! (Isaias 6:5) Oo, ang walang-limitasyong kabanalan ni Jehova ay nagpaalaala kay Isaias kung gaano kalaki ang kaniyang kasalanan at di-kasakdalan. Sa pasimula, lubhang nasiraan ng loob ang tapat na taong iyon. Subalit hindi siya pinabayaan ni Jehova sa gayong kalagayan. 18 Agad na inaliw ng isang serapin ang propeta. Paano? Lumipad patungong altar ang makapangyarihang espiritu, kumuha ng isang uling mula roon, at isinal ıng ang uling sa mga labi ni Isaias. Waring lalong makasasakit iyan kaysa makaaliw. Subalit, alalahanin na ito y isang pangitain na sagana sa makasagisag na kahulugan. Alam na alam ni Isaias, isang tapat na Judio, na ang mga hain ay inihahandog araw-araw sa altar ng templo 17, 18. (a) Paanong sa pasimula y naapektuhan si Isaias ng kaniyang pangitain? (b) Paano ginamit ni Jehova ang isang serapin upang aliwin si Isaias, at ano ang kahulugan ng ginawa ng serapin?

35 Kung paanong naaakit tayo ng kagandahan, dapat na maakit din tayo ng kabanalan

36 34 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Levitico 19:1-18 Upang maging banal ang ating paggawi, anong mga simulain ang dapat nating ikapit? Deuteronomio 23:9-14 Paano nauugnay ang personal na kalinisan sa kabanalan? Paano dapat maapektuhan nito ang ating pananamit at pagaayos at ang ating tahanan? Roma 6:12-23; 12:1-3 Habang sinisikap nating magpakabanal, paano natin dapat malasin ang kasalanan at ang mga impluwensiya ng sanlibutang ito? Hebreo 12:12-17 Paano natin maaaring itaguyod ang pagpapabanal, o kabanalan? upang magbayad-sala sa mga kasalanan. At maibiging pinaalalahanan ng serapin ang propeta na bagaman siya y hindi nga sakdal, may maruruming labi, maaari pa rin siyang magkaroon ng isang malinis na katayuan sa harap ng Diyos. HandasiJehovana malasin ang isang di-sakdal at makasalanang tao bilang banal sa isang relatibong diwa sa paanuman. Isaias 6:6, Gayundin naman sa ngayon. Ang lahat ng mga haing iyon na inihandog sa altar sa Jerusalem ay mga anino lamang ng isang bagay na lalong dakila ang isang sakdal na hain, na inihandog ni Jesu-Kristo noong 33 C.E. (Hebreo 9:11-14) Kung talagang pinagsisisihan natin ang ating mga kasalanan, itinutuwid ang ating maling landasin, at sinasampalatayanan ang haing iyan, tayo ay pinatatawad. (1 Juan 2:2) Tayo rin ay maaaring magtamasa ng isang malinis na katayuan sa harap ng Diyos. Kaya naman ipinaaalaala ni apostol Pedro sa atin: Nasusulat: Magpakabanal kayo, sapagkat ako ay banal. (1 Pedro 1:16) Pansinin na hindi sinabi ni Jehova na Angkop lamang ang pananalitang may maruruming labi, yamang ang mga labi ay madalas na ginagamit ng Bibliya sa makasagisag na paraan upang kumatawan sa pagsasalita o wika. Sa lahat ng di-sakdal na mga tao, ang isang mataas na porsiyento ng mga kasalanan ay dahil sa paraan ng ating paggamit ng kakayahang magsalita. Kawikaan 10:19; Santiago 3:2, Paano kaya tayo posibleng maging banal sa isang relatibong diwa, bagaman tayo y di-sakdal?

37 BANAL, BANAL, BANAL SI JEHOVA 35 dapat tayong maging kasing banal niya. Hindi niya kailanman inaasahan sa atin ang mga bagay na imposible. (Awit 103:13, 14) Sa halip, sinasabi ni Jehova sa atin na tayo y magpakabanal sapagkat siya ay banal. Bilang mga anak na minamahal, hinahangad natin na matularan siya sa abot ng ating makakaya bilang di-sakdal na mga tao. (Efeso 5:1) Kaya ang pag-abot sa kabanalan ay kailangang patuloy na gawin. Habang sumusulong tayo sa espirituwal, ating pinasasakdal ang kabanalan sa araw-araw. 2 Corinto 7:1. 20 Si Jehova ay umiibig sa anumang bagay na matuwid at dalisay. Kinapopootan niya ang kasalanan. (Habakuk 1:13) Subalit hindi siya napopoot sa atin. Hangga t ang pangmalas natin sa kasalanan ay gaya ng sa kaniya napopoot sa masama, umiibig sa mabuti at nagsisikap na sumunod sa sakdal na mga yapak ni Kristo Jesus, pinatatawad ni Jehova ang ating mga kasalanan. (Amos 5:15; 1 Pedro 2:21) Kapag nauunawaan natin na maaari tayong maging malinis sa paningin ng ating banal na Diyos, ang epekto nito ay napakalaki. Tandaan, ang kabanalan ni Jehova sa pasimula y nagpaalaala kay Isaias ng kaniyang sariling karumihan. Humiyaw siya: Sa aba ko! Subalit nang maunawaan niyang naipagbayad-sala na ang kaniyang mga kasalanan, nagbago ang kaniyang pangmalas. Nang humiling si Jehova ng isang boluntaryo upang magsagawa ng isang atas, agad na tumugon si Isaias, bagaman hindi pa niya alam kung ano ang nasasangkot dito. Bumulalas siya: Narito ako! Isugomoako. Isaias6: Tayo y nilalang ayon sa larawan ng banal na Diyos, pinagkalooban ng moral na mga katangian at ng kakayahang umunawa ng espirituwal na mga bagay. (Genesis 1:26) Tayong lahat ay may potensiyal para sa kabanalan. Habang patuloy nating nililinang ang kabanalan, nalulugod si Jehova na tumulong. Sa paggawa nito, lalo tayong m apapalap ıt sa ating banal na Diyos. Bukod diyan, habang isinasaalang-alang natin ang mga katangian ni Jehova sa susunod na mga kabanata, makikita natin na maraming matitibay na dahilan upang maging malap ıt sa kaniya! 20. (a) Bakit mahalagang maunawaan na maaari tayong maging malinis sa paningin ng ating banal na Diyos? (b) Paano naapektuhan si Isaias nang malaman niyang naipagbayad-sala na ang kaniyang mga kasalanan? 21. Anong saligan mayroon tayo upang magtiwalang malilinang natin ang katangian ng kabanalan?

38 S E K S I Y O N 1 MALAKAS ANG KAPANGYARIHAN Sa seksiyong ito ay susuriin natin ang mga ulat ng Bibliya na nagpapatunay sa kapangyarihan ni Jehova na lumalang, pumuksa, magsanggalang, at magsauli. Malilipos ng panggigilalas ang ating puso sa pagkaunawa kung paano ginagamit ng Diyos na Jehova, na malakas ang kapangyarihan, ang kaniyang dinamikong lakas. Isaias 40:26.

39 K A B A N A T A 4 SiJehovaay...Dakila sa Kapangyarihan NAKAKITA na si Elias noon ng nakapagtatakang mga bagay. Nakakita na siya ng mga uwak na nagdadala sa kaniya ng pagkain nang makalawa sa isang araw habang siya y nagt atag o. ˆ Nakakita na siya ng dalawang lalagyan na pinagkukunan ng harina at langis sa loob ng mahabang taggutom at hindi kailanman nauubusan ng laman ang mga ito. Nakakita pa nga siya ng apoy na nahuhulog mula sa langit bilang tugon sa kaniyang panalangin. (1 Hari, kabanata 17, 18) Subalit hindi pa nakakakita si Elias ng anumang katulad nito. 2 Habang siya y nakayukyok malapit sa bunganga ng isang kuweba sa Bundok Horeb, nasaksihan niya ang sunud-sunod na kagilagilalas na mga pangyayari. Humangin muna. Tiyak na iyon ay isang umaalimpuyo at nakabibinging hugong, dahil napakalakas nito anupat nahati tuloy ang mga bundok at nadurog ang malalaking bato. Pagkatapos ay lumindol, anupat nag-umalpas ang napakalalakas na puwersang nakakulong sa ilalim ng balat ng lupa. Pagkatapos ay may lumabas na apoy. Habang kumakalat ito sa buong rehiyon, malamang na nadama ni Elias ang buga ng nakapapasong init nito. 1 Hari 19: Ang lahat ng iba t ibang pangyayaring ito na nasaksihan ni Elias ay magkakatulad sa isang bagay ang mga ito y pagpapamalas ng dakilang kapangyarihan ng Diyos na Jehova. Mangyari pa, hindi na kailangang makasaksi tayo ng isang himala upang mapag-unawang taglay nga ng Diyos ang katangiang ito. Kitang-kita na agad ito. Sinasabi sa atin ng Bibliya na ang paglalang ay katibayan ng walanghanggang kapangyarihan at pagka-diyos ni Jehova. (Roma 1:20) Isipin na lamang ang nakabubulag na mga kidlat at dumadagundong na mga kulog ng bagyo, ang marilag na paglagaslas ng isang malaking talon, ang di-malirip na kalawakan ng mabituing kalangitan! Hindi mo ba nakikita ang kapangyarihan ng Diyos sa mga tana- 1, 2. Anu-anong nakapagtatakang bagay ang nakita na ni Elias sa kaniyang buhay, subalit anong kagila-gilalas na mga pangyayari ang nasaksihan niya mula sa kuweba sa Bundok Horeb? 3. Nasaksihan ni Elias ang katunayan ng anong katangian ng Diyos, at saan natin makikita ang katunayan ng katangian ding ito?

40 38 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA wing iyan? Magkagayunman, iilan na lamang sa daigdig sa ngayon ang tunay na kumikilala sa kapangyarihan ng Diyos. Mas kakaunti pa nga ang may tamang pangmalas dito. Subalit ang pagkaunawa sa katangiang ito ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng maraming dahilan upang maging higit na malap ıt kay Jehova. Pasisimulan natin sa seksiyong ito ang isang detalyadong pag-aaral tungkol sa walang-kapantay na kapangyarihan ni Jehova. Isang Mahalagang Katangian ni Jehova 4 Si Jehova ay walang katulad sa kapangyarihan. Ang Jeremias 10:6 ay nagsasabi: Talagang walang sinumang katulad mo, O Jehova. Ikaw ay dakila, at ang iyong pangalan ay dakila sa kalakasan. Pansinin na ang kalakasan, o kapangyarihan, ay kaugnay ng pangalan ni Jehova. Tandaan, ang pangalang ito ay lumilitaw na nangangahulugang Kaniyang Pinangyayaring Magkagayon. Ano ang nagpapangyari kay Jehova na lalangin ang anumang gusto niya at maging yaong anumang magustuhan niya? Kapangyarihan, una sa lahat. Oo, ang kakayahan ni Jehova na kumilos, upang isagawa ang kaniyang kalooban, ay walang limitasyon. Ang gayong kapangyarihan ay isa sa kaniyang mahahalagang katangian. 5 Dahil hindi natin kailanman mauunawaan ang buong lawak ng kaniyang kapangyarihan, gumamit si Jehova ng mga ilustrasyon upang matulungan tayo. Gaya ng nakita na natin, ginamit niya ang toro upang sumagisag sa kaniyang kapangyarihan. (Ezekiel 1:4-10) Angkop lamang na piliin iyan, sapagkat kahit ang pinaamong toro ay isa nang napakalaki at makapangyarihang nilalang. Ang mga tao sa Palestina noong panahon ng Bibliya ay bihirang mapaharap, sakali man, sa anumang mas malakas pa rito. Subalit alam nila na may mas nakatatakot na uri ng toro ang torong gubat, o aurochs, na malaon nang naglaho mula noon. (Job 39:9-12) Minsan ay binanggit ng Romanong emperador na si Julius Caesar na ang mga torong ito ay halos kasinlaki ng mga elepante. Napakalalakas ng mga ito, isinulat niya, at napakabibilis ng mga ito. Gunigunihin na lamang kung gaano ka kaliit at kahina kapag napatabi ka sa gayong nilalang! 6 Sa katulad na paraan, ang tao ay mahina at walang magaga- 4, 5. (a) Ano ang kaugnayan ng pangalan ni Jehova at ng kaniyang kalakasan, o kapangyarihan? (b) Bakit angkop lamang na piliin ni Jehova ang toro upang sumagisag sa kaniyang kapangyarihan? 6. Bakit si Jehova lamang ang tinatawag na ang Makapangyarihan-sa-lahat? Narito! si Jehova ay dumaraan

41

42 40 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA wa kung ihahambing sa makapangyarihang Diyos na si Jehova. Sa kaniya, maging ang malalakas na bansa ay gaya lamang ng isang manipis na alikabok sa isang pares ng timbangan. (Isaias 40:15) Di-gaya ng anumang nilalang, walang limitasyon ang kapangyarihan ni Jehova, sapagkat siya lamang ang tinatawag na ang Makapangyarihansa-lahat. (Apocalipsis 15:3) Si Jehova ay malakas ang kapangyarihan at nagtataglay ng kasaganaan ng dinamikong lakas. (Isaias 40:26) Siya ang ubod-sagana at di-nasasaid na bukal ng kapangyarihan. Hindi siya umaasa sa ibang mapagkukunan ng lakas, sapagkat ang kalakasan ay nauukol sa Diyos. (Awit 62:11) Kung gayon, paano ginagamit ni Jehova ang kaniyang kapangyarihan? Kung Paano Ginagamit ni Jehova ang Kaniyang Kapangyarihan 7 Ang banal na espiritu ay dumadaloy mula kay Jehova nang walang pagkaubos. Ito ang kumikilos na kapangyarihan ng Diyos. Sa katunayan, sa Genesis 1:2, tinutukoy ito ng Bibliya na aktibong puwersa ng Diyos. Sa ibang mga konteksto, ang orihinal na mga salitang Hebreo at Griego na isinaling espiritu ay maaaring isaling hangin, hininga, at buga. Ayon sa mga leksikograpo, ang mga salita sa orihinal na wika ay nagpapahiwatig ng isang di-nakikitang kumikilos na puwersa. Gaya ng hangin, ang espiritu ng Diyos ay hindi nakikita ng ating mga mata, subalit ang mga epekto nito ay tunay at kapuna-puna. 8 Walang hangganan ang mapaggagamitan ng banal na espiritu ng Diyos. Nagagamit ito ni Jehova upang ganapin ang anumang layuning iniisip niya. Angkop lamang kung gayon, na sa Bibliya, ang espiritu ng Diyos ay makasagisag na tinatawag na kaniyang daliri, kaniyang malakas na kamay, o kaniyang unat na bisig. (Lucas 11:20; Deuteronomio 5:15; Awit 8:3) Kung paanong maaaring magamit ng isang tao ang kaniyang kamay sa sari-saring gawain na humihiling ng iba t ibang antas ng lakas o kahusayan, gayundin maaaring gamitin ng Diyos ang kaniyang espiritu upang ganapin ang Ang salitang Griego na isinaling Makapangyarihan-sa-lahat ay literal na nangangahulugang Tagapamahala sa Lahat; Isa na Nagtataglay ng Lahat ng Kapangyarihan. 7. Ano ang banal na espiritu ni Jehova, at ano ang ipinahihiwatig ng mga salita sa orihinal na wikang ginamit sa Bibliya? 8. Sa Bibliya, ano ang makasagisag na tawag sa espiritu ng Diyos, at bakit angkop lamang ang mga pagtutulad na ito?

43 SIJEHOVAAY...DAKILASAKAPANGYARIHAN 41 anumang layunin gaya ng paglikha sa pagkaliliit na atomo o paghahati sa Dagat na Pula o pagpapangyari sa unang-siglong mga Kristiyano na makapagsalita ng ibang wika. 9 Ginagamit din ni Jehova ang kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang awtoridad bilang Pansansinukob na Soberano. Maguguniguni mo ba na mayroon kang milyun-milyong matatalino at may-kakayahang sakop na handang sumunod sa iyong utos? Hawak ni Jehova ang gayong kapangyarihang mamahala. Mayroon siyang lingkod na mga tao, na sa Kasulatan ay madalas na inihahalintulad sa isang hukbo. (Awit 68:11; 110:3) Gayunman, ang tao ay isang mahinang nilalang kung ihahambing sa anghel. Aba, nang salakayin ng hukbong Asiryano ang bayan ng Diyos, pinatay ng iisang anghel ang 185,000 sundalong iyon sa loob ng isang gabi! (2 Hari 19:35) Ang mga anghel ng Diyos ay makapangyarihan sa kalakasan. Awit 103:19, Gaano karami ang mga anghel? Namalas ni propeta Daniel ang langit sa pangitain na doo y nakita niya ang mahigit na 100 milyong espiritung nilalang sa harap ng trono ni Jehova, subalit walang pahiwatig na nakita niya ang lahat ng nilalang na mga anghel. (Daniel 7:10) Kaya posibleng may daan-daang milyong anghel. Kaya naman ang tawag sa Diyos ay Jehova ng mga hukbo. Ang titulong ito ay naglalarawan ng kaniyang makapangyarihang posisyon bilang Kumandante ng napakalaki at organisadong hanay ng makapangyarihang mga anghel. Sa ibabaw ng lahat ng espiritung nilalang na ito, inilagay niya ang isang tagapangasiwa, ang kaniyang sariling minamahal na Anak, ang panganay sa lahat ng nilalang. (Colosas 1:15) Bilang ang arkanghel pinuno ng lahat ng mga anghel, serapin, at kerubin si Jesus ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng nilalang ni Jehova. 11 May iba pang paraan si Jehova sa paggamit ng kapangyarihan. AngHebreo4:12aynagsasabi: AngsalitangDiyosaybuh ay at may lakas. Napansin mo ba ang pambihirang kapangyarihan ng salita ng Diyos, o kinasihan-ng-espiritung mensahe, na iniingatan ngayon sa Bibliya? Ito ay maaaring magpalakas sa atin, magpatibay ng ating pananampalataya, at tumulong sa atin na gumawa ng malalaking 9. Gaano kalawak ang kapangyarihang mamahala ni Jehova? 10. (a) Bakit ang tawag sa Kataas-taasan ay Jehova ng mga hukbo? (b) Sino ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng nilalang ni Jehova? 11, 12. (a) Sa anong mga paraan may lakas ang salita ng Diyos? (b) Paano pinatotohanan ni Jesus ang lawak ng kapangyarihan ni Jehova?

44 42 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA pagbabago sa ating sarili. Binabalaan ni apostol Pablo ang kapuwa niya mga mananamba laban sa mga taong nagsasagawa ng napakahahalay na istilo ng pamumuhay. Pagkatapos ay idinagdag niya: Gayunma y ganiyan ang ilan sa inyo noon. (1 Corinto 6:9-11) Oo, nagkabisa sa kanila ang lakas ng salita ng Diyos at tumulong sa kanila upang magbago. 12 Napakalakas ng kapangyarihan ni Jehova at ang paraan ng kaniyang paggamit nito ay napakabisa anupat walang makahahadlang dito. Sinabi ni Jesus: Sa Diyos ay posible ang lahat ng mga bagay. (Mateo 19:26) Sa anong mga layunin ginagamit ni Jehova ang kaniyang kapangyarihan? Kapangyarihang Inuugitan ng Layunin 13 AngespirituniJehovaayisangbagaynalalongmasmalakaskaysa sa anumang pisikal na puwersa; at si Jehova ay hindi isang puwersang walang personalidad, anupat basta bukal lamang ng kapangyarihan. Siya y isang Diyos na persona na may lubusang kontrol sa kaniyang sariling kapangyarihan. Kung gayon, ano ang nag-uudyok sa kaniya na gamitin ito? 14 Gaya ng makikita natin, ginagamit ng Diyos ang kapangyarihan upang lumalang, pumuksa, magsanggalang, magsauli sa maikli, upang gawin ang anumang naaangkop sa kaniyang sakdal na mga layunin. (Isaias 46:10) Sa ilang pagkakataon, ginagamit ni Jehova ang kaniyang kapangyarihan upang isiwalat ang mahahalagang aspekto ng kaniyang personalidad at mga pamantayan. Higit sa lahat, ginagamit niya ang kaniyang kapangyarihan upang ganapin ang kaniyang kalooban upang ipagbangong-puri ang kaniyang soberanya at pakabanalin ang kaniyang banal na pangalan sa pamamagitan ng Mesiyanikong Kaharian. Walang anumang makahahadlang sa layuning iyan. 15 Ginagamit din ni Jehova ang kaniyang kapangyarihan upang tayo y makinabang bilang mga indibiduwal. Pansinin ang sinasabi ng 2 Cronica 16:9: Kung tungkol kay Jehova, ang kaniyang mga mata ay lumilibot sa buong lupa upang ipakita ang kaniyang lakas alangalang sa mga may pusong sakdal sa kaniya. Ang karanasan ni Elias, 13, 14. (a) Bakit natin masasabi na si Jehova ay hindi isang walang-personalidad na bukal ng kapangyarihan? (b) Sa anong mga paraan ginagamit ni Jehova ang kaniyang kapangyarihan? 15. Ginagamit ni Jehova ang kaniyang kapangyarihan sa anong layunin may kaugnayan sa kaniyang mga lingkod, at paano ito itinanghal sa nangyari kay Elias?

45 SIJEHOVAAY...DAKILASAKAPANGYARIHAN 43 na binanggit sa pasimula, ay isang halimbawa. Bakit kaya siya pinagpakitaan ni Jehova ng kasindak-sindak na pagtatanghal ng kapangyarihan ng Diyos? Buweno, isinumpa ng balakyot na si Reyna Jezebel na ipapapatay niya si Elias. Ang propeta ay kasalukuyang tumatakas upang iligtas ang kaniyang buhay. Nakadama siya ng pangungulila, takot, at panghihina ng loob na para bang nawalan na ng kabuluhan ang lahat ng kaniyang pagpapagal. Upang maaliw ang nababagabag na lalaking ito, buong-linaw na ipinaalaala ni Jehova kay Elias ang tungkol sa kapangyarihan ng Diyos. Ang hangin, ang lindol, at ang apoy ay nagpakita na ang pinakamakapangyarihang Persona sa uniberso ay naroroong kasama ni Elias. Ano ang ikatatakot niya kay Jezebel, gayong kapiling niya ang Diyos na makapangyarihan sa lahat? 1 Hari 19: Bagaman hindi niya panahon ngayon na gumawa ng mga himala, hindi nagbabago si Jehova mula pa noong panahon ni Elias. (1 Corinto 13:8) Gayon pa rin ang kaniyang pananabik sa ngayon na gamitin ang kaniyang kapangyarihan alang-alang sa mga umiibig sa kaniya. Totoo nga t siya y nananahan sa isang matayog na dako ng mga espiritu, subalit hindi siya malayo sa atin. Ang kaniyang kapangyarihan ay walang limitasyon, kaya hindi hadlang ang distansiya. Bagkus, si Jehova ay malapit sa lahat ng tumatawag sa kaniya. (Awit 145:18) Nang minsang humingi ng tulong si propeta Daniel kay Jehova, lumitaw ang isang anghel bago pa man matapos ang kaniyang panalangin! (Daniel 9:20-23) Walang anumang makahahadlang kay Jehova sa pagtulong at pagpapalakas sa mga iniibig niya. Awit 118:6. Mahirap Bang Lapitan ang Diyos Dahil sa Kaniyang Kapangyarihan? 17 Kailangan ba tayong matakot sa Diyos dahil sa kaniyang kapangyarihan? Ang dapat na isagot natin ay oo at hindi. Oo, sapagkat Sinasabi ng Bibliya na si Jehova ay wala sa hangin..., sa pagyanig..., sa apoy. Di-gaya ng mga sumasamba sa maalamat na mga diyos ng kalikasan, ang mga lingkod ni Jehova ay hindi naghahanap sa kaniya sa loob ng mga puwersa ng kalikasan. Pagkalaki-laki niya para magkasya sa loob ng anumang bagay na nilalang niya. 1 Hari 8: Bakit tayo makasusumpong ng kaaliwan sa pagbubulay-bulay sa dakilang kapangyarihan ni Jehova? 17. Sa anong diwa nagpapadama sa atin ng pagkatakot ang kapangyarihan ni Jehova, subalit anong uri ng pagkatakot ang hindi nito ipinadarama?

46 44 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA ang katangiang ito ay nagbibigay sa atin ng sapat na dahilan upang makadama ng makadiyos na takot, ang matinding pagkasindak at paggalang na ating maikling tinalakay sa naunang kabanata. Ang gayong pagkatakot, sabi sa atin ng Bibliya, ay pasimula ng karunungan. (Awit 111:10) Gayunman, ang sagot din natin ay hindi, sapagkat ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi dapat na maging dahilan upang makadama tayo ng isang malagim na pagkatakot sa kaniya o kaya y mag-atubiling lumapit sa kaniya. 18 Ang kapangyarihan ay may tendensiyang magpasama; ˆ ang ganap na kapangyarihan ay ganap na nagpapasama. ˆ Iyan ang isinulat ng istoryador na Ingles na si Lord Acton noong Madalas na ulitin ang kaniyang pangungusap, dahil marahil sa nakikita ng maraming tao na ito y talagang totoo. Ang di-sakdal na mga tao ay madalas na umaabuso sa kapangyarihan, gaya ng paulit-ulit na pinatutunayan ng kasaysayan. (Eclesiastes 4:1; 8:9) Dahil dito, marami tuloy ang nawawalan ng tiwala sa mga makapangyarihan at nilalayuan ang mga ito. Ngayon, si Jehova ay may lubos na kapangyarihan. Nagpasama ˆ ba ito sa kaniya sa anumang paraan? Hinding-hindi! Gaya ng nakita natin, siya ay banal at talagang tapat. Si Jehova ay hindi katulad ng di-sakdal na makapangyarihang mga tao sa masamang sanlibutang ito. Hindi siya kailanman umabuso sa kaniyang kapangyarihan, at hindi niya gagawin iyon kailanman. 19 Tandaan, hindi lamang kapangyarihan ang katangian ni Jehova. Pag-aaralan pa natin ang kaniyang katarungan, ang kaniyang karunungan, at ang kaniyang pag-ibig. Subalit huwag nating iisipin na ang mga katangian ni Jehova ay ipinamamalas sa isang mahigpit at mekanikal na paraan, na para bang paisa-isang katangian lamang ang kaniyang ipinamamalas. Sa kabaligtaran, makikita natin sa susunod na mga kabanata na si Jehova ay palaging gumagamit ng kaniyang kapangyarihan kasuwato ng kaniyang katarungan, ng kaniyang karunungan, at ng kaniyang pag-ibig. Pag-isipan ang isa pang katangiang taglay ng Diyos, isa na bihirang makita sa makasanlibutang mga tagapamahala pagpipigil sa sarili. 18. (a) Bakit marami ang nawawalan ng tiwala sa makapangyarihang mga tao? (b) Paano natin nalalaman na si Jehova ay hindi maaaring pasamain ng kaniyang kapangyarihan? 19, 20. (a) Kasuwato ng ano pang mga katangian palaging ginagamit ni Jehova ang kaniyang kapangyarihan, at bakit ito nakaaaliw? (b) Paano mo mailalarawan ang pagpipigil-sa-sarili ni Jehova, at bakit ito kaakit-akit sa iyo?

47 SIJEHOVAAY...DAKILASAKAPANGYARIHAN 45 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay 2Cronica16:7-13Paano ipinakikita sa halimbawa ni Haring Asa ang kaselangan ng hindi pagtitiwala sa kapangyarihan ni Jehova? Awit 89:6-18 Anong epekto mayroon ang kapangyarihan ni Jehova sa kaniyang mga mananamba? Isaias 40:10-31 Paano inilalarawan dito ang kapangyarihan ni Jehova, gaano ito kalawak, at paano tayo makikinabang dito bilang indibiduwal? Apocalipsis 11:16-18 Ano ang ipinangako ni Jehova na gagawin niya sa hinaharap sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, at bakit ito nakaaaliw sa tunay na mga Kristiyano? 20 Ipagpalagay mong nakatagpo ka ng isang lalaking napakalaki at napakalakas anupat natakot ka sa kaniya. Subalit, nang maglaon ay napansin mong mukhang maamo naman pala siya. Palagi siyang nakahanda at may hangaring gamitin ang kaniyang kapangyarihan upang matulungan at maipagsanggalang ang mga tao, lalo na ang mga walang kalaban-laban at mahihina. Hindi niya kailanman inaabuso ang kaniyang lakas. Nakita mong sinisiraan siya nang walang dahilan, pero nananatili siyang matatag ngunit mahinahon, kagalang-galang, mabait pa nga. Nag-iisip ka tuloy kung makapagpapakita ka ng gayunding kaamuan at pagpipigil, lalo na kung ganoon ka kalakas! Habang higit mong nakikilala ang gayong tao, hindi ba t unti-unti kang n apapalap ıt sa kaniya? Mas lalo tayong napakaraming dahilan upang maging malap ıt kay Jehova na makapangyarihan sa lahat. Isaalang-alang ang buong pangungusap na pinagsaligan ng pamagat ng kabanatang ito: Si Jehova ay mabagal sa pagkagalit at dakila sa kapangyarihan. (Nahum 1:3) Si Jehova ay hindi padalus-dalos sa paggamit ng kaniyang kapangyarihan laban sa mga tao at maging sa mga balakyot. Siya y mahinahong-loob at mabait. Siya y napatunayang mabagal sa pagkagalit sa kabila ng maraming panunulsol. Awit 78: Isaalang-alang ang pagpipigil ni Jehova sa sarili sa iba namang anggulo. Kung ikaw ay may kapangyarihang walang limitasyon, sa 21. Bakit hindi pinipilit ni Jehova ang mga tao na gawin ang kaniyang kalooban, at ano ang itinuturo nito sa atin tungkol sa kaniya?

48 46 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA palagay mo kaya y matutukso ka, paminsan-minsan, na obligahin ang mga tao na gawin ang mga bagay sa paraang gusto mo? Si Jehova, taglay ang lahat ng kapangyarihan, ay hindi pumipilit sa mga tao na maglingkod sa kaniya. Bagaman ang paglilingkod sa Diyos ang tanging daan tungo sa buhay na walang hanggan, hindi tayo pinupuwersa ni Jehova sa gayong paglilingkod. Bagkus, buong-kabaitan niyang binibigyang-dangal ang bawat indibiduwal sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kalayaang pumili. Nagbababala siya tungkol sa mga ibubunga ng di-matalinong pagpili at sinasabi niya ang mga magiging gantimpala naman ng matalinong pagpili. Subalit ipinauubayaniyasaatinangpagpilimismo.(deuteronomio30:19,20) Walang kainte-interes si Jehova sa paglilingkod na isinasagawa dahil sa napipilitan lamang o dahil sa malagim na pagkatakot sa kaniyang kasindak-sindak na kapangyarihan. Hinahanap niya yaong mga maglilingkod sa kaniya nang may pagkukusa, dahil sa pag-ibig. 2 Corinto 9:7. 22 Tingnan natin ang huling dahilan kung bakit hindi tayo kailangang mamuhay nang may panghihilakbot sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Karaniwan nang natatakot ang makapangyarihang mga tao na ibahagi ang kanilang kapangyarihan sa iba. Gayunman, nalulugod si Jehova na bigyan ng kapangyarihan ang kaniyang tapat na mga mananamba. Ipinagkakatiwala niya sa iba ang malaking awtoridad, gaya halimbawa sa kaniyang Anak. (Mateo 28:18) Binibigyan din ni Jehova ng kapangyarihan ang kaniyang mga lingkod sa iba pang paraan. Nagpapaliwanag ang Bibliya: Sa iyo, O Jehova, ang kadakilaan at ang kalakasan at ang kagandahan at ang kagalingan at ang dangal; sapagkat ang lahat ng bagay sa langit at sa lupa ay sa iyo.... Sa iyong kamay ay may kapangyarihan at kalakasan, at nasa iyong kamay ang kakayahang magpadakila at magbigay ng lakas sa lahat. 1 Cronica 29:11, Oo, malulugod si Jehova na bigyan ka ng lakas. Nagkakaloob pa nga siya ng lakas na higit sa karaniwan doon sa mga nagnanais na maglingkod sa kaniya. (2 Corinto 4:7) Hindi ka ba m apapalap ıt sa dinamikong Diyos na ito, na gumagamit ng kaniyang kapangyarihan sa mabait at may simulaing paraan? Sa susunod na kabanata, pagtutuunan naman natin ng pansin kung paano ginagamit ni Jehova ang kaniyang kapangyarihang lumalang. 22, 23. (a) Ano ang nagpapakitang nalulugod si Jehova na bigyan ng kapangyarihan ang iba? (b) Ano ang ating isasaalang-alang sa susunod na kabanata?

49 K A B A N A T A 5 Kapangyarihang Lumalang Ang Maylikha ng Langit at ng Lupa NARANASAN mo na bang tumayo sa tabi ng apoy sa gabing malamig? Marahil ay inilapit mo ang iyong mga kamay sa tamang distansiya mula sa apoy upang masiyahan sa init nito. Nang masyado kang lumapit, hindi mo natagalan ang init. Nang masyado ka namang lumayo, bumalot sa iyo ang malamig na hangin ng gabing iyon,atnanginigkasaginaw. 2 May isang apoy na nagpapainit sa ating balat kung araw. Ang apoy na iyan ay nagliliyab sa layong 150 milyong kilometro! Kay tindi nga ng lakas ng araw anupat nadarama mo ang init nito mula sa gayong layo! ` Gayunman, umiikot ang lupa sa palibot ng nakasisindak na pagkainit-init na hurnong iyan sa eksaktong distansiya mula rito. Kung napakalapit, matutuyo ang tubig sa lupa; kung napakalayo naman, magyeyelong lahat ito. Alinman sa kalabisang ito ay mag-aalis ng buhay sa ating planeta. Yamang kailangang-kailangan upang mabuhay sa lupa, ang sinag ng araw ay malinis din at hindi pumapalya, bukod pa sa ito y nakalulugod. Eclesiastes 11:7. 3 Magkagayunman, maraming tao ang nagwawalang-bahala sa araw, kahit na nakasalalay rito ang buhay nila. Sa gayon, hindi nila nauunawaan ang naituturo sa atin ng araw. Ang Bibliya ay nagsasabi tungkol kay Jehova: Ikaw... ang naghanda ng tanglaw, ng araw nga. (Awit 74:16) Oo, ang araw ay nagpaparangal kay Jehova, ang Maylikha ng langit at ng lupa. (Awit 19:1; 146:6) Ito y isa lamang sa di-mabilang na mga bagay sa langit na nagtuturo sa atin ng tungkol sa ubod-dakilang kapangyarihan ni Jehova sa paglalang. Suriin muna nating mabuti ang ilan sa mga ito at saka natin ibaling ang atingpansinsalupaatsabuhaynanaroroon. Upang ilarawan ang napakalaking bilang na iyan, isipin ito: Para marating ng kotse ang distansiyang iyan kahit na tulinan pa nang 160 kilometro sa bawat oras, 24 na oras sa isang araw aabutin ka pa rin nang mahigit sa isang daang taon! 1, 2. Paano ipinamamalas ng araw ang kapangyarihang lumalang ni Jehova? 3. Anong mahalagang katotohanan ang pinatutunayan ng araw?

50 48 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Si Jehova ang naghanda ng tanglaw, ng araw nga Itingin Ninyo ang Inyong mga Mata sa Itaas at Masdan 4 Gaya marahil ng alam mo, ang ating araw ay isang bituin. Ito y waring mas malaki kaysa sa mga bituing nakikita natin kung gabi sa dahilang, kung ihahambing sa kanila, ito y mas malapit. Gaano ito kalakas? Sa pinakagitna nito, ang araw ay mga 15,000,000 digri celsius. Kung makakakuha ka ng isang piraso ng pinakagitna ng araw na sinlaki ng ulo ng aspile at ilalagay iyon dito sa lupa, hindi ka ligtas na makatatagal kahit sa distansiyang 140 kilometro mula sa pagkaliit-liit na pirasong iyon ng init! Bawat segundo, ang araw ay naglalabas ng enerhiyang katumbas ng pagsabog ng daan-daang milyong bombang nuklear. 5 Ang araw ay pagkalaki-laki anupat mailalagay sa loob nito ang mahigit sa 1,300,000 kasukat ng ating lupa. Ang araw ba ay isang bituin na may pambihirang laki? Hindi, ang tawag ng mga astronomo rito ay bansot na kulay-dilaw. Isinulat ni apostol Pablo na ang bituin ay naiiba sa kapuwa bituin sa kaluwalhatian. (1 Corinto 15:41) Hindi niya natanto kung gaano nga katotoo ang kinasihang mga salitang iyon. May isang bituin na pagkalaki-laki anupat kung 4, 5. Gaano kalakas at gaano kalaki ang araw, ngunit paano ito maihahambing sa ibang mga bituin?

51 KAPANGYARIHANG LUMALANG MAYLIKHA NG LANGIT AT LUPA 49 ilalagay ito sa mismong puwesto ng araw, ang ating lupa ay malalagay sa loob nito. May isa pang higanteng bituin na kung ipupuwesto rin doon ay makaaabot hanggang sa Saturn bagaman ang planetang iyon ay napakalayo sa lupa anupat inabot ng apat na taon ang isang sasakyang-pangkalawakan bago nakarating doon, na naglalakbay nang mahigit na 40 ulit na mas mabilis kaysa sa isang bala na pinaputok mula sa isang mataas-ang-kalibreng baril! 6 Ang lalo pang kagila-gilalas kaysa sa sukat ng mga bituin ay ang bilang ng mga ito. Sa katunayan, ipinahihiwatig ng Bibliya na ang mga bituin ay napakahirap bilangin, anupat kasinghirap ng pagbilang sa buhangin sa dagat. (Jeremias 33:22) Ipinahihiwatig ng pangungusap na ito na napakarami pang bituin bukod sa nakikita lamang ng mata. Ang totoo, kung ang isang manunulat ng Bibliya, na gaya ni Jeremias, ay tumingala sa langit isang gabi at sinubukang 6. Paano ipinakikita ng Bibliya na ang bilang ng mga bituin ay ubod ng dami mula sa punto de vista ng tao? Lahat sila ay tinatawag niya ayon sa pangalan

52 50 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA bilangin ang nakikitang mga bituin, mga tatlong libo lamang ang mabibilang niya, sapagkat ganiyang karami lamang ang nakikita ng mata ng tao sa isang maaliwalas na gabi. Ang bilang na iyan ay maaaring itulad sa bilang ng mga butil sa isang dakot lamang ng buhangin. Gayunman, sa totoo lamang, ang bilang ng mga bituin ay sadyang di-malirip, na gaya ng buhangin sa dagat. Sino ang makatutuos ng gayong bilang? 7 Sumasagot ang Isaias 40:26: Itingin ninyo ang inyong mga mata sa itaas at masdan. Sino ang lumalang ng mga bagay na ito? Iyon ang Isa na naglalabas sa hukbo nila ayon sa bilang, na lahat sila ay tinatawag niya ayon sa pangalan. Ang Awit 147:4 ay nagsasabi: Tinutuos niya ang bilang ng mga bituin. Ano ba ang bilang ng mga bituin? Hindi iyan isang madaling tanong. Tinataya ng mga astronomo na may mahigit na 100 bilyong bituin sa ating galaksi lamang na Milky Way. Subalit ang atin ay isa lamang sa maraming galaksi, at marami sa mga iyon ay hitik na hitik sa mas marami pang bituin. Ilan bang lahat ang mga galaksi? Tinataya ng ilang astronomo na mga 50 bilyon. Kinakalkula naman ng iba na maaaring umabot sa 125 bilyon. Kaya kung ang bilang ng mga galaksi ay hindi man lamang matiyak ng tao, lalo pa nga ang eksaktong dami ng lahat ng bilyun-bilyong bituing nakapaloob sa mga iyon. Subalit, alam ni Jehova ang bilang na iyan. Bukod diyan, binibigyan niya ang bawat bituin ng sarili nitong pangalan! 8 Lalo lamang tumitindi ang ating pagkasindak kapag binubulaybulay natin ang sukat ng mga galaksi. Ang galaksing Milky Way ay Ipinalalagay ng ilan na malamang na gumamit daw ng isang simpleng uri ng teleskopyo ang mga sinaunang tao noong panahon ng Bibliya. Sabi ng pangangatuwiran, paano pa nga ba malalaman ng mga tao noon na ang bilang ng mga bituin ay ubod ng dami o di-mabilang, mula sa punto de vista ng tao? Hindi isinasaalang-alang ng gayong walang-batayang palagay si Jehova, na siyang Awtor ng Bibliya. 2 Timoteo 3:16. Isip-isipin na lamang kung gaano mo katagal bibilangin ang 100 bilyong bituin. Kung makabibilang ka ng isa sa bawat segundo at itutuloy iyon ng 24 na oras sa isang araw aabutin ka ng 3,171 taon! 7. (a) Mga ilang bituin mayroon sa ating galaksing Milky Way, at gaano kalaki ang bilang na iyan? (b) Bakit kapansin-pansin na nahihirapan ang mga astronomo sa pagbilang ng mga galaksi, at ano ang itinuturo nito sa atin tungkol sa kapangyarihang lumalang ni Jehova? 8. (a) Paano mo ipaliliwanag ang sukat ng galaksing Milky Way? (b) Sa anong mga paraan isinaayos ni Jehova ang galaw ng mga bagay sa langit?

53 KAPANGYARIHANG LUMALANG MAYLIKHA NG LANGIT AT LUPA 51 tinatayang may sukat na 100,000 light-year ang diyametro. Gunigunihin ang isang sinag ng liwanag na naglalakbay sa pagkabilis-bilis na takbo na 300,000 kilometro sa bawat segundo. Aabutin ng 100,- 000 taon ang sinag na iyon bago matawid ang ating galaksi! At ang ilang galaksi ay maraming ulit na mas malaki kaysa sa ating galaksi. Sinasabi ng Bibliya na iniuunat ni Jehova ang napakalawak na mga langit na ito na para bang ang mga ito y tela lamang. (Awit 104:2) Isinasaayos din niya ang galaw ng mga nilalang na ito. Mula sa pinakamaliit na butil ng alabok na nasa palibot ng mga bituin hanggang sa pinakamalaking galaksi, bawat isa ay kumikilos ayon sa pisikal na mga batas na itinatag at ipinatupad ng Diyos. (Job 38:31-33) Dahil dito, itinulad ng mga siyentipiko sa masalimuot na sayaw na ballet ang eksaktong galaw ng mga bagay sa langit! Ngayon ay isipin naman ang Isa na gumawa ng mga bagay na ito. Hindi ka ba masisindak sa Diyos na nagtataglay ng gayong dakilang kapangyarihang lumalang? Ang Maylikha ng Lupa sa Pamamagitan ng Kaniyang Kapangyarihan 9 Nakikita ang kapangyarihang lumalang ni Jehova sa ating tahanan, ang lupa. Buong-ingat na inilagay niya ang lupa sa ubod-lawak na unibersong ito. Naniniwala ang ilang siyentipiko na maraming galaksi ang hindi maaaring paglagyan ng isang pinamumuhayang planeta na gaya ng sa atin. Ang kalakhang bahagi ng ating galaksing Milky Way ay maliwanag na hindi dinisenyo upang pamuhayan. Ang pinakasentro ng galaksi ay punung-puno ng mga bituin. Napakataas ng radyasyon, at karaniwan nang halos magbanggaan ang mga bituin. Ang mga gilid ng galaksi ay hindi nagtataglay ng maraming elementong kailangan upang sumustine ng buhay. Ang ating sistema solar ay eksaktong nasa pagitan ng dalawang kalabisang ito. 10 Ang lupa ay nakikinabang sa isang malayo ngunit higanteng tagapagtanggol ang planetang Jupiter. Mahigit sa isang libong ulit ang laki kaysa sa Lupa, ang Jupiter ay naglalabas ng napakalakas na puwersa ng grabidad. Ang resulta? Nahihigop nito o naililihis ang mga bagay na humahagibis sa kalawakan. Tinatantiya ng mga siyentipiko na kung hindi dahil sa Jupiter, ang pag-ulan ng 9, 10. Paano nakikita ang kapangyarihan ni Jehova may kaugnayan sa posisyon ng ating sistema solar, Jupiter, lupa, at buwan?

54 52 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA malalaking bagay na tumatama sa lupa ay magiging 10,000 ulit na mas matindi kaysa sa kasalukuyan. Mas malapit sa ating tahanan, ang ating lupa ay pinagpala ng isang pambihirang satelayt ang buwan. Bukod sa pagiging maganda at isang ilaw sa gabi, napananatili ng buwan ang lupa sa isang di-nagbabago at matatag na pagkakatagilid. Ang pagkakatagilid na iyan ang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng lupa ng di-nababago at maaasahang lagay ng panahon isa pang mahalagang pakinabang para sa buhay rito. 11 Ang kapangyarihang lumalang ni Jehova ay nakikita sa bawat pitak ng disenyo ng lupa. Isaalang-alang ang atmospera, na nagsisilbing takip na pananggalang. Ang araw ay naglalabas ng nakapagpapalusog at nakamamatay na mga sinag. Kapag tumama ang nakamamatay na mga sinag sa itaas na bahagi ng atmospera ng lupa, ginagawa nitong ozone ang ordinaryong oksiheno. Hinihigop naman ng nagiging ozone na ito ang karamihan sa mga sinag na iyon. Sa diwa, ang ating planeta ay dinisenyo na may sariling payong na pananggalang! 12 Isang aspekto lamang iyan ng ating atmospera, isang masalimuot na timpla ng mga gas na tamang-tamang pansuporta sa mga nilalang na nabubuhay sa ibabaw ng lupa o sa paligid nito. Isa sa mga kababalaghan ng atmospera ay ang siklo ng tubig. Taun-taon ay hinihigop ng araw sa pamamagitan ng ebaporasyon ang mahigit sa 400,000 kilometro kubiko ng tubig mula sa mga karagatan ng lupa. Ang tubig ay nagiging ulap, na ikinakalat naman ng hangin ng atmosperasalahatngdako.angtubignaito,nangayo ynasalanaat nadalisay na, ay pumapatak sa anyong ulan, niyebe, at yelo, anupat muling pinupunan ang suplay ng tubig. Ito y gaya ng sinasabi sa Eclesiastes 1:7: Ang lahat ng agusang-taglamig ay humuhugos sa dagat, gayunma y hindi napupuno ang dagat. Sa dakong hinuhugusan ng mga agusang-taglamig, doon bumabalik ang mga iyon upang humugos. Tanging si Jehova lamang ang makapagpapakilos ng gayong siklo. 13 Saanman tayo makakita ng buhay, nakikita natin ang katuna- 11. Paano dinisenyo ang atmospera ng lupa upang magsilbing takip na pananggalang sa nakamamatay na mga sinag ng araw? 12. Paano ipinakikita ng siklo ng tubig sa atmospera ang kapangyarihang lumalang ni Jehova? 13. Anong katunayan ng kapangyarihan ng Maylalang ang nakikita natin sa mga pananim at sa lupang sinasaka?

55 KAPANGYARIHANG LUMALANG MAYLIKHA NG LANGIT AT LUPA yan ng kapangyarihan ng Maylalang. Mula sa pagk alalak ıng mga redwood na umaabot nang mas mataas pa sa 30-palapag na mga gusali hanggang sa pagkaliliit na buhay-halaman na namumutiktik sa mga karagatan at naglalaan ng kalakhang bahagi ng oksihenong nilalanghap natin, nakikita ang kapangyarihang lumalang ni Jehova. Maging ang mismong lupang sinasaka ay punung-puno rin ng nabubuhay na mga bagay mga bulati, halamang-singaw, at mga mikrobyo, na pawang gumagawang sama-sama sa masasalimuot na paraan na tumutulong upang tumubo ang mga halaman. Angkop lamang na banggitin sa Bibliya na ang lupang sinasaka ay may lakas. Genesis 4: Walang alinlangan, si Jehova ang Maylikha ng lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan. (Jeremias 10:12) Ang kapangyarihan ng Diyos ay nakikita maging sa kaniyang pinakamaliliit na nilalang. Halimbawa, ang isang milyong atomo na pinagtabi-tabi ay hindi pa rin magiging singkapal ng isang hibla ng buhok ng tao. At kahit na palakihin pa ang isang atomo hanggang sa maging kasintaas ng isang 14-na-palapag na gusali, ang nukleo nito ay magiging sinlaki lamang ng butil ng asin na nasa ikapitong palapag. Gayunman, ang pagkaliit-liit na nukleong iyon ang pinanggagalingan ng nakasisindak na lakas na nag-uumalpas sa isang nuklear na pagsabog! Ang Bawat Bagay na May Hininga 15 Ang isa pang maliwanag na katibayan ng kapangyarihang lumalang ni Jehova ay ang pagkarami-raming buhay-hayop sa lupa. Nakatala sa Awit 148 ang marami sa mga bagay na pumupuri kay Jehova, at inilakip sa talata 10 kayong maiilap na hayop at kayong lahat na maaamong hayop. Upang ipakita kung bakit dapat masindak ang tao sa Maylalang, minsan ay nakipag-usap si Jehova kay Job tungkol sa mga hayop na gaya ng leon, sebra, torong gubat, Behemot (o, hippopotamus), at Leviatan (malamang na ang buwaya). Ang punto? Kung ang tao ay nasisindak sa malakas, nakatatakot, at di-mapaamong mga kinapal na ito, ano naman kaya ang dapat niyang madama sa Maylalang ng mga ito? Job, kabanata Anong nakatagong lakas ang taglay ng kahit na pagkaliit-liit na atomo? 15. Sa pagtalakay sa iba t ibang maiilap na hayop, anong aral ang itinuro ni Jehova kay Job? 53

56 54 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA 16 Binabanggit din sa Awit 148:10 ang mga ibong may pakpak. Isipin na lamang ang pagkakasarisari! Binanggit ni Jehova kay Job ang avestruz, na pinagtatawanan [nito] ang kabayo at ang nakasakay rito. Oo nga t hindi makalipad ang ibong ito na ang taas ay 2.5 metro, subalit ito y nakatatakbo nang 65 kilometro sa bawat oras, anupat ang isang hakbang ay umaabot ng hanggang 4.5 metro! (Job 39:13, 18) Sa kabilang dako naman, ang albatros ay gumugugol ng halos buong buhay nito sa himpapawid sa ibabaw ng karagatan. Bilang likas na marunong sumalimbay, ang nakabukang pakpak ng ibong ito ay may sukat na mga tatlong metro. Maaari itong pumailanlang nang tuluy-tuloy sa loob ng maraming oras nang hindi ikinakampay ang mga pakpak nito. Sa kabaligtaran naman, palibhasa y limang sentimetro lamang ang haba, ang bee hummingbird ang pinakamaliit na ibon sa daigdig. Naikakampay nito ang mga pakpak nito hanggang 80 ulit sa isang segundo! Ang mga hummingbird, na kumikinang na parang maliliit na hiyas na may pakpak, ay nakaaali-aligid na parang mga helikopter at nakalilipad pa nga nang paurong. 17 Ang Awit 148:7 ay nagsasabi na maging ang mga dambuhalang hayop-dagat ay pumupuri kay Jehova. Isaalang-alang ang pinaniniwalaan ng marami na siyang pinakamalaking hayop na nabuhay kailanman sa planetang ito, ang blue whale. Ang dambuhalang ito ng kalaliman ay maaaring umabot sa haba na 30 metro o higit pa. Maaari itong tumimbang nang kasimbigat ng isang kawan ng 30 nasa hustong-gulang na elepante. Dila pa lamang nito ay kasimbigat na ng isang elepante. Ang puso nito ay kasinlaki ng isang maliit na kotse. Ang napakalaking sangkap na ito ay tumitibok nang 9 na ulit lamang sa isang minuto kabaligtaran naman ng puso ng hummingbird, na tumitibok nang mga 1,200 ulit sa isang minuto. Isa sa mga daluyan ng dugo ng blue whale ay napakalaki anupat maaaring gumapang ang isang bata sa loob nito. Tiyak na mauudyukan tayo ng ating puso na sambitin din ang payo na siyang konklusyon ng aklat ng Mga Awit: Ang bawat bagay na may hininga purihin nito si Jah. Awit 150: Ano ang nakapagpapahanga sa iyo tungkol sa ilang ibon na nilalang ni Jehova? 17. Gaano kalaki ang blue whale, at ano ang natural na magiging konklusyon natin matapos bulay-bulayin ang mga hayop na nilalang ni Jehova?

57 KAPANGYARIHANG LUMALANG MAYLIKHA NG LANGIT AT LUPA 55 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Awit 8:3-9 Paanomaituturosa atin ng paglalang ni Jehova ang kapakumbabaan? Awit 19:1-6 Ang kapangyarihang lumalang ni Jehova ay maaaring mag-udyok sa atin na gawin ang ano, at bakit? Mateo 6:25-34 Paanong ang pagbubulay-bulay sa kapangyarihang lumalang ni Jehova ay makatutulong sa atin na malabanan ang kabalisahan at magtakda ng tamang mga priyoridad sa buhay? Gawa 17:22-31 Paanong ang paggamit ni Jehova sa kapangyarihang lumalang ay nagtuturo sa atin na mali ang idolatriya at na ang Diyos ay hindi malayo sa atin? Pagkatuto Mula sa Kapangyarihang Lumalang ni Jehova 18 Ano ang ating matututuhan mula sa paggamit ni Jehova ng kaniyang kapangyarihang lumalang? Nalilipos tayo ng pagkasindak dahil sa pagkakasarisari ng paglalang. Isang salmista ang bumulalas: Kayramingiyongmgagawa,OJehova!...Anglupaay puno ˆ ng iyong mga likha. (Awit 104:24) Totoong-totoo nga ito! Ang mga biyologo ay nakatuklas na ng mahigit sa isang milyong uri ng nabubuhay na bagay sa lupa; gayunman, iba t iba ang kanilang opinyon kung ang bilang ng mga ito ay aabot sa 10 milyon, 30 milyon, o higit pa. Maaaring masumpungan ng isang taong dalubsining na kung minsan ay hindi na siya makaisip ng malilikha. Sa kabaligtaran, ang pagiging malikhain ni Jehova ang kaniyang kakayahang umimbento at lumikha ng mga bago at sari-saring bagay ay maliwanag na walang limitasyon. 19 Ang paggamit ni Jehova ng kaniyang kapangyarihang lumalang ay nagtuturo sa atin tungkol sa kaniyang soberanya. Ang mismong salitang Maylalang ay nagbubukod kay Jehova mula sa lahat ng iba pang bagay sa uniberso, na pawang mga nilalang. Maging ang bugtong na Anak ni Jehova, na nagsilbing isang dalubhasang manggagawa noong panahon ng paglalang, ay hindi kailanman tinawag sa Bibliya na Maylalang o kapuwa-maylalang. (Kawikaan 8:30; Mateo 19:4) Bagkus, siya ang panganay sa 18, 19. Gaano ang pagkakasarisari ng nabubuhay na bagay na ginawa ni Jehova sa lupang ito, at ano ang itinuturo sa atin ng paglalang tungkol sa kaniyang soberanya?

58 56 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA lahat ng nilalang. (Colosas 1:15) Ang posisyon ni Jehova bilang ang Maylalang ay nagbibigay sa kaniya ng likas na karapatang humawak ng bukod-tanging kapangyarihan bilang soberano sa buong uniberso. Roma 1:20; Apocalipsis 4: Huminto na ba si Jehova sa paggamit ng kaniyang kapangyarihang lumalang? Buweno, sinasabi nga sa Bibliya na nang matapos ni Jehova ang kaniyang gawang paglalang noong ikaanim na araw ng paglalang, siya ay nagpasimulang magpahinga noong ikapitong araw mula sa lahat ng kaniyang gawain na ginawa niya. (Genesis 2:2) Ipinahiwatig ni apostol Pablo na ang ikapitong araw na ito ay libu-libong taon ang haba, yamang ito y nagpapatuloy pa rin hanggang sa kaniyang kapanahunan. (Hebreo 4:3-6) Subalit ang pamamahinga ba ay nangangahulugang lubusan nang huminto si Jehova sa paggawa? Hindi, si Jehova ay hindi kailanman humihinto sa paggawa. (Awit 92:4; Juan 5:17) Kung gayon, ang kaniyang pamamahinga ay malamang na tumutukoy lamang sa pagtigil ng kaniyang pisikal na paglalang may kinalaman sa lupa. Subalit ang kaniyang paggawa sa ikatutupad ng kaniyang mga layunin ay walang tigil na nagpapatuloy. Lakip sa gawaing iyon ang pagkasi sa Banal na Kasulatan. Kabilang pa nga sa kaniyang gawain ang paglalabas ng isang bagong nilalang, na tatalakayin sa Kabanata Corinto 5: Kapag sa wakas ay natapos na ang araw ng kapahingahan ni Jehova, masasabi niyang napakabuti ang lahat ng kaniyang ginawa sa lupa, gaya ng sinabi niya sa pagtatapos ng anim na araw ng paglalang. (Genesis 1:31) Kung paano niya gagamitin ang kaniyang walang-limitasyong kapangyarihang lumalang pagkatapos nito ay hindi pa natin alam. Sa paanuman, makatitiyak tayo na patuloy tayong mabibighani sa paggamit ni Jehova ng kapangyarihang lumalang. Sa buong panahong walang hanggan, higit pa tayong matututo tungkol kay Jehova sa pamamagitan ng kaniyang mga nilalang. (Eclesiastes 3:11) Habang mas marami pa tayong natututuhan tungkol sa kaniya, lalong sisidhi ang ating pagkasindak at lalo tayong m apapalap ıt sa ating Dakilang Maylalang. 20. Sa anong diwa nagpahinga si Jehova mula nang matapos ang kaniyang paglalang sa lupa? 21. Paano makaaapekto ang kapangyarihang lumalang ni Jehova sa tapat na mga tao sa panahong walang hanggan?

59 K A B A N A T A 6 Kapangyarihang Pumuksa Si Jehova ay Tulad-Lalaking Mandirigma NASUKOL ang mga Israelita nakulong sila sa pagitan ng matatarik na dalisdis ng bundok at ng dagat na di-kayang tawirin. Ang hukbo ng mga Ehipsiyo, na malupit at walang-pakundangan kung pumatay, ay nagmamadali sa pagtugis sa kanila, anupat determinadong lipulin sila. Gayunman, hinimok ni Moises ang bayan ng Diyos na huwag mawalan ng pag-asa. Si Jehova mismo ang makikipaglaban para sa inyo, tiniyak niya sa kanila. Exodo 14:14. 2 Magkagayunman, lumilitaw na tumawag si Moises kay Jehova, at tumugon ang Diyos: Bakit patuloy kang dumaraing sa akin?... Itaas mo ang iyong tungkod at iunat mo ang iyong kamay sa dagat at hawiin mo iyon. (Exodo 14:15, 16) Gunigunihin ang sumunod na mga pangyayari. Agad na inutusan ni Jehova ang kaniyang anghel, at ang haliging ulap ay lumagay sa likuran ng Israel, na marahil ay lumatag na parang pader at hinarang ang lumulusob na mga Ehipsiyo. (Exodo 14:19, 20; Awit 105:39) Iniunat ni Moises ang kaniyang kamay. Dahil sa pagtulak ng malakas na hangin, ang dagat ay nahawi. Ang tubig ay namuo at pumaitaas na parang mga pader, anupat nagbukas ng isang daan na may sapat na luwang upang magkasya ang buong bansa! Exodo 14:21; 15:8. 3 Yamang napaharap sa ganitong pagtatanghal ng kapangyarihan, dapat sana ay inutusan na ni Paraon ang kaniyang pangkat na umurong. Subalit sa halip ay nag-utos ang palalong si Paraon na lumusob sila. (Exodo 14:23) Sumugod ang mga Ehipsiyo patungo sa pinakasahig ng dagat para tumugis, subalit di-nagtagal at ang kanilang pagsalakay ay nauwi sa pagkakagulo nang magsimulang magtanggalan ang mga gulong ng kanilang mga karo. Nang Ayon sa Judiong istoryador na si Josephus, ang mga Hebreo ay tinugis ng 600 karo kasama ang 50,000 mangangabayo at lubhang nasasandatahang impanteriya (infantry) na umaabot sa 200,000. Jewish Antiquities, II, 324 [xv, 3] (a) Anong panganib ang hinarap ng mga Israelita sa kamay ng mga Ehipsiyo? (b) Paano nakipaglaban si Jehova para sa kaniyang bayan?

60

61 KAPANGYARIHANG PUMUKSA SI JEHOVA AY MANDIRIGMA 59 ang mga Israelita ay ligtas na sa kabilang ibayo, nag-utos si Jehova kay Moises: Iunat mo ang iyong kamay sa dagat, upang ang tubig ay tumabon sa mga Ehipsiyo, sa kanilang mga karong pandigma at sa kanilang mga kabalyero. Bumagsak ang mga pader na tubig, anupat nalunod si Paraon at ang kaniyang hukbo! Exodo 14:24-28; Awit 136:15. 4 Ang pagliligtas sa bansang Israel sa Dagat na Pula ay isang napakahalagang pangyayari sa kasaysayan ng pakikitungo ng Diyos sa sangkatauhan. Doon ay pinatunayan ni Jehova na siya y isang tulad-lalaking mandirigma. (Exodo 15:3) Subalit, ano ang reaksiyon mo sa paglalarawang ito kay Jehova? Totoo, gayon na lamang ang sakit at hirap na idinulot ng digmaan sa sangkatauhan. Maaari kayang ang paggamit ng Diyos ng kapangyarihang pumuksa ay waring makahadlang pa nga sa halip na makaganyak sa iyo na m a- palap ıt sa kaniya? Pakikidigma ng Diyos Kontra sa mga Alitan ng Tao 5 Halos tatlong daang ulit sa Kasulatang Hebreo at dalawang ulit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Diyos ay binigyan ng titulong Jehova ng mga hukbo. (1 Samuel 1:11) Bilang Soberanong Tagapamahala, si Jehova ay namumuno sa pagkalaki-laking hukbo ng mga anghel. (Josue 5:13-15; 1 Hari 22:19) Ang kakayahang pumuksa ng hukbong ito ay nakasisindak. (Isaias 37:36) Ang pagpuksa sa mga tao ay hindi magandang isipin. Gayunman, dapat nating tandaan na ang pakikidigma ng Diyos ay di-gaya ng walang-kapararakang alitan ng tao. Maaaring idahilan ng mga lider ng militar at pulitika na ang kanilang pananalakay ay may marangal na motibo. Subalit ang pakikidigma ng tao ay kadalasan nang dahil sa kasakiman at pagkamakasarili. 6 Sa kabaligtaran, si Jehova ay hindi pinakikilos ng di-mapigilang emosyon. Ang Deuteronomio 32:4 ay nagsasabi: Ang Bato, sakdal 4. (a) Ano ang pinatunayan ni Jehova sa Dagat na Pula? (b) Ano ang maaaring maging reaksiyon ng ilan sa paglalarawang ito kay Jehova? 5, 6. (a) Bakit angkop lamang na ang Diyos ay tawaging Jehova ng mga hukbo? (b) Paano naiiba ang pakikidigma ng Diyos sa pakikidigma ng tao? Sa Dagat na Pula, pinatunayan ni Jehova na siya y isang tulad-lalaking mandirigma

62 60 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA ang kaniyang gawa, sapagkat ang lahat ng kaniyang mga daan ay katarungan. Isang Diyos ng katapatan, na sa kaniya ay walang masusumpungang kawalang-katarungan; matuwid at matapat siya. Hinahatulan ng Salita ng Diyos ang di-mapigil na pagngangalit, kalupitan, at karahasan. (Genesis 49:7; Awit 11:5) Kaya si Jehova ay hindi kailanman kumikilos nang walang dahilan. Bihira lamang niyang gamitin ang kaniyang kapangyarihang pumuksa at ginagamit lamang ito kapag wala nang ibang solusyon. Ito y gaya ng sinabi niya sa pamamagitan ng kaniyang propetang si Ezekiel: Ako ba ay nalulugod sa kamatayan ng balakyot, ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova, at hindi sa pagtalikod niya mula sa kaniyang mga daan upang patuloy nga siyang mabuhay? Ezekiel 18:23. 7 Kung gayon, bakit ginagamit ni Jehova ang kapangyarihang pumuksa? Bago sumagot, maaaring alalahanin muna natin ang matuwid na si Job. Ang hamon ni Satanas ay kung mapananatili ni Job sa totoo, ng bawat tao ang kaniyang katapatan sa ilalim ng pagsubok. Sinagot ni Jehova ang hamong iyan sa pamamagitan ng pagpapahintulot kay Satanas na subukin ang katapatan ni Job. Bilang resulta, si Job ay dumanas ng sakit, pagkaubos ng kayamanan, at pagkamatay ng kaniyang mga anak. (Job 1:1 2:8) Palibhasa y hindi alam ang nasasangkot na mga isyu, nagkamali si Job sa pag-aakalang ang kaniyang pagdurusa ay di-makatarungang parusa mula sa Diyos. Tinanong niya ang Diyos kung bakit siya ang ginawa Niyang tudlaan, isang kaaway. Job 7:20; 13:24. 8 Isang kabataang lalaki na nagngangalang Elihu ang naglantad ng kamalian ng pangangatuwiran ni Job, na sinasabi: Sinabi mo, Ang aking katuwiran ay higit kaysa sa Diyos. (Job 35:2) Oo, isang kamangmangan na isiping mas marunong tayo kaysa sa Diyos o ipalagay na siya y kumilos nang hindi makatarungan. Malayong gumawi nang may kabalakyutan ang tunay na Diyos, at na gumawi nang di-makatarungan ang Makapangyarihan-sa-lahat, sinabi ni Elihu. Nang dakong huli ay sinabi niya: Kung tungkol sa Makapangyarihan-sa-lahat, hindi pa natin siya 7, 8. (a) Ano ang may-kamaliang inakala ni Job tungkol sa kaniyang mga pagdurusa? (b) Paano itinuwid ni Elihu ang pag-iisip ni Job hinggil sa bagay na ito? (c) Anong aral ang matututuhan natin mula sa karanasan ni Job?

63 KAPANGYARIHANG PUMUKSA SI JEHOVA AY MANDIRIGMA 61 nasasaliksik; siya ay dakila sa kapangyarihan, at ang katarungan at ang saganang katuwiran ay hindi niya mamaliitin. (Job 34:10; 36: 22, 23; 37:23) Makatitiyak tayo na kapag nakipaglaban ang Diyos, may mabuti siyang dahilan sa paggawa nito. Taglay iyan sa isipan, saliksikin natin ang ilan sa mga dahilan kung bakit ang Diyos ng kapayapaan kung minsan ay gumaganap ng papel ng isang mandirigma. 1 Corinto 14:33. Kung Bakit Napipilitang Makipaglaban ang Diyos ng Kapayapaan 9 Matapos purihin ang Diyos bilang isang tulad-lalaking mandirigma, si Moises ay nagpahayag: Sino sa mga diyos ang tulad mo,ojehova?sinoangtuladmo,na dakila sa kabanalan? (Exodo 15:11) Si propeta Habakuk ay sumulat sa katulad na paraan: Napakadalisay ng iyong mga mata upang tumingin sa kasamaan; at ang tingnan ang kabagabagan ay hindi mo magagawa. (Habakuk 1:13) Bagaman si Jehova ay isang Diyos ng pag-ibig, siya ay isa ring Diyos ng kabanalan, katuwiran, at katarungan. Kung minsan, ang mga katangiang iyan ang nagiging dahilan kung bakit napipilitan siyang gumamit ng kaniyang kapangyarihang pumuksa. (Isaias 59:15-19; Lucas 18:7) Kaya hindi narurungisan ng Diyos ang kaniyang kabanalan kapag siya y nakikipaglaban. Bagkus, siya y nakikipaglaban sapagkat siya y banal. Exodo 39: Isaalang-alang ang situwasyong bumangon matapos na ang unang mag-asawang tao, sina Adan at Eva, ay maghimagsik laban sa Diyos. (Genesis 3:1-6) Kung kukunsintihin niya ang kanilang kalikuan, pahihinain ni Jehova ang kaniyang sariling posisyon bilang Pansansinukob na Soberano. Bilang isang matuwid na Diyos, naobliga siyang sentensiyahan sila ng kamatayan. (Roma 6:23) Sa unang hula sa Bibliya, inihula niya na magkakaroon ng alitan sa pagitan ng kaniyang sariling mga lingkod at ng mga kampon ng serpiyente, si Satanas. (Apocalipsis 12:9; Genesis 3:15) Sa dakong huli, ang alitang ito ay malulutas lamang sa pamamagitan ng pagdurog kay Satanas. (Roma 16:20) Subalit ang paghatol 9. Bakit nakikipaglaban ang Diyos ng kapayapaan? 10. (a) Kailan at paano unang bumangon ang pangangailangan para sa Diyos na makipagdigma? (b) Paano lamang malulutas ang alitan na inihula sa Genesis 3: 15, at anong mga pakinabang ang idudulot nito sa matuwid na sangkatauhan?

64 62 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA na iyan ay magbubunga ng dakilang pagpapala para sa matuwid na sangkatauhan, anupat aalisin ang impluwensiya ni Satanas sa lupa at bubuksan ang daan tungo sa isang pangglobong paraiso. (Mateo 19:28) Hangga t hindi pa iyon nagaganap, yaong mga pumapanig kay Satanas ay patuloy na magiging banta sa pisikal at espirituwal na kapakanan ng bayan ng Diyos. Paminsan-minsan, kakailanganing makialam si Jehova. Kumikilos ang Diyos Upang Alisin ang Kabalakyutan 11 Ang Delubyo noong panahon ni Noe ay isang halimbawa ng gayong pakikialam. Sinabi sa Genesis 6:11, 12: Ang lupa ay nasira sa paningin ng tunay na Diyos at ang lupa ay napuno ng karahasan. Kaya nakita ng Diyos ang lupa at, narito! ito ay sira, sapagkat sinira ng lahat ng laman ang kanilang lakad sa lupa. Pababayaan kaya ng Diyos na ubusin ng balakyot ang kahuli-hulihang bakas ng moralidad na natitira sa lupa? Hindi. Naobliga si Jehova na magpasapit ng isang pangglobong delubyo upang alisin sa lupa yaong mga desididong gumawa ng karahasan at imoralidad. 12 Katulad ito ng paghatol ng Diyos sa mga Canaanita. Isiniwalat ni Jehova na mula kay Abraham ay darating ang isang binhi na sa pamamagitan nito ay pagpapalain ng lahat ng pamilya sa lupa ang kanilang sarili. Kasuwato ng layuning iyan, ipinasiya ng Diyos na ibigay sa supling ni Abraham ang lupain ng Canaan, isang lupaing tinatahanan ng isang bayan na tinatawag na mga Amorita. Paano maipagmamatuwid ng Diyos ang sapilitang pagpapaalis sa bayang ito mula sa kanilang lupain? Inihula ni Jehova na ang pagpapaalis na ito ay hindi magaganap hanggang sa makalipas ang mga 400 taon hanggang sa ang kamalian ng mga Amorita ay malubos. (Genesis 12:1-3; 13:14, 15; 15:13, 16; 22:18) Sa loob ng panahong iyon, patuloy na lumalalim ang pagkakalubog ng mga Amorita sa moral na kabulukan. Ang Canaan ay naging isang lupain ng idolatriya, pagbububo ng dugo, at malalaswang gawa- Malamang, kabilang sa terminong mga Amorita rito ang lahat ng mga tao ng Canaan. Deuteronomio 1:6-8, 19-21, 27; Josue 24:15, Bakit naobliga ang Diyos na magpasapit ng isang pangglobong baha? 12. (a) Ano ang inihula ni Jehova tungkol sa binhi ni Abraham? (b) Bakit dapat lipulin ang mga Amorita?

65 KAPANGYARIHANG PUMUKSA SI JEHOVA AY MANDIRIGMA 63 in sa sekso. (Exodo 23:24; 34:12, 13; Bilang 33:52) Pinatay pa nga ng mga naninirahan sa lupain ang mga bata sa apoy bilang paghahain. Ihahantad ba ng isang banal na Diyos ang kaniyang bayan sa gayong kabalakyutan? Hindi! Nagpahayag siya: Marumi ang lupain, at lalapatan ko ito ng kaparusahan dahil sa kamalian nito, at isusuka ng lupain ang mga tumatahan sa kaniya. (Levitico 18:21-25) Gayunman, hindi pinatay ni Jehova ang mga tao nang walang patumangga. Ang mga Canaanita na nakaayon sa katuwiran, gaya ni Rahab at ng mga Gibeonita, ay pinaligtas. Josue 6:25; 9:3-27. Pakikipaglaban Alang-Alang sa Kaniyang Pangalan 13 Sapagkat si Jehova ay banal, ang kaniyang pangalan ay banal. (Levitico 22:32) Tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na manalangin: Pakabanalin nawa ang iyong pangalan. (Mateo 6:9) Ang paghihimagsik sa Eden ay lumapastangan sa pangalan ng Diyos, anupat inilagay sa pag-aalinlangan ang reputasyon at paraan ng pamamahala ng Diyos. Hinding-hindi mapalalampas ni Jehova ang gayong paninirang-puri at paghihimagsik. Obligado siyang linisin ang kaniyang pangalan mula sa pang-aalipusta. Isaias 48: Isaalang-alang nating muli ang mga Israelita. Hangga t mga alipin pa sila sa Ehipto, ang pangako ng Diyos kay Abraham na sa pamamagitan ng kaniyang Binhi y pagpapalain ng lahat ng pamilya sa lupa ang kanilang sarili ay waring walang saysay. Subalit sa pamamagitan ng pagliligtas sa kanila at pagtatatag sa kanila bilang isang bansa, nilinis ni Jehova ang kaniyang pangalan mula sa pang-aalipusta. Sa gayon ay ginunita ni propeta Daniel sa panalangin: OJehovanaamingDiyos,ikaw...[ay]naglabassaiyong bayan mula sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng isang malakas na kamay at gumawa ng pangalan para sa iyong sarili. Daniel 9: Kapansin-pansin, nanalangin nang ganito si Daniel sa isang panahon na noo y kinailangan ng mga Judio na kumilos muli si 13, 14. (a) Bakit obligado si Jehova na pakabanalin ang kaniyang pangalan? (b) Paano nilinis ni Jehova ang kaniyang pangalan mula sa pang-aalipusta? 15. Bakit iniligtas ni Jehova ang mga Judio mula sa pagkabihag sa Babilonya?

66 64 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Jehova alang-alang sa Kaniyang pangalan. Ang masuwaying mga Judio ay bihag naman ngayon sa Babilonya. Ang kanilang sariling kabiserang lunsod, ang Jerusalem, ay nasa kagibaan. Batid ni Daniel na ang pagsasauli sa mga Judio sa kanilang bayang tinubuan ay magpapadakila sa pangalan ni Jehova. Sa gayon ay nanalangin si Daniel: O Jehova, magpatawad ka. O Jehova, magbigay-pansin ka at kumilos. Huwag kang magpaliban, alang-alang sa iyong sarili, O Diyos ko, sapagkat ang iyong sariling pangalan ay itinatawag sa iyong lunsod at sa iyong bayan. Daniel 9:18, 19. Pakikipaglaban Alang-Alang sa Kaniyang Bayan 16 Ang pagnanais ba ni Jehova na ipagtanggol ang kaniyang pangalan ay nangangahulugang siya y walang malasakit at makasarili? Hindi naman, sapagkat sa pagkilos na kasuwato ng kaniyang kabanalan at pag-ibig sa katarungan, ipinagsasanggalang niya ang kaniyang bayan. Isaalang-alang ang kabanata 14 ng Genesis. Doon ay mababasa natin ang tungkol sa apat na haring sumasalakay na dumukot sa pamangkin ni Abraham na si Lot, kasama ang pamilya ni Lot. Sa tulong ng Diyos, lubusang nilupig ni Abraham ang mga puwersang mas malalakas sa kaniya! Ang ulat ng tagumpay na ito marahil ang siyang unang napatala sa aklat ng Mga Digmaan ni Jehova, na malamang na isang aklat na nag-ulat din sa ilang sagupaang militar na hindi nakarekord sa Bibliya. (Bilang 21:14) Marami pang tagumpay ang sumunod. 17 Nang malapit nang pumasok ang mga Israelita sa lupain ng Canaan, tiniyak sa kanila ni Moises: Si Jehova na inyong Diyos ang hahayo sa unahan ninyo. Ipaglalaban niya kayo ayon sa lahat ng ginawa niya sa inyo sa Ehipto. (Deuteronomio 1:30; 20:1) Mula sa kahalili ni Moises, si Josue, at patuloy hanggang sa panahon ng mga Hukom at mga paghahari ng tapat na mga hari ng Juda, tunay ngang nakipaglaban si Jehova para sa kaniyang bayan, anupat binigyan sila ng maraming kahanga-hangang tagumpay laban sa kanilang mga kaaway. Josue 10:1-14; Hukom 4:12-17; 2 Samuel 5: Ipaliwanag kung bakit ang pagnanais ni Jehova na ipagtanggol ang kaniyang pangalan ay hindi nangangahulugang siya y walang malasakit at makasarili. 17. Ano ang nagpapakita na si Jehova ay nakipaglaban para sa mga Israelita pagkapasok nila sa lupain ng Canaan? Magbigay ng mga halimbawa.

67 KAPANGYARIHANG PUMUKSA SI JEHOVA AY MANDIRIGMA 65 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay 2Hari6:8-17Paanong ang papel ng Diyos bilang Jehova ng mga hukbo ay nakapagpapalakas ng loob sa atin sa panahon ng kabagabagan? Ezekiel 33:10-20 Bago mapilitan si Jehova na gamitin ang kapangyarihang pumuksa, anong pagkakataon ang buong-awang inilalawit niya doon sa mga sumasalansang sa kaniyang kautusan? 2 Tesalonica 1:6-10 Paanong ang dumarating na pagkapuksa ng balakyot na mga tao ay magpapaginhawa sa tapat na mga lingkod ng Diyos? 2 Pedro 2:4-13 Ano ang nagpapakilos kay Jehova upang gamitin ang kaniyang kapangyarihang pumuksa, na nagtuturo ng anong aral para sa buong sangkatauhan? 18 Hindi nagbago si Jehova; ni nagbago man ang kaniyang layunin na gawing isang mapayapang paraiso ang planetang ito. (Genesis 1:27, 28) Kinapopootan pa rin ng Diyos ang kabalakyutan. Kasabay nito, mahal na mahal niya ang kaniyang bayan at malapit na siyang kumilos alang-alang sa kanila. (Awit 11:7) Sa katunayan, ang alitan na inilarawan sa Genesis 3:15 ay inaasahang sasapit sa isang madula at marahas na pagbabago sa malapit na hinaharap. Upang mapabanal ang kaniyang pangalan at maipagsanggalang ang kaniyang bayan, si Jehova ay minsan pang magiging tuladlalaking mandirigma! Zacarias 14:3; Apocalipsis 16:14, Isaalang-alang ang isang ilustrasyon: Halimbawang sinisibasib ng isang mabagsik na hayop ang pamilya ng isang lalaki at nakisangkot ang lalaki sa paglalaban at napatay niya ang mabangis na hayop. Aasahan mo ba na mayayamot ang kaniyang asawa at mga anak sa kaniyang ginawa? Sa kabaligtaran, aasahan mo na maaantig ang kanilang damdamin dahil sa kaniyang walang-pagiimbot na pag-ibig sa kanila. Sa katulad na paraan, hindi tayo dapat mayamot sa paggamit ng Diyos ng kapangyarihang pumuksa. 18. (a) Bakit tayo makapagpapasalamat na si Jehova ay hindi nagbago? (b) Ano ang mangyayari kapag umabot na sa sukdulan ang alitan na inilarawan sa Genesis 3:15? 19. (a) Ilarawan kung bakit ang paggamit ng Diyos ng kapangyarihang pumuksa ay magp apalap ıt sa atin sa kaniya. (b) Ano ang dapat na maging epekto sa atin ng pagnanais ng Diyos na makipaglaban?

68 66 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Ang kaniyang pagnanais na ipaglaban tayo ay dapat na magpasidhi ng ating pag-ibig sa kaniya. Ang ating paggalang sa kaniyang walang-limitasyong kapangyarihan ay dapat na tumindi rin. Sa gayon, makapag-uukol tayo sa Diyos ng sagradong paglilingkod nang may makadiyos na takot at sindak. Hebreo 12:28. Maging Malap ıt sa Tulad-Lalaking Mandirigma 20 Mangyari pa, hindi sa bawat pangyayari ay ipinaliliwanag sa Bibliya ang lahat ng detalye ng mga pasiya ni Jehova hinggil sa kaniyang pakikidigma. Subalit palagi tayong makatitiyak sa bagay na ito: Si Jehova ay hindi kailanman gumagamit ng kapangyarihang pumuksa sa isang walang-katarungan, walang-patumangga, o malupit na paraan. Kadalasan, ang pagsasaalang-alang sa konteksto ng isang ulat sa Bibliya o ilang impormasyon sa likod nito ay makatutulong sa atin na magkaroon ng tamang pangmalas sa mga bagaybagay. (Kawikaan 18:13) Kahit wala sa atin ang lahat ng detalye, ang basta pagkatuto ng higit pa tungkol kay Jehova at pagbubulaybulay sa kaniyang mahahalagang katangian ay makatutulong sa atin na malutas ang anumang pag-aalinlangan na maaaring bumangon. Kung gagawin natin ito, mapag-uunawa natin na may sapat na dahilan tayo upang magtiwala sa ating Diyos na si Jehova. Job 34: Bagaman si Jehova ay isang tulad-lalaking mandirigma kapag hinihingi ng pagkakataon, ito y hindi nangangahulugang siya y talagang likas na mahilig makipagdigma. Sa pangitain ni Ezekiel tungkol sa makalangit na karo, si Jehova ay inilalarawan bilang nakahanda na sa paglaban sa kaniyang mga kaaway. Gayunman, nakita ni Ezekiel ang Diyos na napalilibutan ng isang bahaghari isang sagisag ng kapayapaan. (Genesis 9:13; Ezekiel 1:28; Apocalipsis 4:3) Maliwanag, si Jehova ay mahinahon at payapa. Ang Diyos ay pagibig, isinulat ni apostol Juan. (1 Juan 4:8) Lahat ng mga katangian ni Jehova ay umiiral na may sakdal na pagkakatimbang. Kung gayon, kay laking pribilehiyo natin na m apalap ıt sa gayong makapangyarihan subalit maibiging Diyos! 20. Kapag nababasa natin ang mga ulat sa Bibliya hinggil sa pakikidigma ng Diyos na maaaring hindi natin lubos na nauunawaan, ano ang dapat na maging reaksiyon natin, at bakit? 21. Bagaman siya y isang tulad-lalaking mandirigma kung minsan, ano nga ba ang talagang likas na hilig ni Jehova?

69 K A B A N A T A 7 Kapangyarihang Magsanggalang Ang Diyos ay Kanlungan Para sa Atin ANG mga Israelita ay nanganib nang pumasok sila sa pook ng Sinai sa pagsisimula ng 1513 B.C.E. Isang kakila-kilabot na paglalakbay ang naghihintay sa kanila noon, paglalakad sa pagkalawak-lawak at nakatatakot na il ang na pinamumugaran ng makamandag na mga ahas at alakdan. (Deuteronomio 8:15, The New English Bible) Napaharap dinsilasabantangpagsalakayngkaawaynamgabansa.sijehova ang nagdala sa kaniyang bayan sa situwasyong ito. Bilang kanilang Diyos, maipagsasanggalang niya kaya sila? 2 Kay laking pampalakas-loob ang mga salita ni Jehova: Nakita ninyo mismo kung ano ang ginawa ko sa mga Ehipsiyo, upang madala ko kayo sa mga pakpak ng mga agila at mailapit kayo sa akin. (Exodo 19:4) Ipinaalaala ni Jehova sa kaniyang bayan na nailigtas na niya sila noon mula sa mga Ehipsiyo, na ginagamit ang mga agila, wika nga, upang madala sila tungo sa kaligtasan. Subalit may iba pang dahilan kung bakit ang mga pakpak ng mga agila ay angkop na lumalarawan sa pagsasanggalang ng Diyos. 3 Hindi lamang ginagamit ng mga agila ang kanilang malalapad at malalakas na pakpak sa pagpapailanlang. Sa kainitan ng araw, inilulukob ng isang inang agila ang kaniyang mga pakpak na umaabot nang mahigit sa dalawang metro upang magmistulang isang pananggalang na payong, na tumatabing sa kaniyang mahihina pa at maliliit na inakay mula sa nakapapasong init ng araw. Kung minsan naman, iniyayakap niya ang kaniyang mga pakpak sa kaniyang mga inakay upang ipagsanggalang ang mga ito sa malamig na hangin. Kung paanong iniingatan ng agila ang kaniyang mga inakay, gayundin ikinubli at ipinagsanggalang ni Jehova ang bagong-silang na bansang Israel. Ngayong nasa il ang, ang kaniyang bayan ay patuloy na manganganlong sa lilim ng kaniyang makapangyarihang mga pakpak habang sila y nananatiling tapat. (Deuteronomio 32:9-1, 2. Nasa anong panganib ang mga Israelita sa kanilang pagpasok sa pook ng Sinai noong 1513 B.C.E., at paano pinalakas ni Jehova ang kanilang loob? 3. Bakit ang mga pakpak ng mga agila ay angkop na lumalarawan sa pagsasanggalang ng Diyos?

70 68 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA 11; Awit 36:7) Subalit makatuwiran ba tayong makaaasa sa ngayon na ipagsasanggalang tayo ng Diyos? Ang Pangako na Magsasanggalang ang Diyos 4 Talagang may kakayahan si Jehova na ipagsanggalang ang kaniyang mga lingkod. Siya ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat isang titulo na nagpapahiwatig na taglay niya ang di-malalabanang kapangyarihan. (Genesis 17:1) Gaya ng di-masasawatang paglaki at pagliit ng tubig sa dagat, ang aktibong kapangyarihan ni Jehova ay hindi mahahadlangan. Yamang kaya niyang gawin ang anumang gustuhin niya, maitatanong natin, Kalooban ba ni Jehova na gamitin ang kaniyang kapangyarihan upang ipagsanggalang ang kaniyang bayan? 5 Ang sagot, sa isang salita, ay oo! Tinitiyak sa atin ni Jehova na ipagsasanggalang niya ang kaniyang bayan. Ang Diyos ay kanlungan at kalakasan para sa atin, isang tulong na kaagad na masusumpungan sa panahon ng mga kabagabagan, ang sabi sa Awit 46:1. Yamang ang Diyos ay hindi makapagsisinungaling, lubusan tayong makapagtitiwala sa kaniyang pangako na ipagsasanggalang niya tayo. (Tito 1:2) Isaalang-alang natin ang ilang matitingkad na ilustrasyon na ginagamit ni Jehova upang ilarawan ang kaniyang mapagsanggalang na pangangalaga. 6 Si Jehova ay isang Pastol, at tayo ang kaniyang bayan at mga tupa ng kaniyang pastulan. (Awit 23:1; 100:3) Bibihirang hayop ang walang kalaban-laban na tulad ng inaalagaang tupa. Ang pastol noong panahon ng Bibliya ay dapat na maging matapang upang maipagsanggalang ang kaniyang mga tupa mula sa mga leon, lobo, at mga oso, gayundin mula sa mga magnanakaw. (1 Samuel 17:34, 35; Juan 10:12, 13) Subalit may mga panahon na kailangang maging malumanay sa pagsasanggalang sa mga tupa. Kapag nagsilang ang isang tupa na malayo sa kulungan, binabantayan ng mapagkalingang pas- 4, 5. Bakit tayo lubusang makapagtitiwala sa pangako ng Diyos na pagsasanggalang? 6, 7. (a) Ang pastol noong panahon ng Bibliya ay naglalaan ng anong pagsasanggalang para sa kaniyang mga tupa? (b) Paano inilalarawan ng Bibliya ang taos-pusong pagnanais ni Jehova na ipagsanggalang at pangalagaan ang kaniyang mga tupa? Sa kaniyang dibdib ay bubuhatin niya sila

71

72 70 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA tol ang ina habang ito y mahina pa at pagkatapos ay binubuhat niya ang walang kalaban-labang kordero at dinadala ito sa kulungan. 7 Sa paghahalintulad ng kaniyang sarili sa isang pastol, tinitiyak sa atin ni Jehova ang kaniyang taos-pusong pagnanais na ipagsanggalang tayo. (Ezekiel 34:11-16) Alalahanin ang paglalarawan kay Jehova na masusumpungan sa Isaias 40:11, na tinalakay sa Kabanata 2 ng aklat na ito: Papastulan niyang gaya ng pastol ang kaniyang sariling kawan. Sa pamamagitan ng kaniyang bisig ay titipunin niya ang mga kordero; at sa kaniyang dibdib ay bubuhatin niya sila. Paanong ang maliit na kordero ay mapapasa dibdib ng pastol sa mga tupi ng kaniyang pang-itaas na kasuutan? Ang kordero ay maaaring lumapit sa pastol at marahan pa ngang dumampi sa kaniyang binti. Gayunman, ang pastol ang siyang kailangang yumuko, bumuhat sa kordero, at marahang maglagay nito sa kaniyang mapagkandiling dibdib. Isa ngang tunay na mapagmahal na larawan ng pagnanais ng ating Dakilang Pastol na ikubli at ipagsanggalang tayo! 8 Ang pangako ng Diyos na pagsasanggalang ay may pasubali mararanasan lamang ito niyaong mga lumalapit sa kaniya. Ang Kawikaan 18:10 ay nagsasabi: Ang pangalan ni Jehova ay matibay na tore. Doon tumatakbo ang matuwid at ipinagsasanggalang. Noong panahon ng Bibliya, ang mga tore kung minsan ay itinatayo sa il ang bilang mga ligtas na dakong kanlungan. Subalit pananagutan na ng isang nanganganib na tumakas patungo sa gayong tore upang makaligtas. Katulad din ito ng panganganlong sa pangalan ng Diyos. Hindi lamang ang pag-uulit ng pangalan ng Diyos ang sangkot dito; ang pangalan ng Diyos sa ganang sarili nito ay hindi isang mahiwagang anting-anting. Sa halip, kailangan nating makilala at pagtiwalaan ang Maytaglay ng pangalang iyan at mamuhay ayon sa kaniyang matuwid na mga pamantayan. Kay bait talaga ni Jehova na tiyakin sa atin na kung tayo y babaling sa kaniya taglay ang pananampalataya, siya y magiging isang toreng pananggalang para sa atin! Maililigtas Kami ng Aming Diyos 9 Hindi lamang basta nangangako si Jehova ng pagsasanggalang. Noong panahon ng Bibliya, ipinamalas niya sa makahimalang mga 8. (a) Kanino ipinagkakaloob ang pangakong pagsasanggalang ng Diyos, at paano ito ipinahihiwatig sa Kawikaan 18:10? (b) Ano ang nasasangkot sa panganganlong sa pangalan ng Diyos? 9. Paanong si Jehova ay hindi lamang nangangako ng pagsasanggalang?

