may kalakip ng devotional supplement

Size: px
Start display at page:

Download "may kalakip ng devotional supplement"

Transcription

1 may kalakip ng devotional supplement A

2 Ang patibong ni Satanas B

3 May Kalakip na Devotional Supplement John Bevere i

4 Bait of Satan (Tagalog) by John Bevere 2015 Messenger International MessengerInternational.org Originally published in English as The Bait of Satan Additional resources in Tagalog are available for free download at: CloudLibrary.org You are encouraged to duplicate, virally distribute, use extracts or otherwise share this message with others. This book has been distributed to leaders and emergent leaders FREE OF CHARGE and is not to be sold. It is a gift from Messenger International, the Ministry of John and Lisa Bevere. To contact the author: JohnBevere@ymail.com ANG PATIBONG NI SATANAS ni John Bevere 2015 Messenger International MessengerInternational.org Orihinal na inilimbag sa Ingles bilang The Bait of Satan Ang mga karagdagang maeryales na naisalin sa Tagalog ay maaaring i-download nang libre sa Hinihikayat ka na kopyahin at ipamahagi on line, o sumipi ng ilang bahagi ng mensahe para ito sa iba. Ang aklat na ito ay naipamahagi na sa mga lider at mga sumisibol na lider nang walang bayad at hindi ipinagbibili. Ito ay regalo mula sa Messenger International, ang ministeryo nina John at Lisa Bevere. Upang makipag-ugnayan sa may-akda: JohnBevere@ymail.com ii

5 ISANG TAOS PUSONG PASASALAMAT... Ang aking asawang si Lisa, pangalawa sa Panginoon, ay siya ko ring pinakamatalik na kaibigan. Lisa, ikaw ay tunay na butihing babae. Habambuhay akong magpapasalamat sa Panginoon sa pagbubuklod Niya sa atin bilang mag-asawa. Salamat sa mga naitulong mo upang maisaayos ang aklat na ito. Sa aming apat na anak na lalaki, sina Addison, Austin, Alexander at Arden, salamat sa inyong pag-unawa sa mga panahong ginugol ko sa pagsusulat sa aklat na ito na dapat sanang naiukol ko sa inyo. Kayo ay kaligayahan ng aking puso. Isang espesyal na pasasalamat kay John Mason, na naniwala sa nilalaman ng aklat na ito at humikayat sa aking ipalimbag ito; kay Deborah Poulalion, sa kanyang talento at suporta sa pag-edit nito; at sa buong Charisma House na tumulong upang mabuo ang aklat na ito. At ang pinakamahalaga, ang aking wagas na pasasalamat sa ating Ama sa langit sa Kanyang kaloob, sa Panginoong Hesus sa Kanyang biyaya at sa Banal na Espiritu sa Kanyang tapat na paggabay sa buong panahon ng pagbuo sa proyektong ito. iii

6 iv

7 nilalaman Kabanata 1: Ako, Nasaktan?...1 Kabanata 2: Matinding Samaan ng Loob...11 Kabanata 3: Paano Nangyari sa Akin Ito?...23 Kabanata 4: Ama Ko! Ama Ko!...35 Kabanata 5: Paano Naisisilang ang mga Espirituwal na Palaboy?...49 Kabanata 6: Pagtatago Mula sa Realidad...65 Kabanata 7: Ang Tunay na Pundasyon o Saligang Bato...77 Kabanata 8: Lahat ng Maaaring Yanigin ay Tiyak na Yayanigin...93 Kabanata 9: Ang Batong Katitisuran Kabanata 10: Upang Walang Matisod sa Atin Kabanata 11: Pagpapatawad: Hindi ka Nagbibigay, Hindi Mo Matatanggap Kabanata 12: Paghihiganti: Ang Bitag Kabanata 13: Pagtakas sa Patibong Kabanata 14: Ang Layunin: Pagkakasundo Pahimakas: Paggawa ng Aksyon Mga Tala Ang Patibong ni Satanas Suplementong Pagdebosyon v

8 vi

9 Paunang Salita Ang aklat na hawak mo marahil ang pinakamahalagang pagharap sa katotohanan na iyong mararanasan sa tanang buhay mo. Maaari kong sabihin ito nang may kumpiyansa, hindi dahil ako ang sumulat nito kundi dahil sa taglay nitong paksa. Ang isyu ng pagkatisod--ang mismong buod ng aklat na Ang Patibong ni Satanas ay madalas na pinakamahirap na balakid na dapat harapin at pagtagumpayan ng isang indibiduwal. Nasaksihan ng mga alagad ni Hesus ang maraming dakila at kakaibang mga himala. Namangha sila nang makita nila na ang mga bulag ay nakakita at ang mga patay ay muling nabuhay. Narinig nila si Hesus na inutusan ang isang masungit na bagyo na tumahimik. Nakita nila ang himala ng pagpaparami nang mapakain ang libo-libong tao sa pamamagitan lamang ng ilang pirasong tinapay at isda. Ang listahan ng mga himala at kababalaghang ginawa ni Hesus ay hindi kayang maitala lahat, ayon sa Bibliya. Ang pinagsama-samang mga aklat sa mundo ay hindi kayang makapaglaman nito. vii

10 Ang patibong ni Satanas Hindi pa kailanman nasaksihan ng mundo ang mapaghimalang kamay ng Diyos sa ganoon kadakila at kongkretong kaparaanan. Namangha at nagitla ang mga alagad. Hindi ang mga himala ang nagtulak sa kanila na mag-alinlangan. Ang kanilang pag-aalinlangan ay magaganap sa katapusan pa ng ministeryo ni Hesus sa lupa. Sinabihan ni Hesus ang Kanyang mga alagad, Kung ang iyong kapatid na lalaki ay nagkasala laban sa iyo... pitong beses sa isang araw, at pitong beses sa isang araw ay bumalik sa iyo, na sinasabi, Nagsisisi ako, dapat patawarin mo siya. Ang kanilang agarang tugon sa Kanya ay, Dagdagan Mo ang aming pananampalataya. (Lucas 17: 3-5) Ang mga himala ay hindi nagbigay inspirasyon sa kanila upang humingi ng mas malaking pananampalataya, o para sa pagbuhay ng patay, o para mapakalma ang isang nagngangalit na dagat, kundi ang isang simpleng utos na patawarin ang mga taong nagkasala! Sinabi ni Hesus, imposible na walang pagkatisod na magaganap. (Lucas 17: 1) Hindi ito isang katanungan tungkol sa kung magaganap ba ito, kundi kung ano ang iyong magiging tugon dito. Ito ay isang katunayan na hindi lang iilan kundi marami ang magkakasakitan at mabibilanggo sa sama ng loob. Sampung taon na ang lumipas mula nang ang aklat na ito ay inilunsad. Sa loob ng panahong ito, nakatanggap kami ng hindi mabilang na mga sulat at mga patotoo tungkol sa buhay ng mga indibiduwal, pamilya at mga ministeryo na pinagaling at nabago sa pamamagitan ng mga katotohanang mula sa Salita ng Diyos na nakapaloob sa aklat na ito. Isinama namin ang isang kopya upang mahikayat ka. Para sa lahat ng mga ito, natutuwa kami at ibinibigay namin sa Diyos ang lahat ng kaluwalhatian! Isang lider ang nagbahagi, Ang aming simbahan ay nasa bingit na ng isang matinding paghihiwalay. Tila wala ng pag-asa na maayos pa. Nagbigay ako ng isang kopya ng aklat na Ang Patibong ni Satanas sa bawat elder ng simbahan. Naiwasan ang paghihiwalay at kami ngayon ay nagkakaisa na! Maraming pagsasama ang naisalba. Kamakailan lamang, pagkatapos ng aking pagsasalita sa Nebraska, lumapit sa akin ang isang mag-asawa. Ang asawang babae ay nagsabi, Ako ay nasaktan sampung taon na ang nakararaan ng mga lider ng simbahang ito. Naghinanakit ako at naging mapaghinala; lagi kong ipinagtatanggol ang aking sarili at ang aking posisyon. Maging ang pagsasama naming mag-asawa ay nagdusa dahil sa aking paghihimutok viii

11 Paunang Salita at ang aking asawa ay nasa proseso na ng pakikipaghiwalay sa akin. Hindi siya mananampalataya at wala siyang pakialam sa iglesya. May isang taong nagbigay sa akin ng isang kopya ng aklat na Ang Patibong ni Satanas. Binasa ko ito at sa loob ng maikling panahon ay ganap akong napalaya mula sa sama ng loob at kapaitan. Nang makita ng aking asawa ang mga pagbabago sa aking buhay, isinuko niya ang kanyang sarili sa Panginoong Hesucristo at kinalimutan ang pakikipagdiborsiyo sa akin. Tumayo sa kanyang tabi ang kanyang asawa nang nakangiti. Nang matapos siyang magbahagi, pinagtibay ng kanyang asawa ang mga kahangahangang pagbabago sa kanilang buhay at tahanan! Subalit ang patotoo na labis na tumimo sa aking puso ay naganap noong ako ay nagministeryo sa Naples, Florida. Bago pa ako magsalita, isang matipuno at di katandaang lalaki ang tumayo sa harapan ng kongregasyon at lumuluha niyang isinasalaysay ang kanyang masaklap na karanasan: Buong buhay ko inakala ko na mayroong pader sa pagitan namin ng Diyos. Dumadalo ako sa mga pulong kung saan ang iba ay nakadarama ng presensiya ng Diyos, habang ako ay manhid at nag-iisa. Kahit na manalangin pa ako, walang pagpupuspos at presensiya Niya na bumababa. Ilang linggo na ang nakaraan, ako ay nabigyan ng aklat na Ang Patibong ni Satanas. Nabasa ko ang kabuuan nito. Napagtanto kong ako ay nahulog sa patibong ni satanas maraming taon na ang nakararaan. Kinasuklaman ko ang aking ina sa pag-iwan niya sa akin noong ako ay anim na buwang gulang pa lamang. Napagtanto ko na kailangan kong pumunta sa aking ina upang siya ay patawarin. Sa ikalawang pagkakataon, sa loob ng tatlumpu t - anim na taong nakalipas, tumawag ako at nakipag-usap sa kanya. Umiyak ako at nagsabi sa kanya, Nay, nagtanim ako ng galit at di pagpapatawad sa iyo sa buong buhay ko dahil ipinamigay mo ako! Nagsimula siyang umiyak at sinabing, Anak, kinasuklaman ko ang aking sarili sa loob ng tatlumputanim na taon dahil sa pag-iwan ko sa iyo. Nagpatuloy siya, Pinatawad ko siya, at pinatawad niya ang kanyang sarili; ngayon kami ay magkasundo na. Pagkatapos, dumating ang kapana-panabik na bahagi. Ngayon, ang pader na naghihiwalay sa akin mula sa presensiya ng Diyos ay wala na! ix

12 Ang patibong ni Satanas Sa puntong ito, tuluyan na siyang bumigay at umiyak. Nahirapan siyang sabihin ang kanyang mga huling salita, Ngayon, umiiyak ako sa harapan ng Diyos na para bang isang sanggol. Alam ko ang tindi at hirap ng pagkabilanggo. Ako ay naging bihag sa ganyang pagpapahirap sa loob ng maraming taon. Ang aklat na ito ay hindi isang teorya o kuro-kuro; ito ay Salita ng Diyos na binigyangbuhay. Naglalaman ito ng katotohanang ako mismo ang nakaranas. Naniniwala ako na palalakasin ka nito. Habang binabasa mo, hilingin mo sa Diyos na madagdagan ang iyong pananampalataya! Sa iyong paglago sa pananampalataya, maluluwalhati Siya at ikaw ay mapupuspos ng kagalakan! Sumainyo ang lubos na pagpapala ng Diyos. JOHN BEVERE x

13 PANIMULA Kahit sino na nakahuli na ng hayop ay alam na upang ang isang bitag ay maging matagumpay, kailangan ang isa sa dalawang bagay na ito. Dapat ito ay nakatago, sa pag-asang masisilo nito ang isang hayop o dapat na may pain upang maakit ang hayop na pumasok sa nakamamatay na patibong. Si satanas, ang kalaban ng ating mga kaluluwa, ay parehong ginamit ang mga paraang ito upang ilatag ang kanyang pinakamapanlinlang at nakamamatay na bitag; ito ay nakatago at may pain. Kasama ng kanyang mga kampon, si satanas ay hindi maingay tulad ng paniniwala ng marami. Siya ay tuso at labis na natutuwa na makapanlinlang. Siya ay may matalas na pag-iisip sa kanyang ginagawa-- tuso at mapanukso. Huwag kalimutan na maaari siyang magkunwaring sugo ng liwanag. Kung hindi tayo sanay sa Salita ng Diyos upang paghiwalayin ang mabuti at masama, hindi natin mahahalata ang kanyang mga patibong. xi

14 Ang patibong ni Satanas Isa sa kanyang pinakamapanlinlang at lihim na mapanirang uri ng bitag ay isang bagay na naranasan na ng bawat Kristiyano ang sumama ang loob. Sa totoo lang, ang sama ng loob at hinanakit ay hindi nakamamatay-- kung mananatili ito sa bitag. Ngunit kung ito ay kukunin at nanamnamin sa ating mga puso, tiyak na lalala ang sakit. Ang taong nasaktan ay nagbubunga ng galit, pag-alipusta, pagseselos, sama ng loob, pag-aaway, kapaitan, pagkapoot at inggit. Ang ilan sa mga nagiging bunga ng pagkikimkim ng hinanakit ay insulto, pag-atake, pagkakahati-hati, paghihiwalay, pagkasira ng relasyon, pagkakanulo at pagtalikod sa Panginoon. Kadalasan, ang mga taong nasaktan ay hindi namamalayan na sila ay nahulog na sa patibong Hindi nila alintana ang kanilang kalagayan sapagkat nakatuon sila sa mga maling nagawa sa kanila. Itinatanggi nila ito. Ang pinakamabisang paraan upang tayo ay mabulag ng kaaway ay ang gawin tayong nakatuon lamang sa ating sarili. Isinisiwalat ng aklat na ito ang nakamamatay na bitag at inihahayag kung paano umiwas at manatiling malaya rito. Ang kalayaan mula sa pagkatisod ay napakahalaga para sa bawat Kristiyano dahil sinabi ni Hesus na imposibleng mabuhay sa mundong ito na hindi nakararanas na masaktan. (Lucas 17: 1) Sa mga simbahan sa buong Amerika at sa iba pang mga bansa kung saan naipangaral ko ang mensaheng ito, higit sa 50 porsiyento ng mga tao ang tumugon sa altar call. Bagama t ito ay isang mataas na tugon (response), marami pa ring nakabilanggo sa pagkatisod. Ang pagmamataas ay humahadlang sa mga tao na tumugon nang wasto sa sama ng loob. Nakita ko ang mga tao na pinagaling, pinalaya at napuspos ng Banal na Espiritu nang makatanggap ng kasagutan sa kanilang mga panalangin at nang makalaya sila sa bitag. Sinasabi nila na ang hinahangad nila sa matagal na panahon ay kanilang natanggap sa isang saglit lang, nang sila ay napalaya. Sa huling bahagi ng ika-dalawampung siglo, ang kaalaman (knowledge) sa simbahan ay labis na nadagdagan. Subalit kahit na ito ay nadagdagan, higit na nakaranas ng paghihiwa-hiwalay ang mga mananampalataya, mga lider at mga kongregasyon. Ang dahilan: Naging malaganap ang samaan ng loob dahil sa kakulangan ng wagas na pag-ibig. Ang karunungan ay nagdudulot ng pagmamataas, ngunit ang pag-ibig ay nagpapatibay. xii

15 Panimula (1 Cor. 8: 1) Napakaraming nasisilo sa mapanlinlang na bitag na ito na halos pinaniwalaan na natin na ito ay isang normal na kalakaran ng buhay. Magkagayunman, bago pa bumalik si Cristo, ang mga tunay na mananampalataya ay magkakaisa, hindi tulad sa mga nakalipas na panahon. Naniniwala ako na ngayon, ang mga lalaki at babae ay mapapalaya mula sa bitag ng pagkatisod. Isa ito sa mga magiging pangunahing koneksiyon na magdadala sa ating bansa ng revival o pagbabalik loob sa Panginoon. Makikita at makikilala ng mga hindi mananampalataya si Cristo sa pamamagitan ng ating pag-ibig sa isa t isa, kung saan bulag sila noon sa Kanyang kabutihan at pag-ibig. Hindi ako naniniwala sa pagsusulat ng isang aklat upang makasulat lamang. Pinag-alab ng Diyos ang mensaheng ito sa aking puso at nakita ko kung paano nanatili ang bunga nito. Sinabi ng isang pastor sa akin pagkatapos ng isang panambahan kung saan ito ang mensaheng aking ipinangaral, Hindi pa ako nakakita ng ganito karaming tao na pinalaya sa isang iglap lang. Ang Diyos ay nangusap sa aking puso na ito ay simula pa lamang. Marami ang palalayain, pagagalingin at manunumbalik sa Panginoon sa pagbasa ng aklat na ito at pagsunod sa Espiritu na mag-uudyok sa kanila. Nananalig ako na sa pagbasa mo ng mga salita sa mga pahinang ito na gagawin din ng Guro at Tagapayo ang mga ito nang personal sa iyo. Habang kumikilos Siya, ang mga sumusunod na salita ay magdudulot ng isang ganap na kalayaan sa iyong buhay at ministeryo. Manalangin tayo sa iyong pagsisimula: Ama, sa Pangalan ni Hesus, hinihiling ko na ihayag Mo sa pamamagitan ng Iyong Espiritu, ang Iyong Salita sa akin habang binabasa ko ang aklat na ito. Ilantad Mo ang anumang mga nakatagong bahagi sa aking puso na humahadlang sa akin upang lubos kitang makilala at paglingkuran pa nang buong husay. Tinatanggap ko ang iyong Espiritu at humihingi ng Iyong biyaya upang maisakatuparan ang Iyong nais para sa akin. Nawa ay maranasan ko ang malapitang pagkakilala sa Iyo upang marinig ko ang Iyong tinig sa pamamagitan ng aklat na ito. xiii

16 Ang patibong ni Satanas ANG ATING PAGTUGON SA KAMALIAN ANG MAGTATAKDA NG ATING HINAHARAP. Ang aklat na Ang Patibong ni Satanas ay nagpabago ng aming mga buhay at ministeryo.. Pinanood namin ang video ng hindi bababa sa dalawampung beses at binasa ang aklat ng paulit-ulit. Ginamit ng aming ministeryo ang aklat at mga katuruan sa video upang mabago ang aming buhay at pati na rin ang buhay ng marami pang iba. Ang mensahe ay matindi at napapanahon. -S. Q., CONNECTICUT xiv

17 1 AKO, NASAKTAN? Imposible na ang pagkatisod ay hindi dumating. Lucas 17:1 Sa aking paglalakbay sa Estados Unidos upang magministeryo, napansin ko ang isa sa pinakamatindi at pinakamapanlinlang na bitag na ginagamit ng ating kalaban. Ibinibilanggo nito ang hindi mabilang na Kristiyano, nagwawasak ng relasyon at pinalalaki ang puwang sa pagitan ng mga mananampalataya. Marami ang hindi nakakausad nang maayos sa pagtawag ng Diyos, dahil sa sugat at sakit na dulot ng sama ng loob. Nahahadlangan silang abutin ang kanilang potensiyal. Madalas, isang kapatid sa pananampalataya ang nakapagdulot ng sama ng loob sa kanila. Dahil dito, ang pagkatisod ay nagmimistulang pagtataksil. Sa Awit 55:12-14, dumaing si David, Sapagkat hindi kaaway ang lumapastangan sa akin; disin sana y kakayanin ko. At hindi rin taong namumuhi sa akin ang nagmalaki sa akin; kung magkagano y maaari ko siyang pagtaguan. Subalit ikaw iyon, isang taong 1

18 Ang patibong ni Satanas kapantay ko, kasama at kakilala ko. Nagkasama tayo nang matamis at lumakad patungo sa tahanan ng Diyos sa gitna ng karamihan. Sila yung mga katabi nating nakaupo sa loob ng simbahan, o kaya naman ay yun mismong taong nangangaral sa harapan. Maaari ring kasama nating nagbakasyon, dumalo sa mga pagtitipon, o kaya ay kasama natin sa opisina. O, maaaring mas malapit pa. Kung gaano kalapit ang ating kaugnayan, ganoon din katindi ang pagkatisod! Ang pinakamatitinding pagkakagalit, madalas ay nagaganap sa pagitan ng mga taong dati ay malapit sa isa t isa. Ayon sa mga abugado, ang pinakamahihirap na kaso ay sa pagitan ng mga mag-asawang naghihiwalay. Madalas na nag-uulat ang media ng patayan sa loob ng mga tahanang tinitirhan ng mga taong desperado. Ang tahanan na dapat magbigay ng proteksyon, probisyon at paglago kung saan natututo tayong magbigay at tumanggap ng pagmamahal, ay madalas na siya pang nagiging ugat ng matitinding samaan ng loob. Sa kasaysayan, ang mga pinakamadugong labanan ay naganap sa pagitan ng kapatid laban sa kapatid, anak laban sa ama, ama laban sa anak. Ang posibilidad ng samaan ng loob ay kasinghaba ng listahan ng ating relasyon sa ibang tao, gaano man ito kalala o kasimple. Ito ang katotohanan: Ang mga taong pinahahalagahan mo ang siyang makasasakit sa iyo, sapagkat higit na mataas ang iyong ekspektasyon o inaasahan mula sa kanila at ikaw din naman ay nagbigay ng iyong sarili sa kanila. Kung gaano kataas ang inaasahan, ganoon din katindi ang posibleng kasawian. Ang pagiging makasarili ay naghahari sa ating lipunan. Ang mga lalaki at babae sa kasalukuyan ay nakatuon sa kanilang mga sarili, na nagiging sanhi ng pagbalewala at pananakit sa damdamin ng mga taong nakapaligid sa kanila. Hindi na natin ito dapat ikagulat. Maliwanag na sinabi sa Banal na Kasulatan na sa mga huling araw, ang mga tao ay magiging maibigin sa kanilang mga sarili. (2 Timoteo 3:2). Inaasahan natin ito sa mga hindi mananampalataya, subalit ang tinutukoy ni Apostol Pablo ay hindi mga tao sa labas ng simbahan. Ang nasa isip niya ay mga taong nasa loob ng simbahan. Marami ang sugatan, may sama ng loob at kapaitan. Natisod sila! Subalit hindi nila namamalayan na nahulog na sila sa patibong ni satanas. Kasalanan ba natin ang pangyayaring ito? Nilinaw ni Hesus na imposible tayong mabuhay sa daigdig na hindi tayo nakararanas na matisod o masaktan ang ating mga damdamin. Gayunpaman, maraming mga 2

19 AKO, NASAKTAN? mananampalataya ang nagugulat, nalilito at hindi makapaniwala kapag ito ay nagaganap. Pakiramdam natin, tayo lang ang nagagawan ng kasamaan. Dahil dito, nagiging madali para sa atin na masaktan at makadama ng kapaitan. Samakatuwid, dapat nating paghandaan ang posibilidad ng pagkatisod, sapagkat ang magiging tugon natin dito ay magkakaroon ng malaking kaugnayan sa ating kinabukasan. ANG MAPANLINLANG NA BITAG Ang salitang Griyego para sa salitang matisod mula sa Lucas 17:1 ay skandalon. Ang salitang ito ay tumutukoy sa isang bahaging nakakonekta sa bitag. Ang salita ay nangangahulugan ng paglalagay ng bitag sa daraaanan ng isang tao. Sa Bagong Tipan, madalas na inilalarawan nito ang patibong na ginagamit ng diyablo. Ang pagkatisod o pagsama ng loob ay isang mabisang paraan na ginagamit ng diyablo upang bihagin ang mga tao. Pinaalalahanan ni Pablo si Timoteo: Ang lingkod ng Panginoon ay hindi dapat makipagtalo, kundi maamo sa lahat, may kakayahang magturo, matiisin at may kababaang-loob na itinutuwid ang mga taong sa kanya ay humahadlang; baka sakaling biyayaan sila ng Diyos ng pagsisisi sa ikaaalam ng katotohanan. 2 Timoteo 2:24-26 Ang mga taong nag-aaway o nagtutunggali ay nahuhulog sa patibong at ibinibilanggo ng diyablo sa kanyang kalooban. At ang higit na nakababahala, hindi namamalayan ng mga taong ito na nahulog na sila sa patibong! Tulad ng alibughang anak, kailangan nilang matauhan upang mapagtanto nila ang kanilang tunay na kalagayan, na nagpapakawala na sila ng mapait sa halip na dalisay na tubig. Kapag ang isang tao ay nalilinlang, akala niya ay nasa tama pa siya samantalang, sa totoo lang ay, hindi na. Anuman ang naganap na pangyayari, ang mga taong nagkikimkim ng hinanakit ay maaaring hatiin sa dalawang kategorya: (1) sila ang mga taong nagawan ng masama, o kaya naman ay (2) sila ang mga taong, sa palagay nila, sila ay nagawan ng masama. Buong-buo sa isip ng mga taong nasa ikalawang kategorya na sila ay naapi at sinaktan. Madalas ang kanilang hinuha ay mula sa maling impormasiyon o maaari namang tama ang impormasiyon, subalit, mali ang kanilang interpretasyon. Anuman ang kaganapan, ang mga taong ito ay may kimkim na sama ng loob at 3

20 Ang patibong ni Satanas ang kanilang pang-unawa ay nadiliman na. Ibinabatay nila ang kanilang damdamin sa walang pruwebang akala, sa mga nakikita lamang ng mata at sa mga haka-haka ng tao. ANG TUNAY NA KALAGAYAN NG PUSO Pinapanatili ng diyablo ang isang tao sa kapaitan at sama ng loob sa pamamagitan ng pagkimkim ng hinanakit, na ang kublihan ay pagmamataas (pride). Ang pagmamataas ang siyang pumipigil sa isang tao na aminin ang kanyang tunay na kalagayan. Minsan, nasaktan ang aking damdamin ng dalawang lingkod ng Diyos. May mga taong nagsabi sa akin na, Hindi ko akalaing magagawa nila ito sa iyo. Hindi ka ba nasaktan? Mabilis akong sumasagot, Hindi, ayos lang ako. Hindi ako nasaktan. Alam kong hindi tama na ako ay matisod, kaya itinanggi at inilihim ko ang aking kalagayan. Pinapaniwala ko sila at ang aking sarili na hindi ako nasaktan ngunit, sa totoo lang, nasaktan talaga ako. Tulad ng isang maskara, tinatakpan ng pagmamataas (pride) ang tunay na kalagayan ng puso. Hinahadlangan ka ng pride na harapin ang katotohanan. Binabaluktot nito ang iyong pananaw. At hindi ka magbabago kapag, sa tingin mo, ay ayos naman ang lahat. Pinatitigas ng pride ang iyong puso at pinadidilim ang iyong pang-unawa. Iniiwas ka nito sa pagbabagong-puso pagsisisi na siya sanang makapagpapalaya sa iyo. (2 Timoteo 2:24-26) Dahil sa pride, ang tingin mo sa iyong sarili ay isang biktima. Buong-buo sa iyo ang ganitong kaisipan, Minaltrato ako at pinag-isipan nang mali, kaya dapat lang na magtanim ako ng sama ng loob. Dahil ang paniwala mo ay inosente ka at naakusahan nang mali, hindi ka makapagpatawad. Kahit nakatago sa iyo ang tunay mong kalagayan, hindi ito nakatago sa Diyos. Kung ikaw man ay nagawan ng masama, wala ka pa ring katuwiran at karapatan na magtanim ng sama ng loob. Hindi maitatama ang mali ng isa pang pagkakamali! ANG LUNAS Sa Aklat ng Pahayag (Revelation), kinausap ni Hesus ang simbahan sa Laodicea. Sinabihan Niya sila na ang tingin nila sa kanilang sarili ay 4

21 AKO, NASAKTAN? mayaman, sagana sa lahat ng bagay at walang pangangailangan; subalit ang totoo, sila ay kawawa, kahabag-habag, dukha, bulag at hubad. (Pahayag 3:14-20) Nagkamali sila ng akala na ang materyal at pinansyal na katatagan ay katumbas din ng espirituwal na kalakasan. Marami ang ganitong mag-isip sa ngayon. Hindi nila nakikita ang tunay na kalagayan ng kanilang puso, kung paanong itinanggi ko rin ang hinanakit na nadama ko sa dalawang lingkod ng Diyos. Kinumbinsi ko ang aking sarili na hindi naman ako nasaktan. Pinayuhan ni Hesus ang mga taga-laodicea kung paano makalaya sa panlilinlang: kailangan nilang bumili ng ginto mula sa Diyos upang makita nila ang kanilang tunay na kalagayan. Bumili Ka ng Ginto Mula sa Diyos Ang unang utos ni Hesus upang makalaya sa panlilinlang ay, bumili kayo sa Akin ng purong ginto. (Pahayag 3:18) Ang purong ginto ay malambot at nahuhubog (pliable), walang halong iba pang elemento. Kapag hinaluan ang ginto ng ibang metal (tanso, bakal, nickel at iba pa), nagiging matigas ito, mahirap nang hubugin at maaaring mangalawang. Alloy ang tawag sa mga pinaghalong metal na ito. Kapag mas mataas at marami ang inihalong ibang metal sa ginto, nagiging mas matigas ito. Kapag walang gaanong halo ang ginto, mas malambot (flexible) ito. Makikita natin agad ang kaugnayan ng natural na katotohanang ito sa espirituwal na aspeto ng buhay: Ang isang dalisay na puso ay tulad ng purong ginto malambot, mapagmahal at madaling kausapin. Ayon sa Hebreo 3:13, ang puso ng tao ay pinatitigas ng pandaraya ng kasalanan! Kapag hindi natin hinarap nang tama ang pagkatisod, magbubunga ito ng ibayong kasalanan, tulad ng kapaitan, poot at hinanakit. Ang dagdag na bagay na ito ang nagpapatigas sa isang puso, kung paanong ang alloy ay pinatitigas ang ginto. Tinatanggal nito ang lambot ng puso at nababawasan o nawawala ang kakayanan nitong makadama. Nahahadlangan ang kakayanan nating marinig ang tinig ng Diyos. Maging ang wastong pananaw sa mga sitwasyon ay nadidiliman. Sa ganitong kalagayan, pumapasok ang pandaraya o panlilinlang. 5

22 Ang patibong ni Satanas Ang unang hakbang upang mapadalisay ang ginto ay durugin ito hanggang mapulbos at ihalo sa elementong ang tawag ay flux. Pagkatapos, ang pinaghalong mga elemento (mixture) ay inilalagay sa isang pugon (furnace) at tinutunaw sa matinding init. Ang alloy at iba pang humalong dumi sa ginto (impurities) ay dumidikit sa flux at tumataas sa ibabaw. Kapag tinanggal na ang mga duming pumaibabaw (dross), dito na lumilitaw ang dalisay o purong ginto. Ngayon, tingnan natin ang sinasabi ng Diyos: Sinubok ko kayo sa pamamagitan ng kaharian, kung paanong ang pilak ay dinadalisay sa apoy... Isaias 48:10 At muli: Ito y dapat ninyong ikagalak, kahit na maaaring magdanas muna kayo ng iba t ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. Ang ginto, bagama t nasisira, ay pinapadaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayundin naman, ang inyong pananampalataya, na higit na mahalaga kaysa ginto, ay sinusubok sa apoy upang malaman kung ito y talagang tapat. Sa gayon, kayo y papupurihan, dadakilain at pararangalan sa Araw na mahayag si Hesucristo. 1 Pedro 1:6-7, may dagdag na diin Dinadalisay tayo ng Diyos sa pamamagitan ng kahirapan, pagsubok at kapighatian. Ang apoy o lagablab ng mga ito ang siyang nagpapalutang sa mga karumihan ng ating puso tulad ng pagtangging magpatawad, sama ng loob, kapaitan, galit, inggit at iba pang kasalanan. Nakapagtatago ang kasalanan sa ating buhay kapag walang apoy ng pagsubok at kasakitan. Sa panahon ng kasaganaan at tagumpay, maging ang taong masama ay nagmumukhang mabait at mapagbigay. May panahon sa aking buhay na nagdaan ako sa matitinding mga pagsubok na hindi ko pa naranasan sa tanang buhay ko. Naging mainitin ang aking ulo at napagsalitaan ko nang masasakit ang mga taong pinakamalapit sa akin. Dahil dito, iniwasan ako at lumayo ang loob sa akin ng aking mga kapamilya at kaibigan. 6

23 AKO, NASAKTAN? Umiyak ako sa Panginoon, Saan nanggagaling ang galit na ito? Dati namang wala ito sa puso ko. Sinagot ako ng Panginoon, Anak, kapag tinutunaw ang ginto sa apoy, doon lumalabas ang mga dumi. Dito Niya itinanong ang isang bagay na nagpabago ng aking buhay, Nakakakita ka ba ng dumi sa ginto bago ito padaanin sa apoy? Hindi po, ang aking tugon. Bagama t hindi mo nakikita ang mga dumi sa ginto, hindi nangangahulugang wala itong dumi. Kapag ang apoy ng pagsubok ay tumama sa iyo, ang mga karumihang ito ay saka lumilitaw. Bagama t nakatago sa iyo, sa Akin ay hindi. Ngayon, ay maaari ka nang magpasya, isang pasyang may malaking kaugnayan sa iyong kinabukasan. Maaari kang manatili sa espiritu ng galit, na sinisisi mo ang iyong asawa, mga kaibigan, ang iyong pastor at ang mga taong kasama mo sa trabaho; o kaya ay maaari mong tukuyin ang mga karumihang ito na kasalanan; magsisi ka at tanggapin mo ang Aking pagpapatawad. Kung magkagayon, kukunin Ko ang Aking panalok at tatanggalin Ko ang mga karumihang ito sa iyong buhay. Masdan mo ang iyong tunay na kalagayan... Ayon kay Hesus, ang kakayanan nating tumingin sa mga sitwasyon nang tama ay isa pang susi upang tayo ay makalaya sa pandaraya o panlilinlang. Madalas, kapag tayo ay nasasaktan, ang tingin natin sa ating mga sarili ay isang biktima at sinisisi natin ang mga taong nakasugat ng ating damdamin. Binibigyan natin ng katuwiran ang nadarama nating kapaitan, ang pagtangging magpatawad, galit, inggit, at hinanakit. Maging ang mga taong nakakapagpaalala ng mga taong nakasakit sa atin ay kinaiinisan natin. Kaya nagbigay si Hesus ng ganitong payo, Pahiran mo ng gamot ang iyong mga mata upang ikaw ay makakita. (Pahayag 3:18) Ano ang dapat nating makita? Ang ating tunay na kalagayan! Ito lamang ang tanging paraan upang masigasig tayong makapagsisi. Makakapagsisi tayo nang taos kapag huminto na tayo sa paninisi sa ibang tao. Kapag lagi nating sinisisi ang ibang tao at ipinagtatanggol ang ating mga sarili, isang katibayan ito na tayo ay bulag. Pinipilit nating tanggalin ang puwing sa mata ng ating kapatid gayong may malaking dumi sa ating 7

24 Ang patibong ni Satanas mga mata. Ang kapahayagan ng katotohanan ang siyang magpapalaya sa atin. Kapag ipinapakita ng Espiritu ng Diyos ang ating kasalanan, ginagawa Niya ito sa paraang ang kasalanan ay hiwalay sa atin. Dahil dito, nagaganyak tayong pagsisihan ang ating kasalanan. Hindi tayo nananatili sa pag-uusig sa sarili (self-condemnation). Aking dalangin na sa pagbasa mo ng aklat na ito ay mabuksan ng Salita ng Diyos ang iyong mga mata ng pang-unawa upang makita mo ang iyong tunay na kalagayan. Makalaya ka nawa sa hinanakit na iyong kinikimkim. Huwag mong hayaan na pigilan ka ng pagmamataas(pride) na makita ang dapat mong makita at makapagsisi ka sa iyong kasalanan. 8

25 9

26 Ang patibong ni Satanas ANG ISANG KRISTIYANONG NASAKTAN AY NAGDADALA NG BUHAY NGUNIT DAHIL SA TAKOT AY HINDI MAKALAYA. Sampung taon na ang nakararaan, pagkatapos ng dalawampung taong pagsasama, ang aking asawa ay nag-alsa balutan dahil siya ay hindi na masaya. Ako ay labis na nasaktan. Kinailangan ang mahabang panahon na sinubukan kong makaahon sa mga sama ng loob na bunga ng kanyang pag-alis. Hiniling ko sa Diyos na tulungan akong patawarin siya, subalit nasasaktan pa rin ako at hindi pa ako ganap na makalaya. Napakasama ng aking loob sa tuwing nakikita ko siya. Matapos kong basahin ang aklat na Ang Patibong ni Satanas, iniudyok ng Banal na Espiritu sa akin na makipag-usap sa aking dating asawa at hilingin sa kanya na patawarin ako dahil nagtanim ako ng galit at hinanakit. Nag-usap-kami sa unang pagkakataon sa loob ng sampung taon. Naniniwala ako na tunay na ako ay pinagaling at napalaya! Salamat sa Diyos na nagpalaya sa akin mula sa sama ng loob na umalipin sa akin sa mahabang panahon. -D. B., NEW YORK 10

27 2 MATINDING SAMAAN NG LOOB At dahil dito, maraming magkakasamaan ng loob; mapopoot at magtataksil sila sa isa t isa. Maraming bulaang propeta ang lilitaw at manlilinlang ng maraming tao. At dahil sa paglaganap ng kalikuan, ang pag-ibig ng marami ay manlalamig. Subalit siya na magtiis hanggang wakas ay siyang maliligtas. Mateo 24:10-13 S a kabanatang ito ng Mateo, nagbigay si Hesus ng mga tanda ng pagwawakas ng panahon. Tinanong Siya ng Kanyang mga alagad, Ano ang magiging tanda ng Inyong pagdating? 11

28 Ang patibong ni Satanas Maraming sasang-ayon na nalalapit na ang Kanyang muling pagbabalik. Subalit walang saysay na magtakda ng tiyak na petsa sa araw na iyon. Tanging ang Ama lamang ang nakaaalam. Ngunit sinabi ni Hesus na malalaman natin, at heto na nga! Sa kapanahunan lamang natin halos natupad ang karamihan ng mga propesiya patungkol sa simbahan, sa Israel at sa kalikasan kaya t may katiyakan tayo na tayo nga ay nabubuhay na sa panahong inilarawan ni Hesus sa Mateo 24. Pansinin ang isa sa mga tanda ng Kanyang napipintong pagdating: Maraming magkakasamaan ng loob... Hindi kaunti, hindi iilan, kundi marami. Kailangan nating itanong, Sino ang magkakasamaan ng loob? Mga Kristiyano ba sila o mga karaniwang tao sa lipunan? Malalaman natin ang sagot sa pagpapatuloy ng ating pagbasa: At dahil sa paglaganap ng kalikuan, ang pag-ibig ng marami ay manlalamig. Ang salitang Griyego na ginamit sa talatang ito ay agape. May ilang salitang Griyego na ginamit sa Bagong Tipan upang tumukoy sa pag-ibig, ngunit ang pinakamadalas na ginamit ay agape at phileo. Ang phileo ay pag-ibig na umiiral sa pagitan ng mga magkakaibigan. Ito ay isang pagmamahal na may kundisyon. Ayon sa phileo, Kamutin mo ang aking likod, at kakamutin ko ang sa iyo, o Tratuhin mo ako nang mabuti, at ganun din ang gagawin ko sa iyo. Sa kabilang dako, ang agape ay ang pag-ibig ng Diyos na inilagay Niya sa puso ng Kanyang mga anak. Ito rin ang pag-ibig na ibinibigay ng Diyos sa atin nang walang kundisyon. Hindi ito nakabatay sa kung ano ang nagawa ng isang tao o kung ang pag-ibig ay nasusuklian ng kapwa pag-ibig. Patuloy itong nagmamahal bagama t tinatanggihan. Kung wala ang Diyos, ang kaya lamang nating ibigay ay isang pagmamahal na makasarili isang pagmamahal na hindi ibinibigay kapag walang kapalit. Ang agape ay kakaiba; patuloy itong umiibig anuman ang tugon ng taong pinapakitaan ng pagmamahal. Agape ang pinairal ni Hesus nang Siya ay magpatawad sa krus. Samakatuwid, ang marami na tinutukoy ni Hesus ay mga Kristiyano o mananampalataya na ang pag-ibig ay manlalamig. May isang pagkakataon na ginawa ko ang lahat upang ipadama ang aking pagmamahal sa isang tao. Subalit sa tuwing lalapitan ko siya, 12

29 MATINDING SAMAAN NG LOOB pangungutya at magaspang na asal ang kanyang isinusukli. Nagpatuloy ang ganitong pangyayari sa loob ng ilang buwan. Isang araw, nagsawa na ako. Nagreklamo ako sa Panginoon. Ayoko na. Kailangan po Ninyo akong kausapin tungkol dito. Tuwing magpapakita ako ng Iyong pagmamahal sa taong ito, galit ang isinusukli niya sa akin. Nagsimulang mangusap sa akin ang Panginoon. John, kailangan mong lawakan ang tiwala mo sa Aking pag-ibig! Ano po ang ibig Ninyong sabihin, ang aking tanong. Siya na nagtatanim sa laman ay aani ng kabulukan, ang Kanyang paliwanag, subalit ang magtanim sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan. At huwag tayong manghinawa sa paggawa ng mabuti, sapagkat sa takdang panahon, aani tayo, kung hindi tayo manlulupaypay. (Galacia 6:8-9). Dapat mong maunawaan na kapag nagtanim ka ng pag-ibig ng Diyos, aani ka ng pag-ibig ng Diyos. Kailangan mong pagkatiwalaan ang espirituwal na batas na ito bagama t maaaring hindi ka umani sa bukid na mismong pinagtaniman mo o hindi ka nakakakita ng bunga na kasing bilis ng inaasahan mo. Nagpatuloy ang Panginoon, Sa pinakamatinding oras ng Aking pangangailangan, iniwan Ako ng pinakamatalik Kong mga kaibigan. Ipinagkanulo Ako ni Hudas. Ipinagkaila Ako ni Pedro, at ang iba sa kanila ay tumakas upang iligtas ang kanilang mga sarili. Tanging si Juan ang sumunod mula sa malayo. Kinalinga Ko sila sa loob ng mahigit tatlong taon. Pinakain at tinuruan Ko sila. Subalit nang mamatay Ako para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, Ako ay nagpatawad. Pinatawad Ko silang lahat ang Aking mga kaibigang nang-iwan sa Akin, maging ang mga sundalong Romano na nagpahirap at nagpako sa Akin. Hindi sila nanghingi ng kapatawaran, subalit pinatawad Ko sila. Ito ay sapagkat may tiwala Ako sa pag-ibig ng Ama. Alam Kong dahil nagtanim Ako ng pag-ibig, aani Ako ng pag-ibig mula sa maraming anak ng Aking kaharian. Dahil sa sakripisyong Aking inialay na puno ng pag-ibig, iibigin nila Ako. 13

30 Ang patibong ni Satanas Sinasabi Ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway; pagpalain ninyo ang nag-aalimura sa inyo; gawan ninyo ng mabuti ang mga namumuhi sa inyo; at ipanalangin ang mga umaalipusta at umuusig sa inyo, upang maging anak kayo ng inyong Ama sa langit, sapagkat pinasisikat Niya ang araw sa mga masasama at mabubuti; at nagpapadala Siya ng ulan sa mga matuwid at maging sa hindi matuwid. Sapagkat kung ang mga nagmamahal sa inyo ang siya lamang ninyong mamahalin, anong gantimpala ang inyong maaasahan? Hindi ba t ginagawa rin iyan ng mga maniningil ng buwis? At kung mga kapatid lamang ninyo ang inyong binabati, ano ang ginagawa ninyong higit kaysa sa iba? Hindi ba t ginagawa rin iyan ng mga maniningil ng buwis (Mateo 5:44-47)? MATINDING PAG-ASAM Napagtanto ko na ang pag-ibig na aking ibinibigay ay itinatanim ko sa Espiritu, at sa takdang panahon, aani ako mula sa mga binhi ng pagibig na aking itinanim. Hindi ko alam kung mula saan, ngunit alam kong darating ang ani o bunga. Hindi ko na itinuturing na kabiguan kapag hindi sinusuklian ang aking pagmamahal. Dahil dito, naging mas malaya akong magmahal sa mga ganoong uri ng tao! Kung matututunan lamang ito ng maraming Kristiyano, hindi sila susuko o masasaktan. Madalas, hindi ito ang uri ng pag-ibig na pinaiiral natin. Madali tayong masaktan kapag hindi nangyayari ang ating inaasahan, sapagkat makasarili ang pagmamahal na ating ibinibigay. Kapag may inaasahan ako mula sa ibang tao, maaari akong biguin ng mga taong iyon. Masasaktan ako kapag hindi nila ginawa ang, sa tingin ko, ay dapat nilang gawin. Ngunit kung wala akong inaasahan mula sa isang tao, anumang ibigay sa akin ay magiging pagpapala, hindi obligasyon. Inilalagay natin ang ating mga sarili sa posibilidad na masaktan kapag nagtatakda tayo ng dapat na ikilos ng mga taong may kaugnayan sa atin. Habang lumalaki ang ating ekspektasyon o inaasahan mula sa tao, lumalaki rin ang posibilidad na masaktan nila tayo. MGA PADER NG PROTEKSIYON Ang isang kapatid sa Panginoon na nasaktan ang damdamin ay higit na mahirap ibalik ang loob kaysa magpabagsak ng isang siyudad na 14

31 MATINDING SAMAAN NG LOOB napapaligiran ng pader. Ang mga malalakas na siyudad ay nakatitiyak ng proteksyon dahil sa mga pader na ito. Hindi nakapapasok ang mga hindi tinatanggap na panauhin, lalo na ang mga gustong manakop sa kanila. Lahat ng gustong pumasok ay sinasala. Ang mga taong hindi pa bayad sa kanilang buwis ay hindi pinapapasok hanggang hindi nakababayad. Ang mga taong may dalang banta sa kalusugan at kaligtasan ay tiyak na hindi rin papapasukin. Nagtatayo tayo ng pader sa paligid ng ating puso upang makaiwas sa sama ng loob at posibilidad na masugatan ang ating damdamin. Nagiging maingat at mapili tayo. Sinumang sa tingin natin ay sasaktan tayo ay hindi natin pinapapasok sa ating buhay. At ang mga taong nakagawa ng masama sa atin ay lalong hindi rin natin tanggap, maliban kung sila ay makipag-ayos at makabayad ng kanilang atraso. Binubuksan lamang natin ang ating puso sa mga taong, sa palagay natin ay, nasa ating panig. Subalit ang mga taong itinuturing nating nasa ating panig ay maaari rin nating makasamaan ng loob. Kaya, sa halip na makatulong, nagpapatong tayo ng dagdag na mga bato sa itinatayo nating pader. Hindi natin namamalayan na ang pader na ating itinayo para sa ating kaligtasan ay unti-unting nagiging kulungan. Kapag umabot na sa ganitong punto, hindi lang tayo takot magpapasok ng mga tao sa ating buhay, takot na rin tayong makihalubilo sa labas ng ating itinayong moog (fortress). Ang pinagtutuunan ng pansin ng mga Kristiyanong may sama ng loob ay ang kanilang pusong nasugatan. Maingat nilang binabantayan ang kanilang mga karapatan at mga personal na kaugnayan. Nauubos ang kanilang lakas sa paniniguro na hindi na sila maaaring muling saktan. Subalit kung hindi tayo handang masaktan, hindi rin tayo handang magmahal nang walang kundisyon. Ang isang pag-ibig na walang kundisyon ay nagbibigay sa iba ng karapatang tayo ay saktan. Ang tunay na umiibig ay hindi naghahangad ng para lamang sa kanyang sarili, ngunit ang taong may taglay na sama ng loob ay lubhang nakatuon ang pansin sa kanyang sarili. Sa ganitong kalagayan, ang pag-ibig ng Diyos ay nanlalamig. Ang natural na halimbawa nito ay ang dalawang dagat sa Banal na Lupa (Holy Land). Ang Dagat ng Galilea ay malayang tumatanggap at nagbibigay ng tubig. Ito ay nagtataglay ng masaganang buhay na nagbibigay sigla sa iba t ibang uri ng isda at mga halamang dagat. Ang tubig mula sa Dagat ng Galilea ay dumadaan sa Ilog ng Jordan at 15

32 Ang patibong ni Satanas tumutuloy sa Patay na Dagat (Dead Sea). Subalit ang Patay na Dagat ay tumatanggap lamang ng tubig; hindi ito nagbibigay. Walang nabubuhay na isda at halamang dagat sa loob nito. Ang buhay na tubig mula sa Dagat ng Galilea ay namamatay rin sa oras na humalo sa naimbak na tubig sa Patay na Dagat. Ang buhay ay hindi mananatili kapag lubhang iniingatan; dapat itong malayang ibigay. Samakatuwid, ang isang Kristiyanong may sama ng loob ay tumatanggap ng buhay, subalit dahil sa takot na muli siyang masaktan, hindi siya nakapagbabahagi nito. Kapag nagkagayon, maging ang buhay na kanyang tinatanggap ay mamamatay din sa loob ng pader o kulungan ng hinanakit. Inilarawan ng Bagong Tipan ang mga pader na ito na kuta (strongholds). Sapagkat ang mga sandatang ginagamit natin sa pakikipaglaban ay hindi sandatang makamundo, kundi ang kapangyarihan ng Diyos na nakakapagpabagsak ng mga kuta. Sinisira natin ang mga maling pangangatuwiran, ginagapi natin ang lahat ng pagmamataas laban sa kaalaman tungkol sa Diyos, at binibihag natin ang lahat ng kaisipan upang matutong sumunod kay Cristo. 2 Corinto 10:4-5 Ang mga kutang ito ay lumilikha ng mga pangangatuwiran na ginagamit na pangproseso o panuri ng lahat ng impormasyong pumapasok. Bagama t naitatag ang mga kaisipang ito upang ingatan ang isang tao, maaari ring maging sanhi ang mga ito ng paghihirap at pagkakamali sapagkat bumabangga sa kaalaman ng Diyos. Kapag sinasala natin ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng mga nagdaang hinanakit at pagkasawi, nagiging napakahirap maniwala sa Diyos. Hindi natin mapaniwalaan ang anumang sabihin ng Diyos ay mapagkakatiwalaan. Pinagdududahan natin ang Kanyang kabutihan at katapatan sapagkat hinahatulan natin Siya sa pamantayang itinakda ng tao. Subalit ang Diyos ay hindi tao! Ang Kanyang pamamaraan ay hindi tulad ng sa tao, at ang Kanyang kaisipan ay ibang-iba sa tao. (Isaias 55:8-9) Ang mga taong sugatan ang puso ay makahahanap ng mga talata sa Bibliya upang susugan ang kanilang nararamdaman, subalit hindi ganoon ang tamang pag-unawa sa Salita ng Diyos. Ang pagkaalam ng Salita ng Diyos na walang kaakibat na pag-ibig ay magiging isang puwersang nagwawasak, dahil nagdudulot ito ng pagmamataas at pagiging legalista 16

33 MATINDING SAMAAN NG LOOB (1 Corinto 8:1-3). Dahil dito, binibigyan natin ng katuwiran, sa halip na ipagsisi, ang pagtangging magpatawad. Ang ganitong sitwasyon ay humahantong sa punto na tayo ay nadadaya, sapagkat ang kaalaman (knowledge) na walang pag-ibig ng Diyos ay naghahatid sa atin sa panlilinlang. Binalaan tayo ni Hesus tungkol sa mga darating na huwad na mga propeta pagkatapos Niyang banggitin na maraming magkakasamaan ng loob: Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao. (Mateo 24:11) Sino ang marami na kanilang ililigaw? Ang sagot: ang mga taong ang pag-ibig ay nanlamig (Mateo 24:12) MGA HUWAD NA PROPETA Tinawag ni Hesus ang mga huwad na propeta na mga lobong nakasuot ng damit ng tupa. (Mateo 7:15) Sila ay mga taong makasarili na nag-aanyong Kristiyano (nakasuot ng damit ng tupa) subalit sa loob ay may pusong tulad ng sa isang lobo (wolf). Gustong-gusto ng mga lobo na makihalubilo sa mga tupa. Matatagpuan sila sa kalipunan ng mga mananampalataya o maging sa pulpito. Ipinadala sila ng ating kalaban upang manubok at manlinlang. Dapat silang makilala, hindi sa kanilang mga turo o propesiya, kundi sa kanilang mga gawa. Madalas, ang kanilang turo ay tila wasto at matino, subalit ang mga bunga ng kanilang buhay at ministeryo ay hindi. Ang isang Kristiyanong lider o mananampalataya ay makikilala, hindi sa kanilang itinuturo lamang kundi sa kanilang ipinamumuhay. Ang mga lobo ay laging hinahanap ang mga sugatan at batang tupa, hindi ang malulusog at malalakas na tupa. Sinasabi ng mga lobong ito ang mga bagay na nais marinig ng mga tao, hindi ang mga bagay na dapat nilang marinig. Hindi naghahangad ang mga taong ito ng wastong katuruan; nais nilang pakinggan ang isang taong kikiliti sa kanilang mga tainga. Narito ang sinabi ni Apostol Pablo tungkol sa magaganap sa mga huling araw: 17

34 Ang patibong ni Satanas Dapat mong malaman na ang mga huling araw ay magiging mapanganib. Sapagkat ang mga tao ay magiging... hindi mapagpatawad... magkukunwaring makadiyos ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao!...sapagkat darating ang panahong hindi na sila makikinig sa wastong katuruan; sa halip, susundin nila ang kanilang mga hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig. Hindi na sila makikinig sa katotohanan... 2 Timoteo 3:1-5; 4:3-4, may dagdag na diin Pansinin na, sa mga huling araw, ang mga tao ay magkukunwaring makadiyos o Kristiyano, subalit hindi makikita ang kapangyarihan nito sa kanilang mga buhay. Tatanggihan nila ang kapangyarihan ni Cristo na sila ay baguhin mula sa pagiging hindi mapagpatawad tungo sa pagiging mapagpatawad. Ipagmamalaki nilang sila ay tagasunod ni Hesus at ihahayag nila ang kanilang naranasang muling kapanganakan (new birth), subalit ang kanilang ipinagmamalaki ay di nagawang tumagos sa kanilang mga puso upang mahayag sa kanilang mga buhay ang karakter ni Cristo. HENERASYONG MAYAMAN SA IMPORMASIYON Natanaw ni Apostol Pablo na sa mga huling araw, ang mga taong ito na nadaya ay magkakaroon ng malawak na kaalaman subalit mananatili silang hindi nababago sapagkat hindi nila ipinamumuhay ang mga katuruang narinig. Inilarawan ni Pablo ang mga taong ito na maraming nalalaman ngunit hindi nakauunawa. (2 Timoteo 3:7) Kung nabubuhay si Pablo ngayon, malulungkot siyang makita na ang kanyang mga isinulat ay nagaganap na. Makikita niya ang napakaraming mga babae at lalaki na dumadalo sa mga seminar at mga pagtitipon sa simbahan upang patuloy na magdagdag ng kaalaman. Makikita niya silang naghahanap ng mga bagong rebelasyon upang mamuhay nang makasarili at matagumpay na buhay. Masasaksihan din niya ang mga pinuno ng simbahan na kinakasuhan ang isa t isa dahil sa matutuwid na kadahilanan. Mababasa niya ang mga Kristiyanong babasahin at maririnig niya ang mga radio broadcast na inaatake ang mga Kristiyano sa kanilang pangalan. Makikita niya ang mga charismatic na palipat-lipat ng simbahang dinadaluhan upang takasan ang mga taong nakasakit ng kanilang 18

35 MATINDING SAMAAN NG LOOB damdamin, lahat sila ay tinatawag si Hesus na Panginoon subalit hindi sila makapagpatawad. Dahil dito, malamang na mapahiyaw si Pablo nang ganito, Magsipagsisi na kayo at palayain ninyo ang inyong mga sarili sa pagkukunwari, kayong mga makasarili at mapagpaimbabaw. Walang ibig sabihin ang mga bagong katuruan at malalalim na kapahayagan o rebelasyon mula sa mga seminar na inyong dinaluhan at Bible school na inyong pinagtapusan at maging kung gaano kahabang oras ang inyong ginugugol sa pananalangin at pag-aaral ng Bibliya. Kung ikaw ay nasaktan at hindi nagpapatawad at nagmamatigas ka sa ganitong kasalanan, hindi mo pa rin naaabot ang pagkaalam ng katotohanan. Ikaw ay nadaya na, at ikaw ay nagiging kalituhan sa iba dahil sa iyong pagkukunwari. Anuman ang itinuturo mong bagong rebelasyon, iba ang ipinahahayag na mensahe ng iyong buhay. Ang katulad mo ay isang bukal na ang bumubulwak na tubig ay mapait, na ang hatid ay hindi katotohanan kundi panlilinlang. PAGTATAKSIL At dahil dito, marami ang magkakasamaan ng loob; mapopoot sila at magtataksil sa isa t isa. --Mateo 24:10, may dagdag na diin Ating suriin ang talatang ito. Kung pag-aaralan natin ang talata, makikita natin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ang sama ng loob ay humahantong sa pagtataksil. Ang pagtataksil ay nagwawakas sa pagkapoot. Tulad ng nabanggit sa unahan, ang mga taong may hinanakit ay nagtatayo ng pader upang maingatan nila ang kanilang sarili. Ang pinagtutuunan nila ng pansin ay kung paano maingatan ang kanilang sarili. Kailangang protektado at ligtas ako, kahit ano ang mangyari, ang wika nila. Ito ang naghahatid sa atin sa kataksilan. Kapag nagtataksil tayo, hinahanap natin ang para lamang sa ating sariling kaligtasan at kapakanan, kahit na mapahamak ang ibang tao at madalas ang mga taong ito ay may kaugnayan din sa atin. Kaya sa kaharian ng Diyos, ang kataksilan ay nagaganap kapag ang isang mananampalataya ay inuuna ang kanyang sariling kapakanan at kaligtasan sa halip na ang para sa kanyang kapatid. Mas malapit ang kaugnayan, mas matindi ang kataksilan. Ang pagtataksil ay paglimot at pag-abandona sa 19

36 Ang patibong ni Satanas anumang kasunduan. Kapag may kataksilan, walang relasyong muling mabubuo kung walang ganap na pagsisisi. Ang kataksilan ay humahantong sa pagkapoot na may hatid na malubhang resulta. Maliwanag na isinasaad sa Bibliya na sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay nagiging isang mamamatay-tao, at walang mamamatay-tao na magtataglay ng buhay na walang hanggan (1 Juan 3:15). Nakalulungkot na napakarami nating nakikitang halimbawa ng samaan ng loob, pagtataksil at pagkapoot sa mga mananampalataya sa kasalukuyan. Napakalaganap ng ganitong pangyayari sa mga tahanan at simbahan na itinuring na lamang itong normal na asal. Namanhid na tayo, kaya halos di na natin magawang mabigla at malungkot kapag nakakabalita tayo ng mga lider sa simbahan na inihahabla ang isa t isa sa korte. Lubhang iniingatan ng mga Kristiyano ang kanilang mga karapatan. Tinitiyak nilang hindi sila maaabuso o maiisahan ng ibang Kristiyano. Nakalimutan na ba natin ang mga sumusunod na paalala sa Bagong Tipan? Bakit hindi na lang ninyo hayaang gawan kayo ng masama? Bakit hindi na lamang ninyo hayaang madaya kayo? Corinto 6:7 Nakalimutan na ba natin ang mga salita ni Hesus? Ngunit sinasabi ko sa inyo, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, pagpalain ninyo ang mga nag-aalimura sa inyo, gawan ninyo ng mabuti ang mga namumuhi sa inyo at ipanalangin ninyo ang mga umalispusta at umuusig sa inyo.. Mateo 5:44 Nakalimutan na ba ninyo ang utos ng Diyos? Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Filipos 2:3 20

37 MATINDING SAMAAN NG LOOB Bakit hindi tayo mamuhay ayon sa nabanggit na mga batas ng pag-ibig? Bakit napakabilis nating magtaksil kaysa mag-alay ng ating buhay para sa isa t isa, kahit na ito ay humantong pa nga sa panlilinlang? Ang dahilan: Ang pag-ibig natin ay nanlamig, at ang dulot nito ay paghahangad na ingatan ang ating mga sarili. Hindi natin mailalagak sa Diyos ang pangangalaga sa ating mga sarili kung tayo na mismo ang gumagawa nito. Nang si Hesus ay gawan ng masama, hindi Siya gumanti ng kasamaan din. Sa halip, ipinagkatiwala Niya ang Kanyang kaluluwa sa Diyos na humahatol nang matuwid. Inaatasan tayong sumunod sa Kanyang mga yapak sa mga sumusunod na talata: Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, binigyan Niya kayo ng isang halimbawang dapat tularan. Hindi Siya gumawa ng anumang kasalanan, o nagsinungaling kailanman. Nang Siya y insultuhin, hindi Siya gumanti. Nang Siya y pahirapan, hindi Siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya Niya ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol. 1 Pedro 2:21-23 ANG NAGBIBIGAY KAKAYAHAN Kailangan nating magtiwala sa Diyos at hindi sa ating mga sarili. Marami ang kumikilala sa Diyos bilang pinagkukunan ng lahat ng kanilang mga pangangailangan, subalit namumuhay sila na tila mga ulila. Inilalagay nila ang kanilang buhay sa kanilang mga kamay, bagama t sinasambit ng kanilang mga labi: Siya ang aking Panginoon at Diyos. Sa puntong ito, nakikita mo na kung gaano kaseryoso ang usapin tungkol sa pagtatanim ng sama ng loob. Kung hindi ito matutugunan nang tama, maaari itong humantong sa kamatayan. Ngunit kung iyong paglalabanan ang tuksong magtanim ng hinanakit at sama ng loob, pagkakalooban ka ng Panginooon ng matinding tagumpay. 21

38 Ang patibong ni Satanas KUNG ANG DIYABLO AY KAYA TAYONG WASAKIN KUNG KAILAN NIYA GUSTO, DAPAT MATAGAL NA NIYA TAYONG PINATAY. Bago ko basahin ang aklat na ito ay nasa bingit na ako ng di pakikipag-usap sa Diyos. Ako ay nailigtas, ngunit may isang bagay sa pagitan namin ng Diyos na hindi wasto. Alam kong ang problema ay hindi sa panig ng Diyos, ngunit hindi ko matukoy ang sanhi nito. Ako ay nasa bahay ng isang kaibigan isang araw, at siya ay mayroong aklat na Ang Patibong ni Satanas ni John Bevere. Dinala ko ito sa bahay at sinimulan kong basahin; hindi ko ito mabitaw-bitawan. Mayroon itong matinding kapuspusan na tumitimo sa aking espiritu. Sa kalagitnaan ng pagbabasa ng aklat, napagtanto ko na ang nasa pagitan ng relasyon namin ng Panginoon ay ang espiritu ng pagkatisod. -C. C., GEORGIA 22

39 3 PAANO NANGYARI SA AKIN ITO? Ngunit sinabi ni Jose sa kanila Masama nga ang inyong hangad laban sa akin; ngunit ipinahintulot iyon ng Diyos para sa kabutihan. Genesis 50:19 20 S a unang kabanata ay pinagsama natin ang lahat ng mga taong nasaktan sa dalawang kategorya: (1) Silang mga tunay na naabuso at (2) Silang mga nag-isip na sila ay naabuso, ngunit sa katotohanan ay hindi naman. Sa kabanatang ito ay gusto kong pagtuunan ang unang kategorya. Simulan natin ito sa pagtatanong: Kung ikaw ay tunay na naabuso, may karapatan ka bang magdamdam? Bilang sagot, tingnan natin ang buhay ng paboritong anak ni Jacob na si Jose. (Genesis 37-50) 23

40 Ang patibong ni Satanas ANG PANAGINIP AY NAGING ISANG BANGUNGOT Si Jose ay pang labing-isang anak ni Jacob. Galit sa kanya ang mga nakatatandang kapatid niya dahil paborito siya ng kanilang ama na nagbigay sa kanya ng damit na may maraming kulay. Binigyan ng Diyos si Jose ng dalawang panaginip. Sa unang panaginip ay nakita niya ang mga bigkis ng trigo sa bukid. Ang kanyang tungkos ay tumayo at umangat habang ang tungkos sa tapat ng kanyang mga kapatid ay yumukod naman dito. Sa ikalawang panaginip, nakita niya ang araw, buwan at labing-isang bituin (inilalarawan nito ang kanyang ama, ina at mga kapatid) na yumukod sa kanya. Nang sabihin niya ang panaginip sa kanyang mga kapatid, natural na hindi sila nakibahagi sa kanyang kagalakan. Lalo lamang siyang kinamuhian ng mga ito. Minsan, dinala ng kanyang mga kapatid sa bukid ang mga kawan ng kanilang ama upang manginain. Inutusan ni Jacob si Jose na tingnan ang kanilang ginagawa. Nang nakita ng nakatatandang kapatid na dumarating si Jose, nagsabwatan sila laban sa kanya. Sinabi nila, Dumarating na ang nananaginip (dreamer). Patayin natin siya! Saka natin tingnan kung ano ng mangyayari sa kanyang panaginip! Sinasabi niya na mamumuno siya sa atin. Subukan niyang mamuno sa atin pag siya ay patay na! Kaya itinapon nila si Jose sa hukay upang doon ay mamatay. Kinuha nila ang kanyang damit, pinunit ito at pinahiran ng dugo ng hayop upang mapaniwala ang kanilang ama na si Jose ay sinila ng mababangis na hayop. Ngunit matapos na siya ay itapon sa hukay, may nakita silang grupo ng mga Ismaelita na patungong Ehipto. Sinabi ni Judah, Teka lang, kung hahayaan natin na mabulok si Jose sa hukay, wala tayong mapapala. Ibenta natin siya bilang alipin nang kumita naman tayo. Para na rin siyang namatay at hindi na niya tayo magagambala pa, at maghahati pa tayo sa kita! Kaya siya ay ibinenta sa halagang dalawampung pirasong pilak. Nasaktan ni Jose ang kanilang damdamin kaya ipinagkanulo nila siya, sa pamamagitan ng pag-alis ng kanyang mana at pamilya. Pagnilayan na mga magkakapatid ang gumawa nito iisa ang kanilang ama at ina, iisa ang kanilang dugo at laman. Bilang isang Amerikano, mahirap para sa akin na maunawaan kung gaano kalubha ang ginawa ng mga lalaking ito. Pagpatay lamang sa kanya ang pinakamalubha. Noong panahong iyon, napakahalaga na magkaroon ng mga anak na lalaki. Para sa ama, ang anak na lalaki ang magdadala ng pangalan at magmamana ng lahat ng mayroon siya. Pinigilan si Jose ng 24

41 PAANO ITO NANGYARI SA AKIN? kanyang mga kapatid na matanggap ang pangalan ng kanilang ama at mana mula dito. Binura nila ang kanyang pangalan at tinanggalan ng kanyang karapatan bilang anak. Nawala ang lahat ng mahalaga para kay Jose. Kapag ang isang tao ay ibinenta bilang alipin sa ibang bansa, siya ay mananatiling alipin hanggang kamatayan. Ang babaeng mapapangasawa nito ay magiging alipin, at lahat ng kanilang anak ay magiging alipin din! Lubhang mahirap na maipanganak na isang alipin, ngunit mas mahirap na ipanganak na isang tagapagmana ng kayamanan at ng magandang kinabukasan at maglaho ang lahat ng ito na parang bula. Mas madali pa kay Jose kung hindi niya alam kung ano ang maaaring mayroon siya. Para siyang naging buhay na patay. Sigurado ako na naisip niya na mas mabuti pang piñatay na lang siya ng kanyang mga kapatid. Ang punto dito ay napakasama at napakalupit ng ginawa ng mga kapatid ni Jose sa kanya. GANAP NA PAG-UNAWA Habang binabasa mo ang aking bersyon ng kuwento ni Jose, malamang alam mo na ang kinahinatnan. Ito ay kuwentong nagbibigay inspirasyon kapag alam mo na ang katapusan. Ngunit hindi ganoon kung paano ito naranasan ni Jose. Sa tingin niya ay tila hindi na niya muli pang makikita ang kanyang ama, at maging ang panaginip na ibinigay sa kanya ng Diyos ay parang hindi na matutupad. Siya ay alipin na sa ibang bansa. Hindi na siya makaaalis ng Ehipto. Siya ay pag-aari na ng kanyang amo habambuhay. Si Jose ay ibinenta sa lalaking nagngangalang Potiphar, isang opisyal ng Faraon at kapitan ng mga guwardiya. Naglingkod siya dito sa loob ng sampung taon. Wala siyang natanggap na balita mula sa kanyang pamilya, at alam niyang naniwala ang kanyang ama na siya ay patay na. Nagpatuloy na ang kanilang buhay na wala siya. Naglaho na ang kanyang pag-asang maililigtas pa siya ng kanyang ama. Sa paglipas ng panahon, si Jose ay kinalugdan ng kanyang amo at pinakitunguhan nang mabuti. Ginawa siyang tagapamahala ni Potiphar ng kanyang buong sambahayan at ng lahat ng kanyang ari-arian. Ngunit sa panahong bumubuti na ang kalagayan ni Jose, may isang maling bagay na namuo sa puso ng asawa ng kanyang amo. Minamasdan niya si Jose na may pagnanasa at araw-araw ay sinusubukan siyang akitin, 25

42 Ang patibong ni Satanas ngunit tumanggi ang binata. Isang araw na napag-isa sila ni Jose sa bahay, pinilit niya ito na sipingan siya. Tumakbong palabas si Jose, ngunit nahablot ng babae ang kanyang damit. Dahil napahiya sa pagtanggi ni Jose, siya ay sumigaw ng Saklolo, hinahalay ako! Dahil dito, ipinatapon ni Potiphar si Jose sa kulungan ng Faraon. Ang kulungan ng Faraon ay hindi tulad ng mga kulungan sa Amerika. Ako ay nakapagministeryo na sa ilang mga kulungan. Hindi man kaayaaya ang mga ito, ngunit maituturing na tila bakasyunan kung ihahambing sa kulungan ng Faraon. Walang sinag ng araw na pumapasok o lugar na puwedeng mag ehersisyo man lamang. Isa lamang itong lugar na nakabaon o hukay na walang liwanag at init. Mailalarawan ang kundisyon dito na hindi makatao. Ang mga preso ay inilalagak dito upang mabulok habang sila ay nabubuhay sa tinapay at tubig ng paghihirap. (1 Hari 22:27) Binibigyan lamang sila ng sapat na pagkain upang mabuhay at patuloy na maghirap pa. Ayon sa Awit 105:18, ang paa ni Jose ay nagdanas ng sakit sa pangaw. Siya ay iginapos sa kolyar na bakal. Ipiniit siya sa kulungan upang tuluyang mamatay. Kung siya ay isang taga Ehipto, mayroon siyang pagkakataon na lumaya, ngunit bilang isang dayuhang alipin na inakusahan ng panghahalay, napakaliit ng kanyang tsansa o halos wala na upang makalaya pa siya. Paano pa maaaring lumubha ang kanyang kalagayan? Ibinagsak na si Jose sa pinakamababang kalagayan bago pa dumating ang kamatayan. Naririnig mo ba ang kanyang iniisip sa madilim na kulungang iyon? Naglingkod ako sa loob ng sampung taon nang buong katapatan at integridad. Mas naging tapat pa ako kaysa sa kanyang asawa. Nanatili akong tapat sa aking Diyos at sa aking amo; tinanggihan ko ang imoralidad, subalit ano ang aking naging gantimpala? Isang kulungan! Parang habang ginagawa ko ang tama, mas lalong lumulubha ang aking kalagayan! Paano ito pinahihintulutan ng Diyos? Nanakawin din ba ng aking mga kapatid ang pangako ng Diyos sa akin? Bakit hindi namamagitan para sa akin ang makapangyarihan at nakikipagtipang Diyos? Ganito ba kung magingat sa kanyang lingkod ang isang mapagmahal at tapat na Diyos? Bakit ako? Ano ba ang nagawa ko upang sapitin ko ito? Naniwala lamang ako sa aking narinig mula sa Diyos. Natitiyak kong nakipagbuno siya sa mga ganitong kaisipan. 26

