Ang Gabay na ito ay inilikha ng No One is Illegal at ng Immigration Legal Committee at suportado ng African-Canadian Legal Clinic.

Similar documents
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

EMERGENCY TOOLKIT 2017

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Isang Guide para sa Naturalisasyon

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Sa mga magulang na babiyahe dala ang kanilang mga anak patungo sa ibang bansa Sa mga magulang na pabalik ng Japan dala ang kanilang mga anak

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

Atlantic Health System

APPLICATION PARA SA CALFRESH, TULONG NA PERA, AT/O MEDI-CAL/MGA PROGRAMA SA PANGANGALAGA SA KALUSUGAN

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Koleksiyon ng mga kailangan at

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

RIVERSIDE TRANSIT AGENCY PAMAMARAAN SA IMBESTIGASYON NG REKLAMO NG TITLE VI

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

GRADE VI GAMIT NG GRID

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

Direktoryo ng Provider at Parmasya

Unang Hakbang MGA INIAATAS NA KUWALIPIKASYON

Radiofrequency Ablation Para sa Paggamot ng mga Solidong Tumor

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Ang Makisig at Hangal na Hari

Medi-Cal. Taon ng Benepisyo Handbook ng Miyembro ng Medi-Cal para sa

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) Title VI

Ang lahat ng iba pang impormasyon at benepisyo ay hindi magbabago gaya ng isinasaad sa inyong 2016 na Handbook ng Miyembro.

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

Balita Mula sa Kumamoto Bar Association

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Ang Bagong Sistema ng mga Karapatang Pantao ng Ontario

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

2018 Buod ng Mga Benepisyo

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

Opisina ng Pagtatanggol para sa Saykayatrikong Pasyente

Pang-aabusong Sekswal sa Kulungan: Isang Pandaigdigang Krisis sa Karapatang Pantao

Magplano ng maaga para sa mga hinaharap na pagdedesisyon sa legal, kalusugan at pinansiyal

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Violence Against Women and Children

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

Pamamahala sa Social Security Mahalagang Impormasyon

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

BUMALIK SA MGA NILALAMAN. Gabay sa Pangingibang Bansa Para sa mga First-Time Domestic Helpers: HONG KONG SAR

Financial Assistance Documents

Ang Proyektong Integrasyon ng mga Imigrante sa San Francisco

Gabay para sa mga Lider

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Iba pang mga wika at format

m~öäáäá=åö=fåóçåö=rå~åö _~Ü~ó=ë~=`~å~Ç~ Ano ang Kinakailangang Malaman ng Bagong Dating

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika. Kapag nais magmaneho ng sasakyan sa Japan

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Petsa ng simula ng paghihintay (MM/DD/YYYY)

NOTISYA NG MGA PRIBADONG KASANAYAN

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Rehistrasyon Dagdagan ang nalalaman sa 350 S. Oak Harbor St., Oak Harbor, WA

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Advance Directive - ALASKA

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

Pamamatnubay na Palakad sa Paaralan para sa mga Magulang na Baguhan

Lumapit Kayo sa Akin. July 25, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 11:25-30

Transcription:

Karapatan sa Duungan ng mga Repyugi Gabay upang malaman ng mga hindi mamamayan ng Estados Unidos ang kanilang mga karapatan na gumawa ng Repyugi Kleym sa Canada. Kayo ay may karapatang humiling ng kaligtasan para sa inyo at inyong pamilya. Ang Gabay na ito ay magbibigay ng impormasyon na susuporta ng inyong mga desisyon. Ito ay pangkalahatang impormasyon lamang at hindi mga payong legal. Maraming espesipikong detalye na kailangang isa-alangalang na karagdagan sa mga impormasyon na ibinigay dito, kaya kung maaari, kumonsulta ng isang abogado. Ang Gabay na ito ay inilikha ng No One is Illegal at ng Immigration Legal Committee at suportado ng African-Canadian Legal Clinic. Pagdating sa pamamagitan ng isang Duungan Ang duungan ay lugar kung saan kayo maaaring pumasok sa Canada ng legal. Sa duungang-lupa may mga taong naglalakad, nakasakay sa bisikleta, bus, tren o mga iba pang sasakyan na pumapasok sa Canada galing sa Estados Unidos. Ang ibang mga duungan ay ang mga paliparan at mga duungang-dagat. Ang Canada at ang Estados Unidos ay pumirma ng isang kasunduan na tinawag na Safe Third Country Agreement (STCA). Pinagbabawal nito ang maraming tao na angkinin ang Repyugi Istatus sa Canada kung sila ay dumating sa saan mang duungang-lupa na legal. May tatlong pangunahing eksepsyon sa pagbabawal na ito. Kung kayo ay dumating sa pamamagitan ng duungang-lupa, may pagkakataon kayong gumawa ng Repyudyi Kleym. 21/5000 1) Kayo ay maaaring humiling ng Repyudyi Kleym kung kayo ay dumating sa duungang-lupa at kayo ay may pamilya sa Canada gaya ng mag-asawang mag-kaibang kasarian o mag-asawang mag-katulad na kasarian, mag-asawang komon, legal na protektor (kung ang humuhiling ay batang wala pa sa 18 ang gulang), anak, magulang, kapatid, lolo o lola, apo, tiyo o tiya, o pamangkin. Hindi lahat ng mga miyembro ng pamilya ay kwalipikado. Pagdating ninyo, kailangang patunayan sa Opisyal ng Imigrasyon na ang miyembro ng pamilya ninyo ay nasa Canada at sila ay may Imigreysyon Istatus dito. Ang Imigreysyon Istatus sa Canada ay nangangahulugan na sila ay may Repyugi Kleym o may Katayuan ng Pagtatasa bago Paalisin sa Canada, ay Permanenteng Residente o Mamamayan ng Canada, ay taong tinanggalan na ng Utos na Pinapaalis sa Bansa, ay taong may balidong pahintulot na mag-aral o 1

pahintulot na mag-trabaho, o taong humiling ng Repyugi Kleym na kasalukuyang pino-proseso. Dapat nasa inyo ang numero ng telepono, adres, at emayl ng myembro ng inyong pamilya (maaring tawagan sila ng Opiser upang tanungin). Maaaring kailangan nila ng mga dokumentong nag-papatunay ng inyong relasyon sa kanila at ng estado nila sa Canada. 2) Maaari din na kayo ay kwalipikadong gumawa ng Repyugi Kleym pagdating ninyo sa duungang-lupa kung kayo ay menor de edad na walang kasama. Ang ibig sabihin nito ay kayo ay bata pa sa 18 anyos na walang asawa at hindi papuntang Canada na may kasamang mga magulang, at walang mga magulang o legal na protektor sa Canada o sa Estados Unidos. 3) Maaari ding kayo ay kwalipikadong gumawa ng Repyugi Kleym pagdating ninyo sa duungang-lupa kung kayo ay may balidong bisa o trabel dokyument upang kayo ay maka-pasok sa Canada, o may balidong pahintulot na maghanap-buhay o balidong pahintulot na mag-aral, o kayo ay galing sa isang bansa na hindi nangnagangailangan ng bisa upang pumasok sa Canada. Kung dumating kayo sa pamamagitan ng eroplano o bangka, kayo ay hindi ibinukod sa ilalim ng STCA at maaari ninyong simulan ang applikasyon ng Repyugi Kleym sa duungan maliban lamang kung kayo ay hindi nabigyan ng Repyugi Istatus sa Estados Unidos at dumadaan sa Canada pagkatapos na kayo ay idineporta ng Estados Unidos. Ang pagsasagawa ng Repyugi Kleym sa Duungan Kung kayo ay pinayagang pumasok sa Canada dahil sa mga eksepsyon ng STCA o dahil kayo ay dumating sa pamamagitan ng Paliparan or Duungang-dagat, kayo ay kakausapin ng Opiser sa duungan at siya ay ang mag-dedesisyon kung maaari na ninyong umpisahan ang inyong aplikasyon ng Repyugi Istatus (kwalipikado nang mag-aplay ng Repyugi Kleym ). Kayo ay maaaring payagan ng Opiser na mag-aplay ng Repyugi Kleym kaagad, o payagang pumasok sa Canada at bumalik sa ibang araw upang kapayanamin. Maaari ding kayo ay ilagay ng Opiser sa detensyon o bilangguan upang siya ay makakuha ng karagdagang impormasyon. Ang ibang mga dahilan kung bakit maaring hindi kayo payagan mag-aplay ng Repyugi Kleym ay (1) kung kayo ay may Repyugi Istatus sa ibang bansa na mababalikan ninyo, (2) may Repyugi Kleym na kayo sa Canada at ito ay itinanggi, binawi, inabandona, o hindi pinahintulutang ipag-patuloy, o (3) ikaw ay itinuring na hindi matatanggap at ikaw ay natagpuang banta sa seguridad at may nagawang mga seryosong krimen. Kung kayo ay payagan ng Opiser na mag-aplay ng Repyugi Kleym, kayo ay 2