73 KAPANGYARIHANG MAGSANGGALANG DIYOS AY KANLUNGAN 71 paraan na naipagsanggalang niya ang kaniyang bayan. Noong panahon ng kasaysayan ng Israel, kadalasan nang nasusugpo ng makapangyarihang kamay ni Jehova ang malalakas na kaaway. (Exodo 7:4) Gayunman, ginamit din ni Jehova ang kaniyang kapangyarihang magsanggalang alang-alang sa mga indibiduwal. 10 Nang ang tatlong kabataang Hebreo sina Sadrac, Mesac, at Abednego ay tumangging yumukod sa imaheng ginto ni Haring Nabucodonosor, nagbabala ang gal ıt na gal ıt na hari na ihahagis sila sa isang pagkainit-init na hurno. Sinong diyos iyon na makapagliligtassainyomulasaakingmgakamay? angpanunuyaninabucodonosor, ang pinakamakapangyarihang monarka sa lupa. (Daniel 3:15) Ang tatlong kabataang lalaki ay may lubos na pagtitiwala sa kapangyarihan ng kanilang Diyos na ipagsanggalang sila, subalit hindi sila umasa na tiyak na gagawin niya iyon. Sa gayon, sila y sumagot: Kung magkagayon man, maililigtas kami ng aming Diyos na pinaglilingkuran namin. (Daniel 3:17) Sa katunayan, ang nag-aapoy na hurnong iyon, kahit na pinainit pa nang pitong ulit kaysa sa normal, ay hindi naman talaga naging hamon sa kanilang Diyos na makapangyarihan sa lahat. Ipinagsanggalang nga niya sila, at napilitan ang hari na aminin: Walang umiiral na ibang diyos na nakapagliligtas na tulad ng isang ito. Daniel 3: Nagbigay pa rin si Jehova ng isang tunay na kahanga-hangang pagtatanghal ng kaniyang kapangyarihang magsanggalang nang ilipat niya ang buhay ng kaniyang bugtong na Anak sa bahay-bata ng Judiong birhen na si Maria. Sinabi ng anghel kay Maria na siya y maglilihi sa [kaniyang] bahay-bata at magsisilang ng isang anak na lalaki. Nagpaliwanag ang anghel: Ang banal na espiritu ay darating sa iyo, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ay lililim sa iyo. (Lucas 1:31, 35) Sa wari, ang Anak ng Diyos ay hindi pa kailanman napasa ganitong kapanganib na kalagayan. Mababahiran kaya ng kasalanan at di-kasakdalan ng taong ina ang binhi? Masasaktan kaya o mapapatay ni Satanas ang Anak na iyan bago Siya isilang? Imposible! Sa diwa, si Jehova ay naglagay ng isang pananggalang na pader sa palibot ni Maria upang walang anumang bagay walang di-kasakdalan, walang nakapananakit na puwersa, walang mapamaslang na tao, ni anumang demonyo ang makapipinsala sa lumalaking binhi, 10, 11. Anong mga halimbawa sa Bibliya ang nagpapakita kung paano ginamit ni Jehova ang kaniyang kapangyarihang magsanggalang alang-alang sa mga indibiduwal?

74 72 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA mula sa panahon ng paglilihi patuloy. Nagpatuloy si Jehova sa pagsasanggalang kay Jesus sa panahon ng kabataan nito. (Mateo 2:1-15) Hanggang hindi pa sumasapit ang itinakdang panahon ng Diyos, ang kaniyang mahal na Anak ay hindi maaaring salakayin. 12 Bakit ipinagsanggalang ni Jehova ang ilang indibiduwal sa gayong makahimalang mga paraan? Sa maraming pagkakataon ay ipinagsanggalang ni Jehova ang mga indibiduwal upang maipagsanggalang ang lalo pang higit na mahalaga: ang pagsasakatuparan ng kaniyang layunin. Halimbawa, ang kaligtasan ng sanggol na si Jesus ay napakahalaga sa ikatutupad ng layunin ng Diyos, na sa dakong huli ay pakikinabangan ng buong sangkatauhan. Ang ulat ng maraming pagtatanghal ng kapangyarihang magsanggalang ay bahagi ng kinasihang Kasulatan, na isinulat sa ating ikatututo, upang sa pamamagitan ng ating pagbabata at sa pamamagitan ng kaaliwan mula sa Kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa. (Roma 15:4) Oo, ang mga halimbawang ito ay nakapagpapatibay ng ating pananampalataya sa ating Diyos na makapangyarihan sa lahat. Subalit anong pagsasanggalang ang maaasahan natin mula sa Diyos sa ngayon? Kung Ano ang Hindi Kahulugan ng Pagsasanggalang ng Diyos 13 Ang pangako ng pagsasanggalang ng Diyos ay hindi nangangahulugang si Jehova ay obligadong gumawa ng mga himala alangalang sa atin. Hindi, hindi tayo ginagarantiyahan ng ating Diyos ng isang buhay na walang problema sa matandang sistemang ito. Maraming tapat na lingkod ni Jehova ang napapaharap sa matitinding kahirapan, lakip na ang pagdarahop, digmaan, sakit, at kamatayan. Maliwanag na sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na bilang mga indibiduwal sila y maaaring patayin dahil sa kanilang pananampalataya. Iyan ang dahilan kung bakit idiniin ni Jesus na kailangang magbata hanggang wakas. (Mateo 24:9, 13) Kung gagamitin ni Jehova ang kaniyang kapangyarihang gumawa ng makahimalang pagliligtas sa lahat ng pagkakataon, maaaring magkaroon ng dahilan si Satanas na kutyain si Jehova at ilagay sa alanganin ang pagiging tunay ng ating debosyon sa ating Diyos. Job 1:9, Bakit makahimalang ipinagsanggalang ni Jehova ang ilang indibiduwal noong panahon ng Bibliya? 13. Obligado ba si Jehova na gumawa ng mga himala alang-alang sa atin? Ipaliwanag.

75 KAPANGYARIHANG MAGSANGGALANG DIYOS AY KANLUNGAN Kahit noong panahon ng Bibliya, hindi ginamit ni Jehova ang kaniyang kapangyarihang magsanggalang upang protektahan ang bawat isa sa kaniyang mga lingkod mula sa di-napapanahong kamatayan. Halimbawa, pinatay ni Herodes si apostol Santiago noong mga 44 C.E.; ngunit, di pa natatagalan pagkaraan nito, iniligtas naman si Pedro mula sa kamay ni Herodes. (Gawa 12:1-11) At si Juan, kapatid ni Santiago, ay nabuhay nang mas matagal kaysa kina Pedro at Santiago. Maliwanag na hindi natin maaasahan na ipagsasanggalang ng ating Diyos ang lahat ng kaniyang mga lingkod sa magkakatulad na paraan. Bukod diyan, ang panahon at ang di-inaasahang pangyayari ay sumasapit sa ating lahat. (Eclesiastes 9:11) Kung gayon, paano tayo ipinagsasanggalang ni Jehova sa ngayon? Naglalaan si Jehova ng Pisikal na Pagsasanggalang 15 Isaalang-alang muna natin ang tungkol sa pisikal na pagsasanggalang. Bilang mga mananamba ni Jehova, maaasahan natin ang gayong pagsasanggalang bilang isang grupo. Kung hindi, wala tayong kalaban-laban kay Satanas. Pag-isipan ito: Wala nang ibang pinakamimithi si Satanas, ang tagapamahala ng sanlibutang ito, kundi ang pawiin ang tunay na pagsamba. (Juan 12:31; Apocalipsis 12:17) Ipinagbawal ng ilan sa pinakamakapangyarihang mga pamahalaan sa lupa ang ating pangangaral at sinikap na pawiin tayo nang lubusan. Gayunman, ang bayan ni Jehova ay nananatiling matatag at nagpapatuloy sa pangangaral nang walang humpay! Bakit kaya hindi mapahinto ng makapangyarihang mga bansa ang gawain ng maituturing na maliit at sa wari y walang kalaban-labang grupong ito ng mga Kristiyano? Sapagkat ikinubli tayo ni Jehova sa ilalim ng kaniyang makapangyarihang mga pakpak! Awit 17:7, Kumusta naman ang pisikal na pagsasanggalang sa dumarating na malaking kapighatian? Hindi natin dapat ikatakot ang paglalapat ng mga kahatulan ng Diyos. Tutal, alam ni Jehova kung paano magligtas ng mga taong may makadiyos na debosyon mula sa pagsubok, at magtaan naman ng mga taong di-matuwid upang lipulin 14. Anong mga halimbawa ang nagpapakita na hindi palaging ipinagsasanggalang ni Jehova ang lahat ng kaniyang mga lingkod sa magkakatulad na paraan? 15, 16. (a) Anong katibayan mayroon na si Jehova ay nagbibigay ng pisikal na pagsasanggalang para sa kaniyang mga mananamba bilang isang grupo? (b) Bakit tayo makapagtitiwala na ipagsasanggalang ni Jehova ang kaniyang mga lingkod sa ngayon at sa panahon ng malaking kapighatian?

76 74 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA sa araw ng paghuhukom. (Apocalipsis 7:14; 2 Pedro 2:9) Samantala, dalawang bagay ang palaging matitiyak natin. Una, hindi kailanman pahihintulutan ni Jehova na mapawi sa lupa ang kaniyang tapat na mga lingkod. Ikalawa, gagantimpalaan niya ng buhay na walang hanggan sa kaniyang matuwid na bagong sanlibutan ang mga nagiingat ng katapatan kung kinakailangan, sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli. Para sa mga namatay, wala nang mas ligtas na dako kundi ang pagiging nasa alaala ng Diyos. Juan 5:28, Maging sa ngayon, iniingatan tayo ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang buh ay na salita, na may kapangyarihang magpakilos upang mapagaling ang mga puso at mabago ang mga buhay. (Hebreo 4:12) Sa pagkakapit ng mga simulain nito, sa ilang paraan ay maipagsasanggalang tayo mula sa pisikal na kapinsalaan. Ako, si Jehova,ang...nagtuturosaiyoupangmakinabangka, angsabisa Isaias 48:17. Walang alinlangan, ang pamumuhay na kasuwato ng Salita ng Diyos ay makapagpapabuti ng ating kalusugan at makapagpapahaba ng ating buhay. Halimbawa, dahil sa ikinakapit natin ang payo ng Bibliya na umiwas sa pakikiapid at maglinis ng ating sarili mula sa karungisan, naiiwasan natin ang maruruming gawain at nakapipinsalang mga paggawi na nagdudulot ng pagkapariwara sa buhay ng maraming di-makadiyos na mga tao. (Gawa 15:29; 2 Corinto 7:1) Kay laking pasasalamat natin sa pagsasanggalang ng Salita ng Diyos! Ipinagsasanggalang Tayo ni Jehova sa Espirituwal 18 Pinakamahalaga sa lahat, si Jehova ay nagbibigay ng espirituwal na pagsasanggalang. Ipinagsasanggalang tayo ng ating maibiging Diyos mula sa espirituwal na pamiminsala sa pamamagitan ng pagsasangkap sa atin ng kailangan natin upang mabata ang mga pagsubok at upang maingatan ang ating kaugnayan sa kaniya. Sa gayon ay kumikilos si Jehova upang maingatan ang ating buhay, hindi lamang sa ilang maiikling taon kundi magpakailanman. Tingnan ang ilang paglalaan ng Diyos na makapagsasanggalang sa atin sa espirituwal. 19 Si Jehova ang Dumirinig ng panalangin. (Awit 65:2) Kapag sa 17. Paano tayo iniingatan ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang Salita? 18. Anong espirituwal na pagsasanggalang ang ibinibigay sa atin ni Jehova? 19. Paanong ang espiritu ni Jehova ay tutulong sa atin na makayanan ang anumang pagsubok na mapapaharap sa atin?

77 KAPANGYARIHANG MAGSANGGALANG DIYOS AY KANLUNGAN 75 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Awit 23:1-6 Bilang ang Dakilang Pastol, paano ipinagsasanggalang at pinangangalagaan ni Jehova ang kaniyang tulad-tupang bayan? Awit 91:1-16 Paano tayo ipinagsasanggalang ni Jehova mula sa espirituwal na kalamidad, at ano ang dapat nating gawin upang mapasailalim ng kaniyang pagsasanggalang? Daniel 6:16-22, Paano tinuruan ni Jehova ang isang sinaunang hari tungkol sa Kaniyang kapangyarihang magsanggalang, at ano ang matututuhan natin sa halimbawang ito? Mateo 10:16-22, Anong pagsalansang ang maaasahan natin, subalit bakit hindi natin dapat katakutan ang mga mananalansang? wari y hindi na makayanan ang mga panggigipit sa buhay, ang pagbubuhos sa kaniya ng nilalaman ng ating puso ay makapagdudulot sa atin ng malaking ginhawa. (Filipos 4:6, 7) Maaaring hindi niya alisin ang mga pagsubok sa atin sa makahimalang paraan, subalit bilang tugon sa ating taos-pusong pananalangin, maipagkakaloob niya sa atin ang karunungan upang maharap ang mga ito. (Santiago 1:5, 6) Higit pa riyan, si Jehova ay nagbibigay ng banal na espiritu sa mga humihingi sa kaniya. (Lucas 11:13) Ang makapangyarihang espiritung iyan ay makatutulong sa atin na makayanan ang anumang pagsubok o suliranin na mapapaharap sa atin. Mapupuspos tayo nito ng lakas na higit sa karaniwan upang makapagbata hanggang sa alisin ni Jehova ang lahat ng nakapipighating suliranin sa bagong sanlibutan na napakalapit na. 2 Corinto 4:7. 20 Kung minsan, ang kapangyarihang magsanggalang ni Jehova ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng ating kapuwa mga mananamba. Tinipon na ni Jehova ang kaniyang bayan sa isang pandaigdig na samahan ng mga kapatid. (1 Pedro 2:17; Juan 6:44) Sa maibiging kapatirang iyan, nakikita natin ang buh ay na patotoo ng kapangyarihan ng banal na espiritu ng Diyos na makaimpluwensiya sa mga tao sa ikabubuti. Ang espiritung iyan ay nagluluwal sa atin ng mga bunga magaganda at mahahalagang katangian lakip na rito ang pag-ibig, kabaitan, at kabutihan. (Galacia 5:22, 23) Kaya 20. Paanong ang kapangyarihang magsanggalang ni Jehova ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng ating kapuwa mga mananamba?

78 76 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA naman, kapag tayo y nababagabag at ang isang kapananampalataya ay napakilos na mag-alok ng nakatutulong na payo o magbigay ng lubhang-kinakailangang mga salitang pampatibay, makapagpapasalamat tayo kay Jehova sa gayong mga kapahayagan ng kaniyang mapagsanggalang na pangangalaga. 21 May isa pang bagay na ibinibigay si Jehova upang ipagsanggalang tayo: napapanahong espirituwal na pagkain. Upang matulungan tayong makakuha ng lakas mula sa kaniyang Salita, inatasan ni Jehova ang tapat at maingat na alipin na mamahagi ng espirituwal na pagkain. Ang tapat na aliping iyan ay gumagamit ng mga nakalathalang publikasyon, kabilang na ang mga babasahing Ang Bantayan at Gumising!, gayundin ang mga pulong, asamblea, at kombensiyon upang paglaanan tayo ng pagkain sa tamang panahon kung ano ang kailangan natin at kung kailan natin ito kailangan. (Mateo 24:45) May narinig ka na ba sa Kristiyanong pagpupulong sa komento, sa pahayag, o maging sa panalangin na naglalaan ng lakas at pampatibay-loob na sadyang kinakailangan? Naapektuhan na ba ang iyong buhay ng isang espesipikong artikulo na inilathala sa isa sa ating mga babasahin? Tandaan, si Jehova ang nagsusuplay ng lahat ng paglalaang ito upang maipagsanggalang tayo sa espirituwal. 22 Si Jehova ay talagang isang kalasag sa lahat ng nanganganlong sa kaniya. (Awit 18:30) Batid natin na hindi niya ginagamit ang kaniyang kapangyarihan upang ipagsanggalang tayo mula sa lahat ng kalamidad sa ngayon. Gayunman, palagi nga niyang ginagamit ang kaniyang kapangyarihang magsanggalang upang matiyak ang pagsasakatuparan ng kaniyang layunin. Sa dakong huli, ang paggawa niya nito ang pinakamabuti para sa kapakanan ng kaniyang bayan. Kung tayo y magiging malap ıt sa kaniya at mananatili sa kaniyang pag-ibig, si Jehova ay magbibigay sa atin ng sakdal na buhay magpakailanman. Taglay sa isip ang pag-asang iyan, tunay ngang maaari nating malasin na ang anumang paghihirap sa sistemang ito ay panandalian at magaan. 2 Corinto 4: (a) Anong napapanahong espirituwal na pagkain ang inilalaan ni Jehova sa pamamagitan ng tapat at maingat na alipin? (b) Paano ka personal na nakinabang mula sa mga paglalaan ni Jehova upang maipagsanggalang tayo sa espirituwal? 22. Sa anong paraan palaging ginagamit ni Jehova ang kaniyang kapangyarihan, at bakit ang paggawa niya nito ang pinakamabuti para sa ating kapakanan?

79 K A B A N A T A 8 Kapangyarihang Magsauli Ginagawang Bago ni Jehova ang Lahat ng Bagay NAIWALA o nasira ng isang bata ang pinakamamahal na laruan at ito y humagulhol. Totoong makabagbag-puso ang iyak na iyon! Subalit, nakita mo na ba kung paano umaaliwalas ang mukha ng isang bata kapag naisauli ng magulang ang naiwala? Para sa magulang, isang simpleng bagay lamang na mahanap ang laruan o kaya y makumpuni ito. Subalit ang bata ay tuwang-tuwa at manghangmangha. Ang inakalang talagang nawala na ay naisauli! 2 Si Jehova, ang pinakadakilang Ama, ay may kapangyarihang magsauli sa isang bagay na maaaring para sa kaniyang makalupang mga anak ay lubusan nang nawala. Mangyari pa, hindi basta mga laruan lamang ang ating tinutukoy. Sa ganitong mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan, napapaharap tayo sa mga kawalan na higit pang napakalubha. (2 Timoteo 3:1-5) Karamihan sa pinakaiingatan ng mga tao ay waring patuloy na nanganganib tahanan, mga pag-aari, trabaho, maging kalusugan. Baka nadidismaya rin tayo kapag naiisip natin ang pagkawasak ng kapaligiran at ang resultang pagkawala ng maraming uri ng nabubuhay na mga kinapal dahil sa pagkalipol ng mga ito. Gayunman, wala nang sasakit pa sa pagkamatay ng isa nating minamahal. Ang pagkadama ng pangungulila at kawalang-magagawa ay maaaring napakatindi. 2 Samuel 18:33. 3 Kung gayon, kaylaking kaaliwan nga na malaman ang tungkol sa kapangyarihang magsauli ni Jehova! Gaya ng makikita natin, kagilagilalas ang lawak ng maisasauli at talagang isasauli ng Diyos sa kaniyang makalupang mga anak. Sa katunayan, ipinakikita ng Bibliya na layunin ni Jehova ang pagsasauli ng lahat ng bagay. (Gawa 3:21) Upang maisagawa ito, gagamitin ni Jehova ang Mesiyanikong Kaharian, na pinamamahalaan ng kaniyang Anak na si Jesu-Kristo. Ipina- 1, 2. Anong mga kawalan ang nagpapahirap sa pamilya ng sangkatauhan sa ngayon, at paano ito nakaaapekto sa atin? 3. Anong nakaaaliw na pag-asa ang nakabalangkas sa Gawa 3:21, at paano ito isasakatuparan ni Jehova?

80 78 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA kikita ng katibayan na ang Kahariang ito ay nagsimula nang mamahala sa langit noong (Mateo 24:3-14) Ano ba ang isasauli? Isaalang-alang natin ang ilang dakilang pagsasauli ni Jehova. Ang isa sa mga ito ay nakikita at nararanasan na natin. Ang iba naman ay sa hinaharap pa magaganap sa malawakang paraan. Ang Pagsasauli ng Dalisay na Pagsamba 4 Ang isang bagay na naisauli na ni Jehova ay ang dalisay na pagsamba. Upang maunawaan ang kahulugan nito, sandali nating suriin ang naging kasaysayan ng kaharian ng Juda. Ang paggawa nito ay magbibigay sa atin ng nakapananabik na kaunawaan kung paano ginagamit ni Jehova ang kaniyang kapangyarihang magsauli. Roma 15:4. 5 Isip-isipin na lamang ang nadama ng tapat na mga Judio noong 607 B.C.E. nang mawasak ang Jerusalem. Ang kanilang pinakamamahal na lunsod ay nasira at ang mga pader nito ay nagiba. Mas masahol pa, ang maluwalhating templo na itinayo ni Solomon, ang nag-iisang sentro ng dalisay na pagsamba kay Jehova sa buong lupa, ay naguho. (Awit 79:1) Ang mga nakaligtas ay itinapon sa Babilonya, anupat ang kanilang bayang tinubuan ay naging tiwangwang na dakong pinamumugaran ng mababangis na hayop. (Jeremias 9:11) Mula sa pangmalas ng tao, wari ngang naglaho na ang lahat. (Awit 137:1) Subalit si Jehova, na malaon nang humula sa pagpuksang ito, ay naglaan ng pag-asa na may darating na panahon ng pagsasauli. 6 Sa katunayan, ang pagsasauli ay isang paulit-ulit na tema sa mga Nagsimula ang mga panahon ng pagsasauli ng lahat ng bagay nang itatag ang Mesiyanikong Kaharian na ang nakaupo sa trono ay ang tagapagmana ng tapat na si Haring David. Ipinangako ni Jehova kay David na isa sa mga tagapagmana niya ang mamamahala magpakailanman. (Awit 89:35-37) Subalit matapos wasakin ng Babilonya ang Jerusalem noong 607 B.C.E., walang taong inapo ni David ang naupo sa trono ng Diyos. Si Jesus, na isinilang sa lupa bilang isang tagapagmana ni David, ay naging ang malaon-nang-ipinangakong Hari nang siya y iniluklok sa langit. 4, 5. Ano ang nangyari sa bayan ng Diyos noong 607 B.C.E., at anong pag-asa ang inialok ni Jehova sa kanila? 6-8. (a) Anong paulit-ulit na tema ang masusumpungan sa mga sulat ng mga propetang Hebreo, at paano unang natupad ang gayong mga hula? (b) Sa makabagong panahon, paano naranasan ng bayan ng Diyos ang katuparan ng maraming hula tungkol sa pagsasauli?

81 KAPANGYARIHANG MAGSAULI GINAGAWANG BAGO LAHAT NG BAGAY 79 sulat ng mga propetang Hebreo. Sa pamamagitan nila, ipinangako ni Jehova ang isang lupaing isinauli at muling pinanahanan, mabunga, ipinagsasanggalang mula sa pagsalakay ng mababangis na hayop at ng mga kaaway. Kaniyang inilarawan ang kanilang isinauling lupain bilang isa ngang tunay na paraiso! (Isaias 65:25; Ezekiel 34:25; 36:35) Higit sa lahat, ang dalisay na pagsamba ay muling itatatag, at ang templo ay muling itatayo. (Mikas 4:1-5) Ang mga hulang ito ay nagbigay ng pag-asa sa mga tapong Judio, anupat tumulong sa kanila upang mabata ang kanilang 70-ta ong pagkabihag sa Babilonya. 7 Sa wakas, dumating na rin ang panahon ng pagsasauli. Matapos mapalaya mula sa Babilonya, ang mga Judio ay nagbalik sa Jerusalem at itinayong muli ang templo ni Jehova roon. (Ezra 1:1, 2) Habang sila y naninindigan sa dalisay na pagsamba, sila y pinagpapala noon ni Jehova at pinagiging mabunga at masagana ang kanilang lupain. Ipinagsasanggalang niya sila sa mga kaaway at sa mababangis na hayop na namugad sa kanilang lupain sa loob ng ilang dekada. Tiyak na tuwang-tuwa sila sa kapangyarihang magsauli ni Jehova! Subalit ang mga pangyayaring iyon ay isang pasimula at limitadong katuparan lamang ng mga hula tungkol sa pagsasauli. Mayroon pang darating na mas malaking katuparan sa huling bahagi ng mga araw, sa atin mismong panahon, kapag ang malaonnang-ipinangakong Tagapagmana ni Haring David ay iniluklok na sa trono. Isaias 2:2-4; 9:6, 7. 8 Di-nagtagal matapos iluklok si Jesus sa makalangit na Kaharian noong 1914, inasikaso niya ang espirituwal na mga pangangailangan ng tapat na bayan ng Diyos sa lupa. Kung paanong pinalaya ng Persianong manlulupig na si Ciro ang isang nalabi ng mga Judio mula sa Babilonya noong 537 B.C.E., gayundin pinalaya ni Jesus ang isang nalabi ng espirituwal na mga Judio ang kaniyang sariling mga tagasunod-yapak mula sa impluwensiya ng makabagong-panahong Babilonya, ang pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon. (Roma 2:29; Apocalipsis 18:1-5) Mula 1919 patuloy, naisauli na ang dalisay na pagsamba sa wastong dako nito sa buhay ng tunay na mga Kristiyano. (Malakias 3:1-5) Mula noon, ang bayan ni Jehova ay sumamba na sa kaniya sa kaniyang nilinis na espirituwal na templo ang kaayusan ng Diyos para sa dalisay na pagsamba. Bakit ito mahalaga sa atin sa ngayon? Halimbawa, sina Moises, Isaias, Jeremias, Ezekiel, Oseas, Joel, Amos, Obadias, Mikas, at Zefanias ay pawang tumalakay sa temang ito.

82 80 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Espirituwal na Pagsasauli Kung Bakit Ito Mahalaga 9 Isaalang-alang ang mga nangyari ayon sa kasaysayan. Ang mga Kristiyano noong unang siglo ay nagtamasa ng maraming espirituwal na pagpapala. Subalit inihula ni Jesus at ng mga apostol na ang tunay na pagsamba ay m apapasam a ˆ at maglalaho. (Mateo 13:24-30; Gawa 20:29, 30) Matapos ang panahon ng mga apostol, bumangon ang Sangkakristiyanuhan. Tinanggap ng mga klerigo nito ang mga paganong turo at mga gawain. Ginawa rin nilang halos imposible ang paglapit sa Diyos, anupat inilalarawan siya bilang isang mahirap-unawaing Trinidad at tinuturuan ang mga tao na mangumpisal sa mga pari at magdasal kay Maria at sa iba t ibang santo sa halip na kay Jehova. Ngayon, matapos ang gayong pagpapasamasaloob ˆ ng maraming siglo, ano ang ginawa ni Jehova? Sa gitna ng daigdig sa ngayon isang daigdig na tigib ng relihiyosong kabulaanan at pinarumi ng di-makadiyos na mga gawain nakialam na siya at ibinalik niya ang dalisay na pagsamba! Walang-halong pagmamalabis, masasabi natin na ang pagsasauling ito ay isa sa pinakamahalagang pangyayari sa makabagong panahon. 10 Kaya naman ang tunay na mga Kristiyano sa ngayon ay nagtatamasa ng isang espirituwal na paraiso. Ano ang kasangkot sa paraisong ito? Pangunahin nang may dalawang elemento. Ang una ay ang dalisay na pagsamba sa tunay na Diyos, si Jehova. Biniyayaan niya tayo ng isang paraan ng pagsamba na malaya sa kasinungalingan at pagpilipit sa katotohanan. Pinaglaanan niya tayo ng espirituwal na pagkain. Nakatulong ito upang matutuhan natin ang tungkol sa ating makalangit na Ama, upang mapaluguran siya, at upang m a- palap ıt sa kaniya. (Juan 4:24) Ang ikalawang aspekto ng espirituwal na paraiso ay nagsasangkot sa mga tao. Gaya ng inihula ni Isaias, sa huling bahagi ng mga araw, tinuruan ni Jehova ang kaniyang mga mananamba ng mga daan ng kapayapaan. Inalis niya ang digmaan sa gitna natin. Sa kabila ng ating di-kasakdalan, tinutulungan niya tayo na magbihis ng bagong personalidad. Pinagpapala niya ang ating mga pagsisikap sa pamamagitan ng pagbibigay ng kani- 9. Matapos ang panahon ng mga apostol, ano ang ginawa ng mga simbahan ng Sangkakristiyanuhan sa pagsamba sa Diyos, subalit ano ang ginawa ni Jehova sa ating kapanahunan? 10, 11. (a) Anong dalawang elemento ang kasangkot sa espirituwal na paraiso, at paano ka apektado? (b) Anong uri ng mga tao ang tinitipon ni Jehova sa espirituwal na paraiso, at ano ang pribilehiyo nilang masaksihan?

83 KAPANGYARIHANG MAGSAULI GINAGAWANG BAGO LAHAT NG BAGAY 81 yang banal na espiritu, na nagluluwal ng magagandang bunga sa atin. (Efeso 4:22-24; Galacia 5:22, 23) Kapag ikaw ay gumagawang kasuwato ng espiritu ng Diyos, ikaw ay talagang bahagi ng espirituwal na paraiso. 11 Tinitipon ni Jehova sa espirituwal na paraisong ito ang uri ng mga taong iniibig niya yaong mga umiibig sa kaniya, mga umiibig sa kapayapaan, at mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan. (Mateo 5:3) Sila ang mga taong magkakapribilehiyo na masaksihan ang isang higit pang kahanga-hangang pagsasauli yaong sa sangkatauhan at sa buong lupa. Narito! Ginagawa Kong Bago ang Lahat ng Bagay 12 Waring higit pa sa espirituwal na pagsasauli ang tinutukoy ng marami sa mga hula tungkol sa pagsasauli. Halimbawa, isinulat ni Isaias ang isang panahon na ang mga maysakit, ang pilay, ang bulag, at ang bingi ay pagagalingin at pati na ang kamatayan mismo ay lululunin magpakailanman. (Isaias 25:8; 35:1-7) Ang gayong mga pangako ay hindi nagkaroon ng literal na katuparan sa sinaunang Israel. At bagaman nakita natin ang espirituwal na katuparan ng mga pangakong ito sa ating kapanahunan, may matibay na dahilan upang maniwala na sa hinaharap, magkakaroon ito ng isang literal at pangmalawakang katuparan. Paano natin ito nalalaman? 13 Sa Eden noon, niliwanag ni Jehova ang kaniyang layunin para sa lupa: Ito y tatahanan ng isang maligaya, malusog at nagkakaisang pamilya ng sangkatauhan. Ang lalaki at babae ay mangangalaga sa lupa at sa lahat ng mga nilalang na naroroon, at gagawing isang paraiso ang buong planeta. (Genesis 1:28) Ibang-iba iyan sa kasalukuyang kalagayan. Gayunman, makatitiyak tayo na ang mga layunin ni Jehova ay hindi kailanman mahahadlangan. (Isaias 55:10, 11) Pangyayarihin ni Jesus, bilang ang Mesiyanikong Hari na inatasan ni Jehova, ang pangglobong Paraisong ito. Lucas 23: Gunigunihin na nakita mong ang buong lupa ay ginawang Paraiso! Sinabi ni Jehova ang tungkol sa panahong iyon: Narito! Ginagawa kong bago ang lahat ng bagay. (Apocalipsis 21:5) Isaalang- 12, 13. (a) Bakit masasabing may isa pang katuparan ang mga hula tungkol sa pagsasauli? (b) Ano ang layunin ni Jehova para sa lupa gaya ng sinabi sa Eden, at bakit ito y nagbibigay sa atin ng pag-asa sa hinaharap? 14, 15. (a) Paano gagawin ni Jehova na bago ang lahat ng bagay? (b) Ano ang magiging buhay sa Paraiso, at aling aspekto ang pinakagusto mo?

84 82 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA alang ang magiging kahulugan nito. Kapag naisagawa na ni Jehova ang kaniyang kapangyarihang pumuksa laban sa balakyot na matandang sistemang ito, mananatili ang mga bagong langit at isang bagong lupa. Nangangahulugan ito na isang bagong pamahalaan ang maghahari mula sa langit sa isang bagong lipunan sa lupa na binubuo niyaong mga umiibig kay Jehova at gumagawa ng kaniyang kalooban. (2 Pedro 3:13) Si Satanas, kasama ang kaniyang mga demonyo, ay ikukulong. (Apocalipsis 20:3) Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng libu-libong taon, ang sangkatauhan ay maliligtas na mula sa tiwali at nakasusuklam na negatibong impluwensiyang iyan. Walang-pagsalang di-malirip na kaginhawahan ang madarama roon. 15 Sa wakas, mapangangalagaan na natin ang magandang planetang ito gaya ng dapat na ginawa natin sa pasimula. Ang lupa ay may likas na kakayahang manauli. Ang narumhang mga lawa at ilog ay may kakayahang maglinis ng sarili nito kapag naalis na ang pinanggagalingan ng dumi; ang napinsalang mga lupain ay may kakayahang magbalik sa dati kapag wala nang mga digmaan. Kaylaking kasiyahan nga na gumawa ayon sa kalikasan ng lupa, anupat tumutulong na gawin itong isang tulad-halamanang parke, isang pangglobong Eden ng walang-katapusang bilang ng sari-saring pananim at mga hayop! Sa halip na walang-patumanggang sirain ang mga uring ito ng hayop at pananim, ang tao ay makikipagpayapaan sa lahat ng nilalang sa lupa. Maging ang mga bata ay hindi na matatakot sa mababangis na hayop. Isaias 9:6, 7; 11: Makararanas din tayo ng pang-indibiduwal na pagsasauli. Pagkatapos ng Armagedon, makakakita ang mga nakaligtas ng makahimalang mga pagpapagaling sa pangglobong lawak. Gaya ng ginawa niya habang nasa lupa, gagamitin ni Jesus ang kaniyang bigay-diyos na kapangyarihan upang ibalik ang paningin ng mga bulag, ang pandinig ng mga bingi, ang malusog na pangangatawan ng mga pilay at may karamdaman. (Mateo 15:30) Ang matatanda ay malulugod sa panibagong lakas, kalusugan, at sigla ng kabataan. (Job 33:25) Mawawala na ang mga kulubot, maiuunat na ang mga binti at braso, at mababanat na ang mga kalamnan taglay ang panibagong lakas. Madarama ng tapat na sangkatauhan na unti-unti nang humuhupa 16. Sa Paraiso, anong pagsasauli ang makaaapekto sa bawat tapat na indibiduwal?

85 KAPANGYARIHANG MAGSAULI GINAGAWANG BAGO LAHAT NG BAGAY 83 at naglalaho ang mga epekto ng kasalanan at di-kasakdalan. Tiyak na gayon na lamang ang ating pasasalamat sa Diyos na Jehova dahil sa kaniyang kamangha-manghang kapangyarihang magsauli! Ituon natin ngayon ang ating pansin sa isang lalo nang nakapagpapasiglang aspekto ng kapana-panabik na panahong ito ng pagsasauli. Pagsasauli ng Buhay sa mga Namatay 17 Noong unang siglo C.E., ang ilang lider ng relihiyon, na tinatawag na mga Saduceo, ay hindi naniniwala sa pagkabuhay-muli. Pinagwikaan sila ni Jesus sa pamamagitan ng mga salitang ito: Nagkakamali kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang Kasulatan ni ang kapangyarihan ng Diyos. (Mateo 22:29) Oo, isinisiwalat ng Kasulatan na taglay ni Jehova ang gayong kapangyarihang magsauli. Paano? 18 Ilarawan sa isip ang nangyari noong kapanahunan ni Elias. Yakap-yakap ng isang babaing balo ang lungayngay na katawan ng kaniyang kaisa-isang anak. Patay na ang batang lalaki. Si propeta Elias, na naging panauhin ng balo nang kaunting panahon, ay tiyak na nagulat. Bago iyon, tumulong siyang mailigtas ang batang ito mula sa pagkagutom. Malamang na napamahal na rin kay Elias ang bata. Halos madurog ang puso ng ina. Ang batang ito ang tanging buh ay na alaala ng kaniyang namatay na asawa. Maaaring inasahan niya na ang kaniyang anak ang mag-aalaga sa kaniya pagtanda niya. Palibhasa y gulung-gulo ang isip, nangamba ang balo na baka siya y pinarurusahan dahil sa may nagawa siyang pagkakamali. Hindi matiis ni Elias na makita ang gayong paglala ng trahedyang ito. Dahan-dahan niyang kinuha ang bangkay mula sa dibdib ng ina, binuhat ito patungo sa kaniyang silid, at hiniling sa Diyos na Jehova na isauli ang kaluluwa, o buhay, ng bata. 1 Hari 17: Hindi si Elias ang unang taong naniwala sa pagkabuhay-muli. Mga ilang siglo bago nito, naniwala si Abraham na si Jehova ay nagtataglay ng gayong kapangyarihang magsauli at maganda ang dahilan. Nang si Abraham ay 100 taon na at si Sara naman ay 90, isinau- 17, 18. (a) Bakit pinagwikaan ni Jesus ang mga Saduceo? (b) Anong situwasyon ang umakay kay Elias upang hilingin kay Jehova na magsagawa ng pagbuhaymuli? 19, 20. (a) Paano ipinakita ni Abraham na siya y may pananampalataya sa kapangyarihang magsauli ni Jehova, at ano ang saligan ng gayong pananampalataya? (b) Paano ginantimpalaan ni Jehova ang pananampalataya ni Elias?

86 84 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA li ni Jehova ang kanilang kakayahang mag-anak na noon ay patay na, anupat makahimalang nagsilang si Sara ng isang anak na lalaki. (Genesis 17:17; 21:2, 3) Nang maglaon, nang nasa hustong gulang na ang bata, hiniling ni Jehova kay Abraham na ihain ang anak nito. Si Abraham ay nagpakita ng pananampalataya, anupat iniisip niya na maisasauli ni Jehova ang buhay ng kaniyang pinakamamahal na si Isaac. (Hebreo 11:17-19) Ang gayong masidhing pananampalataya ay maaaring magpaliwanag kung bakit si Abraham, bago umakyat sa bundok upang ihandog ang kaniyang anak, ay tumiyak sa kaniyang mga lingkod na sila ni Isaac ay magkasamang babalik. Genesis 22:5. 20 Iniligtas ni Jehova si Isaac, kaya hindi nangailangan ng pagbuhay-muli noong pagkakataong iyon. Gayunman, sa pangyayari kay Elias, ang anak ng balo ay patay na ngunit hindi ito nagtagal. Ginantimpalaan ni Jehova ang pananampalataya ng propeta sa pamamagitan ng pagbuhay-muli sa bata! Pagkatapos ay ibinigay ni Elias ang bata sa kaniyang ina, habang sinasabi ang di-malilimot na mga salitang ito: Tingnan mo, ang iyong anak ay buh ay! 1 Hari 17: Kaya sa kauna-unahang pagkakataon sa ulat ng Bibliya, nakita natin ang paggamit ni Jehova ng kaniyang kapangyarihang magsauli ng buhay ng tao. Nang dakong huli, binigyang-kapangyarihan din ni Jehova sina Eliseo, Jesus, Pablo, at Pedro na magsauli ng buhay sa namatay. Mangyari pa, yaong mga binuhay-muling iyon ay namatay muli nang dakong huli. Gayunman, ang gayong mga salaysay sa Bibliya ay nagbibigay sa atin ng isang kamangha-manghang patiunang pagtanaw sa mga bagay na darating. 22 Sa Paraiso, gagampanan ni Jesus ang kaniyang papel bilang ang pagkabuhay-muli at ang buhay. (Juan 11:25) Bubuhayin niyang muli ang di-mabilang na milyun-milyon, anupat binibigyan sila ng pagkakataon na mabuhay magpakailanman sa Paraiso sa lupa. (Juan 5:28, 29) Isip-isipin na lamang ang muling pagkikita habang ang pinakamamahal na mga kaibigan at mga kamag-anak, na matagal na pinaghiwalay ng kamatayan, ay nagyayakapan, taglay ang 21, 22. (a) Ano ang layunin ng mga pagkabuhay-muli na nakaulat sa Kasulatan? (b) Sa Paraiso, gaano karami ang gagawing pagbuhay-muli, at sino ang magsasagawa nito? Tingnan mo, ang iyong anak ay buh ay!

87

88 86 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA MgaTanongParasaPagbubulay-bulay 2Hari5:1-15Dahil nilinang niya ang pagpapakumbaba, paanong ang isang lalaki noong panahon ng Bibliya ay nakinabang sa kapangyarihang magsauli ni Jehova? Job 14:12-15 Anong pagtitiwala ang taglay ni Job, at paanong ang mga talatang ito ay maaaring makaapekto sa ating sariling pag-asa sa hinaharap? Awit 126:1-6 Ano ang maaaring nadarama ng mga Kristiyano sa ngayon tungkol sa pagsasauli sa dalisay na pagsamba at sa kanilang bahagi rito? Roma 4:16-25 Bakit mahalagang maglagak ng pananampalataya sa kapangyarihang magsauli ni Jehova? walang-kahulilip na kagalakan! Ang buong sangkatauhan ay pupuri kay Jehova dahil sa kaniyang kapangyarihang magsauli. 23 Si Jehova ay nagbigay ng isang napakatibay na garantiya na ang gayong mga pag-asa ay tiyak. Bilang pinakadakilang pagtatanghal ng kaniyang kapangyarihan, binuhay niyang muli ang kaniyang Anak na si Jesus bilang isang makapangyarihang espiritung nilalang, anupat pumapangalawa lamang kay Jehova. Ang binuhay-muling si Jesus ay nagpakita sa daan-daang saksi. (1 Corinto 15:5, 6) Kahit sa mga mapag-alinlangan, ang gayong patotoo ay dapat na maging sapat na. Si Jehova ay may kapangyarihang magsauli ng buhay. 24 Hindi lamang taglay ni Jehova ang kapangyarihang bumuhay ng patay kundi taglay rin niya ang pagnanais na gawin ito. Kinasihan ang tapat na lalaking si Job na sabihing talagang minimithi ni Jehova na ibalik ang mga patay. (Job 14:15) Hindi ka ba naaakit sa ating Diyos, na nananabik gamitin ang kaniyang kapangyarihang magsauli sa gayong maibiging paraan? Gayunman, tandaan na isang bahagi lamang ito ng napakalaking gawaing pagsasauli ni Jehova sa hinaharap. Habang higit kang napapalapit sa kaniya, pakamahaling lagi ang mahalagang pag-asa na ikaw ay posibleng naroroon upang makitang ginagawang bago ni Jehova ang lahat ng bagay. Apocalipsis 21: Ano ang pinakadakila sa lahat ng pagtatanghal ni Jehova ng kaniyang kapangyarihan, at paano ito gumagarantiya sa ating pag-asa sa hinaharap? 24. Bakit makapagtitiwala tayo na bubuhaying-muli ni Jehova ang mga patay, at anong pag-asa ang maaaring pakamahalin ng bawat isa sa atin?

89 K A B A N A T A 9 Si Kristo ang Kapangyarihan ng Diyos NAHINTAKUTAN ang mga alagad. Sila y naglalayag noon patawid sa kabilang ibayo ng Dagat ng Galilea nang bigla silang abutan ng bagyo. Walang-alinlangang nakaranas na silang bagyuhin sa lawang ito tutal, ang ilan sa mga lalaking ito ay mga bihasang mangingisda. (Mateo 4:18, 19) Subalit ito y isang napakalakas na buhawi, at bigla nitong pinaalimpuyo ang malalaking alon sa dagat. Balisang-balisa ang mga lalaki sa pag-ugit sa bangka, subalit napakalakas ng bagyo. Ang umaalimbukay na mga alon ay humahampas sa bangka, anupat unti-unti itong napupuno ng tubig. Sa kabila ng pagkakagulo, si Jesus naman ay mahimbing na natutulog sa popa dahil sa pagod matapos ang maghapong pagtuturo sa mga pulutong. Palibhasa y nanganganib ang kanilang buhay, ginising siya ng mga alagad, na nakikiusap: Panginoon, iligtas mo kami, mamamatay na kami! Marcos 4:35-38; Mateo 8: Hindi natakot si Jesus. Taglay ang lubos na pagtitiwala, sinaway niya ang hangin at ang dagat: Tigil! Tumahimik ka! Agad na sumunod ang hangin at ang dagat humupa ang bagyo, kumalma ang mga alon, at nagkaroon ng lubos na katahimikan. Sinaklot ngayon ng kakaibang takot ang mga alagad. Sino nga bang talaga ito? pagbubulungan nila sa isa t isa. Anong uri nga ba ng tao ang makasasaway sa hangin at dagat na para bang nagpapayo sa isang malikot na bata? Marcos 4:39-41; Mateo 8:26, Subalit si Jesus ay hindi pangkaraniwang tao. Ang kapangyarihan ni Jehova ay kumikilos sa kaniya at sa pamamagitan niya sa Ang biglang pagbagyo ay karaniwan na sa Dagat ng Galilea. Dahil sa kababaan ng dagat (mga 200 metro ang baba ` sa kapantayan ng dagat), ang hangin ay mas mainit doon kaysa sa mga karatig nito, at ito y lumilikha ng pagbabago sa atmospera. Ang malalakas na hangin ay humahampas pababa sa Libis ng Jordan mula sa Bundok Hermon, na nasa hilaga. Ang sandaling katahimikan ay maaaring agad na mapalitan ng nagngangalit na bagyo (a) Anong nakapanghihilakbot na karanasan ang dinanas ng mga alagad sa Dagat ng Galilea, at ano ang ginawa ni Jesus? (b) Bakit wastong tawagin si Jesus bilang si Kristo ang kapangyarihan ng Diyos?

90 88 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA kakaibang mga paraan. Wasto nga siyang tukuyin ng kinasihang apostol na si Pablo bilang si Kristo ang kapangyarihan ng Diyos. (1 Corinto 1:24) Sa anu-anong paraan namamalas kay Jesus ang kapangyarihan ng Diyos? At ano ang maaaring maging epekto sa ating buhay ng paggamit ni Jesus ng kapangyarihan? Ang Kapangyarihan ng Bugtong na Anak ng Diyos 4 Isaalang-alang ang kapangyarihang taglay ni Jesus noong hindi pa siya nagiging tao. Ginamit ni Jehova ang kaniyang sariling walang-hanggang kapangyarihan nang lalangin niya ang kaniyang bugtong na Anak, na nang maglaon ay nakilala bilang si Jesu-Kristo. (Roma 1:20; Colosas 1:15) Pagkatapos noon, ipinagkatiwala ni Jehova sa Anak na ito ang napakalaking kapangyarihan at awtoridad, anupat iniatas sa kaniya ang pagsasakatuparan ng Kaniyang mga layunin ukol sa paglalang. Tungkol sa Anak, sinasabi ng Bibliya: Ang lahat ng bagay ay umiral sa pamamagitan niya, at kung hiwalay sa kaniya ay walang isa mang bagay ang umiral. Juan 1:3. 5 Halos hindi natin malirip ang kalakhan ng saklaw ng atas na iyan. Isip-isipin na lamang ang kinakailangang kapangyarihan upang pairalin ang milyun-milyong makapangyarihang mga anghel, ang pisikal na uniberso na may bilyun-bilyong galaksi, at ang lupa na kinaroroonan ng saganang pagkasarisari ng buhay. Upang maisagawa ang mga iyon, hawak ng bugtong na Anak ang pinakamakapangyarihang puwersa sa uniberso ang banal na espiritu ng Diyos. Ang Anak na ito ay nakasumpong ng kaluguran sa pagiging ang Dalubhasang Manggagawa, na ginamit ni Jehova sa paglikha sa lahat ng iba pang mga bagay. Kawikaan 8: Ang bugtong na Anak ba ay may tatanggapin pang higit na kapangyarihan at awtoridad? Pagkatapos na si Jesus ay mamatay sa lupa at buhaying-muli, sinabi niya: Ang lahat ng awtoridad ay ibinigaynasaakinsalangitatsalupa. (Mateo28:18)Oo,ipinagkaloob na kay Jesus ang kakayahan at karapatang gumamit ng kapangyarihan sa buong uniberso. Bilang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon, siya y binigyan ng awtoridad na pumawi sa lahat 4, 5. (a) Anong kapangyarihan at awtoridad ang ipinagkatiwala ni Jehova sa kaniyang bugtong na Anak? (b) Paano nasangkapan ang Anak na ito upang maisakatuparan ang mga layunin ng kaniyang Ama ukol sa paglalang? 6. Pagkatapos ng kaniyang kamatayan sa lupa at ng kaniyang pagkabuhay-muli, ipinagkaloob kay Jesus ang anong kapangyarihan at awtoridad?

91 SI KRISTO ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS 89 ng pamahalaan at sa lahat ng awtoridad at kapangyarihan nakikita at di-nakikita na sumasalansang sa kaniyang Ama. (Apocalipsis 19:16; 1 Corinto 15:24-26) Ang Diyos ay walang iniwang anumang bagay na hindi napasasakop kay Jesus na ang ibig sabihin, maliban kay Jehova mismo. Hebreo 2:8; 1 Corinto 15:27. 7 Kailangan ba tayong mabahala na baka gamitin ni Jesus sa maling paraan ang kaniyang kapangyarihan? Hinding-hindi! Talagang iniibig ni Jesus ang kaniyang Ama at hindi siya kailanman gagawa ng anumang bagay na di-makalulugod dito. (Juan 8:29; 14:31) Alam na alam ni Jesus na hindi kailanman ginagamit ni Jehova sa maling paraan ang kapangyarihan nito na nakahihigit sa lahat. Nakita mismo ni Jesus na si Jehova ay naghahanap ng mga pagkakataon upang ipakita ang kaniyang lakas alang-alang sa mga may pusong sakdal sa kaniya. (2 Cronica 16:9) Sa katunayan, si Jesus ay kaisa ng kaniyang Ama sa pag-ibig sa sangkatauhan, kaya makapagtitiwala tayo na palaging gagamitin ni Jesus ang kaniyang kapangyarihan sa mabuting paraan. (Juan 13:1) Si Jesus ay nakagawa ng isang malinis na rekord hinggil sa bagay na ito. Isaalang-alang natin ang taglay niyang kapangyarihan habang nasa lupa at kung paano siya naudyukang gamitin ito. Makapangyarihan sa... Salita 8 Maliwanag na si Jesus ay hindi gumawa ng mga himala noong siya y isang batang lumalaki sa Nazaret. Subalit nabago iyan matapos na siya y mabautismuhan noong 29 C.E., sa edad na mga 30 taon. (Lucas 3:21-23) Ang Bibliya ay nagsasabi sa atin: Pinahiran siya ng Diyos ng banal na espiritu at kapangyarihan, at lumibot siya sa lupain na gumagawa ng mabuti at pinagagaling ang lahat niyaong mga sinisiil ng Diyablo. (Gawa 10:38) Gumagawa ng mabuti hindi ba t nagpapahiwatig iyan na ginamit ni Jesus ang kaniyang kapangyarihan sa tamang paraan? Matapos siyang mapahiran, siya y naging isang propetang makapangyarihan sa gawa at salita. Lucas 24:19. 9 Paanong si Jesus ay makapangyarihan sa salita? Madalas siyang 7. Bakit tayo makatitiyak na hindi kailanman gagamitin ni Jesus sa maling paraan ang kapangyarihang inilagay ni Jehova sa kaniyang mga kamay? 8. Pagkatapos na siya y mapahiran, binigyan ng kapangyarihan si Jesus na gawin ang ano, at paano niya ginamit ang kaniyang kapangyarihan? (a) Saan madalas gumawa si Jesus ng kaniyang pagtuturo, at anong hamon ang kaniyang hinarap? (b) Bakit namangha ang mga pulutong sa paraan ng pagtuturo ni Jesus?

92 90 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA nagtuturo noon sa labas sa mga tabing-lawa at mga gilid ng burol gayundin sa mga lansangan at mga pamilihan. (Marcos 6:53-56; Lucas 5:1-3; 13:26) Ang kaniyang mga tagapakinig ay maaaring umalis na lamang kung hindi sila interesado sa kaniyang sinasabi. Noong panahong wala pang mga nakalathalang aklat, kinailangang ingatan ng mga nagpapahalagang tagapakinig ang kaniyang mga salita sa kanilang isip at puso. Kaya ang pagtuturo ni Jesus ay kailangang maging lubos na nakatatawag-pansin, malinaw na nauunawaan, at madaling tandaan. Subalit ang hamon na ito ay hindi naging suliranin para kay Jesus. Halimbawa, isaalang-alang ang kaniyang Sermon sa Bundok. 10 Isang umaga sa pagsisimula ng 31 C.E., isang pulutong ang nagkakatipon sa gilid ng burol malapit sa Dagat ng Galilea. Ang ilan ay galing sa Judea at Jerusalem, 100 hanggang 110 kilometro ang layo. Ang iba naman ay nagmula sa may baybaying dagat ng Tiro at Sidon, sa gawing hilaga. Maraming may-sakit na tao ang lumapit kay Jesus upang hipuin siya, at pinagaling niya silang lahat. Nang wala nang kahit isa mang may malubhang karamdaman sa kanila, nagsimula na siyang magturo. (Lucas 6:17-19) Pagkatapos niyang magsalita, sila y nagulat sa kanilang narinig. Bakit? 11 Makalipas ang ilang taon, isa sa nakarinig ng sermong iyon ay sumulat: Lubhang namangha ang mga pulutong sa kaniyang paraan ng pagtuturo; sapagkat siya ay nagtuturo sa kanila na gaya ng isang taong may awtoridad. (Mateo 7:28, 29) Si Jesus ay nagsalita sa paraang nadarama nila ang taglay niyang kapangyarihan. Siya y nagsalita para sa Diyos at sinuportahan niya ang kaniyang pagtuturo sa pamamagitan ng awtoridad ng Salita ng Diyos. (Juan 7:16) Maliwanag ang mga pangungusap ni Jesus, nakahihikayat ang kaniyang mga payo, at hindi matututulan ang kaniyang mga argumento. Inaarok ng kaniyang mga salita ang ugat ng mga isyu gayundin ang mga puso ng kaniyang mga tagapakinig. Tinuruan niya sila kung paano makasusumpong ng kaligayahan, kung paano mananalangin, kung paano hahanapin ang Kaharian ng Diyos, at kung paano magtatayo para sa isang tiwasay na kinabukasan. (Mateo 5:3 7:27) Ang kaniyang mga salita ay gumising sa mga puso niyaong mga nagugutom sa katotohanan at katuwiran. Handang itatwa ng gayong mga tao ang kanilang sarili at iwan ang lahat upang sumunod sa kaniya. Nakita nila si Jesus na naglalakad sa dagat

93

94 92 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA (Mateo 16:24; Lucas 5:10, 11) Kaylaki ngang patotoo ng kapangyarihan ng mga salita ni Jesus! Makapangyarihan sa Gawa 12 Si Jesus ay makapangyarihan [din] sa gawa. (Lucas 24:19) Ang mga Ebanghelyo ay nag-uulat ng mahigit sa 30 espesipikong himala na ginawa niya lahat ay pawang sa kapangyarihan ni Jehova. (Lucas 5:17) Libu-libong buhay ang naapektuhan ng mga himala ni Jesus. Ang dalawang himala lamang ang pagpapakain sa 5,000 lalaki at pagkaraan ay 4,000 lalaki bukod pa sa mga babae at mga bata ay nagsasangkot na sa mga pulutong na marahil ay umaabot sa 20,000 katao! Mateo 14:13-21; 15: Napakaraming iba t ibang uri ng himala si Jesus. May awtoridad siya sa mga demonyo, anupat napakadali niya silang palayasin. (Lucas 9:37-43) May kapangyarihan siya sa pisikal na mga elemento, anupat ginawa niyang alak ang tubig. (Juan 2:1-11) Siya y lumakad sa mahanging Dagat ng Galilea na ikinagulat ng kaniyang mga alagad. (Juan 6:18, 19) Nadaig niya ang sakit, anupat nagamot niya ang mga may depektong sangkap ng katawan, nagtatagal na karamdaman, at nakamamatay na sakit. (Marcos 3:1-5; Juan 4:46-54) Nagpagaling siya sa iba t ibang paraan. May ilang pinagaling mula sa malayong distansiya, samantalang naranasan naman ng iba na hipuin ni Jesus mismo. (Mateo 8:2, 3, 5-13) Ang ilan ay gumaling agad, ang iba naman ay paunti-unti. Marcos 8:22-25; Lucas 8:43, Higit sa lahat, may kapangyarihan si Jesus na bumawi ng kamatayan. Sa tatlong nakaulat na pangyayari, nagbangon siya ng patay, anupat ibinalik ang 12-ta ong-gulang na anak na babae sa kaniyang mga magulang, ang kaisa-isang anak sa kaniyang balong ina, at ang isang pinakamamahal na kapatid na lalaki sa kaniyang mga Karagdagan pa, kung minsan ay pinagsasama-sama ng mga Ebanghelyo ang maraming himala sa isang panlahatang paglalarawan. Halimbawa, minsan ay nakipagkita sa kaniya ang buong lunsod, at pinagaling niya ang marami[ng] maysakit. Marcos 1: , 13. Sa anong diwa makapangyarihan sa gawa si Jesus, at ano ang iba t ibang uri ng kaniyang mga himala? 14. Sa ilalim ng anu-anong kalagayan ipinakita ni Jesus na may kapangyarihan siyang bumawi ng kamatayan?

95 SI KRISTO ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS 93 kapatid na babae. (Lucas 7:11-15; 8:49-56; Juan 11:38-44) Walang situwasyon ang naging napakahirap para sa kaniya. Ibinangon niya ang 12-ta ong-gulang na batang babae mula sa kinararatayan nito di-nagtagal pagkamatay nito. Binuhay niyang muli ang anak na lalaki ng isang balo mula sa kinahihimlayang langkayan, malamang na noong mismong araw na mamatay ito. At ibinangon niya si Lazaro mula sa libingan apat na araw pagkamatay nito. Di-Mapag-imbot, Responsable, at Makonsiderasyong Paggamit ng Kapangyarihan 15 Nakikita mo ba kung gaano kalubhang pag-abuso ang maaaring mangyari kung ang kapangyarihan ni Jesus ay inilagay sa mga kamay ng isang di-sakdal na tagapamahala? Subalit si Jesus ay walang kasalanan. (1 Pedro 2:22) Tumanggi siyang mabahiran ng pag-iimbot, ambisyon, at kasakiman na nag-uudyok sa di-sakdal na mga tao upang gamitin ang kanilang kapangyarihan para pinsalain ang iba. 16 Si Jesus ay di-mapag-imbot sa paggamit ng kaniyang kapangyarihan, anupat hindi niya ito kailanman ginagamit para sa sariling kapakinabangan. Nang siya y nagugutom, tumanggi siyang gawing tinapay ang mga bato para sa kaniyang sarili. (Mateo 4:1-4) Ang kaniyang kakaunting ari-arian ay patunay na hindi siya nakinabang sa materyal na paraan sa paggamit ng kaniyang kapangyarihan. (Mateo 8:20) Mayroon pang ibang katunayan na ang kaniyang makapangyarihang mga gawa ay mula sa walang-pag-iimbot na mga motibo. Nang siya y gumawa ng mga himala, may nasangkot dito na pagsasakripisyo ng kaniyang sarili. Nang pagalingin niya ang maysakit, may kapangyarihang lumabas sa kaniya. Naramdaman niya ang paglabas na ito ng kapangyarihan, kahit na sa isang pagpapagaling lamang. (Marcos 5:25-34) Magkagayunman, hinayaan niyang hipuin siya ng mga pulutong, at ang mga ito y gumaling. (Lucas 6:19) Tunay na isang di-makasariling espiritu! 17 Si Jesus ay responsable sa paggamit ng kaniyang kapangyarihan. Hindi siya kailanman nagsagawa ng makapangyarihang mga gawa para lamang sa pagpaparangya o sa walang-saysay na mga 15, 16. Anong patunay mayroon na si Jesus ay di-mapag-imbot sa paggamit ng kaniyang kapangyarihan? 17. Paano ipinakita ni Jesus na siya y responsable sa paggamit ng kaniyang kapangyarihan?

96 94 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA pagtatanghal. (Mateo 4:5-7) Ayaw niyang gumawa ng mga tanda para lamang mabigyang-kasiyahan ang pagkamausyoso ni Herodes na may maling motibo. (Lucas 23:8, 9) Sa halip na ipamalita ang kaniyang kapangyarihan, madalas na tinatagubilinan ni Jesus ang kaniyang mga pinagaling na huwag itong ipagsasabi kaninuman. (Marcos 5:43; 7:36) Ayaw niyang ang mga tao y magkonklusyon tungkol sa kaniya batay sa mga ulat na may pagpapalabis. Mateo 12: Ang makapangyarihang lalaking ito, si Jesus, ay ibang-iba sa mga tagapamahalang iyon na humawak ng kapangyarihan habang walang-awang ipinagwawalang-bahala ang mga pangangailangan at pagdurusa ng iba. Si Jesus ay nagmalasakit sa mga tao. Makita lamang niya ang mga napipighati ay habag na habag na siya anupat nauudyukan siyang pawiin ang kanilang pagdurusa. (Mateo 14:14) Makonsiderasyon siya sa kanilang mga damdamin at pangangailangan, at ang magiliw na pagkabahalang ito ay nakaimpluwensiya sa paraan ng paggamit niya ng kaniyang kapangyarihan. Ang isang makabagbag-damdaming halimbawa ay nasa Marcos 7: Sa pagkakataong ito, nasumpungan ng malalaking pulutong si Jesus at dinala sa kaniya ang maraming maysakit, at pinagaling niya silang lahat. (Mateo 15:29, 30) Subalit pinag-ukulan ni Jesus ng pantanging pansin ang isang lalaki. Ang lalaki ay bingi at halos hindi makapagsalita. Malamang na napansin ni Jesus ang kakaibang nerbiyos o pagkamahiyain ng lalaking ito. Buong kabaitang inakay ni Jesus ang lalaki palayo sa karamihan tungo sa isang bukod na dako. Pagkatapos ay sumenyas si Jesus upang ipaalam sa lalaki ang kaniyang gagawin. Kaniyang inilagay ang kaniyang mga daliri sa mga tainga ng lalaki at, pagkatapos dumura, hinipo niya ang dila nito. (Marcos 7:33) Pagkatapos, si Jesus ay tumingala sa langit at may-pananalanging nagbuntunghininga. Ang mga kilos na ito ay Ang pagdura ay isang paraan o tanda ng pagpapagaling na tinatanggap kapuwa ng mga Judio at ng mga Gentil, at ang paggamit ng laway sa pagpapagaling ay nakaulat sa rabinikong mga sulat. Maaaring dumura si Jesus para lamang ipaalam sa lalaki na siya y malapit nang pagalingin. Anuman ang pangyayari, hindi ginamit ni Jesus ang kaniyang laway bilang likas na pampagaling (a) Ano ang nakaimpluwensiya sa paraan ng paggamit ni Jesus ng kaniyang kapangyarihan? (b) Ano ang nadama mo sa paraan ng paggamot ni Jesus sa isang lalaking bingi?

97 SI KRISTO ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS 95 nagsasabi sa lalaki, Ang gagawin ko sa iyo ay mula sa kapangyarihan ng Diyos. Sa wakas, sinabi ni Jesus: Mabuksan ka. (Marcos 7:34) Dahil dito, nanauli ang pandinig ng lalaki, at siya y nakapagsalita nang normal. 20 Nakababagbag nga ng damdamin na isiping kahit sa paggamit ng kaniyang bigay-diyos na kapangyarihan upang pagalingin ang mga napipighati, si Jesus ay nagpakita ng pakikiramay sa kanilang damdamin! Hindi ba t nakapagpapalakas-loob na malamang inilagay ni Jehova ang Mesiyanikong Kaharian sa mga kamay ng gayong mahabagin at makonsiderasyong Tagapamahala? Isang Palatandaan ng mga Bagay na Darating 21 AngmakapangyarihangmgagawanaisinagawaniJesussalupa ay mga patiunang pagpapaaninaw lamang ng mas dakilang mga pagpapala na darating sa ilalim ng kaniyang makaharing pamamahala. Sa bagong sanlibutan ng Diyos, si Jesus ay muling maghihimala ngunit sa isang pangglobong lawak! Isaalang-alang ang ilang kapana-panabik na pag-asa sa hinaharap. 22 Isasauli ni Jesus ang ekolohiya ng lupa sa sakdal na pagkakatimbang. Gunitain na ipinakita niyang kontrolado niya ang likas na mga puwersa sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa isang buhawi. Kung gayon, tiyak na sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ni Kristo, hindi na kailangang mangamba ang sangkatauhan na sila y pipinsalain pa ng mga bagyo, lindol, pagputok ng bulkan, o iba pang likas na mga kasakunaan. Yamang si Jesus ang Dalubhasang Manggagawa, na ginamit ni Jehova sa paglalang sa lupa at sa lahat ng buhay na naroroon, lubusan ang kaniyang unawa sa kayarian ng lupa. Alam niya kung paano gagamitin ang mga yaman nito sa wastong paraan. Sa ilalim ng kaniyang pamamahala, ang buong lupang ito ay magiging isang Paraiso. Lucas 23: Kumusta naman ang mga pangangailangan ng sangkatauhan? Ang kakayahan ni Jesus na magpakain nang sagana sa libu-libo, sa pamamagitan lamang ng iilang panustos, ay tumitiyak sa atin na 21, 22. (a) Palatandaan ng ano ang mga himala ni Jesus? (b) Yamang kontrolado ni Jesus ang likas na mga puwersa, ano ang maaasahan natin sa ilalim ng pamamahala ng kaniyang Kaharian? 23. Bilang Hari, paano sasapatan ni Jesus ang mga pangangailangan ng sangkatauhan?

98 96 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Isaias 11:1-5 PaanonamamalaskayJesus angespiritung...kalakasan, at anong pagtitiwala kung gayon ang maaari nating taglayin sa kaniyang pamamahala? Marcos 2:1-12 Ang mga makahimalang pagpapagaling ni Jesus ay nagpapakita na siya y pinagkalooban ng anong awtoridad? Juan 6:25-27 Bagaman makahimalang sinapatan ni Jesus ang pisikal na mga pangangailangan ng mga tao, ano ang pangunahing layunin ng kaniyang ministeryo? Juan 12:37-43 Bakit ang ilang nakasaksi sa mga himala ni Jesus ay hindi naglagak ng pananampalataya sa kaniya, at ano ang ating matututuhan mula rito? ang kaniyang pamamahala ay mag-aalis ng kagutom. Sa katunayan, ang saganang pagkain, na ibinahagi nang pantay-pantay, ay tatapos sa kagutom magpakailanman. (Awit 72:16) Ang kaniyang kakayahang sumupil sa sakit at karamdaman ay nagsasabi sa atin na ang mga maysakit, bulag, bingi, baldado, at pilay na mga tao ay pagagalingin nang lubusan at permanente. (Isaias 33:24; 35:5, 6) Ang kaniyang kakayahang bumuhay ng patay ay tumitiyak na kalakip sa kaniyang kalakasan bilang makalangit na Hari ang kapangyarihang bumuhay-muli ng maraming milyun-milyon na kinalulugdang alalahanin ng kaniyang Ama. Juan 5:28, Habang binubulay-bulay natin ang kapangyarihan ni Jesus, alalahanin natin na ang Anak na ito ay ganap na tumutulad sa kaniyang Ama. (Juan 14:9) Kung gayon, ang paggamit ni Jesus ng kapangyarihan ay nagbibigay sa atin ng maliwanag na larawan kung paano ginagamit ni Jehova ang kaniyang kapangyarihan. Halimbawa, alalahanin ang magiliw na paraan ng pagpapagaling ni Jesus sa isang ketongin. Palibhasa y nahabag, hinipo ni Jesus ang lalaki at sinabi: Ibig ko. (Marcos 1:40-42) Sa pamamagitan ng mga ulat na gaya nito, si Jehova, sa diwa, ay nagsasabi: Ganiyan ko ginagamit ang aking kapangyarihan! Hindi ka ba nauudyukang pumuri sa ating Diyos na makapangyarihan sa lahat at magpasalamat na ginagamit niya ang kaniyang kapangyarihan sa gayong maibiging paraan? 24. Habang binubulay-bulay natin ang kapangyarihan ni Jesus, ano ang dapat nating alalahanin, at bakit?

99 K A B A N A T A 1 0 Maging Tagatulad sa Diyos sa Iyong Paggamit ng Kapangyarihan SA SINUMANG may kapangyarihan, tusong silo ay laging nakaabang. Ang mga katagang iyan ng isang makata noong ika-19 na siglo ay tumawag-pansin sa isang tusong panganib: ang maling paggamit ng kapangyarihan. Nakalulungkot nga, napakadaling mahulog sa silong ito ang di-sakdal na mga tao. Sa katunayan, sa buong kasaysayan ang tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala. (Eclesiastes 8:9) Ang walang-pag-ibig na paggamit ng kapangyarihan ay nagbunga ng napakaraming pagdurusa ng tao. 2 Kung gayon, hindi ba t isang kahanga-hangang bagay na ang Diyos na Jehova, na nagtataglay ng walang-limitasyong kapangyarihan, ay hindi kailanman gumagamit ng kapangyarihang iyan sa maling paraan? Gaya ng napansin natin sa nakaraang mga kabanata, palagi niyang ginagamit ang kaniyang kapangyarihan ito man ay sa paglalang, sa pagpuksa, sa pagsasanggalang, o sa pagsasauli ayon sa kaniyang maibiging mga layunin. Kapag dinidili-dili natin ang paraan ng paggamit niya ng kaniyang kapangyarihan, tayo y nauudyukang maging malap ıt sa kaniya. Iyan naman ay nakagaganyak sa atin na maging mga tagatulad sa Diyos sa ating sariling paggamit ng kapangyarihan. (Efeso 5:1) Subalit anong kapangyarihan ang taglay ng mga hamak na taong tulad natin? 3 Tandaan na ang tao ay nilalang ayon sa larawan [at wangis] ng Diyos. (Genesis 1:26, 27) Kaya naman, tayo rin ay may kapangyarihan kahit man lamang sa isang limitadong antas. Maaaring kalakip sa ating kapangyarihan ang kakayahang makagawa ng mga bagaybagay o magtrabaho; pagkakaroon ng kontrol o awtoridad sa iba; kakayahang makaimpluwensiya sa iba, lalo na yaong mga nagmamahal sa atin; pisikal na lakas (kapangyarihan); o materyal na tinatangkilik. Patungkol kay Jehova, ang salmista ay nagsabi: Nasa iyo ang bukal ng buhay. (Awit 36:9) Samakatuwid, sa tuwiran man o sa 1. Sa anong tusong silo madaling nahuhulog ang di-sakdal na mga tao? 2, 3. (a) Ano ang kahanga-hanga sa paggamit ni Jehova ng kapangyarihan? (b) Ano ang maaaring kalakip sa ating kapangyarihan, at paano natin dapat gamitin ang lahat ng gayong kapangyarihan?

100 98 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA di-tuwiran, ang Diyos ang bukal ng anumang lehitimong kapangyarihan na maaaring taglay natin. Kung gayon ay nais nating gamitin ito sa mga paraang nakalulugod sa kaniya. Paano natin ito magagawa? Pag-ibig ang Susi 4 Ang susi sa tamang paggamit ng kapangyarihan ay ang pag-ibig. Hindi ba t ipinakikita ito ng sariling halimbawa ng Diyos? Alalahanin ang pagtalakay sa apat na pangunahing katangian ng Diyos kapangyarihan, katarungan, karunungan, at pag-ibig sa Kabanata 1. Sa apat na katangian, alin ang nangingibabaw? Pag-ibig. Ang Diyos ay pag-ibig, ang sabi sa 1 Juan 4:8. Oo, pag-ibig ang siyang buod ng personalidad ni Jehova; inuugitan nito ang lahat ng kaniyang ginagawa. Kaya bawat kapahayagan ng kaniyang kapangyarihan ay pinakikilos ng pag-ibig at sa dakong huli ay para sa kabutihan niyaong umiibig sa kaniya. 5 Ang pag-ibig ay tutulong din sa atin na gamitin ang ating kapangyarihan sa tamang paraan. Tutal, sinasabi sa atin ng Bibliya na ang pag-ibig ay mabait at hindi naghahanap ng sarili nitong kapakanan. (1 Corinto 13:4, 5) Kaya naman, ang pag-ibig ay hindi magpapahintulot sa atin na kumilos sa isang mabagsik o malupit na paraan sa mga nasa ilalim ng anumang awtoridad na taglay natin. Sa halip, pakikitunguhan natin ang iba nang may dignidad at uunahin muna ang kanilang pangangailangan at damdamin bago ang sa atin. Filipos 2:3, 4. 6 Ang pag-ibig ay may kaugnayan sa isa pang katangian na makatutulong sa atin upang maiwasan ang maling paggamit ng kapangyarihan: makadiyos na takot. Ano ang kahalagahan ng katangiang ito? Dahil sa pagkatakot kay Jehova ay lumalayo sa kasamaan ang isa, ang sabi sa Kawikaan 16:6. Ang maling paggamit ng kapangyarihan ay tiyak na kabilang sa masasamang landasin na dapat nating layuan. Ang pagkatakot sa Diyos ay pipigil sa atin sa pagmamaltrato sa ibanasakanila ymaykapangyarihantayo.bakit?unasalahat,alam 4, 5. (a) Ano ang susi sa tamang paggamit ng kapangyarihan, at paano ito ipinakikita ng sariling halimbawa ng Diyos? (b) Paano tayo tutulungan ng pag-ibig na gamitin ang ating kapangyarihan sa tamang paraan? 6, 7. (a) Ano ang makadiyos na takot, at bakit tayo matutulungan ng katangiang ito upang makaiwas sa maling paggamit ng kapangyarihan? (b) Ipaghalimbawa ang kaugnayan ng pagkatakot na di-mapaluguran ang Diyos at ng pag-ibig sa Diyos.

101 TAGATULAD SA DIYOS SA PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN 99 nating tayo y magsusulit sa Diyos dahil sa paraan ng ating pakikitungo sa mga ito. (Nehemias 5:1-7, 15) Subalit hindi lamang iyan ang sangkot sa makadiyos na takot. Ang orihinal na terminong ginamit para sa pagkatakot ay madalas na tumutukoy sa isang matinding pagpipitagan at pagkasindak sa Diyos. Kung gayon, ang pagkatakot ay iniuugnay ng Bibliya sa pag-ibig sa Diyos. (Deuteronomio 10:12, 13) Kalakip sa mapitagang pagkasindak na ito ang isang angkop na pagkatakot na di-mapaluguran ang Diyos hindi lamang dahil sa natatakot tayo sa kahihinatnan nito kundi dahil sa tunay natin siyang iniibig. 7 Bilang paghahalimbawa: Isip-isipin ang magandang pagsasamahan ng isang maliit na batang lalaki at ng kaniyang ama. Nadarama ng bata ang pagmamahal ng kaniyang ama, ang maibiging interes sa kaniya. Subalit alam din ng bata kung ano ang mga kahilingan sa kaniya ng kaniyang ama, at alam niyang didisiplinahin siya ng kaniyang ama kung siya y hindi magpapakabait. Ang bata y hindi nabubuhay na may malagim na pagkatakot sa kaniyang ama. Sa kabaligtaran, mahal na mahal niya ang kaniyang ama. Nalulugod ang bata sa paggawa ng anumang bagay na magdudulot ng ngiti ng pagsangayon ng kaniyang ama. Gayundin ang makadiyos na takot. Dahil sa iniibig natin si Jehova, ang ating makalangit na Ama, nangangamba tayong makagawa ng anumang bagay na makasasakit sa kaniyang puso. (Genesis 6:6) Sa halip, hangarin natin na pasayahin ang kaniyang puso. (Kawikaan 27:11) Iyan ang dahilan kung bakit nais nating gamitin ang ating kapangyarihan sa tamang paraan. Magsuri tayo kung paano natin ito magagawa. Sa Loob ng Pamilya 8 Isaalang-alang muna natin ang pamilya. Ang asawang lalaki ang ulo ng kaniyang asawang babae, ang sabi sa Efeso 5:23. Paano ba gagamitin ng isang asawang lalaki ang bigay-diyos na awtoridad na ito? Pinagsasabihan ng Bibliya ang mga asawang lalaki na manahanang kasama ng kani-kanilang asawa ayon sa kaalaman, na pinag-uukulan sila ng karangalang gaya ng sa isang mas mahinang sisidlan. (1 Pedro 3:7) Ang Griegong pangngalan na isinaling karangalan aynangangahulugang presyo,halaga,...paggalang. 8. (a) Anong awtoridad ang taglay ng mga asawang lalaki sa pamilya, at paano ito dapat gamitin? (b) Paano maipakikita ng isang asawang lalaki na pinararangalan niya ang kaniyang asawa?

102 100 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Ang ibang mga anyo ng salitang ito ay isinasaling mga kaloob at mahalaga. (Gawa 28:10; 1 Pedro 2:7) Ang isang asawang lalaki na nag-uukol ng karangalan sa kaniyang asawa ay hindi kailanman mananakit sa kaniya; ni manghihiya o hahamak sa kaniya, anupat magpapadama sa kaniyang siya y walang kabuluhan. Sa halip, kinikilala niya ang halaga nito at pinakikitunguhan siya nang may paggalang. Ipinakikita niya sa kaniyang mga salita at mga gawa sa pribado man at sa hayagan na siya y mahalaga sa kaniya. (Kawikaan 31:28) Hindi lamang natatamo ng gayong asawang lalaki ang pag-ibig at paggalang ng kaniyang asawa kundi, higit na mahalaga, pati ang pagsangayon ng Diyos. 9 Ang mga asawang babae rin ay nagtataglay ng isang antas ng kapangyarihan sa pamilya. Binabanggit ng Bibliya ang tungkol sa makadiyos na mga babae na, sa paraang hindi lumalabag sa tamang pagkaulo, ay nagkusang umimpluwensiya sa kani-kanilang asawa sa positibong paraan o upang tulungan silang makaiwas na magkamali sa pagpapasiya. (Genesis 21:9-12; 27:46 28:2) Maaaring ang isang asawang babae ay may mas matalas na isip kaysa sa kaniyang asawa, o baka may iba siyang mga kakayahan na wala sa kaniya. Magkagayunman, siya y dapat na magkaroon ng matinding paggalang sa kaniyang asawang lalaki at magpasakop sa kaniya gaya ng sa Panginoon. (Efeso 5:22, 33) Ang hangarin na mapaluguran ang Diyos ay makatutulong sa isang asawang babae na gamitin ang kaniyang mga kakayahan upang suportahan ang kaniyang asawa sa halip na hamakin ito o subukang pangibabawan ito. Ang gayong babaing tunay na marunong ay nakikipagtulungang mabuti sa kaniyang asawa sa pagtatatag ng pamilya. Sa gayon ay napananatili niya ang pakikipagpayapaan sa Diyos. Kawikaan 14:1. 10 Ang mga magulang ay nagtataglay rin ng awtoridad na ipinagkaloob sa kanila ng Diyos. Ang Bibliya ay nagpapayo: Mga ama, huwag ninyong inisin ang inyong mga anak, kundi patuloy na palakihin sila sa disiplina at pangkaisipang patnubay ni Jehova. (Efeso 6:4) Sa Bibliya, ang salitang disiplina ay maaaring mangahulugang pagpapalaki, pagsasanay, pagtuturo. Kailangan ng mga anak ang 9. (a) Anong kapangyarihan ang taglay ng mga asawang babae sa pamilya? (b) Ano ang makatutulong sa isang asawang babae na gamitin ang kaniyang mga kakayahan upang suportahan ang kaniyang asawa, at ano ang resulta? 10. (a) Ang Diyos ay nagkaloob ng anong awtoridad sa mga magulang? (b) Ano ang kahulugan ng salitang disiplina, at paano ito dapat ipatupad? (Tingnan din ang talababa.)

103 TAGATULAD SA DIYOS SA PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN 101 disiplina; sila y umuunlad sa ilalim ng malilinaw na panuntunan, hangganan, at mga limitasyon. Ang gayong disiplina, o pagtuturo, ay iniuugnay ng Bibliya sa pag-ibig. (Kawikaan 13:24) Samakatuwid, ang pamalong pandisiplina ay hindi dapat na maging mapangabuso sa emosyon man o sa pisikal. (Kawikaan 22:15; 29:15) Ang mahigpit o malupit na disiplina na walang pag-ibig ay pang-aabuso ng magulang sa kaniyang awtoridad at makasisiil sa espiritu ng isang anak. (Colosas 3:21) Sa kabilang dako naman, ang timbang na disiplina na angkop na ipinatutupad ay nagpapaunawa sa mga anak na ang kanilang mga magulang ay nagmamahal sa kanila at interesado sa pagpapaunlad sa uri ng kanilang pagkatao. 11 Kumusta naman ang mga anak? Paano nila magagamit ang kanilang kapangyarihan sa tamang paraan? Ang kagandahan ng mga kabataang lalaki ay ang kanilang kalakasan, ang sabi sa Kawikaan 20:29. Tiyak na wala nang mas mahusay na paraan na magagamit ng mga kabataan ang kanilang lakas at kalusugan kundi sa paglilingkod sa ating Dakilang Maylalang. (Eclesiastes 12:1) Dapat alalahanin ng mga kabataan na ang kanilang mga ikinikilos ay nakaaapekto sa damdamin ng kanilang mga magulang. (Kawikaan 23:24, 25) Kapag ang mga anak ay sumusunod sa kanilang may-takot-sa-diyos na mga magulang at naninindigan sa tamang landas, sila y nagdudulot ng kagalakan sa puso ng kanilang mga magulang. (Efeso 6:1) Ang gayong paggawi ay lubhang kalugud-lugod sa Panginoon. Colosas 3:20. Sa Loob ng Kongregasyon 12 Si Jehova ay naglalaan ng mga tagapangasiwa upang manguna sa kongregasyong Kristiyano. (Hebreo 13:17) Dapat gamitin ng kuwalipikadong mga lalaking ito ang kanilang bigay-diyos na aw- Noong panahon ng Bibliya, ang salitang Hebreo para sa pamalo ay nangangahulugan ng isang baston o isang tungkod, gaya niyaong ginagamit ng pastol sa pag-akay sa kaniyang mga tupa. (Awit 23:4) Sa katulad na paraan, ang pamalo bilang awtoridad ng magulang ay nagpapahiwatig ng maibiging pag-akay, hindi ng mabagsik o malupit na pagpaparusa. 11. Paano magagamit ng mga anak ang kanilang kapangyarihan sa tamang paraan? 12, 13. (a) Anong pangmalas ang dapat taglayin ng matatanda tungkol sa kanilang awtoridad sa kongregasyon? (b) Ipaghalimbawa kung bakit dapat magiliw na pakitunguhan ng matatanda ang mga tupa.

104 102 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA toridad upang maglaan ng kinakailangang alalay at upang makatulong sa kapakanan ng kawan. Ang kanila bang posisyon ay nagbibigay-karapatan sa matatanda na mamanginoon sa kanilang mga kapananampalataya? Hinding-hindi! Ang matatanda ay kailangang magkaroon ng timbang at mapagpakumbabang pangmalas sa kanilang papel sa kongregasyon. (1 Pedro 5:2, 3) Sinasabi ng Bibliya sa mga tagapangasiwa: Magpastol sa kongregasyon ng Diyos, na binili niya ng dugo ng kaniyang sariling Anak. (Gawa 20:28) Isa itong matinding dahilan upang pakitunguhan nang may paggiliw ang bawat miyembro ng kawan. 13 Maaari natin itong ipaghalimbawa sa ganitong paraan. Pinaiingatan sa iyo ng isang matalik na kaibigan ang isang pinakamamahal na pag-aari. Alam mong napakamahal ng pagkakabili ng iyong kaibigan sa pag-aaring iyon. Hindi mo ba ito pakaiingatan? Sa katulad na paraan, ipinagkatiwala ng Diyos sa matatanda ang pananagutang alagaan ang pinakamamahal na pag-aari: ang kongregasyon, na ang mga miyembro ay itinulad sa mga tupa. (Juan 21:16, 17) Ang mga tupa ni Jehova ay mahal sa kaniya sa katunayan, gayon na lamang kamahal anupat binili niya ang mga ito sa pamamagitan ng mahalagang dugo ng kaniyang bugtong na Anak, si Jesu-Kristo. Wala nang hihigit pa sa halagang ibinayad ni Jehova para sa kaniyang mga tupa. Tinatandaan iyan ng mapagpakumbabang matatanda at pinakikitunguhan ang mga tupa ni Jehova sa paraang kaayon nito. Kapangyarihan ng Dila 14 Ang kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila, ang sabi ng Bibliya. (Kawikaan 18:21) Ang totoo, napakalaking pinsala ang nagagawa ng dila. Sino nga ba sa atin ang hindi pa kailanman nasaktan dahil sa isang walang-ingat o mapanghamak pa ngang pangungusap? Subalit may kapangyarihan din ang dila na magpagaling. Ang dila ng marurunong ay kagalingan, ang sabi sa Kawikaan 12:18. Oo, ang positibo at nakapagpapalusog na mga salita ay maihahalintulad sa pagpapahid ng nakagiginhawa at nakagagaling na panghaplas sa puso. Isaalang-alang ang ilang halimbawa. 15 Magsalita nang may pang-aliw sa mga kaluluwang nanlulumo, ang paghimok ng 1 Tesalonica 5:14. Oo, maging ang ta- 14. Anong kapangyarihan ang taglay ng dila? 15, 16. Sa anu-anong paraan maaari nating gamitin ang dila upang palakasin ang iba?

105 pat na mga lingkod ni Jehova ay dumaranas din kung minsan ng panlulumo. Paano natin matutulungan ang mga ito? Mag-alok ng espesipiko at taimtim na papuri upang makita nila ang kanilang sariling halaga sa paningin ni Jehova. Ibahagi sa kanila ang makapangyarihang mga salita sa mga teksto sa Bibliya na nagpapakitang si Jehova ay tunay na nagmamalasakit at umiibig sa mga wasak ang puso at may espiritung nasisiil. (Awit 34:18) Kapag ginagamit natin ang kapangyarihan ng ating dila upang aliwin ang iba, ipinakikita nating tinutularan natin ang ating madamaying Diyos, na umaaliw doon Ginagamit ng mag-asawa sa mga nanlulumo. 2 Corinto 7:6, ang kanilang kapangyarihan sa tamang paraan sa New American Standard Bible. pamamagitan ng 16 Magagamit pa rin natin ang kapangyarihan ng ating dila upang may pag-ibig at paggalang pakikitungo sa isa t isa nang maglaan ng lubhang-kinakailangang pampalakas-loob sa iba. Namatayan ba ng minamahal ang isang kapananampalataya? Ang mga salita ng pakikiramay na nagpapahayag ng ating pagmamalasakit at pag- aalal a ay makaaaliw sa namimighating puso. Nadarama ba ng isang matanda nang kapatid na siya y wala nang silbi? Ang maalalahaning pangungusap ay tumitiyak sa mga may-edad na sila y pinahahalagahan at kinikilala. Mayroon bang nakikipaglaban sa nagtatagal na karamdaman? Ang mababait na salitang binibigkas sa telepono o nang personal ay may malaking magagawa upang mapasigla ang may karamdaman. Gayon na lamang ang pagkalugod ng ating

106 104 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Maylalang kapag ginagamit natin ang kapangyarihang magsalita upang sambitin ang pananalitang mabuti sa ikatitibay! Efeso 4: Wala nang mas mahalagang paraan ng paggamit ng kapangyarihan ng dila kundi ang paghahatid ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos sa iba. Huwag mong ipagkait ang mabuti doon sa mga kinauukulan, kapag nasa kapangyarihan ng iyong kamay na gawin ito, ang sabi sa Kawikaan 3:27. Obligasyon natin sa iba na sabihin sa kanila ang nagbibigay-buhay na mabuting balita. Hindi tama na sarilinin natin ang apurahang mensahe na saganang ipinagkaloob sa atin ni Jehova. (1 Corinto 9:16, 22) Subalit hanggang saan tayo inaasahan ni Jehova na makibahagi sa gawaing ito? 17. Sa anong mahalagang paraan magagamit natin ang ating dila upang makinabang ang iba, at bakit dapat nating gawin ito? Paghahatid ng mabuting balita isang napakahusay na paraan ng paggamit ng ating kapangyarihan

107 TAGATULAD SA DIYOS SA PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN 105 Paglilingkod kay Jehova Nang Ating Buong Lakas 18 Ang ating pag-ibig kay Jehova ay nag-uudyok sa atin na lubusang makibahagi sa ministeryong Kristiyano. Ano ang inaasahan sa atin ni Jehova tungkol dito? Isang bagay na kaya nating ibigay anuman ang ating kalagayan sa buhay: Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ito nang buong kaluluwa na gaya ng kay Jehova, at hindi sa mga tao. (Colosas 3:23) Nang banggitin ang pinakadakilang utos, sinabi ni Jesus: Iibigin mo si Jehova na iyong Diyos nang iyong buong puso at nang iyong buong kaluluwa at nang iyong buong pagiisip at nang iyong buong lakas. (Marcos 12:30) Oo, inaasahan ni Jehova na bawat isa sa atin ay iibig at maglilingkod sa kaniya nang buong kaluluwa. 19 Ano ang kahulugan ng paglilingkod sa Diyos nang buong kaluluwa? Ang kaluluwa ay tumutukoy sa buong persona, lakip na ang pisikal at mental na mga kakayahan nito. Yamang ang puso, isip, at lakas ay kalakip sa kaluluwa, bakit ang ibang mga sangkap na ito ay binanggit sa Marcos 12:30? Isaalang-alang ang isang paghahalimbawa. Noong panahon ng Bibliya, maaaring ipagbili ng isang tao ang kaniyang sarili (ang kaniyang kaluluwa) sa pagkaalipin. Subalit, ang alipin ay maaaring hindi naglilingkod sa kaniyang panginoon nang buong puso; maaaring hindi niya ginagamit ang kaniyang buong lakas o ang kaniyang buong kakayahan ng pag-iisip para sa kapakanan ng kaniyang panginoon. (Colosas 3:22) Samakatuwid, maliwanag na binanggit ni Jesus ang ibang mga sangkap na ito upang idiin na wala tayong anumang dapat ipagkait sa ating paglilingkod sa Diyos. Ang paglilingkod sa Diyos nang buong kaluluwa ay nangangahulugan ng pagbibigay ng ating sarili, anupat ginagamit ang ating buong lakas at kakayahan sa paglilingkod sa kaniya. 20 Ang paglilingkod ba nang buong kaluluwa ay nangangahulugan na tayong lahat ay dapat na gumugol ng magkakaparehong dami ng oras at lakas sa ministeryo? Imposible iyan, sapagkat iba-iba ang kalagayan at kakayahan ng mga tao. Halimbawa, ang isang kabataan na may mabuting kalusugan at lakas ng katawan ay maaaring makagugol ng higit na panahon sa pangangaral kaysa sa isa na wala nang 18. Ano ang inaasahan sa atin ni Jehova? 19, 20. (a) Yamang ang puso, isip, at lakas ay kalakip sa kaluluwa, bakit ang ibang mga sangkap na ito ay binanggit sa Marcos 12:30? (b) Ano ang kahulugan ng paglilingkod kay Jehova nang buong kaluluwa?

