Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Similar documents
Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Atlantic Health System

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

Pamamahala sa Social Security Mahalagang Impormasyon

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Mga Gastusing Kwalipikado sa Medical Reimbursement Account (MRA)

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

Unang Hakbang MGA INIAATAS NA KUWALIPIKASYON

EBIDENSYA NG SAKLAW CARE1ST CAL MEDICONNECT PLAN MGA COUNTY: LOS ANGELES AT SAN DIEGO. Care1st Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Mahalagang impormasyong legal, mga paghahayag, at mga patakarang kailangan ninyong malaman

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

2018 Buod ng Mga Benepisyo

Direktoryo ng Provider at Parmasya

Ang Sistema sa Kalusugan ng Johns Hopkins Patakaran at Pamamaraan

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

APPLICATION PARA SA CALFRESH, TULONG NA PERA, AT/O MEDI-CAL/MGA PROGRAMA SA PANGANGALAGA SA KALUSUGAN

Health TALK. Naarawan BUNTIS? Ano ang ibig sabihin ng bilang ng SPF sa sunscreen ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

Ang lahat ng iba pang impormasyon at benepisyo ay hindi magbabago gaya ng isinasaad sa inyong 2016 na Handbook ng Miyembro.

Medi-Cal. Taon ng Benepisyo Handbook ng Miyembro ng Medi-Cal para sa

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Iba pang mga wika at format

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Financial Assistance Documents

Mga Pambuong Sistemang Administratibong Patakaran at Proseso ng The Queen s Health Systems

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Kabanata 3. Sa kabanatang ito: 32 Ang Sistemang Medikal. Ang Sistemang Medikal Mga importanteng serbisyong pangkalusugan...

Health TALK. Iyong UHC. ALAM MO BA? Mahigit sa 9 sa 10 bata ang mayroong bakuna para sa tigdas (measles), beke (mumps) at rubella.

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Petsa ng simula ng paghihintay (MM/DD/YYYY)

PERSONAL NA PAGSAKOP PARA SA MGA MAY-ARI NG NEGOSYO

1(415) TDD 1(415)

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Advance Directive - ALASKA

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

I. LAYUNIN PATAKARAN. Pamagat: Patakaran sa Tulong Pinansyal. Patakaran Pamamaraan Alituntunin Iba pa: Saklaw: Sistema Departamento:

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

GRADE VI GAMIT NG GRID

Mahahalagang Bagay. Mahahalagang Bagay. Iba Pang Mga Paunawa. Iba Pang Mga Paunawa (Bawat Modelo)

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Isang Guide para sa Naturalisasyon

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Sistema Administratibo

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Harold L. Zellerbach Rehearsal Hall. Filipino

National Community Benefit

Orihinal na Epektibong Petsa: Enero 2013 Huling Petsa ng Rebisyon: Oktubre 2015 Epektibong Petsa ng

EMERGENCY TOOLKIT 2017

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Pag-access at Pagbabago ng mga Rekord ng Kalusugan

2017 Fair Housing Survey para sa Lungsod at County ng Los Angeles

Talaan ng mga Nilalaman

panalongtaglamig 2018

Programa sa Bawas na Pamasaheng Pang May-Kapansanang, May Larawang Card ng Pagkakakilanlan

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

PETSANG MAY BISA: 01/01/2016 PETSA NANG NIREBISA: 06/27/2017. Financial Assistance Policy (Patakaran para sa Pinansiyal na Tulong)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

Kagawarang May-ari: Pananalapi Petsa ng Pagkakabisa: Hulyo 1, 2017 Tagapag-ingat: Punong Opisyal na Pahina: 1 ng 16

Pag-navigate sa isang REALTOR

Ang Panganganak sa Ibang Lupain

ADVENTIST MIDWEST HEALTH ANYONG PATAKARAN Kategorya Mga Serbisyo ng Pasyente sa Pinansiyal