43 PAANO ITO NANGYARI SA AKIN? Limitado man ang kalayaan sa kanyang buhay, ngunit mayroon pa rin siyang kalayaang pumili ng kanyang magiging tugon sa lahat ng nangyari sa kanya. Matitisod ba siya at, mapopoot sa kanyang mga kapatid at magdaramdam sa Diyos? Isusuko na ba niya ang pag-asang tutuparin ng Diyos ang Kanyang mga pangako at pagkakaitan ang kanyang sarili ng hangaring patuloy na mabuhay? Ang Diyos ba ang may Kontrol? Palagay ko ni hindi sumagi sa isip ni Jose hanggang natapos na ang lahat, na ito ang proseso ng Diyos upang ihanda siyang maghari. Paano kaya niya gagamitin ang kanyang kapangyarihan sa mga kapatid na nagbenta sa kanya? Si Jose ay natutong sumunod sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang dinaanang mga paghihirap. Ang kanyang mga kapatid ay mahusay na mga instrumentong ginamit ng Diyos. Patuloy kayang kakapit si Jose sa mga pangako ng Diyos at tutuklasin ang Kanyang layunin? Marahil noong matanggap ni Jose ang kanyang mga panaginip nakita niya ang mga ito na biyaya sa kanyang buhay. Hindi pa niya natututunan na ibinibigay ang awtoridad upang makapaglingkod, hindi upang maihiwalay lamang. Malimit na sa ganitong panahon ng pagsasanay, tayo ay nakatuon sa imposibleng kalagayan natin sa halip na sa kadakilaan ng Diyos. Dahil dito, tayo ay nasisiraan ng loob at naghahanap ng taong sisisihin, isang taong sa palagay natin ay responsable sa ating kasawian. Kapag naiisip natin ang katotohanang kayang pigilan ng Diyos ang buong gusot na pinagdadaanan natin, subalit hindi Niya ginagawa, lagi natin Siyang sinisisi. Paulit-ulit na tumakbo ito sa isip ni Jose: Namuhay ako ayon sa nalalaman ko sa Diyos. Hindi ako lumabag sa kanyang mga utos o kalooban. Sinabi ko lamang ang panaginip na Siya mismo ang nagbigay sa akin. At ano ang aking napala? Pinagtaksilan ako ng aking mga kapatid, at ako ay ipinagbili nila bilang alipin! Iniisip marahil ng aking ama na, ako ay patay na kaya hindi ito pupunta ng Ehipto upang ako ay hanapin. Ang may pakana ng lahat ay ang kanyang mga kapatid. Sila ang masamang puwersa na nagpatapon sa kanya sa kulungang iyon. Malamang na inisip niya kung paano maiiba ang sitwasyon kung siya ay nasa kapangyarihan, kapag inilagay na siya ng Diyos sa posisyon ng kapamahalaan na nakita 27

44 Ang patibong ni Satanas niya sa kanyang panaginip. Ano kaya ang magiging kaibahan kung hindi sinira ng kanyang mga kapatid ang kanyang hinaharap? Gaano kadalas nating naririnig ang ating mga kapatid na mahulog sa ganitong bitag na naghahanap ng masisisi? Halimbawa: Kung hindi dahil sa aking asawa, ako ay nasa ministeryo pa sana. Siya ang pumigil sa akin at sumira ng aking mga pangarap. Kung hindi dahil sa aking mga magulang, normal sana ang buhay ko. Sila ang dapat sisihin kung nasaan ako ngayon. Bakit ang iba ay may normal na mga magulang at ako y wala? Kung hindi naghiwalay ang aking nanay at tatay, mas mabuti sana ang aking buhay-pamilya ngayon! Kung hindi dahil sa aking pastor na pumipigil sa talentong nasa akin, mas malaya at walang hahadlang sana sa akin. Pinigilan niya akong gawin ang nakatadhana sa aking ministeryo. Hinikayat niya ang mga tao sa simbahan laban sa akin. Kung hindi dahil sa aking dating asawa, wala sana akong problemang pinansyal ngayon. Kung hindi dahil sa babaeng iyon sa simbahan, nasa akin pa sana ang pabor ng mga pinuno. Dahil sa ikinalat niyang tsismis, sinira niya ako at ang respeto ng mga tao sa akin! Walang katapusan ang listahan. Napakadaling sisihin ang iba sa mga problemang mayroon ka, at isipin kung gaano mas mabuti ka pa sana kung hindi dahil sa mga taong nakapaligid sa iyo. Buong-buo sa iyong isip na ang iyong kabiguan at dinadaanang hirap ay kasalanan nila. Gusto kong bigyang diin ang mga sumusunod na puntos: Walang lalaki, babae, bata, o diyablo na makapag-aalis sa iyo sa kalooban ng Diyos! Walang sinuman kundi Diyos lamang ang may hawak ng iyong kapalaran. Sinubukan ng mga kapatid ni Jose na sirain ang pangitaing bigay ng Diyos sa kanya. Akala nila natapos na ang lahat para kay Jose. Sinabi mismo ng kanilang bibig, Halina, patayin natin siya at itapon sa hukay Tingnan natin kung ano ng mangyayari sa kanyang panaginip! (Gen. 37:20, may dagdag diin) Ang kanilang pakay ay wasakin siya. Hindi ito isang aksidente. Ito ay sinadya! Ayaw nilang magkaroon siya ng kahit anumang pagkakataon na magtagumpay at matupad ang plano ng Diyos para sa kanyang buhay. 28

45 PAANO ITO NANGYARI SA AKIN? Naisip mo ba na nang ibenta siya ng kanyang mga kapatid bilang isang alipin, tumingin ang Diyos na nasa langit sa Anak at sa Banal na Espiritu at sinabi, Ano na ang gagawin Natin ngayon? Sinira ng mga kapatid ni Jose ang Ating plano para sa kanya. Dapat mabilis Tayong mag-isip. Mayroon ba Tayong iba pang plano? Maraming Kristiyano ang tumutugon sa isang mabigat na sitwasyon na parang ganito ang nangyayari sa langit. Nakikita ba ninyo ang Ama na sinasabi kay Hesus, Hesus, tinanggal sa trabaho si Jim dahil isang kapwa mananampalataya ang nagsinungaling tungkol sa kanya. Ano ng gagawin Natin? Mayroon ka bang mga bukas na posisyon sa ibaba para sa kanya? O Hesus, si Sally ay tatlumpu t apat na taong gulang na at wala pa ring asawa. Mayroon ka bang lalaki na tugma para sa kanya? Ang lalaking gusto Kong mapangasawa sana niya ay nagpakasal sa kanyang matalik na kaibigan na nagkalat ng masamang balita tungkol kay Sally kaya lumayo ang puso ng lalaki. Medyo katawa-tawa, ngunit ang paraan kung paano tayo tumugon sa mga sitwasyon ay nagpapakita kung paano rin natin tinitingnan ang Diyos. Tingnan natin kung paano tumutugon sa pang-aabuso ang mga tulad ni Jose sa ating mga simbahan ngayon. Kung siya ay tulad ng marami sa atin, alam mo kung ano ng gagawin niya? Magpaplano siya ng paghihiganti. Aaliwin niya ang kanyang sarili sa kaisipang gaya ng: Mahawakan ko lamang sila, papatayin ko sila: papatayin ko sila dahil sa ginawa nila sa akin. Magbabayad sila. Ngunit kung ganito ang naging kaisipan ni Jose, sa palagay mo papanigan at pagpapalain kaya siya ng Diyos? Malamang iiwan siya ng Diyos upang mabulok sa kulungan! Ito ay dahil kapag nakalabas siya ng kulungan na may ganitong masamang motibo, mapapatay niya ang kanyang mga kapatid na siya ring naging pinuno ng sampu sa labingdalawang tribo ng Israel. Kasama na dito si Judah na kung saang lahi magmumula si Cristo. Tama, ang mga nagmalupit kay Jose ay siya ring magiging mga ama o ninuno ng Israel! At nangako ang Diyos na sa pamamagitan nila ay mabubuo ang isang bansa. Sa pamamagitan nila ay darating ang Panginoong Hesus! Dahil nanatiling malaya si Jose mula sa hinanakit, ang plano ng Diyos ay naitatag sa kanyang buhay at sa buhay ng kanyang mga kapatid. 29

46 Ang patibong ni Satanas PUWEDE PA KAYA ITONG LUMUBHA? Ang kulungan ay panahon ng pagsubok para kay Jose. Ito rin ay panahon ng oportunidad. May dalawang presong kasama si Jose na parehong may nakababagabag na panaginip. Parehong binigyan ng wastong paliwanag ito ni Jose. Ang isa sa mga lalaki ay naibalik sa puwesto, habang ang isa naman ay binitay. Hiningi ni Jose sa lalaking napalaya at napabalik sa paglilingkod sa Faraon na alalahanin siya nito kapag muli niyang nakuha ang pabor ng Faraon. Bumalik ang lalaki sa paglilingkod sa palasyo, ngunit dalawang taon ang lumipas na walang anumang balita mula sa kanya. Isa na naman itong kabiguan para kay Jose, isang pagkakataong dapat sana siyang maghinanakit. Ang Diyos ay laging may plano Dumating ang panahon na nagkaroon ang Faraon ng isang nakababahalang panaginip. Walang isa man sa kanyang mga salamangkero o mga pantas na makapagbigay ng paliwanag. Sa puntong ito, biglang naalala si Jose ng nakalayang lingkod ng Faraon. Naalala niya kung paano naipaliwanag ni Jose ang kanilang mga panaginip sa loob ng bilangguan. Dagliang pinalabas si Jose sa kulungan at iniharap sa Faraon. Mula sa Panginoon, nabigyan niya ng kahulugan ang panaginip ng Faraon, na may paparating na taggutom. Napayuhan niya ang Faraon kung ano ng mga hakbang ang dapat gawin upang mapaghandaan ang krisis sa pagkain. Agad din niyang hinirang si Jose na pangalawa sa kanya sa kapangyarihan sa buong Ehipto. Sa biyaya ng Panginoon, nagabayan ang Faraon. Nang lumaon ay kumalat ang tag-gutom sa lahat ng bansa. Nagtungo ang mga kapatid ni Jose sa Ehipto upang humingi ng tulong. Kung may kinimkim na galit si Jose sa kanyang puso laban sa mga kapatid, iyon marahil ang angkop na panahon upang gumanti. Maaari niyang ipatapon ang mga ito sa kulungan, pahirapan, o ipapatay sila nang hindi siya mapagbibintangan, dahil siya na ang tumatayong pangalawa sa namumuno sa Ehipto. Walang pakialam ang Faraon sa kanyang mga kapatid. Sa huli, binigyan din ni Jose sila ng pagkaing hindi na niya pinabayaran sa kanila. Binigyan pa niya sila ng pinakamainam na lupain sa Ehipto para sa kani-kanilang pamilya at kinain nila ang yaman ng lupain. Sa kabuuan, ang lahat ng pinakamagaling sa lupain ng Ehipto ay ibinigay sa kanila. Sa 30

47 31 PAANO ITO NANGYARI SA AKIN? katapusan, pinagpala ni Jose silang mga nang-api sa kanya, at ginawan niya ng mabuti ang mga nasuklam sa kanya. (Mateo 5:44) Batid ng Diyos kung ano ang gagawin ng mga kapatid ni Jose bago pa man nila gawin ito. Sa katunayan, alam ng Panginoon na gagawin nila ito bago pa man niya ibinigay ang panaginip kay Jose o bago pa man isinilang ang mga kapatid niya. Lumayo pa tayo at tingnan ang sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid nang sila ay magkasama-samang muli. Ngunit ngayon, huwag kayong malungkot o magalit sa inyong sarili dahil ipinagbili ninyo ako dito; sapagkat pinauna ako ng Diyos sa inyo dito upang makapagligtas ng buhay. Dalawang taon nang may tag-gutom sa lupain, at mayroon pang limang taon kung saan walang pagtatanim o pag-aani. At pinauna ako ng Diyos dito upang maingatan ang salinlahi ninyo sa mundo at mailigtas ang inyong buhay. Kaya hindi kayo ang nagpadala sa akin dito kundi ang Diyos. (Gen. 45:5-8, may dagdag na diin) Tingnan ang sinabi ng mang-aawit: Sa lupain nila y mayroong taggutom na ipinarating Itong Panginoon, kung kaya nagdahop sila sa pagkain. Siya ay nagpauna ng isang lalaki si Jose na ibinenta bilang alipin. (Awit 105:16-17, may dagdag na diin) Sino ang nagpadala kay Jose? Ang kanyang mga kapatid o ang Diyos? Mula sa labi ng dalawang saksi ay makikita natin na ang Diyos ang nagpadala sa kanya. Sinabi mismo ni Jose sa kanyang mga kapatid. Hindi kayo ang nagpadala sa akin. Pakinggan kung ano ang sinasabi ng Espiritu! Gaya nga ng nabanggit,walang tao o diyablo na makakapagbago sa plano ng Diyos sa buhay mo. Kung panghahawakan mo ang katotohanang ito, mapapalaya ka nito. Subalit may isang taong makakapaglabas sa iyo mula sa kalooban ng Diyos - ikaw iyon! Pag-aralan ang bayan ng Israel. Ang Diyos ay nagpadala ng tagapagligtas, si Moises, para pangunahan sila palabas mula sa pagkaalipin sa Ehipto patungo sa Lupang Pangako. Makalipas ang isang taon sa disyerto, nagpadala ng mga pinuno upang tiktikan ito. Bumalik silang nagrereklamo. Natakot sila sa mga bayan na nasa lupain na mas malaki at mas malakas ang hukbo.

48 Ang patibong ni Satanas Lahat ng mga tao, maliban kina Joshua at Caleb, ay sumang-ayon sa ulat ng mga pinuno. Pakiramdam ng mga tao, inilabas sila sa Ehipto ng Diyos upang patayin sa disyerto. Natisod sila kay Moises at sa Diyos. Ang ganitong pangyayari ay nagpatuloy sa loob ng mahigit isang taon. Ang kanilang pagkatisod ang naging sanhi upang ang Lupang Pangako ay hindi nila makita at mapasok. Maraming tao ang taimtim na naglilingkod sa Diyos at nakararanas ng kahirapan sa buhay dahil sa hindi mabuting pagtrato sa kanila ng kung hindi malulupit na tao ay mga Kristiyanong lumalakad sa laman. Totoo namang hindi sila natrato sa isang makatarungang paraan. Ngunit ang pagkatisod nila ay paraan ng kaaway upang mawala sila sa kalooban ng Diyos. Kapag ikaw ay tumatangging magpabihag sa pagkatisod, mananatili ka sa kalooban ng Diyos, Kapag nasaktan at natisod ka, mabibihag ka ng kaaway upang matupad ang kanyang layunin at kalooban para sa iyo. Pumili ka. Mas may pakinabang ang maging malaya mula sa pagkatisod. Dapat nating tandaan na walang anumang darating laban sa atin na hindi alam ng Diyos bago pa man ito mangyari. Kung kaya tayong wasakin ng diyablo kapag gusto nito, matagal na sana niyang ginawa ito dahil nagaalab ang galit niya sa tao. Laging tandaan ang talatang ito: Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi dinanas ng lahat ng tao; ngunit tapat ang Diyos, at hindi Niya ipahihintulot na kayo y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan ng daan para mapagtagumpayan ito 1 Corinto 10:13, may dagdag na diin Pansinin na sinabi sa talata sa itaas na bibigyan tayo ng tiyak na daan upang magtagumpay, hindi kahit anong daan lamang upang magtagumpay. Nauna nang nakita ng Diyos ang bawat mahirap na sitwasyon na kakaharapin natin gaano man ito kalaki o kaliit at mayroon na Siyang daan na nakalaan upang mapagtagumpayan natin ito. Ang mas lalong nakapananabik dito ay, malimit ang mga bagay na mukhang pagkalaglag natin sa plano ng Diyos, sa katapusan ay nagiging daan tungo sa kaganapan nito - kung tayo ay mananatili sa pagsunod at iiwas sa pagtatanim ng hinanakit.. 32

49 PAANO ITO NANGYARI SA AKIN? Kaya tandaan: Manatiling nagpapasakop sa Diyos sa pamamagitan ng hindi pagkikimkim ng hinanakit. Labanan ang diyablo at lalayo siya mula sa inyo. (Santiago 4:7) Nilalabanan natin ang diyablo sa pamamagitan ng hindi pagkikimkim ng hinanakit. Maaaring iba ang mangyari sa pangitain na iyong iniisip, ngunit ang Salita ng Diyos at ang Kanyang pangako ay hindi mabibigo. Nanganganib lamang na hindi ito matupad dahil sa ating pagsuway. ISA PANG URI NG PAGKAKANULO Hindi gaanong marami ang mga taong nakaranas ng pagtratong naranasan ni Jose sa kanyang mga kapatid. Hindi sana matindi ang sakit kung ang kanyang mga kaaway ang gumawa nito sa kanya, mga kapatid niya ang mga ito, sariling laman at dugo. Sila dapat ang nagpalakas ng kanyang loob, nagbigay suporta, nagtanggol at kumalinga sa kanya. Mayroon pa kayang hihigit pa sa pagmamaltratong pinagdaanan ni Jose? 33

50 Ang patibong ni Satanas ISANG BAGAY ANG MAKARANAS NA AYAWAN AT GAWAN NG KAHALAYAN NG SARILING KAPATID NA LALAKI O BABAE, NGUNIT IBA KAPAG NARANASAN ITO MULA SA SARILING AMA. Ako ay isang guro sa high school. Nabasa ko ang aklat na Ang Patibong ni Satanas na nagbigay ng ilang bagong kapahayagan sa aking buhay. Ibinahagi ko ang mga video sa aking mga estudyante. Napakalakas ng pagkilos ng Banal na Espiritu sa aming silid-aralan kaya naganyak silang lahat na magpahayag, umamin at magsisi sa kanilang mga kasalanan. Ayon sa ilang mga bata, iyon na ang pinakamagandang araw nila sa buong taon. Nakipagkasundo sa kanyang ama ang isang bata makaraan ang malubhang hindi pagkakaunawaan; ang isa pang estudyante ay nagsimulang makaranas ng proseso ng paghihilom ng malalim na sugat sa kanyang puso mula sa alitan nila ng kanyang lola. Tunay na kumilos ang Diyos sa mga batang ito sa isang makapangyarihang paraan. Salamat sa inyong mensahe. R.F., INDIANA 34

51 4 AMA KO! AMA KO! Ama ko...alamin at masdan na walang masama o paghihimagsik sa aking kamay, at hindi ako nagkasala laban sa inyo. Subalit tinutugis ninyo ang aking buhay upang kunin ito. 1 Samuel 24:11 Sa huling kabanata, nakita natin kung ano ang ginawa ng mga kapatid ni Jose upang wasakin siya. Nakita natin ang sakit na naranasan niya mula sa kanilang kataksilan. Marahil ikaw ay nasa parehong sitwasyon. Ikaw ay pinagtaksilan ng mga taong pinakamalapit sa iyo, mga taong inasahan mong magmamahal, magtatanggol at magpapalakas ng iyong loob. Sa kabanatang ito, nais kong harapin ang sitwasyon na higit na masakit sa pagtataksil ng isang kapatid. Isang bagay ang makaranas ng pagtanggi at masamang hangarin mula sa kapatid, ngunit malaki ang pagkakaiba na 35

52 Ang patibong ni Satanas maranasang itakwil at pagbalakan ng masama ng sarili mong ama. Kapag sinabi kong ama, hindi lamang ito tumutukoy sa isang ama sa dugo kundi kahit sinumang pinuno na inilagay ng Diyos upang pangunahan tayo. Ito ang mga taong iniisip natin na magmamahal, magtuturo, kakalinga, at mag-aalaga sa atin. RELASYONG MAY PAGMAMAHAL - PAGKASUKLAM Upang pag-aralan ang halimbawa ng isang ama na nagtakwil, tingnan natin ang relasyon sa pagitan nina Haring Saul at David (1 Samuel 16-31). Nagtagpo na ang kanilang buhay bago pa man sila nagkakilala sapagkat pinahiran ng langis at itinalaga ni Samuel, isang propeta ng Diyos, si David bilang susunod na hari ng Israel. Malamang na napuno ng pananabik si David at inisip niyang, Ito rin ang taong nagtalaga kay Saul. Magiging hari rin ako balang araw! Sa palasyo, si Saul ay ginugulo ng isang masamang espiritu dahil sinuway niya ang Diyos. Nakakadama lamang siya ng ginhawa kapag tinutugtugan siya ng isang tao ng lira. Naghanap ang mga lingkod ni Saul ng batang lalaki na mauupo sa kanyang harap at magmi-ministeryo sa kanya. Isa sa mga lingkod ng hari ang iminungkahi si David, ang anak ni Jesse, kaya ipinatawag ni Haring Saul si David sa palasyo upang maglingkod sa kanya. Malamang naisip ni David, Binibigyang katuparan na ng Diyos ang Kanyang pangako sa pamamagitan ng propeta. Tiyak na makukuha ko ang pabor ng hari. Ito marahil ang unang posisyong gagampanan ko. Lumipas ang ilang panahon, si David ay inutusan ng kanyang ama na magdala ng pagkain sa kanyang mga kuya na nakikidigma sa mga Filisteo. Pagdating niya sa lugar ng digmaan, nakita ni David ang kampeon ng mga Filisteo, si Goliath, na kinukutya ang hukbo ng Diyos, at nalaman niya na apatnapung araw na itong nangyayari. Napag-alaman din niya na nag-alok ang hari na ipakakasal ang kanyang anak sa sinumang lalaking makatatalo sa higanteng ito. Nagtungo si David sa hari at humingi ng pahintulot na lalabanan niya si Goliath. Napatay niya si Goliath at napangasawa ang anak ni Saul. Dahil dito, nakuha niya ang loob ni Saul. Siya ay dinala sa palasyo upang manirahan kasama ng hari. Nakipagtipan kay David ng isang walang 36

53 37 AMA KO! AMA KO! hanggang pakikipagkaibigan ang anak na panganay ni Saul na si Jonathan. Ang kamay ng Diyos ay na kay David kaya nagtagumpay ito sa lahat ng ipinagawa ni Saul. Niyaya pa siya ng hari na kumain sa hapag kasama ang kanyang mga anak. Tuwang-tuwa si David. Nakatira na siya sa palasyo; kumakain siya sa hapag ng hari; naikasal siya sa anak nito; naging matalik siyang kaibigan ni Jonathan at nagtatagumpay siya sa lahat ng kanyang laban. Nagsisimula na rin niyang makuha ang simpatiya ng mga tao. Nakikita na ng kaniyang mga mata ang kaganapan ng propesiya sa kanya. Mas naging malapit ang loob ni Haring Saul kay David kaysa sa iba niyang mga lingkod. Siya ay naging parang isang ama kay David. Natitiyak ni David na siya ay tuturuan at sasanayin ni Saul, at balang araw, buong karangalan na iluluklok siya sa trono. Nagdiriwang na si David sa katapatan at kabutihan ng Diyos. Ngunit isang araw, nagbago ang lahat. Nang magkatabing bumalik si Saul at David mula sa isang labanan, lumabas mula sa mga bayan-bayan ang mga kababaihan na sumasayaw at umaawit: Napatay ni Saul ang kanyang isang libo, at si David, ang kanyang sampung libo. Dahil dito, nagalit si Saul at mula sa araw na iyon, napoot na siya kay David. Makalawang ulit na tinangka ni Saul na patayin si David habang tumutugtog ito ng lira para sa kanya. Ayon sa Banal na Kasulatan, napoot si Saul kay David dahil alam niyang ang Diyos ay kasama ni David, samantalang hindi niya masabi ito para sa kanyang sarili. Napilitan si David na tumakas upang iligtas ang kanyang sarili. Dahil wala nang mapuntahan, tumakbo siya sa ilang. Ano ng nangyayari? pagtataka ni David. Nagaganap na ang pangako, subalit ngayon, bigla itong nawasak. Pinagtatangkaan akong patayin ng lalaking inakala kong magtuturo sa akin. Ano ng gagawin ko? Si Saul ay kinasihang lingkod ng Diyos. At ngayong namumuhi siya sa akin, ano ng tsansa ang mayroon ako? Siya ang hari, ang itinalaga ng Diyos para sa Kanyang bayan. Bakit hinahayaan ng Diyos ito? Tinugis ni Saul si David sa mga ilang at mga kuweba, kasama ang tatlong libong magagaling na mandirigma ng Israel na may iisang layunin: ang wasakin si David.

54 Ang patibong ni Satanas Sa puntong ito, ang pangako ay isa na lamang anino. Hindi na nakatira si David sa palasyo; hindi na rin siya kumakain sa hapag ng hari. Siya ay tumitira na sa kuweba at kumakain ng mga tira-tira ng mga hayop sa gubat. Hindi na siya naglalakbay katabi ng hari, kundi siya ay tinutugis ng mga taong dati niyang kasama sa labanan. Walang mainit na kama o mga alipin na naglilingkod sa kanya, walang papuri sa korte ng palasyo. Ang kanyang asawa ay ibinigay na sa iba. Batid niya ang kalungkutang hatid ng pag-iisa at walang bayang mauuwian. Pansinin na ang Diyos, hindi ang diyablo ang naglagay kay David sa pangangalaga ni Saul. Bakit hinayaan ng Diyos na mangyari ang lahat ng ito? Bakit inilatag sa harapan ni David ang pabor, pagkatapos ay biglang babawiin? Sa ganitong mga pangyayari, makatuwiran para kay David na masaktan ang kanyang damdamin hindi lamang kay Saul kundi maging sa Diyos. Ang mga di masagot na katanungan ay sapat upang pagalinlanganan niya ang karunungan at plano ng Diyos. Dahil sa masidhing paghahangad ni Saul na patayin si David, kahit sa paanong paraan, lumala ang kanyang pagkabaliw. Naging desperado siya. Kinanlong ng mga pari ng bayan ng Nob si David. Binigyan siya ng matutuluyan, pagkain, pati na ang espada ni Goliath. Wala silang kaalamalam na tumatakas si David kay Saul. Ang akala nila siya ay nasa isang misyon para sa hari. Nagtanong sila sa Panginoon para kay David at pinahayo nila ito. Nang malaman ito ni Saul, lalo siyang nagpuyos sa galit. Ipinapatay niya ang walumpu t limang inosenteng pari ng Panginoon, maging ang lahat ng lalaki, babae, bata, sanggol, mga baka, asno at tupa sa bayan ng Nob. Ipinatupad niya ang hatol laban sa mga taong walang kasalanan na dapat sana ay ipinatupad sa mga Amalekeo. Siya ay isang mamamatay-tao. Paano nagawa ng Diyos na ilagay ang Kanyang Espiritu sa ganitong uri ng tao? Sa isang pagkakataon, napag-alaman ni Saul na si David ay nasa ilang ng En Gedi. Tinugis niya ito kasama ng tatlong libong mandirigma. Sa kanilang paglalakbay ay huminto sila at nagpahinga sa bukana ng isang kuweba. Wala silang kaalam-alam na nagtatago sa loob nito si David. Tinanggal ni Saul ang kanyang panlabas na balabal at itinabi ito habang namamahinga. Buong ingat na lumabas si David buhat sa pinagtataguan nito upang pumutol ng kapiraso mula sa balabal ni Saul. Pagkatapos, bumalik siya sa pagtatago na walang nakapapansin. 38

55 AMA KO! AMA KO! Matapos umalis si Saul sa kuweba, yumukod si David sa lupa at sumigaw sa kanya: Ama ko! Tingnan mo! Oo, tingnan mo ang piraso ng iyong balabal sa aking kamay! Walang kasamaan o paghihimagsik sa aking mga kamay, at hindi ako nagkasala laban sa iyo. Subalit tinutugis mo ako upang patayin. (1 Samuel 24:11, may dagdag na diin) Umiyak na si David kay Saul, Ama ko, ama ko! Tingnan mo ang aking puso! Naging isang ama ka sa akin. Kailangan ko ng pinunong magsasanay sa akin na hindi ako wawasakin! Bagama t pinagtatangkaan siya ni Saul na patayin, ang puso ni David ay nag-aapoy pa rin sa pag-asa. NASAAN ANG MGA AMA? Nakita ko ang pagtangis ng di mabilang na mga lalaki at babae sa katawan ni Cristo. Karamihan sa kanila ay bata at may malakas na panawagan ng Diyos sa kanilang buhay. Tumatangis sila para sa isang ama, isang lalaki na magdidisipulo, magmamahal, susuporta at magpapalakas ng kanilang loob. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Diyos na ibabaling Niya ang puso ng mga ama [pinuno] sa mga anak [tao], at ang puso ng mga anak sa kanilang mga ama, kundi ay papariyan ako at lalagyan ang mundo ng isang sumpa. (Malakias. 4:6) Naiwala ng ating bayan ang mga ama (ama, pinuno, o ministro) noong mga taong 1940 at 1950, at ngayon ang ating kalagayan ay naging higit na malubha. Tulad ni Saul, maraming pinuno sa ating mga tahanan, korporasyon, at simbahan ang mas naaabala sa kanilang mga personal na mithiin kaysa sa kanilang mga anak. Dahil sa ganitong kaisipan, ang tingin ng mga pinunong ito sa mga tao ay mga taong nagbibigay katuparan sa kanilang pangitain (vision), sa halip na makita ang pangitain na paraan upang makapaglingkod sa tao. Ang tagumpay ng pangitain ang nagbibigay katuwiran sa mga nasugatang puso at nawasak na mga buhay. Sa ngalan ng tagumpay, nakukompromiso ang hustisya, habag, integridad, at pagmamahal. Ang desisyon ay nakabatay lamang sa pera, numero, at mga resulta. Ito ay nagbubukas ng pintuan ng pagtrato na gaya ng tinanggap ni David kungsabagay, may kaharian si Saul na dapat protektahan. Ang ganitong uri ng pagtrato ay katanggap-tanggap sa isip ng mga pinuno dahil ang kanilang habol ay ang pagpapalaganap ng ebanghelyo. 39

56 Ang patibong ni Satanas Ilang mga pinuno ang nagtanggal ng mga tao sa ilalim nila dahil sa pagdududa? Bakit nagdududa ang mga pinunong iyon? Ito ay dahil hindi sila naglilingkod sa Diyos. Sila ay naglilingkod sa kanilang pangitain. Gaya ni Saul, sila ay mabuway sa kanilang panawagan at iyon ay nagbunga ng inggit at pagmamataas. Nakikilala nila ang mga katangian sa mga tao na alam nilang mga makadiyos, at handa silang gamitin ang mga taong ito habang may pakinabang sila sa kanila. Nasiyahan si Saul sa tagumpay ni David hanggang sa nakita niya ito na banta sa kanyang posisyon. Ibinaba niya ang ranggo ni David at naghanap siya ng dahilan upang wasakin ito. Nakausap ko ang di mabilang na mga kabataang lalaki at babae na naghahanap ng mapagsusulitan (accountability). Gusto nilang magpasakop sa isang pinuno na magtuturo sa kanila. Pakiramdam nila, sila ay nakahiwalay at nag-iisa. Naghahanap sila ng taong maaaring maging ama sa kanila. Subalit pinayagan ng Diyos na makaranas sila ng pagtakwil, sapagkat nais ng Diyos na gawin sa kanila ang ginawa Niya kay David. Makinig na mabuti sa sinasabi ng Espiritu. Nababahala si David na naniniwala si Saul na siya ay rebelde at masama. Marahil siniyasat ni David ang kanyang puso habang sinasabi, Saan ako nagkamali? Bakit kaybilis na nagbago ang puso ni Saul sa akin? Ito ang dahilan kung bakit siya sumigaw. Mayroong nagtutulak sa akin na patayin kita, ngunit ako ay tumanggi. Pinutol ko lamang ang laylayan ng iyong damit upang mabatid at makita mo na walang kasamaan o paghihimagsik sa aking mga kamay. (1 Samuel 24:11) Naisip ni David na kung mapapatunayan niya ang kanyang pagmamahal kay Saul, manunumbalik ang dating samahan nila ni Saul, at matutupad ang propesiya. May pagkakataong sinisisi ng mga taong itinakwil ng isang ama o pinuno ang kanilang sarili. Sila ay nakakulong at pinapahirapan ng kaisipang, Ano ng nagawa ko? At marumi ba ang aking puso? Minsan iniisip din nila, Sino ang nagpabago sa puso ng aking pinuno laban sa akin? Kaya lagi nilang pinapatunayan na sila ay walang-malay at walang kasalanan. Naiisip nila na kung maipapakita lamang nila ang kanilang katapatan at halaga, sila ay muling tatanggapin. Ang nakalulungkot ay, sa kanilang pagsubok na gawin ito, lalong lumalayo ang loob ng pinuno sa kanila. 40

57 AMA KO! AMA KO! SINO ANG MAGHIHIGANTI PARA SA AKIN? Kinilala ni Saul ang kabutihan ni David nang makita niyang di siya pinatay ni David kahit na kaya niyang gawin ito. Kaya iniwan nila ng kanyang mga tauhan si David. Marahil naisip ni David, Ngayon ay ibabalik na ako ng hari. Matutupad na ang propesiya. Nakita na niya ang nilalaman ng aking puso at tatratuhin na niya ako nang maayos ngayon. Teka lang, David. Sa loob lamang ng maikling panahon, isinumbong ng mga tauhan kay Saul na si David ay nasa burol ng Hachilah. Muli, kasama ang tatlong libong sundalo, tinugis siya ni Saul. Tiyak ko na napakasakit para kay David nito. Napagtanto na niya na ito ay hindi isang simpleng kaso ng hindi pagkakaunawaan kundi sinasadya na ni Saul na pagtangkaan ang kanyang buhay. Labis na sakit ang nadama ni David. Batid ni Saul na malinis ang kanyang puso, subalit tinutugis pa rin siya nito. Nakapuslit si David, kasama si Abishai sa loob ng kampo ni Saul. Walang bantay na nakakita sapagkat pinatulog silang lahat ng Diyos. Ang dalawang ito ay nakalagpas sa buong hukbo at nagtungo kung saan natutulog si Saul. Nakiusap si Abishai kay David. Sa araw na ito ay inilagay ng Diyos sa iyong mga kamay ang iyong kaaway. Ngayon, bigyan mo ako ng pahintulot na itarak nang minsan sa kanya ang aking sibat; at hindi ko na ito kailangang ulitin! (1 Sam. 26:8). May magandang dahilan si Abishai kung bakit niya naisip na papayagan siya ni David na patayin si Saul. Una, walumpung inosenteng pari at ang mga pamilya nito ang walang awang pinatay ni Saul! Ikalawa, kasama niya ang isang hukbo na may tatlong libong kawal upang patayin si David at ang kanyang mga taga-sunod. Paliwanag ni Abishai, Kung hindi mo uunahang patayin ang kaaway, tiyak na ikaw ang papatayin niya. Pagtatanggol lamang ito sa iyong sarili. Pinapayagan ito ng kahit saang hukuman ng batas! Ikatlo, inutusan ng Diyos si Samuel na pahiran ng langis si David bilang susunod na hari ng Israel. Dapat na kunin ni David ang kanyang mana (inheritance) kung hindi niya gustong mamatay nang hindi natutupad ang propesiya. 41

58 Ang patibong ni Satanas Ikaapat, pinatulog ng Diyos ang buong hukbo upang si David at Abishai ay makalakad patungo kay Saul. Bakit gagawin ng Diyos ito? Sa tingin ni Abishai, hindi na muling magkakaroon ng ganito kagandang pagkakataon si David. Magaganda ang lahat ng mga dahilang ito. May saysay, at tumatanggap pa ng pagpapalakas ng loob si David mula sa isang kapatid. Kaya kung nakaramdam si David ng hinanakit, malamang nararamdaman din niya na marapat lamang na payagan si Abishai na sibatin si Saul. Pakinggan ang tugon ni David: Huwag mong gagawin yan; Sino ang makakapagbuhat ng kamay sa hinirang ng Diyos at di magkakasala? Habang nabubuhay ang Diyos, ang Diyos ang magbubuhat ng kamay sa kanya. Darating ang araw na mamamatay siya, o lalabas sa digmaan at doon mamamatay, subalit huwag itulot ng Diyos na pagbuhatan ko ng kamay ang kanyang hinirang. (1 Samuel 26:9-11) Ayaw patayin in David si Saul kahit na pinatay ni Saul ang mga inosenteng tao at pati siya ay balak din nitong patayin. Tumanggi si David na ipaghiganti ang kanyang sarili. Sa halip, inilagay niya ang kanyang kapalaran sa kamay ng Diyos. Siyempre, magiging mas madali sana na tapusin na iyon doon madali para kay David at sa mga mamamayan ng Israel. Alam niya na ang bayan ay tulad ng kawan ng tupa na walang pastol. Alam niya na ninanakawan sila ng isang lobo para sa makasarili nitong mga hangarin. Mahirap para sa kanya na hindi ipagtanggol ang sarili, ngunit posibleng mas mahirap na huwag palayain ang mga taong mahal niya mula sa isang baliw na hari. Nagdesisyon si David kahit na alam niya na ang tanging hangad ni Saul ay ang kanyang pagkawasak. Pinatunayan ni David ang kadalisayan ng kanyang puso nang tumanggi siyang patayin si Saul sa unang pagkakataon. Nagkaroon siya ng pangalawang pagkakaton upang patayin si Saul at, muli, ay hindi niya ito ginawa. Para kay David, si Saul ay hinirang ng Diyos, kaya inilagay ni David ang paghatol sa hari sa kamay ng Diyos. Ilang mga tao ngayon ang may pusong tulad ng kay David? Hindi na lang nga tayo pumapatay gamit ang literal na espada, ngunit sinasaktan natin ang isa t isa gamit ang isa pang uri ng espada ang dila. Kamatayan at buhay ang nasa kapangyarihan ng dila. (Kawikaan 18:21) 42

59 AMA KO! AMA KO! Nahahati ang simbahan, naghihiwalay ang pamilya, nawawasak ang relasyon ng mag-asawa, at namamatay ang pag-ibig, nadudurog ng mga salitang nasasabi kapag nasasaktan at nabibigo. Kapag nasasaktan ang ating damdamin ng ating mga kaibigan, kapamilya, at mga pinuno, gumaganti tayo ng mga salitang pinatalas ng sama ng loob at galit. Bagama t tama ang sinasabi, hindi naman dalisay ang motibo. Sabi ng Kawikaan 6:16-19, ang panggagatong upang magtalo o magaway ang magkakapatid ay kinamumuhian ng Diyos. Kapag inuulit natin ang isang bagay na ang intensiyon ay magkabaha-bahagi o makasira ng relasyon o reputasyon kahit na totoo pa sa Diyos ito ay isang paginsulto. GINAGAMIT BA AKO NG DIYOS UPANG ILANTAD ANG KASALANAN NG AKING PINUNO? Sa loob ng pitong taon, ako ay naglingkod nang full time sa ministeryo ng pagtulong at pagpapastor sa mga kabataan bago kaming mag-asawa ay pinahayo ng Diyos sa aming kasalukuyang ministeryo. Habang ako ay nagpapastor sa mga kabataan, may isang kapatid na dama kong hindi ako gusto, maging ang mga mensaheng ipinapangaral ko. Karaniwan na hindi ako nababagabag sa ganitong sitwasyon, ngunit ang lalaking ito ay may mas mataas ng posisyon ng awtoridad sa akin. Naniniwala akong sinabihan ako ng Diyos na magdala sa mga kabataan ng matibay na mensahe ng kadalisayan (purity) at katapangan ng loob (courage). Kabilang sa aming grupo ang kanyang anak. Nagkaroon ng pagsasa-ayos sa puso ng kabataang ito. Isang araw, pumunta siya sa akin na umiiyak. Nabagabag siya dahil tingin niya ang pamumuhay na nakikita niya sa kanilang tahanan ay malayo sa pamumuhay na hinahamon ko sa kanilang mga kabataan na sundin. Ang insidenteng ito, kasama pa ang banggaan ng personalidad ang nagbunsod sa kanyang ama na ipatanggal ako. Pumupunta siya sa aming punong pastor at nagdala ng mga maling akusasyon upang magpunla ng galit sa akin sa puso ng aming pastor. Pagkatapos, pinupuntahan naman niya ako upang ipaalam sa akin ang galit ng aming punong pastor sa akin, at kung paano niya ako ipinagtatanggol. May iba t-ibang mga staff memo, na hindi man nakasulat ang aking pangalan ay malinaw na ako 43

60 Ang patibong ni Satanas ang pinatutungkulan. Ngumingiti man siya sa akin nang harapan, ang intensiyon naman niya ay siraan ako pagtalikod ko. Ilang miyembro sa grupo ng mga kabataan ang nagsabing narinig nila na ako ay tatanggalin sa aking trabaho. Ang anak ng lalaking ito ang nagkakalat ng balita. Wala siyang masamang intensiyon, dahil inuulit lamang niya ang narinig niya sa kanilang bahay. Galit at litong-lito, pinuntahan ko ang lalaking ito at inamin niya na sinabi nga niya ito, pero inuulit lamang daw niya ang sinabi ng aming punong pastor. Lumipas ang ilang buwan, tila wala nang paraan upang maayos pa ang sitwasyon. Pinutol din niya lahat ng ugnayan sa pagitan ko at ng aming punong pastor. Hindi lang sa akin nangyari ito, kundi maging sa lahat ng mga pastor na mabigat ang loob niya. Ang aking pamilya ay nakadama na ng kabigatan. Hindi namin alam kung kami ay mananatili pa sa simbahang iyon o mapapaalis na. Kabibili lamang namin ng bahay, nagdadalang-tao ang aking asawa, at wala kaming mapupuntahan. Ayokong magpadala ng resume sa ibang simbahan. Naniniwala akong Diyos ang nagdala sa akin sa simbahang iyon, at mananatili ako na walang ibang plano. Balisang-balisa ang aking asawa. Honey, alam kong tatanggalin ka nila sa trabaho. Maraming nagsasabi sa akin na gagawin nila iyon. Hindi sila ang kumuha sa akin, at hindi nila ako maaaring tanggalin nang walang pahintulot ang Diyos, sabi ko sa kanya. Naisip tuloy niya na ayaw kong maniwala sa nangyayari kaya pinakiusapan niya akong magbitiw na. Sa wakas ay dumating na ang balitang nagdesisyon na ako ay tanggalin na. Ang punong pastor ang naghayag sa simbahan na may pagbabagong mangyayari sa grupo ng kabataan. Hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa hindi namin pagkakaunawaan ng pinuno na inilagay niya sa ibabaw ko. Naka-schedule sana ako na makipag-usap sa kanya kasama ang lalaking iyon. Malinaw na sinabi sa akin ng Diyos na huwag kong ipagtanggol ang aking sarili. Nang kami ay mag-usap ng aking pastor nang sumunod na araw, nagulat ako na makita siyang mag-isang nakaupo sa kanyang opisina. Tumingin siya sa akin at sinabing, John, Diyos ang nagpadala sa iyo sa simbahang ito. Hindi kita paaalisin. Nakaramdam ako ng ginhawa. Ipinagtanggol ako ng Diyos sa huling sandali. 44

61 AMA KO! AMA KO! Bakit ka pinag-iinitan ng taong ito? tanong niya sa akin. Puntahan mo siya at makipag-ayos ka sa kanya! Matapos ang aming pag-uusap ay nakatanggap ako ng nakasulat na ebidensiya sa desisyong ginawa ng lalaking iyon tungkol sa saklaw ng aking responsibilidad. Ibinunyag nito ang kanyang tunay na motibo. Handa na akong dalhin ito sa aming punong pastor. Nang araw na iyon, apatnapu t limang minuto akong nanalangin habang palakad-lakad. Pilit kong sinisiil ang mabigat na pakiramdam. Paulit-ulit kong sinasabi. Panginoon, ang lalaking ito ay sinungaling at masama. Kailangang mabunyag ang kanyang mga gawa. Siya ay mapanirang puwersa sa ministeryong ito. Dapat kong sabihin sa pastor kung sino talaga siya! Dinagdagan ko pa ang katuwiran para sa aking intensiyon na ibunyag siya. Lahat ng sinasabi ko ay katotohanan at may katibayan; hindi ito bunga ng emosyon lamang. Kapag hindi siya napigil, ang kanyang kasamaan ay kakalat sa buong simbahan. Sa wakas, bunga ng kabiguan, napaiyak ako, Panginoon, ayaw mo po bang ibunyag ko siya? Nang sabihin ko ang mga salitang iyon, napuno ng kapayapaan ng Diyos ang puso ko. Napailing ako sa pagkamangha. Alam ko na ayaw ng Diyos na may gawin ako, kaya itinapon ko ang ebidensiya. Di nagtagal, nang kaya ko nang tingnan ang mga bagay nang tuwid, napagtanto ko na gusto ko lang ipaghiganti ang aking sarili, nang walang pagmamalasakit sa mga tao sa ministeryo. Nangatuwiran ako sa aking sarili at pinapaniwala ito na di makasarili ang aking motibo. Wasto ang aking impormasiyon ngunit hindi malinis ang aking motibo. Lumipas ang panahon, isang araw habang ako ay nagdadasal sa labas ng simbahan bago ang oras ng opisina ay dumating ang lalaking iyon. Inilagay sa akin ng Diyos na puntahan siya at magpakumbaba ako. Agad-agad ay nangatuwiran ako. Hindi, Panginoon, siya ang dapat lumapit sa akin. Siya ang pinagmulan ng lahat ng problema. Patuloy pa akong nanalangin, ngunit pinilit ng Diyos na puntahan ko siya agad at magpakumbaba. Alam kong ang Diyos ang nangungusap sa akin. Tinawagan ko siya upang ipaalam na pupuntahan ko siya sa kanyang 45

62 Ang patibong ni Satanas opisina. Ang mga sinabi ko at ang paraan kung paano ko sinabi ay kaiba sa paraang gusto ko kung hindi ako itinuwid ng Diyos. Taos sa puso na hiningi ko ang kanyang kapatawaran. Ako ay naging kritikal at mapanghusga sa iyo, pagtatapat ko. Agad siyang lumambot at nag-usap kami sa loob ng isang oras. Mula sa araw na iyon, huminto na ang kanyang pag-atake sa akin. Sa kabilang banda, nagpapatuloy ang problema sa pagitan niya at ng iba pang mga pastor. Anim na buwan ang lumipas, habang ako ay nagmiministeryo sa labas ng bansa, lumabas at nalantad sa aming punong pastor ang lahat ng pagkakamali ng lalaking ito. Wala itong kinalaman sa akin kundi sa ibang aspeto ng ministeryo. Mas malubha pa sa nalalaman ko ang mga ginagawa niya. Tinanggal agad siya. Dumating ang paghatol, ngunit hindi sa pamamagitan ng aking kamay. Ang bagay na pilit niyang ginawa sa akin ay nangyari sa kanya. Ngunit nang mangyari ito sa kanya, hindi rin ako naging masaya. Nalungkot ako para sa kanya at sa kanyang pamilya. Naunawaan ko ang sakit na nadarama niya---dumaan din ako sa ganoong sitwasyon, dahil sa kanyang kagagawan. Sapagkat napatawad ko na siya, anim na buwan bago ang pangyayaring iyon, natutuhan ko siyang mahalin at hindi ako natuwa sa nangyari sa kanya. Kung siya ay tinanggal nang ako ay galit pa sa kanya, malamang na nagdiwang ako. Alam kong malaya na ako sa hinanakit na kinimkim ko. Pagpapakumbaba at pagtanggi na ipaghiganti ang aking sarili ang nagpalaya sa akin sa kulungan ng hinanakit at sama ng loob. Makalipas ang isang taon ay nakita ko siya sa airport. Ako ay napuspos ng pag-ibig ng Diyos. Tumakbo ako patungo sa kinatatayuan niya at niyakap ko siya. Tunay ang saya kong nadama nang sabihin niya sa akin na maayos na ang lahat sa kanya. Kung hindi ko siya pinuntahan sa kanyang opisina at nagpakumbaba, marahil hindi ko makakayang tingnan siya sa mata nang araw na iyon sa airport. Maraming taon na ang lumipas mula nang magkita kami ngunit ang nararamdaman ko para sa kanya ay pagmamahal at tapat na hangaring makita siyang lumalakad sa kalooban ng Diyos. Matalino si David nang piliin niyang ang Diyos ang humusga kay Saul. Maitatanong mo, Sino ang ginamit ng Diyos upang husgahan ang 46

63 AMA KO! AMA KO! kanyang lingkod na si Saul? Ang mga Filisteo. Si Saul, kasama ng kanyang mga anak ay namatay na nakikipaglaban sa kanila. Nang makarating kay David ang balita, hindi siya nagdiwang. Siya ay nagluksa. Isang lalaki ang nagyabang kay David na napatay niya si Saul. Hangad niya na sa pamamagitan ng balitang ito ay makuha ang pabor mula kay David, ngunit salungat ang nangyari. Paano na hindi ka natakot na patayin ang hinirang ng Diyos? ang tanong ni David. Ipinag-utos niya na patayin ang lalaking ito. (2 Samuel 1:14-15) Lumikha si David ng awit upang awitin ng mga tao sa Judah bilang pagpaparangal kay Saul at sa kanyang mga anak. Sinabihan niya ang mga tao na huwag ipamalita sa mga kalye ng bayan sa Filisteo para hindi sila makapagdiwang. Ipinahayag niyang walang ulan o ani sa lugar kung saan napaslang si Saul. Nanawagan siya sa buong Israel na manangis para kay Saul. Hindi ito ang puso ng isang taong naghihinanakit. Ang lalaking naghihinanakit malamang ang kanyang sasabihin ay, Nangyari lamang ang nararapat para sa kanya. Dagdag pa rito, hindi pinatay ni David ang natitirang binhi sa tahanan ni Saul. Bagkus, nagpakita siya ng kabutihan sa mga ito. Binigyan niya sila ng lupain at pagkain at pinaupo ang isang apo nito sa hapag ng hari. Ito ba ang larawan ng isang lalaking naghihinanakit? Kahit na si David ay inayawan ng taong dapat sana ay naging ama sa kanya, nanatili siyang tapat kahit na namatay na si Saul. Madaling maging tapat sa isang pinuno o ama na mahal ka, ngunit paano kung ang taong ito ay gusto kang wasakin at patayin? Ikaw ba ay magiging lalaki o babaeng ang puso ay sa Diyos, o ikaw ba ay magbabalak na ipaghiganti ang iyong sarili? 47

64 Ang patibong ni Satanas MATUWID SA DIYOS NA IPAGHIGANTI ANG KANYANG MGA LINGKOD. HINDI MATUWID PARA SA MGA LINGKOD NG DIYOS NA IPAGHIGANTI ANG KANILANG SARILI. G. Bevere, kakabasa ko pa lang ngayon ng inyong aklat na Ang Patibong ni Satanas at hindi ko ito maibaba! Ito na ang isa sa pinakamagaling na aklat na aking nabasa! P.A., MISSOURI 48

65 5 PAANO NAISISILANG ANG MGA ESPIRITUWAL NA PALABOY? Huwag ipahintulot ng Diyos na gawin ko ito sa aking panginoon na pinili ng Diyos, ang iunat ang aking kamay laban sa kanya na sa aking paningin ay pinili ng Diyos. Sa mga salitang ito ay pinigilan ni David ang kanyang alipin, at di pinahintulutang kumilos laban kay Saul. 1 Samuel 24:6 7 N akita natin sa nakaraang kabanata kung paanong si David ay di natrato nang tama ng lalaking inaasahan sana niyang maging ama. Sinikap ni David na unawain kung saan siya nagkamali. Ano kaya ang nagawa niya upang mamuhi sa kanya si Saul, at paano kaya niya mapapanumbalik ang kanilang relasyon? Pinatunayan niya ang kanyang katapatan nang di niya pinatay si Saul kahit na ito ay masidhing nagbalak na kitlin ang kanyang buhay. 49

66 Ang patibong ni Satanas Nakayukod ang ulo sa lupa at tumatangis na sinabi niya kay Saul, Masdan na walang kasamaan o paghihimagsik sa aking mga kamay, at ako ay hindi nagkasala laban sa iyo. Nang madama na ni David na naipakita na niya ang kanyang katapatan sa kanyang pinuno, napayapa ang kanyang isipan. Di nagtagal, natuklasan niya ang mas nakapanghihinang balita: Nais pa rin ni Saul na patayin siya. Ngunit tumanggi pa rin si David na saktan ang taong gustong kitlin ang kanyang buhay. Ito ay kahit pinatulog ng Diyos ang hukbo at binigyan pa siya ng kasamang nakikiusap na patayin si Saul. Napagtanto marahil ni David na ang mahimbing na pagkatulog ng hukbo ay para sa isa pang dahilan ang subukin ang kanyang puso. Gusto ng Diyos na makita kung papatay si David upang maitatag ang kanyang kaharian mula kay Saul, o pababayaan niya ang Diyos na itatag ang kanyang trono sa pamamagitan ng katuwiran panghabang panahon. Mga minamahal, huwag ninyong ipaghiganti ang inyong mga sarili, kundi magbigay puwang sa poot; dahil nasusulat, Akin ang paghihiganti, Ako ang gaganti. sabi ng Panginoon. -Roma 12:19 Matuwid para sa Diyos ang ipaghiganti ang Kanyang mga lingkod. Hindi matuwid para sa mga lingkod ng Diyos na ipaghiganti ang kanilang mga sarili. Si Saul ay taong ipinaghiganti ang sarili. Tinugis niya si David, isang lalaking may dangal, sa loob ng labing apat na taon, at pinatay ang mga pari at ang kanilang mga pamilya. Habang nakatayo si David sa tabi ng natutulog na si Saul, humarap siya sa isang mabigat na pagsubok. Ilalantad nito kung si David ay mayroong marangal na puso ng isang pastol o may insekuridad ng isang Saul. Mananatili kaya siyang taong ang puso ay para sa Diyos? Sa simula ay tila mas madali na ilagay natin ang mga bagay sa ating mga kamay sa halip na maghintay sa isang matuwid na Diyos. Sinusubok ng Diyos ang kanyang mga lingkod sa pamamagitan ng pagsunod. Sadyang inilalagay Niya tayo sa mga sitwasyon kung saan ang pamantayan ng relihiyon at lipunan ang magbibigay katuwiran sa ating mga kilos. Hinahayaan Niya ang ibang tao, lalo na yung malalapit sa atin, upang udyukan tayong palakasin ang ating loob na protektahan 50

67 PAANO naisisilang ANG MGA ESPIRITUWAL NA MGA PALABOY? ang ating sarili. Maaari rin nating maisip na magiging marangal tayo at pinuprotektahan ang iba sa pamamagitan ng paghihiganti para sa ating sarili. Ngunit hindi ito ang kaparaanan ng Diyos. Ito ay pamamaraan ng mundo. Ito ay makamundo at makalaman. Kapag naiisip ko ang pagkakataong mayroon ako upang ilantad ang aking pinuno, naaalala kong nakipambuno ako sa pag-iisip na maaari pa siyang makasakit ng iba kung di siya mailalantad. Iniisip ko, sasabihin ko lang naman ang katotohanan. Kung hindi, paano ito matatapos? Pinalakas ang loob ko ng ibang tao na ilantad siya. Ngayon alam ko na kung bakit ibinigay ng Diyos sa akin ang impormasyong iyon upang ako ay subukin. Ako ba ay magiging tulad ng tao na gusto akong wasakin? O hahayaan ko bang kumilos ang katarungan o habag ng Diyos kapag nagsisi ang taong iyon? PAANO MAGAGAMIT NG DIYOS ANG MGA TIWALING PINUNO? Maraming tao ang nagtatanong, Bakit kaya inilalagay ng Diyos ang tao sa ilalim ng mga pinuno na nakagagawa ng malaking pagkakamali at mga matitinding kasamaan pa nga? Balikan ang pagkabata ni Samuel. (1 Samuel 2-5) Ang Diyos, hindi ang demonyo, ang Siyang naglagay sa batang si Samuel sa ilalim ng awtoridad ng tiwaling pari na si Eli at ng kanyang dalawang masasamang anak na si Hophni at Phinehas, na pareho ding mga pari. Ang dalawang ito ay napakasama. Sapilitan nilang kinukuha ang mga handog sa templo sa pamamagitan ng manipulasyon. Nagkasala rin sila sa pamamagitan ng pagsiping sa mga babaeng nagtitipon sa pintuan ng tabernakulo. Naiisip mo ba ang iyong sariling nagsisilbi sa isang lingkod ng Diyos na ganito ang uri ng pamumuhay? Isang pastor na manhid sa mga bagay ng Espiritu kaya di na niya makilala ang isang babaeng nananalangin at pinagbintangan pa niya ito na lasing! Lubha siyang makalaman at matakaw kaya siya ay sumobra sa timbang at tumaba nang tumaba. Matindi ang pagkumpromiso niya sa buhay, kaya wala siyang ginawa sa kanyang dalawang anak na itinalaga niya bilang mga pinuno, habang nakikiapid sila sa loob mismo ng simbahan. 51

68 Ang patibong ni Satanas Karamihan sa mga Kristiyano ngayon, kapag natisod ay naghahanap na ng ibang simbahan, at sa kanilang pag-alis ay sasabihin nila sa iba ang tungkol sa masamang pamumuhay ng kanilang dating pastor at ng ibang mga pinuno sa simbahan. Sa gitna ng ganoong katiwalian, gusto ko ang naulat tungkol sa ginawa ng batang Samuel: Ngayon ang batang si Samuel ay naglingkod sa Panginoon sa pamamahala ni Eli. (1 Sam. 3:1) Ngunit lumubha ang bunga ng katiwalian: At ang salita ng Diyos ay madalang nang mga panahong iyon; bihira din ang mga pangitain (1 Sam.3:1). Tila napakalayo ng Diyos sa buong lipi ng mga Hebreo. Sa loob ng templo, ang lampara ng Panginoon ay malapit nang mamatay, ngunit si Samuel ba ay naghanap ng ibang lugar upang sumamba? Pumunta ba siya sa mga nakatatanda upang isumbong ang kasamaan ni Eli at ng mga anak nito? Bumuo ba siya ng lupon upang patalsikin sa ministeryo si Eli at ang mga anak nito? Hindi, naglingkod siya sa Diyos! Inilagay ng Diyos si Samuel doon, at hindi siya responsable sa kilos ni Eli o ng mga anak nito. Inilagay siya sa ilalim nila hindi para sila ay hatulan kundi upang sila ay paglingkuran. Alam niyang lingkod ng Diyos si Eli. Alam din niyang kaya ng Diyos na pakitunguhan at hatulan si Eli. Hindi mga anak ang dapat nagtutuwid sa mga ama. Subalit tungkulin ng mga ama na sanayin at ituwid ang anak. Tayo ang makikitungo at kokompronta sa mga taong ibinigay ng Diyos upang sanayin natin. Ito ang ating responsibilidad. Ang mga kapantay naman natin ay palalakasin natin ang loob bilang mga kapatid sa Panginoon. Sa kabanatang ito, gaya ng sa nakaraang kabanata, ang aking tinutukoy ay ang ating tugon sa mga taong may awtoridad sa atin. Pinaglingkuran ni Samuel ang itinakdang ministro ng Diyos sa abot ng kanyang makakaya, nang walang halong paghuhusga o pagtutuwid dito. Ang tanging panahon na nagsalita si Samuel ng pagtutuwid ay nang puntahan siya ni Eli at tanungin kung ano ang ibinigay na propesiya ng Diyos sa kanya nang gabing iyon. Sa kabila noon, hindi pa rin ito pagtutuwid galing kay Samuel kundi galing sa Diyos. Kung mas maraming tao lamang ang makauunawa sa katotohanang ito, maiiba ang maraming mga simbahan natin. 52

69 PAANO naisisilang ANG MGA ESPIRITUWAL NA MGA PALABOY? ANG MGA SIMBAHAN AY DI MGA KAPIHAN Sa panahon ngayon ay agad na nilalayasan ng mga tao ang kanilang simbahan kapag may nakita silang, sa tingin nila, ay mali sa pamunuan. Maaaring ang dahilan ay ang paraan ng pastor ng pagkuha ng handog. Puwede rin ang paraan ng paggastos ng pera. Kapag hindi rin nila nagustuhan ang pangangaral ng pastor, umaalis sila. Maaari ring mahirap siyang lapitan, o masyado na siyang pamilyar. Walang katapusan ang listahan ng reklamo. Sa halip na harapin ang hamon at panatilihin ang pag-asa, sila ay tumatakbo kung saan walang gulo. Tanggapin na natin: Si Hesus lamang ang perpektong pastor. Kaya bakit natin tinatakbuhan ang mahihirap na mga sitwasyon dito sa Amerika sa halip na harapin at ayusin ang mga ito? Kapag di natin ito hinarap, palagi tayong aalis na may hinanakit. Minsan sinasabi natin na hindi tinanggap ang ating prophetic na ministeryo. Magpapalipat-lipat tayo ng simbahan sa paghahanap ng lugar na walang kapintasan ang pamumuno. Habang sinusulat ko ang librong ito, ako ay naging kasapi lamang ng dalawang simbahan na nasa magkaibang estado sa loob ng labing apat na taon. Nagkaroon ako ng maraming pagkakataon na maghinanakit sa mga nagiging pinuno ko (karamihan ng sanhi dito ay ako rin ang may kagagawan o bunga marahil ng aking pagiging isip bata pa). May mga pagkakataong maaari akong maging kritikal at mapanghusga sa mga namumuno, ngunit ang pag-alis ay hindi ko binalak. Isang araw, sa gitna ng isang napakahirap na sitwasyon, nangusap ang Panginoon sa akin sa pamamagitan ng isang talata sa Bibliya. Ang sabi Niya: Ito ang paraan na gusto ko kapag umalis ka sa isang simbahan. Ikaw ay aalis na may kagalakan, at sasamahan palabas nang may kapayapaan. Isaias 55:12, may dagdag na diin Marami ang hindi umaalis sa ganitong paraan. Ang tingin nila ang mga simbahan ay parang mga cafeteria; pumipili sila ng magugustuhan nila! Ramdam nila ang kalayaan na manatili habang walang mga problema. Ngunit hindi ito sang-ayon sa itinuturo ng Bibliya. Hindi ikaw ang pipili kung saang simbahan ka pupunta. Diyos ang pipili! Hindi sinabi ng Bibliya, Diyos ang naglagay sa mga bahagi, bawat isa sa kanila, sa katawan, ayon sa ikalulugod nila. Ang sabi ay, Ngunit ngayon Diyos ang naglagay ng 53

70 Ang patibong ni Satanas bahagi, bawat isa sa kanila, sa katawan, ayon sa ikalulugod Niya. (1 Cor. 12:18, may dagdag na diin) Tandaan palagi na kapag ikaw ay nasa lugar kung saan gusto ng Diyos na naroon ka, pipilitin ng diyablo na masaktan ang damdamin mo upang umalis ka roon. Gusto niya na mabunot ang mga lalaki at babae mula sa lugar na pinagtaniman sa kanila ng Diyos. Kapag napaalis ka, nagtagumpay siya. Kung hindi ka naman magpapatinag, kahit sa gitna ng matinding sigalot, sinisira mo ang plano ng diyablo. ANG MASELANG PANLILINLANG Ilang taon ako na nasa isang simbahan. Isa sa pinakamagaling na mangangaral sa Amerika ang pastor dito. Nang ako ay unang dumalo sa simbahang iyon ay namamangha ako sa mga katuruan sa Biblya na lumalabas mula sa kanyang labi. Sa paglipas ng panahon, dahil sa aking posisyon na naglilingkod sa pastor na iyon, ako ay napalapit upang makita ang kanyang mga kapintasan. Nagkaroon ako ng tanong sa ilan sa kanyang mga desisyon sa ministeryo. Naging kritikal at mapanghusga ako, hanggang sa magsimulang pumasok ang hinanakit. Nangangaral siya ngunit wala na akong madamang inspirasyon o basbas ng Diyos sa kanya. Hindi na ako napagpapala ng kanyang pangangaral. May isang mag-asawa na kaibigan namin ni Lisa at kasama sa staff na tila pareho din namin ang nadarama. Inalis sila ng Diyos sa simbahang iyon at nagpasimula sila ng sarili nilang ministeryo. Inanyayahan nila kaming sumama sa kanila. Batid nila kung gaano kami nahihirapan. Pinalakas nila ang aming loob na ituloy ang tawag ng Diyos sa aming buhay. Sinasabi nila sa amin lahat ng mga maling bagay na ginagawa ng pastor, ng kanyang asawa at ng pamunuan. Pareho kaming nagmumukmok habang nakakaramdam ng kawalan ng pag-asa. Nadama namin ang matapat nilang pag-aalala sa aming kapakanan. Subalit ang mga pag-uusap namin ay nagsilbing panggatong sa apoy ng aming hinanakit. Gaya ng inilalarawan ng Kawikaan 26:20, Kung saan walang kahoy, namamatay ang apoy; kung walang nanunulsol, natitigil ang away. Ang sinasabi nila sa amin ay tamang impormasyon, ngunit ito ay 54

71 PAANO naisisilang ANG MGA ESPIRITUWAL NA MGA PALABOY? mali sa mata ng Diyos, dahil nakapagpapalala ito sa kanilang hinanakit at maging sa aming sama ng loob. Alam naming ikaw ay alagad ng Diyos, sabi nila sa akin. Iyan ang dahilan kung bakit ka nagkakaroon ng problema sa lugar na ito. Sa totoo lang, masarap itong pakinggan. Sinabi namin ni Lisa sa isa t-isa, Ito na yun. Tayo ay nasa isang pangit na kalagayan. Kailangan na nating umalis. Mahal tayo ng pastor na ito at ng kanyang asawa. Sila ang magpapastor sa atin. Tatanggapin tayo ng mga tao sa kanilang simbahan at ang ministeryong bigay ng Diyos sa atin. Iniwan namin ang aming simbahan at nagsimulang dumalo sa kanila, ngunit ito ay sa loob lamang ng ilang buwan. Kahit kasi naisip naming nakatakas na kami mula sa problema, napansin naming mayroon pa ring naglalaban sa aming kalooban. Walang kagalakan ang aming espiritu. Nakatali kami sa takot na kami ay maging tulad ng iniwanan namin. Tila lahat ng aming ginagawa ay pilit o hindi natural. Hindi kami makasunod sa daloy ng Banal na Espiritu. Umabot ito sa puntong maging ang relasyon namin sa aming bagong pastor at sa kanyang asawa ay nagkaroon na ng problema. Sa bandang huli, naramdaman ko na dapat na kaming bumalik sa dati naming simbahan. Nang gawin namin ito, agad-agad ay batid naming kami ay nakabalik sa kalooban ng Diyos. Bagama t mas tanggap at higit na minamahal kami sa bagong simbahan, nakaramdam kami ng kaluwagan ng puso nang bumalik kami sa dati na niyang simbahan. At ginulat ako ng Diyos, John, hindi ko sinabi sa iyo na umalis ka sa simbahang ito. Umalis ka dahil sa hinanakit! Ito ay hindi kasalanan ng pastor at ng kanyang asawa, kasalanan namin. Naunawaan nila ang nararamdaman naming kabiguan at sinusubukan nilang maayos ang tila magkatulad na isyu sa kanilang mga puso. Kapag nasa labas ka ng kalooban ng Diyos, hindi ka magiging pagpapala o makatutulong sa kahit anong simbahan. Kapag ikaw ay nasa labas ng kalooban ng Diyos, maging ang magandang relasyon ay magiging mabigat. Hindi namin namalayan, nasa labas na pala kami ng kalooban ng Diyos. Kadalasan, ang mga taong may sama ng loob ay umaaksyon na di pinag-iisipan ang sitwasyon. Gumagawa sila ng mga bagay na mukhang 55

72 Ang patibong ni Satanas matuwid kahit na ito ay walang inspirasyon ng Diyos. Tayo ay tinawag upang tumugon nang wasto; hindi tayo dapat magpadalos-dalos sa ating mga pasya at kilos. Kapag hindi nangungusap ang Diyos sa kabila ng ating pagsunod at paghahanap ng Kanyang kalooban, alam mo ba kung ano ang Kanyang tugon? Malamang sinasabi Niya, Manatili ka kung saan ka naroon. Huwag mong baguhin ang kahit na ano. Malimit kapag tayo ay nabibigatan, humahanap tayo ng salita mula sa Banal na Kasulatan na magdadala sa atin ng ginhawa. Subalit inilalagay tayo ng Diyos sa mga hindi kumportableng sitwasyon upang tayo ay pahinugin, pinuhin at palakasin, hindi upang wasakin! Sa loob ng isang buwan ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makipagtagpo sa pastor ng dati kong simbahan. Humingi ako ng tawad sa pagiging kritikal at rebelde. Pinatawad niya ako at mas lumakas pa ang aming relasyon. Nanumbalik ang kagalakan sa aking puso. Agad-agad, nadama kong muli ang pagpapala mula sa pangangaral ng pastor sa pulpito, at nanatili ako sa simbahang iyon. ANG NAITANIM AY yayabong Sabi ng Bibliya sa Awit 92:13, Ang mga natanim sa tahanan ng Diyos ay lalago sa templo ng ating Diyos. (may dagdag na diin). Pansinin na ang mga lumalago ay iyong mga naitanim sa tahanan ng Diyos. Ano ng mangyayari sa halaman kung ililipat mo ito ng lugar kada tatlong linggo? Marami sa inyo ang alam na mauubos ang ugat nito, at hindi na ito mamumukadkad o lalago. Kung patuloy mo pa itong ililipat, malalanta ang halaman sa pagkayanig (shock)! Maraming tao ang nagpapalipat-lipat ng simbahan, ng ministeryo, sa pagpipilit na paunlarin ang kanilang gawain para sa Panginoon. Kapag sila ay inilalagay ng Diyos sa isang lugar kung saan hindi sila kinikilala o napapalakas ang kanilang loob, madali silang naghihinanakit. Kapag hindi sila sumasang-ayon kung paano ginagawa ang isang bagay, sila ay nasasaktan at umaalis. Sa kanilang pag-alis, sinisisi nila ang liderato. Bulag sila sa kanilang sariling kapintasan at hindi nila maunawaan na nais 56

73 PAANO naisisilang ANG MGA ESPIRITUWAL NA MGA PALABOY? silang pinuhin at baguhin ng Diyos sa pamamagitan ng mga pagsubok na kanilang dinadaanan. Matuto tayo sa halimbawang ibinigay ng Diyos sa mga halaman at mga puno. Kapag ang puno ng prutas ay itinanim sa lupa, kailangan nitong harapin ang bagyo, mainit na araw, at malakas na hangin. Kung ang isang batang puno ay makapagsasalita lamang, malamang sabihin nito, Paki-alis mo ako dito! Pakilagay ako sa lugar kung saan walang nakapapasong init o mahanging bagyo! Kung pagbibigyan ng hardinero ang batang puno, mas masasaktan niya ito. Kailangang tiisin ng puno ang mainit na araw at malalakas na bagyo sa pamamagitan ng pagpapalalim ng mga ugat nito sa lupa. Sa huli, ang pagsubok na pinagdaanan nila ang pagmumulan ng matinding katatagan. Ang lupit ng mga elemento sa paligid nila ang magtutulak sa kanila na humanap ng iba pang pagkukunan ng buhay. Darating ang araw na gaano man katindi ang bagyo, hindi ito makakaapekto sa kanilang kakayanang mamunga ng prutas. Ilan taon na ang nakararaan, ako ay tumira sa Florida, isang sentro ng produksyon ng prutas na citrus. Karamihan sa mga taga-florida ay batid na pag mas malamig ang tag-lamig, mas matamis ang mga kahel (oranges). Kung hindi tayo mabilis na tumakas mula sa espirituwal na pagsubok, magkakaroon sana ng pagkakataon ang ating mga ugat na maging mas malakas at malalim, at ang ating bunga ay magiging mas madami at matamis sa paningin ng Diyos, at mas katanggap-tanggap sa mga anak Niya! Tayo ay magiging mga hinog na puno na kinalulugdan ng Diyos, sa halip na mga binunot na puno dahil sa kawalan ng bunga (Lukas 13:6-9). Hindi natin dapat labanan ang mga bagay na ipinadadala ng Diyos na magpapahinog sa atin. Sa inspirasyon ng Banal na Espiritu, mabisang nailahad ni David ang kaugnayan ng hinanakit, ng batas ng Diyos, at ng espirituwal na paglago. Sinulat niya sa Awit 1: Pinagpala ang tao na ang kagalakan ay ang utos ng Panginoon; at sa Kanyang mga batas ay nagninilay araw at gabi. Awit 1:1-2 57