108 106 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Kawikaan 3:9, 10 Anong mahahalagang pag-aari ang taglay natin, at paano natin magagamit ang mga ito upang parangalan si Jehova? Eclesiastes 9:5-10 Bakit dapat mong gamitin ang iyong lakas ngayon sa paraang sasang-ayunan ng Diyos? Gawa 8:9-24 Anong pang-aabuso sa kapangyarihan ang ipinaghalimbawa rito, at paano natin maiiwasang mahulog sa gayong maling landasin? Gawa 20:29-38 Ano ang matututuhan ng mga may responsableng posisyon sa kongregasyon mula sa halimbawa ni Pablo? lakas dahil sa pagtanda. Ang isang binata o dalaga na walang mga obligasyon sa pamilya ay maaaring makagawa nang higit kaysa sa isa na nag-aasikaso ng pamilya. Kung tayo y may lakas at nasa kalagayan na nagpapahintulot sa atin na makagawa nang lubusan sa ministeryo, dapat tayong magpasalamat! Mangyari pa, hindi natin nanaisin kailanman na maging mapamintas, anupat inihahambing ang ating sarili sa iba tungkol sa bagay na ito. (Roma 14:10-12) Sa halip, nais nating gamitin ang ating kapangyarihan upang palakasin ang iba. 21 Si Jehova ay naglagay ng sakdal na halimbawa sa tamang paggamit ng kaniyang kapangyarihan. Nais nating tularan siya sa abot ng ating makakaya bilang di-sakdal na mga tao. Magagamit natin ang ating kapangyarihan sa tamang paraan sa pamamagitan ng pakikitungo nang may dignidad sa mga nasa ilalim ng anumang awtoridad na taglay natin. Karagdagan pa, nais nating maging buong kaluluwa sa pagsasagawa ng ating nagbibigay-buhay na pangangaral na ibinigay sa atin ni Jehova upang ganapin. (Roma 10:13, 14) Tandaan, si Jehova ay nalulugod kapag ibinibigay mo ng iyong kaluluwa ang pinakamagaling na maibibigay mo. Hindi ba t nauudyukan ka ng iyong puso na magnais gawin ang lahat ng iyong magagawa sa paglilingkod sa gayong maunawain at maibiging Diyos? Wala nang hihigit pa o mas mahalagang paraan ng paggamit ng iyong kapangyarihan. 21. Ano ang pinakamahusay at pinakamahalagang paraan ng paggamit ng ating kapangyarihan?

109 S E K S I Y O N 2 MAIBIGIN SA KATARUNGAN Ang kawalang-katarungan ay laganap sa daigdig ngayon, at ang malaking bahagi nito ay maling isinisisi sa Diyos. Gayunman, ang Bibliya ay nagtuturo ng isang nakapagpapasiglang katotohanan na si Jehova aymaibiginsa katarungan. (Awit 37:28) Sa seksiyong ito ay matututuhan natin kung paano niya pinatunayang totoo ang mga salitang iyan, anupat nag-aalok ng pag-asa sa buong sangkatauhan.

110 K A B A N A T A 1 1 Lahat ng Kaniyang mga Daan ay Katarungan IYON ay isang tahasang kawalan ng katarungan. Ang guwapong kabataan ay wala namang nagawang krimen, subalit nakakulong siya sa bartolina dahil sa maling paratang na tangkang panghahalay. Subalit hindi ito ang unang engkuwentro niya sa kawalan ng katarungan. Ilang taon bago nito, sa edad na 17, ang binatang ito, si Jose, ay ipinagkanulo ng kaniyang sariling mga kapatid, na kamuntik nang pumaslang sa kaniya. Siya y ipinagbili sa pagkaalipin sa isang banyagang lupain. Doon ay tinanggihan niya ang mga panrarahuyo ng asawa ng kaniyang panginoon. Bumuo ng maling paratang ang tinanggihang babae, at iyan ang dahilan ng kaniyang pagkakapiit. Ang nakalulungkot, tila wala man lamang mamamagitan para kay Jose. 2 Subalit, ang Diyos na maibigin sa katuwiran at katarungan ay nagmamasid. (Awit 33:5) Kumilos si Jehova upang ituwid ang kawalan ng katarungan, anupat minaniobra niya ang mga pangyayari upang sa dakong huli ay mapalaya si Jose. Bukod diyan, si Jose ang lalaking itinapon sa bilangguang lungaw ay inilagay nang dakong huli sa isang posisyon na may napakalaking pananagutan at pambihirang karangalan. (Genesis 40:15; 41:41-43; Awit 105:17, 18) Sa wakas, si Jose ay napatunayang walang kasalanan, at ginamit niya ang kaniyang mataas na posisyon upang itaguyod ang layunin ng Diyos. Genesis 45: Nakaaantig ng ating damdamin ang ulat na iyan, hindi ba? Sino ba sa atin ang hindi nakaranas ng kawalan ng katarungan o hindi naging biktima nito? Oo, hangarin nating lahat na tayo y pakitunguhan sa isang makatarungan at walang-pinapanigang paraan. Hindi ito nakapagtataka, sapagkat binigyan tayo ni Jehova ng mga katangiang nagpapaaninag ng kaniyang sariling persona- 1, 2. (a) Anong tahasang kawalan ng katarungan ang dinanas ni Jose? (b) Paano itinuwid ni Jehova ang kawalan ng katarungan? 3. Bakit hindi kataka-taka na tayong lahat ay maghangad na pakitunguhan sa isang makatarungang paraan?

111 LAHAT NG KANIYANG MGA DAAN AY KATARUNGAN 109 lidad, at ang katarungan ay isa sa kaniyang mga pangunahing katangian. (Genesis 1:27) Upang makilalang mabuti si Jehova, dapat nating maunawaan ang kaniyang pangmalas sa katarungan. Sa gayon ay lalo nating mapahahalagahan ang kaniyang kahangahangang mga pamamaraan at mauudyukan tayong maging mas malap ıt sa kaniya. Ano ba ang Katarungan? 4 Mula sa pangmalas ng tao, ang katarungan, ayon sa karaniwang pagkaunawa, ay isa lamang walang-pinapanigang pagkakapit ng mga tuntunin ng batas. Ang aklat na Right and Reason Ethics in Theory and Practice ay nagsasabi na ang katarungan ay may kaugnayan sa batas, obligasyon, karapatan, at tungkulin, at inilalapat nito ang hatol alinsunod sa pagkawalang-pinapanigan o pagiging karapat-dapat. Gayunman, ang katarungan ni Jehova ay hindi lamang basta mekanikal na pagkakapit ng mga regulasyong udyok ng tungkulin o obligasyon. 5 Ang lawak at saklaw ng katarungan ni Jehova ay mas mauunawaan kung isasaalang-alang ang orihinal-na-wikang mga salita na ginagamit sa Bibliya. Sa Hebreong Kasulatan, tatlong pangunahing salita ang ginagamit. Ang salita na malimit isaling katarungan ay maaari ring isaling yaong tama. (Genesis 18:25) Ang dalawa pang salita ay karaniwan nang isinasaling katuwiran. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang salita na isinaling katuwiran ay binibigyang-kahulugan bilang ang katangian ng pagiging tama o makatarungan. Kung gayon, karaniwan nang walang pagkakaiba ang katuwiran at ang katarungan. Amos 5:24. 6 Samakatuwid, kapag sinasabi ng Bibliya na ang Diyos ay makatarungan, sinasabi nito sa atin na ang ginagawa niya y tama at walang pinapanigan at na ginagawa niya ito nang hindi pabagubago at walang pagtatangi. (Roma 2:11) Ang totoo, mahirap isipin na hindi ito ang kaniyang gagawin. Ang tapat na si Elihu ay nagsabi: Malayong gumawi nang may kabalakyutan ang tunay 4. Mula sa pangmalas ng tao, ano ang karaniwang pagkaunawa sa katarungan? 5, 6. (a) Ano ang kahulugan ng orihinal-na-wikang mga salita na isinaling katarungan? (b) Ano ang ibig sabihin na ang Diyos ay makatarungan?

112 110 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA na Diyos, at na gumawi nang di-makatarungan ang Makapangyarihan-sa-lahat! (Job 34:10) Talagang imposible para kay Jehova na gumawi nang di-makatarungan. Bakit? Sa dalawang mahalagang dahilan. 7 Una, siya ay banal. Gaya ng napansin natin sa Kabanata 3, si Jehova ay ganap na dalisay at matuwid. Kung gayon, hindi siya maaaring gumawi nang liko, o walang katarungan. Isaalangalang ang ibig sabihin niyan. Ang kabanalan ng ating makalangit na Ama ay nagbibigay sa atin ng matibay na dahilan upang magtiwalang hindi niya kailanman pagmamalupitan ang kaniyang mga anak. Taglay ni Jesus ang ganiyang pagtitiwala. Noong huling gabi ng kaniyang buhay sa lupa, siya y nanalangin: Amang Banal, bantayan mo sila [ang mga alagad] dahil sa iyong sariling pangalan. (Juan 17:11) Amang Banal sa Kasulatan, ang anyong iyan ng pagtawag ay kumakapit lamang kay Jehova. Angkop lamang ito, sapagkat walang amang tao ang maipapantay sa Kaniya sa kabanalan. Lubos ang pananalig ni Jesus na magiging ligtas ang kaniyang mga alagad sa mga kamay ng Ama, na ganap na dalisay at malinis at lubusang hiwalay sa lahat ng kasalanan. Mateo 23:9. 8 Ikalawa, ang walang-pag-iimbot na pag-ibig ay siyang buod ng personalidad ng Diyos. Ang gayong pag-ibig ay nag-uudyok sa kaniya upang maging matuwid, o makatarungan, sa kaniyang pakikitungo sa iba. Subalit ang kawalang-katarungan sa maraming anyo nito lakip na ang pagkakapootan ng lahi, diskriminasyon, at pagtatangi ay madalas na nagmumula sa kasakiman at pagkamakasarili, ang mga kabaligtaran ng pag-ibig. May kinalaman sa Diyos ng pag-ibig, ang Bibliya ay tumitiyak sa atin: Si Jehova ay matuwid; iniibig niya ang matuwid na mga gawa. (Awit 11:7) Sinasabi ni Jehova patungkol sa kaniyang sarili: Ako, si Jehova, ay umiibig sa katarungan. (Isaias 61:8) Hindi ba t nakaaaliw na malaman na kinalulugdan ng ating Diyos 7, 8. (a) Bakit si Jehova ay hindi maaaring gumawi nang walang katarungan? (b) Ano ang nag-uudyok kay Jehova upang maging matuwid, o makatarungan, sa kaniyang pakikitungo? Si Jose ay di-makatarungang nagdusa sa bilangguang lungaw

113

114 112 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA ang paggawa ng kung ano ang tama, o makatarungan? Jeremias 9:24. Ang Awa at ang Sakdal na Katarungan ni Jehova 9 Ang katarungan ni Jehova, gaya ng lahat ng iba pang pitak ng kaniyang walang-kapantay na personalidad, ay sakdal, na hindi nagkukulang ng anuman. Bilang papuri kay Jehova, si Moises ay sumulat: Ang Bato, sakdal ang kaniyang gawa, sapagkat ang lahat ng kaniyang mga daan ay katarungan. Isang Diyos ng katapatan na sa kaniya ay walang masusumpungang kawalang-katarungan; matuwid at matapat siya. (Deuteronomio 32:3, 4) Bawat kapahayagan ng katarungan ni Jehova ay walang kapintasan hindi masyadong maluwag, hindi rin naman masyadong mahigpit. 10 May malapit na kaugnayan ang katarungan ni Jehova at ang kaniyang awa. Ang Awit 116:5 ay nagsasabi: Si Jehova ay magandangloob at matuwid [ makatarungan, The New American Bible]; at ang ating Diyos ay Isa na nagpapakita ng awa. Oo, si Jehova ay kapuwa makatarungan at maawain. Ang dalawang katangiang ito ay hindi magkasalungat. Ang kaniyang pagpapakita ng awa ay hindi naman pagpapagaan ng kaniyang katarungan, na para bang napakahigpit ng kaniyang katarungan kung wala ito. Sa halip, ang dalawang katangiang ito ay sabay niyang ipinamamalas, kahit sa minsanang pagkilos pa nga. Isaalang-alang ang isang halimbawa. 11 Lahat ng tao ay nagmana ng kasalanan at sa gayo y karapatdapat sa kabayaran ng kasalanan ang kamatayan. (Roma 5:12) Subalit si Jehova ay hindi nalulugod sa kamatayan ng mga makasalanan. Siya y isang Diyos ng mga pagpapatawad, magandang-loob at maawain. (Nehemias 9:17) Gayunman, dahil sa siya y banal, hindi niya maaaring palampasin ang kalikuan. Kung gayon, paano niya maipakikita ang awa sa likas na makasalanang mga tao? Ang sagot ay masusumpungan sa isa sa pinakamahahalagang katotohanan ng Salita ng Diyos: ang paglalaan ni Jehova ng isang pantubos para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Higit pa ang ating matututuhan sa Kabanata 14 tungkol sa maibiging kaayusang ito. Ito ay kapuwa ganap na makatarungan at lubos na maawain. Sa pamamagi (a) Ano ang kaugnayan ng katarungan ni Jehova at ng kaniyang awa? (b) Paano nakikita ang katarungan ni Jehova at ang kaniyang awa sa paraan ng kaniyang pakikitungo sa makasalanang mga tao?

115 LAHAT NG KANIYANG MGA DAAN AY KATARUNGAN 113 tan nito, si Jehova ay makapagpapakita ng magiliw na awa sa mga nagsisising makasalanan habang pinananatili ang kaniyang mga pamantayan ng sakdal na katarungan. Roma 3: Nakagagalak ng Puso ang Katarungan ni Jehova 12 Ang katarungan ni Jehova ay, hindi isang walang-pakiramdam na katangian na nagtataboy sa atin, kundi isang mapagmahal na katangian na naglalapit sa atin sa kaniya. Maliwanag na inilalarawan ng Bibliya ang mahabaging katangian ng katarungan, o katuwiran, ni Jehova. Isaalang-alang natin ang ilan sa nakagagalak-pusong mga paraan ng pagsasagawa ni Jehova ng kaniyang katarungan. 13 Ang sakdal na katarungan ni Jehova ay nag-uudyok sa kaniya na magpakita ng katapatan at pagkamatapat sa kaniyang mga lingkod. Naranasan mismo ng salmistang si David ang pitak na ito ng katarungan ni Jehova. Mula sa kaniyang sariling karanasan at mula sa kaniyang pag-aaral ng mga pamamaraan ng Diyos, ano ang naging konklusyon ni David? Nagpahayag siya: Si Jehova ay maibigin sa katarungan, at hindi niya iiwan ang kaniyang mga matapat. Hanggang sa panahong walang takda ay tiyak na babantayan sila. (Awit 37:28) Tunay ngang nakaaaliw na katiyakan ito! Hindinghindi kailanman pababayaan ng ating Diyos yaong mga nagtatapat sa kaniya. Kung gayon ay makaaasa tayo sa kaniyang pagiging malap ıt at sa kaniyang maibiging pangangalaga. Ginagarantiyahan ito ng kaniyang katarungan! Kawikaan 2:7, Ang katarungan ng Diyos ay may matalas na pakiramdam sa mga pangangailangan ng mga napipighati. Ang pagmamalasakit ni Jehova sa mga kapos-palad ay nakikita sa Kautusan na ibinigay niya sa Israel. Halimbawa, ang Kautusan ay may pantanging paglalaan upang matiyak na napangangalagaan ang mga ulila at mga babaing balo. (Deuteronomio 24:17-21) Palibhasa y alam niya kung gaano kahirap ang magiging buhay ng gayong mga pamilya, si Jehova mismo ang naging kanilang makaamang Hukom at Tagapagsang- 12, 13. (a) Bakit ang katarungan ni Jehova ay naglalapit sa atin sa kaniya? (b) Ano ang naging konklusyon ni David hinggil sa katarungan ni Jehova, at paano ito nakaaaliw sa atin? 14. Paano nakikita ang pagmamalasakit ni Jehova sa mga kapos-palad sa KautusannaibinigayniyasaIsrael?

116 114 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA galang, ang isa na naglalapat ng hatol para sa batang lalaking walang ama at sa babaing balo. (Deuteronomio 10:18; Awit 68:5) Binabalaan ni Jehova ang mga Israelita na kung bibiktimahin nila ang walang-kalaban-labang mga babae at mga bata, tiyak na pakikinggan niya ang daing ng gayong mga tao. Sinabi niya: Ang aking galit ay lalagablab nga. (Exodo 22:22-24) Bagaman ang galit ay hindi isa sa nangingibabaw na mga katangian ni Jehova, siya y napupukaw sa matuwid na pagkagalit dahil sa walang-katarungang mgagawanasinasadya,lalonakungangmgabiktimaaymgadukha at mahihina. Awit 103:6. 15 Tinitiyak din sa atin ni Jehova na siya y hindi nakikitungo kaninuman nang may pagtatangi ni tumatanggap man ng suhol. (Deuteronomio 10:17) Di-gaya ng maraming makapangyarihan o maimpluwensiyang mga tao, si Jehova ay hindi napadadala sa materyal na kayamanan o panlabas na anyo. Siya y ganap na walang kinikilingan o itinatangi. Isaalang-alang ang isang tunay na kahanga-hangang katibayan na si Jehova ay walang pinapanigan. Ang pagkakataong maging tunay niyang mananamba, na may pagasang buhay na walang hanggan, ay hindi limitado sa iilang piling tao. Sa halip, sa bawat bansa ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng katuwiran ay kaayaaya sa kaniya. (Gawa 10:34, 35) Ang kamangha-manghang pag-asang ito ay buk as sa lahat anuman ang kanilang kalagayan sa lipunan, kulay ng kanilang balat, o bansang pinaninirahan nila. Hindi ba t iyan ang pinakasukdulang antas ng katarungan? 16 May isa pang aspekto ng sakdal na katarungan ni Jehova na nararapat nating isaalang-alang at igalang: ang paraan ng kaniyang pakikitungo sa mga sumasalansang sa kaniyang matuwid na mga pamantayan. Bagaman ang salitang Hebreo para sa batang lalaking walang ama ay nasa kasariang panlalaki, tiyak na hindi ito nagpapahiwatig ng kawalan ng pagmamalasakit sa mga batang babae. Inilakip ni Jehova sa Kautusan ang isang ulat tungkol sa isang hudisyal na pasiya na gumagarantiya ng isang pamana sa walang-amang mga anak na babae ni Zelopehad. Ang kapasiyahang iyan ay nagtatag ng isang pamarisan, anupat itinataguyod ang mga karapatan ng mga batang babaing walang ama. Bilang 27: , 16. Ano ang isang tunay na kahanga-hangang katibayan na si Jehova ay walang pinapanigan?

117 LAHAT NG KANIYANG MGA DAAN AY KATARUNGAN 115 Walang Pinaliligtas sa Kaparusahan 17 Baka ang ilan ay nagtatanong: Yamang hindi kinukunsinti ni Jehova ang kalikuan, paano natin ipaliliwanag ang di-makatarungang pagdurusa at mga tiwaling gawaing palasak na palasak na sa daigdig sa ngayon? Ang gayong mga kawalan ng katarungan ay hindi magdudulot ng kapulaan sa katarungan ni Jehova. Ang maraming kawalan ng katarungan sa balakyot na sanlibutang ito ay bunga ng kasalanan na minana ng mga tao kay Adan. Sa isang daigdig kung saan pinili ng di-sakdal na mga tao ang kanilang makasalanang landasin, ang kawalang-katarungan ay laganap ngunit hindi ito magtatagal. Deuteronomio 32:5. 18 Bagaman si Jehova ay nagpapakita ng saganang awa doon sa taimtim na lumalapit sa kaniya, hindi niya palaging pahihintulutan ang isang kalagayang nagdudulot ng kadustaan sa kaniyang banal na pangalan. (Awit 74:10, 22, 23) Ang Diyos ng katarungan ay hindi isa na malilibak; hindi niya ipagsasanggalang ang mga kusang nagkakasala mula sa di-kaayaayang hatol na nararapat sa kanilang landasin. Si Jehova ay isang Diyos na maawain at magandang-loob, mabagal sa pagkagalit at sagana sa maibiging-kabaitan at katotohanan,... ngunit sa anumang paraan ay wala siyang pinaliligtas sa kaparusahan. (Exodo 34:6, 7) Kasuwato ng mga salitang ito, nasusumpungan ni Jehova kung minsan na kailangang ilapat ang hatol sa mga kusang lumalabag sa kaniyang matuwid na mga kautusan. 19 Halimbawa, isaalang-alang ang pakikitungo ng Diyos sa sinaunang Israel. Kahit naroroon na sa Lupang Pangako, ang mga Israelita ay paulit-ulit pa ring nahuhulog sa kawalang-katapatan. Bagaman si Jehova ay pinagdaramdam ng kanilang tiwaling landasin, hindi niya sila kaagad na itinakwil. (Awit 78:38-41) Sa halip, buong awa siyang nagbigay ng mga pagkakataon upang baguhin nila ang kanilang landasin. Nakiusap siya: Ako ay nalulugod, hindi sa kamatayan ng balakyot, kundi sa panunumbalik ng balakyot mula sa kaniyang lakad upang patuloy nga siyang mabuhay. Manumbalik kayo, manumbalik kayo mula sa inyong masasamang lakad, sapagkat bakit nga ba kayo mamamatay, O sambahayan ng 17. Ipaliwanag kung bakit ang kawalan ng katarungan sa daigdig na ito ay hindi magdudulot ng kapulaan sa katarungan ni Jehova. 18, 19. Ano ang nagpapakitang hindi palaging pahihintulutan ni Jehova yaong kusang lumalabag sa kaniyang matuwid na mga kautusan?

118 116 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Jeremias 18:1-11 Paano itinuro ni Jehova kay Jeremias na Siya ay hindi padalus-dalos sa paglalapat ng di-kaayaayang hatol? Habakuk 1:1-4, 13; 2:2-4 Paano tiniyak ni Jehova kay Habakuk na hindi Niya palaging pahihintulutan ang kawalan ng katarungan? Zacarias 7:8-14 Ano ang nadarama ni Jehova doon sa mga yumayapak sa mga karapatan ng iba? Roma 2:3-11 Ano ang saligan ng paghatol ni Jehova sa mga indibiduwal at sa mga bansa? Israel? (Ezekiel 33:11) Palibhasa y mahalaga sa kaniya ang buhay, paulit-ulit na isinugo ni Jehova ang kaniyang mga propeta sa pag-asang tatalikuran ng mga Israelita ang kanilang masasamang daan. Subalit, sa pangkalahatan, ang manhid na bayan ay tumangging makinig at magsisi. Nang dakong huli, alang-alang sa kaniyang banal na pangalan at sa lahat ng kinakatawanan nito, ibinigay sila ni Jehova sa mga kamay ng kanilang mga kaaway. Nehemias 9: Ang pakikitungo ni Jehova sa Israel ay may malaking naituturo sa atin tungkol sa kaniya. Natututuhan natin na napapansin pala ng kaniyang mga matang nakakakita-ng-lahat ang kalikuan at na siya y lubhang apektado ng kaniyang nakikita. (Kawikaan 15:3) Nakapagpapalakas-loob ding malaman na hangad niyang maglawit ng awa kung may dahilan para gawin ito. Karagdagan pa, natututuhan natin na ang kaniyang katarungan ay hindi kailanman padalus-dalos. Dahil sa mahabang-pagtitiis ni Jehova, inaakala ng maraming tao na hindi na siya kailanman maglalapat ng hatol laban sa balakyot. Subalit lubhang taliwas iyan sa katotohanan, sapagkat ang pakikitungo ng Diyos sa Israel ay nagtuturo rin sa atin na ang pagtitiis ng Diyos ay may hangganan. Matatag si Jehova ukol sa katuwiran. Di-gaya ng mga tao, na madalas na natatakot sa pagsasagawa ng katarungan, hindi siya kailanman nawawalan ng lakas ng loob na manindigan sa kung ano ang tama. Angkop naman, ang 20. (a) Ano ang itinuturo sa atin ng pakikitungo ni Jehova sa Israel? (b) Bakit ang leon ay isang angkop na sagisag ng katarungan ni Jehova?

119 LAHAT NG KANIYANG MGA DAAN AY KATARUNGAN 117 leon bilang sagisag ng may tibay-loob na katarungan ay may kaugnayan sa presensiya at trono ng Diyos. (Ezekiel 1:10; Apocalipsis 4:7) Kung gayon ay makatitiyak tayo na tutuparin niya ang kaniyang pangako na aalisin niya ang kawalan ng katarungan sa lupang ito. Oo, ang kaniyang paraan ng paghatol ay maaaring buuin gaya ng sumusunod: katatagan kung kailangan, awa kailanma t maaari. 2 Pedro 3:9. Pagiging Malap ıt sa Diyos ng Katarungan 21 Kapag binubulay-bulay natin ang paraan ng pagsasagawa ni Jehova ng katarungan, hindi natin dapat isipin na siya y isang walang-pakiramdam at malupit na hukom na ang hangarin ay basta na lamang makahatol sa mga nagkakamali. Sa halip, dapat nating isipin na siya y isang maibigin subalit matatag na Ama na palaging nakikitungo sa kaniyang mga anak sa pinakamabuting paraan. Bilang isang makatarungan, o matuwid, na Ama, pinagtitimbang ni Jehova ang katatagan sa kung ano ang tama at ang magiliw na pagkamahabagin sa kaniyang makalupang mga anak, na nangangailangan ng kaniyang tulong at pagpapatawad. Awit 103:10, Kaylaking pasasalamat natin na ang katarungan ng Diyos ay hindi lamang yaong basta makahatol lamang sa mga nagkakamali! Palibhasa y inuugitan ng kaniyang katarungan, pinaging posible ni Jehova na tayo y magkaroon ng isang tunay na nakapananabik na pag-asa sakdal at walang-katapusang buhay sa isang daigdig na doo y tatahan ang katuwiran. (2 Pedro 3:13) Ang ating Diyos ay nakikitungo sa atin nang ganito sapagkat ang layunin ng kaniyang katarungan ay ang magligtas sa halip na humatol. Tunay kung gayon, ang higit na pagkaunawa sa saklaw ng katarungan ni Jehova ay naglalapit sa atin sa kaniya! Sa susunod na mga kabanata, susuriin pa natin kung paano ipinakikita ni Jehova ang napakahusay na katangiang ito. Kapansin-pansin, itinutulad ni Jehova ang kaniyang sarili sa isang leon sa paglalapat ng hatol sa taksil na Israel. Jeremias 25:38; Oseas 5: Kapag binubulay-bulay natin ang paraan ng pagsasagawa ni Jehova ng katarungan, ano ang dapat nating isipin tungkol sa kaniya, at bakit? 22. Palibhasa y inuugitan ng kaniyang katarungan, pinaging posible ni Jehova na tayo y magkaroon ng anong pag-asa, at bakit niya tayo pinakikitunguhan nang ganito?

120 K A B A N A T A 1 2 May Kawalang-Katarungan ba sa Diyos? ISANG matandang babaing balo ang nagantso at nakuhang lahat ang kaniyang naipon. Isang walang kalaban-labang sanggol ang pinabayaan ng kaniyang walang-awang ina. Isang lalaki ang nabilanggo dahil sa isang krimeng hindi niya ginawa. Ano ang masasabi mo sa mga senaryong ito? Malamang na bawat isa y nakababagabag sa iyo, at dapat lamang naman. Tayong mga tao ay may matalas na pakiramdam sa kung ano ang tama at mali. Kapag may gumawa ng kawalang-katarungan, tayo y nagagalit. Nais nating makabawi ang biktima at maparusahan naman ang nagkasala. Kapag hindi ito nangyayari, marahil ay itinatanong natin: Nakikita kaya ng Diyos ang nangyayari? Bakit hindi siya kumikilos? 2 Sa buong kasaysayan, ang tapat na mga lingkod ni Jehova ay nagharap din ng ganitong mga tanong. Halimbawa, ang propetang si Habakuk ay nanalangin sa Diyos: Bakit mo ipinakikita sa akin ang gayong napakalaking kawalang-katarungan? Bakit mo ipinahihintulot na ang karahasan, katampalasanan, krimen, at kalupitan ay lumaganap kahit saan? (Habakuk 1:3, Contemporary English Version) Hindi pinuna ni Jehova si Habakuk dahil sa kaniyang tahasang pagtatanong, sapagkat Siya ang naglagay sa mga tao ng mismong ideya ng katarungan. Oo, biniyayaan tayo ni Jehova ng isang maliit na bahagi ng kaniyang malalim na pagkaunawa sa katarungan. Kinapopootan ni Jehova ang Kawalang-Katarungan 3 Hindi ipinagwawalang-bahala ni Jehova ang kawalang-katarungan. Nakikita niya ang nangyayari. Tungkol sa panahon ni Noe, 1. Paano tayo maaaring maapektuhan ng mga nagaganap na kawalang-katarungan? 2. Ano ang naging reaksiyon ni Habakuk sa kawalang-katarungan, at bakit hindi siya pinuna ni Jehova dahil dito? 3. Bakit masasabing si Jehova ay higit na nakababatid ng kawalang-katarungan kaysasaatin?

121 MAY KAWALANG-KATARUNGAN BA SA DIYOS? 119 ang Bibliya ay nagsasabi sa atin: Nakita ni Jehova na ang kasamaan ng tao ay laganap sa lupa at ang bawat hilig ng mga kaisipan ng kaniyang puso ay masama na lamang sa lahat ng panahon. (Genesis 6:5) Isaalang-alang ang ibig ipahiwatig ng pangungusap na iyan. Kadalasan, ang ating pagkaunawa sa kawalang-katarungan ay batay sa ilang mga kaso na maaaring nabalitaan natin o personal na naranasan natin. Kabaligtaran nito, nababatid ni Jehova ang kawalang-katarungan sa buong globo. Nakikita niyang lahat ito! Higit pa riyan, napag-uunawa niya ang mga hilig ng puso ang maitim na balak sa likod ng di-makatarungang mga gawa. Jeremias 17:10. 4 Subalit higit pa sa basta tinatandaan lamang ni Jehova ang kawalang-katarungan. Nagmamalasakit din siya sa mga nagiging biktima nito. Nang pagmalupitan ng mga kaaway na bansa ang kaniyang bayan, nabagabag si Jehova sa kanilang pagdaing dahil sa mga naniniil sa kanila at doon sa mga umaapi sa kanila. (Hukom 2:18) Marahil ay napapansin mo na habang lalong nakikita ng ilan ang kawalang-katarungan, lalo silang nagiging manhid dito. Hindi ganito si Jehova! Mga 6,000 taon na niyang nakikita ang kawalang-katarungan sa buong lawak nito, subalit hindi pa rin humuhupa ang kaniyang galit dito. Sa halip, tinitiyak sa atin ng Bibliya na ang mga bagay na gaya ng bulaang dila, mga kamay na nagbububo ng dugong walang-sala, at bulaang saksi na nagbubunsod ng mga kasinungalingan ay karima-rimarim sa kaniya. Kawikaan 6: Isaalang-alang din ang matinding pagpuna ni Jehova sa dimakatarungang mga lider sa Israel. Hindi ba tungkulin ninyo ang makaalam ng katarungan? kinasihan niya ang kaniyang propeta na itanong sa kanila. Matapos na detalyadong ilarawan ang kanilang pag-abuso sa kapangyarihan, inihula ni Jehova ang kahihinatnan ng tiwaling mga taong ito: Hihingi sila ng saklolo kay Jehova, ngunit hindi niya sila sasagutin. At ikukubli niya ang kaniyang mukha mula sa kanila sa panahong iyon, ayon sa kasamaang ginawa nila sa kanilang mga pakikitungo. (Mikas 3:1-4) 4, 5. (a) Paano ipinakikita ng Bibliya na si Jehova ay nagmamalasakit doon sa mga dumaranas ng kawalang-katarungan? (b) Paano masasabing si Jehova mismo ay naapektuhan ng kawalang-katarungan?

122 120 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Kaytindi ng pagkamuhi ni Jehova sa kawalang-katarungan! Aba, siya mismo ay nakaranas nito! Sa loob ng libu-libong taon, patuloy na siya y di-makatarungang tinutuya ni Satanas. (Kawikaan 27:11) Bukod diyan, naapektuhan si Jehova ng pinakamasaklap na gawang di-makatarungan nang ang kaniyang Anak, na hindi nakagawa ng kasalanan, ay patayin na parang isang kriminal. (1 Pedro 2:22; Isaias 53:9) Maliwanag na hindi ipinagwawalang-bahala ni binabale-wala ni Jehova ang gipit na kalagayan niyaong dumaranas ng kawalang-katarungan. 6 Magkagayunman, kapag nakakakita tayo ng kawalang-katarungan o kapag tayo mismo ay nagiging biktima ng di-makatarungang pagtrato likas lamang sa atin na magalit. Tayo y ginawa ayon sa larawan ng Diyos, at ang kawalang-katarungan ay ganap na kabaligtaran ng lahat ng nakapaloob sa pagkapersona ni Jehova. (Genesis 1:27) Kung gayon, bakit pinahihintulutan ng Diyos ang kawalang-katarungan? AngIsyungPagkasoberanongDiyos 7 Ang sagot sa tanong na ito ay may kaugnayan sa isyu tungkol sa pagkasoberano. Gaya ng nakita na natin, ang Maylalang ay may karapatang mamahala sa buong lupa at sa lahat ng tumatahan dito. (Awit 24:1; Apocalipsis 4:11) Gayunman, sa pagsisimula ng kasaysayan ng tao, ang pagkasoberano ni Jehova ay hinamon. Paano nangyari ito? Iniutos ni Jehova sa unang tao, si Adan, na huwag kumain mula sa isang punungkahoy sa hardin na siya niyang Paraisong tahanan. At kung susuway siya? Tiyak na mamamatay ka, sabi ng Diyos sa kaniya. (Genesis 2:17) Ang utos ng Diyos ay hindi mahirap para kay Adan o sa kaniyang asawang si Eva. Subalit kinumbinsi ni Satanas si Eva na ang Diyos ay masyadong mahigpit. Ano ang mangyayari kung kumain siya mula sa punungkahoy? Tuwirang sinabi ni Satanas kay Eva: Tiyak na hindi kayo mamamatay. Sapagkat nalalaman ng Diyos na sa mismong araw na kumain kayo mula roon ay madidilat nga ang inyong mga mata at kayo nga ay magiging tulad ng Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama. Genesis 3: Ano kaya ang magiging reaksiyon natin kapag napaharap sa kawalang-katarungan, at bakit? 7. Ilarawan kung paano hinamon ang pagkasoberano ni Jehova.

123 MAY KAWALANG-KATARUNGAN BA SA DIYOS? Sa sinabing ito, hindi lamang ipinahiwatig ni Satanas na nagkait si Jehova ng kinakailangang impormasyon kay Eva kundi na Siya y nagsinungaling din sa kaniya. Naging maingat si Satanas na huwag kuwestiyunin ang katotohanan ng pagkasoberano ni Jehova. Subalit hinamon naman niya ang pagkanararapat, karapatan, at katuwiran nito. Sa ibang pananalita, iginiit niya na si Jehova ay hindi gumaganap ng Kaniyang pagkasoberano sa matuwid na paraan at sa ikabubuti ng Kaniyang mga sakop. 9 Kasunod nito, sina Adan at Eva ay kapuwa sumuway kay Jehova sa pamamagitan ng pagkain mula sa ipinagbabawal na punungkahoy. Dahil sa kanilang pagsuway, nararapat silang tumanggap ng parusang kamatayan, gaya ng ipinahayag ng Diyos. Ang kasinungalingan ni Satanas ay nagbangon ng ilang mahahalagang tanong. Talaga nga kayang may karapatan si Jehova na mamahala sa sangkatauhan, o dapat na ang tao ang mamahala sa kaniyang sarili? Ginagampanan ba ni Jehova ang kaniyang pagkasoberano sa pinakamahusay na paraan? Maaari sanang gamitin ni Jehova ang kaniyang kapangyarihang nakahihigit sa lahat upang agad na puksain ang mga rebelde. Subalit ang ibinangong mga tanong ay may kinalaman sa pamamahala ng Diyos, hindi sa kaniyang kapangyarihan. Kaya ang pagpuksa kina Adan, Eva, at Satanas ay hindi magpapatunay sa katuwiran ng pamamahala ng Diyos. Sa halip, magbabangon ito ng higit pang mga tanong may kinalaman sa kaniyang pamamahala. Ang tanging paraan upang matiyak kung matagumpay ngang mapamamahalaan ng mga tao ang kanilang sarili, nang hiwalay sa Diyos, ay ang palipasin muna ang panahon. 10 Ano ang isinisiwalat sa paglipas ng panahon? Sa nagdaang mga milenyo, nasubukan na ng mga tao ang maraming anyo ng pamahalaan, lakip na ang awtokrasya, demokrasya, sosyalismo, at komunismo. Ang kinalabasan ng lahat ng ito ay inilalarawan sa tahasang komento ng Bibliya: Ang tao ay nanunupil sa tao sa kani- 8. (a) Ano ang ipinahiwatig ni Satanas sa kaniyang mga sinabi kay Eva? (b) Ano ang hamon ni Satanas may kinalaman sa pagkasoberano ng Diyos? 9. (a) Para kina Adan at Eva, ano ang ibinunga ng pagsuway, at anong mahahalagang tanong ang ibinangon nito? (b) Bakit hindi na lamang pinuksa ni Jehova ang mga rebelde? 10. Ano ang isinisiwalat ng kasaysayan tungkol sa pamamahala ng tao?

124

125 MAYKAWALANG-KATARUNGANBASADIYOS? 123 yang ikapipinsala. (Eclesiastes 8:9) Taglay ang mabuting dahilan, si propeta Jeremias ay nagsabi: Nalalaman kong lubos, O Jehova, na ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sarili. Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang. Jeremias 10: Sa pasimula pa y batid na ni Jehova na ang pagsasarili ng sangkatauhan, o ang pamamahala nito sa kaniyang sarili, ay magdudulot ng malaking pagdurusa. Kung gayon, kawalan ba ng katarungan sa panig niya na pahintulutang mangyari ang nakatakdang mangyari? Hinding-hindi! Bilang paghahalimbawa: Ipagpalagay nang may isa kang anak na kailangang maoperahan upang mapagaling ang nakamamatay na karamdaman. Batid mong mahihirapan ang iyong anak dahil sa operasyon, at ito y labis na pumipighati sa iyo. Magkagayunman, alam mo ring dahil sa pamamaraang ito ay bubuti ang kalusugan ng iyong anak sa dakong huli ng kaniyang buhay. Sa katulad na paraan, batid ng Diyos at inihula pa nga niya na ang kaniyang pagpapahintulot na mamahala ang tao ay magdudulot ng isang antas ng kirot at pagdurusa. (Genesis 3:16-19) Subalit batid din niya na magiging posible lamang ang namamalagi at makabuluhang ginhawa kung pahihintulutan niyang maranasan ng buong sangkatauhan ang masamang bungang dulot ng paghihimagsik. Sa ganitong paraan ay permanenteng malulutas ang isyu, magpakailanman. Ang Isyu Hinggil sa Katapatan ng Tao 12 May isa pang aspekto hinggil sa bagay na ito. Sa paghamon sa pagkanararapat at katuwiran ng pamamahala ng Diyos, hindi lamang siniraang-puri ni Satanas si Jehova may kinalaman sa Kaniyang pagkasoberano; siniraang-puri rin niya ang mga lingkod ng Diyos hinggil sa kanilang katapatan. Halimbawa, pansinin ang sinabi ni Satanas kay Jehova hinggil sa matuwid na lalaking si Job: Hindi ka ba naglagay ng bakod sa palibot niya at sa palibot ng ka- 11. Bakit ipinahintulot ni Jehova na magdusa ang lahi ng tao? 12. Gaya ng ipinaghalimbawa sa kaso ni Job, ano ang paratang ni Satanas laban sa mga tao? Hindi kailanman lilipulin [ni Jehova] ang matuwid na kasama ng balakyot

126 124 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA niyang sambahayan at sa palibot ng lahat ng kaniyang pag-aari sa buong paligid? Ang gawa ng kaniyang mga kamay ay iyong pinagpala, at ang kaniyang mga alagang hayop ay lumaganap sa lupa. Ngunit, upang mapaiba naman, iunat mo ang iyong kamay, pakisuyo, at galawin mo ang lahat ng kaniyang pag-aari at tingnan mo kung hindi ka niya susumpain nang mukhaan. Job 1:10, Iginiit ni Satanas na ginagamit ni Jehova ang Kaniyang kapangyarihang magsanggalang upang bilhin ang debosyon ni Job. Sa gayon, ipinahiwatig nito na ang katapatan ni Job ay paimbabaw lamang, na sinasamba niya ang Diyos dahil lamang sa nakukuha niyang pakinabang. Tiniyak ni Satanas na kung ipagkakait kay Job ang mga pagpapala ng Diyos, maging ang taong iyan ay susumpa sa kaniyang Maylalang. Alam ni Satanas na si Job ay namumukodtangi sa pagiging walang kapintasan at matuwid, na natatakot sa Diyos at lumilihis sa kasamaan. Kaya kung masisira ni Satanas ang katapatan ni Job, ano kaya ang ipahihiwatig niyan para sa natitirang bahagi ng sangkatauhan? Kaya nga talagang kinukuwestiyon ni Satanas ang katapatan ng lahat ng nagnanais maglingkod sa Diyos. Sa katunayan, upang palakihin ang isyu, sinabi ni Satanas kay Jehova: Ang lahat ng pag-aari ng isang tao [hindi lamang si Job] ay ibibigay niya alang-alang sa kaniyang kaluluwa. Job 1:8; 2:4. 14 Nakita sa kasaysayan na marami, gaya ni Job, ang nanatiling tapat kay Jehova sa harap ng pagsubok taliwas sa sinasabi ni Satanas. Pinasaya nila ang puso ni Jehova dahil sa kanilang tapat na landasin, at dahil dito ay nasagot ni Jehova ang hambog na panunuya ni Satanas na ang mga tao y hindi na raw maglilingkod sa Diyos kapag sila y pinapaghirap. (Hebreo 11:4-38) Oo, ang mga taong may matuwid na puso ay tumangging talikuran ang Diyos. Kahit nagugulumihanan dahil sa totoong gipit na mga kalagayan, Sinabi ni Jehova tungkol kay Job: Walang sinumang tulad niya sa lupa. (Job 1:8) Kung gayon, malamang na si Job ay nabuhay pagkamatay ni Jose at bago naging hinirang na lider ng Israel si Moises. Kaya, masasabi na noong panahong iyon ay walang sinuman ang may katapatang gaya ng kay Job. 13. Ano ang ipinahiwatig ni Satanas sa kaniyang mga paratang hinggil kay Job, at paano nasasangkot dito ang lahat ng tao? 14. Ano ang nakita sa kasaysayan hinggil sa paratang ni Satanas laban sa mga tao?

127 MAY KAWALANG-KATARUNGAN BA SA DIYOS? 125 lalo silang umaasa kay Jehova na bibigyan sila ng lakas upang makapagbata. 2 Corinto 4: Subalit higit pa sa mga isyu ng pagkasoberano at katapatan ng tao ang nasasangkot sa paggamit ni Jehova ng katarungan. Ang Bibliya ay naglalaan sa atin ng isang ulat ng mga paghatol ni Jehova may kaugnayan sa mga indibiduwal at maging sa buong mga bansa. Naglalaman din ito ng mga hula tungkol sa mga paghatol na gagawin niya sa hinaharap. Bakit tayo makapagtitiwala na si Jehova ay naging matuwid at magiging matuwid sa kaniyang mga paghatol? Kung Bakit Mas Magaling ang Katarungan ng Diyos 16 Patungkol kay Jehova, angkop lamang na sabihin: Ang lahat ng kaniyang mga daan ay katarungan. (Deuteronomio 32:4) Wala sa atin ang makapagsasabi ng ganiyan tungkol sa ating sarili, sapagkat kadalasan nang nalalambungan ng ating limitadong pananaw ang ating pang-unawa sa kung ano ang tama. Halimbawa, isaalang-alang si Abraham. Nakiusap siya kay Jehova may kinalaman sa pagpuksa sa Sodoma sa kabila ng laganap na kabalakyutan doon. Tinanong niya si Jehova: Talaga bang lilipulin mo ang matuwid na kasama ng balakyot? (Genesis 18:23-33) Mangyari pa, ang sagot ay hindi. Nang ligtas na makarating ang matuwid na si Lot at ang kaniyang mga anak na babae sa lunsod ng Zoar ay saka pa lamang nagpaulan [si Jehova] ng asupre at apoy sa Sodoma. (Genesis 19:22-24) Sa kabaligtaran naman, si Jonas ay nag-init sa galit nang lawitan ni Jehova ng awa ang mamamayan ng Nineve. Yamang naipabatid na ni Jonas ang pagpuksa sa kanila, matutuwa siya na makitang nililipol sila sa kabila ng kanilang taimtim na pagsisisi. Jonas 3:10 4:1. 17 Tiniyak ni Jehova kay Abraham na ang Kaniyang paggamit ng katarungan ay naglalakip hindi lamang ng pagpuksa sa balakyot kundi ng pagliligtas din naman sa mga matuwid. Sa kabilang dako naman, kinailangang matutuhan ni Jonas na si Jehova ay maawain. Kung magbabago ng kanilang landas ang mga 15. Anong tanong ang maaaring bumangon may kinalaman sa nakaraan at sa hinaharap na mga paghatol ng Diyos? 16, 17. Anong mga halimbawa ang nagpapakita na ang mga tao ay may limitadong pananaw hinggil sa tunay na katarungan?

128 126 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA balakyot, siya ay handang magpatawad. (Awit 86:5) Di-gaya ng ilang tao na nababahala sa kanilang katayuan, si Jehova ay hindi nagpapasapit ng di-kaayaayang hatol para lamang ipakita ang kaniyang kapangyarihan, ni siya y nagpipigil ng habag dahil sa takot na baka isiping siya y mahina. Ang kaniyang paraan ay ang magpakita ng awa kailanma t may saligan para rito. Isaias 55:7; Ezekiel 18: Magkagayunman, si Jehova ay hindi nabubulagan dahil lamang sa damdamin. Nang ang kaniyang bayan ay malulong sa idolatriya, matatag na nagpahayag si Jehova: Hahatulan kita ayon sa iyong mga lakad at pasasapitin ko sa iyo ang lahat ng iyong mga karima-rimarim na bagay. At ang aking mata ay hindi maaawa sa iyo, ni mahahabag man ako, sapagkat pasasapitin ko sa iyo ang iyong sariling mga lakad. (Ezekiel 7:3, 4) Kaya kapag ang mga tao ay nagmamatigas na sa kanilang landasin, si Jehova ay humahatol nang naaayon dito. Subalit ang kaniyang kahatulan ay salig sa matibay na ebidensiya. Kaya nga, nang makarating sa kaniyang pandinig ang isang malakas na sigaw ng pagdaing tungkol sa Sodoma at Gomorra, nagsabi si Jehova: Determinado nga akong bumaba upang makita ko kung talagang gumagawi sila ayon sa daing tungkol doon na dumating sa akin. (Genesis 18:20, 21) Kaylaking pasasalamat natin na si Jehova ay hindi gaya ng maraming tao na humahatol na agad bago pa man marinig ang buong pangyayari! Ang totoo, gaya ng pagkakalarawan sa kaniya ng Bibliya, si Jehova ay isang Diyos ng katapatan, na sa kaniya ay walang masusumpungang kawalang-katarungan. Deuteronomio 32:4. Magtiwala sa Katarungan ni Jehova 19 Ang Bibliya ay hindi sumasagot sa lahat ng tanong hinggil sa mga ikinilos ni Jehova noon; ni naglalaan man ito ng bawat detalye tungkol sa kung paano magbibigay ng hatol si Jehova may kinalaman sa mga indibiduwal at mga grupo sa hinaharap. Kapag tayo y naguguluhan dahil sa mga ulat o mga hula sa Bibliya kung saan walang gayong detalye, maipamamalas natin ang katapatan 18. Ipakita mula sa Bibliya na si Jehova ay hindi kumikilos ayon lamang sa damdamin. 19. Ano ang maaari nating gawin kung may mga tanong na gumugulo sa atin tungkol sa paggamit ni Jehova ng katarungan?

129 MAY KAWALANG-KATARUNGAN BA SA DIYOS? 127 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Deuteronomio 10:17-19 Bakit tayo makapagtitiwala na si Jehova ay dinagtatangi sa kaniyang mga pakikitungo? Job 34:1-12 Kapag ikaw ay napapaharap sa kawalang-katarungan, paano napatitibay ng mga salita ni Elihu ang iyong pagtitiwala sa katuwiran ng Diyos? Awit 1:1-6 Bakit nakapagpapalakas-loob na malaman na maingat na tinitimbang ni Jehova ang mga gawa kapuwa ng matuwid at ng balakyot? Malakias 2:13-16 Ano ang nadama ni Jehova tungkol sa kawalang-katarungan na ginawa sa mga babae na diniborsiyo ng kani-kanilang mga asawa nang walang wastong batayan? na katulad ng kay propeta Mikas, na sumulat: Ako ay magpapakita ng mapaghintay na saloobin sa Diyos ng aking kaligtasan. Mikas 7:7. 20 Makapagtitiwala tayo na sa bawat situwasyon, gagawin ni Jehova kung ano ang tama. Kahit kapag waring binabale-wala ng tao ang kawalang-katarungan, nangangako si Jehova: Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti. (Roma 12:19) Kung tayo y magpapakita ng mapaghintay na saloobin, masasabi rin natin ang matatag na pananalig na ipinahayag ni apostol Pablo: May kawalang-katarungan ba sa Diyos? Huwag nawang magkagayon! Roma 9: Samantala, tayo y nabubuhay sa mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan. (2 Timoteo 3:1) Ang kawalang-katarungan at paniniil ay nagbunga ng maraming malulupit na pangaabuso. (Eclesiastes 4:1) Gayunman, si Jehova ay hindi nagbabago. Kinapopootan pa rin niya ang kawalang-katarungan, at labis niyang pinagmamalasakitan ang mga nagiging biktima nito. Kung tayo y mananatiling tapat kay Jehova at sa kaniyang pagkasoberano, ibibigay niya sa atin ang lakas upang makapagbata hanggang sa takdang panahon na doo y iwawasto na niya ang lahat ng kawalang-katarungan sa ilalim ng pamamahala ng kaniyang Kaharian. 1 Pedro 5:6, 7. 20, 21. Bakit tayo makapagtitiwala na palaging gagawin ni Jehova kung ano ang tama?

130 K A B A N A T A 1 3 Ang Kautusan ni Jehova ay Sakdal ANG kautusan ay isang ubod-lalim na hukay,... nilalamon nito ang lahat ng bagay. Ang mga katagang iyan ay lumitaw sa isang aklat na inilathala noon pang Tinuligsa ng awtor nito ang isang sistema ng batas na doon ang mga usapin ay tumatagal nang maraming taon sa korte, anupat namumulubi tuloy ang mga naghahanap ng katarungan. Sa maraming lupain, ang legal at hudisyal na mga sistema ay napakakomplikado at batbat ng kawalang-katarungan, pagtatangi, at pagkakasalungatan, anupat lumaganap tuloy ang paghamak sa batas. 2 Kabaligtaran naman, isaalang-alang ang mga salitang ito na isinulat mga 2,700 taon na ang nakalilipas: Gayon na lamang ang pag-ibig ko sa iyong kautusan! (Awit 119:97) Bakit gayon na lamang kasidhi ang damdamin ng salmista? Sapagkat ang kautusang pinuri niya ay nagmula, hindi sa alinmang sekular na pamahalaan, kundi sa Diyos na Jehova. Habang pinag-aaralan mo ang mga kautusan ni Jehova, maaaring higit mo pang madama ang gaya ng nadama ng salmista. Ang gayong pag-aaral ay magbibigay sa iyo ng kaunawaan tungkol sa pinakadakilang hudisyal na kaisipan sa uniberso. Ang Pinakadakilang Tagapagbigay-Kautusan 3 May Isa na tagapagbigay-kautusan at hukom, ang sabi sa atin ng Bibliya. (Santiago 4:12) Totoo, si Jehova ang tanging tunay na Tagapagbigay-kautusan. Maging ang pagkilos ng mga bagay sa langit ay inuugitan ng kaniyang mga kautusan ng kalangitan. (Job 38:33, The New Jerusalem Bible) Ang laksa-laksang banal na mga anghel ni Jehova ay inuugitan din ng kautusan ng Diyos, sapagkat sila y inorganisa ayon sa tiyak na mga ranggo at naglilingkod ayon sa ipinag-uutos ni Jehova bilang kaniyang mga ministro. Awit 104:4; Hebreo 1:7, Nagbigay rin si Jehova ng mga kautusan sa sangkatauhan. Bawat 1, 2. Bakit maraming tao ang halos walang paggalang sa kautusan, subalit ano ang maaaring madama natin hinggil sa mga kautusan ng Diyos? 3, 4. Sa anong mga paraan naging Tagapagbigay-kautusan si Jehova?

131 ANG KAUTUSAN NI JEHOVA AY SAKDAL 129 isa sa atin ay may budhi, na doo y masasalamin ang pangmalas ni Jehova sa katarungan. Bilang isang uri ng panloob na kautusan, ang budhi ay makatutulong sa atin na makilala ang pagkakaiba ng tama sa mali. (Roma 2:14) Ang ating unang mga magulang ay biniyayaan ng isang sakdal na budhi, kaya ilang kautusan lamang ang kailangan nila. (Genesis 2:15-17) Gayunman, ang di-sakdal na tao ay nangangailangan ng mas maraming kautusan upang pumatnubay sa kaniya sa paggawa ng kalooban ng Diyos. Ang mga patriyarkang gaya nina Noe, Abraham, at Jacob ay tumanggap ng mga kautusan mula sa Diyos na Jehova at itinawid ang mga ito sa kani-kanilang pamilya. (Genesis 6:22; 9:3-6; 18:19; 26:4, 5) Pinangyari ni Jehova na siya y maging Tagapagbigay-kautusan sa isang walang katulad na paraan nang ibigay niya sa bansang Israel ang isang kodigo ng Kautusan sa pamamagitan ni Moises. Ang kodigong ito ng batas ay nagbibigay sa atin ng malawak na unawa sa pangmalas ni Jehova sa katarungan. Ang Kautusang Mosaiko Isang Sumaryo 5 Marami ang waring nag-aakala na ang Kautusang Mosaiko ay isang mahirap at komplikadong kalipunan ng mga kautusan. Malayung-malayo sa katotohanan ang gayong palagay. May mahigit na 600 kautusan sa buong kodigo. Wari ngang napakarami niyan, subalit isip-isipin lamang: Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, mahigit sa 150,000 pahina ng mga aklat ukol sa batas ang kinailangan upang maisulat ang mga batas pederal ng Estados Unidos. Tuwing dalawang taon mga 600 kautusan pa ang napaparagdag! Kaya kung dami pa lamang ang pag-uusapan, wala na sa kalingkingan ng gabundok na mga kautusan ng tao ang Kautusang Mosaiko. Gayunman, ang Kautusan ng Diyos ang umugit sa mga Israelita sa mga pitak ng buhay na hindi pa man naisasaalang-alang ng modernong mga kautusan. Tingnan natin ang isang sumaryo. 6 Dinakila ng Kautusan ang pagkasoberano ni Jehova. Sa gayon, ang Kautusang Mosaiko ay hindi maihahambing sa iba pang mga kodigo ng batas. Ang pinakadakila sa mga kautusan nito ay ito: Paking- 5. Ang Kautusang Mosaiko ba ay isang mahirap at komplikadong kalipunan ng mga kautusan, at bakit iyan ang sagot mo? 6, 7. (a) Ano ang pagkakaiba ng Kautusang Mosaiko sa iba pang mga kodigo ng batas, at ano ang pinakadakilang utos ng Kautusang iyan? (b) Paano naipakita ng mga Israelita na tinatanggap nila ang pagkasoberano ni Jehova?

132 130 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA gan mo, O Israel: Si Jehova na ating Diyos ay iisang Jehova. At iibigin mo si Jehova na iyong Diyos nang iyong buong puso at nang iyong buong kaluluwa at nang iyong buong lakas. Paano maipakikita ng bayan ng Diyos ang pag-ibig sa kaniya? Dapat silang maglingkod sa kaniya, anupat nagpapasakop sa kaniyang pagkasoberano. Deuteronomio 6:4, 5; 11:13. 7 Ipinakita ng bawat Israelita na tinatanggap niya ang pagkasoberano ni Jehova sa pamamagitan ng pagpapasakop sa mga binigyan ng awtoridad sa kaniya. Ang mga magulang, pinuno, hukom, saserdote at, sa dakong huli, ang hari ay pawang kumakatawan sa awtoridad ng Diyos. Anumang paghihimagsik laban sa mga may awtoridad ay itinuring ni Jehova na paghihimagsik laban sa kaniya. Sa kabilang dako naman, nanganganib na kapootan ni Jehova ang mga nasa awtoridad kung pakikitunguhan nila ang kaniyang bayan sa paraang di-makatarungan o may pagkaarogante. (Exodo 20:12; 22:28; Deuteronomio 1:16, 17; 17:8-20; 19:16, 17) Kung gayon, ang magkabilang panig ay may pananagutang magtaguyod ng pagkasoberano ng Diyos. 8 Itinaguyod ng Kautusan ang pamantayan ni Jehova tungkol sa kabanalan. Ang mga salitang banal at kabanalan ay lumilitaw nang mahigit sa 280 ulit sa Kautusang Mosaiko. Sa tulong ng Kautusan ay nakilala ng bayan ng Diyos ang pagkakaiba ng malinis at ng di-malinis, ng dalisay at ng di-dalisay, anupat bumabanggit ng mga 70 iba t ibang bagay na maaaring maging dahilan upang ang isang Israelita ay maging marumi para makibahagi sa seremonya. Ang mga kautusang ito ay tumutukoy sa kalinisan ng katawan, pagkain, at pagtatapon pa nga ng dumi. Ang mga kautusang ito ay naglaan ng kamangha-manghang mga pakinabang sa kalusugan. Subalit ang mga ito ay may mas mahalagang layunin ang mapanatili ang mga tao sa paglingap ni Jehova, na hiwalay sa makasalanang mga gawa ng masasamang bansa na nakapaligid sa kanila. Isaalangalang ang isang halimbawa. Halimbawa, ang mga kautusan na humihiling na iba on ang dumi ng tao, ikuwarentenas ang maysakit, at paghugasin ang sinumang humipo sa isang bangkay ay isang napakamodernong kaalaman para sa panahong iyon. Levitico 13:4-8; Bilang 19:11-13, 17-19; Deuteronomio 23:13, Paano itinaguyod ng Kautusan ang pamantayan ni Jehova tungkol sa kabanalan?

133 ANG KAUTUSAN NI JEHOVA AY SAKDAL Binanggit sa mga batas ng tipang Kautusan na ang pagtatalik at panganganak kahit sa mga may-asawa ay nagdudulot ng isang panahon ng pagiging di-malinis. (Levitico 12:2-4; 15:16-18) Hindi naman sa hinahamak ng gayong mga batas ang malilinis na kaloob na ito mula sa Diyos. (Genesis 1:28; 2:18-25) Sa halip, itinataguyod ng mga kautusang iyon ang kabanalan ni Jehova, anupat pinananatiling ligtas ang kaniyang mga mananamba mula sa pagkahawa. Kapansin-pansin na mahilig ang mga bansang nakapaligid sa Israel na isama sa pagsamba ang sekso at mga ritwal sa pag-aanak. Kalakip sa relihiyon ng mga Canaanita ang prostitusyon sa mga lalaki at babae. Dahil dito ay lumaganap ang napakaimbing kalagayan. Sa kabaligtaran naman, pinangyari ng Kautusan na ang pagsamba kay Jehova ay maging lubusang hiwalay sa seksuwal na mga bagay. Mayroon pa ring ibang mga pakinabang. 10 Ang mga kautusang iyon ay nagturo ng isang mahalagang katotohanan. Sa katunayan, paano nga ba napasalin ang batik ng kasalanan ni Adan sa sunud-sunod na mga henerasyon? Hindi ba t dahil sa pagtatalik at panganganak? (Roma 5:12) Oo, ang Kautusan ng Diyos ay nagpaalaala sa kaniyang bayan tungkol sa di-maikakailang patuloy na pag-iral ng kasalanan. Sa katunayan, tayong lahat ay ipinanganak sa kasalanan. (Awit 51:5) Kailangan natin ang pagpapatawad at pantubos upang m apalap ıt sa ating banal na Diyos. 11 Itinaguyod ng Kautusan ang sakdal na katarungan ni Jehova. Ipinagtanggol ng Kautusang Mosaiko ang simulain ng pagkakapantaypantay, o pagkabalanse, may kinalaman sa katarungan. Kaya nga, ang Kautusan ay nagsabi: Kaluluwa ang magiging para sa kalulu- Bagaman ang mga templo ng mga Canaanita ay may mga silid na inilaan para sa seksuwal na gawain, ang Kautusang Mosaiko naman ay nagsasabi na yaong mga nasa di-malinis na kalagayan ay hindi maaaring makapasok man lamang sa templo. Sa gayon, yamang ang pagtatalik ay nagdudulot ng isang panahon ng pagiging di-malinis, walang karapatan ang sinuman na ang sekso ay gawing bahagi ng pagsamba sa bahay ni Jehova. Ang pagtuturo ay isang pangunahing layunin ng Kautusan. Sa katunayan, sinasabi sa Encyclopaedia Judaica na ang salitang Hebreo para sa kautusan, ang toh rah, ay nangangahulugang pagtuturo. 9, 10. Kalakip sa tipang Kautusan ang anong mga batas hinggil sa pagtatalik at panganganak, at anong mga pakinabang ang inilaan ng mga kautusang iyan? 11, 12. (a) Anong mahalagang simulain ng katarungan ang ipinagtanggol ng Kautusan? (b) Anong mga pag-iingat laban sa pagpilipit sa katarungan ang kalakip sa Kautusan?

134

135 ANG KAUTUSAN NI JEHOVA AY SAKDAL 133 wa, mata para sa mata, ngipin para sa ngipin, kamay para sa kamay, paa para sa paa. (Deuteronomio 19:21) Kung gayon, sa mga kasong kriminal, ang parusa ay dapat na katumbas ng krimen. Ang aspektong ito ng katarungan ng Diyos ay nakikita sa buong Kautusan at hanggang sa ngayon ay mahalaga pa rin upang maunawaan ang haing pantubos ni Kristo Jesus, gaya ng ipakikita sa Kabanata Timoteo 2:5, Kalakip din sa Kautusan ang mga pag-iingat laban sa pagpilipit sa katarungan. Halimbawa, kailangan ang di-kukulangin sa dalawang saksi upang patunayan ang pagiging totoo ng isang akusasyon. Mabigat ang parusa sa pagbubulaan. (Deuteronomio 19:15, 18, 19) Ang katiwalian at panunuhol ay mahigpit ding ipinagbabawal. (Exodo 23:8; Deuteronomio 27:25) Maging sa kanilang pagnenegosyo, dapat na itaguyod ng bayan ng Diyos ang matayog na pamantayan ni Jehova tungkol sa katarungan. (Levitico 19:35, 36; Deuteronomio 23:19, 20) Ang marangal at makatarungang kodigong iyan ng batas ay isang napakalaking pagpapala sa Israel! MgaKautusannaNagtatampokng Hudisyal na Awa at Pantay na Pakikitungo 13 Ang Kautusang Mosaiko ba ay isang mahigpit at walang-awang kalipunan ng mga tuntunin? Hinding-hindi! Si Haring David ay kinasihang sumulat: Ang kautusan ni Jehova ay sakdal. (Awit 19:7) Gaya ng alam na alam niya, itinaguyod ng Kautusan ang awa at pantay na pakikitungo. Paano ito nagawa ng Kautusan? 14 Sa ilang lupain sa ngayon, ang batas ay waring higit na nagpapakita ng kabaitan at pabor sa mga kriminal sa halip na magmalasakit sa mga biktima. Halimbawa, ang mga magnanakaw ay maaaring gumugol ng panahon sa bilangguan. Samantala, dinaramdam na nga ng mga biktima ang pagkawala ng kanilang ari-arian, pero kailangan pa rin nilang magbayad ng buwis na ginagamit sa pagkupkop at pagpapakain sa mga kriminal na ito. Sa sinaunang Israel, walang mga bilangguan na gaya sa ngayon. May mahihigpit na restriksiyon hinggil sa paglalapat ng bigat ng parusa. (Deuteronomio 25:1-3) Dapat na bayaran ng magnanakaw ang biktima kung ano ang ninakaw. Bukod diyan, may babayaran pa ang magnanakaw. 13, 14. Paano itinaguyod ng Kautusan ang pantay at makatarungang pakikitungo sa magnanakaw at sa kaniyang biktima?

136 134 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Magkano? Hindi pare-pareho. Maliwanag na ang mga hukom ay binigyan ng kalayaang timbangin ang ilang salik, gaya ng pagsisisi ng nagkasala. Iyan ang magpapaliwanag kung bakit ang kabayarang hinihiling sa isang magnanakaw ayon sa Levitico 6:1-7 ay higit na mas mababa kaysa sa binanggit sa Exodo 22:7. 15 May-kaawaang kinilala ng Kautusan na hindi naman lahat ng kamalian ay sinasadya. Halimbawa, kapag nakapatay ang isang lalaki nang di-sinasadya, hindi niya kailangang magbayad ng kaluluwa para sa kaluluwa kapag ginawa niya ang tamang hakbang ng pagtakas sa isa sa mga kanlungang lunsod na nakakalat sa buong Israel. Matapos na masuri ng mga kuwalipikadong hukom ang kaso, kailangan siyang manirahan sa kanlungang lunsod hanggang sa mamatay ang mataas na saserdote. Pagkatapos ay malaya na siyang tumira kung saan niya ibig. Sa gayon ay nakinabang siya sa awa ng Diyos. Gayundin naman, idiniin ng kautusang ito ang napakalaking halaga ng buhay ng tao. Bilang 15:30, 31; 35: Iningatan ng Kautusan ang personal na mga karapatan. Tingnan ang mga paraan ng pagbibigay-proteksiyon nito sa mga mayutang. Ipinagbawal ng Kautusan ang pagpasok sa tahanan ng isang may-utang upang sumamsam ng mga ari-arian bilang prenda sa utang. Sa halip, ang pinagkakautangan ay dapat na manatili sa labas at hayaang ang may-utang ang magdala ng prenda sa kaniya. Sa gayon ay hindi nalalapastangan ang tahanan ng isang tao. Kapag kinuha ng pinagkakautangan ang panlabas na kasuutan ng mayutang bilang sangla, kailangan niyang isauli ito pagsapit ng gabi, sapagkat malamang na kakailanganin ito ng may-utang upang huwag ginawin sa gabi. Deuteronomio 24: Inugitan din ng Kautusan maging ang pakikidigma. Ang bayan ng Diyos ay nakikidigma, hindi upang bigyan lamang ng kasiyahan ang pagnanasa sa kapangyarihan o pananakop, kundi upang gumanap bilang mga tauhan ng Diyos sa Mga Digmaan ni Jehova. (Bilang 21:14) Sa maraming kaso, nag-aalok muna ang mga Israelita ng mga kondisyon ng pagsuko. Kapag tumanggi ang isang lunsod sa alok, maaari na itong kubkubin ng Israel ngunit ayon sa mga 15. Paano tiniyak ng Kautusan ang pagpapakita ng kapuwa awa at katarungan kapag may isang nakapatay ng tao nang di-sinasadya? 16. Paano iningatan ng Kautusan ang ilang personal na mga karapatan? 17, 18. Sa mga bagay na nagsasangkot sa pakikidigma, paano naiiba ang mga Israelitasaibangmgabansa,atbakit?

137 ANG KAUTUSAN NI JEHOVA AY SAKDAL 135 tuntunin ng Diyos. Di-gaya ng maraming sundalo sa nagdaang kasaysayan, ang mga lalaki sa hukbo ng Israel ay hindi pinahihintulutang manghalay ng mga kababaihan o magsagawa ng walang-patumanggang pagpatay. Dapat pa nga nilang igalang ang kapaligiran, anupat hindi itinutumba ang mga namumungang punungkahoy ng kaaway. Angibanghukboaywalanggayongmgapagbabawal. Deuteronomio 20:10-15, 19, 20; 21: Nangingilabot ka ba kapag nababalitaan mo na sa ilang lupain, kahit mga bata pa ay sinasanay nang magsundalo? Sa sinaunang Israel, walang sinumang lalaki na wala pang 20 anyos ang itinatala sa hukbo. (Bilang 1:2, 3) Maging ang mga adultong lalaki ay binibigyan ng eksemsiyon kung siya y sobrang matatakutin. Ang isang bagong kasal na lalaki ay may eksemsiyon sa loob ng isang buong taon nang sa gayon ay maaaring makita muna niya ang pagsisilang sa isang tagapagmana bago sumuong sa gayong mapanganib na serbisyo. Sa ganitong paraan, ipinaliwanag ng Kautusan, pasasayahin ng kabataang asawang lalaki ang kaniyang bagong asawa. Deuteronomio 20:5, 6, 8; 24:5. 19 Iningatan din ng Kautusan ang mga babae, mga bata, at mga pamilya, anupat inalagaan sila. Ipinag-utos nito sa mga magulang na bigyan ang kanilang mga anak ng palagiang atensiyon at pagtuturo hinggil sa espirituwal na mga bagay. (Deuteronomio 6:6, 7) Ipinagbawal nito ang lahat ng anyo ng insesto, na may parusang kamatayan. (Levitico, kabanata 18) Ipinagbawal din nito ang pangangalunya, na madalas na nagwawasak ng mga pamilya at sumisira sa kanilang seguridad at dignidad. Ang Kautusan ay naglaan para sa mga babaing balo at mga ulila at buong-diing nagbawal ng pagmamalupit sa mga ito. Exodo 20:14; 22: Gayunman, may kaugnayan dito, ang ilan ay baka magtanong, Ang Kautusan ay mariing nagtanong: Ang punungkahoy ba sa parang ay tao na kukubkubin mo? (Deuteronomio 20:19) Sinipi ni Philo, isang iskolar na Judio noong unang siglo, ang kautusang ito, anupat ipinaliwanag na sa tingin ng Diyos ay di-makatuwiran na ang nagpupuyos na galit sa mga tao ay ibunton sa mga bagay na walang anumang ginagawang masama. 19. Anong mga paglalaan ang kalakip sa Kautusan para sa proteksiyon ng mga babae, mga bata, mga pamilya, mga babaing balo, at mga ulila? 20, 21. (a) Bakit ipinahintulot ng Kautusang Mosaiko ang poligamya sa gitna ng mga Israelita? (b) Sa pagdidiborsiyo, bakit naiiba ang Kautusan sa pamantayang ibinalik ni Jesus nang dakong huli?

138 136 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Bakit kaya ipinahintulot ng Kautusan ang poligamya? (Deuteronomio 21:15-17) Kailangan nating isaalang-alang ang mga kautusang ito ayon sa situwasyon ng mga panahong iyon. Ang mga humahatol sa Kautusang Mosaiko batay sa pananaw ng makabagong panahon at kultura ay tiyak na di-makauunawa nito. (Kawikaan 18:13) Isinaayos ng pamantayan ni Jehova, na itinakda noon pa man sa Eden, na ang pag-aasawa ay maging isang panghabambuhay na pagsasama ng isang asawang lalaki at isang asawang babae. (Genesis 2:18, 20-24) Gayunman, noong panahong ibigay ni Jehova ang Kautusan sa Israel, ang mga gawaing gaya ng poligamya ay maraming siglo nang nakaugat. Alam na alam ni Jehovanaangkaniyang bayang matigas ang leeg ay palaging susuway kahit sa pinakasimpleng mga utos, gaya ng mga pagbabawal sa idolatriya. (Exodo 32:9) Sa gayon, isang katalinuhan na hindi niya pinili ang panahong iyon upang baguhin ang lahat ng kanilang mga kaugalian sa pag-aasawa. Subalit tandaan na hindi si Jehova ang nagtatag ng poligamya. Gayunman, talagang ginamit niya ang Kautusang Mosaiko upang ugitan ang poligamya sa gitna ng kaniyang bayan at upang huwag magmalabis sa kaugaliang ito. 21 Sa katulad na paraan, ipinahintulot ng Kautusang Mosaiko na diborsiyuhin ng isang lalaki ang kaniyang asawa sa iba t ibang mabibigat na dahilan. (Deuteronomio 24:1-4) Tinawag ito ni Jesus na pagbibigay-laya na ginawa ng Diyos para sa mga Judio dahil sa katigasan ng [kanilang] puso. Gayunman, ang pagbibigay-layang iyon ay pansamantala lamang. Para sa kaniyang mga tagasunod, ibinalik ni Jesus ang orihinal na pamantayan sa pag-aasawa. Mateo 19:8. Itinaguyod ng Kautusan ang Pag-ibig 22 May maiisip ka bang makabagong-panahong sistema ng batas na nagpapasigla sa pag-ibig? Itinaguyod ng Kautusang Mosaiko ang pag-ibig nang higit sa lahat. Aba, sa aklat lamang ng Deuteronomio, ang salita para sa pag-ibig ay lumilitaw sa iba t ibang anyo nang mahigit na 20 ulit. Ang iibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili ay pangalawa sa pinakadakilang utos sa buong Kautusan. (Levitico 19:18; Mateo 22:37-40) Ang bayan ng Diyos ay dapat magpakita ng gayong pag-ibig hindi lamang sa isa t isa kundi 22. Sa anong mga paraan pinasigla ng Kautusang Mosaiko ang pag-ibig, at para kanino?

139 ANG KAUTUSAN NI JEHOVA AY SAKDAL 137 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Levitico 19:9, 10; Deuteronomio 24:19 Ano ang nadarama mo tungkol sa Diyos na gumagawa ng gayong mga kautusan? Awit 19:7-14 Ano ang nadama ni David tungkol sa kautusan ni Jehova, at dapat na maging gaano kahalaga sa atin ang mga kautusan ng Diyos? Mikas 6:6-8 Paano tayo tinutulungan ng talatang ito na makitang ang mga kautusan ni Jehova ay hindi wastong maituturing na pabigat? Mateo 23:23-39 Paano ipinakita ng mga Pariseo na hindi nila naunawaan ang tunay na diwa ng Kautusan, at paano ito nagiging isang babalang halimbawa para sa atin? sa mga naninirahang dayuhan din naman na kasama nila, anupat inaalaala na ang mga Israelita ay minsan na ring naging mga naninirahang dayuhan noon. Dapat silang magpakita ng pag-ibig sa mga dukha at napipighati, anupat tinutulungan sila sa materyal at hindi pinagsasamantalahan ang kanilang kagipitan. Tinagubilinan pa nga sila na pakitunguhan ang mga hayop na pantrabaho nang may kabaitan at konsiderasyon. Exodo 23:6; Levitico 19:14, 33, 34; Deuteronomio 22:4, 10; 24:17, Alin pang bansa ang biniyayaan ng gayong kodigo ng batas? Hindi nga kataka-taka na sumulat ang salmista: Gayon na lamang ang pag-ibig ko sa iyong kautusan! Gayunman, ang kaniyang pag-ibig ay hindi lamang sa damdamin. Pinakilos siya nito, sapagkat nagsikap siyang sumunod sa kautusang iyan at mamuhay ayon doon. Nagpatuloy pa siya: Buong araw kong pinag-iisipan [ang iyong kautusan]. (Awit 119:11, 97) Oo, regular siyang gumugol ng panahon sa pag-aaral ng mga kautusan ni Jehova. Walang alinlangan na sa paggawa niya nito, lalong sumidhi ang kaniyang pag-ibig sa mga ito. Kasabay nito, ang kaniyang pag-ibig sa Tagapagbigay-kautusan, ang Diyos na Jehova, ay sumidhi rin. Habang nagpapatuloy ka sa pag-aaral ng kautusan ng Diyos, sana y lalo ka ring m apalap ıt kay Jehova, ang Dakilang Tagapagbigay-kautusan at Diyos ng katarungan. 23. Ano ang naudyukang gawin ng manunulat ng Awit 119, at ano ang maaaring ipasiya nating gawin?

140 K A B A N A T A 1 4 Naglaan si Jehova ng Pantubos na Kapalit ng Marami ANG buong sangnilalang ay patuloy na dumaraing na magkakasama at nasasaktang magkakasama. (Roma 8:22) Sa pamamagitan ng mga katagang iyan, inilalarawan ni apostol Pablo ang kahabag-habag na kalagayan na kinasasadlakan natin. Sa pangmalas ng tao, parang wala nang kalutasan ang pagdurusa, kasalanan, at kamatayan. Subalit hindi taglay ni Jehova ang mga limitasyon ng tao. (Bilang 23:19) Ang Diyos ng katarungan ay naglalaan sa atin ng kalutasan sa ating kabagabagan. Ito y tinawag na ang pantubos. 2 Ang pantubos ang pinakadakilang kaloob ni Jehova sa sangkatauhan. Pinagiging posible nito ang ating kaligtasan mula sa kasalanan at kamatayan. (Efeso 1:7) Ito ang pundasyon ng pag-asang buhay na walang hanggan, ito man ay sa langit o sa isang paraisong lupa. (Lucas 23:43; Juan 3:16; 1 Pedro 1:4) Subalit ano nga ba talaga ang pantubos? Paano nito itinuturo sa atin ang tungkol sa sukdulang katarungan ni Jehova? Kung Paano Bumangon ang Pangangailangan Para sa Isang Pantubos 3 Ang pantubos ay kinailangan dahil sa kasalanan ni Adan. Dahil sa pagsuway sa Diyos, ipinamana ni Adan sa kaniyang mga supling ang sakit, pighati, kirot, at kamatayan. (Genesis 2:17; Roma 8:20) Ang Diyos ay hindi maaaring padala sa emosyon at pagaanin na lamang ang sentensiya sa halip na kamatayan. Ang paggawa nito ay pagwawalang-bahala sa kaniyang sariling kautusan: Ang kabayaran na ibinabayad ng kasalanan ay kamatayan. (Roma 6:23) At kung ipagwawalang-saysay ni Jehova ang kaniyang sariling mga pamantayan ukol sa katarungan, kung gayon ay mananaig ang di-magkamayaw na gulo at katampalasanan! 1, 2. Paano inilalarawan ng Bibliya ang kalagayan ng sangkatauhan, at ano ang tanging kalutasan? 3. (a) Bakit kinailangan ang pantubos? (b) Bakit hindi na lamang pagaanin ng Diyos ang sentensiya sa halip na kamatayan para sa mga supling ni Adan?

141 NAGLAAN SI JEHOVA NG PANTUBOS NA KAPALIT NG MARAMI Gaya ng nakita na natin sa Kabanata 12, ang paghihimagsik sa Eden ay nagbangon ng mas malalaking isyu. Dinungisan ni Satanas ang malinis na pangalan ng Diyos. Sa diwa, pinaratangan niya si Jehova na isang sinungaling at isang malupit na diktador na nagkait ng kalayaan sa kaniyang mga nilalang. (Genesis 3:1-5) Sa pamamagitan ng waring pagsugpo sa layunin ng Diyos na punuin ang lupa ng matuwid na mga tao, pinagbintangan din ni Satanas ang Diyos na isang bigo. (Genesis 1:28; Isaias 55:10, 11) Kung hindi sasagutin ni Jehova ang mga hamong ito, marami sa kaniyang matatalinong nilalang ang baka mawalan ng tiwala sa kaniyang pamamahala. 5 Siniraang-puri rin ni Satanas ang tapat na mga lingkod ni Jehova, anupat pinagbibintangan silang naglilingkod lamang sa Kaniya dahil sa mapag-imbot na mga motibo at na kapag napalagay sa kagipitan, walang mananatiling tapat sa Diyos. (Job 1:9-11) Ang mga isyung ito ay higit na lalo pang mahalaga kaysa sa paghihirap na dinaranas ng tao. Angkop lamang na mapilitan si Jehova na sagutin ang mapanirang-puring mga bintang ni Satanas. Subalit paano kaya malulutas ng Diyos ang mga isyung ito at kasabay nito y mailigtas ang sangkatauhan? Pantubos Isang Katumbas 6 Ang solusyon ni Jehova ay sukdulang maawain at lubusang makatarungan isa na walang sinumang tao ang makagagawa kailanman. Gayunman, ito y simple ngunit kahanga-hanga. Ito y tinutukoy sa iba t ibang paraan bilang isang pagbili, pakikipagkasundo, pantubos, pampalubag-loob, at pagbabayad-sala. (Awit 49:8; Daniel 9:24; Galacia 3:13; Colosas 1:20; Hebreo 2:17) Ngunit ang pananalita na marahil pinakamahusay na maglalarawan sa mga bagay-bagay ay ang ginamit ni Jesus mismo. Sabi niya: Ang Anak ng tao ay dumating, hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ibigay ang kaniyang kaluluwa bilang pantubos [Griego, ly tron] na kapalit ng marami. Mateo 20:28. 4, 5. (a) Paano siniraang-puri ni Satanas ang Diyos, at bakit napilitan si Jehova na sagutin ang mga hamong iyon? (b) Ano ang bintang ni Satanas hinggil sa tapat na mga lingkod ni Jehova? 6. Ano ang ilang pananalita na ginamit sa Bibliya upang ilarawan ang paraan ng Diyos ng pagliligtas sa sangkatauhan?

142

143 NAGLAAN SI JEHOVA NG PANTUBOS NA KAPALIT NG MARAMI Ano ba ang pantubos? Ang salitang Griego na ginamit dito ay mula sa isang pandiwa na nangangahulugang kalagan, pakawalan. Ang terminong ito ay ginamit upang ilarawan ang salapi na ibinayad kapalit ng pagpapalaya sa mga bilanggo ng digmaan. Karaniwan na kung gayon na ang pantubos ay maaaring ipaliwanag bilang isang bagay na ibinayad upang mabiling muli ang isang bagay. Sa Kasulatang Hebreo, ang salita para sa pantubos (ko pher) ay mula sa isang pandiwa na nangangahulugang takpan. Halimbawa, sinabi ng Diyos kay Noe na dapat niyang balutan (isang anyo ng gayunding salita) o takpan ng alkitran ang arka. (Genesis 6:14) Tinutulungan tayo nito na maunawaang ang pagtubos ay nangangahulugan din ng pagtatakip sa mga kasalanan. Awit 65:3. 8 Kapansin-pansin, binabanggit ng Theological Dictionary of the New Testament na ang salitang ito (ko pher) ay laging nangangahulugan ng isang katumbas, o isang katulad. Kaya nga, ang balot ng arka ng tipan ay may hugis na katulad ng arka mismo. Sa gayunding paraan, upang tubusin, o takpan, ang kasalanan, isang halaga ang dapat ibayad na lubusang katumbas, o lubusang pantakip, sa pinsalang dulot ng kasalanan. Kaya naman ang Kautusan ng Diyos sa Israel ay nagsabi: Kaluluwa ang magiging para sa kaluluwa, mata para sa mata, ngipin para sa ngipin, kamay para sa kamay, paa para sa paa. Deuteronomio 19:21. 9 Ang tapat na mga lalaki mula kay Abel patuloy ay naghandog ng mga haing hayop sa Diyos. Sa paggawa nito, ipinamalas nila ang kanilang kabatiran tungkol sa kasalanan at ang pangangailangan ng pantubos, at ipinakita nila ang kanilang pananampalataya sa ipinangako ng Diyos na pagpapalaya sa pamamagitan ng kaniyang binhi. (Genesis 3:15; 4:1-4; Levitico 17:11; Hebreo 11:4) Kinalugdan ni Jehova ang gayong mga hain at pinagkalooban niya ang mga mananambang ito ng isang mabuting katayu- 7, 8. (a) Ano ang kahulugan ng terminong pantubos sa Kasulatan? (b) Sa anong paraan ang isang pantubos ay nagsasangkot ng pagiging katumbas? 9. Bakit naghandog noon ng mga haing hayop ang mga tapat na lalaki, at paano minalas ni Jehova ang gayong mga hain? Katumbas na pantubos para sa lahat

144 142 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA an. Gayunpaman, ang mga handog na hayop ay hanggang sagisag lamang. Ang mga hayop ay hindi talaga maitatakip sa kasalanan ng tao, sapagkat ang mga ito ay mas mababa sa mga tao. (Awit 8: 4-8)Kayanaman,angBibliyaaynagsasabi: Angdugongmgatoro at ng mga kambing ay hindi maaaring mag-alis ng mga kasalanan. (Hebreo 10:1-4) Ang mga haing ito ay larawan lamang, o simbolo, ng tunay na haing pantubos na darating. Katumbas na Pantubos 10 Kay Adan ang lahat ay namamatay, ang sabi ni apostol Pablo. (1 Corinto 15:22) Kung gayon, ang pagtubos ay kailangang magsangkot ng kamatayan ng eksaktong katumbas ni Adan isang sakdal na tao. (Roma 5:14) Wala nang iba pang uri ng nilalang ang makapagbabalanse ng timbangan ng katarungan. Tanging isang sakdal na tao lamang, isa na wala sa ilalim ng sentensiyang kamatayan na hatol kay Adan, ang makapagbibigay ng isang katumbas na pantubos isa na eksaktong katumbas ni Adan. (1 Timoteo 2:6) Hindi na kakailanganin pang ihain ang di-mabilang na milyun-milyong indibiduwal na tao upang itumbas sa bawat inapo ni Adan. Si apostol Pablo ay nagpaliwanag: Sa pamamagitan ng isang tao [si Adan] ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan. (Roma 5:12) At yamang ang kamatayan ay sa pamamagitan ng isang tao, nagsaayos ang Diyos upang tubusin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng isang tao. (1 Corinto 15:21) Paano? 11 Isinaayos ni Jehova na magkaroon ng isang sakdal na tao na kusang maghahain ng kaniyang buhay. Ayon sa Roma 6:23, ang kabayaran na ibinabayad ng kasalanan ay kamatayan. Sa paghahain sa kaniyang buhay, ang manunubos ay titikim ng kamatayan para sa bawat tao. Sa ibang pananalita, babayaran niya ang kasalanan ni Adan. (Hebreo 2:9; 2 Corinto 5:21; 1 Pedro 2:24) Malaki ang magiging epekto nito ayon sa batas. Sa pagpapawalang-bisa sa sentensiyang kamatayan sa masunuring mga supling ni Adan, aa- 10. (a) Kanino dapat itumbas ang manunubos, at bakit? (b) Bakit isang haing tao lamang ang kinailangan? 11. (a) Paanong ang manunubos ay titikim ng kamatayan para sa bawat tao? (b) Bakit hindi maaaring makinabang sina Adan at Eva mula sa pantubos? (Tingnan ang talababa.)

145 NAGLAAN SI JEHOVA NG PANTUBOS NA KAPALIT NG MARAMI 143 lisin ng pantubos mula sa mismong pinagmulan nito ang kapangyarihan ng kasalanan na pumuksa. Roma 5: Bilang paghahalimbawa: Isipin mong ikaw ay nakatira sa isang bayan na karamihan sa mga tagaroon ay nagtatrabaho sa isang malaking pabrika. Malaki ang kinikita mo at ng iyong mga kapitbahay sa inyong pagpapagal at maalwan ang inyong buhay. Ganiyan ang kalagayan hanggang sa dumating ang araw na magsara ang pabrika. Ang dahilan? Naging tiwali ang tagapangasiwa ng pabrika, anupat nabangkarote tuloy ang kompanya. Dahil sa biglang nawalan ng trabaho, ikaw at ang iyong mga kapitbahay ay hindi na makabayad ng utang. Ang mga mag-asawa, mga anak, at mga may-pautang ay nagdusa dahil sa katiwalian ng isang taong iyon. May solusyon pa kaya? Oo! Isang mayamang tagatangkilik ang nagpasiyang makialam. Batid niya ang kahalagahan ng kompanya. Naaawa rin siya sa marami nitong empleado at sa kani-kanilang pamilya. Kaya isinaayos niya na bayaran ang utang ng kompanya at muling buksan ang pabrika. Ang pagkansela sa isang pagkakautang na iyan ay nagdulot ng ginhawa sa maraming empleado at sa kani-kanilang pamilya at sa mga may-pautang. Sa katulad na paraan, ang pagkansela sa utang ni Adan ay nagbibigaypakinabang sa di-mabilang na milyun-milyon. Sino ang Maglalaan ng Pantubos? 13 Tanging si Jehova lamang ang makapaglalaan ng Kordero... na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. (Juan 1:29) Subalit ang Diyos ay hindi basta pumili na lamang ng sinumang anghel upang iligtas ang sangkatauhan. Sa halip, isinugo niya ang Isa na makapagbibigay ng pangwakas at di-mapasisinungalingang sagot Hindi maaaring makinabang sina Adan at Eva mula sa pantubos. Isinaad ng Kautusang Mosaiko ang simulaing ito hinggil sa isang kusang mamamaslang: Huwag kayong tatanggap ng pantubos para sa kaluluwa ng isang mamamaslang na karapat-dapat na mamatay. (Bilang 35:31) Maliwanag na sina Adan at Eva ay karapat-dapat mamatay sapagkat kinusa nila at sinadyang suwayin ang Diyos. Sa gayon ay isinuko nila ang kanilang pag-asang mabuhay magpakailanman. 12. Ipaghalimbawa kung paanong ang pagbabayad ng isang utang ay magbibigay-pakinabang sa maraming tao. 13, 14. (a) Paano inilaan ni Jehova ang pantubos para sa sangkatauhan? (b) Kanino ibinayad ang pantubos, at bakit kailangan ang gayong pagbabayad?

