Basic Literacy Learning Material. B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N

Size: px
Start display at page:

Download "Basic Literacy Learning Material. B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N"

Transcription

1 2 Basic Literacy Learning Material B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N

2 Karapatan ng Bata, Dapat Alagaan Karapatang-Ari 2013 Bureau of Alternative Learning System DEPARTMENT OF EDUCATION Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anyo nang walang nakasulat na pahintulot mula sa organisasyon o ahensiya ng pamahalaang naglathala. Inilathala sa Pilipinas ng: Bureau of Alternative Learning System Department of Education 3/F Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines Tel No.: (02) Fax No.: (02)

3 Karapatan ng Bata, Dapat Alagaan

4 Tungkol saan ang modyul na ito? Ang modyul na ito ay tungkol sa Karapatan ng mga Bata na dapat nilang tinatamasa sa araw-araw upang lumaking malusog at ipinagmamalaki ng ating lipunan. Ang kaalaman at pagkilala sa karapatan ng mga bata ay napakahalaga sapagkat sinasabi nga na Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan. Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin: Aralin 1 - Ang Karapatan at Tungkulin ng mga Bata Aralin 2 - Karapatan Ko... Ipaglaban Mo Aralin 3 - Ang Pangangalaga sa Karapatan ng mga Bata i

5 Ano-ano ang matutuhan mo sa modyul na ito? Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang magagawa mo na ang sumusunod: nasasabi ang mga karapatan ng isang bata naipaliliwanag ang mga tungkulin ng Batang Pilipino naiisa-isa ang mga paglabag sa karapatan ng mga bata at ang mga paraan para mabawasan o mahinto ang mga ito natutukoy ang institusyong nangangalaga sa karapatan ng mga bata. ii

6 Ano-ano na ang alam mo? Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tsek (ü) kung ang sumusunod na pahayag ay karapatan ng bata at ekis ( û ) kung hindi. 1. Maipanganak nang maaga 2. Mabigyan ng edukasyon 3. Makapaglaro at makapaglibang 4. Magtrabaho sa minahan 5. Magtinda ng sampaguita araw-araw 6. Ipasok na kasambahay sa Maynila 7. Mabigyan ng kalinga ang mga may kapansanan 8. Magtrabaho sa labas ng bahay kung gabi 9. Dagliang pagtugon sa oras ng kalamidad 10. Ipaampon sa CARITAS Foundation iii

7 Aralin 1 Karapatan at Tungkulin ng Bata Ang bata ay may karapatang: maipanganak nang maayos makapag-aral mahalin ng mga magulang alagaan ng isang pamilya makapagukol ng panahon sa paglilibang manirahan sa kapaligirang nagtataguyod ng mabuting pakikipagkapwa tao maging malusog mapamahalaan nang epektibo at mapagkakatiwalaang gobyerno makatanggap ng pagkalinga, proteksiyon, at tulong mula sa pamahalaan mabuhay na may kalayaan at responsibilidad maging ligtas sa lahat ng uri ng pang-aabuso mabuhay sa mapayapang lipunan 1

8 Pag-usapan Natin 1. Sa kabuuan, ano ang nais ipahayag ng bawat larawan? 2. May kaalaman ka ba sa mga nabanggit na karapatan ng bata? 3. Alin sa mga nabanggit na mga karapatan ang natamo mo? Alin ang hindi? Bakit? 4. Kung ikaw ay isang magulang, kaya mo bang ipagkaloob sa lahat sa anak mo ang mga karapatang nabanggit? Paano? 5. Ano ang dapat isukli ng isang bata sa pagtatamasa ng kaniyang mga karapatan? 6. Ano kaya ang maaaring mangyari kung di natatamo ng mga bata ang kanilang mga karapatan? 2

9 Alamin Natin Bata Karapatan Mo y May Katumbas na Tungkulin I May katumbas na tungkulin Bawat isang karapatan Kahit na siya y bata pa lang Nararapat niyang gampanan. Kapag bata y namulat Sa pagsunod na matapat Asahan mo t pag lumaki Disiplinado t matatag. Isa sa karapatan niya Magkaroon ng pangalan Ngunit tungkulin ng bata Pangala y pangalagaan. II III Karapatang mag-aral Itinakda na rin ng batas Na dapat na tamasahin Mayaman man o mahirap. Kaalamang makakamit Tungkulin niyang gamitin Sa paraang ang pamilya at bayan, panalo na rin. 3