74 Ang patibong ni Satanas Sa Awit 119:165, binigyan pa Niya tayo ng dagdag na pang-unawa sa mga tao na nagmamahal sa utos ng Diyos. Magkakaroon ng matinding kapayapaan silang nagmamahal (o nalulugod) sa Iyong mga batas; walang makapagbibigay hinanakit sa kanila. (may dagdag na diin). Sa ikatlong talata ng Awit 1 ay inilarawan ang tadhana ng ganitong tao. Ang katulad niya ay isang punong kahoy na nakatanim sa tabing batisan, na namumunga sa kapanahunan, sariwa ang dahon at hindi matutuyot; anuman ang gawin niya ay tiyak na magtatagumpay. (may dagdag na diin) Sa madaling salita, ang isang mananampalataya na pinipiling malugod sa Salita ng Diyos sa gitna ng pagsubok ay makakaiwas sa pagkatisod. Ang taong iyon ay matutulad sa isang punong ang ugat ay naghahanap ng malalim na lugar kung saan ang Espiritu ay nagbibigay ng kalakasan at sustansiya. Siya ay huhugot mula sa malalim na balon ng Diyos sa kanyang espiritu. Ito ang magpapahinog sa kanya sa puntong ang pagsubok ay magpapabilis ng kanyang pamumunga. Hallelujah! Ngayon ay makakakuha tayo ng pang-unawa sa interpretasyon ni Hesus sa talinghaga ng manghahasik: At ang mga ito ay gaya ng mga naihasik sa mabatong lupa; nang marinig nila ang salita, agad nila itong tinanggap nang may kagalakan; at walang naging ugat ito kaya tumagal lamang ito ng ilang panahon; pagdaka y nang dumating ang pagdurusa o paniniil sa salita, agad din silang nasaktan. - Marcos 4:16-17, may dagdag na diin Sa sandaling iwan mo ang lugar na pinili ng Diyos para sa iyo, magsisimulang lumiit ang iyong mga espirituwal na ugat. Sa susunod na panahon, magiging mas madali para sa iyo na tumakas mula sa pagsubok dahil hindi ka naging maingat na palalimin ang iyong ugat. Sa bandang huli, ikaw ay mapupunta sa lugar kung saan magiging mahina ka o mawawalan ka na nang lakas na tiisin ang mga paghihirap o pag-uusig. Ikaw ay magiging espirituwal na palaboy, na gumagala sa iba t ibang lugar, may pagkatakot o suspetsa na baka makaranas kang muli ng di magandang pagtrato mula sa ibang tao. Nasaktan at napigilan sa iyong kakayanan na magkaroon ng espirituwal na bunga, ikaw ay magpupunyagi sa isang buhay na nakasentro sa iyong sarili, kinakain ang mga natirang bunga ng iba. 58

75 PAANO naisisilang ANG MGA ESPIRITUWAL NA MGA PALABOY? Alalahanin mo sina Cain at Abel, ang mga unang anak ni Adan. Nagdala si Cain ng handog sa Panginoon mula sa pinagpaguran ng kanyang mga kamay, ang bunga ng kanyang ubasan. Ito ay galing sa matinding pagpapagal. Kinailangan niyang linisin ang lupa mula sa mga bato, siit at iba pang mga kalat. Kinailangan niyang mag-araro at bungkalin ang lupa. Kinailangan niyang magtanim, magdilig, maglagay ng pataba, at ingatan ang kanyang pananim. Nagpagal at nagsumikap siya sa kanyang paglilingkod sa Diyos. Ngunit ito ay sarili niyang sakripisyo at hindi pagsunod sa pamamaraan ng Diyos. Ito ay sumisimbolo sa pagsamba ng tao sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang sariling kalakasan at abilidad at hindi mula sa biyaya ng Diyos. Sa kabilang dako, si Abel ay nagdala ng handog ng pagsunod, ang mga piling panganay na anak ng kanyang kawan at ang mga taba nito. Hindi man siya lubhang nagpagal tulad ni Cain, napakahalaga naman ng handog na ito para sa kanya. Maaaring narinig ng magkapatid kung paano ang kanilang ina at ama ay nagtangkang takpan ang kanilang kahubaran gamit ang dahon ng igos, na naglalarawan sa kanilang sariling gawa upang takpan ang kanilang kasalanan. Ngunit ipinakita ng Diyos ang katanggap-tanggap na sakripisyo sa pamamagitan ng pagtatakip kina Adan at Eba ng balat ng isang inosenteng hayop. Mangmang sina Adan at Eba sa di katanggaptanggap na pagtakip sa kanilang kasalanan. Dahil ipinakita ng Diyos ang kanyang pamamaraan, sila o ang kanilang mga anak ay hindi na mangmang patungkol dito. Sinubukan ni Cain na kunin ang pagtanggap ng Diyos nang hindi ayon sa Kanyang pamantayan. Tumugon ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapakita na tatanggapin niya ang sinumang lalapit sa Kanya na nasa ilalim ng kanyang pamantayan ng biyaya (sakripisyo ni Abel) at tatanggihan ang anumang pagtatangka na napapailalim sa karunungan ng mabuti at masama (ang relihiyosong gawa ni Cain). Matapos nito ay tinuruan Niya si Cain na kung gagawin niya ang mabuti, matatanggap siya; ngunit kung hindi niya pipiliin ang buhay, paghaharian siya ng kasalanan. Naghimagsik si Cain sa Panginoon. Sa halip na magsisi at gawin ang tama, at hayaan ang sitwasyong ito na baguhin ang kanyang karakter, ibinunton niya kay Abel ang kanyang galit at hinanakit sa Diyos. Pinatay niya si Abel. Sinabi ng Diyos kay Cain: 59

76 Ang patibong ni Satanas Kaya ngayon ikaw ay isinumpa mula sa daigdig, na nagbukas ng kanyang bibig upang tanggapin ang dugo ng iyong kapatid mula sa iyong mga kamay. Kapag nag-araro ka ng lupa, hindi na nito ibibigay sa iyo ang kanyang kalakasan. Ikaw ay magiging isang takas at isang palaboy sa ibabaw ng mundo. -Genesis 4:11-12, may dagdag na diin Ang bagay na kinatakutan ni Cain, na tanggihan siya ng Diyos, ay siya mismo ang nagdala sa kanyang sarili bilang hatol. Mismong ang kaparaanan na sinubukan niyang gamitin upang makuha ang pagtanggap ng Diyos ang siyang naghatid ng sumpa sa kanyang buhay. Ang pagdanak ng dugo ni Abel ang siyang nagdala ng sumpa. Ang lupa ay hindi na magbibigay ng biyaya sa kanya. Ang bunga ay darating lamang pagkatapos ng matinding pagsusumikap. Gayundin, ang mga natisod na mga Kristiyano ang pumuputol ng kanilang sariling abilidad na mamunga. Ikinumpara ni Hesus ang lupa sa kanyang isinalaysay na talinghaga ng manghahasik. Tulad ng bukirin ni Cain na tigang, ang puso ng isang taong may hinanakit ay tigang, at nalason ng kapaitan. Ang mga nasaktan at naghihinanakit na tao ay maaari pa ring makaranas ng mga himala, ng mga salitang galing sa Diyos, makapangyarihang pangangaral, at paggaling sa kanilang buhay. Subalit ang mga ito ay kaloob ng Espiritu, hindi mga bunga ng kanyang buhay. Tayo ay hahatulan ayon sa ating bunga, hindi sa kaloob ng Espiritu. Ang kaloob ay ibinibigay. Ang bunga ay pinagyayaman. Pansinin na sinabi ng Diyos na si Cain ay magiging takas at palaboy dahil sa kanyang ginawa. Madaming mga espirituwal na mga takas at palaboy sa ating mga simbahan sa kapanahunan natin ngayon. Ang kanilang mga kaloob na pag-awit, pangangaral, pagbibigay ng propesiya, at iba pa ay hindi tanggap ng liderato ng kanilang dating simbahan, kaya sila umaalis. Sila ay tumatakas nang walang direksyon, taglay ang hinanakit, naghahanap ng perpektong simbahan na tatanggap sa kanilang kaloob at sa gayon ay mapaghilom ang kanilang hinanakit. Pakiramdam nila, sila ay binubugbog at inuusig. Pakiramdam nila sila ang mga Jeremias ng makabagong panahon. Sila lamang at ang Diyos, at ang ibang tao ay pinag-iinitan sila. Hindi na sila maturuan. Mayroon sila ng kung tawagin ko ay inuusig na kamalayan (persecution complex). Lahat ay gusto akong pag-initan. Pinapagaan nila ang kanilang kalooban sa pag- 60

77 PAANO naisisilang ANG MGA ESPIRITUWAL NA MGA PALABOY? isip na sila lamang ay mga inuusig na banal (saint) o propeta ng Diyos. Lahat ng tao ay pinagsususpetsahan nila. Ito mismo ang nangyari kay Cain. Tingnan kung ano ang kanyang sinabi: Ako ay magiging isang takas at palaboy sa mundo, at mangyayari na sinumang makakita sa akin ay papatayin ako. -Genesis 4:14, may dagdag na diin Nagkaroon si Cain ng kamalayang inuusig (persecution complex) lahat sa pakiramdam niya ay pinag-iinitan siya! Pareho rin ngayon. Ang mga nasaktang tao ay naniniwala na pinag-iinitan sila ng lahat ng tao. Dahil sa ganitong palagay, mahirap para sa kanila na makita ang lugar na kailangang baguhin sa kanilang buhay. Inilalayo nila ang kanilang sarili at kumikilos na tila nagbibigay paanyaya sa pang-abuso. Ang taong inilalayo ang sarili ay hinahanap ang sariling pagnanasa; siya ay laban sa lahat ng matalinong paghuhusga. -Kawikaan 18:1 Hindi tayo nilikha ng Diyos upang mamuhay na hiwalay at di umaasa sa isa t isa. Nais Niya ang kanyang mga anak ay pag-ingatan at alagaan ang isa t isa. Nalulungkot Siya kapag tayo ay nagmumukmok at naaawa sa ating sarili habang isinisisi sa iba ang ating kabiguan. Gusto Niya tayong maging aktibong miyembro ng Kanyang pamilya. Nais din Niyang kunin natin ang ating buhay mula sa Kanya. Ang isang taong nag-iisa ay hinahanap ang sariling hangarin, hindi ang hangarin ng Diyos para sa kanya. Hindi siya tumatanggap ng pagpapayo at inilalagay ang kanyang sarili sa posisyong siya ay malilinlang. Hindi ko tinutukoy dito ang mga panahong tinatawag ng Diyos ang tao upang ilayo Niya ito para bigyang kasanayan at kapahingahan. Ang tinutukoy ko ay mga taong ikinulong ang kanilang mga sarili. Sila ay palaboy-laboy ng simbahan, palipat-lipat ng relasyon, at inilalayo ang sarili sa pamamagitan ng pagbuo ng sariling mundo. Iniisip nila na lahat ng hindi sang-ayon sa kanila ay mali at laban sa kanila. Pinoprotektahan nila ang sarili sa pamamagitan ng paglayo upang makapag-isa at nang sa gayon ay maramdaman na sila ay ligtas sa isang kontroladong paligid na sila mismo ang lumikha para sa kanilang mga sarili. Hindi na nila kailangang harapin ang sariling mga kapintasan. Sa halip na harapin ang isang mahirap na 61

78 Ang patibong ni Satanas sitwasyon, sinusubukan nilang takasan ang pagsubok. Ang paghubog sa kanilang pagkatao na dumarating lamang sa pamamagitan ng pagharap sa mga di-pagkakaunawaan ay naglalaho, habang muli na namang nagsisimula ang ikot ng hinanakit sa kapwa. 62

79 63

80 Ang patibong ni Satanas ANG PAGKAKAROON NG HINANAKIT AY PIPIGILAN KA NA MAKITA ANG KAHINAAN NG IYONG KARAKTER, SAPAGKAT ANG SISI AY IPINAPASA MO SA IBA. Bilang mag-asawa, sa loob ng maraming taon, ay marami kaming kinimkim na sama ng loob at kawalan ng pagpapatawad sa isa t-isa. Dumating kami sa puntong mayroon na lamang kaming kakaunting mga kaibigan. Nakaramdam ako ng kasalatan sa pagmamahal at pagiisa. Ito ay bagama t dumadalo ako sa isang napakahusay na simbahan. Hanggang sa mabasa ko ang inyong libro, Ang Patibong ni Satanas, at nagbago ang lahat. Natutuhan kong harapin ang mga hinanakit, sama ng loob at kawalan ng pagpapatawad, at sa tulong ng Diyos, ako ay napalaya! C. G., BELFAST, IRELAND 64

81 6 PAGTATAGO MULA SA REALIDAD [Sila ay] palaging nag-aaral at hindi nakararating sa pagunawa sa katotohanan. -2 Timoteo 3:7 Lagi akong natatanong ng, Kailan ako dapat umalis sa simbahan ko o sa ministry team na kinabibilangan ko? Gaano ba dapat kasama ang sitwasyon? Ang tugon ko, Sino ang nagdala sa iyo sa simbahang kasalukuyan mong dinadaluhan? Malimit ang kanilang sagot ay, Ang Diyos. Kung Diyos ang nagdala sa iyo, tugon ko, huwag kang umalis hanggang hindi ka pinakakawalan ng Diyos. Kapag tahimik ang Diyos, sinasabi Niya sa iyo, Huwag mong baguhin ang kahit na anong bagay. Huwag kang aalis. Manatili ka kung saan Kita inilagay! 65

82 Ang patibong ni Satanas Kapag inutusan ka ng Diyos na umalis, lilisan kang may kapayapaan, ano pa man ang maging kundisyon ng ministeryo. At lalabas ka nang may kagalakan, at mapangungunahan nang may kapayapaan. -Isaias 55:12 Samakatuwid, ang pag-alis mo ay hindi nakabase sa kilos o galaw ng ibang tao kundi sa pangunguna ng Espiritu. Kaya ang pag-alis sa ministeryo ay hindi batay sa kung gaano kasama ang mga bagay. Ang pag-alis na may hinanakit o kritikal na espiritu ay hindi plano ng Diyos. Ito ay reaksyon imbes na aksyon na ayon sa Kanyang paggabay. Sabi ng Romano 8:14, Ang lahat ng pinangunahan ng Espiritu ng Diyos, sila ang mga anak ng Diyos. Pansinin na hindi nito sinasabi, Ang mga umaaksyon sa mahihirap na sitwasyon, sila ang mga anak ng Diyos. Halos tuwing mababanggit ang salitang anak sa Bagong Tipan, galing ito mula sa dalawang salitang Griyego: teknon at huios. Ang magandang kahulugan ng salitang teknon ay siya na naging anak ayon sa katunayan ng kapanganakan. 1 Nang ang aking panganay na si Addison, ay ipinanganak, siya ay anak ni John Bevere base sa katunayang galing siya sa aking asawa at sa akin. Habang siya ay nasa nursery sa gitna ng lahat ng iba pang mga bagong silang na sanggol, hindi mo siya makikilala na aking anak batay sa personalidad. Nang dumalaw ang aming mga kaibigan at kamag-anak, nakilala nila ang bata sa pamamagitan ng pangalang nakasulat sa itaas ng kanyang crib. Wala siyang anumang taglay na katangian upang siya ay mamukod-tangi. Si Addison ay maituturing na teknon nina John at Lisa Bevere. Makikita nating ginamit ang salitang teknon sa Romano 8: Sinabi dito na dahil natanggap natin ang Espiritu ng pagkupkop, Ang Espiritu mismo ang magpapatotoo kasama ang ating espiritu na tayo ay mga anak [teknon] ng Diyos. Sa sandaling tanggapin ng isang tao si Hesucristo bilang Panginoon, siya ay nagiging anak na ng Diyos, base sa katunayan ng karanasan ng muling pagsilang. ( Juan 1:12) Ang iba pang salin ng salitang anak sa Griyego sa Bagong Tipan ay huios. Sa maraming pagkakataon, ito ay ginamit sa Bagong Tipan upang 66

83 PAGTATAGO MULA SA REALIDAD ilarawan ang isang tao na nakikilala bilang anak, dahil siya ay nagpapakita ng katangian o mga katangian ng kanyang mga magulang. Habang lumalaki ang aking anak na si Addison, nagsisimula na siyang kumilos at maging kamukha ng kanyang ama. Nang siya ay anim na taong gulang, dinala namin siya sa aming magulang. Sinabi ng nanay ko sa aking asawa na si Addison ay kamukhang-kamukha ko. Ang kanyang personalidad ay gaya ng sa akin nang ako ay ka-edad niya. Sa kanyang paglaki, mas lalo ko siyang naging kamukha. Siya ngayon ay nakikilala bilang anak ni John Bevere, di lamang ayon sa kanyang kapanganakan kundi dahil din sa mga katangian at personalidad na katulad ng kanyang ama. Kaya sa madaling salita, ang ibig sabihin ng salitang Griyego na teknon ay mga sanggol o mga batang anak, at ang salitang Griyego na huios ay malimit gamitin upang ilarawan ang mga anak na nasa hustong isip. Balikan natin ang Romano 8:14 at ating mababasa na, ang lahat ng pinangungunahan ng Espiritu ng Diyos, sila ang mga anak [huios] ng Diyos. Malinaw nating makikita na ang mga nasa hustong gulang o hinog (mature) na mga anak ang pinangungunahan ng Espiritu ng Diyos. Ang mga batang-isip pa sa pananampalataya ay di tiyak na susunod sa pangunguna ng Banal na Espiritu. Malimit kasi, sila ay tumutugon sa mga sitwasyon gamit ang kanilang emosyon o pag-iisip sa mga pangyayaring kanilang kinakaharap. Hindi pa nila natututunan na kumilos lamang ayon sa pangunguna ng Espiritu ng Diyos. Habang lumalaki si Addison, lumalago rin ang kanyang karakter. Habang dumarating siya sa hustong pag-iisip, mas lumalaki pa ang mga responsibilidad na ipinagkakatiwala ko sa kanya. Mali para sa kanya ang manatiling batang-isip. Hindi kalooban ng Diyos na manatili tayong mga sanggol. Isang paraan upang lumago ang karakter ng aking anak na si Addison ay ang pagharap sa mga mahihirap na sitwasyon. Nang magsimula na siyang pumasok sa paaralan ay nakatagpo siya ng ilang mga batang nananakot (bullies). Nabalitaan ko ang ilang mga bagay na ginagawa at sinasabi ng mga pasaway na mga batang ito sa aking anak, at gusto ko silang puntahan upang harapin. Gayunpaman, alam kong mali ito. Ang pakikialam ko ay makahahadlang sa paglago ni Addison. 67

84 Ang patibong ni Satanas Kaya sa bahay ay patuloy namin siyang pinapayuhan ng aking asawa, inihahanda namin siya na harapin ang pag-uusig sa paaralan. Lumago siya sa karakter sa pamamagitan ng pagsunod sa aming mga payo sa gitna ng kanyang pagdurusa. Ito ay katulad ng ginagawa ng Diyos sa atin. Sabi ng Bibliya, Kahit na siya y [Hesus] anak [huios] ng Diyos, natutunan niya ang pagsunod sa pamamagitan ng mga bagay na kanyang pinagdusahan. (Hebreo 5:8, may dagdag na diin) Ang pisikal na paglaki ay bunga ng panahon. Walang dalawang taong gulang na bata ang may taas na anim na talampakan (6 feet). Ang paglago sa pag-iisip ay bunga ng mga natutunan. Ang espirituwal na paglago ay hindi bunga ng panahon o natutunan; ito ay bunga ng pagsunod. Tingnan ang sinabi ni Pedro: Yamang si Cristo ay nagdusa para sa atin sa kanyang katawan, armasan ninyo din ang sarili ng kaparehong pag-iisip, dahil siyang nagdusa sa laman ay tumalikod na sa kasalanan. -1Pedro 4:1, may dagdag na diin Ang taong huminto na sa paggawa ng kasalanan ay isa nang perpekto at masunuring anak ng Diyos. Siya ay hinog na. Pinipili niya ang paraan ng Diyos, hindi ang kanyang sariling pamamaraan. Tulad ni Hesus na natuto ng pagsunod sa pamamagitan ng mga bagay na pinagdusahan Niya, matututo rin tayong sumunod sa pamamagitan ng mahihirap na kalagayan na ating hinaharap. Kapag tayo ay sumusunod sa Salita ng Diyos na sinasabi sa atin ng Banal na Espiritu, tayo ay lalago at mahihinog sa gitna ng mga kaguluhan at paghihirap. Pagsunod at hindi kaalaman lamang sa Salita ng Diyos ang susi. Ngayon, nauunawaan na natin ang dahilan kung bakit mayroon tayong mga tao sa simbahan na naging Kristiyano sa loob ng dalawampung taon, na kayang magbanggit ng mga talata at kabanata sa Bibliya, na nakarinig ng isang libong mga sermon at nakabasa na ng maraming libro, ngunit naka-espirituwal na lampin pa rin. Sa tuwing makatatagpo sila ng mahirap na sitwasyon, sa halip na tumugon sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, pinu-protektahan nila ang kanilang mga sarili sa kanilang sariling pamamaraan. Sila ay laging nag-aaral ngunit hindi nakararating sa kaalaman ng katotohanan. (2Tim 3:7) Hindi sila dumarating sa kaalaman ng katotohanan dahil hindi nila ito isinasabuhay. 68

85 PAGTATAGO MULA SA REALIDAD Ang katotohanang ito ay dapat na hayaang pumasok sa ating mga puso upang tayo ay lumago at matuto. Hindi sapat na bigyan lamang natin ito ng puwang sa ating isipan nang hindi naman ito sinusunod. Kahit na tayo ay patuloy na nag-aaral, hindi tayo matututo dahil sa ating pagsuway. PAGLILIGTAS SA SARILI Isang madalas na dahilan sa pagliligtas ng sarili sa pamamagitan ng pagsuway ay ang sama ng loob. Tila ba kapag patuloy kang nagkikimkim ng sama ng loob ay naiingatan mo ang iyong sarili. Sa totoo lang, napipigilan ka nito upang makita mo rin ang iyong sariling kasalanan dahil ang tanging nakikita mo lamang ay ang pagkakasala ng nakasakit sa iyo. Dahil dito, ang ginagawa ng Diyos na paunlarin at isulong ang iyong pagkatao sa pamamagitan ng oposisyon ay nababale-wala. Iniiwasan ng isang taong natisod ang pinagmulan ng sakit ng damdamin; tinatakasan niya ito kaya siya ay nagiging espirituwal na palaboy. Kamakailan, may isang babaeng nagkuwento sa akin tungkol sa kanyang kaibigang umalis sa isang simbahan upang lumipat sa ibang simbahan. Inimbitahan niya sa isang hapunan ang bagong pastor. Sa kanilang paguusap ay tinanong siya ng pastor kung bakit siya umalis sa una niyang simbahan. Sinabi ng babae sa kanya lahat ng mga problema sa pamumuno sa dati niyang simbahan. Nakinig ang pastor at pinagaan ang kanyang kalooban. Mula sa karanasan, alam ko na mas mainam sana para sa pastor kung pinalakas niya ang loob ng babae sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Ginamit sana niya ito upang hamunin ang babae na harapin ang kanyang sugat at kritikal na isipan. Hangga t maaari, dapat sana niyang iminungkahi na bumalik ang babae sa kanyang dating simbahan hanggang siya ay pakawalan ng Diyos nang may kapayapaan. Kapag ikaw ay pinakawalan na ng Diyos nang may kapayapaan, wala kang magiging responsibilidad na ipaliwanag sa iba ang iyong pag-alis. Wala na sa iyo ang bigat na maghusga o kritikal na ilantad ang mga problema sa simbahang iyong pinanggalingan. Batid kong ilang panahon lang ang lilipas, pakikitunguhan din niya ang bagong pastor at ang pamumuno nito tulad ng ginawa niya sa iniwang simbahan. Kapag nag-iiwan tayo ng hinanakit sa ating mga puso, lahat ng bagay ay sinasala at sinusuri natin sa pamamagitan nito. 69

86 Ang patibong ni Satanas May isang lumang kuwento na angkop sa ganitong sitwasyon. Noong araw, nang ang mga tao ay tumutulak pakanluran upang doon manirahan, may isang matandang pantas na nakatayo sa may burol sa labas ng bagong bayan sa Kanluran. Sa pagpasok ng mga tao mula sa Silangan, ang matandang lalaki ang kanilang unang makakaharap bago dumating sa pook na tirahan. Sila ay buong kasabikang magtatanong kung anong uri ng tao ang mayroon sa bayan. Sumagot siya sa pamamagitan ng isang tanong din: Ano ba ang uri ng mga tao sa bayang iniwan ninyo? Sumagot ang ilan, Ang bayan na pinanggalingan namin ay masama. Ang mga tao ay tsismoso t tsismosa na nananamantala ng mga inosenteng tao. Puno ito ng mga magnanakaw at mga sinungaling. Sumagot ang pantas, Ang bayang ito ay tulad din ng bayang iniwan ninyo. Nagpasalamat sila sa pantas dahil iniligtas sila nito sa problemang nilayasan nila. Sila ay tumulak pa sa malayong bahagi ng kanluran. Isang pang pangkat ng mga tao ang dumating at nagtanong muli: Ano ng masasabi ninyo sa bayang ito? Muling nagtanong ang pantas: Ano ba ang uri ng bayang pinaggalingan ninyo? Sumagot sila, Doon ay kahanga-hanga! Mayroon kaming mga kaibigan. Lahat ay iniisip ang kapakanan ng bawat isa. Walang anumang kakapusan dahil lahat ay nag-aalala para sa isa t-isa. Kung ang isa ay may malaking proyekto, ang buong komunidad ay magtitipon upang tumulong. Mahirap nga ang desisyon na umalis, ngunit nadama naming kailangang ihanda ang kinabukasan ng bagong henerasyon sa pagtulak pakanluran bilang tagapanguna. Sumagot ang pantas gaya ng sinabi nito sa naunang grupo: Ang bayang ito ay gaya rin ng bayang pinanggalingan ninyo. Tumugon ang mga tao nang buong kagalakan, Manirahan na tayo dito! 70

87 71 PAGTATAGO MULA SA REALIDAD Kung paano nila tinatanaw ang kanilang nagdaang relasyon, ito rin ang kanilang pananaw sa hinaharap na relasyon. Ang paraan mo ng pag-alis sa isang simbahan o isang relasyon ay paraan mo rin ng pagpasok sa susunod mong simbahan o relasyon. Sabi ni Hesus sa Juan 20:23, Kung pinatawad mo ang anumang kasalanan, ito ay pinatawad na; kung di mo pinatawad ang anumang kasalanan, ito ay mananatili. Inaalagaan natin ang mga kasalanan ng ibang tao kapag nagkikimkim tayo ng hinanakit at nag-aalaga ng galit. Kapag umalis tayo sa isang simbahan o isang relasyon na may galit at kapaitan, papasok tayo sa susunod na simbahan o relasyon sa ganoon ding kalagayan. Dahil dito, magiging madaling umalis sa ating susunod na relasyon kapag nagkaroon na ng problema. Hindi lamang kasi ang sakit na nangyari sa bagong relasyon ang ating hinaharap kundi pati na ang sakit mula sa dati nating relasyon na hindi pa naghilom. Sinasabi ng istatistika na 60 hanggang 65 porsiyento ng mga naghiwalay na mag-asawa, matapos muling magpakasal sa iba, ay nakikipaghiwalay muli. Ang paraan ng pag-alis ng isang tao sa kanyang unang relasyon ay magtatakda ng daan tungo sa kanyang susunod na relasyon. Ang kawalan ng pagpapatawad sa kanilang unang kabiyak ang siyang hahadlang upang magtagumpay ang susunod nilang relasyon. Sa paninisi sa iba, binubulag nila ang kanilang sarili tungkol sa kanilang naging papel sa pagkawasak ng relasyon at maging sa kanilang mga pagkakamali. Upang lumubha pa ang sitwasyon, mayroon na sila ngayong dagdag na takot na masaktan. Ang prinsipyong ito ay di lamang patungkol sa kasal o sa diborsyo. Totoo ito sa lahat ng uri ng relasyon. May isang lalaki na nagtrabaho dati sa isang ministeryo na dumating upang magtrabaho sa aming ministry team. Siya ay nasaktan ng kanyang dating pinuno. Lumipas na ang panahon at nadama ko mula sa Panginoon na dapat ko siyang anyayahan na sumama at magtrabaho sa amin. Naniniwala ako na siya ay nasa proseso na ng pagtatagumpay sa kanyang hinanakit. Tumawag ako sa dati niyang pinuno at ibinahagi ko ang aking plano na isama siya sa staff namin. Sinang-ayunan niya ang aking plano. Naisip din kasi niya na mabuti ito dahil alam niyang nagmamalasakit ako sa kanilang dalawa. Naniniwala siya na ang paghilom ng sugat ay makukumpleto kung ang lalaking ito ay magtratrabaho kasama namin. Sinabi ko sa kanilang

88 Ang patibong ni Satanas dalawa na ang panalangin ko ay manumbalik at maghilom ang kanilang relasyon. Nang umanib na sa aming ministry team ang lalaking iyon, nagkaroon kaagad ng problema. Hinaharap ko ang bawat usapin upang makita ko lamang ang isang panandaliang ginhawa. Tila hindi siya makalaya sa mga nakalipas na pangyayari sa kanyang buhay. Bumabalik-balik ito upang multuhin siya. Dumating ang puntong pinagbintangan niya akong ginagawa rin ang nagawa sa kanya ng dati niyang pinuno. Ako ay nabagabag dahil mas mahalaga sa akin ang kapakanan ng lalaking ito kaysa sa maaari niyang magawa para akin bilang isang empleyado. Nagbigay ako ng kaluwagan sa kanya na hindi ko karaniwang ginagawa sa ibang empleyado sapagkat nais kong makita siyang maghilom. Pagkaraan lamang ng dalawang buwan, siya ay nag-resign. Pakiramdam niya ay naipit siya sa isang sitwasyong tulad ng dati. Umalis siyang nagsabing, John, hindi na ako magtatrabahong muli sa isang ministeryo. Sa kanyang pag-alis, ibinigay ko sa kanya ang aking pagpapala. Minahal namin siya ng aking asawa. Ang malungkot na katotohanan ay mayroon siyang malakas na panawagan sa kanyang buhay upang maglingkod. Bagama t hindi naman ang ibig sabihin nito ay hindi na siya magtatagumpay sa iba pang trabaho. Ako ay lubhang nabalisa nang siya ay umalis, kaya ako ay sumangguni sa Diyos. Bakit siya mabilis na umalis gayung pareho naming ramdam na tama na nandito siya? Makaraan ang ilang lingo, ginamit ng Panginoon ang isang matalinong pastor na kaibigan ko upang sagutin ang aking katanungan. Sinabi niya, Sa maraming pagkakataon ay pinababayaan ng Diyos ang mga tao na tumakas mula sa sitwasiyon na gusto sana Niyang harapin nila, kung naitalaga na nila sa kanilang puso na takasan ang mga ito. At ikinuwento niya ang istorya ni Elias, na tumakbo mula kay Jezebel (1Hari 18-19) Katatapos lamang na patayin ni Elias ang mga masasamang propeta ni Baal at Asherah. Sila ang mga taong humimok sa buong bayan upang sumamba sa diyos-diyosan. Nakisalo rin sila sa hapag ni Jezebel. Nang malaman ni Jezebel ang nangyari ay nagbanta siya na papatayin si Elias sa loob ng dalawampu t apat na oras. 72

89 73 PAGTATAGO MULA SA REALIDAD Gusto ng Diyos na harapin ni Elias si Jezebel ngunit tinatakasan niya ito. Lubha siyang pinanghinaan ng loob kaya nanalangin siya na siya ay mamatay na. Wala siya sa tamang kundisyon upang tuparin ang iniatas sa kanyang gawain. Nagpadala ng isang anghel ang Diyos upang pakainin siya ng dalawang tinapay at hinayaan siya na tumakbo sa loob ng apatnapung araw at gabi sa Bundok Horeb. Nang siya ay dumating, ang unang itinanong sa kanya ng Diyos ay, Ano ng ginagawa mo dito, Elias? Nakapagtataka ang tanong na ito. Binigyan siya ng Panginoon ng pagkain para sa kanyang paglalakbay, at pinayagang umalis, para lamang tanungin siya nang siya ay dumating, Ano ng ginagawa mo dito? Alam ng Diyos na nakatuon na talaga siya sa pagtakas mula sa mahirap na sitwasyon. Hinayaan ito ng Diyos, kahit na halata sa Kanyang tanong na hindi ito ang orihinal Niyang plano. Sinabi niya kay Elias, Bumalik ka sa iyong dinaanan sa ilang patungong Damasco; pagdating mo, pahiran mo ng langis.. si Jehu na anak ni Nimshi bilang hari ng Israel. At si Eliseo na anak ni Safat na taga-abel-mehola ay iyong papahiran din ng langis bilang propeta na papalit sa iyo. (1 Hari 19:15-16). Sa ilalim ng ministeryo nina Eliseo at Jehu ay mawawasak ang masamang reyna at ang kanyang mga gawain (2 Hari 9:10). Ang itinalagang gawain ay hindi natapos ni Elias kundi ng mga taong iniutos ng Diyos na pahiran niya ng langis upang humalili sa kanya. Sinabi ng pastor sa akin, Kung nakatuon sa ating puso na hindi humarap sa mahihirap na mga sitwasyon, palalayain tayo ng Diyos kahit na hindi ito ang Kanyang perpektong kalooban. Nang lumaon ay naalala ko ang isang insidente sa Bilang 22 na naglalarawan ng magkatulad na punto. Nais ni Balaam na sumpain ang Israel dahil may malaking gantimpalang nakalaan para sa kanya. Nagtanong siya sa Panginoon sa unang pagkakataon kung aalis ba siya, at ipinakita ng Diyos sa kanya na ang Kanyang kalooban ay hindi umalis si Balaam. Nang dumating ang mga prinsipe ng Moab na may dalang mas maraming pera at parangal, pumunta muli si Balaam sa Diyos. Nakakatawang isipin na magbabago ng isip ang Diyos ngayon dahil sa mas marami ng pera at may parangal pa para kay Balaam. Ngunit sa pagkakataong ito ay sinabihan siya ng Diyos na sumama sa kanila.

90 Ang patibong ni Satanas Bakit nagbago ng isip ang Diyos? Ang sagot ay hindi nagbago ng isip ang Diyos. Si Balaam ay sobrang nakatuon na sumama sa kanila kaya pinabayaan siya ng Diyos na sumama sa kanila. Ito ang dahilan kaya napukaw ang galit ng Diyos laban kay Balaam nang umalis ito. Maaari nating kulitin ang Diyos tungkol sa isang bagay, kung saan ay naipakita na Niya ang Kanyang kalooban; at kapag nagpumilit tayo, pababayaan na Niya tayong gawin ang gusto natin kahit na ito ay labas sa orihinal niyang plano kahit na hindi ito makabubuti sa atin. Malimit na ang plano ng Diyos ang nagtutulak sa atin na harapin ang mga kasakitan at mga ugali na ayaw nating harapin. Subalit tinatakasan natin mismo ang bagay na magbibigay sana ng lakas sa ating buhay. Ang pagtanggi natin na harapin ang isang hinanakit ay hindi makapagpapalaya sa atin mula sa problema. Bibigyan lamang tayo nito ng pansamantalang ginhawa. Mananatili kasing hindi nagagalaw ang sugat at ugat ng problema. Ang aking karanasan sa lalaking kinuha ko upang maging empleyado ang nagturo rin sa akin ng isang mahalagang aral patungkol sa hinanakit at relasyon. Imposible na makapagbuo ng malusog na relasyon sa isang taong umalis na may kimkim na hinanakit. Dapat magkaroon ng ganap na paghilom ang nasugatang puso. Bagamat lagi niyang sinasabing napatawad na niya ang kanyang dating pinuno, hindi niya malimutan ang mga nangyari sa pagitan nila. Kinakalimutan ng pag-ibig ang mga kamalian upang magkaroon ng pag-asa sa hinaharap. Kung talagang napagtagumpayan na natin ang isang hinanakit, tayo ay magpupursige na makipag-ayos upang magkaroon ng kapayapaan. Hindi man agad-agad, sa ating puso ay dapat mag-abang tayo ng tamang panahon at pagkakataon upang makipag-ayos. Isang matalinong kaibigan ang nagsabi, May isang lumang kasabihan na nagsasabing, Oras na ang isang aso ay mabanlian ng kumukulong tubig, katatakutan na niya kahit malamig na tubig. Ilan sa atin ngayon ang takot sa malamig na tubig na makapagbibigay ng ginhawa dahil lamang sa minsan na silang napaso ng mainit na tubig at hindi makapagpatawad? Ibig ni Hesus na pagalingin ang ating mga sugat. Ngunit malimit ay hindi natin siya hinahayaan na gamutin ang mga ito dahil hindi ito ang pinakamadaling daan. Ang daan ng pagpapakumbaba at pag-tikis sa sarili ang magdadala sa atin sa kagalingan at espirituwal na paglago. Ito 74

91 PAGTATAGO MULA SA REALIDAD ang desisyon na dapat gawing mas mahalaga ang kapakanan ng iba kaysa sa iyong sarili, kahit na ang taong iyon ay nagbigay sa iyo ng matinding dalamhati. Hindi maaaring maglakbay sa daang ito ang pride o pagmamataas. Ito ay para lamang doon sa mga nagnanais ng kapayapaan, kahit na may panganib na matanggihan. Ito ang daan na papunta sa pagkapahiya at kababaangloob. Ito ang daan na patungo sa buhay. 75

92 Ang patibong ni Satanas ANG ATING NATUTUTUNAN SA PRESENSIYA NG DIYOS AY HINDI MATUTUTUNAN SA PRESENSIYA NG TAO. Sa pagbabasa ko ng Ang Patibong ni Satanas, ang aking pananaw sa Salita ng Diyos ay nabago magmula noon. Nagdaan ako sa isang bagay na napakasakit, at kung hindi sa mensahe ng librong ito, malamang na ako ay nahulog sa bitag sa habang panahon. -F.N. MALAYSIA 76

93 7 ANG TUNAY NA PUNDASYON O SALIGANg BATO Samakatuwid sinabi ng Panginoong Diyos: Masdan ninyo, inilagay ko sa Sion ang bato para sa pundasyon, isang batong subok, isang mahalagang batong panulukan, isang siguradong batong saligan; sinumang manampalataya ay hindi kikilos nang padalos-dalos. Isaias 28:16 A ng sinumang manampalataya ay hindi kikilos nang padalus-dalos. Ang taong kumikilos nang padalus-dalos ay hindi matatag sapagkat ang mga kilos niya ay hindi naaayon sa wastong pundasyon o batong-saligan.madali siyang mayanig at madala ng mga bagyo ng paguusig at pagsubok. Halimbawa, tingnan natin ang nangyari kay Simon Pedro. 77

94 Ang patibong ni Satanas Nakarating na si Hesus sa rehiyon ng Caesarea sa Filipos at tinanong Niya sa kanyang mga alagad, Ano ang opinyon ng mga tao kapag sinasabi Ko na Ako ang Anak ng tao? (Mateo 16:13). Sinabi ng ilan sa mga alagad na may buong kasigasigan ang mga opinyon ng madla tungkol sa kung sino ba talaga si Hesus. Naghintay si Hesus hanggang matapos sila, pagkatapos, tumingin Siya sa kanila at tuwiran silang tinanong, Ngunit ano ang pagkakila ninyo sa Akin? (talata 15) Tiyak kong bakas sa mga mukha ng mga alagad na sila ay naguguluhan at natatakot habang pinag-iisipan nila ito, nakabuka ang kanilang mga bibig ngunit hindi sila makapagsalita. Biglang nanahimik ang mga kalalakihan na nais magsalita at ihayag ang kanilang opinyon. Marahil, hindi pa nila naitanong o napag-isipan ang katanungang ito sa kanilang sarili. Anuman ang kaganapan, napagtanto nila na wala silang maisagot. Ginawa ni Hesus ang bagay kung saan Siya magaling. Natukoy Niya ang kalagayan ng kanilang puso sa pamamagitan ng pagtatanong. Dinala Niya sila sa realisasyon at pagkakabatid ng mga bagay na nalalaman nila at maging ang mga hindi nila nalalaman. Nabubuhay sila sa mga ispekulasyon o haka-haka ng iba, kaysa patunayan sa kanilang sariling mga puso kung sino ba talaga si Hesus. Hindi pa nila kinumpronta at siniyasat ang kanilang sarili. Si Simon, na siyang pinangalanang Pedro ni Hesus, ang tanging nakasagot sa mga alagad. Ibinulalas niya, Ikaw ang Cristo, ang Anak ng buhay na Diyos. (Mateo 16:16) Sinagot siya ni Hesus sa pamamagitan ng pagsasabing, Pinagpala ka Simon na Anak ni Jonah, sapagkat hindi ipinahayag sa iyo ayon sa laman at dugo ang bagay na ito kundi ng Aking Amang nasa langit. (talata 17) Ipinaliwanag ni Hesus kay Simon Pedro ang pinagmulan ng rebelasyon. Hindi natanggap ni Simon Pedro ang karunungang ito sa pakikinig sa mga opinyon ng iba o sa mga naituro na sa kanya. Inihayag ito ng Diyos sa kanya. Si Simon Pedro ay nauuhaw sa mga bagay na mula sa Diyos. Siya palagi ang nagtatanong ng pinakamaraming katanungan. Siya ang lumakad sa tubig, habang nanonood lamang ang labing-isa. Siya ang uri ng taong hindi 78

95 ANG TUNAY NA PUNDASYON O saligang bato kuntento sa opinyon ng iba! Nais niyang direktang makarinig mula sa bibig ng Diyos. Ang kapahayagang ito tungkol kay Hesus na naihayag sa kanya ay hindi naihayag sa pamamagitan ng kanyang panamdam (senses). Ito ay isang kaloob, na nagliwanag sa kanyang puso bilang tugon sa kanyang labis na kauhawan sa Diyos. Maraming nakakita at nakasaksi sa mga nakita at nasaksihan ni Simon Pedro, ngunit ang puso nila ay walang pananabik at kauhawan upang malaman ang kalooban ng Diyos. Hindi sila katulad ni Pedro. Ayon sa 1 Juan 2:27, Ngunit ang pagkakahirang na inyong tinanggap mula sa Kanya ay nanatili sa inyo, at hindi ninyo kailangan ng kahit na sinong magturo sa inyo; ngunit ang parehong pagkakahirang ay nagtuturo sa inyo ng lahat ng bagay, at ito ay pawang katotohan at hindi kasinungalingan, at tulad ng pagkakaturo sa inyo. Ang hipo ng Banal na Espiritu ay may itinuturo kay Simon Pedro. Narinig niya ang sinasabi ng mga tao, at pagkatapos ay sinaliksik niya sa kanyang kalooban ang ipinahayag ng Diyos. Sa sandaling makatanggap ka ng kapahayagang mula sa Diyos, wala nang sinumang makatitinag sa iyo. Kapag nagpahayag ang Diyos sa iyo ng isang bagay, wala nang kabuluhan kung ano pa man ang sasabihin ng mga taga-sanlibutan. Hindi na nila mababago pa ang iyong puso. Nagwika si Hesus kay Simon Pedro at pati na rin sa ibang mga alagad, Sa batong ito [ng karunungang ipinahayag ng Diyos] Ako ay magtatayo ng aking iglesya, at ang tarangkahan ng [impyerno] ay hindi magtatagumpay dito. (Mateo 16:18) Kaya maliwanag nating nakikita na mayroong batong saligan o pundasyon sa ipinahayag na Salita ng Diyos; sa kaganapang ito, napagtanto ni Pedro na si Hesus ang Anak ng Diyos. ANG PINALINAW NA SALITA Madalas sinasabihan ko ang mga kongregasyon at ang mga tao na kapag nangangaral ako, kailangan nilang pakinggan ang tinig ng Diyos sa loob ng tinig ko. Madalas, abalang-abala tayo sa pagsulat ng mahahalagang bahagi ng mensahe na ating narinig, subalit ang naisusulat lamang natin ay iyong mga nabanggit ng tagapagsalita. Nagdudulot ito ng pang-unawa sa banal 79

96 Ang patibong ni Satanas na Kasulatan at mga interpretasyon nito na pangkaisipan karunungang pangkaisipan (head knowledge). Kapag tanging karunungang pangkaisipan ang tinataglay natin, dalawang bagay ang maaaring maganap: (1) mabilis tayong maging emosyonal, o kaya, (2) tayo ay nasasaklawan ng ating sariling katalinuhan. Ngunit ito ay hindi tiyak na pundasyon o saligan kung saan itinayo ni Hesus ang Kanyang iglesya. Sinabi Niyang dapat na nakasandig ito sa ipinahayag na Salita, hindi lamang sa mga talatang isinaulo. Sa tuwing nakikinig tayo sa isang ministrong kinasihan ng Diyos o habang nagbabasa tayo ng isang aklat, dapat nating hanapin ang mga salita o pariralang pinag-aalab sa ating mga espiritu. Ito ang Salita na ipinapahayag ng Diyos sa atin. Naghahatid ito ng liwanag at espirituwal na pang-unawa. Tulad ng sinabi ng mang-aawit o salmista, Ang pagpasok ng Iyong salita ay nagbibigay ng liwanag; ito ay nagbibigay ng kaunawaan sa mga payak. (Mga Awit 119:130) Ang pagpasok ng Kanyang Salita sa ating mga puso, hindi lamang sa ating mga isipan, ang nagbibigay liwanag at kapaliwanagan. Kadalasan, ang isang mangangaral ay maaaring nagsasalita tungkol sa isang paksa, subalit ang Diyos ay nagbibigay liwanag sa ibang bagay sa aking puso. O kaya naman ay maaaring kinakasihan ng Diyos ang mga eksaktong salita ng ministrong iyon, at pinag-aalab ang mga salitang iyon sa aking kalooban. Sa alinmang paraan, ito ang ipinahahayag na Salita ng Diyos sa akin. Ito ang nagpapabago sa akin mula sa pagiging simple o payak (walang nalalaman) tungo sa pagiging ganap (puno ng kaunawaan). Ang pinagliwanag na Salita ng Diyos sa ating mga puso ay ang pundasyon o saligang sinabi ni Hesus kung saan ang Kanyang iglesya ay itatayo. Inihalintulad ni Hesus ang ipinahayag na Salita ng Diyos sa isang matigas at malaking bato (rock). Ang bato ay isang simbolo ng katatagan at lakas. Maaalala natin ang talinghaga ng dalawang bahay, kung saan ang isa ay itinayo sa bato at ang isa naman ay sa buhanginan. Nang ang pagsubok tulad ng pag-uusig, kahirapan, at pagdurusa ay dumating laban sa dalawang bahay, ang itinayo sa buhanginan ay nawasak, samantalang ang itinayo sa bato ay nanatiling nakatayo. May mga bagay na kailangan nating marinig mula sa Diyos na hindi matatagpuan sa Bibliya. Halimbawa, sino ang pakakasalan ko? Saan ako magtatrabaho? Saang iglesya ako aanib? Kailangan nating taglayin ang 80

97 ANG TUNAY NA PUNDASYON O saligang bato kapahayagan ng Diyos para sa mga desisyong ito. Kapag wala ito, ang mga desisyon natin ay hindi magiging matatag. Anumang ipahayag ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu ay hindi na maaagaw sa atin. Ito ang dapat na maging pundasyon ng lahat ng ating iisipin at gagawin. Kapag wala ito, madaling sasama ang loob natin dahil sa mga pagsubok at paghihirap na dumarating. Alalahanin nating muli kung ano ang sinabi ni Hesus tungkol sa Salita na ating narinig at tinanggap nang buong kasiyahan subalit hindi naman nagka-ugat sa ating mga puso. Ito ay tinanggap lamang nang may kasiyahan sa isip at emosyon. Ang sinuman, kapag narinig nila ang salita, kaagad nila itong tinanggap nang may kagalakan; at hindi nag-ugat sa kanilang sarili, at maaring nanatili ngunit panandalian lamang: pagkatapos, kapag dumating ang paghihirap at pag-uusig alangalang sa salita, kaagad silang nagkakaroon ng sama ng loob. - Marcos 4:16-17, may dagdag na diin Maaari nating pagpalitin ang mga salitang ugat at pundasyon o saligan dahil pareho silang nagpapahiwatig ng pampatatag at pinanggagalingan ng lakas para sa isang halaman o istruktura. Ang isang taong hindi matatag o hindi nakasandig sa ipinahayag na Salita ng Diyos ay pangunahing kandidato upang mabuwag ng daluyong ng mga kasalanan. Ilan sa atin ang katulad ng mga alagad na kinumpronta ni Hesus? Nabubuhay sila sa mga bagay na narinig nilang sinabi ng iba o ipinangaral ng iba. Ang mga opinyon at pangungusap na sinabi ng iba ay itinuturing nilang katotohanan nang hindi man lamang sumasangguni sa payo o pagpapatunay ng Espiritu. Nabubuhay lamang tayo upang iproklama ang ipinahayag sa atin ng Diyos. Dito itinitindig ni Hesus ang Kanyang iglesya. Dati, nagkaroon ako ng isang dalagang sekretarya na masayang nakikipag-date sa isang lalaking naglilingkod din sa simbahan. Napapalapit sila sa isa t isa sa sa bawat araw. Alam ng lahat na mauuwi sa kasalan ang kanilang relasyon at seryoso na nilang pinag-uusapan ito. Isang Linggo ng gabi, tinawag sila ng senior pastor at sinabihang, Ganito ang sinabi ng Panginoon, kayong dalawa ay magpapakasal. 81

98 Ang patibong ni Satanas Kinaumagahan, pumasok sa opisina ko ang aking sekretarya na tila nasa ulap. Siya ay masayang-masaya. Tinanong niya ako kung pwedeng ako ang magkasal sa kanila at sinabi kong isang malaking karangalan ito para sa akin. Nagtakda ako ng oras upang makausap ko sila at mapagpayuhan tungkol sa kanilang pagpapakasal. Ngunit, sa kadahilanang hindi ko maunawaan, hindi ako mapalagay. Nang dumating sila sa aking opisina, nabagabag ang aking espiritu. Tiningnan ko ang aking sekretarya at tinanong ko siya kung batid ba niyang ang lalaking ito ang siyang pinili ng Diyos para sa kanya. Sumagot siya ng isang masigla at nakatitiyak na oo. Pagkatapos, tumingin ako sa lalaki at tinanong ko siya, Naniniwala ka ba na kalooban ng Diyos para sa iyo na makasal sa babaeng ito? Tumingin siya sa akin na bahagyang nakabuka ang kanyang bibig nang ilang sandali at pagkatapos, napayuko siya at napailing na tila ba sinasabing, Hindi, hindi ako nakatitiyak. Tiningnan ko silang dalawa, at kinausap ko ang lalaki, Hindi ko kayo maikakasal. Wala akong pakialam kung sino ang nagpropesiya sa inyo o kung ano ang kanyang sinabi. Wala akong pakialam kung ilan ang nagsabing, Kayong dalawa ay bagay bilang mag-asawa. Kung hindi ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang kalooban sa inyong puso, hindi kayo maaaring magpakasal. Kapag nagpakasal kayo nang hindi ipinahahayag ng Diyos sa inyo ang Kanyang perpektong kalooban, pagpapatuloy ko. at dumating ang bagyo ng mga pagsubok - at tiyak na darating nga ang mga ito, magkakaroon ka ng mga katanungan: Ano kaya kung ibang babae ang pinakasalan ko? Magkakaroon din kaya ako ng mga suliraning ganito? Dapat tiniyak ko muna kung ito ang perpektong kalooban ng Diyos para sa akin. Pakiramdam ko, nabitag ako. Kung magkagayon, ang puso mo ay mapapagal, at hindi mo mapaglalabanan ang mga kahirapang susubok sa inyong pagsasama. Magdadalawang-isip ka at magiging mabuway ang inyong pagsasama. Nagpaalam na ako sa kanila at sinabi kong wala ng dahilan upang magusap pa kami. Gumaan ang loob ng lalaki. Lubha namang nabalisa ang babae. Nang sumunod na lingo, hindi kami naging kumportable sa aming 82

99 ANG TUNAY NA PUNDASYON O saligang bato opisina. Ngunit batid kong nasabi ko ang katotohanan. Ito ay panahon ng pagsubok para sa aking sekretarya. Kung tunay ngang nangusap sa kanya ang Diyos na ang lalaking iyon ang maging asawa niya, dapat siyang magtiwala sa Panginoon na ipahahayag ito sa lalaking iyon at mananatili siyang malaya sa sama ng loob sa akin at sa Diyos. Sinabihan ko siya na umiwas sa lalaki at bigyan niya ng puwang upang marinig nga ng lalaking iyon ang kalooban ng Diyos. Gayun nga ang ginawa niya. Lumipas ang tatlong linggo at humiling sila ng isa pang pagkakataon upang mapayuhan ko sila. Agad akong nakadama ng kagalakan. Nang pumasok sila sa aking opisina, napansin ko ang ningning sa mga mata ng lalaki, at sinabi niyang, Tiyak ko na nang walang halong pag-aalinlangan na ang babaeng ito ang ipinagkaloob sa akin ng Diyos upang pakasalan! Ikinasal sila makalipas ang pitong buwan. Kapag natitiyak mo na ang Diyos ang Siyang naglagay sa iyo sa isang relasyon o sa isang iglesya, mahihirapan ang kaaway na paalisin ka. Nakasandig ka sa ipinahayag na Salita ng Diyos, kaya mapaglalabanan mo ang anumang darating na gusot, kahit tila imposible. WALANG IBANG PAGPIPILIAN Ang unang limang taon ng pagsasama naming mag-asawa ay napakahirap. Nasaktan namin ang damdamin ng isa t-isa nang labis-labis, kaya tila imposible nang masagip pa ang dati naming magiliw na relasyon. Iisang bagay lamang ang nagpanatili sa aming pagsasama. Kapwa namin natitiyak na ang Diyos ang nagtakda at nagpasya ng aming pag-aasawa. Samakatuwid hindi namin inisip na hahantong sa diborsyo o paghihiwalay ang aming sigalot. Naniwala kaming ang Diyos ang Siyang maghihilom ng aming hinanakit at babago sa aming dalawa. Kapwa namin itinalaga ang aming sarili sa prosesong ito, kahit na gaano kasakit. Kapag pumapasok sa isip ko na sumuko na lamang, naaalala ko ang mga pangako na ipinagkaloob ng Diyos sa akin tungkol sa relasyon naming mag-asawa. Hindi ako handang kitlin ang dinisenyo at itinakda ng Diyos para sa pagsasama namin. Isang pangako na ibinigay ng Diyos sa amin ay ang aking asawa at ako ay magkasamang magmiministeryo. Nang panahong ibinigay Niya 83

100 Ang patibong ni Satanas ito, naisip ko, nakikita ko na agad iyon. Ang Kanyang kamay ay nasa aming dalawa para sa gawain. Sa gitna ng mga problemang pangmag-asawa, hindi ko na makita nang malinaw ang pangako ng Diyos. Ngunit tinanggihan kong pakawalan ito. Nawala ang aming natural na pag-asa dahil sa alitan at pagmamataas na pumasok sa aming buhay na mag-asawa. Subalit naroon pa rin ang kahimahimalang binhi ng buhay sa aking puso. Ang pangakong iyon ang naging sandigan ng aking pag-asa o pundasyon sa mga panahong kailangangkailangan ko ito. Ang kinalabasan ng lahat ng ito ay, hindi lamang pinaghilom ng Diyos ang aming relasyon, kundi pinatatag pa Niya ito kaysa sa dati. Lumago kami mula sa aming mga alitan sa pamamagitan ng pagpapatawad sa isa t isa at pagkatuto ng mga gintong aral mula dito. Magkasama kaming nagmi- ministeryo ngayon. Itinuturing ko ang aking asawa na hindi lamang ang natatangi kong nililiyag at pinakamatalik kong kaibigan, ngunit siya rin ang lingkod ng Diyos kung kanino ko inilagak ang aking taos pusong pagtitiwala. Nagsasabi ako sa kanya ng aking pinakatatagong saloobin nang higit pa kaysa ibang tao. Matapos naming malampasan at mapagtagumpayan ang unang limang taon, napagtanto ko na batid ng Diyos ang mga kamalian sa buhay naming dalawa at ang aming relasyon ang nakapag-palabas at nakapagdala sa mga ito sa kanyang liwanag. Namangha ako sa mataas na plano ng Diyos, na pinag-ugnay niya kami bilang asawang lalaki at asawang babae. Bago ko nakilala si Lisa, masidhi akong nanalangin para sa babaeng mapapangasawa ko pagdating ng araw. Ang pagpili kong iyon ang ikalawa sa pinaka-importanteng desisyon ko sa buhay kasunod ng pagtalima ko sa ebanghelyo. Dahil sa pananalangin at paghihintay sa pagpili ng Diyos para sa aking katuwang, naisip kong hindi na ako magkakaroon pa ng mga suliranin na nararanasan ng iba sa kanilang buhay may-asawa. Maling-mali ako! Pinili ng Diyos para sa akin ang babaeng itinitibok ng aking puso. Ngunit ang babae ring ito ang naglantad o nagpakita ng aking makasariling pagkatao. At marami pang ibang kapintasan at kahinaan! Ang pagtakas mula sa alitan sa pamamagitan ng paghahamon ng diborsyo o paninisi kay Lisa ay lalo lamang nagpalala sa aking kawalan ng pang-unawa (maturity). 84

101 ANG TUNAY NA PUNDASYON O saligang bato Ang pagka-alam sa Salita ng Diyos patungkol sa pag-aasawa ang nagpaiwas sa akin sa pagtakas at paglayo. Sa puntong ito, kailangan kong mag-iba ng direksyon mula sa pangunahing layunin ng kabanatang ito. Ang ilan sa inyo na nagbabasa nito ay marahil nakakaisip, hindi pa ako ligtas nang ikinasal ako. Para sa inyo, ganito ang sinasabi ng Diyos, Ngayon, sa may asawa na, iniuutos ko, ngunit hindi ako, subalit ang Panginoon: Ang asawang babae ay hindi dapat lumayo sa kanyang asawang lalaki. Ngunit kahit siya ay lumayo, hayaan siyang manatiling hindi kasal o makipagkasundo siya sa kanyang asawa. At ang asawang lalaki ay hindi dapat maghain ng diborsyo sa kanyang asawang babae Mga kapatid, hayaan ang bawat isang manatili sa Diyos sa estado kung paano siya tinawag. (1 Corinto 7:11, 24) Hayaan ninyong manatili sa inyong puso ang Salita ng Diyos patungkol sa pag-aasawa upang hindi kayo matinag dahil sa bitag ng sama ng loob at kasalanan. Pagkatapos, pagsumikapan ninyong alamin ang ipinahayag Niyang Salita para sa inyong pagsasama. Ang ilan sa inyo ay maaaring hindi ikinasal sa kalooban ng Diyos kahit mga mananampalataya na kayo. Upang makapasok sa pagpapala ng Diyos para sa inyong pagsasama, kailangan ninyong pagsisihan ang hindi pagsaliksik ng Kanyang kalooban at payo bago kayo nag-asawa, at patatawarin Niya kayo. Tanggapin ninyo sa inyong puso na ang dalawang pagkakamali ay hindi magbubunga ng tama - ang sirain ang kasunduan dahil sa kasalanan ay hindi katugunan. Saliksikin na ninyo ang Salita ng Panginoon para sa inyong pagsasama. ANG MATATAG NA BATO Ang ipinahayag na Salita ng Diyos ang matatag na bato kung saan dapat nating itayo ang ating buhay at mga ministeryo. Maraming tao na ang nagsabi sa akin na maraming simbahan o gawain na ang nasalihan nila sa maikling panahon. Nalulungkot ang puso ko habang nakikita ko kung paano sila kinikilos ng mga pagsubok at hindi sa pamamagitan ng direksyon ng Diyos. Pinagmamapuri nila kung gaano kamali ang mga bagay o kung paano sila tinatrato ng iba. Pakiramdam nila ay wasto ang kanilang mga desisyon. Ngunit ang kanilang pagdadahilan ay isang bahagi 85

102 Ang patibong ni Satanas ng panlilinlang na humahadlang sa kanila upang makita ang kasalanan, sama ng loob at mga pagkakamali sa sarili nilang karakter. Inilalarawan nila ang kanilang kasalukuyang relasyon sa mga ministeryo o simbahan na kinabibilangan nila bilang pansamantala o kaya dito ako inilagay ng Diyos sa ngayon. Nakarinig pa ako ng isang lalaking nagsabing, Ako ay ipinahiram lang muna sa simbahang ito. Sinasabi nila ang mga pangungusap na ito upang, kapag naging mahirap para sa kanila ang mga pangyayari, maaari pa silang tumakas o lumipat na naman. Wala silang pundasyon upang makatayo sa mga bagong lugar na pinupuntahan nila; madali lamang silang itaboy ng bagyo sa susunod na pantalan. SAAN KAMI PUPUNTA? Ating balikan ang halimbawa kung saan tinanong ni Hesus ang Kanyang mga alagad kung sino Siya sa kanilang palagay. Makikita natin ang katatagang idinudulot ng pagkaalam sa ipinahayag na Salita ng Diyos. Tingnan ninyo si Simon Pedro: Pagkatapos sabihin ni Simon kung ano ang ipinahayag ng Ama sa kanyang puso, sinabi ni Hesus At Ako rin ay magsasabi sa iyo na ikaw si Pedro, at sa batong ito Ako ay magtatayo ng Aking iglesya, at ang tarangkahan ng Hades ay hindi magtatagumpay laban dito. (Mateo 16:18). Pinalitan ni Hesus ang pangalan ni Simon at ito ay naging Pedro. Ito ay mahalaga sapagkat ang ibig sabihin ng pangalang Simon ay makinig. Ang pangalang Pedro (mula sa salitang Griyegong petros) ay nangangahulugang isang bato. Bilang resulta ng pakikinig sa ipinahayag na Salita ng Diyos sa kanyang puso, siya ay naging isang matibay na bato. Ang bahay na yari sa mga bato at itinayo sa matatag na pundasyon ng isang bato ay magtatagal laban sa mga bagyo na hahampas dito. Ang salitang bato sa talatang ito ay nagmula sa salitang Griyego na petra, na ang ibig sabihin ay isang malaking bato. Sinasabi ni Hesus kay Simon Pedro na siya ay hinubog sa bagay na naging pundasyon ng mga bahay. Kinalaunan, isinulat ni Pedro sa 1 Pedro 2:5, Kayo rin bilang mga buhay na bato, ay itinatayo bilang isang bahay na espirituwal. Ang bato ay maliit na piraso ng isang malaking bato. Ang kalakasan, katatagan at kapangyarihan ay matatagpuan sa bato na ipinahayag ng Salita ng Diyos, 86

103 ANG TUNAY NA PUNDASYON O saligang bato at may bunga ito sa buhay ng isang taong tumatanggap sa mga ito. Ang taong iyon ay pinalalakas sa pamamagitan ng kalakasan ng buhay na Salita ng Diyos, si Hesukristo. Tulad ng isinulat ni Apostol Pablo sa 1 Corinto 3:11, Sapagkat wala ng ibang pundasyon ang mailalagay sa nakalagay na, walang iba kundi si Hesukristo. Habang hinahanap natin Siya bilang buhay na Salita ng Diyos, Siya ay mahahayag, at tayo ay magiging matatag. Sa Juan 5:16 makikita natin na sa mga huling araw ng paglakad ni Hesus sa sanlibutan, naging higit na mahirap ang buhay para sa mga kasamahan Niya sa ministeryo. Inuusig si Hesus ng mga relihiyosong lider at mga Hudyo, at nagnanais silang patayin Siya. Nang ang mga pangyayari ay nagsimulang umayos at nais ng mga taong kunin Siya at gawing Hari, tumanggi si Hesus at lumayo. ( Juan 6:15) Bakit Niya ginawa iyon? Nagtaka ang kanyang mga alagad. Ito na ang Kanyang pagkakataon, ang ating pagkakataon. Nagulumihanan sila. Ang mga bagyo ay bumabayo nang malakas. Iniwan na natin ang pamilya at mga trabaho natin upang sumunod sa Lalaking ito. Malaki na ang isinakrispisyo natin. Naniniwala tayo na Siya na nga ang muling magbabalik. Idineklara ito ni Juan Bautista, at narinig natin mula kay Simon Pedro nang magsalita siya sa Caesarea Filipos. Sila ang dalawang saksi. Ngunit bakit patuloy Niyang ginagalit ang mga namumuno? Bakit Siya mismo ang humuhukay ng Kanyang sariling libingan? Bakit Siya gumagawa ng mabibigat na deklarasyon tulad ng O walang pananampalataya at makasalanang henerayon, gaano katagal Ko pa kayong makakapiling? sa atin, na Kanyang mga alagad? Ang kasalanan at sama ng loob ay nagsimulang umusbong sa puso ng mga lalaking ito na iniwan na ang lahat upang sumunod kay Hesus. Pagkatapos, naganap na ang sukdulan. Nangaral si Hesus ng bagay na para sa kanilang pangdinig ay nagmistulang hidwang katuruan, Tinitiyak Ko sa inyo, Ako ay nagsasabi sa inyo, kapag hindi ninyo kinain ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang Kanyang dugo, kayo ay walang buhay sa inyo. ( Juan 6:53) Ano na naman ang Kanyang ipinapangaral ngayon? namangha sila. Hindi ko na makakayanan pa! Hindi lamang iyon, ngunit sinabi rin Niya 87

104 Ang patibong ni Satanas ang mga bagay na ito sa harapaan ng mga pinuno sa loob ng sinagoga sa Capernaum. Para sa mga tagasunod na ito, ang mga salitang iyon ang tumapos sa kanilang kaugnayan sa Kanya. Samakatuwid marami sa Kanyang mga alagad, nang marinig ito, ay nagsabing, Ito ay mahirap maunawaan; sino ang makauunawa nito? - Juan 6:60 Bigyang pansin ang tugon ni Hesus: Nang malaman ni Hesus sa Kanyang sarili na ang Kanyang mga alagad ay nagreklamo tungkol dito, sinabi Niya sa kanila, Ito ba ay ikinasama ng loob ninyo? -Juan 6:61 Sila ang Kanyang sariling mga alagad! Hindi Niya binawi ang katotohanan, sa halip ay kinumpronta Niya ang mga lalaking ito. Alam Niya na ang ilan sa kanila ay namumuhay sa maling pundasyon. Inihayag Niya ang kanilang pundasyon at binigyan Niya sila ng pagkakataong makita ang sarili nilang mga puso. Subalit hindi sila tulad ni Simon Pedro o ng ibang alagad na nauuhaw sa katotohanan. Tingnan ang kanilang reaksyon: Mula nang oras na iyon, marami sa mga alagad Niya ay bumalik at hindi na muling lumakad kasama Niya. -Juan 6:66, may dagdag na diin Bigyang pansin na hindi lamang sila kakaunti; marami sila. Ang ilan sa kanila ay walang dudang mga alagad na mabilis na nagsabi sa Caesarea Filipos, Ang sabi ng iba si Juan Bautista, ang iba naman si Eliseo, at ang iba si Jeremias o isa sa mga propeta. (Mateo 16:14) Hindi nakasalig sa ipinahayag na Salita ng Diyos ang mga ito. Ang sama ng loob ay lumala hanggang umabot sa puntong kung saan ginawa nila ang ginagawa ng marami sa ngayon- umalis sila. Akala nila sila ay nilinlang at inapi, ngunit hindi gayon ang ginawa sa kanila. Hindi nila nakita ang katotohanan dahil nakatuon ang paningin nila sa kanilang damdamin at makasariling hangarin. Ngayon, tingnan ninyo ang nangyari kay Simon Pedro nang kinumpronta ni Hesus ang labindalawa: 88

105 ANG TUNAY NA PUNDASYON O saligang bato Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa labindalawa, Gusto rin ba ninyong umalis? Ngunit sumagot sa Kanya si Simon Pedro, Panginoon, kanino kami pupunta? Ikaw ang nagtataglay ng mga salita ng buhay na walang hanggan. Gayundin nagpunta kami upang panampalatayanan at kilalanin na Ikaw nga ang Cristo, ang Anak ng buhay na Diyos. - Juan 6:67-69, may dagdag na diin Si Hesus ay hindi nagmakaawa sa mga lalaking ito sa ganitong paraan, Pakiusap, huwag kayong umalis. Naiwala ko lamang ang Aking tungkod. Paano ako makakapagpatuloy kung wala kayo! Sa halip, kinumpronta Niya sila. Gusto rin ba ninyong umalis? Pansinin ninyo kung paano sumagot si Simon Pedro. Maging siya ay nakipaglaban sa tukso na sumama ang loob tulad ng iba. Panginoon, kanino kami pupunta? Marahil nalito siya sa mga narinig niya, ngunit mayroon siyang katiyakan sa kanyang sarili na wala sa iba. Sa Caesarea Filipos, nagkaroon si Pedro ng kapahayagan kung sino talaga si Hesus: ang Anak ng buhay na Diyos (Mateo 16:16). Ngayon, sa kainitan ng pagsubok na ito, sinabi niya kung ano ang nag-ugat sa kanyang puso: Nagpunta kami upang panampalatayanan at kilalanin na Ikaw ang Cristo, ang Anak ng buhay na Diyos. Ang mga ito ay ang eksaktong salita na binulalas niya sa Caesarea Filipos. Siya ang batong nakasandig sa matatag na bato ng buhay na Salita ng Diyos. Hindi siya aalis nang may sama ng loob. REAKSYON HABANG DUMADANAS NG KABIGATAN Madalas kong sabihing ang mga pagsubok ay nakapagtuturo kung nasaan ang isang tao. Sa madaling salita, ipinapasya nito ang espirituwal na katayuan ng isang tao. Inihahayag nito ang tunay na kundisyon ng iyong puso. Kung paano ka tumugon sa mga pangyayari sa gitna ng matinding pagsubok o pangangailangan ay nagpapatunay kung paanong ang tunay na ikaw ay tumugon o kumilos. Maaaring mayroon kang bahay na nakatayo sa buhanginan na limang palapag ang taas at maganda, napapalamutian ng magagarang dekorasyon 89

106 Ang patibong ni Satanas at mahusay ang pagkakagawa at pagkakadisenyo. Habang sumisikat ang araw, larawan ito ng kalakasan at kagandahan. Katabi ng bahay na iyon, maaring mayroong isang simpleng bahay na may iisang palapag lamang. Halos hindi ito napapansin at hindi kagandahan kung ihahambing sa maganda at malaking bahay na katabi nito. Ngunit ang simpleng bahay ay nakatayo sa isang bagay na hindi mo nakikita - sa isang bato. Habang walang bagyo, ang limang-palapag na bahay ay higit na mas maganda. Subalit kapag dumating na ang isang matinding bagyo, ito ay babagsak at mawawasak. Maaaring makaligtas ito sa pagdaan ng ilang mahihinang bagyo, subalit bibigay rin ito kapag dumating ang isang napakalakas na daluyong. Subalit ang isang simple at iisang palapag na bahay na nakatayo sa bato ay mananatiling nakatayo. Mas malaki ang bahay, mas matindi ang pagbagsak nito kung hindi nakasandig sa isang matibay na saligang bato o pundasyon. Ang ilan sa mga tao sa simbahan ay tulad ng mga alagad na sadyang magaling magsalita sa Caesarea Filipos, ngunit kalaunan ay nalalantad ang tunay nilang pagkatao. Maaaring sila ay mga Kristiyanong tulad ng bahay na limang palapag ang taas, larawan ng kalakasan, katatagan, at kagandahan. Kaya nilang harapin at sagupain ang ilang mahihinang bagyo. Ngunit kapag dumaluhong ang isang malakas na bagyo, sila ay dagliang natitinag at bumabagsak. Tiyakin ninyo na ang buhay ninyo ay nakatayo o nakasandig sa Salitang ipinahayag ng Diyos, hindi sa kung ano ang sinasabi ng mga tao. Patuloy ninyong hanapin ang Panginoon at makinig sa inyong puso. Huwag ninyong gawin o sabihin ang mga bagay dahil ginagawa lamang ng iba. Hanapin ninyo Siya at panindigan ninyo ang binigyang-liwanag Niya sa inyong puso! 90

107 91

108 Ang patibong ni Satanas KAPAG ANG KALABAN AY NANGYAYANIG, ITO AY UPANG MANGWASAK. NGUNIT ANG DIYOS AY MAY IBANG LAYUNIN. Gusto kong pasalamatan ang Diyos para sa mensahe ng Ang Patibong ni Satanas. Ako ay nag-aayuno at nananalangin para sa isang pambihirang tagumpay sa aking buhay. Ang Panginoon ay nangusap sa akin sa mensaheng ito, at ito ay radikal na nagpabago ng aking buhay. Ito ay isang aklat na dapat basahin ng lahat ng nasa larangan ng pamumuno. -C. P., NEW ZEALAND 92

109 8 Lahat ng Maaaring Yanigin ay Tiyak na Yayanigin Yumanig noon ang lupa nang magsalita ang Diyos. At ngayon ay nangako Siya, Minsan Ko pang yayanigin ang mundo, pati na rin ang langit. Ang katagang minsan pa ay nagpapahiwatig na aalisin ng Diyos ang lahat ng nilikha Niya na nayayanig, para manatili ang mga bagay na hindi nayayanig. Hebreo 12:26-27 Sa nakalipas na kabanata, nakita natin na inihayag ng Salita ng Diyos ang matibay na pundasyon kung saan itinayo ni Hesus ang Kanyang simbahan. Nakita rin natin na nanatili si Simon Pedro kahit na ang ibang disipulo ni Hesus ay lumisan. Kahit na binigyan siya ng pagkakataon ni Hesus upang umalis, inihayag ni Simon Pedro kung ano ang nilalaman ng kanyang puso. Ngayon, tingnan natin ang isa pang pagsubok na naranasan ni Simon Pedro noong gabing ipinagkaila niya si Hesus. 93

