Kanser sa Balat. Skin Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Similar documents
Kanser sa Prostata. Prostate Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Kanser sa Suso. Breast Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Kanser sa Cervix. Cervical Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Kanser sa Sikmura. Stomach Cancer / Tagalog Copyright 2018 Hospital Authority. All rights reserved 1

Maaaring magdusa ang sinuman mula sa glaucoma. Gayunman, mas mataas ang panganib sa mga mas matandang tao.

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Talamak na Paghina ng Bato

Dementia. DEMENTIA / Tagalog Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 1

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Sakit sa Ugat ng Puso

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Depresyon. Depression / Tagalog Copyright 2018 Hospital Authority. All rights reserved 1

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

GRADE VI GAMIT NG GRID

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

Kabanata 3. Sa kabanatang ito: 32 Ang Sistemang Medikal. Ang Sistemang Medikal Mga importanteng serbisyong pangkalusugan...

Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

Tamang uri ng pamumuhay

Radiofrequency Ablation Para sa Paggamot ng mga Solidong Tumor

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Advance Directive - ALASKA

Health TALK. Naarawan BUNTIS? Ano ang ibig sabihin ng bilang ng SPF sa sunscreen ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

2014 NATIONAL POISON PREVENTION WEEK. Heavy metals?

SUUNTO SPARTAN SPORT WRIST HR 2.0 GABAY SA USER

Atlantic Health System

Transjugular Intrahepatic Portosystemic Shunt (TIPS) Hinggil sa inyong prosedyur

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Pamantayan para sa Mga Palaisdaan ng Seafood Watch

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Pang-aabusong Sekswal sa Kulungan: Isang Pandaigdigang Krisis sa Karapatang Pantao

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

KABAYARAN SA PAGTAPON NG BASURA PAG-PUPULONG NG RESIDENTE BAYAN NG HIGASHIURA

Direktoryo ng Provider at Parmasya

PalayCheck. Key Check 5. Sapat na sustansya sa panahon ng pagsusuwi hanggang paglilihi at pamumulaklak.

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

From left, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Alden Richards and Betong Sumaya.

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Percutaneous (Sa Balat) Pantiyan o Pambalakang na Drain

Ang Makisig at Hangal na Hari

Isang Guide para sa Naturalisasyon

2018 Buod ng Mga Benepisyo

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Gabay ng gumagamit. Xperia V. LT25i

PAGKAIN AT MGA HAIN para sa mga sanggol. Tagalog/ filippinsk

Sustainable (Maaaring Mapangalagaan) na Pangingisda

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Kaligtasan ng Natural Gas, Mga Tip at Serbisyo sa Pagtitipid ng Enerhiya

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

ANG NATIONAL HOCKEY LEAGUE

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Tungkol Saan ang Modyul na ito?

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

SafetyNet: Tag-sibol 2017 Artikulo ng Tagasuporta: Pwede mong mapigilan ang pagkabuwal

panalongtaglamig 2018

Maagang Paghilab. Mga Tanda at Sintomas. Alamin ang mga tanda ng maagang paghilab at kung ano ang magagawa mo kung sakaling mangyari ito.

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

1(415) TDD 1(415)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

PROBLEMADONG Isang Gabay Para SA Mga Pamilya PAGSUSUGAL

Financial Assistance Documents

Ang aklat na ito ay inilimbag ng WWF-Philippines para sa proyekto ng Coral Triangle Support Partnership sa tulong ng USAID.