10 4 Basahin Natin Panalangin ng Nanay at ng Bata Mahal na Dakilang Lumikha, sana po maisilang ko nang maayos ang aking anak. Mabigyan po namin siya ng malinis na pangalan. Sana po y mapanatili naming payapa ang aming tahanan. Mabigyan namin siya ng sapat na pagkain at edukasyon. Maibigay po sana namin sa kaniya ang maginhawang pamumuhay upang lumaki siyang masunuring anak at mabuting mamamayan. Sana po y mapatnubayan namin siya upang lagi niyang tahakin ang tamang landas ng buhay, Amen. Nais ko pong maisilang Magkaroon ng pangalan at nasyonalidad, Manirahan sa payapang tahanan sa piling ng aking pamilya, may sapat na pagkain, malusog at aktibong katawan. Mabigyan sana ako ng sapat na edukasyon at mapaunlad ang aking kakayahan Mabigyan din ng pagkakataong makapaglaro, makapaglibang at makapagpahayag sariling pananaw. Higit po sa lahat, mabigyan ng proteksiyon laban sa pang-aabuso, panganib at karahasan, matulunga t maipagtanggol ng pamahalaan. Salamat po, Panginoon!

11 Subukin Natin Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salita upang mabuo ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel. pangalan pagkain tahanan edukasyon tungkulin makapaglaro maglibang proteksiyon mapakinggan 1. Karapatan ng bata na ang saloobin at pananaw. 2. Magkaroon ng sapat na upang maging malakas at malusog. 3. Magkaroon ng at nasyonalidad. 4. Manirahan sa payapang sa piling ng mga magulang. 5. Magkaroon ng upang umunlad ang kaalaman. 6. Mabigyan ng laban sa pang-aabuso. 7. Magkaroon ng pagkakataong at maglibang. 8. Kung may karapatan, may din ang mga bata. 5

12 Aralin 2 Karapatan Ko... Ipaglaban Mo! Basahin Ito NAHINTO SA PAG-AARAL KAUNTING SUWELDO... MABIGAT NA TRABAHO NAMAMALIMOS SOBRANG TRABAHO 6

13 GAWAING MAPANGANIB SA KALUSUGAN PAMAMASUKAN BILANG KATULONG PANLALAIT PAGMAMALIIT SA KAKAYAHAN 7

14 Pag-usapan Natin 1. Ano-ano ang mga paglabag sa karapatan ng bata ayon sa binasa? 2. Bakit kaya itinuturing na paglabag sa karapatan ng bata ang nasa larawan? 3. Ano kaya ang mangyayari kapag hindi naipagkaloob ang mga karapatan ng bata? 4. Ano ang dapat gawin ng isang magulang kapag hindi makapag-aral ang kaniyang anak dahil sa kahirapan? Gawin Natin 1. Nakapagbenta si Rene ng Php na halaga ng sampaguita at Php65.00 na halaga ng diyaryo. Magkano ang kinita ni Rene kung Php75.00 ang puhunan? 2. Kumita si Rene ng Php sa pag-iigib ng tubig. Magkano ang natira kung ibinigay niya sa kaniyang ina ang halagang Php80.00? 3. Php Php Php

15 Tandaan Natin Ang bata ay di dapat... huminto sa pag-aaral. magtrabaho sa murang edad, lalong-lalo na sa mapanganib na gawain. isali sa mga paligsahang maglalagay sa kaniya sa panganib. laitin at saktan. maliitin ang kakayahan. gamitin sa paghahanapbuhay. 9

16 Subukin Natin Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Piliin ang dapat gawin at hindi dapat gawin at isulat sa wastong hanay sa sagutang papel. 1. sigawan ang anak 4. bayaang mamasukan sa murang edad 2. laitin ang anak 5. bayaang mamalimos ang anak 3. pag-aralin ang anak 6. isumbong ang nakitang paglabag sa karapatan ng bata Dapat Gawin Hindi Dapat Gawin

17 Aralin 3 Pangangalaga sa Karapatan ng Bata Pag-aralan Natin Ipagbigay-alam sa mga awtoridad. Saan...? Anong oras? Napapabalitang marami raw ang ipinag-bibiling mga bata? kanino? Ah, oo. Sa mga tinatawag na pedopilya. Wala kang karapatang magpahinga! Aray kup... o Masakit... Itay ko Hu... Hu... Hu...! 11