110 Ang patibong ni Satanas Nasa hapag si Hesus kasama ang Kanyang mga alagad na nagpapasalamat at nakikipag-komunyon, nang sabihin Niya ang isang nakagugulat na pahayag: Ngunit kasalo ko rito ang magtataksil sa akin. Papanaw ang Anak ng Tao ayon sa itinakda ng Diyos, ngunit kakila-kilabot ang daranasin ng taong magkakanulo sa Kanya. (Lucas 22:21-22) Napakatinding pahayag! Masasabi nating si Hesus ay nagpakawala ng tila isang bomba sa pamamagitan ng mga salitang Kanyang binitiwan. Bagama t alam na ni Hesus sa simula pa lamang na ipagkakanulo Siya (binanggit na Niya ito sa kanila nang ilang ulit; subalit hindi sila lubos na nakinig), ngunit ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinabi Niyang isa sa kanila na kasa-kasama Niya sa simula pa lamang, ang magkakanulo sa Kanya. Naisip mo ba kung gaano nakapangingilabot ang pakiramdam sa loob ng silid nang sabihin Niya ang bagay na iyon sa kanila?a Bilang tugon, Nagtanungan sa isa t-isa ang mga tagasunod Niya kung sino kaya sa kanila ang gagawa noon. (talata 23) Nagulat ang bawat isa nang malaman nila na isa sa kanila ay may kakayanang gawin ang kasuklamsuklam na bagay na iyon. Subalit, hindi dalisay ang kanilang layunin sa kanilang pagsusuri. Mapatutunayan natin ito sa pamamagitan ng paraan kung paano natapos ang kanilang pag-uusap. Ang dahilan ng kanilang pagsusuri ay makasarili at punong-puno ng pagmamataas. Tingnan natin ang susunod na talata sa Banal na Kasulatan: Nagtalo-talo ang mga tagasunod ni Hesus kung sino sa kanila ang pinakadakila. Lucas 22:24 Isipin natin ang kaganapang ito: Sinabi ni Hesus na Siya ay ibibigay sa pinuno ng mga saserdote upang hatulan ng kamatayan at ihatid sa mga taga-roma upang kutyain, hamakin, pahirapan at patayin. Ang taong gagawa nito ay kasalo Niya sa hapag-kainan. Ang mga tagasunod ni Hesus ay nagtanungan kung sino ang Kanyang tinutukoy, subalit humantong ito sa pagtatalo kung sino ang pinakadakila sa kanila. Ito ay kahiya-hiya tulad ng mga batang paslit na nagtatalo tungkol sa kanilang mana. Wala silang pagmamalasakit kay Hesus; puno sila ng ambisyon para sa posisyon. Walang katulad ang kanilang pagiging makasarili. 94

111 Lahat ng Maaaring Yanigin ay Tiyak na Yayanigin Kung ako ang nasa kalagayan ni Hesus, itatanong ko sa kanila kung tunay ba nilang napakinggan ang aking sinabi o kung may pakialam ba sila sa akin. Makikita natin sa pangyayaring iyon kung paano namuhay ang Panginoon na puno ng pagmamahal at pasensiya. Karamihan sa atin, kung tayo ang nasa kalagayan ni Hesus, maaaring sabihin natin na, Lahat kayo, magsilayas kayo sa paningin ko! Ako ay nasa matinding oras ng pangangailangan, subalit ang iniisip lamang ninyo ay ang inyong mga sarili! Ito ay isang pagkakataong napakadaling maghinanakit! Maaari na nating hulaan kung sino ang nagsimula ng kaguluhan sa mga alagad ni Hesus: walang iba kundi si Simon Pedro, sapagkat siya ang pinaka-agresibo sa lahat at ang kadalasang nangungunang magbitiw ng salita. Maaaring mabilis niyang ipinaalala sa kanyang mga kasamahan na siya lamang ang nakapaglakad sa ibabaw ng tubig. O, kaya naman ay maaari niyang ipinagmalaki na siya ang unang nakaalam kung sino ba talaga si Hesus. Maaari rin niyang ikuwentong muli ang kanyang karanasan sa bundok kung saan nakita niya ang pagbabagong-anyo nina Hesus, Moises at Elias. Buo ang kumpiyansa ni Pedro na siya ang pinakadakila sa labingdalawang tagasunod ni Hesus. Subalit ang kumpiyansang ito ay hindi nag-ugat sa isang dalisay na pagmamahal. Bagkus, ito ay nagmula sa kanyang pagiging palalo. Tiningnan ni Hesus ang bawat isa at sinabihan sila na kumikilos sila bilang pawang mga karaniwang tao, hindi bilang mga anak ng Kaharian ng Diyos: Kaya t sinabi ni Hesus sa kanila, Ang mga hari ng mga Hentil ay pinapanginoon ng kanilang nasasakupan, at ang mga may kapangyarihan ay nagnanasang matawag na mga tagatangkilik. Ngunit hindi ganoon ang dapat mangyari sa inyo. Sa halip, ang pinakadakila ang dapat lumagay na pinakamababa, at ang namumuno ay siyang maging tagapaglingkod. Sino ba ang higit na nakatataas, ang nakadulog sa hapag, o ang naglilingkod? Hindi ba ang nakadulog sa hapag? Ngunit Ako y kasama ninyo bilang isang naglilingkod. (Lucas 22:25-27) 95

112 Ang patibong ni Satanas ANG KAHALAGAHAN NG PAGSASALA Kahit na nakatanggap si Simon Pedro ng masaganang kapahayagan kung sino talaga si Hesus, hindi pa rin niya naipamuhay ang kababaangloob ni Cristo. Itinatag niya ang kanyang buhay at ministeryo sa mga nagdaang tagumpay at pagmamataas. Binalaan tayo ni Apostol Pablo sa 1 Corinto 3:10 na bigyang-pansin natin kung paano tayo nagtatayo sa pundasyon natin kay Cristo. Si Simon Pedro ay hindi nagtatag gamit ang mga kagamitang kinakailangan para sa Kaharian ng Diyos kundi ayon sa makataong tatag ng kalooban at kumpiyansa sa sarili. Lingid man sa kanyang kaalaman, kailangang magkaroon ng pagbabago sa kanyang karakter. Ang kanyang naging sandigan sa simula ay ang kapalaluan sa buhay. (1 Juan 2:16) Ang kapalaluan o pagmamataas kailanman ay hindi magiging matibay na sandigan upang maihanda si Pedro sa pagtupad sa kapalarang inilaan ni Cristo para sa kanya. Kung hindi ito maaalis, ang pagmamataas ang sisira sa kanya sa bandang huli. Sa Ezekiel 28:11-19, makikita natin na ang pagmamalaki na nasumpungan kay Lucifer, ang natatanging kerubin ng Diyos, ang siyang naging dahilan ng kanyang pagbagsak. Ngayon, tingnan naman natin kung ano ang sinabi ni Hesus kay Simon Pedro: Sinabi ni Hesus kay Pedro, Simon, makinig kang mabuti! Humingi ng pahintulot si Satanas sa Diyos na subukin niya kayong lahat tulad ng pagsasala sa trigo. lucas 22:31, may dagdag na diin Ang pagmamalaki ang nagbigay-daan sa kaaway upang makapasok at masala si Simon Pedro. Ang salitang pagsala (sift) ay isinalin mula sa salitang Griyego na siniazo. Ang ibig sabihin ay upang masala, alugin sa salaan; sa talinhaga, panloob na pag-uga upang subukin ang pananampalataya hanggang sa bingit ng pagsuko. `Kung si Hesus ay mayroong pag-iisip na tulad sa nakararami sa simbahan, maaari Niyang sabihin na, Tara, magdasal tayo at igapos natin ang gawa ng demonyo. Hindi natin hahayaan si satanas na gawin ito sa minamahal nating si Simon. Subalit pagnilayan natin ang sinabi ni Hesus: 96

113 Lahat ng Maaaring Yanigin ay Tiyak na Yayanigin Ngunit nanalangin Ako para sa iyo, na huwag manghina ang iyong pananampalataya. At kapag nagbalik-loob ka na, palalakasin mo ang pananampalataya ng iyong mga kapatid. Lucas 22:32 Hindi ipinagdasal ni Hesus na matakasan ni Simon Pedro ang matinding pag-uga sa kanyang pananampalataya hanggang sa bingit ng kanyang pagsuko. Ipinagdasal Niya na, nawa ang pananampalataya ni Pedro ay hindi manghina sa buong proseso ng pagsubok o pagsala. Alam ni Hesus na sa pagsubok na ito, lalabas ang bagong katangiang kakailanganin ni Simon Pedro upang matupad ang kanyang kapalaran at sa bandang huli, mapapalakas niya ang kanyang mga kapatid sa pananampalataya. Nagpaalam si satanas upang yanigin ang pananampalataya ni Simon Pedro hanggang sa bingit ng pagsuko. Nilalayon ng kaaway na masira ang taong ito na may natatanging kakayanan na makatanggap ng mga kapahayagan mula sa Diyos. Subalit may ibang dahilan ang Diyos sa pagyanig na iyon. Ang plano Niya sa pagyanig na iyon ay higit na mas maganda at tulad ng inaasahan, laging nauungusan ng Diyos ang demonyo. Hinayaan Niya na gawin iyon ng kaaway upang yanigin ang lahat ng mga bagay na kailangang mayanig kay Simon Pedro. Ipinakita ng Diyos sa aking asawang si Lisa ang limang kadahilanan kung bakit niyayanig ang isang bagay: 1. Upang mailapit ito sa kanyang pundasyon 2. Upang tanggalin ang mga hindi na kailangan 3. Upang maipamuhay ang mga bunga ng Espiritu 4. Upang magising sa tunay na kalagayan 5. Upang pagsamahin at kailanman ay hindi na mapaghiwalay Lilinisin ng Diyos ang lahat ng mga kaisipan o kaugaliang nag-uugat sa pagkamakasarili o pagmamalaki. Bilang resulta ng matinding pag-uga, ang buong pagtitiwala sa makataong kakayanan ni Simon Pedro ay mawawala at ang matitira na lamang ay ang kanyang pundasyon sa Diyos. Siya ay magigising sa tunay niyang kalagayan, aalisin ang mga bagay sa kanyang buhay na hindi kaaya-aya sa Diyos, ipamumuhay niya ang mga bunga ng Espiritu at mailalapit siya sa tunay niyang pundasyon. Hindi na siya kikilos sa sarili niyang kakayanan, bagkus ay mananalig siya sa kakayanan ng Diyos. 97

114 Ang patibong ni Satanas Buong tapang na sinalungat ni Pedro ang mga salitang binitiwan ni Hesus: Panginoon, handa po akong sumama sa Inyo, hanggang sa kulungan man o kamatayan. Ang pahayag na ito ay hindi nagmula sa Espiritu kundi sa matinding pagtitiwala niya sa kanyang sarili. Hindi niya nakita ang babala tungkol sa pagyanig na kanyang pagdadaanan. SI HUDAS LABAN KAY SIMON Iniisip ng iba na si Simon ay puro salita ngunit duwag naman. Subalit nang si Hesus ay dadakpin na ng mga bantay sa templo sa Hardin ng Getsemani, binunot ni Pedro ang kanyang tabak at tinaga niya ang alipin ng pinakapunong saserdote, at natigpas ang kanang tainga ng alipin. Iilan sa mga duwag ang nakasusugod kapag ang mga taong nakapalibot ay nakahihigit sa kanila. Kaya si Pedro ay malakas, subalit ang kanyang kalakasan ay nagmula sa kanyang sarili, hindi sa kababaang-loob ng Diyos, sapagkat ang pagsala at pag-uga sa pananampalataya ni Pedro ay hindi pa nagsisimula. Nangyari nga ang mga bagay tulad ng sinabi ni Hesus. Ang mapangahas at malakas na si Simon Pedro, na nagsabing handa siyang mamatay para kay Hesus, at nagwasiwas ng kanyang tabak sa hardin na puno ng mga sundalo, subalit nang tanungin ng isang hamak na utusang batang babae, siya ay natakot at itinanggi ang pagkakilala kay Hesus. Inaakala ng ilan na sa mga malalaking bagay nadadapa ang mga tao. Subalit, kadalasan sa mga maliliit na bagay tayo nayayanig nang husto. Ipinakikita lamang nito na walang saysay ang pagtitiwala lamang sa sarili. Pagkatapos, itinatwa muli ni Pedro si Hesus nang makalawang beses. Siya namang pagtilaok ng manok, lumisan si Pedro at tumangis. Tinanggal sa kanya ang lubhang pagtitiwala sa sarili at naniwala siyang wala ng pagkakataon upang makabangon siyang muli. Ang mayroon na lamang siya, bagama t wala siyang kaalam-alam tungkol dito, ay ang inihayag sa kanya ng Espiritu. Si Simon Pedro at Hudas ay may pagkakahalintulad sa maraming bagay, kasama na rito ang katotohanang pareho nilang itinatwa si Hesus sa pinakamahalaga at huling araw na makakasama nila si Hesus bilang isang tao. Subalit may pangunahing pagkakaiba ang dalawa. 98

115 Lahat ng Maaaring Yanigin ay Tiyak na Yayanigin Hindi hinangad ni Hudas na makilala si Hesus tulad ng marubdob na hangarin ni Simon. Hindi siya ganap na nanampalataya kay Hesus. Mistulang minahal ni Hudas si Hesus sapagkat iniwan niya ang lahat upang sumunod sa Panginoon. Kasama rin siya sa lahat ng lugar na pinuntahan ni Hesus at nanatili siya kahit sa panahon ng mga matinding pag-uusig. Nagpalayas siya ng demonyo, nagpagaling ng mga may sakit, at nagbahagi ng Salita ng Diyos. (Alalahanin natin na pinahayo ni Hesus ang Kanyang labingdalawang alagad upang magbahagi, magpagaling at magpalaya ng mga inalihan, hindi labing-isa lamang.) Subalit ang kanyang mga sakripisyo ay hindi nagmula sa isang wagas na pag-ibig para kay Hesus o mula sa rebelasyong kung sino talaga si Hesus. Sa simula pa lang, may ibang pakay na si Hudas. Hindi siya tunay na nagsisi sa mga makasarili niyang mga layunin. Nabunyag ito sa pamamagitan ng kanyang pahayag na: Ano po ang ibibigay ninyo sa akin kung tutulungan ko kayo... (Mateo 26:14, may dagdag na diin). Nagsinungaling siya at nambola upang makinabang (Mateo 26:25). Kumukuha siya ng pera sa kaban ng ministeryo ni Hesus upang gamitin para sa kanyang sarili ( John 12:4-6), at marami pang iba. Hindi niya lubos na nakilala ang Panginoon bagama t nakasama niya ng tatlo t kalahating taon. Pareho silang nagsisi sa kanilang ginawa. Subalit walang matibay na pundasyon si Hudas kay Cristo, tulad ng kay Pedro. Dahil wala siyang pagkauhaw na makilala si Hesus, hindi naihayag sa kanya kung sino talaga si Hesus. Kung napagtanto sana ni Hudas kung sino si Hesus, hindi niya marahil ipinagkanulo ang Panginoon. Nang dumating ang matinding dagok sa kanyang buhay, lahat ay nayanig at nawala! Tingnan natin kung ano ng nangyari: Nang makita ni Hudas na si Hesus ay nahatulang mamatay, nagsisi siya at isinauli sa mga punong pari at mga pinuno ng bayan ang tatlumpung pirasong pilak. Sinabi niya, Nagkasala ako! Ipinagkanulo ko ang dugo ng taong wala ni anumang bahid ng kasalanan. Ano ang pakialam namin sa iyo? Bahala ka sa buhay mo! sagot nila. Inihagis ni Hudas sa loob ng Templo ang tatlumpung pirasong pilak, at pagkaalis doon, siya y nagbigti. Mateo 27:3-5, may dagdag na diin Puno siya ng panghihinayang at alam niyang nagkasala siya. Subalit hindi niya lubusang kilala si Cristo. Wala siyang ganap na pagkaunawa 99

116 Ang patibong ni Satanas kung sino ang kanyang ipinagkanulo. Sinabi lamang niya na, Ipinagkanulo ko ang dugo ng taong wala ni anumang bahid ng kasalanan. Kung nakilala lamang niya si Cristo tulad ng pagkakilala ni Simon Pedro, babalik siya kay Hesus at hihingi ng kapatawaran, dahil sa kaalaman tungkol sa kabutihan ng Diyos. Ang pagpapatiwakal (suicide) ay isa pang kaparaanan ng pamumuhay na hindi nagpapasakop sa biyaya ng Diyos. Ang pag-uga kay Hudas ang nagbunyag na wala siyang pundasyon, kahit nakasama niya si Hesus sa loob ng tatlong taon. Maraming tao ang umusal na ng panalangin ng makasalanan (sinner s prayer), nagsisimba, naging masigasig at pinag-aralan ang Salita ng Diyos. Gayunpaman, hindi naihahayag sa mga bagay na ito kung sino talaga si Hesus, kahit na sabihin pa nila nang paulit-ulit. Kaya pag dumating ang matinding kabiguan, nanlalamig sila sa Panginoon at humihinto na nang pagsunod sa Kanya. Wala namang ginawa ang Diyos para sa kin! Narinig ko silang nagsabi na, Sinubukan ko ang Kristiyanismo, subalit lalo lamang naging kahabaghabag ang buhay ko. O, Nanalangin ako at hiningi sa Diyos na gawin ang bagay na to, ngunit hindi Niya ginawa! Hindi nila tunay na ibinigay ang kanilang buhay para kay Hesus, subalit sinubukan nilang iayon ang kanilang sarili sa Diyos para sa kanilang pangsariling kapakinabangan. Pinaglingkuran nila ang Diyos dahil sa mga bagay na maaari nilang makuha sa Kanya. Kaya sila ay madaling matisod. Ganito ang pagkakalarawan ni Hesus sa kanila: Ang katulad ng mga binhing nalaglag sa batuhan ay ang mga taong nakikinig at malugod na tumatanggap sa mensahe ng Diyos. Subalit ang mensahe ay hindi nagka-ugat sa kanilang puso kaya hindi sila nananatili doon. Pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa mensahe ng Diyos, agad silang sumusuko. Marcos 4:16-17, may dagdag na diin Pansinin na sinabi ni Hesus na madali silang matitisod o sasama ang loob sapagkat wala silang pundasyon. Kung gayon, saan nga ba talaga dapat mag-ugat ang ating pundasyon? Matatagpuan natin ang kasagutan sa Efeso 3:16-18: Kinakailangan nating mag-ugat at maging matatag sa pagibig. Ang ating pag-ibig sa Diyos ang ating pundasyon. 100

117 Lahat ng Maaaring Yanigin ay Tiyak na Yayanigin Sinabi ni Hesus na, Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. ( Juan 15:13). Hindi natin magagawang ialay ang ating buhay para sa isang tao kung hindi natin siya pinagkakatiwalaan. Hindi rin natin magagawang ialay ang ating buhay sa Diyos hangga t hindi natin Siya ganap na kilala upang pagkatiwalaan ng ating buhay. Marapat lamang na alamin at intindihin natin ang likas na katangian ng Diyos. Marapat lang din na magkaroon tayo ng katiyakan na hindi Siya gagawa ng anumang bagay na ikapapahamak natin. Lagi Niyang isinasaalang-alang kung ano ang makabubuti sa atin. Anumang bagay na sa tingin natin ay isang kabiguan ay maaaring maging maganda ang kahihinatnan, kung hindi tayo bibitiw sa ating pananampalataya. Ang Diyos ay pag-ibig; walang dungis ng kasakiman o kasamaan na masusumpungan sa Kanya. Si satanas ang naghahangad na sirain tayo. Kadalasan, tinitingnan natin ang kalagayan natin sa buhay sa pamamagitan ng pangmalapitang salamin (short-range glasses). Subalit, sinisira nito ang ganda ng tunay na anyo ng ating patutunguhan. Ang Panginoon ay tumitingin sa panghabambuhay na aspeto ng mga bagay na ating pinagdaraanan. Kung ating titingnan ang mga bagay sa ating limitadong pananaw, dalawang bagay ang maaaring mangyari. Una, sa kalagitnaan ng paglilinis ng Diyos sa atin, madali tayong matitisod sa Diyos o sa isa sa Kanyang mga lingkod. Pangalawa, madali tayong malilinlang ng kaaway. Si satanas ay gagamit ng mga bagay na tila tama sa oras na iyon, subalit ang tunay niyang plano ay gamitin iyon para sa ating ikapapahamak o ikamamatay. Kung tayo y lubos na nananalig sa Diyos, hindi tayo maaalis sa pangangalaga ng ating Ama sa langit. Hindi tayo kailanman susuko sa paghahangad na kalingain ang ating mga sarili. PAGTITIWALA SA KATANGIAN NG DIYOS Isang kaparaanan ng kaaway upang mailayo tayo sa ganap na pagtitiwala sa Diyos ay sa pamamagitan ng pagpupunla ng maling paniniwala sa ating isip tungkol sa katangian ng Diyos. Ginawa niya ito kay Eba sa Hardin ng Eden nang sabihin niya na, Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kang kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan? (Genesis 3:1, may dagdag 101

118 Ang patibong ni Satanas na diin). Binaluktot niya ang utos ng Diyos upang tuligsain at pilipitin ang katangian ng Diyos. Sinabi ng Diyos na, Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, maliban sa bungangkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon; mamamatay ka kapag kumain ka niyon. (Genesis 2:16-17, may dagdag na diin). Ang diwa ng sinabi ng ahas kay Eba ay, Pinagdadamutan kayo ng Diyos ng mga bagay na makabubuti sa inyo. Subalit binigyang-diin ng Diyos na, Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, maliban... Ibinigay ng Diyos ang buong Hardin ng Eden sa tao upang makain nila ang lahat ng bungangkahoy na maaaring kainin, maliban sa isa. Binaluktot ng ahas ang tingin ng babae sa Diyos sa pamamagitan ng pagsasabing, Walang pakialam sa inyo ang Diyos. Anong mabuting bagay ang pinagkakait Niya sa inyo? Hindi ka Niya tunay na minamahal tulad ng iyong pag-aakala. Hindi talaga Siya tunay na mabuting Diyos! Nalinlang siya at pinaniwalaan niya ang mga kasinungalingan patungkol sa katangian ng Diyos. Ang pagnanasa upang gumawa ng kasalanan ay nagatungan sapagkat hindi na buhay sa kanya ang Salita ng Diyos at naging isa na lamang itong kautusan. At ang lakas ng kasalanan ay nagmumula sa Kautusan. (1 Corinto 15:56) Ganito pa rin kumilos ang kaaway sa ngayon. Sinisiraan niya ang Diyos Ama sa mata ng Kanyang mga anak. Bawat tao ay may taong nakatataas sa kanya tulad ng ama, guro, amo, o politiko na naging makasarili at hindi naging mapagmalasakit. Dahil sila ang mga taong nakatataas sa atin, madali natin silang ihambing sa Panginoong Diyos. Ang kaaway ay bihasa sa pagbabaluktot ng katangian ng Ama sa langit sa pamamagitan ng paglalagay sa ating isip ng maling pananaw patungkol sa ating ama sa mundong ito. Sinabi ng Diyos na, bago pa man bumalik si Hesus, muling magkakalapit ang loob ng mga ama t mga anak (Malakias 4:6). Ang Kanyang katangian ay matatagpuan sa Kanyang mga pinuno, at makatutulong sila sa paghilom ng mga sugat. 102

119 Lahat ng Maaaring Yanigin ay Tiyak na Yayanigin Kung alam mong hindi gagawa ang Diyos kailanman ng mga bagay na iyong ikapapahamak o ikamamatay, at anuman ang Kanyang gawin o hindi gawin ay para sa iyong ikabubuti, sa panahong iyon maibibigay mo ang iyong sarili nang walang pag-aalinlangan. Ikaw na mismo ang mag-aalay ng iyong buhay sa Kanya nang taos-puso at buong kagalakan. Kapag ibinigay mo ang iyong sarili nang buong-buo, at naging ganap ang iyong pagtitiwala sa Kanya, hindi ka na matitisod sapagkat hindi ka na nabubuhay para sa iyong sarili. Ang mga taong nasasaktan at sumasama ang loob ay ang mga taong lumalapit kay Hesus para lamang sa kung ano ang magagawa Niya para sa kanila at hindi dahil sa kung sino Siya. Kung mayroon tayong ganoong uri ng motibo, madali tayong matitisod. Ang pagiging makasarili ang nagiging dahilan kung bakit tayo tumitingin sa malapitan. Hindi natin nakikita ang ating mga pinagdadaanan gamit ang mga mata ng pananampalataya. Kung tunay nga nating ibinigay na ang ating buhay kay Hesus, batid natin ang Kanyang katangian at nakikibahagi tayo sa Kanyang kaligayahan. Kailanman ay hindi tayo lubos na mayayanig o mapapahamak, gaano man kabigat ang pagsubok na dumating. Tunay nga na madali tayong matitisod kung ibabatay natin ang ating pananaw sa mga kaganapan sa ating paligid. Subalit kapag ganito ang ating ginagawa, hindi natin tinitingnan kung ano ang nakikita ng mga mata ng Espiritu. Madalas hindi ako sinasagot ng Diyos sa mga oras na inakala ko na pinakakailangan ko. Subalit sa pagbabalik-tanaw ko sa bawat napagdaanan ko, naunawaan at nakita ko ang Kanyang matalinong kaparaanan. Paminsan-minsan, hindi nauunawaan ng aming mga anak ang aming kaparaanan o dahilan sa likod ng aming pagdidisiplina o pagsasanay. Sinubukan naming ipaliwanag sa nakatatanda naming anak upang mapakinabangan niya ang mga pagsasanay na iyon. Subalit may mga pagkakataong hindi nila maunawaan o hindi sila sumasang-ayon dahil sila ay bata pa; sa tamang panahon, maiintindihan din nila. O, maaaring sinusubukan ang kanilang pagsunod, pagmamahal at kaganapan sa gulang (maturity). Tulad ito ng ginagawa sa atin ng Diyos Ama sa langit. Sa mga ganitong sitwasyon, ang tunay na mananampalataya ay magsasabi na, Nananalig ako Sa Iyo, bagama t hindi ko lubusang nauunawaan ang mga nangyayari. Sa Hebreo 11:35-39, matatagpuan ang kasulatan na nagtala ng mga taong hindi nakita ang kaganapan ng mga pangako ng Diyos, subalit sila ay 103

120 Ang patibong ni Satanas nanatili: May mga tumangging palayain, sapagkat pinili nila ang mamatay sa pahirap upang muling buhayin at magtamo ng mas mabuting buhay. Mayroon namang nilibak at hinagupit, at mayroon ding nabilanggong gapos ng tanikala. Sila y pinagbabato, nilagari nang pahati, pinatay sa tabak. Mga balat ng tupa at kambing ang dinaramit nila. Sila y mga nagdarahop, apingapi, at pinagmalupitan. Hindi marapat sa kanila ang daigdig! Nagpagalagala sila sa mga ilang at kabundukan. Nagtago sila sa lungga at mga yungib sa lupa. At dahil sa kanilang pananalig sa Diyos, isang kasaysayang dimalilimot kailanman ang kanilang iniwan. Ngunit ang pangako ng Diyos ay hindi natupad sa kanilang kapanahunan. (may dagdag na diin) Nagpasiya sila na ang Diyos lamang ang kanilang hangad, anuman ang maging kapalit nito. Nanalig sila sa Diyos, kahit hindi nila nakita ang Kanyang mga pangako na natupad sa kanilang kapanahunan. Hindi sila natisod ng paghihirap at kasawian! Tayo ay lalalim at magiging matatag sa pananampalataya kung ating dadalhin ang ganito katinding uri ng pag-ibig at tiwala sa Diyos. Walang bagyo, gaano man ito kalakas, na makapaghihiwalay sa atin sa Kanya. Hindi ito nagmumula sa lakas ng loob o tibay lamang ng dibdib. Ito ay kaloob na biyaya ng Diyos sa lahat ng mga taong ganap na nananampalataya sa Kanya, at nag-aalis ng lubos na tiwala sa sarili. Subalit upang maialay mo ang iyong sarili nang buong-buo, kailangan mong makilala Siya nang lubos na humahawak sa iyong buhay. IBINIBIGAY ANG BIYAYA NG DIYOS SA MAPAGPAKUMBABA Hindi na maipagyabang ni Simon Pedro ang kanyang pagiging dakila. Nawala na sa kanya ang natural niyang tiwala sa sarili. Nakita niya ang kawalan ng saysay ng kanyang lakas ng loob. Natuto siyang magpakumbaba. Ngayon, isa na siyang ganap na kandidato para sa biyaya ng Diyos. Ibinibigay ng Diyos ang Kanyang biyaya sa mapagpakumbaba. Ang kababaang-loob ay isang pangunahing kailangan. Ito ang aral na natutuhan ni Pedro nang sulatin niya ang kanyang liham: Magpakumbaba kayong lahat at maglingkod sa isa t isa, ayon sa nasusulat: Kinamumuhian ng Diyos ang palalo, at kinalulugdan Niya ang mababang-loob. (1 Pedro 5:5) Niyanig ang pananampalataya ni Pedro hanggang sa bingit ng pagsuko. Napag-alaman natin ito sa pamamagitan ng mensaheng sinabi ng anghel 104

121 Lahat ng Maaaring Yanigin ay Tiyak na Yayanigin kay Maria Magdalena sa puntod: Kaya, humayo kayo at sabihin ninyo sa mga alagad, lalo na kay Pedro, na mauuna Siya sa inyo sa Galilea. Makikita ninyo Siya roon, gaya ng sinabi Niya sa inyo. (Marcos 16:7, may dagdag na diin) Sadyang itinangi ng anghel si Pedro. Nasa bingit na siya ng pagkawasak, subalit matatag ang pundasyong naitatag ng Diyos para sa kanya. Hindi ito kayang gibain ng anumang pagyanig sa kanyang pananampalataya, bagkus lalo pa itong tumatag. Hindi lamang pinatawad ni Hesus si Pedro, pinanumbalik pa Niya ito. Nang mayanig na ang mga bagay sa kanyang buhay na hindi kaaya-aya sa Diyos, handa na si Pedro upang gampanan ang isang mahalagang papel sa iglesya. Buong tapang niyang inihayag ang muling pagkabuhay ni Cristo sa harap mismo ng mga taong nasa likod ng pagkapako ni Hesus sa Krus. Hinarap niya ang konseho, hindi ang utusang babae. Tumayo siya sa harap nila na puno ng awtoridad at lakas ng loob. Ayon sa kasaysayan, ipinako si Pedro nang pabaliktad pagkatapos ng mahabang taong tapat na paglilingkod. Iginiit niya na hindi siya karapatdapat na mamatay tulad ng pagkamatay ng kanyang Panginoon, kaya t ipinako siya nang pabaliktad. Hindi na siya takot. Tulad siya ng isang batong itinatag sa isang matibay na pundasyon, sa isang mas malaki at matatag na bato. Ang mga pagsubok sa buhay ay isinisiwalat ang laman ng iyong puso kung mayroon kang sama ng loob laban sa Diyos o sa ibang tao. Ang bunga ng mga pagsubok na ito ay alinman sa dalawa, magkaroon ka ng hinanakit sa Diyos at sa mga taong nakapaligid sa iyo o palakasin ka. Kung iyong mapagtatagumpayan ang mga pagsubok na ito, lalong lalalim ang iyong pananampalataya at mas lalo kang tatatag at pati na rin ang iyong kinabukasan. Subalit kung hindi mo ito mapagtagumpayan, matitisod ka, na siyang magiging daan upang marumihan ang iyong espiritu dahil sa poot at kapaitan. PANGINOON, NAGLINGKOD AKO SA IYO, KAYA BAKIT...? Noong isa pa akong pastor, may isang matalinong labing-apat na taong gulang na batang lalaki na buong pitagang iginagalang ng kanyang mga kaibigan at mga pinuno na nasa lupon ng mga kabataan (youth group). Isa siyang mahusay na mag-aaral at bihasang atleta. Masigasig siya sa mga 105

122 Ang patibong ni Satanas gawain para sa Diyos. Naglingkod siya nang tapat at kusang-loob na nakiisa sa bawat gawain. Sumama siya sa aming misyon, at nagpatotoo sa halos lahat ng kanyang makatagpo. Sa isang yugto ng kanyang buhay, naglaan siya ng apat na oras na panalangin bawat araw. Nakarinig siya ng maraming bagay galing sa Diyos na ibinahagi naman niya sa iba. Lahat ng kanyang mga ibinabahagi ay tunay na naging pagpapala. Batid niyang tinatawag siya ng Panginoon sa ministeryo at ninais niya na maging isang pastor bago pa siya umabot sa gulang na dalawampu. Tila baga isa siyang batong kailanman ay hindi mayayanig. Naging malapit ang loob ko sa batang iyon. Kinilala ko rin ang tawag ng Diyos sa kanyang buhay, at naglaan ako ng oras para sa kanya. Subalit meron akong isang bagay na ikinababahala: Masyadong mataas ang tiwala niya sa kanyang sarili. Gusto ko sanang sabihin ito sa kanya subalit walang udyok ang Diyos na gawin ko iyon. Alam kong mayroong kailangang maganap sa kanyang buhay. Napagtagumpayan niya ang mga matitinding pagsubok at nanatili siyang malakas. Minsan iniisip ko kung tama ba ang aking pakiwari (discernment) sa tuwing napagtatagumpayan niya ang mga matitinding pagsubok. Makalipas ang ilang taon, lumipat sila ng tirahan, at nagsimula naman ako sa aking full-time ministry. Subalit nagpatuloy akong magkaroon ng komunikasyon sa kanya. Alam kong daraan siya sa isang matinding pagyanig sa kanyang pananampalataya. Wala akong ideya kung ano ang maaaring mangyari subalit alam ko na kailangan ito upang matupad niya ang kapalarang inihanda ng Diyos para sa kanya. Tulad ito ng pinagdaanan ni Simon Pedro na sinala ng Diyos ang mga bagay na hindi kaaya-aya sa kanyang buhay. Noong labingwalong taong gulang na ang batang lalaking iyon, nagkaroon ang kanyang ama ng isang uri ng cancer na wala ng lunas. Ang binatilyong iyon at ang kanyang ina ay nag-ayuno at nanalangin, buo ang paniniwala na ang kanyang ama ay gagaling. Sumali rin ang ibang kapatiran sa kanilang pag-aayuno. Ilang buwan pa lamang ang nakalilipas bago siya magkasakit nang magpasya ang kanyang ama na ibigay ang kanyang buhay kay Hesus. Subalit ang kalagayan ng kanyang ama ay lumala. Nagmiministeryo ako sa isang bayan sa Alabama nang tumawag ang aking asawa at nakikiusap 106

123 Lahat ng Maaaring Yanigin ay Tiyak na Yayanigin na tawagan ko ang binatilyong iyon. Tinawagan ko siya at nadama kong kailangan niya ng taong magpapalakas ng kanyang loob. Nagmaneho ako nang buong magdamag pagkatapos ng aking huling gawain, nakarating ako sa kanilang tahanan mga alas kuwatro ng umaga. Nalaman ko na ang kalagayan ng kanyang ama ay mas lalo pang lumala, at binigyan na lamang ng ilang araw ng doktor ang kanyang ama upang mabuhay. Hindi na rin ito makapagsalita. Lubos na naniwala ang binatilyo na ang kanyang ama ay babangon at gagaling. Ipinagdasal ko siya at ang kanyang pamilya at umalis ako makalipas ang ilang oras. Nang sumunod na araw, nakatanggap kami ng tawag na mas lumala pa ang mga pangyayari. Agad kaming nanalangin ni Lisa. Habang kami y nananalangin, binigyan ng Diyos si Lisa ng isang pangitain na si Hesus ay nasa tabi ng kama ng tatay ng binatilyo at handa na Siyang ihatid ito sa kanyang tahanan. Makalipas ang tatlumpong minuto, tumawag ang binatilyo at sinabing ang kanyang ama ay pumanaw na. Tila ang batang iyon ay tulad pa rin ng dati na malakas. Subalit ito pa lamang ang simula ng lahat. Nang gabing iyon, tinawagan niya ang ilan sa mga matalik niyang kaibigan upang ipaalam na sumakabilang buhay na ang kanyang ama. Nang sagutin nila ang kanyang tawag, lahat sila y umiiyak. Nagtaka siya kung paano nila nalaman ang balita. Subalit, wala pa silang alam tungkol sa tunay na nangyari sa kanyang ama. Ang mga luhang kanilang iniiyak ay para sa isa sa kanyang mga matatalik na kaibigan na namatay dahil sa isang aksidente. Sa loob lamang ng isang araw, nawalan siya ng ama at ng isang matalik na kaibigan. Ang pagyanig ng kanyang pananampalataya ay nagsimula na. Nalito siya, nabigo at namanhid dahil sa magkasunod na dagok sa kanyang buhay. Pakiramdam niya ang presensiya ng Diyos ay tila lumalayo sa kanya. Makalipas ang isang buwan, habang siya ay nagmamaneho pauwi, nadaanan niya ang isang aksidente. Nagkaroon siya ng pagsasanay sa medical training, subalit natigil ito. Ang lulan ng parehong sasakyang naaksidente ay kanyang malalapit na kaibigan. Namatay sa kanyang mga bisig ang dalawa niyang kaibigan habang sinusubukan niyang tulungan. 107

124 Ang patibong ni Satanas Narating na ng kaibigan kong ito ang kanyang hangganan. Gumugol siya ng tatlong oras sa loob ng kagubatan upang manalangin at humagulgol sa Diyos. Nasaan Ka? Sinabi Mo sa kin na Ikaw ang magbibigay sa akin ng kaaliwan kapag ako y nabibigatan, subalit wala akong nararamdamang kaaliwan ngayon! Tila ba tinalikuran na siya ng Diyos. Subalit, ang katotohanan, ito ang unang pagkakataon na binigo siya ng kanyang sariling lakas. Nagalit siya sa Diyos. Bakit Niya hinayaang maganap ang mga pangyayaring ito? Hindi siya nagalit sa kanyang pastor, sa kanyang pamilya, o maging sa akin. Ang kanyang galit ay laban sa Panginoon. Nilamon siya ng kanyang kapighatian. Pakiramdam niya y pinabayaan siya ng Diyos sa mga panahong kailangang-kailangan niya Siya. Panginoon, naglingkod ako Sa yo at iniwan ang maraming bagay upang sumunod Sa yo, subalit pinabayaan mo ako ang kanyang hinaing. Inakala niyang may utang na loob ang Diyos sa kanya dahil sa mga bagay na kanyang isinuko at ginawa upang makapaglingkod sa Kanya. Maraming mga tao ang nakaramdam ng kapighatian na mas magaan; at ang iba naman ay mas malubha kaysa sa kanyang mga pinagdaanan. Marami ang sumasama ang loob at nanlalamig sa Diyos. Naniniwala sila na marapat lamang na isaalang-alang ng Diyos ang mga bagay na kanilang ginawa para sa Kanya. Naglilingkod sila sa Panginoon na may maling layunin. Hindi natin dapat paglingkuran ang Diyos para sa kung ano ang magagawa Niya para sa atin, bagkus kung sino Siya at kung ano ang ginawa na Niya sa buhay natin. Sa mga taong nasaktan at nanlamig sa Diyos, hindi nila lubos na naunawaan kung gaano katindi ang Kanyang ibinayad upang mapalaya sila. Nalimutan nila ang kaparaanan kung paano namatay si Hesus mailigtas lamang sila. Tinitingnan nila ang kanilang kalagayan sa pisikal na paningin, hindi sa kanilang espirituwal na mga mata. Ang binatang iyon ay tumigil nang magsimba at nagsimulang sumama sa hindi tamang grupo ng mga kabataan. Pumupunta siya nang madalas sa mga bar at makamundong pagtitipon. Sa kanyang kapighatian, umiwas siya sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa Diyos. 108

125 Lahat ng Maaaring Yanigin ay Tiyak na Yayanigin Subalit hindi niya kinaya na ituloy ang ganitong uri ng pamumuhay sa loob ng dalawang linggo, sapagkat hindi sumasang-ayon ang kanyang puso. Gayunpaman, hindi pa rin siya lumapit sa Diyos sa loob ng anim na buwan. Tila ba ang presensiya ng Diyos ay hindi niya maramdaman kahit saan. Mahigit isang taon ang lumipas. Sa iba t-ibang pagkakataon, nakita niya na ang Diyos ay gumagalaw pa rin sa kanyang buhay. Lumapit siyang muli sa Panginoon, subalit ibang-iba na ngayon. Lumapit siya nang buong kababaang-loob. Pagkatapos ng pagsubok na iyon, ipinakita ng Diyos na hindi siya kailanman iniwan Nito. Sa pagpapanumbalik ng kanyang espirituwal na paglalakbay, natutunan niya na ilagak ang kanyang tiwala sa biyaya ng Diyos, at hindi sa kanyang sariling lakas. Tuloy-tuloy pa rin ang aming komunikasyon. Makalipas ang isa t kalahating taon, sinabi niya na nakita niya sa kanyang sarili ang mga bagay na hindi niya alam na nasa kanya pala. Isa akong taong walang tunay na pagkatao at mababaw sa lahat ng aking mga relasyon. Pinalaki ako ng aking ama na malakas sa panlabas, isang taong matagumpay dahil sa aking sariling kakayanan. Hindi ko kailanman magagawang lumago tulad ng paglagong nais ng Diyos. Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos sapagkat hindi Niya hinayaan na manatili ako sa ganoong kalagayan. Hindi ang pagpunta ko sa iba t ibang bar at pag-inom ang labis kong ikinalungkot, kundi ang pagtalikod ko sa Banal na Espiritu. Mahal na mahal ko Siya. Ang aking pakikitungo sa Kanya kailanman hindi naging sintamis ng pakikitungo ko sa Kanya sa ngayon. Maraming pagyanig ang nangyari sa buhay niya. Nawala na ang matinding kumpiyansa niya sa sarili. Subalit, ang binatang ito ay mayroong pundasyon na tulad ng kay Simon Pedro, na kailanman ay hindi mananakaw. Sa halip na itatag ang kanyang buhay at ministeryo mula sa kapalaluan, itinatatag niya ito ngayon sa biyaya ng Diyos. Ang ating mga hinanakit at sama ng loob ang nagsisiwalat kung ano ang ating mga kahinaan at kung kailan nasa bingit na tayo ng pagsuko. Kadalasan, sa mga bagay na inaakala nating malakas tayo ay doon din nagkukubli ang ating pinakamatitinding mga kahinaan. Mananatili itong nakakubli hanggang sa isang matinding unos ang magtanggal sa takip nito. Isinulat ni Apostol Pablo na, Tayo ang tumanggap ng tunay na pagtutuli, tayong mga sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. 109

126 Ang patibong ni Satanas Ang ipinagmamalaki natin ay ang ating buhay kay Cristo Jesus. Hindi tayo umaasa sa ating laman. (Filipos 3:3, may dagdag na diin) Wala tayong maaaring gawin sa ating sariling kakayanan na magkakaroon ng panghabang panahong halaga. Madaling sabihin ang mga bagay na ito, subalit ang pag-ugat ng katotohanang ito sa ating buhay ay ibang bagay. 110

127 Lahat ng Maaaring Yanigin ay Tiyak na Yayanigin 111

128 Ang patibong ni Satanas HINDI HINAYAAN NI HESUS NA MABALUKTOT ANG KATOTOHANAN UPANG MAIWASANG MAKASAKIT NG MGA TAO. Ang iyong aklat na Ang Patibong ni Satanas ay nagbukas sa aking mga mata. Ako at ang aking asawa ay nagmiministeryo, at naniwala ako na maayos ang relasyon ko sa Panginoon. Ipinakita ng aklat na Ang Patibong ni Satanas ang labinglimang taong sama ng loob ko sa aking tiyahin na maaaring maging sanhi ng pagkawala ng lahat ng bagay. Bilang mga Kristiyano, tinuruan kaming magpatawad, subalit hindi talaga ito tumimo sa aking puso. Dahil sa mensaheng hatid ng iyong aklat, nagpasya akong harapin na ang hinanakit na iyon na aking pinagdaanan. R. M., Tennesee 112

129 9 Ang Batong Katitisuran Sapagkat sinasabi ng Kasulatan, Masdan ninyo, itinayo Ko sa Sion ang isang batong panulukan, hinirang at mahalaga; hindi mabibigo ang sinumang nananalig sa Kanya. Kaya nga, mahalaga Siya sa inyong mga may pananalig. Ngunit sa mga walang pananalig, matutupad ang nasa Kasulatan: Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ay Siyang naging batong panulukan, at naging batong katitisuran at ikadadapa ng mga tao. Natisod sila sapagkat hindi sila sumunod sa salita ng Diyos; ito ang itinalaga sa kanila. 1 Pedro 2:6-8 N gayon, humihina na ang kahulugan ng salitang pananalig. Sa pagkakaintindi ng mga nakararami ang salitang pananalig ay isa na lamang pagsang-ayon sa isang katotohanan. Sa higit na nakararami, ang salitang ito ay walang anumang kinalaman sa pagsunod. Subalit tinukoy sa mga talata sa itaas na ang salitang pananalig ay inilarawan bilang kasalungat ng salitang pagsuway. 113

130 Ang patibong ni Satanas Pinagtagubilinan tayo ng Bibliya sa Juan 3:16. Marami ang naniniwala na kung ang isang tao ay nananampalataya, ang kailangan lamang nilang gawin ay maniwala na nagkatawang tao si Hesus at namatay sa krus ng Kalbaryo, at magiging maayos na ang kanilang relasyon sa Diyos. Subalit kung ito lamang ang kailangang gawin, maging ang mga demonyo ay magkakaroon ng maayos na relasyon sa Kanya. Inihayag din ito ng Banal na Kasulatan sa Santiago 2:19. Maliwanag na walang kaligtasan para sa mga demonyong bagamat naniniwala ay wagas naman ang pagsuway. Ang salitang pananalig ay may mas malalim na kahulugan sa Banal na Kasulatan. Ito ay higit sa simpleng pagkilala o pagsang-ayon sa isang katotohanan. Malalaman natin, gamit ang talata sa 1 Pedro 2:6-8, na ang pangunahing bahagi ng pananalig ay ang pagsunod. Maaari nating basahin ang talatang nasa itaas sa ganitong paraan: Kaya nga, mahalaga Siya sa inyong mga sumusunod. Ngunit sa mga walang pananalig, matutupad ang nasa Kasulatan: Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ay Siyang naging batong panulukan, at Naging batong katitisuran na ikadadapa ng mga tao. Hindi mahirap sumunod kung alam mo ang katangian at pag-ibig ng kung kanino ka nagpapasailalim. Ang pagmamahal ang kabuuan (bottom line) ng ating relasyon sa Diyos hindi ang pagmamahal sa mga prinsipyo o katuruan kundi pagmamahal kay Hesucristo. Kung ang pagmamahal na iyon ay hindi matatag, madali tayong matitisod at madadapa. Ang mga Israelita, na tinawag ng Diyos na tagapagtayo, ay itinakwil ang batong panulukan ng Diyos, walang iba kundi si Hesus. Minahal nila ang mga katuruan sa Lumang Tipan. Sapat na sa kanila ang kanilang pakahulugan sa Lumang Tipan sapagkat ginamit nila ito sa kanilang kapakinabangan at upang magpaikot ng mga tao. Sa kabilang banda, hinamon ni Hesus ang lahat ng mga legalista sa kanilang pinagkaiingatan. Sinabi ni Hesus sa kanila na, Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan, sa paniwalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga ito ang nagpapatotoo tungkol sa akin. ( Juan 5:36) Hindi nila kayang lubos na maunawaan na sa simula pa lamang ay ninais na ng Diyos ang mga anak na lalaki t babae na magkaroon ng relasyon sa Kanya. Ninais nilang mamahala at maghari. Mas nangibabaw ang mga kautusan kaysa sa relasyon nila sa Panginoon. Tinanggihan nila ang bagay na ibinigay sa kanila nang libre. Mas pinili nila na pagtrabahuhan ito. Kaya 114

131 Ang Batong Katitisuran ang libreng kaloob ng Diyos na si Hesucristo, na Siyang dapat pagkunan ng pag-asa sa buhay at kaligtasan, ay naging batong katitisuran at ikadadapa nila. Sinabi ni Simeon habang itinataas niya ang sanggol na si Hesus sa kanyang mga bisig sa loob ng templo na: Tandaan mo, ang batang ito y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel (Lucas 2:34). Bigyang-pansin ang mga salitang ikapapahamak at ikaliligtas. Ang Siyang dapat na magdala ng kapayapaan sa mundo ay Siya palang magdadala rin ng tabak upang paghiwalayin ang mga tao kung kanino Siya ipinadala (Mateo 10:34) at sa buhay ng mga taong pinagsamantalahan ng mga itinuring na tagapagtayo (ang mga tagapaglingkod sa mga panahong iyon). SI HESUS AT ANG MGA SAMA NG LOOB Sa Sunday school, laging inilalarawan si Hesus bilang isang pastol na may karga-kargang tupang naligaw na ibinabalik Niya sa kawan. O, kaya naman ay nakayakap Siya sa mga bata, habang pinagpapala Niya sila. O, kaya ay nakangiti habang sinasabihan ang mga bata na, Minamahal Ko kayo. May katotohanan ang mga larawang ito, subalit hindi naipakikita ang kabuuan ng kung sino si Hesus. Ang Hesus ding ito ang Siyang sumaway sa mga Fariseo dahil sa kanilang pagiging matuwid sa kanilang mga sarili (self-righteous): Mga ahas! Lahi ng mga ulupong! (Mateo 23:33). Pinagtataob Niya ang mesa ng mga namamalit ng pera sa templo at ipinagtabuyan Niya sila. ( Juan 2:13-22). Pinagsabihan Niya ang isang lalaking nagnanais na ilibing muna ang kanyang ama bago sumunod sa Kanya: Hayaan mo na ang mga patay ang siyang maglibing sa kanilang mga patay. Ngunit humayo ka at ipahayag mo ang kaharian ng Diyos. (Lucas 9:56-60). At hindi diyan nagwawakas ang listahan. Ang isang malapitang pagtanaw sa ministeryo ni Hesus ay maghahayag ng isang Lalaki na kinatisuran ng marami habang Siya ay nagmiministeryo. Sumama ang loob ng mga Fariseo kay Hesus. Sa maraming mga pagkakataon, kinumpronta at nasaktan ni Hesus ang damdamin ng mga relihiyosong pinuno o lider noong kapanahunan Niya. At dahil sila ay nasaktan, ipinapako nila si Hesus. Namuhi sila sa Kanya. 115

132 Ang patibong ni Satanas Subalit dahil masidhi ang pag-ibig ni Hesus sa kanila, kailangan Niyang sabihin ang totoo: Mga mapagkunwari! Tama nga ang sinabi ni Propetang Isaias tungkol sa inyo, Lumalapit ang mga taong ito sa Akin sa pamamagitan ng kanilang bibig, at pinararangalan Nila ako sa pamamagitan ng kanilang mga labi, subalit ang kanilang mga puso ay malayo sa akin. Walang kabuluhan ang kanilang pagsamba. (Mateo 15:7-9) Ang mga salitang ito ay nakatisod sa kanila. Pansinin ang naging katanungan ng mga alagad ni Hesus pagkatapos Niyang sabihin ang mga salitang nabanggit: Pagkatapos, lumapit ang mga alagad sa Kanya at sinabi sa Kanya, Hindi po ba Ninyo alam na nasaktan ang mga Fariseo sa sinabi Ninyo? Mateo 15:12, may dagdag na diin Pag-aralan ang Kanyang tugon: Sumagot Siya, Ang bawat halamang hindi itinanim ng Aking Ama na nasa langit ay bubunutin. Hayaan ninyo. Sila ay mga bulag na taga-akay ng mga bulag. At kapag bulag ang umaakay sa kapwa bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay. Mateo 15:13-14 Sinabi ni Hesus na ang pagkatisod o sama ng loob ay sinasala ang mga taong hindi itinanim ng Kanyang Ama. May mga taong umaanib sa simbahan o ministeryo, ngunit hindi sila ipinadala ng Diyos o hindi sila mula sa Diyos. Ang sama ng loob na nadarama nila pagkarinig ng katotohanang ipinangaral sa kanila ay naghahayag ng kanilang tunay na motibo at maaaring maging sanhi ng kanilang pagkabunot. Sa pagdalaw ko sa ibang mga simbahan, nasaksihan ko ang maraming kaso kung saan ang mga pastor ay nagdadalamhati dahil sa mga miyembrong umalis, na maaaring mga manggagawa ng simbahan o dumadalo pa lamang sa simbahan. Madalas, umaalis ang mga tao kapag naipangangaral ang katotohanan at nahahayag ang kanilang uri ng pamumuhay. Dahil dito, nagiging mapunahin sila sa pagpapatakbo ng simbahan hanggang sa sila ay umalis. 116

133 117 Ang Batong Katitisuran May mga pastor na upang mapanatili ang mga taong pumapasok sa pintuan ng kanilang simbahan ay isinasakripisyo ang katotohanan. Kung ipapangaral mo ang katotohanan, ang sabi ko sa kanila, tiyak na makakasakit ka ng damdamin at may mga taong aalis. Huwag kang mamighati dahil sa kanila. Sa halip, patuloy mong pakainin at alagaan ang mga taong ipinadala ng Diyos sa iyo. May mga pinunong umiiwas sa mga kumprontasyon. Natatakot silang mawalan ng mga miyembro, lalo na kapag ang mga taong ito ay malaking magbigay sa simbahan, o kaya naman ay maimpluwensiya ang mga taong ito sa simbahan o sa komunidad. Ang iba naman ay takot makasakit ng damdamin ng isang taong matagal na nilang kasama. Dahil dito, naiwawala ng mga pastor ang kapamahalaan (authority) nila na mula sa Diyos upang ingatan at pakainin nang tama ang mga tupang inilagak sa kanilang pangangalaga. Nang una akong pumasok sa gawaing pagpapastor, isang matalinong lalaki ang nagbigay sa akin ng sumusunod na babala: Manatili ka sa iyong awtoridad, o maaaring agawin iyan sa iyo at gamitin laban sa iyo. Si Samuel ay isang lingkod ng Diyos na hindi ikukompromiso ang katotohanan kaninuman, kahit pa sa isang hari. Nang sumuway si Saul sa Diyos, inutusan ng Panginoon si Samuel na kumprontahin si Saul. At ginawa nga ni Samuel, subalit hindi nakinig si Saul. Mas mahalaga sa kanya kung paano siya tingnan ng mga tao. Dahil dito, nagpasya si Samuel na iwan na ang hari. Tumanggi si Saul at nangunyapit sa kanyang balabal hanggang ito ay mapunit. Subalit lalo siyang nawindang dahil sa winika ng propeta: Sa araw na ito, tinanggal na sa iyo ni Yahweh ang pagiging hari ng Israel... (1 Samuel 15:28) Hindi nais ni Samuel na mangyari ito kay Saul. Nalungkot siya para sa hari. Siya ang nagpahid ng langis (anoint) kay Saul bilang hari. Siya rin ang nagsanay kay Saul na mamuno at kinoronahan niya ito bilang hari. Kaibigan ang naging turing niya kay Saul. Ngunit pakinggan ang naging tugon ng Diyos sa pamimighati ni Samuel: Hanggang kailan ka malulungkot para kay Saul? Itinakwil Ko na siya bilang hari ng Israel. Magdala ka ng langis, at humayo ka, ipapadala kita... (1 Samuel 16:1 may dagdag na diin) Sinasabihan ng Diyos si Samuel na upang siya ay makausad na taglay ang bagong langis o kapangyarihan ng Espiritu, kailangan niyang mapagtanto na ang pag-ibig at pasya ng Diyos ay ganap. Kung babalikan ni Samuel si

134 Ang patibong ni Satanas Saul, hindi siya magtataglay ng sariwang langis. Kung mananatili siya sa kalungkutan, wala siyang patutunguhan. Ang mga pastor na lubhang nalulungkot para sa mga taong umaalis sa kanilang simbahan, o kaya ay tumatangging kumprontahin ang mga miyembrong naging kaibigan na rin nila, ay matutuyuan ng langis. Dahil dito, may mga ministeryong namamatay, samantalang ang iba naman ay nagkukunwari na lamang na buhay. Hindi nila namamalayan, mas pinipili nila ang relasyon nila sa tao kaysa sa relasyon nila sa Panginoon. Walang naitala sa Banal na Kasulatan kung ano ang naging reaksyon ni Hesus sa mga taong nang-iwan sa Kanya. Ang tanging hangad Niya ay sundin ang kalooban ng Ama. Dahil dito, maraming tao ang nakinabang. Hindi ko malilimutan ang araw na naanyayahan akong mangaral sa isang simbahan na kilalang puspos ng Espiritu (Spirit-filled). Kami ay naglakbay sa loob ng isang taon sa aming pagmiministeryo. Sa unang araw ng Linggo, nagturo ako ng isang simpleng mensahe tungkol sa pagsisisi at panunumbalik sa ating unang pag-ibig. Nadama ko na may espiritung humahadlang, subalit natitiyak ko na iyon ang mensaheng kailangan kong ihatid sa simbahang iyon. Pagkatapos ng gawain, nilapitan ako ng pastor at nagsabing, Ipinakita na sa akin ng Diyos ang ipinangaral mo sa umagang ito, subalit batid kong hindi handa ang mga tao sa ganyang uri ng mensahe. Kami ng aking asawa ay inudyukan ng Banal na Espiritu na tanungin siya, Sino ba ang pastor ng simbahang ito ikaw o si Hesus? Napayuko ang pastor. Iyan mismo ang sinabi ng Panginoon sa akin isang buwan na ang nakararaan. Sinabi Niya sa akin na alam Niya kung hanggang saan ang kayang tanggaping mensahe ng mga tao. Ipinaalam sa amin ng pastor na ang ikatlong bahagi ng mga miyembro ng simbahan ay matatagal nang miyembro. Ang mga miyembrong ito ang tumututol sa anumang pagbabago sa programa ng simbahan, sa musikang tinutugtog at maging sa mga mensaheng ipinangangaral tuwing Linggo. Hinikayat namin siyang maging matatag at sumunod sa Panginoon. Mayroon pang apat na pagtitipong pinagsalitaan ko sa simbahang iyon, na bawat isa y naging napakahirap. Nang lisanin namin ang simbahang iyon, pakiramdam ko y may pasan akong isang sakong bigas na ang dahilan ay 118

135 Ang Batong Katitisuran hindi ko maipaliwanag. Ang mabigat na pakiramdam ay lalo pang bumigat, na lubha kong pinagtakhan. Sa ibang mga simbahang pinagsalitaan ko, kagalakan ang nadarama ko kapag ako ay paalis na. Ang simbahang ito y kakaiba. Nang ako y mapag-isa kasama ang Panginoon, tinanong ko Siya, May nagawa po ba akong pagkakamali? Bakit napakabigat po ng aking pakiramdam? Pinangunahan at linampasan ko po ba ang awtoridad ng pastor? Simple lamang ang naging tugon Niya, Ipagpag mo ang alikabok sa iyong talampakan. (Lucas 9:5) Nagulat ako sa mga salitang aking narinig mula sa Panginoon. Patuloy akong nanalangin at nagtanong, subalit ang Kanyang sagot ay hindi nagbago: Ipagpag mo ang alikabok sa iyong talampakan. Sa wakas, ako ay sumunod. Nang matapos kong ipagpag ang talampakan ng aking ikalawang sapatos, nakadama ako ng kagaangan ng puso. Ang kabigatan ay napalitan ng kagalakan. Muli, nasabi ko sa Panginoon ang mga salitang ito na may pagkamangha, Hindi nila ako inatake o itinapon palabas ng kanilang simbahan, Panginoon. Bakit kaya? Ipinakita Niya sa akin na ang pamunuan at karamihan sa mga miyembro ng simbahan ay tinanggihan ang Kanyang mga salita. Bigyan Mo pa sila ng dagdag na panahon, Panginoon, ang aking pakiusap. Kahit bigyan Ko pa sila ng karagdagang limampung taon, hindi pa rin sila magbabago. Matitigas na ang kanilang mga puso. Alam ko na ang pastor ng simbahang iyon, sa halip na sundin ang kalooban ng Diyos, ay nagkumpromiso upang mapanatili niya ang kapayapaan sa kanyang simbahan. Dahil dito, hindi siya napuspos ng bagong langis. May anyo siya ng pagiging puspos ng Espiritu, subalit wala na sa kanya ang kapangyarihan at presensiya ng Diyos. Hindi naglaon, nabalitaan ko na iniwan din ng pastor ang simbahang iyon, at ang mga miyembro ay nag-alisan din hanggang sa halos ikatlong bahagi na lamang nito ang natira. 119

136 Ang patibong ni Satanas Hindi nagpakontrol si Hesus sa ibang tao. Sinasabi Niya ang katotohanan kahit humantong sa kumprontasyon at samaan ng loob. Kung pagsang-ayon lamang ng tao ang hinahangad mo, ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi bababa sa iyo. Kailangan mong pagpasyahan sa iyong puso na ideklara ang Salita ng Diyos at sundin ang Kanyang kalooban kahit may mga pagkakataong maaari kang makasakit ng damdamin. Sumama ang Loob kay Hesus ng Kanyang mga Kababayan. Nagtungo si Hesus sa Kanyang sariling bayan upang magministeryo. Subalit hindi Niya nagawang pagkalooban sila ng kalayaan at kagalingan na naipagkaloob Niya sa ibang mga lugar. Tingnan kung ano ang sinabi ng Kanyang mga kababayan: Hindi ba siya ay anak ng isang karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina, at sina Santiago, Jose, Simon at Hudas ang kanyang mga kapatid? At tagarito rin ang kanyang mga kapatid na babae, di ba? Saan kaya niya natutuhan ang lahat ng iyan? Kaya sila y natisod sa kanya. Subalit sinabi ni Hesus sa kanila, Ang isang propeta y iginagalang kahit saan maliban sa kanyang sariling bayan at sariling sambahayan. Mateo 13:55-57, may dagdag na diin Naririnig mo ba ang mga mamamayan ng Nazareth na nagsasabing, Sino ba siya sa palagay niya, na nagtuturo sa atin nang may awtoridad? Kilala namin siya. Dito siya lumaki. Kami ang mga matatanda rito. Anak lang siya ng isang karpintero. Wala siyang pinag-aralan. Muli, hindi ikinumpromiso ni Hesus ang katotohanan upang hindi lang siya makasakit ng damdamin. Lubhang nagalit ang Kanyang mga kababayan kaya pinagtangkaan nilang Siya ay patayin sa pamamagitan ng paghulog sa Kanya sa bangin (Lucas 4:28-30) At kahit nasa panganib na ang Kanyang buhay, patuloy Siyang nangaral ng katotohanan. Kailangangkailangan natin ang mga lalaki at babaeng tulad Niya sa kapanahunan natin ngayon! Sumama ang Loob kay Hesus ng Kanyang mga Kapamilya. Maging ang Kanyang mga kapamilya ay natisod kay Hesus. Hindi sila naging masaya dahil sa mga hirap na dumating sa kanilang buhay na bunga 120

137 Ang Batong Katitisuran ng Kanyang mga ginagawa. Nahirapan silang paniwalaan ang Kanyang mga pinaggagawa. Tingnan natin: Nang mabalitaan iyon ng Kanyang mga kapamilya, pumunta sila roon upang kunin Siya dahil maraming nagsasabi na nasisiraan Siya ng bait... Dumating ang ina at mga kapatid ni Hesus. Tumayo sila sa harap ng bahay at ipinatawag Siya. Nang oras na iyon ay maraming taong nakaupo sa palibot ni Hesus; at sinabi nila sa Kanya, Nasa labas po at naghihintay ang inyong ina at mga kapatid na lalaki. Ngunit sumagot Siya at nagsabing, Sino ang Aking ina at mga kapatid. Tumingin Siya sa mga nakaupo sa palibot at sinabi, Ito ang Aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ang Aking mga kapatid at Aking ina. Mateo 3:21, Pinag-isipan Siya ng Kanyang sariling pamilya na nasisiraan ng bait. Pansinin na ayon sa Banal na Kasulatan ay binalak Siyang kunin ng Kanyang pamilya. Kinilala ni Apostol Marcos ang Kanyang mga kapamilya na nagbalak ng ganito na ang Kanyang sariling ina at mga kapatid na di naglaon ay natagpuan Siyang nangangaral sa ibang bahay. Maging si Juan, sa kanyang isinulat na ebanghelyo, ay nagsabing, Ang sarili Niyang mga kapatid ay hindi naniwala sa Kanya. ( Juan 7:5) Marami ang hindi nakababatid na si Hesus ay hindi tinanggap maging ng mga taong pinakamalapit sa Kanya. Subalit hindi ang pagtanggap nila ang hinahangad Ni Hesus. Hindi Niya nais na magpakontrol sa kahit kaninong tao. Ang nais Niya y matupad ang plano ng Ama, sang-ayon man sila o hindi. Marami akong nakitang mga tao, lalo na ang mga mag-asawa, na hindi nakasunod kay Hesus, dahil sa takot na masaktan ang damdamin ng kanilang kabiyak o kapamilya. Dahil dito, tuluyan na silang tumalikod sa Panginoon at hindi nila naabot ang rurok ng pagtawag ng Diyos sa kanilang buhay. Noong una akong makakilala sa Panginoon, lahat ng miyembro ng aking pamilya ay mga Katoliko Romano. Tulad ng inaasahan, hindi sila natuwa sa bago kong pananampalataya. Sumama ang loob ng aking ina nang magpasya akong iwan ang simbahan kung saan niya ako pinalaki. 121

138 Ang patibong ni Satanas Totoong may mga Katolikong tunay na nagmamahal sa Diyos, subalit batid ko rin na tinatawag ako ng Diyos na lumabas mula sa simbahang Katoliko. Ang sumunod na dagok sa kanila ay naganap nang ipaalam ko ang aking pasya na pumasok sa ministeryo. Katatapos ko lang noon ng kursong Mechanical Engineering mula sa Purdue University. Mataas ang pangarap para sa akin ng aking mga magulang, subalit nadarama ko rin ang pagtawag ng Panginoon sa buhay ko. Alam ko ring ipagdaramdam nila ang aking pasya. Sa loob ng ilang taon, hindi naging maayos ang aming relasyon. Nagkaroon kami ng ilang hindi pagkakaunawaan; subalit nagpasya na ako na kahit magalit sila sa akin, patuloy akong susunod kay Hesus. Sa simula, sinubukan ko silang bahaginan ng ebanghelyo. Sinabi kong hindi sila maliligtas sa pamamagitan lamang ng pagdalo sa misa. Naging mapilit ako, at hindi naging maingat. Sa puntong ito, tinuruan ako ng Panginoon na ipamuhay ang Kanyang mga Salita at ipakita ang kabutihan Niya sa aking buhay, ngunit patuloy na hindi ko ikinumpromiso ang aking pananampalataya upang matuwa lamang sila. Sa ngayon, salamat sa Diyos, kaisa ko na ang aking mga magulang sa pananampalataya at suportado nila ang aking ministeryo. Ang aking lolo, na naging mahigpit ang pagtuligsa sa akin noon ay nagsuko rin ng kanyang buhay kay Hesus, at sa edad na walumpu t siyam, siya ay naligtas dalawang taon bago siya mamatay. Maaaring pinag-isipan si Hesus ng kanyang ina at mga kapatid na nasisiraan Siya ng bait, subalit dahil sa Kanyang pagsunod sa Ama, silang lahat ay naligtas, at nakasama ng mga alagad sa Herusalem, sa silid sa itaas (upper room) noong Araw ng Pentecostes. Si Santiago, na isa sa Kanyang mga kapatid, ay isa sa mga naging pangunahing apostol ng iglesya sa Herusalem. Kung ikukompromiso natin ang sinasabi ng Diyos sa atin upang mapalubag natin ang loob ng ating mga kapamilya, mawawala ang sariwang langis o kapangyarihan ng Espiritu sa ating buhay, at makakasagabal tayo upang sila rin ay maligtas at mapalaya sa takdang panahon. 122

139 Ang Batong Katitisuran Sumama ang Loob kay Hesus ng Kanyang mga Kamanggagawa. Sa nakaraang kabanata, tinalakay natin nang detalyado ang pananaw ng mga disipulo nang sumama ang loob nila kay Hesus. Balikan natin ang pangyayari at tingnan natin mula sa paningin ng Panginoon. Narinig ito ng Kanyang mga alagad at marami sa kanila ang nagsabing, Mabigat na pananalita ito, sino ang makatatanggap nito? Kahit walang nagsasabi kay Hesus, alam Niya na nagbubulung-bulungan ang Kanyang mga alagad tungkol dito. Kaya t sinabi Niya, Nakatitisod ba ito sa inyo? Juan 6:60-61, may dagdag na diin Matitindi na ang mga kaganapan. Binabalalak Siyang ipapatay ng mga relihiyosong lider. Hindi Siya tinanggap ng Kanyang mga kababayan. Inakala ng Kanyang mga kapamilya na Siya ay nasisiraan ng bait. At bilang karagdagan pa sa bigat na Kanyang pinapasan, marami sa Kanyang mga tagasunod ang lumisan sapagkat natisod sa Kanyang mabibigat na pananalita. Sinabihan Niya ang mga nagpaiwang disipulo na malaya rin silang umalis kung nais nila. Ang tanging mahalaga kay Hesus ay matupad ang kalooban at plano ng Ama. Kung masusumpungan Niya ang Kanyang sarili na nag-iisa na lamang, hindi pa rin magbabago ang Kanyang puso. Determinado Siyang sumunod sa Kanyang Ama. Sumama ang loob kay Hesus ng pinakamatatalik Niyang mga kaibigan. May isang taong nagnngagangalang Lazaro na nagkasakit. Nakatira Siya sa Betania kasama ang mga kapatid niyang sina Maria at Marta.Si Maria ang nagbuhos ng pabango sa paa ng Panginoon at pagkatapos ay pinunasan iyon ng kanyang buhok. Dahil may sakit si Lazaro, nagpasabi kay Hesus ang magkapatid, Panginoon, ang minamahal Ninyong kaibigan ay may sakit. Juan 11:

140 Ang patibong ni Satanas Minahal ni Hesus sina Marta, Maria at Lazaro. Malapit sila sa isa t isa. Nagbigay Siya ng oras para sa kanila. Narito ang Kanyang tugon nang mabalitaan Niyang nagkasakit si Lazaro: Kaya, nagpalipas pa Siya ng dalawang araw, mula nang mabalitaang may sakit si Lazaro. Juan 11:6 Batid ni Hesus na ang pagkakasakit ni Lazaro ay hahantong sa kamatayan. Maselan ang pangyayaring ito, subalit nanatili pa Siya ng dalawang araw sa Kanyang kinaroroonan. Nang makarating Siya sa Betania, patay na si Lazaro at apat na araw nang nakalibing. Kinausap Siya nina Marta at Maria, Panginoon, kung narito ka lamang, hindi mamamatay ang aming kapatid. ( Juan 11:21, 32) Ang ibig nilang sabihin, Bahit hindi Ka agad dumating? Nailigtas Mo sana siya. Malamang, nagtampo ang magkapatid. Nagpadala sila ng taong nagbalita kay Hesus tungkol sa kalagayan ni Lazaro, ngunit nagpalipas pa Siya ng dalawang araw bago Siya nagpakita sa kanila. Bilang matalik nilang kaibigan, umasa silang agad silang dadamayan ni Hesus. Subalit binigo sila ni Hesus. Sa halip, sinunod Nito ang gabay ng Banal na Espiritu na siya namang pinakamainam para sa lahat. Sa pagkakataong iyon, hindi pagpapagaling lamang ng sakit ang nais ipamalas ni Hesus. Nais Niyang ipaunawa sa kanila na may kapangyarihan din Siyang bumuhay ng patay. Ngunit nang oras na iyon, nagmistulang walang malasakit si Hesus sa kanila, na hindi sila mahalaga sa Kanya. Madalas, ang mga pastor o lingkod ng Diyos ay nais kontrolin ng mga tao sa kanilang paligid. Tila ba kailangan nilang pagbigyan lahat ng kahilingan ng mga tao. Minsan, kinausap ako ng isa sa mga board member ng isang Spiritfilled na simbahan na iniwan ng kanilang pastor, Kailangan namin ang isang pastor na tatagpuin ang aming mga pangangailangan, isang pastor na maaari akong samahang magkape sa aming tahanan tuwing ikawalo ng umaga. Naisip ko, Ang kailangan ninyo ay isang lalaking makikipagsosyalan sa inyo at makokontrol ninyo, hindi isang pastor na kinokontrol ng Banal 124