bibigyan ng Dokumentong Nag-proprotekta ng Repyugi Kleymant na inyong magagamit upang makakuha ng Pangangalaga sa Kalusugan at/o Welpeyr at kayo ay maaaring humiling ng balidong pahintulot na maghanapbuhay. Kayo ay bibigyan din ng importanteng dokumentong na tinatawag na Batayan ng Paghahabol. Maging handa. Kailangan ninyong kumpletuhin ang dokumentong ito at tiyakin na ito ay matanggap ng Lupon ng Imigrasyon at Repyugi sa loob ng 15 araw. Humingi ng tulong kung maaari upang ito ay makumpleto at tiyaking isama ang lahat ng impormasyon tungkol sa inyong kahilingan. Pagpasok sa Canada sa lugar na bukod sa karaniwang Duungan Maraming tao ang dumadating sa Canada sa pamamagitan ng Duungang-lupa o opisyal na tawiran ng border. Ito ay hindi bawal, pero maaaring kayo ay pigilan. Kung kayo ay pigilan o hulihin ng pulis o ng Canadian Immigration Enforcement, sabihin kaagad na ang buhay ninyo ay nasa panganib sa inyong bansang pinagmulan. Kapag kayo ay nasa Canada na, kayo ay makakagawa ng legal na Repyugi Kleym sa Canada Border Services Agency o saan mang opisina ng Immigration, Refugees, and Citizenship Canada (cic.gc.ca). Kayo ay bibigyan ng mga dokumento sa opisinang ito. Hindi kayo magkakaroon ng Pangangalaga sa Kalusugan, Serbisyong Panglipunan, o makaka-apply ng Balidong Pahintulot na Maghanapbuhay hanggang makabalik kayo sa opisinang ito na daladala ang ikinumpletong mga dokumento, Ito ay tinatawag na in-land claim. Maingat na paghandaan ito dahil ito ay ang batayan ng inyong hinihiling at ipapadala ito sa taong mag-huhusga ng inyong Repyugi Kleym. Protektahan ang sarili Anuman ang sabihin ninyo sa mga Opisyal ng Immigration Enforcement (Canada Border Services Agency), at posibleng sa mga pulis, ay magiging bahagi ng inyong Repyugi Kleym at maaaring kayo ay tanungin sa inyong Repyugi Hiring sa darating na mga araw. Sikapin na isama ang maraming detalye kung bakit kayo natatakot bumalik sa inyong bansang pinagmulan. Ang pagbibigay ng impormasyon na matatagpuang hindi totoo o ang kaligtaan ang impormasyon na mahalaga, ay maaaring makaapekto kung paniniwalaan o hindi ang inyong kwento sa ibang pagkakataon. Dapat kayong humingi ng payo (sa abogado o sa mga lisensyadong Imigreysyon Konsultant) upang matulungan kayong makumpleto ang inyong mga dokumento at ang inyong Repyugi Aplikeysyon. May mga abogado at mga Imigreysyon Konsultant na masama ang mga ugali kaya sikapin na humingi ng Listahan ng 3