146 144 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA sa bintang ni Satanas laban sa mga lingkod ni Jehova. Oo, ginawa ni Jehova ang sukdulang sakripisyo na pagsusugo sa kaniyang bugtong na Anak, ang siyang lubhang kinagigiliwan niya. (Kawikaan 8:30) Kusang hinubaran [ng Anak ng Diyos] ang kaniyang sarili ng kaniyang pagiging likas na makalangit. (Filipos 2:7) Sa makahimalang paraan, inilipat ni Jehova ang buhay at uri ng personalidad ng kaniyang panganay na makalangit na Anak sa sinapupunan ng isang Judiong birhen na ang pangalan ay Maria. (Lucas 1:27, 35) Bilang isang tao, siya y tatawaging Jesus. Subalit sa legal na diwa, siya y matatawag na ikalawang Adan, sapagkat siya y eksaktong katumbas ni Adan. (1 Corinto 15:45, 47) Kung gayon ay maihahain ni Jesus ang kaniyang sarili bilang pantubos para sa makasalanang sangkatauhan. 14 Kanino dapat ibayad ang pantubos na iyan? Espesipikong sinasabi sa Awit 49:7 na ang pantubos ay ibabayad sa Diyos. Subalit hindi ba si Jehova na nga ang nagsaayos ng pantubos noon pa man? Oo, subalit hindi naman ito naging dahilan upang ang pantubos ay maging isang walang-kabuluhan at awtomatikong palitan gaya ng pagdukot ng salapi sa isang bulsa at paglalagay nito sa isa pang bulsa. Dapat unawain na ang pantubos ay, hindi isang materyal na palitan, kundi isang legal na transaksiyon. Sa pamamagitan ng paglalaan ng kabayarang pantubos, kahit na ito y napakalaking halaga para sa kaniya, pinatunayan ni Jehova ang kaniyang di-natitinag na pagsunod sa kaniyang sariling sakdal na katarungan. Genesis 22:7, 8, 11-13; Hebreo 11:17; Santiago 1: Noong tagsibol ng 33 C.E., kusang sumailalim si Jesu-Kristo sa isang mahigpit na pagsubok na humantong sa pagbabayad ng pantubos. Hinayaan niyang siya y arestuhin sa maling mga bintang, mahatulang nagkasala, at ipako sa isang bibitayang tulos. Kailangan ba talagang magdusa nang husto si Jesus? Oo, sapagkat kailangang malutas ang isyu tungkol sa katapatan ng mga lingkod ng Diyos. Kapansin-pansin, hindi ipinahintulot ng Diyos na maipapatay ni Herodes ang sanggol na si Jesus. (Mateo 2:13-18) Subalit nang si Jesus ay lumaki na, nakayanan na niya ang bigat ng mga pag-atake ni Satanas taglay ang lubusang pagkaunawa sa 15. Bakit kinailangang magdusa at mamatay si Jesus?

147 NAGLAAN SI JEHOVA NG PANTUBOS NA KAPALIT NG MARAMI 145 mga isyu. Sa pananatiling matapat, walang katusuhan, walang dungis, hiwalay sa mga makasalanan sa kabila ng napakasamang pagtrato, pinatunayan ni Jesus nang minsan at magpakailanman na si Jehova ay talagang may mga lingkod na nananatiling tapat sa ilalim ng pagsubok. (Hebreo 7:26) Kung gayon, hindi nga katakataka na noong mamamatay na siya, matagumpay na bumulalas si Jesus: Naganap na! Juan 19:30. Pagtapos sa Kaniyang Gawaing Pagtubos 16 Kailangan pang tapusin ni Jesus ang kaniyang gawaing pagtubos. Sa ikatlong araw pagkamatay ni Jesus, ibinangon siya ni Jehova mula sa mga patay. (Gawa 3:15; 10:40) Sa pamamagitan ng napakahalagang pagkilos na ito, hindi lamang ginantimpalaan ni Jehova ang kaniyang Anak dahil sa tapat na paglilingkod niya kundi binigyan din siya ng pagkakataong tapusin ang kaniyang gawaing pagtubos bilang Mataas na Saserdote ng Diyos. (Roma 1:4; 1 Corinto 15:3-8) Si apostol Pablo ay nagpapaliwanag: Nang si Kristoaydumatingbilangisangmataasnasaserdote...,siyaaypumasok, hindi, hindi taglay ang dugo ng mga kambing at ng mga guyang toro, kundi taglay ang sarili niyang dugo, nang minsanan sa dakong banal at nagtamo ng walang-hanggang katubusan para sa atin. Sapagkat si Kristo ay pumasok, hindi sa isang dakong banal na ginawa ng mga kamay, na isang kopya ng katunayan, kundi sa langit mismo, upang ngayon ay humarap sa mismong persona ng Diyos para sa atin. Hebreo 9:11, 12, Hindi madadala ni Kristo ang kaniyang literal na dugo sa langit. (1 Corinto 15:50) Sa halip, ang dinala niya ay ang isinasagisag ng Upang matimbangan ang kasalanan ni Adan, si Jesus ay kailangang mamatay, hindi bilang isang sakdal na batang paslit, kundi bilang isang taong sakdal. Tandaan, kinusa ang kasalanan ni Adan, isinagawa taglay ang lubos na kabatiran sa kaselangan ng ginawa at ang mga bunga nito. Kaya upang maging ang huling Adan at matakpan ang kasalanang iyan, si Jesus ay dapat na gumawa ng isang maygulang at may-kabatirang pagpili na mapanatili ang kaniyang katapatan kay Jehova. (1 Corinto 15:45, 47) Sa gayon, ang pagiging tapat ni Jesus sa buong buhay niya lakip na ang kaniyang mapagsakripisyong kamatayan ay nagsilbing isang gawa ng pagbibigay-katuwiran. Roma 5:18, , 17. (a) Paano ipinagpatuloy ni Jesus ang kaniyang gawaing pagtubos? (b) Bakit kinailangan na si Jesus ay humarap sa mismong persona ng Diyos para sa atin?

148 146 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA dugong iyan: ang legal na halaga ng kaniyang inihaing sakdal na buhay bilang tao. Pagkatapos, sa harap ng mismong persona ng Diyos, pormal niyang iniharap ang halaga ng buhay na iyan bilang pantubos kapalit ng makasalanang sangkatauhan. Tinanggap ba ni Jehova ang haing iyan? Oo, at ito y nakita noong Pentecostes 33 C.E., nang ibuhos ang banal na espiritu sa mga 120 alagad sa Jerusalem. (Gawa 2:1-4) Bagaman talagang nakapananabik ang pangyayaring iyon, ang pantubos ay nagsisimula pa lamang noon na maglaan ng kahanga-hangang mga pakinabang. Mga Pakinabang Mula sa Pantubos 18 Sa kaniyang liham sa mga taga-colosas, ipinaliwanag ni Pablo na minabuti ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo na ipagkasundo sa Kaniyang sarili ang lahat ng iba pang bagay sa paggawa ng kapayapaan sa pamamagitan ng dugo na itinigis ni Jesus sa pahirapang tulos. Ipinaliwanag din ni Pablo na ang pakikipagkasundong ito ay nagsasangkot ng dalawang magkaibang grupo ng mga indibiduwal, samakatuwid nga, ang mga bagay na nasa langit at ang mga bagay na nasa lupa. (Colosas 1:19, 20; Efeso 1:10) Ang unang grupong iyan ay binubuo ng 144,000 Kristiyano na binigyan ng pag-asang maglingkod bilang makalangit na mga saserdote at mamahala bilang mga hari sa buong lupa kasama ni Kristo Jesus. (Apocalipsis 5:9, 10; 7:4; 14:1-3) Sa pamamagitan nila, ang mga pakinabang mula sa pantubos ay unti-unting ikakapit sa masunuring sangkatauhan sa loob ng isang libong taon. 1 Corinto 15:24-26; Apocalipsis 20:6; 21:3, Ang mga bagay sa ibabaw ng lupa ay yaong mga indibiduwal na umaasang magtatamasa ng sakdal na buhay sa Paraiso sa lupa. Inilalarawan sila sa Apocalipsis 7:9-17 bilang isang malaking pulutong na makaliligtas sa dumarating na malaking kapighatian. Subalit hindi na kailangang hintayin pa nila ang panahong iyon upang matamasa ang mga pakinabang mula sa pantubos. Nilabhan [na] nila ang kanilang mahahabang damit at pinaputi [na] ang mgaiyonsadugongkordero. Dahilsasila ysumasampalatayasa 18, 19. (a) Anong dalawang grupo ng mga indibiduwal ang nakikinabang sa pakikipagkasundo na naging posible dahil sa dugo ni Kristo? (b) Para roon sa mga kabilang sa malaking pulutong, ano ang ilan sa kasalukuyan at panghinaharap na mga pakinabang mula sa pantubos?

149 NAGLAAN SI JEHOVA NG PANTUBOS NA KAPALIT NG MARAMI 147 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Bilang 3:39-51 Bakit mahalaga na ang pantubos ay maging isang eksaktong katumbas? Awit 49:7, 8 Bakit utang na loob natin sa Diyos ang paglalaan niya ng pantubos? Isaias 43:25 Paano tayo tinutulungan ng kasulatang ito na maunawaang hindi ang kaligtasan ng tao ang pangunahing dahilan kung kaya naglaan si Jehova ng pantubos? 1 Corinto 6:20 Ano ang dapat na maging epekto ng pantubos sa ating paggawi at istilo ng pamumuhay? pantubos, ngayon pa lamang ay tumatanggap na sila ng espirituwal na mga pakinabang mula sa maibiging paglalaang iyan. Sila y naipahayag nang matuwid bilang mga kaibigan ng Diyos! (Santiago 2:23) Bilang resulta ng hain ni Jesus, sila y maaari nang lumapit nang may kalayaan sa pagsasalita sa trono ng di-sana-nararapat na kabaitan. (Hebreo 4:14-16) Kapag sila y nagkakamali, sila y tumatanggap ng tunay na pagpapatawad. (Efeso 1:7) Bagaman sila y di-sakdal, nagtatamasa pa rin sila ng isang nilinis na budhi. (Hebreo 9:9; 10:22; 1 Pedro 3:21) Kung gayon, ang pakikipagkasundo sa Diyos ay hindi isang bagay na inaasahan pa lamang na mangyayari, kundi ito y natutupad na ngayon! (2 Corinto 5:19, 20) Sa panahon ng Milenyo, sila y unti-unting palalayain sa pagkaalipin sa kasiraan at sa wakas ay magtatamo ng maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos. Roma 8: Salamat sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo para sa pantubos! (Roma 7:25) Simple lamang ang simulain nito, ngunit may malalim na kahulugan anupat nalilipos tayo ng pagkamangha. (Roma 11:33) At sa ating pagbubulay-bulay tungkol dito taglay ang pasasalamat, naaantig ng pantubos ang ating puso, anupat lalo tayong n apapalap ıt sa Diyos ng katarungan. Gaya ng salmista, taglay natin ang lahat ng dahilan upang purihin si Jehova bilang isa na maibigin sa katuwiran at katarungan. Awit 33: Paano personal na nakaaapekto sa iyo ang pagbubulay-bulay tungkol sa pantubos?

150 K A B A N A T A 1 5 Si Jesus ay Nagtatag sa Lupa ng Katarungan MAKIKITANG gal ıt si Jesus noon at makatuwiran naman. Marahil ay hindi mo iisiping magkakagayon siya, sapagkat siya y isang lalaking may mahinahong loob. (Mateo 21:5) Mangyari pa, naroroon pa rin ang kaniyang lubos na pagpipigil, sapagkat iyon ay matuwid na pagkapoot. Ngunit ano nga ba ang ikinagalit ng lalaking ito na maibigin sa kapayapaan? Ang labis na kawalan ng katarungan. 2 Mahal na mahal ni Jesus ang templo sa Jerusalem. Sa buong daigdig, iyon lamang ang tanging sagradong dako na nakaalay ukol sa pagsamba sa kaniyang makalangit na Ama. Ang mga Judio mula sa maraming lupain ay naglalakbay noon nang napakalayo upang sumamba roon. Maging ang may-takot sa Diyos na mga Gentil ay dumarating din, anupat pumapasok sa looban ng templo na inilaan upang gamitin nila. Subalit sa pagsisimula ng kaniyang ministeryo, pumasok si Jesus sa lugar ng templo at nabungaran niya ang isang nakapanghihilakbot na tanawin. Aba, ang lugar na iyon ay mas mukhang palengke kaysa bahay ng pagsamba! Punung-puno iyon ng mga negosyante at mga mangangalakal ng salapi. Subalit, nasaan dito ang kawalang-katarungan? Para sa mga taong ito, ang templo ng Diyos ay isa lamang dako para pagsamantalahan ang mga tao pagnakawan pa nga sila. Paano? Juan 2:14. 3 Ginawang patakaran ng mga lider ng relihiyon na isang uri lamang ng barya ang maaaring gamitin na pambayad ng buwis sa templo. Kinailangan tuloy ng mga bisita na magpapalit ng kanilang salapi upang magkaroon ng mga baryang ito. Kaya ang mga tagapagpalit ng salapi ay nagtayo ng kani-kanilang mesa sa loob mismo ng Sa pagpapakita ng matuwid na pagkagalit, si Jesus ay katulad ni Jehova, na handang magngalit laban sa lahat ng kabalakyutan. (Nahum 1:2) Halimbawa, pagkasabi ni Jehova sa kaniyang suwail na bayan na ang kaniyang bahay ay ginawa nilang isa lamang yungib ng mga magnanakaw, sinabi niya: Ang aking galit at ang aking pagngangalit ay mabubuhos sa dakong ito. Jeremias 7:11, 20. 1, 2. Sa anong pagkakataon nagalit si Jesus, at bakit? 3, 4. Anong sakim na pagsasamantala ang nagaganap sa bahay ni Jehova, at ano ang ikinilos ni Jesus upang ituwid ang mga bagay-bagay?

151 SI JESUS AY NAGTATAG SA LUPA NG KATARUNGAN 149 templo, anupat naniningil ng bayad para sa bawat transaksiyon. Napakalakas ding pagtubuan ang negosyo ng pagtitinda ng mga hayop. Ang mga bisita na gustong maghandog ng mga hain ay makabibili naman sa kaninumang negosyante sa lunsod, subalit napakadaling tanggihan ng mga opisyal ng templo ang kanilang handog bilang dikarapat-dapat. Gayunman, ang mga handog na binili doon mismo sa lugar ng templo ay tiyak na tatanggapin. Yamang wala nang magagawa ang mga tao sa kanila, ang mga negosyante kung minsan ay naniningil sa napakataas na presyo. Masahol pa ito sa sakim na komersiyo. Ito y humantong na sa pagnanakaw! 4 Hindi maaatim ni Jesus ang gayong kawalang-katarungan. Ito y bahay ng sarili niyang Ama! Gumawa siya ng isang panghagupit na lubid at itinaboy niya ang mga kawan ng baka at tupa mula sa templo. Pagkatapos ay lumapit siya sa mga tagapagpalit ng salapi at itinaob ang kanilang mga mesa. Gunigunihin na lamang ang pagtatalsikan ng mga barya sa sahig na marmol! Matatag niyang inutusan ang mga lalaking nagtitinda ng mga kalapati: Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito! (Juan 2:15, 16) Sa wari, walang sinumang naglakasloob na tumutol sa matapang na lalaking ito. KungAnoangAma,GayundinangAnak 5 Mangyari pa, nagbalikan na naman ang mga negosyante. Pagkalipas ng mga tatlong taon, muling hinarap ni Jesus ang kawalangkatarungan, at sa pagkakataong ito ay sinasambit ang sariling pananalitanijehovanahumahatolsamgagumawasakaniyangbahay bilang yungib ng mga magnanakaw. (Mateo 21:13; Jeremias 7:11) Oo, nang makita ni Jesus ang sakim na pagsasamantala ng mga tao at ang pagdungis sa templo ng Diyos, nadama rin niya ang nadama ng kaniyang Ama. At hindi nga ito kataka-taka! Sa loob ng di-mabi- Ayon sa Mishnah, bumangon ang isang protesta pagkaraan ng ilang taon dahil sa mataas na presyo ng mga kalapating ipinagbibili sa templo. Agad na ibinaba ang presyo nang mga 99 na porsiyento! Sino kaya ang may pinakamalaking pakinabang sa maunlad na negosyong ito? Ipinahihiwatig ng ilang istoryador na ang mga pamilihan sa templo ay pag-aari ng pamilya ng mataas na saserdoteng si Annas, na siyang pinanggagalingan ng karamihan ng malaking kayamanan ng pamilyang iyan ng mga saserdote. Juan 18: (a) Paano naimpluwensiyahan ng pag-iral ni Jesus bago naging tao ang kaniyang pangmalas sa katarungan, at ano ang maaari nating matutuhan mula sa pag-aaral ng kaniyang halimbawa? (b) Paano nakipagbaka si Kristo laban sa kawalang-katarungan na nagsasangkot sa soberanya at pangalan ni Jehova?

152

153 SI JESUS AY NAGTATAG SA LUPA NG KATARUNGAN 151 lang na mga taon, si Jesus ay tinuruan ng kaniyang makalangit na Ama. Bilang resulta, tinaglay niya ang pangmalas ni Jehova sa katarungan. Siya y naging buh ay na halimbawa ng kasabihang, Kung ano ang ama, gayundin ang anak. Kaya kung nais nating matamo ang malinaw na larawan ng katangian ni Jehova ukol sa katarungan, wala nang pinakamabuting gawin kundi ang bulay-bulayin ang halimbawa ni Jesu-Kristo. Juan 14:9, Naroroon ang bugtong na Anak ni Jehova nang di-makatarungang tawagin ni Satanas ang Diyos na Jehova na isang sinungaling at kuwestiyunin ang katuwiran ng Kaniyang pamamahala. Isang tahasang paninirang-puri! Narinig din ng Anak ang sumunod na hamon ni Satanas na walang sinuman ang maglilingkod kay Jehova nang walang pag-iimbot at nang dahil sa pag-ibig. Ang mga maling paratang na ito ay tiyak na nakasakit sa matuwid na puso ng Anak. Tiyak na gayon na lamang ang kaniyang pananabik nang malaman niyang siya ang gaganap ng pangunahing papel sa pagtutuwid sa mga kasinungalingan! (2 Corinto 1:20) Paano niya kaya ito gagawin? 7 Gaya ng nalaman na natin sa Kabanata 14, ibinigay ni Jesu-Kristo ang pangwakas at di-mapasisinungalingang sagot sa paratang ni Satanas na bumabatikos sa katapatan ng mga nilalang ni Jehova. Sa gayon ay inilatag ni Jesus ang saligan para sa pangwakas na pagbabangong-puri sa soberanya ni Jehova at sa pagpapabanal sa Kaniyang pangalan. Bilang Punong Ahente ni Jehova, itatatag ni Jesus ang katarungan ng Diyos sa buong uniberso. (Gawa 5:31) Ang landasin ng kaniyang buhay sa lupa ay nagpapamalas din ng katarungan ng Diyos. Sinabi ni Jehova tungkol sa kaniya: Ilalagay ko sa kaniya ang aking espiritu, at kung ano ang katarungan ay lilinawin niya sa mga bansa. (Mateo 12:18) Paano tinupad ni Jesus ang mga salitang iyan? Nilinaw ni Jesus Kung Ano ang Katarungan 8 Inibig ni Jesus ang Kautusan ni Jehova at siya y namuhay ayon dito. Subalit pinilipit naman at maling ikinapit ng mga lider ng relihiyon noong kapanahunan niya ang Kautusang iyan. Sinabi ni (a) Paanong ang mga bibigang tradisyon ng mga Judiong lider ng relihiyon ay nagtaguyod ng paghamak sa mga di-judio at sa mga babae? (b) Sa anong paraan pinabigat ng mga bibigang kautusan ang kautusan ni Jehova tungkol sa Sabbath? Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito!

154 152 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Jesussakanila: Saabaninyo,mgaeskribaatmgaPariseo,mgamapagpaimbabaw!...Winalang-halaganinyoangmasmabibigatna bagay ng Kautusan, samakatuwid nga, katarungan at awa at katapatan. (Mateo 23:23) Tiyak na hindi nilinaw ng mga guro ng Kautusan ng Diyos kung ano ang katarungan. Sa halip, pinalabo nila ang katarungan ng Diyos. Paano? Isaalang-alang ang ilang halimbawa. 9 Inutusan ni Jehova ang kaniyang bayan na manatiling hiwalay sa paganong mga bansa na nakapalibot sa kanila. (1 Hari 11:1, 2) Gayunman, inudyukan ng ilang panatikong lider ng relihiyon ang mga tao na hamakin ang lahat ng mga di-judio. Inilakip pa nga sa Mishnah ang patakarang ito: Ang mga baka ay huwag iiwan sa mga tuluyan ng mga gentil yamang sila y pinaghihinalaang nakikipagtalik sa hayop. Ang gayong pagtatangi laban sa lahat ng di-judio ay di-makatarungan at ganap na salungat sa diwa ng Kautusang Mosaiko. (Levitico 19:34) Ang ibang gawang-taong mga patakaran ay nagpapababa sa kalagayan ng mga babae. Sinabi sa bibigang kautusan na ang asawang babae ay kailangang maglakad nang nasa likod, hindi sa tabi, ng kaniyang asawa. Ang lalaki ay binigyang-babala na huwag makipag-usap sa babae sa publiko, kahit sa kaniyang sariling asawa. Gaya ng mga alipin, ang mga babae ay hindi pinahihintulutang magbigay ng patotoo sa hukuman. May isa pa ngang pormal na panalangin na doo y pinasasalamatan ng mga lalaki ang Diyos dahil sa sila y hindi naging mga babae. 10 Itinago ng mga lider ng relihiyon ang Kautusan ng Diyos sa ilalim ng isang tambak na gawang-taong mga patakaran at mga regulasyon. Halimbawa, ang kautusan ng Sabbath ay basta nagbabawal ng pagtatrabaho kung Sabbath, anupat inilalaan ang araw na iyon para sa pagsamba, espirituwal na kaginhawahan, at pamamahinga. Subalit pinabigat ng mga Pariseo ang kautusang iyan. Sila mismo ang nagpasiya kung ano talaga ang kahulugan ng pagtatrabaho. Ibinilang nilang pagtatrabaho ang 39 na iba t ibang gawain, gaya ng paggapas o pangangaso. Ang mga kategoryang ito ay naging dahilan ng pagbangon ng walang-katapusang mga tanong. Kapag ang isang tao ay pumatay ng isang pulgas kung Sabbath, siya ba y nangangaso? Kapag siya y pumitas ng isang dakot na butil upang kanin habang siya y naglalakad, siya ba y gumagapas? Kapag pinagaling niya ang isang maysakit, siya ba y nagtatrabaho? Ang mga ta-

155 SI JESUS AY NAGTATAG SA LUPA NG KATARUNGAN 153 nong na ito ay pinag-ukulan ng pansin taglay ang mahigpit at detalyadong mga patakaran. 11 Sa gayong kalagayan, paano kaya matutulungan ni Jesus ang mga tao na maunawaan kung ano ang katarungan? Sa kaniyang pagtuturo at sa paraan ng kaniyang pamumuhay, naging magiting ang kaniyang paninindigan laban sa mga lider na iyon ng relihiyon. Isaalang-alang muna ang ilan sa kaniyang mga turo. Tahasan niyang hinatulan ang kanilang napakaraming gawang-taong mga patakaran, na sinasabi: Pinawawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng inyong tradisyon na ibinigay ninyo. Marcos 7: Mariing itinuro ni Jesus na mali ang mga Pariseo tungkol sa kautusan ng Sabbath na, sa katunayan, hindi nila nauunawaan ang layunin ng kautusang iyan. Ipinaliwanag niya na ang Mesiyas ay Panginoon ng sabbath at sa gayo y may karapatang magpagaling ng mga tao kung Sabbath. (Mateo 12:8) Upang idiin ang punto, lantaran siyang nagsagawa ng makahimalang mga pagpapagaling kung Sabbath. (Lucas 6:7-10) Ang gayong pagpapagaling ay isang patiunang pagtatanghal sa pagpapagaling na gagawin niya sa buong lupa sa loob ng Sanlibong Ta ong Paghahari. Ang Milenyong iyan mismo ang magiging pinakasukdulan ng Sabbath, na sa wakas ang buong tapat na sangkatauhan ay magpapahinga na mula sa maraming siglong paghihirap sa ilalim ng mga pasanin na dulot ng kasalanan at kamatayan. 13 Nilinaw rin ni Jesus kung ano ang katarungan sa pamamagitan ng isang bagong kautusan, ang kautusan ng Kristo, na itinatag pagkatapos ng kaniyang ministeryo sa lupa. (Galacia 6:2) Di-gaya ng hinalinhan nito, ang Kautusang Mosaiko, ang bagong kautusang ito ay nakasalig nang malaki, hindi sa sunud-sunod na nakasulat na mga utos, kundi sa mga simulain. Gayunman, naglakip din naman ito ng ilang tuwirang mga utos. Tinawag ni Jesus ang isa sa mga ito na isang bagong utos. Tinuruan ni Jesus ang lahat ng kaniyang mga tagasunod na mag-ibigan sa isa t isa kung paanong inibig niya sila. (Juan 13:34, 35) Oo, ang mapagsakripisyo-sa-sarili na 11, 12. Paano inihayag ni Jesus ang kaniyang pagtutol sa di-makakasulatang mga tradisyon ng mga Pariseo? 13. Anong kautusan ang itinatag bilang resulta ng ministeryo ni Kristo sa lupa, at paano ito naiiba sa hinalinhan nito?

156 154 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA pag-ibig ang dapat na maging pagkakakilanlan ng lahat ng namumuhay ayon sa kautusan ng Kristo. Isang Buh ay na Halimbawa ng Katarungan 14 Hindi lamang pagtuturo tungkol sa pag-ibig ang ginawa ni Jesus. Siya y namuhay ayon sa kautusan ng Kristo. Ito y kitang-kita sa kaniyang pamumuhay. Isaalang-alang ang tatlong paraan na doo y niliwanag ng halimbawa ni Jesus kung ano ang katarungan. 15 Una, buong ingat na iniwasan ni Jesus na makagawa ng anumang kawalang-katarungan. Marahil ay napansin mong nagaganap ang maraming kawalang-katarungan kapag ang di-sakdal na mga tao ay nagiging arogante at lumalampas na sa hangganan ng kanilang awtoridad. Hindi iyan ginawa ni Jesus. Minsan, isang lalaki ang lumapit kay Jesus at nagsabi: Guro, sabihin mo sa aking kapatid na hatian ako ng mana. Ang tugon ni Jesus? Lalaki, sino ang nag-atas sa akin bilang hukom o tagapagbahagi sa inyo? (Lucas 12:13, 14) Hindi ba t kamangha-mangha iyan? Ang talino ni Jesus, ang kaniyang pagpapasiya, at maging ang antas ng kaniyang bigay-diyos na awtoridad ay nakahihigit sa sinuman sa lupa; gayunman, ayaw niyang masangkot sa bagay na ito, yamang hindi naman ipinagkaloob sa kaniya ang partikular na awtoridad na gawin ito. Si Jesus ay nanatiling mapagpakumbaba sa paraang ito, kahit na noong mga milenyong panahon na hindi pa siya umiiral bilang tao. (Judas 9) Kitang-kita sa katangiang ito ni Jesus na siya y mapagpakumbabang nagtitiwala kay Jehova sa pagtiyak ng kung ano ang makatarungan. 16 Ikalawa, ipinamalas ni Jesus ang katarungan sa paraan ng kaniyang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. Wala siyang kinikilingan. Sa halip, taimtim niyang sinikap na maabot ang lahat ng uri ng tao, mayaman man o mahirap. Kabaligtaran naman nito, binale-wala ng mga Pariseo ang mahihirap at karaniwang mga tao at binansagan pa sila ng mapanghamak na terminong am-ha a rets, o mga tao sa lupain. Magiting na kumilos si Jesus laban sa kawalang-katarungang iyan. Nang ituro niya sa mga tao ang mabuting balita o, kung tungkol diyan, nang saluhan niya 14, 15. Paano ipinakita ni Jesus na kinikilala niya ang mga limitasyon ng kaniyang sariling awtoridad, at bakit ito gumaganyak ng pagtitiwala? 16, 17. (a) Paano ipinamalas ni Jesus ang katarungan sa pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos? (b) Paano ipinakita ni Jesus na ang kaniyang pangmalas sa katarungan ay may kalakip na awa?

157 SI JESUS AY NAGTATAG SA LUPA NG KATARUNGAN 155 sa pagkain ang mga tao, pakanin sila, pagalingin sila, o buhayingmuli pa nga sila itinaguyod niya ang katarungan ng Diyos na nagnanais maabot ang lahat ng uri ng mga tao. 1 Timoteo 2:4. 17 Ikatlo, ang pangmalas ni Jesus sa katarungan ay may kalakip na masidhing awa. Lubusan ang kaniyang pagsisikap na matulungan ang mga makasalanan. (Mateo 9:11-13) Handa siyang tumulong sa mga taong walang lakas na ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Halimbawa, hindi nakiisa si Jesus sa mga lider ng relihiyon sa pagpapalaganap ng kawalan ng tiwala sa lahat ng mga Gentil. Buong kaawaang tinulungan niya at tinuruan ang ilan sa mga ito, bagaman ang kaniyang pangunahing misyon ay ukol sa mga Judio. Sumang-ayon siyang magsagawa ng makahimalang pagpapagaling sa isang Romanong opisyal ng hukbo, na sinasabi: Walang sinuman sa Israel ang kinasumpungan ko ng ganito kalaking pananampalataya. Mateo 8: Sa katulad na paraan, hindi sinuportahan ni Jesus ang umiiral na pangmalas tungkol sa mga babae. Sa halip, buong tapang niyang ginawa kung ano ang makatarungan. Ang mga Samaritana ay itinuturing na kasindumi ng mga Gentil. Gayunman, hindi nag-atubili si Jesus na mangaral sa Samaritana sa may balon ng Sicar. Sa katunayan, sa babaing ito unang nagpakilala si Jesus bilang ang ipinangakong Mesiyas. (Juan 4:6, 25, 26) Sinabi ng mga Pariseo na ang mga babae ay hindi dapat turuan ng Kautusan ng Diyos, subalit si Jesus ay gumugol ng maraming panahon at lakas sa pagtuturo sa mga babae. (Lucas 10:38-42) At bagaman itinuturing ng tradisyon na hindi dapat pagtiwalaan ang mga babae na magbigay ng mapanghahawakang patotoo, binigyang-dangal ni Jesus ang ilang kababaihan sa pagbibigay sa kanila ng pribilehiyo na unang makakita sa kaniya matapos siyang buhaying-muli. Sinabihan pa nga Itinuturing ng mga Pariseo na ang mga taong maralita, na walang alam sa Kautusan, ay mga isinumpa. (Juan 7:49) Sinabi nila na hindi dapat turuan ang mga taong ito ni makipagnegosyo sa kanila ni makisalo sa kanila sa pagkain ni manalanging kasama nila. Kung may magpapahintulot sa kaniyang anak na babae na mapangasawa ng isa sa mga ito, masahol pa iyon sa paglalantad sa kaniya sa maiilap na hayop. Ipinalalagay nilang hindi kabilang ang mga taong maralitang ito sa pag-asa sa pagkabuhay-muli. 18, 19. (a) Sa anong mga paraan itinaguyod ni Jesus ang dangal ng mga babae? (b) Paano tayo tinutulungan ng halimbawa ni Jesus na maunawaan ang kaugnayan ng tibay ng loob at katarungan?

158 156 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA niya sila na humayo at sabihin sa kaniyang mga lalaking alagad ang tungkol sa pinakamahalagang pangyayaring ito! Mateo 28: Oo, nilinaw ni Jesus sa mga bansa kung ano ang katarungan. Sa maraming pagkakataon, ginawa niya ito kahit mapalagay sa panganib ang kaniyang sarili. Ang halimbawa ni Jesus ay tumutulong sa atin na maunawaan na ang pagtataguyod ng tunay na katarungan ay nangangailangan ng tibay ng loob. Angkop lamang na tawagin siyang ang Leon na mula sa tribo ni Juda. (Apocalipsis 5:5) Alalahanin na ang leon ay sagisag ng magiting na katarungan. Gayunman, sa malapit na hinaharap, si Jesus ay magpapairal ng mas malawak na katarungan. Sa ganap na diwa, itatatag niya sa lupa ang katarungan. Isaias 42:4. Ang Mesiyanikong Hari ay Nagtatag sa Lupa ng Katarungan 20 Mula nang maging Mesiyanikong Hari noong 1914, itinaguyod na ni Jesus sa lupa ang katarungan. Paano? Itinaguyod niya ang katuparan ng kaniyang hula na nasa Mateo 24:14. Ang mga tagasunod ni Jesus sa lupa ay nagtuturo sa mga tao sa lahat ng lupain ng katotohanan tungkol sa Kaharian ni Jehova. Gaya ni Jesus, nangangaral sila sa paraang walang kinikilingan at makatarungan, na nagsisikap na ibigay sa lahat bata o matanda, mayaman o mahirap, lalaki o babae ang pagkakataong makilala si Jehova, ang Diyos ng katarungan. 21 Itinataguyod din ni Jesus ang katarungan sa loob ng kongregasyong Kristiyano, na doo y siya ang Ulo. Gaya ng inihula, nagbibigay siya ng mga kaloob na mga tao, ang tapat na Kristiyanong matatanda na nangunguna sa kongregasyon. (Efeso 4:8-12) Sa pagpapastol sa pinakamamahal na kawan ng Diyos, ang mga taong ito ay sumusunod sa halimbawa ni Jesu-Kristo sa pagtataguyod ng katarungan. Hindi nila kailanman nalilimutan na nais ni Jesus na ang kaniyang mga tupa ay pakitunguhan sa makatarungang paraan anuman ang posisyon, katanyagan, o materyal na kalagayan. 22 Gayunman, sa malapit na hinaharap, itatatag ni Jesus sa lupa ang katarungan sa walang katulad na paraan. Laganap ang kawa- 20, 21. Sa ating sariling kapanahunan, paano itinataguyod ng Mesiyanikong Hari ang katarungan sa buong lupa at sa loob ng kongregasyong Kristiyano? 22. Ano ang nadarama ni Jehova sa laganap na kawalang-katarungan ng daigdig sa ngayon, at ano ang iniatas niya na gawin ng kaniyang Anak tungkol dito?

159 SI JESUS AY NAGTATAG SA LUPA NG KATARUNGAN 157 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Awit 45:1-7 Bakit tayo makapagtitiwalang itataguyod ng Mesiyanikong Hari ang sakdal na katarungan? Mateo 12:19-21 Ayon sa hula, paano pakikitunguhan ng Mesiyas ang mga taong maralita? Mateo 18:21-35 Paano itinuro ni Jesus na ang tunay na katarungan ay may kalakip na awa? Marcos 5:25-34 Paano ipinamalas ni Jesus na isinasaalang-alang ng katarungan ng Diyos ang kalagayan ng isang tao? lang-katarungan sa tiwaling daigdig na ito. Bawat batang namamatay sa gutom ay biktima ng di-mapagpapaumanhinang kawalangkatarungan, lalo na kung iisipin natin ang salapi at panahong ginugugol sa paggawa ng mga sandatang pandigma at pagpapalugod sa sakim na mga kapritso ng mahihilig sa kalayawan. Ang milyunmilyong di-kinakailangang kamatayan bawat taon ay isa lamang sa maraming anyo ng kawalang-katarungan, na pawang pumupukaw sa matuwid na pagkagalit ni Jehova. Inatasan niya ang kaniyang Anak na matuwid na makidigma laban sa buong balakyot na sistemang ito ng mga bagay upang wakasan na magpakailanman ang lahat ng kawalang-katarungan. Apocalipsis 16:14, 16; 19: Magkagayunman, ang katarungan ni Jehova ay hindi lamang basta pagpuksa sa mga balakyot. Inatasan din niya ang kaniyang Anak na mamahala bilang ang Prinsipe ng Kapayapaan. Pagkatapos ng digmaan ng Armagedon, itatatag ng paghahari ni Jesus ang kapayapaan sa buong lupa, at siya y mamamahala sa pamamagitan ng katarungan. (Isaias 9:6, 7) Sa gayon ay malulugod si Jesus na alisin ang lahat ng kawalang-katarungan na naging dahilan ng labis na paghihirap at pagdurusa sa daigdig. Buong katapatan niyang itataguyod ang sakdal na katarungan ni Jehova magpakailanman. Kung gayon, mahalagang pagsikapan natin na matularan ang katarungan ni Jehova sa ngayon. Tingnan natin kung paano natin ito magagawa. 23. Pagkatapos ng Armagedon, paano itataguyod ni Kristo ang katarungan magpakailanman?

160 K A B A N A T A 1 6 Magsagawa ng Katarungan sa Paglakad na Kasama ng Diyos ISIPIN mong nakulong ka sa isang lumulubog na barko. Nang sandaling nawawalan ka na ng pag-asa, dumating ang isang tagapagligtas at hinila kang palabas. Nakahinga ka nang maluwag habang inilalayo ka ng iyong tagapagligtas mula sa panganib at sinasabi: Ligtas ka na! Hindi ba t pakiramdam mo y may utang na loob ka sa taong iyon? Sa totoo lamang, talaga ngang utang mo sa kaniya ang iyong buhay. 2 Sa ilang aspekto, inilalarawan nito ang ginawa ni Jehova para sa atin. Tiyak ngang may utang na loob tayo sa kaniya. Sa katunayan, siya y naglaan ng pantubos, anupat nangyari na tayo y mailigtas mula sa kuko ng kasalanan at kamatayan. Nadarama nating tayo y ligtas sa pagkaalam na habang tayo y nagsasagawa ng pananampalataya sa napakahalagang haing iyan, ang ating mga kasalanan ay patatawarin, at ang ating walang-hanggang kinabukasan ay titiyakin. (1 Juan 1:7; 4:9) Gaya ng nakita na natin sa Kabanata 14, ang pantubos ay isang sukdulang kapahayagan ng pag-ibig at katarungan ni Jehova. Paano tayo dapat tumugon? 3 Angkop lamang na isaalang-alang ang sukling hinihingi sa atin ng ating maibiging Tagapagligtas. Sinabi ni Jehova sa pamamagitan ng propetang si Mikas: Sinabi niya sa iyo, O makalupang tao, kung ano ang mabuti. At ano ang hinihingi sa iyo ni Jehova kundi ang magsagawa ng katarungan at ibigin ang kabaitan at maging mahinhin sa paglakad na kasama ng iyong Diyos? (Mikas 6:8) Pansinin na ang isa sa mga bagay na hinihingi ni Jehova sa atin bilang sukli ay na tayo y magsagawa ng katarungan. Paano natin ito magagawa? Pagtataguyod ng Tunay na Katuwiran 4 Si Jehova ay umaasang tayo y mamumuhay ayon sa kaniyang 1-3. (a) Bakit may utang na loob tayo kay Jehova? (b) Ano ang sukling hinihingi sa atin ng ating maibiging Tagapagligtas? 4. Paano natin nalalaman na inaasahan ni Jehova na tayo y mamumuhay ayon sa kaniyang matuwid na mga pamantayan?

161 MAGSAGAWA NG KATARUNGAN SA PAGLAKAD KASAMA NG DIYOS 159 mga pamantayan ng tama at mali. Yamang ang kaniyang mga pamantayan ay makatarungan at matuwid, tayo y nagtataguyod ng katarungan at katuwiran kapag tayo y sumusunod sa mga ito. Matuto kayong gumawa ng mabuti; hanapin ninyo ang katarungan, ang sabi sa Isaias 1:17. Pinapayuhan tayo ng Salita ng Diyos na hanapin ang katuwiran. (Zefanias 2:3) Hinihimok din tayo nito na magbihis ng bagong personalidad na nilalang ayon sa kalooban ng Diyos sa tunay na katuwiran. (Efeso 4:24) Ang tunay na katuwiran tunay na katarungan ay umiiwas sa karahasan, karumihan, at imoralidad, sapagkat nilalabag ng mga ito ang bagay na banal. Awit 11:5; Efeso 5: Isang pabigat ba para sa atin na sumunod sa matuwid na mga pamantayan ni Jehova? Hindi. Ang isang pusong malap ıt kay Jehova ay hindi nayayamot sa kaniyang mga kahilingan. Dahil sa iniibig natin ang ating Diyos at ang lahat ng nakapaloob sa kaniyang pagkapersona, nanaisin nating mamuhay sa paraang nakalulugod sa kaniya. (1 Juan 5:3) Alalahanin na si Jehova ay umiibig sa matuwid na mga gawa. (Awit 11:7) Kung talagang nais nating tularan ang katarungan, o katuwiran ng Diyos, dapat nating ibigin ang iniibig ni Jehova at kapootan ang kinapopootan niya. Awit 97:10. 6 Hindi madali para sa di-sakdal na mga tao na magtaguyod ng katuwiran. Dapat nating hubarin ang lumang personalidad pati na ang makasalanang mga gawain nito at magbihis ng bago. Sinasabi sa Bibliya na ang bagong personalidad ay ginagawang bago sa pamamagitan ng tumpak na kaalaman. (Colosas 3:9, 10) Ang pananalitang ginagawang bago ay nagpapahiwatig na ang pagbibihis ng bagong personalidad ay isang patuluyang gawain, isa na nangangailangan ng lubusang pagsisikap. Gaano man ang ating pagsisikap na gawin ang tama, may mga pagkakataon na dahil sa ating pagiging likas na makasalanan ay natitisod tayo sa isip, sa salita, o sa gawa. Roma 7:14-20; Santiago 3:2. 7 Paano natin mamalasin ang mga kabiguan sa ating mga pagsisikap na itaguyod ang katuwiran? Mangyari pa, hindi natin nanaisin 5, 6. (a) Bakit hindi isang pabigat para sa atin ang sumunod sa mga pamantayan ni Jehova? (b) Paano ipinakikita sa Bibliya na ang pagtataguyod sa katuwiran ay isang patuluyang gawain? 7. Sa anong paraan natin dapat malasin ang mga kabiguan sa ating mga pagsisikapnaitaguyodangkatuwiran?

162 160 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA na pagaanin ang bigat ng kasalanan. Kasabay nito, hindi tayo dapat sumuko kailanman, anupat nakadaramang hindi tayo karapatdapat maglingkod kay Jehova dahil sa ating mga pagkukulang. Ang ating Diyos na may magandang loob ay gumawa ng paglalaan upang maisauli sa kaniyang paglingap ang mga taimtim na nagsisisi. Isaalang-alang ang nakapagpapalakas-loob na mga salita ni apostol Juan: Isinusulat ko sa inyo ang mga bagay na ito upang hindi kayo magkasala. Subalit makatotohanang idinagdag niya: Gayunman, kung ang sinuman ay magkasala [dahil sa minanang di-kasakdalan], tayo ay may katulong sa Ama, si Jesu-Kristo. (1 Juan 2:1) Oo, inilaan ni Jehova ang haing pantubos ni Jesus upang tayo y kaayaayang makapaglingkod sa Kaniya sa kabila ng ating pagiging likas na makasalanan. Hindi ba t nagpapakilos iyan sa atin na magnais na gawin ang ating buong makakaya upang mapaluguran si Jehova? Ang Mabuting Balita at ang Katarungan ng Diyos 8 Maisasagawa natin ang katarungan sa katunayan, matutularan natin ang katarungan ng Diyos sa pamamagitan ng lubusang pakikibahagi sa pangangaral sa iba ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. Ano ang kaugnayan ng katarungan ni Jehova at ng mabuting balita? 9 Hindi wawakasan ni Jehova ang balakyot na sistemang ito nang hindi muna nagbibigay ng babala. Sa kaniyang hula tungkol sa mangyayari sa panahon ng kawakasan, sinabi ni Jesus: Sa lahat ng mga bansa ay kailangang ipangaral muna ang mabuting balita. (Marcos 13:10; Mateo 24:3) Ang paggamit ng salitang muna ay nagpapahiwatig na may iba pang mga pangyayaring susunod sa pandaigdig na gawaing pangangaral. Kabilang sa mga pangyayaring iyon ang inihulang malaking kapighatian, na mangangahulugan ng pagpuksa sa mga balakyot at maghahanda ng daan sa isang matuwid na bagong sanlibutan. (Mateo 24:14, 21, 22) Tiyak na walang sinuman ang maaaring magparatang kay Jehova na siya y di-makatarungan sa mga balakyot. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng babala, binibigyan niya ang mga ito ng sapat na pagkakataon upang baguhin ang kanilang mga daan at sa gayo y makaiwas sa pagkapuksa. Jonas 3: , 9. Paano itinatanghal ng paghahayag ng mabuting balita ang katarungan ni Jehova?

163 MAGSAGAWA NG KATARUNGAN SA PAGLAKAD KASAMA NG DIYOS Paano ipinamamalas ng ating pangangaral ng mabuting balita ang katarungan ng Diyos? Una sa lahat, nararapat lamang na gawin natin ang ating makakaya upang tulungan ang iba na makaligtas. Isaalang-alang muli ang ilustrasyon ng pagkakaligtas mula sa isang lumulubog na barko. Bagaman ligtas ka nang nakasakay sa lifeboat, tiyak na nanaisin mong tulungan ang iba na nasa tubig pa rin. Sa katulad na paraan, tayo y may obligasyon doon sa mga nakikipagpunyagi pa rin sa katubigan ng balakyot na daigdig na ito. Totoo, marami ang tumatanggi sa ating mensahe. Subalit habang patuloy na pinagtitiisan sila ni Jehova, pananagutan natin na ibigay sa kanila ang pagkakataong makaabot sa pagsisisi at sa gayo y mapabilang sa mga makaliligtas. 2 Pedro 3:9. 11 Sa pamamagitan ng pangangaral ng mabuting balita sa lahat ng ating nakakausap, itinatanghal natin ang katarungan sa iba pang mahalagang paraan: Ipinakikita nating tayo y hindi nagtatangi. Alalahanin na ang Diyos ay hindi nagtatangi, kundi sa bawat bansa ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng katuwiran ay kaayaaya sa kaniya. (Gawa 10:34, 35) Upang matularan natin ang Kaniyang katarungan, hindi natin dapat hatulan nang patiuna ang mga tao. Sa halip, kailangan nating ibahagi ang mabuting balita sa iba anuman ang kanilang lahi, kalagayan sa lipunan, o pananalapi. Sa gayon ay ibinibigay natin sa lahat ng makikinig ang pagkakataong makarinig at tumugon sa mabuting balita. Roma 10: Kung Paano Natin Pinakikitunguhan ang Iba 12 Makapagsasagawa rin tayo ng katarungan sa pamamagitan ng pakikitungo sa iba sa paraang gaya ng pakikitungo sa atin ni Jehova. Napakadali ngang humatol sa iba, anupat pinupulaan ang kanilang mga pagkakamali at kinukuwestiyon ang kanilang mga motibo. Subalit sino kaya sa atin ang magnanais na suriin ni Jehova ang ating mga motibo at mga pagkukulang sa walang-awang paraan? Hindi ganiyan ang pakikitungo ni Jehova sa atin. Ang salmista ay nagsabi: Kung mga kamalian ang binabantayan mo, O Jah, O Jehova, sino ang makatatayo? (Awit 130:3) Hindi ba natin dapat ipagpasalamat 10, 11. Paano ipinamamalas ng ating pakikibahagi sa pangangaral ng mabuting balita ang makadiyos na katarungan? 12, 13. (a) Bakit hindi tayo dapat magpadalus-dalos sa paghatol sa iba? (b) Ano ang kahulugan ng payo ni Jesus na huwag na kayong humatol at huwag na kayong magpataw ng hatol? (Tingnan din ang talababa.)

164 162 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA na ang ating makatarungan at maawaing Diyos ay hindi nag-uukol ng pansin sa ating mga pagkukulang? (Awit 103:8-10) Kung gayon, paano natin dapat pakitunguhan ang iba? 13 Kung nauunawaan natin ang maawaing katangian ng katarungan ng Diyos, hindi tayo magpapadalus-dalos sa paghatol sa iba tungkol sa mga bagay na wala namang kinalaman sa atin o hindi naman gaanong mahalaga. Sa kaniyang Sermon sa Bundok, si Jesus ay nagbabala: Huwag na kayong humatol upang hindi kayo mahatulan. (Mateo 7:1) Ayon sa ulat ni Lucas, idinagdag ni Jesus: Huwag na kayong magpataw ng hatol, at hindi kayo sa anumang paraan papatawan ng hatol. (Lucas 6:37) Ipinakita ni Jesus na batid niyang ang di-sakdal na mga tao ay may tendensiyang maging palahatol. Ang sinumang nakikinig sa kaniya na may ugaling humatol nang may kalupitan sa iba ay kailangang tumigil na sa paggawa nito. 14 Bakit dapat na huwag na tayong humatol sa iba? Una sa lahat, limitado lamang ang ating awtoridad. Ang alagad na si Santiago ay nagpapaalaala sa atin: May Isa na tagapagbigay-kautusan at hukom si Jehova. Kaya si Santiago ay mariing nagtatanong: Sino ka para humatol sa iyong kapuwa? (Santiago 4:12; Roma 14:1-4) Karagdagan pa, napakadali nating makagawa ng di-makatarungang paghatol dahil sa ating pagiging likas na makasalanan. Ang maraming saloobin at motibo pati na ang pagtatangi, nasaktang amor propyo, paninibugho, at pagmamatuwid-sa-sarili ay maaaring pumilipit sa pangmalas natin sa ating mga kapuwa tao. May iba pa tayong mga limitasyon, at ang pagsasaisip sa mga ito ay pipigil sa atin na magpadalus-dalos sa paghanap ng mali sa iba. Hindi tayo nakababasa ng puso; ni nakaaalam ng lahat ng personal na mga kalagayan ng iba. Kung gayon, sino tayo para paratangan ng mga maling motibo ang ating kapananampalataya o punahin ang kanilang mga pagsisikap na maglingkod sa Diyos? Higit na mas mabuti nga na tularan si Jeho- Ang ilang salin ay nagsasabing huwag kayong humatol at huwag kayong magpataw ng hatol. Ang gayong mga salin ay nagpapahiwatig na huwag kayong magsimulang humatol at huwag kayong magsimulang magpataw ng hatol. Gayunman, ang mga manunulat ng Bibliya ay gumagamit dito ng negatibong utos na nasa pamanahong pangkasalukuyan (patuluyan). Kaya ang inilalarawang pagkilos ay kasalukuyang nagaganap subalit kailangan nang ihinto. 14. Sa anong mga dahilan kung kaya dapat na huwag na tayong humatol sa iba?

165 Itinatanghal natin ang makadiyos na katarungan kapag ibinabahagi natin ang mabuting balita sa iba nang walang pagtatangi va sa paghanap sa kabutihan ng ating mga kapatid sa halip na pagukulan ng pansin ang kanilang mga pagkukulang! 15 Kumusta naman ang mga miyembro ng ating pamilya? Nakalulungkot, ang ilan sa pinakamalulupit na paghatol sa ngayon ay ipinahahayag sa isang lugar na dapat sana y isang pugad ng kapayapaan ang tahanan. Karaniwan nang naririnig ang tungkol sa abusadong mga asawang lalaki, asawang babae, o mga magulang na humahatol sa mga miyembro ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng walang humpay na pang-aabuso sa salita o sa pisikal. Subalit ang masasamang salita, maaanghang na panlilibak, at pananakit sa pisikal ay walang dako sa gitna ng mga mananamba ng Diyos. (Efeso 4:29, 31; 5:33; 6:4) Ang payo ni Jesus na huwag na kayong humatol at huwag na kayong magpataw ng hatol ay patuloy na kumakapit kahit tayo y nasa tahanan. Alalahanin na ang pagsasagawa ng katarungan ay nagsasangkot ng pakikitungo sa iba sa paraang gaya ng pakikitu- 15. Anong pananalita at pakikitungo ang walang dako sa gitna ng mga mananamba ng Diyos, at bakit?

166 164 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA ngo ni Jehova sa atin. At ang ating Diyos ay hindi kailanman naging mabalasik o malupit sa pakikitungo sa atin. Sa halip, siya ay napakamagiliw sa pagmamahal sa mga umiibig sa kaniya. (Santiago 5:11) Tunay ngang isang kahanga-hangang halimbawa na dapat nating tularan! Matatandang Naglilingkod Ukol sa Katarungan 16 Tayong lahat ay may pananagutang magsagawa ng katarungan, subalit ang matatanda sa kongregasyong Kristiyano lalo na ang may pananagutan sa bagay na ito. Pansinin ang makahulang paglalarawan sa mga prinsipe, o matatanda, na iniulat ni Isaias: Narito! Isang hari ang maghahari ukol sa katuwiran; at tungkol sa mga prinsipe, mamamahala sila bilang mga prinsipe ukol sa katarungan. (Isaias 32:1) Oo, inaasahan ni Jehova na ang matatanda ay maglilingkod kasuwato ng katarungan. Paano nila ito magagawa? 17 Alam na alam ng espirituwal na kuwalipikadong mga lalaking ito na ang katarungan, o katuwiran, ay humihiling na ang kongregasyon ay dapat na panatilihing malinis. Kung minsan, ang matatanda ay kinakailangang humatol sa mga kaso ng malubhang pagkakasala. Kapag nagsasagawa nito, naaalaala nila na hangad ng katarungan ng Diyos na maglawit ng awa hangga t maaari. Sa gayon ay sinisikap nilang maakay ang nagkasala tungo sa pagsisisi. Subalit paano kaya kung ang nagkasala ay hindi nagpapakita ng tunay na pagsisisi sa kabila ng gayong mga pagsisikap na matulungan siya? Taglay ang ganap na katarungan, iniuutos ng Salita ni Jehova na kailangan nang gumawa ng isang matatag na hakbang: Alisin ninyo ang taong balakyot mula sa gitna ninyo. Nangangahulugan iyan na ititiwalag siya mula sa kongregasyon. (1 Corinto 5:11-13; 2 Juan 9-11) Nalulungkot ang matatanda kapag kinailangang gumawa ng gayong hakbang, subalit inaamin nilang nararapat lamang iyon upang maingatan ang moral at espirituwal na kalinisan ng kongregasyon. Magkagayunman, inaasahan nila na balang araw ang nagkasala ay matatauhan at babalik sa kongregasyon. Lucas 15:17, Ang paglilingkod kasuwato ng katarungan ay nagsasangkot din 16, 17. (a) Ano ang inaasahan ni Jehova sa matatanda? (b) Ano ang kailangang gawin kapag ang nagkasala ay hindi nagpapakita ng tunay na pagsisisi, at bakit? 18. Ano ang tinatandaan ng matatanda kapag nagbibigay ng salig-bibliyang payo sa iba?

167 MAGSAGAWA NG KATARUNGAN SA PAGLAKAD KASAMA NG DIYOS 165 ng pag-aalok ng payo na salig sa Bibliya kung kinakailangan. Mangyari pa, hindi hinahanap ng matatanda ang kapintasan ng iba. Ni sinusunggaban man nila ang bawat pagkakataon upang makapagbigay ng pagtutuwid. Subalit baka ang isang kapananampalataya ay makagawa ng anumang maling hakbang bago niya mabatid ito. Yamang inaalaala na ang katarungan ng Diyos ay hindi malupit at hindi rin naman walang pakiramdam, ang matatanda ay mauudyukang magsikap na ibalik sa ayos ang gayong tao sa espiritu ng kahinahunan. (Galacia 6:1) Kaya naman, hindi pagagalitan ng matatanda ang nagkasala o pagwiwikaan ng masasakit na salita. Sa halip, ang payo na ibinibigay sa maibiging paraan ay magpapatibay-loob sa tumatanggap nito. Kahit na kung tuwirang sumasaway anupat deretsong binabalangkas ang mga kahihinatnan ng maling landasin tinatandaan ng matatanda na ang isang nagkasalang kapananampalataya ay isang tupa sa kawan ni Jehova. (Lucas 15:7) Kapag ang payo o pagsaway ay maliwanag na nauudyukan ng pag-ibig at ibinibigay nang may pag-ibig, malamang na maibalik sa ayos ang nagkasala. 19 Ang matatanda ay madalas na kinakailangang gumawa ng mga pasiyang makaaapekto sa kanilang mga kapananampalataya. Halimbawa, ang matatanda paminsan-minsan ay nagpupulong upang isaalang-alang kung ang ibang mga kapatid na lalaki sa kongregasyon ay kuwalipikado nang irekomenda bilang matatanda o ministeryal na lingkod. Alam ng matatanda ang kahalagahan ng pagiging walang kinikilingan. Hinahayaan nila na ang mga kahilingan ng Diyos para sa gayong mga pag-aatas ang pumatnubay sa kanila sa pagpapasiya, anupat hindi umaasa sa basta personal na mga damdamin lamang. Sa gayon ay kumikilos sila nang hindi patiunang humahatol, na walang anumang ginagawang pagkiling. 1 Timoteo 5:21. Sa 2 Timoteo 4:2, sinasabi ng Bibliya na ang matatanda kung minsan ay dapat na sumaway, sumawata, magpayo. Ang salitang Griego na isinaling magpayo (pa ra ka le o) ay maaaring mangahulugang magpatibay-loob. Ang kaugnay na salitang Griego na pa ra kle tos, ay maaaring tumukoy sa isang tagapagtanggol sa legal na usapin. Sa gayon, kahit na ang matatanda ay nagbibigay ng mahigpit na pagsaway, sila y dapat na maging mga katulong para sa mga nangangailangan ng espirituwal na pagsaklolo. 19. Anong mga pasiya ang kinakailangang gawin ng matatanda, at saan nila dapat ibatay ang gayong mga pasiya?

168 Ipinamamalas ng matatanda ang katarungan ni Jehova kapag pinatitibay nila ang mga nasisiraan ng loob 20 Ang matatanda ay naglalapat ng katarungan ng Diyos sa iba pang mga paraan. Matapos ihula na ang matatanda ay maglilingkod ukol sa katarungan, si Isaias ay nagpatuloy: Bawat isa ay magiging gaya ng taguang dako sa hangin at dakong kublihan sa bagyong maulan, gaya ng mga bukal ng tubig sa lupaing walang tubig, gaya ng lilim ng malaking bato sa lupaypay na lupain. (Isaias 32:2) Kaya naman, ang matatanda ay nagsisikap na maging mga bukal ng kaaliwan at kaginhawahan para sa kanilang mga kapuwa mananamba. 21 Sa ngayon, dahil sa lahat ng mga problemang nakapagpapahina ng loob, marami ang nangangailangan ng pampatibay-loob. Kayong matatanda, ano ang magagawa ninyo upang matulungan ang mga kaluluwang nanlulumo? (1 Tesalonica 5:14) Pakinggan silang taglay ang empatiya. (Santiago 1:19) Baka kailangang ihinga nila sa isang mapagkakatiwalaan ang pagkabalisa ng kanilang puso. (Kawikaan 12:25) Tiyakin ninyo sa kanila na sila y kailangan, mahalaga, 20, 21. (a) Ang matatanda ay nagsisikap na maging ano, at bakit? (b) Ano ang magagawa ng matatanda upang matulungan ang mga kaluluwang nanlulumo?

169 MAGSAGAWA NG KATARUNGAN SA PAGLAKAD KASAMA NG DIYOS 167 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Deuteronomio 1:16, 17 Ano ang hiniling ni Jehova sa mga hukom sa Israel, at ano ang maaaring matutuhan ng matatanda mula rito? Jeremias 22:13-17 Nagbababala si Jehova laban sa anong di-makatarungang mga gawa, at ano ang kailangan sa pagtulad sa kaniyang katarungan? Mateo 7:2-5 Bakit hindi tayo kailangang magpadalus-dalos na hanapin ang mga kamalian ng ating mga kapananampalataya? Santiago 2:1-9 Paano minamalas ni Jehova ang pagpapakita ng paboritismo, at paano natin maaaring ikapit ang payong ito sa ating pakikitungo sa iba? at mahal oo, ni Jehova at gayundin ng kanilang mga kapatid. (1 Pedro 1:22; 5:6, 7) Karagdagan pa, maaari kayong manalanging kasama nila at para sa kanila. Ang pakikinig sa isang matanda na sumasambit ng taimtim na panalangin alang-alang sa kanila ay lubhang nakaaaliw. (Santiago 5:14, 15) Ang inyong maibiging pagsisikap upang tulungan ang mga nanlulumo ay hindi maaaring di-mapansin ng Diyos ng katarungan. 22 Tunay ngang tayo y lalong n apapalap ıt kay Jehova kapag tinutularan natin ang kaniyang katarungan! Kapag itinataguyod natin ang kaniyang matuwid na mga pamantayan, kapag ibinabahagi natin sa iba ang nagliligtas-buhay na mabuting balita, at kapag ang pinapansin natin sa iba ay ang mabubuting bagay sa halip na ang tingnan ay ang kanilang mga kamalian, itinatanghal natin ang makadiyos na katarungan. Kayong matatanda, kapag iniingatan ninyo ang kalinisan ng kongregasyon, kapag nagbibigay kayo ng nakapagpapatibay na payo mula sa Kasulatan, kapag gumagawa kayo ng walang-kinikilingang mga desisyon, at kapag pinatitibay ninyo ang mga nasisiraan ng loob, ipinamamalas ninyo ang makadiyos na katarungan. Tiyak ngang malulugod ang puso ni Jehova sa pagdungaw niya mula sa mgalangitatmakitaangkaniyangbayannasaabotngkanilangmakakaya ay nagsisikap na magsagawa ng katarungan sa paglakad na kasama ng kanilang Diyos! 22. Sa anu-anong paraan matutularan natin ang katarungan ni Jehova, at ano ang resulta?

170 S E K S I Y O N 3 MARUNONG SA PUSO Ang tunay na karunungan ay isa sa pinakamahalagang kayamanan na maaari mong hanapin. Tanging si Jehova lamang ang bukal nito. Sa seksiyong ito ay susuriin nating mabuti ang walang-limitasyong karunungan ng Diyos na Jehova, ang isa na tungkol sa kaniya y sinabi ng tapat na lalaking si Job: Siya ay marunong sa puso. Job 9:4.

171 K A B A N A T A 1 7 O ang Lalim ng... Karunungan...ngDiyos! WASAK! Ang sangkatauhan, ang pinakatampok sa ikaanim na araw ng paglalang, ay biglang bumagsak mula sa pagiging pinakamatayog tungo sa pagiging pinakaaba. Naihayag na ni Jehova na napakabuti ang bawatbagaynaginawaniya, patinaangsangkatauhan. (Genesis 1:31) Subalit sa pagsisimula ng ikapitong araw, minabuti nina Adan at Eva na sundan ang paghihimagsik ni Satanas. Sila y napasadlak sa kasalanan, di-kasakdalan, at kamatayan. 2 Sa biglang tingin ay waring wala nang pag-asang matutupad pa ang layunin ni Jehova para sa ikapitong araw. Ang araw na iyon, gaya ng anim na nauna rito, ay libu-libong taon ang magiging haba. Inihayag na ni Jehova na ito y sagrado, at sa pinakahuli ay makikita rito na ang buong lupa ay gagawing isang paraiso na puno ˆ ng isang sakdal na pamilya ng mga tao. (Genesis 1:28; 2:3) Subalit pagkatapos ng trahedyang dulot ng paghihimagsik, paano pa kaya matutupad ang bagay na iyon? Ano kaya ang gagawin ng Diyos? Dito lubusang masusubok ang karunungan ni Jehova marahil ang pinakasukdulang pagsubok. 3 Tumugon agad si Jehova. Sinentensiyahan niya ang mga rebelde sa Eden, at kasabay nito, ipinabanaag niya ang isang kahanga-hangang bagay: ang kaniyang layunin na ayusin ang pinsalang pinasimulan nila. (Genesis 3:15) Ang pangmatagalang layunin ni Jehova ay umaabot mula sa Eden hanggang sa libu-libong taon ng kasaysayan ng tao at patuloy pa, hanggang sa hinaharap. Simple lamang ito ngunit napakalalim ng kahulugan anupat ang isang mambabasa ng Bibliya ay maaaring gumugol ng isang kapaki-pakinabang na buong-buhay sa pag-aaral at pagbubulay-bulay nito. Isa pa, ganap ang katiyakan na magtatagumpay ang layunin ni Jehova. 1, 2. Ano ang layunin ni Jehova para sa ikapitong araw, at paano napalagay sa pagsubok ang karunungan ng Diyos sa pagsisimula ng araw na ito? 3, 4. (a) Bakit isang kagila-gilalas na halimbawa ng karunungan ang tugon ni Jehova sa paghihimagsik sa Eden? (b) Ang kapakumbabaan ay dapat magpakilos sa atin na laging isaisip ang anong katotohanan habang pinag-aaralan natin ang karunungan ni Jehova?

172 170 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Wawakasan nito ang lahat ng kabalakyutan, kasalanan, at kamatayan. Dadalhin nito sa kasakdalan ang tapat na sangkatauhan. Lahat ng ito ay magaganap bago matapos ang ikapitong araw, upang, sa kabila ng lahat, matupad ni Jehova ang kaniyang layunin para sa lupa at sa sangkatauhan ayon mismo sa itinakdang panahon! 4 Ang gayong karunungan ay nag-uudyok ng matinding pagpipitagan, hindi ba? Napakilos si apostol Pablo na sumulat: O ang lalim ng... karunungan... ng Diyos! (Roma 11:33) Habang pinagaaralan natin ang iba t ibang aspekto ng katangiang ito ng Diyos, kailangang pakilusin tayo ng kapakumbabaan upang mapanatili sa isip ang mahalagang katotohanan na, kahit anong pagsisikap ang gawin natin, pang-ibabaw lamang ng malawak na karunungan ni Jehova ang ating mahahalukay. (Job 26:14) Una, ipaliwanag muna natin ang kahulugan ng kagila-gilalas na katangiang ito. Ano ba ang Karunungan ng Diyos? 5 Ang karunungan ay iba sa kaalaman. Ang mga computer ay nakapag-iimbak ng pagkarami-raming kaalaman, subalit mahirap isipin na may sinumang makapagsasabi na ang gayong mga makina ay matalino. Gayunpaman, ang kaalaman at karunungan ay magkaugnay. (Kawikaan 10:14) Halimbawa, kung kailangan mo ang matalinong payo tungkol sa paggamot sa isang malubhang karamdaman, kokonsulta ka ba sa isa na may kaunti o walang kaalaman sa medisina? Hinding-hindi! Kaya nga ang tumpak na kaalaman ay mahalaga sa tunay na karunungan. 6 Si Jehova ay nagtataglay ng walang-limitasyong nakaimbak na kaalaman. Bilang ang Haring walang hanggan, tanging siya lamang ang nabubuhay magpakailanman. (Apocalipsis 15:3) At sa loob ng pagkahaba-habang panahong iyon, alam niya ang lahat ng bagay. Ang Bibliya ay nagsasabi: Walang nilalang na hindi hayag sa kaniyang paningin, kundi ang lahat ng bagay ay hubad at hayagang nakalantad sa mga mata niya na pagsusulitan natin. (Hebreo 4:13; Kawikaan 15:3) Bilang ang Maylalang, may ganap na kaunawaan si Jehova sa kaniyang ginawa, at napagmasdan niya ang lahat ng ginagawa ng mga tao mula pa sa pasimula. Sinusuri niya ang bawat puso ng tao, anupat walang isa mang kinaliligtaan. (1 Cronica 5, 6. Ano ang kaugnayan ng kaalaman at karunungan, at gaano kalawak ang kaalaman ni Jehova?

173 OANGLALIMNG...KARUNUNGAN...NGDIYOS! :9) Yamang nilalang tayo na may kalayaang magpasiya, nalulugod siya kapag nakikita niyang gumagawa tayo ng matatalinong pasiya sa buhay. Bilang ang Dumirinig ng panalangin, nakikinig siya sa di-mabilang na kapahayagan nang sabay-sabay! (Awit 65:2) At hindi na kailangang sabihin pa, si Jehova ay may sakdal na memorya. 7 Hindi lamang kaalaman ang taglay ni Jehova. Nakikita rin niya kung paano nagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari at nauunawaan ang kabuuang larawan na likha ng katakut-takot na detalye. Siya ay nagtitimbang-timbang at humahatol, anupat kinikilala ang pagkakaiba ng mabuti at ng masama, ng mahalaga at ng di-mahalaga. Bukod diyan, hindi niya tinitingnan ang panlabas kundi sinusuri niya mismo ang puso. (1 Samuel 16:7) Kaya naman, si Jehova ay may unawa at kaunawaan, mga katangiang nakahihigit sa kaalaman. Subalit ang karunungan ay lalo pang nakahihigit. 8 Ang karunungan ay ang pinagsama-samang kaalaman, kaunawaan, at unawa at pagkakapit sa mga ito. Sa katunayan, ang ilan sa orihinal na mga salita sa Bibliya na isinaling karunungan ay literal na nangangahulugang mabungang paggawa o praktikal na karunungan. Kaya ang karunungan ni Jehova ay hindi lamang batay sa teoriya. Ito y praktikal, at mabisa. Sa paggamit ng kaniyang malawak na kaalaman at ng kaniyang malalim na unawa, si Jehova ay laging gumagawa ng pinakamagagaling na desisyon, anupat isinasagawa ang mga ito sa pamamagitan ng pinakamagaling na pagkilos na maiisip. Iyan ang tunay na karunungan! Ipinakita ni Jehova ang katotohanan ng pangungusap ni Jesus: Ang karunungan ay pinatutunayang matuwid ng mga gawa nito. (Mateo 11:19) Ang mgagawanijehovasabuongunibersoaynagbibigayngmatitibay na patotoo sa kaniyang karunungan. Mga Ebidensiya ng Karunungan ng Diyos 9 Namamangha ka ba sa kahusayan ng isang bihasang manggagawa na gumagawa ng magaganda t mabibisang bagay? Iyan ay isang kahanga-hangang uri ng karunungan. (Exodo 31:1-3) Si Jeho- 7, 8. Paano ipinamamalas ni Jehova ang unawa, kaunawaan, at karunungan? 9, 10. (a) Si Jehova ay nagpapakita ng anong uri ng karunungan, at paano niya ito itinatanghal? (b) Paanong ang selula ay nagbibigay ng ebidensiya ng karunungan ni Jehova?

174 172 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA va mismo ang bukal at pinakadakilang may-ari ng gayong karunungan. Sinabi ni Haring David tungkol kay Jehova: Pupurihin kita sapagkat sa kakila-kilabot na paraan ay kamangha-mangha ang pagkakagawa sa akin. Ang iyong mga gawa ay kamangha-mangha, gaya ng lubos na nababatid ng aking kaluluwa. (Awit 139:14) Ang totoo, habang higit tayong natututo tungkol sa katawan ng tao, lalong tumitindi ang pagkamangha natin sa karunungan ni Jehova. 10 Bilang paghahalimbawa: Ikaw ay nagsimula sa iisang selula nag-iisang selulang itlog mula sa iyong ina, na pinertilisa ng isang semilya mula naman sa iyong ama. Di-nagtagal, ang selulang iyan ay nahati. Ikaw, na naging bunga, ay binubuo ng 100 trilyong selula. Pagkaliliit ng mga ito. Ang pinagsama-samang mga 10,000 katamtamang-laking mga selula ay kasinlaki ng ulo ng aspile. Gayunpaman, ang bawat isa nito ay isang nilalang na di-maarok ng isip. Ang selula ay higit na napakasalimuot kaysa sa alinmang gawangtaong makina o pabrika. Sinasabi ng mga siyentipiko na ang isang selula ay tulad ng isang napapaderang lunsod isa na may kontroladong mga pasukan at labasan, isang sistema ng transportasyon, isang network ng komunikasyon, mga planta ng kuryente, mga pabrika, mga pasilidad para sa pagtatapon at pagreresiklo ng basura, mga ahensiya para sa depensa, at isang uri pa nga ng sentrong pamahalaan sa nukleo nito. Isa pa, ang selula ay nakagagawa ng isang eksaktong kahawig nito sa loob lamang ng ilang oras! 11 Mangyari pa, hindi lahat ng selula ay magkakapareho. Habang ang mga selula ng isang binhi ay patuloy na nahahati, ang mga ito y gumaganap ng iba t ibang gawain. Ang ilan ay magiging mgaselulaparasanerbiyo;angibanamanaymgaselulaparasa buto, kalamnan, dugo, o mata. Lahat ng gayong pagkakaiba-iba ay nakaprograma sa aklatan ng selula na kinaroroonan ng henetikong mga plano, ang DNA. Kapansin-pansin, si David ay kinasihang magsabi kay Jehova: Nakita ng iyong mga mata maging ang aking pagkabinhi, at sa iyong aklat ay nakatala ang lahat ng bahagi nito. Awit 139: Ang ilang bahagi ng katawan ay napakasalimuot. Halimbawa, isaalang-alang ang utak ng tao. Tinawag ito ng ilan bilang ang pi- 11, 12. (a) Ano ang nakapagpapaiba-iba ng mga selula sa nabubuong binhi, at paano ito nakakasuwato sa Awit 139:16? (b) Sa anong mga paraan ipinakikita ng utak ng tao na kamangha-mangha ang pagkakagawa sa atin?

175 OANGLALIMNG...KARUNUNGAN...NGDIYOS! 173 nakamasalimuot na bagay na natuklasan sa uniberso hanggang sa kasalukuyan. Naglalaman ito ng mga 100 bilyong selula ng nerbiyo halos kasindami ng mga bituin sa ating galaksi. Bawat isa sa mga selulang iyon ay nagsasanga tungo sa libu-libong koneksiyon sa ibang mga selula. Sinasabi ng mga siyentipiko na ang utak ng tao ay makapaglalaman ng lahat ng impormasyon mula sa lahat ng aklatan sa buong mundo at na, sa katunayan, ang kapasidad nitong mag-imbak ay hindi marahil masusukat. Sa kabila ng ilang dekadang pag-aaral sa kamangha-mangha ang pagkakagawa[ng] sangkap na ito, inaamin ng mga siyentipiko na hindi na marahil nila lubusang mauunawaan kailanman kung paano ito gumagana. 13 Gayunman, ang mga tao ay isang halimbawa lamang ng karunungang lumalang ni Jehova. Ang Awit 104:24 ay nagsasabi: Kay rami ng iyong mga gawa, O Jehova! Sa karunungan ay ginawa mong lahat ang mga iyon. Ang lupa ay puno ˆ ng iyong mga likha. Ang karunungan ni Jehova ay nakikita sa bawat nilalang sa paligid natin. Halimbawa, ang langgam ay may likas na karunungan. (Kawikaan 30:24) Sa katunayan, napakaorganisado ng mga kolonya ng mga langgam. Ang ilang kolonya ng mga langgam ay nagaalaga, kumakalinga, at kumukuha ng pagkain mula sa mga insektongtinatawagnamgadapulaknaparabangangmgaito ymga alagang hayop. Ang ibang mga langgam naman ay pumapapel na mga magsasaka, na nagtatanim at naglilinang ng mga pananim na punggus. Marami pang ibang nilalang ang ipinrogramang gumawa ng kahanga-hangang mga bagay sa pamamagitan ng likas na karunungan. Ang isang karaniwang langaw ay nakapagpapasirkusirko na hindi matularan ng pinakamodernong eroplano ng tao. Ang mga nandarayuhang ibon ay naglalakbay sa pamamagitan ng mga bituin, ng pagkahirati sa magnetic field ng lupa, o ng isang anyo ng mapa na bahagi na ng isip nila. Ang mga biyologo ay gumugugol ng maraming taon ng pag-aaral tungkol sa matatalinong paggawi na ipinrograma na sa mga nilalang na ito. Kung gayon, tiyak na napakarunong nga ng dakilang Tagaprograma! 14 Napakalaki ng natutuhan ng mga siyentipiko sa karunungang 13, 14. (a) Paano ipinakikita ng mga langgam at ng iba pang mga nilalang na sila y may likas na karunungan, at ano ang itinuturo niyan sa atin tungkol sa kanilang Maylalang? (b) Bakit natin masasabi na ang mga nilalang na gaya ng bahay ng gagamba ay ginawa sa karunungan?

176

177 OANGLALIMNG...KARUNUNGAN...NGDIYOS! 175 lumalang ni Jehova. May isa pa ngang larangan ng inhinyeriya, na tinatawag na biomimetics, na ang hangarin ay magaya ang mga disenyong nakikita sa kalikasan. Halimbawa, marahil ay napapatitig ka sa paghanga sa kagandahan ng isang bahay ng gagamba. Subalit itinuturing ito ng isang inhinyero bilang isang kababalaghan ng disenyo. Ang ilang mukhang marurupok na hibla ay mas mapuwersapasakasinlakinitongbakalatmasmatibaypasamgahibla ng tsalekong di-tinatablan ng bala. Gaano nga ba ito katibay? Gunigunihin ang isang bahay ng gagamba na pinalaki hanggang sa m akasuk at ng isang lambat na ginagamit sa pangisdang bangka. Ang gayong sapot ay makahuhuli ng isang eroplanong pampasahero habang lumilipad ito! Oo, ginawa ni Jehova ang lahat ng mga bagaynaito sakarunungan. Karunungan sa Dako Pa Roon ng Lupa 15 Ang karunungan ni Jehova ay nakikita sa kaniyang mga gawa sa buong uniberso. Ang mabituing kalangitan, na mahaba nating tinalakay sa Kabanata 5, ay hindi basta na lamang ikinalat sa kalawakan. Dahil sa karunungan ng mga batas ng langit ni Jehova, ang kalangitan ay buong-kagandahang inorganisa sa maaayos na mga galaksi, na pinagkukumpul-kumpol, at saka pinagsasamasama upang bumuo ng pagkalalaking mga kumpol. (Job 38:33) Hindi nga kataka-takang tukuyin ni Jehova ang mga bagay na nasa langit bilang isang hukbo! (Isaias 40:26) Gayunman, may iba pang hukbo na lalong maliwanag na nagtatanghal ng karunungan ni Jehova. 16 Gaya ng napansin natin sa Kabanata 4, taglay ng Diyos ang titulong Jehova ng mga hukbo dahil sa kaniyang posisyon bilang Pinakadakilang Kumandante ng napakalaking hukbo ng daan-daang milyong espiritung nilalang. Patotoo ito ng kapangyarihan ni Jehova. Gayunman, ano kaya ang kinalaman ng kaniyang karunungan? 15, 16. (a) Ang mabituing kalangitan ay nagbibigay ng anong ebidensiya ng karunungan ni Jehova? (b) Paanong ang posisyon ni Jehova bilang Pinakadakilang Kumandante ng napakalaking bilang ng mga anghel ay nagpapatotoo sa karunungan ng Administrador na ito? Sino ang nagprograma sa mga nilalang sa lupa upang magkaroon ng likas na karunungan?

178 176 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Isaalang-alang: Si Jehova at si Jesus ay hindi kailanman tumitigil sa paggawa. (Juan 5:17) Kung gayon, makatuwiran lamang na ang mga ministrong anghel ng Kataas-taasan ay palagi ring maraming ginagawa. At tandaan, sila y nakahihigit sa tao, napakatatalino at napakamakapangyarihan. (Hebreo 1:7; 2:7) Gayunman, napanatili ni Jehova ang lahat ng mga anghel na iyon na maging abala at maligayang gumaganap ng gawain na tumutupad ng kaniyang salita at gumagawa ng kaniyang kalooban sa loob ng bilyunbilyong taon. (Awit 103:20, 21) Kagila-gilalas nga ang karunungan ng Administrador na ito! Si Jehova Lamang ang Tanging Marunong 17 Dahil sa gayong ebidensiya, kataka-taka ba kung ipinakikita sa Bibliya na ang karunungan ni Jehova ang pinakamagaling sa lahat? Halimbawa, sinasabi nito na si Jehova lamang ang tanging marunong. (Roma 16:27) Si Jehova lamang ang nagtataglay ng karunungan sa ganap na diwa nito. Siya ang bukal ng lahat ng tunay na karunungan. (Kawikaan 2:6) Iyan ang dahilan kung bakit si Jesus, bagaman siyang pinakamarunong sa lahat ng nilalang ni Jehova, ay hindi umasa sa kaniyang sariling karunungan kundi nagsalita ayon sa iniutos sa kaniya ng kaniyang Ama. Juan 12: Pansinin kung paano ipinahayag ni apostol Pablo ang pagkawalang-katulad ng karunungan ni Jehova: O ang lalim ng kayamanan at karunungan at kaalaman ng Diyos! Totoong di-masaliksik ang kaniyang mga hatol at di-matalunton ang kaniyang mga daan! (Roma 11:33) Yamang pinasimulan ang talata ng pabulalas na O, si Pablo ay nagpakita ng matinding damdamin sa kasong ito, masidhing pagkasindak. Ang salitang Griego na kaniyang pinili para sa lalim ay may malapit na kaugnayan sa salita para sa kalaliman. Kung gayon, ang kaniyang pananalita ay nagbibigay ng isang malinaw na larawan sa isipan. Kapag binubulay-bulay natin ang karunungan ni Jehova, para bang tumititig tayo sa walanghangganan at lusut-lusutang kalaliman, isang daigdig na ubodlalim, pagkalawak-lawak anupat ni hindi natin kailanman malilirip ang lawak nito, lalo pa nga kung ilalarawan ito o dedetalyehin ito. 17, 18. Bakit sinasabi sa Bibliya na si Jehova lamang ang tanging marunong, at bakit tayo dapat malipos ng pagkasindak dahil sa kaniyang karunungan?

179 OANGLALIMNG...KARUNUNGAN...NGDIYOS! 177 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Job 28:11-28 Gaano kahalaga ang karunungan ng Diyos, at anong mabuting resulta ang idudulot ng pagbubulay-bulay sa paksang ito? Awit 104:1-25 Paano nakikita sa paglalang ang karunungan ni Jehova, at anong mga damdamin ang idinudulot niyan sa iyo? Kawikaan 3:19-26 Kapag binubulay-bulay natin ang karunungan ni Jehova at ikinakapit ito, ano ang maaaring maging epekto nito sa ating sariling pang-araw-araw na buhay? Daniel 2:19-28 Bakit si Jehova ay tinawag na Tagapagsiwalat ng mga lihim, at paano tayo dapat tumugon sa makahulang karunungan na masusumpungan sa kaniyang Salita? (Awit 92:5) Hindi ba t dahilan iyan upang mapag-isip-isip natin kung gaano tayo kababa? 19 Si Jehova lamang ang tanging marunong sa isa pang diwa: Siya lamang ang nakasisilip sa kinabukasan. Alalahanin, ginagamit ni Jehova ang agilang may malayong pananaw upang sumagisag sa karunungan ng Diyos. Ang isang ginintuang agila ay maaaring tumimbang lamang ng limang kilo, subalit ang mga mata nito ay malalaki pa sa mga mata ng isang taong nasa hustong gulang. Ang paningin ng agila ay napakatalas, anupat namamataan ng ibon ang pagkaliit-liit na masisila daan-daang metro mula sa itaas, marahil kahit ilang kilometro pa ang layo! Minsan ay sinabi mismo ni Jehova tungkol sa agila: Doon sa malayo ay tumitingin ang mga mata nito. (Job 39:29) Sa katulad na diwa, si Jehova ay maaaring tumingin doon sa malayo[ng] panahon ang kinabukasan! 20 Ang Bibliya ay pun ˆ o ng ebidensiya na ito y totoo. Naglalaman ito ng daan-daang hula, o kasaysayang isinulat nang patiuna. Ang resulta ng mga digmaan, ang pagbangon at pagbagsak ng mga kapangyarihang pandaigdig, at maging ang espesipikong mga estratehiya sa digmaan ng mga kumandante ng militar ay pawang inihula sa Bibliya sa ilang kaso, daan-daang taon patiuna. Isaias 44:25 45:4; Daniel 8:2-8, , 20. (a) Bakit ang agila ay isang angkop na sagisag ng karunungan ng Diyos? (b) Paano itinanghal ni Jehova ang kaniyang kakayahang sumilip sa kinabukasan?

180 178 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA 21 Kung gayon, nangangahulugan ba ito na patiuna nang nakita ng Diyos ang gagawin mong pagpapasiya sa iyong buhay? Iginigiit ng ilang nangangaral ng doktrina ng predestinasyon na ang sagot ay oo. Gayunman, ang ideyang iyan ay aktuwal na nagpapababa sa karunungan ni Jehova, sapagkat nagpapahiwatig ito na hindi niya kayang kontrolin ang kaniyang kakayahang tumingin sa kinabukasan. Upang ipaghalimbawa: Kung ikaw ay may isang tinig sa pagawitnawalangkatuladsaganda,walakanabangibanggagawin kundi ang umawit na lamang nang umawit? Kakatwa naman ang ideyang iyan! Gayundin, may kakayahan si Jehova na patiunang alamin ang kinabukasan, subalit hindi niya ito palaging ginagamit. Ang paggawa nito ay masasabing panghihimasok sa ating malayang pagpapasiya, isang mahalagang kaloob na hindi babawiin ni Jehova kailanman. Deuteronomio 30:19, Masahol pa, ang mismong ideya ng predestinasyon ay nagpapahiwatig na ang karunungan ni Jehova ay walang malasakit, walang pag-ibig, walang empatiya, o walang pagkahabag. Subalit hindinghindi ito totoo! Itinuturo sa Bibliya na si Jehova ay marunong sa puso. (Job 9:4) Hindi naman sa siya y may literal na puso, subalit palaging ginagamit sa Bibliya ang terminong iyan may kaugnayan sa kalooban, lakip na ang mga motibo at mga damdamin, gaya ng pag-ibig. Kaya ang karunungan ni Jehova, gaya ng iba pa niyang mga katangian, ay inuugitan ng pag-ibig. 1 Juan 4:8. 23 Natural lamang, ang karunungan ni Jehova ay ganap na mapagkakatiwalaan. Napakalaki ng kahigitan nito sa ating sariling karunungan anupat maibiging hinihimok tayo ng Salita ng Diyos: Magtiwala ka kay Jehova nang iyong buong puso at huwag kang manalig sa iyong sariling pagkaunawa. Sa lahat ng iyong mga lakad ay isaalang-alang mo siya, at siya mismo ang magtutuwid ng iyong mga landas. (Kawikaan 3:5, 6) Saliksikin natin ngayon ang karunungan ni Jehova upang tayo y lalong m apalap ıt sa ating Diyos na pinakamarunong sa lahat. 21, 22. (a) Bakit walang batayan ang pagsasabing patiuna nang nakita ni Jehova ang lahat ng gagawin mong pagpapasiya sa iyong buhay? Ipaghalimbawa. (b) Paano natin nalalaman na ang karunungan ni Jehova ay hindi walang malasakit o walang empatiya? 23. Ang kahigitan ng karunungan ni Jehova ay dapat magpakilos sa atin na gawin ang ano?

181 K A B A N A T A 1 8 Karunungan sa Salita ng Diyos NATATANDAAN mo ba nang huling tumanggap ka ng liham mula sa isang minamahal na nakatira sa malayo? May ilang bagay na nagpapalugod sa atin na gaya ng isang taos-pusong liham mula sa isang pinakamamahal. Tuwang-tuwa tayong makabalita tungkol sa kaniyang kapakanan, sa kaniyang mga karanasan, at sa kaniyang mga plano. Ang gayong pakikipagtalastasan ay lalong nagp apalap ıt sa ating mga minamahal, kahit na sila y nasa malayo sa pisikal. 2 Kung gayon, ano pa kaya ang makapagpapalugod sa atin kaysa sa pagtanggap ng isang nakasulat na mensahe mula sa ating iniibig na Diyos? Sa diwa, si Jehova ay sumulat sa atin ng isang liham ang kaniyang Salita, ang Bibliya. Dito ay sinasabi niya sa atin kung sino siya, kung ano ang nagawa na niya, kung ano ang layunin niyang gawin, at marami pa. Ibinigay ni Jehova sa atin ang kaniyang Salita sapagkat nais niyang m apalap ıt tayo sa kaniya. Pinili ng ating Diyos na marunong sa lahat ang pinakamainam na paraan upang makipagtalastasan sa atin. Walang katulad ang karunungan sa paraan ng pagkakasulat sa Bibliya at sa nilalaman nito. Bakit Isang Nasusulat na Salita? 3 Baka magtanong ang ilan, Bakit kaya hindi gumamit si Jehova ng isang mas madulang paraan halimbawa, isang tinig mula sa langit upang makipagtalastasan sa mga tao? Ang totoo, may mgapagkakataonnatalagangnagsalitasijehovamulasalangitsa pamamagitan ng mga kinatawang anghel. Halimbawa, ginawa niya ito, nang ibigay niya ang Kautusan sa Israel. (Galacia 3:19) Ang tinig mula sa langit ay nakapangingilabot anupat nakiusap ang nahintakutang mga Israelita na huwag nang makipag-usap si Jehova sa kanila sa gayong paraan kundi makipagtalastasan na lamang siya sa pamamagitan ni Moises. (Exodo 20:18-20) Kaya naman ang Kautusan, na binubuo ng mga 600 batas, ay ibinigay kay Moises nang bibigan, salita-por-salita. 1, 2. Anong liham ang isinulat sa atin ni Jehova, at bakit? 3. Sa anong paraan ibinigay ni Jehova ang Kautusan kay Moises?