18 Ihatid sa home-shelter Patnubayan ang anak Wala po kaming tirahan. 12

19 Pag-usapan Natin 1. Ano ang maaaring gawin kapag may nabalitaan o nakitang paglabag sa karapatan ng bata? 2. Ano-anong mga ahensiya ng pamahalaan ang nangangalaga sa karapatan ng bata? 3. Tama bang pinapalo ang bata? Bakit? 4. Saan dapat ihatid ang mga batang lansangan? 5. Kanino dapat magsumbong kung may pang-aabuso sa mga bata? 13

20 Tandaan Natin Mga institusyon o ahensiyang nangangalaga sa karapatan ng bata: 1. Pamilya - tungkuling mabigyan ang mga bata ng pagmamahal, pagunawa, pagpapayo, at mabuting halimbawa ng kanyang pamilya. 2. Department of Education (DepEd) - tungkuling magbigay ng sapat na silid-aralang may palaruan, pasilidad para sa paglilibang at espesyal na kalinga, at pasilidad para sa mga batang may kapansanan. 3. Department of Social Welfare and Development (DSWD) - ahensiya ng pamahalaan na naatasang pangalagaan at tiyakin ang kapakanan ng kabataan, kababaihan, at katandaan. 4. Mga Pribadong Institusyon - institusyong ang layunin ay kumupkop sa may kapansanan at kumalinga sa mga batang walang tahanan tulad ng Caritas Home at Tahanang Walang Hagdan Punong Barangay - Maaaring pagsabihan ng mga suliraning nararanasan ng mga bata.

21 40 Kapitan Sendo St. Barangka, Marikina Abril 11, 2010 Kagalang-galang na Kapitan: Ipinagbibigay-alam ko po sa inyo na sa Barangay Tago ay may isang nagngangalang Lenlen. Labis siyang sinasaktan ng kaniyang Tatay. Marami na po siyang pasa sa katawan. Sobra po siyang inabuso ng kaniyang ina. Nasa pangangalaga na po siya ng kaniyang Lolo Mario at Lola Mercedes. Hindi na po siya nag-aaral sa kasalukuyan. May ahensiya po bang makatutulong sa kaniya? Maraming salamat po. Gumagalang, Mga Naninirahan sa Barangay Tago Lauro Reyes Salvador dela Cruz Ricardo Magno Pablo Santos Halimbawa ng sulat ng punong barangay. 15

22 Subukin Natin Panuto: Isulat sa patlang ang dapat mong gawin sa sitwasyong ipinapakita sa larawan: 16

23 Ano-ano ang mga natutuhanmo? 1. Magbigay ng 5 karapatang dapat na natatamo o tinatamasa ng mga bata. a. b. c. d. e. 2. Isulat ang tsek ( ) sa sagutang papel kung ang pahayag kung karapatan at ekis (û) kung paglabag sa karapatan ng bata Dagliang lunas sa panahon ng kagipitan at sakuna Tamang kalinga sa mga may kapansanan Igalang at mahalin ang mga magulang. Maliitin ang kakayahan. Hayaang mamalimos sa kalsada 17

24 3. Isulat sa sagutang papel ang karapatan kung ito ay karapatan at tungkulin kung ito ay tungkulin ng bata. 1. Gumalang sa matatanda 2. Maisilang at magkaroon ng pangalan 3. Magmahal sa mga kapatid 4. Magkaroon ng edukasyon 5. Tumulong sa magulang sa magagaang gawain 6. Maglaro at maglibang 7. Mag-aral nang mabuti 8. Masabi ang saloobin o pananaw 9. Pag-iwas sa masamang barkada at bisyo 10. Magkaroon ng sapat na pagkain 18

Oops... Ingat sa Lansangan

Oops... Ingat sa Lansangan 2 Oops... Ingat sa Lansangan B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a l B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m d e p A r t M e n t O f e d u c A t I O n Reformatted

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ano ang naaalala mo noon sa iyong kabataan? Subukang balikan ang mga araw noong bata ka pa. Marahil matatandaang madalas kang naglalaro kasama ang iyong mga kaibigan. Masasabi

More information

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila. Naniniwala Kami Ika-13 Aralin II ANG IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" 'I Paq-eralen ayon sa I11gatuntunin na nasa pasimula ng unang aralin. 1. Paano natin dapat pakitunguhan ang ating mga magulang? ~ Kinakailangang