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

NOTISYA NG MGA PRIBADONG KASANAYAN

Taunang Abiso ng Mga Pagbabago para sa 2018

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

Pahintulutan ang Scotiabank tulungan buksan ang pintuan sa iyong bagong panimula sa Canada. MGA SERBISYO SA PAGBABANGKO PARA SA MGA BAGONG CANADIAN

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

KABAYARAN SA PAGTAPON NG BASURA PAG-PUPULONG NG RESIDENTE BAYAN NG HIGASHIURA

RIVERSIDE TRANSIT AGENCY PAMAMARAAN SA IMBESTIGASYON NG REKLAMO NG TITLE VI

Sinusuportahang Pagtatrabaho sa pamamagitan ng DOR: Fact Sheet ng Pagkanararapat at Nasasaklawan ng mga Serbisyo

PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

APPLICATION PARA SA MGA BENEPISYO NG CALFRESH

TAGALOG Online na Buklet ng Impormasyon ng Magulang Smarter Balanced Assessments at Hawai i State Science Assessments

Transcription:

Medical Reimbursement Account Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account San Francisco City Option Na-update Setyembre 2016 www.sfcityoption.org

Mga Nilalaman Tungkol sa Handbook na ito...1 Ano ang Medical Reimbursement Account?...1 Mga Deposito sa MRA mula sa Iyong Employer...2 Ang petsa ng pagkakaroon ng bisa ng iyong MRA...2 Ang Iyong Account Number... 3 Mga Bayad Pang-administratibo... 3 Mga Kwalipikadong Gastos sa Pangangalagang Pangkalusugan... 4 Magsumite ng MRA Claim...7 Mga Resibo para sa Mga Gastos sa Pangangalagang Pangkalusugan...7 Koreo... 8 Fax... 8 Online... 9 Mobile App... 9 Kumuha ng Reimbursement... 10 Mga Madudulugan sa Internet... 10 Magbukas ng Online Account... 11 Mag-Sign Up para sa Direct Deposit...12 I-download ang Mobile App...12 Tingnan ang Balanse ng Iyong MRA...13 Availability ng Mga Pondo sa MRA...13 I-update ang Iyong Contact Information...13 Mga Madalas na Itinatanong...14 Mga Madudulugan at Importanteng Kontak...Pabalat sa Likod

Tungkol sa Handbook na ito Kasama sa handbook na ito ang impormasyon kung paano gagamitin ang iyong Medical Reimbursement Account (MRA). Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa iyong MRA, pakitawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078, Lunes hanggang Biyernes, 5:00am hanggang 5:00pm Pacific Time. Maaari mo ring i-access ang iyong account online sa mymra.adp.com. Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo para gamitin sa mga kwalipikadong gastos sa pangangalagang pangkalusugan. Itong mga kwalipikadong gastos ay maaaring para sa iyo, sa iyong asawa o kinakasama, at sa iyong mga anak o mga dependent. Ang mga premium sa insurance sa kalusugan, mga pagbisita sa opisina ng doktor, mga babayaran sa ospital, mga serbisyo sa paningin, mga serbisyo sa ngipin, at mga gamot na inirereseta at nabibili nang walang reseta ay ilan lamang sa mga gastos na kwalipikado para sa reimbursement. Mga Deposito sa MRA mula sa Iyong Employer Ang iyong MRA ay pinopondohan ng mga deposito mula sa iyong employer. Iniaatas ng isang batas ng San Francisco na tinatawag na Health Care Security Ordinance (HCSO) na magbigay ang ilang employer ng mga bayad ng pangangalagang pangkalusugan para sa kanilang mga empleyado. Nagbigay ng mga bayad ang iyong employer sa isang programang tinatawag na San Francisco City Option para tumupad sa HCSO. Ang San Francisco City Option ay pinangangasiwaan ng Lungsod at County ng San Francisco. Idineposito ng San Francisco City Option ang mga pondo ng iyong employer sa isang MRA para sa iyo. May karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano at bakit nagdedeposito ang iyong employer sa MRA sa mga website na ito: Health Care Security Ordinance: www.sfgov.org/olse/hcso San Francisco City Option: www.sfcityoption.org Maaari mo pa ring gamitin ang mga pondo sa iyong MRA kahit pagkatapos mong humintong magtrabaho sa iyong employer. Ang mga pondo sa MRA ay hindi ibinabalik sa iyong employer. Ang Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa ng Iyong MRA Ang petsa ng pagkakaroon ng bisa ng iyong MRA ay ang petsa ng bank posting ng unang deposito ng iyong employer sa iyong MRA. Maaari kang makakuha ng reimbursement para sa mga kwalipikadong serbisyong pangangalaga ng kalusugan o mga bagay sa pangangalaga ng kalusugan na binili sa o makalipas ang iyong petsa ng pagkakaroon ng bisa. Kung kailangan mong alamin ang iyong petsang pagkakaroon ng bisa, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. 1 www.sfcityoption.org 1(866) 697-6078 2