182

183 KARUNUNGAN SA SALITA NG DIYOS Ano kaya kung ang Kautusang iyan ay hindi kailanman naisulat? Matatandaan kaya ni Moises ang eksaktong pananalita ng detalyadong kodigong iyan at maipararating ito nang walang mali sa iba pa sa bansa? Kumusta naman kaya ang susunod na mga henerasyon? Makaaasa kaya sila sa basta salita lamang? Iyan ay hindi isang maaasahang paraan ng paghahatid ng mga kautusan ng Diyos. Isipisipin ang maaaring mangyari kung ikaw ay magkukuwento sa mga tao na nasa mahabang linya sa pamamagitan ng pagsasabi muna nito sa nasa unahan at pagkatapos ay sasabihin naman ito sa sumunod sa kaniya hanggang sa makarating sa hulihan ng linya. Malamang na ang maririnig ng taong nasa dulo ng linya ay ibang-iba na sa sinabi sa pasimula. Ang mga salita ng Kautusan ng Diyos ay hindi napalagay sa gayong panganib. 5 Buong-karunungang minabuti ni Jehova na ipasulat ang kaniyang mga salita. Nagtagubilin siya kay Moises: Isulat mo sa ganang iyo ang mga salitang ito, sapagkat makikipagtipan ako sa iyo at sa Israel ayon sa mga salitang ito. (Exodo 34:27) Ganiyan nagsimula ang panahon ng pagsulat sa Bibliya, noong 1513 B.C.E. Nang sumunod na 1,610 taon, si Jehova ay nagsalita sa maraming pagkakataon at sa maraming paraan sa mga 40 tao na sumulat noon ng Bibliya. (Hebreo 1:1) Sa loob ng panahong iyon, ang mga debotong tagakopya ay buong-ingat na gumawa ng eksaktong mga kopya upang mapangalagaan ang Kasulatan. Ezra 7:6; Awit 45:1. 6 Talaga ngang pinagpala tayo ni Jehova sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan sa atin sa sulat. Nakatanggap ka na ba ng isang liham na napakahalaga sa iyo marahil dahil sa ito y nagbibigay ng kinakailangang kaaliwan anupat itinago mo ito at paulit-ulit na binabasa? Gayundin ang liham ni Jehova sa atin. Palibhasa y ipinasulat ni Jehova ang kaniyang mga salita, nababasa natin ang mga ito nang regular at nabubulay-bulay ang mga sinasabi nito. (Awit 1:2) Natatanggap natin ang kaaliwan mula sa Kasulatan kailanma t kailanganin natin ito. Roma 15:4. 4. Ipaliwanag kung bakit ang basta salita lamang ay isang di-maaasahang paraan ng paghahatid ng mga kautusan ng Diyos. 5, 6. Ano ang itinagubilin ni Jehova kay Moises na gawin sa Kaniyang mga salita, at bakit isang pagpapala para sa atin na ang Salita ni Jehova ay nakasulat? Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos

184 182 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Bakit Kaya mga Tao ang Tagasulat? 7 Dahil sa kaniyang karunungan, gumamit si Jehova ng mga tao upang isulat ang kaniyang Salita. Isaalang-alang ito: Kung ang ginamit ni Jehova ay mga anghel upang isulat ang Bibliya, magkakaroon kaya ito ng katulad na pang-akit? Totoo nga t mailalarawan ng mga anghel si Jehova mula sa kanilang matayog na pangmalas, maipahahayag ang kanilang sariling debosyon sa kaniya, at makapaguulat sa tapat na mga taong lingkod ng Diyos. Subalit mauunawaan kaya natin ang pananaw ng mga sakdal na espiritung nilalang, na ang kaalaman, karanasan, at kalakasan ay lubhang nakahihigit kaysasaatingtaglay? Hebreo2:6,7. 8 Sa kaniyang paggamit ng mga taong tagasulat, ibinigay ni Jehova ang talagang kailangan natin isang ulat na kinasihan ng Diyos ngunit naroroon pa rin ang katangian ng tao. (2 Timoteo 3:16) Paano kaya niya ito nagawa? Sa maraming pagkakataon, lumilitaw na hinayaan niyang gamitin ng mga tagasulat ang kanilang sariling kakayahan ng pag-iisip sa pagpili ng nakalulugod na mga salita at makasulat ng wastong mga salita ng katotohanan. (Eclesiastes 12:10, 11) Ito ang dahilan ng pagkakaiba-iba ng istilo ng Bibliya; ang mga sulat ay nagpapamalas ng pinagmulan at personalidad ng bawat sumulat. Gayunman, ang mga taong ito ay nagsalita mula sa Diyos habang ginagabayan sila ng banal na espiritu. (2 Pedro 1:21) Kaya naman, ang produkto ay tunay na ang salita ng Diyos. 1 Tesalonica 2:13. 9 Ang paggamit ng mga taong tagasulat ay nagbibigay sa Bibliya ng pambihirang puwersa at pang-akit. Ang mga tagasulat nito y mga taong may damdaming gaya ng sa atin. Palibhasa y di- Halimbawa, si David, na isang pastol, ay gumamit ng mga halimbawang kinuha sa buhay ng isang pastol. (Awit 23) Si Mateo, na naging maniningil ng buwis, ay gumawa ng maraming pagtukoy sa mga numero at mga halaga ng salapi. (Mateo 17:27; 26:15; 27:3) Si Lucas, na isang doktor, ay gumamit ng mga salitang nagpapakita na siya y may karanasan sa medisina. Lucas 4:38; 14:2; 16: Paano nakikita ang karunungan ni Jehova sa kaniyang paggamit ng mga taong tagasulat? 8. Sa anong paraan hinayaan na gamitin ng mga tagasulat ng Bibliya ang kanilang sariling kakayahan ng pag-iisip? (Tingnan din ang talababa.) 9, 10. Bakit ang paggamit sa mga taong tagasulat ay nakaragdag sa puwersa at pang-akit ng Bibliya?

185 KARUNUNGAN SA SALITA NG DIYOS 183 sakdal, sila y napaharap sa mga pagsubok at panggigipit na katulad ng sa atin. Sa ilang pagkakataon, kinasihan sila ng espiritu ni Jehova upang isulat ang tungkol sa kanilang sariling damdamin at mga pagpupunyagi. (2 Corinto 12:7-10) Kaya isinulat nila ang mga salita sa unang panauhan, mga salitang hindi maipahahayag ng sinumang anghel. 10 Halimbawa, isaalang-alang si Haring David ng Israel. Matapos siyang makagawa ng ilang malulubhang kasalanan, kumatha si David ng isang awit na doo y ibinulalas niya ang laman ng kaniyang puso, na nakikiusap na siya y patawarin ng Diyos. Sumulat siya: Linisin mo ako mula sa aking kasalanan. Sapagkat alam ko ang aking mga pagsalansang, at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko. Narito! Sa kamalian ay iniluwal ako na may mga kirot ng panganganak, at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina. Huwag mo akong itaboy mula sa iyong harapan; at ang iyong banal na espiritu ay huwag mo sanang alisin sa akin. Ang mga hain sa Diyos ay isang wasak na espiritu; ang pusong wasak at durog, O Diyos, ay hindi mo hahamakin. (Awit 51:2, 3, 5, 11, 17) Hindi mo ba nadarama ang paghihirap ng sumulat? Sino pa nga ba bukod sa isang disakdal na tao ang makapagpapahayag ng gayong taimtim na damdamin? BakitIsangAklatTungkolsamgaTao? 11 May isa pang bagay na nakaragdag sa pang-akit ng Bibliya. Sa kalakhang bahagi, ito y isang aklat tungkol sa mga tao tunay na mga tao yaong naglilingkod sa Diyos at yaong hindi naglilingkod sa kaniya. Nababasa natin ang kanilang mga karanasan, paghihirap, at kagalakan. Nakikita natin ang kinalabasan ng kanilang ginawang pagpapasiya sa kanilang buhay. Ang gayong mga ulat ay inilakip sa ating ikatututo. (Roma 15:4) Sa pamamagitan ng mga halimbawang ito sa tunay na buhay, nagtuturo si Jehova sa mga paraang tumatagos sa ating puso. Isaalang-alang ang ilang halimbawa. 12 Ang Bibliya ay nagsasabi tungkol sa di-tapat, balakyot pa ngang mga tao at kung ano ang sinapit nila. Sa mga ulat na ito, ipinakiki- 11. Anong uri ng mga halimbawa sa tunay na buhay ang inilakip sa Bibliya sa ating ikatututo? 12. Ang mga ulat sa Bibliya tungkol sa di-tapat na mga tao ay tumutulong sa atin sa anong paraan?

186 184 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA ta ng kanilang mga gawa ang di-kanais-nais na mga kalidad, anupat madali tuloy natin itong nauunawaan. Halimbawa, ano pa kayang utos laban sa di-katapatan ang higit pang mabisa kaysa sa buh ay na halimbawa ng kalidad na ito na taglay ni Judas habang isinasagawa niya ang kaniyang maitim na balak laban kay Jesus? (Mateo 26:14-16, 46-50; 27:3-10) Ang mga ulat na gaya nito ay mas mabisang tumitimo sa ating puso, anupat tinutulungan tayong makita at itakwil ang nakasusuklam na pag-uugali. 13 Inilalarawan din ng Bibliya ang maraming tapat na mga lingkod ng Diyos. Nababasa natin ang hinggil sa kanilang debosyon at pagkamatapat. Nakikita natin ang buh ay na mga halimbawa ng mga katangiang kailangan nating linangin upang m apalap ıt sa Diyos. Kuning halimbawa ang pananampalataya. Binibigyang-kahulugan ng Bibliya ang pananampalataya at sinasabi sa atin kung gaano ito kahalaga sa pagpapalugod sa Diyos. (Hebreo 11:1, 6) Subalit ang Bibliya ay naglalaman din ng matitingkad na halimbawa ng pagsasagawa ng pananampalataya. Isipin na lamang ang pananampalatayang ipinakita ni Abraham nang tangkain niyang ihandog si Isaac. (Genesis, kabanata 22; Hebreo 11:17-19) Sa pamamagitan ng mga ulat na ito, ang salitang pananampalataya ay nagpapahiwatig ng karagdagang kahulugan at nagiging madaling maunawaan. Isang karunungan nga na hindi lamang tayo pinapayuhan ni Jehova na maglinang ng kanais-nais na mga katangian kundi naglalaan din siya ng mga halimbawa ng mga ito sa tunay na buhay! 14 Ang mga salaysay sa tunay na buhay na masusumpungan sa Bibliya ay kadalasang nagtuturo sa atin ng isang bagay tungkol sa kung anong uri ng persona si Jehova. Isaalang-alang ang nabasa natin tungkol sa isang babaing nakita ni Jesus sa templo. Habang nakaupong malapit sa mga kabang yaman, si Jesus ay nagmamasid habang ang mga tao ay naghuhulog ng kanilang mga kontribusyon. Maraming mayayaman ang dumarating at nagbibigay mula sa kanilang labis. Subalit napatitig si Jesus sa dukhang babaing balo. Ang kaniyang kaloob ay dalawang maliit na barya na may na- 13. Sa anong paraan tinutulungan tayo ng Bibliya na maunawaan ang kanaisnais na mga katangian? 14, 15. Ano ang sinasabi sa atin ng Bibliya tungkol sa isang babae na dumating sa templo, at ano ang natututuhan natin tungkol kay Jehova mula sa salaysay na ito?

187 KARUNUNGAN SA SALITA NG DIYOS 185 pakaliit na halaga. Iyon na lamang ang natitira niyang salapi. Si Jesus, na ganap na larawan ng pangmalas ni Jehova sa mga bagaybagay, ay nagsabi: Ang dukhang babaing balo na ito ay naghulog ng higit kaysa sa lahat niyaong mga naghuhulog ng salapi sa mga kabang-yaman. Ayon sa mga salitang iyon, naghulog siya ng higit kaysa sa sama-samang inihulog ng lahat ng iba pa. Marcos 12:41-44;Lucas21:1-4;Juan8: Hindi ba makahulugan na sa lahat ng taong dumating sa templo nang araw na iyon, ang babaing balong ito pa ang napili at binanggit sa Bibliya? Sa halimbawang ito, itinuturo sa atin ni Jehova na siya y isang mapagpahalagang Diyos. Nalulugod siyang tanggapin ang ating buong-kaluluwang mga kaloob, gaano man kaliit ito kung ihahambing sa naibibigay ng iba. Tiyak ngang nasumpungan ni Jehova ang pinakamahusay na paraan upang maituro sa atin ang nakapagpapasiglang katotohanang ito! Kung Ano ang Hindi Inilakip sa Bibliya 16 Kapag ikaw ay sumusulat ng liham sa isang minamahal, limitado lamang ang iyong masasabi. Kaya naman ikaw ang nagpapasiya kung ano ang nais mong isulat. Gayundin naman, pinili ni Jehova na banggitin ang ilang indibiduwal at mga pangyayari sa kaniyang Salita. Subalit sa naglalarawang mga ulat, hindi palaging nililiwanag ng Bibliya ang lahat ng detalye. (Juan 21:25) Halimbawa, nang sabihin ng Bibliya ang tungkol sa paghatol ng Diyos, maaaring hindi masagot ng inilaang impormasyon ang lahat ng tanong natin. Ang karunungan ni Jehova ay nakikita kahit doon sa mga pinili niyang huwag ilakip sa kaniyang Salita. Paano nagkagayon? 17 Ang paraan ng pagkakasulat sa Bibliya ay nagsisilbing pagsubok sa kung ano ang laman ng ating puso. Ang Hebreo 4:12 ay nagsasabi: Ang salita [o, mensahe] ng Diyos ay buh ay at may lakas at mas matalas kaysa sa anumang tabak na may dalawang talim at tumatagos maging hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu Bawat isa sa mga baryang ito ay isang lepta, ang pinakamaliit na baryang Judio na ginagamit noong panahong iyon. Ang dalawang lepta ay katumbas ng 1/64 ng isang araw na sahod. Ang dalawang baryang ito ay kulang pa nga para makabili ng isang maya, ang pinakamurang ibon na kinakain ng mahihirap. 16, 17. Paano nakikita ang karunungan ni Jehova kahit doon sa mga pinili niyang huwag ilakip sa kaniyang Salita?

188 186 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA... at may kakayahang umunawa ng mga kaisipan at mga intensiyon ng puso. Ang mensahe ng Bibliya ay tumatagos nang malalim, anupat isinisiwalat ang ating tunay na iniisip at mga hangarin. Ang mga bumabasa nito na may pusong mapamintas ay madalas na natitisod sa mga ulat na walang sapat na impormasyon upang masiyahan sila. Baka kuwestiyunin pa nga ng gayong mga tao kung si Jehova ay talagang maibigin, marunong, at makatuwiran. 18 Kabaligtaran naman, kapag maingat nating pinag-aaralan ang Bibliya taglay ang taimtim na puso, natututo tayo tungkol kay Jehova mula sa konteksto na doo y ipinakikilala siya sa Bibliya sa kabuuan nito. Dahil dito, hindi tayo nababalisa kapag sa isang partikular na ulat ay may bumangong ilang tanong at hindi natin makita ang kagyat na sagot. Bilang paghahalimbawa: Kapag bumubuo tayo ng isang malaking puzzle, maaaring hindi muna natin makita ang isang partikular na piraso o hindi natin makita kung paano iaakma ang isang piraso. Gayunman, baka sapat na ang mga pirasong nabuo natin upang mapag-unawa kung ano ang magiging hitsura nito kapag nakumpleto na ang larawan. Sa katulad na paraan, kapag nag-aaral tayo ng Bibliya, untiunti nating natututuhan kung anong uri ng Diyos si Jehova, at lumilitaw ang isang tiyak na larawan. Kahit sa pasimula y hindi natin maunawaan ang isang ulat o makita kung paano ito umaakma sa personalidad ng Diyos, labis-labis na ang naituturo sa atin ng Bibliya tungkol kay Jehova upang makita natin na walangpagsalang siya y isang maibigin, makatuwiran, at makatarungang Diyos. 19 Kung gayon, upang maunawaan ang Salita ng Diyos, dapat natin itong basahin at pag-aralan taglay ang taimtim na puso at buk as na isip. Hindi ba t ito y katibayan ng dakilang karunungan ni Jehova? Ang matatalinong tao ay nakasusulat ng mga aklat na marurunong at matatalino lamang ang nakauunawa. Subalit ang makagawa ng isang aklat na mauunawaan lamang niyaong may tamang motibo ng puso kailangan diyan ang karunungan ng Diyos! Mateo 11:25. 18, 19. (a) Bakit hindi tayo dapat na mabalisa kapag ang isang partikular na ulat sa Bibliya ay nagbabangon ng mga tanong at hindi natin makita ang kagyat na sagot? (b) Ano ang kailangan upang maunawaan ang Salita ng Diyos, at paanong ito y katibayan ng dakilang karunungan ni Jehova?

189 KARUNUNGAN SA SALITA NG DIYOS 187 Isang Aklat ng Praktikal na Karunungan 20 Sa kaniyang Salita, sinasabi sa atin ni Jehova ang pinakamahusay na paraan ng pamumuhay. Bilang ating Maylalang, mas alam niya kaysa sa atin ang mga pangangailangan natin. At ang pangunahing mga pangangailangan ng tao pati na ang paghahangad na makasumpong ng pag-ibig, kaligayahan, at matagumpay na pagsasamahan ay gayon pa rin. Ang Bibliya ay naglalaman ng saganang praktikal na karunungan na tutulong sa atin upang magkaroon ng makabuluhang buhay. (Kawikaan 2:7) Ang bawat seksiyon ng pantulong na ito sa pag-aaral ay naglalaman ng isang kabanata na nagpapakita kung paano natin maikakapit ang matalinong payo ng Bibliya, subalit isasaalang-alang natin dito ang isang halimbawa lamang. 21 Napapansin mo ba na madalas na ang mga taong nagtatanim ng sama ng loob at nagkikimkim ng matinding hinanakit ang siya mismong napipinsala sa dakong huli? Ang matinding hinanakit ay isang mabigat na pasaning dinadala sa ating buhay. Kapag ito y kinikimkim natin, inaabala nito ang ating isip, inaagaw ang ating kapayapaan, at pinipigil ang ating kagalakan. Ipinahihiwatig ng mga pagaaral sa siyensiya na ang pagtatanim ng galit ay makadaragdag ng panganib na tayo y magkasakit sa puso at maraming iba pang nagtatagal na karamdaman. Matagal pa bago ang mga pag-aaral na ito sa siyensiya, ang Bibliya ay matalinong nagsabi: Iwasan mo ang galit at iwanan mo ang pagngangalit. (Awit 37:8) Subalit paano natin ito magagawa? 22 Ibinibigay ng Salita ng Diyos ang matalinong payong ito: Ang kaunawaan ng tao ay tunay na nagpapabagal ng kaniyang galit, at kagandahan sa ganang kaniya na palampasin ang pagsalansang. (Kawikaan 19:11) Ang kaunawaan ay ang kakayahang makita ang nasa ilalim at matanaw ang nasa likod ng mga bagay na madaling makita. Pinauunlad ng kaunawaan ang unawa, sapagkat natutulungan tayo nito na mapag-unawa kung bakit gayon ang sinabi o iginawi ng ibang tao. Ang pagsisikap na maunawaan ang kaniyang tunay na motibo, damdamin, at kalagayan ay maaaring makatulong sa atin na alisin ang negatibong pag-iisip at saloobin tungkol sa kaniya. 23 Ang Bibliya ay naglalaman pa ng ganitong payo: Patuloy 20. Bakit si Jehova lamang ang makapagsasabi sa atin ng pinakamainam na paraan ng pamumuhay, at ano ang nilalaman ng Bibliya na makatutulong sa atin? Anong matalinong payo ang makatutulong sa atin upang huwag magkimkim ng galit at hinanakit?

190 188 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Kawikaan 2:1-6 Anong pagsisikap ang kailangan upang matamo ang karunungang masusumpungan sa Salita ng Diyos? Kawikaan 2:10-22 Sa anong mga paraan makikinabang tayo sa pamumuhay ayon sa matalinong payo sa Bibliya? Roma 7:15-25 Paano inilalarawan ng talatang ito ang karunungan ng paggamit sa mga tao upang isulat ang Salita ng Diyos? 1Corinto10:6-12Ano ang matututuhan natin mula sa mga babalang halimbawa sa Bibliya na nagsasangkot sa Israel? ninyong pagtiisan ang isa t isa at lubusang patawarin ang isa t isa. (Colosas 3:13) Ang pananalitang patuloy ninyong pagtiisan ang isa t isa ay nagpapahiwatig ng pagiging matiisin sa iba, anupat hindi na lamang pinapansin ang mga ugaling marahil ay kinaiinisan natin. Ang gayong pagtitimpi ay makatutulong sa atin upang huwag magtanim ng sama ng loob hinggil sa maliliit na bagay. Ang pagpapatawad ay nagpapahiwatig ng ideya ng pagwawaksi ng hinanakit. Alam ng ating marunong na Diyos na kailangang patawarin natin ang iba kapag may mabuting dahilan para gawin iyon. Hindi lamang ito para sa kanilang kapakinabangan kundi para rin sa ating sariling kapayapaan ng isip at puso. (Lucas 17:3, 4) Kaylalim nga ng karunungang nasusumpungan sa Salita ng Diyos! 24 Dahil sa kaniyang pag-ibig na walang hanggan, ninais ni Jehova na makipagtalastasan sa atin. Pumili siya ng pinakamainam na paraan isang liham na isinulat ng mga tao sa ilalim ng patnubay ng banal na espiritu. Bilang resulta, ang sariling karunungan ni Jehova ay nasusumpungan sa mga pahina nito. Ang karunungang ito ay lubhang mapagkakatiwalaan. (Awit 93:5) Habang iniaayon natin dito ang ating buhay at habang ibinabahagi natin ito sa iba, tayo y likas na n apapalap ıt sa ating Diyos na marunong sa lahat. Sa susunod na kabanata, tatalakayin natin ang isa pang pambihirang halimbawa ng napakalawak na karunungan ni Jehova: ang kaniyang kakayahang hulaan ang mangyayari sa hinaharap at tuparin ang kaniyang layunin. 24. Ano ang nagiging resulta kapag iniaayon natin ang ating buhay sa karunungan ng Diyos?

191 K A B A N A T A 1 9 Karunungan ng Diyos sa Isang Sagradong Lihim LIHIM! Dahil sa ang mga ito y nakaiintriga, nakaaakit, at nakalilito, karaniwan nang nahihirapan ang mga tao na itago ang mga ito. Gayunman, ang Bibliya ay nagsasabi: Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ang paglilihim ng isang bagay. (Kawikaan 25:2) Oo, bilang Soberanong Tagapamahala at Maylalang, may karapatan si Jehova na paglihiman ng ilang bagay ang sangkatauhan hanggang sa dumating ang kaniyang itinakdang panahon para isiwalat ang mga ito. 2 Gayunman, may isang nakaaakit at nakaiintrigang lihim na isiniwalat na ni Jehova sa kaniyang Salita. Ito y tinatawag na sagradong lihim ng kalooban [ng Diyos]. (Efeso 1:9) Ang pagkaalam ng tungkol dito ay hindi lamang basta para masapatan ang iyong pag-uusisa. Ang pagkaalam sa lihim na ito ay makaaakay tungo sa kaligtasan at makapagbibigay sa iyo ng ilang kaunawaan tungkol sa di-maarok na karunungan ni Jehova. Baitang-Baitang na Isinisiwalat 3 Nang magkasala sina Adan at Eva, sa wari y nabigo na ang layunin ni Jehova na magkaroon ng isang paraiso sa lupa na tinatahanan ng sakdal na mga tao. Subalit agad na nilutas ng Diyos ang problema. Sinabi niya: Maglalagay ako ng alitan sa pagitan mo [ang serpiyente] at ng babae at sa pagitan ng iyong binhi at ng kaniyang binhi. Siya ang susugat sa iyo sa ulo at ikaw ang susugat sa kaniya sa sakong. Genesis 3:15. 4 Ito y isang palaisipan at mahiwagang pananalita. Sino ang babaing ito? Sino ang serpiyente? Sino ang binhi na susugat sa ulo ng serpiyente? Walang nagawa sina Adan at Eva kundi ang manghula. Gayunpaman, ang mga salita ng Diyos ay nagbibigay ng pag-asa sa sinumang magiging tapat na supling ng di-tapat 1, 2. Anong sagradong lihim ang dapat makatawag ng ating interes, at bakit? 3, 4. Paano nagbibigay ng pag-asa ang hula na nakaulat sa Genesis 3:15, at anong hiwaga, o sagradong lihim, ang saklaw nito?

192

193 KARUNUNGAN NG DIYOS SA ISANG SAGRADONG LIHIM 191 na mag-asawang iyon. Magtatagumpay ang katuwiran. Matutupad ang layunin ni Jehova. Subalit paano? A, iyan ay isang hiwaga! Tinatawag iyan sa Bibliya na karunungan ng Diyos sa isang sagradong lihim, ang nakatagong karunungan. 1 Corinto 2:7. 5 Bilang Tagapagsiwalat ng mga lihim, sa dakong huli ay isisiwalat ni Jehova ang kaugnay na mga detalye hinggil sa pagsasakatuparan ng lihim na ito. (Daniel 2:28) Subalit gagawin niya ito nang unti-unti at baitang-baitang. Bilang paghahalimbawa, marahil ay iniisip natin kung paano sumasagot ang isang mapagmahal na ama kapag ang kaniyang maliit na anak ay nagtatanong, Itay, saan po ba ako galing? Ang impormasyong ibibigay ng isang marunong na ama ay yaon lamang mauunawaan ng maliit na batang iyon. Habang lumalaki ang bata, dinaragdagan ng ama ang sinasabi nito sa kaniya. Sa katulad na paraan, alam ni Jehova kung handa na ang kaniyang bayan para sa mga kapahayagan ng kaniyang kalooban at layunin. Kawikaan 4:18; Daniel 12:4. 6 Paano ginawa ni Jehova ang gayong mga kapahayagan? Gumamit siya ng sunud-sunod na mga tipan, o kontrata, upang isiwalat ang maraming detalye. Malamang, may pagkakataon na pumirma ka na rin sa isang uri ng kontrata marahil upang bumili ng bahay o umutang o magpautang ng pera. Ang gayong kontrata ay nagbibigay ng isang legal na garantiya na tutuparin ang mga napagkasunduan. Subalit bakit pa kakailanganin ni Jehova na gumawa ng pormal na mga tipan, o kontrata, sa mga tao? Tiyak na ang kaniyang salita ay sapat nang garantiya sa kaniyang mga pangako. Totoo iyan, subalit, sa maraming pagkakataon, may-kabaitang pinagtibay ng Diyos ang kaniyang salita sa pamamagitan ng legal na mga kontrata. Ang matitibay na kasunduang ito ay nagbibigay sa atin bilang di-sakdal na mga tao ng lalo pang matatag na saligan para magtiwala sa mga pangako ni Jehova. Hebreo 6: Ipaghalimbawa kung bakit baitang-baitang ang pagsisiwalat ni Jehova sa kaniyang lihim. 6. (a) Para sa anong layunin ang isang tipan, o kontrata? (b) Bakit kahangahanganasijehovapaangmagsisimulangpakikipagtipansamgatao? Pararamihin ko ang iyong binhi tulad ng mga bituin sa langit

194 192 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Ang Tipan kay Abraham 7 Mahigit na dalawang libong taon matapos na palayasin ang tao mula sa Paraiso, sinabi ni Jehova sa kaniyang tapat na lingkod na si Abraham: Tiyak na pararamihin ko ang iyong binhi tulad ng mga bituin sa langit... at sa pamamagitan ng iyong binhi ay tiyak na pagpapalain ng lahat ng bansa sa lupa ang kanilang sarili dahil pinakinggan mo ang aking tinig. (Genesis 22:17, 18) Higit pa ito sa isang pangako; binalangkas ito ni Jehova sa anyo ng isang tipang batas at sinuhayan ito ng kaniyang di-nasisirang sumpa. (Genesis 17:1, 2; Hebreo 6:13-15) Tunay ngang kahanga-hanga na ang Soberanong Panginoon pa ang aktuwal na nakipagkontrata na pagpapalain ang sangkatauhan! 8 Isiniwalat ng Abrahamikong tipan na ang ipinangakong Binhi ay darating bilang isang tao, yamang siya y magiging inapo ni Abraham. Subalit sino kaya siya? Sa kalaunan, isiniwalat ni Jehova na sa mga anak ni Abraham, si Isaac ang magiging ninuno ng Binhi. Sa dalawang anak ni Isaac, si Jacob ang pinili. (Genesis 21:12; 28:13, 14) Pagkaraan, binigkas ni Jacob ang makahulang pananalitang ito sa isa sa kaniyang 12 anak: Ang setro ay hindi lilihis mula kay Juda, ni ang baston ng kumandante mula sa pagitan ng kaniyang mga paa, hanggang sa dumating ang Shilo [ Siya na Nagmamay-ari Niyaon ]; at sa kaniya mauukol ang pagkamasunurin ng mga bayan. (Genesis 49:10) Noon nakilala na ang Binhi pala ay magiging hari, isa na nagmula kay Juda! Ang Tipan sa Israel 9 Noong 1513 B.C.E., si Jehova ay gumawa ng isang kaayusan na naghanda ng daan para sa higit pang mga kapahayagan tungkol sa sagradong lihim. Nakipagtipan siya sa mga inapo ni Abraham, ang bansang Israel. Bagaman wala na itong bisa sa ngayon, ang tipang ito ng Kautusang Mosaiko ay naging isang mahalagang bahagi sa layunin ni Jehova na pangyarihin ang pagdating ng ipinangakong 7, 8. (a) Anong tipan ang ginawa ni Jehova kay Abraham, na nagbibigay ng anong liwanag tungkol sa sagradong lihim? (b) Paano baitang-baitang na nilinaw ni Jehova ang hanay ng angkan ng ipinangakong Binhi? 9, 10. (a) Anong tipan ang ginawa ni Jehova sa bansang Israel, at anong proteksiyon ang inilaan ng tipang iyon? (b) Paano ipinakita ng Kautusan na kailangan ng sangkatauhan ang isang pantubos?

195 KARUNUNGAN NG DIYOS SA ISANG SAGRADONG LIHIM 193 Binhi. Paano? Isaalang-alang ang tatlong paraan. Una, ang Kautusan ay gaya ng isang pananggalang na pader noon. (Efeso 2:14) Ang matuwid na mga batas nito ay gumanap bilang isang halang sa pagitan ng Judio at ng Gentil. Sa gayon ay nakatulong ang Kautusan upang maingatan ang angkan ng ipinangakong Binhi. Pangunahin nang dahil sa gayong proteksiyon, ang bansa ay umiiral pa rin nang dumating ang itinakdang panahon ng Diyos upang isilang ang Mesiyas sa tribo ni Juda. 10 Ikalawa, lubusang ipinakita ng Kautusan na kailangan ng sangkatauhan ang isang pantubos. Bilang isang sakdal na Kautusan, inilantad nito ang kawalan ng kakayahan ng makasalanang mga tao na lubusang manghawakan dito. Sa gayon ay naging dahilan ito upang mahayag ang mga pagsalansang, hanggang sa dumating ang binhi na siyang pinangakuan. (Galacia 3:19) Sa pamamagitan ng inihahaing mga hayop, ang Kautusan ay naghandog ng pansamantalang pagbabayad-sala sa mga kasalanan. Subalit yamang, gaya ng isinulat ni Pablo, ang dugo ng mga toro at ng mga kambing ay hindi maaaring mag-alis ng mga kasalanan, ang mga haing ito ay naging larawan lamang ng haing pantubos ni Kristo. (Hebreo 10:1-4) Kung gayon, para sa mga tapat na Judio, ang tipang iyon ay naging isang tagapagturo na umaakay tungo kay Kristo. Galacia 3: Ikatlo, ang tipang iyan ay nag-alok ng isang maluwalhating pag-asa sa bansang Israel. Sinabi sa kanila ni Jehova na kung sila y magiging tapat sa tipan, sila y magiging isang kaharian ng mga saserdote at isang banal na bansa. (Exodo 19:5, 6) Ang likas na Israel nga nang maglaon ang naging unang mga miyembro ng makalangit na kaharian ng mga saserdote. Gayunman, sa kabuuan, ang Israel ay naghimagsik laban sa tipang Kautusan, tinanggihan ang Mesiyanikong Binhi, at nabigo sa pag-asang iyan. Kung gayon, sino kaya ang kukumpleto ng kaharian ng mga saserdote? At paano kaya magkakaroon ng kaugnayan ang pinagpalang bansang iyan sa ipinangakong Binhi? Ang mga aspektong iyan ng sagradong lihim ay isisiwalat sa itinakdang panahon ng Diyos. 11. Anong maluwalhating pag-asa ang ibinigay ng tipang Kautusan sa Israel, subalit bakit nabigo ang bansang iyon sa kabuuan?

196 194 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Ang Davidikong Tipan sa Kaharian 12 Noong ika-11 siglo B.C.E., higit pang niliwanag ni Jehova ang tungkol sa sagradong lihim nang gumawa siya ng isa pang tipan. Nangako siya sa tapat na si Haring David: Ibabangon ko nga ang iyong binhi na kasunod mo,... at itatatag ko nga nang matibay angkaniyangkaharian...itatatagkonganangmatibayangtrono ng kaniyang kaharian hanggang sa panahong walang takda. (2 Samuel 7:12, 13; Awit 89:3) Ang angkan ng ipinangakong Binhi ay naging limitado na lamang ngayon sa sambahayan ni David. Subalit magagawa kaya ng isang karaniwang tao na mamahala hanggang sa panahong walang takda? (Awit 89:20, 29, 34-36) At magagawa kaya ng isang taong hari na iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan? 13 Sa ilalim ng pagkasi, sumulat si David: Ang sinabi ni Jehova sa aking Panginoon ay: Umupo ka sa aking kanan hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway bilang tuntungan ng iyong mga paa. Si Jehova ay sumumpa (at hindi siya magsisisi): Ikaw ay isang saserdote hanggang sa panahong walang takda ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec! (Awit 110:1, 4) Ang mga salita ni David ay tuwirang kumapit sa ipinangakong Binhi, o Mesiyas. (Gawa 2:35, 36) Ang Haring ito ay mamamahala, hindi mula sa Jerusalem, kundi mula sa langit sa kanan ni Jehova. Magbibigay iyan sa kaniya ng awtoridad hindi lamang sa buong lupain ng Israel kundi sa buong lupa. (Awit 2:6-8) Mayroon pang isang bagay na isiniwalat dito. Pansinin na bumigkas si Jehova ng isang taimtim nasumpanaangmesiyasaymagiging isangsaserdote...ayonsa paraang gaya ng kay Melquisedec. Tulad ni Melquisedec, na naglingkod bilang haring-saserdote noong kapanahunan ni Abraham, ang darating na Binhi ay tatanggap ng tuwirang atas mula sa Diyos upang maglingkod bilang Hari at Saserdote! Genesis 14: Sa nagdaang mga taon, ginamit ni Jehova ang kaniyang mga propeta upang gumawa ng higit pang mga kapahayagan tungkol sa kaniyang sagradong lihim. Halimbawa, isiniwalat ni Isaias 12. Anong tipan ang ginawa ni Jehova kay David, at ano ang niliwanag nito tungkol sa sagradong lihim ng Diyos? 13, 14. (a) Ayon sa Awit 110, anong pangako ang ibinigay ni Jehova sa kaniyang pinahirang Hari? (b) Ano pang mga kapahayagan hinggil sa darating na Binhi ang ginawa sa pamamagitan ng mga propeta ni Jehova?

197 KARUNUNGAN NG DIYOS SA ISANG SAGRADONG LIHIM 195 na ang Binhi ay mamamatay sa isang mapagsakripisyong kamatayan. (Isaias 53:3-12) Inihula naman ni Mikas ang lugar ng kapanganakan ng Mesiyas. (Mikas 5:2) Inihula pa nga ni Daniel ang eksaktong panahon ng paglitaw at kamatayan ng Binhi. Daniel 9: Isiniwalat ang Sagradong Lihim! 15 Nanatiling isang hiwaga kung paano matutupad ang mga hulang ito hanggang sa aktuwal na lumitaw ang Binhi. Ang Galacia 4:4 ay nagsasabi: Nang dumating na ang hustong hangganan ng panahon, isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak, na isinilang ng isang babae. Noong ta ong 2 B.C.E., isang anghel ang nagsabi sa isang birheng Judio na nagngangalang Maria: Narito! ikaw ay maglilihi sa iyong bahay-bata at magsisilang ng isang anak na lalaki, at tatawagin mong Jesus ang pangalan nito. Ang isang ito ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan; at ibibigay sa kaniya ng Diyos na Jehova ang trono ni David na kaniyang ama...angbanalnaespirituaydaratingsaiyo,atangkapangyarihan ng Kataas-taasan ay lililim sa iyo. Sa dahilan ding iyan kung kaya ang ipanganganak ay tatawaging banal, Anak ng Diyos. Lucas 1: 31, 32, Nang maglaon, inilipat ni Jehova ang buhay ng kaniyang Anak mula sa langit tungo sa sinapupunan ni Maria, kung kaya siya y isinilang ng isang babae. Si Maria ay isang di-sakdal na babae. Gayunman, hindi nagmana si Jesus ng di-kasakdalan mula sa kaniya, sapagkat siya y Anak ng Diyos. Kasabay nito, ang mga taong magulang ni Jesus, bilang mga inapo ni David, ay naglaan sa Kaniya ng kapuwa likas at legal na mga karapatan ng isang tagapagmana ni David. (Gawa 13:22, 23) Nang bautismuhan si Jesus noong 29 C.E., pinahiran siya ni Jehova ng banal na espiritu at sinabi: Ito ang aking Anak, ang minamahal. (Mateo 3:16, 17) Sa wakas, dumating na rin ang Binhi! (Galacia 3:16) Panahon na upang isiwalat ang higit pa tungkol sa sagradong lihim. 2 Timoteo 1: Sa panahon ng kaniyang ministeryo, ipinakilala ni Jesus ang 15, 16. (a) Paanong ang Anak ni Jehova ay isinilang ng isang babae? (b) Ano ang minana ni Jesus sa kaniyang mga taong magulang, at kailan siya dumating bilang ang ipinangakong Binhi? 17. Paano niliwanag ang kahulugan ng Genesis 3:15?

198 196 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA serpiyente sa Genesis 3:15 bilang si Satanas at ang binhi ng serpiyente bilang mga kampon ni Satanas. (Mateo 23:33; Juan 8:44) Nang maglaon, isiniwalat kung paanong ang lahat ng mga ito ay dudurugin magpakailanman. (Apocalipsis 20:1-3, 10, 15) At ang babae ay nakilala bilang ang Jerusalem sa itaas, ang makalangit at tulad-asawang organisasyon ni Jehova ng espiritung mga nilalang. Galacia 4:26; Apocalipsis 12:1-6. AngBagongTipan 18 Marahil ang pinakamatinding kapahayagan sa lahat ay naganap noong gabing bago mamatay si Jesus nang sabihin niya sa kaniyang tapat na mga alagad ang tungkol sa bagong tipan. (Lucas 22:20) Gaya ng hinalinhan nito, ang tipan ng Kautusang Mosaiko, ang bagong tipang ito ay magluluwal ng isang kaharian ng mga saserdote. (Exodo 19:6; 1 Pedro 2:9) Gayunman, ang tipang ito ay magtatatag, hindi ng isang likas na bansa, kundi yaong espirituwal, ang Israel ng Diyos, na binubuo lamang ng tapat na pinahirang mga tagasunod ni Kristo. (Galacia 6:16) Ang mga kabilang na ito sa bagong tipan ay makakasama ni Jesus sa pagpapala sa lahi ng tao! 19 Ngunit bakit kaya nagtatagumpay ang bagong tipan sa pagluluwal ng isang kaharian ng mga saserdote upang pagpalain ang sangkatauhan? Sapagkat sa halip na hatulan ang mga alagad ni Kristo bilang mga makasalanan, naglaan ito ng pagpapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang hain. (Jeremias 31:31-34) Kapag tumanggap na sila ng isang malinis na katayuan sa harap ni Jehova, inaampon niya sila tungo sa kaniyang makalangit na pamilya at pinapahiran sila ng banal na espiritu. (Roma 8:15-17; 2 Corinto 1:21) Sa gayon ay nararanasan nila ang isang bagong pagsilang tungo sa isang buh ay na pag-asa... [na] Ang sagradong lihim ng makadiyos na debosyon ay isiniwalat din kay Jesus. (1 Timoteo 3:16) Napakatagal ding naging isang lihim, isang hiwaga, kung may sinuman nga na makapagpapanatili ng sakdal na katapatan kay Jehova. Si Jesus ang naging kasagutan. Nanatili siyang tapat sa ilalim ng lahat ng pagsubok na ipinaranas ni Satanas sa kaniya. Mateo 4:1-11; 27: Ano ang layunin ng bagong tipan? 19. (a) Bakit nagtatagumpay ang bagong tipan sa pagluluwal ng isang kaharian ng mga saserdote? (b) Bakit ang pinahirang mga Kristiyano ay tinatawag na isang bagong nilalang, at ilan ang maglilingkod sa mga langit kasama ni Kristo?

199 KARUNUNGAN NG DIYOS SA ISANG SAGRADONG LIHIM 197 nakataan sa langit. (1 Pedro 1:3, 4) Yamang ang gayong mataas na kalagayan ay lubusang bago sa mga tao, ang inianak-sa-espiritung pinahirang mga Kristiyano ay tinatawag na isang bagong nilalang. (2 Corinto 5:17) Isinisiwalat ng Bibliya na 144,000 ang sa dakong huli ay makikibahagi sa pamamahala mula sa langit sa tinubos na sangkatauhan. Apocalipsis 5:9, 10; 14: Bilang kasama ni Jesus, ang mga pinahirang ito ay nagiging binhi ni Abraham. (Galacia 3:29) Ang unang pinili ay mga likas na Judio. Subalit noong 36 C.E., isiniwalat ang isa pang aspekto ng sagradong lihim: Ang mga Gentil, o mga di-judio, ay makikibahagi rin sa makalangit na pag-asa. (Roma 9:6-8; 11:25, 26; Efeso 3: 5, 6) Ang mga pinahirang Kristiyano ba lamang ang magtatamasa ng mga pagpapalang ipinangako kay Abraham? Hindi, sapagkat sa hain ni Jesus ay makikinabang ang buong sanlibutan. (1 Juan 2:2) Nang maglaon, isiniwalat ni Jehova na isang di-mabilang na malaking pulutong ang makaliligtas sa wakas ng sistema ng mga bagay ni Satanas. (Apocalipsis 7:9, 14) Pagkarami-rami pa ang bubuhaying-muli taglay ang pag-asang mabuhay magpakailanman sa Paraiso! Lucas 23:43; Juan 5:28, 29; Apocalipsis 20:11-15; 21:3, 4. Ang Karunungan ng Diyos at ang Sagradong Lihim 21 Ang sagradong lihim ay isang kagila-gilalas na pagtatanghal ng malawak na pagkakasari-sari ng karunungan ng Diyos. (Efeso 3:8-10) Kaylalim ng karunungang itinanghal ni Jehova sa pagbalangkas ng lihim na ito at sa pagsisiwalat nito nang unti-unti! Buong-karunungan niyang isinaalang-alang ang mga limitasyon ng mga tao, anupat hinahayaan silang magpamalas ng tunay na kalagayan ng kanilang puso. Awit 103: Ipinakita rin ni Jehova ang walang-kapantay na karunungan sa kaniyang pagpili kay Jesus bilang Hari. Ang Anak ni Jehova ay Si Jesus ay nakipagtipan [din]... ukol sa isang kaharian sa grupo ring iyon. (Lucas 22:29, 30) Sa diwa, kinontrata ni Jesus ang munting kawan na ito para mamahalang kasama niya sa langit bilang pangalawahing bahagi ng binhi ni Abraham. Lucas 12: (a) Anong pagsisiwalat tungkol sa sagradong lihim ang ginawa noong 36 C.E.? (b) Sino ang magtatamasa ng mga pagpapalang ipinangako kay Abraham? 21, 22. Sa anong mga paraan itinatanghal ng sagradong lihim ni Jehova ang kaniyang karunungan?

200 198 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Juan 16:7-12 Paano tinularan ni Jesus ang paraan ng kaniyang Ama tungkol sa unti-unting pagsisiwalat ng katotohanan? 1 Corinto 2:6-16 Bakit marami ang hindi makaunawa sa sagradong mga lihim ni Jehova, at paano natin mauunawaan ang mga lihim na ito? Efeso 3:10 Anong pribilehiyo ang taglay ng mga Kristiyano sa ngayon may kaugnayan sa sagradong lihim ng Diyos? Hebreo 11:8-10 Paano napalakas ng sagradong lihim ang pananampalataya ng mga tao ng sinaunang panahon, bagaman ang mga detalye nito ay hindi pa nauunawaan noon? higit na mapagkakatiwalaan kaysa sa sinumang nilalang sa uniberso. Sa pamumuhay bilang isang tao na may dugo at laman, naranasan ni Jesus ang maraming uri ng kagipitan. Lubusan niyang nauunawaan ang mga problema ng tao. (Hebreo 5:7-9) At kumusta naman ang mga kasamang tagapamahala ni Jesus? Sa nagdaang mga siglo, kapuwa ang mga lalaki at mga babae na pinili mula sa lahat ng lahi, wika, at pinagmulan ay pinahiran. Talagang walang problema ang hindi naharap at napagtagumpayan ng mga indibiduwal na kabilang sa kanila. (Efeso 4:22-24) Tunay ngang ang pamumuhay sa ilalim ng pamamahala ng maawaing mga haringsaserdoteng ito ay isang kaluguran! 23 Sumulat si apostol Pablo: Ang sagradong lihim na itinago mula sa nakalipas na mga sistema ng mga bagay at mula sa nakaraang mga salinlahi... ay ginawa nang hayag sa kaniyang mga banal. (Colosas 1:26) Oo, marami nang bagay ang naunawaan ng pinahirang mga banal ni Jehova tungkol sa sagradong lihim, at naibahagi na nila ang kaalamang iyan sa milyun-milyon. Kaylaking pribilehiyo nga ang taglay nating lahat! Ipinaalam [ni Jehova] sa atin ang sagradong lihim ng kaniyang kalooban. (Efeso 1:9) Ibahagi natin ang kahanga-hangang lihim na ito sa iba, anupat tinutulungan silang suriin din ang di-maarok na karunungan ng Diyos na Jehova! 23. Anong pribilehiyo ang taglay ng mga Kristiyano may kaugnayan sa sagradong lihim ni Jehova?

201 K A B A N A T A 2 0 Marunong sa Puso Ngunit Mapagpakumbaba NAIS ng isang ama na ipaalam ang isang mahalagang leksiyon sa kaniyang maliit na anak. Gustung-gusto niyang maabot ang puso nito. Ano kayang paraan ang gagamitin niya? Siya kaya y maypagbabantang tatayo sa harap ng bata at gagamit ng masasakit na salita? O siya kaya ay yuyukong kapantay ng bata at magsasalita sa mahinahon at mapang-akit na paraan? Tiyak na pipiliin ng isang marunong at mapagpakumbabang ama ang mahinahong paraan. 2 Anong uri ng Ama si Jehova palalo o mapagpakumbaba, malupit o mahinahon? Si Jehova ang nakaaalam ng lahat at marunong sa lahat. Gayunman, napapansin mo ba na ang kaalaman at katalinuhan ay hindi palaging nagpapangyari sa mga tao na maging mapagpakumbaba? Gaya ng sabi sa Bibliya, ang kaalaman ay nakapagpapalalo. (1 Corinto 3:19; 8:1) Subalit si Jehova, bagaman marunong sa puso, ay mapagpakumbaba rin. (Job 9:4) Hindi naman dahil sa mababa ang posisyon niya sa anumang paraan o kaya y kulang siya sa karingalan, kundi dahil sa wala sa kaniya ang kapalaluan. Bakit nagkagayon? 3 Si Jehova ay banal. Kaya ang kapalaluan, isang kalidad na nagpaparungis, ay wala sa kaniya. (Marcos 7:20-22) Isa pa, pansinin ang sinabi ni propeta Jeremias kay Jehova: Walang pagsalang maaalaala ng iyong kaluluwa [ni Jehova mismo ] at yuyuko sa ibabaw ko. (Panaghoy 3:20) Akalain mo! Si Jehova, ang Soberanong Panginoon ng uniberso, ay handang yumuko, o magpakababa na kapantay ni Jeremias, upang bigyang-pabor ang di-sakdal na taong iyan. (Awit 113:7) Oo, si Jehova ay mapagpakumbaba. Subalit ano Pinalitan ng sinaunang mga eskriba, o Sopherim, ang talatang ito upang sabihin na si Jeremias ang yumuyuko at hindi si Jehova. Maliwanag na inisip nilang hindi angkop para sa Diyos ang gayong akto ng pagpapakumbaba. Bilang resulta, hindi tuloy naipalilitaw sa maraming salin ang punto ng magandang talatang ito. Gayunman, tamang-tama ang The New English Bible sa sinasabi ni Jeremias sa Diyos: Maalaala, O maalaala, at tumung osaakin Bakit tayo makatitiyak na si Jehova ay mapagpakumbaba?

202 200 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA ba ang nasasangkot sa makadiyos na pagpapakumbaba? Paano ito nauugnay sa karunungan? At bakit ito mahalaga sa atin? Kung Paano Napatunayang Mapagpakumbaba si Jehova 4 Ang kapakumbabaan ay kababaan ng pag-iisip, hindi arogante at hindi mapagmapuri. Bilang panloob na katangian ng puso, ang kapakumbabaan ay nakikita sa mga pag-uugaling gaya ng kahinahunan, pagtitiis, at pagkamakatuwiran. (Galacia 5:22, 23) Gayunman, hindi dapat ipagkamali kailanman ang makadiyos na mga katangiang ito sa kahinaan o karuwagan. Salungat ang mga ito sa matuwid na galit ni Jehova o sa kaniyang paggamit ng kapangyarihang pumuksa. Sa halip, sa pamamagitan ng kaniyang kapakumbabaan at kahinahunan, itinatanghal ni Jehova ang kaniyang dakilang lakas, ang kaniyang kakayahang magpigil ng sarili sa ganap na paraan. (Isaias 42:14) Paano nauugnay ang kapakumbabaan sa karunungan? Isang reperensiyang akda tungkol sa Bibliya ang nagsasabi: Ang kapakumbabaan sa wakas ay binigyang-kahulugan... may kinalaman sa pagiging di-makasarili at na ito y isang mahalagang 4, 5. (a) Ano ang kapakumbabaan, paano ito nakikita, at bakit hindi ito dapat ipagkamali sa kahinaan o karuwagan? (b) Paano ipinakita ni Jehova ang kapakumbabaan sa kaniyang pakikitungo kay David, at gaano kahalaga sa atin ang kapakumbabaan ni Jehova? Ang isang marunong na ama ay mapagpakumbaba at mahinahong nakikitungo sa kaniyang mga anak

203 MARUNONG SA PUSO NGUNIT MAPAGPAKUMBABA 201 ugat ng lahat ng karunungan. Kung gayon, hindi magkakaroon ng tunay na karunungan kung walang kapakumbabaan. Paano tayo nakikinabang sa kapakumbabaan ni Jehova? 5 Umawit si Haring David kay Jehova: Ibibigay mo sa akin ang iyong kalasag ng kaligtasan, at aalalayan ako ng iyong kanang kamay, at padadakilain ako ng iyong kapakumbabaan. (Awit 18:35) Sa diwa, si Jehova ay nagpakababa upang makitungo lamang sa disakdal na taong ito, anupat ipinagsasanggalang at inaalalayan siya araw-araw. Napagtanto ni David na upang siya y makaligtas at sa dakong huli ay makamit pa nga ang isang antas ng kadakilaan bilang isang hari ito y dahil lamang sa handa si Jehova na ibaba ang Kaniyang sarili sa paraang ito. Sino nga ba sa atin ang magkakaroon ng anumang pag-asa ng kaligtasan kung si Jehova ay hindi mapagpakumbaba, anupat handang ibaba ang sarili upang makitungo sa atin bilang isang mahinahon at maibiging Ama? 6 Mahalagang pansinin na may pagkakaiba ang kapakumbabaan at ang kahinhinan. Ang kahinhinan ay isang napakagandang katangiang dapat linangin ng tapat na mga tao. Gaya ng kapakumbabaan, ito y kaugnay ng karunungan. Halimbawa, ang Kawikaan 11:2 ay nagsasabi: Ang karunungan ay nasa mga mahinhin. Gayunman, hindi sinasabi kailanman sa Bibliya na si Jehova ay mahinhin. Bakit hindi? Ang kahinhinan, gaya ng pagkakagamit sa Kasulatan, ay nagpapahiwatig ng isang angkop na kabatiran ng sariling mga limitasyon ng isa. Ang Makapangyarihan-sa-lahat ay walang mga limitasyon maliban sa mga bagay na inilapat niya sa kaniyang sarili dahil sa kaniyang sariling matuwid na mga pamantayan. (Marcos 10:27; Tito 1:2) Isa pa, bilang ang Kataas-taasan, walang sinumang nakasasakop sa kaniya. Kaya ang katangian ng kahinhinan ay talagang hindi kumakapit kay Jehova. 7 Gayunman, si Jehova ay mapagpakumbaba at mahinahon. Itinuturo niya sa kaniyang mga lingkod na kailangan sa tunay na karunungan ang kahinahunan. Binabanggit sa kaniyang Salita ang tungkol sa kahinahunan na nauukol sa karunungan. Ang sabi naman ng ibang bersiyon ang kapakumbabaang mula sa karunungan at ang kabaitang iyan na tatak ng karunungan. 6, 7. (a) Bakit hindi kailanman tinutukoy sa Bibliya na si Jehova ay mahinhin? (b) Ano ang kaugnayan ng kahinahunan at ng karunungan, at sino ang nagpapakita ng pinakamainam na halimbawa hinggil dito?

204 202 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA (Santiago 3:13) Isaalang-alang ang halimbawa ni Jehova sa bagay na ito. Si Jehova ay Mapagpakumbabang Nag-aatas at Nakikinig 8 May nakapagpapasiglang patunay ng kapakumbabaan ni Jehova sa kaniyang pagiging handang mag-atas ng pananagutan at makinig. Ang ginagawa niyang ito ay talagang nakagugulat; si Jehova ay hindi nangangailangan ng tulong o payo. (Isaias 40:13, 14; Roma 11:34, 35) Gayunman, paulit-ulit na ipinakikita sa atin ng Bibliya na si Jehova ay nagpakababa sa ganitong mga paraan. 9 Halimbawa, isaalang-alang ang isang pambihirang pangyayari sa buhay ni Abraham. Si Abraham ay nagkaroon ng tatlong panauhin, na ang isa sa kanila ay tinawag niyang Jehova. Ang mga panauhin ay aktuwal na mga anghel, subalit ang isa sa kanila ay dumating sa pangalan ni Jehova at kumilos ukol sa Kaniyang pangalan. Nang ang anghel na iyan ay magsalita at kumilos, sa diwa ay parang si Jehova ang nagsasalita at kumikilos. Sa pamamaraang ito, sinabi ni Jehova kay Abraham na Siya y nakarinig ng isang malakas na sigaw ng pagdaing tungkol sa Sodoma at Gomorra. Si Jehova ay nagsabi: Determinado nga akong bumaba upang makita ko kung talagang gumagawi sila ayon sa daing tungkol doon na dumating sa akin, at kung hindi ay malalaman ko iyon. (Genesis 18:3, 20, 21) Mangyari pa, ang mensahe ni Jehova ay hindi nangangahulugang personal na bababa ang Makapangyarihan-sa-lahat. Sa halip, muli siyang nagsugo ng mga anghel upang kumatawan sa kaniya. (Genesis 19:1) Bakit? Hindi ba malalaman ni Jehova mismo na nakakakita-ng-lahat ang tunay na kalagayan ng rehiyong iyon? Tiyak na malalaman iyon. Subalit sa halip, mapagpakumbabang inatasan ni Jehova ang mga anghel na iyon upang siyasatin ang kalagayan at upang dalawin si Lot at ang kaniyang pamilya sa Sodoma. 10 Bukod diyan, si Jehova ay nakikinig. Minsan ay hinilingan niya ang kaniyang mga anghel na magmungkahi ng iba t ibang paraan kung paano ibabagsak ang balakyot na si Haring Ahab. Hindi naman kailangan ni Jehova ang gayong tulong. Subalit tinanggap (a) Bakit isang pambihirang bagay na ipinakikita ni Jehova na handa siyang mag-atas at makinig? (b) Paano mapagpakumbabang nakitungo ang Makapangyarihan-sa-lahat sa kaniyang mga anghel?

205 MARUNONG SA PUSO NGUNIT MAPAGPAKUMBABA 203 niya ang mungkahi ng isang anghel at inatasan niya itong isagawa iyon. (1 Hari 22:19-22) Hindi ba t iyan ay isang pagpapakumbaba? 11 Handa pa nga si Jehova na makinig sa di-sakdal na mga tao na nagnanais magpahayag ng kanilang mga ikinababahala. Halimbawa, nang unang sabihin ni Jehova kay Abraham ang Kaniyang balak na puksain ang Sodoma at Gomorra, nagulumihanan ang tapat na taong iyan. Malayong mangyari sa iyo, sabi ni Abraham, anupat idinagdag: Hindi ba yaong tama ang gagawin ng Hukom ng buong lupa? Itinanong niya kung patatawarin ni Jehova ang mga lunsod sakaling may masumpungang 50 matuwid na tao roon. Tiniyak ni Jehova sa kaniya na patatawarin Niya. Subalit muling nagtanong si Abraham, na ibinababa ang bilang sa 45, pagkatapos ay 40, at patuloy. Sa kabila ng paniniyak ni Jehova, nagpatuloy pa rin si Abraham hanggang sa bumaba sa bilang na sampu. Marahil ay hindi pa lubusang nauunawaan ni Abraham kung gaano kalaki ang awa ni Jehova. Gayunpaman, si Jehova ay matiyaga at mapagpakumbabang nagpahintulot sa kaniyang kaibigan at lingkod na si Abraham na magpahayag ng kaniyang mga ikinababahala sa paraang iyon. Genesis 18: Ilan kayang matatalino at edukadong tao ang matiyagang makikinig sa isang taong napakababaw ng karunungan? Gayon kadakila ang kapakumbabaan ng ating Diyos. Sa pag-uusap na iyon, nakita rin ni Abraham na si Jehova ay mabagal sa pagkagalit. (Exodo 34:6) Marahil nang mapagtanto niyang wala siyang karapatang kuwestiyunin ang mga ginagawa ng Kataas-taasan, dalawang ulit na nakiusap si Abraham: Pakisuyo, huwag nawang mag-init sa galit si Jehova. (Genesis 18:30, 32) Mangyari pa, hindi naman nagalit si Jehova. Talagang taglay niya ang kahinahunan na nauukol sa karunungan. Si Jehova ay Makatuwiran 13 Ang kapakumbabaan ni Jehova ay nakikita sa isa pang na- Kapansin-pansin, pinaghambing sa Bibliya ang pagkamatiisin at ang kapalaluan. (Eclesiastes 7:8) Ang pagkamatiisin ni Jehova ay nagbibigay ng higit pang katibayan ng kaniyang kapakumbabaan. 2 Pedro 3:9. 11, 12. Paano nakita ni Abraham ang kapakumbabaan ni Jehova? 13. Ano ang kahulugan ng salitang makatuwiran gaya ng pagkakagamit sa Bibliya, at bakit ang salitang ito ay angkop na naglalarawan kay Jehova?

206 204 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA pakagandang katangian ang pagkamakatuwiran. Nakalulungkot sabihin na ang katangiang ito ay wala sa gitna ng di-sakdal na mga tao. Si Jehova ay hindi lamang handang makinig sa kaniyang matatalinong nilalang kundi handa rin siyang magparaya kung hindi naman salungat sa matuwid na mga simulain. Gaya ng pagkagamit sa Bibliya, ang salitang makatuwiran ay literal na nangangahulugang mapagparaya. Ang katangiang ito ay isa ring tatak ng makadiyos na karunungan. Ang Santiago 3:17 ay nagsasabi: Angkarununganmulasaitaasay...makatuwiran. Sa anong diwa makatuwiran ang marunong-sa-lahat na si Jehova? Una sa lahat, siya ay madaling makibagay. Alalahanin, ang mismong pangalan niya ay nagtuturo sa atin na pinangyayari ni Jehova ang sarili na magkagayon anuman ang kinakailangan upang maisakatuparan ang kaniyang mga layunin. (Exodo 3:14) Hindi ba t iyan ay nagpapahiwatig ng espiritu ng pakikibagay at pagkamakatuwiran? 14 May isang kahanga-hangang talata sa Bibliya na tutulong sa atin upang maunawaan ang tungkol sa pagiging madaling makibagay ni Jehova. Si propeta Ezekiel ay binigyan ng isang pangitain tungkol sa makalangit na organisasyon ni Jehova ng espiritung mga nilalang. Nakita niya ang isang karo na nakapanggigilalas ang laki, ang sariling sasakyan ni Jehova na palaging Siya ang kumokontrol. Ang kapansin-pansin sa lahat ay kung paano ito umaandar. Ang mga higanteng gulong ay may apat na gilid at punongmata ˆ anupat nakikita ng mga ito ang lahat ng dako at agad na nakapagiiba ng direksiyon, nang hindi humihinto o lumiliko. At ang dambuhalang karong ito ay hindi na kailangang umusad-usad na parang isang napakabigat na sasakyang gawa ng tao. Nakatatakbo ito na kasimbilis ng kidlat, na lumiliko pa nga sa kaliwa t kanan! (Ezekiel 1:1, 14-28) Oo, ang organisasyon ni Jehova, gaya ng kataastaasang Soberano na kumokontrol dito, ay pinakamadaling makibagay sa lahat, anupat alisto sa pabagu-bagong mga kalagayan at pangangailangan na dapat nitong harapin. 15 Ang tanging magagawa ng mga tao ay ang pagsikapang matularan ang gayong sakdal na pakikibagay. Gayunman, ang mga 14, 15. Ang pangitain ni Ezekiel tungkol sa makalangit na karo ni Jehova ay nagtuturo sa atin ng ano tungkol sa makalangit na organisasyon ni Jehova, at paano ito naiiba sa makasanlibutang mga organisasyon?

207 MARUNONG SA PUSO NGUNIT MAPAGPAKUMBABA 205 tao at ang kanilang mga organisasyon ay kadalasan nang mas mapagmatigas kaysa madaling makibagay, mas walang katuwiran kaysa mapagparaya. Bilang paghahalimbawa: Ang isang supertanker o pangkargadang tren ay maaaring kagila-gilalas nga kung tungkol sa sukat at lakas. Subalit makatutugon kaya ang alinman dito sa biglang mga pagbabago ng kalagayan? Kapag may humalang sa daanan ng isang pangkargadang tren, hindi ito makaliliko. Napakahirap din ang biglang paghinto. Ang isang mabigat na pangkargadang tren ay maaaring umabot pa ng halos dalawang kilometro bago makahinto matapos tapakan ang preno! Sa katulad na paraan, ang isang supertanker ay patuloy pa ring uusad nang hanggang walong kilometro matapos patayin ang makina. Kahit na ikinambiyo na nang paatras, ang tanker ay maaaring umabante pa rin nang hanggang tatlong kilometro! Katulad ito ng mga organisasyon ng tao na mas malamang na magmatigas at mawala sa katuwiran. Dahil sa pagmamapuri, madalas na tumatanggi ang mga tao na makibagay sa nagbabagong mga pangangailangan at kalagayan. Ang gayong pagmamatigas ay nagiging dahilan ng pagkabangkarote ng mga korporasyon at pagbagsak pa nga ng mga pamahalaan. (Kawikaan 16:18) Kaylaking tuwa nga natin na hindi ganiyan si Jehova ni ang kaniyang organisasyon! Kung Paano Nagpapakita si Jehova ng Pagkamakatuwiran 16 Isaalang-alang muli ang pagkawasak ng Sodoma at Gomorra. Si Lot at ang kaniyang pamilya ay tumanggap ng maliliwanag na tagubilin mula sa anghel ni Jehova: Tumakas [kayo] patungo sa bulubunduking pook. Gayunman, hindi ito nagustuhan ni Lot. Pakisuyo, huwag ganiyan, Jehova! pakiusap niya. Palibhasa y natitiyak niyang mamamatay siya kung siya y tatakas tungo sa kabundukan, nagmakaawa si Lot na silang mag-anak ay pahintulutang tumakas tungo sa karatig na lunsod na ang pangalan ay Zoar. Alalahanin na binalak ni Jehova na wasakin ang lunsod na iyan. Isa pa, ang pangamba ni Lot ay walang tumpak na basehan. Tiyak namang maiingatan ni Jehova ang buhay ni Lot sa kabundukan! Gayunpaman, nagparaya si Jehova sa mga pakiusap ni Lot at iniligtas ang 16. Paano nagpakita si Jehova ng pagkamakatuwiran sa pakikitungo kay Lot bago puksain ang Sodoma at Gomorra?

208 206 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Zoar. Narito, ako ay nagpapakita sa iyo ng konsiderasyon maging sa bagay na ito, ang sabi ng anghel kay Lot. (Genesis 19:17-22) Hindi ba t pagkamakatuwiran iyan sa bahagi ni Jehova? 17 Si Jehova ay tumutugon din sa taimtim na pagsisisi, anupat palaging nagpapakita ng awa at gumagawa ng tama. Isaalang-alang ang nangyari nang ang propetang si Jonas ay isugo sa balakyot at marahas na lunsod ng Nineve. Nang si Jonas ay maglakad sa mga lansangan ng Nineve, simple lamang ang kinasihang mensahe na kaniyang inihayag: Ang makapangyarihang lunsod ay wawasakin sa loob ng 40 araw. Gayunman, nagkaroon ng napakalaking pagbabago ng mga kalagayan. Nagsisi ang mga taga-nineve! Jonas, kabanata May matututuhan tayo kung ihahambing ang reaksiyon ni Jehova sa naging reaksiyon ni Jonas hinggil sa pagbabagong ito ng mga pangyayari. Sa pagkakataong ito, si Jehova ay nakibagay, anupat siya ay naging isang Tagapagpatawad ng mga kasalanan sa halip na maging tulad-lalaking mandirigma. (Exodo 15:3) Sa kabilang dako naman, si Jonas ay nagmatigas at hindi naging maawain. Sa halip na masalamin sa kaniya ang pagkamakatuwiran ni Jehova, siya y naging parang pangkargadang tren o supertanker na binanggit kanina. Naihayag na niya ang pagkawasak, kaya dapat lamang na wasakin ito! Gayunman, matiising tinuruan ni Jehova ang kaniyang di-matiising propeta ng isang di-malilimot na aral tungkol sa pagkamakatuwiran at awa. Jonas, kabanata Kahuli-hulihan, si Jehova ay makatuwiran sa kaniyang inaasahan sa atin. Si Haring David ay nagsabi: Nalalaman niyang lubos ang kaanyuan natin, na inaalaalang tayo ay alabok. (Awit 103:14) Nauunawaan ni Jehova ang ating mga limitasyon at dikasakdalan nang higit sa nauunawaan natin mismo. Hindi siya kailanman umaasa ng higit sa ating makakaya. Pinaghahambing sa Sa Awit 86:5, si Jehova ay sinasabing mabuti at handang magpatawad. Nang isalin sa Griego ang awit na iyan, ang pananalitang handang magpatawad ay isinaling e pi ei kes, o makatuwiran. 17, 18. Sa pakikitungo sa mga taga-nineve, paano ipinakita ni Jehova na siya y makatuwiran? 19. (a) Bakit tayo makatitiyak na si Jehova ay makatuwiran sa kaniyang inaasahan sa atin? (b) Paano ipinakikita sa Kawikaan 19:17 na si Jehova ay isang mabuti at makatuwiran[g] Panginoon at lubusan ding mapagpakumbaba?

209 MARUNONG SA PUSO NGUNIT MAPAGPAKUMBABA 207 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Exodo 32:9-14 Paano ipinakita ni Jehova ang kapakumbabaan sa pagtugon sa pakiusap ni Moises alang-alang sa Israel? Hukom 6:36-40 Paano nagpakita si Jehova ng pagtitiis at pagkamakatuwiran sa pagsagot sa mga kahilingan ni Gideon? Awit 113:1-9 Paano napatunayang mapagpakumbaba si Jehova sa pakikitungo sa sangkatauhan? Lucas 1:46-55 Naniniwala si Maria na si Jehova ay may anong pangmalas sa dukha at maralitang mga tao? Paano maaaring makaapekto sa atin ang kaniyang pangmalas? Bibliya ang mga taong panginoon na iyon na mabubuti at makatuwiran at ang mga mahirap palugdan. (1 Pedro 2:18) Aling uri ng Panginoon si Jehova? Pansinin ang sinasabi sa Kawikaan 19:17: Siyang nagpapakita ng lingap sa maralita ay nagpapautang kay Jehova. Maliwanag, tanging ang isang mabuti at makatuwirang panginoon lamang ang makapapansin sa bawat kabaitang ginagawa alang-alang sa mga maralita. Bukod diyan, ipinahihiwatig sa kasulatang ito na, sa diwa, itinuturing ng Maylalang ng uniberso na siya ay may utang sa hamak na mga taong nagpapakita ng gayong pagkaawa! Ito na ang pinakadakilang uri ng kapakumbabaan. 20 Si Jehova ay mahinahon at makatuwiran pa rin sa kaniyang pakikitungo sa kaniyang mga lingkod sa ngayon. Kapag tayo y nananalangin nang may pananampalataya, siya y nakikinig. At bagaman hindi na siya nagsusugo ng mga mensaherong anghel upang makipag-usap sa atin, hindi natin dapat isipin na hindi niya sasagutin ang ating mga panalangin. Alalahanin na noong hilingan ni apostol Pablo ang kaniyang mga kapananampalataya na magpatuloy [sila] sa pananalangin para sa kaniyang kalayaan mula sa bilangguan, idinagdag niya: Upang masauli ako sa inyo sa lalong madaling panahon. (Hebreo 13:18, 19) Kaya ang ating mga panalangin ay maaaring makapagpakilos mismo kay Jehova na gawin ang hindi niya sana gagawin! Santiago 5: Anong katiyakan mayroon na nakikinig si Jehova sa ating mga panalangin at sinasagot ang mga ito?

210 Si Jehova ay makatuwiran at nakauunawa sa ating mga limitasyon 21 Mangyari pa, wala sa mga pagpapakitang ito ni Jehova ng kapakumbabaan ang kaniyang kahinahunan, pagiging handang makinig, pagtitiis, pagkamakatuwiran ang nangangahulugang ikinokompromiso ni Jehova ang kaniyang matuwid na mga simulain. Baka akalain ng mga klero ng Sangkakristiyanuhan na sila y nagiging makatuwiran kapag kinikiliti nila ang mga tainga ng kanilang kawan sa pamamagitan ng pagpapagaan sa moral na mga pamantayan ni Jehova. (2 Timoteo 4:3) Subalit ang hilig ng tao na makipagkompromiso alang-alang sa sarili ay walang kinalaman sa makadiyos na pagkamakatuwiran. Si Jehova ay banal; hinding-hindi niya parurumihin ang kaniyang matuwid na mga pamantayan. (Levitico 11:44) Kung gayon, ibigin natin ang pagkamakatuwiran ni Jehova sa kung ano talaga ito isang patunay ng kaniyang kapakumbabaan. Hindi ka ba lubusang natutuwa na isiping ang Diyos na Jehova, ang pinakamarunong na Persona sa uniberso, ay namumukod-tangi rin sa pagiging mapagpakumbaba? Nakalulugod ngang m apalap ıt sa kagila-gilalas ngunit mahinahon, matiisin, at makatuwirang Diyos na ito! 21. Ano ang hindi natin dapat isipin kailanman hinggil sa kapakumbabaan ni Jehova, kundi sa halip, ano ang dapat nating maunawaan tungkol sa kaniya?

211 K A B A N A T A 2 1 Isinisiwalat ni Jesus ang Karunungan Mula sa Diyos NATIGILAN ang mga naroroon. Ang binatang si Jesus ay nakatayo sa harap nila sa sinagoga at nagtuturo. Kilala nila siya sa kanilang lunsod siya lumaki, at sa loob ng maraming taon ay kasama nila siyang nagtrabaho bilang isang karpintero. Marahil ang iba sa kanila ay nakatira sa mga bahay na doo y katulong si Jesus sa pagtatayo, o maaaring binubungkal nila ang kanilang mga lupang sinasaka sa pamamagitan ng mga araro at pamatok na ginawa mismo ng kaniyang mga kamay. Subalit paano kaya sila tutugon sa turo ng dating karpinterong ito? 2 Karamihan sa mga nakikinig ay namangha, anupat nagtanong: Saan kinuha ng taong ito ang ganitong karunungan? Subalit sinabi rin nila: Ito ang karpintero na anak ni Maria. (Mateo 13:54-58; Marcos 6:1-3) Nakalulungkot, ang dating mga kapitbahay ni Jesus ay nangatuwiran, Ang karpinterong ito ay kagaya lamang natin na tagarito. Sa kabila ng karunungan sa kaniyang mga salita, tinanggihan nila siya. Wala silang kamalay-malay na ang karunungang ibinabahagi niya ay hindi sa kaniya. 3 Saan kaya kinuha ni Jesus ang karunungang ito? Ang itinuturo ko ay hindi sa akin, ang sabi niya, kundi sa kaniya na nagsugo sa akin. (Juan 7:16) Ipinaliwanag ni apostol Pablo na si Jesus sa atin ay naging karunungan mula sa Diyos. (1 Corinto 1:30) Ang sariling karunungan ni Jehova ay isinisiwalat sa pamamagitan ng kaniyang Anak, si Jesus. Ito y talagang totoo kung kaya nasabi tuloy ni Jesus: Ako at ang Ama ay iisa. (Juan 10:30) Suriin natin ang tatlong pitak na doo y kinakitaan si Jesus ng karunungan mula sa Diyos. Noong panahon ng Bibliya, ang mga karpintero ay inuupahan sa pagtatayo ng mga bahay, paggawa ng mga muwebles, at paggawa ng mga gamit sa pagsasaka. Si Justin Martyr, ng ikalawang siglo C.E., ay sumulat tungkol kay Jesus: Kinaugalian na niyang magtrabaho bilang isang karpintero kasama ng mga lalaki, na gumagawa ng mga araro at pamatok Paano tumugon ang dating mga kapitbahay ni Jesus sa kaniyang pagtuturo, at ano ang hindi nila nakilala tungkol sa kaniya?

212

213 ISINISIWALAT NI JESUS ANG KARUNUNGAN MULA SA DIYOS 211 Ang Kaniyang Itinuro 4 Una, isaalang-alang ang itinuro ni Jesus. Ang tema ng kaniyang mensahe ay ang mabuting balita ng kaharian. (Lucas 4:43) Iyan ay napakahalaga dahil sa papel na gagampanan ng Kaharian sa pagbabangong-puri sa soberanya ni Jehova at sa pagdadala ng namamalaging mga pagpapala sa sangkatauhan. Sa kaniyang pagtuturo, nag-alok din si Jesus ng matalinong payo para sa araw-araw na pamumuhay. Pinatunayan niyang siya ang inihulang Kamangha-manghang Tagapayo. (Isaias 9:6) Sa katunayan, paano nga ba hindi magiging kamangha-mangha ang kaniyang payo? Taglay niya ang malalim na kaalaman sa Salita at kalooban ng Diyos, matalas na pagkaunawa sa kalikasan ng tao, at matinding pag-ibig sa sangkatauhan. Kaya naman, ang kaniyang payo ay palaging praktikal at sa ikabubuti ng kaniyang mga tagapakinig. Binigkas ni Jesus ang mga pananalita ng buhay na walang hanggan. Oo, kapag sinunod, ang kaniyang payo ay aakay sa kaligtasan. Juan 6:68. 5 Ang Sermon sa Bundok ay isang napakagandang halimbawa ng walang katulad na karunungang masusumpungan sa mga turo ni Jesus. Ang sermong ito, gaya ng nakaulat sa Mateo 5:3 7:27, ay malamang na abutin lamang ng 20 minuto kung bibigkasin. Gayunman, ang payo nito ay laging napapanahon angkop pa rin ngayon gaya noong una itong ibinigay. Tinalakay ni Jesus ang napakaraming iba t ibang paksa, lakip na yaong tungkol sa kung paano mapabubuti ang pakikisama sa iba (5:23-26, 38-42; 7:1-5, 12), kung paano makapananatiling malinis sa moral (5:27-32), at kung paano magkakaroon ng isang makabuluhang buhay (6:19-24; 7: 24-27). Subalit hindi lamang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagapakinig kung ano ang landas ng karunungan;ipinakita rin niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapaliwanag, pangangatuwiran, at paghaharap ng katibayan. 4. (a) Ano ang tema ng mensahe ni Jesus, at bakit iyan ay napakahalaga? (b) Bakit ang payo ni Jesus ay palaging praktikal at sa ikabubuti ng kaniyang mga tagapakinig? 5. Ano ang ilang paksang tinalakay ni Jesus sa Sermon sa Bundok? Lubhang namangha ang mga pulutong sa kaniyang paraan ng pagtuturo

214 212 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA 6 Halimbawa, isaalang-alang ang matalinong payo ni Jesus kung paano haharapin ang kabalisahan tungkol sa materyal na mga bagay, gaya ng sinasabi sa Mateo kabanata 6. Huwag na kayong mabalisa tungkol sa inyong mga kaluluwa kung ano ang inyong kakainin o kung ano ang inyong iinumin, o tungkol sa inyong mga katawan kung ano ang inyong isusuot, ang payo ni Jesus sa atin. (Talatang 25) Ang pagkain at damit ay pangunahing mga pangangailangan, at likas lamang na mabahala tungkol sa pagkakaroon ng mga ito. Subalit sinabihan tayo ni Jesus na huwag na kayong mabalisa tungkol sa mga bagay na ito. Bakit? 7 Makinig habang nagpapaliwanag si Jesus sa nakakakumbinsing paraan. Yamang si Jehova ang nagbigay sa atin ng buhay at ng katawan, hindi ba niya kayang maglaan ng pagkain upang masustinihan ang buhay na iyan at ng kasuutan upang damtan ang katawang iyan? (Talatang 25) Kung ang Diyos ay naglalaan ng pagkain sa mga ibon at dinaramtan niya ng kagandahan ang mga bulaklak, lalo pa ngang pangangalagaan niya ang mga taong sumasamba sa kaniya! (Talatang 26, 28-30) Sa totoo lamang, ang di-kinakailangang kabalisahan ay talaga namang walang mararating. Hindi nito mapahahaba ang ating buhay kahit kapiraso. (Talatang 27) Paano natin maiiwasan ang kabalisahan? Pinapayuhan tayo ni Jesus: Patuloy na unahin sa buhay ang pagsamba sa Diyos. Yaong mga gumagawa nito ay makapagtitiwala na lahat ng kanilang pangangailangan sa araw-araw ay idaragdag sa kanila ng kanilang makalangit na Ama. (Talatang 33) Sa dakong huli, nagbigay si Jesus ng napakapraktikal na mungkahi gawin lamang ang magagawa sa isang araw. Bakit idaragdag ang mga kabalisahan bukas sa mga kabalisahan sa araw na ito? (Talatang 34) Bukod diyan, bakit mababahala sa mga bagay na maaaring hindi naman kailanman mangyayari? Ang pagkakapit Ang pandiwang Griego na isinaling mabalisa ay nangangahulugang guluhin ang isip. Gaya ng pagkakagamit sa Mateo 6:25, ito y tumutukoy sa pagkabahala na may halong takot na gumugulo o humahati sa isip, anupat nawawalan tuloy ng kagalakan sa buhay. Sa katunayan, ipinakikita ng siyentipikong pagsasaliksik na ang labis na kabalisahan at kaigtingan ay makapaglalagay sa atin sa panganib na magkaroon ng sakit sa puso at ng marami pang karamdaman na maaaring magpaikli ng buhay (a) Anong nakakakumbinsing mga dahilan ang ibinibigay ni Jesus upang maiwasan ang kabalisahan? (b) Ano ang nagpapakita na nasasalamin sa payo ni Jesus ang karunungan mula sa itaas?

215 ISINISIWALAT NI JESUS ANG KARUNUNGAN MULA SA DIYOS 213 ng gayong matalinong payo ay makapagliligtas sa atin sa napakaraming dalamhati sa maigting na sanlibutang ito. 8 Maliwanag na ang payong ibinigay ni Jesus ay praktikal pa rin sa ngayon gaya noong ibinigay ito halos 2,000 taon na ang nakalilipas. Hindi ba t iyan ay katibayan ng karunungan mula sa itaas? Maging ang pinakamagaling na payo mula sa mga taong tagapayo ay naluluma at sa maikling panahon ay binabago o pinapalitan. Gayunman, ang mga turo ni Jesus ay hindi naiiwan ng panahon. Subalit hindi natin dapat pagtakhan iyan, sapagkat ang Kamangha-manghang Tagapayong ito ay nagsalita ng mga pananalita ng Diyos. Juan 3:34. Ang Kaniyang Paraan ng Pagtuturo 9 Ang ikalawang pitak na doo y nasasalamin kay Jesus ang karunungan ng Diyos ay ang paraan niya ng pagtuturo. Minsan, ang ilang sundalo na ipinadala upang arestuhin siya ay bumalik nang hindi siya kasama, na sinasabi: Walang sinumang tao ang nakapagsalita nang tulad nito. (Juan 7:45, 46) Hindi ito kalabisan. Sa lahat ng taong nabuhay kailanman, si Jesus, na mula sa mga dakong itaas, ang may pinakamalaking deposito ng kaalaman at karanasan na mapagkukunan. (Juan 8:23) Talagang nagturo siya sa paraang di-magagawa ng sinumang tao. Isaalang-alang ang dalawa lamang sa mga paraan ng marunong na Gurong ito. 10 Mabisang paggamit ng mga ilustrasyon. Nagsalita si Jesus sa mga pulutong sa pamamagitan ng mga ilustrasyon, ang sabi sa atin. Sa katunayan, kung walang ilustrasyon ay hindi siya nagsasalita sa kanila. (Mateo 13:34) Talagang hindi natin mapigilang humanga sa kaniyang walang-katulad na kakayahang magturo ng malalalim na katotohanan sa pamamagitan ng mga bagay na nakikita sa arawaraw. Mga magsasakang nagtatanim ng mga binhi, mga babaing naghahandang maghurno ng tinapay, mga batang naglalaro sa palengke, mga mangingisdang humihila ng mga lambat, mga pastol na naghahanap ng nawawalang tupa ito ang mga bagay na mada- 9. Ano ang sinabi ng ilang sundalo tungkol sa pagtuturo ni Jesus, at bakit hindi ito kalabisan? 10, 11. (a) Bakit hindi natin mapigilang humanga sa paggamit ni Jesus ng mga ilustrasyon? (b) Ano ba ang mga talinghaga, at anong halimbawa ang nagpapakita kung bakit ang mga talinghaga ni Jesus ay napakabisa sa pagtuturo?

216 214 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA las na nakikita ng kaniyang mga tagapakinig. Kapag ang mahahalagang katotohanan ay iniugnay sa mga bagay na pamilyar, ang mga katotohanang iyan ay mabilis at malalim na napapaukit sa isip at puso. Mateo 11:16-19; 13:3-8, 33, 47-50; 18: Si Jesus ay madalas na gumamit ng mga talinghaga, maiikling kuwento na pinagkukunan ng moral o espirituwal na mga katotohanan. Yamang ang mga kuwento ay mas madaling maunawaan at matandaan kaysa sa malalalim na ideya, ang mga talinghaga ay tumutulong upang maingatan ang turo ni Jesus. Sa maraming talinghaga, inilarawan ni Jesus ang kaniyang Ama sa pamamagitan ng buh ay na buh ay na mga ilustrasyon na mahirap malimutan. Halimbawa, sino nga ba ang hindi makauunawa sa punto ng talinghaga tungkol sa alibughang anak na kapag ang isang naligaw ng landas ay nagpakita ng tunay na pagsisisi, si Jehova ay maaawa at magiliw na tatanggaping muli ang isang iyon? Lucas 15: Mahusay na paggamit ng mga tanong. Si Jesus ay gumamit ng mga tanong upang ang kaniyang mga tagapakinig ay mapakilos na gumawa ng sarili nilang konklusyon, magsuri ng kanilang mga motibo, o gumawa ng mga pasiya. (Mateo 12:24-30; 17:24-27; 22:41-46) Nang kuwestiyunin ng mga lider ng relihiyon kung siya ba y may bigay-diyos na awtoridad, sumagot si Jesus: Ang bautismo ba ni Juan ay mula sa langit o mula sa mga tao? Palibhasa y nagulat sa tanong, nangatuwiran sila sa isa t isa: Kung sasabihin natin, Mula sa langit, sasabihin niya sa atin, Kung gayon, bakit hindi kayo naniwala sa kaniya? Gayunman, kung sasabihin natin, Mula sa mga tao, may pulutong tayong katatakutan, sapagkat itinuturing nilang lahat si Juan bilang isang propeta. Sa wakas, sumagot sila: Hindi namin alam. (Marcos 11:27-33; Mateo 21:23-27) Sa isang simpleng tanong, napatahimik sila ni Jesus at nabunyag ang pandaraya sa kanilang puso. 13 Kung minsan ay pinagsasama ni Jesus ang mga paraan sa pamamagitan ng pagsisingit ng pumupukaw-kaisipang mga tanong sa kaniyang mga ilustrasyon. Nang magtanong kay Jesus ang isang 12. (a) Sa anong paraan gumamit si Jesus ng mga tanong sa kaniyang pagtuturo? (b) Paano pinatahimik ni Jesus ang mga kumukuwestiyon sa kaniyang awtoridad? Paano nasasalamin sa talinghaga tungkol sa madamaying Samaritano ang karunungan ni Jesus?

217 ISINISIWALAT NI JESUS ANG KARUNUNGAN MULA SA DIYOS 215 abogadong Judio kung ano ang kailangan upang magtamo ng buhay na walang hanggan, binanggit ni Jesus sa kaniya ang Kautusang Mosaiko, na nag-uutos ng pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa. Sa kagustuhang mapatunayan na siya y matuwid, ang lalaki ay nagtanong: Sino ba talaga ang aking kapuwa? Sumagot si Jesus sa pamamagitan ng pagkukuwento. Isang lalaking Judio ang magisang naglalakbay noon nang bigla siyang salakayin ng mga magnanakaw, anupat iniwan siyang nag-aagaw-buhay. May dumating na dalawang Judio, ang una y saserdote at ang sumunod ay Levita. Hindi siya pinansin ng dalawang ito. Subalit isang Samaritano naman ang dumating sa eksena. Dahil sa pagkahabag, maingat niyang ginamot ang mga sugat ng biktima at mapagmahal na dinala ang lalaki sa ligtas na lugar sa isang bahay-tuluyan na doo y maaari siyang magpagaling. Sa pagtatapos ng kuwento, tinanong ni Jesus ang nagtanong sa kaniya: Sino sa tatlong ito sa wari mo ang naging kapuwa ng taong nahulog sa kamay ng mga magnanakaw? Napilitang sumagot ang lalaki: Ang isa na kumilos nang may awa sa kaniya. Lucas 10: Paano nasasalamin sa talinghaga ang karunungan ni Jesus? Noong kapanahunan ni Jesus, ikinakapit ng mga Judio ang katagang kapuwa doon lamang sa mga sumusunod sa kanilang mga tradisyon tiyak na hindi sa mga Samaritano. (Juan 4:9) Kung sa kuwento ni Jesus ay ang Samaritano ang biktima at ang Judio ang tumulong, maaalis ba niyan ang pagtatangi? Buong-karunungang binalangkas ni Jesus ang kuwento upang lumabas na ang Samaritano ay magiliw na nagmalasakit sa Judio. Pansinin din ang tanong na iniharap ni Jesus sa pagtatapos ng kuwento. Ibinaling niya ang pansin sa katagang kapuwa. Sa diwa, ganito ang tanong ng abogado: Sino ang dapat kong pagpakitaan ng pag-ibig sa kapuwa? Subalit ito ang itinanong ni Jesus: Sino sa tatlong ito sa wari mo ang naging kapuwa? Itinuon ni Jesus ang pansin, hindi sa tumanggap ng kabaitan, ang biktima, kundi sa nagpakita ng kabaitan, ang Samaritano. Ang isang tunay na kapuwa ay yaong unang nagpapakita ng pag-ibig sa iba anuman ang kanilang etnikong pinagmulan. Wala nang hihigit pa sa paraang ito ni Jesus ng pagdiriin ng kaniyang punto. 15 Kataka-takabanaangmgatao yhumangasa paraanngpagtuturo ni Jesus at maakit sa kaniya? (Mateo 7:28, 29) Minsan ay

218 216 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA isang malaking pulutong ang namalaging kasama niya sa loob ng tatlong araw, kahit wala nang makain ang mga ito! Marcos 8: 1, 2. Ang Kaniyang Paraan ng Pamumuhay 16 Ang ikatlong pitak na doo y nasasalamin kay Jesus ang karunungan ni Jehova ay ang kaniyang paraan ng pamumuhay. Ang karunungan ay praktikal; ito y mabisa. Sino sa inyo ang marunong? ang tanong ng alagad na si Santiago. Pagkatapos ay sinagot niya ang kaniyang tanong, na sinasabi: Hayaang ang kaniyang tamang paggawi ang magbigay ng praktikal na katunayan nito. (Santiago 3:13, The New English Bible) Ang paraan ng pagkilos ni Jesus ay nagbigay ng praktikal na katunayan na siya y inuugitan ng karunungan ng Diyos. Isaalang-alang natin kung paano niya itinanghal ang mahusay na pagpapasiya, kapuwa sa kaniyang paraan ng pamumuhay at sa pakikitungo niya sa iba. 17 Napapansin mo ba na ang mga taong walang mahusay na pagpapasiya ay madalas na di-makatuwiran? Oo, kailangan ang karunungan upang maging timbang. Sa pagpapamalas ng makadiyos na karunungan, si Jesus ay ganap na timbang. Higit sa lahat, inuna niya ang espirituwal na mga bagay sa kaniyang buhay. Siya y naging abalang-abala sa paghahayag ng mabuting balita. Sa layuning ito ako lumabas, ang sabi niya. (Marcos 1:38) Mangyari pa, hindi materyal na mga bagay ang pinakamahalaga sa kaniya; sa wari y iilan-ilan lamang ang pag-aari niya sa materyal. (Mateo 8:20) Subalit, hindi naman siya mapagkait sa sarili. Gaya ng kaniyang Ama, ang maligayang Diyos, si Jesus ay isang masayahing tao, at nagdaragdag siya ng kagalakan sa iba. (1 Timoteo 1:11; 6:15) Nang siya y dumalo sa isang piging ng kasalan na karaniwan nang isang okasyon ng tugtugan, awitan, at kasayahan naroroon siya hindi upang palungkutin ang okasyon. Nang maubusan ng alak, ang tubig ay ginawa niyang mainam na alak, isang inumin na nagpapasaya sa puso ng taong mortal. (Awit 104:15; Juan 2:1-11) Pinaunlakan ni Jesus ang maraming paanyaya sa kainan, at madalas niyang 16. Sa anong paraan nagbigay si Jesus ng praktikal na katunayan na siya y inuugitan ng karunungan ng Diyos? 17. Anong mga pahiwatig mayroon na si Jesus ay ganap na timbang sa kaniyang buhay?