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Mahahalagang Bagay. Mahahalagang Bagay. Iba Pang Mga Paunawa. Iba Pang Mga Paunawa (Bawat Modelo)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Mahalagang impormasyong legal, mga paghahayag, at mga patakarang kailangan ninyong malaman

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Pagsasanay sa Filipino

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Transcription:

Kanser sa Balat Pangkaraniwang kanser ang kanser sa balat. Mabilis na tumataas ang pandaigdigang bilang ng mga insidente ng kanser sa balat. Bagama t ang bilang sa Hong Kong ay higit na mas mababa kaysa sa Kanluran, ang bilang ng mga bagong kaso ay patuloy na tumataas bawat taon. Marahil ito ay dahil sa tumaas na paglahok sa mga gawaing panlabas at tumatandang populasyon. Ayon sa Hong Kong Cancer Registry of Hospital Authority, mayroong 257 bagong kaso ng kanser sa balat noong 2003 at 558 bagong kaso noong 2013. Ang kanser sa balat na non-melanoma, ang pinakakaraniwang uri ng kanser sa balat, ay naging isa sa nangungunang 10 kanser sa Hong Kong. Tumaas ito mula ika-11 puwesto noong 2003 patungo sa ika-7 noong 2013. Habang mataas ang insidente ng kanser sa balat, hindi naman ganoon kataas ang dami ng namamatay. Dahil ang balat ay ang pinaka-nakikitang organ, madali para sa atin na matuklasan ang anumang abnormalidad sa balat. Kaya, maaaring maagang magamot ang kanser sa balat. Kung mayroon kang napunang anumang hindi karaniwang pagbabago sa iyong balat, dapat kang magpatingin kaagad sa iyong doktor. Pinatataas ng maagang pagtuklas ang pag-asa ng matagumpay na paggamot. (Espesyal na Pasasalamat kay Dr. C. C. TONG, Associate Consultant, Departamento ng Clinical Oncology, Ospital ni Queen Mary sa pagsusuri ng impormasyon sa pahinang ito)

1. Ano ang Kanser sa Balat? Ang balat ang pinakamalaking organ ng katawan. Kabilang sa mga pangunahing tungkulin nito ang pangangalaga sa katawan laban sa pinsala, pagkontrol ng temperatura ng katawan sa pamamagitan ng pagpapawis at pagpigil sa pagiging dehydrated ng katawan. May tatlong suson ang balat: epidermis (ang nasa ibabaw na suson), dermis (ang gitnang suson) at subcutis (ang pinakailalim na suson). Naglalaman ang epidermis ng tatlong pangunahing uri ng selula, kabilang ang mga basal na selula, mga squamous na selula at melanocytes. Sa pangkalahatan, itinutulak ng malulusog na bagong selula ng balat ang mga mas lumang selula papunta sa ibabaw ng balat, kung saan namamatay ang mga lumang selula at nalalaglag. Kinokontrol ng DNA ang prosesong ito. Gayunman, kapag napinsala ang DNA, magaganap ang hindi paggana sa panahon ng proseso, na maaaring maging sanhi ng hindi mapigilang paglaki ng mga bagong selula at mabuo na kanser. Kadalasang nabubuo ang kanser sa balat sa mga bahagi ng katawan na kadalasang nakabilad sa araw, gaya ng mga palad, talampakan o mga puwang sa pagitan ng mga daliri ng paa. 2. Ano-ano ang iba t ibang uri ng Kanser sa Balat? Pinapangalanan ang mga kanser sa balat ayon sa uri ng selula na kung saan sila nabuo. Mayroong tatlong pangunahing uri ng kanser sa balat: basal cell carcinoma, squamous cell carcinoma (mga kanser sa balat na non-melanoma) at melanoma. Hindi pangkaraniwan ang iba pang uri ng kanser sa balat, gaya ng mga malalang bukol sa balat na lumilitaw mula sa mga glandula ng pawis at follicle ng buhok. Basal cell carcinoma (BCC) Ang basal cell carcinoma ang pinakapangkaraniwan at pinakamadaling gamutin na kanser sa balat. Ito ang nanagot sa halos 60% ng lahat ng kanser sa balat. Karaniwan itong nangyayari sa mga taong higit sa edad na 40. Halos lahat ng BCC ay lumilitaw sa ulo, ilong, leeg at itaas ng katawan. Karaniwang nagsisimula ang basal cell carcinoma na parang perlas na pamamaga sa mukha, tainga o leeg. Kapag ito ay nabuo sa dibdib o likod, mukha itong nangangaliskis na bahagi o isang tagpi ng tuyong balat. Maaari itong magdugo o magnaknak at pagkatapos ay maghilom at sumumpong muli. Maaari itong mangyari muli sa kaparehong bahagi sa balat.