More information

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016 5 Music Talaan ng mga Gawain (Unang Kwarter) Department of Education June 2016 identifies visually and aurally the kinds of notes and rests in a song / MU5RH-Ia-b-1 RHYTHM Aralin 1 MGA NOTE AT REST Layunin

More information

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan? Tagalog NATIONAL STANDARDS sa pagbabasa, pagsusulat at matematika Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan? The New Zealand Curriculum Ano ang National Standards? Simula 2010, ang lahat ng mga paaralan

More information

GRADE VI GAMIT NG GRID

GRADE VI GAMIT NG GRID GRADE VI GAMIT NG GRID ALAMIN MO Ito ang mundo. Matutukoy mo ba kung saan dito matatagpuan ang ating bansa? Halika, hanapin mo! Sa modyul na ito, matututuhan mo ang paggamit ng grid sa paghahanap ng tiyak

More information

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay Special Science Elementary School (SSES) ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN 1 Prepared by:

More information

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I ( Effective and Affordable Secondary Education ) EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I MODYUL BILANG 8 Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.1/14 EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I Yunit II Modyul

More information

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO PROVIDER NUMBER PROGRAMA NG MGA SERBISYO NG SUPORTA SA BAHAY (IN-HOME SUPPORTIVE SERVICES PROGRAM, IHSS) KASUNDUAN SA LINGGUHANG TRABAHO & PAGBIBIYAHE NG TAGABIGAY (Dapat itong makumpleto ng isang provider

More information

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay? Ika-14 na Aralin Naniniwala Kami Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. na 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay? ~ Hindi. Ang Panginoon ang may-ari ng buhay

More information

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

I-reboot ang Iyong X1 TV Box I-reboot ang Iyong X1 TV Box Kapag nagto-troubleshoot ng problema sa iyong XFINITY X1 TV box, maaari kang madirekta upang i-reboot ang device. Alamin ang tungkol sa tatlong opsyon na mayroon ka para sa

More information

Pagsasanay sa Filipino

Pagsasanay sa Filipino Pagsasanay sa Filipino Pangalan Petsa Marka Paggamit ng Pang-angkop Kakayahan: Naipagsasama ang mga salita gamit ang pang-angkop A. Bumuo ng parirala mula sa dalawang salitang ibinigay sa pamamagitan ng

More information

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1 EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1 Kapamilya Katuwang Kaisa I. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Babae, tinatanggap mo ba si Lalaki?...Lalaki, tinatanggap mo ba si Babae? Ngayong kayo

More information

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA 5 Department of Education

More information

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS H E K A S I 6 MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA

More information

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO 5 Department of Education BUREAU OF

More information

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III Alamat ng Kawayan Anthony Pascua SAILN, Tier III Noong unang panahon ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabamg ito at taas-noo. Ipinagmamalaki nito ang kanyang makinis na katawan. Berdeng-berde ang

More information

ANG AMING MGA GAWAIN. Gawaing Bahay. Gawaing Pampamayanan

ANG AMING MGA GAWAIN. Gawaing Bahay. Gawaing Pampamayanan ANG AMING MGA GAWAIN Gawaing Bahay Gawaing Pampamayanan Ispiritwal Pakikipagkapuwa 1 Basic Literacy Learning Material B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m D E P A R T M E N

More information

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika 4 Batas-trapiko 4-1 Batas-trapiko sa Japan May mga batas-trapiko para sa mga taong naglalakad, sasakyan, motorsiklo, bisikleta at iba pa sa Japan. Tandaan ang mga batas-trapikong ito sa pinakamadaling

More information

H E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

H E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS H E K A S I 6 BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN Department of Education

More information

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton 16 Mar 2012. Talumpati ito tungkol sa edukasyon entitled:

More information

Araling Panlipunan DEPED COPY. Kagamitan ng Mag-aaral. Yunit IV. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Araling Panlipunan DEPED COPY. Kagamitan ng Mag-aaral. Yunit IV. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas 4 Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Yunit IV Ang aklat sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at/o unibersidad.