141 Ang Batong Katitisuran na Espiritu. Napag-alaman ko rin na ang simbahang iyon ay nakaapat na pastor na sa loob lamang ng isang taon at kalahati. Nang ako ay maging isang youth pastor sa loob pa lamang ng anim na buwan, may isang kabataang lalaki na nakipagkita sa akin at nagtanong, Pwede ba kitang maging buddy (kaibigan)? Yung dati naming youth pastor ay naging buddy ko. Ang youth pastor bago ako dumating ay palakaibigan sa mga kabataan. Nakasentro sa mga nakaaaliw na gawain (activities) ang kanilang naging pagtitipon. Batid ko na ganito rin ang inaasahan niya sa akin. Ganoon din ang hinihingi sa akin ng board member. Binanggit ko ang Mateo 10:41 sa kanya, Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa ito y propeta ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa propeta; at ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa ito y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa isang taong matuwid. Marami kang kaibigan, hindi ba? ang tanong ko sa kanya. Opo, ang sagot niya. Ngunit iisa lamang ang iyong youth pastor, hindi ba? Opo. Nagpatuloy ako, Tatanungin kita -- ano ang gusto mong gantimpala, gantimpalang ukol sa isang youth pastor o gantimpalang ukol sa isang buddy o kaibigan? Dahil kung paano mo ako tatanggapin, ganoon din ang gantimpalang tatanggapin mo mula sa Diyos. Nakuha niya ang punto ko, Gusto ko po ng gantimpalang ukol sa isang pastor. Maraming pastor o lingkod ng Diyos, na sa takot na masaktan ang damdamin ng kanilang mga miyembro at mawala ang suporta sa kanila, ay pinipilit na magampanan ang lahat ng inaasahan ng mga tao sa kanila. Nahulog sila sa bitag ng takot na makatisod o makasakit ng damdamin. Nagpapakontrol na sila sa tao, hindi sa Diyos. Halos walang bagay na may pangwalang hanggang halaga (eternal value) na nagagawa sa loob ng kanilang simbahan o organisasyon. 125

142 Ang patibong ni Satanas Sumama ang loob ni Juan Bautista kay Hesus. Maging ang damdamin ni Juan Bautista ay nasaktan ni Hesus. Ibinalita kay Juan ng kanyang mga alagad ang lahat ng mga pangyayaring ito. Kaya t tinawag ni Juan ang dalawa sa kanila at pinapunta sa Panginoon upang itanong kung Siya na nga ang ipinangakong darating, o kung maghihintay pa sila ng iba. Lucas 7:18-19 Sandali lang. Bakit ipinatatanong ni Juan Bautista kay Hesus kung Siya na nga ang inaasahang darating na Mesias o Tagapagligtas? Si Juan ang naghanda ng Kanyang daraanan at nag-anunsiyo ng Kanyang pagdating:...tingnan ninyo, Siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. ( Juan 1:29) Si Juan Bautista rin ang nagsabing,...siya ang magbabautismo sa pamamagitan ng Espiritu Santo. (talata 33). Sinabi rin niyang, Dapat siyang maitaas at ako nama y maibaba. ( Juan 3:30). Si Juan ang nag-iisang taong lubos na nakakakilala kay Hesus noong mga panahong iyon. (Hindi pa naihahayag iyon kay Pedro.) Kaya, bakit niya pinapatanong, Si Hesus nga ba ang Mesias, o maghahanap pa tayo ng iba? Ilagay mo ang sarili mo sa posisyon ni Juan. Nasa kalagitnaan ka ng ginagawa ng Diyos. Napakaraming taong naapektuhan ng iyong ministeryo. Bukambibig ng buong bansa ang iyong ginagawa para sa Panginoon. Namuhay ka nang simple at may pagtatakwil sa sarili (denial of self). Ni hindi ka nag-asawa upang magampanan mo nang wagas ang tawag ng Diyos sa iyong buhay. Nabuhay ka sa disyerto na kumakain ng balang at pulot, at nag-aayuno ka nang madalas. Nakipaglaban ka sa mga Fariseo at naakusahang inaalihan ng masamang espiritu. Ang buong buhay mo ay ginugol mo sa paghahanda para sa pagdating ng Mesias. Ngayon, ikaw ay nakakulong sa isang bilangguan sa loob ng ilang pahahon. Halos walang dumadalaw sa iyo, sapagkat ang mga taong iyong inihanda ay bumaling kay Hesus na taga-nazareth. Maging ang iyong mga tagasunod ay sumama na kay Hesus. IIlan na lamang ang natirang naglilingkod sa iyo. Kapag nakikipagkita sila sa iyo, nagkukuwento sila kung paanong si Hesus at ang Kanyang mga alagad ay namumuhay nang ibang-iba sa iyo. Kumakain at umiinom sila, kasama ng mga tagakolekta ng 126

143 127 Ang Batong Katitisuran buwis at mga makasalanan. Tila hindi nila iginagalang ang Sabbath at ni hindi sila nag-aayuno. Sinasabi mo sa iyong sarili, Nakita kong bumaba ang Espiritu ng Diyos sa Kanya na tulad ng isang kalapati, subalit ganito ba ang gawi ng Mesias? Ang posibilidad na matisod ay lumalaki habang nagtatagal siya sa loob ng bilangguan. Ang Lalaking ito na pinaggugulan ko ng panahon upang maihanda ang lahat sa Kanyang pagdating ay ni hindi ako dinalaw sa bilangguan! Paano naman yan? Kung Siya nga ang Mesias, bakit hindi Niya ako ilabas sa kulungang ito? Wala akong nagawang kasalanan. Kaya ipinadala mo ang dalawa sa iyong mga tapat na tagasunod upang tanungin si Hesus. Ikaw ba ang paparating na Mesias, o maghihintay pa kami ng iba? Tingnan ang naging tugon ni Hesus kay Juan: Nang oras na iyon, pinagaling ni Hesus ang maraming taong may sakit, may karamdaman at sinasapian ng masasamang espiritu. Maraming mga bulag ang binigyan Niya ng paningin. Kaya t sinabi Niya sa mga sugo ni Juan, Bumalik kayo kay Juan at sabihin ninyo sa kanya ang inyong nakita at narinig; nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling at lumilinis ang mga ketongin, nakakarinig ang mga bingi, muling binubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga dukha ang Magandang Balita. Pinagpala ang taong hindi matitisod dahil sa Akin. Lucas 7:21-23, may dagdag na diin Ang tugon ni Hesus ay may himig ng propesiya. Bumanggit Siya ng mga talatang hinango sa Aklat ni Isaias na kung saan pamilyar si Juan. Ang mga talata mula sa Isaias 29:18, 35:4-6 at 61:1 ay tumutukoy sa mga naobserbahan ng mga tagasunod ni Juan habang naghihintay silang makapagtanong kay Hesus. Sila ang nakapagpatunay na si Hesus nga ang Mesias, subalit hindi nagtapos doon. Idinagdag pa Niya: Pinagpala ang taong hindi matitisod sa Akin. Ang nais Niyang sabihin ay, Juan, alam Kong hindi mo nauunawaan ang lahat ng nagaganap sa iyo at maging ang Aking mga pamamaraan, ngunit huwag kang magdamdam sa Akin dahil hindi Ako kumikilos ayon sa iyong inaasahan. Iginiit Niya kay Juan na huwag husgahan ang mga

144 Ang patibong ni Satanas kaganapan ayon sa kanyang limitadong pang-unawa. Hindi batid ni Juan ang buong larawan o kabuuan ng plano ng Diyos, kung paanong hindi rin natin batid sa ngayon. Hinikayat ni Hesus si Juan sa mga ganitong salita, Ginawa mo ang ipinagagawa sa iyo. Dakila ang iyong gantimpala. Umiwas ka lamang sa pagkatisod sa Akin. PAGDARAMDAM NA WALANG PAUMANHIN Bagama t sanay ka na sa pamamaraan ng Diyos, tulad ni Juan, maaari ka pa ring magdamdam kay Hesus. Kung tunay mo Siyang iniibig at pinanaligan, pagsusumikapan mong makaiwas sa pagkatisod, sapagkat batid mong higit na mataas ang pamamaraan ng Diyos kaysa sa iyo. At kung susunod ka sa Espiritu ng Diyos, tiyak na may mga taong sasama ang loob sa iyo. Ang sabi ni Hesus sa Juan 3:8: Umiihip ang hangin kung saan nito nais at naririnig mo ang ugong nito, ngunit hindi mo alam kung saan ito nanggagaling at kung saan pupunta. Ganoon din ang bawat ipinanganak sa Espiritu. May mga taong hindi makauunawa sa iyo kapag sumusunod ka sa Banal na Espiritu. Huwag mong hayaan na ang mga reaksyon nila ay makahadlang sa iyo na gawin ang nararapat. Huwag mong kitlin ang daloy ng Espiritu upang pagbigyan lamang ang hangarin ng tao. Angkop na angkop ang pagkakabuod ni Apostol Pedro tungkol dito: Yamang si Cristo y nagtiis ng hirap noong Siya y nasa buhay na ito, kayo man ay dapat maging handang magtiis, sapagkat ang nagtiis na ng hirap sa buhay na ito ay tumalikod na sa kasalanan. Kaya nga mula ngayon ay mamuhay na tayong sumusunod sa kalooban ng Diyos, at hindi sa pagnanasa ng laman. 1 Pedro 4:-1-2 Kapag nabubuhay ka upang ipatupad ang kalooban ng Diyos, hindi mo pagbibigyan ang hangarin ng mga tao, subalit maaaring magbunga ito ng pagdurusa para sa iyo. Labis na nagdusa si Hesus sa kamay ng mga relihiyosong lider. Ang mga relihiyosong tao ay nag-aakala na maaari lamang kumilos ang Diyos sa loob ng kanilang limitadong pananaw. Naniniwala silang sila lamang ang nakaaabot sa Diyos. Kung nagalit ang mga relihiyosong tao kay Hesus dahil sa pagsunod Niya sa gabay ng Espiritu 128

145 Ang Batong Katitisuran dalawang libong taon na ang nakalilipas, ang mga taong sumusunod sa Kanya sa ngayon ay sasapit at makararanas din ng ganoong sitwasyon. Ang pag-usig kay Apostol Pablo ay isang mabuting halimbawa. May ilang mga tao sa Galacia na nagkamali ng pag-iisip na ikinukumpromiso niya ang ebanghelyo sa pamamagitan ng pagpanig sa mga relihiyosong lider na nagtuturo na kailangan ang pagtuli (circumcision) upang maligtas. Subalit itinuwid niya ito. Tingnan ninyo ako, ang sabi Niya, Kabi-kabila ang pag-uusig sa Akin ng mga relihiyosong lider. Sa palagay ninyo, uusigin ba nila Ako kung itinuturo ko ang pagtutuli tulad ng itinuturo nila? Ang tanging daan sa kaligtasan ay ang krus ni Hesucristo, subalit nakatitisod ito sa mga tao. Gayunpaman, iyan ang katotohanan, at wala akong balak na mangaral ng ibang paraan. (Galacia 5:11) Kung may hahamon sa katotohanan ng ebanghelyo, panahon na upang maging agresibo na hindi kailangang ihingi ng paumanhin. Kailangang pagpasyahan ng ating puso na susunod tayo sa Espiritu ng Diyos anuman ang maging halaga nito sa atin. Dahil dito, hindi na tayo mababalisa sa gitna ng mahihirap na sitwasyon, sapagkat nauna na ang pagpapasya para kay Hesus. 129

146 Ang patibong ni Satanas NAGDAMDAM KAY HESUS ANG ILANG TAO DAHIL SA PAGSUNOD NIYA SA AMA, NGUNIT HINDI SIYA NAKASAKIT NG DAMDAMIN PARA LAMANG IGIIT ANG KANYANG MGA KARAPATAN. Binasa ko kamakailan ang inyong aklat na Ang Patibong ni Satanas, at nais kong ipaalam sa inyo na lubos akong napalaya sa isang larangan ng aking buhay na inakala kong hindi na ako makararanas ng pagpapalaya. Nais ko lamang magpasalamat sa pagsulat ninyo sa aklat, sapagkat lubhang nabago nito ang aking buhay. C. R., TENNESSEE 130

147 10 Upang Walang MaTISOD Sa Atin Huwag na tayong maghusga sa isa t isa. Sa halip, iwasan na nating tayo y maging dahilan ng pagkatisod o pagkabuwal ng ating kapatid. Roma 14:13 Katatapos lamang nating talakayin kung paano nakasakit ng damdamin ng marami si Hesus habang siya ay naglalakbay at nagmiministeryo. Sa halos lahat ng lugar na Kanyang pinuntahan ay nakasakit Siya ng damdamin ng ibang tao. Sa kabanatang ito, nais kong tingnan natin ito sa ibang perspektibo. Kababalik lamang ni Hesus at ng Kanyang mga tagasunod sa Capernaum. Natapos nila ang kanilang pagmiministeryo at dumating sila upang makapagpahinga na kahit sa kaunting oras. Kung mayroong isang lugar na matuturing na himpilan ng Kanyang ministeryo, ito ay ang lungsod ng Capernaum. 131

148 Ang patibong ni Satanas Habang sila y nandoon, lumapit kay Simon Pedro ang maniningil ng buwis para sa templo, Nagbabayad ba ng buwis para sa templo ang inyong Guro? (Mateo 17:24) Opo, sagot ni Pedro, at siya ay bumalik upang talakayin ang bagay na ito kay Hesus. Inaasahan ni Hesus ang tanong ng maniningil ng buwis, kaya ibinalik Niya ang tanong kay Simon Pedro, Ano ba ang palagay mo, Simon? Kanino sumisingil ng bayad sa lisensya o buwis ang mga hari sa lupa? Sa mga anak ba o sa mga dayuhan? Sa mga dayuhan po, ang tugon ni Pedro. Samakatuwid ang mga anak ay hindi nagbabayad, (Mateo 17:25-26) Ipinahihiwatig ni Hesus kay Pedro na ang mga anak ay malaya. Hindi sila ang nagbibigay ng buwis, sa halip, sila ang dapat nakikinabang sa mga buwis na ibinabayad. Sila ang nakatira sa palasyo na binabayaran ng buwis. Kumakain ang mga anak sa hapag-kainan ng hari at nagsusuot ng mga maharlikang kasuotan na mula lahat sa sustento ng buwis. Nabubuhay sila na walang binabayaran. Ang namumunong ito ang nakatatanggap ng buwis sa templo. Subalit, sino ba ang hari o nagmamay-ari ng templo? Sa kaninong karangalan ito itinatag? Ang sagot: ang Diyos Ama. Katatanggap pa lang ni Pedro ng pahayag mula sa Diyos na si Hesus ay Ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay. Kaya tinanong ni Hesus si Pedro sa ganung batayan, Kung ako ang Anak ng nagmamay-ari ng templo, di ba ang ibig sabihin nito ay wala akong babayarang buwis para sa templo? Syempre, wala Siyang dapat na bayaran. Makatwiran lamang na hindi Siya magbayad ng buwis. Subalit, tingnan natin kung ano ang kanyang sinabi kay Simon Pedro: Gayunman, upang walang matisod sa atin, pumaroon ka sa lawa at ihagis mo ang kawil. Hulihin mo ang unang isdang lilitaw. Ibuka mo ang bibig nito at may makikita kang isang salaping pilak. Kunin mo ito at ibayad sa buwis nating dalawa. Mateo 17:27, may dagdag na diin 132

149 Upang Walang matisod sa atin Katatapos lamang Niyang ipaliwanag kung gaano Siya kalaya, subalit, upang hindi makatisod, sinabi Niya kay Pedro na, Magbayad tayo! Isa itong katibayan ng Kanyang pagiging malaya nang utusan Niya si Pedro na pumunta sa lawa at mangisda, at kunin ang unang isdang mahuhuli; makakikita siya ng pera sa loob ng bibig nito. Naglaan ang Diyos Ama ng salaping pambayad ng buwis. Si Hesus ay ang Panginoon ng mundo. Siya ang Anak ng Diyos. Ang mundo at ang lahat ng mga bagay dito ay ginawa Niya at pinamumunuan Niya. Kaya t, alam Niya na may salapi sa loob ng bibig ng isda. Hindi na Niya kailangan pang paghirapan pa ang perang yon sapagkat siya ang Anak ng Diyos. Subalit pinili pa rin Niyang magbayad ng buwis upang hindi makatisod. Siya rin ba si Hesus na nabasa natin sa nakalipas na kabanata na nakapanakit ng damdamin ng mga tao at ni hindi humingi ng paumanhin? Pinatunayan Niya na hindi na karapat-dapat na hindi na Siya magbayad ng buwis para sa templo subalit sinabi Niya na, Para hindi tayo makatisod, humayo ka at bayaran ito! Makikita natin na para bang may pagkakasalusalungat ang mga kaganapan, o meron nga ba talaga? Ang sagot ay matatagpuan sa susunod na talata. Nang sandaling iyo y lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit? Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila, at sinabi, Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos. Mateo 18:1-4 Ang pinaka-ugat na parirala ay ang sinumang nagpapakababa. Pagkatapos ay dinagdagan pa ito ni Hesus at sinabing: Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang Kanyang buhay upang matubos ang marami. Mateo 20:

150 Ang patibong ni Satanas Wow! Isang napakatinding pahayag! Naparito Siya hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod. Isa Siyang Anak ng Diyos. Siya ay malaya. Wala Siyang sinumang pinagkakautangan. Wala siyang taong pinagsusulitan. Subalit pinili niyang gamitin ang Kanyang kalayaan upang maglingkod. PINALAYA UPANG MAGLINGKOD Pinagtagubilinan tayo sa Bagong Tipan bilang mga anak ng Diyos na tularan si Hesus. Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya; ngunit huwag ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang pita ng inyong laman, kundi maglingkod kayo sa isa t isa dahil sa pag-ibig. Galacia 5:13 Ang isa pang salitang kasingkahulugan ng kalayaan ay pribilehiyo. Huwag nating gamitin ang ating kalayaan o pribilehiyo bilang mga anak ng Diyos upang paglingkuran ang ating mga sarili. Ang kalayaan natin ay dapat gamitin upang maglingkod sa isa t isa. May kalayaan sa paglilingkod, subalit may tanikala sa pagiging alipin. Ang alipin ay kailangang maglingkod, samantalang ang lingkod ay nabubuhay upang maglingkod. Tingnan natin ang mga pagkakaiba ng isang alipin at isang lingkod: Kailangang maglingkod ang isang alipin (slave) ang isang lingkod (servant) ay pinipiling maglingkod. Ginagawa ng alipin kung ano lang ang kinakailangan nakakamit ng lingkod ang pinakamataas niyang kakayanan (maximum potential) sa kanyang paglilingkod. Tumatakbo ang isang alipin ng isang milya nakatatapos ang isang lingkod nang higit pa sa isang milya. Pakiramdam ng isang alipin ay pinagnanakawan siya ang isang lingkod ay kusang nagbibigay. Walang kalayaan ang isang alipin ang lingkod ay malaya. Ipinaglalaban ng isang alipin ang kanyang karapatan ang isang lingkod ay nagpaparaya ng sarili niyang karapatan para sa iba. 134

151 Upang Walang matisod sa atin Marami akong nakitang mga Kristiyano na naglilingkod na may hinanakit. Nagbibigay sila subalit may sama ng loob at puno ng daing habang nagbabayad sila ng kanilang mga buwis. Nananatili silang alipin ng isang batas kung saan napalaya na sila. Nananatili silang alipin sa kanilang mga puso. Ang pinakanakababahala ay ang katotohanang ang mga batas na ito ay hinango mula sa Bagong Tipan. Walang espiritu o buhay na ibinigay si Hesus nang ilatag Niya ang Kanyang mga kautusan. Hindi pa nila napagtatanto na pinalaya na sila upang maglingkod. Kaya t patuloy silang nakikipaglaban para sa kapakinabangan ng kanilang mga sarili kaysa sa kapakinabangan ng nakararami. Ipinakita ni Pablo ang isang maliwanag na halimbawa sa pagharap sa ganitong kaisipan na matatagpuan sa kanyang mga sulat para sa mga taga- Roma at mga taga-corinto. Ang kalayaan ng mga mananampalatayang ito ay hinamon sa pamamagitan ng iba t ibang paniniwala hinggil sa pagkain. Nagsimula si Pablo sa pamamagitan ng paghihikayat sa kanila na, tanggapin ninyo ang mahina sa pananampalataya, at huwag makipagtalo sa kanya tungkol sa kanyang kuru-kuro. May naniniwalang maaari siyang kumain ng kahit ano, ngunit gulay lamang ang kinakain ng mahina sa pananampalataya. (Roma 14:1-2) Binigyang linaw ni Hesus na hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nakapagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos kundi ang mga lumalabas sa kanyang bibig. Nang sabihin ito ni Hesus, nilinis na Niya ang lahat ng pagkain para sa mga mananampalataya (Marcos 7:18-19) Sinabi ni Pablo na mayroong mga mananampalataya na mahina sa kanilang pananampalataya na tuloy pa rin sa hindi pagkain ng karne sa takot na ang kanilang kinakain ay inialay sa diyos-diyosan. Kahit binigyang linaw na ni Hesus ang bagay na ito, ang mga taong ito ay hindi pa rin makakain ng karne na may malinis na konsensiya. 135

152 Ang patibong ni Satanas Tungkol nga sa pagkaing inihandog sa diyos-diyosan, alam nating walang kabuluhan ang mga diyos-diyosan subalit sa ganang atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo y nabubuhay para sa Kanya. Iisa ang Panginoon, si Hesucristo, at sa pamamagitan Niya y nilikha ang lahat ng bagay at sa pamamagitan din Niya y nabubuhay tayo. Subalit hindi lahat ay nakaaalam nito. May ilang nahirati sa pagsamba sa diyos-diyosan, kaya t hanggang ngayon, kapag kumain sila ng ganitong pagkain, ang akala nila y handog pa rin sa diyos-diyosan ang kanilang kinakain. Palibhasa y kulang ang kanilang kaalaman, nababagabag ang kanilang kalooban sa pagaakalang sila y nagkakasala. 1 Corinto 8:4, 6-7 Sa mga simbahang iyon, ang mga Kristiyano na may matatag na pananampalataya ay kumakain ng karneng nakapagdududa ang pinagmulan sa harap ng mga taong mahina pa ang pananampalataya. Naging sanhi ito ng isang problema kahit na nilinis na ni Hesus ang mga pagkaing ito. Hindi matanggal sa isip ng mga may mahina pang pananampalataya na ang mga pagkaing iyon ay inialay sa diyos-diyosan. Samantalang ang mga taong may matatag na pananampalataya ay alam na walang kabuluhan ang mga diyos-diyosan at walang nararamdamang kurot sa kanilang mga konsensiya habang sila y kumakain. Subalit lumalabas na mas pinahahalagahan nila ang kanilang karapatan bilang mananampalataya sa Bagong Tipan kaysa sa katotohanang nakatitisod na sila sa kanilang kapatiran. Hindi nila napagtatanto na sila mismo ang naglalagay ng batong katitisuran ng mga kapatid nilang mahihina pa ang pananampalataya. Ang ganitong uri ng kaugalian ay hindi matatagpuan sa puso ng isang lingkod. Tingnan natin kung paano nangusap si Pablo sa kanila: Huwag na tayong humatol sa isa t isa. Sa halip, iwasan na nating tayo y maging dahilan ng pagkakasala ng ating kapatid sapagkat ang pagpasok ng tao sa Kaharian ng Diyos ay hindi nababatay sa pagkain at inumin kundi sa pagiging matuwid, pagkakasundo-sundo at kagalakan na pawang kaloob ng Banal na Espiritu. Roma 14:13,

153 Upang Walang matisod sa atin Sinasabi ni Pablo na, Alalahanin natin na ang Kaharian ng Diyos ay tungkol sa pagiging matuwid, kapayapaan at galak na mula sa Banal na Espiritu. Ang lahat ng mga pakinabang nito ay ang lubos na ikinababahala ng mga bagong mananampalataya. Ang mga mas matatag na mananampalataya ay hindi ginagamit ang kalayaang mayroon sila upang maglingkod bagkus ginagamit nila ito upang mapakita nila ang kanilang karapatan. Oo, mayroon silang kaalaman patungkol sa kanilang kalayaan na mula sa Bagong Tipan. Subalit ang kaalaman na walang kasamang pagmamahal ay nakasisira. Wala silang puso na tulad ng kay Hesus patungkol sa bagay na ito. Pinatunayan ni Hesus ang Kanyang karapatan na hindi magbayad ng buwis sa templo kay Pedro at sa iba pa Niyang tagasunod upang ilarawan ang kahalagahan ng pagbibigay ng sarili nating buhay upang makapaglingkod. Hindi Niya nais na gamitin natin ang kalayaan upang maging lisensya na ipaglaban ang ating karapatan at maging dahilan upang makasakit at maging isang batong katitisuran ng ibang mananampalataya. Nagbigay si Pablo ng babala sa mga taong may mga kaalaman patungkol sa kanilang karapatan sa ngalan ni Cristo ngunit walang puso upang maglingkod: Kaya t dahil sa inyong kaalaman ay napapahamak ang kapatid ninyong mahina pa at naging dahilan din ng kamatayan ni Cristo. Sa gayon, nagkakasala kayo kay Cristo sapagkat ibinunsod ninyo sa pagkakasala ang inyong kapatid at itinanim ninyo sa kanyang isipan ang maling paniniwala. 1 Corinto 8:11-12 Maaari nating gamitin ang ating kalayaan upang magkasala. Paano? Sa pamamagitan ng pananakit sa kanilang mga konsensya, na nagiging dahilan upang ang kapatid ninyong mahina pa ay matisod at madapa. PAGPAPARAYA NG SARILING KARAPATAN Pagkatapos maipakita ni Hesus ang Kanyang kalayaan tungkol sa pagbabayad ng buwis sa templo, ipinaliwanag Niya ang kahalagahan ng kababaang-loob. 137

154 Ang patibong ni Satanas Mabuti pa sa isang tao ang siya y bitinan ng isang malaking gilingang-bato sa leeg at ihulog sa laot ng dagat kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananalig sa Akin. Napakahirap ng kalagayan sa daigdig dahil sa mga sanhi ng pagkakasala ng tao! Hindi mawawala kailanman ang mga sanhi ng pagkakasala, ngunit nakapangingilabot ang sasapitin ng taong panggagalingan nito! Kung ang kamay o paa mo ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mabuti pa ang mapunta ka sa langit nang putol ang isang kamay o dalawang paa kaysa may dalawang kamay o dalawang paa kang itatapon sa impiyerno. At kung ang mata mo ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pa ang isang mata kaysa may dalawang mata kang itapon sa apoy ng impiyerno. Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng Aking Ama. Mateo 18:6-10 Ang buong kabanata ng aklat ni Mateo ay patungkol sa mga pagkakasala. Malinaw ang sinasabi ni Hesus na tanggalin ang anumang nagiging dahilan ng kasalanan, kahit na isa man ito sa mga pribiliheyong nagmula sa Bagong Tipan. Kung nagiging dahilan ito na magkasala ang kapatid mong mahina pa, tanggalin mo ito sa kanyang harapan. Nagtataka ka marahil kung bakit maraming nasaktan si Hesus, tulad ng ating nabasa sa nakaraang kabanata. Ang sagot ay simple lang. Nakapanakit ng damdamin si Hesus dahil sa pagsunod Niya sa Ama at paglilingkod sa ibang tao. Kung nakasakit man Siya ng damdamin ng ibang tao, ito ay hindi nagmula sa paggiit Niya ng Kanyang karapatan. Nagalit ang mga Fariseo nang magpagaling si Hesus sa araw ng kapahingahan (Sabbath). Ang Kanyang mga tagasunod ay natisod dahil sa mga katotohanang ipinangaral Niya na mula sa Kanyang Ama. Si Maria at Marta ay nasaktan nang hindi agad dumating si Hesus upang pagalingin si Lazaro. Subalit kailanman ay hindi mo mababasa na nakasakit ng damdamin si Hesus upang mapaglingkuran ang Kanyang sarili. Nagbigay ng babala si Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-corinto: 138

155 Upang Walang matisod sa atin Ngunit mag-ingat kayo, baka ang paggamit ninyo ng kalayaang kumain ng anumang pagkain ay maging sanhi ng pagkakasala ng mahihina pa sa pananampalataya. 1 Corinto 8:9 Ang kalayaan ay ibinigay sa atin upang tayo y makapaglingkod at maialay ang ating buhay. Tayo ay dapat na nagpapalakasan at hindi naninira. Kahit ang ating kalayaan ay hindi rin dapat gamitin upang magkamal ng mga bagay para sa ating mga sarili. Dahil ang kalayaang ito ay ginagamit natin sa ganitong kaparaanan, marami ngayon ang natitisod sa kung paano namumuhay ang mga Kristiyano. Pakinggang muli ang babala na ibinigay ni Pablo sa 1 Corinto 8:9, Ngunit mag-ingat kayo, baka ang paggamit ninyo ng kalayaang kumain ng anumang pagkain ay maging sanhi ng pagkakasala ng mahihina pa sa pananampalataya. Narito pa ang isang halimbawa na nabali ang kautusang ito. Sa aking pangalawang pagpunta sa Indonesia upang magministeryo, isinama ko si Lisa, ang aking mga anak, at isang tagapangalaga ng mga bata. Nagtungo kami sa Denpasar, Bali, isang islang bakasyunan. Isang matandang pinuno sa simbahan ang aming dadalawin na nagmamay-ari ng isang disenteng tuluyan o hotel sa isang napaka-ingay na bahagi ng bayan. Naglakbay kami nang napakalayo at walang sapat na tulog. Pagod na pagod kami. Nang gabing iyon, nagising kami nang maraming beses dahil sa ingay at kahol ng aso. Nanatili lang kami sa loob ng isang gabi, kaya hindi namin nakuha ang kinakailangan naming pahinga. Nang sumunod na araw, nagtungo kami sa Java at nagministeryo nang buong dalawang linggo na punung-puno ang talaan ng aming gawain. Mayroon lamang kaming isang buong araw sa dalawang linggong iyon, at iyon ay para sa aming byahe. Sa isang buong bente-kuwatro oras, nagmiministeryo kami nang limang beses sa isang simbahan na may tatlumpong libong miyembro. Sa bandang dulo ng aming biyahe, bumalik kami sa Bali. Ipinaalam sa amin na muli kaming babalik sa hotel na pagmamay-ari ng matandang pinuno ng kanilang simbahan. Hindi kami lubusang nagalak na babalik 139

156 Ang patibong ni Satanas sa ganoong kalagayan pagkatapos ng dalawang linggo na naging punungpuno ang bawat araw namin. Habang kumakain ng almusal, kung kailan malapit na kaming umalis mula sa Java patungo sa Bali, isang napakabuting babae ang nag-alok sa amin na babayaran niya ang aming tutuluyan sa isa sa pinakamagandang bahay-bakasyunan sa Bali. Lubos akong nagalak sapagkat magkakaroon na rin kami ng pahinga at makatutuloy pa sa isang magandang lugar. Nang paalis na kami ni Lisa sa restawran upang mag-ayos ng gamit, nagsabi sa akin si Lisa na hindi maganda ang kanyang pakiramdam sa pagtanggap namin sa alok ng butihing babae. Hinikayat namin si Lisa, ang tagapagsalin (interpreter) at ako, na magiging maayos ang lahat. Muli, kinausap ako ni Lisa sa eroplano patungong Bali, na sa tingin niya ay hindi tama ang ginawa naming pasya. Hindi ako nakinig sa kanya at pinili kong maging hangal nang mga panahong iyon. Sinabi ko sa kanya na walang mangyayaring masama sa simbahan at magiging maayos ang lahat. Nang makarating kami sa Bali, nakiusap muli siya, ngunit hindi ko siya pinakinggan. Nang magkatagpo kami ng pastor, sinabi ko na hindi na kami tutuloy sa hotel na pagmamay-ari ng matandang pinuno ng kanyang simbahan dahil sa alok ng butihing babae. Naging balisa siya nang sabihin ko ang bagay na yon, kaya t tinanong ko siya kung ano ng nangyari. Sa kabutihang palad, nagsabi siya sa akin na, John, masasaktan ang damdamin ng matandang pinuno ng aming simbahan at ang kanyang pamilya sa pagtanggi mo sa kanilang alok. Naglaan na sila ng kwartong tutulugan ninyo at nakapaghanda na rin sila para sa gabing ito. Napagtanto ko na nasaktan ko rin ang damdamin ng pastor na kausap ko sapagkat hindi ko napahalagahan ang mga bagay na ginawa nila para sa amin. Sinabi ko sa kanya na tutuloy na kami sa hotel na inilaan nila para sa amin at tinanggihan ko ang alok ng butihing babae. Ang Diyos ang nangusap sa akin tungkol sa aking ugaling ipinakita. Alam ko na nasaktan ang pastor na kausap ko. Nalaman ko na sa paggiit ko ng aking karapatan ay nasaktan ko ang damdamin ng isang kapatid sa pananampalataya at ito y isang kasalanan. Humingi ako ng paumanhin sa 140

157 Upang Walang matisod sa atin kanya at pinatawad niya ako. Nawa y hindi ko na muling pagdaanan ang karanasang iyon. ANG PAGSUSULIT SA PAGPAPATIBAY (EDIFICATION TEST) Ibinuod ni Apostol Pablo, sa kanyang sulat para sa mga taga-roma ang puso ng Diyos patungkol sa bagay na yon: Kaya t pagsikapan nating gawin ang mga bagay na makapagdudulot ng kapayapaan at makapagpapatibay sa isa t isa. Roma 14:19 Dapat nating gawing layunin na huwag tayong maging dahilan na matisod ang ibang tao dahil sa pansarili nating kalayaan (personal liberty). Kung anuman ang ating ginagawa ay maaaring pahintulutan ayon sa Banal na Kasulatan. Subalit, tanungin natin ang ating sarili: Ang gagawin ko ba ay makatutulong upang palakasin ang iba o ang aking sarili? Malaya akong gumawa ng anuman. Ngunit hindi lahat ay nakabubuti. Malaya akong gumawa ng anuman. Ngunit hindi lahat ay nakatutulong. Huwag sariling kapakanan ang hanapin ninyo, kundi ang sa iba. Kaya nga, kung kayo y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos. Huwag kayong maging sanhi ng pagkakasala ninuman ng mga Judio, ng mga Griego, o ng mga kaanib sa iglesya ng Diyos. Ang sinisikap ko nama y mabigyang-kasiyahan ang lahat ng tao sa bawat ginagawa ko; hindi ko hinahanap ang sarili kong kapakanan kundi ang kapakanan ng marami, upang maligtas sila. 1 Corinto 10:23-24, 31-33, may dagdag na diin Hinihimok kita na hayaang kumilos ang Banal na Espiritu sa bawat bahagi ng iyong buhay sa pamamagitan ng mga nabanggit na talata. Hayaan mong ipakita Niya ang mga lihim mong motibo o hangarin para sa iyong sariling kapakanan at hindi sa kapakanan ng nakararami. Anumang propesyon sa buhay ang iyong tatahakin, tanggapin mo ang hamon upang mabuhay bilang lingkod ng lahat. 141

158 Ang patibong ni Satanas Gamitin natin ang kalayaang ibinigay sa atin ni Cristo upang mapalaya ang iba, hindi upang igiit ang ating sariling karapatan. Isa iyon sa mga pamantayan na gumabay sa ministeryo ni Pablo na sumulat ng, Iniwasan kong makagawa ng anumang ipagdaramdam ninuman upang hindi mapulaan ang aking paglilingkod. (2 Corinto 6:3) 142

159 143

160 Ang patibong ni Satanas ANG TAONG HINDI MAKAPAGPATAWAD AY NAKALIMOT KUNG GAANO KALAKING UTANG ANG PINATAWAD NG DIYOS SA KANYA. Mahigit isang taon ko nang iniingatan sa aking silidaklatan ang aklat na Ang Patibong ni Satanas, at sa wakas ay nabasa ko rin ito. Nalaman ko agad ang espiritung nananahan sa aking buhay. Nalaman ko nang walang bahid ng pag-aalinlangan na ako ay pinangunahan ng Banal na Espiritu upang basahin ang aklat na ito. Habang patuloy ko itong binabasa, higit akong kinikilusan ng Banal na Espiritu. Sa iglesya, hinimok ng aming pastor ang mga nangangailangang magpatawad ng kapwa na pumunta sa harapan. Pumunta kaagad ako sa harapan ng altar nang walang pag-aatubili upang patawarin ang lahat ng mga nakasakit at nagkasala sa akin, lalo na ang aking ama. Pagkatapos, hiniling ko sa aking ama na patawarin din niya ako. Nagpapasalamat ako dahil sa pagpapatawad niya sa akin, at sa ngayon, malaya na ako! Maraming salamat sa aklat na iyon! R.P., VIRGINIA 144

161 11 PAGPAPATAWAD: HINDI KA NAGBIBIGAY, HINDI Mo MaTATANGGAP Kaya t sinasabi ko sa inyo, Anuman ang hingin ninyo sa panalangin, Manalig kayong natanggap na ninyo iyon at matatanggap nga ninyo. Kapag kayo y mananalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo. Upang ipatawad din naman sa inyo ng inyong Amang nasa langit ang inyong pagkakasala. Ngunit kung hindi kayo magpapatawad. Hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Amang nasa langit. Marcos 11:24-26 P ara sa nalalabing bahagi ng aklat, nais kong ibaling ang ating atensyon sa mga kahihinatnan ng pagtangging palayain ang ating sarili sa sama ng loob dulot ng kasalanang nagawa sa atin ng ating kapwa at kung paano maging malaya sa mga ito. 145

162 Ang patibong ni Satanas Binibigyang pahalaga ni Hesus ang sinabi Niya, Ngunit kung hindi kayo magpapatawad, hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Amang nasa langit. Nabubuhay tayo sa kultura na kung saan hindi natin madalas binibigyang kahalagahan ang ating mga sinasabi. Madalas, hindi natin pinaniniwalaan ang mga sinasabi ng ibang tao sa atin. Nagsisimula ito sa ating pagkabata. Pinagsasabihan ng magulang ang anak na, Kapag inulit mo pa yung ginawa mo, papaluin na kita. Hindi lamang gagawing muli ng bata ang pagkakamaling kanyang ginawa kundi paulit-ulit pa niya itong gagawin. Sa tuwing inuulit ito ng bata, ganoon pa rin ang babala ng kanyang magulang. Kadalasan, walang pagwawasto o disiplinang natatanggap ang bata sa mga pagkakamaling kanyang ginagawa. Kung makatanggap man siya ng pagwawasto, ang pinakamagaang na parusa lamang ang ibinibigay. Kung minsan naman, labis-labis ang pagwawastong ginagawa ng magulang dahil napatapat na mainit ang kanyang ulo. Ang mga pagtugon na ito ay nagbibigay ng mensahe sa bata na hindi seryoso ang kanyang magulang sa mga sinasabi nito. Nagdudulot ito ng kalituhan sa bata kung kailan dapat seryosohin ang may awtoridad. Naaapektuhan ng ugaling ito ang ibang aspeto ng kanyang buhay. Ganito rin ang magiging pananaw niya sa kanyang mga guro, kaibigan, pinuno at mga taong kanyang pinaglilingkuran sa tanggapan o kahit saan man. Pagdating ng panahong siya ay nasa tamang edad na, natanggap na niya sa kanyang sarili na normal lamang ito. Ang bawat pakikipag-usap niya ay nagtataglay ng mga pangako at mga pahayag na hindi naman niya isinasapuso. Hayaan ninyo akong magbigay ng kathang isip ngunit tipikal na usapan. Nakita ni Jim si Tom, na kakilala niya ngunit hindi niya nakausap nang matagal na panahon. Nagmamadali siya at naisip niya, Naku, hindi ako makapaniwalang ngayon ko pa makikita si Tom. Wala na akong oras makipagusap sa kanya. Nagkatinginan ang dalawa. Sinabi ni Jim, Purihin ang Panginoon, kapatid. Mabuti naman nakita kita. 146

163 PAGPAPATAWAD:HINDI KA NAGBIBIGAY, HINDI mo matatanggap Nag-usap sila sandali. Dahil nagmamadali si Jim, tinapos agad niya ang kanilang pag-uusap sa pagsasabing, Magkita tayo uli. Minsan, kumain naman tayo ng pananghalian. Una, hindi naman talaga nasasabik si Jim na makita si Tom dahil nagmamadali siya. Ikalawa, hindi naman niya talaga iniisip ang Panginoon nang batiin niya si Tom ng Purihin ang Panginoon. Ikatlo, wala naman talaga siyang intensiyon na sundan pa ang kanilang pagkikita ng isang paanyaya na magkita silang muli at sabay na mananghalian. Paraan lamang niya iyon upang makaalis agad at pagaanin ang pakiramdam niya noong panahong iyon. Kaya hindi talaga seryoso si Jim sa mga sinabi niya kay Tom. Totoong nangyayari sa atin ang mga ganitong sitwasyon sa araw-araw. Karamihan sa mga tao ngayon ay walang pagpapahalaga sa kanilang mga sinasabi. Kaya nakapagtataka pa ba kung bakit mahirap para sa atin na seryosohin ang mga sinasabi o binibitawang pangako ng ating kapwa? Ngunit kapag si Hesus ang nagsalita, nais Niyang seryosohin natin ang bawat sinasabi Niya. Hindi natin dapat ituring ang mga Salita ng Diyos tulad ng pananaw natin sa ibang kinikilala nating awtoridad at karelasyon sa ating buhay. Pinapahalagahan ni Hesus ang bawat salita Niya at tinutupad Niya ang bawat pangakong binitiwan Niya. Tapat Si Hesus sa atin kahit na hindi tayo tapat sa Kanya at wala tayong pananampalataya sa Kanya. Tinatahak Niya ang antas ng katotohanan at integridad na nangingibabaw sa ating kultura o lipunan. Kaya kapag sinabi ni Hesus, Ngunit kung hindi kayo magpapatawad, hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Amang nasa langit, ito talaga ang mangyayari ayon sa sinabi Niya. Upang paigtingin pa at higit na mabigyang diin ang Kanyang ibig sabihin, hindi lang minsan Niyang sinabi ang mabuting balita kundi maraming beses pa Niyang binigyang diin ang kahalagahan ng babalang ito. Tingnan natin ang ilan sa mga pahayag na ginawa ni Hesus sa iba t ibang okasyon: Sapagkat kung pinatatawad ninyo ang mga nagkasala sa inyo, patatawarin din kayo ng Amang nasa langit.. Ngunit kung hindi ninyo pinatatawad ang mga nagkasala sa inyo, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama. - Mateo 6:

164 Ang patibong ni Satanas At gayun din: Magpatawad kayo sa inyong kapwa at patatawarin kayo ng Diyos. - Lucas 6:37 At muli sa panalangin ng Panginoong Hesus mababasa natin: At patawarin rin kami sa aming mga kasalanan, tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin. -Mateo 6:12 Nais kong malaman kung gaano karaming mga Kristiyano ang nais tumanggap ng kapatawaran mula sa Diyos, tulad ng pagpapatawad nila sa mga nakasakit ng kalooban nila dahil sa mga kasalanang nagawa sa kanila. Gayunpaman, ito ay eksaktong paraan na kung saan sila ay pinatawad. Dahil ang hindi pagpapatawad ay laganap sa mga iglesya, hindi natin sineseryoso ang mga pahayag ni Hesus. Talamak o hindi, ang katotohonan ay hindi nagbabago. Ang paraan ng ating pagpapatawad, pagpapalaya at pagbabago ng isang tao ay siya ring paraan upang tayo ay patawarin. May nalaman akong isang hindi pangkaraniwang patotoo tungkol sa isang mangangaral sa Pilipinas. Ipinakita sa akin ng mga kaibigan kong nakasama niya sa isang gawain ang artikulo na nagsasabi tungkol sa kanyang karanasan at pinagdaanan. Maraming ulit na tinanggihan ng lalaking ito ang pagtawag sa kanya ng Diyos dahil sa matagumpay niyang negosyo. Nagkamal siya ng maraming salapi dahil sa negosyong iyon. Ang kanyang pagsuway sa tawag ng Diyos ay naging sanhi ng pagkakaroon niya ng sakit sa puso at isinugod siya sa ospital. Namatay siya habang nasa operating table at nakita niya ang kanyang sarili sa labas ng tarangkahan ng langit. Nakatayo si Hesus doon at kinausap siya tungkol sa kanyang pagsuway. Nagmakaawa ang lalaking ito sa Panginoon na kung pahahabain pa ang kanyang buhay, paglilingkuran niya ang Panginoon. Pumayag ang Diyos sa kanyang pagmamakaawa. 148

165 PAGPAPATAWAD:HINDI KA NAGBIBIGAY, HINDI mo matatanggap Bago siya pabalikin sa kanyang katawan, ipinakita ng Panginoon sa kanya ang pangitain ng impiyerno. Nakita niya ang kanyang biyenang babae na nasusunog sa apoy ng impiyerno. Namangha siya. Dinasal nito ang panalangin ng makasalanan, nagpatotoo bilang Kristiyano at dumalo sa mga gawain sa iglesya. Bakit siya nasa impiyerno? ang tanong niya sa Panginoon. Sinabi sa kanya ng Panginoon na tumanggi itong patawarin ang isang kamag-anak, kaya hindi rin siya maaaring patawarin. ANG PAGPAPATAWAD AT PAGLAGONG ESPIRITUWAL Si Lisa at ako ay nakakita rin ng maraming halimbawa ng bitag ng hindi pagpapatawad sa aming sariling gawain. Sa una kong gawain sa Indonesia, tumira ako sa tahanan ng isang mayamang negosyante. Kahit dumadalo siya at ang kanyang pamilya sa iglesya na pinaglilingkuran ko, hindi sila naligtas. Noong linggong naroon ako, naligtas ang asawa niya; at sumunod siya at pati na ang tatlo nilang anak. Nagkaroon ng pagpapalaya at nagbago ang buong kapaligiran sa tahanan nila. Napuno ng kaligayahan ang kanilang sambahayan. Nang malaman nilang babalik ako sa Indonesia kasama ang aking asawa, inanyayahayan nila kaming tumira sa kanilang tahanan at sila ang nagbayad ng tiket sa eroplano ng aking tatlong anak at ng isang yaya. Nakarating na kami at sampung beses kaming nagministeryo sa kanilang iglesya. Nangaral ako tungkol sa pagsisisi at presensiya ng Diyos. Napaluha kami at nag-iyakan dahil nagkaroon ng malawakang pagpapalaya dahil naramdaman namin ang Kanyang presensiya sa mga pagtitipon. Nakapagministeryo uli kami sa buong pamilya. Ang nanay ng asawang lalaki na nakatira din sa lungsod na iyon ay dumadalo sa bawat pagtitipon. Nag-ambag siya ng malaking halaga ng salapi para sa tiket sa eroplano ng aking mga anak. Nang malapit nang matapos ang linggong iyon, ang nanay ng lalaking ito ay tumingin sa akin nang diretso at nagtanong, John, bakit hindi ko pa nararanasan ang presensiya ng Diyos? 149

166 Ang patibong ni Satanas Katatapos pa lamang namin kumain ng agahan at nakaalis na lahat sa hapag-kainan. Dumadalo ako sa bawat pagtitipon, at napakinggan kong mabuti ang lahat ng mga sinabi mo. Lumapit ako sa harapan nang buong pagsisisi, ngunit hindi ko naramdaman ang presensiya ng Diyos kahit minsan. Hindi ko man lamang naramdaman ang presensiya ng Diyos kahit kailan. Kinausap ko siya sa loob ng ilang sandali at sinabi ko sa kanya, Manalangin tayo upang mapuno ka ng Espiritu ng Diyos. Inilapat ko ang aking kamay sa kanya at nanalangin para sa kanya upang tanggapin niya ang Banal na Espiritu, ngunit hindi ko nadama ang presensiya ng Diyos. Nangusap sa akin ang Espiritu ng Diyos. Mayroon siyang espiritu ng hindi pagpapatawad. Sabihin mo sa kanyang dapat niyang patawarin ang kanyang asawa. Inalis ko ang kamay ko sa kanya. Alam ko na patay na ang kanyang asawa, ngunit tiningnan ko siya at sinabi ko, Ipinapakita ng Panginoon na hindi mo pa napapatawad ang iyong asawa. Oo, hindi ko pa nga ganap na napapatawad ang aking asawa. Ngunit sinisikap kong patawarin siya. Sinabi niya sa akin ang mga kahindik-hindik na bagay na ginawa nito sa kanya. Naunawaan ko kung bakit nahihirapan siyang patawarin ang kanyang asawa. Ngunit sinabi ko sa kanya, Upang may matanggap ka mula sa Diyos, kailangan mong magpatawad. Ipinaliwanag ko sa kanya kung ano ang itinuro ni Hesus tungkol sa pagpapatawad. Hindi mo siya mapapatawad sa sarili mong lakas. Kailangan mo itong idulog sa Panginoon at hilingin na patawarin Ka nya. Pagkatapos, maaari mo nang patawarin ang iyong asawa. Nais mo na bang palayain ang iyong asawa? tanong ko sa kanya. Oo, sagot niya. Nanguna ako sa isang simpleng panalangin: Aking Ama sa langit, sa Pangalan ni Hesus, hinihiling ko ang Iyong kapatawaran sa hindi ko 150

167 PAGPAPATAWAD:HINDI KA NAGBIBIGAY, HINDI mo matatanggap pagpapatawad sa aking asawa. Panginoon, batid ko na hindi ko kayang patawarin siya sa sarili kong lakas. Nabigo na ako, ngunit sa harapan Mo ngayon, pinalalaya ko na ang aking asawa sa aking puso. Pinatatawad ko na siya. Hindi nagtagal, matapos niyang sabihin ang mga salitang ito, nagsimulang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Itaas mo ang iyong mga kamay at magsasalita ka sa ibang wika (speak in tongue). sa puntong ito, hinimok ko siya na, Sa unang pagkakataon nanalangin siya ng isang napakaganda at makalangit na pananalita. Naramdaman namin ang napakalakas na presensiya ng Panginoon sa hapag - kainan kaya namangha at nabighani kami nito. Umiyak siya sa loob ng limang minuto. Nag-usap pa kami sandali, pagkatapos hinikayat ko siyang magpatuloy damahin ang paresensiya ng Panginoon. Ipinagpatuloy niya ang pagsamba sa Panginoon at iniwan ko siyang mag-isa. Nang mabalitaan ito ng kanyang anak at manugang na babae, nagulat sila. Sinabi ng anak na lalaki na hindi pa niya nakitang umiyak ang kanyang ina kahit kailan. Siya mismo ay hindi na maalala kung kailan siya huling umiyak. Kahit noong namatay ang aking asawa hindi talaga ako umiyak. Sa pagtitipon namin nang gabing iyon, nabawtismuhan siya sa tubig. Sa sumunod na tatlong araw, ang kinang ng kaligayahan at tamis ng kanyang ngiti ay kitang kita sa kanyang mukha. Hindi ko pa siya nakitang ngumiti bago ang pangyayaring iyon. Hindi siya makapagpatawad kaya nakulong siya sa kawalan ng pagpapatawad. Ngunit mula nang mapatawad niya ang kanyang asawa, natanggap niya ang kapangyarihan ng Panginoon sa kanyang buhay at nadama niya ang Kanyang presensiya. ANG TAGAPAGLINGKOD NA HINDI MAKAPAGPATAWAD Sa Mateo 18, binigyang liwanag ni Hesus ang tungkol sa pagkaalipin sa kawalan ng pagpapatawad at pagkimkim ng sama ng loob. Itinuro Niya sa Kanyang mga alagad kung paano makipagkasundo sa isang kapatid na 151

168 Ang patibong ni Satanas nakagawa ng kasalanan sa kanila. (Tatalakayin pa natin ito sa mga susunod na kabanata.) Nagtanong si Pedro, Panginoon, makailang beses kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba? (Mateo 18:21). Akala niya mapagbigay na siya sa lagay na iyon. Sa halos lahat ng bagay matindi si Pedro. Sinabi niya, Panginoon, mabuti pa y dumito na tayo. Kung ibig ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol: isa sa iyo, isa kay Moises at isa kay Elias, sa bundok kung saan nagbago ang anyo ni Hesus (Mateo 17:4). Akala niya, mayaman siya sa habag at kagandahang loob. Magpapasikat ako sa aking Panginoon sa pamamagitan ng kusang-loob na pagpapatawad nang makapitong beses. Ngunit nakatanggap siya ng nakabibiglang sagot. Pinawalang bisa ni Hesus ang pagkakaunawa ni Pedro sa pagiging mahabagin. Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito (Mateo 18:21-22). Ang ibig sabihin, magpatawad tayo tulad ng pagpapatawad ng Diyos sa atin na walang hangganan. Pagkatapos nagbahagi si Hesus ng isang talinhaga upang bigyang diin ang Kanyang punto. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may pagkakautang na 10,000,000. (Sa Griego: 10, 000 talento). -Mateo 18:23-24 Upang higit na maunawaan ang lawak ng ibig sabihin ni Hesus, kailangan nating malaman kung ano ang ibig sabihin ng talento. Ang talento ay isang yunit ng sukatan. Ito ay ginagamit bilang panukat ng ginto (2 Samuel 12:30), pilak (1 Hari 20:39), at iba pang uri ng metal at mga bagay na maaaring bilhin. Ang talinhagang ito ay kumakatawan sa isang pagkaka-utang, kaya maaaring ligtas na isiping ang tinutukoy Niya ay sukatan ng ginto o pilak. Sabihin na nating ginto. Ang pangkaraniwang talento ay katumbas ng humigit-kumulang pitumput-limang libra. Katumbas ito ng buong timbang na kayang buhatin ng isang lalaki. (2 Hari 5:23.) 152

169 PAGPAPATAWAD:HINDI KA NAGBIBIGAY, HINDI mo matatanggap Ang sampung libong talento ay humigit-kumulang 750,000 libra (375 tonelada). Kaya ang pagkakautang ng lingkod sa hari ay 375 tonelada ng ginto. Sa kasalukuyang panahon, ang halaga ng ginto ay humigit-kumulang $375 sa bawat isang onsa (ounce). Sa kasalukuyang merkado o pamilihan, ang isang talento ng ginto ay maaring nagkakahalaga ng $450,000. Samakatuwid, ang sampung libong talento ng ginto ay nagkakahalaga ng $4.5 bilyon. Ang utang ng lingkod na ito sa kanyang hari ay $4.5 bilyon! Binigyang-diin ni Hesus na hindi makakayang bayaran ng lingkod na ito ang kanyang pagkakautang. Dahil sa siya ay walang ibabayad, inutos ng hari na ipagbili niya ang kanyang asawa, mga anak at lahat ng mga ari-arian, upang makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: Bigyan pa ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat. Naawa sa kanya ang hari kaya pinatawad ang kanyang mga utang at pinaalis na. - Mateo 18:25-27 Ngayon, tingnan natin kung paano gamitin ang talinhagang ito sa pagkakaroon ng sama ng loob dahil sa kamaliang nagawa sa atin ng ating kapwa. Kapag nagkakaroon ng sama ng loob ang mga tao, mayroong utang na dapat pagbayaran. Narinig na ninyo ang kasabihang ito, Pagbabayaran niya ito. Kaya ang pagpapatawad ay nahahalintulad sa pagpapawalang-bisa ng pagkakautang. Kinakatawan ng hari ang Diyos Ama, na nagpatawad ng malaking pagkakautang ng Kanyang lingkod na walang kakayahang magbayad nito. Sa Colosas 2:13-14 makikita natin, Kayong mga Hentil na dating patay sa kasalanan ay muling binuhay ng Diyos na kasama ni Cristo. Pinatawad tayo sa ating mga kasalanan at pinawalang bisa ang lahat ng kasulatan laban sa atin, maging ang mga pananagutan nito. Pinawi ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus. Hindi natin kayang bayaran ang ating utang na pinatawad ng Diyos. Walang kahit na anumang paraan upang mabayaran natin ang Diyos sa ating pagkakautang sa Kanya. Lubhang napakalaki ng kasalanan natin, kaya 153

170 Ang patibong ni Satanas ipinagkaloob ng Diyos ang kaligtasan bilang regalo sa atin na binayaran naman ni Hesus. Makikita natin ang pagkakatulad sa pagitan ng relasyon ng lingkod sa kanyang hari at ng relasyon natin sa Diyos. Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo siya ng isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na 500 o 100 denaryo sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika ng: Magbayad ka ng utang mo! -Mateo 18:28 `Ang denaryo ay halos katumbas ng isang araw na suweldo o sahod ng isang manggagawa. Kaya sa kasalukuyang suweldo, ang isang daang denaryo ay katumbas ng apat na raang dolyares. Ipagpatuloy ang pagbasa: Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita. Ngunit hindi siya pumayag; sa halip, ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito y makabayad. - Mateo 18:29-30 May utang sa kanya ang kapwa niya lingkod na nagkakahalaga ng ikatlong bahagi ng isang taong suweldo. Ano kaya ang mararamdaman ninyo kapag kayo ang nasa kalagayan niya na nawalan ng ikatlong bahagi ng inyong suweldo? Ngunit alalahanin ninyo na ang taong ito ay pinatawad sa pagkaka-utang niya na $4.5 bilyon. Higit pa ang halaga ng salaping ito sa maaari niyang kitain sa buong buhay niya! Ang mga kasalanan at sama ng loob natin sa isa t isa ay tulad sa $4,000 lamang kung ihahambing sa $ 4.5 bilyon na pagkakautang o kasalanan natin sa Diyos. Maaaring minaltrato tayo ng ibang tao, subalit hindi pa rin ito maikukumpara sa mga kasalanan natin sa Diyos. Maaaring maramdaman mo na wala nang hihigit pa sa pasakit na naranasan mo. Ngunit ang hindi mo napapagtanto ay kung gaanong higit na pasakit at pag-maltrato ang naranasan ni Hesus. Inosente Siya at kordero na walang kasalanan, subalit pinahirapan at pinatay pa rin Siya. Ang taong hindi makapagpatawad ay siyang nakalimot sa napakalaking pagkakautang na ipinatawad sa kanya ng Diyos. Kapag napagtanto mo na iniligtas ka ni Hesus mula sa walang-hanggang kamatayan at pagdurusa, 154

171 PAGPAPATAWAD:HINDI KA NAGBIBIGAY, HINDI mo matatanggap mapapalaya mo ang iba nang walang pasubali. (Pag-uusapan pa natin ito sa susunod na kabanata.) Wala nang mas masahol pa kaysa walang hanggang pagkabulid sa lawa ng apoy. Walang lunas, hindi namamatay ang mga bulate at hindi naaapula ang apoy--doon dapat tayo papunta hanggang pinatawad tayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagkamatay ng Kanyang Anak na si Hesu-Cristo. Alleuya! Kapag nahihirapan kang magpatawad, isipin mo ang realidad ng impiyerno at ang pag-ibig ng Diyos na nagligtas sa iyo mula dito. MGA ARAL PARA SA MGA MANANAMPALATAYA Ipagpatuloy natin ang talinhaga: Nang nakita ng kanyang mga kapwa lingkod ang nangyari, sila y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari. Kaya t ipinatawag siya ng hari. Ikaw - napakasama mo! sabi niya. Pinatawad kita sa utang sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo? - Mateo 18: Tinutukoy ni Hesus ang mga mananampalataya sa talinhagang ito. Inilarawan Niya sa talinhagang ito ang mga lingkod ng hari. Nakatanggap ang lalaking ito ng kapatawaran sa kanyang napakalaking pagkakautang at tinawag siyang lingkod ng Panginoon. Subalit hindi niya mapatawad ang taong kapwa niya lingkod. Kaya maaari nating ipalagay na ganito ang kapalaran ng isang mananampalataya na hindi makapagpatawad: At sa galit ng hari, siya y ipinabilanggo hanggang mabayaran niya ang kanyang utang. Gayun din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid. -Mateo 18:34-35 May tatlong mahahalagang punto ang mga talatang ito. 1. Ipinabilanggo at pinaranas ng labis na pagpapahirap ang lingkod na hindi makapagpatawad. 155

172 Ang patibong ni Satanas 2. Kailangan niyang bayaran ang orihinal niyang utang: 375 tonelada ng ginto o $4.5 bilyon. 3. Ganito rin ang gagawin ng Diyos Ama sa kahit na sinong mananampalataya na hindi makapagpatawad ng kasalanan ng kanyang kapatid. 1. Ipinabilanggo at pinaranas ng labis na pagpapahirap ang lingkod na hindi nagpatawad. Sa diksyunaryo ng Webster ang kahulugan ng torture ay labis na pagpapahirap matinding paghihirap ng katawan o isipan o ang paglalapat ng masidhing sakit upang parusahan, pilitin o kayanin ang makasadistang kasiyahan. Ang mga promotor ng pagpapahirap na ito ay mga espiritu ng demonyo. Pinahihintulutan ng Diyos ang mga torturers o tagapagpahirap na lapatan ng sakit at pagdurusa ang katawan at isipan at kalooban kahit tayo ay mga mananampalataya. Madalas kong ipinapanalangin ang mga tao sa mga pagtitipon na hindi makatanggap ng kagalingan, kaginhawahan o pagpapalaya, dahil maaaring hindi nila pinapalaya ang ibang taong nakasakit sa kanila at hindi nila pinapatawad ang mga ito mula sa kaibuturan ng kanilang puso. Iniugnay ng mga dalubhasang manggagamot at mga siyentista ang kawalan ng pagpapatawad at kapaitan o pagkakaroon ng labis-labis na sama ng loob sa mga karamdaman tulad ng arthritis o sakit sa buto at kanser. Maraming kaso ng sakit sa isip ang may koneksiyon sa napakapait na kawalan ng pagpapatawad. Kadalasang ipinagkakait sa ibang tao ang kapatawaran, ngunit minsan ipinagkakait din ito sa sarili. Sinabi ni Hesus, Iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Saka ka magbalik at maghandog sa Diyos. (Mateo 5:24) Kung pinatawad ka ng Diyos, sino ka upang hindi magpatawad sa taong Kanyang pinatawad, kahit ikaw pa mismo ito? 2. Ang lingkod na hindi makapagpatawad ay pinagbayad ng kanyang orihinal na pagkakautang. 156

173 PAGPAPATAWAD:HINDI KA NAGBIBIGAY, HINDI mo matatanggap Pinagawa sa kanya ang imposible. Katulad ito ng pagbabayad ng utang na binayaran na ni Hesus sa Kalbaryo. Mawawala ang kaligtasan natin. Sandali lang, ang wika mo. Akala ko ba kapag dinasal na ng isang tao ang panalangin ng pagtanggap (prayer of acceptance) at isinuko ang kanyang buhay kay Hesus, hindi na siya mawawala. Kung pinaniniwalaan mo ito, ipaliwanag mo kung bakit isinulat ni Pedro ang mga sumusunod: Naka-iwas na sa kasamaan ng daigdig ang mga taong kumilala kay Hesucristo na Panginoon at Tagapagligtas. Ngunit kung muli silang maakit sa dating masamang gawain at tuluyang malupig nito, ang magiging kalagayan nila ay masahol pa sa dati. Mabuti pang hindi nila natutuhan ang daang matuwid kaysa talikdan, matapos matutuhan ang banal na utos na ibinigay sa kanila. 2 Pedro 2:20-21 Tinutukoy ni Pedro ang mga taong nakalaya na sa kasalanan (polusyon ng sanlibutan) sa pamamagitan ng kaligtasan kay Hesucristo. Gayunman, muli silang naakit sa dating masamang gawain (ang isa rito ay maaaring kawalan ng pagpapatawad) at tuluyang nalupig nito. Kapag nalulupig ang isang Kristiyano, hindi na sila bumabalik sa Panginoon at hindi na nila pinagsisisihan ang kanilang sinasadyang paggawa ng kasalanan. Ayon kay Pedro, ang pagtalikod sa katuwiran ay masahol pa kaysa dati. Sa ibang salita, sinasabi ng Diyos na mabuti pang hindi na sila naligtas kaysa pagkatapos nilang tanggapin ang kaloob ng buhay na walang hanggan ay talikdan nila ito nang tuluyan. Inilarawan ni Hudas ang mga tao sa iglesya na dalawang beses nang namatay ( Judas 12-13). Ang pagkamatay nang dalawang beses ay nangangahulugang sa unang pagkakataon ikaw ay patay dahil sa kasalanan at wala si Cristo sa iyong puso. Pagkatapos, ikaw ay nabuhay muli nang tanggapin mo si Hesus subalit namatay kang muli nang tuluyan mo Siyang tinalikuran. Makikita natin na maraming lalapit kay Hesus na pinawawalang sala ang kanilang mga sarili sa pagsasabing: Panginoon, nangaral po kami at nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga kababalaghan 157

174 Ang patibong ni Satanas sa inyong pangalan! Subalit sasabihin ni Hesus sa kanila, Kailanma y hindi ko kayo nakilala. Lumayo kayo sa akin, mga mapaggawa ng masama! (Mateo 7:22-23). Kilala nila si Hesus. Panginoon ang tawag nila sa Kanya at gumawa sila ng mga himala sa Kanyang pangalan. Ngunit hindi Niya sila nakikilala. Sino ang mga kikilalanin ni Hesus? Isinulat ni Apostol Pablo, Ngunit kung sino man ang umiibig sa kanila ang kilala ng Diyos. (1 Corinto 8:3) Kilala ng Diyos ang umiibig sa Kanya. Maaaring sabihin ninyo, Iniibig ko ang Diyos. Hindi ko lamang mahal ang kapatid na nakasakit sa akin. Kung magkagayon, nalinlang kayo, at hindi na ninyo iniibig ang Diyos, sapagkat nasusulat, Ang nagsasabing Iniibig ko ang Diyos, at napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Kung yaong kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya maibig, paano niya maiibig ang Diyos na hindi nakikita? (1Juan 4:20). Nakakikilabot ang pandaraya, sapagkat pinaniwalaan ng mga nadaya sa kanilang buong puso na sila ay tama. Pinaniniwalaan nila na nasa wastong daan pa sila ngunit hindi na. Ang taong tumatangging sumunod sa Salita ng Diyos ay dinadaya ang kanyang sariling puso. Hindi nga ba nakalulungkot na marami ang umaasang makapapasok sa langit subalit tatanggihan sila at sinabi pa nga ni Hesus na marami ang sasama ang loob sa mga huling araw (Mateo 24:10)? Maaari kaya na ang dalawang pangkat na ito ay iisang grupo lamang? Labis nang napahihirapan ng kawalan ng pagpapatawad ang ibang mananampalataya kaya inaasahan nilang magkakaroon sila ng kaginhawahan sa pamamagitan ng kamatayan. Ngunit hindi totoo ito. Kailangan nating harapin ang kawalan ng pagpapatawad ngayon o pagbayaran ang utang na hindi kailanman natin makakayang bayaran. 3. Ganito rin ang gagawin ng Diyos Ama sa kahit na sinong mananampalataya na hindi mapatawad ang kasalanan ng kanyang kapatid gaano man katindi ang sakit na naidulot. Tiniyak ni Hesus ang lahat ng Kanyang paliwanag, sinisiguro Niyang ganap nating naunawaan ang talinhagang ito. Hindi nagbigay ng interpretasyon si Hesus maliban kung hiningi ito ng Kanyang mga alagad. 158

175 PAGPAPATAWAD:HINDI KA NAGBIBIGAY, HINDI mo matatanggap Gayunman sa kasong ito, hindi Niya nais ang katanungan tungkol sa kalubhaan ng parusa para sa mga tumatangging magpatawad. Sa ibang mga pagkakataon, binigyang linaw ni Hesus na kapag hindi tayo nagpatawad, hindi rin tayo patatawarin. Alalahanin ninyo na hindi Siya tulad natin; tinutupad Niya ang bawa t sabihin Niya. Hindi ito karaniwang nakikita sa iglesiya. Sa halip, pawang pagdadahilan ang ibinibigay upang itago o pagtakpan ang kawalan ng pagpapatawad. Itinuturing na higit na magaang na kasalanan ang kawalan ng pagpapatawad kaysa pagiging bakla o lesbiyana, pangangalunya, pagnanakaw, paglalasing at iba pa. Ngunit ang sinumang gumagawa ng mga ito ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos. Maaaring maisip ng iba na mabigat ang mensaheng ito, ngunit nakikita ko ito bilang mensahe ng kahabagan at babala, hindi ng marahas na paghusga. Mas higit mo bang nanaising bagabagin ka ng Banal na Espiritu ngayon at makaranas ka ng ganap na pagsisisi at kapatawaran? O, mas pipiliin mong tumangging magpatawad upang sa dulo ay marinig mo ang Panginoon na sabihin sa iyo, Lumayo ka sa Akin, kung kailan hindi ka na maaari pang magsisi? 159

176 Ang patibong ni Satanas NAPAWI NA SA ATIN ANG HANGARING IPAGHIGANTI ANG ATING SARILI KAYA KUSANG- LOOB TAYONG PUMAPAYAG NA MAISAHANG MULI. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagsunod mo upang isulat ang aklat na Ang Patibong ni Satanas. Kinasihan ng Diyos ang aklat na ito kaya nangusap sa akin ang Banal na Espiritu habang binabasa ko ang kabuuan ng aklat sa loob lamang ng ilang araw. Binago ng aklat na ito ang aking buhay. Nakalaya ako sa tanikala ng mga kasalanan at sama ng loob at magpapatuloy ako na sanayin ang aking puso, isipan at emosyon upang manatiling malaya. -L.M., SOUTH CAROLINA 160

177 12 PAGHIHIGANTI: ANG BITAG Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa lahat ng panahon. -Roma 12:17 T ulad ng maliwanag nating nakita sa nakaraang kabanata, ang patuloy na pagkakaroon ng sama ng loob at kawalan ng pagpapatawad ay gaya ng patuloy na paniningil ng utang sa ibang tao. Kapag nagawan ng kamalian ang isang tao ng kanyang kapwa, naniniwala siya na mayroong utang na dapat bayaran sa kanya. Inaasahan niya ang kabayaran maging sa pamamagitan ng pananalapi o anuman. 161

178 Ang patibong ni Satanas Ang korte ay itinatag upang ipaghiganti ang mga nagawan ng kamalian o mga taong nakaranas ng pang-aapi. Nagkakaroon ng demandahan dahil sa mga taong naghahangad na mapunan o mabayaran ang pagkakautang sa kanila. Kapag ang isang tao ay nakasakit o may nagawang kamalian sa kanyang kapwa, sinasabi ng hustisya, Sila ay lilitisin ayon sa kanilang nagawa at pagbabayarin kapag napatunayan silang may pagkakasala. Ang lingkod na hindi makapagpatawad ay nagnanais na pagbayarin ang kanyang kapwa lingkod sa utang nito, kaya hinangad niyang makuha ang kabayaran sa hukuman ng batas. Ito ay hindi makatuwirang paraan. Mga minamahal, huwag kayong maghiganti; sa halip, ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, Akin ang paghihiganti, Ako ang gaganti, sabi ng Panginoon. Roma 12:19 Hindi makatuwiran para sa ating mga anak ng Diyos na ipaghiganti ang ating mga sarili. Ngunit ito talaga ang hinahangad natin kapag tumatanggi tayong magpatawad. Hinahangad, pinaplano at isinasagawa natin ang paghihiganti. Hindi tayo magpapatawad hangga t hindi pa nababayaran ang utang sa kabuuan nito. Tayo lamang ang makakapagpasya kung magkano ang katanggap-tanggap na kabayaran. Kapag hinangad nating iwasto ang kamaliang nagawa sa atin, ginagampanan natin ang papel ng isang hukom. Ngunit ito ang alam natin: Iisa ang nagbigay ng Kautusan at Siya rin ang hukom. Tanging Siya ang may kapangyarihang magligtas at pumuksa. Ngunit ikaw sino ka upang humatol sa iyong kapwa? Huwag kayong maghinanakitan, mga kapatid upang hindi kayo hatulan ng Diyos, sapagkat malapit nang dumating ang Hukom. Santiago 4:12; 5:9 Ang Diyos ay isang makatarungang Hukom. Ipapasa Niya ang makatuwirang paghatol. Ngunit ayon sa Kanyang sariling katuwiran, ang kabayarang ihahatol Niya. Kapag ganap ang ginawang pagsisisi ng taong nakagawa ng pagkakasala, pinawawalang bisa ng ginawa ni Hesus sa Kalbaryo ang pagkakautang. Maaaring sabihin mo, Ngunit sa akin ginawa ang kamalian, hindi kay Hesus! 162

179 PAGHIHIGANTI: ANG BITAG Tama, ngunit batid mo ba ang kamaliang ginawa mo kay Hesus? Siya ay isang inosenteng biktima, wala Siyang taglay na pagkakasala gayong bawat tao ay nagkasala at ang kaparusahan sa kanila ay kamatayan. Bawat isa sa atin ay lumabag sa kautusan ng Diyos na higit pa sa mga batas ng lupa. Lahat tayo ay dapat mamatay sa kamay ng pinakamataas na hukuman sa sandaigdigan kapag ipinataw ang hustisya. Maaaring wala kang ginawa upang maging dahilan ng kasalanang ginawa laban sa iyo ng ibang tao. Ngunit kapag ihahambing ang ginawang kamalian sa iyo sa kasalanang ipinatawad sa iyo, walang pagkakaiba dito. Hindi man lamang iyon makababawas sa iyong pagkakautang! Kung nararamdaman mong nadaya ka, maaaring nakalimutan mo na ang konsepto ng kahabagan na ibinigay sa iyo. WALANG PUWANG PARA SA HINANAKIT Sa ilalim ng kautusan ng Lumang Tipan, kapag nagkasala ka sa akin, mayroon akong legal na karapatang ibalik sa iyo ang ginawa mo sa akin. Pinahintulutan ng batas ang paniningil sa utang, ang kabayaran ng kasamaan ay kasamaan din. (Levitico 24:19; Exodo 21:23-25). Makapangyarihan sa lahat ang batas. Hindi pa dumating at namamatay si Hesus upang palayain sila. Tingnan kung paano Niya kinausap ang mga mananampalataya sa Bagong Tipan: Narinig ninyo na sinabi, Mata sa mata at ngipin sa ngipin. Ngunit ngayo y sinasabi Ko sa inyo: huwag ninyong labanan ang masamang tao kung may sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo pa sa kanya ang kabila. Kung ipagsakdal ka ninuman upang makuha ang iyong baro, ibigay mo sa kanya pati ang iyong balabal. Kung sapilitang ipapasan sa iyo ng manlulupig ang kanyang dala nang isang kilometro, pasanin mo ito ng dalawang kilometro. Magbigay ka sa nanghihingi sa iyo at huwag mong pahindian ang nanghihiram sa iyo. Mateo 5:38-42, may dagdag na diin Inalis ni Hesus ang anumang puwang para sa samaan ng loob. Sa katunayan sinabi Niyang dapat nating iwaksi sa ating isip ang paghihiganti 163