219 ISINISIWALAT NI JESUS ANG KARUNUNGAN MULA SA DIYOS 217 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Kawikaan 8:22-31 Paano umaakma sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa panganay na Anak ni Jehova ang paglalarawan sa personipikasyon ng karunungan? Mateo 13:10-15 Paano naging mabisa ang mga ilustrasyon ni Jesus sa pagbubunyag sa kalagayan ng puso ng kaniyang mga tagapakinig? Juan 1:9-18 Bakit naisiwalat ni Jesus ang karunungan ng Diyos? Juan 13:2-5, Paano gumamit si Jesus ng isang praktikal na halimbawa, at ano sa gayon ang itinuro nito sa kaniyang mga apostol? ginagamit ang pagkakataong iyon upang magturo. Lucas 10:38-42; 14: Si Jesus ay nagpamalas ng di-mapipintasang paghatol sa kaniyang pakikitungo sa iba. Ang kaniyang kaunawaan sa kalikasan ng tao ay nagbigay sa kaniya ng maliwanag na pagkakilala sa kaniyang mga alagad. Alam na alam niyang sila y hindi sakdal. Gayunman, nahahalata niya ang kanilang magagandang katangian. Nakikita niya ang potensiyal sa mga taong ito na inilapit ni Jehova. (Juan 6:44) Sa kabila ng kanilang mga pagkukulang, ipinakita ni Jesus na may tiwala siya sa kanila. Upang ipamalas ang pagtitiwalang iyan, ipinagkatiwala niya ang isang mabigat na pananagutan sa kaniyang mga alagad. Inatasan niya silang mangaral ng mabuting balita, at may tiwala siya sa kanilang kakayahan na matutupad ang atas na iyan. (Mateo 28:19, 20) Ang aklat ng Mga Gawa ay nagpapatunay na buong-katapatan nilang ipinagpatuloy ang iniutos niya sa kanila na gawin. (Gawa 2:41, 42; 4:33; 5:27-32) Kung gayon, maliwanag na naging marunong si Jesus sa pagtitiwala sa kanila. 19 Gaya ng ating napansin sa Kabanata 20, iniuugnay ng Bibliya ang kapakumbabaan at kahinahunan sa karunungan. Mangyari pa, si Jehova ang nagpapakita ng pinakamainam na halimbawa sa bagay na ito. Subalit kumusta naman si Jesus? Nakapagpapasigla 18. Paano nagpamalas si Jesus ng di-mapipintasang paghatol sa mga pakikitungo niya sa kaniyang mga alagad? 19. Paano ipinakita ni Jesus na siya y mahinahong-loob at mababa ang puso?

220 218 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA ng puso na makita ang kapakumbabaang ipinamalas ni Jesus sa pakikitungo sa kaniyang mga alagad. Bilang isang sakdal na tao, siya y nakatataas sa kanila. Gayunman, hindi niya hinamak ang kaniyang mga alagad. Hindi niya kailanman hinangad na ipadama sa kanila na sila y mahinang klase o walang kakayahan. Sa kabaligtaran, naging makonsiderasyon siya sa kanilang mga limitasyon at matiisin sa kanilang mga pagkukulang. (Marcos 14:34-38; Juan 16:12) Hindi ba t kapansin-pansin na maging ang mga bata ay naging palagay sa piling ni Jesus? Tiyak na sila y naging malap ıt sa kaniya sapagkat nadama nilang siya y mahinahong-loob at mababa ang puso. Mateo 11:29; Marcos 10: Si Jesus ay nagpakita ng makadiyos na kapakumbabaan sa isa pang mahalagang paraan. Siya y makatuwiran, o mapagparaya, kapag nagiging angkop ito dahil sa awa. Halimbawa, alalahanin nang pakiusapan siya noon ng isang babaing Gentil na pagalingin ang kaniyang anak na babae na malubhang inaalihan ng demonyo. Sa tatlong iba t ibang paraan, ipinahiwatig ni Jesus sa pasimula na hindi niya siya tutulungan una, sa pamamagitan ng di-pagsagot sa kaniya; ikalawa, sa tuwirang pagsasabi na siya y isinugo, hindi para sa mga Gentil, kundi para sa mga Judio; at ikatlo, sa pagbibigay ng ilustrasyon na may-kabaitang nagpapakita ng gayunding punto. Gayunman, nagpumilit ang babae, na nagpapatunay sa pambihirang pananampalataya nito. Sa liwanag ng di-pangkaraniwang kalagayang ito, paano tumugon si Jesus? Ginawa niya mismo ang isang bagay na ipinahiwatig niyang hindi niya gagawin. Pinagaling niya ang anak ng babae. (Mateo 15:21-28) Kahanga-hangang pagpapakumbaba, hindi ba? At tandaan, ang kapakumbabaan ang ugat ng tunay na karunungan. 21 Kaylaking pasasalamat natin na isinisiwalat sa atin ng mga Ebanghelyo ang mga salita at pagkilos ng pinakamarunong na tao na nabuhay kailanman! Alalahanin natin na si Jesus ay isang sakdal na larawan ng kaniyang Ama. Sa pagtulad sa personalidad, pagsasalita, at pamamaraan ni Jesus, malilinang natin ang karunungan mula sa itaas. Sa susunod na kabanata, ating makikita kung paano natin maikakapit ang makadiyos na karunungan sa ating buhay. 20. Paano ipinakita ni Jesus ang pagkamakatuwiran sa pakikitungo sa babaing Gentil na may anak na inaalihan ng demonyo? 21. Bakit tayo dapat na magsikap na tularan ang personalidad, pagsasalita, at pamamaraan ni Jesus?

221 K A B A N A T A 2 2 Inuugitan ba ng Karunungan Mula sa Itaas ang Iyong Buhay? MABIGAT na kaso ito dalawang babae ang nag-aagawan sa isang sanggol. Ang dalawang babae ay nakatira sa isang bahay, at pareho silang nagsilang ng isang anak na lalaki, na ilang araw lamang ang pagitan. Namatay ang isa sa mga sanggol, at ngayon ay parehong inaangkin ng mga babaing ito na siya ang ina ng buh ay na sanggol. Walang ibang nakasaksi sa nangyari. Malamang na ang kaso ay dininig na sa mababang hukuman ngunit hindi ito nalutas. Sa wakas, ang sigalot ay dinala kay Solomon, ang hari ng Israel. Mapalilitaw kaya niya ang katotohanan? 2 Matapos ang ilang sandaling pakikinig sa pagtatalo ng dalawang babae, humingi si Solomon ng isang tabak. Pagkatapos, sa paraang waring gagawin niyang talaga ito, iniutos niya na hatiin ang bata sa dalawa, at ibigay sa dalawang babae ang tig-kalahati. Agad pinakiusapan ng tunay na ina ang hari na ibigay ang sanggol ang kaniyang pinakamamahal na anak sa kaagaw na babae. Ngunit patuloy na iginigiit ng kaagaw na babae na hatiin ang bata sa dalawa. Batid na ngayon ni Solomon ang totoo. Alam niya ang magiliw na pagkahabag ng isang ina sa kaniyang anak na nagmula sa kaniyang sinapupunan, at ginamit niya ang kaalamang iyan upang lutasin ang sigalot. Isip-isipin na lamang ang pasasalamat ng ina nang ibigay ni Solomon sa kaniya ang kaniyang anak at sabihin nitong: Siya ang kaniyang ina. 1 Hari 3: Pambihirang karunungan ito, hindi ba? Nang mabalitaan ng mga tao kung paano nilutas ni Solomon ang kaso, sila y Ayon sa 1 Hari 3:16, ang dalawang babae ay mga patutot. Ang Insight on the Scriptures ay nagsasabi: Ang mga babaing ito ay maaaring mga patutot, hindi dahil sa iyon ang hanapbuhay nila, kundi dahil sa sila y mga babaing nakagawa ng pakikiapid, alinman sa mga babaing Judio o, malamang, mga babaing mula sa lahing banyaga. Inilathala ng mga Saksi ni Jehova (a) Paano nagpamalas si Solomon ng pambihirang karunungan sa paraan ng kaniyang paglutas sa sigalot ng dalawang ina? (b) Ano ang ipinangako ni Jehova na ibibigay sa atin, at anong mga tanong ang bumabangon?

222 220 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA nanggilalas, sapagkat nakita nila na ang karunungan ng Diyos ay nasa kaniya. Oo, ang karunungan ni Solomon ay kaloob ng Diyos. Binigyan siya ni Jehova ng isang marunong at may-unawang puso. (1 Hari 3:12, 28) Subalit kumusta naman tayo? Maaari ba rin tayong makatanggap ng makadiyos na karunungan? Oo, yamang sa ilalim ng pagkasi, sumulat si Solomon: Si Jehova ay nagbibigay ng karunungan. (Kawikaan 2:6) Nangako si Jehova na magbibigay ng karunungan ang kakayahang magamit ang kaalaman, kaunawaan, at pagkaunawa sa mabuting paraan sa mga taimtim na humahanap nito. Paano natin matatamo ang karunungan mula sa itaas? At paano natin mapangyayaring maugitan nito ang ating buhay? Magtamo Ka ng Karunungan Paano? 4 Kailangan bang maging napakatalino natin o napakataas ng pinag-aralan upang makatanggap ng makadiyos na karunungan? Hindi. Handa si Jehova na ibahagi sa atin ang kaniyang karunungan anuman ang ating kinamulatan at edukasyon. (1 Corinto 1:26-29) Subalit dapat na tayo ang unang kumilos, sapagkat hinihimok tayo ng Bibliya na magtamo ng karunungan. (Kawikaan 4:7) Paano natin ito magagawa? 5 Una, kailangan muna tayong matakot sa Diyos. Ang pagkatakot kay Jehova ang siyang pasimula ng karunungan [ ang unang hakbang tungo sa karunungan, The New English Bible], ang sabi sa Kawikaan 9:10. Ang pagkatakot sa Diyos ang pundasyon ng tunay na karunungan. Bakit? Alalahanin na ang karunungan ay nagsasangkot ng kakayahang magamit ang nalalaman sa matagumpay na paraan. Ang matakot sa Diyos ay, hindi nangangahulugang magpasukut-sukot dahil sa pagkasindak sa kaniya, kundi ang yumukod sa kaniya dahil sa pagpipitagan, paggalang, at pagtitiwala. Ang gayong pagkatakot ay kapaki-pakinabang at napakabisang pangganyak. Napakikilos tayo nito na iayon ang ating buhay sa ating nalalaman tungkol sa kalooban at pamamaraan ng Diyos. Wala nang mas matalino pang landasin na maaari nating tahakin, sapagkat ang mga pamantayan ni Jehova ang palaging nagdudulot ng pinakamalaking pakinabang para sa mga sumusunod sa mga ito Anu-ano ang apat na kahilingan upang matamo ang karunungan?

223 INUUGITAN BA NG KARUNUNGAN MULA SA ITAAS? Ikalawa, dapat tayong maging mapagpakumbaba at mahinhin. Walang iiral na makadiyos na karunungan kung walang kapakumbabaan at kahinhinan. (Kawikaan 11:2) Bakit? Kung tayo ay mapagpakumbaba at mahinhin, handa nating tanggapin na hindi natin alam ang lahat ng sagot, na hindi laging tama ang ating mga opinyon, at na kailangan nating malaman ang pag-iisip ni Jehova tungkol sa mga bagay-bagay. Sinasalansang [ni Jehova] ang mga palalo, subalit natutuwa siyang magkaloob ng karunungan sa mga may pusong mapagpakumbaba. Santiago 4:6. 7 Ang ikatlong mahalagang bagay ay ang pag-aaral ng nasusulat na Salita ng Diyos. Ang karunungan ni Jehova ay isinisiwalat sa kaniyang Salita. Upang matamo ang karunungang iyan, dapat natin itong pagsikapang saliksikin. (Kawikaan 2:1-5) Ang ikaapat na kahilingan ay ang panalangin. Kung taimtim tayong humihingi ng karunungan sa Diyos, siya y saganang magbibigay nito. (Santiago 1:5) Ang ating mga panalangin ukol sa tulong ng kaniyang espiritu ay tiyak na sasagutin. At ang kaniyang espiritu ang magtutulak sa atin upang masumpungan ang mga kayamanan na nasa kaniyang Salita na makatutulong naman sa atin upang malutas ang mga problema, maiwasan ang panganib, at makagawa ng matatalinong pasiya. Lucas 11:13. 8 Gaya ng napansin natin sa Kabanata 17, ang karunungan ni Jehova ay praktikal. Samakatuwid, kung talagang natamo na natin ang makadiyos na karunungan, makikita ito sa paraan ng ating paggawi. Inilarawan ng alagad na si Santiago ang mga bunga ng karunungan ng Diyos nang isulat niya: Ang karunungan mula sa itaas una sa lahat ay malinis, pagkatapos ay mapayapa, makatuwiran, handang sumunod, puno ˆ ng awa at mabubuting bunga, hindi gumagawa ng pagtatangi-tangi, hindi mapagpaimbabaw. (Santiago 3:17) Habang tinatalakay natin ang bawat isa sa mga aspektong ito ng karunungan ng Diyos, maaaring tanungin natin ang ating sarili, Inuugitan ba ng karunungan mula sa itaas ang aking buhay? Malinis, Pagkatapos ay Mapayapa 9 Una sa lahat ay malinis. Ang pagiging malinis ay nanganga- 8. Kung talagang natamo na natin ang makadiyos na karunungan, paano ito makikita? 9. Ano ang kahulugan ng pagiging malinis, at bakit angkop lamang na ang kalinisan ang unang katangian ng karunungan na itinala?

224 222 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA hulugang dalisay at walang dungis hindi lamang sa labas kundi maging sa loob. Sa Bibliya, ang karunungan ay iniuugnay sa puso, subalit ang makalangit na karunungan ay hindi makapapasok sa pusong pinarumi ng balakyot na mga pag-iisip, pagnanasa, at motibo. (Kawikaan 2:10; Mateo 15:19, 20) Gayunman, kung ang ating puso ay malinis sabihin pa, hangga t makakaya ng di-sakdal na mga tao tatalikuran natin ang masama at gagawin natin ang mabuti. (Awit 37:27; Kawikaan 3:7) Hindi ba t angkop lamang na ang kalinisan ang unang katangian ng karunungan na itinala? Tutal, kung tayo y hindi malinis sa moral at sa espirituwal, paano natin tunay na maipamamalas ang iba pang mga katangian ng karunungan mula sa itaas? 10 Pagkatapos ay mapayapa. Ang makalangit na karunungan ay nag-uudyok sa atin na itaguyod ang kapayapaan, na isang bunga ng espiritu ng Diyos. (Galacia 5:22) Nagsisikap tayo na huwag masira ang bigkis ng kapayapaan na nagbubuklod sa bayan ni Jehova. (Efeso 4:3) Ginagawa rin natin ang ating makakaya upang mapanumbalik ang kapayapaan kapag ito y nasira. Bakit ito mahalaga?angbibliyaaynagsasabi: Patuloykayong...mamuhay nang mapayapa; at ang Diyos ng pag-ibig at ng kapayapaan ay sasainyo. (2 Corinto 13:11) Kaya habang tayo y patuloy na namumuhay nang mapayapa, ang Diyos ng kapayapaan ay sasaatin. Ang ating pakikitungo sa mga kapuwa mananamba ay may tuwirang epekto sa ating kaugnayan kay Jehova. Paano natin mapatutunayan na tayo y mga tagapamayapa? Isaalang-alang ang isang halimbawa. 11 Ano ang dapat mong gawin kapag nahalata mong nakasakit ka ng damdamin ng isang kapuwa mananamba? Si Jesus ay nagsabi: Kung gayon, kapag dinadala mo sa altar ang iyong kaloob at doon ay naalaala mo na ang iyong kapatid ay may isang bagay na laban sa iyo, iwan mo roon sa harap ng altar ang iyong kaloob, at umalis ka; makipagpayapaan ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon, sa pagbalik mo, ihandog mo ang iyong kaloob. (Mateo 5:23, 24) Maikakapit mo ang payong iyan kung ikaw ang unang lalapit sa iyong kapatid. Sa anong layunin? Upang makipagpayapaan ka 10, 11. (a) Bakit mahalaga na tayo y maging mapagpayapa? (b) Kapag nahalata mong nakasakit ka ng damdamin ng isang kapuwa mananamba, paano mo mapatutunayang ikaw ay isang tagapamayapa? (Tingnan din ang talababa.)

225 Upang magtamo ng makadiyos na karunungan, dapat tayong magsikap na saliksikin ito sa kaniya. Upang matamo iyan, baka kailangan mong tanggapin, sa halip na ikaila, na nasaktan mo siya. Kung ang paglapit mo sa kaniya ay upang mapanumbalik ang kapayapaan at mapanatili ang saloobing iyan, malamang na malutas ang anumang di-pagkakaunawaan, magpaumanhinan, at magpatawaran sa isa t isa. Kung ikaw ang unang kikilos upang makipagpayapaan, ipinakikita mong ikaw ay ginagabayan ng makadiyos na karunungan. Makatuwiran, Handang Sumunod 12 Makatuwiran. Ano ba ang kahulugan ng pagiging makatuwiran? Ayon sa mga iskolar, ang orihinal na salitang Griego na Ang pananalitang Griego na isinaling makipagpayapaan ka ay galing sa isang pandiwa na nangangahulugang magpangyari ng pagbabago, magpalit, at sa gayon, makipagkasundo. Kaya ang tunguhin mo ay gumawa ng pagbabago, alisin, hangga t maaari, ang sama ng loob mula sa puso ng nasaktan. Roma 12:18. 12, 13. (a) Ano ang kahulugan ng salitang isinalin na makatuwiran sa Santiago 3:17? (b) Paano natin maipakikitang tayo y makatuwiran?

226 224 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA isinaling makatuwiran sa Santiago 3:17 ay mahirap isalin. Ang mga tagapagsalin ay gumamit ng mga salitang gaya ng banayad, matiisin, at makonsiderasyon. Ipinahihiwatig ng isang talababa sa New World Translation na ang literal na kahulugan nito ay mapagparaya. Paano natin maipakikita na ang aspektong ito ng karunungan mula sa itaas ang umuugit sa atin? 13 Makilala nawa ng lahat ng tao ang inyong pagkamakatuwiran, ang sabi sa Filipos 4:5. Ang isa pang salin ay kababasahan: Magkaroon ng reputasyon ng pagiging makatuwiran. (The New Testament in Modern English, ni J. B. Phillips) Pansinin na hindi gaanong mahalaga kung ano ang tingin natin sa ating sarili; ang mahalaga y kung ano ang tingin sa atin ng iba at kung ano ang pagkakilala nila sa atin. Ang isang makatuwirang tao ay hindi laging naggigiit ng bawat sinasabi ng batas o ng lahat ng kagustuhan niya. Sa halip, handa siyang makinig sa iba at, kung angkop naman, magparaya sa kanilang kagustuhan. Banayad din siya, hindi magaspang o pabigla-bigla, sa pakikitungo sa iba. Bagaman ito y kailangan sa lahat ng Kristiyano, lalo na itong mahalaga sa mga naglilingkod bilang matanda. Ang pagiging banayad ay nakaaakit, anupat nagiging madaling lapitan tuloy ang matatanda. (1 Tesalonica 2:7, 8) Makabubuti para sa ating lahat na tanungin ang sarili, Ako ba y kilala sa pagiging makonsiderasyon, mapagparaya, at banayad? 14 Handang sumunod. Ang salitang Griego na isinaling handang sumunod ay hindi masusumpungan sa ibang bahagi ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Ayon sa isang iskolar, ang salitang ito ay madalas gamitin sa disiplinang pangmilitar. Naghahatid ito ng ideya na madaling mapasang-ayon at mapagpasakop. Ang isa na inuugitan ng karunungan mula sa itaas ay madaling magpasakop sa sinasabi ng Kasulatan. Hindi siya kilala bilang isa na kapag nakapagpasiya na ay ayaw nang magpaimpluwensiya sa anumang bagay na salungat sa kaniya. Sa halip, siya y agad na nagbabago kapag naiharap sa kaniya ang maliwanag na katibayan mula sa Kasulatan na hindi tama ang kaniyang paninindigan o mali ang kaniyang mga konklusyon. Ganiyan ba ang pagkakilala sa iyo ng iba? 14. Paano natin maipakikitang tayo y handang sumunod?

227 INUUGITAN BA NG KARUNUNGAN MULA SA ITAAS? Puno ˆ ng Awa at Mabubuting Bunga 15 Puno ˆ ng awa at mabubuting bunga. Ang awa ay isang mahalagang bahagi ng karunungan mula sa itaas, yamang ang gayong karunungan ay sinasabing puno ˆ ng awa. Pansinin na ang awa at mabubuting bunga ay magkasamang binanggit. Angkop lamang ito, sapagkat sa Bibliya, ang awa ay mas madalas na tumutukoy sa aktibong pagmamalasakit sa iba, ang pagkahabag na nagluluwal ng saganang bunga ng mababait na gawa. Ang awa ay binigyang-kahulugan ng isang reperensiyang akda bilang pagkalungkot dahil sa kaawa-awang kalagayan ng iba at pagsisikap na magawan ito ng paraan. Samakatuwid, ang makadiyos na karunungan ay hindi walang-malasakit, walang-puso, o hanggang isip lamang. Sa halip, ito y may malasakit, taos-puso, at madamayin. Paano natin maipakikitang tayo y punongawa? ˆ 16 Walang-pagsalang ang isang mahalagang paraan ay sa pamamagitan ng pagsasabi ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos sa iba. Ano ang nagpapakilos sa atin na gawin ito? Pangunahin nang dahil sa pag-ibig sa Diyos. Subalit pinakikilos din tayo ng awa, o pagkahabag sa iba. (Mateo 22:37-39) Marami sa ngayon ay nabalatan at naipagtabuyan kung saan-saan tulad ng mga tupang walang pastol. (Mateo 9:36) Sila y pinabayaan at binulag ng huwad na mga pastol ng relihiyon sa espirituwal na paraan. Dahil dito, hindi nila alam ang matalinong patnubay na masusumpungan sa Salita ng Diyos o ang mga pagpapalang malapit nang idulot ng Kaharian sa lupang ito. Kaya naman kapag napag-iisip-isip natin ang espirituwal na mga pangangailangan niyaong mga nasa palibot natin, ang ating taos-pusong pagkahabag ay nagpapakilos sa atin na gawin ang lahat ng ating magagawa upang masabi sa kanila ang maibiging layunin ni Jehova. 17 Sa ano pang mga paraan natin maipakikitang tayo y lipos ng awa? Alalahanin ang ilustrasyon ni Jesus tungkol sa Samaritano na Isinalin ng iba ang mga salitang ito na pun ˆ o ng habag at mabubuting gawa. A Translation in the Language of the People, ni Charles B. Williams. 15. Ano ba ang awa, at bakit angkop lamang na ang awa at mabubuting bunga ay magkasamang binanggit sa Santiago 3:17? 16, 17. (a) Karagdagan pa sa pag-ibig sa Diyos, ano ang nagpapakilos sa atin upang makibahagi sa pangangaral, at bakit? (b) Sa anu-anong paraan natin maipakikita na tayo y lipos ng awa? 225

228 226 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA nakakita ng isang manlalakbay na nakahandusay sa tabing-daan, na ninakawan at binugbog. Dahil sa pagkahabag, ang Samaritano ay kumilos nang may awa, anupat tinalian niya ang mga sugat ng biktima at inalagaan siya. (Lucas 10:29-37) Hindi ba t ito y nagpapakita na kalakip ng awa ang paghahandog ng praktikal na tulong sa mga nangangailangan? Ang Bibliya ay nagtatagubilin sa atin na gumawa tayo ng mabuti sa lahat, ngunit lalo na roon sa mga may kaugnayan sa atin sa pananampalataya. (Galacia 6:10) Isaalangalang ang ilang posibilidad. Baka nangangailangan ng masasakyan papunta at pauwi mula sa mga pulong Kristiyano ang isang matanda nang kapananampalataya. Baka nangangailangan ng tulong para sa mga kumpunihin sa kanilang bahay ang isang biyuda sa kongregasyon. (Santiago 1:27) Baka nangangailangan ng isang mabuting salita ang isang nasisiraan ng loob upang pasayahin siya. (Kawikaan 12:25) Kapag nagpapakita tayo ng awa sa ganiyang mga paraan, pinatutunayan nating inuugitan tayo ng karunungan mula sa itaas. Hindi Gumagawa ng Pagtatangi-tangi, Hindi Mapagpaimbabaw 18 Hindi gumagawa ng pagtatangi-tangi. Ang makadiyos na karunungan ay nag-aalis ng pagtatangi ng lahi at nasyonalistikong pagmamapuri. Kung tayo y ginagabayan ng gayong karunungan, sinisikap nating alisin sa ating puso ang anumang tendensiya na magpakita ng paboritismo. (Santiago 2:9) Hindi natin pinapaboran ang iba dahil sa kanilang edukasyon, kalagayan sa pinansiyal, o pananagutan sa kongregasyon; ni hinahamak ang sinuman sa ating mga kapuwa mananamba, gaano man sila kahirap sa tingin. Kung isinaayos ni Jehova na ang mga taong ito y tumanggap ng kaniyang pag-ibig, lalo nang dapat nating ituring na sila y karapat-dapat sa ating pag-ibig. 19 Hindi mapagpaimbabaw. Ang salitang Griego para sa mapagpaimbabaw ay maaaring tumukoy sa isang artistang gumaganap ng isang papel. Noong sinaunang panahon, ang mga artistang Griego at Romano ay nagsusuot ng malalaking maskara kapag gu- 18. Kung tayo y ginagabayan ng karunungan mula sa itaas, ano ang dapat nating pagsikapang alisin sa ating puso, at bakit? 19, 20. (a) Ano ang pinagmulan ng salitang Griego para sa mapagpaimbabaw? (b) Paano natin maipakikita ang walang-pagpapaimbabaw na pagmamahal na pangkapatid, at bakit ito mahalaga?

229 Kapag tayo y nagpapakita ng awa, o habag, sa iba, nasasalamin sa atin ang karunungan mula sa itaas maganap. Kaya naman, ang salitang Griego para sa mapagpaimbabaw ay ikinapit sa isa na nagkukunwari, o sa isa na nagbabalatkayo. Ang aspektong ito ng makadiyos na karunungan ay dapat na makaimpluwensiya hindi lamang sa paraan ng ating pakikitungo sa mga kapuwa mananamba kundi pati na rin sa kung ano ang ating damdamin sa kanila. 20 Sinabi ni apostol Pedro na ang ating pagkamasunurin sa katotohanan ay dapat na magbunga ng walang-pagpapaimbabaw na pagmamahal na pangkapatid. (1 Pedro 1:22) Oo, ang ating pagmamahal sa ating mga kapatid ay hindi dapat na pakitang-tao lamang. Hindi tayo nagsusuot ng maskara o gumaganap ng mga papel upang linlangin ang iba. Ang ating pagmamahal ay dapat na maging tunay at taos-puso. Sa gayon, mapapasaatin ang pagtitiwala ng ating mga kapananampalataya, sapagkat malalaman nila na talagang ito na tayo mismo. Ang gayong kataimtiman ang naghahanda ng daan para sa buk as at tapat na pag-uugnayan ng mga Kristiyano at tumutulong na makalikha ng isang mapagtiwalang kapaligiran sa loob ng kongregasyon.

230 228 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Deuteronomio 4:4-6 Paano natin mapatutunayang tayo y marunong? Awit 119: Paano tayo makikinabang kapag masikap tayong nag-aaral at nagkakapit ng Salita ng Diyos? Kawikaan 4:10-13, Bakit natin kailangan ang karunungan ni Jehova? Santiago 3:1-16 Paano maipakikita niyaong mga pinagkatiwalaang mangasiwa sa kongregasyon na sila y marurunong at may unawa? Ingatan Mo ang Praktikal na Karunungan 21 Ang makadiyos na karunungan ay kaloob ni Jehova, isa na dapat nating ingatan. Si Solomon ay nagsabi: Anak ko,... ingatan mo ang praktikal na karunungan at ang kakayahang mag-isip. (Kawikaan 3:21) Nakalulungkot, hindi iyan nagawa mismo ni Solomon. Siya y nananatiling marunong habang iniingatan niya ang isang masunuring puso. Subalit sa dakong huli, inilayo ng kaniyang maraming asawang banyaga ang kaniyang puso mula sa dalisay na pagsamba kay Jehova. (1 Hari 11:1-8) Ang nangyari kay Solomon ay naglalarawan sa atin na ang kaalaman ay walang gaanong halaga kung hindi natin ito gagamitin sa tamang paraan. 22 Paano natin maiingatan ang praktikal na karunungan? Hindi lamang dapat nating palagiang basahin ang Bibliya at ang mga publikasyong salig sa Bibliya na inilalaan ng tapat at maingat na alipin kundi dapat din nating pagsikapang ikapit ang ating natututuhan. (Mateo 24:45) Nasa atin ang lahat ng dahilan upang ikapit ang karunungan ng Diyos. Nangangahulugan ito ng mas magandang buhay sa ngayon. Pinangyayari nito na makapanghawakan [tayong] mahigpit sa tunay na buhay buhay sa bagong sanlibutan ng Diyos. (1 Timoteo 6:19) At ang pinakamahalaga sa lahat, ang paglilinang ng karunungan mula sa itaas ay lalong nagl alap ıt sa atin sa bukal ng lahat ng karunungan, ang Diyos na Jehova. 21, 22. (a) Paanong hindi naingatan ni Solomon ang karunungan? (b) Paano natin maiingatan ang karunungan, at paano tayo makikinabang sa paggawa nito?

231 S E K S I Y O N 4 ANG DIYOS AY PAG-IBIG Sa lahat ng katangiang taglay ni Jehova, ang pag-ibig ang nangingibabaw. Ito rin ang pinakakaakit-akit. Habang sinusuri natin ang ilan sa magagandang pitak ng tulad-hiyas na katangiang ito, mauunawaan natin kung bakit sinasabi sa Bibliya na ang Diyos ay pag-ibig. 1 Juan 4:8.

232

233 K A B A N A T A 2 3 Siya ang Unang Umibig sa Atin ISANG araw ng tagsibol noon halos 2,000 taon na ang nakalilipas, isang walang-kasalanang tao ang nilitis, hinatulan ng mga krimeng hindi niya kailanman ginawa, at pagkatapos ay pinahirapan hanggang sa mamatay. Hindi ito ang unang malupit at di-makatarungang pagpatay na nangyari sa kasaysayan; nakalulungkot, hindi rin ito ang huli. Gayunman, ang kamatayang iyon ay naiiba sa lahat. 2 Habang ang taong iyon ay naghihirap sa kaniyang huling mga oras ng pag-aagaw-buhay, kitang-kita sa kaanyuan mismo ng langit ang kahalagahan ng pangyayaring iyon. Bagaman katanghaliang tapat noon, ang kadiliman ay biglang lumukob sa lupain. Gaya ng pagkasabi ng isang istoryador, naglaho ang liwanag ng araw. (Lucas 23:44, 45) Pagkatapos, bago malagutan ng hininga ang taong iyon, sinabi niya ang di-malilimot na mga salitang ito: Naganap na! Tunay ngang sa paghahandog ng kaniyang buhay, isinagawa niya ang isang kahanga-hangang bagay. Ang kaniyang sakripisyo ang pinakadakilang gawa ng pag-ibig na nagawa kailanman ng sinumang tao. Juan 15:13; 19:30. 3 Mangyari pa, ang taong iyon ay si Jesu-Kristo. Balitang-balita ang kaniyang pagdurusa at kamatayan noong malagim na araw na iyon ng Nisan 14, 33 C.E. Gayunman, isang mahalagang katotohanan ang madalas na di-napapansin. Bagaman si Jesus ay dumanas ng matinding hirap, may isa pang higit na naghirap. Sa katunayan, may isa pang gumawa ng mas malaking sakripisyo nang araw na iyon ang pinakadakilang gawa ng pag-ibig na nagawa kailanman ng sinuman sa buong uniberso. Ano kayang gawa iyon? Ang sagot ay naglalaan ng angkop na pambungad sa pinakamahalagang paksa sa lahat: ang pag-ibig ni Jehova Anu-ano ang ilang dahilan kung kaya ang kamatayan ni Jesus ay naiiba sa lahat sa kasaysayan? Ibinigay [ng Diyos] ang kaniyang bugtong na Anak

234 232 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Ang Pinakadakilang Gawa ng Pag-ibig 4 Ang Romanong senturyon na nangasiwa sa pagpatay kay Jesus ay nanggilalas dahil sa nangyaring kadiliman bago mamatay si Jesus at sa napakalakas na lindol na kasunod nito. Tiyak na ito ang Anak ng Diyos, ang sabi niya. (Mateo 27:54) Maliwanag na hindi ordinaryong tao si Jesus. Ang sundalong iyon ay tumulong sa pagpatay sa bugtong na Anak ng Kataas-taasang Diyos! Gaano nga ba kahalaga ang Anak na ito sa kaniyang Ama? 5 Si Jesus ay tinatawag sa Bibliya na ang panganay sa lahat ng nilalang. (Colosas 1:15) Isip-isipin na lamang ang Anak ni Jehova ay umiiral na bago pa man lumitaw ang pisikal na uniberso. Kung gayon, gaano na katagal nagsasama ang Ama at ang Anak? Tinatantiya ng ilang siyentipiko na ang uniberso ay 13 bilyong taon na ang edad. Kaya mo bang arukin kahit sa isip man lamang ang pagkahaba-habang panahong iyon? Upang matulungan ang mga tao na maunawaan ang edad ng uniberso ayon sa pagtantiya ng mga siyentipiko, isang planetarium ang naglagay ng isang talangguhit ng panahon na may 110 metro ang haba. Habang lumalakad ang mga bisita sa kahabaan ng talangguhit na iyon ng panahon, bawat hakbang nila ay kumakatawan sa mga 75 milyong taon sa buhay ng uniberso. Sa dulo ng talangguhit ng panahon, ang buong kasaysayan ng tao ay kinakatawanan ng isang markang singkapal lamang ng isang hibla ng buhok! Subalit, tama man ang pagtantiyang ito, hindi pa rin sasapat ang kabuuang talangguhit na iyon ng panahon upang kumatawan sa haba ng buhay ng Anak ni Jehova! Ano naman kaya ang kaniyang pinagkaabalahan sa loob ng pagkahaba-habang panahong iyon? 6 Ang Anak ay maligayang naglingkod bilang isang dalubhasang manggagawa ng kaniyang Ama. (Kawikaan 8:30) Ang Bibliya ay nagsasabi: Kung hiwalay sa [Anak] ay walang isa mang bagay ang umiral. (Juan 1:3) Kaya si Jehova at ang kaniyang Anak ay magkasamang gumawa upang pairalin ang lahat ng iba pang mga ba- 4. Paano napatunayan ng isang sundalong Romano na si Jesus ay hindi nga isang ordinaryong tao, at ano ang naging konklusyon ng sundalong iyon? 5. Paano mailalarawan ang pagkahaba-habang panahong pinagsamahan ni Jehova at ng kaniyang Anak sa langit? 6. (a) Ano ang pinagkaabalahan ng Anak ni Jehova sa panahon ng kaniyang pag-iral bago naging tao? (b) Anong uri ng bigkis ang umiral sa pagitan ni Jehova at ng kaniyang Anak?

235 SIYA ANG UNANG UMIBIG SA ATIN 233 gay. Tunay ngang kapana-panabik at maliligayang panahon ang tinamasa nila! Ngayon, marami ang sasang-ayon na ang pag-iibigan ng magulang at ng anak ay talagang napakatibay. At ang pag-ibig ay isang sakdal na bigkis ng pagkakaisa. (Colosas 3:14) Kung gayon, sino kaya sa atin ang makaaarok sa tibay ng bigkis na umiral sa gayong pagkahaba-habang panahon? Maliwanag, ang Diyos na Jehova at ang kaniyang Anak ay pinag-isa ng pinakamatibay na bigkis ng pag-ibig na nabuo kailanman. 7 Sa kabila nito, isinugo ng Ama ang kaniyang Anak sa lupa upang isilang bilang isang sanggol. Ang paggawa nito ay nangangahulugang sa loob ng ilang dekada, kailangang ipagkait ni Jehova sa kaniyang sarili ang matalik na pakikipagsamahan sa kaniyang minamahal na Anak sa langit. Taglay ang matinding interes, pinagmasdan Niya mula sa langit ang paglaki ni Jesus hanggang sa maging isang sakdal na tao. Si Jesus ay nabautismuhan nang siya y mga 30 ta ong gulang na. Hindi na natin kailangan pang hulaan kung ano ang nadama ni Jehova tungkol sa kaniya. Nagsalita mismo ang Ama mula sa langit: Ito ang aking Anak, ang minamahal, na aking sinangayunan. (Mateo 3:17) Nang makita na buong-katapatang tinupad ni Jesus ang lahat ng inihula at ang lahat ng kahilingan sa kaniya, tiyak na tuwang-tuwa ang kaniyang Ama! Juan 5:36; 17:4. 8 Subalit, ano kaya ang nadama ni Jehova noong Nisan 14, 33 C.E.? Ano kaya ang kaniyang nadama nang si Jesus ay ipagkanulo at pagkatapos ay inaresto ng isang pangkat ng mang-uumog kinagabihan? Nang si Jesus ay pabayaan ng kaniyang mga kaibigan at mapasailalim sa isang ilegal na paglilitis? Nang siya y tuyain, duraan, at suntukin? Nang siya y hagupitin, anupat halos madurog ang kaniyang likod? Nang ipako ang kaniyang mga kamay at paa sa isang posteng kahoy at iniwang nakabitin doon habang nilalait siya ng mga tao? Ano kaya ang nadama ng Ama nang ang kaniyang minamahal na Anak ay dumaing sa kaniya habang nag-aagaw-buhay? Ano kaya ang nadama ni Jehova nang hugutin ni Jesus ang kaniyang huling hininga, at sa kauna-unahang pagkakataon mula sa pasimula ng lahat ng nilalang, ang Kaniyang pinakamamahal na Anak ay hindi na umiral? Mateo 26:14-16, 46, 47, 56, 59, 67; 27:38-44, 46; Juan 19:1. 7. Nang mabautismuhan si Jesus, paano ipinahayag ni Jehova ang kaniyang nadarama tungkol sa kaniyang Anak? 8, 9. (a) Ano ang dinanas ni Jesus noong Nisan 14, 33 C.E., at paano naapektuhan ang kaniyang makalangit na Ama? (b) Bakit pinahintulutan ni Jehova na ang kaniyang Anak ay magdusa at mamatay?

236 234 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA 9 Kulang ang mga salita upang masagot natin ito. Yamang si Jehova ay may damdamin, ang kirot na dinanas niya sa pagkamatay ng kaniyang Anak ay hindi kayang ilarawan ng mga salita. Ang maaaring ipaliwanag ay ang motibo ni Jehova sa pagpapahintulot na ito y maganap. Bakit kaya pumayag ang Ama na sumailalim siya sa gayong mga damdamin? Isinisiwalat ni Jehova sa atin ang isang kahangahangang bagay sa Juan 3:16 isang talata sa Bibliya na napakahalaga anupat tinawag itong munting Ebanghelyo. Ito y nagsasabi: Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan anupat ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Kaya ang motibo ni Jehova sa kabuuan ay ito: pag-ibig. Ang kaloob ni Jehova ang pagsusugo niya sa kaniyang Anak upang magdusa at mamatay para sa atin ang pinakadakilang gawa ng pag-ibig kailanman. Binigyang-Katuturan ang Pag-ibig ng Diyos 10 Ano ang kahulugan ng salitang ito na pag-ibig? Ang pag-ibig ay inilarawan bilang ang pinakamahalagang pangangailangan ng mga tao. Mula sa pagsilang hanggang sa kamatayan, ang mga tao ay naghahangad ng pag-ibig, sumisigla sa init nito, nananamlay at namamatay pa nga dahil sa kawalan nito. Sa kabila nito, nakapagtataka na mahirap itong bigyan ng katuturan. Mangyari pa, napakadalas pagusapan ng mga tao ang tungkol sa pag-ibig. Walang katapusan ang pagdagsa ng mga aklat, awitin, at mga tula tungkol dito. Hindi pa rin laging nililinaw ng mga ito ang kahulugan ng pag-ibig. Sa katunayan, sobra na ang paggamit sa salitang ito anupat lalo nang hindi matukoy ang tunay na kahulugan nito. 11 Gayunman, malinaw ang turo ng Bibliya hinggil sa pag-ibig. Ang Expository Dictionary of New Testament Words ni Vine ay nagsasabi: Ang pag-ibig ay makikilala lamang sa mga kilos na iniuudyok nito. Ang mga nakaulat sa Bibliya na mga pagkilos ni Jehova ay napakaraming itinuturo sa atin tungkol sa kaniyang pag-ibig ang magiliw na pagmamahal na taglay niya para sa kaniyang mga nilalang. Halim- 10. Ano ang pangangailangan ng mga tao, at ano ang nangyari sa kahulugan ng salitang pag-ibig? 11, 12. (a) Saan tayo matututo nang marami tungkol sa pag-ibig, at bakit doon? (b) Anong mga uri ng pag-ibig ang ginamit sa sinaunang wikang Griego, at anong salita para sa pag-ibig ang pinakamadalas na ginagamit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan? (Tingnan din ang talababa.) (c) Ano ba ang a ga pe?

237 SIYA ANG UNANG UMIBIG SA ATIN 235 bawa, ano pa nga ba ang higit na makapagsisiwalat sa katangiang ito kaysa sa pinakadakilang gawa ng pag-ibig ni Jehova mismo na inilarawan kanina? Sa susunod na mga kabanata, makikita natin ang marami pang mga halimbawa ng pagpapakita ni Jehova ng pag-ibig. Karagdagan pa, may makukuha tayong unawa mula sa orihinal na mga salita para sa pag-ibig na ginamit sa Bibliya. Sa sinaunang wikang Griego, may apat na salita para sa pag-ibig. Sa mga ito, ang pinakamadalas gamitin sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ay ang a ga pe. Ang tawag dito ng isang diksyunaryo sa Bibliya ay ang pinakamabisang salita na maiisip para sa pag-ibig. Bakit? 12 Ang a ga pe ay tumutukoy sa pag-ibig na inuugitan ng simulain. Kaya ito y hindi lamang isang bugso ng damdamin para sa ibang tao. Mas malawak ang saklaw nito, mas pinag-iisipan at pinagaaralang mabuti ang saligan nito. Higit sa lahat, ang a ga pe ay walang anumang pag-iimbot. Halimbawa, tingnan muli ang Juan 3:16. Anong sanlibutan ang inibig ng Diyos nang gayon na lamang anupat ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak? Iyon ay ang sanlibutan na binubuo ng sangkatauhang maaaring tubusin. Kalakip dito ang maraming tao na tumatahak sa makasalanang landasin sa buhay. Iniibig ba ni Jehova ang bawat isa bilang isang personal na kaibigan, gaya ng pag-ibig niya sa tapat na si Abraham? (Santiago 2:23) Hindi naman, ngunit ang lahat ay maibiging pinagpapakitaan ni Jehova ng kabutihan, mangahulugan man ito ng napakalaking sakripisyo para sa kaniya. Nais niyang lahat ay magsisi at magbago ng kanilang landas. (2 Pedro 3:9) Marami ang gumawa nito. Ang mga ito y masaya niyang tinatanggap bilang kaniyang mga kaibigan. 13 Gayunman, ang ilan ay may maling ideya tungkol sa a ga pe. Ipinalalagay nilang ito y nangangahulugan ng isang malamig at intelektuwal na uri ng pag-ibig. Ang totoo, karaniwan nang kalakip sa a ga pe ang mainit at personal na pagmamahal. Halimbawa, nang Ang pandiwang phi le o, na ang ibig sabihin ay mahalin, kagiliwan, o maibigan (gaya ng maaaring madama ng isa sa kaniyang matalik na kaibigan o kapatid), ay madalas na ginagamit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Ang isang anyo ng salitang stor ge, o malap ıt na pag-ibig pampamilya, ay ginamit sa 2 Timoteo 3:3 upang ipakita na ang gayong pag-ibig ay magiging salat na salat sa mga huling araw. Ang e ros, o romantikong pag-iibigan ng magkaibang sekso, ay hindi ginamit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, bagaman ang uring iyan ng pag-ibig ay tinalakay sa Bibliya. Kawikaan 5: , 14. Ano ang nagpapakitang karaniwan nang kalakip sa a ga pe ang mainit na pagmamahal?

238 236 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA isulat ni Juan na, Iniibig ng Ama ang Anak, gumamit siya ng isang anyo ng salitang a ga pe. Ang pag-ibig bang iyan ay salat sa mainit na pagmamahal? Pansinin na sinabi ni Jesus, Minamahal ng Ama ang Anak, na ginagamit ang isang anyo ng salitang phi le o. (Juan 3:35; 5:20) Karaniwan nang kalakip sa pag-ibig ni Jehova ang magiliw na pagmamahal. Gayunman, ang kaniyang pag-ibig ay hindi kailanman basta nadadala lamang ng damdamin. Ito y palaging inuugitan ng kaniyang marunong at makatarungang mga simulain. 14 Gaya ng nakita na natin, lahat ng katangian ni Jehova ay napakagaling, sakdal, at kaakit-akit. Subalit ang pinakakaakit-akit sa lahat ay ang pag-ibig. Walang ibang may gayong puwersa na makapagl alap ıt sa atin kay Jehova. Nakatutuwa, pag-ibig ang siya ring nangingibabaw na katangian niya. Paano natin ito nalalaman? Ang Diyos ay Pag-ibig 15 Ang Bibliya ay may binabanggit tungkol sa pag-ibig na hindi nito kailanman binabanggit tungkol sa iba pang pangunahing mga katangian ni Jehova. Hindi sinasabi sa Kasulatan na ang Diyos ay kapangyarihan o na ang Diyos ay katarungan o na ang Diyos ay karunungan pa nga. Siya ay nagtataglay ng mga katangiang ito, ang tanging bukal ng mga ito, at walang katulad kung tungkol sa lahat ng tatlong ito. Gayunman, tungkol sa ikaapat na katangian, isang bagay na mas malalim ang sinasabi: Ang Diyos ay pag-ibig. (1 Juan 4:8) Ano ang kahulugan niyan? 16 Ang pangungusap na ang Diyos ay pag-ibig ay hindi isang simpleng pagtutumbas na gaya ng pagsasabing, ang Diyos ay katumbas ng pag-ibig. Hindi tama na baligtarin natin ang pangungusap at sa- Ang ibang mga pangungusap sa Kasulatan ay may katulad na pagkakasabi. Halimbawa, Ang Diyos ay liwanag at ang Diyos ay... apoy na tumutupok. (1 Juan 1:5; Hebreo 12:29) Subalit ang mga ito ay dapat unawain bilang mga metapora, sapagkat itinulad ng mga ito si Jehova sa pisikal na mga bagay. Si Jehova ay tulad ng liwanag, sapagkat siya y banal at matuwid. Walang kadiliman, o karumihan, sa kaniya. At siya y maitutulad sa apoy sa paggamit niya ng kapangyarihang pumuksa. 15. Anong pangungusap ang binabanggit ng Bibliya tungkol sa katangian ni Jehova na pag-ibig, at sa anong paraan naiiba ang pangungusap na ito? (Tingnan din ang talababa.) (a) Bakit sinasabi sa Bibliya na ang Diyos ay pag-ibig? (b) Sa lahat ng mga nilalang sa lupa, bakit ang tao ay isang angkop na sagisag ng katangian ni Jehova na pag-ibig?

239 SIYA ANG UNANG UMIBIG SA ATIN 237 bihing ang pag-ibig ay Diyos. Si Jehova ay makapupong nakahihigit kaysa sa isang simpleng katangian lamang. Siya y isang persona na nagtataglay ng napakaraming iba t ibang damdamin at mga katangian bukod pa sa pag-ibig. Gayunman, ang pag-ibig ay nasa kaibuturan mismo ng damdamin ni Jehova. Kaya naman isang reperensiyang akda ang nagsabi tungkol sa talatang ito: Ang likas na katangian ng Diyos ay pag-ibig. Karaniwan na, maaari natin itong ilarawan nang ganito: Ang kapangyarihan ni Jehova ang nagpapangyari sa kaniya na kumilos. Ang kaniyang katarungan at karunungan ang umuugit sa kaniyang pagkilos. Subalit ang pag-ibig ni Jehova ang nag-uudyok sa kaniya na kumilos. At palaging kaakibat ang kaniyang pag-ibig sa kaniyang paggamit ng iba pa niyang mga katangian. 17 Madalas sabihing si Jehova ang mismong personipikasyon ng pag-ibig. Kaya naman, kung nais nating matuto tungkol sa maysimulaing pag-ibig, dapat tayong matuto tungkol kay Jehova. Mangyari pa, maaari rin naman nating makita ang magandang katangiang ito sa mga tao. Ngunit bakit ito naroroon? Noong panahon ng paglalang, sinabi ni Jehova ang mga salitang ito, malamang na sa kaniyang Anak: Gawin natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. (Genesis 1:26) Sa lahat ng mga nilalang dito sa lupa, ang mga lalaki at babae lamang ang makapagpapasiyang umibig at sa gayon ay matularan ang kanilang makalangit na Ama. Alalahanin na si Jehova ay gumamit ng iba t ibang nilalang upang sumagisag sa kaniyang pangunahing mga katangian. Gayunman, pinili ni Jehova ang kaniyang pinakamataas na uring nilalang sa lupa, ang tao, bilang sagisag ng Kaniyang nangingibabaw na katangian, ang pagibig. Ezekiel 1: Kapag tayo y umiibig sa paraang di-mapag-imbot at may simulain, nasasalamin sa atin ang nangingibabaw na katangian ni Jehova. Kagaya lamang ito ng isinulat ni apostol Juan: Kung para sa atin, tayo ay umiibig, sapagkat siya ang unang umibig sa atin. (1 Juan 4:19) Subalit sa anong mga paraan una tayong inibig ni Jehova? Unang Kumilos si Jehova 19 Ang pag-ibig ay hindi bago. Tutal, ano ba ang nagpakilos kay Jehova upang lumalang? Hindi dahil sa siya y nalulungkot at nangangailangan ng kasama. Si Jehova ay kumpleto at sapat na sa ga- 19. Bakit masasabing ang pag-ibig ay gumanap ng mahalagang papel sa gawang paglalang ni Jehova?

240 238 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA nang sarili, anupat wala nang kakailanganin pa mula sa sinuman. Subalit ang kaniyang pag-ibig, isang aktibong katangian, ang likas na nagpakilos sa kaniya upang naising ibahagi ang kagalakan ng buhay sa matatalinong nilalang na magpapahalaga sa gayong kaloob. Ang pasimula ng paglalang ng Diyos ay ang kaniyang bugtong na Anak. (Apocalipsis 3:14) Pagkatapos ay ginamit ni Jehova ang Dalubhasang Manggagawang ito upang pairalin ang lahat ng iba pang mga bagay, na pinasimulan sa mga anghel. (Job 38:4, 7; Colosas 1:16) Yamang biniyayaan ng kalayaan, katalinuhan, at damdamin, ang makapangyarihang mga espiritung ito ay nagkaroon din ng pagkakataong magpakita ng pagmamahal sa isa t isa at, higit sa lahat, sa Diyos na Jehova. (2 Corinto 3:17) Samakatuwid, sila y umibig sapagkat sila y inibig muna. 20 Gayundin naman sa sangkatauhan. Sa pasimula, sina Adan at Eva ay masasabing napaliligiran ng pag-ibig. Saanman sila tumingin sa kanilang Paraisong tahanan sa Eden, nakikita nila ang katibayan ng pag-ibig ng Ama sa kanila. Pansinin ang sinasabi sa Bibliya: Ang Diyos na Jehova ay nagtanim ng isang hardin sa Eden, sa dakong silangan, at doon niya inilagay ang tao na kaniyang inanyuan. (Genesis 2:8) Nakapunta ka na ba sa isang napakagandang halamanan o parke? Alin ang lubos na ikinatuwa mo? Ang pagtagos ba ng liwanag sa mga dahon sa isang liblib na lugar? Ang napakagagandang kulay ba ng nakahanay na mga bulaklak? Ang mahinang himig ba ng aliwiw ng batis, huni ng mga ibon, at higing ng mga kulisap? Kumusta naman ang samyo ng mga punungkahoy, prutas, at mga bulaklak? Mangyari pa, walang parke sa ngayon ang makapapantay sa isa na nasa Eden. Bakit? 21 Ang halamanang iyon ay itinanim mismo ni Jehova! Tiyak na hindi kayang ilarawan ang kagandahan niyaon. Bawat punungkahoy na nakalulugod sa ganda o sa masasarap na bunga ay naroroon. Ang halamanan ay nadidiligang mabuti, maluwang, at punung-puno ng sari-saring nakahahalinang mga hayop. Taglay na nina Adan at Eva ang lahat ng kinakailangan upang ang kanilang buhay ay maging maligaya at kawili-wili, lakip na ang kasiya-siyang gawain at sakdal na pagsasamahan. Si Jehova ang unang umibig sa kanila, at taglay nila ang lahat ng dahilan upang suklian iyon ng pag-ibig din. Subalit, hindi nila ito nagawa. Sa halip na maibiging sumunod sa kani- 20, 21. Ano ang natamasa nina Adan at Eva bilang katibayan na iniibig sila ni Jehova, ngunit ano ang iginanti nila?

241 SIYA ANG UNANG UMIBIG SA ATIN 239 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Awit 63:1-11 Gaano natin dapat pahalagahan ang pag-ibig ni Jehova, at anong pagtitiwala ang maidudulot sa atin ng pag-ibig na iyan? Oseas 11:1-4; 14:4-8 Sa anong mga paraan nagpakita si Jehova ng makaamang pag-ibig sa Israel (o, Efraim), sa kabila ng anong ulat ng pagsuway? Mateo 5:43-48 Paano nagpapakita si Jehova ng makaamang pag-ibig sa sangkatauhan sa pangkalahatan? Juan 17:15-26 Paanong ang panalangin ni Jesus alang-alang sa kaniyang mga tagasunod ay tumitiyak sa atin na tayo y iniibig ni Jehova? lang makalangit na Ama, sila y buong-pag-iimbot na naghimagsik laban sa kaniya. Genesis, kabanata Tunay ngang pagkasakit-sakit niyaon sa damdamin ni Jehova! Subalit pumait ba ang kaniyang maibiging puso dahil sa paghihimagsik na ito? Hindi! Ang kaniyang maibiging-kabaitan [o, matapat na pag-ibig, talababa sa Ingles] ay hanggang sa panahong walang takda. (Awit 136:1) Kaya naman, agad siyang gumawa ng maibiging mga paglalaan upang tubusin ang sinumang wastong nakaayon sa mga supling nina Adan at Eva. Gaya ng nakita na natin, kalakip sa mga paglalaang iyon ang haing pantubos ng kaniyang minamahal na Anak, na nagdulot ng napakalaking sakripisyo para sa Ama. 1 Juan 4: Oo, mula pa sa pasimula ay una nang nagpakita si Jehova ng pagibig sa sangkatauhan. Sa di-mabilang na paraan, siya ang unang umibig sa atin. Ang pag-ibig ay nagpapaunlad ng pagkakasuwato at kagalakan, kaya nga hindi kataka-taka na ilarawan si Jehova bilang ang maligayang Diyos. (1 Timoteo 1:11) Gayunman, isang mahalagang tanong ang bumabangon. Talaga nga bang iniibig tayo ni Jehova bilang mga indibiduwal? Tatalakayin sa susunod na kabanata ang bagay na iyan. 22. Paano pinatunayan ng tugon ni Jehova sa paghihimagsik sa Eden na matapat ang kaniyang pag-ibig? 23. Ano ang isa sa mga dahilan na si Jehova ay maligayang Diyos, at anong mahalagang tanong ang tatalakayin sa susunod na kabanata?

242 K A B A N A T A 2 4 Walang Makapaghihiwalay sa Atin sa Pag-ibig ng Diyos INIIBIG ka ba ng Diyos na Jehova bilang indibiduwal? Ang ilan ay sang-ayon na iniibig ng Diyos ang sangkatauhan sa pangkalahatan, gaya ng sinasabi sa Juan 3:16. Subalit sa wari y ganito ang nadarama nila: Hindi ako kailanman maaaring ibigin ng Diyos bilang indibiduwal. Maging ang tunay na mga Kristiyano ay baka nag-aalinlangan din sa bagay na iyan kung minsan. Palibhasa y pinanghihinaan ng loob, isang lalaki ang nagsabi: Napakahirap paniwalaan na nagmamalasakit sa akin ang Diyos. Binabagabag ka ba ng ganiyang pag-aalinlangan kung minsan? 2 Gustung-gusto ni Satanas na mapaniwala tayong hindi tayo iniibig ni pinahahalagahan ng Diyos na Jehova. Totoo, madalas na dinadaya ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng pagsasamantala sa kanilang kapalaluan at kahambugan. (2 Corinto 11:3) Ngunit natutuwa rin siyang wasakin ang pagtingin-sa-sarili ng mga taong madaling mahikayat. (Juan 7:47-49; 8:13, 44) Lalo na ngang totoo ito sa mapanganib na mga huling araw na ito. Marami sa ngayon ang lumalaki sa mga pamilyang walang likas na pagmamahal. Ang iba naman ay palaging napapaharap sa mga taong mababangis, mapag-imbot, at matitigas ang ulo. (2 Timoteo 3:1-5) Dahil sa maraming ta ong pagdanas ng kalupitan, pagtatangi ng lahi, o pagkapoot, maaaring makumbinsi ang gayong mga tao na sila y walang halaga o di-kaibig-ibig. 3 Kapag nakadarama ka ng gayong negatibong saloobin, huwag kang mawalan ng pag-asa. Marami sa atin ang di-makatuwirang nanunumbat sa sarili paminsan-minsan. Subalit alalahanin, ang Salita ng Diyos ay dinisenyo para sa pagtutuwid ng mga bagay-bagay at sa pagtitiwarik ng mga bagay na matibay ang pagkakatatag. (2 Timoteo 3:16; 2 Corinto 10:4) Ang Bibliya ay nagsasabi: Mabibigyang-katiyakan natin ang ating mga puso sa harap niya saan- 1. Anong negatibong saloobin ang bumabagabag sa maraming tao, pati na sa ilang tunay na Kristiyano? 2, 3. Sino ang nagnanais na mapaniwala tayo na tayo y walang halaga o di-kaibig-ibig sa paningin ni Jehova, at paano natin malalabanan ang ideyang iyan?

243 WALANG MAKAPAGHIHIWALAY SA ATIN SA PAG-IBIG NG DIYOS 241 man tayo hinahatulan ng ating mga puso, sapagkat ang Diyos ay mas dakila kaysa sa ating mga puso at nakaaalam ng lahat ng mga bagay. (1 Juan 3:19, 20) Isaalang-alang natin ang apat na paraan na doo y tinutulungan tayo ng Kasulatan na mabigyang-katiyakan ang ating mga puso na may pag-ibig si Jehova. Pinahahalagahan Ka ni Jehova 4 Una, tuwirang itinuturo ng Bibliya na nakikita ng Diyos ang halaga ng bawat lingkod niya. Halimbawa, sinabi ni Jesus: Hindi ba ang dalawang maya ay ipinagbibili sa isang barya na maliit ang halaga? Gayunma y walang isa man sa kanila ang mahuhulog sa lupa nang hindi nalalaman ng inyong Ama. Ngunit ang mismong mga buhok ng inyong ulo ay bil ang na lahat. Kaya nga huwag kayong matakot: nagkakahalaga kayo nang higit kaysa sa maraming maya. (Mateo 10:29-31) Isaalang-alang ang kahulugan ng mga salitang iyan sa mga tagapakinig ni Jesus noong unang siglo. 5 Maaaring magtaka tayo kung bakit may bumibili pa ng maya. Buweno, noong kapanahunan ni Jesus, ang maya ang pinakamura sa mga ibong ipinagbibili bilang pagkain. Pansinin na sa isang barya na maliit ang halaga, ang nakabili ay nagkaroon ng dalawang maya. Subalit sa ibang pagkakataon ay sinabi ni Jesus na kung handang gumugol ang isang tao ng dalawang barya, magkakaroon siya, hindi ng apat na maya, kundi lima. Ang isa pang ibon ay idinagdag na para bang wala itong anumang halaga. Marahil ay wala ngang halaga ang gayong mga kinapal sa paningin ng mga tao, subalit ano naman kaya ang pangmalas ng Maylalang sa kanila? Sinabi ni Jesus: Walang isa man sa kanila [kahit na ang isa na idinagdag] ang nalilimutan sa harap ng Diyos. (Lucas 12:6, 7) Maaaring maunawaan na natin ngayon ang punto ni Jesus. Kung si Jehova ay nagpapahalaga sa isang maya, lalo pa ngang higit na mahalaga ang isang tao! Gaya ng ipinaliwanag ni Jesus, alam ni Jehova ang bawat detalye tungkol sa atin. Aba, ang mismong mga buhok ng ating ulo ay bil ang! 6 Bil ang ang ating buhok? Maaaring isipin ng ilan na hindi kapani-paniwala ang sinabing ito ni Jesus. Gayunman, isip-isipin na la- 4, 5. Paanong ang ilustrasyon ni Jesus tungkol sa mga maya ay nagpapakitang may halaga tayo sa paningin ni Jehova? 6. Bakit tayo nakatitiyak na kapani-paniwala ang sinabi ni Jesus tungkol sa pagiging bil angngbuhokngatingulo?

244 242 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA mang ang tungkol sa pag-asa ng pagkabuhay-muli. Tiyak na kilalang-kilala tayo ni Jehova upang magawa niyang lalangin tayong muli! Gayon na lamang ang pagpapahalaga niya sa atin anupat natatandaan niya ang bawat detalye, lakip na ang ating genetic code at lahat ng ating mga taon ng alaala at mga karanasan. Ang pagbilang ng ating buhok na sa karaniwang ulo ay umaabot sa mga 100,- 000 ay napakadali lamang kung ihahambing dito. Ano ang Nakikita ni Jehova sa Atin? 7 Ikalawa, itinuturo sa atin ng Bibliya kung ano ang pinahahalagahan ni Jehova sa kaniyang mga lingkod. Sa madaling salita, natutuwa siya sa ating mabubuting katangian at sa ating mga pagsisikap. Sinabi ni Haring David sa kaniyang anak na si Solomon: Ang lahat ng puso ay sinasaliksik ni Jehova, at ang bawat hilig ng mga kaisipan ay kaniyang natatalos. (1 Cronica 28:9) Habang sinasaliksik ng Diyos ang bilyun-bilyong puso ng tao sa marahas at puno-ng- pagkapoot na daigdig na ito, tiyak na tuwang-tuwa siya kapag na- ˆ kasusumpong ng pusong umiibig sa kapayapaan, katotohanan, at katuwiran! Ano kaya ang nangyayari kapag nakakakita ang Diyos ng pusong lipos ng pag-ibig sa kaniya, na naghahangad na matuto tungkol sa kaniya at maibahagi ang gayong kaalaman sa iba? Sinasabi sa atin ni Jehova na pinagtutuunan niya ng pansin yaong mga nagsasabi sa iba ng tungkol sa kaniya. Mayroon pa nga siyang isang aklat ng alaala para sa lahat ng mga natatakot kay Jehova at para sa mga palaisip sa kaniyang pangalan. (Malakias 3:16) Ang gayong mga katangian ay mahalaga sa kaniya. 8 Ano ang ilang mabubuting gawa na pinahahalagahan ni Jehova? Tiyak na ang ating mga pagsisikap na matularan ang kaniyang Anak, si Jesu-Kristo. (1 Pedro 2:21) Ang isang mahalagang gawa na pinahahalagahan ng Diyos ay ang pagpapalaganap ng mabuting ba- Paulit-ulit na iniuugnay ng Bibliya ang pag-asa ng pagkabuhay-muli sa alaalanijehova.sinabingtapatnalalakingsijobkayjehova: O...natakdaanmo nawa ako ng hangganang panahon at alalahanin mo ako! (Job 14:13) Tinukoy ni Jesus ang pagkabuhay-muli ng lahat ng nasa mga alaalang libingan. Angkop lamang ito sapagkat ganap na naaalaala ni Jehova ang mga patay na nais niyang buhaying-muli. Juan 5:28, 29. 7, 8. (a) Ano ang ilang katangian na ikinatutuwa ni Jehova na makita habang sinasaliksik niya ang mga puso ng tao? (b) Ano ang ilan sa mga ginagawa natin na pinahahalagahan ni Jehova?

245 Nagkakahalaga kayo nang higit kaysa sa maraming maya lita ng kaniyang Kaharian. Sa Roma 10:15, mababasa natin: Pagkaganda-ganda ng mga paa niyaong mga nagpapahayag ng mabuting balita ng mabubuting bagay! Maaaring hindi natin karaniwang iniisip na ang ating hamak na mga paa ay pagkaganda-ganda, o kaakit-akit. Subalit dito ay kumakatawan ang mga ito sa mga pagsisikap na ginagawa ng mga lingkod ni Jehova sa pangangaral ng mabuting balita. Lahat ng pagsisikap na ito ay kaakit-akit at mahalaga sa kaniyang paningin. Mateo 24:14; 28:19, Pinahahalagahan din ni Jehova ang ating pagbabata. (Mateo 24:13) Tandaan, gusto ni Satanas na talikuran mo si Jehova. Bawat araw na nananatili kang tapat kay Jehova ay panibagong araw na nakatutulong kang masagot ang mga panunuya ni Satanas. (Kawikaan 27:11) Hindi laging madali ang pagbabata. Ang mga problema sa kalusugan, pinansiyal na kagipitan, emosyonal na kabagabagan, at iba pang balakid ay nagiging dahilan upang ang bawat araw na magdaan ay maging isang pagsubok. Ang inaasam na nagluluwat ay nakapagpapahina rin ng loob. (Kawikaan 13:12) Ang pagbabata sa harap ng gayong mga hamon ay lalong mahalaga kay Jehova. 9, 10. (a) Bakit tayo maaaring makatiyak na pinahahalagahan ni Jehova ang ating pagbabata sa harap ng iba t ibang paghihirap? (b) Hindi kailanman nagpapakita si Jehova ng anong negatibong pangmalas sa kaniyang tapat na mga lingkod?

246 244 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Iyan ang dahilan kung bakit hiniling ni Haring David kay Jehova na tipunin ang kaniyang mga luha sa isang sisidlang balat, na may-pagtitiwalang idinagdag: Hindi ba nasa iyong aklat ang mga iyon? (Awit 56:8) Oo, pinahahalagahan at inaalaala ni Jehova ang lahat ng luha at pagdurusang binabata natin habang pinananatili natin ang ating katapatan sa kaniya. Ang mga ito y mahalaga rin sa kaniyang paningin. 10 Ngayon, baka tutulan ng mapanghatol-sa-sariling puso ang gayong katibayan ng ating halaga sa paningin ng Diyos. Baka ito y pilit na bumubulong: Ngunit napakarami pang iba riyan na mas magandanghalimbawakaysasaakin.tiyaknahindinasisiyahansi Jehova kapag inihahambing niya ako sa kanila! Si Jehova ay hindi naghahambing; ni siya y matigas o mahigpit sa kaniyang pag-iisip. (Galacia 6:4) Totoong matalas niyang sinusuri ang ating puso, at pinahahalagahan niya ang mabuti gaano man kaliit ito. Inihihiwalay ni Jehova ang Mabuti sa Masama 11 Ikatlo, habang sinusuri tayo ni Jehova, maingat ang kaniyang pagsala ` upang hanapin ang mabuti. Halimbawa, nang ipasiya ni Jehova na patayin ang buong apostatang dinastiya ni Haring Jeroboam, iniutos Niyang bigyan ng disenteng libing ang isa sa mga anak na lalaki ng hari, si Abias. Bakit? Isang bagay na mabuti kay Jehova na Diyos ng Israel ang nasumpungan sa kaniya. (1 Hari 14:1, 10-13) Sa diwa, sinala ` ni Jehova ang puso ng binatang iyon at nakasumpong doon ng isang bagay na mabuti. Gaano man kaliit o kahamak ang kaunting kabutihang iyon, nakita ni Jehova na mahalagang itala iyon sa kaniyang Salita. Ginantimpalaan pa nga niya ito, anupat nagpakita ng naaangkop na antas ng awa sa isang miyembrong iyon ng apostatang sambahayan. 12 Isa pa ngang mas positibong halimbawa ang maaaring makita sa mabuting haring si Jehosapat. Nang makagawa ang hari ng isang hangal na pagkilos, sinabi sa kaniya ng propeta ni Jehova: Dahil dito ay may galit laban sa iyo mula kay Jehova mismo. 11. Ano ang maaari nating matutuhan sa paraan ng paghawak ni Jehova sa kaso ni Abias? 12, 13. (a) Paano ipinakikita ng kaso ni Haring Jehosapat na ang hinahanap ni Jehova ay ang mabubuting bagay sa atin kahit na tayo y nagkakasala? (b) May kinalaman sa ating mabubuting gawa at mga katangian, paano kumikilos si Jehova bilang isang mapagmahal na Magulang?

247 Dapat nga itong pag-isipang mabuti! Subalit ang mensahe ni Jehova ay hindi natapos doon. Nagpatuloy ito: Gayunpaman, may mabubuting bagay na nasumpungan sa iyo. (2 Cronica 19:1-3) Kaya nga ang matuwid na galit ni Jehova ay hindi bumulag sa kaniya sa mabubuting katangian ni Jehosapat. Talaga ngang ibang-iba sa di-sakdal na mga tao! Kapag tayo y may kinasasamaan ng loob, malamang na hindi natin makita ang mabubuting bagay sa kanila. At kapag tayo y nagkakasala, ang kabiguan, kahihiyan, at panunumbat ng budhi na ating nadarama ay maaaring bumulagsaatinsamabubutingbagay na taglay natin. Gayunman, alalahanin na kung pagsisisihan natin ang ating mga kasalanan at pagsisikapang huwag nang maulit ang mga iyon, patatawarin tayo ni Jehova. 13 Habang sinasala ` ka ni Jehova, inaalis niya ang gayong mga kasalanan, kung paanong inaalis ng mandurulang ng ginto ang mga walang-halagang graba. Kumusta naman ang iyong mabubuting katangian at mga gawa? Oo, ito ang mga piraso ng ginto na kaniyang iniingatan! Napapansin mo ba kung paano pinakaiingatan ng mapagmahal na mga magulang ang mga drowing o mga proyekto sa paaralan ng kanilang mga anak, kung minsan sa loob ng mahabang panahon anupat lim ot na iyon ng mga anak? Si Jehova ang pinakamapagmahal na Magulang. Habang tayo y nananatiling tapat sa kaniya, hindi niya kalilimutan kailanman ang ating mabubuting gawa at mga Pinahahalagahan ni Jehova ang ating pagbabata sa harap ng mga pagsubok

248 246 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA katangian. Sa katunayan, itinuturing niyang liko na limutin ang mga ito, at hindi siya kailanman liko. (Hebreo 6:10) Sinasalarin ` niya tayo sa iba pang paraan. 14 Higit na tinitingnan ni Jehova ang ating potensiyal kaysa sa ating mga di-kasakdalan. Bilang paghahalimbawa: Ginagawa ng mga taong mahihilig sa mga likhang sining ang lahat ng kanilang makakaya upang maibalik sa dati ang mga iginuhit na larawan o iba pang mga likha na napinsala nang husto. Halimbawa, sa National Gallery sa London, Inglatera, nang pinsalain ng isang taong may baril na de-sabog ang drowing ni Leonardo da Vinci na nagkakahalaga ng $30 milyon, walang nagmungkahi na yamang sira na ang drowing, dapat na itong itapon. Agad na pinasimulan ang paggawa upang ibalik sa dati ang halos 500-ta ong-gulang na obra maestra. Bakit? Sapagkat mahalaga ito sa paningin ng mahihilig sa likhang sining.hindiba tmasmahalagakapakaysasadrowingnaginamitan ng chalk at charcoal? Tiyaknagayonkangasapaninginng Diyos gaano man ang iyong pinsala dahil sa minanang di-kasakdalan. (Awit 72:12-14) Gagawin ng Diyos na Jehova, ang dalubhasang Maylalang ng pamilya ng tao, ang lahat ng kailangang gawin upang maisauli sa kasakdalan ang lahat ng tutugon sa kaniyang maibiging pangangalaga. Gawa 3:21; Roma 8: Oo, nakikita ni Jehova ang mabubuting bagay sa atin na maaaring hindi natin nakikita sa ating sarili. At habang naglilingkod tayo sa kaniya, pauunlarin niya ang kabutihan hanggang sa tayo y maging sakdal sa dakong huli. Anuman ang pakikitungo sa atin ng sanlibutan ni Satanas, pinahahalagahan ni Jehova ang kaniyang tapat na mga lingkod bilang kanais-nais, o mahalaga. Hagai 2:7; talababa sa Ingles. Aktibong Ipinamamalas ni Jehova ang Kaniyang Pag-ibig 16 Ikaapat, napakalaki ng ginagawa ni Jehova upang patunayan ang kaniyang pag-ibig sa atin. Tiyak na ang haing pantubos ni Kris- 14, 15. (a) Bakit ang ating mga di-kasakdalan ay hindi kailanman bumubulag kay Jehova sa mabubuting bagay na taglay natin? Ipaghalimbawa. (b) Ano ang gagawin ni Jehova sa mabubuting bagay na nasusumpungan niya sa atin, at paano niya minamalas ang kaniyang tapat na bayan? 16. Ano ang pinakadakilang katunayan ng pag-ibig ni Jehova sa atin, at paano natin nalalaman na ang kaloob na ito ay para sa atin bilang indibiduwal?

249 WALANG MAKAPAGHIHIWALAY SA ATIN SA PAG-IBIG NG DIYOS 247 to ang pinakamabisang sagot sa kasinungalingan ni Satanas na tayo y walang halaga o di-kaibig-ibig. Hindi natin dapat kalimutan kailanman na ang napakasakit na kamatayang dinanas ni Jesus sa pahirapang tulos at ang mas matindi pa ngang paghihirap na tiniis ni Jehova sa pagmamasid sa kaniyang minamahal na Anak habang ito y namamatay ay katunayan ng kanilang pag-ibig sa atin. Nakalulungkot nga na maraming tao ang hindi makapaniwala na ang kaloob na ito ay para sa kanila bilang indibiduwal. Pakiramdam nila y wala silang halaga. Subalit, alalahanin na si apostol Pablo ay dating mang-uusig ng mga tagasunod ni Kristo. Gayunman, isinulat niya: Ang Anak ng Diyos ay umibig sa akin at nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin. Galacia 1:13; 2: Pinatutunayan ni Jehova ang kaniyang pag-ibig sa atin sa pamamagitan ng pagtulong sa atin bilang indibiduwal na samantalahin ang mga kapakinabangan ng hain ni Kristo. Sinabi ni Jesus: Walang taong makalalapit sa akin malibang ilapit siya ng Ama, na nagsugo sa akin. (Juan 6:44) Oo, si Jehova mismo ang naglalapit sa atin sa kaniyang Anak at sa pag-asang buhay na walang hanggan. Paano? Sa pamamagitan ng gawaing pangangaral, na nakararating sa atin bilang indibiduwal, at sa pamamagitan ng kaniyang banal na espiritu, na ginagamit ni Jehova upang tulungan tayong maunawaan at maikapit ang espirituwal na mga katotohanan sa kabila ng ating mga limitasyon at di-kasakdalan. Kung gayon ay masasabi ni Jehova sa atin ang sinabi niya sa Israel: Ikaw ay inibig ko ng pagibig na hanggang sa panahong walang takda. Kaya naman inilapit kita taglay ang maibiging-kabaitan. Jeremias 31:3. 18 Maaaring ang pinakamatalik na paraan upang madama natin ang pag-ibig ni Jehova ay sa pamamagitan ng pribilehiyo ng panalangin. Inaanyayahan ng Bibliya ang bawat isa sa atin na manalangin nang walang lubay sa Diyos. (1 Tesalonica 5:17) Siya y nakikinig. Tinawag pa nga siyang Dumirinig ng panalangin. (Awit 65:2) Ang posisyong ito ay hindi niya iniatas kaninuman, maging sa kaniyang sariling Anak. Isip-isipin na lamang: Ang Maylalang ng uni- 17. Sa pamamagitan ng ano inilalapit tayo ni Jehova sa kaniya at sa kaniyang Anak? 18, 19. (a) Ano ang pinakamatalik na paraan na doo y ipinamamalas ni Jehova ang kaniyang pag-ibig sa atin, at ano ang nagpapakitang personal niyang ginagampanan ito? (b) Paano tinitiyak sa atin ng Salita ng Diyos na si Jehova ay isang tagapakinig na may empatiya?

250 248 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA berso ay humihimok sa atin na lumapit sa kaniya sa panalangin, taglay ang kalayaan sa pagsasalita. At anong uri siya ng tagapakinig? Matabang ba, walang-pakiramdam, walang-malasakit? Hindi naman. 19 Si Jehova ay may empatiya. Ano ba ang empatiya? Isang tapat na Kristiyanong may-edad na ang nagsabi: Ang empatiya ay ang kirot mo sa puso ko. Talaga nga bang apektado si Jehova ng nararamdaman nating kirot? Mababasa natin ang tungkol sa mga paghihirap ng kaniyang bayang Israel: Sa lahat ng kanilang kapighatian ay napipighati siya. (Isaias 63:9) Hindi lamang nakikita ni Jehova ang kanilang mga problema; nadarama rin niya ang nadarama ng kaniyang bayan. Ang tindi ng kaniyang nadarama ay inilalarawan ng sariling pananalita ni Jehova sa kaniyang mga lingkod: Siya na humihipo sa inyo ay humihipo sa itim ng aking mata. (Zacarias 2:8) Tiyak na napakasakit niyaon! Oo, nadarama ni Jehova ang ating nadarama. Kapag tayo y nasasaktan, siya rin ay nasasaktan. 20 Walang timbang na Kristiyano ang gagamit sa gayong ebidensiya ng pag-ibig at pagpapahalaga ng Diyos bilang dahilan para sa pagmamapuri o egotismo. Sumulat si apostol Pablo: Sa pamamagitan ng di-sana-nararapat na kabaitan na ibinigay sa akin ay sinasabi ko sa bawat isa sa inyo riyan na huwag mag-isip nang higit tungkol sa kaniyang sarili kaysa sa nararapat isipin; kundi mag-isip upang magkaroon ng matinong kaisipan, ang bawat isa ayon sa sukat ng pananampalataya na ipinamahagi sa kaniya ng Diyos. (Roma 12:3) Ganito naman ang sabi rito ng isa pang salin: Sasabihin ko sa bawat isa sa inyo na huwag ituring ang sarili nang mas mataas kaysa sa tunay niyang halaga, kundi gumawa ng isang kapani-paniwalang pagkakilala sa sarili. (A Translation in the Language of the People, ni Charles B. Williams) Kaya habang nasisiyahan tayo sa init ng pagibig ng ating makalangit na Ama, magkaroon tayo ng matinong Ipinahihiwatig dito ng ilang tagapagsalin na ang humihipo sa bayan ng Diyos ay humihipo sa kaniyang sariling mata o sa mata ng Israel, hindi sa mata ng Diyos. Ang pagkakamaling ito ay ipinasok ng ilang tagakopya na may pangmalas na ang talatang ito ay walang-galang kung kaya iwinasto ito. Ang kanilang maling pagsisikap ay nagpalabo sa sidhi ng personal na empatiya ni Jehova. 20. Anong di-timbang na pag-iisip ang dapat nating iwasan kung nais nating masunod ang payo sa Roma 12:3?

251 WALANG MAKAPAGHIHIWALAY SA ATIN SA PAG-IBIG NG DIYOS 249 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Awit 139:1-24 Paano ipinakikita ng kinasihang pananalita ni Haring David na si Jehova ay lubhang interesado sa atin bilang mga indibiduwal? Isaias 43:3, 4, Ano ang nadarama ni Jehova tungkol sa mga naglilingkod bilang kaniyang mga Saksi, at paano inihahayag sa pamamagitan ng mga kilos ang kaniyang damdamin? Roma 5:6-8 Bakit tayo makatitiyak na ang ating pagiging makasalanan ay hindi humahadlang sa pag-ibig ni Jehova upang tayo y marating at makinabang? Judas Paano tayo makapananatili sa pag-ibig ng Diyos, at anong mga impluwensiya ang humahadlang sa paggawa natin nito? pag-iisip at alalahanin na hindi tayo karapat-dapat sa pag-ibig ng Diyos. Lucas 17: Gawin sana ng bawat isa sa atin ang lahat ng magagawa upang matanggihan ang lahat ng kasinungalingan ni Satanas, pati na ang kasinungalingan na tayo y walang halaga o di-kaibig-ibig. Kung itinuturo ng iyong mga karanasan sa buhay na tingnan ang sarili bilang isang napakabigat na problema anupat hindi malutas maging ng dakilang pag-ibig ng Diyos, o ang iyong mabubuting gawa ay napakaliit anupat hindi mapansin maging ng kaniyang mga matang nakakakita ng lahat, o ang iyong mga kasalanan ay napakalaki anupat hindi matubos maging ng kamatayan ng kaniyang pinakamamahal na Anak, ikaw ay naturuan ng kasinungalingan. Tanggihan mo ang mga kasinungalingang iyan sa kaibuturan ng iyong puso! Patuloy nating patibayin ang ating mga puso ng katotohanang inihahayag sa kinasihang pananalita ni Pablo: Kumbinsido ako na kahit ang kamatayan kahit ang buhay kahit ang mga anghel kahit ang mga pamahalaan kahit ang mga bagay na narito ngayon kahit ang mga bagay na darating kahit ang mga kapangyarihan kahit ang taas kahit ang lalim kahit ang anupamang ibang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na nasa kay Kristo Jesus na ating Panginoon. Roma 8:38, Anong mga kasinungalingan ni Satanas ang dapat nating patuloy na tanggihan, at anong katotohanan sa Bibliya ang magagamit upang patuloy nating mapatibay ang ating puso?

252 K A B A N A T A 2 5 Magiliw na Pagkamahabagin ng Ating Diyos ISANG hatinggabi, may isang sanggol na umiyak. Agad na nagising ang ina. Hindi na mahimbing ang tulog niya ngayon na gaya ng dati hindi na nga, mula nang isilang ang kaniyang bunso. Natutuhan na niyang kilalanin ang iba t ibang uri ng pag-iyak ng kaniyang bunso. Kaya naman, alam na niya kung ang kaniyang bunso ay gut om, nagpapakalong, o kaya naman ay nagpapapansin lamang. Subalit anuman ang dahilan ng pag-iyak ng sanggol, naririyan agad ang ina. Hindi niya maatim na di-pansinin ang mga pangangailangan ng kaniyang anak. 2 Ang habag na nadarama ng isang ina para sa kaniyang anak na nagmula sa kaniyang sinapupunan ay isa sa pinakamagigiliw na damdaming nadarama ng mga tao. Gayunman, may isang damdamin na makapupong higit na masidhi ang magiliw na pagkamahabagin ng ating Diyos, si Jehova. Ang pagsasaalang-alang sa mapagmahal na katangiang ito ay makatutulong sa atin upang higit na m apalap ıt kay Jehova. Kung gayon, pag-usapan natin kung ano ang pagkamahabagin at kung paano ito ipinamamalas ng ating Diyos. Ano ba ang Pagkamahabagin? 3 Sa Bibliya, may malapit na kaugnayan ang pagkamahabagin at pagkamaawain. Ipinahihiwatig ng ilang salita sa Hebreo at Griego ang diwa ng magiliw na pagkamahabagin. Halimbawa, isaalang-alang ang pandiwang Hebreo na ra cham, na karaniwang isinasaling maawa o mahabag. Ipinaliliwanag ng isang reperensiyang akda na ang pandiwang ra cham ay nagpapahiwatig ng isang masidhi at magiliw na damdamin ng pagkamahabagin, gaya ng nadarama natin kapag nakikita ang panghihina o pag- 1, 2. (a) Paano likas na tumutugon ang isang ina sa pag-iyak ng kaniyang bunso? (b) Anong damdamin ang makapupong higit na masidhi kaysa sa pagkamahabagin ng isang ina? 3. Ano ang kahulugan ng pandiwang Hebreo na isinaling maawa o mahabag?

253 MAGILIW NA PAGKAMAHABAGIN NG ATING DIYOS 251 durusa ng ating mga minamahal o ng mga nangangailangan ng ating tulong. Ang Hebreong terminong ito na ikinakapit ni Jehova sa kaniyang sarili ay may kaugnayan sa salitang sinapupunan at mailalarawan bilang makainang pagkamahabagin. Exodo 33:19; Jeremias 33:26. 4 Ginagamit sa Bibliya ang damdaming taglay ng isang ina sa kaniyang bunso upang ituro sa atin ang kahulugan ng pagkamahabagin ni Jehova. Sa Isaias 49:15, mababasa natin: Malilimutan ba ng asawang babae ang kaniyang pasusuhin anupat hindi niya kahahabagan [ra cham ] ang anak ng kaniyang tiyan? Maging ang mga babaing ito ay makalilimot, ngunit ako ay hindi makalilimot sa iyo. Ang nakaaantig na paglalarawang iyan ay nagdiriin ng sidhi ng pagkahabag ni Jehova sa kaniyang bayan. Paano? 5 Mahirap isipin na malilimutang pasusuhin at alagaan ng isang ina ang kaniyang anak. Kasi, ang isang sanggol ay walang magagawa sa kaniyang sarili; gabi t araw ang isang sanggol ay nangangailangan ng atensiyon at pagmamahal ng kaniyang ina. Gayunman, nakalulungkot sabihin na may nababalitaan tayo tungkol sa pagpapabaya ng ina, lalo na sa mga huling araw na ito na kakikitaan ng kawalan ng likas na pagmamahal. (2 Timoteo 3: 1, 3) Ngunit, ipinahayag ni Jehova, ako ay hindi makalilimot sa iyo. Ang magiliw na pagkamahabagin na taglay ni Jehova para sa kaniyang mga lingkod ay walang pagmamaliw. Ito y mas masidhi pa kaysa sa pinakamagiliw na likas na damdamin na maiisip natin ang pagkahabag na karaniwang nadarama ng isang ina sa kaniyang bunso. Hindi nga kataka-taka na isang komentarista ang nagsabi tungkol sa Isaias 49:15: Ito ang isa sa pinakamasisidhi, kung hindi man pinakamasidhing kapahayagan ng pag-ibig ng Diyos na nasa Matandang Tipan. 6 Ang magiliw na pagkamahabagin ba ay tanda ng kahina- Gayunman, kapansin-pansin na sa Awit 103:13, ang pandiwang Hebreo na racham ay nagpapahiwatig ng awa, o habag, na ipinakikita ng isang ama sa kaniyang mga anak. 4, 5. Paano ginagamit sa Bibliya ang damdamin ng isang ina para sa kaniyang bunso upang ituro sa atin ang tungkol sa pagkamahabagin ni Jehova? 6. Minamalas ng maraming di-sakdal na tao ang magiliw na pagkamahabagin sa anong paraan, subalit ano ang tinitiyak sa atin ni Jehova?

254

255 MAGILIW NA PAGKAMAHABAGIN NG ATING DIYOS 253 an? Maraming di-sakdal na tao ang may gayong pangmalas. Halimbawa, itinuro ng pilosopong Romano na si Seneca, na kapanahon ni Jesus at nangunguna bilang marunong na tao sa Roma, na ang pagkahabag ay isang kahinaan sa isipan. Si Seneca ay tagapagtaguyod ng Stoisismo, isang pilosopiya na nagtatampok ng isang kahinahunan na walang anumang damdamin. Maaaring tulungan ng isang marunong na tao ang mga nababagabag, sabi ni Seneca, subalit hindi siya dapat maawa, sapagkat ang gayong damdamin ay mag-aalis ng kaniyang mahinahong kalagayan. Ang gayong makasariling pangmalas sa buhay ay nag-aalis ng taimtim na pagkahabag. Subalit hinding-hindi ganiyan si Jehova! SakaniyangSalita,tinitiyaksaatinniJehovanasiyaay napakamagiliw sa pagmamahal at mahabagin. (Santiago 5:11, talababa sa Ingles) Gaya ng makikita natin, ang pagkamahabagin ay hindi kahinaan kundi isang malakas at mahalagang katangian. Suriin natin kung paanong si Jehova, gaya ng isang maibiging magulang, ay nagpapamalas nito. Nang Magpakita si Jehova ng Pagkamahabagin sa Isang Bansa 7 Kitang-kita ang pagkamahabagin ni Jehova sa paraan ng pakikitungo niya sa bansang Israel. Sa pagtatapos ng ika-16 na siglo B.C.E., milyun-milyong Israelita ang inalipin sa sinaunang Ehipto na doo y buong-kalupitan silang pinahirapan. Patuloy na pinapapait [ng mga Ehipsiyo] ang kanilang buhay sa mabigat na pagkaalipin sa argamasang luwad at mga laryo. (Exodo 1:11, 14) Dahil sa kanilang kagipitan, ang mga Israelita ay nagmakaawang tulungan sila ni Jehova. Paano tumugon ang Diyos ng magiliw na pagkamahabagin? 8 Parang kinurot ang puso ni Jehova. Sabi niya: Walang pagsalang nakita ko ang kapighatian ng aking bayan na nasa Ehipto, at narinig ko ang kanilang daing dahilan doon sa mga sapilitang nagpapatrabaho sa kanila; sapagkat nalalaman kong lubos 7, 8. Sa anong paraan nagdusa ang mga Israelita sa sinaunang Ehipto, at paano tumugon si Jehova sa kanilang pagdurusa? Malilimutan ba ng asawang babae...anganakngkaniyangtiyan?

256 254 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA ang kirot na kanilang tinitiis. (Exodo 3:7) Hindi maaaring makita ni Jehova ang mga pagdurusa ng kaniyang bayan o marinig ang kanilang mga pagdaing nang hindi siya maaawa sa kanila. Gaya ng nakita natin sa Kabanata 24 ng aklat na ito, si Jehova ay Diyos ng empatiya. At ang empatiya ang kakayahang madama ang kirot na nadarama ng iba ay may malapit na kaugnayan sa pagkamahabagin. Subalit hindi lamang nadama ni Jehova ang nadarama ng kaniyang bayan; siya y naudyukang kumilos alang-alang sa kanila. Ang Isaias 63:9 ay nagsasabi: Dahil sa kaniyang pag-ibig at sa kaniyang habag ay tinubos niya sila. Sa pamamagitan ng isang malakas na kamay, iniligtas ni Jehova ang mgaisraelitamulasaehipto.(deuteronomio4:34)pagkatapos, pinaglaanan niya sila ng makahimalang pagkain at inihatid sila sa kanilang sariling mabungang lupain. 9 Hindi natapos diyan ang pagkamahabagin ni Jehova. Nang ang Israel ay namimirmihan na sa Lupang Pangako, ito ay paulit-ulit na nagtaksil at nagdusa dahil dito. Subalit pagkaraan, ang bayan ay natatauhan naman at tumatawag kay Jehova. Paulit-ulit niya silang iniligtas. Bakit? Sapagkat siya ay nahabag sa kaniyang bayan. 2 Cronica 36:15; Hukom 2: Isaalang-alang ang nangyari noong kapanahunan ni Jepte. Yamang ang mga Israelita ay bumaling sa paglilingkod sa huwad na mga diyos, pinabayaan ni Jehova na sila y siilin ng mga Amorita sa loob ng 18 taon. Sa wakas, nagsisi ang mga Israelita. Ang Bibliya ay nagsasabi sa atin: Pinasimulan nilang alisin ang mga banyagang diyos mula sa gitna nila at naglingkod sila kay Jehova, kung kaya ang kaniyang kaluluwa ay hindi na nakatiis dahil sa kabagabagan ng Israel. (Hukom 10:6-16) Nang magpakita ng Ang pananalitang ang kaniyang kaluluwa ay hindi na nakatiis ay literal na nangangahulugang ang kaniyang kaluluwa ay naging maikli; ang kaniyang pagtitiis ay naubos. Ang The New English Bible ay kababasahan: Hindi na niya mabata na makita ang kaawa-awang kalagayan ng Israel. Ganito naman ang salin ng Tanakh A New Translation of the Holy Scriptures: Hindi niya matiis ang mga paghihirap ng Israel. 9, 10. (a) Bakit paulit-ulit na iniligtas ni Jehova ang mga Israelita matapos na sila y mamirmihan na sa Lupang Pangako? (b) Noong kapanahunan ni Jepte, iniligtas ni Jehova ang mga Israelita sa anong paniniil, at ano ang nag-udyok sa kaniya na gawin ito?