More information

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho Paksa: Ang Global na Kampanya ng UNGEI para sa Edukasyon - Big Story Lesson 2011 Linggo ng Global na Aksyon: Isa syang karapatan, gawin nating tama! Edukasyon

More information

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan 1 2 Ikatlong Markahan, Baitang 2, Karagdagang Aralin 1 Paksa: Ang Hanapbuhay at Kultura ng Aking Komunidad Layunin: Natatalakay ang mga produkto at mga kaugnay na hanapbuhay

More information

H E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools Modified In School Off School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I 4 Distance Education for Elementary Schools SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO Department of Education BUREAU

More information

(Effective Alternative Secondary Education)

(Effective Alternative Secondary Education) (Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN MODYUL 24 KARAPATANG PANTAO BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1 MODYUL 24 KARAPATANG

More information

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya, Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya, kapwa, bansa, daigdig at Diyos; nakapagpapasya at nakakikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat.

More information

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE) Page 1 of 16 A CLOUD INFORMATION SYSTEM FOR DISASTER PREPAREDNESS GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE) UPDATED: NOVEMBER 2016 No pa r t of this publica tio n m ay be re pro duce

More information

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan 2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan 2005, 2010 ng AccountabilityWorks. Lahat ng mga karapatan ay nakareserba Nilikha ng Educational Testing Service Ang Layunin ng CELLA CELLA 2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

More information

Ako at ang Ating Watawat

Ako at ang Ating Watawat 2 Ako at ang Ating Watawat B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a l B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N Reformatted

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Karaniwang inisip ng mga kalalakihan na higit silang magaling kaysa sa mga kababaihan. May ibang kalalakihan na hanggang sa ngayon ay ganito pa rin ang pag-iisip. Mabuti

More information

Atlantic Health System

Atlantic Health System MORRISTOWN MEDICAL CENTER OVERLOOK MEDICAL CENTER NEWTON MEDICAL CENTER CHILTON MEDICAL CENTER HACKETTSTOWN MEDICAL CENTER 100 Madison Avenue Interoffice Box 111 99 Beauvoir Avenue Interoffice Box 237

More information

H E K A S I PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL 5 Department of

More information

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN Isang pribilehiyo para sa akin ang muling makabalik sa himpapawid para sa Reformed Witness Hour para sa darating na apat na

More information

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit Paaralang Pampurok ng Anchorage Talaan ng Nilalaman Paano Makapag-akses sa ParentConnection... 2 Tuloy Po Mga Magulang!... 2 Mga Rekisito sa Computer... 2 Paghahanap

More information

Chapter 6 Tagalog Verbs

Chapter 6 Tagalog Verbs Chapter 6 Tagalog Verbs Ang TAGALOG VERBS ay mayroong dalawang bahagi na tatawagin nating ROOT (UGAT) at AFFIX (PANLAPI). Ang ROOT (UGAT) ay nagbibigay ng kahulagan sa VERB (PANDIWA) habang ang AFFIX (PANLAPI)

More information

Ano ba ang nakalaan para sa akin? Ano ang aking gagawin? Paano ako magiging kapakinabangan ng aking pamilya at kapwa?

Ano ba ang nakalaan para sa akin? Ano ang aking gagawin? Paano ako magiging kapakinabangan ng aking pamilya at kapwa? EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit I Modyul Blg. 3 Nang Dahil sa Pagmamahal I. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Ang magagandang kamay ay iyong gumagawa nang mabuti, tama at marangal. Ang magagandang

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Madalas mo bang ihambing ang iyong kaanyuhan at mga gawi sa ibang tao? Kung napansin mo, ang bawat isa sa atin ay kakaiba. Hindi ka makakikita ng ibang tao na eksaktong

More information

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit 2 Modyul Blg. 6

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit 2 Modyul Blg. 6 EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit 2 Modyul Blg. 6 Ang Kaibuturan ng Tao I. Ano ang Inaasahang Matutuhan Mo? Kamusta ka na muli mag-aaral? Sa araling ito, tiyak na magugustuhan mo ang mga gawain. Magkakaroon

More information

TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 PAGSUSULIT ARALIN I "ANG BIBLIA"

TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 PAGSUSULIT ARALIN I ANG BIBLIA "NANINIWALA KAMI" TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 ARALIN I "ANG BIBLIA" Petsa _ Isulat nang malinaw: Pangalan Tirahan 1.