Kadalasang mabagal ang paglaki ng basal cell carcinoma at halos hindi kumakalat. Gayunman, kung hindi nagamot, lalalim ang paglaki nito sa balat at sisirain ang mga katabing bahagi. Maaari nitong gawing mas mahirap ang paggamot. Squamous cell carcinoma (SCC) Halos 30% ng kanser sa balat ay squamous cell carcinoma at karamihan sa kanila ay nagaganap matapos ang edad na 50. Karaniwan silang nagsisimula bilang mapupula at maliliit na bukol o sugat at karaniwang lumilitaw sa bahagi ng katawan na nakabilad sa araw gaya ng ulo, leeg, mga kamay at braso. Maaari din silang mabuo sa itaas ng katawan at mga binti. Ang mga SCC sa mga labi o mga tainga ay mas agresibo at mas malamang na kumalat. Melanoma Bagama t ang melanoma ay nanagot lamang sa 10% ng lahat ng kanser sa balat, ito ang pinakaseryosong anyo at ang siyang responsable sa karamihang pagkamatay dahil sa kanser sa balat. Maaaring ang mga selula ng melanoma ay mabilis na lumaki at kumalat sa iba pang bahagi ng katawan gaya ng baga, atay o utak kahit na sa mga unang yugto. Kapag naganap ang melanoma sa mga Asyano, karaniwan itong nabubuo sa mga bahagi na hindi itinuturing na nakabilad sa araw, gaya ng mga talampakan, palad, ilalim ng kuko o mauhog na lamad atbp. Maaaring magsimula ang melanoma bilang isang bagong may kulay na mantsa sa balat. Maaari din itong magsimula bilang isang pagbabago sa laki, hugis o kulay ng isang umiiral nang nunal o batik. Maaaring magtagal ang proseso nang ilang linggo hanggang ilang buwan. Karaniwang ang melanoma ay may hugis na irregular, magaspang na gilid at hindi pantay na kulay. Tumataas ito sa ibabaw ng balat at mukhang parang dumi. Maaari itong mabilis na lumaki at magkaroon ng mga hiwalay na sugat. Dapat kang makipagkita kaagad sa iyong doktor kung may mapansin kang alinman sa mga katangiang ito.

3. Paano iwasan ang Kanser sa Balat? Ipinapakita ng mga pananaliksik na 80% ng mga kanser sa balat ay maiwasan. Ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang kanser sa balat ay ang pangalagaan ang iyong balat mula sa araw. Narito ang ilang tip: * Subukang iwasan ang araw: - kapag ang UV Index ay 3 o mas mataas - sa pagitan ng 11 n.u. at 3 n.h. kapag ang sinag ng araw ay pinakamalakas * Gumamit ng sunscreen na may sun protection factor SPF15+ at PA++ sa lahat ng nakabilad na balat, kabilang ang mga labi. Magpahid ng sunscreen 30 minuto bago lumabas sa ilalim ng araw at muling magpahid tuwing 2 hanggang 3 oras. Hinihithit ng SPF15 ang 93% ng UV radiation samantalang hinihithit ng SPF30 ang 97%. * Sikaping magkaroon ng lilim mula sa mga puno, payong o anumang uri ng kulandong. * Magsuot ng sombrero na may malawak na takip, sunglasses at matingkad at mahigpit na hinabing pananamit na tinatakpan ang iyong mga braso at binti. * Iwasan ang mga tanning bed at sunlamp. * Maging may kamalayan sa mga gamot na sensitibo sa araw. Maaaring gawing mas sensitibo sa sikat ng araw ang balat mo ng ilang gamot na inirereseta at nabibili nang walang reseta. Kabilang dito ang ilang gamot sa mataas na presyon ng dugo, diabetes at tagihawat. Itanong sa iyong doktor ang tungkol sa mga pangalawang epekto ng anumang gamot na iyong iniinom. Dagdagan ang pag-iingat kung nadagdagan ng mga ito ang pagiging sensitibo sa sikat ng araw. * Regular na suriin ang iyong balat. Suriin ang iyong balat para sa mga pagbabago sa umiiral nang mga nunal. Tingnan kung nagbago ang kanilang laki, hugis o kulay. Gamit ang salamin, tingnan ang iyong mukha, leeg, anit, likod, mga kamay, mga braso, mga binti, mga paa, mga talampakan at sa pagitan ng iyong puwit.