257 MAGILIW NA PAGKAMAHABAGIN NG ATING DIYOS 255 tunay na pagsisisi ang kaniyang bayan, hindi na makayanan ni Jehova na makita silang nagdurusa. Kaya naman ang Diyos ng magiliw na pagkamahabagin ay nagbigay ng kapangyarihan kay Jepte upang iligtas ang mga Israelita mula sa kamay ng kanilang mga kaaway. Hukom 11: Ano ang itinuturo sa atin ng pakikitungo ni Jehova sa bansang Israel tungkol sa magiliw na pagkamahabagin? Una sa lahat, nakita natin na hindi lamang ito basta pagkadama ng habag sa mga kapighatiang dinaranas ng mga tao. Alalahanin ang halimbawa ng isang ina na naudyukan ng pagkahabag upang tumugon sa pag-iyak ng kaniyang anak. Sa katulad na paraan, si Jehova ay hindi bingi sa mga pagsusumamo ng kaniyang bayan. Ang kaniyang magiliw na pagkamahabagin ay nag-uudyok sa kaniya upang ibsan ang kanilang pagdurusa. Karagdagan pa, ang paraan ni Jehova ng pakikitungo sa mga Israelita ay nagtuturo sa atin na ang pagkamahabagin ay hindi kailanman isang kahinaan, yamang ang magiliw na katangiang ito ang nag-udyok sa kaniya upang gumawa ng matatag at dagliang pagkilos alang-alang sa kaniyang bayan. Subalit nagpapakita ba si Jehova ng pagkamahabagin sa kaniyang mga lingkod bilang isang grupo lamang? Ang Pagkamahabagin ni Jehova sa mga Indibiduwal 12 AngKautusannaibinigayngDiyossabansangIsraelaynagpakita ng kaniyang pagkamahabagin sa mga indibiduwal. Halimbawa, isaalang-alang ang kaniyang pagmamalasakit sa mahihirap. Batid ni Jehova na maaaring bumangon ang di-inaasahang pangyayari na maaaring magsadlak sa isang Israelita tungo sa karalitaan. Paano dapat pakitunguhan ang mahihirap? Mahigpit na inutusan ni Jehova ang mga Israelita: Huwag mong patitigasin ang iyongpusoopagtitikumanngiyongkamayangiyongdukhang kapatid. Dapat ka ngang magbigay sa kaniya, at ang iyong puso ay hindi dapat maging maramot sa pagbibigay mo sa kaniya, sapagkat sa dahilang ito ay pagpapalain ka ni Jehova na iyong Diyos sa lahat ng iyong gawa. (Deuteronomio 15:7, 10) Iniutos pa nga ni 11. Mula sa pakikitungo ni Jehova sa mga Israelita, ano ang matututuhan natin tungkol sa pagkamahabagin? 12. Paano namamalas sa Kautusan ang pagkamahabagin ni Jehova sa mga indibiduwal?

258 256 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Jehova sa mga Israelita na huwag sasairin ang pag-ani sa gilid ng kanilang mga bukid o pupulutin ang mga natira. Ang mga himalay na iyon ay para sa mga maralita. (Levitico 23:22; Ruth 2:2-7) Kung susunod ang bansa sa makonsiderasyong batas na ito alangalang sa mahihirap na nasa gitna nila, ang gipit na mga indibiduwal sa Israel ay hindi na kailangan pang mamalimos ng pagkain. Hindi ba t namamalas diyan ang magiliw na pagkamahabagin ni Jehova? 13 Gayundin sa ngayon, ang ating maibiging Diyos ay lubos na nagmamalasakit sa atin bilang mga indibiduwal. Makatitiyak tayong alam na alam niya ang anumang pagdurusang maaaring dinaranas natin. Ang salmistang si David ay sumulat: Ang mga mata ni Jehova ay nakatingin sa mga matuwid, at ang kaniyang mga tainga ay nakatuon sa kanilang paghingi ng tulong. Si Jehova ay malapit sa mga wasak ang puso; at yaong mga may espiritung nasisiil ay inililigtas niya. (Awit 34:15, 18) Hinggil doon sa mga inilalarawan ng mga salitang ito, isang komentarista sa Bibliya ang nagsabi: Sila ay may wasak na puso at napipighating espiritu, samakatuwid nga, nagpakahamak dahil sa kasalanan, at walang respeto sa sarili; mababa ang tingin nila sa kanilang sarili, at walang tiwala sa sarili nilang halaga. Maaaring madama ng gayong mga tao na si Jehova ay napakalayo at na sila y walang kahala-halaga upang pagmalasakitan niya. Subalit hindi totoo iyan. Tinitiyak sa atin ng mga salita ni David na hindi pinababayaan ni Jehova yaong mababa ang tingin sa kanilang sarili. Alam ng ating mahabaging Diyos na sa gayong mga pagkakataon ay kailangang-kailangan natin siya, at siya y malapit naman. 14 Isaalang-alang ang isang karanasan. Sa Estados Unidos, isinugod ng isang ina ang kaniyang dalawang-ta ong-gulang na anak na lalaki sa ospital dahil sa grabeng ubo. Matapos suriin ang bata, sinabi ng mga doktor sa ina na kailangan muna itong manatili sa ospital sa buong magdamag. Saan natulog ang ina? Sa isang silya sa kuwarto ng ospital, sa tabi ng kama ng kaniyang anak! Ang 13, 14. (a) Paano tinitiyak sa atin ng mga salita ni David na si Jehova ay lubos na nagmamalasakit sa atin bilang mga indibiduwal? (b) Paano maipaghahalimbawa na si Jehova ay malapit sa mga wasak ang puso o may espiritung nasisiil?

259 MAGILIW NA PAGKAMAHABAGIN NG ATING DIYOS 257 kaniyang anak ay may-sakit, at kailangang nasa tabi niya siya. Tiyak na mas higit pa riyan ang maaasahan natin sa ating maibiging Ama sa langit! Tutal, tayo y ginawa ayon sa kaniyang larawan. (Genesis 1:26) Ang nakaaantig na mga salita sa Awit 34:18 ay nagsasabi sa atin na kapag wasak ang [ating] puso o tayo y may espiritung nasisiil, si Jehova, gaya ng isang maibiging magulang, ay malapit palaging nahahabag at handang tumulong. 15 Kung gayon, paano tayo tinutulungan ni Jehova bilang mga indibiduwal? Hindi niya laging kailangang alisin ang dahilan ng ating pagdurusa. Subalit si Jehova ay saganang naglalaan sa mga humihingi ng tulong sa kaniya. Ang kaniyang Salita, ang Bibliya, ay nagbibigay ng praktikal na payo na may malaking maitutulong. Sa kongregasyon, si Jehova ay naglalaan ng mga tagapangasiwang kuwalipikado sa espirituwal, na nagsisikap magpamalas ng kaniyang pagkamahabagin sa pagtulong sa mga kapuwa mananamba. (Santiago 5:14, 15) Bilang ang Dumirinig ng panalangin, nagbibigay siya ng banal na espiritu doon sa mga humihingi sa kaniya. (Awit 65:2; Lucas 11:13) Magagawa ng espiritung iyan na mapuspos tayo ng lakas na higit sa karaniwan upang makapagbata hanggang sa alisin na ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng maiigting na suliranin. (2 Corinto 4:7) Hindi ba natin ipagpapasalamat ang lahat ng mga paglalaang ito? Huwag nating kalilimutan na ang mga ito y kapahayagan ng magiliw na pagkamahabagin ni Jehova. 16 Mangyari pa, ang pinakadakilang halimbawa ng pagkamahabagin ni Jehova ay nang ibigay niya ang Isa na pinakamamahal niya bilang pantubos para sa atin. Iyon ay isang maibiging sakripisyo ni Jehova, at nagbukas ito ng daan para sa ating kaligtasan. Alalahanin, ang paglalaang iyan ng pantubos ay kapit sa atin bilang mga indibiduwal. Angkop lamang na ihula ni Zacarias, ama ni Juan na Tagapagbautismo, na ang paglalaang ito ay nagtanghal ng magiliw na pagkamahabagin ng ating Diyos. Lucas 1: Sa anong mga paraan tinutulungan tayo ni Jehova bilang mga indibiduwal? 16. Ano ang pinakadakilang halimbawa ng pagkamahabagin ni Jehova, at paano ito nakaaapekto sa atin bilang mga indibiduwal?

260 258 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Nang Pigilin ni Jehova ang Pagkahabag 17 Iisipin ba natin na ang magiliw na pagkamahabagin ni Jehova ay walang limitasyon? Sa kabaligtaran, maliwanag na ipinakikita sa Bibliya na sa kaso ng mga indibiduwal na sumasalansang sa matuwid na mga daan ni Jehova, angkop lamang na pigilin ni Jehova ang pagkahabag. (Hebreo 10:28) Upang maunawaan kung bakit niya ginagawa ito, alalahanin ang halimbawa ng bansang Israel. 18 Bagaman paulit-ulit na iniligtas ni Jehova ang mga Israelita mula sa kanilang mga kaaway, sumagad na rin ang kaniyang pagkamahabagin. Ang sutil na bayang ito ay nagsagawa ng idolatriya, anupat dinala pa nga ang kanilang kasuklam-suklam na mga idolo sa mismong templo ni Jehova! (Ezekiel 5:11; 8:17, 18) Sinabi pa sa atin: Patuloy nilang kinakantiyawan ang mga mensahero ng tunay na Diyos at hinahamak ang kaniyang mga salita at nililibak ang kaniyang mga propeta, hanggang sa ang pagngangalit ni Jehova ay sumiklab laban sa kaniyang bayan, hanggang sa wala nang kagalingan. (2 Cronica 36:16) Umabot na ang mga Israelita sa punto na wala nang wastong dahilan upang sila y kahabagan pa, at pinukaw nila ang matuwid na galit ni Jehova. Ang resulta? 19 Hindi na makadama si Jehova ng habag sa kaniyang bayan. Inihayag niya: Hindi ako mahahabag, ni malulumbay man, at hindi ako magkakaroon ng awa na pipigil sa pagpapahamak sa kanila. (Jeremias 13:14) Sa gayon, ang Jerusalem at ang templo nito ay nawasak, at ang mga Israelita ay dinalang bihag sa Babilonya. Kalunus-lunos nga kapag ang makasalanang mga tao ay nagiging lubhang mapaghimagsik anupat nasasagad na nila ang limitasyon ng pagkamahabagin ng Diyos! Panaghoy 2: Kumusta naman sa ngayon? Hindi pa rin nagbabago si Jehova. Dahil sa habag, inatasan niya ang kaniyang mga Saksi na ipangaral ang mabuting balita ng kaharian sa buong tinatahanang (a) Paano ipinakikita sa Bibliya na ang pagkamahabagin ni Jehova ay may limitasyon? (b) Ano ang naging dahilan kung kaya nasagad ang limitasyon ng pagkamahabagin ni Jehova sa kaniyang bayan? 20, 21. (a) Ano ang mangyayari kapag ang pagkamahabagin ng Diyos ay nasagad na sa ating kapanahunan? (b) Anong mahabaging paglalaan ni Jehova ang tatalakayin sa susunod na kabanata?

261 MAGILIW NA PAGKAMAHABAGIN NG ATING DIYOS 259 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Jeremias 31:20 Anong magiliw na damdamin ang taglay ni Jehova sa kaniyang bayan, at ano tuloy ang naging saloobin mo sa kaniya? Joel 2:12-14, Ano ang kailangang gawin ng bayan ni Jehova upang pagpakitaan sila ng habag, at ano ang matututuhan natin mula rito? Jonas 4:1-11 Paano tinuruan ni Jehova si Jonas ng leksiyon tungkol sa kahalagahan ng habag? Hebreo 10:26-31 Bakit hindi natin dapat pagsamantalahan ang awa, o pagkamahabagin, ni Jehova? lupa. (Mateo 24:14) Kapag tumutugon ang matuwid-pusong mga tao, tinutulungan sila ni Jehova na maunawaan ang mensahe ng Kaharian. (Gawa 16:14) Subalit ang gawaing ito ay hindi magpapatuloy magpakailanman. Hindi nga isang pagkamahabagin para kay Jehova na hayaang magpatuloy nang walang hanggan ang balakyot na sanlibutang ito, pati na ang lahat ng kahapisan at pagdurusa nito. Kapag nasagad na ang pagkamahabagin ng Diyos, lalapatan ni Jehova ng hatol ang sistemang ito ng mga bagay. Kahit sa panahong iyon, siya y kikilos taglay ang pagkahabag pagkahabag sa kaniyang banal na pangalan at sa kaniyang tapat na mga lingkod. (Ezekiel 36:20-23) Aalisin ni Jehova ang kabalakyutan at pangyayarihin niya ang isang matuwid na bagong sanlibutan. Tungkol sa mga balakyot, nagpahayag si Jehova: Ang aking mata ay hindi maaawa, ni mahahabag man ako. Ang kanilang lakad ay tiyak na pasasapitin ko sa kanilang sariling ulo. Ezekiel 9: Hangga t wala pa iyon, si Jehova ay patuloy na nakadarama ng habag sa mga tao, maging sa mga napapaharap sa pagkapuksa. Ang makasalanang mga tao na tapat na nagsisisi ay maaaring makinabang mula sa isa sa pinakamahabaging mga paglalaan ni Jehova ang pagpapatawad. Sa susunod na kabanata, tatalakayin natin ang ilan sa magagandang ilustrasyon sa Bibliya na nagpapahiwatig ng pagiging ganap ng pagpapatawad ni Jehova.

262 K A B A N A T A 2 6 Isang Diyos na Handang Magpatawad ANG sarili kong mga kamalian ay dumaan sa ibabaw ng aking ulo, isinulat ng salmistang si David. Tulad ng mabigat na pasan ay napakabigat ng mga iyon para sa akin. Ako ay naging manhid at nasiil nang lubusan. (Awit 38:4, 8) Batid ni David kung gaano kabigat ang pasaning dinadala ng isang inuusig ng budhi. Subalit nakasumpong siya ng kaaliwan para sa kaniyang nababagabag na puso. Naunawaan niya na bagaman napopoot si Jehova sa kasalanan, hindi Siya napopoot sa nagkasala kung talagang pinagsisisihan at itinatakwil ng isang iyon ang kaniyang makasalanang landasin. Taglay ang ganap na pagtitiwala sa pagiging handa ni Jehova na lawitan ng awa ang mga nagsisisi, sinabi ni David: Ikaw, O Jehova, ay... handang magpatawad. Awit 86:5. 2 Kapag tayo y nagkakasala, tayo rin ay maaaring makaranas ng napakabigat na pasanin ng isang nasaktang budhi. Ang ganitong marubdob na pagsisisi ay may dulot na kabutihan. Mauudyukan tayo nito na gumawa ng positibong hakbang upang ituwid ang ating mga pagkakamali. Gayunman, mapanganib din kung sobra na ang panunumbat ng sariling budhi. Baka igiit ng ating umuusig na puso na hindi na tayo mapatatawad ni Jehova, gaano mang pagsisisi ang gawin natin. Kapag tayo y nadaig ng panunumbat ng sariling budhi, baka maudyukan tayo ni Satanas na sumuko na at isiping tayo y walang halaga sa pangmalas ni Jehova, anupat hindi na karapat-dapat maglingkod sa kaniya. 2 Corinto 2: Ganiyan nga ba ang pangmalas ni Jehova sa mga bagay-bagay? Hindi naman! Ang pagpapatawad ay isang pitak ng dakilang pagibig ni Jehova. Sa kaniyang Salita, tinitiyak niya sa atin na kapag tayo y nagpapamalas ng tunay at taimtim na pagsisisi, handa siyang magpatawad. (Kawikaan 28:13) Upang maiwasan ang pag-aakalang 1-3. (a) Anong mabigat na pasanin ang dala ng salmistang si David, at paano siya nakasumpong ng kaaliwan para sa kaniyang nababagabag na puso? (b) Kapag tayo y nagkakasala, anong pasanin tuloy ang maaaring dala natin, subalit ano ang tinitiyak sa atin ni Jehova?

263 ISANG DIYOS NA HANDANG MAGPATAWAD 261 hindi na natin kailanman makakamit ang kapatawaran ni Jehova, suriin natin kung bakit at kung paano siya nagpapatawad. Kung Bakit si Jehova ay Handang Magpatawad 4 Batid ni Jehova ang ating mga limitasyon. Nalalaman niyang lubos ang kaanyuan natin, na inaalaalang tayo ay alabok, ang sabi sa Awit 103:14. Hindi niya kinalilimutang tayo y nilalang mula sa alabok, na marupok, o mahina, dahil sa di-kasakdalan. Ang pananalitang nalalaman niya ang kaanyuan natin ay nagpapaalaala sa atin na itinutulad ng Bibliya si Jehova sa isang magpapalayok at tayo naman ay sa mga sisidlang luwad na kaniyang hinuhubog. (Jeremias 18:2-6) Ibinabagay ng Dakilang Magpapalayok ang kaniyang pakikitungo sa atin batay sa ating likas na pagiging marupok bilang makasalanan at sa paraan ng ating pagtugon o di-pagtugon sa kaniyang patnubay. 5 Nauunawaan ni Jehova kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng kasalanan. Ang kasalanan ay inilalarawan ng kaniyang Salita bilang isang makapangyarihang puwersa na ang pagkakahawak sa mga tao ay napakahigpit at nakamamatay. Gaano nga ba kahigpit ang pagkakahawak ng kasalanan? Sa aklat ng Roma, nagpaliwanag si apostol Pablo: Tayo ay nasa ilalim ng kasalanan, kung paanong ang mga sundalo ay nasa ilalim ng kanilang kumander (Roma 3:9); ang kasalanan ay namamahala sa sangkatauhan na parang isang hari (Roma 5:21); ito y nananahanan, o tumatahan, sa atin (Roma 7:17, 20); ang kautusan nito ay patuloy na umuugit sa atin, anupat sa diwa ay nagsisikap na kumontrol sa ating landasin. (Roma 7:23, 25) Talagang napakahigpit ng pagkakahawak ng kasalanan sa ating makasalanang laman! Roma 7:21, Kaya naman, alam ni Jehova na ang ganap na pagsunod ay im- Ang salitang Hebreo na isinaling ang kaanyuan natin ay ginagamit din may kinalaman sa mga sisidlang luwad na hinuhubog ng isang magpapalayok. Isaias 29: Ano ang inaalaala ni Jehova tungkol sa ating kayarian, at paano ito nakaaapekto sa paraan ng kaniyang pakikitungo sa atin? 5. Paano inilalarawan ng aklat ng Roma ang makapangyarihang pagkakahawak ng kasalanan? 6, 7. (a) Paano minamalas ni Jehova ang mga humihiling ng kaniyang awa taglay ang nagsisising puso? (b) Bakit hindi natin dapat pagsamantalahan ang awa ni Jehova?

264 262 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA posible para sa atin, gaano man kataimtim ang ating paghahangad na maidulot ito sa kaniya. Maibigin niyang tinitiyak sa atin na kapag humiling tayo ng kaniyang awa taglay ang nagsisising puso, ilalawit niya ang kapatawaran. Ang Awit 51:17 ay nagsasabi: Ang mga hain sa Diyos ay isang wasak na espiritu; ang pusong wasak at durog, O Diyos, ay hindi mo hahamakin. Hindi kailanman tatanggihan o tatalikuran ni Jehova ang isang pusong wasak at durog dahil sa bigat ng panunumbat ng budhi. 7 Kung gayon, nangangahulugan bang maaari na nating pagsamantalahan ang awa ng Diyos, anupat ginagawang dahilan ng pagkakasala ang ating likas na pagiging makasalanan? Hinding-hindi! Si Jehova ay hindi nadadala ng basta emosyon lamang. May hangganan din ang kaniyang awa. Hinding-hindi niya patatawarin yaong matitigas ang puso na sinasadya na ang pagkakasala at hindi kinakikitaan ng pagsisisi. (Hebreo 10:26) Sa kabilang dako, kapag nakakakita siya ng pusong nagsisisi, handa naman siyang magpatawad. Isaalang-alang natin ngayon ang ilan sa madamdaming salita na ginamit sa Bibliya upang ilarawan ang kahanga-hangang pitak na ito ng pag-ibig ni Jehova. Gaano Kalubos ang Pagpapatawad ni Jehova? 8 Ang nagsisising si David ay nagsabi: Ang aking kasalanan ay ipinagtapat ko sa iyo sa wakas, at ang aking kamalian ay hindi ko pinagtakpan...at pinagpaumanhinan mo ang kamalian ng aking mga kasalanan. (Awit 32:5) Ang terminong pinagpaumanhinan ang siyang pagkasalin sa isang salitang Hebreo na ang ibig sabihin ay buhatin o dalhin. Ang pagkagamit dito ay nangangahulugang alisin ang panunumbat ng budhi, kasalanan, pagsalansang. Kaya sa diwa, binuhat ni Jehova ang mga kasalanan ni David at inilayo ang mga ito. Walang-pagsalang naibsan nito ang panunumbat ng budhi na nagpapahirap kay David. (Awit 32:3) Tayo man ay lubos na makapagtitiwala sa isang Diyos na naglalayo ng mga kasalanan niyaong mga humihiling ng kaniyang kapatawaran salig sa kanilang pananampalataya sa haing pantubos ni Jesus. Mateo 20:28. 9 Si David ay gumamit ng isa pang matingkad na halimbawa upang 8. Sa diwa, ano ang ginagawa ni Jehova kapag pinatatawad niya ang ating mga kasalanan, at anong pagtitiwala ang ibinibigay nito sa atin? 9. Hanggang saan inilalayo ni Jehova mula sa atin ang ating mga kasalanan?

265 ISANG DIYOS NA HANDANG MAGPATAWAD 263 ilarawan ang pagpapatawad ni Jehova: Kung gaano kalayo ang silangan mula sa kanluran, gayon kalayo Niya inaalis mula sa atin ang ating mga pagsalansang. (Amin ang italiko; Awit 103:12, The Amplified Bible) Gaano ba kalayo ang silangan mula sa kanluran? Sa diwa, ang silangan ay palaging nasa pinakamalayong distansiya na maaaring isipin mula sa kanluran; ang dalawang dulong ito ay hindi kailanman magkakatagpo. Sinasabi ng isang iskolar na ang pananalitang ito ay nangangahulugang sa pinakamalayo hangga t maaari; sa pinakamalayong maiisip natin. Sinasabi sa atin ng kinasihang mga salita ni David na kapag si Jehova ay nagpapatawad, inilalayo niya sa atin ang ating mga kasalanan sa pinakamalayong maiisip natin. 10 Nasubukan mo na bang mag-alis ng mantsa sa isang pinutiang damit? Marahil sa kabila ng lahat ng iyong pagsisikap, halata pa rin ang mantsa nito. Pansinin kung paano inilalarawan ni Jehova kung gaano kalawak ang kaniyang pagpapatawad: Bagaman ang mga kasalanan ninyo ay maging gaya ng iskarlata, ang mga ito ay mapapuputing gaya ng niyebe; bagaman ang mga ito ay maging 10. Kapag pinatawad na ni Jehova ang ating mga kasalanan, bakit hindi natin dapat isipin na ang mantsa ng gayong mga kasalanan ay nananatiling taglay natin habambuhay? Angmgakasalananninyo...aymapapuputing gaya ng niyebe

266 264 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA pula na gaya ng telang krimson, ang mga ito ay magiging gaya pa man din ng lana. (Isaias 1:18) Ang salitang iskarlata ay nagpapahiwatig ng isang matingkad na kulay pula. Ang krimson ay isa sa pinakamatitingkad na kulay ng tininaang tela. (Nahum 2:3) Hindi natin kailanman maaalis ang mantsa ng kasalanan sa pamamagitan ng ating sariling pagsisikap. Subalit kayang alisin ni Jehova ang mga kasalanan na gaya ng iskarlata at krimson at paputiin ang mga ito na gaya ng niyebe o di-tininaang lana. Kapag pinatawad na ni Jehova ang ating mga kasalanan, hindi natin kailangang isipin na ang mantsa ng gayong mga kasalanan ay nananatiling taglay natin habambuhay. 11 Sa nakaaantig na awit ng pasasalamat na nilikha ni Hezekias matapos na siya y iligtas sa isang nakamamatay na karamdaman, sinabi niya kay Jehova: Itinapon mo sa iyong likuran ang lahat ng aking mga kasalanan. (Isaias 38:17) Dito ay inilalarawan si Jehova na kinukuha niya ang mga kasalanan ng isang nagsisising nagkasala at itinatapon sa Kaniyang likuran kung saan ang mga ito ay hindi na Niya makikita ni mapapansin man. Ayon sa isang reperensiya, ang ideyang ipinahihiwatig ay maipahahayag nang ganito: Napangyari mo [ang aking mga kasalanan] na para bang hindi ko ginawa ang mga ito. Hindi ba t nakapagpapalakas iyan ng loob? 12 Bilang pangako ng pagsasauli, ipinahayag ng propetang si Mikas ang kaniyang pananalig na patatawarin ni Jehova ang kaniyang nagsisising bayan: Sino ang Diyos na tulad mo,... na nagpapalampas ng pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana?... At ihahagis mo sa mga kalaliman ng dagat ang lahat ng kanilang mga kasalanan. (Mikas 7:18, 19) Isip-isipin na lamang ang kahulugan ng mga salitang iyon sa mga nabubuhay noong panahon ng Bibliya. May pag-asa pa bang makuhang muli ang isang bagay na naihagis na sa mga kalaliman ng dagat? Kung gayon, ipinakikita ng mga salita ni Mikas na kapag si Jehova ay nagpapatawad, permanente niyang inaalis ang ating mga kasalanan. Sinasabi ng isang iskolar na ang iskarlata ay isang hindi kumukupas, o permanenteng kulay. Hindi ito kayang alisin maging ng hamog, ng ulan, ng paglalaba, ni ng matagal na paggamit. 11. Sa anong diwa itinatapon ni Jehova ang ating mga kasalanan sa kaniyang likuran? 12. Paano ipinakikita ng propetang si Mikas na kapag si Jehova ay nagpapatawad, permanente Niyang inaalis ang ating mga kasalanan?

267 ISANG DIYOS NA HANDANG MAGPATAWAD Ginamit ni Jesus ang kaugnayan ng nagpapautang at ng umuutang upang ilarawan ang pagpapatawad ni Jehova. Hinimok tayo ni Jesus na manalangin: Patawarin mo kami sa aming mga pagkakautang. (Mateo 6:12) Kung gayon ay itinulad ni Jesus ang mga kasalanan sa pagkakautang. (Lucas 11:4) Kapag tayo y nagkakasala, nagkakautang tayo kay Jehova. Hinggil sa kahulugan ng pandiwang Griego na isinaling patawarin, isang reperensiyang akda ang nagsasabi: Kalimutan o hayaan ang pagkakautang at huwag na itong singilin. Sa diwa, kapag si Jehova ay nagpapatawad, binubura na niya ang utang na dapat sana y nakalista sa atin. Kaya naman nakaaaliw ito sa mga nagsisising nagkasala. Hindi na kailanman sisingilin ni Jehova ang pautang na binura na niya! Awit 32: 1, Higit pang inilarawan ang pagpapatawad ni Jehova sa Gawa 3:19: Kaya nga magsisi kayo, at manumbalik upang mapawi ang inyong mga kasalanan. Ang salitang iyan na mapawi ang siyang pagkasalin sa pandiwang Griego na maaaring mangahulugang burahin,... kanselahin o wasakin. Ayon sa ilang iskolar, ang ideyang ipinahahayag ay yaong pagbura ng sulat-kamay. Paano ito naging posible? Ang tintang karaniwang ginagamit noong sinaunang panahon ay gawa sa pinaghalong karbon, kola, at tubig. Di-nagtatagal pagkatapos sumulat na gamit ang gayong tinta, ang isang tao ay maaaring kumuha ng isang basang espongha at burahin ang sulat. Nakikita riyan ang isang magandang larawan ng awa ni Jehova. Kapag nagpapatawad siya ng ating mga kasalanan, para bang kumukuha siya ng isang esponghaatbinuburaniyaangmgaito. 15 Kapag binubulay-bulay natin ang iba t ibang ilustrasyong ito, hindi ba t maliwanag na nais ipaalam sa atin ni Jehova na talagang handa siyang magpatawad sa ating mga kasalanan hangga t nakikita niyang tayo y taimtim na nagsisisi? Hindi tayo kailangang matakot na sisingilin niya sa atin sa hinaharap ang gayong mga kasalanan. Ipinakikita ito ng isa pang bagay na isinisiwalat ng Bibliya tungkol sa dakilang awa ni Jehova: Kapag siya y nagpapatawad, siya y lumilimot. 13. Ano ang kahulugan ng mga salita ni Jesus na Patawarin mo kami sa aming mga pagkakautang? 14. Ang pariralang mapawi ang inyong mga kasalanan ay nagpapasok ng anong ideya sa ating isip? 15. Ano ang nais ipaalam ni Jehova sa atin tungkol sa kaniya?

268 Nais ni Jehova na ipaalam sa atin na siya y handang magpatawad Ang Kanilang Kasalanan ay Hindi Ko Na Aalalahanin Pa 16 Nangako si Jehova hinggil sa mga kabilang sa bagong tipan: Patatawarin ko ang kanilang kamalian, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa. (Jeremias 31:34) Nangangahulugan ba ito na kapag si Jehova ay nagpatawad ay hindi na niya maaalaala pa ang mga kasalanan? Hindi maaaring magkagayon. Binabanggit sa atin ng Bibliya ang mga kasalanan ng maraming indibiduwal na pinatawad ni Jehova, pati na si David. (2 Samuel 11:1-17; 12:13) Maliwanag na nalalaman pa rin ni Jehova ang mga kamaliang nagawa nila. Ang rekord ng kanilang mga kasalanan, gayundin ang kanilang pagsisisi at pagpapatawad ng Diyos, ay iningatan para sa ating 16, 17. Kapag sinasabi sa Bibliya na kinalilimutan ni Jehova ang ating mga kasalanan, ano ang ibig sabihin nito, at bakit iyan ang sagot mo?

269 ISANG DIYOS NA HANDANG MAGPATAWAD 267 kapakinabangan. (Roma 15:4) Kung gayon, ano ang ibig sabihin ng Bibliya nang sabihin nito na hindi na aalalahanin ni Jehova ang mga kasalanan niyaong pinatawad na niya? 17 Ang pandiwang Hebreo na isinaling aalalahanin ko ay nagpapahiwatig ng higit pa sa basta paggunita lamang ng nakaraan. Sinasabi ng Theological Wordbook of the Old Testament na kalakip dito ang karagdagang pahiwatig ng paggawa ng angkop na aksiyon. Kaya sa diwang ito, ang aalalahanin ang kasalanan ay nangangahulugang gagawa ng aksiyon laban sa mga nagkasala. (Oseas 9:9) Ngunit kapag sinabi ng Diyos na ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa, tinitiyak niya sa atin na kapag napatawad na niya ang mga nagsisising nagkasala, hindi na niya sila aaksiyunan sa hinaharap dahil sa gayong mga kasalanan. (Ezekiel 18:21, 22) Sa gayon, si Jehova ay lumilimot sa diwa na hindi na niya muli t muling uungkatin ang ating mga kasalanan upang akusahan o parusahan tayo nang paulit-ulit. Hindi ba t talagang nakaaaliw na malaman na ang ating Diyos ay nagpapatawad at lumilimot? Kumusta Naman ang mga Ibubunga? 18 Ang pagiging handa bang magpatawad ni Jehova ay nangangahulugang ang isang nagsisising nagkasala ay ligtas na sa lahat ng ibubunga ng kaniyang maling landasin? Hindi naman. Hindi tayo maaaring magkasala nang hindi ito pinagdurusahan. Sumulat si Pablo: Anuman ang inihahasik ng isang tao, ito rin ang kaniyang aanihin. (Galacia 6:7) Maaaring pagdusahan natin ang mga ibubunga ng ating mga pagkilos. Hindi ito nangangahulugan na matapos tayong patawarin ay pasasapitan pa rin tayo ni Jehova ng kapighatian. Kapag may bumangong problema, hindi dapat isipin ng isang Kristiyano na, Marahil ay pinarurusahan ako ni Jehova dahil sa aking nagawang mga kasalanan. (Santiago 1:13) Sa kabilang dako naman, hindi tayo pinoprotektahan ni Jehova sa lahat ng magiging epekto ng ating masasamang pagkilos. Ang diborsiyo, labag-sa-loob na pagdadalang-tao, sakit na naisasalin sa pagtatalik, pagkawala ng tiwala o paggalang lahat ng ito ay maaaring siyang malungkot at di-maiiwasang mga bunga ng kasalanan. Alalahanin na kahit napatawad na si David sa kaniyang mga kasalanan may kaugnayan kay Bat-sheba at 18. Bakit ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugang ang isang nagsisising nagkasala ay ligtas na sa lahat ng ibubunga ng kaniyang maling landasin?

270 268 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Urias, hindi pinrotektahan ni Jehova si David mula sa nakapipinsalang mga bunga na idinulot nito. 2 Samuel 12: Ang ating mga kasalanan ay maaaring may karagdagan pang ibubunga, lalo na kung may ibang nasaktan sa ating mga ikinilos. Halimbawa, isaalang-alang ang ulat sa Levitico kabanata 6. Tinatalakay rito ng Kautusang Mosaiko ang isang situwasyon na dito y malubhang nagkasala ang isang tao dahil sa pag-agaw sa ari-arian ng isang kapuwa Israelita sa pamamagitan ng pagnanakaw, pangingikil, o pandaraya. Pagkatapos ay nagkaila ang nagkasala, anupat buong-kapangahasan pa ngang sumumpa ng kabulaanan. Ito y isang kaso ng dalawang tao na magkaiba ang sinasabi. Gayunman, pagkaraan, kinonsiyensiya ang nagkasala at inamin ang kaniyang kasalanan. Upang mapatawad ng Diyos, kailangan muna niyang gawin ang tatlo pang bagay: isauli ang kaniyang kinuha, bayaran ang biktima ng 20 porsiyento ng halaga ng ninakaw, at magbigay ng isang barakong tupa bilang handog ukol sa pagkakasala. Pagkatapos ay sinabi ng kautusan: Ang saserdote ay gagawa ng pagbabayad-sala para sa kaniya sa harap ni Jehova, at sa gayon ay patatawarin siya. Levitico 6: Ang kautusang ito ay isang maawaing paglalaan ng Diyos. Nakinabang dito ang biktima, na pinagsaulian ng ari-arian at tiyak na naginhawahan nang sa wakas ay umamin ang nagkasala. Kasabay nito, nakinabang din sa batas na ito ang isa na sa dakong huli ay pinakilos ng kaniyang budhi na aminin at ituwid ang kaniyang kamalian. Sa katunayan, kung hindi niya ginawa ito, hindi siya patatawarin ng Diyos. 21 Bagaman wala na tayo sa ilalim ng Kautusang Mosaiko, ang Kautusang iyan ay nagbibigay sa atin ng unawa hinggil sa kaisipan ni Jehova, pati na sa kaniyang pangmalas sa pagpapatawad. (Colosas 2: 13, 14) Kung tayo y nakasakit sa iba dahil sa ating mga kasalanan, nalulugod ang Diyos kapag sinisikap nating maituwid ang mali. (Mateo 5:23, 24) Maaaring mangahulugan ito ng pagkilala sa ating kasalanan, pag-amin sa ating pagkakamali, at paghingi pa nga ng tawad sa biktima. Sa gayon ay makadudulog tayo kay Jehova salig sa hain ni Jesus at makatitiyak na tayo y napatawad na ng Diyos. Hebreo 10: 21, (a) Paanong ang kautusang nakaulat sa Levitico 6:1-7 ay naging kapakipakinabang kapuwa sa biktima at sa nagkasala? (b) Kapag tayo ay nakasakit sa iba dahil sa ating mga kasalanan, nalulugod si Jehova kapag ginagawa natin ang ano?

271 ISANG DIYOS NA HANDANG MAGPATAWAD 269 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay 2 Cronica 33:1-13 Bakit pinatawad ni Jehova si Manases, at ano ang itinuturo nito sa atin tungkol sa Kaniyang awa? Mateo 6:12, 14, 15 Bakit dapat nating patawarin ang iba kung may makatuwirang dahilan para gawin ito? Lucas 15:11-32 Anoangitinuturosaatinngtalinghagangitotungkolsa pagiging handa ni Jehova na magpatawad, at ano ang nadarama mo dahil dito? 2 Corinto 7:8-11 Ano ang dapat nating gawin upang tumanggap ng kapatawaran ng Diyos? 22 Gaya ng sinumang maibiging magulang, si Jehova ay maaaring magpatawad ngunit may kaakibat na isang antas ng disiplina. (Kawikaan 3:11, 12) Baka kailanganing bitiwan ng isang nagsisising Kristiyano ang kaniyang pribilehiyo ng paglilingkod bilang isang matanda, ministeryal na lingkod, o buong-panahong ebanghelisador. Baka masakit para sa kaniya na pansamantalang mawalan ng pribilehiyo na lubhang mahalaga sa kaniya. Subalit, ang gayong disiplina ay hindi nangangahulugang hindi siya pinatawad ni Jehova. Dapat nating tandaan na ang disiplina ni Jehova ay katunayan ng kaniyang pagibig sa atin. Ang pagtanggap at pagkakapit nito ay para na rin sa ating sariling kabutihan. Hebreo 12: Nakagiginhawa ngang malaman na ang ating Diyos ay handang magpatawad! Bagaman tayo y maaaring nakagagawa ng mga pagkakamali, hindi natin dapat isipin kailanman na hindi na tayo maaaring lawitan ng awa ni Jehova. Kung talagang tayo ay nagsisisi, gumagawa ng hakbang upang maituwid ang mali, at taimtim na nananalangin para sa kapatawaran salig sa itinigis na dugo ni Jesus, lubos tayong makapagtitiwala na patatawarin tayo ni Jehova. (1 Juan 1:9) Tularan natin ang kaniyang pagpapatawad sa ating pakikitungo sa isa t isa. Tutal, kung si Jehova, na hindi nagkakasala, ay buongpag-ibig na nakapagpapatawad sa atin, hindi ba t nararapat lamang na tayong mga makasalanan ay gumawa rin ng lahat ng ating makakaya upang magpatawaran sa isa t isa? 22. Ano ang maaaring kaakibat ng pagpapatawad ni Jehova? 23. Bakit hindi natin dapat isipin kailanman na hindi na tayo maaaring lawitan ng awa ni Jehova, at bakit dapat nating tularan ang kaniyang pagpapatawad?

272 K A B A N A T A 2 7 O Pagkalaki ng Kaniyang Kabutihan! SAMANTALANG nasisikatan ng mainit-init na liwanag ng papalubog na araw, ilang matagal nang magkakaibigan ang nagkakatuwaan sa kanilang pagsasalu-salo sa labas, nagtatawanan at nagkukuwentuhan habang hinahangaan nila ang tanawin. Sa ibang dako naman na malayo rito, pinagmamasdan ng isang magsasaka ang kaniyang bukirin at ito y napapangiti dahil namuo na ang maiitim na ulap at nadidiligan na ng unang mga patak ng ulan ang mga uhaw na pananim. Sa iba pang lugar naman, tuwang-tuwa ang mag-asawa habang pinagmamasdan ang kanilang bunso sa kaniyang unang mga hakbang na pagiwang-giwang. 2 Alam man nila ito o hindi, ang gayong mga tao ay pawang nakikinabang sa iisang bagay sa kabutihan ng Diyos na Jehova. Palaging inuulit ng relihiyosong mga tao ang pariralang Ang Diyos ay mabuti. Ngunit mas matindi ang pagdiriin nito sa Bibliya. Sinasabi nito: O pagkalaki ng kaniyang kabutihan! (Zacarias 9:17) Subalit parang iilan lamang sa ngayon ang nakababatid ng tunay na kahulugan ng mga salitang iyan. Ano ba talaga ang nasasangkot sa kabutihan ng Diyos na Jehova, at paano nakaaapekto ang katangiangitongdiyossabawatisasaatin? Isang Namumukod-Tanging Pitak ng Pag-ibig ng Diyos 3 Sa maraming modernong wika, ang kabutihan ay isang pangkaraniwang salita lamang. Subalit, gaya ng isinisiwalat sa Bibliya, ang kabutihan ay hindi lamang isang pangkaraniwang salita. Pangunahin na, ito y tumutukoy sa kagalingan at kahusayan sa moral. Kung gayon, sa diwa, masasabi nating ang kabutihan ay nasa kaibuturan ng personalidad ni Jehova. Ang lahat ng kaniyang katangian lakip na ang kaniyang kapangyarihan, ang kaniyang ka- 1, 2. Gaano kalawak ang kabutihan ng Diyos, at paano idiniriin sa Bibliya ang katangiang ito? 3, 4. Ano ang kabutihan, at bakit pinakamainam na mailalarawan ang kabutihan ni Jehova bilang isang kapahayagan ng pag-ibig ng Diyos?

273 O PAGKALAKI NG KANIYANG KABUTIHAN! 271 tarungan, at ang kaniyang karunungan ay lubos na napakabuti. Gayunman, ang kabutihan ay pinakamainam na mailalarawan bilang isang kapahayagan ng pag-ibig ni Jehova. Bakit? 4 Ang kabutihan ay isang aktibong katangian na ipinakikita sa gawa. Ipinahiwatig ni apostol Pablo na mas malakas ang pang-akit nito sa mga tao kaysa sa pagiging matuwid. (Roma 5:7) Ang taong matuwid ay maaasahang maninindigan sa mga kahilingan ng batas, subalit higit pa rito ang ginagawa ng isang mabuting tao. Siya ang unang gumagawa ng hakbang, anupat masigasig na humahanap ng mga paraan upang makinabang ang iba. Gaya ng makikita natin, si Jehova ay talagang mabuti sa diwang iyan. Maliwanag na ang gayong kabutihan ay bumubukal sa walang-hanggang pagibig ni Jehova. 5 Si Jehova ay namumukod-tangi rin sa kaniyang kabutihan. Hindi pa natatagalan bago mamatay si Jesus, isang lalaki ang lumapit dito upang magtanong, anupat tinatawag siyang Mabuting Guro. Sumagot si Jesus: Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang sinumang mabuti, maliban sa isa, ang Diyos. (Marcos 10:17, 18) Buweno, maaaring malito ka sa sagot na iyan. Bakit itinuwid ni Jesus ang lalaki? Hindi ba t totoo naman na si Jesus ay isang Mabuting Guro? 6 Maliwanag na ginamit ng lalaki ang mga salitang Mabuting Guro bilang isang mapamuring titulo. Buong-kapakumbabaang iniukol ni Jesus ang kaluwalhatiang iyon sa kaniyang makalangit na Ama, na mabuti sa pinakasukdulang diwa nito. (Kawikaan 11:2) Subalit pinagtitibay rin ni Jesus ang isang malalim na katotohanan. Si Jehova lamang ang tanging pamantayan ng kabutihan. Siya lamang ang tanging may karapatan bilang soberano na magpasiya kung ano ang mabuti at masama. Sina Adan at Eva, dahil sa mapaghimagsik na pagkain mula sa punungkahoy ng pagkaalam ng mabuti at masama, ay naghangad na sila mismo ang humawak ng karapatang iyan. Di-gaya nila, buong-kapakumbabaang ipinaubaya ni Jesus sa kaniyang Ama ang pagtatakda ng mga pamantayan. 7 Isa pa, batid ni Jesus na si Jehova ang bukal ng lahat ng bagay na talagang mabuti. Siya ang Tagapagbigay ng bawat mabuting 5-7. Bakit tumanggi si Jesus na tawagin siyang Mabuting Guro, at anong malalim na katotohanan ang sa gayon ay pinagtibay niya?

274 Binibigyan kayo [ni Jehova] ngmgaulanmulasalangitat mabubungang kapanahunan kaloob at ng bawat sakdal na regalo. (Santiago 1:17) Suriin natin kung paanong ang kabutihan ni Jehova ay nakikita sa kaniyang pagkabukas-palad. Katibayan ng Saganang Kabutihan ni Jehova 8 Bawat isang nabubuhay ay nakikinabang sa kabutihan ni Jehova. Ang Awit 145:9 ay nagsasabi: Si Jehova ay mabuti sa lahat. Ano ang ilang halimbawa ng kaniyang malawak-ang-saklaw na kabutihan? Ang Bibliya ay nagsasabi: Hindi niya pinabayaang wala siyang patotoo sapagkat gumawa siya ng mabuti, na binibigyan kayo ng mga ulan mula sa langit at mabubungang kapanahunan, na lubusang pinupuno ang inyong mga puso ng pagkain at pagkagalak. (Gawa 14:17) Ganadung-ganado ka ba habang nilalasap ang masarap na pagkain? Kung hindi dahil sa kabutihan ni Jehova anupat dinisenyo ang lupang ito na patuloy na binubukalan ng sariwang tubig at mabubungang kapanahunan upang magbigay ng 8. Paano nagpakita si Jehova ng kabutihan sa buong sangkatauhan?

275 O PAGKALAKI NG KANIYANG KABUTIHAN! 273 saganang pagkain, wala tayong makakain. Iniukol ni Jehova ang gayong kabutihan hindi lamang para sa mga umiibig sa kaniya kundi para sa lahat. Sinabi ni Jesus: Pinasisikat niya ang kaniyang araw sa mga taong balakyot at sa mabubuti at nagpapaulan sa mga taong matuwid at sa mga di-matuwid. Mateo 5:45. 9 Marami ang nagwawalang-bahala sa lubos na pagkabukas-palad na idinudulot sa sangkatauhan dahil sa walang humpay na pagkilos ng araw, ulan, at mabubungang kapanahunan. Bilang halimbawa, tingnan ang mansanas. Sa lahat ng dako sa lupa na may katamtamang klima, ito ay isang karaniwang prutas. Gayunman, ito y maganda, masarap kanin, makatas, at masustansiya. Alam mo bang sa buong daigdig ay may mga 7,500 iba t ibang uri ng mansanas, na 9. Paanong ang mansanas ay ilustrasyon ng kabutihan ni Jehova? Mula sa maliit na butong ito ay tutubo ang isang punungkahoy na makapagpapakain at makapagpapalugod sa mga tao sa loob ng maraming dekada

276 274 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA may iba t ibang kulay tulad ng pula, ginto, dilaw, at berde at iba t ibang sukat mula sa malaki-laki sa kalamansi hanggang kasinlaki ng suha? Kapag hawak mo ang isang maliit na buto ng mansanas, parang walang halaga ito. Subalit mula rito ay tumutubo ang isa sa pinakamagagandang puno. ` (Awit ni Solomon 2:3) Tuwing tagsibol ang puno ` ng mansanas ay nakokoronahan ng kumpul-kumpol na mga bulaklak; tuwing taglagas ito y namumunga. Taun-taon sa loob ng 75 taon ang isang karaniwang puno ` ng mansanas ay napamimitasan ng sapat na bunga upang makapunong20kahonna ˆ tumitimbang ng 19 na kilo bawat isa! 10 Sa kaniyang sukdulang kabutihan, binigyan tayo ni Jehova ng isang katawan na kamangha-mangha ang pagkakagawa, na may mga pandamdam na dinisenyo upang tulungan tayong maunawaan ang kaniyang mga gawa at kalugur an ang mga ito. (Awit 139:14) Pag-isipang muli ang mga tanawing inilarawan sa simula ng kabanatang ito. Anong mga namamalas ng paningin ang nagdudulot ng kagalakan sa gayong mga sandali? Ang mamula-mulang pisngi ng tuwang-tuwang bata. Ang pagpatak ng ulan sa pananim. Ang pula, ginto, at biyoletang mga kulay ng papalubog na araw. Ang mata ng tao ay dinisenyo upang makita ang mahigit sa 300,000 iba t ibang kulay! At ang ating pandinig ay nakasasagap ng iba t ibang tono ng isang kinagigiliwang tinig, ng higing ng hangin sa mga punungkahoy, ng nakatutuwang halakhak ng bago pa lamang lumalakad na paslit. Bakit kaya natin natatamasa ang gayong mga tanawin at mga tunog? Ang Bibliya ay nagsasabi: Ang taingang nakaririnig at ang matang nakakakita ang mga iyon ay kapuwa ginawa ni Jehova. (Kawikaan 20:12) Subalit dalawa pa lamang iyan sa mga pandamdam. 11 Ang pang-amoy ay isa pang katibayan ng kabutihan ni Jehova. Ang ilong ng tao ay nakasasamyo ng mga 10,000 iba t ibang amoy. Mag-isip ng ilan lamang: ang iyong paboritong pagkain habang ito y iniluluto, mga bulaklak, nalaglag na mga dahon, ang kaunting usok mula sa isang nagbabagang ilawan. At dahil sa iyong pandama ay nadarama mo ang dampi ng hangin sa iyong mukha, ang nakapagpapatibay-loob na yakap ng isang minamahal, ang kasiyasiyang kinis ng balat ng prutas sa iyong kamay. Kapag kinagat mo 10, 11. Paano naitatanghal ng mga pandamdam ang kabutihan ng Diyos?

277 O PAGKALAKI NG KANIYANG KABUTIHAN! 275 iyon, diyan papasok ang iyong panlasa. Gaganahan ka habang nilalasap mo ang iba t ibang lasa na likha ng masalimuot na kimikong kayarian ng prutas na iyon. Oo, taglay natin ang lahat ng dahilan upang bumulalas tungkol kay Jehova: Kay sagana ng iyong kabutihan, na pinakaingatan mo para sa mga may takot sa iyo! (Awit 31:19) Kung gayon, paano pinakaingatan ni Jehova ang kabutihan para sa mga may makadiyos na pagkatakot? Kabutihan na May Walang-Hanggang Pakinabang 12 Sinabi ni Jesus: Nasusulat, Ang tao ay mabubuhay, hindi sa tinapay lamang, kundi sa bawat pananalitang lumalabas sa bibig ni Jehova. (Mateo 4:4) Sa katunayan, higit na may mabuting nagagawa sa atin ang espirituwal na mga paglalaan ni Jehova kaysa sa materyal na mga bagay, yamang ang mga iyon ay umaakay sa buhay na walang hanggan. Sa Kabanata 8 ng aklat na ito, napansin natin na ginamit ni Jehova ang kaniyang kapangyarihang magsauli sa mga huling araw na ito upang mapairal ang isang espirituwal na paraiso. Ang isang mahalagang bahagi ng paraisong iyan ay ang saganang espirituwal na pagkain. 13 Sa isa sa mga dakilang hula sa Bibliya hinggil sa pagsasauli, ang propetang si Ezekiel ay binigyan ng pangitain tungkol sa isang isinauli at niluwalhating templo. Mula sa templong iyon ay umagos ang isang sapa ng tubig, na lumuwang at lumalim hanggang sa maging agos na doble ang laki. Saanman ito umagos, ang ilog na iyon ay nagdulot ng mga pagpapala. Napakaraming punungkahoy sa mga pampang nito na mapagkukunan ng pagkain at pampagaling. At ang ilog ay nagdulot pa nga ng buhay at saganang pakinabang sa maalat at walang-buhay na Dagat na Patay! (Ezekiel 47:1-12) Subalit ano kaya ang ibig sabihin ng lahat ng ito? 14 Ang pangitain ay nangangahulugang isasauli ni Jehova ang kaniyang kaayusan para sa dalisay na pagsamba, tulad ng inilalarawan ng templong nakita ni Ezekiel. Gaya ng ilog sa pangitain, ang mga paglalaan ng Diyos ukol sa buhay ay lalo pang saganang 12. Aling mga paglalaan ni Jehova ang pinakamahalaga, at bakit? 13, 14. (a) Ano ang nakita ng propetang si Ezekiel sa pangitain, na may anong kahulugan para sa atin sa ngayon? (b) Anong nagbibigay-buhay na espirituwal na mga paglalaan ang ibinibigay ni Jehova sa kaniyang tapat na mga lingkod?

278 276 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA aagos sa kaniyang bayan. Mula nang isauli ang dalisay na pagsamba noong 1919, pinagpala na ni Jehova ang kaniyang bayan ng nagbibigay-buhay na mga paglalaan. Paano? Buweno, ang mga Bibliya, literatura sa Bibliya, mga pulong, at mga kombensiyon ay pawang nakatulong upang madala ang mahalagang katotohanan sa milyun-milyon. Sa pamamagitan ng mga ito ay naturuan ni Jehova ang kaniyang bayan tungkol sa pinakamahalaga niyang paglalaan ukol sa buhay ang haing pantubos ni Kristo, na nagdudulot ng isang malinis na katayuan sa harap ni Jehova at ng pag-asang buhay na walang hanggan para sa lahat ng tunay na umiibig at natatakot sa Diyos. Kaya naman, sa mga huling araw na ito, habang ang sanlibutan ay nagugutom sa espirituwal, ang bayan naman ni Jehova ay nagtatamasa ng isang espirituwal na piging. Isaias 65: Subalit ang ilog sa pangitain ni Ezekiel ay hindi titigil sa pagagos sa pagwawakas ng matandang sistemang ito ng mga bagay. Sa kabaligtaran, lalo pang lalakas ang agos nito sa Milenyong Paghahari ni Kristo. Pagkatapos, sa pamamagitan ng Mesiyanikong Kaharian, lubusang ikakapit ni Jehova ang halaga ng hain ni Jesus, anupat unti-unting iaangat ang tapat na sangkatauhan tungo sa kasakdalan. Gayon na lamang ang pagbubunyi natin doon dahil sa kabutihan ni Jehova! Karagdagang mga Pitak ng Kabutihan ni Jehova 16 Hindi lamang basta pagkabukas-palad ang nasasangkot sa kabutihan ni Jehova. Sinabi ng Diyos kay Moises: Pararaanin ko ang aking buong kabutihan sa harap ng iyong mukha, at ipahahayag ko ang pangalan ni Jehova sa harap mo. Pagkatapos ay sinabi sa ulat: Dumaan si Jehova sa harap ng kaniyang mukha at ipinahayag: Si Jehova, si Jehova, isang Diyos na maawain at ma- Wala nang hihigit pang halimbawa ng kabutihan ni Jehova kaysa sa pantubos. Sa lahat ng milyun-milyong espiritung nilalang na mapagpipilian, ang pinili pa ni Jehova ay ang kaniyang minamahal at bugtong na Anak upang mamatay alang-alang sa atin. 15. Sa anong diwa aagos ang kabutihan ni Jehova sa tapat na sangkatauhan sa Milenyong Paghahari ni Kristo? 16. Paano ipinakikita ng Bibliya na ang kabutihan ni Jehova ay sumasaklaw sa iba pang mga katangian, at ano ang ilan sa mga ito?

279 O PAGKALAKI NG KANIYANG KABUTIHAN! 277 gandang-loob, mabagal sa pagkagalit at sagana sa maibiging-kabaitan at katotohanan. (Exodo 33:19; 34:6) Kaya nga ang kabutihan ni Jehova ay sumasaklaw sa ilang maiinam na katangian. Isaalang-alang natin ang dalawa lamang sa mga ito. 17 Magandang-loob. Ang katangiang ito ay maraming masasabi sa atin tungkol sa paraan ng pakikitungo ni Jehova sa kaniyang mga nilalang. Sa halip na maging magaspang, walang malasakit, o malupit, na kadalasa y totoo sa mga nasa kapangyarihan, si Jehova ay mahinahon at mabait. Halimbawa, sinabi ni Jehova kay Abram: Itingin mo ang iyong mga mata, pakisuyo, at tumanaw ka mula sa dako na kinaroroonan mo, sa gawing hilaga at sa gawing timog at sa gawing silangan at sa gawing kanluran. (Genesis 13:14) Inaalis sa maraming salin ang salitang pakisuyo. Subalit sinasabi ng mga iskolar ng Bibliya na kalakip sa ginamit na mga salita sa orihinal na Hebreo ang isang kataga na bumabago sa pangungusap mula sa pautos tungo sa magalang na pakiusap. May iba pang nakakatulad na mga halimbawa. (Genesis 31:12; Ezekiel 8:5) Akalain mo, ang Soberano ng uniberso ay nagsasabi ng pakisuyo sa hamak na mga tao lamang! Sa isang daigdig na laganap ang kabagsikan, kapusukan, at kawalang-galang, hindi ba t nakagiginhawang bulay-bulayin ang kagandahang-loob ng ating Diyos na si Jehova? 18 Sagana sa... katotohanan. Palasak na sa daigdig ngayon ang kawalang-katapatan. Subalit pinaaalalahanan tayo ng Bibliya: Ang Diyos ay hindi tao na magsisinungaling. (Bilang 23:19) Sa katunayan, sinasabi sa Tito 1:2 na ang Diyos ay hindi maaaring magsinungaling. Napakabuti niya para magawa iyan. Kaya naman, ang mga pangako ni Jehova ay lubos na maaasahan; ang kaniyang mga salita ay tiyak na matutupad. Tinawag pa nga si Jehova na Diyos ng katotohanan. (Awit 31:5) Bukod sa hindi siya nagsisinungaling, namamahagi pa siya ng saganang katotohanan. Hindi siya maramot, nagkakait ng impormasyon, o malihim; sa halip, sagana siyang nagbibigay ng kaliwanagan sa kaniyang tapat na mga lingkod mula sa kaniyang di-nauubu- 17. Ano ba ang kagandahang-loob, at paano ito ipinamamalas ni Jehova sa mga hamak na taong di-sakdal? 18. Sa anong diwa si Jehova ay sagana... sa katotohanan, at bakit nakapagpapalakas-loob ang mga salitang iyan?

280 278 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA sang imbakan ng karunungan. Tinuturuan pa nga niya silang mamuhay ayon sa katotohanang ibinabahagi niya upang sila y patuloy na lumakad sa katotohanan. (3 Juan 3) Sa pangkalahatan, paano dapat makaapekto sa atin bilang indibiduwal ang kabutihan ni Jehova? Magniningning Dahil sa Kabutihan ni Jehova 19 Nang tuksuhin ni Satanas si Eva sa hardin ng Eden, sinimulan niya iyon sa pamamagitan ng tusong pagsira sa tiwala nito sa kabutihan ni Jehova. Sinabi ni JehovakayAdan: Mulasabawatpunungkahoy sa hardin ay makakakain ka hanggang masiyahan. Sa libu-libong punungkahoy na nakapalamuti sa hardin na iyon, isa lamang ang ipinagbawal ni Jehova. Gayunman, pansinin kung paano binuo ni Satanas ang kaniyang unang tanong kay Eva: Talaga bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain mula sa bawat punungkahoy sa hardin? (Genesis 2:9, 16; 3:1) Pinilipit ni Satanas ang mga salita ni Jehova upang isipin ni Eva na may mabuting bagay na ipinagkakait si Jehova. Nakalulungkot, naging epektibo ang kaniyang taktika. Gaya ng napakaraming lalaki at babae pagkatapos niya, sinimulang pag-alinlanganan ni Eva ang kabutihan ng Diyos, na nagbigay sa kaniya ng lahat ng kaniyang tinataglay. 20 Hindi kaila sa atin ang tindi ng pighati at paghihirap na idinulot ng gayong pag-aalinlangan. Kaya isapuso natin ang mga salita sa Jeremias 31:12: Sila ay tiyak na... magniningning dahil sa kabutihan ni Jehova. Ang kabutihan ni Jehova ay dapat ngang magpaningning sa atin sa kagalakan. Hindi tayo dapat mag-alinlangan kailanman sa mga motibo ng ating Diyos, na lipos ng kabutihan. Lubusan tayong makapagtitiwala sa kaniya, sapagkat wala siyang ibang hangarin kundi pawang kabutihan lamang para sa mga umiibig sa kaniya. Angkop lamang na iugnay ng Bibliya ang katotohanan sa liwanag. Isugo mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan, inawit ng salmista. (Awit 43:3) Si Jehova ay nagpapasikat ng saganang espirituwal na liwanag sa mga handang magpaturo, o tumanggap ng kaliwanagan, sa kaniya. 2 Corinto 4:6; 1 Juan 1:5. 19, 20. (a) Paano sinikap ni Satanas na sirain ang tiwala ni Eva sa kabutihan ni Jehova, at ano ang naging resulta? (b) Ang kabutihan ni Jehova ay dapat lamang na magkaroon ng anong epekto sa atin, at bakit?

281 O PAGKALAKI NG KANIYANG KABUTIHAN! 279 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay 1 Hari 8:54-61, 66 Paano pinasalamatan ni Solomon ang kabutihan ni Jehova, at ano ang naging epekto nito sa mga Israelita? Awit 119:66, 68 Paano maaaring masalamin sa ating mga panalangin ang paghahangad na matularan ang kabutihan ni Jehova? Lucas 6:32-38 Ano ang makatutulong upang maganyak tayong tularan ang espiritu ni Jehova ng pagkabukas-palad? Roma 12:2, 9, Paano natin maipamamalas ang kabutihan sa ating araw-araw na pamumuhay? 21 Isa pa, kapag nagkakaroon tayo ng pagkakataong sabihin sa iba ang tungkol sa kabutihan ng Diyos, tayo ay natutuwa. Hinggil sa bayan ni Jehova, ang Awit 145:7 ay nagsasabi: Sa pagbanggit ng kasaganaan ng iyong kabutihan ay mag-uumapaw sila. Sa arawaraw na tayo y nabubuhay, kahit paano ay nakikinabang tayo mula sa kabutihan ni Jehova. Bakit hindi ugaliing magpasalamat kay Jehova araw-araw dahil sa kaniyang kabutihan, sa espesipikong paraan hangga t maaari? Ang pagsasaisip sa katangiang iyan, pagpapasalamat kay Jehova araw-araw dahil dito, at pagsasabi sa iba tungkol dito ay tutulong sa atin na matularan ang ating mabuting Diyos. At habang naghahanap tayo ng mga paraan upang makagawa ng mabuti, gaya ng ginagawa ni Jehova, lalo na tayong m apapalap ıt sa kaniya. Ang matanda nang si apostol Juan ay sumulat: Minamahal, maging tagatulad ka, hindi sa masama, kundi sa mabuti. Siya na gumagawa ng mabuti ay nagmumula sa Diyos. 3 Juan Ang kabutihan ni Jehova ay iniuugnay rin sa iba pang mga katangian. Halimbawa, ang Diyos ay sagana sa maibiging-kabaitan, o matapat na pag-ibig. (Exodo 34:6) Ang pinagtutuunan ng katangiang ito ay mas espesipiko kaysa sa kabutihan, sapagkat ito y ipinadarama ni Jehova lalo na sa kaniyang tapat na mga lingkod. Sa susunod na kabanata, matututuhan natin kung paano niya ito ginagawa. 21, 22. (a) Anu-ano ang ilang paraan na doo y nanaisin mong makaganti sa kabutihan ni Jehova? (b) Anong katangian ang ating tatalakayin sa susunod na kabanata, at paano ito naiiba sa kabutihan?

282 K A B A N A T A 2 8 Ikaw Lamang ang Matapat HINDI na kaila kay Haring David ang kawalan ng katapatan. May pagkakataon pa nga na ang kaniyang maligalig na paghahari ay nabatbat ng mga intriga, anupat nagpakana ng maiitim na balak ang kaniya mismong mga kababayan laban sa kaniya. Isa pa, si David ay pinagtaksilan ng ilan sa mga inaasahan sana nating pinak a- malalap ıt sa kaniya. Kuning halimbawa si Mical, ang unang asawa ni David. Sa simula, siya y umiibig kay David, anupat walangalinlangang sumusuporta sa kaniya sa kaniyang mga tungkulin bilang hari. Gayunman, nang maglaon, pinasimulan [niya] itong hamakin sa kaniyang puso, anupat itinuring pa nga si David na gaya ng isa sa mga taong walang-isip. 1 Samuel 18:20; 2 Samuel 6:16, Sumunod naman ay ang personal na tagapayo ni David, si Ahitopel. Ang kaniyang payo ay itinuturing na para bang ito y salita mismo ni Jehova. (2 Samuel 16:23) Subalit nang maglaon, ang pinagkakatiwalaang kapalagayang-loob na ito ay nagtaksil at umanib sa organisadong paghihimagsik laban kay David. At sino ang tagasulsol sa pagsasabuwatan? Si Absalom, ang sariling anak ni David! Patuloy na ninanakaw [ng madayang oportunistang ito] ang mga puso ng mga tao sa Israel, anupat itinalaga ang kaniyang sarili bilang isang karibal na hari. Gayon na lamang katindi ang paghihimagsik ni Absalom anupat napilitan si Haring David na tumakas upang iligtas ang kaniyang buhay. 2 Samuel 15:1-6, Wala na bang nanatiling tapat kay David? Sa lahat ng dinanas niyang kagipitan, batid ni David na mayroon naman. Sino? Walang iba kundi ang Diyos na Jehova. Sa matapat ay kikilos ka nang may pagkamatapat, sabi ni David tungkol kay Jehova. (2 Samuel 22:26) Ano ba ang pagkamatapat, at paanong si Jehova ay nagsisilbing pinakadakilang halimbawa ng katangiang ito? 1, 2. Bakit masasabing hindi na kaila kay Haring David ang kawalan ng katapatan? 3. Anong matibay na paniniwala ang taglay ni David?

283 Ang buwan ay tinatawag na isang tapat na saksi, subalit tanging ang matatalinong buh ay na nilalang lamang ang tunay na makapagpapaaninag sa pagkamatapat ni Jehova Ano ba ang Pagkamatapat? 4 Ang pagkamatapat (loyalty) gayangpagkagamitsahebreong Kasulatan, ay ang kabaitan na maibiging umuugnay sa isang bagay at hindi humihiwalay hanggang sa matupad ang layunin nito may kaugnayan sa bagay na iyon. Higit pa ang nasasangkot dito kaysa katapatan (faithfulness) lamang. Kasi, ang isang tao ay maaaring maging tapat (faithful) dahil lamang sa ito ay obligasyon niya. Ditulad nito, ang pagkamatapat ay nakaugat sa pag-ibig. Isa pa, ang salitang tapat ay maaaring ikapit sa mga bagay na walang buhay. Halimbawa, tinawag ng salmista ang buwan na isang tapat na saksi sa kalangitan dahil sa regular na paglitaw nito gabi-gabi. (Awit 89:37) Subalit ang buwan ay hindi mailalarawan bilang matapat (loyal). Bakit? Sapagkat ang pagkamatapat ay isang kapahayagan ng pag-ibig isang katangian na hindi kayang ipamalas ng mga bagay na walang buhay. 5 Sa maka-kasulatang diwa, ang pagkamatapat ay may pagkagiliw. Ang mismong pagpapamalas nito ay nagpapahiwatig na may umiiral na ugnayan sa pagitan ng taong nagpapakita ng katangiang ito at ng isa na pinagpapakitaan nito. Ang gayong pagkamatapat ay hindi pabagu-bago. Hindi ito gaya ng mga alon sa dagat na Kapansin-pansin, ang salita na isinaling pagkamatapat sa 2 Samuel 22:26 ay isinalin sa ibang teksto na maibiging-kabaitan o matapat na pag-ibig. 4, 5. (a) Ano ba ang pagkamatapat (loyalty)? (b) Paano naiiba ang pagkamatapat sa katapatan (faithfulness)?

284 282 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA natatangay ng pabagu-bagong hihip ng hangin. Sa halip, ang pagkamatapat, o matapat na pag-ibig, ay matatag at malakas upang madaig ang pinakamahihirap na balakid. 6 Totoo, madalang na ngayon ang gayong pagkamatapat. Madalas mangyari na ang mga magkakasama ay nagsisiraan. Parami nang parami ang nababalitaan natin na humihiwalay sa kani-kanilang asawa. (Kawikaan 18:24; Malakias 2:14-16) Palasak na palasak ang kataksilan anupat baka nasasabi rin natin ang sinabi ni propeta Mikas: Ang matapat ay pumanaw mula sa lupa. (Mikas 7:2) Bagaman madalas na nabibigo ang mga tao sa pagpapakita ng maibiging-kabaitan, litaw na litaw naman kay Jehova ang katangian ng pagkamatapat. Sa katunayan, ang pinakamagaling na paraan upang matutuhan kung ano ang kalakip ng pagkamatapat ay ang pagsusuri sa paraan ng pagpapamalas ni Jehova ng dakilang pitak na ito ng kaniyang pag-ibig. Ang Walang-Katulad na Pagkamatapat ni Jehova 7 Ang Bibliya ay nagsasabi tungkol kay Jehova: Ikaw lamang ang matapat. (Apocalipsis 15:4) Paano nangyari iyon? Hindi ba t kapuwa ang mga tao at mga anghel ay nagpapamalas din paminsanminsan ng kahanga-hangang pagkamatapat? (Job 1:1; Apocalipsis 4:8) At paano naman si Jesu-Kristo? Hindi ba t siya ang pangunahing matapat ng Diyos? (Awit 16:10) Kung gayon, paano masasabing si Jehova lamang ang matapat? 8 Una sa lahat, alalahanin na ang pagkamatapat ay isang pitak ng pag-ibig. Yamang ang Diyos ay pag-ibig bilang siya ang mismong personipikasyon ng katangiang ito sino pa kaya ang lubusang makapagpapamalas ng pagkamatapat bukod kay Jehova? (1 Juan 4:8) Totoo nga na maaaring masalamin sa mga anghel at sa mga tao ang mga katangian ng Diyos, subalit tanging si Jehova lamang ang matapat sa pinakasukdulang antas. Bilang ang Sinauna sa mga Araw, mas matagal na siyang nagpapamalas ng maibigingkabaitan kaysa sa sinumang nilalang, makalupa man o makalangit. (Daniel 7:9) Samakatuwid, si Jehova ang pinakabuod ng pagkama- 6. (a) Gaano kadalang ang pagkamatapat sa gitna ng mga tao, at paano ito ipinahihiwatig sa Bibliya? (b) Ano ang pinakamagaling na paraan upang matutuhan kung ano ang kalakip ng pagkamatapat, at bakit? 7, 8. Paano masasabing si Jehova lamang ang matapat?

285 IKAW LAMANG ANG MATAPAT 283 tapat. Ipinamamalas niya ang katangiang ito sa paraang di-mapapantayan ng sinumang nilalang. Isaalang-alang ang ilang halimbawa. 9 Si Jehova ay matapat sa lahat ng kaniyang mga gawa. (Awit 145:17) Sa anong paraan? Ang Awit 136 ay sumasagot. Binabanggit doon ang ilang pagliligtas ni Jehova, lakip na ang bantog na pagliligtas sa mga Israelita sa Dagat na Pula. Kapansin-pansin, bawat talata ng awit na ito ay nilagyan ng pariralang: Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan [o, pagkamatapat] ay hanggang sa panahong walang takda. Ang awit na ito ay kalakip sa Mga Tanong Para sa Pagbubulay-bulay sa pahina 289. Habang binabasa mo ang mga talatang ito, hindi mo maiiwasang humanga sa maraming paraan na doo y ipinamalas ni Jehova ang maibiging-kabaitan sa kaniyang bayan. Oo, ipinamamalas ni Jehova ang pagkamatapat sa kaniyang tapat na mga lingkod sa pamamagitan ng pagdinig sa kanilang paghingi ng tulong at ng pagkilos sa takdang panahon. (Awit 34:6) Ang matapat na pag-ibig ni Jehova sa kaniyang mga lingkod ay hindi magmamaliw hangga t sila y nananatiling matapat sa kaniya. 10 Karagdagan pa, si Jehova ay nagpapamalas ng pagkamatapat sa kaniyang mga lingkod sa pamamagitan ng pananatiling tapat sa kaniyang mga pamantayan. Di-gaya ng ilang pabagu-bagong tao, na madaling matangay ng kapritso at damdamin, si Jehova ay hindi nagsasalawahan sa kaniyang pangmalas sa tama at mali. Sa loob ng libu-libong taon, ang kaniyang pangmalas sa espiritismo, idolatriya, at pagpaslang ay hindi nagbabago. Maging hanggang sa katandaan ng isa ay ako pa rin ang Isang iyon, ang sabi niya sa pamamagitan ng kaniyang propetang si Isaias. (Isaias 46:4) Kung gayon, makapagtitiwala tayo na makikinabang tayo sa pagsunod sa maliwanag na tuntunin sa moral na masusumpungan sa Salita ng Diyos. Isaias 48: Nagpapakita rin si Jehova ng pagkamatapat sa pamamagitan ng pagiging tapat sa kaniyang pangako. Kapag inihula niya ang 9. Paanong si Jehova ay matapat sa lahat ng kaniyang mga gawa? 10. Paano ipinamamalas ni Jehova ang pagkamatapat may kinalaman sa kaniyang mga pamantayan? 11. Magbigay ng mga halimbawa na nagpapakitang si Jehova ay tapat sa kaniyang pangako.

286 284 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA isang bagay, iyon ay natutupad. Kaya naman sinabi ni Jehova: Ang aking salita na lumalabas sa aking bibig ay hindi babalik sa akin nang walang resulta, kundi gagawin nga nito yaong kinalulugdan ko, at ito ay tiyak na magtatagumpay sa bagay na pinagsuguan ko nito. (Isaias 55:11) Sa pananatiling tapat sa kaniyang salita, si Jehova ay nagpapakita ng pagkamatapat sa kaniyang bayan. Hindi niya sila pinananabik sa paghihintay sa isang bagay na hindi naman niya gagawin. Gayon na lamang kadalisay ang reputasyon ni Jehova sa bagay na ito anupat nasabi tuloy ng kaniyang lingkod na si Josue: Walang isa mang pangako ang nabigo sa lahat ng mabuting pangako na binitiwan ni Jehova sa sambahayan ng Israel; ang lahat ay nagkatotoo. (Josue 21:45) Kung gayon, makapagtitiwala tayo na hindi kailanman mangyayaring tayo ay mabigo dahil sa hindi pagtupad ni Jehova sa kaniyang mga pangako. Isaias 49:23; Roma 5:5. 12 Gaya ng nabanggit na, ang Bibliya ay nagsasabi sa atin na ang maibiging-kabaitan ni Jehova ay hanggang sa panahong walang takda. (Awit 136:1) Paano nagkaganito? Una sa lahat, ang pagpapatawad ni Jehova ng mga kasalanan ay permanente. Gaya ng tinalakay sa Kabanata 26, hindi na inuungkat ni Jehova ang nakaraang mga pagkakamali na ipinatawad na sa isang tao. Yamang lahat ay nagkasala at nagkukulang sa kaluwalhatian ng Diyos, dapat ipagpasalamat ng bawat isa sa atin na ang maibiging-kabaitan ni Jehova ay hanggang sa panahong walang takda. Roma 3: Subalit ang maibiging-kabaitan ni Jehova ay hanggang sa panahong walang takda sa iba namang diwa. Sinasabi sa kaniyang Salita na ang matuwid ay tiyak na magiging tulad ng isang punungkahoy na nakatanim sa tabi ng mga daloy ng tubig, na nagbibigay ng sariling bunga nito sa kaniyang kapanahunan at ang mga dahon nito ay hindi nalalanta, at ang lahat ng kaniyang gawin ay magtatagumpay. (Awit 1:3) Gunigunihin ang isang mayabong na punungkahoy na may mga dahon na hindi kailanman nalalanta! Gayundin naman, kung tunay nating kinalulugdan ang Salita ng Diyos, ang ating buhay ay magiging mahaba, mapayapa, at mabu- 12, 13. Sa anong mga paraan ang maibiging-kabaitan ni Jehova ay hanggang sa panahong walang takda?

287 IKAW LAMANG ANG MATAPAT 285 nga. Ang mga pagpapalang saganang ipinagkakaloob ni Jehova sa kaniyang tapat na mga lingkod ay walang katapusan. Sa katunayan, sa matuwid na bagong sanlibutang paiiralin ni Jehova, tatamasahin ng masunuring sangkatauhan ang kaniyang maibiging-kabaitan hanggang sa panahong walang takda. Apocalipsis 21:3, 4. Hindi Iiwan ni Jehova ang Kaniyang mga Matapat 14 Paulit-ulit na ipinamamalas ni Jehova ang kaniyang pagkamatapat. Yamang si Jehova ay hindi kailanman nagbabago, ang pagkamatapat na ipinakikita niya sa kaniyang tapat na mga lingkod ay hindi kailanman maglalaho. Sumulat ang salmista: Isang kabataan ako noon, ako ay tumanda na rin, gayunma y hindi ko pa nakita ang matuwid na lubusang pinabayaan, ni ang kaniyang supling na naghahanap ng tinapay. Sapagkat si Jehova ay maibigin sa katarungan, at hindi niya iiwan ang kaniyang mga matapat. (Awit 37: 25, 28) Totoo, bilang ang Maylalang, si Jehova ay karapat-dapat sa ating pagsamba. (Apocalipsis 4:11) Gayunman, dahil sa siya y matapat, pinahahalagahan ni Jehova ang ating tapat na mga gawa. Malakias 3:16, Dahil sa kaniyang maibiging-kabaitan, paulit-ulit na sinasaklolohan ni Jehova ang kaniyang bayan kapag sila y napipighati. Sinasabi sa atin ng salmista: Binabantayan niya ang mga kaluluwa ng kaniyang mga matapat; mula sa kamay ng mga balakyot ay inililigtas niya sila. (Awit 97:10) Isaalang-alang ang mga pakikitungo niya sa bansang Israel. Matapos ang makahimalang pagliligtas sa kanila sa Dagat na Pula, nagpahayag ang mga Israelita kay Jehova sa pamamagitan ng awit: Sa iyong maibiging-kabaitan [o, matapat na pag-ibig, talababa sa Ingles] ay inakay mo ang bayan na iyong tinubos. (Exodo 15:13) Ang pagliligtas sa Dagat na Pula ay tunay na isang gawa ng matapat na pag-ibig ni Jehova. Sa gayon ay sinabi ni Moises sa mga Israelita: Hindi dahil sa inyong pagiging pinakamatao sa lahat ng mga bayan kung kaya nagpakita sa inyo ng pagmamahal si Jehova anupat pinili niya kayo, sapagkat kayo ang pinakamaliit sa lahat ng mga bayan. Kundi dahil sa iniibig kayo ni 14. Paano nagpapakita si Jehova ng pagpapahalaga sa pagkamatapat ng kaniyang mga lingkod? 15. Ipaliwanag kung paanong ang mga pakikitungo ni Jehova sa Israel ay nagtatampok ng Kaniyang pagkamatapat.

288 286 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Jehova, at dahil sa tinutupad niya ang sinumpaang kapahayagan na isinumpa niya sa inyong mga ninuno, kung kaya inilabas kayo ni Jehova sa pamamagitan ng isang malakas na kamay, upang tubusinkaniyamulasabahayngmgaalipin,mulasakamayniparaon na hari ng Ehipto. Deuteronomio 7:7, Mangyari pa, bilang isang bansa, hindi tumanaw ng utang na loob ang mga Israelita sa maibiging-kabaitan ni Jehova, sapagkat matapos na sila y iligtas patuloy pa rin silang nagkakasala laban [kay Jehova] sa paghihimagsik laban sa Kataas-taasan. (Awit 78:17) Sa paglipas ng mga siglo, paulit-ulit ang kanilang paghihimagsik, anupat iniiwan nila si Jehova at bumabaling sa mga diyus-diyosan at paganong mga gawain na walang idinulot kundi pawang karumihan. Gayunman, hindi pa rin sinira ni Jehova ang kaniyang tipan. Sa halip, sa pamamagitan ni propeta Jeremias, pinakiusapan ni Jehova ang kaniyang bayan: Manumbalik ka, O suwail na Israel... Hindi ko na ititingin sa inyo ang aking mukha nang may galit, sapagkat ako ay matapat. (Jeremias 3:12) Gayunman, gaya ng binanggit sa Kabanata 25, hindi naantig ang damdamin ng karamihan sa mga Israelita. Sa katunayan, patuloy nilang kinakantiyawan ang mga mensahero ng tunay na Diyos at hinahamak ang kaniyang mga salita at nililibak ang kaniyang mga propeta. Ano ang resulta? Sa wakas, ang pagngangalit ni Jehova ay sumiklab laban sa kaniyang bayan, hanggang sa wala nang kagalingan. 2 Cronica 36:15, Ano ang matututuhan natin mula rito? Na ang pagkamatapat ni Jehova ay hindi nagbubulag-bulagan ni napaglalalangan. Totoo, si Jehova ay sagana sa maibiging-kabaitan, at nalulugod siyang magpakita ng awa kung may dahilan naman. Subalit paano kaya kung ang nagkamali ay talagang napakasama at wala nang pagasang magbago? Kung ganito ang situwasyon, si Jehova ay naninindigan sa kaniyang matuwid na mga pamantayan at naglalapat ng mabigat na kahatulan. Gaya ng sinabi kay Moises, sa anumang paraan ay walang pinaliligtas [si Jehova] sa kaparusahan. Exodo 34: 6, 7. 16, 17. (a) Anong kahindik-hindik na di-pagtanaw ng utang na loob ang ipinamalas ng mga Israelita, ngunit paano nagpakita si Jehova ng habag sa kanila? (b) Paano ipinakita ng karamihan sa mga Israelita na wala nang kagalingan para sa kanila, at anong babalang halimbawa ang inilalaan nito para sa atin?

289 Buong-pagkamatapat na aalalahanin at bubuhaying-muli ni Jehova ang mga napatunayang matapat kahit hanggang kamatayan Sina Bernard Luimes (itaas) at Wolfgang Kusserow (gitna) ay pinatay ng mga Nazi Si Moses Nyamussua ay sinibat ng isang makapulitikang grupo hanggang sa mamatay 18 Ang pagpaparusa ng Diyos sa mga balakyot ay isang gawa mismo ng pagkamatapat. Paano? Ang isang pahiwatig ay masusumpungan sa aklat ng Apocalipsis sa mga utos na ipinalabas ni Jehova sa pitong anghel: Humayo kayo at ibuhos ninyo sa lupa ang pitong mangkok ng galit ng Diyos. Nang ibuhos ng ikatlong anghel ang kaniyang mangkok sa mga ilog at sa mga bukal ng mga tubig, naging dugo ang mga iyon. Saka sinabi ng anghel kay Jehova: Ikaw, ang Isa na ngayon at ang nakaraan, ang Isa na matapat, ay matuwid, sapagkat iginawad mo ang mga pasiyang ito, sapagkat ibinuhos nila ang dugo ng mga banal at ng mga propeta, at binigyan mo sila ng dugo upang inumin. Nararapat iyon sa kanila. Apocalipsis 16: Pansinin na sa kalagitnaan ng pagbanggit sa mensaheng iyon ng kahatulan, tinukoy ng anghel si Jehova bilang ang Isa na matapat. Bakit? Sapagkat sa pagpuksa niya sa mga balakyot, ipinamamalas ni Jehova ang pagkamatapat sa kaniyang mga lingkod, na marami sa kanila ay inusig hanggang sa mamatay. Buong-pagkamatapat na iniingatan sila ni Jehova na buh ay na buh ay sa kaniyang alaala. Pinananabikan niyang makitang muli ang pumanaw na mga tapat na ito, at tinitiyak sa Bibliya na ang kaniyang layunin 18, 19. (a) Paanong ang pagpaparusa ni Jehova sa mga balakyot ay isang gawa mismo ng pagkamatapat? (b) Sa anong paraan ipamamalas ni Jehova ang kaniyang pagkamatapat sa kaniyang mga lingkod na inusig hanggang sa mamatay?

290 288 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA ay ang gantimpalaan sila ng pagkabuhay-muli. (Job 14:14, 15) Hindi kinalilimutan ni Jehova ang kaniyang matapat na mga lingkod dahil lamang sa sila ay patay na. Sa kabaligtaran, silang lahat ay buh ay sa kaniya. (Lucas 20:37, 38) Ang layunin ni Jehova na buhaying muli yaong mga nasa kaniyang alaala ay isang napakatibay na ebidensiya ng kaniyang pagkamatapat. Ang Matapat na Pag-ibig ni Jehova ay Nagbubukas ng Daan ng Kaligtasan 20 Sa buong kasaysayan, si Jehova ay nagpakita ng kahangahangang pagkamatapat sa tapat na mga tao. Sa katunayan, sa loob ng libu-libong taon, si Jehova ay nagparaya taglay ang labis na mahabang pagtitiis sa mga sisidlan ng poot na ginawang karapat-dapat sa pagkapuksa. Bakit? Upang maihayag niya ang kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa, na patiuna niyang inihanda ukol sa kaluwalhatian. (Roma 9:22, 23) Ang mga sisid- 20. Sino ang mga sisidlan ng awa, at paano nagpapakita si Jehova ng pagkamatapat sa kanila? Dahil sa pagkamatapat ni Jehova, lahat ng kaniyang tapat na mga lingkod ay may mapananaligang pag-asa sa hinaharap

291 IKAW LAMANG ANG MATAPAT 289 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay 1 Samuel 24:1-22 Sa kaniyang pakikitungo kay Haring Saul, paano ipinamalas ni David ang uri ng pagkamatapat na pinahahalagahan ni Jehova? Esther 3:7-9; 4:6-14 Paano ipinamalas ni Esther ang makadiyos na pagkamatapat sa kaniyang mga kababayan, manganib man ang kaniyang buhay? Awit 136:1-26 Ano ang itinuturo sa atin ng awit na ito tungkol sa maibiging-kabaitan, o matapat na pag-ibig, ni Jehova? Obadias 1-4, Paanong ang pagkamatapat ni Jehova sa kaniyang bayan ay nag-udyok sa kaniya na parusahan ang mga Edomita dahil sa kanilang kataksilan? lan[g ito] ng awa ay mga wastong nakaayon na pinahiran ng banal na espiritu upang maging mga kasamang tagapagmana ni Kristo sa kaniyang Kaharian. (Mateo 19:28) Sa pagbubukas ng daan ng kaligtasan para sa mga sisidlang ito ng awa, si Jehova ay nanatiling matapat kay Abraham, na pinangakuan niya ng tipang ito: Sa pamamagitan ng iyong binhi ay tiyak na pagpapalain ng lahat ng bansa sa lupa ang kanilang sarili dahil pinakinggan mo ang aking tinig. Genesis 22: Si Jehova ay nagpapakita ng katulad na pagkamatapat sa isang malaking pulutong na may pag-asang makalabas mula sa malaking kapighatian at mabuhay magpakailanman sa isang paraisong lupa. (Apocalipsis 7:9, 10, 14) Bagaman ang kaniyang mga lingkod ay hindi sakdal, buong-pagkamatapat na inilalawit ni Jehova sa kanila ang pagkakataong mabuhay magpakailanman sa isang paraisong lupa. Paano niya ito ginagawa? Sa pamamagitan ng pantubos ang pinakadakilang kapahayagan ng pagkamatapat ni Jehova. (Juan 3:16; Roma 5:8) Ang pagkamatapat ni Jehova ay umaakit sa mga tao na may pusong nagugutom sa katuwiran. (Jeremias 31:3) Hindi ba t lalo kang n apapalap ıt kay Jehova dahil sa taimtim na pagkamatapat na ipinakita niya at ipakikita pa? Yamang hangarin nating m apalap ıt sa Diyos, sana y tugunin natin ang kaniyang pagibig sa pamamagitan ng pagpapatibay sa ating pasiya na maglingkod sa kaniya nang may pagkamatapat. 21. (a) Paano nagpapakita si Jehova ng pagkamatapat sa isang malaking pulutong na may pag-asang makalabas mula sa malaking kapighatian? (b) Ang pagkamatapat ni Jehova ay nag-uudyok sa iyo na gawin ang ano?

292 K A B A N A T A 2 9 Upang Makilala ang Pag-ibig ng Kristo NAKAKITA ka na ba ng isang batang lalaki na nagsisikap na maging katulad ng kaniyang ama? Maaaring ginagaya ng anak na ito ang paraan ng kaniyang ama sa paglakad, pagsasalita, o pagkilos. Sa kalaunan, maaaring manahin pa nga ng bata ang moral at espirituwal na mga pamantayan ng kaniyang ama. Oo, ang pag-ibig at paghangang nadarama ng isang anak sa isang maibiging ama ang naguudyok sa bata upang maghangad na maging katulad ng kaniyang tatay. 2 Kumusta naman ang ugnayan ni Jesus at ng kaniyang makalangit na Ama? Iniibig ko ang Ama, minsan ay sinabi ni Jesus. (Juan 14:31) Walang sinuman ang makaiibig kay Jehova nang higit pa kaysa sa Anak na ito, na malaon nang kasa-kasama ng Ama bago pa man lumitaw ang ibang mga nilalang. Ang pag-ibig na iyan ang nag-udyok sa debotong Anak na ito na maghangad na maging katulad ng kaniyang Ama. Juan 14:9. 3 Sa naunang mga kabanata ng aklat na ito, tinalakay natin kung paano ganap na tinularan ni Jesus ang kapangyarihan, katarungan, at karunungan ni Jehova. Subalit, paano naman kaya ipinamalas ni Jesus ang pag-ibig ng kaniyang Ama? Suriin natin ang tatlong pitak ng pag-ibig ni Jesus ang kaniyang espiritu ng pagsasakripisyo sa sarili, ang kaniyang magiliw na pagkamahabagin, at ang kaniyang pagiging handang magpatawad. Walang Sinuman ang May Pag-ibig na Mas Dakila Kaysa Rito 4 Si Jesus ay nagpakita ng isang namumukod-tanging halimbawa ng pag-ibig na may pagsasakripisyo sa sarili. Ang pagsasakripisyo sa sarili ay nangangahulugan ng walang pag-iimbot na pag-una sa 1-3. (a) Ano ang nag-udyok kay Jesus upang maghangad na maging katulad ng kaniyang Ama? (b) Anong mga pitak ng pag-ibig ni Jesus ang ating susuriin? 4. Paano nagpakita si Jesus ng pinakadakilang halimbawa ng pag-ibig na may pagsasakripisyo sa sarili bilang isang tao?