More information

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1 EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1 Isang Buhay, Isang Diyos I. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Nasa ikaapat na taon ka na sa haiskul! Ilang buwan na lamang at haharap ka na sa panibagong

More information

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo. PANIMULA Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo. Ang babae at lalaki, ayon sa maraming paniniwala ay nilalang upang magsama, maging magkatuwang, at sa mas kilalang

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Timoteo 4:12 Huwag Hamakin Ng Sinuman Ang Kabataan Ng Tipan ni Rev. Carl Haak Ang sipi ng

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Sa isang demokratikong bansa tulad ng Pilipinas, mahalagang ang mga mamamayan ay mayroong tapang at kakayahang manindigan para sa kanilang mga paniniwala. May mga taong

More information

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

MAY KAAGAPAY KA NA BA? MAY KAAGAPAY KA NA BA? By Derick Parfan March 21, 2010 GAWA 2:41-47 Kaya't ang mga tumanggap sa sinabi [ni Pedro] ay nagpabautismo, at nadagdagan ang mga alagad ng may tatlong libong katao nang araw na

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ikaw ba y nakakakuha ng wastong nutrisyon? Kumakain ka ba ng mga wastong uri at dami ng pagkain? Nagagamit ba ng iyong katawan ang mga sustansya mula sa pagkain upang manatili

More information

EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon

EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO by: Laurince Pantaleon Abstrak Isa sa kinahuhumalingan ng mga mag-aaral sa kasalukuyan ay ang Social Networking Sites

More information

Paksa: Mga Tayutay. Akdang Babasahin: Ang Pintor ni Gerry Gracio. Inihanda ni:

Paksa: Mga Tayutay. Akdang Babasahin: Ang Pintor ni Gerry Gracio. Inihanda ni: Paksa: Mga Tayutay Akdang Babasahin: Ang Pintor ni Gerry Gracio Inihanda ni: G. Bennedick T. Viola Muñoz National High School-Annex Division of Science City of Muñoz LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO Baitang

More information

Ang Makisig at Hangal na Hari

Ang Makisig at Hangal na Hari Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata Ang Makisig at Hangal na Hari Isinulat ni: Edward Hughes Inilarawan nila: Janie Forest Isinalin ni: Dulia Penalber Ibinagay nila: Lyn Doerksen Kuwento Bilang 18

More information

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG Nabubuhay nang may HIV: Alamin ang Iyong mga Karapatan PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG 1 Mga Tanong at Sagot 1. Ako ay may HIV. Kailangan ko bang sabihin sa aking anak (o mga anak) ang

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Ruth 1:16 "Pananalita Sa Mga Mag-aasawa" ni Rev. Carl Haak Sa panahon natin ang tipan sa pag-aasawa

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ang estilo ng pamumuhay ng mga tao ay binabago ng mga bagong tuklas at makabagong teknolohiya. Nakakaapekto ang mga pagbabagong ito sa isang pamilya. Kailangang makaangkop

More information

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance) TM Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance) Ang iyong destinasyon para sa abot-kayang segurong pangkalusugan, kabilang na ang Medi-Cal Tingnan ang Nasa Loob Mga bagay na dapat malaman

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Taga Roma 15:5-7 Magkaisang Pag-iisip Aa Pag-aasawa ni Rev. Carl Haak Kaugalian na ng mga

More information

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? 5 Department of Education

More information

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. K to 12 Curriculum Guide ARALING PANLIPUNAN.

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. K to 12 Curriculum Guide ARALING PANLIPUNAN. Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City K to 12 Curriculum Guide ARALING PANLIPUNAN (Grade 1) January 31, 2012 CONCEPTUAL FRAMEWORK Figure 1. The Conceptual

More information

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS Modified In School Off School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools E P P 4 SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL Department

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Efeso 5:22-24 "Ang Pagkatawag Sa Mga Asawang Lalaki At Babae (2)" ni Rev. Ronald VanOverloop

More information

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo? -bingo! Gabay para sa game master o facilitators Ano ang nutri-bingo? Ang nutri-bingo ay hinango sa pinagtambal na at bingo. Ito y masaya at nakakaenganyong pamamaraan ng pagtuturo sa kahalagahan ng wastong.

More information

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala] Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala] Ipadala ang inyong opinyon (Panahon ng suskripsyon: mula November 8, Heisei

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ituturo ng modyul na ito ang tungkol sa iba t ibang pamamaraan ng pagtantiya (estimation) at kung paano mo ito gagamitin sa iyong pang-arawaraw na pamumuhay. Bakit sa tingin

More information

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon? Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Libreng tawag (800) 776-5746 Pagkuha ng Teknolohiyang Pantulong sa Pamamagitan ng Paaralan ng Inyong Anak Septyembre 2015, Lat. #5577.08 - Tagalog 1.