4. Ano-ano ang sanhi ng Kanser sa Balat? Ang mga kanser sa balat ay karaniwang dulot ng pagkabilad sa ultraviolet (UV) radiation mula sa araw o iba pang pinagmumulan gaya ng mga makina na pang-tan sa mga solarium. Ang liwanag ng UV ay nahahati sa 3 wavelength na band: UVA, UVB at UVC. Ang mga sinag ng UVB ang responsible para sa maraming basal cell at squamous na kanser. Nagiging dahilan din ang UVA ng kanser sa balat, lalo na ang melanoma. Nagdudulot ng mataas na dosis ng UVA ang mga tanning bed, kaya pinatataas ang panganib ng melanoma. Ang pinsalang sanhi ng mga sinag ng UV ay nabubuo sa paglipas ng panahon. Kahit hindi nagiging sanhi ng sunburn, ang pangmatagalang pagkabilad sa araw sa paglipas ng mga taon ay makakapinsala sa tisyu ng balat. Ipinapakita ng pananaliksik na maaaring magsimula sa pagkabata ang pinsala ng araw sa mga tisyu ng balat. Ang mga taong patuloy na nabibilad sa matinding sikat ng araw na walang tamang pananggalang sa panahon ng hustong gulang ay maaaring maging sanhi upang maging kanser ang may pinsala nang balat. Maaari ding magkaroon ng kanser sa balat sa mga bahagi ng balat na hindi karaniwang nakabilad sa sikat ng araw. Maaari ding maging sanhi ang pagmamana. Ang sinumang ay maaaring magkaroon ng kanser sa balat, anuman ang kulay ng kanilang balat. Kailangan mong maging higit na maingat kung ikaw ay: - mayroong maraming nunal - mayroong mga may kulay na batik (solar keratosis) - mayroong history ng melanoma ang pamilya - nagtatrabaho sa labas sa ilalim ng sikat ng araw sa matagal na panahon - mayroong history ng mga sunburn, lalo na ang pagkatuklap ng balat matapos ang matinding sunburn - mayroong magandang kutis na madaling masunog at hindi umiitim - mayroong mapula o blond na buhok at mapusyaw ang kulay ng mata - mayroong mahinang resistensiya dahil sa HIV/AIDS o pagkatapos ng organ transplant - mayroong mahinang balat, gaya ng balat na nasunog pa lang, napinsala o pinahina ng mga paggamot para sa ibang kundisyon ng balat, hal. ilang paggamot sa psoriasis at mga cream para sa eksema - mayroong patuloy na pagkalantad sa mga nakalalasong kemikal