293 UPANG MAKILALA ANG PAG-IBIG NG KRISTO 291 mga pangangailangan at kapakanan ng iba kaysa sa ating sarili. Paano ipinamalas ni Jesus ang gayong pag-ibig? Siya mismo ay nagpaliwanag: Walang sinuman ang may pag-ibig na mas dakila kaysa rito, na ibigay ng isa ang kaniyang kaluluwa alang-alang sa kaniyang mga kaibigan. (Juan 15:13) Kusang-loob na ibinigay ni Jesus ang kaniyang sakdal na buhay para sa atin. Ito ang pinakadakilang kapahayagan ng pag-ibig na nagawa kailanman ng isang tao. Subalit ipinakita ni Jesus ang pag-ibig na may pagsasakripisyo sa sarili sa iba rin namang paraan. 5 Sa kaniyang pag-iral bago naging tao, ang bugtong na Anak ng Diyos ay may bukod-tangi at nakatataas na posisyon sa mga langit. Siya ay may matalik na pakikipagsamahan kay Jehova at sa pulupulutong na mga espiritung nilalang. Sa kabila ng personal na mga bentahang ito, hinubad [ng minamahal na Anak na ito] ang kaniyang sarili at nag-anyong alipin at napasawangis ng tao. (Filipos 2:7) Kusang-loob siyang namuhay na kasama ng makasalanang mga tao sa isang sanlibutan na nasa kapangyarihan ng isa na balakyot. (1 Juan 5:19) Hindi ba t iyan ay isang maibiging pagsasakripisyo ng Anak ng Diyos? 6 Sa kaniyang buong ministeryo sa lupa, ipinakita ni Jesus ang pag-ibig na may pagsasakripisyo sa sarili sa iba t ibang paraan. Wala siyang bahid man lamang ng pag-iimbot. Abalang-abala siya sa kaniyang ministeryo anupat isinakripisyo niya ang normal na kaginhawahang nakaugalian na ng mga tao. Ang mga sorra ay may mga lungga at ang mga ibon sa langit ay may mga dapuan, ang sabi niya, ngunit ang Anak ng tao ay walang dakong mahihigan ng kaniyang ulo. (Mateo 8:20) Bilang isang mahusay na karpintero, maaari sanang magtayo muna si Jesus ng sariling komportableng tahanan o gumawa muna ng magagandang muwebles na maipagbibili upang siya y magkapera naman. Subalit hindi niya ginamit ang kaniyang kakayahan upang magtamo ng materyal na mga bagay. 7 Ang isang tunay na nakaaantig na halimbawa ni Jesus ng pagibig na may pagsasakripisyo sa sarili ay nakaulat sa Juan 19: Bakit ang pag-alis niya sa mga langit ay isang maibiging pagsasakripisyo ng bugtong na Anak ng Diyos? 6, 7. (a) Sa anu-anong paraan ipinakita ni Jesus ang pag-ibig na may pagsasakripisyo sa sarili noong kaniyang ministeryo sa lupa? (b) Anong nakaaantig na halimbawa ng walang pag-iimbot na pag-ibig ang nakaulat sa Juan 19:25-27?

294 292 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Isip-isipin na lamang ang maraming bagay na tiyak na gumagambala sa isip at puso ni Jesus noong kinahapunang iyon ng kaniyang kamatayan. Habang siya y naghihirap sa tulos, nasa isip niya ang kaniyang mga alagad, ang pangangaral, at lalo na ang kaniyang katapatan at ang idudulot nito sa pangalan ng kaniyang Ama. Sa katunayan, nakasalalay sa kaniyang mga balikat ang buong kinabukasan ng sangkatauhan! Gayunman, mga ilang sandali na lamang bago siya mamatay, nagpakita rin ng pagkabahala si Jesus para sa kaniyang inang si Maria, na malamang na isa nang biyuda noon. Hiniling ni Jesus kay apostol Juan na alagaan niya si Maria anupat ituring na parang sarili niyang ina, at kinupkop naman ng apostol si Maria sa kaniyang tahanan. Sa gayon ay inasikaso ni Jesus ang pisikal at espirituwal na kapakanan ng kaniyang ina. Tunay ngang napakagiliw na kapahayagan ng walang pag-iimbot na pag-ibig! Nahabag Siya 8 Gaya ng kaniyang Ama, si Jesus ay mahabagin. Ang Kasulatan ay naglalarawan kay Jesus bilang isa na nagsisikap makatulong sa mga napipighati sapagkat siya y lubhang naaantig. Upang ilarawan ang pagkamahabagin ni Jesus, ginamit sa Bibliya ang isang salitang Griego na isinaling nahabag. Sinabi ng isang iskolar: Naglalarawanito...ngisangdamdamingumaantigsaisang tao mula sa kaibuturan ng kaniyang puso. Ito ang pinakamariing salita sa Griego para sa pagkadama ng pagkahabag. Isaalangalang ang ilang situwasyon na dito y naantig si Jesus ng isang matinding pagkahabag na siyang nag-udyok sa kaniya upang kumilos. 9 Naudyukang tugunan ang espirituwal na mga pangangailangan. Ang ulat sa Marcos 6:30-34 ay nagpapakita kung ano ang pangunahing nag-udyok kay Jesus upang mahabag. Ilarawan sa isip ang tanawin. Ang mga apostol ay tuwang-tuwa noon, dahil katatapos pa lamang nila sa malawakang paglilibot upang mangaral. Bumalik sila kay Jesus at sabik na ibinalita ang lahat ng kanilang nakita 8. Ano ang kahulugan ng salitang Griego na ginamit sa Bibliya upang ilarawan ang pagkamahabagin ni Jesus? 9, 10. (a) Ano ang situwasyon noon kung kaya si Jesus at ang kaniyang mga apostol ay humanap ng isang tahimik na lugar? (b) Nang maistorbo ng isang pulutong ang kaniyang pagbukod mula sa karamihan, ano ang naging reaksiyon ni Jesus, at bakit?

295 UPANG MAKILALA ANG PAG-IBIG NG KRISTO 293 at narinig. Subalit natipon ang isang malaking pulutong, anupat ni wala man lamang panahon si Jesus at ang kaniyang mga apostol upang kumain. Palibhasa y likas na mapagmasid, napansin ni Jesus na pag od na ang mga apostol. Halikayo, kayo mismo, nang sarilinan sa isang liblib na dako at magpahinga nang kaunti, ang sabi niya sa kanila. Sakay ng isang bangka, sila y naglayag patawid sa hilagang dulo ng Dagat ng Galilea sa isang tahimik na lugar. Subalit nakita ng pulutong ang kanilang pag-alis. Nabalitaan naman ito ng iba. Lahat sila ay nagtakbuhan sa may hilagang baybayin at nauna pa nga sa bangka na makarating sa kabilang ibayo! 10 Nagalit ba si Jesus dahil naistorbo ang kaniyang pagbukod mula sa karamihan? Hindi naman! Naantig ang kaniyang damdamin nang makita ang pulutong na ito, na may bilang na libu-libo, na naghihintay sa kaniya. Sumulat si Marcos: Nakita niya ang isang malaking pulutong, ngunit nahabag siya sa kanila, sapagkat sila ay gaya ng mga tupang walang pastol. At nagsimula siyang magturo sa kanila ng maraming bagay. Itinuring ni Jesus ang mga taong ito bilang mga indibiduwal na may pangangailangan sa espirituwal. Sila ay gaya ng mga tupang nagpapalabuy-laboy na lamang, palibhasa y walang pastol na umaakay o nagsasanggalang sa kanila. Batid ni Jesus na ang karaniwang mga tao ay pinababayaan ng walang-malasakit na mga lider ng relihiyon, na dapat sana y naging mapagmalasakit na mga pastol. (Juan 7:47-49) Nahabag siya sa mga tao, kaya tinuruan niya sila tungkol sa kaharian ng Diyos. (Lucas 9:11) Pansinin na si Jesus ay nahabag sa mga tao bago pa man niya makita ang kanilang reaksiyon sa kaniyang ituturo sa kanila. Sa ibang pananalita, ang magiliw na pagkamahabagin ay, hindi ang resulta ng kaniyang pagtuturo sa pulutong, kundi ang motibo nanag-udyok sakaniyanagawin iyon. 11 Naudyukang ibsan ang pagdurusa. Batid ng mga taong may iba t ibang karamdaman na si Jesus ay mahabagin, kaya naman sila y lumapit sa kaniya. Kitang-kita ito nang si Jesus, habang sinusundan siya ng mga pulutong, ay lapitan ng isang lalaking pun ˆ o 11, 12. (a) Paano pinakikitunguhan ang mga ketongin noong panahon ng Bibliya, subalit paano tumugon si Jesus nang siya y lapitan ng isang lalaking puno ˆ ng ketong? (b) Paano naapektuhan ang ketongin sa paghipo ni Jesus, at paano ito ipinaghalimbawa ng karanasan ng isang doktor?

296

297 UPANG MAKILALA ANG PAG-IBIG NG KRISTO 295 ng ketong. (Lucas 5:12) Noong panahon ng Bibliya, ang mga ketongin ay ikinukuwarentenas upang huwag makahawa sa iba. (Bilang 5:1-4) Gayunman, nang maglaon, ang mga rabinikong lider ay bumuo ng isang walang-awang pangmalas sa ketong at nagpataw ng kanilang sariling mabibigat na alituntunin. Gayunman, pansinin kung paano tinugon ni Jesus ang ketongin: May lumapit din sa kaniya na isang ketongin, na nakaluhod pa man ding namamanhik sa kaniya, na sinasabi sa kaniya: Kung ibig mo lamang, mapalilinis mo ako. Sa gayon ay nahabag siya, at iniunat niya ang kaniyang kamay at hinipo siya, at sinabi sa kaniya: Ibig ko. Luminis ka. At kaagad na naglaho sa kaniya ang ketong. (Marcos 1:40-42) Batid ni Jesus na hindi man lamang dapat na naroroon ang ketongin. Subalit sa halip na itaboy ito, si Jesus ay lubhang naantig anupat gumawa siya ng isang bagay na hindi sukat akalain. Hinipo ni Jesus ang ketongin! 12 Maiisip mo kaya ang kahulugan para sa ketongin ng paghipong iyon? Bilang paghahalimbawa, isaalang-alang ang isang karanasan. Ikinuwento ni Dr. Paul Brand, espesyalista sa ketong, ang tungkol sa isang ketongin na ginamot niya sa India. Habang sinusuri niya ito, inakbayan ng doktor ang ketongin at ipinaliwanag, sa tulong ng isang interprete, ang paggamot na gagawin sa lalaki. Kapagdaka, biglang umiyak ang ketongin. May nasabi ba akong masama? tanong ng doktor. Tinanong ng interprete ang binata sa kaniyang wika at sumagot: Wala raw po, doktor. Napaiyak daw po siya dahil inakbayan ninyo siya. Sa loob ng maraming taon ay ngayon lamang daw po may humipo sa kaniya. Para sa ketonging lumapit kay Jesus, ang paghipo sa kaniya ay may mas malawak pa ngang kahulugan. Pagkatapos ng minsang paghipong iyon, ang karamdamang naging dahilan upang siya y itakwil ay nawala! Binanggit ng rabinikong mga alituntunin na dapat ay di-lalampas sa apat na siko (mga 1.8 metro) ang distansiya ng sinuman mula sa isang ketongin. Ngunit kapag mahangin, dapat ay di-kukulangin sa 100 siko (mga 45 metro) ang distansiya ng ketongin. Binabanggit sa Midrash Rabbah ang tungkol sa isang rabi nanagtagomulasamgaketonginatsaisapananambatosamgaketonginupang itaboy ang mga ito. Kaya naman, alam ng mga ketongin ang sakit na nadarama ng isang pinandidirihan, hinahamak, at kinasusuklaman. Iniunat niya ang kaniyang kamay at hinipo siya

298 296 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA 13 Naudyukang pawiin ang pamimighati. Si Jesus ay lubhang naantig sa pamimighati ng iba. Halimbawa, isaalang-alang ang nakaulat sa Lucas 7: Naganap ito nang, sa mga kalahatian ng kaniyang ministeryo, si Jesus ay dumating sa may hangganan ng lunsod ng Nain sa Galilea. Habang papalapit si Jesus sa pintuang-daan ng lunsod, nasalubong niya ang isang prusisyon ng libing. Tunay na napakalungkot ng mga pangyayari. Ang namatay ay nag-iisang anak na binata, at ang ina naman nito ay isang balo. Malamang na nakasama na rin siya noon sa ganitong prusisyon yaong sa kaniyang asawa. Sa pagkakataong ito ay sa kaniyang anak naman, na marahil ay siyang tanging sumusuporta sa kaniya. Kabilang marahil sa mga kasama niyang nakikipaglibing noon ang karagdagang mga mangaawit ng mga panaghoy at manunugtog ng malulungkot na himig. (Jeremias 9:17, 18; Mateo 9:23) Gayunman, napatitig si Jesus sa namimighating ina, na walang-alinlangang naglalakad sa tabi ng langkayan na kinalalagyan ng bangkay ng kaniyang anak. 14 Si Jesus ay nahabag sa naulilang ina. Sa nakaaaliw na tinig, sinabi niya sa kaniya: Huwag ka nang tumangis. Kusa siyang lumapit sa langkayan at hinipo niya iyon. Ang mga tagapagdala at marahil ang iba pang nakikipaglibing noon ay napahinto. Sa malakas na tinig, kinausap ni Jesus ang bangkay: Binata, sinasabi ko sa iyo, Bumangon ka! Ano kaya ang sumunod na nangyari? Ang taong patay ay umupo at nagsimulang magsalita na para bang nagising sa mahimbing na pagtulog! Pagkatapos ay isinunod ang isang totoong nakaaantig na pangungusap: At ibinigay siya [ni Jesus] sa kaniyang ina. 15 Ano ang matututuhan natin sa mga ulat na ito? Sa bawat pangyayari, pansinin ang kaugnayan ng pagkahabag at pagkilos. Hindi maaaring hindi mahabag si Jesus kapag nakikita niya ang malungkot na kalagayan ng iba, at hindi maaaring hindi siya kikilos kapag nahahabag siya. Paano kaya natin matutularan ang kaniyang halimbawa? Bilang mga Kristiyano, tayo ay may obligasyon 13, 14. (a) Anong prusisyon ang nasalubong ni Jesus pagdating sa lunsod ng Nain, at bakit ito y isang napakalungkot na situwasyon? (b) Ang pagkahabag ni Jesus ay nag-udyok sa kaniya upang gawin ang ano alang-alang sa babaing balo ng Nain? 15. (a) Ang mga ulat sa Bibliya tungkol sa pagkahabag ni Jesus ay nagpapakita ng anong kaugnayan sa pagitan ng pagkahabag at pagkilos? (b) Paano natin matutularan si Jesus sa bagay na ito?

299 UPANG MAKILALA ANG PAG-IBIG NG KRISTO 297 na mangaral ng mabuting balita at gumawa ng mga alagad. Pangunahin nang tayo ay nauudyukan ng pag-ibig sa Diyos. Gayunman, alalahanin natin na ito ay isa ring gawain ng pagkahabag. Kung tayo ay may empatiya sa mga tao na gaya ni Jesus, mauudyukan tayo ng ating puso na gawin ang lahat ng ating makakaya upang ibahagi ang mabuting balita sa kanila. (Mateo 22:37-39) Kumusta naman ang pagpapakita ng pagkahabag sa mga kapananampalatayang nagdurusa o namimighati? Wala tayong kakayahan na makahimalang magpagaling ng karamdaman o bumuhay ng patay. Subalit, maipakikita natin ang pagkahabag sa pamamagitan ng pagmamalasakit o paglalaan ng kinakailangang tulong. Efeso 4:32. Ama, Patawarin Mo Sila 16 Ganap na masasalamin kay Jesus ang pag-ibig ng kaniyang Ama sa isa pang mahalagang paraan siya ay handang magpatawad. (Awit 86:5) Ang katangiang ito ay nakita kahit na noong siya ay nasa haliging pahirapan. Nang sapilitang iparanas sa kaniya ang isang nakahihiyang kamatayan, anupat nakabaon ang mga pako sa kaniyang mga kamay at paa, ano ang sinabi ni Jesus? Hiniling ba niya kay Jehova na parusahan ang mga nagpapahirap sa kaniya? Sa kabaligtaran, ganito ang naging mga huling salita ni Jesus: Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. Lucas 23: Marahil ang isa pa ngang mas nakaaantig na halimbawa ni Jesus ng pagpapatawad ay makikita sa paraan ng pakikitungo niya kay apostol Pedro. Walang kaduda-duda na pinakaiibig ni Pedro si Ang unang bahagi ng Lucas 23:34 ay inalis sa ilang sinaunang manuskrito. Gayunman, dahil sa ang mga salitang ito ay makikita sa maraming iba pang mapanghahawakang manuskrito, ang mga ito ay inilakip sa Bagong Sanlibutang Salin at sa marami pang ibang salin. Maliwanag na ang tinutukoy ni Jesus ay ang mga sundalong Romano na nagpako sa kaniya. Hindi nila alam ang kanilang ginagawa, yamang hindi nila kilala kung sino talaga si Jesus. Mangyari pa, ang mga lider ng relihiyon na nagsulsol sa pagpaslang na iyon ang mas higit na dapat sisihin, sapagkat alam nila ang kanilang ginagawa at masama ang kanilang hangarin. Para sa marami sa kanila, wala nang naghihintay na kapatawaran. Juan 11: Paano nakita ang pagnanais ni Jesus na magpatawad kahit na noong siya ay nasa haliging pahirapan? Sa anu-anong paraan ipinakita ni Jesus na pinatawad na niya si apostol PedrosapagtatatwasaKaniyanangtatlongulit?

300 298 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Jesus. Noong Nisan 14, huling gabi ng buhay ni Jesus, sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon, handa akong sumama sa iyo kapuwa sa bilangguan at sa kamatayan. Subalit, ilang oras lamang pagkaraan nito, tatlong ulit na itinatwa ni Pedro na hindi man lamang daw niya kilala si Jesus! Sinasabi sa atin ng Bibliya ang nangyari habang binibigkas ni Pedro ang kaniyang ikatlong pagtatatwa: Ang Panginoon ay bumaling at tumingin kay Pedro. Palibhasa y nanlupaypay sa bigat ng kaniyang kasalanan, si Pedro ay lumabas at tumangis nang may kapaitan. Nang mamatay si Jesus sa pagtatapos ng araw na iyon, malamang na naisip ng apostol, Napatawad kaya ako ng aking Panginoon? Lucas 22:33, 61, Hindi na kinailangang maghintay pa si Pedro nang matagal para sagutin. Si Jesus ay binuhay-muli noong umaga ng Nisan 16, at malamang na noon mismong araw na iyon, siya ay personal na dumalaw kay Pedro. (Lucas 24:34; 1 Corinto 15:4-8) Bakit kaya gayon na lamang ang atensiyong ibinigay ni Jesus sa apostol na siyang mariing nagtatwa sa Kaniya? Maaaring nais ni Jesus na patibaying-loob ang nagsisising si Pedro na siya y iniibig pa rin at pinahahalagahan ng kaniyang Panginoon. Subalit higit pa nga rito ang ginawa ni Jesus upang mapatibay-loob si Pedro. 19 Pagkalipas ng ilang araw, si Jesus ay nagpakita sa mga alagad sa Dagat ng Galilea. Sa pagkakataong ito, tatlong ulit na tinanong ni Jesus si Pedro (na tatlong ulit na nagtatwa sa kaniyang Panginoon) hinggil sa pag-ibig ni Pedro sa kaniya. Pagkatapos ng ikatlong tanong, sumagot si Pedro: Panginoon, alam mo ang lahat ng bagay; batid mong may pagmamahal ako sa iyo. Tunay naman na, yamang nakababasa siya ng puso, alam na alam ni Jesus ang pagibig at pagmamahal ni Pedro sa kaniya. Gayunman, binigyan ni Jesus si Pedro ng pagkakataong patunayan ang kaniyang pag-ibig. Bukod diyan, inatasan ni Jesus si Pedro na pakainin at pastulan ang Kaniyang maliliit na tupa. (Juan 21:15-17) Bago nito, tumanggap na si Pedro ng isang atas na mangaral. (Lucas 5:10) Subalit ngayon, sa isang pambihirang pagpapamalas ng pagtitiwala, binigyan siya ni Jesus ng mas mabigat na pananagutan ang pangalagaan ang magiging mga tagasunod ni Kristo. Di-nagtagal pagkaraan, binigyan ni Jesus si Pedro ng isang prominenteng papel sa gawain ngmgaalagad.(gawa2:1-41)tiyaknanakahingasipedronang maluwag sa pagkaalam na pinatawad na siya ni Jesus at may tiwala pa rin ito sa kaniya!

301 UPANG MAKILALA ANG PAG-IBIG NG KRISTO 299 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay Mateo 9:35-38 Sa anong makabuluhang paraan nagpakita si Jesus ng pagkahabag, at ano ang epekto nito sa atin? Juan 13:34, 35 Bakit mahalaga na masalamin sa atin ang pag-ibig ng Kristo? Roma 15:1-6 Paano natin matutularan ang walang-pag-iimbot na pangkaisipang saloobin ni Kristo? 2 Corinto 5:14, 15 Ang pagpapahalaga sa pantubos ay dapat na magkaroon ng anong epekto sa ating pangmalas sa buhay, mga tunguhin, at istilo ng pamumuhay? Iyo Bang Nakikilala ang Pag-ibig ng Kristo? 20 Tunay ngang napakaganda ng pagkakalarawan ng Salita ni Jehova sa pag-ibig ng Kristo. Kung gayon, paano kaya natin tutugunin ang pag-ibig ni Jesus? Ang Bibliya ay humihimok sa atin na makilala ang pag-ibig ng Kristo na nakahihigit sa kaalaman. (Efeso3:19)Gayangnakitananatin,angmgaulatngEbanghelyo may kinalaman sa buhay at ministeryo ni Jesus ay may malaking naituturo sa atin tungkol sa pag-ibig ng Kristo. Gayunman, higit pa sa basta pagkatuto lamang ng sinasabi ng Bibliya tungkol sa kaniya ang kailangan upang lubusang makilala ang pag-ibig ng Kristo. 21 Ang terminong Griego na isinaling upang makilala ay nangangahulugang makilala sa praktikal na paraan, sa pamamagitan ng karanasan. Kung tayo ay nagpapakita ng pag-ibig na gaya ng kay Jesus anupat walang pag-iimbot na naghahandog ng sarili alangalang sa iba, mahabaging tumutugon sa kanilang mga pangangailangan, buong-pusong nagpapatawad sa kanila kung gayon ay tunay na mauunawaan natin ang kaniyang damdamin. Sa ganitong paraan, sa pamamagitan ng karanasan ay nagagawa nating makilala ang pag-ibig ng Kristo na nakahihigit sa kaalaman. At huwag nating kalilimutan kailanman na habang higit tayong nagiging gaya ni Kristo, lalo tayong n apapalap ıt sa isa na ganap na tinularan ni Jesus, ang ating maibiging Diyos, si Jehova. 20, 21. Paano natin lubusang makikilala ang pag-ibig ng Kristo?

302 K A B A N A T A 3 0 Patuloy Kayong Lumakad sa Pag-ibig MAY higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap. (Gawa 20:35) Ang mga salitang iyan ni Jesus ay nagdiriin ng mahalagang katotohanang ito: Ang walang-pag-iimbot na pag-ibig ay may sarili nitong kagantihan. Bagaman may malaking kaligayahan sa pagtanggap ng pag-ibig, may malaki pang kaligayahan sa pagbibigay, o pagpapakita, ng pag-ibig sa iba. 2 Walang higit na nakaaalam nito kundi ang ating makalangit na Ama. Gaya ng nakita natin sa naunang mga kabanata ng seksiyong ito, si Jehova ang pinakadakilang halimbawa ng pag-ibig. Walang sinuman ang nakapagpakita ng pag-ibig sa mas dakilang paraan o sa mas mahabang yugto ng panahon maliban sa kaniya. Kung gayon, kataka-taka bang tawagin si Jehova na maligayang Diyos? 1 Timoteo 1:11. 3 Nais ng ating maibiging Diyos na tayo ay magsikap na tularan siya, lalo na kung tungkol sa pagpapakita ng pag-ibig. Ang Efeso 5: 1, 2 ay nagsasabi sa atin: Maging mga tagatulad kayo sa Diyos, bilang mga anak na minamahal, at patuloy kayong lumakad sa pagibig. Kapag tinutularan natin ang halimbawa ni Jehova sa pagpapakita ng pag-ibig, natatamasa natin ang mas malaking kaligayahang dulot ng pagbibigay. Nakasisiya ring malaman na tayo y nakalulugod kay Jehova, sapagkat ang kaniyang Salita ay humihimok sa atin na ibigin ang isa t isa. (Roma 13:8) Subalit may iba pang mga dahilan kung bakit dapat na patuloy [tayong] lumakad sa pag-ibig. Kung Bakit Mahalaga ang Pag-ibig 4 Bakit mahalaga na magpakita tayo ng pag-ibig sa mga kapananampalataya? Sa madaling salita, ang pag-ibig ang pinakadiwa ng tunay na Kristiyanismo. Kung walang pag-ibig ay hindi tayo magkakaroon ng matalik na buklod sa ating mga kapuwa Kristiyano, at ang masahol pa, hindi tayo magkakaroon ng halaga sa paningin ni Jeho Ano ang nagiging resulta kapag tinutularan natin ang halimbawa ni Jehova sa pagpapakita ng pag-ibig? 4, 5. Bakit mahalagang magpakita tayo ng mapagsakripisyong pag-ibig sa mga kapananampalataya?

303 PATULOY KAYONG LUMAKAD SA PAG-IBIG 301 va. Isaalang-alang kung paano itinatampok sa Salita ng Diyos ang mga katotohanang ito. 5 Noong huling gabi ng kaniyang buhay sa lupa, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: Binibigyan ko kayo ng isang bagong utos, na ibigin ninyo ang isa t isa; kung paanong inibig ko kayo ay ibigin din ninyo ang isa t isa. Sa ganito malalaman ng lahat na kayo ay aking mga alagad, kung kayo ay may pag-ibig sa isa t isa. (Juan 13: 34, 35) Kung paanong inibig ko kayo oo, inuutusan tayong magpakita ng uri ng pag-ibig na ipinamalas ni Jesus. Sa Kabanata 29, napansin natin na si Jesus ay nagpamalas ng isang dakilang halimbawa sa pagpapakita ng mapagsakripisyong pag-ibig, anupat inuuna ang mga pangangailangan at mga kapakanan ng iba kaysa sa kaniyang sarili. Dapat din tayong magpamalas ng walang-pag-iimbot na pagibig, at gawin natin ito nang lantaran anupat ang ating pag-ibig ay mahahalata maging ng mga nasa labas ng kongregasyong Kristiyano. Tunay nga na ang mapagsakripisyong pangkapatirang pag-ibig ang ating mapagkakakilanlang tanda bilang tunay na mga tagasunod ni Kristo. 6 Ano kaya kung wala tayong pag-ibig? Kung.. wala akong pagibig, ang sabi ni apostol Pablo, ako ay naging isang tumutunog na piraso ng tanso o isang tumataguntong na simbalo. (1 Corinto 13:1) Ang isang tumataguntong na simbalo ay lumilikha ng isang ingay na masakit sa tainga. Kumusta naman ang isang tumutunog na piraso ng tanso? Ang ibang bersiyon ay nagsasabing isang maingay na gong o isang umaalingawngaw na gong. Angkop na angkop nga ang mga ilustrasyong ito! Ang isang taong walang pag-ibig ay gaya ng isang instrumento sa musika na lumilikha ng isang malakas at nakaiinis na ingay na nagpapayamot sa halip na makaakit. Paano makapagtatamasa ng isang matalik na kaugnayan sa iba ang gayong tao? Sinabi rin ni Pablo: Kung taglay ko ang lahat ng pananampalataya upang maglipat ng mga bundok, ngunit wala akong pag-ibig, ako ay walang kabuluhan. (1 Corinto 13:2) Isip-isipin na lamang ito, ang isang taong walang pag-ibig ay walang-kuwentang tao, sa kabila ng anumang mga bagay na maaaring nagagawa niya! (The Amplified Bible) Hindi ba t maliwanag na may mataas na pagpapahalaga ang Salita ni Jehova sa pagpapakita ng pag-ibig? 6, 7. (a) Paano natin nalalaman na may mataas na pagpapahalaga ang Salita ni Jehova sa pagpapakita ng pag-ibig? (b) Ang mga salita ni Pablo na nakaulat sa 1 Corinto 13:4-8 ay nagtutuon ng pansin sa anong pitak ng pag-ibig?

304 Ang pag-ibig ay nag-uudyok sa atin na ipahayag ang pagtitiwala sa ating mga kapatid 7 Subalit, paano kaya natin maipamamalas ang katangiang ito sa ating pakikitungo sa iba? Upang masagot iyan, suriin natin ang mga salita ni Pablo na masusumpungan sa 1 Corinto 13:4-8. Ang idiniriin sa mga talatang ito ay hindi yaong pag-ibig ng Diyos sa atin ni yaong pag-ibig natin sa Diyos. Sa halip, ang pinagtuunan ng pansin ni Pablo ay kung paano natin maipakikita ang pag-ibig sa isa t isa. Binanggit niya ang ilang bagay hinggil sa kung ano ang pag-ibig at kung ano ang hindi. Kung Ano ang Pag-ibig 8 Ang pag-ibig ay may mahabang pagtitiis. Ang mahabang pagtitiis ay nangangahulugan ng matiyagang pagtitiis sa iba. (Colosas 3:13) Hindi ba t kailangan natin ang gayong pagtitiis? Dahil sa tayo ay disakdal na mga nilalang na naglilingkod nang balikatan, natural lamang na asahan paminsan-minsan na maaaring mainis tayo sa ating 8. Paanong ang mahabang pagtitiis ay nakatutulong sa atin sa pakikitungo natin sa iba?

305 PATULOY KAYONG LUMAKAD SA PAG-IBIG 303 mga kapatid na Kristiyano at maaari rin namang sila ang mainis sa atin. Subalit ang pagpapaumanhin at pagtitimpi ay makatutulong sa atin na makayanan ang maliliit na galos at kalmot na natatamo natin sa ating pakikitungo sa iba nang hindi nagagambala ang kapayapaan ng kongregasyon. 9 Ang pag-ibig ay... mabait. Ang kabaitan ay ipinakikita sa pamamagitan ng matulunging mga gawa at makonsiderasyong mga salita. Ang pag-ibig ay nag-uudyok sa atin na humanap ng mga paraan upang maipakita ang kabaitan, lalo na sa mga higit na nangangailangan nito. Halimbawa, baka nalulungkot ang isang nakatatandang kapananampalataya at kailangang madalaw upang mapatibay. Baka kailangang tulungan ang isang nagsosolong ina o isang kapatid na babae na nakatira sa isang nababahaging sambahayan dahil sa relihiyon. Baka kailangang makarinig ng mababait na salita mula sa isang matapat na kaibigan ang isang may karamdaman o nasa kagipitan. (Kawikaan 12:25; 17:17) Kapag nagkukusa tayong magpakita ng kabaitan sa ganitong mga paraan, ipinamamalas natin ang kadalisayan ng ating pag-ibig. 2 Corinto 8:8. 10 Ang pag-ibig ay... nakikipagsaya sa katotohanan. Ang ibang bersiyonaynagsasabi: Angpag-ibigay...may-kagalakangpumapanig sa katotohanan. Ang pag-ibig ay nag-uudyok sa atin na ipagtanggol ang katotohanan at magsalita ng katotohanan sa isa t isa. (Zacarias 8:16) Halimbawa, kung ang isang minamahal ay nasangkot sa isang malubhang kasalanan, ang pag-ibig kay Jehova at sa nagkasala ay tutulong sa atin na manghawakan sa mga pamantayan ng Diyos sa halip na tangkaing itago, bigyang-katuwiran, o pasinungalingan pa nga ang pagkakamali. Sabihin pa, baka nga talagang mahirap tanggapin ang pangyayari. Subalit kung isasapuso natin ang kapakanan ng ating minamahal, nanaisin natin na siya y tumanggap at tumugon sa anumang maibiging disiplina na ibibigay ng Diyos. (Kawikaan 3:11, 12) Bilang maibiging mga Kristiyano, nais din nating gumawi nang matapat sa lahat ng bagay. Hebreo 13: Ang pag-ibig ay... nagtitiis sa lahat ng bagay. Ang pangungusap na iyan ay literal na nangangahulugang tinatakpan nito ang lahat 9. Sa anu-anong paraan maipakikita natin ang kabaitan sa iba? 10. Paanong ang pag-ibig ay tumutulong sa atin na ipagtanggol at salitain ang katotohanan, kahit ito y mahirap gawin? 11. Dahil sa ang pag-ibig ay nagtitiis sa lahat ng bagay, ano ang dapat nating pagsikapang gawin tungkol sa mga pagkukulang ng mga kapananampalataya?

306 304 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA ng bagay. (Kingdom Interlinear) Ang 1 Pedro 4:8 ay nagsasabi: Ang pag-ibig ay nagtatakip ng maraming kasalanan. Oo, ang isang Kristiyano na inuugitan ng pag-ibig ay hindi naghahangad na ibunyag ang lahat ng di-kasakdalan at pagkukulang ng kaniyang mga kapatid na Kristiyano. Kadalasan, ang mga pagkakamali at depekto ng mga kapananampalataya ay maliliit lamang at matatakpan ng pag-ibig. Kawikaan 10:12; 17:9. 12 Ang pag-ibig ay... naniniwala sa lahat ng bagay. Sinasabi ng salin ni Moffatt na ang pag-ibig ay laging handang paniwalaan ang pinakamabuti. Hindi tayo labis na nagsususpetsa sa ating mga kapananampalataya, anupat pinag-aalinlanganan ang bawat motibo nila. Ang pag-ibig ay tumutulong sa atin na paniwalaan ang pinakamabuti tungkol sa ating mga kapatid at pagtiwalaan sila. Pansinin ang isang halimbawa sa liham ni Pablo kay Filemon. Lumiham si Pablo upang himukin si Filemon na tanggapin nang may kabaitan ang pagbabalik ng takas na aliping si Onesimo, na naging Kristiyano. Sa halip na pilitin si Filemon, si Pablo ay nakiusap salig sa pag-ibig. May tiwala siyang gagawin ni Filemon kung ano ang tama, na sinasabi: Yamang nagtitiwala sa iyong pagsunod, ako ay sumusulat sa iyo, sa pagkaalam na gagawin mo ang higit pa kaysa sa mga bagay na sinasabi ko. (Talatang 21) Kapag inudyukan tayo ng pag-ibig na magpahayag ng gayong pagtitiwala sa ating mga kapatid, napasisigla natin sila upang gumawa ng pinakamabuting magagawa nila. 13 Ang pag-ibig ay... umaasa sa lahat ng bagay. Kung paanong ang pag-ibig ay mapagtiwala, ito rin ay mapag-as a. Palibhasa y nauudyukan ng pag-ibig, inaasahan natin ang pinakamabuti para sa ating mga kapatid. Halimbawa, kapag ang isang kapatid ay nakagawa ng anumang maling hakbang bago niya mabatid ito, inaasahan natin na siya ay tutugon sa maibiging pagsisikap na maibalik siya sa ayos. (Galacia 6:1) Inaasahan din natin na ang mahihina sa pananampalataya ay mapalalakas. Pinagtitiyagaan natin ang mga ito, anupat gina- Mangyari pa, ang pag-ibig Kristiyano ay hindi naman labis na mapaniwalain. Pinapayuhan tayo ng Bibliya: Mataan ninyo yaong mga lumilikha ng mga pagkakabaha-bahagiatmgadahilangikatitisod...,atiwasanninyosila. Roma16: Paano ipinakita ni apostol Pablo na naniniwala siyang ang pinakamabuti ang gagawin ni Filemon, at ano ang maaari nating matutuhan mula sa halimbawa ni Pablo? 13. Paano natin maipakikita na inaasahan natin ang pinakamabuti para sa ating mga kapatid?

307 PATULOY KAYONG LUMAKAD SA PAG-IBIG 305 gawa ang buong makakaya upang matulungan silang lumakas sa pananampalataya. (Roma 15:1; 1 Tesalonica 5:14) Kahit pa maligaw ng landas ang isang minamahal, hindi tayo nawawalan ng pag-asa na balang araw ay matatauhan din siya at manunumbalik kay Jehova, gaya ng alibughang anak sa ilustrasyon ni Jesus. Lucas 15:17, Ang pag-ibig ay... nagbabata sa lahat ng bagay. Ang pagbabata ay tumutulong sa atin na manindigang matatag sa harap ng pagkabigo o paghihirap. Ang mga pagsubok sa pagbabata ay hindi lamang nanggagaling sa labas ng kongregasyon. Kung minsan, baka ang pagsubok sa atin ay manggaling sa loob. Dahil sa di-kasakdalan, may pagkakataon na binibigo tayo ng ating mga kapatid. Baka nasaktan ang ating damdamin dahil sa isang di-pinag-isipang pananalita. (Kawikaan 12:18) Baka may isang pangkongregasyong bagay na hindi napangasiwaan sa paraan na sa palagay natin ay siyang nararapat. Baka nakaiinis ang paggawi ng isang iginagalang na kapatid, anupat nagtatanong tuloy tayo, Paanong nakakakilos nang ganiyan ang isang Kristiyano? Kapag napaharap sa ganiyang mga situwasyon, lalayasan na ba natin ang kongregasyon at hindi na maglilingkod kay Jehova? Hindi nga kung may pag-ibig tayo! Oo, iniingatan tayo ng pag-ibig upang hindi mapiringan ng mga pagkakamali ng isang kapatid anupat wala na tayong makitang mabuting bagay sa kaniya o sa kongregasyon sa kabuuan. Ang pag-ibig ay tutulong sa atin na manatiling nagtatapat sa Diyos at nakikipagtulungan sa kongregasyon anuman ang sabihin o gawin ng isang di-sakdal na tao. Awit 119:165. Kung Ano ang Hindi Ginagawa ng Pag-ibig 15 Ang pag-ibig ay hindi mapanibughuin. Ang di-wastong paninibugho ay magpapangyari sa atin na maging mainggitin sa tinataglay ng iba sa kanilang mga ari-arian, mga pagpapala, o mga kakayahan. Ang gayong paninibugho ay isang mapag-imbot at nakapipinsalang damdamin na, kung hindi masusupil, ay makagagambala sa kapayapaan ng kongregasyon. Ano ang tutulong sa atin upang mapaglabanan ang hilig na mainggit? (Santiago 4:5) Ang sagot, pag-ibig. Ang mahalagang katangiang ito ay tutulong sa atin na makipagsaya sa ka- 14. Sa anong mga paraan maaaring masubok ang ating pagbabata sa loob ng kongregasyon, at paano tayo matutulungan ng pag-ibig na harapin ito? 15. Ano ba ang di-wastong paninibugho, at paano tayo tinutulungan ng pag-ibig upang maiwasan ang nakapipinsalang damdaming ito?

308 306 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA nilanasawari yhigitnanakaririwasasabuhaykaysasaatin.(roma 12:15) Ang pag-ibig ay tutulong sa atin na huwag ituring na isang insulto sa atin kapag ang isa ay tumanggap ng papuri dahil sa kaniyang pambihirang kakayahan o namumukod na tagumpay. 16 Ang pag-ibig ay... hindi nagyayabang, hindi nagmamalaki. Ang pag-ibig ay pumipigil sa atin na ipagparangalan ang ating mga kakayahan o mga tagumpay. Kung talagang iniibig natin ang ating mga kapatid, paano natin magagawa na paulit-ulit na ipagmalaki ang ating tagumpay sa ministeryo o ang ating mga pribilehiyo sa kongregasyon? Ang gayong paghahambog ay nakapagpapahina sa iba, anupat iniisip tuloy nilang sila y mas mababa. Ang pag-ibig ay hindi nagpapahintulot sa atin na ipagyabang ang mga pribilehiyo ng paglilingkod na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. (1 Corinto 3:5-9) Kasi, ang pag-ibig ay hindi nagmamalaki, o gaya ng sinasabi sa The New Testament in Modern English, ito ay hindi nanghahawakan sa matatayog na opinyon sa sarili nitong importansiya. Ang pag-ibig ay pumipigil sa atin sa pagkakaroon ng mataas na pangmalas sa ating sarili. Roma 12:3. 17 Angpag-ibigay...hindigumagawinanghindidisente. Ang isang taong gumagawi nang hindi disente ay kumikilos sa paraang masagwa o nakasusuklam. Ang gayong paggawi ay salat sa pag-ibig, sapagkat nagpapakita ito ng tahasang pagwawalang-halaga sa damdamin at kapakanan ng iba. Sa kabaligtaran naman, ang pag-ibig ay may taglay na kagandahang-loob na siyang nag-uudyok sa atin upang magpakita ng konsiderasyon sa iba. Ang pag-ibig ay nagtataguyod ng mabuting asal, makadiyos na paggawi, at paggalang sa ating kapananampalataya. Kung gayon, ang pag-ibig ay hindi magpapahintulot sa atin na masangkot sa kahiya-hiyang paggawi oo, sa anumang kilos na makabibigla o makasasakit sa ating mga kapatid na Kristiyano. Efeso 5:3, Ang pag-ibig ay... hindi naghahanap ng sarili nitong kapakanan. Ganito ang sabi rito ng Revised Standard Version: Ang pag-ibig ay hindi naggigiit ng sarili nitong kagustuhan. Ang isang maibiging tao ay hindi nagpipilit na ang lahat ng bagay ay gawin ayon sa gusto 16. Kung talagang iniibig natin ang ating mga kapatid, bakit iiwasan nating ipaghambog ang ating ginagawa sa paglilingkod kay Jehova? 17. Ang pag-ibig ay nag-uudyok sa atin na magpakita ng anong konsiderasyon sa iba, at anong uri ng paggawi ang iiwasan natin kung gayon? 18. Bakit ang isang maibiging tao ay hindi nagpipilit na ang lahat ng bagay ay gawinayonsagustoniya?

309 PATULOY KAYONG LUMAKAD SA PAG-IBIG 307 niya, na para bang ang kaniyang mga opinyon ang laging tama. Hindi niya sinisikap na kontrolin ang iba, anupat ginagamit ang kaniyang kakayahang humikayat upang daigin yaong mga may ibang pangmalas.anggayongpagmamatigasaymagsisiwalatngisangantas ng pagmamapuri, at ang Bibliya ay nagsasabi: Ang pagmamapuri ay nauuna sa pagbagsak. (Kawikaan 16:18) Kung talagang iniibig natin ang ating mga kapatid, igagalang natin ang kanilang mga pangmalas, at hangga t maaari, ipakikita nating handa tayong magparaya. Ang mapagparayang espiritu ay kasuwato ng mga salita ni Pablo: Patuloy na hanapin ng bawat isa, hindi ang kaniyang sariling kapakinabangan, kundi yaong sa ibang tao. 1 Corinto 10: Angpag-ibigay...hindinapupukawsagalit,hindi...nagbibilang ng pinsala. Ang pag-ibig ay hindi madaling pukawin sa galit dahil sa sinasabi o ginagawa ng iba. Totoo, likas lamang na maghinanakit kapag ang iba ay nagkasala sa atin. Subalit kahit na may katuwiran tayong magalit, ang pag-ibig ay hindi nagpapahintulot na tayo ay manatiling pukaw sa galit. (Efeso 4:26, 27) Hindi tayo nagiingatngisangtalaanngmasasakitnasalitaogawa,naparabanginililista ang mga ito sa isang ledyer upang hindi malimutan ang mga ito. Sa halip, ang pag-ibig ay nag-uudyok sa atin na tularan ang ating maibiging Diyos. Gaya ng nakita natin sa Kabanata 26, si Jehova ay nagpapatawad kapag may makatuwirang dahilan para gawin iyon. Kapag napatawad na niya tayo, kinalilimutan na niya iyon, samakatuwid nga, hindi na niya sisingilin sa atin ang mga kasalanang iyon sa hinaharap. Hindi ba t dapat nating ipagpasalamat na si Jehova ay hindi nagbibilang ng pinsala? 20 Ang pag-ibig ay... hindi nagsasaya sa kalikuan. Ang The New English Bible aykababasahan: Angpag-ibigay...hindinatutuwa sa mga pagkakasala ng ibang tao. Ang salin ni Moffatt ay nagsasabi: Ang pag-ibig ay hindi kailanman nagagalak kapag ang iba ay nagkakamali. Ang pag-ibig ay hindi nasisiyahan sa kalikuan, kaya hindi tayo nagbubulag-bulagan sa anumang uri ng imoralidad. Ano ang ating nagiging reaksiyon kapag ang isang kapananampalataya ay nabitag ng kasalanan at napariwara dahil dito? Ang pag-ibig ay hindi magpapahintulot sa atin na magsaya, na para bang sinasabing Buti nga! Dapat lang sa kaniya iyon! (Kawikaan 17:5) Gayun- 19. Paano tayo tinutulungan ng pag-ibig na tumugon kapag ang iba ay nagkasala sa atin? 20. Ano ang ating magiging reaksiyon kapag ang isang kapananampalataya ay nasilo ng kasalanan at napariwara dahil dito?

310 Ang bayan ni Jehova ay nakikilala sa kanilang pag-ibig sa isa t isa man, nagsasaya nga tayo kapag ang isang kapatid na nagkasala ay gumawa ng positibong hakbangin upang makabangon sa kaniyang pagkakadapa sa espirituwal. Isang Nakahihigit na Daan 21 Ang pag-ibig ay hindi kailanman nabibigo. Ano ang ibig sabihin ni Pablo sa mga salitang ito? Gaya ng makikita sa konteksto, tinatalakay niya ang mga kaloob ng espiritu na taglay ng sinaunang mga Kristiyano. Ang mga kaloob na iyon ay nagsisilbing mga tanda na ang pabor ng Diyos ay nasa bagong tatag na kongregasyon. Subalit hindi lahat ng Kristiyano ay maaaring magpagaling, manghula, o magsalita ng iba t ibang wika. Gayunman, hindi iyan mahalaga; ang makahimalang mga kaloob ay mawawala rin naman pagdating ng panahon. Subalit, may isang bagay na mananatili, isang bagay na (a) Ano ang ibig sabihin ni Pablo nang sabihin niyang ang pag-ibig ay hindi kailanman nabibigo? (b) Ano ang isasaalang-alang sa huling kabanata?

311 PATULOY KAYONG LUMAKAD SA PAG-IBIG 309 MgaTanongParasaPagbubulay-bulay 2 Corinto 6:11-13 Ano ang kahulugan ng magpalawak sa ating pagmamahal, at paano natin maikakapit ang payong ito? 1 Pedro 1:22 Paano ipinakikita ng mga salitang ito na ang ating pag-ibig sa ating mga kapananampalataya ay dapat na maging taimtim, wagas, at maningas? 1Juan3:16-18Paano natin maipamamalas na ang pag-ibig ng Diyos ay patuloy na sumasaatin? 1Juan4:7-11Ano ang pinakamalakas na pangganyak sa pagpapakita ng pag-ibig sa ating mga kapananampalataya? maaaring linangin ng bawat Kristiyano. Ito ay mas mahalaga at mas nagtatagal, kaysa sa anumang makahimalang kaloob. Sa katunayan, tinawag ito ni Pablo na nakahihigit na daan. (1 Corinto 12:31) Ano ba ang nakahihigit na daan[g] ito? Ito ang daan ng pag-ibig. 22 Sa katunayan, ang Kristiyanong pag-ibig na inilarawan ni Pablo ay hindi kailanman nabibigo, samakatuwid nga, hindi ito kailanman magwawakas. Hanggang sa panahong ito, ang mapagsakripisyong pag-ibig na pangkapatiran pa rin ang pagkakakilanlan ng mga tunay na tagasunod ni Jesus. Hindi ba t nakikita natin ang katibayan ng pag-ibig na iyan sa mga kongregasyon ng mga mananamba ni Jehova sa buong lupa? Ang pag-ibig na iyan ay mananatili magpakailanman, sapagkat pinangakuan ni Jehova ng walang-hanggang buhay ang kaniyang tapat na mga lingkod. (Awit 37:9-11, 29) Magpatuloy sana tayo sa paggawa ng lahat ng ating makakaya upang patuloy [tayong] lumakad sa pag-ibig. Sa paggawa nito, magtatamasa tayo ng higit na kaligayahang dulot ng pagbibigay. Bukod diyan, maaari tayong patuloy na mabuhay oo, patuloy na umibig magpakailanman, bilang pagtulad sa ating maibiging Diyos, si Jehova. 23 Sa kabanatang ito na siyang pagwawakas ng seksiyon tungkol sa pag-ibig, tinalakay natin kung paano natin maipakikita ang pag-ibig sa isa t isa. Subalit kung isasaalang-alang ang napakaraming paraan na doo y makikinabang tayo mula sa pag-ibig ni Jehova gayundin sa kaniyang kapangyarihan, katarungan, at karunungan makabubuting itanong natin, Paano ko maipakikita kay Jehova na talagang iniibig ko siya? Ang tanong na iyan ay isasaalang-alang sa ating katapusang kabanata.

312 K A B A N A T A 3 1 Lumapit Kayo sa Diyos, at Lalapit Siya sa Inyo GUSTUNG-GUSTONG makita ng mga magulang na ngumingiti ang kanilang bagong silang na bunso. Palagi nilang inilalapit ang kanilang mukha sa sanggol, habang malambing na kinakausap at nginingitian ito. Nananabik silang makita ang reaksiyon ng sanggol. At maya-maya, narito lumitaw ang mga biloy sa pisngi ng sanggol, kumibot ang mga labi nito, at sumilay ang isang matamis na ngiti. Sa munting paraan, ang ngiting iyon ay waring nagpapahayag ng pagmamahal, ang pasimula ng pag-ibig ng sanggol bilang tugon sa pag-ibig ng kaniyang mga magulang. 2 Ang pagngiti ng sanggol ay nagpapaalaala sa atin ng isang mahalagang bagay tungkol sa likas na katangian ng tao. Ang ating karaniwang tugon sa pag-ibig ay pag-ibig. Gayon nga ang pagkalalang sa atin. (Awit 22:9) Habang tayo y lumalaki, nalilinang ang ating kakayahang tumugon sa pag-ibig. Marahil ay naaalaala mo pa mula sa iyong pagkabata kung paano ipinakikita ng iyong mga magulang, kamag-anak, o kaibigan ang kanilang pag-ibig sa iyo. Sa iyong puso, ang pagmamahal ay nag-ugat, sumibol, at lumago na siyang nag-uudyok sa iyo upang kumilos. Ipinakita mo ang iyong pag-ibig bilang sukli. Gayundin ba ang prosesong nagaganap sa iyong kaugnayan sa Diyos na Jehova? 3 Ang Bibliya ay nagsasabi: Kung para sa atin, tayo ay umiibig, sapagkat siya ang unang umibig sa atin. (1 Juan 4:19) Sa Seksiyon 1 hanggang 3 ng aklat na ito, ipinaalaala sa iyo na ang Diyos na Jehova ay gumagamit ng kaniyang kapangyarihan, ng kaniyang katarungan, at ng kaniyang karunungan sa maiibiging paraan para sa iyong kapakinabangan. At sa Seksiyon 4, nakita mo na tuwiran niyang ipinamalas ang kaniyang pag-ibig sa sangkatauhan at sa 1-3. (a) Ano ang maaaring matutuhan natin tungkol sa likas na katangian ng tao sa pamamagitan ng pagmamasid sa ugnayan ng mga magulang at ng kanilang bunso? (b) Anong proseso ang likas na nagaganap kapag may nagpapakita sa atin ng pag-ibig, at anong mahalagang tanong ang maitatanong natin sa ating sarili?

313 LUMAPIT KAYO SA DIYOS, AT LALAPIT SIYA SA INYO 311 iyo mismo sa kahanga-hangang mga paraan. Bumabangon ngayon ang isang tanong. Sa katunayan, masasabing ito ang pinakamahalagang tanong na maitatanong mo sa iyong sarili: Paano ko kaya tutugunin ang pag-ibig ni Jehova? Ang Kahulugan ng Pag-ibig sa Diyos 4 Alam na alam ni Jehova, ang Tagapagpasimula ng pag-ibig, na ang pag-ibig ay may malakas na kapangyarihan upang mapalitaw ang pinakamabuting katangian sa iba. Kaya naman sa kabila ng patuloy na paghihimagsik ng di-tapat na sangkatauhan, nakatitiyak pa rin siyang may ilang tao na tutugon sa kaniyang pag-ibig. At milyun-milyon nga naman ang tumutugon. Gayunman, nakalulungkot sabihing nililito ng mga relihiyon ng tiwaling sanlibutang ito ang mga tao tungkol sa kahulugan ng pag-ibig sa Diyos. Napakaraming tao ang nagsasabing iniibig nila ang Diyos, subalit para sa kanila, ang gayong pag-ibig ay waring isa lamang damdaming ipinahahayag sa mga salita. Ang pag-ibig sa Diyos ay maaaring magsimula sa ganiyang paraan, kung paanong ang pag-ibig ng isang sanggol sa kaniyang mga magulang ay maaaring unang maipakita sa pamamagitan ng isang ngiti. Subalit para sa mga taong nasa hustong gulang na, higit pa riyan ang nasasangkot sa pag-ibig. 5 Ipinaliliwanag ni Jehova ang kahulugan ng pag-ibig sa kaniya. Ang kaniyang Salita ay nagsasabi: Ito ang kahulugan ng pag-ibig sa Diyos, na tuparin natin ang kaniyang mga utos. Kung gayon, ang pag-ibig sa Diyos ay kailangang ipakita sa gawa. Totoo, marami ang hindi naaakit sa ideya ng pagsunod. Subalit may-kabaitang sinasabi pa ng talata ring iyon: Gayunma y ang mga utos [ng Diyos] ay hindi pabigat. (1 Juan 5:3) Ang mga kautusan at mga simulain ni Jehova ay dinisenyo upang tayo y makinabang, hindi upang tayo y siilin. (Isaias 48:17, 18) Ang Salita ng Diyos ay lipos ng mga simulaing tumutulong sa atin upang lalong m apalap ıt sa kaniya. Paano? Repasuhin natin ang tatlong pitak ng ating kaugnayan sa Diyos. Ang mga ito y may kinalaman sa pakikipagtalastasan, pagsamba, at pagtulad. 4. Sa anong paraan nalilito ang mga tao tungkol sa kahulugan ng pag-ibig sa Diyos? 5. Paano binibigyang-kahulugan ng Bibliya ang pag-ibig sa Diyos, at bakit nakaaakit sa atin ang kahulugang iyan?

314 312 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA Pakikipagtalastasan kay Jehova 6 Ang Kabanata 1 ay nagsimula sa tanong na, Naguguniguni mo bang ikaw ay nakikipag-usap sa Diyos? Naunawaan natin na ito y hindi isang likhang-isip lamang. Talagang nagkaroon ng ganiyang pakikipag-usap si Moises. Kumusta naman tayo? Hindi ito ang panahon upang suguin ni Jehova ang kaniyang mga anghel upang makipag-usap sa mga tao. Subalit si Jehova ay may napakagagaling na paraan ng pakikipagtalastasan sa atin sa ngayon. Paano tayo makikinig kay Jehova? 7 Sa dahilang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, nakikinig tayo kay Jehova sa pamamagitan ng pagbabasa ng kaniyang Salita, ang Bibliya. (2 Timoteo 3:16) Kaya nga hinimok ng salmista ang mga lingkod ni Jehova na gawin ang gayong pagbabasa araw at gabi. (Awit 1:1, 2) Ang paggawa nito ay nangangailangan ng ating buong pagsisikap. Subalit sulit naman ang lahat ng ganiyang mga pagsisikap. Tulad ng nakita natin sa Kabanata 18, ang Bibliya ay gaya ng isang mahalagang liham para sa atin mula sa ating makalangit na Ama. Kaya ang pagbabasa nito ay hindi dapat ituring na isang pabigat. Dapat na gawin nating buh ay ang Kasulatan kapag binabasa natin ito. Paano natin ito magagawa? 8 Ilarawan sa isip ang mga salaysay sa Bibliya habang nagbabasa ka. Sikaping ituring na aktuwal na mga tao ang mga tauhan sa Bibliya. Sikaping unawain ang kanilang pinagmulan, kalagayan, at motibo. Pagkatapos, pag-isipang mabuti ang iyong binasa, habang tinatanong mo ang iyong sarili nang ganito: Ano ang itinuturo sa akin ng ulat na ito tungkol kay Jehova? Alin sa mga katangian niya ang aking nakikita? Anong simulain ang nais ni Jehova na matutuhan ko, at paano ko ito maikakapit sa aking buhay? Magbasa, magbulay-bulay, at magkapit sa paggawa mo nito, ang Salita ng Diyos ay magiging buh ay sa iyo. Awit 77:12; Santiago 1: Nakikipag-usap din sa atin si Jehova sa pamamagitan ng tapat at maingat na alipin. Gaya ng inihula ni Jesus, isang maliit na grupo ng mga lalaking Kristiyano na pinahiran ang inatasang maglaan ng espirituwal na pagkain sa tamang panahon sa maliligalig na hu (a) Sa anong mga paraan tayo nakikinig kay Jehova? (b) Paano natin magagawang buh ay ang Kasulatan kapag binabasa natin ito? 9. Sino ang tapat at maingat na alipin, at bakit mahalagang tayo ay matamang makinig sa alipin[g] iyan?

315 LUMAPIT KAYO SA DIYOS, AT LALAPIT SIYA SA INYO 313 ling araw na ito. (Mateo 24:45-47) Kapag nagbabasa tayo ng mga literaturang inihanda upang tulungan tayong magkaroon ng tumpak na kaalaman sa Bibliya at kapag tayo y dumadalo sa mga pulong Kristiyano at mga kombensiyon, tayo y pinakakain ng aliping iyan sa espirituwal na paraan. Dahil sa ito ay alipin ni Kristo, may-karunungan nating ikinakapit ang mga salita ni Jesus: Bigyang-pansin ninyo kung paano kayo nakikinig. (Lucas 8:18) Tayo ay matamang nakikinig sapagkat kinikilala natin ang tapat na alipin bilang isa sa mga paraan ni Jehova ng pakikipagtalastasan sa atin. 10 Subalit kumusta naman ang pakikipagtalastasan sa Diyos? Maaari ba tayong makipag-usap kay Jehova? Nakapangingilabot na isipin ito. Kung susubukin mong lapitan ang pinakamakapangyarihang pinuno sa inyong lupain upang ipakipag-usap ang isang bagay na ikinababahala mo, ano kaya ang magiging tsansa mong makausap siya? Sa ilang kaso, baka sa mismong balak pa lamang ay mapanganib na! Noong panahon nina Esther at Mardokeo, ang isang tao ay maaaring ipapatay kung lalapit sa Persianong monarka nang walang imbitasyon mula sa hari. (Esther 4:10, 11) Gunigunihin mo ngayon ang paglapit sa Soberanong Panginoon ng uniberso, na kung ihahambing sa kaniya, kahit ang pinakamakapangyarihan sa mga tao ay gaya [lamang] ng mga tipaklong. (Isaias 40:22) Dapat ba nating labis na ipangamba ang paglapit sa kaniya? Hindi naman! 11 Si Jehova ay naglaan ng isang buk as, ngunit simpleng paraan ng paglapit sa kaniya ang panalangin. Maging ang isang musmos ay makapananalangin kay Jehova nang may pananampalataya, kapag ginagawa ito sa pangalan ni Jesus. (Juan 14:6; Hebreo 11:6) Gayunman, ang panalangin ay nagpapangyari rin sa atin na maipaabot ang ating pinakamasalimuot at personal na mga iniisip at niloloob maging ang masasakit na bagay na hindi mabigkas ng ating mga labi. (Roma 8:26) Walang maidudulot na kabutihan ang pagsisikap na pahangain si Jehova sa pamamagitan ng mahuhusay at mapalabok na pananalita o mahahaba at maliligoy na panalangin. (Mateo 6:7, 8) Magkagayunman, hindi tayo nililimitahan ni Jehova kung gaano kahaba tayo maaaring makipag-usap sa kaniya o kung gaano kadalas. Inaanyayahan pa nga tayo ng kaniyang Salita na manalangin nang walang lubay. 1 Tesalonica 5: (a) Bakit ang panalangin ay isang kahanga-hangang kaloob mula kay Jehova? (b) Paano tayo makapananalangin sa paraang nakalulugod kay Jehova, at bakit tayo makatitiyak na pinahahalagahan niya ang ating mga panalangin?

316 314 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA 12 Tandaan na si Jehova lamang ang tinatawag na Dumirinig ng panalangin, at siya y nakikinig taglay ang tunay na empatiya. (Awit 65:2) Basta na lamang ba niya pinagtitiisan ang mga panalangin ng kaniyang tapat na mga lingkod? Hindi, tunay na kinalulugdan niya ang mga ito. Inihahambing ng kaniyang Salita ang gayong mga panalangin sa insenso, anupat ang pagsunog sa mga ito ay nagpapailanlang ng mabango at nakagiginhawang usok. (Awit 141:2; Apocalipsis 5:8; 8:4) Hindi ba t nakaaaliw isipin na ang ating taimtim na mga panalangin ay pumapailanlang din at nakalulugod sa Soberanong Panginoon? Kaya kung nais mong m apalap ıt kay Jehova, dalasan mo ang mapagpakumbabang pananalangin sa kaniya, araw-araw. Ibuhos mo ang laman ng iyong puso sa kaniya; sabihin mong lahat ang nais mong sabihin. (Awit 62:8) Ibahagi mo ang iyong mga alalahan ın, ang iyong kagalakan, ang iyong pasasalamat, at ang iyong papuri sa iyong makalangit na Ama. Bilang resulta, lalong titibay ang buklod na nag-uugnay sa inyong dalawa. Pagsamba kay Jehova 13 Kapag tayo ay nakikipagtalastasan sa Diyos na Jehova, hindi lamang tayo basta nakikinig at nagsasalita na gaya ng sa isang kaibigan o kamag-anak. Aktuwal na sumasamba tayo kay Jehova, nag-uukol sa kaniya ng mapitagang paggalang na sadyang nararapat sa kaniya. Ang tunay na pagsamba ang siya nating buong buhay. Ito ang paraan upang maihayag natin kay Jehova ang ating buong-kaluluwang pag-ibig at debosyon, at ito ang dahilan kung kaya nagkakaisa ang lahat ng mga tapat na nilalang ni Jehova, sa langit man o sa lupa. Sa isang pangitain, narinig ni apostol Juan ang isang anghel na naghahayag ng utos na ito: Sambahin ninyo ang Isa na gumawa ng langit at ng lupa at dagat at mga bukal ng mga tubig. Apocalipsis 14:7. 14 Bakit dapat nating sambahin si Jehova? Isipin na lamang ang mga katangiang tinalakay na natin, gaya ng kabanalan, kapangyarihan, pagpipigil sa sarili, katarungan, lakas ng loob, awa, karunungan, kapakumbabaan, pag-ibig, pagkamahabagin, pagkamatapat, at kabutihan. Nakita natin na si Jehova ay kinasusumpungan ng pinakatugatog, ng pinakamataas na maaabot na pamantayan, ng ba- 13, 14. Ano ang kahulugan ng sambahin si Jehova, at bakit angkop lamang na gawin natin ito?

317 Ang mga pulong Kristiyano ay kasiya-siyang mga okasyon upang sumamba kay Jehova wat mahalagang katangian. Kung pipilitin nating unawain ang kabuuan ng kaniyang mga katangian, mahihinuha natin na siya ay higit pa sa isang dakila at kahanga-hangang Persona. Siya ay maningning sa kaluwalhatian, di-masukat ang kataasan niya kaysa sa atin. (Isaias 55:9) Walang alinlangan, si Jehova ang may karapatan bilang ating Soberano, at talagang karapat-dapat siya sa ating pagsamba. Kung gayon, paano natin sasambahin si Jehova? 15 Si Jesus ay nagsabi: Ang Diyos ay Espiritu, at yaong mga sumasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan. (Juan 4:24) Iyan ay nangangahulugan ng pagsamba kay Jehova taglay ang isang pusong lipos ng pananampalataya at pag-ibig, na ginagabayan ng kaniyang espiritu. Nangangahulugan din ito ng pagsambang kasuwato ng katotohanan, ng tumpak na kaalamang masusumpungan sa Salita ng Diyos. Tayo ay may mahalagang oportunidad na sumamba kay Jehova sa espiritu at katotohanan kai- 15. Paano natin masasamba si Jehova sa espiritu at katotohanan, at anong oportunidad ang maidudulot sa atin ng mga pulong Kristiyano?

318 316 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA lanma t tayo ay nakikipagtipon sa ating mga kapuwa mananamba. (Hebreo 10:24, 25) Kapag tayo ay umaawit ng papuri kay Jehova, nagkakaisa sa pananalangin sa kaniya, at nakikinig at nakikibahagi sa mga talakayan tungkol sa kaniyang Salita, ipinahahayag natin ang ating pag-ibig sa kaniya taglay ang dalisay na pagsamba. 16 Sumasamba rin tayo kay Jehova kapag ipinakikipag-usap natin sa iba ang tungkol sa kaniya, anupat pinupuri siya sa harap ng madla. (Hebreo 13:15) Sa katunayan, ang pangangaral ng mabuting balita tungkol sa Kaharian ni Jehova ay isa sa pinakadakilang mga utos na iniatang sa tunay na mga Kristiyano. (Mateo 24:14) May kasabikan tayong sumusunod sapagkat iniibig natin si Jehova. Kapag iniisip natin kung paano binubulag ng diyos ng sistemang ito ng mga bagay, si Satanas na Diyablo, ang mga pag-iisip ng mga di-sumasampalataya, anupat nagpapasimuno ng mga mapanirang kasinungalingan tungkol kay Jehova, hindi ba t gustung-gusto nating maglingkod bilang mga Saksi alang-alang sa ating Diyos, upang ituwid ang gayong paninirang-puri? (2 Corinto 4:4; Isaias 43:10-12) At kapag binubulaybulay natin ang mga kahanga-hangang katangian ni Jehova, hindi ba t nag-uumapaw ang ating pananabik na sabihin sa iba ang tungkol sa kaniya? Tunay ngang wala nang hihigit pang dakilang pribilehiyo kaysa sa ginagawa nating pagtulong sa iba na makilala at ibigin ang ating makalangit na Ama. 17 Higit pa rito ang nasasaklaw sa pagsamba natin kay Jehova. Apektado nito ang bawat pitak ng ating buhay. (Colosas 3:23) Kung talagang tinatanggap natin si Jehova bilang ating Soberanong Panginoon, sisikapin nga nating gawin ang kaniyang kalooban sa lahat ng bagay sa ating buhay pampamilya, sa ating sekular na trabaho, sa ating pakikitungo sa iba, sa ating paglilibang. Sisikapin nating paglingkuran si Jehova nang may sakdal na puso, nang may integridad. (1 Cronica 28:9) Walang dako sa gayong pagsamba ang isang nababahaging puso o isang dobleng pamumuhay ang nagkukunwaring paglilingkod kay Jehova habang lihim na nagpapatuloy sa malubhang kasalanan. Imposible sa may integridad ang gayong pagkukunwari; kasuklam-suklam ito sa may pag-ibig. Makatutulong din ang makadiyos na pagkatakot. Iniuugnay ng Bibliya ang gayong pag- 16. Ano ang isa sa pinakadakilang mga utos na iniatang sa tunay na mga Kristiyano, at bakit tayo nakadarama ng obligasyon na sundin ito? 17. Ano ang nasasaklaw sa ating pagsamba kay Jehova, at bakit tayo dapat sumamba nang may integridad?

319 LUMAPIT KAYO SA DIYOS, AT LALAPIT SIYA SA INYO 317 pipitagan sa ating patuloy na pagkakaroon ng matalik na kaugnayan kay Jehova. Awit 25:14. Pagtulad kay Jehova 18 Bawat seksiyon ng aklat na ito ay tinatapos sa isang kabanata tungkol sa kung paano magiging tagatulad sa Diyos, bilang mga anak na minamahal. (Efeso 5:1) Mahalagang tandaan na kahit tayo ay makasalanan, posible pa ring matularan natin ang sakdal na paraan ni Jehova sa paggamit ng kapangyarihan, sa pagsasagawa ng katarungan, sa pagkilos nang may karunungan, at sa pagpapakita ng pag-ibig. Paano natin malalaman na talagang posibleng matularan ang Makapangyarihan sa lahat? Tandaan, ang kahulugan ng pangalan ni Jehova ay nagtuturo sa atin na pangyayarihin niya ang kaniyang sarili na magkagayon anuman ang piliin niya upang isakatuparan ang kaniyang mga layunin. Nararapat lamang na hangaan natin ang kakayahang iyan, subalit imposible nga kayang matularan natin siya? Hindi. 19 Tayo ay ginawa ayon sa larawan ng Diyos. (Genesis 1:26) Kaya naman, ang mga tao ay hindi katulad ng iba pang mga nilalang sa lupa. Tayo ay hindi lamang basta nauudyukan ng likas na paggawi, ng mga namana, o ng mga bagay na nasa ating kapaligiran. Tayo ay binigyan ni Jehova ng isang mahalagang kaloob ang kalayaang magpasiya. Sa kabila ng ating mga limitasyon at di-kasakdalan, malaya tayong pumili kung magiging ano tayo. Gusto mo bang maging isang maibigin, marunong, makatarungang tao na gumagamit ng kapangyarihan sa tumpak na paraan? Sa tulong ng espiritu ni Jehova, maaari kang magkagayon mismo! Isip-isipin na lamang ang kabutihang maidudulot mo kung iyan ang gagawin. 20 Mapalulugdan mo ang iyong makalangit na Ama, anupat mapasasaya ang kaniyang puso. (Kawikaan 27:11) Maaari mo pa ngang palugdan [si Jehova] nang lubos, sapagkat alam niya ang iyong mga limitasyon. (Colosas 1:9, 10) At habang patuloy ka sa paglilinang ng mabubuting katangian bilang pagtulad sa iyong minamahal na Ama, bibiyayaan ka ng isang malaking pribilehiyo. Sa isang madilim na sanlibutang hiwalay sa Diyos, ikaw ay magiging isang ta- 18, 19. Bakit makatotohanang isipin na posibleng matularan kahit ng di-sakdal na mga tao ang Diyos na Jehova? 20. Anong kabutihan ang magagawa natin kapag tinularan natin si Jehova?

320 318 MAGING MALAP IT KAY JEHOVA gapagdala ng liwanag. (Mateo 5:1, 2, 14) Tutulong kang palaganapin sa lupa ang ilang sinag ng maluwalhating personalidad ni Jehova. Kaylaking karangalan! Lumapit Kayo sa Diyos, at Lalapit Siya sa Inyo 21 Ang simpleng payo na nakaulat sa Santiago 4:8 ay higit pa sa isang tunguhin lamang. Ito ay isang paglalakbay. Habang tayo ay nananatiling tapat, hindi kailanman matatapos ang paglalakbay na iyan. Hindi tayo kailanman titigil na m apalap ıt nang m apalap ıt kay Jehova. Sa katunayan, laging mayroon pang matututuhan tungkol sa kaniya. Huwag nating isipin na naituro na ng aklat na ito ang lahat ng dapat nating matutuhan tungkol kay Jehova. Aba, halos nagsisimula pa lamang tayo sa pagtalakay sa lahat ng sinasabi ng Bibliya tungkol sa ating Diyos! At kahit ang Bibliya mismo ay hindi makapagsasabi sa atin ng lahat ng dapat nating malaman tungkol kay Jehova. Ipinalalagay ni apostol Juan na kung ang lahat ng ginawa ni Jesus sa panahon ng kaniyang ministeryo sa lupa ay isusulat, sa sanlibutan mismo ay hindi magkakasiya ang mga balumbong isinulat. (Juan 21:25) Kung ito ay totoo sa Anak, lalo nang totoo ito sa Ama! 21, 22. Anong walang-katapusang paglalakbay ang naghihintay sa lahat ng umiibig kay Jehova? Palagi ka sanang higit na m apalap ıt kay Jehova

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila. Naniniwala Kami Ika-13 Aralin II ANG IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" 'I Paq-eralen ayon sa I11gatuntunin na nasa pasimula ng unang aralin. 1. Paano natin dapat pakitunguhan ang ating mga magulang? ~ Kinakailangang

More information

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay? Ika-14 na Aralin Naniniwala Kami Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. na 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay? ~ Hindi. Ang Panginoon ang may-ari ng buhay

More information

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan? Tagalog NATIONAL STANDARDS sa pagbabasa, pagsusulat at matematika Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan? The New Zealand Curriculum Ano ang National Standards? Simula 2010, ang lahat ng mga paaralan

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Taga Roma 15:5-7 Magkaisang Pag-iisip Aa Pag-aasawa ni Rev. Carl Haak Kaugalian na ng mga

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Tesalonica 2:7-12 "Mga Ulirang Ama" ni Rev. Carl Haak Kung nakinig kayo sa ating programa

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Awit 139:19-22 Si Jehovah ang Dios na Nakakaalam ng Lahat: (5) Ang Ating Pagkapoot Sa Kanyang

More information

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit Paaralang Pampurok ng Anchorage Talaan ng Nilalaman Paano Makapag-akses sa ParentConnection... 2 Tuloy Po Mga Magulang!... 2 Mga Rekisito sa Computer... 2 Paghahanap

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Deuteronomio 4:9-10 "Magturo Bilang Isang Saksi" ni Rev. Jai Mahtani Sa ating mensahe ngayon

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Juan 12:24-26 "Namamatay Upang Mabuhay" ni Rev. Jai Mahtani Sa Juan 12:24 ay mababasa natin,

More information

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN Isang pribilehiyo para sa akin ang muling makabalik sa himpapawid para sa Reformed Witness Hour para sa darating na apat na

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Lucas 2:19 "Pagbulay-bulayan Ang Cristong Sanggol Sa Iyong Puso ni Rev. Carl Haak Mababasa

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Corinto 10:31 "Mga Dapat Unahin Sa Pag-aasawa (1)" ni Prof. Barrett Gritters Ang Westminster

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Timoteo 4:12 Huwag Hamakin Ng Sinuman Ang Kabataan Ng Tipan ni Rev. Carl Haak Ang sipi ng

More information

Ang Makisig at Hangal na Hari

Ang Makisig at Hangal na Hari Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata Ang Makisig at Hangal na Hari Isinulat ni: Edward Hughes Inilarawan nila: Janie Forest Isinalin ni: Dulia Penalber Ibinagay nila: Lyn Doerksen Kuwento Bilang 18

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Juan 11:25-26 "Ako ang Muling Pagkabuhay at ang Buhay ni Rev. Carl Haak Sa Juan 11:25, 26 sinabi

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Juan 3:16 "Ang Tanging Paliwanag Sa Pasko" ni Rev. Carl Haak Ang Lucas 2 ang pinaka detalyadong

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Efeso 5:22-24 "Ang Pagpapasakop Ng Asawang Babae Sa Kanyang Asawa ni Rev. Carl Haak Babalikan

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Filipos 3:8 "Kalugihan Upang Magkamit ni Rev. Wilbur Bruinsma Sa Filipos 3:8, si apostol Pablo

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Jonas 3:10 Ang Pakikitungo Ng Dios Sa Mga Nagsising Makasalanan ni Rev. Carl Haak Atin muling

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Exodo 13:17-22 "Ang Matalinong Pag-akay Ng Dios Sa Kanyang Iglesia" ni Rev. Carl Haak Anong

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Ruth 4:13-22 Isang Pinagpalang Wakas Sa Isang Magandang Aklat ni Rev Rodney Kleyn Ngayon tayo

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Colosas 3:12-13 "Batas Pangkasuotan sa Pag-aasawa ni Rev. Carl Haak Paano itinuturing ng mag-asawang

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Awit 119:11 "Ating Iniingatan Ang Salita Ng Dios Sa Ating Mga Puso" ni Rev. Carl Haak Ang Salita

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Ruth 1:16 "Pananalita Sa Mga Mag-aasawa" ni Rev. Carl Haak Sa panahon natin ang tipan sa pag-aasawa

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Awit 144:11-12 Ang Ating Panalangin Para Sa Ating Mga Anak ni Rev. Carl Haak Ano ang pinakanais

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Eclesiastes 7:1 "Ang Mas Mabuting Buhay na Darating" ni Rev. Carl Haak Noong mga nakaraang

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Efeso 5:22-24 "Ang Pagkatawag Sa Mga Asawang Lalaki At Babae (2)" ni Rev. Ronald VanOverloop

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Lucas 11:1 Ang Pribilehiyo at Pangangailangan ng Pananalangin ni Rev. Rodney Kleyn Kumusta

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Roma 9:21 "Ang Banal Nating Magpapalayok ni Rev. Wilbur Bruinsma Ang katotohanan ng soberanong

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Juan 19:30 Natupad Na ni Rev. Jai Mahtani Nang matanggap ni Jesus ang suka ay sinabi niya,

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Exodo 36:4-7 "Higit Kaysa Kailangan" ni Rev. Carl Haak Doon sa dakilang kapitulo tungkol sa

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Apocalipsis 21:4 "Hindi Na Magkakaroon Ng Kamatayan" ni Rev. Jai Mahtani At nakita ko ang isang

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Lucas 11:2 (d) Mangyari Nawa Ang Kalooban ng Dios ni Rev. Rodney Kleyn Sa ating pagsisimula

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Efeso 6:5-9 Ang Awtoridad Na Saklaw Sa Paggawa ni Rev. Wilbur G Bruinsma Ang buhay ay maraming

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mateo 5:14-16 Kayo Ang Ilaw Ng Sanglibutan ni Rev. Rodney Kleyn Sa ating pagsisimula ng bagong

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Lucas 12:13-21 "Ang Mayamang Hangal" ni Rev. Jai Mahtani Noong nakaraan sinimulan natin ang

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Roma 8:18 "Ang Kasalukuyang Pagtitiis ay Tinimbang sa Walang Hanggang Kaluwalhatian" ni

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Awit 119:105 Banal Na Kasulatan: (1) Liwanag Sa Aking Landas ni Rev. Doug Kuiper Alam nating

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Isaias 52:13-15 Ang Kanyang Tagumpay sa Pagdurusa ni Rev. Rodney Kleyn Hinihiling ko na buksan

More information

ayon kay Marcos (Gospel of Mark)

ayon kay Marcos (Gospel of Mark) Ang Magandang Balita ayon kay Marcos (Gospel of Mark) Panimula 1 Ang Magandang Balita ayon kay Marcos ay nagsisimula sa pahayag na "Ito ang Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos."

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mateo 5:13-16 "Mamuhay Bilang Ilaw Ng Ebanghelyo" ni Rev. Carl Haak Ngayon sisimulan natin

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Ecclesiastes 7:1 Ang Mas Mabuting Buhay sa Hinaharap ni Rev Carl J Haak Sa nakaraang mga linggo

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Hebreo 1:4ss "Sambahin Siya Ng Lahat Ng Mga Anghel Ng Dios ni Rev. Carl Haak Sa ating programa

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Efeso 5:23 "Ang Asawang Lalaki Ang Ulo Ng Kanyang Asawa ni Rev. Carl Haak Nais nating magbalik-aral

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mateo 24:12-13 "Pagtitiis Sa Lapastangang Panahon" ni Rev. Carl Haak Ngayon ay magsisimula

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Juan 15:1 Manatili sa Kanya ni Rev. Carl Haak Sa ating nagdaang mga palatuntunan ating tiningnan

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores II Corinto 8 Pag-alaala sa Ekonomiyang Reformed ni Rev. Carl Haak Pagkatanggal sa trabaho,

More information

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE) Page 1 of 16 A CLOUD INFORMATION SYSTEM FOR DISASTER PREPAREDNESS GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE) UPDATED: NOVEMBER 2016 No pa r t of this publica tio n m ay be re pro duce

More information

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1 Our Father in Heaven Series: Prayer Rocks the World By Derick Parfan July 5, 2009 Matthew 6:9-13 (ESV) 1 Pray then like this: Our Father in heaven, hallowed be your name. Your kingdom come, your will be

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Roma 8:1 Ngayo y Wala Nang Kahatulan ni Rev. Carl Haak Ang pinakamalaking panganib na ating

More information

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7 Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7 Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga taong pumapatay ng katawan at wala nang kayang gawin maliban dito. Sasabihin

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Roma 8:2 Kalayaan ni Rev. Carl Haak Ikaw ba ay malaya? Hindi ko tinatanong ang iyong katayuang

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Corinto 15:20 Ngayon si Cristo ay Binuhay ni Rev Rodney Kleyn Ngayon ay Linggo ng Pagkabuhay.

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores II Corinto 9:5-8 Ang Biyaya ng Pagbibigay ni Rev. Carl Haak Sa mga panahong ang ekonomiya ay

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Tito 2:11-12 Ang Pagpapakita Ng Biyaya Ng Dios ni Rev. Carl Haak Ang Reformed Witness Hour

More information

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano? Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano? Sabi ni Jesus, Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin.

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Awit 128:5-6 Ang Iglesia At Ang Pamilya ni Rev Wilbur Bruinsma Panimula Sa ating palatuntunan

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Mga Cronica 12:32 "Mga Lalaki sa mga Panahong Ito" ni Rev. Carl Haak Ang mga kalalakihan

More information

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano? Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano? Sabi ni Jesus, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. (Juan 14:6) Following Jesus (Student

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Awit 19:1-6 Paglikha ni Rev. Carl Haak Sumasampalataya ako sa Dios Ama, makapangyarihan,

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores II Corinto 5:1 "Pauwi Na ni Rev. Carl Haak Sa araw na ito ay nais kong isaalang-alang na kasama

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mateo 6:25-26 Ang Kahibangan ng Pagkabalisa ni Rev. Wilbur Bruinsma Sa Mateo, mga kabanatang

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Pedro 3:5-6 Isang Magandang Halimbawa Ng Walang-takot Na Pagpapasakop ni Rev Carl J Haak

More information

Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman

Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman Ang Diyos ay tulad ng isang maibiging ama. 1 Pedro 5:6, 7 Ang Diyos ang ating Maylalang, at nagmamalasakit siya sa atin. Gaya ng isang marunong at mapagmahal

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Exodo 13:17-22 Ang Matalinong Pagpatnubay Ng Dios Sa Kanyang Iglesia ni Rev. Carl Haak Isang

More information

TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 PAGSUSULIT ARALIN I "ANG BIBLIA"

TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 PAGSUSULIT ARALIN I ANG BIBLIA "NANINIWALA KAMI" TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 ARALIN I "ANG BIBLIA" Petsa _ Isulat nang malinaw: Pangalan Tirahan 1.

More information

Salmo 12:6-7 Kaligtasan

Salmo 12:6-7 Kaligtasan Itong limang leksiyon ay makakatulong sa mga Kristiyano makakaunawa na ang Nararapat na Salin, and batid na King James Bible, ay tunay na ipinanatiling salita ng Diyos sa mga nagwikang- Ingles na mamamayan.

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Eclesiastes 7:27-28 Isa Sa Sanglibo ni Rev. Carl Haak Ang ating teksto ngayon, ay matatagpuan

More information

Pagsasanay sa Filipino

Pagsasanay sa Filipino Pagsasanay sa Filipino Pangalan Petsa Marka Paggamit ng Pang-angkop Kakayahan: Naipagsasama ang mga salita gamit ang pang-angkop A. Bumuo ng parirala mula sa dalawang salitang ibinigay sa pamamagitan ng

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Corinto 15:35-38 Ang Muling Pagkabuhay ng Katawan ni Rev. Carl Haak Ang Kasulatan na ating

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Genesis 41:41-57 Si Jose Na Punong Ministro ni Rev Rodney Kleyn Ang buhay ng anak ng Dios dito

More information

Liksyon 8 para sa Nobyembre 25, 2017 SINO ANG TAO SA ROMA 7?

Liksyon 8 para sa Nobyembre 25, 2017 SINO ANG TAO SA ROMA 7? Liksyon 8 para sa Nobyembre 25, 2017 SINO ANG TAO SA ROMA 7? Basahin ang Roma 7:1-6 Kung nais nating maunawaan nang maayos ang pagkukumpara, kailangan nating alalahanin ang konteksto ng sulat ni Pablo

More information

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

MAY KAAGAPAY KA NA BA? MAY KAAGAPAY KA NA BA? By Derick Parfan March 21, 2010 GAWA 2:41-47 Kaya't ang mga tumanggap sa sinabi [ni Pedro] ay nagpabautismo, at nadagdagan ang mga alagad ng may tatlong libong katao nang araw na

More information

Pagaaral - 6 ANG PAGPASOK SA KAHARIAN

Pagaaral - 6 ANG PAGPASOK SA KAHARIAN BAGONG LIWANAG NG KAHARIAN Pagaaral - 6 ANG PAGPASOK SA KAHARIAN paunang salita Marami sa atin ang tinuruan na tayo y maliligtas lamang kung tayo y sasapi sa isang iglesia at ating susundin ang anu-anong

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Isaias 40:12-14 Ang Dios na Makapangyarihan sa Lahat at Marunong sa Lahat ni Rev Wilbur G Bruinsma

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mateo 7:13-14 Pagpasok Sa Kaharian Sa Pamamagitan Ng Makipot Na Pintuan ni Rev. Carl Haak Ang

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Marcos 15:39 "Tunay Na Ito Ang Anak Ng Dios! " ni Rev. Carl Haak Ilang sandali bago ang Kanyang

More information

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

God s Electing Love (Mal. 1:1-5) God s Electing Love (Mal. 1:1-5) pastorderick.com /2015/02/08/gods-electing-love-mal-11-5/ Hindi ko alam kung anong nangyayari sa buhay ninyo ngayon. Pero kung tinitingnan n yo ang mga magagandang nangyayari

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Corinto 16:15-18 "Itinalaga Sa Paglilingkod Sa Mga Banal" ni Rev. Carl Haak Nahumaling. Nakawit.

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Lucas 2:10-11 Hatid sa Iyo Ay Malaking Kagalakan ni Rev. Carl Haak Sa araw na ito ang ating

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Efeso 5:31-32 "Ang Hiwaga Ng Pag-aasawa" ni Rev. Wilber G. Bruinsma May paraang tiyak sa buhay

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Ruth 3 "Ruth: Naghahanap Ng Tahanan" ni Rev. Carl Haak Tunay ngang sa lahat ng mga bagay ang

More information

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan 2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan 2005, 2010 ng AccountabilityWorks. Lahat ng mga karapatan ay nakareserba Nilikha ng Educational Testing Service Ang Layunin ng CELLA CELLA 2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

More information

BALIWAG BIBLE CHRISTIAN CHURCH We exist to build local and global GRACE-communities of committed followers of Christ for the glory of God.

BALIWAG BIBLE CHRISTIAN CHURCH We exist to build local and global GRACE-communities of committed followers of Christ for the glory of God. Ang sulat ni Pablo sa mga taga Galacia Gabay sa pag-aaral ng Bibliya ng Kaagapay Group Ako'y ipinakong kasama ni Cristo at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin, at ang buhay

More information

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi) Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi) By Derick Parfan April 5, 2009 (Palm Sunday) Roma 6:1-11 Ano ngayon ang sasabihin natin? Patuloy ba tayong magkakasala

More information

GRADE VI GAMIT NG GRID

GRADE VI GAMIT NG GRID GRADE VI GAMIT NG GRID ALAMIN MO Ito ang mundo. Matutukoy mo ba kung saan dito matatagpuan ang ating bansa? Halika, hanapin mo! Sa modyul na ito, matututuhan mo ang paggamit ng grid sa paghahanap ng tiyak

More information

Ang Layunin ng Diyos sa Iyong Buhay

Ang Layunin ng Diyos sa Iyong Buhay Ang Layunin ng Diyos sa Iyong Buhay May plano ang Diyos sa buhay mo. Nagsimula ang planong ito bago pa man Niya nilikha ang mundo. Basahin sa Awit 111: Purihin si Yahweh! Buong puso siyang pasasalamatan,

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Samuel 3:13 "Pagsaway Sa Ating Mga Anak" ni Rev. Jai Mahtani Ngayon ay ipagpapatuloy natin

More information

Galacia 1:1-5. Pagsasaliksik. Pagsasabuhay

Galacia 1:1-5. Pagsasaliksik. Pagsasabuhay Lesson 1 Grace to Us and Glory to God Galacia 1:1-5 Si Pablo na apostol - hindi mula sa mga tao, o sa pamamagitan man ng tao, kundi sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, at ng Diyos Ama, na muling bumuhay sa

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Awit ng mga Awit 1:5-6 "Ako y Maitim, Ngunit Kahali-halina" ni Rev. Carl Haak Ang lahat ng

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Pedro 3:3-4 "Ang Kagandahan ng Babaeng Cristiano (2)" ni Rev. Carl Haak Kung kasama namin

More information

Priestly Failures (Mal. 2:1-9)

Priestly Failures (Mal. 2:1-9) Priestly Failures (Mal. 2:1-9) pastorderick.com /2015/02/22/priestly-failures-mal-21-9/ Itinuturing nating mga bayani ang The Fallen 44 mga pulis na miyembro ng PNP Special Action Force na nasawi sa enkuwentro

More information

Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27

Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27 Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27 Not everyone who says to me, Lord, Lord, will enter the kingdom of heaven, but the one who does the will of my Father who is

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Efeso 2:20-22 Ang Nag-iisang Pundasyon ng Iglesia ni Rev Wilbur G Bruinsma Sa nakaraan nating

More information

Pinagkaloob ang pahintulot na kopyahin itong kasulatan para layunin na pag-aralan ang librong Galatia.

Pinagkaloob ang pahintulot na kopyahin itong kasulatan para layunin na pag-aralan ang librong Galatia. Kopirayt@2015 ngby LoveGodGreatly.com Pinagkaloob ang pahintulot na kopyahin itong kasulatan para layunin na pag-aralan ang librong Galatia. Please do not alter this document in any way. Mangyari huwag

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Awit 32:5 "Ipinahahayag Ang Aking Kasalanan ni Rev. Wilbur Bruinsma Ang sitas ng Salita ng

More information

FOR FREEDOM CHRIST HAS SET US FREE

FOR FREEDOM CHRIST HAS SET US FREE FOR FREEDOM CHRIST HAS SET US FREE Celebrating the Cross of Christ (An Exposition of Galatians) By Derick Parfan April 11, 2010 GALATIANS 5:1-12 (ESV) For freedom Christ has set us free; stand firm therefore,

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Genesis 42:1-25 Ang Landas Ng Pagkakasundo ni Rev Rodney Kleyn Ating ipagpapatuloy ngayon ang

More information

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot Petsa ng pagbabago 8/1/2018 Ang Santa Clara Family Health Plan (SCFHP)

More information

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016 5 Music Talaan ng mga Gawain (Unang Kwarter) Department of Education June 2016 identifies visually and aurally the kinds of notes and rests in a song / MU5RH-Ia-b-1 RHYTHM Aralin 1 MGA NOTE AT REST Layunin

More information