180 Ang patibong ni Satanas na para bang binubuksan natin ang ating mga sarili sa posibilidad na magawan uli tayo ng kamalian o malamangan. Kapag hinagad nating iwasto ang kamaliang nagawa sa atin, ginagawa nating hukom ang ating mga sarili. Ang lingkod na hindi makapagpatawad ay ipinabilanggo at pinatawan ng ganap na parusa, at ang kanyang pamilya ay ipinagbili, hanggang mabayaran na niya ang lahat ng kanyang pagkakautang. Kailangan nating bigyan ng lugar ang isang makatarungang Hukom. Makatuwiran Siya sa pagbibigay ng pabuya. Siya lamang ang nakapaghihiganti sa makatuwirang paraan. Nagmiministeryo ako tungkol sa paksa ng pagkikimkim ng hinanakit dahil sa kamaliang nagawa ng kapwa, sa isang iglesya sa Tampa, Florida. Pagkatapos, isang babae ang lumapit sa akin. Sinabi niya na pinatawad na niya ang kanyang dating asawa mula sa lahat ng mga ginawa nito. Ngunit habang nakikinig siya sa pangangaral ko tungkol sa pagpapalaya ng mga sama ng loob, napagtanto niyang wala siyang ganap na kapayapaan sa kanyang kalooban, at siya ay tunay na hindi kumportable. Hindi mo pa talaga siya napapatawad, ang sabi ko sa kanya nang mahinahon. Oo. pinatawad ko na siya, ang tugon niya. Umiyak at lumuha ako nang may pagpapatawad. Maaari ngang umiyak ka, ngunit hindi mo pa rin siya pinalalaya. Ipinagpilitan niya na mali ako at pinanindigan niyang pinatawad na niya ang kanyang dating asawa. Wala na akong kahit na anong kailangan sa kanya. Pinalaya ko na siya. Sabihin mo kung ano ang ginawa niya sa iyo, pakiusap ko sa kanya. Ang asawa ko at ako ay naging pastor sa isang iglesya. Iniwan niya ako at ang aming tatlong anak na lalaki at sumama siya sa isang kilalang babae sa aming iglesya. Nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Sinabi niyang hindi niya natanggap ang ganap na kalooban ng Diyos nang pinakasalan niya ako dahil ang tunay at ganap na kalooban ng Diyos para sa kanya ay ang mapangasawa ang babaeng iyon na sinamahan niya. 164

181 PAGHIHIGANTI: ANG BITAG Sinabi niyang malaki ang maitutulong sa kanya ng babaeng iyon dahil sinusuportahan siya nito. Sinabi niyang ako ang balakid sa kanya at sa kanyang ministeryo. Sinabi niyang kritikal ako. Ibinunton niya lahat ng sisi sa akin sa aming paghihiwalay. Hindi na siya kailanman bumalik at hindi niya inamin na siya ang may kasalanan sa lahat ng nangyari. Kitang-kita na talagang nadaya ang lalaking iyon at nagawan niya ng napakalaking kasalanan ang kanyang asawa at pamilya. Labis na nagdusa ang babaeng ito dahil sa kataksilan ng kanyang dating asawa at hinihintay niyang magbalik ito upang pagbayaran ang lahat ng kanyang kasalanan at pagkakautang. Ang pagkakautang niya ay hindi alimony o child support, dahil batid niyang ipinagkaloob ito ng kanyang dating asawa. Ang pagkakautang na nais ng babaeng ito na mabayaran ay ang pag-amin ng kanyang dating asawa na siya ay nagkamali at siya ang tama. Hindi mo siya patatawarin hangga t hindi siya lumalapit sa iyo upang aminin na siya ang nagkamali, na siya ang may kasalanan, at dapat niyang hingin ang iyong kapatawaran. Ito ang pagkakautang na bumilanggo sa iyo, paglilinaw ko sa kanya. Kung hinintay pa ni Hesus na lumapit tayo sa Kanya at humingi ng kapatawaran at sabihin na Nagkamali kami. Ikaw ang tama. Patawarin mo kami, hindi sana Niya tayo pinatawad mula sa krus. Habang nakapako Siya sa krus, sumigaw Siya, Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa. (Lucas 23:34) Pinatawad na Niya tayo bago pa man tayo lumapit sa Kanya at ipinahayag ang mga kasalanan natin sa Kanya. Hinikayat tayo ng mga salita ni Apostol Pablo: Magpaumanhinan kayo at magpatawaran kung may hinanakit kayo sa isa t isa. Pinatawad kayo ng Panginoon kaya t magpatawad din kayo. (Colosas 3:13) At Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isa t isa at magpatawaran tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo. (Efeso 4:32) Nang sinabi ko sa babaeng ito, Hindi mo ba siya mapapatawad hangga t hindi niya inaaming, Nagkamali ako ikaw ang tama, umiyak siya. Napakaliit ng nais niya kung ihahambing sa lahat ng pagdurusang dinanas niya at ng kanyang mga anak. Ngunit nabibilanggo siya sa klase ng hustisya ng sanlibutan. Itinalaga niyang hukom ang kanyang sarili, at naghangad siya ng karapatan sa pagkakautang at naghintay siya ng kabayaran. Naapektuhan ng kanyang hinanakit ang relasyon niya sa kanyang bagong 165

182 Ang patibong ni Satanas asawa at maging sa lahat ng mga lalaking may awtoridad dahil pastor din niya ang dati niyang asawa. Kadalasan, inihahalintulad ni Hesus ang kalagayan ng ating mga puso sa lupa. Hinihikayat tayong maging malalim ang ugat sa pag-ibig ng Diyos. Ang binhi ng Salita ng Diyos ay mag-uugat sa ating puso, lalago at tuluyang mamumunga ng bunga ng katuwiran (fruit of righteousness). Ang mga bunga nito ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. (Galacia 5:22-23) Ngunit, mamumunga lamang sa lupa kung ano ang itinanim dito. Kung nagtanim tayo ng binhi ng pagkakautang, kawalan ng pagpapatawad at sama ng loob bunga ng mga kamaliang nagawa sa atin, ibang ugat ang tutubo sa halip na pag-ibig ng Diyos. Ito ang tinatawag na ugat ng kapaitan (root of bitterness). Si Francis Frangipane ay nagbigay ng napakagaling na kahulugan ng kapaitan: Ang kapaitan ay paghihiganting hindi natupad. Ito ang bunga ng paghihiganting hindi natupad o hindi naging sapat ayon sa pagnanais ng taong nasaktan. Ang sumulat ng Aklat ng Hebreo ay direktang nangusap tungkol sa usaping ito: Magpakabanal kayo at sikaping makasundo ang inyong kapwa, sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito. Pag-ingatan ninyong huwag talikdan ninuman sa inyo ang pag-ibig ng Diyos. Ingatan ninyong huwag umusbong ang ugat ng kapaitan sa sinuman sa inyo at makagulo at makahawa pa sa iba. -Hebreo 12:14-15, may dagdag na diin Bigyang pansin ang mga salitang makahawa pa sa iba. Ito rin kaya ang tinutukoy ni Hesus nang sabihin Niyang marami ang sasama ang loob sa mga huling araw? (Mateo 24:10) Ang kapaitan o paghihinakit ay isang ugat. Kapag inalagaan ang mga ugat diniligan, pinag-ingatan, pinakain at binigyan ng atensiyon higit na lalalim at lalakas ang mga ito. Kapag hindi kaagad ito binigyang pansin, mahirap nang hilahin at bunutin ang mga ito. Ang sama ng loob ay lalala at magpapatuloy. Tayo ay hinihikayat na kung magagalit man tayo, dapat 166

183 PAGHIHIGANTI: ANG BITAG nating iwasang tayo ay magkasala. Kailangang agad nating pawiin sa ating kalooban ang galit. (Efeso 4:26) Sa halip na ang bunga ng katwiran ang yumabong, makikita natin ang ani ng galit, panibugho, pagkapoot, pagaalitan at sigalot. Bunga ng kasamaan ang tawag ni Hesus sa mga ito. (Mateo 7:19-20) Sinasabi ng Bibliya na ang taong ayaw makipagkasundo sa ngalan ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapalaya sa mga sama ng loob ay madudungisan o mahahawa ng karumihan. Ang isang katangi-tanging nilalang ay maaaring pasamain ng kamandag ng kawalan ng pagpapatawad. NADUNGISAN NG KASAMAAN ANG ISANG POTENSIYAL NA HARI Sa naunang bahagi ng aklat na ito, nakita natin kung paano nanatiling tapat si David kay Haring Saul kahit hindi naging tapat si Haring Saul sa kanya. Hindi ipinaghiganti ni David ang kanyang sarili, kahit na dalawang ulit na siyang nagkaroon ng pagkakataon. Si David ay tinatawag na ang lalaki na ang hinahangad ay ang puso ng Diyos. Hinayaan niya ang Diyos na humatol sa pagitan niya at ni Saul. Nang hatulan ng Diyos si Saul, hindi nagpakasaya si David. Ipinagluksa niya si Saul dahil hindi siya nagkimkim ng kapaitan o hinanakit sa hari. Pagkamatay ni Saul, si David na ang naging hari. Pinalakas niya ang kanilang bansa, nagtamasa siya ng pagtatagumpay sa militar at pananalapi, at matiwasay siyang naghari sa Israel. Nagkaroon siya ng maraming asawa na nagsilang ng kanyang mga anak, kabilang si Amnon, ang panganay at si Absalom, ang ikatlong anak. Ang anak ni David na si Amnon ay nakagawa ng kasamaan laban sa kanyang kapatid sa ama na si Tamar na siya namang kapatid ni Absalom. Isang araw, nagkunwari siyang maysakit at hiniling niya sa kanyang ama na papuntahin sa kanya si Tamar upang dalhan siya ng pagkain. Nang dumating si Tamar, pinalabas ni Amnon ang mga tagapaglingkod at ginahasa niya ang dalaga. Pagkatapos ay namuhi si Amnon kay Tamar at pinalayas niya ito. Minolestiya niya ang birheng prinsesa at sinira ang buhay nito na nasadlak sa kahihiyan. (2 Samuel 13) Walang sinabi ni isang salita si Absalom sa kanyang kapatid sa ama. Dinala ni Absalom ang kanyang kapatid na babae sa kanyang tahanan at 167

184 Ang patibong ni Satanas ibinigay niya ang lahat ng pangangailangan nito. Ngunit suklam na suklam siya kay Amnon dahil sa panghahalay na ginawa nito kay Tamar. Inasahan ni Absalom na parurusahan ng kanyang ama si Amnon na kanyang kapatid sa ama. Galit na galit si Haring David nang mabalitaan niya ang ginawa ni Amnon, ngunit wala siyang iginawad na parusa sa anak na nagkasala. Nagpuyos ang damdamin ni Absalom dahil sa kawalan ng hustisya ng kanyang ama. Dati-rati nakasuot ng magagarang balabal si Tamar na para lamang sa mga birheng anak ng hari; ngayon ang balabal niya ay pawang kahihiyan. Napakaganda niyang dalagita at iginagalang ng mga tao. Ngayon, nabubuhay siya nang patago. Hindi na siya maaaring makapag-asawa dahil hindi na siya birhen. Hindi makatarungan ito. Pinagbigyan niya ang kahilingan ni Amnon, ayon sa utos ng hari, subalit hinalay siya nito. Wala na siyang makitang dahilan upang patuloy na mabuhay, habang ang lalaking gumawa ng kahalayan sa kanya ay namumuhay na parang walang anumang masamang nangyari. Si Tamar ang nagpasan ng lahat ng kabigatan; ang buhay niya ay napuno ng pighati. Bawat araw ipinagdaramdam ni Absalom ang nangyari kay Tamar na kanyang kapatid. Naging bangungot ang napakagandang buhay ng isang prinsesa. Isang taon na naghintay si Absalom na may gawin ang kanyang ama, ngunit patuloy na walang ginawa si Haring David. Sumama ang loob ni Absalom sa kanyang ama at suklam na suklam siya sa kasamaan ni Amnon. Makalipas ang dalawang taon ng pagkasuklam ni Absalom kay Amnon binalak niyang patayin ito. Ipaghihiganti ko ang aking kapatid na si Tamar sapagkat wala namang hakbang na ginagawa ang kinauukulang awtoridad, ito marahil ang iniisip ni Absalom. Nagdaos siya ng pagdiriwang para sa mga anak na lalaki ng hari. Hindi siya pinaghinalaan ni Amnon, kaya naipapatay siya ni Absalom. Tumakas si Absalom at nagpunta sa Geshur, pagkatapos na makapaghiganti siya laban kay Amnon. Ngunit ang sama ng loob na taglay niya laban sa kanyang ama ay lalong lumalim, lalo na ngayon na malayo na siya sa palasyo. 168

185 PAGHIHIGANTI: ANG BITAG Nalason ng kapaitan at labis na hinanakit ang isipan ni Absalom. Naging masugid siyang kritiko ng mga kahinaan ni Haring David na kanyang ama. Umaasa siyang ipatatawag siya nito. Subalit nanahimik si David. Lalong lumala ang hinanakit ni Absalom sa ama. Maaaring ang mga kaisipang ito ang naglaro sa isip ni Absalom: Iginagalang ng mga tao ang aking ama bilang hari, ngunit bulag sila sa kanyang tunay na pagkatao. Hangad lamang niya ay ang kanyang sariling kapurihan at ginagamit niya ang Diyos upang mapagtakpan ito. Aba, masahol pa siya kay Haring Saul! Nawala sa trono si Haring Saul dahil hindi niya pinatay ang hari ng mga Amalekita at nagtira siya ng ilang magagandang tupa at baka. Ang aking ama ay nagkasala ng pangangalunya sa asawa ng kanyang pinakatapat na tauhan. Pagkatapos, pinagtakpan niya ang kanyang kasalanan sa pamamagitan ng pagpapatay sa lalaking naging tapat sa kanya. Siya ay isang mamamatay tao at mangangalunya kaya hindi niya pinarusahan si Amnon! At pinagtatakpan niya ang lahat ng ito sa huwad na pagsamba niya kay Jehovah. Nanatili si Absalom sa Geshur sa loob ng tatlong taon. Dahil gumaan na ang kalooban ni Haring David sa pagkamatay ni Amnon, hinikayat ni Joab ang hari na pauwiin na si Absalom. Ngunit tumanggi pa rin si David na makipagharap kay Absalom. Pagkalipas ng dalawang taon, sa wakas, pumayag na rin si David na ibalik kay Absalom ang pabor at ipinagkaloob na muli sa kanya ang lahat ng mga pribilehiyo bilang anak ng hari. Ngunit ang sama ng loob sa puso ni Absalom ay nanatiling masidhi. Bihasa si Absalom sa pakikiharap. Bago niya pinatay si Amnon, Si Absalom nama y suklam na suklam sa ginawang ito ni Amnon at hindi na niya ito kinibo mula noon. (2 Samuel 13:22) Maraming tao ang may kakahayang magkubli ng kanilang sama ng loob at hinanakit, tulad ng pagkasuklam ni Absalom kay Amnon. Bunga ng kanyang sama ng loob at labis na hinanakit, naging kritikal o mapunahin si Absalom. Nakisalamuha siya sa mga taong hindi kontento sa buhay. Ginawa niya ang sarili niyang laging nakalaang makinig at magbigay ng oras upang pakinggan ang lahat ng mga hinaing o reklamo ng mga mamamayan ng Israel. Higit sanang magkakaroon ng malaking pagbabago ang lahat kung siya ang naging hari. Nagsilbi siyang hukom sa mga kaso sapagkat tila wala namang oras ang amang hari para sa mga tao. Marahil, kaya nagsilbi siyang hukom ay upang magbigay hatol sa mga 169

186 Ang patibong ni Satanas kasong inilalapit sa kanya, sapagkat naramdaman niya na siya mismo ay hindi nabigyan ng hustisya. Mistulang naging mapagmalasakit siya sa mga mamamayan. Ayon sa Banal na Kasulatan, ninakaw ni Absalom ang puso ng mga mamamayan ng Israel mula sa kanyang amang si David. Ngunit totoo nga bang nagmamalasakit siya sa mga mamamayan o humahanap lamang siya ng paraan upang mapatalsik si David, ang taong nagkasala sa kanya? MGA BIHASA SA KAMALIAN Inagaw ni Absalom ang Israel at nagrebelde siya laban kay Haring David. Tumakas ang hari mula sa Jerusalem dahil nanganganib ang kanyang buhay. Tila magtatayo si Absalom ng sarili niyang kaharian. Sa halip, napatay siya habang tinutugis niya si David, bagama t ipinag-utos ni David na walang sinumang sasaling sa kanya. Sa katunayan, namatay si Absalom dahilan sa kanyang sariling kapaitan at sama ng loob. Napakalaki sana ng potensiyal ng lalaking ito na tagapagmana ng trono sa Israel. Namatay siya sa murang edad dahil tumanggi siyang palayain ang pagkakautang na inakala niyang dapat pagbayaran ng kanyang ama. Nagwakas ang buhay niyang nadungisan. Ang mga kaagapay ng mga pinuno sa iglesya ay kadalasang nagkakaroon ng sama ng loob sa taong kanilang pinaglilingkuran. Hindi nagtatagal, nagiging kritikal o mapunahin sila mga bihasa sa lahat ng kamalian ng kanilang mga pinuno o ng mga taong pinipili niya. Nagkakaroon sila ng sama ng loob at hinanakit. Sumasama ang tingin nila sa bawat bagay at pangyayari. Tuluyan nang nag-iiba ang pananaw nila at hindi na ito umaayon sa pananaw ng Diyos. Naniniwala sila na ang misyon nila sa buhay ay iligtas ang lahat ng nasa paligid nila sa hindi makatarungang pinuno. Kinukuha nila ang tiwala at simpatiya ng mga miyembro sa iglesya na hindi nasisiyahan, hindi kuntento, at ignorante sa mga tunay na pangyayari. Hindi nila namamalayan na bahagi na pala sila sa sigalot ng iglesya o ministeryo na nagiging dahilan ng pagkakabahagi-bahagi nito. Tulad ni Absalom. Kung minsan, tama naman ang kanilang mga puna. Marahil nga, dapat may ginawang aksyon si David laban kay Amnon. Marahil nga 170

187 PAGHIHIGANTI: ANG BITAG mayroong mga pagkakamali ang isang pinuno. Sino ang hukom kayo o ang Panginoon? Tandaan ninyo ang sinumang maghasik ng hindi pagkakaunawaan o sigalot ay mag-aani nito. Anumang nangyari kay Absalom at anuman ang nangyayari sa mga modernong ministeryo ay isang proseso na kailangan ng oras. Hindi natin napapansin na may sama na ng loob na nananahan sa ating mga puso. Ang ugat ng kapaitan ay hindi kaagad napapansin habang ito ay umuusbong. Ngunit habang inaalagaan ito, patuloy itong lalalim at titindi. Tulad ng panghihikayat sa atin ng sumulat ng Aklat ng Hebreo, Pag-ingatan ninyong huwag talikdan ninuman sa inyo ang pag-ibig ng Diyos. Ingatan ninyong sumama ang loob ng sinuman sa inyo at makagulo at makahawa pa sa iba. (Hebreo 12:15) Kailangan nating suriin ang ating puso at buksan ang ating mga sarili sa pagwawasto ng Panginoon, sapagkat tanging ang Kanyang Salita ang nakababatid ng saloobin at intensiyon ng ating puso. Nililiglig tayo ng Banal na Espiritu habang nangungusap Siya sa ating konsensiya. Huwag nating balewalain ang Kanyang pagliglig at pagkilos. Huwag natin Siyang supilin o pigilan. Kung sinuman ang nakagawa nito, pagsisihan ninyo sa harapan ng Diyos at buksan ninyo ang inyong puso sa Kanyang pagtutuwid. Isang ministro ang minsang nagtanong sa akin kung naging tulad ba siya ni Absalom o ni David dahil sa nagawa niya. Naglingkod siya bilang isang katuwang (assistant) ng isang pastor sa isang lungsod; subalit tinanggal siya sa trabaho ng pastor na ito. Tila nanibugho ang senior pastor at natakot sa nakababatang lalaking iyon sapagkat ang kamay ng Diyos ay nasa kanya. Paglipas ng isang taon, naniwala ang ministrong nasisante na nais ng Panginoon na magsimula siya ng iglesya sa kabilang bahagi ng lungsod. Kaya nagsimula nga siya ng iglesya at ilan sa mga tao mula sa iglesyang pinanggalingan niya ang umanib sa iglesyang kanyang pinasimulan. Nabalisa siya dahil ayaw niyang maging tulad ni Absalom, ngunit wala naman siyang sama ng loob sa dati niyang pinuno. Sinimulan niya ang iglesya ayon sa paggabay ng Panginoon sa kanya, hindi bilang pagganti sa senior pastor o ayon sa kanyang kawalan ng malasakit sa kabilang iglesya. Tinukoy ko sa kanya ang kaibahan sa pagitan ni Absalom at David. Pinukaw o inagaw ni Absalom ang tiwala ng iba dahil siya ay may sama ng loob sa kanyang pinuno. Hinikayat naman ni David ang iba na manatiling 171

188 Ang patibong ni Satanas tapat kay Saul kahit tinutugis na siya ni Saul. Inagaw ni Absalom ang tiwala ng ibang tao samantalang si David ay lumayo nang nag-iisa. Mag-isa ka ba nang umalis ka sa iglesya? Tinanong ko siya. May ginawa ka ba upang mahikayat ang mga tao upang sumama sila sa iyo o sumuporta sa iyo? Umalis akong mag-isa at wala akong ginawa upang mahikayat na sumama sa akin ang mga tao, ang sagot niya. Mabuti iyan. Kumilos ka tulad ni David. Siguraduhin mo na ang mga taong sumama sa iyo ay walang sama ng loob sa dati ninyong pastor, at kung sumama ang loob nila sa pastor ninyo, pangunahan mo sila sa paglaya at paghilom. Maunlad na ngayon ang iglesya ng lalaking ito. Ang nagustuhan ko talaga tungkol sa kanya ay hindi siya natakot suriin ang sarili niyang puso. Hindi lamang iyon, isinailalim niya ang kanyang sarili sa makadiyos na pagpapayo. Higit na mahalaga para sa kanya na magpasakop sa pamamaraan ng Diyos kaysa mapatunayan niyang siya ang tama. Huwag kayong matakot na hayaan ang Banal na Espiritu na ibunyag kung may taglay kayong kawalan ng pagpapatawad o kapaitan. Kapag kinimkim ninyo ito nang mas matagal, lalala ito at titigas ang inyong puso. Panatilihin ninyo ang isang malambot at mapagpakumbabang puso. Paano? Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, galit at poot; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isa t isa at magpatawaran, tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo. -Efeso 4:

189 173

190 Ang patibong ni Satanas LUMALAGO KA SA MGA MAPANGHAMONG KAMALIAN SA MGA BAGAY NA HINDI KA SINANAY. Nakakuha ako ng aklat ng Ang Patibong ni Satanas! Talagang pagpapala ang aklat na ito. Inirerekomenda ko ito sa lahat. Ginamit talaga ito ng Diyos sa aking buhay. Salamat! S.T.,Georgia 174

191 13 PAGTAKAS SA PATIBONG At binabanggit ko dito na sinasanay ko ang aking sarili, upang ang aking budhi ay manatiling walang pagsama ng loob laban sa Diyos at sa tao. -Mga Gawa 24:16 K ailangan ng pagsusumikap upang maging malaya sa sama ng loob. Ikinumpara ito ni Pablo sa pag-eehersisyo. Kapag nag-eehersisyo tayo hindi tayo madaling kapitan ng sakit. Habang nasa Hawaii ako umakyat ako sa isang pader upang kumuha ng litrato. Napuwersa ang malaking bahagi ng kalamnan sa aking tuhod kaya hindi ako nakalakad sa loob ng apat na araw. 175

192 Ang patibong ni Satanas Kung regular kang nag-eehersisyo, sabi ng physical therapist sa akin, hindi mangyayari ito. Dahil sa mahina ang kalagayan ng kalamnan mo, madaling napinsala ang mga ito. Nang makalakad na ako, tinuruan ako ng isang eksperto, Dapat gawin mo ang mga pagsasanay o mga ehersisyong ito upang maging malakas at maging mabuti ang kundisyon ng iyong mga kalamnan sa tuhod. Paglipas ng ilang buwan, gumaling na ang tuhod ko. Ang salitang Griyego sa Mga Gawa 24:16 para sa ehersisyo ay askeo. Ayon sa Vine s Expository Dictionary, ang kahulugan ng ehersisyo ay ang pagsusumikap na sumailalim sa matinding sakit ng katawan, paghihirap, pag-eehersisyo sa larangan ng pagsasanay o disiplina. Minsan, nagkakasala sa atin ang ibang tao at madali natin silang napapatawad. Sanay na ang puso natin at maganda ang kalagayan nito upang harapin ang mga kasalanan; kaya, hindi ito nagbubunga ng pinsala o permanenteng kasiraan sa atin. Maraming tao ang maaaring nakaakyat na sa pader na iyon sa Hawaii at hindi nagkaroon ng anumang pinsala sa kanilang katawan dahil nasa magandang kundisyon ang kanilang katawan. Gayundin, ang iba sa atin ay nakakundisyong sundin ang Diyos sa pamamagitan ng pagsasanay o pag-eehersisyo ng kanilang puso. Nasusukat ang paglago ng buhay Kristiyano natin kapag kaya na nating harapin ang kasalanan nang hindi tayo nasasaktan. Higit na matinding hamon ang maaari nating harapin kung ihahambing sa mga nakasanayan na natin. Ang karagdagang kabigatan o pasakit ay maaaring makasugat sa atin, pagkatapos nito, kailangan nating sumailalim sa espirituwal na pagsasanay upang maging malaya at muling maghilom. Ngunit ang ibubunga sa atin nito ay karampatan naman sa ating pagsisikap. Sa kabanatang ito, tatalakayin ko ang labis-labis at matitinding kasalanan na nangangailangan ng higit na pagsusumikap upang malutas. Isang pangyayari ang naganap sa aking buhay na kinasangkutan ng isang tao sa aking ministeryo. Ang naranasan kong matinding sama ng loob dahil sa taong ito ay hindi lamang nangyari minsan kundi ilang beses din na lalong tumindi na inabot ng isa t kalahating taon. 176

193 PAGTAKAS SA PATIBONG Batid ng lahat ng mga taong nakapaligid sa akin ang pangyayaring ito. Hindi ka ba nasasaktan? ito ang tanong nila sa akin. Ano ang gagawin mo ngayon? Iiwas ka na lang ba at tatanggapin mo na lamang ito? Ayos lang ako, ang sabi ko. Hindi naman ako naaapektuhan nito. Magpapatuloy lamang ako sa pagtawag ng Diyos sa aking buhay. Ngunit pawang pagmamalaki lamang ang sagot kong iyon. Labis-labis akong nasasaktan ngunit tinatanggihan kong tanggapin ito, kahit sa sarili ko. Maraming oras ang ginugol ko sa pag-iisip kung paano nangyari sa akin ito. Labis-labis akong nagulantang, namanhid at nagtaka. Ngunit pinigilan ko ang mga kaisipang ito at nagkunwaring malakas, gayong sa katotohanan, ako ay talagang nanghina at labis na nasaktan. Lumipas ang ilang buwan. Ang aking buhay ay nawalan ng sigla. Napuspos ng kalungkutan ang aking pananalangin; wala akong gana sa aking ministeryo; at nagdurusa ako. Nilalabanan ko ang diyablo araw-araw. Buong akala ko, ang lahat ng paglaban ko ay bunga ng pagtawag ng Diyos sa aking buhay; ngunit sa totoo lang, ang pagdurusa ko ay bunga ng hindi ko pagpapatawad. Sa tuwing malalapit ako sa lalaking ito, palagi akong nakadarama ng espirituwal na pagkatalo. Dumating ang isang umagang hindi ko makalimutan. Nakaupo ako sa balkonahe sa likuran ng aking bakuran habang nagdarasal. Panginoon, nasasaktan po ba ako? ang tanong ko. Kasasabi ko pa lamang ng mga salitang ito nang narinig ko ang isang sigaw sa kaibuturan ng aking espiritu: Oo! Nais tiyakin ng Diyos sa akin na ako nga ay nasasaktan. Diyos ko, tulungan Mo po akong makalaya sa sakit at sama ng loob na ito, ang pagmamaka-awa ko. Hindi ko na po kayang harapin ito. Ito nga ang nais ng Panginoong mangyari sa akin--na dumating ako sa dulo ng aking sariling kakayahan. Madalas tayong gumawa ng mga bagay sa sarili nating kakayahan. Hindi ito makatutulong upang magkaroon tayo ng espirituwal na paglago. Sa halip, higit tayong malulugmok. 177

194 Ang patibong ni Satanas Ang unang hakbang sa paghilom at paglaya ay ang pag-amin na nasasaktan ka. Kadalasan, dahil sa ating kahambugan, ayaw nating tanggapin na tayo ay nasaktan o nainsulto. Mula nang tanggapin ko sa aking sarili ang tunay kong kalagayan, humingi ako ng tulong sa Panginoon at naging bukas sa Kanyang pagwawasto. Ipinahiwatig sa akin ng Panginoon na kailangan kong mag-ayuno nang mga ilang araw. Sa pamamagitan ng pag-aayuno, higit na magiging sensitibo ako sa tinig ng Kanyang Banal na Espiritu; bukod pa rito, higit na marami pa ang mga benepisyo nito. Hindi nga ba ito ang pag-aayuno na sadyang pinili ko: Ang paglaya sa pagkaka-alipin sa kasamaan, ang pawiin ang kanilang kabigatan, ang palayain ang mga naapi, at alisin ang lahat ng ating pagkaka-alipin? -Isaias 58:6 Handa na akong lumaya sa tanikala ng hinanakit at maging ganap na malaya sa pang-aapi. Makalipas ang ilang araw, dumalo ako sa isang burol. Naroon din ang lalaking nakasakit sa aking damdamin. Natanaw ko siya sa bandang likuran ng bahay sambahan at nagsimula akong umiyak. Panginoon, pinapatawad ko na siya. Pinapalaya ko na siya sa lahat ng mga nagawa niya sa akin. Agad kong naramdaman na napawi na ang kabigatan. Pinatawad ko na siya. Biglang guminhawa ang aking pakiramdam! Ngunit simula pa lamang ito ng landas tungo sa pagbawi mula sa sama ng loob na naidulot sa akin. Sa puso ko pinatawad ko na siya, subalit hindi ko pa batid ang lawak ng nilikha niyang pinsala. Marupok pa ang kalooban ko at maaaring masaktang muli anumang oras. Tulad din ito ng paggaling mula sa pisikal na pinsala. Kailangan kong magsanay at mag-ehersisyo, upang palakasin muli ang aking puso, isip at damdamin upang makaiwas sa anumang pinsala sa hinaharap. 178

195 179 PAGTAKAS SA PATIBONG PAANO KAPAG MAYROON ULING MANGYARI? Ilang buwan na ang nakalipas. May mga pagkakataong pinaglalabanan ko pa rin ang mga kaisipang ito bago ko siya mapatawad. Paano kaya kapag may isang taong nakaranas ng pagdurusang naranasan ko ang maglahad ng karaingan niya sa akin? Paano kung makita o marinig ko ang pangalan ng taong iyon? Agad kong tinatanggihan ang mga kaisipang iyon at iwinawaksi. (2 Corinto 10:5) Ito ang ginagawa kong pagsasanay at pagsusumikap upang manatiling malaya. Sa wakas, humingi na ako ng tulong sa Panginoon kung paano ko ganap na mahahadlangan ang mga kaisipang ito, hanggang sa ganap na akong makapagpatawad. Batid kong nais Niyang makamtan ko ang ganap na kalayaan at ayaw ko nang mabuhay na taglay pa rin ang sama ng loob. Tinuruan ako ng Panginoon kung paano ipapanalangin ang lalaking iyon na nakasakit ng aking damdamin, ipinaalala Niya ang Kanyang salita: Ngunit sinasabi Ko sa iyo, mahalin mo ang iyong mga kaaway, pagpalain mo ang mga sumusumpa sa iyo gumawa ka ng mabuti sa mga taong nagagalit sa iyo, at manalangin ka para sa mga nayayamot sa iyo at sa mga umuusig sa iyo. Mateo 5:44 Kaya ako ay nanalangin. Sa simula, walang kabuhay-buhay ang aking panalangin, walang pagbabago sa himig ng aking tinig, ni walang tanda ng silakbo ng damdamin. Dahil obligasyon kong manalangin, idinagdag ko pa, Panginoon, pagpalain Mo po siya. Bigyan Mo siya ng magandang araw. Tulungan Mo siya sa lahat ng kanyang mga gawain. Sa pangalan ni Hesus, Amen. Nagpatuloy ito sa loob ng ilang linggo. Tila wala namang pinatutunguhan ang aking ginagawa. Isang umaga, ipinahiwatig sa akin ng Panginoon ang Awit 35. Wala akong malay kung ano ang nilalaman ng Awit 35, kaya hinanap ko ito sa aking Bibliya at sinimulan kong basahin. Nakita ko ang aking kalagayan nang nasa kalagitnaan na ako. Mababangis na saksi ay naglitawan; tinatanong nila ako tungkol sa mga bagay na hindi ko alam. Ginagantihan nila ako ng kasamaan para sa kabutihan, upang lalong lumungkot ang aking kaluluwa. Awit 35:11 12

196 Ang patibong ni Satanas Nakisimpatiya ako kay David. Sa aking opinyon, ginantihan ng taong iyon at ng ilan sa mga kasama niya ng kasamaan ang kabutihang nagawa ko sa kanila. Talagang nasa matinding kapighatian ang kaluluwa ko. Ginamit ng Diyos ang Awit na iyon upang ituro sa akin ang aking pinaglalabanan sa loob ng ilang taon. Nang dahil sa isang talata sa Banal na Kasulatan napatalon ako nang mataas, na halos maumpog ako sa kisame. Ngunit sa ganang akin, nang may sakit sila, ang kasuotan ko ay yari sa sako; nagpakababa ako sa pamamagitan ng pag-aayuno; at ang aking panalangin ay bumabalik sa sarili kong puso. Lumakad ako nang palayo tulad ng isang kaibigan o kapatid; nagpatirapa ako at yumukod sa kanila; tulad ng isang taong nagluksa para sa kanyang ina. Awit 35:13 14, may dagdag na diin Sinabi ni David na pinagtangkaan siyang patayin ng mga lalaking iyon. Umatake sila sa kanya nang kasamaan, kahit wala naman siyang ginawa upang tumanggap siya niyon. At ito ang aking tugon: Ngunit sa ganang akin... Ang pagtugon ni David ay hindi ayon sa mga kilos ng ibang tao. Determinado siyang gawin ang tama; ipinanalangin niya sila bilang malalapit na kapatid o tulad ng isang anak na ipinagluluksa ang kamatayan ng kanyang mahal na ina. Ipinapakita ng Diyos sa kanya kung paano ipanalangin ang taong iyon: Ipanalangin mo para sa kanya ang mga bagay na nais mong gawin Ko para sa iyo! Sa ngayon, nagbago na lahat ang mga panalangin ko. Hindi na lamang ito, Diyos ko pagpalain Mo siya at bigyan Mo siya ng magandang araw. Ang mga panalangin ko ay napuspos ng buhay. Ipinananalangin ko, Panginoon, ihayag Mo po ang Iyong sarili sa kanya sa isang makapangyarihang paraan. Pagpalain Mo po siya ng Iyong presensiya. Hayaan Mo po na makilala Ka niya nang lubos. Nawa po ay maging kalugod-lugod siya sa Iyo at luwalhatiin niya ang Iyong Ngalan. Ipinanalangin ko para sa kanya kung ano ang nais kong gawin ng Diyos sa aking buhay. Taimtim ko siyang ipinanalangin sa loob ng isang buwan, isinisigaw ko nang malakas, Pinagpapala kita! Minamahal kita sa Pangalan ni Hesus! 180

197 PAGTAKAS SA PATIBONG Nag-uumiyak ako sa kaibuturan ng aking espiritu. Sa halip na ipanalangin ko siya para sa aking sariling kapakanan, ang mga panalangin ko ay naging para sa kanyang kapakanan. Dahil dito, naniwala akong naging buong-buo na ang aking paghilom. PAGHILOM SA PAMAMAGITAN NG PAGHAHARAP Pagkalipas ng ilang linggo, nakita ko siyang muli. Isang hindi mapigilang silakbo ng damdamin ang nananatili sa aking puso. Pinaglalabanan ko pa rin ang pagiging kritikal o pamimintas. Dapat kang lumapit sa kanya, John, hinikayat ako ng aking asawa. Hindi, hindi na kailangan. Tiniyak ko sa kanya. Naghilom na ako. Subalit naramdaman ko na hindi pinatotohanan ng aking pasya ang sinabi ko. Kaya itinanong ko sa Panginoon kung dapat ko nga siyang lapitan. At sinagot Niya ako ng Oo. Nakipagkita ako sa kanya at dinalhan ko siya ng regalo. Nagpakumbaba ako. Inamin ko ang aking maling pag-uugali at humingi ako ng tawad sa kanya. Nagkasundo kami at umapaw ang pagpapatawad at paghihilom sa puso ko. Lumabas ako sa kanyang opisina, taglay ang paghihilom at kalakasan. Hindi ko na kailangang paglabanan ang sakit ng damdamin at hindi na ako galit sa kanya. Tumatag ang pagsasamahan namin mula noon at hindi na kami nagkaroon ng problema. Sa katunayan, sinusuportahan namin ang isa t isa. Nang una kong makilala ang lalaking iyon, sinabi ko kay Lisa, Sa tingin ko, wala siyang magagawang kamalian sa akin. Wala akong nakitang anumang mali sa kanya. Minahal ko siya sapagkat akala ko perpekto siya. Ngunit nang masaktan niya ang damdamin ko, naging mahirap na siyang mahalin. Kinailangan kong pairalin ang buong pananampataya ko. Ngayong napagdaanan na namin ang proseso ng pagpapanumbalik at ako y naghilom na, minamahal ko na siya tulad nang una ko siyang makilala, kahit mayroong mga pagkakamali at pagkukulang. Ito ay higit na mataas (mature) na uri ng pagmamahal. 181

198 Ang patibong ni Satanas Naalala ko ang talatang ito: Higit sa lahat paigtingin ninyo ang pagmamahalan sa bawat isa, sapagkat napagtatakpan ng pagmamahal ang karamihan ng kasalanan. 1 Pedro 4:8 Napakadaling mahalin ang mga taong sa tingin natin ay hindi tayo gagawan ng mali. Ang pagmamahal na ito ay tulad ng pag-ibig sa panahon ng pulot-gata ng isang bagong kasal na mag-asawa (honeymoon love). Kailangan na natin ng ibang klaseng pagmamahal kapag nakikitaan na natin sila ng mga pagkakamali, lalo na kapag nabiktima tayo ng mga ito. Tanging ang pagmamahal ng Diyos ang magpapatibay at magpapalakas sa ating puso. Mula noon, marami pang pangyayaring katulad ng mga naganap sa akin ang hinarap ko, ngunit madali na akong nakalaya sa mga sakit ng damdamin bunga ng kasalanang ginawa sa akin. Ang dahilan: Sinanay ko na ang aking puso upang maging malaya sa pasakit ng taong nagksala sa akin. Lumipas pa ang ilang buwan mula nang kinausap ako ng Diyos sa aking bakuran hanggang lumabas ako sa opisina ng lalaking iyon na nadama ko ang paghilom ng aking puso. Ito ay panahon ng matinding pagsasanay kung saan hinasa ang aking puso at pinalakas. Nang mga panahong iyon para bang wala akong nararating. Sa katunayan, naiisip ko lalo pa akong lumalala. Ngunit, sa totoo lang, nasa tiyak na landas ako ng pagpapanumbalik at paghilom. Inalalayan ako ng Espiritu ng Panginoon sa wastong bilis na kayang-kaya ko. Ito ay bahagi ng proseso ng pagpapatibay sa akin. Hindi ko ipagpapalit ang karanasang ito at lubos akong nagpapasalamat sa ibinunga nitong paglago sa aking buhay. PAGLAGO SA PAMAMAGITAN NG MGA PAGHIHIRAP Lumalago tayo sa mga panahon ng paghihirap at hindi sa panahon na maginhawa. Palagi tayong may tatahaking mahihirap na karanasan sa ating paglalakbay kasama ang Panginoon. Hindi natin ito maaaring takasan, 182

199 PAGTAKAS SA PATIBONG bagkus, kailangan nating harapin ang mga ito, sapagkat bahagi ang mga ito ng proseso upang tayo ay ganap na lumago sa Kanya. Kung pipiliin mong iwasan ang mga ito, tiyak na mahahadlangan mo ang iyong paglago. Magiging higit na malakas at mahabagin ka sa ibang tao habang nalalampasan mo ang mga balakid. Lalo kang mapapa-ibig kay Hesus. Kung nakaranas ka ng mga paghihirap at hindi lumago ang iyong pagibig kay Hesus at pang-unawa sa ibang tao, marahil hindi ka pa ganap na naghihilom mula sa kasalanang nagawa sa iyo. Paghilom ang dapat mong piliin. May mga taong nasasaktan na hindi makalaya sa sama ng loob. Marahas man itong sabihin, sila ang pumili nito. Natutong sumunod si Hesus sa pamamagitan ng mga bagay na pinagdusahan Niya. Si Pedro ay natuto ring sumunod nang siya ay makaranas ng pagdurusa. Gayundin si Pablo, natuto rin siya sa pamamagitan ng mga bagay na kanyang pinagdusahan. Ikaw, ano sa palagay mo? Natuto ka na rin ba? O, baka hanggang ngayon, ikaw ay nagmamatigas, manhid, nanlalamig, nagkikimkim ng kapaitan at maramdamin? Kung gayon, hindi mo pa natututuhan ang pagsunod. Oo, totoo namang mayroong mga kasalanang nagawa sa atin na hindi mawawala. Kinakailangang mapaglabanan mo at malampasan ang bawat isa at pagsumikapan mong makalaya. Ngunit sa prosesong ito ng iyong paglaya, lalago ka at magiging matibay. Hindi kaagad nagiging ganap ang paglago ng isang Kristiyano. Kung madali lang ito, lahat sana ay nakamtan na ito. Kakaunti pa lamang ang nakararating sa antas ng buhay na ito dahilan sa pakikipaglabang kanilang sinasagupa. May pakikipaglaban sapagkat ang tinatahak na landas ng ating lipunan ay hindi makadiyos kundi makasarili. Ang sanlibutan ay pinangungunahan ng prinsipe ng kapangyarihan ng himpapawid. (Efeso 2:2) Bunga nito, dumaranas tayo ng paghihirap sapagkat naninindigan tayong sumalungat sa daloy ng pagiging makasarili bago tayo maging ganap na matagumpay kay Cristo. Binalikan ni Pablo ang tatlong lungsod kung saan siya nagpasimula ng tatlong iglesya. Layunin niyang palakasin ang kaluluwa ng mga alagad ng Diyos. Magkagayunman, kamangha-manghang makita ang paraan ng 183

200 Ang patibong ni Satanas kanyang pagpapalakas sa kanila. Hinikayat sila ni Pablo sa pamamagitan ng:...pinagpapayuhan sila upang manatili sa pananampalataya at nagsasabing, Kailangan nating pagtagumpayan ang lahat ng mga pagdurusa upang makapasok sa kaharian ng Diyos. Mga Gawa 14:22 Hindi niya ipinangako ang isang buhay na madali. Hindi niya ipinangako ang tagumpay ayon sa pamantayan ng sanlibutan. Ipinakita Niya pagkatapos nilang tahakin ang landas nang may kagalakan, daranas sila ng labis na paghihirap sa pakikipaglaban na tinawag niyang kapighatian. Kapag sinasagwan mo ang isang bangka habang ito ay salungat sa daloy ng ilog, kailangan mong magpatuloy sa pagsagwan upang makalampas sa salungat na daloy ng tubig nito. Kapag tumigil ka sa pagsagwan upang magpahinga, sasabay ka na sa pinatutunguhan ng pagdaloy nito. Gayunpaman, kapag determinado kang sundan ang landas ng Diyos, daranas ka ng maraming kapighatian. Ipakikita ng mga pagsubok na ito ang sagot sa pangunahing katanungan: Mamumuhay ka ba ayon sa sanlibutan o ipapamuhay mo ang buhay na hindi makasarili? Alalahanin mo na kapag nawalan ka ng buhay alang-alang kay Hesus, masusumpungan mo ang Kanyang buhay. Pag-aralan mong ituon ang iyong paningin sa ibubunga nito, hindi sa pakikipaglaban. Sinabi ni Pedro: Mga minamahal, huwag ninyong isiping kamangha-mangha ang mga mahihigpit na pagsubok na susubok sa inyo, na tila ba may kakaibang bagay na nangyayari sa inyo; ngunit magalak kayo sa pakikibahagi ninyo sa mga paghihirap ni Cristo, upang kapag naihayag ang Kanyang kaluwalhatian, kayo rin ay matutuwa nang may labis na kagalakan. 1 Pedro 4:12 13 Bigyang pansin na inihalintulad niya ang lawak ng pagdurusa sa lawak ng kagalakan. Paano tayo magagalak nang ganoon katagal? Kapag nahayag na ang kaluwalhatian ni Hesus, ikaw ay maluluwalhati kasama Niya. Sa 184

201 ganitong antas ng pagluluwalhati na pinahihintulutan mong maging ganap ang Kanyang katangian sa iyo. Kaya huwag ka nang tumingin sa kasalanang nagawa sa iyo. Tingnan mo ang darating na kaluwalhatian. Alleluia! 185

202 Ang patibong ni Satanas HIGIT NA MAHALAGANG TUMULONG SA ISANG KAPATID NA NAGKAMALI, KAYSA PATUNAYAN SA IYONG SARILI NA IKAW ANG TAMA. Labing-walong taong gulang na ako. Nagmula ako sa tahanan na may iisang magulang. May kakambal akong kapatid na babae sa isang mabuti at malaking pamilya. Hindi ko kailanman nakilala ang aking ama at hindi ko siya mapatawad sa buong buhay ko. Ang aking lolo ay isang kahanga-hangang lingkod ng Diyos. Ibinigay niya sa akin ang aklat na Ang Patibong ni Satanas upang mabasa ko ito. Napatawad ko ang aking ama matapos ko itong basahin. N. M.,NEW MEXICO 186

203 14 ANG LAYUNIN: PAGKAKASUNDO Narinig ninyo na nasabi noong araw, Huwag kayong papatay, at ang sinumang papatay ay manganganib sa paghuhukom. Ngunit sinasabi ko sa inyo na sinuman ang galit sa kanyang kapatid nang walang dahilan ay manganganib sa paghuhukom. At ang sinumang magsasabi sa kanyang kapatid, Raca! ay manganganib sa konseho. Ngunit ang sinumang magsasabi, Ikaw na hangal! ay manganganib sa apoy ng impiyerno. Kaya kapag nagdala kayo ng handog sa altar, at naalala ninyo na ang inyong kapatid ay may sama ng loob sa inyo, iwan ninyo ang inyong handog doon sa harap ng altar, at humayo kayo. Unahin ninyo ang pakikipagkasundo sa inyong kapatid at saka kayo magpunta sa altar upang ipagkaloob ang inyong handog. Mateo 5:21-24 H ango ang talatang ito sa Sermon sa Bundok (Sermon on the Mount). Sinimulan ito ni Hesus sa pagsasabing, Narinig ninyo na noong una y iniutos sa mga tao..., Ngunit ngayo y sinasabi Ko sa inyo

204 Ang patibong ni Satanas Ipinagpatuloy ni Hesus ang paghahalintulad sa kabuuang bahagi ng Kanyang mensahe. Una, binanggit Niya ang batas na nagsisilbing pamantayan ng ating mga panlabas na kilos. Pagkatapos, ipinakita Niya ang kaganapan ng mga ito sa pamamagitan ng pagsasapuso sa mga ito. Kaya sa paningin ng Diyos, ang isang mamamatay tao ay hindi yaong kumikitil lamang ng buhay: kapag nagtatanim siya ng galit sa kanyang kapatid, mamamatay-tao rin ang turing sa kanya. (Mateo 5) Kung ano ang nilalaman ng iyong puso ay nagpapatunay ng iyong pagkatao! Malinaw ang paglalarawan ni Hesus sa naging bunga ng sama ng loob sa bahaging ito ng Kanyang sermon. Inilalarawan Niya dito ang kalubhaan ng pagkakaroon ng matinding galit o matinding pagsama ng loob. Kapag ang isang tao ay nagalit sa kanyang kapatid nang walang dahilan, siya ay nanganganib na mahatulan. Nanganganib siya sa konseho kapag ang galit na ito ay nagbunga at tinawag niya ang kanyang kapatid na Raca! 1 Ang kahulugan ng salitang raca ay walang alam o hangal. Ginagamit ang salitang ito upang kutyain ang mga Hudyo noong panahon ni Cristo. Kapag ang galit ay umabot na sa puntong tinawag na niyang hangal ang kanyang kapatid, siya ay nanganganib mapunta sa impiyerno. Ang salitang hangal ay nangangahulugang walang diyos. 2 Ang hangal ay nagsasabi sa kanyang puso na walang Diyos. (Awit 14:1) Noong mga panahong iyon, mabigat na paratang na ito kapag tinawag mong hangal ang iyong kapatid. Walang sinumang magsasabi ng ganito sa kanyang kapatid maliban kung ang galit na kinimkim niya ay lumala at humantong sa poot. Sa panahon ngayon, ang katumbas nito ay ang pagsasabi sa iyong kapatid, Mapunta ka sana sa impiyerno, na iyon talaga ang ibig mong sabihin. Ipinapakita ni Hesus sa kanila na ang hindi pagharap sa galit ay humahantong sa pagkapoot. Nanganganib mapunta sa impiyerno ang taong hindi hinaharap o pinipigilan ang kanyang galit. Kasunod nito sinabi Niya na kapag naalala nila na ang kanilang kapatid ay may sama ng loob sa kanila, dapat nilang gawing pangunahing priyoridad na hanapin siya at sikaping makipagkasundo sa kanya. Bakit dapat nating pagsumikapang makipagkasundo kaagad para sa sarili nating kapakanan o para sa kapakanan ng ating kapatid? Dapat nating unahin ang kanyang kapakanan upang mapadali ang pagtulong natin sa kanyang makalaya sa sama ng loob o pagkakatisod niya sa atin. Kahit hindi tayo natisod o sumama ang loob sa kanya, hindi pinahihintulutan 188

205 189 ANG LAYUNIN: PAGKAKASUNDO ng pagmamahal ng Diyos na manatili ang galit sa kanya nang walang pagsisikap na lapitan siya upang manumbalik ang relasyon ninyo sa isa t isa. Maaaring wala tayong nagawang kamalian. Hindi mahalaga kung sino ang tama o mali. Higit na mahalaga para sa atin na tulungan ang natisod nating kapatid kaysa patunayan na tayo ang tama. Napakaraming sitwasyon at paraan upang matisod tayo at magkaroon ng sama ng loob. Marahil ang taong natisod natin ay naniniwalang hindi tayo naging makatarungan sa pakikitungo natin sa kanya, ngunit sa katotohanan wala tayong ginawang masama sa kanya. Maaaring nagkaroon siya ng hindi tamang impormasiyon na nagdulot ng hindi tamang kongklusyon o pagpapasya. Sa kabilang dako, maaaring tama ang impormasiyon niya na pinagbatayan niya ng maling kongklusyon. Maaaring nabigyan lamang ng mali-maling pakahulugan ang mga nasabi natin sa oras na sumalin ito sa iba t ibang bibig. Kahit wala naman tayong masamang intensiyon, maaaring malagyan ng iba t ibang anyo ang mga salita at kilos natin. Kadalasan hinuhusgahan natin ang ating sarili sa pamamagitan ng mga intensiyon natin at ang iba naman sa pamamagitan ng kanilang mga kilos. Posible ring mangyari na ang bagay na hinahangad nating iparating sa ating kapwa ay maging ganap na kakaiba habang nakikipag-usap tayo sa kanila. Minsan, lingid sa ating kaalaman, ang tunay nating motibo ay naikukubli kahit pa sa ating sarili. Nais nating paniwalaan na malinis at walang bahid ng kasamaan ang mga ito. Ngunit habang sinasala natin ang mga ito sa Salita ng Diyos, nakikita natin ang totoo. Panghuli, marahil nagkasala nga talaga tayo laban sa isang tao. Nagkataong nagagalit tayo at dumaranas ng matinding kabigatan at siya ang napagbuntunan o nakabanggaan natin. O marahil, palagi at sinasadya tayong tuligsain ng taong iyon, kaya gumaganti naman tayo. Kahit na ano pa ang naging dahilan, ang pang-unawa ng taong nakaranas ng pagkatisod ay nadidiliman, para bang nililinlang niya ang kanyang sarili kahit na alam na niya ang ating totoong motibo. Paano tayo magkakaroon ng wastong paghatol kung wala naman tayong wastong impormasiyon? Kailangan nating maging sensitibo sa katotohanang

206 Ang patibong ni Satanas buong-buo sa kanyang puso na nagawan siya ng kamalian. Kahit anupaman ang dahilan o pinagmulan kung bakit siya nakadarama ng ganito, kailangan nating magpakumbaba at humingi ng kapatawaran. Hinikayat tayo ni Hesus na makipagkasundo kahit na hindi natin kasalanan ang pagkakatisod o pagsama ng loob ng ating kapatid. Kailangan ng ganap na kababaang-loob tungo sa pakikipagkasundo. Ngunit ang unang hakbang ay higit na mahirap para sa kanya na dumaranas ng sama ng loob. Kaya sinabi ni Hesus sa taong nakagawa ng kamalian na siya na mismo ang lumapit sa taong kanyang nasaktan. (Mateo 5:23-24) PAGHINGI NG TAWAD NG ISANG TAONG NASAKTAN Sinabi ni Apostol Pablo: Kaya hangarin natin ang mga bagay na magdudulot ng kapayapaan at ang mga bagay na magpapatatag sa bawat isa. Roma 14:19 Ipinapakita nito ang paraan ng paglapit sa taong nasaktan natin. Kapag lumapit tayo na may saloobin ng hinanakit, hindi tayo makapagsusulong ng kapayapaan. Lalo lamang nating pahihirapan ang taong nasaktan natin. Kailangan nating mapanatili ang pagsusumikap na gawin ang mga bagay na makapagdudulot ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapakumbaba sa halip na maging mapagmataas. Ito lamang ang tanging daan upang maganap ang tunay na pakikipagkasundo. May mga pagkakataong nilapitan ko ang mga taong nasaktan ko o mga nagalit sa akin at pinagsalitaan nila ako. Sinabi nila na ako raw ay makasarili, walang pakundangan, mayabang, walang galang, masakit magsalita at marami pang iba. Ang natural na tugon ko sa kanila ay magsabi ng, Hindi, hindi ako ganoon. Hindi ninyo ako nauunawaan! Pero kung ipagtatanggol ko ang aking sarili, lalong magagatungan ang apoy ng kanilang sama ng loob sa akin. Hindi ganito ang pagsusumikap na magkaroon ng kapayapaan. Kung ipagtatanggol natin ang ating sarili at ipipilit ang ating mga karapatan, hindi ito magdudulot ng tunay na kapayapaan. 190

207 ANG LAYUNIN: PAGKAKASUNDO Sa halip, natutuhan kong panatilihing nakatikom ang aking bibig hanggang masabi na nila ang lahat ng gusto nilang sabihin sa akin. Kapag hindi ako sumasang-ayon, sinasabi ko sa kanila na nirerespeto ko ang mga sinabi nila at sasaliksikin ko ang aking saloobin at mga intensiyon. Pagkatapos, humihingi ako ng kapatawaran dahil nasaktan ko ang kanilang damdamin. May mga pagkakataong inaamin ko na tama sila sa kanilang pagsusuri sa aking katauhan. Tinatanggap ko, Ikaw ang tama. Patawarin mo ako. Uulitin ko simple lang ang ibig sabihin nito: kailangan nating magpakumbaba upang maisulong ang pakikipag-ayos o pakikipagkasundo. Marahil, kaya sinabi ni Hesus sa mga sumusunod na talata: Sumang-ayon agad sa inyong mga kalaban, habang nasa daan ka kasama niya, baka ihatid ka ng iyong kalaban sa hukom at ang hukom ang maghahatid sa iyo sa opisyal, at ipapatapon ka niya sa kulungan. Siguradong sinasabi ko sa iyo, hindi ka na makakalabas doon hanggang hindi ka nakababayad hanggang sa huling sentimo. Mateo 5:25 26 Ang pagmamataas ay pagtatanggol sa sarili. Ngunit ang kababaangloob ay sumasang-ayon at nagsasabing, Ikaw ang tama. Ginawa ko nga iyon. Pakiusap, patawarin mo ako. Ngunit ang karunungang mula sa kaitaasan ay una, dalisay, sunod ito ay mapanahimik, magiliw, mapagbigay, puno ng kaawaan at mabubuting bunga, walang halong pag-kiling at walang pagkukunwari. Santiago 3: 17, may dagdag na diin Ang karunungang mula sa Diyos ay mapagbigay. Hindi ito nagmamatigas kapag humahantong sa personal na hidwaan. Ang taong nagpapasakop sa karunungan ng Diyos ay hindi takot maging mapagbigay o magparaya sa pananaw ng iba basta hindi ito lumalabag sa katotohanan. 191

208 Ang patibong ni Satanas ANG PAGLAPIT SA TAONG NAKASAKIT SA IYO Ngayong tinalakay na natin ang dapat gawin kapag nasaktan natin ang ating kapatid, isaalang-alang natin ang dapat gawin kapag nasaktan tayo ng ating kapatid. Bukod dito, kapag ang inyong kapatid ay nagkasala sa inyo, pumunta ka sa kanya at sabihin mo sa kanya ang kanyang kasalanan sa pagitan ninyo lamang ito pag-usapan. Kapag pinakinggan ka niya, napanumbalik mo sa iyo ang iyong kapatid. Mateo 18:15 Maraming tao na ang saloobin tungkol sa talatang ito mula sa Banal na Kasulatan ay ibang-iba sa ibig sabihin ni Hesus. Para sa kanila, kapag nasaktan ang kalooban nila, lalapitan nila ang taong nakapanakit sa kalooban nila na ang pakay ay galit at panunumbat. Ginagamit nila ang talatang ito upang bigyang katuwiran ang paghatol nila sa taong nagkasala sa kanila. Subalit, hindi nila makita ang buong dahilan kung bakit itinuro ni Hesus sa atin na lapitan ang ating kapwa. Ito ay hindi upang hatulan kundi upang maisilang ang pagkakasundo. Hindi Niya nais na sabihan natin ang ating kapatid kung gaano siya kasama. Dapat nating alisin ang anumang bagay na humahadlang sa pagpapanumbalik ng ating relasyon. Katulad ito kung paano tayo pinababalik ng Diyos sa Kanya. Nagkasala tayo laban sa Diyos, ngunit Ipinakita ng Diyos ang Kanyang pagibig [para] sa atin, sa gayon habang makasalanan pa tayo, namatay na si Cristo para sa atin. (Roma 5:8) Payag ba tayong ibaba ang proteksiyon sa ating sarili at mamatay sa ating pagmamataas upang makipagkasundo sa taong nagkasala sa atin? Inabot tayo ng Diyos bago pa tayo humingi ng kapatawaran. Nagdesisyon si Hesus na patawarin tayo bago pa natin aminin ang nagawa nating kasalanan. Kahit Siya na mismo ang umabot sa atin, hindi mapapanumbalik ang relasyon natin sa Ama hangga t hindi natin natatanggap ang Kanyang salita ng pakikipagkasundo. 192

209 ANG LAYUNIN: PAGKAKASUNDO Ngayon ang lahat ng bagay ay mula sa Diyos, ipinagkasundo Niya mismo tayo sa Kanyang sarili sa pamamagitan ni Hesucristo, at nagbigay sa atin ng ministeryo ng pakikipagkasundo at ito na ang Diyos ay na kay Cristo nang ipinagkakasundo Niya mismo ang sanlibutan sa Kanyang sarili, nang hindi isinisisi ang kanilang mga kasalanan sa kanila, at ipinangako Niya sa atin ang salita ng pakikipagkasundo. Ngayon, tayo ay kinatawan para kay Cristo, na tila baga ang Diyos ay nagsusumamo sa pamamagitan natin: nakikiusap kami sa inyo alang-alang kay Cristo, makipagkasundo na kayo sa Diyos. 2 Corinto 5:18 20, may dagdag na diin Ang salitang pakikipakasundo ay nagsisimula sa kaisipang lahat tayo ay nagkasala laban sa Diyos. Hindi natin nanaising manumbalik o maligtas hangga t hindi natin napagtatanto na tayo ay nahiwalay sa Diyos. Sa Bagong Tipan, ipinangaral ng mga disipulo na nagkasala ang mga tao laban sa Diyos. Ngunit bakit pa dapat nilang sabihin sa mga tao na sila ay nagkasala? Upang kundenahin o parusahan sila? Hindi nagkukundena ang Diyos. Sapagkat hindi isinugo ng Diyos ang Kanyang Anak sa sanlibutan upang parusahan ang sanlibutan, ngunit upang ang sanlibutan sa pamamagitan Niya ay maligtas. ( Juan 3:17) Ito ba ay upang dalhin sila sa punto kung saan mapapagtanto nila ang kanilang kalagayan, pagsisihan ang kanilang kasalanan at humingi ng kapatawaran? Ano ang nagdadala sa mga tao sa pagsisisi? Matatagpuan sa Roma 2:4 ang katugunan. Hinahamak mo ba ang yaman ng Kanyang kabutihan, kahinahunan, at pagtitis, hindi mo ba nalalaman na ang kabutihan ng Diyos ay mag-aakay sa iyo sa pagsisisi? (May dagdag na diin) Ang kabutihan ng Diyos ang nagdadala sa atin sa punto ng pagsisi. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, hindi tayo hinahatulang maparusahan sa impiyerno. Pinatunayan Niya ang Kanyang pag-ibig sa atin nang sinugo Niya si Hesus, ang bugtong Niyang Anak, upang mamatay sa krus para sa atin. Ang Diyos ang unang umabot sa atin, kahit nagkasala tayo laban sa Kanya. Inabot Niya tayo upang mapanumbalik tayo sa Kanya- upang tayo ay iligtas. 193

210 Ang patibong ni Satanas Sapagkat dapat nating tularan ang Diyos (Efeso 5:1), tayo ang dapat magpaabot ng pakikipagkasundo sa kapatid na nagkasala sa atin. Itinuro ni Hesus ang paraang ito: Lumapit ka sa kanya at ipakita mo sa kanya ang kanyang nagawang kasalanan, hindi upang parusahan siya kundi upang tanggalin ang anumang hadlang sa pagitan ninyo at nang kayo ay muling magkasundo at muling maibalik ang relasyon ninyo sa isa t isa. Ang kabutihan ng Diyos sa atin ang magbubuklod sa ating magkakapatid sa pamamagitan ng pagsisisi at pagpapanumbalik ng ating relasyon. Ako, samakatuwid, ang bilanggo ng Panginoon, ang nakikiusap sa inyo na mamuhay kayo nang nararapat ayon sa pagkakatawag sa inyo, nang may kababang-loob, kahinahunan, pagtitiis, pakikisama sa bawat isa nang buong pagmamahal, at pagsusumikap na mapanatili ang pagkakaisa ng Espiritu sa buklod ng kapayapaan. Efeso 4:1 3 Mapapanatili natin ang buklod ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagiging mapagpakumbaba, mahinahon at matiisin at pagsumakitang tanggapin ang kahinaan ng isa t isa nang buong pagmamahal. Sa ganitong paraan, mapatitibay ang buklod ng pagmamahal. May mga taong nagawan ko ng kamalian na kumompronta sa akin nang may pagkukondena. Bunga nito, nawalan ako ng pagnanais na makipagkasundo sa kanila. Sa katunayan, akala ko ayaw na nilang makipagayos; gusto lang nilang ipaalam sa akin na galit sila sa akin. Mahinahon namang lumapit sa akin ang ibang nagawan ko ng kamalian. Kaya mabilis na nabago ang aking pananaw at humingi ako ng kapatawaran minsan bago pa sila matapos magsalita. Mayroon na bang taong lumapit sa iyo at sinabihan ka na, Nais kong ipaalam sa iyo na pinapatawad na kita dahil hindi ka naging mabuting kaibigan sa akin at dahil hindi mo nagawa ang bagay na ito o iyan para sa akin? Pagkatapos ka nilang pagsalitaan, tiningnan ka pa ng masama at nagsabing, Dapat kang humingi ng tawad sa akin. 194

211 ANG LAYUNIN: PAGKAKASUNDO Nagulat at nakatayo ka lamang na puno ng kalituhan at nasasaktan. Hindi sila lumapit sa iyo upang mapanumabalik ang inyong relasyon kundi upang ikaw ay sumbatan at usigin. Hindi tayo dapat lumapit sa isang kapatid na nakagawa ng kamalian sa atin hangga t hindi pa natin napagdidisisyunang patawarin siya mula sa kaibuturan ng ating puso kahit ano pa ang maging tugon niya. Kailangan nating alisin ang anumang sama ng loob sa kanya bago siya lapitan. Kapag hindi natin ginawa ito, maaaring maging ayon sa mga negatibong damdamin at pasakit ang maging reaksiyon natin sa kanya at hindi upang maghilom din siya. Ano ang mangyayari kapag may wastong saloobin tayo at sinusubukan nating makipagkasundo sa taong nagkasala sa atin, ngunit ayaw niyang makinig sa atin? Ngunit kung hindi ka niya pakikinggan, magsama ka ng isa o dalawa o higit pa, upang sa pamamagitan ng bibig ng dalawa o higit pang saksi ang bawat salita ay maihayag. At kapag tumanggi siyang making sa kanila, sabihin mo ito sa iglesya. Ngunit kapag tumanggi siyang pakinggan ang iglesya, hayaan mo na siyang maging tulad ng isang pagano at kolektor ng buwis. Mateo 18:16 17 Iisa ang layunin ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring ito: pakikipagkasundo, pakikipag-ayos. Sa kabuuan, sinasabi ni Hesus, Huwag tayong tumigil. Pansinin kung gaano kasangkot ang taong nakagawa ng kasalanan sa bawat hakbang ng pakikipag-ayos. Gaano kadalas tayo nagdadala ng sama ng loob sa ibang tao bago tayo lumapit sa taong nagkasala sa atin, tulad ng itinuro ni Hesus na dapat nating gawin! Ginagawa natin ito sapagkat hindi pa natin kayang harapin ito sa ating puso. Habang sinasabi natin ang bahagi natin sa pangyayari, pakiramdam natin ay napapawalang sala tayo. Pinapalakas nito ang dahilan natin sa ating nagawang kasalanan sa ating kapwa at napapabuti ang pakiramdam natin kapag may sumasangayon sa atin kung gaano kasama tayong pinakitunguhan. May bahid ng pagkamakasarili ang ganitong uri ng asal. 195

212 Ang patibong ni Satanas ANG KABUUAN Magtatagumpay tayo kapag pinanatili natin ang pag-ibig ng Diyos na motibo ng ating puso. Hindi nagmamaliw ang pag-ibig ng Diyos. Kapag minahal natin ang ating kapwa tulad ng pagmamahal ni Hesus sa atin, magiging malaya tayo kahit ayaw makipagkasundo sa atin ng taong nasaktan natin o nakasakit sa atin. Suriing mabuti ang sumusunod na talata mula sa Banal na Kasulatan. Magagamit natin ang karunungan ng Diyos sa lahat ng sitwasyon. Hangga t maaari, depende sa iyo, makipamuhay ka nang mapayapa sa lahat ng tao. Roma 12:18 Sinasabi Niya, Hangga t posible, dahil may mga pagkakataong tatanggi ang ating kapwa na makipagkasundo sa atin. O kaya, may ibang mga tao na ang mga kundisyon sa pakikipagkasundo ay nagiging dahilan upang makumpromiso ang relasyon natin sa Panginoon. Kung magkagayon, hindi magiging posible ang pagpapanumbalik ng relasyon natin sa kanila alinman sa mga nabanggit na pangyayaring ito. Bigyang pansin na sinabi ng Diyos,...depende sa kakayanan mo. Magagawa nating makipagkasundo sa ating kapwa, basta mananatili tayo sa katotohanan. Madalas, agad-agad nating sinusukuan ang relasyon natin sa ating kapwa. Hindi ko malilimutan nang payuhan ako ng isang kaibigan na huwag kong sukuan ang mga nakasasakit na sitwasyon. John, alam kong makakakita ka ng mga dahilan ayon sa Banal na Kasulatan upang sukuan ito. Ngunit, bago mo gawin iyan, tiyakin mo na ipinaglaban mo sila sa panalangin at nagawa mo na ang lahat upang matamo ang kapayapaan ng Diyos sa sitwasyon. Pagkatapos, idinagdag pa niya, Pagsisisihan mo ito kapag binalikan mo sa iyong alaala at tinanong mo sa iyong sarili kung talagang nagawa mo na lahat ng makakaya upang mapanatili ang nasabing relasyon. Higit na makabubuting batid mo na talaga sa sarili mo na wala ka nang ibang puwedeng gawin at pinagsumikapan mo ito nang hindi nakukompromiso ang katotohanan. 196

213 197 ANG LAYUNIN: PAGKAKASUNDO Lubos kong pinasalamatan ang kanyang payo at kinilala ko ito bilang karunungan mula sa Diyos. Alalahanin mo ang salita ni Hesus: Pinagpala ang mga tagapamayapa, sapagkat tatawagin silang anak ng Diyos. Mateo 5:9 Hindi Niya sinabing, Mapalad ang mga tagapag-ingat ng kapayapaan. Pinipigilan ng isang tagapag-ingat ng kapayapaan ang kumprontasyon sa lahat ng paraan upang mapanatili lamang ang kapayapaan, kahit manganib na makumpromiso ang katotohanan. Ngunit, hindi totoong kapayapaan lamang ang gusto niyang mapanatili. Ito ay sensitibo, paimbabaw at hindi magtatagal. Ang isang tagapamayapa ay mangungumpronta nang may pag-ibig at katotohanan upang ang pakikipagkasundo ay manatili. Hindi niya aalagaan ang isang artipisyal at mababaw na relasyon. Hangad niya ang katapatan, katotohanan at pag-ibig. Hindi niya itatago ang hinanakit sa pamamagitan ng isang ngiti. Isinusulong niya ang kapayapaan, sa pamamagitan ng pag-ibig na may katapatan, may lakas ng loob at kailanma y hindi mabibigo. Ganito ang Diyos sa mga tao. Hindi Niya nais na mamatay ang sinuman. Ngunit hindi Niya ikukompromiso ang katotohanan para sa relasyon. Ang hangarin Niya ay isang pakikipagkasundo na tunay at walang pagpapaimbabaw. Ito ang nagbubuklod sa pag-ibig na hindi mapaghihiwalay ng anumang kasamaan. Ibinuwis Niya ang Kanyang buhay para sa atin. Dapat natin Siyang tularan. Dapat nating tandaan na ang kabuuan ng lahat ay ang pag-ibig ng Diyos. Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi nagmamaliw, hindi kumukupas at hindi nagwawakas. Hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. (1 Corinto 13:5) Isinulat ni Apostol Pablo na mapagtatagumpayan ng pag-ibig ang lahat ng uri ng kasalanan. At ito ang ipinapanalangin ko para sa inyo, na ang inyong pag-ibig ay lalong managana nang lalong higit pa sa lahat ng kabatiran at sa lahat ng pagkawari, upang sang-ayunan ninyo ang mga bagay na napakahusay, at