5. Ano-ano ang mga sintomas ng Kanser sa Balat? Maaaring iba t iba ang itsura ng iba t ibang uri ng kanser sa balat. Ang mga pinakakaraniwang sintomas ay: - Isang bagong batik na kakaiba sa iba pang batik sa balat sa paligid nito. - Isang sugat na makati, masakit o naging paga at mapula. - Isang sugat na hindi naghihilom. - Isang nunal o batik na lumalaki at nagbabago ang hugis o kulay. - Bantayan ang mga nunal na: - ang kalahati ay hindi katulad ng sa kalahati - mayroong irregular o malabong gilid - mayroong maraming kulay o hindi pantay na pagkakabahagi ng kulay - mahigit sa 6 mm ang diameter o mas lumalaki - nakaangat mula sa balat na may irregular na hugis 6. Paano suriin at gumawa ng pag-diagnose para sa Kanser sa Balat? Kung may mapansin kang anumang kahina-hinalang batik o nunal, kaagad na kumonsulta sa iyong doktor. Kung maghinala ang iyong doktor na maaaring may kanser ka sa balat, imumungkahi niya na magpa-biopsy ka. Mabilis at simple ang pamamaraan. Tuturukan ka ng lokal na pampamanhid; kukuha ang doktor ng maliit na sample ng iyong balat mula sa pinaghihinalaang bahagi. Magkakaroon ka ng tahi o mga tahi upang makatulong sa paghilom ng sugat. Ipadadala ang sample sa laboratoryo kung saan susuriin ng pathologist gamit ang microscope. Magtatagal ito nang mga isang linggo upang makuha ang resulta ng pagsusuri. 7. Ano-ano ang mga paggamot para sa Kanser sa Balat? Nag-iiba ang paggamot sa kanser sa balat, depende sa laki, uri, lokasyon at yugto ng kanser. Pipili ang mga doktor ng akmang paggamot ayon sa mga kundisyon ng sakit. Pag-opera Kung minsan lahat ng kanser sa balat ay tinatanggal sa panahon ng biopsy at wala nang kailangan na karagdagang paggamot. Kung ang kanser ay malaki o kumalat na sa ibabaw ng balat, kailangang tanggalin ang mas maraming tisyu.

Pag-opera na Mosh Ito ay pag-opera na kinokontrol gamit ang microscope na pinapayagang tanggalin ang mga selula ng kanser na hindi inaalis ng maraming malusog na tisyu. Ang paglaki ng balat ay tinatanggal sa bawat suson at kaagad na sinusuri sa microscope. Nagpapatuloy ang pagtanggal hanggang wala nang matirang mga selula ng kanser. Ang pamamaraang ito ay ginagamit upang gamutin ang malalaking kanser sa balat na tumagos na sa balat o muling nangyari. Ginagamit din ito sa mga kanser sa balat sa mga bahagi na mahirap gamutin, gaya ng malapit sa mata. Cryosurgery Kadalasang ginagamit ang cryosurgery sa mga taong hindi kayang magkaroon ng ibang uri ng operasyon. Isa itong pamamaraan ng pagfi-freeze. Iwiniwisik ang likidong nitrogen sa ibabaw ng bukol sa balat upang mag-freeze at patayin ang kanser. Magiging mahapdi at mapula ang sugat nang ilang araw at maaaring magpaltos. Kinalaunan ay malalaglag ang patay na tisyu. Maaaring magtagal ang paghilom nang ilang linggo. Maaaring mag-iwan ng puting peklat ang paggamot. Electrodessication at curettage Ito ay karaniwan sa paggamot ng mga mababaw na basal cell cancer. Itinuturok ang lokal na pampamanhid sa paligid ng bukol o batik, at ang kanser ay sinasalok gamit ang curette. Pagkatapos ay inilalapat ang kuryente upang pigilin ang pagdugo sa lugar at masira ang anumang natitirang selula ng kanser. Maghihilom ang sugat sa loob ng ilang linggo, na nag-iiwan ng maputlang peklat. Chemotherapy Kadalasang ginagamit ang paggamot na ito kapag ang kanser sa balat ay sobrang malaki para sa operasyon. Sa pangkalahatan, direktang inilalapat ang mga gamot na panlaban sa kanser gaya ng Imiquimod o Fluorouracil (5-FU) sa balat para masira ang mga selula ng kanser sa pamamagitan ng pagpapasigla sa immune system ng katawan. Karaniwang inilalapat ang chemotherapy nang isa o dalawang beses sa isang araw hanggang anim na linggo. Maaaring maging mapula, makati, mahapdi at maaaring maglangib o matuklap ang ginamot na balat. Gayunman, bubuti ang mga pangalawang epekto na ito sa paglipas ng panahon at sa pangkalahatan ay hindi ito nag-iiwan ng anumang peklat.