mga Abogado o mga Imigreysyon Konsultant sa pinagkakatiwalaan na pinagkukunan o sa ahensyang pang-komunidad. Makipag-usap sa isang abogado bago kayo bumyahe. Kapag kayo ay nasa Canada na, maaaring kayo ay may kwalipikasyong mabigyan ng libreng legal na tulong na tinatawag na Legal Aid. Kung ang taong tumutulong sa inyong pagtawid ay binabayaran ninyo, maaaring sila ay ihabla ng Kriminal o ng Krimen na may kinalaman sa imigrasyon. Kailangang tiyakin ng mga tumutulong sa mga taong tumatawid na ginagawa nila ito dahil sila ay makatao lamang at walang benepisyong material para sa kanila. Kung tinutulungan ninyo ang mga Repyuging makapasok sa Canada, kumuha ng payong legal Maaaring kayo ay iwan sa pook ng Canada na malayong malayo na walang mga mapa, matitirahan, o suporta. Sa taglamig (Oktubre hanggang Abril sa ilang mga dako ng Canada) maaaring dumanas ng malubhang problema sa kalusugan kung kayo ay nasa labas ng sandali man o ng matagal. Magdala ng maraming kasuutan para sa taglamig, tubig, pagkain, at makakapal na medyas at gwantes. Dalhin ang inyong mga cell phone at tiyakin na kayo ay makakatawag sa mga lugar na may Roming. Kapag may emerdyensi, madalas na kayo ay makakatawag sa 911 sa loob ng Canada gayun man, maaaring dumating din ang mga pulis. Makakakuha ng higit pang impormasyon tungkol sa Prosesong Repyugi sa: http://refugee.cleo.on.ca/en/refugee-claim-flowchart I-download at i-repost nang malawakan. May mga tanong ba kayo? Mangyaring magpadala ng emayl sa nooneisillegal@riseup.net Ang legal na Gabay na ito ay limitado sa Batas ng Repyugi sa Canada. Ito ang nangingibabaw na sistemang legal na ginagamit ng mga Repyugi Kleymants. Hinihimok namin na unawain ng mga bagong-dating na ang lahat ng lupain ng Canada ay lupain ng mga Katutubong Tao. *Kahulugan sa Inggles at Tagalog ng ilang mga Terminolohiya o mga Ahensya nna ginamit sa Gabay na ito: NOII (No One is Illegal)- Walang Sinumang Pinagbabawal Immigration Legal Committee- Komiteng Legal ng Imigrasyon African-Canadian Legal Clinic- Klinaka na Ligal ng Aprikano- Kaneydyan Border Rights for Refugees-Karapatan sa Duungan ng mga Repyugi ( Manlilikas) Sea Port or Water Port-Duungang-dagat Land Port of Entry- Duungang-lupa Refugee Claim- Kahilingang Manlilikas, Repyugi Kleym Legal Guardian- Legal na Tagpangalaga o Legal na Protektor Study Permit- Balidong Pahintulot na Mag-aral Work Permit-Balidong Pahintulot na Maghanap-buhay Assessment- Pagtatasa Legal Aid- Tulong na Legal 4

Removal Order- Utos na Pinapaalis sa Bansa Canadian Refugee Law- Batas ng Repyugi sa Canada Refugee Protection Claimant Document- Dokumentong Nag-proprotekta ng Repyugi Kleymant Healthcare or Welfare- Pangangalaga sa Kalusugan o Welpeyr Basis of Claim- Batayan ng Paghahabol Immigration and Refugee Board-Lupon ng Imigrasyon at Repyugi Social Services- Mga Serbisyong Panlipunan Pre-Removal Risk Assessment- Katayuan ng Pagtatasa Bago Paalisin sa Canada Indigenous Lands- Lupain ng mga Katutubong Tao sa Canada Canadian Citizen- Mamamayan ng Canada Permanent Resident- Permanenteng Residente 5