214 Ang patibong ni Satanas kayo ay maging matapat at walang kasalanan at malaya sa sama ng loob hanggang sa araw ng pagbabalik ni Cristo, na siyang puspos ng kabanalan sa pamamagitan ni Hesucristo, para sa ikaluluwalhati at pagpupuri sa Diyos. Filipos 1:9 11 may dagdag na diin Ang pag-ibig ng Diyos ang susi upang makalaya tayo sa patibong ng pagkatisod o pagsama ng kalooban. Ang pag-ibig na ito ay dapat sumagana at patuloy na lumago at tumibay sa ating puso. Marami sa lipunan natin ngayon ay nalilinlang sa pamamagitan ng pag-ibig na mapagpaimbabaw, isang pag-ibig na puro lamang salita ngunit walang gawa. Ang pag-ibig na pipigil sa ating matisod ay handang magalay ng buhay na hindi makasarili maging para sa kapakanan ng isang kaaway. Kapag lumalakad tayo sa ganitong uri ng pag-ibig, hindi tayo mauudyukang mahulog sa patibong ni satanas. 198

215 PAHIMAKAS PAGGAWA NG AKSYON Habang binabasa mo ang aklat na ito, ipinaaalala sa iyo ng Banal na Espiritu ang mga nakalipas o pangkasalukuyan mong relasyon kung saan nagkaroon ka ng hinanakit o sama ng loob. Nararamdaman ko ang paggabay ng Panginoon na hilingin sa iyong idalangin natin ang isang simpleng panalangin ng pagpapalaya. Ngunit bago manalangin, hilingin mo sa Banal na Espiritu na ibalik ka sa iyong nakaraan, at dalhin sa iyong harapan ang kahit na sinong taong nakasakit sa iyo o nasaktan mo. Manatili kang tahimik sa harapan Niya habang ipinakikita Niya sa iyo kung sino-sino sila. Hindi mo kailangang hanapin ang sinumang wala dito. Siya ang magpapakita nito sa iyo nang buong kaliwanagan at makikita mo ito nang walang pag-aalinlangan. Habang ginagawa Niya ito, maaalala mo ang sakit at pagdurusang iyong naranasanan. 199

216 Ang patibong ni Satanas Huwag kang matakot. Nariyan Siya sa tabi mo, pagiginhawain ka Niya. Habang pinalalaya mo ang mga taong ito dahil sa mga nagawa nila sa iyo, ilarawan mo sila sa iyong isip. Patawarin mo ang bawat isa sa kanila. Kanselahin mo ang mga pagkukulang nila sa iyo. Pagkatapos, idalangin mo ang panalanging ito, ngunit huwag kang malimitahan sa mga salitang ito. Gamitin mo lamang ang panalangin bilang iyong gabay. Hayaaan mong ang Espiritu ng Diyos ang manguna sa iyo. Ama, sa pangalan ni Hesus, tinatanggap ko na ako po ay nagkasala laban sa Iyo sa pamamagitan ng hindi pagpapatawad sa mga nagkasala sa akin at nakasakit ng aking damdamin. Pinagsisisihan ko ito at hinihingi ko ang Iyong kapatawaran. Tinatanggap ko rin po na hindi ko kayang magpatawad sa sarili kong kakayahan. Kailangan ko ang kalakasan Mo, Panginoon, upang ganap akong makapagpatawad. Kaya po, mula sa kaibuturan ng aking puso pinipili ko pong magpatawad. [Banggitin mo ang mga pangalan nila- palayain mo ang bawat isa sa kanila.] Dinadala ko sa ilalim ng dugo ni Hesus ang lahat ng mga kamaliang nagawa nila sa akin. Wala na silang pagkukulang sa akin. Pinawawalang bisa ko na ang mga kasalanang nagawa nila sa akin. Amang nasa langit, tulad ng hiniling sa Iyo ng aking Panginoong Hesus na patawarin ang mga nagkasala laban sa Kanya, dalangin ko ang Iyong kapatawaran ay matanggap ng mga nagkasala sa akin. Hinihiling ko na pagpalain Mo sila at pangunahan sila na magkaroon ng higit na malapit na relasyon sa Iyo. Amen Ngayon isulat mo ang mga pangalan ng mga taong pinalaya mo sa iyong arawang talaan (journal) at iyong itala ang petsa kung kailan mo ginawa ang desisyong patawarin sila. Marahil kailangan mong sanayin ang iyong sarili upang manatiling malaya sa mga sama ng loob o kamaliang nagawa nila sa iyo. (Basahin uli ang kabanata 13, kung hindi mo maunawaan ang pangungusap na ito.) Gumawa ka ng pangakong ipanalangin sila tulad ng nais mong ipanalangin para sa iyong sarili. Makatutulong ang arawang talaan (daily journal) upang maalala mo ang mga ito. Kapag patuloy pa ring nanunumbalik sa iyong isip ang mga alaalang ito, iwaksi mo ang mga ito sa pamamagitan ng Salita ng Diyos at ideklara mo ang iyong pasya na magpatawad. Hiningi mo na sa 200

217 pahimakas Diyos ang biyaya upang makapagpatawad at ang Kanyang biyaya ay higit na makapangyarihan kaysa hindi pagpapatawad. Maging matapang ka at lumaban ka ayon sa mabuting pakikipaglaban sa pananampalataya. Kapag tiyak mo na matatag na ang iyong puso at matiwasay na ito, lumapit ka sa kanila. Alalahanin mo na gagawin mo ito para sa katuparan ng iyong layunin na pakikipagkasundo, para sa ikabubuti nila at hindi para sa iyo lamang. Maseselyuhan mo ang iyong tagumpay sa pamamagitan nito. Mapanunumbalik mo sa iyo ang iyong kapatid. (Mateo 18:15) Magiging malaking kagalakan ito sa paningin ng Diyos. Ngayon sa Kanya na may angking kakayahan upang mapangalagaan kayo sa pagkakatisod, at iharap kayo nang walang bahid ng kasalanan sa harapan ng presensiya ng Kanyang kaluwalhatian nang may pambihirang kaligayahan, sa Diyos na ating Tagapagligtas at natatanging pinakamarunong sa lahat, sumakanya ang kaluwalhatian, kamahalan, pamamahala at kapangyarihan, ngayon at magpakailanman. Siya nawa. Judas

218 Ang patibong ni Satanas 202

219 MGA Tala KABANATA ISA AKO, NASAKTAN? 1. W. E. Vine, Merrill Unger, and William White Jr., Isang Expository Dictionary ng mga Biblikal na Salita (Nashville,TN: Thomas Nelson, 1984), s.v. sama ng loob, pananakit ng damdamin (binabanggit dito sa Vine s Expository Dictionary). KABANATA ANIM PAGTATAGO MULA SA REALIDAD 1.Vine s Expository Dictionary, s.v. anak. 2.Vine s Expository Dictionary, s.v. anak. 3.Mula sa nabanggit na salitang anak sa Vine s Expository Dictionary of New Testament Words (unabridged edition), gumawa ang may-akda ng mga makapangyarihang pangungusap tungkol sa kaibahan ng isang bagong panganak na bata (teknon) at isang anak ayon sa wangis ng magulang (huios): 203

220 Ang patibong ni Satanas Ang kaibahan ng mga anak ng Diyos (teknon) at mga anak ng Diyos (huios) ay tinalakay sa Roma 8: Ang Banal na Espiritu ang nagpapatunay sa kanilang espiritu na sila ay mga anak ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Binibigyang diin nito ang kanilang espirituwal na kapanganakan (talata 16-17). Sa kabilang dako, silang mga ginagabayan ng Espiritu ng Diyos, sila ang mga anak ng Diyos, sila at wala nang iba. Ang kanilang asal ay nagpapatunay sa dangal ng kanilang relasyon at pagkakatulad sa Kanyang karakter. Ginamit ng Panginoong Hesus ang huios sa isang mahalagang kaparaanan, bilang mga anak, sa mga talata 44-45, Mahalin mo ang iyong kaaway at ipanalangin ang lahat ng tumutuligsa sa iyo, upang maging anak ka ng iyong Ama sa langit. Kinailangan ng mga disipulo ang mga bagay na ito, hindi upang sila ay maging mga anak ng Diyos, kundi dahil sila ay mga anak (tandaan, Siya ay iyong Ama sa kabuuan), upang mapatunayan ang kanilang pagiging anak. (2 Corinthians 6:17 18). 4.The Rockford Institute, Center on the Family in America (Rockford, IL). KABANATA PITO ANG TUNAY NA PUNDASYON O SALIGANG BATO 1.Zondervan Topical Bible (Grand Rapids, MI: Zondervan, 1969), s.v. Simon. 2.Vine s Expository Dictionary, s.v. bato. 3.Ibid. KABANATA WALO LAHAT NG MAAARING YANIGIN AY TIYAK NA YAYANIGIN 1. Logos Bible Study Software for Microsoft, version 1.6 (Oak Harbor, WA: Logos Research Systems Inc., 1993), s.v. sift. 2.J. D. Douglas, et al., eds., New Bible Dictionary (Wheaton, IL: Tyndale House, 1982), 2nd ed., s.v. Peter. 204

221 mga tala KABANATA LABING ISA pagpapatawad: HINDI KA NAGBIBIGAY, HINDI MO MATATANGGAP 1.Marginal note: New King James Version (Nashville, TN: Thomas Nelson, 1988). 2. Logos Bible Study Software, version 1.6 (Oak Harbor, WA: Logos Research Systems Inc., 1993). 3. Merriam-Webster s Collegiate Dictionary, Tenth Edition (Springfield, MA: Merriam Webster Inc., 1993). KABANATA LABING DALAWA PAGHIHIGANTI: ANG BITAG Francis Frangipane, The Three Battlegrounds (Cedar Rapids, IA: Advancing Church Publications, 1989 KABANATA LABING TATLO PAGTAKAS SA PATIBONG 1. Vine s Expository Dictionary, s.v. exercise. KABANATA LABING APAT ANG LAYUNIN: PAGKAKASUNDO 1. Vine s Expository Dictionary, s.v. raca. Ibid. 205

222 206

223 devotional supplement 207

224 Ang patibong ni Satanas devotional supplement 208

225 nilalaman Panimula Araw 1 Ako, Nasaktan? Araw 2 Ang Tunay na Kalagayan ng Puso Araw 3 Matinding Samaan ng Loob Araw 4 Mga Pader ng Proteksyon Araw 5 Paano Nangyari sa Akin Ito? Araw 6 Ang Diyos Ba Ang May Kontrol? Araw 7 Kapag Itinakwil ng Isang Ama Araw 8 Sino ang Maghihiganti Para sa Akin? Araw 9 Paano Naisisilang ang mga Espirituwal na Palaboy? Araw 10 Ang Naitanim ay Yayabong Araw 11 Pagtatago Mula sa Realidad Araw 12 Pagliligtas sa Sarili Araw 13 Ang Tunay na Pundasyon o Saligang Bato

226 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Araw 14 Walang Mapagpipilian Araw 15 Lahat ng Maaaring Yanigin ay Tiyak na Yayanigin Araw 16 Ibinibigay ng Diyos Ang Biyaya sa Mapagpakumbaba Araw 17 Ang Batong Katitisuran Araw 18 Upang Walang Matisod Sa Atin Araw 19 Pagpaparaya ng Sariling Karapatan Araw 20 Pagpapatawad: Hindi Ka Nagbigay, Hindi Mo Makukuha Araw 21 Ang Tagapaglingkod na Hindi Makapagpatawad Araw 22 Paghihiganti: Ang Bitag Araw 23 Nadungisan ng Kasamaan Ang Isang Potensiyal na Hari Araw 24 Pagtakas sa Patibong Araw 25 Paghilom sa Pamamagitan ng Paghaharap Araw 26 Ang Layunin: Pagkakasundo Araw 27 Paghingi ng Tawad sa Taong Nasaktan Araw 28 Ang Paglapit sa Taong Nakasakit Sa Iyo Araw 29 Ang Kabuuan Araw 30 Paggawa ng Aksyon

227 PANIMULA Binabati ko kayo at nakaabot kayo sa karagdagang bahagi ng aklat na Ang Patibong ni Satanas na idinagdag sa ika-sampung edisyon na isinulat ni John Bevere. Isinulat ang gabay sa pag-aaral na ito upang magamit mo sa iyong oras ng debosyon. Makatutulong ito sa iyo upang magkaroon ng malalimang pagsasaliksik sa mga katotohanan ng Bibliya na may kaugnayan sa aklat na ito. Hangad din ni John Bevere na makayanan mong labanan ang mga kamaliang nagawa sa iyo, pagsisihan at itakwil ang mga kamaliang ito na nakaapekto sa inyong nakaraan. Nais ka naming matulungan upang matuklasan ang plano ng Diyos kung paano mo haharapin ang nadarama mong sama ng loob o pagkatisod. Bawat pang-araw-araw na bahagi ng debosyonal na ito ay inayos upang: Tulungan ka sa iyong pag-aaral ng Salita ng Diyos. Maglaan ng itinakdang talata sa Bibliya na dapat mong pagbulaybulayan sa aklat na Ang Patibong ni Satanas. 211

228 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Ihayag ang mga nagbibigay-buhay na prinsipyo upang magkaroon ka ng mga relasyon na malusog,puno ng pagmamahal at malaya sa sama ng loob. Tulungan kay makalaya sa pagka-alipin sa mga hidwaan o di pagkakaunawaan. Dalangin naming na ang maging mabisang paraan ang karagdagang debosyonal na ito ay upang magabayan ka sa pagtuklas ng katotohanan ng Salita ng Diyos na makatutulong sa iyo sa pag-iwas sa patibong ni satanas - sa iyong relasyon sa Diyos, sa iyong sarili, sa iyong pamilya, iglesya, mga kaibigan, katrabaho at maging sa mga taong nag-iisip na sila ay iyong mga kaaway. 212

229 Araw 1 ako, nasaktan? At ang tagapaglingkod ng Panginoon ay hindi dapat nakikipagaway datapwa t siya ay dapat magiliw sa lahat, may kakahayang magturo, matiyaga, sa kababaang loob naitutuwid niya ang mga sumasalungat, kapag marahil pagkalooban sila ng Diyos ng pagsisisi, upang malaman nila ang katotohanan at nang sila ay magkaroon ng kabatiran at makalaya sa patibong [pagkakabitag] ng kaaway (diyablo) matapos silang nabihag nito upang gawin ang kanyang kalooban. 2 Timoteo 2:24 26, may dagdag na diin [Basahin ang pahina 1 3.] Nalalaman ng kahit na sinong nakasilo na ng mga hayop na may dalawang pangunahing kailangan upang magtagumpay sa paghuli ng mga ito: Dapat ito ay nakatago sa pag-asang matatapakan ito ng hayop at may pain ito na makaaakit sa hayop na pumasok sa nakamamatay na bunganga nito. 213

230 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Maraming tao ang hindi makatupad ng kanilang tungkulin sa Diyos at pagtawag sa kanilang buhay dahil sa mga sugat, pasakit at pagkatisod sa kanilang buhay. Si satanas, ang kaaway ng ating kaluluwa, ay may pinagsama-samang mga pamamaraan habang inilalatag niya ang kanyang pinakamadaya at nakamamatay na bitag. Parehong nakatago ito at may bitag. Kasama ng kanyang kampon, si satanas ay hindi maingay tulad ng paniniwala ng marami.siya ay matalas na manlilinlang, tuso sa kanyang mga kilos, dalubhasa at maparaan. Isa sa kanyang pinakamapanlinlang na uri ng bitag ay nararanasan ng bawat Kristiyano ang pagkatisod o sama ng loob, na kapag kinimkim natin, at inalagaan sa ating puso,tiyak na mhuhulog tayo sa patibong ni satanas. Ang mga taong labis na nasaktan ay nagkakaroon ng maraming bunga. Bilugan ang iyong naging damdamin nang makaranas kang matisod sa mga nakalipas na panahon: Sama ng loob Galit Pagwawala Selos Inggit Hinanakit Pagtatalo Kapaitan Poot Maraming tao ang hindi makatupad ng kanilang tungkulin sa Diyos dahil sa mga sama ng loob,pasakit, at pagkatisod sa kanilang buhay.nagiging inutil sila at nahahadlangan sa pagtupad ng kanilang potensiyal. Kadalasan, ng pasakit na dulot ng kapwa mananampalataya ang nagiging dahilan upang tulad ni David ay masabi nilang, Sapagkat hindi isang kaaway ang naninisi sa akin; kung kaya matitiis ko ito. Ni hindi ang namumuhi sa akin ang nagpakatayog ng sarili niya laban sa akin; sana ako ay nakapagtago sa kanya. Ngunit ikaw, isang taong aking kapantay, aking kasamahan at aking kakilala. Tayo ay masayang nagkakasanggunian, at kapwa tayo lumalakad sa tahanan ng Diyos sa gitna ng karamihan ng tao. (Awit 55:12 14) 214

231 Araw 1 Ilista (na ang bilang 1 ay ang pinakamalapit at bilang 5 ang pinakamalayong karelasyon) ang mga pangalan ng limang taong nakasakit ng iyong kalooban: Ang pang-unawa ng mga taong nasaktan ay pinagdilim ng sama ng loob. Hinuhusgahan nila ang ibang tao ayon sa kanilang sariling palagay, panglabas na kaanyuan at ng mga haka-haka ng tao. Sa karagdagang debosyonal na ito, tutuklasin natin ang kaparaanan ng Diyos upang makaiwas sa patibong ni satanas na sama ng loob at mapagtagumpayan ang nakalipas na sakit na dulot ng mga pagkatisod na patuloy na bumibilanggo sa atin. SUMULAT NG ISANG PANALANGIN Hilingin mo sa Diyos ang Kanyang tulong at karunungan upang makaiwas ka sa patibong ni satanas. 215

232 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Araw 2 ANG TUNAY NA KALAGAYAN NG PUSO Ito ay lubos ninyong ikinagagalak, bagamat sa ngayon sa paglipas ng ilang panahon, kung kinakailangan, kayo ay nalumbay sa pamamagitan ng iba t ibang pagsubok, na ang kadalisayan ng inyong pananampalataya, na sadyang higit na mahalaga kaysa ginto na nasisira, kahit nasubok ito sa pamamagitan ng apoy, ay matagpuan para sa pagpupuri, karangalan, at kaluwalhatian sa pagkahayag ni HesuCristo. 1 Pedro 1:6 7 [Basahin ang pahina 4-8.] Isang paraan kung paano napapanatili ang isang tao sa sama ng loob ay sa pagtatago ng kanyang hinanakit at pagmamataas (pride). Hinahadlangan ng pagmamataas ang isang taong nasaktan na aminin ang kanyang tunay na kalagayan. Ang iyong pagmamataas ang dahilan kung bakit nakikita mo ang iyong sarili bilang isang biktima. Dahil pinaniwalaan mong hindi makatarungan ang naging pagtrato sa iyo kaya, hindi ka makapagpatawad. Bagama t naikukubli mo sa tao ang tunay na 216

233 217 Araw 2 kalagayan ng iyong puso, hindi mo ito maikukubli sa Diyos. Ang hindi makatarungang pagtrato sa iyo ay hindi nagbibigay sa iyo ng karapatan na manatili ka sa pagkimkim ng sama ng loob. Hindi maitatama ng mali ang isa pang pagkakamali. Ang ginto ay pinagiging dalisay sa pamamagitan ng apoy (Pahayag 3:18).Ang ginto kapag nahalo sa ibang metal nagiging matigas, higit na makunat at kinakalawang. Habang pinararaan ito sa apoy, nasusunog ang ibang metal (mga dumi) at nagiging dalisay at malambot ang ginto. Ang hindi makatarungang pagtrato sa iyo ay hindi nagbibigay sa iyo ng karapatan na manatili ka sa pagkimkim ng sama ng loob. Hindi maitatama ng mali ng isa pang pagkakamali. Gayundin ang mga puso ng tao. Habang ang ating puso ay pinatitigas ng pagmamataas at kasalanan, lalo tayong nagmamatigas din sa Diyos. Nais ng Diyos na dalisayin ang ating puso. Basahin ang 1 Pedro1:6 7; pagkatapos,gumawa ng buod kung paano tayo ginagawang dalisay ng Diyos: Dinadalisay tayo ng Diyos sa pamamagitan ng mga paghihirap, pagsubok at kapighatian. Ang init nito ay naghihiwalay sa mga karumihan tulad ng hindi pagpapatawad, galit, inggit at selos. Sa pamamagitan ng maaapoy na mga pagsubok, napapalabas at lumalago ang mga katangian ng Diyos (kadalisayan at kabanalan) sa ating buhay. Isipin mo ang sarili mong buhay. Ano-ano ang mga karumihan sa iyong puso na humahadlang upang mahayag sa iyong buhay ang mga katangian ng Diyos?

234 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Sinabi ni Hesus na ang kakayahan nating makakita nang wasto ay isang susi upang maging malaya sa panlilinlang. Kadalasan, kapag tayo ay nasasaktan, nakikita natin ang ating sarili bilang isang biktima at sinisisi natin ang mga taong nakasakit sa ating damdamin. Binibigyan natin ng katuwiran ang lahat ng mga lumilitaw nating negatibong damdamin. Minsan, naghihinanakit tayo maging sa mga taong nakapagpapaalala sa atin sa mga taong nanakit sa atin. Pinayuhan tayo ni Hesus: Pahiran ninyo ang inyong mga mata ng pampaginhawa o ungguwento, upang kayo ay makakita (Pahayag 3:18). SUMULAT NG PANALANGIN... Pagsisihan ang paninisi ninyo sa iba at hilingin sa Panginoon na bigyan ka ng mga espirituwal na mata upang makita mo ang tunay na kalagayan g iyong puso. 218

235 Araw 3 MATINDING SAMAAN NG LOOB? Sapagkat ang sinumang naghahasik sa sarili niyang laman ng pita ng laman ay aani ng katiwalian, ngunit ang sinumang maghahasik ng pita ng Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan. At huwag tayong manghinawa sa paggawa ng mabuti, sapagkat sa tamang panahon, tayo ay may aanihin kapag hindi tayo nawalan ng pag-asa. Galacia 6:8 9 [Basahin ang pahina ] Sumasang-ayon ang karamihan na malapit nang bumalik ang Panginoong Hesus.: subalit hindi marapat na tiyakin kung kailan ang araw ng Kanyang muling pagbabalik. Tanging ang Diyos Ama ang nakaaalam nito. Ngunit sinabi ni Hesus na malalaman natin ang kapanahunan nito, at ito ay ngayon na! Hindi pa tayo nakakikita ng ganito kalawak na katuparan ng mga propesiya sa simbahan, sa Israel at sa kalikasan kundi ngayon lamang. Sinabi ni Hesus na isa sa mga palatandaan ng Kanyang pagbabalik ay maraming magkakasamaan ng loob. Hindi kaunti, hindi lamang iilan, kundi marami. Ikaw ba o ang mga taong iyong kakilala ay madaling masaktan? 219

236 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Napagtanto ko na kapag nagbigay ako ng pagmamahal, naghahasik ako sa Espiritu at hindi maglalaon, aani ako ng pagmahahal. Lagyan ng x ang patlang upang ipakita ang antas ng iyong sama ng loob dahil sa kamaliang nagawa sa iyo ng iyong kapwa na nakasaad sa bawat pangungusap: Madaling magtampo ang tao sa simbahan. KARANIWANG TOTOO BIHIRANG TOTOO Madali akong magtampo sa mga taong nakagawa ng pagkakamali sa akin. KARANIWANG TOTOO BIHIRANG TOTOO Sa palagay ko, madaling magtampo ang aking mga kaibigan. KARANIWANG TOTOO BIHIRANG TOTOO Ang mga katrabaho ko ay madaling masaktan. KARANIWANG TOTOO BIHIRANG TOTOO Ang mga kamag-anak kos ay madaling masaktan. KARANIWANG TOTOO BIHIRANG TOTOO Kapag napansin mo ang iyong sarili na palaging nag-lalagay ng x s sa bandang kaliwa, mas napapansin mong madaling mag-tampo ang mga tao sa kapanahunan ngayon.ngunit ang mananampalataya, na puno ng pag- 220

237 Araw 3 ibig ng Diyos, ay naghahasik ng Kanyang pag-ibig at umiiwas sa patibong ng pagkatisod. Napagtanto ko na kapag nagbibigay ako ng pagmamahal, naghahasik din ako sa Espiritu at, hindi maglalaon, aani ako ng pagmamahal. Hindi ko alam kung saan manggagaling ang pag-ibig, ngunit alam ko na darating ang araw ng pag-ani. Hindi na ako nakararamdam ng kabiguan kapag hindi nagbabalik ng kapwa pag-ibig ang taong pinag-alayan ko nito. Malaya na akong magmahal sa mga ganoong uri ng tao. Kapag namuhay tayo sa pag-ibig na makasarili o maramot na may inaasahan tayong balik sa ating pag-ibig, sasama ang loob natin kapag hindi tayo tinugon ayon sa ating inaasahan (o ekspektasyon). Inihahanda ko na ang sarili kong masaktan kapag may inaasahanan ako mula sa mga mahal ko. Kapag mataas ang ekspektasyon higit na mataas din ang posibilidad na sumama ang loob ko sa kanila. Sa sukatang 1 (kakaunti) hanggang 5 (sobra), paano mo susukatin ang mga sumusunod na pahayag sa iyong sariling buhay: (Bilugan mo ang iyong mga sagot.) Mataas ang ekspektasyon ko sa tao Madali akong masaktan Nagmamahal ako nang may kundisyon Ginagawan ko ng mabuti ang ibang tao para gawin din nila sa akin Pagsamahin ang lahat ng mga bilang na iyong binilugan. Kapag lumampas sa sampu ang iyong iskor, inilalagay mo ang iyong sarili sa sitwasyon na sumama ang iyong loob. SUMULAT NG PANALANGIN... Hilingin mo sa Diyos na palitan ang iyong mga inaasahan sa iba ng isang pagibig na walang kundisyon. 221

238 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Araw 4 MGA PADER NG PROTEKSYON Sapagkat ang mga sandata ng ating pakikipagdigma ay hindi pangkatawan ngunit makapangyarihan sa Diyos upang gumiba ng mga kuta, pagsupil ng mga argumento at bawat mataas na bagay na kusang nagtatas ng sarili laban sa karunungan ng Diyos,sa pagpapasakop ng bawat kaisipan sa pagsunod kay Cristo. 2 Corinto 10:4 5 [Basahin ang pahina 14 21] Higit na mahirap mapanumbalik ang relasyon sa isang taong nasaktan ang kalooban kaysa sakupin ang isang lungsod na napalilibutan ng matitibay na pader. (Kawikaan 18:19) Ang mga pader sa palibot ng lungsod ang katiyakan ng proteksiyon nito. Ang mga nagtatangkang lumusob at sumakop sa kanila ay hindi makakapasok dahil sa mga pader na ito. Dapat nating pagtiwalaan ang Diyos- hindi ang ating sarili lamang--- upang protektahan tayo sa mga kamalian. 222

239 223 Araw 4 Kadalasan, naglalagay tayo ng pader na nakapalibot sa atin sa tuwing nasasaktan tayo upang maingatan natin ang ating puso at mapigilan ang pagkakaroon ng panibagong pasakit at pagdurusa. Lagyan ng tsek ang ugali na nakikita mo sa iyong sarili: Kapag nasa loob ng ating pader o moog, tayo ay nagiging... Mapili sa mga taong may kaugnayan sa atin. Hindi gaanong bukas at madaling matukso sa iba. Sarado sa mga taong kinatatakutan nating makakasakit sa atin. Nag-aalangang tanggapin ang mga taong may pagkukulang sa atin. Bukas ang loob sa mga taong pinaniniwalaang kakampi natin. Sa paghahangad na maingatan ang ating mga sarili mula sa pagkakatisod, nabibilanggo na tayo sa loob ng mga pader na ating itinayo. Hindi na natin sinisikap magkaroon ng malalim na kaugnayan sa mga taong nakapaligid sa atin. Ang pinagtutuonan natin ng pansin ay ang ating mga sarili. Pinapangalagaan nating mabuti ang ating mga karapatan at mga personal na relasyon. Nauubos ang ating lakas sa pagtiyak na hindi na tayo daranas ng pananakit sa hinaharap. Ngunit kapag hindi natin sinubukang makaranas ng sakit, hindi rin tayo makapagbibigay ng pag- ibig na walang kundisyon. Ang pag-ibig na walang kundisyon ay nagbibigay ng karapatan sa ibang tao na saktan tayo. Kumpletuhin ang mga sumusunod na listahan. Parehong ilista ang mga taong may karapatang makasakit sa at ang mga taong tuluyan mo nang pinagsarhan ng pinto. Mga taong maaaring makasakit sa akin: Mga taong hindi ko hahayaang makasakit sa akin:

240 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Ang mga taong nakaranas ng sama ng loob at nagtatayo ng mga pader upang maingatan nila ang kanilang mga sarili sa mga taong nakasasakit ng kanilang damdamin, ay madaling makahahanap ng mga talata sa Salita ng Diyos na sumusuporta sa kanilang posisyon. Subalit ang mga interpretasyon nila ay hindi ganap na ayon sa Salita ng Diyos. Ang karunungan ng Salita ng Diyos, kung walang pag-ibig, ay isang mapanirang puwersa humahantong ito sa pagiging mapagmataas at legalista (1Corinto 8:1 3). Nagiging dahilan ito upang bigyan natin ng katuwiran sa halip na pagsisihan ang kawalan natin ng pagpapatawad. Ang karunungan ng Diyos na walang pag-ibig ay nagdudulot ng panlilinlang lalo na kapag nagmula sa mga bulaang propeta. Binalaan tayo ni Hesus, Maraming bulaang propeta na lilitaw at manlilinlang sa marami. (Mateo. 24:11). Ang mga nalinlang ay ang mga nakatira sa loob ng matataas na pader kung saan nanlamig na ang kanilang pag-ibig (talata. 12). Sa paghahangad natin ng sariling proteksyon o benepisyo kahit may ibang taong napipinsala, nagkakaroon ng pagkakanulo sa simbahan sa pagitan ng mga mananampalataya. Ang pagkakanulo ay pagtalikod sa pakikipagtipan. Kapag nagkaroon ng pagkakanulo, hindi na mapanunumbalik ang relasyon maliban kung magkaroon ng ganap na pagsisisi. Dapat nating marating ang puntong lubos na ang tiwala natin sa Diyos - at hindi sa ating laman upang maprotektahan tayo sa pagkatisod. Ang kasalanang ito ay malubha. Kapag hindi hinarap agad, di maglalaon mauuwi ito sa kamatayan. Ngunit kapag iniwasan natin ang tukso na maglagay ng mga pader ng sama ng loob, bibigyan tayo ng Diyos ng katagumpayan. SUMULAT NG PANALANGIN... Hilingin sa Diyos ang tulong upang mabuwag ang mga pader na nakapalibot sa iyo, at pagsisihan mo ang sama ng loob na dulot ng pagkakasala ng ibang tao sa iyo. 224

241 Araw 5 PAANO NANGYARI SA AKIN ito? Sinabi ni Jose sa kanila... Ngunit para sa inyo, sinadya ninyong gumawa ng kasamaan laban sa akin; ngunit sinadya ng Diyos ito para sa kabutihan. Genesis 50:19 20 [Basahin ang pahina ] Lahat ng mga taong nagkaroon ng sama ng loob ay nahahati sa dalawang kategorya: (1) ang mga tunay na minaltrato at (2) ang mga nag-iisip na sila ay minaltrato, ngunit ang totoo ay hindi naman. Kapag ikaw ay tunay na minaltrato, may karapatan ka bang sumama ang loob? Pagnilayan mo nang ilang minuto ang pangyayari kung saan sinadya kang saktan at gawan ng masama. Ano ang iyong naging tugon? Sumama ba ang loob mo sa taong iyon dahil sa sakit na idinulot ng kanyang ginawa? Iyon ba ang normal na tugon mo sa kamaliang ginawa niya sa iyo? 225

242 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Mula sa sumusunod na listahan, ilista ang iyong normal na tugon sa pagsama ng iyong loob, mula 1 (pinakamalamang na tugon ) hanggang 5 (hindi malamang na tugon ): Nagagalit ako. Nagpapatawad agad ako. Gumaganti ako. Pinagsisikapan kong patawarin ang taong nakasakit sa akin. Nilalayuan ko ang taong nakasakit sa akin. Sinisikap kong makipagkasundo. Kapag pinakamataas ang mga sagot mo sa mga negatibong tugon, iniisip mo nga na may katuwiran kang sumama ang iyong loob sa taong nakagawa sa iyo ng kamalian. Subalit hindi mo kailangang tumugon sa ganoong paraan. Isaalang-alang mo ang kuwento ng buhay ni Jose (basahin ang Genesis ) Paano mo tinitimbang ang mga salita at kilos ni Jose? Lagyan ng x sa bawat linya upang ipakita kung paano tumugon si Jose. Sumama ang loob niya. Nagpatawad siya. Sinisi niya ang ibang tao sa mga Nagtiwala siya sa Diyos. pinagdaanan niya. Gusto niyang maghiganti. Sinikap niyangmakipagkasundo. Kung ikaw si Jose, paano ka tutugon sa mga pangyayari? Naniniwala ka ba na may karapatan kang sumama ang loob? Umaasa si satanas na mahuhulog tayo sa kanyang patibong ng pagsama ng loob upang makontrol niya ang ating buhay. 226

243 Araw 5 Kung kaya tayong wasakin ng diyablo kahit kailan niya gusto, nalipol na sana niya tayong lahat noong una pa man. Umaasa si satanas na mahuhulog tayo sa kanyang patibong na pagkakaroon ng sama ng loob upang makontrol niya ang ating mga buhay at mawasak niya ang relasyon natin sa Diyos at sa ating kapwa. Huwag kang kakagat sa pain, at hindi ka masasaling ni satanas! SUMULAT NG PANALANGIN... Hilingin mo sa Diyos ang karunungan ni Jose upang makaiwas ka sa sama ng loob dulot ng mga taong nagkasala sa iyo. Magtiwala kas sa Kanya sa halip na sisihin ang ang iba o ang mga pangyayaring nagdulot ng paghihuirap sa iyong buhay. 227

244 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Araw 6 ANG DIYOS BA ANG MAY KONTROL? Sapagkat ipinadala ako ng Diyos na una sa inyo upang magligtas ng buhay... At ipinadala ako ng Diyos nang nauna sa inyo upang panatilihin ang salinlahi sa hinaharap para sa inyo sa sanlibutan, at upang iligtas ang inyong mga buhay sa pamamagitan ng dakilang pagliligtas. Kaya ngayon hindi kayo ang nagpadala sa akin dito, kundi ang Diyos. Genesis 45:5, 7 8 [Basahin ang pahina ] Marahil hindi kailanman sumagi sa isip ni Jose na pangangasiwaan niya ang Ehipto, habang nagdurusa siya sa kulungan. Ngunit sa pamamagitan ng lahat ng mga naganap sa kanyang buhay, inihanda siya ng Diyos para sa Kanyang plano. May plano ang Diyos para sa buhay ng bawat mananampalataya. Siya ang may kontrol. Ang kabuuan ng kuwento ni Jose ay ang kanyang ginawang pagtugon sa kanyang mga kapatid, kay Potiphar at iba pang mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay. Maaari niyang 228

245 Araw 6 sisihin ang kanyang mga kapatid o maging ang Diyos sa kanyang sinapit na mga paghihirap. Madaling isisi sa lahat ng may kinalaman sa iyong buhay ang iyong mga problema at isipin mong higit na mabuti sana ang iyong kalagayan kundi dahil sa mga taong nakapaligid sa iyo. Tanging ang Diyos lamang ang may hawak ng ating kapalaran. Walang kahit na sinong lalaki, babae, bata o maging ang diyablo na makapag-aalis sa atin sa kalooban ng Diyos! Walang kahit na sinong lalaki, babae, bata o maging ang diyablo na makapag-aalis sa atin sa kalooban ng Diyos! Inakala ng mga kapatid ni Jose na napatay na nila ang pangarap ng Diyos para sa kanya, subalit hindi nila kayang gawin ito. Nang makasamang muli ni Jose ang kanyang mga kapatid, hindi niya ipinaalala sa kanila ang mga kasalanang kanilang nagawa, bagkus sinabi niya ang mga ginawa ng Diyos para sa kanya. Basahin ang Genesis 45:5 8 at Awit 105: Isulat sa ibaba ang lahat ng mga kadahilanan kung bakit pinahintulutan ng Diyos na pagdaanan ni Jose ang mabibigat na mga pagsubok. Ipinadala ng Diyos si Jose sa (Gen. 45:5) Ipinadala ng Diyos si Jose sa (Gen. 45:7) Ipinadala ng Diyos si Jose sa (Gen. 45:8) Ipinadala ng Diyos si Jose sa (Awit 105:16 17) Isipin mo ang pinakamabigat na pagsubok na iyong naranasan sa nakalipas na taon. Ilarawan mo ito sa isang pangungusap. 229

246 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Ngayon, kumpletuhin mo ang mga sumusunod na pangungusap: Ang ginawa kong pagtugon sa aking problema ay Ang plano ng Diyos ay Ang natutuhan ko tungkol sa aking sarili ay Kung mananatili kang malaya sa sama ng loob, mananatili ka sa kalooban ng Diyos. Kung mananatili ka sa pagkikimkim ng sama ng loob, patuloy kang magagapi ng kaaway upang isakatuparan ang kanyang layunin at kalooban. Kaya, mamili ka: Alin ang pipiliin mo? Manatili kang nagpapasakop sa Diyos. Labanan mo ang diyablo, huwag kang magpatisod. Ang pangarap o pangitain para sa iyong buhay ay maaaring maganap na kakaiba sa iniisip mo, ngunit ang Salita ng Diyos at Kanyang mga pangako ay hindi mabibigo. Ang ating pagsuway lamang ang makapipigil sa plano ng Diyos. SUMULAT NG PANALANGIN... Pasalamatan mo ang Diyos sa mabuting plano Niya sa iyong buhay at sa pagkakalakip-lakip ng mga pangyayari para sa iyong ikabubuti. 230

247 Araw 7 KAPAG ITINAKWIL NG ISANG AMA At ipanunumbalik niya ang mga puso ng mga ama sa kanilang mga anak at ang mga puso ng mga anak sa kanilang mga ama, upang hindi ko na hampasin ng sumpa ang sanibutan. Malakias 4:6 [Basahin ang pahina ] Ibang klase ang makaranas ng pagtatakwil at malisya mula sa iyong kapatid ngunit higit na masakit kapag ang gumawa sa iyo nito ay ang iyong sariling ama. Kapag sinasabi ko ang salitang ama, hindi lamang ama sa lupa ang aking tinutukoy, kundi kahit na sinong pinuno na itinalaga ng Diyos upang manguna sa atin. Sila ang mga taong ating pinagkatiwalaang magmahal, magsanay, mag-aruga, at magmalasakit sa atin. Alalahanin ninyo ang mga ama sa inyong nakaraan kung kanino kayo nakaranas ng pagtatakwil. 231

248 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Bilugan ang alinman sa mga ito na nagtakwil o nakasakit sa iyo. Sariling ama Stepfather Pastor Tauhan sa simbahan Elder Deyakono Boss Guro Pinuno Malapit na kaibigan na tumayo bilang ama ko Iba pa: Isang halimbawa mula sa Bibliya ng pagtatakwil ng isang ama ay ang ginawa ni Haring Saul kay David. Maingat na basahin ang pahina ng Ang Patibong ni Satanas. Habang binabasa mo ito, isulat sa ibaba ang mga paraan kung paano maaaring natukso si David na sumama ang loob at masaktan dahil sa mga ginawa ni Haring Saul sa kanya. Ngayon, kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap: Itinuring ni David si Saul Sa halip na maghiganti si David Nang si David ay itinakwil ng kanyang hari, tagapayo at itinuring na ama, pinili ni David na huwag masaktan. Ngunit nanibugho at nag-alinlangan si Saul sa kanyang lingkod na si David. Ngayon, maraming pinuno ang nag-aalinlangan sa mga taong nasa ilalim ng kanilang pamumuno. Tulad ni Saul, nawalan sila ng katiyakan sa kanilang pagkatawag at nagdulot ito ng pagmamataas at panibugho (insecurity). Kinikilala nila ang mga makadiyos na katangian ng iba, ngunit ginagamit lamang nila ang mga taong ito sa ministeryo hangga t may pakinabang sila. Ginamit 232

249 Araw 7 ni Saul ang tagumpay ni David hanggang sa naging banta ito sa kanya. Pagkatapos ay ibinaba niya sa puwesto si David at gumawa siya ng paraan upang wasakin ito. Kapag gumawa ng kasalanan ang itinuturing mong ama o pinuno, sa halip na sumama ang loob mo sa kanya, ipanalangin mo siya. Mayroon bang ama sa iyong buhay na pinagdududahan ka? Kung mayroon man, anong uri ng pagtugon ang ipinagagawa sa iyo ng Diyos? Basahin ang 1 Samuel 24:11 at kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap: Kapag inatake ako ng isang tao, nais ng Diyos na ako ay Kapag itinakwil ako ng isang tao, nais ng Diyos na ako ay Kapag gumawa ng kasalanan ang itinuturing mong ama o pinuno, sa halip na sumama ang iyong loob sa kanya, ipanalangin mo siya. Iwawasto siya ng Diyos ito ay Kanyang trabaho, hindi sa iyo. Iwasan mong magkimkim ng sama ng loob. SUMULAT NG PANALANGIN... Hilingin sa Diyos na kumilos sa buhay ng mga itinuturing mong ama at upang makayanan mo na ipanalangin sila at patawarin ang kanilang mga pagkakamali. 233

250 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Araw 8 SINO ANG MAGHIHIGANTI PARA SA AKIN? Ang paghihiganti ay sa Akin, Ako ang gaganti, sabi ng Panginoon Roma 12:19 [Basahin ang pahina ] Kinilala ni Saul ang kabutihan ni David nang mapagtanto niya na maari sana siyang patayin nito ngunit hindi ginawa ni David. Subalit si Abishai na isa sa mga tauhan ni David ay hindi nagtaglay ng habag na mayroon si David. Nang pumasok sina David at Abishai sa loob ng kampo ni Saul habang natutulog ang hari, nakiusap si Abishai kay David, Inilagay na ng Diyos sa iyong mga kamay ang iyong kaaway ngayong araw na ito. Ngayon, pakiusap, hayaan mo na akong sibatin siyang minsan at hindi ko na muling gagawin pa! 234

251 Araw 8 Maraming mabubuting dahilan si Abishai upang isiping pahihintulutan siya ni David na patayin si Saul. Tingnan ang sumusunod na listahan. Lagyan ng tsek (P ) kung naniniwala ka o hindi na dapat makatanggap si Saul ng parusang kamatayan dahil sa krimeng kanyang ginawa. 1. Ipinapatay ni Saul ang walumput-limang (85) inosenteng pari at kanilang mga pamilya (maramihang bilang ng first-degree pagpatay). Dapat mamatay Hayaang mabuhay 2. Pinagtangkaang patayin si David ni Saul, kasama ng tatlong libo niyang tauhan (maramihang bilang ng pagtatangkang pagpatay). Dapat mamatay Hayaang mabuhay 3. Nagpatuloy sa pagiging hari si Saul kahit inalis na sa kanya ang anointing at ibinigay na kay David. Dapat parusahan Hayaang mabuhay 4. Siniraan ni Saul si David, upang talikuran siya ng lahat, at sinira niya ang kanyang mga pangako kay David. Dapat parusahan Hayaang mabuhay Kung hindi pa sapat ang mga ito upang hatulan ng kamatayan si Saul, karapat-dapat lamang na maparusahan si Saul at paghigantihan siya. Ngayon, basahin ang tugon ni David kay Abishai sa 1 Samuel 26:9 11. Hindi pinatay ni David si Saul ni pinarusahan ito, bagama t may karapatan siyang gawin iyon. Ilan pa kayang mga tao sa ngayon ang may pusong tulad ng puso ni David? Anumang paghahasik ng hidwaan o paghihiwalay sa mga kapatiran ay kasuklam-suklam sa Panginoon. Maraming iglesya ang nahahati, pamilyang nagkakahiwa-hiwalay, pagsasamang nawawasak, at pag-ibig na namamatay dahil sa bugso ng mga masasakit na salitang ibinubulalas dahil sa sama ng loob at kabiguan. 235

252 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Nasasaktan tayo ng mga kaibigan, kapamilya at mga namumuno sa atin sa pamamagitan ng mga salitang pinaigting ng kapaitan at galit. Kahit totoo ang mga impormasiyon na nais nilang iparating sa atin, kadalasan masama ang kanilang motibo. Anumang paghahasik ng hidwaan o paghihiwalay sa mga kapatiran ay kasuklam-suklam sa Panginoon. (Kawikaan 6:16 19). SUMULAT NG PANALANGIN... Hilingin sa Diyos na turuan kang magpakumbaba sa mga nakagawa sa iyo ng kasalanan at humingi ka ng tawad sa kanila. 236

253 Araw 9 PAANO NAIsisilang ANG MGA ESPIRITUWAL NA PALABOY? Huwag nawang ipanhintulot ng Panginoon na marapat kong gawin ang bagay na ito sa aking amo, ang hinirang ng Panginoon at pinahiran ng langis, na pagbuhatan ko siya ng kamay, dahil nakikita kong siya ang pinahiran ng langis at hinirang ng Panginoon, kaya pinigilan ni David ang kanyang mga tagapaglingkod sa pamamagitan ng mga salitang ito, at hindi niya sila pinayagang mag-aklas laban kay Saul. 1 Samuel 24:6 7 [Basahin ang pahina ] Sa relasyong namagitan kina Saul at David, sinubok ng Diyos ang puso ni David. (1 Samuel 24:6 7) Gustong makita ng Diyos kung papatay nga si David upang itatag ang kanyang kaharian katulad ng ginawa ni Saul, o kung hahayaan niyang ang Diyos ang magtatag ng kanyang trono magpakailanman. 237

254 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Tanging ang Diyos lamang ang may karapatang maghusga at gumanti. Sa Roma 12:19 nabasa natin, Mga minamahal, huwag ninyong ipaghiganti ang inyong sarili, ngunit sa halip na bigyang puwang ang galit; sapagkat nasusulat, Ang paghihiganti ay sa Akin, Ako ang magbabayad, sinabi ng Panginoon. Hindi natin dapat ilagay sa ating mga kamay ang karapatan ng Diyos. Isang pagkakamaling gawin ang wastong bagay sa maling paraan. Tama, nararapat lamang na mahusgahan at maparusahan si Saul-- ng Diyos -- hindi ni David. Isipin mo ang panahong gumanti ka at hindi mo hinintay ang Diyos. Ilarawan ang sitwasyon at kinalabasan o ibinunga nito. Maraming tao ang nagtatanong, Bakit inilalagay ng Diyos ang mga tao sa ilalim ng mga pinunong masasama at gumagawa ng matitinding pagkakamali? (1 Samuel 1 5, bilang isang halimbawa.) Inosente at walang kamalay-malay si Samuel nang inilagay siya ng Diyos sa ilalim ng pamumuno ng mga tiwaling saserdote ng Israel. Natutuhan ni Samuel kung paano sumandig, magtiwala, at makinig mismo sa Diyos hindi sa tao. Ang Diyos mismo ang gumawa ng hatol sa mga tiwaling pinuno. Kadalasan, inilalagay tayo ng Diyos sa mahihirap na sitwasyon at dumaranas tayo ng matitinding paghihirap o kabigatan upang hubugin at dalisayin tayo ng Kanyang pag-ibig. Kung sasama ang loob natin at tayo ay aalis, hindi natin matatanggap ang nais ituro sa atin ng Diyos. Madadagdagan ang ating sama ng loob. Ang mga taong nasaktan ay tumutugon sa mga sitwasyon at gumagawa ng mga bagay na akala nila ay tama sa kanilang paningin kahit na hindi ito kinasihan ng Diyos. Hindi tayo tinawag ng Diyos upang tumugon nang tama sa mga tao o sa mga sitwasyon kundi sumunod at tumugon nang tama sa Diyos. 238

255 Araw 9 Kadalasan, inilalagay tayo ng Diyos sa mahihirap na sitwasyon at dumaranas ng matitinding paghihirap o kabigatan upang hubugin at dalisayahin tayo ng Kanyang pag-ibig. Kadalasan kapag nakadarama tayo ng kabigatan, humahanap tayo ng Salita ng Diyos na makapagpapaginhawa sa atin. Ngunit inilalagay tayo ng Diyos sa napakahirap na pagsubok upang palaguin, dalisayin at palakasin hindi upang sirain! Bigyan ang iyong sarili ng mga sumusunod na pagsusulit: 1. Tinatakasan ko ba ang pagdadalisay sa akin ng Diyos? Oo Hindi 2. Nagrereklamo ba ako kapag dumaranas ng kabigatan? Oo Hindi 3. Binibigyan ko ba ng katuwiran ang aking kasalanan at kinokundena ang kasalanan ng iba? Oo Hindi 4. Inaasahan ko bang maging perpekto o ganap ang mga namumuno sa akin sa larangan ng espirituwal na bagay gayong hindi rin naman ako perpekto? Oo Hindi 5. Kusang-loob ba akong nakikinig sa Diyos at naghihintay sa Kanyang paggabay? Oo Hindi 6. Basahin ang Isaias 55:12. Kusang loob ba akong lilisan nang mapayapa? Oo Hindi 239

256 Ang patibong ni Satanas devotional supplement SUMULAT NG PANALANGIN... Hilingin kay Hesus na Siya ang maging perpektong Pastol mo at punuin ka Niya ng Kanyang pag-ibig para sa mga taong iyong papastulan na inilagay Niya sa iyong buhay. 240

257 Araw 10 Ang Naitanim AY yayabong Ang sinumang mananahan sa tahanan ng Panginoon ay yayabong sa mga palasyo ng ating Diyos. Sila ay mamumunga hanggang sa kanilang pagtanda; sila ay mananatiling sariwa at yumayabong, upang ipahayag na ang Panginoon ay maibigin sa katuwiran. Awit 92:13 15 [Basahin ang pahina ] Maraming tao ang nagpapalipat-lipat ng simbahan, maging ng ministeryo. Sila ay nagsisikap na tumatag sa ministeryo. Kapag inilagay sila ng Diyos sa isang lugar na tila hindi sila kinikilala at pinapahalagahan madaling sumasama ang kanilang kalooban. Kapag sumasama ang loob nila at hindi sila sumasang-ayon sa paraan kung paano ginagawa ang isang bagay, natitisod sila at umaalis. Binubunot ng mga taong nasaktan ang kanilang sarili, nagrereklamo, sinisisi ang namumuno, at hindi nila napapagtanto ang kanilang sariling pagkakamali. Pinaparanas ng Diyos sa atin ang higit na maraming kabigatan sa mga bahagi ng buhay natin na dapat pa tayong lumago habang patuloy Niya tayong dinadalisay at pinalalago. Kapag palagi nating binabago ang lugar kung saan tayo itinanim, hindi natin makakamtan ang paglagong espirituwal na inilaan ng Diyos para sa atin. 241

258 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Kapag palagi nating binabago ang lugar kung saan tayo itinanim, hindi natin makakamtan ang paglagong espirituwal na inilaan ng Diyos para sa atin. Ilista ang lahat ng simbahan kung saan ka naging bahagi sa nakalipas na sampung taon: Kung nagpalit ka ng simbahan, bakit? Lagyan ng tsek P ang lahat ng mga dahilan kung bakit ka lumipat. Lumipat sa ibang bayan Nagpalit ng denominasyon Nasaktan kay Pastor Nasaktan sa tauhan sa simbahan Nasaktan sa mga pinuno ng simbahan Natisod sa doktrina Hindi sang-ayon sa paraan ng pagsamba Nasaktan ni Ibang dahilan: Kapag ang pagpapalipat-lipat mo ng simbahan ay dahil sa pagkatisod, dala-dala mo ang patibong ni satanas sa lahat ng iyong lilipatan, patuloy kang maghahasik ng mga negatibong binhi at espirituwal na pagkabaog (spiritual barrenness) saan ka man pumunta. Basahin ang sumusunod na Kasulatan, at isulat ang mga nasasabi tungkol sa relasyon sa pagitan ng batas ng Diyos, kasalanan, paglagong espirituwal, at pagkakaroon ng bunga. Awit 1:

259 Araw 10 Awit 119:165 Marcos 4:16 17 Ilista ang limang benepisyo na nakukuha mo kapag tumatanggi kang sumama ang iyong loob sa taong nakagawa ng kasalanan sa iyo at nanatili ka sa iisang samahan sa simbahan SUMULAT NG PANALANGIN... Pasalamatan ang Diyos para sa simbahan na pinagtaniman Niya sa iyo at hilingin mo sa Kanya na lumago at yumabong ka roon. 243

260 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Araw 11 PAGTATAGO MULA SA REALIDAD [Sila ay]palaging mag-aaral at hindi kailanman nila maarok ang karunungan ng katotohanan. 2 Timoteo 3:7 [Basahin ang pahina ] Palagi akong tinatanong ng mga tao kung paano malalaman ang tamang panahon upang lisanin ang simbahan o pangkat nila sa ministeryo. Tinatanong ko naman sila, Sino ba ang naglagay sa inyo sa simbahan ninyo ngayon? Ang karaniwang tugon ng mga taong iyon, Ang Diyos. Ipinapaliwanag ko naman sa kanila na kung ipinadala sila doon ng Diyos, hindi pa nila oras umalis hangga t hindi pa sila pinapaalis ng Diyos. Kapag ang Diyos ang nagsabi sa iyong umalis sa simbahang iyon, taglay mo ang kapayapaan pagalis mo, kahit ano pa man ang kundisyon ng gawain. (Isa. 55:12). 244

261 245 Araw 11 Ilarawan ang pangyayari nang pinaalis ka na ng Diyos sa isang simbahan at pinahintulutan Niya na magkaroon ka pa rin ng mapayapang relasyon mula nang umalis ka rito. Ipinaliwanag ko sa aklat na ito ang pagkakaiba ng teknon (sanggol o mga anak na walang paglago) at huios (mga anak na may paglago). Sinasabi sa Roma 8:14 ang tungkol sa mga anak na may paglago: Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak [huios] ng Diyos. Paano tayo pinalalago ng Diyos bilang mga anak Niya? Upang maunawaan ang proseso ng espirituwal na paglago, maaari nating tignan ang perpektong halimbawa ng paglago ng Anak ng Diyos--na si Hesucristo. Hinahadlangan ng pagkakaroon ng sama ng loob ang espirituwal na paglago, subalit ang pagdurusa at pagsunod sa Diyos ang nagdadala sa atin sa isang malalim na relasyon sa Kanya at sa ating kapwa. Lumago si Hesus sa pamamagitan ng pagsunod at pagdurusa. Ano-ano ang mga natutuhan mo tungkol sa paghihirap at pagsunod sa kalooban ng Diyos sa simbahang dinadaluhan mo sa ngayon? Paano ka lumalago sa iyong ugali, kaisipan at emosyon upang maiwasan mong magkaroon ng sama ng loob sa mga kapatiran o sa Diyos kapag dumaranas ka ng paghihirap o nararapat mong tuparin ang ganap na pagsunod sa Kanyang kalooban?

262 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Kailangan nating matutuhan na hinadhalangan ng sama ng loob ang espirituwal na paglago, subalit ang paghihirap at pagsunod sa kalooban ng Diyos ang nagdadala sa atin sa isang malalim na relasyon sa Kanya at sa ating kapwa. Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap: Sa tuwing dumaranas ako ng paghihirap, ang pagtugon ko ay Kapag dapat akong sumunod, ang ugali ko ay SUMULAT NG PANALANGIN... Isuko mo ang lahat bilang tanda ng ganap na pagsunod sa Diyos, at ihandog mo sa Diyos ang iyong sarili bilang sisidlang nakahandang dumanas ng paghihirap para kay Cristo. 246

263 Araw 12 PAgliligtas SA SARILI Sapagkat ang pakikipaglaban ay sa Panginoon,at Siya ang magsusuko sa iyo sa aming mga kamay. 1 Samuel 17:47 [Basahin ang pahina ] Isang karaniwang dahilan sa pag-iingat sa sarili sa pamamagitan ng pagsuway ay ang pagkatisod o nasaktang damdamin. Ang pagkimkim ng sama ng loob ay nagdudulot ng maling pananaw ng pag-iingat sa sarili. Hinahadlangan ka nito upang makita mo ang mga kamalian sa iyong karakter dahil laging ibang tao ang sinisisi mo. Hindi mo hinaharap ang iyong hindi paglago o kasalanan sapagkat nakatuon ang iyong pansin sa kamalian ng taong nakasakit sa iyo. Napipigilan nito ang pagnanais ng Diyos na bumuti ang iyong karakter sa pamamagitan ng hirap at pasakit. Ang taong may sama ng loob ay umiiwas sa pinag-ugatan ng sama ng loob at di magtatagal ay magiging palaboy sa espirituwal. Maraming sinasabi ang Bibliya tungkol sa panghuhusga at paninisi sa ibang tao. 247

264 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Basahin ang mga sumusunod na talata at isulat ang sinasabi nito tungkol sa panghuhusga at paninisi ng ibang tao. Mateo 7:1 5 Mateo 5:21 26 Lucas 6:36 37 Roma 2:1 2 Roma 12:17 21 Roma 14:10 13 Santiago 4:

265 Araw 12 Sinabi ni Hesus sa Juan 20:23, Ang patawarin ninyo sa kanyang kasalanan ay pinatawad na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad. Nililimot ng pag-ibig ang mga pagkakamali upang magkaroon ng pag-asa sa kinabukasan. Pinapanatili natin ang kasalanan ng ating kapwa kapag nagkikimkim tayo ng hinanakit. Ang susi ay ang pagtangging takasan ang problema, harapin ang mga taong nakasakit ng ating damdamin at makipagkasundo. Bakit? Hindi tayo mapapalaya sa mga problema kapag tumatanggi tayong harapin ang sama ng loob. Nanatiling hindi nagagalaw ang ugat ng ating problema. Bahagi ng plano ng Diyos para sa atin na ating harapin ang masasakit na pangyayari sa ating buhay. Ang mga pasakit na nais nating takasan ang, sa bandang huli, ay siyang magdudulot ng kalakasan sa ating buhay. Tandaan: Nililimot ng pag-ibig ang mga pagkakamali upang magkaroon ng pag-asa sa kinabukasan. Kung tunay na pinagtagumpayan na natin ang kasalanang nagawa sa atin, buong katapatan tayong makikipagkasundo upang magtamo ng kapayapaan. Maaaring hindi ngayon ang tamang panahon, ngunit sa puso natin, dapat tayong maghintay ng tamang panahon at pagkakataon para sa pagpapanumabalik ng relasyon sa taong nakasakit sa ating damdamin. SUMULAT NG PANALANGIN... Hilingin sa Diyos na tulungan ka Niya upang harapin ang mga kasalanang nagawa sa iyo na nagdulot ng sama ng loob at huwag takasan ang mga ito. 249

266 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Araw 13 ANG TUNAY NA pundasyon o Saligang bato Samakatuwid sinabi ng Panginoong Diyos: Masdan ninyo, inilagay ko sa Sion ang bato para sa pundasyon, isang batong subok, isang mahalagang batong panulukan, isang siguradong batong saligan; sinumang manampalataya ay hindi kikilos nang padalus-dalos. Isaias 28:16 [Basahin ang pahina ] Ang sinumang sumasampalataya ay hindi kikilos nang padalos-dalos. Ang taong kumikilos nang padalus-dalos ay hindi matatag sapagkat ang kanyang mga kilos ay hindi naayon sa mabuting pundasyon. Madaling mayanig at mawindang ang taong ito sa gitna ng mga bagyo ng pag-uusig at pagsubok. 250

267 251 Araw 13 Ang Salita ng Diyos lamang ang tanging batong-saligan sa gitna ng mga pag-uusig at pagsubok. Kapag ako y nangangaral, madalas kong pagsabihan ang kongregasyon at mga indibidwal na pakinggan ang tinig ng Diyos sa loob ng aking tinig. Sa tuwing nakikinig tayo sa isang mangangaral na binasbasan ng Diyos o habang nagbabasa ng isang aklat, dapat nating hanapin ang mga salita o parirala na mangungusap sa ating espiritu. Ito ang salita na ipinahahayag sa atin ng Diyos. Inihahatid nito ang kaliwanagan at pang-unawang espirituwal. Sinabi ng mang-aawit, Ang liwanag ng turo mo y nagsisilbing isang tanglaw, nagbibigay dunong ito sa wala pang karanasan. (Awit 119:130). Ito ang nagbibigay daan sa kanyang salita sa ating puso, hindi lamang sa ating isip, na siyang nagbibigay liwanag at linaw. Paano nagbibigay tanglaw at linaw ang Salita ng Diyos sa buhay mo sa loob ng isang linggo? Lagyan ng tsek (P)ang sumusunod na paraan kung paano mo naririnig ang Salita ng Diyos sa iyong buhay. Pag-aaral ng Bibliya Pagbabasa ng Bibliya Pag-awit ng kasulatan Pangangaral ng Salita ng Diyos Pagtuturo ng Salita ng Diyos Pagbabasa ng Christian books Pakikinig sa mga Himnong Kristiyano Iba pa Anumang ipinapahayag ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu ay hindi na kailanman mababawi sa atin. Nag-uugat ang mga desisyon natin sa Kanyang Salita. Kapag wala ang batong-saligan ng Kanyang Salita, madaling sasama ang loob natin sa mga hindi inaasahang pagsubok at matitinding paghihirap. Kapag hindi nag-uugat sa ating puso ang Salita ng Diyos, sa una ay matatanggap natin ito nang may kagalakan ngunit paglaon ay masasaktan din tayo. (Marcos 4:16 17) Kapag wala ang batong -saligan ng Kanyang Salita, madaling sasama ang loob natin sa mga hindi inaasahang pagsubok at matitinding paghihirap.

268 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Kapag nakarinig ka ng salita mula sa Salita ng Diyos na sumasalungat sa iyong damdamin, kaisipan, o pag-uugali, ano ang agad na tugon mo? Piliin mula sa pinakamadalas (1) hanggang sa pinakamadalang (7). Nagagalit ako. Nalilito ako. Nasasaktan ako. Nagsisisi ako. Natutuwa ako dahil natutuhan ko kung ano ng sinasabi ng Diyos. Sumasama ang loob ko. Sinisisi ko ang ibang tao o ang Diyos. Iba Ang pagkaka-ugat natin sa Salita ng Diyos at pagbibigay liwanag ng Kanyang Espiritu ay makatutulong sa atin upang marinig ang katotohanan mula sa Diyos at sa iba nang walang pagsama ng kalooban. SUMULAT NG PANALANGIN... Pasalamatan mo ang Diyos sa Kanyang Salita at sa maraming paraan upang magbigay liwanag ito sa iyong buhay. 252

269 Araw 14 WALANG ibang PAGPIPILIAN Lumapit sa Kanya tulad ng buhay na bato, na tinanggihan ng mga tao, ngunit pinili ng Diyos at mahalaga, kayo rin bilang mga buhay na bato, ay itinayo bilang isang espirituwal na tahanan, isang banal na pagkasaserdote, upang mag-alay ng mga espirituwal na sakripisyong katanggap-tanggap sa Diyos sa pamamagitan ni Hesucristo. 1 Pedro 2:4 5 [Basahin ang pahina ] Ang Salita ng Diyos na ipinahayag sa atin ang siyang batong matibay na saligan ng ating pananampalataya kung saan nakasandig ang ating buhay at ministeryo. Hindi opsyonal ang mga kautusan at batas nito; kinakailangang tuparin ang mga ito. Dahil lamang sa ang isang kautusan o batas ay nakakasakit ng kalooban, wala tayong karapatang matisod o sumuway. Tanging pagsunod nang buong puso ang dapat nating gawin. 253

270 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Ilarawan ang panahon sa iyong buhay na nasaktan ka ng Salita ng Diyos at sinuway mo ito. Ano ang ibinunga nito? Sa gitna ng mga pagsubok at kabigatan, makikita natin ang ating sarili, tulad ni Pedro, ang pagiging mga batong buhay tulad ng maliliit na bato na ginagamit sa pagtatayo ng bahay na esprituwal. Si Pedro (Petra) ay isang bato, isang batong buhay na nagdedeklarang si Hesucristo ay ang bugtong na Anak ng Buhay na Diyos. Tinuturuan ng mga pagsubok ang isang tao. Samakatuwid, natutuklasan mo ang iyong katayuang espirituwal sa pamamagitan ng mga pagsubok. Ipinapahayag nito ang tunay na kalagayan ng iyong puso. Tinutukoy ng Bibliya ang bahay na itinayo sa buhanginan (Mateo 7:26 27). Ang bahay na tulad nito ay maaaring may taas na limang palapag na ginayakan nang maganda. Habang maganda ang sikat ng araw, ang bahay na ito ay tila baluwarte ng kalakasan at kagandahan. Maaaring katabi nito ang isang payak at iisang palapag na bahay na halos hindi mapansin at hindi kaakit-akit kung ihahambing sa magandang bahay na katabi nito. Ngunit ito ay itinayo sa bagay na hindi mo nakikita--- sa isang matibay na bato. Tinuturuan ng mga pagsubok ang isang tao. Samakatuwid, natutuklasan mo ang iyong katayuang espirituwal sa pamamagitan ng mga pagsubok. Hangga t walang dumarating na bagyo, higit na maganda ang malaking bahay at may anyong matatag. Ngunit kapag tinamaan na ito ng malakas na bagyo, guguho at mawawasak ang limang palapag na gusali na hindi nakatindig sa bato. Ang mga Kristiyano ay tulad ng mga batong buhay na ang bahay ay nakatayo sa ibabaw ng Batong walang iba kundi si Hesucristo. 254

271 Araw 14 Kapag dumating ang bagyo, hindi sila tumatakbo, hindi sila nagpapadaig sa sama ng loob at hindi nila sinisisi ang ibang tao. Sa gitna ng bagyo ng pagsubok, ang kanilang buhay ay nananatiling matatag. Nasubukan mo na bang magtayo ng bahay sa buhanginan, sa sistema ng sanlibutan? Lagyan ng tsek Pang pundasyong makasanlibutan na nakasulat sa ibaba na natukso kang gamitin. Ilarawan sa maikling paraan ang naging bunga nito: Salapi: Tagumpay: Kapangyarihan: Ari-arian: Seguridad: Mga Tao: Iba pa: Siguraduhin mo na ang buhay mo ay nakatayo sa Kanyang Salita na ipinahayag mismo ng Diyos, hindi sa mga sabi-sabi ng tao. Ipagpatuloy mong hanapin ang tinig ng Panginoon at makinig sa Kanyang tinig habang nangungusap Siya sa iyong puso. Huwag kang gumawa o magsabi ng mga bagay para lamang magpasaya ng ibang tao. Hanapin mo Siya at panindigan mo kung ano ang binigyan Niya ng liwanag sa iyong puso! SUMULAT NG PANALANGIN... Hilingin sa Espiritu ng Diyos na ipahayag sa iyo ang Kanyang Salita at tulungan kang itayo ang iyong buhay sa ibabaw ng Saligang Bato na si Cristo. 255

272 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Araw 15 LAHAT NG MAAARING yanigin ay tiyak na yayanigin Siya ang nangako, at nagsabing, Minsan pa yayanigin Ko hindi lamang ang sanlibutan, kundi pati na ang kalangitan. Ngayon ito, Minsan pa, ay nagpapahiwatig ng pag-aalis ng mga bagay na mayayanig, tulad ng mga bagay na ginawa, upang ang mga bagay na hindi mayayanig ay manatili. Hebreo 12:26 27 [Basahin ang pahina ] Kahit tinawag siyang Bato at inamin niyang si Hesus ay Anak ng Buhay na Diyos, sa bandang huli ng ministeryo ni Hesus dito sa lupa, nadiskubre ni Pedro na hindi siya lumalakad sa karakter at kababaang-loob ni Cristo. Itinayo niya ang kanyang buhay at ministeryo sa pamamagitan ng mga nakalipas na tagumpay at pagmamataas. Tinuruan tayo ni Pablo na unawain nating mabuti na dapat nating itayo ang ating buhay sa pundasyon natin kay Cristo: Ayon sa biyaya ng Diyos na ipinagkaloob sa akin, bilang isang matalinong arkitekto, inilagay ko ang pundasyon, at iba naman ang nagpatuloy sa pagtatayo nito. Ngunit bigyang pansin ng bawat isa kung sinuman ang nagtatayo dito. Sapagkat wala nang ibang pundasyon na mailalagay ng sinuman kaysa sa nailagay na, at siya ay si Hesucristo. 1 Corinto 3:

273 Araw 15 Kapag ang anumang bahagi ng ating buhay ay nakatayo sa mga bagay na makasanlibutan, ang bahaging ito ay yayanigin ni Cristo. Basahin ang 1 Juan 2: Nasa ibaba ang listahan ng mga bagay na makasanlibutan na yayanigin ng Diyos sa buhay natin. Lagyan ng x sa linya na kumakatawan kung nasaan ka. Layaw ng laman Nayanig na Kailangang mayanig Layaw ng paningin Nayanig na Kailangang mayanig Kapalaluan sa buhay Nayanig na Kailangang mayanig Dahil sa kahambugan ni Pedro, sa bandang huli ng ministeryo ni Hesus, sinabi ni Hesus sa kanya, Simon, Simon! Makinig ka, hiniling ni satanas at ipinahintulot naman sa kanya, na kayong lahat ay subukin (bistaying parang trigo.) (Luke 22:31) Hindi ipinanalangin ni Hesus na matakasan ni Pedro ang matinding pagliliglig Ipinanalangin Niya na ang pananampalataya ni Pedro ay huwag magmaliw sa proseso ng pagsubok. Ang kahambugan ang nagbukas ng pintuan upang makapasok ang kaaway at bistayin na parang trigo si Simon Pedro. Kung taglay ni Hesus ang mentalidad ng karamihan sa simbahan ngayon, maaaring nasabi Niya, Manalangin tayo, mga kapatid; igapos natin ang atake ng kaaway. Hindi natin hahayaan si satanas na gawin ito sa mahal nating kapatid na si Simon! Ngunit tingnan ninyo ang Kanyang sinabi: Ako ay nanalangin para sa inyo, na ang inyong pananampalataya ay huwag magmaliw; at kapag kayo 257

274 Ang patibong ni Satanas devotional supplement ay bumalik sa Akin, palakasin ninyo ang inyong mga kapatiran. (Lucas 22:32). Hindi ipinanalangin ni Hesus na matakasan ni Pedro ang matinding pagliliglig. Ipinanalangin Niya na ang pananampalataya ni Pedro ay huwag magmaliw sa proseso ng pagsubok. Alam ni Hesus na pagkatapos ng mabigat na pagsubok, lalabas ang bagong katauhan, ang kinakailangan ni Simon Pedro upang matupad niya ang kanyang kapalaran at mapatatag niya ang kapatiran. Humingi ng pahintulot si satanas upang mayanig nang husto si Simon Pedro upang mawala ang kanyang pananampalataya. Ang intensiyon ng kaaway ay wasakin ang malaking potensyal ng lalaking ito na nakatanggap ng matitinding kapahayagang espirituwal. Ngunit may naiibang layunin ang Diyos para sa pagyanig kay Simon Pedro, at tulad ng dati, ang Diyos ang mas una sa diyablo. Maaaring yanigin ng Diyos ang buhay natin upang matupad ang alinman sa mga sumusunod na layunin. Kung niyayanig Niya ang buhay mo, alin sa mga sumusunod ang maaaring layunin Niya para sa iyo? (Lagyan ng tsek P ang lahat ng maaaring sagot.) Maging malapit ang buhay mo sa pundasyon nito. Alisin ang anumang walang kabuluhan sa buhay mo, tulad ng kahambugan. Anihin kung ano ang hinog (mature) sa kaibuturan mo. Gisingin ang parang tulog na bahagi ng iyong buhay espirituwal. Patatagin ang iyong buhay upang ang katotohanan sa iyong espirituwal na katauhan ay hindi na mawalay sa iyong pagkatao. Alinmang prosesong pangkaisipan o saloobin ng iyong puso na nagugat sa pagka-makasarili at kahambugan ay yayanigin at dadalisayin. SUMULAT NG PANALANGIN... Hilingin sa Panginoon na bistayin ang kapalaluan, pagkamasarili, at pita ng laman sa iyong buhay. 258

275 Araw 16 ibinigay ANG BIYAYA ng diyos SA MAPAGPAKUMBABA Maging mapagpakumbaba, sapagkat tutol ang Diyos sa mga palalo, subalit pinagkakalooban Niya ng biyaya ang mga mapagpakumbaba. 1 Pedro 5:5 [Basahin ang pahina ] Ilalantad ng mga pagsubok ang tunay na kalagayan ng iyong puso kung may sama ka ng loob sa Diyos o sa tao. Maaaring magkaroon ka ng kapaitan sa Diyos at mga kaibigan, o lalo ka pang maging matatag dahil sa mga pagsubok na pinagdadaanan mo. Kapag pumasa ka sa pagsubok tungo sa kababaang loob, lalong lalalim ang mga ugat mo, upang lalo kang maging matatag sa hinaharap. Kapag hindi ka pumasa, mananatili ka sa sama ng loob at madudungisan ka ng kapaitan. Nayanig nang husto si Simon Pedro hanggang hindi na niya makayanang makapagmalaki bilang isang natatanging apostol. Nawala ang natural 259