Photodynamic therapy (PDT) Gumagamit ang PDT ng pinagmumulan ng liwanag at isang espesyal na cream na ipinapahid sa kanser sa balat upang patayin ang mga selula ng kanser. Karaniwan itong ginagamit sa upang gamutin ang kanser sa o malapit sa ibabaw ng balat. Una, ipinapahid ang kaunti at sensitibong cream sa balat at pagkatapos ng ilang oras ay pinasisikatan ang lugar ng liwanag. Ang bahagi na ginamot ay tatakipan ng benda upang pangalagaan ito mula sa liwanag pagkatapos. Kung minsan kailangang ulitin ang PDT sa loob ng 2-4 na linggo. Kailangang umiwas sa direktang sikat ng araw ang mga taong may PDT sa loob ng hindi bababa sa anim na linggo pagkatapos ng paggamot. Pagkatapos ng PDT, normal na maghihilom nang mabilis ang balat at walang iiwanan na peklat. Maaaring makaranas ang ilang tao ng kirot sa panahon ng PDT, partikular kung ginagamit sa mukha. Maaari silang turukan ng lokal na pampamanhid bago ang PDT upang makatulong na bawasan ang kirot. Radiotherapy Gumagamit ang radiotherapy ng isang dosis o maraming dosis ng mataas na enerhiyang sinag upang patayin ang mga selula ng kanser. Pangkalahatan itong ginagamit sa mas matatandang tao o kapag hindi maaari ang operasyon. Karaniwan din itong ginagamit sa mga lugar na maaaring mahirap ang operasyon, gaya ng talukap ng mata, ilong, noo, mga tainga, o para sa mga kanser na lumaki nang malalim sa balat. Maaari din itong gamitin sa mga umuulit na kanser. 8. Ano-ano ang mga komplikasyon ng Kanser sa Balat? Maaaring may maganap na pangalawang epekto sa panahon ng paggamot, gaya ng maaaring mamula, mamaga at makirot ang ginagamot na bahagi. Gayunman, bubuti ang mga pangalawang epekto na ito sa paglipas ng panahon. Kung kailangang tanggalin ang malaking bahagi ng balat at hindi maaaring tahini ang sugat, kailangan ang pag-graft sa balat o reconstructive surgery upang i-repair ang lugar.

9. Paano alagaan ang mga pasyenteng may Kanser sa Balat? Sa pangkalahatan, mayroong mas mahusay na pagbabala ang basal cell carcinoma at squamous cell carcinoma. Mas mataas ang panganib ng pag-ulit ng mga melanoma. Dapat sundin ng mga pasyente ng kanser sa balat ang lahat ng appointment na muling pagtingin. Upang maiwasan ang pag-ulit ng sakit, dapat din nilang suriin nang regular ang balat para sa anumang hindi pangkaraniwang nunal, batik o sugat na hindi naghihilom. Pagkatapos ng operasyon o paggamot, mahalagang sundin ang payo ng doktor sa paliligo, pag-eehersisyo o iba pang gawain. Maaaring sumali ang mga pasyente ng kanser sa balat sa mga panlabas na gawain; tiyakin lamang na gawin ang mga pag-iingat sa pagkabilad sa araw. Halos kadalasang nag-iiwan ng ilang uri ng peklat ang operasyon. Hindi mo kailangang mag-alala sa kung ano ang iisipin ng iba sa peklat. Makakatulong ang pagsali sa mga panlabas na gawain at ito na mapawi ang emosyonal na pagkabalisa. Ipinapakita ng pananaliksik na ang mga antioxidant sa pagkain gaya ng beta-carotene at Bitamina E ay nakakatulong na mangalaga laban sa pagkasira ng balat dahil sa UV at makaiwas sa kanser sa balat. Kabilang sa mga pagkain na mayaman sa beta carotene ang carrot, kamote, papaya, apricot atbp. Bukod dito, kabilang sa mga pagkaing mayaman sa Bitamina E ang olive oil, madahon at berdeng gulay, wheat germ, beans, berries at nuts.