More information

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST Mayo 2015 Mga Tuntunin at Kundisyon para sa Paligsahan ng HotForex Pilipinas Ang Paligsahan ng HotForex Pilipinas ay isang Live trading Contest, na naghahandog

More information

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an TAGALOG PATNUBAY SA PAG AARAl NG «an .'" Nais mo bang malaman. ang ilang kahangahangang balita? ang katotohanan tungkol sa Diyos? kung paano magkakaroon ng isang buhay na maligaya? Kung gayon, ang Patnubay

More information

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan State of Alaska Department of Health and Social Services Division of Public Assistance Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan Dibisyon ng Ayuda sa Publiko Ang Iyong

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Efeso 6:5-9 Ang Awtoridad Na Saklaw Sa Paggawa ni Rev. Wilbur G Bruinsma Ang buhay ay maraming

More information

Sa mga magulang na babiyahe dala ang kanilang mga anak patungo sa ibang bansa Sa mga magulang na pabalik ng Japan dala ang kanilang mga anak

Sa mga magulang na babiyahe dala ang kanilang mga anak patungo sa ibang bansa Sa mga magulang na pabalik ng Japan dala ang kanilang mga anak Sa mga magulang na babiyahe dala ang kanilang mga anak patungo sa ibang bansa Sa mga magulang na pabalik ng Japan dala ang kanilang mga anak Mga suliraning maaaring harapin kapag inalis ang mga anak mula

More information

Anyaya ni Jesus: Halina sa Ama, sa pamamagitan Ko at sa patnubay ng Espiritu Santo

Anyaya ni Jesus: Halina sa Ama, sa pamamagitan Ko at sa patnubay ng Espiritu Santo Gabay sa pagbubuo ng Katekesis para sa Pampublikong Mababang Paaralan Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila Research, Planning and Development Office Revised 2010 Anyaya ni Jesus: Halina

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores II Corinto 5:1 "Pauwi Na ni Rev. Carl Haak Sa araw na ito ay nais kong isaalang-alang na kasama

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Awit 144:11-12 Ang Ating Panalangin Para Sa Ating Mga Anak ni Rev. Carl Haak Ano ang pinakanais

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Mayroon ka bang mga alagang hayop sa iyong tahanan? Paano mo sila pinapangalagaan? Malaking bahagi ng ating buhay ang mga hayop. Tinutulungan tayo ng mga ito sa ating kabuhayan.

More information

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot Petsa ng pagbabago 8/1/2018 Ang Santa Clara Family Health Plan (SCFHP)

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Pinoy yata yan! Iba talaga ang Pinoy. Madalas mo bang marinig ang mga komentaryong ito? Naitanong mo na rin ba sa iyong sarili kung bakit iba talaga ang Pinoy? Ano nga ba

More information

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK SENIOR HIGH SCHOOL BASIC EDUCATION FILIPINO DEPARTMENT Pamantasang Holy Angel Lungsod Angeles UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK DESKRIPSYON

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Efeso 5:22-24 "Ang Pagpapasakop Ng Asawang Babae Sa Kanyang Asawa ni Rev. Carl Haak Babalikan

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Lucas 11:2 (d) Mangyari Nawa Ang Kalooban ng Dios ni Rev. Rodney Kleyn Sa ating pagsisimula

More information

H E K A S I PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG HAPONES SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG HAPONES SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG HAPONES 5 Department of Education

More information

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika Tagalog Tagalog Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika Bilang isang magulang ng isang bata na matututo ng dalawa o higit pang mga wika, maaring mayroon kang mga katanungan. Itong patnubay

More information

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan 1 Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak Mga Madalas na Katanungan Talaan ng nilalaman A. Panimula 3 B.

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Roma 8:2 Kalayaan ni Rev. Carl Haak Ikaw ba ay malaya? Hindi ko tinatanong ang iyong katayuang

More information

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800) Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800) 776-5746 Mga Panuntunan ng Segurong Panlipunan para sa Pagtuturing ng Kita mula sa mga Magulang sa isang Anak na may Kapansanan upang

More information

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue 20 November 2018, page 1 of 18 52 Malingap St., Sikatuna Village, Quezon City Website: www.sws.org.ph Tel: 924-4456, 924-4465 Fax: 920-2181 Erratum, 20 November 2018: In Table 5, page 18, the June 2018

More information

ARALING PANLIPUNAN 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN

ARALING PANLIPUNAN 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN ARALING PANLIPUNAN 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN Panimula at Gabay na Tanong Subukan mong ilarawan ang iyong lipunan. Ano-anong mga suliranin ang iyong nakikita? Paano ito nakaaapekto sa iyong pamumuhay?