276 Ang patibong ni Satanas devotional supplement niyang kumpiyansa sa sarili. Maliwanag niyang nakita ang kawalang-saysay ng sarili niyang lakas ng loob. Siya ay naging mapagpakumbaba. Naging perpektong kandidato na siya para sa biyaya ng Diyos. Ipinagkakaloob ng Diyos ang biyaya sa mga taong mapagpakumbaba. Ang pagiging mababang-loob ay pangunahing kailangan upang makamtan ang biyaya ng Diyos. Nasabi mo na ba kay Cristo, Panginoon, napaglingkuran na Kita at marami na akong isinuko sa Iyo bilang tanda ng aking pagsunod sa Iyo, bakit nangyayari ang mga paghihirap at nakapanghihilakbot na pangyayaring ito sa aking buhay ngayon? Maaaring magkaroon ka ng kapaitan sa Diyos at mga kaibigan, o lalo ka pang maging matatag dahil sa mga pagsubok na pinagdadaanan mo. Ang mga Kristiyanong nakaranas na masaktan at mabigo ay madalas na nakakadama ng sama ng loob sa Panginoon dahil naniniwala silang bibigyan sila ng espesyal na konsiderasyon sa lahat ng mga nagawa nila para sa Panginoon. Kung magkagayon, mali ang motibo nila kung bakit nila pinaglilingkuran ang Panginoon. Hindi natin dapat paglingkuran ang Panginoon para sa gantimpalang ibibigay Niya, manapa y para sa kung sino Siya at sa mga nagawa na Niya para sa atin. Hindi ganap na napapagtanto ng mga taong nakaranas masaktan kung gaano kalaki ang utang na binayaran ng Panginoon para sa kanila upang makamtan nila ang kanilang kalayaan. Nakalimutan na nila kung anong paraan ng kamatayan sila tinubos ng Panginoon. Tumitingin lamang sila sa pamamagitan ng natural na mata kaysa sa pang walang-hanggan. Pinaglilingkuran mo ba ang Panginoon mula sa pagiging mapagmataas, tiwala sa sarili o pag-asa na gagantimpalaan ka ng Diyos ng mga materyal na bagay at maginhawang buhay? Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap: Ang motibasyon ko sa paglilingkod kay Cristo ay 260

277 Araw 16 Ang pagtitiwala ko ay nakasalig sa Ang gantimpala na inaasahan ko sa Kanya ay Wala tayong magagawa na may halagang pang walang- hanggan sa sarili nating kakayahan. SUMULAT NG PANALANGIN... Hilingin sa Panginoon na linisin ang iyong puso at alisin ang lahat ng pagtitiwala sa sariling laman. 261

278 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Araw 17 ANG BATONG KATITISURAN Masdan ninyo, Ako ang naglagay sa Sion ng punong pundasyon, pinili, mahalaga, at ang sinumang mananampalataya sa Kanya ay mapapahiya. Samakatuwid, sa inyo na mananampalataya, Siya ay mahalaga; ngunit sa mga susuway, Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ay naging isang batong katitisuran. Sila ay matitisod, dahil sa pagsuway sa salita, kung saan sila ay itinalaga. 1 Pedro 2:6 8 [Basahin ang pahina ] Sa panahon ngayon, pinaging-mahina na ang kahulugan ng salitang pananampalataya. Sa paningin ng nakararami, naging isang pangkaraniwang pakahulugan na lamang ito ng isang tiyak na katotohanan. Sa karamihan, wala na itong kinalaman sa pagsunod. Ngunit sa talatang tinukoy sa itaas, ang salitang mananampalataya at katigasan ng ulo ay kumakatawan sa magkasalungat na ideya. 262

279 Araw 17 Hinihikayat tayo ng Banal na Kasulatan na ang sinumang sumampalataya (maniwala) sa Kanya [Hesucristo] ay hindi mapapahamak, kundi ng magkakaroon ng buhay na walang-hanggan. ( Juan 3:16). Bunga ng karaniwang pananaw natin sa salitang mananampalataya, naiisip ng marami na ang dapat lamang nilang gawin ay manampalataya na nabuhay si Hesus at namatay sa Kalbaryo, upang maging maayos ang katayuan nila sa Diyos. Kung ito lamang ang kailangang gawin, disin sana ang mga demonyo ay nasa maayos ding kalagayan sa Kanya, dahil sinabi rin ng Banal na Kasulatan, Sumasampalataya ka sa iisang Diyos, hindi ba? Mabuti iyan! Ang mga demonyo ay sumasampalataya rin at nangangatal pa! (Santiago 2:19). Ngunit, walang kaligtasan para sa mga demonyo. Kumpletuhin ang mga pangungusap na ito: Para sa akin, ang kahulugan ng pananampalataya ay Para sa akin ang pagsunod ay Kapag sinabi kong naniniwala ako ngunit hindi ako sumusunod, May mas malalim na kahulugan ang salitang manampalataya sa Banal na Kasulatan kaysa basta lamang paniniwala. Sa pananatiling totoo sa konteksto ng 1 Pedro 2:6-8, masasabi natin na ang pangunahing elemento ng pagsampalataya ay ang pagsunod. Mababasa natin ito sa ganitong paraan: Samakatuwid, para sa inyo na sumusunod, Siya ay mahalaga; ngunit para sa matigas ang ulo, Naging batong katitisuran at ikararapa ng mga tao. Natisod sila sapagkat hindi sila sumunod sa Salita ng Diyos; ito ang itinalaga sa kanila. Pag-ibig ang batayan ng ating relasyon sa Panginoon hindi pag-ibig sa mga prinsipyo o mga katuruan, kundi pag-ibig para sa Panginoong Hesus. 263

280 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Hindi mahirap sumunod kapag kilala mo ang karakter at iniibig mo ang iyong pinag-uukulan ng pagpapasakop. Pag-ibig ang batayan ng ating relasyon sa Panginoon hindi pag-ibig sa mga prinsipyo o mga katuruan, kundi pag-ibig para sa Panginoong Hesus. Kapag hindi matatag ang pagibig, madali kang masasaktan at matitisod. Kapag nabubuhay ka upang sumunod sa kalooban ng Diyos, hindi ka matitinag ng mga gawi ng tao. Bunga nito, ikaw ay magdurusa sa laman. Pinagdusahan ni Hesus ang labis-labis na pagtuligsa ng mga relihiyosong lider. Naniniwala ang mga taong relihiyoso na kumikilos lamang ang Diyos sa loob ng panuntunang ginawa nila. Kung natisod kay Hesus ang mga relihiyosong tao habang Siya ay pinangunahan ng Banal na Espiritu dalawang libong taon na ang nakararaan, tiyak na katitisuran din nila ang mga sumusunod sa Kanya ngayon. Tandaan, ang iyong pagtugon ang siyang magtatakda ng iyong kinabukasan. Kumpletuhin ang pangungusap na ito: Kapag natisod sa akin ang ibang tao dahil sa pamumuhay ko para kay Cristo, ako ay Isinulat ni Pablo: Ang katotohanang ang krus ay tanging daan tungo sa kaligtasan ay katitisuran sa mga tao, ngunit iyan ang katotohanan, at hindi na ako mangangaral ng iba pa. (Galacia 5:11) Kapag hinamon ng sinuman ang katotohanan ng Ebanghelyo, oras na upang magalit kahit hindi humingi ng tawad. Dapat tayong maging determinado sa ating puso na susundin natin ang Espiritu ng Diyos kahit ano pa man ang maging kapalit. SUMULAT NG PANALANGIN... Sabihin kay Cristo na pagtitiwalaan, iibigin at susundin mo Siya. 264

281 Araw 18 Upang walang matisod sa atin Samakatuwid, huwag na nating husgahan ang ating kapwa, ngunit lutasin natin ito, huwag tayong maglagay ng batong katitisuran o maging dahilan sa pagkakalugmok ng ating kapatid. Roma 14:13 [Basahin ang pahina ] Bagama t maraming tao ang natisod kay Hesus, hindi Siya kailanman nakasakit ng damdamin upang igiit ang sarili Niyang karapatan o kapakinabangan. Hinimok tayo ni Hesus magpakababa nang sabihin Niya ito, Samakatuwid, ang sinumang ibinababa ang kanyang sarili gaya ng maliit na batang ito ay ang pinakadakila sa kaharian ng langit. (Mateo 18:4) Ang pangunahing parirala dito ay Ang sinumang nagpapakababa. Maya-maya pa dinagdagan ito ni Hesus: 265

282 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Ang sinumang nagnanais na maging dakila sa inyo, hayaaan ninyo siyang maging tagapaglingkod ninyo. At ang sinumang nagnanais maging una sa lahat sa inyo, hayaaan ninyo siyang maging alipin tulad ng Anak ng Tao. Hindi Siya naparito upang paglingkuran, bagkus upang maglingkod,at ihandog ang kanyang buhay bilang katubusan para sa marami. Mateo 20:26 28 Kay inam na pahayag! Naparito si Hesus hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod. Siya ang Anak ng Diyos. Malaya Siya. Wala Siyang utang kaninuman. Hindi Siya tauhan ng sinuman. Ngunit pinili Niyang gamitin ang Kanyang kalayaan upang maglingkod. Pinili ni Hesus na gamitin ang Kanyang kalayaan upang maglingkod. Basahin ng mga sumusunod na talata at isulat ang itinuturo ng bawat talata buhat sa Banal na Kasulatan tungkol sa paglilingkod at pagiging isang tagapaglingkod. Lucas16:13 Lucas 22:26 Juan 12:26 Roma 7:6 266

283 Araw 18 Galacia 5:13 Filipos 2:5 11 Pansinin na binigyang-diin ni Pablo sa Galacia 5:13 na nabigyan tayo ng pribilehiyo o pagkakataon upang maglingkod sa isa t isa. Hindi natin dapat gamitin ang ating kalayaan o pribilehiyo bilang mga anak ng buhay na Diyos upang paglingkuran ang ating sarili. Dapat gamitin ang kalayaan sa paglilingkod sa iba. May kalayaan ang isang lingkod subalit may pagkabihag sa isang alipin. Ang alipin ay dapat maglingkod, samantalang ang isang tagapaglingkod ay nabubuhay upang maglingkod. Nakakita ako ng maraming Kristiyano na naglilingkod na may hinanakit. Tumutulong sila ngunit mabigat ang kanilang loob. Nagbabayad sila ng buwis ngunit nagrereklamo. Patuloy silang namumuhay na mistulang alipin sa ilalim ng batas na kung saan sila ay dapat na nakalaya na. Nanatiling mga alipin ang kanilang puso. SUMULAT NG PANALANGIN... Itakwil ang pagkaalipin sa sanlibutan at isuko ang iyong sarili upang maging tagapaglingkod ni Cristo. 267

284 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Araw 19 pagpaparaya ng sariling karapatan Ngunit mag-ingat kayo baka sa paanomang paraan, ang kalayaan ninyo ay maging katitisuran ng mga mahihina. 1 Corinto 8:9 [Basahin ang pahina ] Ipinagkaloob sa atin ang kalayaan upang makapaglingkod at isakripisyo ang ating buhay. Nabubuhay tayo upang magbuo at hindi upang magwasak; upang magbigay ng magandang halimbawa at hindi maminsala. Hindi ipinagkaloob ang kalayaan sa atin upang magkamal tayo ng pakinabang para sa ating sarili. Sa panahon natin ngayon, maraming natitisod sa pamumuhay ng mga Kristiyano dahil ginamit nila ito sa maluhong paraan. Maaaring may kalayaan tayo kay Cristo upang gawin ang maraming bagay, ngunit kung nakatitisod na tayo sa ibang tao, dapat tayong maging maingat at pag-isipan natin na kusang-loob na limitahan ang ating mga sarili upang maging mabuting patotoo para sa iba. 268

285 Araw 19 Ginagawa ko ba ang mga ginagawa ko upang mapalakas ang iba o ang aking sarili? Ilista sa ibaba ang mga bagay na kusang-loob mo nang itinigil gawin upang hindi ka magkasala o maging katitisuran sa iyong kapwa. Isinuko ko ang karapatan kong: Upang hindi magkasala si: Paano natin malalaman kung kalayaan at karapatan ang dapat nating isantabi upang mahikayat ang iba para kay Cristo? Iminumungkahi ko sa inyo na gawin ang tinatawag kong pagsubok ng pagpapalakas (edification test). Sa sulat ni Apostol Pablo sa mga Taga-Roma, inilahad niya ang kabuuan ng puso ng Diyos sa usaping iyon: Samakatuwid, hangarin natin ang mga bagay para sa kapayapaan at ang mga makapagpapalakas at makapagpapatibay sa bawat isa. (Roma. 14:19) Anumang gawin natin ay pinahihintulutan ayon sa Banal na Kasulatan. Ngunit itanong mo sa iyong sarili: Hinahangad ko bang makapagpalakas ng iba o ng aking sarili? Basahin ang mga sumusunod na talata nang dahan-dahan. Salunguhitan ang bawat bahagi na mahirap gawin para sa iyo. Bilugan ang bahagi na dapat mo nang simulang gawin kaagad. 269

286 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Ang lahat ng bagay ay alinsunod sa batas para sa akin, ngunit hindi lahat ng bagay ay nakatutulong; lahat ng bagay ay alinsunod sa batas para sa akin, ngunit hindi lahat ng bagay ay nakapagbibigay ng magandang halimbawa. Huwag ninyong isipin ang inyong mga sarili lamang, bagkus, isipin ninyo ang kapakanan ng bawat isa... Samakatuwid, sa tuwing kumakain o umiinom kayo, o kahit anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat para sa kaluwalhatian ng Diyos.Huwag magbigay ng kasalanan, kahit sa Judio o sa mga Griyego o sa mga iglesya ng Diyos, tulad ng ginagawa ko upang masiyahan ang lahat ng mga tao sa lahat ng bagay, na hindi hinahangad ang aking sariling pakinabang, ngunit ang pakinabang ng nakararami upang sila ay maligtas. 1 Corinto 10:23 24, Hayaan mo ang Banal na Espiritu upang padaluyin sa bawat bahagi ng iyong buhay ang talatang ito. Hayaan Siyang ipakita sa iyo ang mga natatagong motibo ng iyong puso na para lamang sa iyong sariling kapakinabangan at hindi para sa kapakinabangan ng iba. Anumang bahagi ng buhay mo ang iyong piliing yakapin, tanggapin mo ang Kanyang hamon na mabuhay bilang tagapaglingkod ng lahat. SUMULAT NG PANALANGIN Hilingin sa Panginoon na ipakita sa iyo ang anumang bagay sa iyong buhay na maaaring maging katitisuran para sa iba, at iwaksi mo ang mga ito sa iyong buhay. 270

287 Araw 20 pagpapatawad:hindi ka nagbibigay, HINDI MO MAkukuha Samakatuwid sinasabi Ko sa inyo, anumang bagay ang hilingin ninyo kapag kayo ay nananalangin, manampalataya kayo na tinanggap na ninyo ang mga ito, at matatanggap nga ninyo ang mga ito. At kapag nakatayo kayo habang nananalangin, at mayroon kayong sama ng loob sa kahit na kanino, patawarin ninyo sila, nang sa gayon ang inyong Amang nasa langit ay patawarin din kayo sa inyong mga pagkakasala. Ngunit kapag hindi kayo nagpatawad, hindi rin patatawarin ng inyong Amang nasa langit ang inyong pagkakasala. Marcos 11:24 26 [Basahin ang pahina ] Ibaling natin ang ating atensiyon sa kung ano ang kahinatnan ng pagtangging harapin ang sama ng loob at paano tayo magiging malaya sa pagkatisod. Sinasadya ni Hesus ang sinabi Niya: Ngunit kung hindi kayo magpapatawad, hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Amang nasa langit. 271

288 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Nabubuhay tayo sa kulturang kung saan hindi lubos na totoo ang ating mga sinasabi. Bunga nito hindi rin natin pinaniniwalaan ang ibig sabihin ng iba sa atin. Hindi natin siniseryoso ang salita ng isang tao. Nagsisimula ito sa ating pagkabata. Sinasabihan ng magulang ang isang bata, Kapag ginawa mo pa uli iyan, papaluin kita. At lalo pang gagawin ng bata ang ipinagbabawal. Sa tuwing nangyayari ang ganito, nakatatanggap ng parehong babala ang bata mula sa kanyang magulang. Subalit madalas wala naman talagang pagwawastong nagaganap. O kapag naganap ang pagwawasto, ito ay mas magaan kaysa naipangakong parusa, o kaya naman ang pagdidisiplina ay higit na malala sapagkat ang magulang ay biglang nakadama ng pagkayamot. Pinapatawad mo ba ang ibang tao upang makatanggap ka rin ng kapatawaran? Ngunit kapag nagsasalita si Hesus, nais Niyang seryosohin natin Siya. Hindi natin mauunawaan ang Kanyang sinasabi sa paraan ng pag-unawa natin sa ibang tao, mga may katungkulan o mga karelasyon natin sa ating buhay. Sa tuwing may sinasabi Siya, seryoso Siya sa mga ito. Tapat Siya sa atin kahit na kulang tayo sa pananampalataya sa Kanya at hindi tayo tapat sa Kanya. Namuhay Siya sa antas ng katotohanan at integridad sa sumasakop sa ating kultura at pamayanan. Kaya nang sinabi ni Hesus, Ngunit kapag hindi kayo nagpatawad, hindi rin papatawarin ng Amang nasa langit ang mga pagkakasala ninyo, Seryoso Siya sa pagsabi nito kaya hindi natin ito dapat balewalain. Isulat kung ano ang sinabi ni Hesus tungkol sa pagpapatawad sa mga sumusunod na talata: Mateo 6:14-15 Lucas 6:37 272

289 Araw 20 Mateo 6:12 Seryoso ka rin ba kay Hesus? Pinatatawad mo rin ba ang iba upang makatanggap ka rin ng kapatawaran? Kapag hindi ka nagpapasyang magpatawad, walang puwang upang makatanggap ka rin ng kapatawaran mula sa Diyos. SUMULAT NG PANALANGIN... Hilingin mo sa Diyos ang tulong upang ganap mong mapatawad ang mga taong nagkasala sa iyo na naging sanhi ng pagsama ng iyong loob upang makatanggap ka rin ng kapatawaran mula sa Diyos. 273

290 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Araw 21 ANG TAGAPAGLINGKOD NA HINDI MAKAPAGPATAWAD Lumapit sa Kanya si Pedro at nagsabing, Panginoon, gaano kadalas ko patatawarin ang aking kapatid na nagkakasala sa akin? Makapitong ulit ba? Sinabi sa kanya ni Hesus, Hindi ko sinabi sa iyong makapitong ulit, ngunit hanggang makapitumpu t-pitong ulit. Mateo 18:21 22 [Basahin ang pahina ] Itinuro ni Hesus kay Pedro at sa mga disipulo na ang pagpapatawad ay batay sa walang hanggang pagpapatawad ng Diyos. Upang bigyang diin ito, sinabi ni Hesus ang talinhaga tungkol sa lingkod na hindi marunong magpatawad. Basahin uli ang talinhagang ito sa Mateo 18: Pagkatapos, kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap: Para sa akin, ang pangunahing punto ng talinhaga ay 274

291 Araw 21 Ang naririnig kong sinasabi sa akin ng Diyos tungkol sa talinhagang ito ay Ang mga pagkakasala at sama ng loob natin sa isa t isa, ay halos nasa halagang $4,000, na kung ihahambing sa kasalanan natin sa Diyos, ay maaaring umabot sa $4.5 bilyon! Nasaktan man tayo nang labis-labis ng ibang tao, wala pa ito sa kalingkingan ng mga pagkakasala natin sa Diyos. Kapag napagtanto natin na iniligtas tayo ni Hesus mula sa walang hanggang kamatayan at pagdurusa, patatawarin natin ang iba nang walang pasubali. Ibatay ang mga sumusunod na pagkakasala na labis na malala (1) hanggang sa di-gaanong malala (7) para sa iyo upang patawarin. Isang taong nagkalat ng tsismis laban sa akin Isang taong umaabuso sa akin sa pisikal at emosyonal na paraan Isang taong umaabuso sa mga mahal ko sa pisikal at emosyonal na paraan Isang taong nagsisinungaling sa akin Isang taong nagnanakaw sa akin Isang taong nangmamanipula sa akin Iba pa SUMULAT NG PANALANGIN... Hilingin sa Diyos na alisin ang balakid sa iyong puso na dulot ng dipagpapatawad. Ipanalangin mismo ang mga taong nagkasala sa iyo na naging sanhi ng mga balakid sa iyong puso. 275

292 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Araw 22 PAGHIHIGANTI: ANG BITAG Huwag gantihan ng kasamaan ang kasamaan. Pahalagahan ang mga mabubuting bagay sa paningin ng mga tao. Roma 12:17 [Basahin ang pahina ] Ang hindi pagpapatawad ay tulad ng hindi pagpapalaya sa utang ng isang tao. Kapag nagawan ng kamalian ang isang tao ng kanyang kapwa, naniniwala siyang may utang sa kanya ang taong ito. Inaasahan niya ang kabayaran nito, kahit sa pamamagitan ng pera o iba pang bagay. Gayunman, hindi makatarungan para sa ating mga anak ng Diyos na ipaghiganti ang ating sarili. Basahin ang mga sumusunod na talata mula sa Banal na. Kasulatan, sa isang parirala lagumin o sumahin ang aral ng bawat isa tungkol sa paghihiganti. Roma 12:19 276

293 Araw 22 Santiago 4:12; 5:9 Mateo 5:38 42 Inaalis ni Hesus ang anumang mga bagay na hindi malinaw tungkol sa pagsama ng loob. Sa katunayan, sinabi Niya na ang paghihiganti para sa ating sarili ay dapat mawala sa ating saloobin - na maaaring humantong sa posibilidad na malamangan tayo uli. Pinaalalahanan Niya tayong manatiling malalim at matatag sa pag-ibig ng Diyos. Inihalintulad ni Hesus ang kundisyon ng ating puso sa lupa. Pinaalalahanan Niya tayong manatiling malalim at matatag sa pag-ibig ng Diyos. Kailangang mag-ugat ang binhi ng pag-ibig ng Diyos sa ating puso, upang sumibol at mamunga ng kabanalan, pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. (Galacia 5:22 23) Gayunman, ang lupa ay mamumunga lamang ayon sa binhing itinanim dito. Kapag nagtanim tayo ng binhi ng di pagpapatawad at pagkakasala, ibang ugat ang tutubo sa lugar ng pag-ibig ng Diyos. Tinatawag itong ugat ng kapaitan. (Hebreo. 12:14 15) Ang kapaitan ay isang ugat. Kapag ang mga ugat na ito ay inalagaan, diniligan, binantayan, pinakain, at binigyan ng ibayong atensiyon, lalo itong lumalalim at lalong nagiging mas makapit ito sa ating puso. Kapag hindi kaagad ito hinarap, mahirap nang bunutin ang mga ugat na ito. Ang hinanakit ay lalong lalala. 277

294 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Sa halip na bunga ng kabanalanan ang mamunga, aanihin natin ang galit, paghihinanakit, pagseselos, pagkapoot, pag-aawayan, at pagsasalungatan. Tinawag ni Hesus na walang kabuluhan ang ganitong masasamang bunga. (Mateo 7:19 20) SUMULAT NG PANALANGIN... Pasalamatan ang Diyos sa kapayapaang dulot Niya sa iyong buhay bilang bunga ng pagpapalaya sa mga kasalanang naging balakid sa katiwasayan ng iyong puso. 278

295 Araw 23 nadungisan ng kasamaan ang isang potensiyal na hari At walang kahit na anong sinabing mabuti o masama si Absalom kay Amnon. Dahil kinamumuhian ni Absalom si Amnon, sapagkat hinalay niya ang kanyang kapatid na si Tamar. - 2 Samuel 13:22 [Basahin ang pahina ] Pinatay ni Absalom si Amnon bilang paghihiganti sa ginawa nitong panghahalay kay Tamar. Nagkimkim siya ng hinanakit sa kanyang puso laban kay David na kanyang ama, dahil hindi niya pinarusahan si Amnon sa ginawa nitong panghahalay sa kapatid niyang babae. Nalason ng kapaitan ang isipan ni Absalom. Naging mahusay siyang kritiko ng mga kahinaan ni David. Subalit umasa pa rin siya na tatawagin siya ng kanyang ama. Lalong nag-alab ang hinanakit ni Absalom nang hindi siya ipinatawag ni David. 279

296 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Dulot ng hinanakit at kritikal na asal, kinaibigan ni Absalom at inilapit niya ang kanyang sarili sa mga hindi nasisiyahan sa pamumuno ng kanyang ama. Inilaan niya ang kanyang panahon sa pakikinig sa kanilang mga reklamo. Buong panghihinayang na sinabi niyang kung siya lamang sana ang naging hari, iba sana ang naging pangyayari. Inaksyonan niya ang mga kaso nila, sapagkat tila wala namang panahon ang kanyang amang hari sa mga ito. Marahil kaya inaksyonan ni Absalom ang kanilang mga kaso ay sapagkat naramdaman niya na hindi rin siya nabigyan ng hustisya. Nagpakita siya ng malasakit sa mga tao. Ayon sa Bibliya, ninakaw ni Absalom ang puso ng mga Israelita mula sa ama niyang si David. Ngunit tunay ba talaga siyang nagmamalasakit sa kanila, o bilang paghihiganti hinangad lamang niyang mapatalsik sa trono si David na labis na nakasakit sa kanyang kalooban. Hinihikayat tayo ng Banal na Espiritu habang nangungusap siya sa ating budhi. Kadalasang nagkakaroon ng sama ng loob sa mga lider ng isang simbahan ang mga taong naglilingkod sa kanila. Nagiging kritikal sila at mga bihasa sa pagpuna ng mga kamalian ng kanilang pinuno o ng mga taong itinalaga sa ibabaw nila. Sumasama ang loob nila. Lumilihis ang kanilang pananaw. Naiiba ang kanilang pananaw sa pananaw ng Diyos. Kumpletohin ang mga sumusunod na pangungusap: Kapag lumapit sa akin ang mga tao upang sabihin ang kanilang mga puna sa liderato ng simbahan, ako ay Kapag kritikal ako sa liderato ng simbahan, ako ay 280

297 Araw 23 Ang pinaka-epektibong paraan ng pagharap sa pagsama ng loob sa simbahan o katawan ni Cristo ay Gumawa ng listahan ng mga tao sa simbahan na nakasakit ng iyong kalooban, kasama ang pamunuan. Isulat mo ang mga pangalan dito, petsa kung kailan ka lalapit upang humingi ng paumanhin sa iyong mga kasalanan. Pangalan Petsa kung kailan ka hihingi ng tawad Minsan, maaaring tama ang obserbasyon mo tungkol sa kahinaan ng pamunuan ng simbahan. Marahil dapat nga talagang gumawa ng aksyon si David laban kay Amnon. Marahil may nagawa talagang kamalian ang isang pinuno tulad ni David. Ngunit sino ba talaga ang may karapatang humatol ikaw ba o ang Panginoon? Tandaan mo, kapag naghasik ka ng alitan, aani ka rin ng alitan. Hinihikayat tayo ng Banal na Espiritu habang nangungusap siya sa ating budhi. Hindi natin dapat balewalain ang Kanyang panghihikayat o sawatain ang Kanyang tinig. Kung nagawa mo na ito, pagsisihan mo ito sa harapan ng Diyos at buksan mo ang iyong puso sa Kanyang pagtutuwid. SUMULAT NG PANALANGIN... Hilingin mo sa Diyos na alisin ang kritikal na espiritu sa iyo. 281

298 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Araw 24 pagtakas sa PATIBONG Kaya nga, ako mismo ay palaging nagsusumikap na magkaroon ng malinis na budhi at walang kasalanan o sama ng loob sa Diyos at sa tao.. Gawa 24:16 [Basahin ang pahina ] Kailangan ng ibayong pagsisikap upang maging malaya tayo sa sama ng loob. Inihalintulad ito ni Pablo sa isang ehersiyo. Kapag sinasanay natin ang ating katawan, hindi tayo madaling magkakaroon ng pinsala. Kapag sanay tayong magpatawad at umiwas na magkaroon ng sama ng loob, napapanatili nating matatag at malinis ang ating budhi. Kailangan ng ibayong pagsusumikap upang maging malaya sa kasalanan. 282

299 283 Araw 24 Minsan, nasasaktan tayo ng iba at hindi mahirap magpatawad. Pinalalakas at sinasanay natin ang ating puso upang harapin ang samaan ng loob, kaya hindi ito nagbubunga ng permanenteng pinsala sa atin. Ngunit ang ibang pagkakasalang nagagawa sa atin ng ibang tao ay higit na mapanghamon kaysa iba na kinasanayan nating harapin. Ang karagdagang puwersa ay maaaring maging sanhi ng malalim na sugat o pinsala, kaya dapat uli tayong matutong magsanay na humarap sa higit na mabibigat na sitwasyon. Ang bunga nito ay kasing halaga ng ating pagsisikap. May dinaramdam ka bang masakit at malalim na sugat? Nakalista sa ibaba ang pagsasanay na dapat mong pagdaanan upang makabawi ng lakas na harapin ang mga ito. Pagkatapos basahin ang bawat hakbang, isulat ang gagawin mong partikular na pagtugon upang makabawi. 1. Tanggapin mo sa iyong sarili na nasaktan ka. Nasaktan ako ni 2. Aminin sa Panginoon na nasaktan ka. Panginoon, inaamin ko na ako y nasaktan noong 3. Maging bukas sa kanyang pagwawasto at paggabay. Panginoon, nauunawaan ko po na nais 4. Panghuli, kailangan nating patawarin ang mga taong nakasakit sa atin. Panginoong Hesus, pinapatawad ko na po si dahil sa Ang susunod na pagsasanay na haharapin mo matapos mapatawad ang isang tao ay ang maiwasan itong manumbalik o maulit. Paminsan-

300 Ang patibong ni Satanas devotional supplement minsan, maaaring makita mo ang iyong sarili na pinaglalabanan ang alaala ng kanilang ginawa bago ka nakapagpatawad. Ipanalangin ang taong iyon. Makatutulong sa iyo ang mga talatang ito mula sa Banal na Kasulatan upang malaman mo kung paano sila ipanalangin. Basahin ang bawat talata, at isulat ang saloobing nais ng Diyos na manatili sa iyong puso para sa mga nakasakit sa iyo. Mateo 5:44 Awit 35: Corinto 10:5 SUMULAT NG PANALANGIN... Ipanalangin ang pinakamalalim na pangangailangan ng taong nakasakit sa iyo. 284

301 Araw 25 PAGHILOM SA PAMAMAGITAN NG PAGHAHARAP Higit sa lahat paigtingin ninyo ang pag-ibig para sa bawat isa, sapagkat ang pag-ibig ay nakapapawi ng mga kasalanan. 1 Pedro 4:8 [Basahin ang pahina ] May mga panahon na ang tanging paraan upang maghilom ay sa pamamagitan ng paghaharap o kumprontasyon. Madaling mahalin ang mga taong hindi nakagagawa ng kamalian sa ating paningin ito ang tinatawag na pagmamahalan sa isang pulot-gata ng mag-asawang bagong kasal (honeymoon love). Ibang usapan na kapag patuloy mong minamahal ang isang taong kinakitaan mo ng maraming pagkakamali, lalo pa nga kapag naging biktima ka niya. 285

302 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Palaging bahagi ng ating paglalakbay kasama ng Panginoon ang mahihirap na hamon ng buhay. Hindi natin matatakasan ang mga ito. Kailangan nating harapin, dahil bahagi ito ng proseso ng pagiging ganap o perpekto sa Kanya. Kung pipiliin mong takasan ang mga ito, tiyak na labis mong mahahadlangan ang iyong paglago. Habang napagtatagumpayan mo ang iba t ibang balakid, lalo kang magiging matibay at mahabagin. Lalo kang mapapa-ibig kay Hesus. Kapag dumadating ang mga paghihirap at hindi ka nakadarama ng ganito, marahil hindi ka pa nga naghihilom mula sa pagkakasalang nagawa sa iyo. Kailangan mong piliing maghilom at magbangon. May mga taong nasaktan at hindi na nakakabangon sapagkat iyon ang kanilang naging pasya. Kung nananatili kang nasasaktan dahil sa nakalipas na pagkakasalang nagawa sa iyo, nangyayari ito dahil pinili mong masaktan. Ang tanging paraan upang maghilom ay ang pagpapatawad. Pakawalan mo ang sakit at ang taong nakasakit sa iyo ng damdamin sa Panginoon. Ang kawalan ng habag sa iba ay nagmumula sa hindi pagpapatawad sa kanilang mga kahinaan. Nakadepende ang iyong espirituwal na paglago sa pagpayag mong harapin, patawarin, at kalimutan ang nakaraang mga pagkakasalang nagawa sa iyo. Natutuhan ni Hesus ang pagsunod sa pamamagitan ng mga bagay na Kanyang pinagdusahan. Natutuhan ni Pedro ang pagsunod sa pamamagitan ng mga bagay na kanyang pinagdusahan. Natutuhan din ni Pablo ang pagkamasunurin dahil sa mga bagay na kanyang pinagdusahan. Nakadepende ang iyong espirituwal na paglago sa pagpayag mong harapin, patawarin at kalimutan ang nakaraang mga pagkakasalang nagawa sa iyo. Ikaw? Natuto ka na ba? Bunga ng mga nagdaang sama ng loob at pagkatisod, ano ang nararamdaman mo sa ngayon? 286

303 Araw 25 Sa bawat hanay sa ibaba, lagyan ng tsek P ang angkop na kahon upang ipakita ang nararamdaman mo ngayon.. Naghilom na Nasaktang Damdamin Malaya Mapagpatawad Mapagmahal Maamo Maawain Mapagpakumbaba May mabuting kalooban Mapayapa Maligaya Magaling na Maginhawa na Mapagtanggap Mapagmataas Nabibigatan Hindi makapagpatawad Malamig makitungo Mapaghiganti Galit Malungkot Matigas ang kalooban Wasak Mapanghusga May kapaitan Mapagtanggi Kapag nilagyan mo ng mas maraming tsek (P) ang nasaktang damdamin kaysa naghilom na damdamin, tumigil na ang proseso ng iyong paggaling o paghihilom; hindi mo susundin ang pangunguna sa iyo ng Diyos at hindi ka magkakaroon ng espirituwal na paglago. Hindi madaling mangyayari ang espirituwal na paglago. Kung madali lang, matatamo ito ng lahat. Kakaunti ang nakaaabot sa antas na ito ng buhay dahil sa dami ng oposisyon. Nangingibabaw sa sanlibutan ang prinsipe ng kasamaan. (Efeso 2:2) Ang landas na tinatahak ng lipunan ay hindi makadiyos kundi makasarili. Bunga nito, dumaranas ng paghihirap ang mga Kristiyanong nais lumago kay Cristo dahil sa pagsalungat nila sa daloy ng pagiging makasarili na laganap sa sanlibutan. Tandaan ninyo, ang mag-alay ng buhay alang-alang kay Hesus, ay magkakamit nito. Ituon mo ang iyong mga espirituwal na mata sa ibubunga ng pinagdaraanan mong pakikibaka, hindi sa pakikibaka (1 Pedro 4:12 13). 287

304 Ang patibong ni Satanas devotional supplement SUMULAT NG PANALANGIN... Pasalamatan mo ang Diyos sa mga pagsubok at kapighatian na napagdaanan mo. Pasalamatan mo Siya sa paglagong ibinunga ng mga paghihirap na ito sa iyong buhay. 288

305 Araw 26 ang LAYUNIN: PAGKAKASUNDO Narinig ninyo noong sinabi sa atin noong unang panahon, Huwag kayong papatay, at ang sinumang papatay ay manganganib mahatulan. Ngunit sinasabi ko sa inyo, na sinumang galit sa kanyang kapatid nang walang sapat na dahilan ay masasailalim sa panganib ng paghuhukom... Unahin ninyong makipagkasundo muna kayo sa inyong kapatid, at saka kayo bumalik upang ihandog ang inyong kaloob. Mateo 5:21 22, 24 [Basahin ang pahina ] Sa Sermon sa Bundok, unang binanggit ni Hesus ang batas na nagwawasto sa ating panlabas na kilos. Pagkatapos, ipinakita Niya ang katuparan nito sa pamamagitan ng pagkonekta nito sa ating puso. (Mateo 5:21 22, 24.) Sa paningin ng Diyos ang mamamatay tao ay hindi limitado sa taong pumatay ito rin ay ang isang taong may kimkim na galit sa kanyang kapatid. Kung ano ka sa iyong puso, iyon ang tunay na ikaw! 289

306 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Malinaw na inilarawan ni Hesus ang mga resulta ng pagkakasala sa bahaging ito ng Kanyang sermon. Inilarawan Niya ang kalubhaan ng pagkikimkim ng galit o kapaitan. Kapag nagagalit ang isang tao sa kanyang kapatid nang walang dahilan, siya ay naganganib sa paghatol. Ipinakita ni Hesus sa kanila na mauuwi ang galit sa pagkapoot. Ang kapootan na hindi hinarap ay magdadala ng kapahamakan sa impiyerno. Hinikayat ni Hesus ang Kanyang mga alagad na pagsumikapang makipagkasundo bilang pangunahing tugon sa kasalanang nagawa sa kanila. Madaliin natin ang pakikipagkasundo, hindi para sa ating sariling kapakinabangan, kundi para sa kapakinabangan ng ating kapatid. Maaari tayong maging tagapanguna upang makatulong sa kanyang makalaya sa pagkakasala at pagkikimkim ng sama ng loob. Hindi pinahihintulutan ng pag-ibig ng Diyos na hayaan natin ang ating sarili na manatiling galit nang hindi pinagsumikapang mapanumbalik ang relasyon sa isa t isa. Maaaring wala tayong nagawang kamalian. Hindi mahalaga kung sino ang tama o mali. Higit na mahalaga para sa atin na tulungan ang kapatid nating natisod kaysa patunayan sa sarili natin na tayo ang tama. Kadalasan, hinuhusgahan natin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng ating intensyon at hinuhusgahan naman natin ang iba ayon sa kanilang mga aksyon. Gumawa ng listahan ng mga taong nagawan mo ng kasalanan at nakagawa sa iyo ng kasalanan. Sa bawat pangalan, isulat ang petsa at oras kung kailan ka makikipagkasundo sa kanila. Pangalan Petsa Oras 290

307 Araw 26 Kadalasan, hinuhusgahan natin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng ating intensyon at hinuhusgahan naman natin ang iba ayon sa kanilang mga aksyon. Posibleng iba ang ating intensyon sa ating sinasabi. Minsan, ang totoong motibo natin ay naikukubli maging sa ating mga sarili mismo. Nais nating paniwalaang ang ating mga intensyon ay wagas, ngunit habang sinasala natin ito sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, nakikita natin ang pagkakaiba. Kung nais mong makipagkasundo, hindi sapat ang maayos na motibo. Oras na upang lumapit sa iyong kapatid at makipagkasundo. Gagawin mo ba ito? SUMULAT NG PANALANGIN... Hilingin sa Diyos na bigyan ka Niya ng kapangyarihan ng pag-ibig at katapangan na lumapit at makipagkasundo sa sinumang nagkasala sa iyo. 291

308 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Araw 27 PAGHINGI NG tawad sa TAONG NASAKTAN Samakatuwid, hangarin natin ang mga bagay na makapagdudulot ng kapayapaan at mga bagay na magpapatibay sa bawat isa. Roma 14:19 [Basahin ang pahina ] Ipinapakita sa atin ng Roma 14:19 kung paano lapitan ang isang taong nagawan natin ng pagkakasala. Kapag lalapitan natin siya na taglay natin ang saloobin ng galit at pagka-inis, hindi natin maisusulong ang kapayapaan. Gagawin lang natin itong higit na mas mahirap para sa taong nasaktan. Pagsumikapan nating makamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapakumbaba na kapalit ng pagiging mapagmataas. Ito lamang ang tanging paraan upang maganap ng tunay na pakikipagkasundo. 292

309 Araw 27 Sa ilang pagkakataon na lumapit ako sa mga taong nasaktan ko o nagalit sa akin at pinagsalitaan nila ako. Pinagsabihan nila ako na makasarili, maramot, walang pakundangan, mapagmataas, walang galang, malupit, at marami pang iba. Ang karaniwang sagot ko sa kanila ay, Hindi, hindi ako ganoon. Hindi lamang ninyo ako nauunawaan! Ngunit kapag ipinagtatanggol ko ang aking sarili, lalo lamang silang nagngingitngit sa galit. Hindi ito pagsusumikap upang magkaroon ng kapayapaan. Ang ipagtanggol ang ating sarili at karapatan ay hindi magdudulot ng tunay na kapayapaan. Sa halip, natutuhan kong panatilihing nakatikom ang aking bibig hanggang masabi na nila ang nais nilang sabihin sa akin. Kapag hindi ako sumasang-ayon, ipinaaalam ko sa kanila na nirerespeto ko ang kanilang mga sinabi at sasaliksikin ko ang aking saloobin at mga intensiyon. Pagkatapos, hihingi ako ng kapatawaran dahil nasaktan ko ang kanilang damdamin. Ang karunungan mula sa Diyos ay handang magbigay at magparaya. May mga pagkakataon na tama sila sa kanilang pagtingin sa aking katauhan na tinatanggap ko naman sa pamamagitan ng pagsasabing, Ikaw ang tama. Patawarin mo ako. Alalahanin ang pinakahuling pagkakataon kung kailan ka humingi ng tawad sa isang tao. Sa maikling salita, ipakita mo ang pamamaraan na ginamit sa kanila. Bilugan ang kahit na anong kapalaluan na iyong nasabi o nagawa. Ang pagpapakumbaba ay pasimula ng pakikipagkasundo. Ang pagmamataas ay pagtatanggol sa sarili, ngunit ang pagpapakumbaba ay sumasang-ayon at nagsasabing, Ikaw ang tama. Patawarin mo ako. Basahin ang Santiago 3:17 at isulat ito sa iyong sariling pananalita. 293

310 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Ang karunungang mula sa Diyos ay handang magbigay at magparaya. Hindi ito nagmamatigas kapag may mga personal na hidwaan. Ang taong nagpapasakop sa karunungan ng Diyos ay hindi takot magbigay o magparaya sa pananaw ng iba, basta hindi ito lumalabag sa katotohanan. SUMULAT NG PANALANGIN... Hilingin sa Diyos na ihayag sa iyong puso ang mga pagkakasala at bigyan ka ng karunungan kung paano lumapit sa mga taong iyong nasaktan. 294

311 Araw 28 ang PAGLAPIT SA TAONG NAKASAKIT SA IYO Higit pa dito kapag nagkasala ang iyong kapatid laban sa iyo, lapitan mo siya at sabihin mo sa kanya ang kanyang kasalanan, sa pagitan ninyong dalawa lamang. Kapag pinakinggan ka niya, napanumbalik mo ang relasyon mo sa iyong kapatid. Mateo 18:15 [Basahin ang pahina ] Maraming tao ang mayroong saloobin, pananaw at aplikasyon ng Mateo 18:15 na iba sa ibig sabihin ni Hesus. Kapag nasaktan ang kalooban nila, lalapitan nila ang taong nakasakit sa kanilang kalooban sa espiritu ng galit at panunumbat. Ginagamit nila ang talatang nabanggit upang bigyang katarungan ang pagkundena nila sa taong nagkasala sa kanila. Subalit hindi nila nakita ang dahilan kung bakit itinuro ni Hesus sa atin na lapitan ang bawat isa. Ito ay hindi upang magkundena kundi para sa pagpapanumbalik at pakikipagkasundo. Hindi Niya sabihin natin sa ating kapatid at ipamukha sa kanya kung gaano siya kasama. Dapat nating alisin ang anumang humahadlang sa pagpapanumbalik ng ating relasyon. 295

312 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Ito ang paraan ng Diyos na kanyang ginagamit upang mapanumbalik tayo ng Diyos sa Kanya. Kahit na nagkasala tayo laban sa Diyos, ipinamalas sa atin ng Diyos ang Kanyang pag-ibig para sa atin, kung saan habang makasalanan pa tayo, namatay na si Cristo para sa atin. (Roma. 5:8) Pumapayag ba tayong tanggalan ang ating mga sarili ng proteksyon at mamatay sa ating pagmamataas upang makipagkasundo sa taong nagkasala sa atin? Inabot tayo ng Diyos bago pa tayo humingi ng kapatawaran. Nagdesisyon si Hesus na patawarin tayo bago pa natin inamin ang mga nagawa nating pagkakasala. Basahing mabuti ang Roma 5:6 11, at kumpletohin ang mga sumusunod na pangungusap: Nang abutin ako ng Diyos, ang kalagayan ko ay Sa pamamagitan ng pag-abot sa akin ng Diyos, ipinakita Niya Ang dahilan kung bakit niya ako inabot ay Nang inabot ako ng Diyos, natupad Niya Kahit Siya na mismo ang umabot sa atin, hindi mapanunumbalik ang relasyon natin sa Ama hanggang matanggap natin ang Kanyang pangakong pakikipagkasundo. Dapat nating tanggalin ang anumang humahadlang sa pagpapanumbalik ng ating relasyon. Sa Bagong Tipan, ipinangaral ng mga alagad na nagkasala ang mga tao laban sa Diyos. Ngunit bakit pa dapat nilang sabihan ang mga tao na sila ay nagkasala? Upang kundenahin sila? Hindi nagkukundena ang Diyos. Sapagkat hindi isinugo ng Diyos ang Kanyang Anak sa sanlibutan 296

313 Araw 28 upang parusahan ang sanlibutan, ngunit upang sa pamamagitan Niya ang sanlibutan ay maligtas. ( Juan 3:17) Ito ay upang dalhin sila sa punto kung saan mapapagtanto nila ang kanilang kalagayan, pagsisisihan nila ang kanilang kasalanan at hihingi sila ng kapatawaran. SUMULAT NG PANALANGIN... Pagsisihan mo ang mga kasalanang iyong nagawa at humingi ng tulong sa Diyos upang makipagkasundo ka sa sinumang nagawan mo ng kasalanan o nakagawa ng kasalanan sa iyo. 297

314 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Araw 29 ANG KABUUAN Hanggat maaari, depende sa inyo, makipamuhay kayo nang mapayapa sa lahat ng tao. Roma 12:18 [Basahin ang pahina ] Magtatagumpay tayo kapag pinapanatili nating motibasyon o layunin ang pag-ibig ng Diyos. Hindi nagmamaliw ang pag-ibig ng Diyos. Kapag minahal natin ang ating kapwa tulad ng pagmamahal ni Hesus sa atin, magiging malaya tayo, kahit ayaw makipagkasundo sa atin ng taong nasaktan natin o nakasakit sa atin. Sinabi ni Hesus, Hangga t maaari, dahil may mga pagkakataong tatanggi ang ating kapwa na makipagkasundo sa atin. O, kaya may mga ibang mga tao na ang mga kundisyon sa pakikipagkasundo ay nagiging dahilan makumpromiso ang relasyon natin sa Panginoon. Hindi posible ang pagpapanumbalik ng relasyon natin sa kanila dahil sa mga pangyayaring ito. 298

315 Araw 29 Sinabi ng Diyos,...depende sa inyo. Magagawa natin ang lahat upang makipagkasundo sa ating kapwa, basta mananatili tayo sa katotohanan. Madalas, sinusukuan kaagad natin ang ating mga relasyon Sinabi ni Hesus, Pinagpala ang tagapamayapa, sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos. (Mateo 5:9, may dagdag na diin) Hindi Niya sinabing, Mapalad ang mga tagapagpanatili ng kapayapaan. Pinipigilan ng isang tagapagpanatili ng kapayapaan ang kumprontasyon sa lahat ng paraan upang mapanatili ang kapapayapaan, kahit manganib na makumpromiso ang katotohanan. Ngunit hindi totoong kapayapaan ang nais niyang mapanatili. Ito ay walang saligan, paimbabaw at hindi magtatagal. Hindi nagmamaliw ang pag-ibig ng Diyos, hindi kailanman kumukupas at hindi kailanman nagwawakas. Ang tagapamayapa ay nakikipagharap na may pag-ibig, at nagbibigay daan sa katotohanan upang magkaroon ng pangmatagalang pakikipagkasundo. Hindi niya papanatilihin ang hindi tapat at paimbabaw na relasyon.nais niya ang isang relasyon na tapat, totoo at may wagas na pagmamahal. Hindi siya nagtatago ng sama ng loob sa likod ng isang mapagkunwaring ngiti.nais niyang makipagkasundo na may pag-ibig na hindi nagmamaliw. Gaano kaepektibo ang pagiging tagapamayapa mo? Nakalista sa ibaba ang ilan sa mga katangian ng tagapamayapa. Markahan ng x ang naaangkop na kahon. Ang mga Tagapamayapa ay... Maagap sa pakikinig qako ay qkailangan kong maging qako ay qkailangan kong maging Mapagpasensya Hindi madaling mapoot qako ay qkailangan kong maging qako ay qkailangan kong maging 299

316 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Mapagpatawad Mahinahon sa pagsasalita qako ay qkailangan kong maging qako ay qkailangan kong maging Bukas ang pag- iisip Masunurin qako ay qkailangan kong maging qako ay qkailangan kong maging May mahinang kalooban Nakikinig sa Diyos qako ay qkailangan kong maging qako ay qkailangan kong maging Matapat Mapagpakumbaba qako ay qkailangan kong maging qako ay qkailangan kong maging Ipinakita ni Hesus ang lahat ng mga katangiang ito. Kapag nananahan sa atin ang Espiritu ng Prinsipe ng Kapayapaan, may kapangyarihan tayo upang maging katulad Niya sa mga aspetong ito. Hindi Niya nais na mamatay ang sinuman. Ngunit hindi Niya ikukompromiso ang katotohanan para sa relasyon. Ang hinahangad Niya ay ang pakikipagkasundo na mayroong tunay na pinaghahawakang pangako, hindi lamang paimbabaw na kasunduan.ito ay bumubuo ng buklod ng pag-ibig na hindi mapaghihiwalay ng anumang kasamaan. Ibinuwis Niya ang Kanyang buhay para sa atin. Dapat natin Siyang tularan. Ang pag-ibig ay hindi nagwawakas, hindi kailanman nagmamaliw, hindi ito nagwawakas. hindi ito naghahangad ng sariling kapakinabangan, hindi madaling magalit at hindi nag-iisip ng masama. (1 Corinto 13.) 300

317 SUMULAT NG PANALANGIN... Araw 29 Hilingin sa Diyos na punuin ka ng Kanyang pag-ibig para sa iba lalo na para sa iyong mga kaaway at sa mga taong nakagawa ng kasalanan sa iyo. 301

318 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Araw 30 PAGGAWA NG AKSYON Samakatuwid, sa sinumang nakakabatid kung paano gumawa ng mabuti at hindi gumagawa nito, para sa kanya ito ay kasalanan. Santiago 4:17 [Basahin ang pahina ] Ngayon na ang panahon upang kumilos! Hilingin mo sa Panginoon na ipaalala sa iyo ang mga kasalanang itinago mo, nakalimutan mo o ipinagkaila mo. Hilingin mo sa Banal na Espiritu na samahan ka sa iyong nakaraan at ibalik sa isipan mo ang mga taong nagkasala sa iyo at nagawan mo ng kasalanan. Kapag batid mo na ang puso mo ay nilinis na ng Diyos sa mga nakalipas na sama ng loob at matibay na ito at tiwasay, maging matatag ka at labanan mo ang patibong ni satanas sa hinaharap. 302

319 Araw 30 Maging handa ka na manalangin at humingi ng kapatawaran. Paghandaan mo ang paglapit sa kanila nang may pagpapakumbaba upang humingi ng tawad at makipagkasundo. Gamitin mo ang panalangin sa pahina 202 bilang gabay mo sa pananalangin. Habang pinaghahandaan mo ang pananalangin, isulat mo ang mga katugunan mo sa mga sumusunod na pangungusap: Sa panahon ng tatlumpung araw na programang pang-debosyon na ito, ang pinakamahalagang natutuhan ko ay Kapag natukso ako sa patibong ni satanas, ako ay Ang susunod na hakbang na personal kong gagawin upang labanan ang sama ng loob ko sa ibang tao ay Ang unang taong hihingan ko ng tawad ay si Ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ko ng isang talaang pangaraw-araw spiritual journal ay Tungkol sa mga kasalanang nagawa ko sa kapwa o nagawa sa akin ng aking kapwa, kailangan kong ipanalangin sa bawat araw na 303

320 Ang patibong ni Satanas devotional supplement Kapag batid mo na ang puso mo ay nilinis na ng Diyos sa mga nakalipas na kasalanan at matibay na ito at tiwasay, maging matatag ka at labanan mo ang patibong ni satanas sa hinaharap. Basahin ang tungkol sa baluting kaloob ng Diyos sa Efeso 6: Magiging matagumpay ka at magtatagumpay ka sa iyong kaaway! SUMULAT NG PANALANGIN... Pasalamatan mo ang Diyos para sa partikular na proteksyon na ipinagkakaloob Niya sa iyo sa bawat bahagi ng espirituwal na baluti. 304

321 305 chapter title

322 Ang patibong ni Satanas 306

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila. Naniniwala Kami Ika-13 Aralin II ANG IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" 'I Paq-eralen ayon sa I11gatuntunin na nasa pasimula ng unang aralin. 1. Paano natin dapat pakitunguhan ang ating mga magulang? ~ Kinakailangang

More information

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay? Ika-14 na Aralin Naniniwala Kami Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. na 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay? ~ Hindi. Ang Panginoon ang may-ari ng buhay

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Taga Roma 15:5-7 Magkaisang Pag-iisip Aa Pag-aasawa ni Rev. Carl Haak Kaugalian na ng mga

More information

Ang Makisig at Hangal na Hari

Ang Makisig at Hangal na Hari Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata Ang Makisig at Hangal na Hari Isinulat ni: Edward Hughes Inilarawan nila: Janie Forest Isinalin ni: Dulia Penalber Ibinagay nila: Lyn Doerksen Kuwento Bilang 18

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Awit 139:19-22 Si Jehovah ang Dios na Nakakaalam ng Lahat: (5) Ang Ating Pagkapoot Sa Kanyang

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Corinto 10:31 "Mga Dapat Unahin Sa Pag-aasawa (1)" ni Prof. Barrett Gritters Ang Westminster

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Juan 11:25-26 "Ako ang Muling Pagkabuhay at ang Buhay ni Rev. Carl Haak Sa Juan 11:25, 26 sinabi

More information

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan? Tagalog NATIONAL STANDARDS sa pagbabasa, pagsusulat at matematika Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan? The New Zealand Curriculum Ano ang National Standards? Simula 2010, ang lahat ng mga paaralan

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Juan 12:24-26 "Namamatay Upang Mabuhay" ni Rev. Jai Mahtani Sa Juan 12:24 ay mababasa natin,

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Tesalonica 2:7-12 "Mga Ulirang Ama" ni Rev. Carl Haak Kung nakinig kayo sa ating programa

More information

ayon kay Marcos (Gospel of Mark)

ayon kay Marcos (Gospel of Mark) Ang Magandang Balita ayon kay Marcos (Gospel of Mark) Panimula 1 Ang Magandang Balita ayon kay Marcos ay nagsisimula sa pahayag na "Ito ang Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos."

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Roma 8:2 Kalayaan ni Rev. Carl Haak Ikaw ba ay malaya? Hindi ko tinatanong ang iyong katayuang

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Corinto 15:20 Ngayon si Cristo ay Binuhay ni Rev Rodney Kleyn Ngayon ay Linggo ng Pagkabuhay.

More information

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN Isang pribilehiyo para sa akin ang muling makabalik sa himpapawid para sa Reformed Witness Hour para sa darating na apat na

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Efeso 6:5-9 Ang Awtoridad Na Saklaw Sa Paggawa ni Rev. Wilbur G Bruinsma Ang buhay ay maraming

More information

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi) Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi) By Derick Parfan April 5, 2009 (Palm Sunday) Roma 6:1-11 Ano ngayon ang sasabihin natin? Patuloy ba tayong magkakasala

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Deuteronomio 4:9-10 "Magturo Bilang Isang Saksi" ni Rev. Jai Mahtani Sa ating mensahe ngayon

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Ruth 1:16 "Pananalita Sa Mga Mag-aasawa" ni Rev. Carl Haak Sa panahon natin ang tipan sa pag-aasawa

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Apocalipsis 21:4 "Hindi Na Magkakaroon Ng Kamatayan" ni Rev. Jai Mahtani At nakita ko ang isang

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Efeso 5:22-24 "Ang Pagkatawag Sa Mga Asawang Lalaki At Babae (2)" ni Rev. Ronald VanOverloop

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Juan 15:1 Manatili sa Kanya ni Rev. Carl Haak Sa ating nagdaang mga palatuntunan ating tiningnan

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Colosas 3:12-13 "Batas Pangkasuotan sa Pag-aasawa ni Rev. Carl Haak Paano itinuturing ng mag-asawang

More information

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

MAY KAAGAPAY KA NA BA? MAY KAAGAPAY KA NA BA? By Derick Parfan March 21, 2010 GAWA 2:41-47 Kaya't ang mga tumanggap sa sinabi [ni Pedro] ay nagpabautismo, at nadagdagan ang mga alagad ng may tatlong libong katao nang araw na

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Timoteo 4:12 Huwag Hamakin Ng Sinuman Ang Kabataan Ng Tipan ni Rev. Carl Haak Ang sipi ng

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Ruth 4:13-22 Isang Pinagpalang Wakas Sa Isang Magandang Aklat ni Rev Rodney Kleyn Ngayon tayo

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Lucas 11:1 Ang Pribilehiyo at Pangangailangan ng Pananalangin ni Rev. Rodney Kleyn Kumusta

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Lucas 11:2 (d) Mangyari Nawa Ang Kalooban ng Dios ni Rev. Rodney Kleyn Sa ating pagsisimula

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mateo 5:13-16 "Mamuhay Bilang Ilaw Ng Ebanghelyo" ni Rev. Carl Haak Ngayon sisimulan natin

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Roma 8:18 "Ang Kasalukuyang Pagtitiis ay Tinimbang sa Walang Hanggang Kaluwalhatian" ni

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Eclesiastes 7:1 "Ang Mas Mabuting Buhay na Darating" ni Rev. Carl Haak Noong mga nakaraang

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Awit 144:11-12 Ang Ating Panalangin Para Sa Ating Mga Anak ni Rev. Carl Haak Ano ang pinakanais

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Ecclesiastes 7:1 Ang Mas Mabuting Buhay sa Hinaharap ni Rev Carl J Haak Sa nakaraang mga linggo

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mateo 24:12-13 "Pagtitiis Sa Lapastangang Panahon" ni Rev. Carl Haak Ngayon ay magsisimula

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mateo 5:14-16 Kayo Ang Ilaw Ng Sanglibutan ni Rev. Rodney Kleyn Sa ating pagsisimula ng bagong

More information

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE) Page 1 of 16 A CLOUD INFORMATION SYSTEM FOR DISASTER PREPAREDNESS GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE) UPDATED: NOVEMBER 2016 No pa r t of this publica tio n m ay be re pro duce

More information

FOR FREEDOM CHRIST HAS SET US FREE

FOR FREEDOM CHRIST HAS SET US FREE FOR FREEDOM CHRIST HAS SET US FREE Celebrating the Cross of Christ (An Exposition of Galatians) By Derick Parfan April 11, 2010 GALATIANS 5:1-12 (ESV) For freedom Christ has set us free; stand firm therefore,

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores II Corinto 8 Pag-alaala sa Ekonomiyang Reformed ni Rev. Carl Haak Pagkatanggal sa trabaho,

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Efeso 5:22-24 "Ang Pagpapasakop Ng Asawang Babae Sa Kanyang Asawa ni Rev. Carl Haak Babalikan

More information

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano? Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano? Sabi ni Jesus, Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin.

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Efeso 5:23 "Ang Asawang Lalaki Ang Ulo Ng Kanyang Asawa ni Rev. Carl Haak Nais nating magbalik-aral

More information

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano? Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano? Sabi ni Jesus, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. (Juan 14:6) Following Jesus (Student

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Efeso 5:31-32 "Ang Hiwaga Ng Pag-aasawa" ni Rev. Wilber G. Bruinsma May paraang tiyak sa buhay

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Pedro 3:5-6 Isang Magandang Halimbawa Ng Walang-takot Na Pagpapasakop ni Rev Carl J Haak

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores II Corinto 5:1 "Pauwi Na ni Rev. Carl Haak Sa araw na ito ay nais kong isaalang-alang na kasama

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Pedro 3:3-4 "Ang Kagandahan ng Babaeng Cristiano (2)" ni Rev. Carl Haak Kung kasama namin

More information

Si Hesus at Si Zaqueo

Si Hesus at Si Zaqueo Biblia Para sa mga Bata Ihinahalad Si Hesus at Si Zaqueo Sinulat ni: Edward Hughes Ilinarawan ni: Janie Forest Ibinagay ni: Ruth Klassen Isinalin ni: Dulia Penalber Yinari ni: Bible for Children www.m1914.org

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Filipos 3:8 "Kalugihan Upang Magkamit ni Rev. Wilbur Bruinsma Sa Filipos 3:8, si apostol Pablo

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Lucas 2:19 "Pagbulay-bulayan Ang Cristong Sanggol Sa Iyong Puso ni Rev. Carl Haak Mababasa

More information

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7 Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7 Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga taong pumapatay ng katawan at wala nang kayang gawin maliban dito. Sasabihin

More information

BALIWAG BIBLE CHRISTIAN CHURCH We exist to build local and global GRACE-communities of committed followers of Christ for the glory of God.

BALIWAG BIBLE CHRISTIAN CHURCH We exist to build local and global GRACE-communities of committed followers of Christ for the glory of God. Ang sulat ni Pablo sa mga taga Galacia Gabay sa pag-aaral ng Bibliya ng Kaagapay Group Ako'y ipinakong kasama ni Cristo at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin, at ang buhay

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Juan 3:16 "Ang Tanging Paliwanag Sa Pasko" ni Rev. Carl Haak Ang Lucas 2 ang pinaka detalyadong

More information

Galacia 1:1-5. Pagsasaliksik. Pagsasabuhay

Galacia 1:1-5. Pagsasaliksik. Pagsasabuhay Lesson 1 Grace to Us and Glory to God Galacia 1:1-5 Si Pablo na apostol - hindi mula sa mga tao, o sa pamamagitan man ng tao, kundi sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, at ng Diyos Ama, na muling bumuhay sa

More information

Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27

Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27 Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27 Not everyone who says to me, Lord, Lord, will enter the kingdom of heaven, but the one who does the will of my Father who is

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Genesis 42:1-25 Ang Landas Ng Pagkakasundo ni Rev Rodney Kleyn Ating ipagpapatuloy ngayon ang

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Juan 19:30 Natupad Na ni Rev. Jai Mahtani Nang matanggap ni Jesus ang suka ay sinabi niya,

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Habakkuk 3:17-19 Gayon Ma y Magagalak Ako Sa Panginoon ni Rev. Carl Haak Bilang mga anak ng

More information

WORSHIP GOD IN SPIRIT AND TRUTH

WORSHIP GOD IN SPIRIT AND TRUTH WORSHIP GOD IN SPIRIT AND TRUTH October 17, 2010 By Derick Parfan Scripture: John 4:19-26 The woman said to him, Sir, I perceive that you are a prophet. 20 Our fathers worshiped on this mountain, but you

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Awit 119:11 "Ating Iniingatan Ang Salita Ng Dios Sa Ating Mga Puso" ni Rev. Carl Haak Ang Salita

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Lucas 12:13-21 "Ang Mayamang Hangal" ni Rev. Jai Mahtani Noong nakaraan sinimulan natin ang

More information

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit Paaralang Pampurok ng Anchorage Talaan ng Nilalaman Paano Makapag-akses sa ParentConnection... 2 Tuloy Po Mga Magulang!... 2 Mga Rekisito sa Computer... 2 Paghahanap

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Mga Cronica 12:32 "Mga Lalaki sa mga Panahong Ito" ni Rev. Carl Haak Ang mga kalalakihan

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Awit 32:5 "Ipinahahayag Ang Aking Kasalanan ni Rev. Wilbur Bruinsma Ang sitas ng Salita ng

More information

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1 Our Father in Heaven Series: Prayer Rocks the World By Derick Parfan July 5, 2009 Matthew 6:9-13 (ESV) 1 Pray then like this: Our Father in heaven, hallowed be your name. Your kingdom come, your will be

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Nehemias 3 Nehemias: Ang Taong-bayan Ay May Isang Pag-iisip Sa Paggawa ni Rev. Carl J Haak

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Tito 2:11-12 Ang Pagpapakita Ng Biyaya Ng Dios ni Rev. Carl Haak Ang Reformed Witness Hour

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mateo 7:13-14 Pagpasok Sa Kaharian Sa Pamamagitan Ng Makipot Na Pintuan ni Rev. Carl Haak Ang

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Exodo 13:17-22 "Ang Matalinong Pag-akay Ng Dios Sa Kanyang Iglesia" ni Rev. Carl Haak Anong

More information

Lesson 11: GOD S GUARANTEED PROTECTION: DELIVER US FROM EVIL Series: PRAYER ROCKS THE WORLD

Lesson 11: GOD S GUARANTEED PROTECTION: DELIVER US FROM EVIL Series: PRAYER ROCKS THE WORLD Mateo 6:9-13 Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang pangalan mo. 10 Dumating nawa ang kaharian mo. Masunod nawa ang kalooban mo, kung paano sa langit, gayundin naman sa lupa. 11 Bigyan mo kami ngayon

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Jonas 3:10 Ang Pakikitungo Ng Dios Sa Mga Nagsising Makasalanan ni Rev. Carl Haak Atin muling

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Genesis 43:15-44-13 Mapagmahal Na Disiplina ni Rev Rodney Kleyn Sa lahat ng mga kasaysayan

More information

Liksyon 8 para sa Nobyembre 25, 2017 SINO ANG TAO SA ROMA 7?

Liksyon 8 para sa Nobyembre 25, 2017 SINO ANG TAO SA ROMA 7? Liksyon 8 para sa Nobyembre 25, 2017 SINO ANG TAO SA ROMA 7? Basahin ang Roma 7:1-6 Kung nais nating maunawaan nang maayos ang pagkukumpara, kailangan nating alalahanin ang konteksto ng sulat ni Pablo

More information

Pagsasanay sa Filipino

Pagsasanay sa Filipino Pagsasanay sa Filipino Pangalan Petsa Marka Paggamit ng Pang-angkop Kakayahan: Naipagsasama ang mga salita gamit ang pang-angkop A. Bumuo ng parirala mula sa dalawang salitang ibinigay sa pamamagitan ng

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Marcos 15:39 "Tunay Na Ito Ang Anak Ng Dios! " ni Rev. Carl Haak Ilang sandali bago ang Kanyang

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Awit 128:5-6 Ang Iglesia At Ang Pamilya ni Rev Wilbur Bruinsma Panimula Sa ating palatuntunan

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Exodo 36:4-7 "Higit Kaysa Kailangan" ni Rev. Carl Haak Doon sa dakilang kapitulo tungkol sa

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Corinto 16:15-18 "Itinalaga Sa Paglilingkod Sa Mga Banal" ni Rev. Carl Haak Nahumaling. Nakawit.

More information

BANAL NA PAGBABASA PARA SA PAMILYA

BANAL NA PAGBABASA PARA SA PAMILYA BANAL NA PAGBABASA PARA SA PAMILYA Ang banal na pagbabasbas ni Papa Francisco Na may pagtangkilik ng: Banal na Pagbabasa para sa Pamilya Ang Salita ng Dios ang pinagmumulan ng buhay at espiritualidad

More information

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

God s Electing Love (Mal. 1:1-5) God s Electing Love (Mal. 1:1-5) pastorderick.com /2015/02/08/gods-electing-love-mal-11-5/ Hindi ko alam kung anong nangyayari sa buhay ninyo ngayon. Pero kung tinitingnan n yo ang mga magagandang nangyayari

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Awit 119:105 Banal Na Kasulatan: (1) Liwanag Sa Aking Landas ni Rev. Doug Kuiper Alam nating

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Roma 8:1 Ngayo y Wala Nang Kahatulan ni Rev. Carl Haak Ang pinakamalaking panganib na ating

More information

TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 PAGSUSULIT ARALIN I "ANG BIBLIA"

TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 PAGSUSULIT ARALIN I ANG BIBLIA "NANINIWALA KAMI" TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 ARALIN I "ANG BIBLIA" Petsa _ Isulat nang malinaw: Pangalan Tirahan 1.

More information

ANG EBANGHELYO NI THOMAS UNVEILED

ANG EBANGHELYO NI THOMAS UNVEILED ANG EBANGHELYO NI THOMAS UNVEILED Ang interpretasyon ng Robert Ferrell www.scriptural-truth.com Paunang salita) ito ay ang mahiwaga kasabihan na si Jesus, ang pamumuhay, nagsasalita, at kung aling mga

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores II Corinto 9:5-8 Ang Biyaya ng Pagbibigay ni Rev. Carl Haak Sa mga panahong ang ekonomiya ay

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Roma 9:21 "Ang Banal Nating Magpapalayok ni Rev. Wilbur Bruinsma Ang katotohanan ng soberanong

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Isaias 52:13-15 Ang Kanyang Tagumpay sa Pagdurusa ni Rev. Rodney Kleyn Hinihiling ko na buksan

More information

Pagaaral - 6 ANG PAGPASOK SA KAHARIAN

Pagaaral - 6 ANG PAGPASOK SA KAHARIAN BAGONG LIWANAG NG KAHARIAN Pagaaral - 6 ANG PAGPASOK SA KAHARIAN paunang salita Marami sa atin ang tinuruan na tayo y maliligtas lamang kung tayo y sasapi sa isang iglesia at ating susundin ang anu-anong

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mateo 6:25-26 Ang Kahibangan ng Pagkabalisa ni Rev. Wilbur Bruinsma Sa Mateo, mga kabanatang

More information

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot Petsa ng pagbabago 8/1/2018 Ang Santa Clara Family Health Plan (SCFHP)

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Hebreo 1:4ss "Sambahin Siya Ng Lahat Ng Mga Anghel Ng Dios ni Rev. Carl Haak Sa ating programa

More information

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP ang mga aklat ng biblia MGA PAGPAPAHALAGA MAY MAGANDANG UGALI A N G B A G O N G T I PA N CLARET PUBLISHING GROUP ISBN 978-1-62337-143-2 9 781623 371432 ang mga ng aklat biblia A N G B A G O N G T I PA

More information

Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata. Si Jonas at ang Malaking Isda

Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata. Si Jonas at ang Malaking Isda Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata Si Jonas at ang Malaking Isda Isinulat ni: Edward Hughes Inilarawan ni: Jonathan Hay Ibinagay ni: Mary-Anne S. Isinalin ni: Christine Cornejo Inilimbag at ipinamamahagi

More information

- 2 -

- 2 - - 2 - - 3 - - 4 - - 5 - Karapatang Pagmamay-ari 2003, 2007 Joyce Meyer Lahat ng mga karapatan. Alinsunod sa U.S/ Copyright Act of 1976, ang pag-scan, pagupload, at electronic na pamamahagi ng alinmang

More information

Ang Layunin ng Diyos sa Iyong Buhay

Ang Layunin ng Diyos sa Iyong Buhay Ang Layunin ng Diyos sa Iyong Buhay May plano ang Diyos sa buhay mo. Nagsimula ang planong ito bago pa man Niya nilikha ang mundo. Basahin sa Awit 111: Purihin si Yahweh! Buong puso siyang pasasalamatan,

More information

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Efeso 2:20-22 Ang Nag-iisang Pundasyon ng Iglesia ni Rev Wilbur G Bruinsma Sa nakaraan nating

More information

Lumapit Kayo sa Akin. July 25, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 11:25-30

Lumapit Kayo sa Akin. July 25, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 11:25-30 Lumapit Kayo sa Akin July 25, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 11:25-30 At that time Jesus declared, I thank you, Father, Lord of heaven and earth, that you have hidden these things from the wise

More information

TATLONG URI NG MGA MA NA NAMPALATAYA

TATLONG URI NG MGA MA NA NAMPALATAYA TATLONG URI NG MGA MA NA NAMPALATAYA Iyukod natin ang ating mga ulo. Habang nakayukod ang, ating mga ulo, at ang ating mga puso, ilan kaya ang nagnanais na maalaala sa panalangin, na itaas lamang ang inyong

More information

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano? Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano? Sabi ni Jesus, Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin.

More information

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika 4 Batas-trapiko 4-1 Batas-trapiko sa Japan May mga batas-trapiko para sa mga taong naglalakad, sasakyan, motorsiklo, bisikleta at iba pa sa Japan. Tandaan ang mga batas-trapikong ito sa pinakamadaling

More information

Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya.

Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya. Markos 9:24 EDISYONG FILIPINO Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya. LIHAM NG PASTOL Buhat kay Obispo Paul Hinder, OFM Cap. Bikaryo Apostoliko ng Timog Arabia Para sa TAON

More information