More information

H E K A S I TAPAT NA PAGLILINGKOD: NAGBUBUKLOD SA MGA PILIPINO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

H E K A S I TAPAT NA PAGLILINGKOD: NAGBUBUKLOD SA MGA PILIPINO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS H E K A S I 6 TAPAT NA PAGLILINGKOD: NAGBUBUKLOD SA MGA PILIPINO Department

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Nasisiyahan ka ba kapag namimili sa palengke? Mahirap ba para sa iyo ang mamili kung ano ang iyong bibilhin? Minsan, ipinagbibili ang isang paninda na may iba t ibang dami

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Tesalonica 2:7-12 "Mga Ulirang Ama" ni Rev. Carl Haak Kung nakinig kayo sa ating programa

More information

Pagtugon/Pagkilos sa Sakuna

Pagtugon/Pagkilos sa Sakuna ( フィリピノ語 ) Magkakapatid na Saclolo Pagtugon/Pagkilos sa Sakuna Nilikha ang materyales na ito sa pamamagitan ng tulong mula sa Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). 1. Paghahanda

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Corinto 10:31 "Mga Dapat Unahin Sa Pag-aasawa (1)" ni Prof. Barrett Gritters Ang Westminster

More information

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools Modified In School Off School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I 4 Distance Education for Elementary Schools SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS Department of

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Alam mo ba kung ano ang temperatura? Ang temperatura ay bahagi ng iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Halimbawa, gaano kainit mo gusto ang iyong kape o gatas? Nais mo bang

More information

Edukasyon sa Pagpapakatao

Edukasyon sa Pagpapakatao 3 Edukasyon sa Pagpapakatao Kagamitan ng Mag-aaral Yunit 2 Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at

More information

ARALING PANLIPUNAN 10 MGA KONTEMPORARYONG ISYU

ARALING PANLIPUNAN 10 MGA KONTEMPORARYONG ISYU ARALING PANLIPUNAN 10 MGA KONTEMPORARYONG ISYU Pamantayang sa Pagkatuto: Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga isyu at hamong panlipunan, partikular ang isyung, mga isyung pag-ekonomiya tulad ng

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tinatalakay natin ang numero o bilang sa araw-araw. Madalas natin itong ginagamit sa tuwing tayo ay namimili, nakikipag-kalakalan o nagsusukat. Kahit na ang pinakasimpleng

More information

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Sinasabi na ang mundo ay isang pandaigdigang pamayanan. Alam mo ba ang ibig sabihin nito? Nangangahulugan ito na ang mundo ay binubuo ng maraming bansa at mga tao ng iba

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Awit 119:11 "Ating Iniingatan Ang Salita Ng Dios Sa Ating Mga Puso" ni Rev. Carl Haak Ang Salita

More information

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon Ⅵ Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon VI -1 Pagbubuntis at Panganganak 1. Kapag Buntis o Nagdadalang-Tao Kung ipagbibigay-alam sa inyong munisipyo ang pagbubuntis at planong pagsilang

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Awit 128:5-6 Ang Iglesia At Ang Pamilya ni Rev Wilbur Bruinsma Panimula Sa ating palatuntunan

More information

Advance Directive - ALASKA

Advance Directive - ALASKA Hakbang 1: Piliin ang iyong kinatawan sa pangangalagang pangkalusugan. Pangalanan ang isang taong iyong pinagkakatiwalaan upang gumawa ng mga pagpapasya para sa pangangalagang pangkalusugan para sa iyo

More information

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3 nternational Correspondence nstitute PHLPPNE NATONAL OFFCE P.O. Box 1084, Manila TALA NG MAG-AARAL oo ANG GLESYA Unang Aralin hanggang 3 Petsa ng ipadala. sulat ng Malinaw Tirahan.. Gulang Babae o Lalaki..

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Juan 3:16 "Ang Tanging Paliwanag Sa Pasko" ni Rev. Carl Haak Ang Lucas 2 ang pinaka detalyadong

More information