Ang Iyong Account Number Ang iyong account number ay ang iyong Social Security Number o natatanging numerong pagkakakilanlan ng empleyado na ibinigay ng San Francisco City Option. Gamitin ang iyong account number sa MRA claim form kapag hihingi ka ng reimbursement at kapag makikipag-usap ka sa Customer Service tungkol sa account na ito. Kung kailangan mong alamin ang iyong account number, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Mayroon kang isang MRA para sa bawat employer na nagdeposito ng mga pondo sa isang MRA para sa iyo. Bawat MRA ay may sariling account number. Mga Bayad Pang-administratibo Ang ADP ay ang kompanyang nagbibigay ng customer service, claims processing, at mga iba pang serbisyo para sa programang MRA. May bayad pang-administratibo na $2.75 na kinakaltas sa iyong MRA bawat buwan, ginamit mo man o hindi ang iyong MRA sa buwang iyon. Ang bayad pang-administratibo ay binabayaran sa ADP para sa kanilang mga serbisyo. Ang mga bayad pang-administratibo ay hindi kinakaltas kung ang balanse ng iyong account ay mas mababa sa $2.75. Wala nang iba pang babayaran para sa pagkakaroon ng MRA. Mga Kwalipikadong Gastos sa Pangangalagang Pangkalusugan Ito ay hindi kumpletong listahan ng mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan na kwalipikado para sa reimbursement mula sa iyong MRA. Pumunta sa www.sfcityoption.org at mag-click sa MRA Eligible Health Care Expenses ( Mga Kwalipikado sa MRA na Gastos sa Pangangalaga ng Kalusugan ) upang tingnan ang detalyadong listahan ng mga kwalipikadong gastos. Kung mayroon kang tanong tungkol sa isang espesipikong gastos, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Mga Serbisyong Medikal Acupuncture Mga Paggamot sa Pagkalulong sa Alak Chemotherapy Mga Bayad sa Doktor Mga Paggamot sa Pagkalulong sa Droga Mg Bakuna sa Trangkaso Mga pagpapa-screen ng Kalusugan Mga Paggamot sa Kahirapang Magkaroon ng Anak In-Vitro Fertilization Terapiya sa Pamamagitan ng Paggawa Mga Pagta-transplant ng Organ Mga Eksaminasyon ng Katawan Terapiya ng Katawan Radiation Therapy Terapiya sa Pagsasalita Operasyon (hindi kosmetiko) Mga Pagbabakuna Vasectomy Mga Bayad/ Paghahati ng Gastos Mga Co-pay Mga Deductible Mga Premium ng Insurance sa Kalusugan Mga Bayad ng Kalahok sa Healthy San Francisco Mga Babayaran sa Lugar kung Saan Ipinagkakaloob ang Serbisyo 3 www.sfcityoption.org 1(866) 697-6078 4

Mga Kwalipikadong Gastos sa Pangangalagang Pangkalusugan (ipinagpapatuloy) Mga Medisina at Gamot Gamot sa Alerhiya Mga Lotion sa Pangangati Mga Gamot sa Hika Pagkontrol sa Pagbubuntis Gamot sa Sipon at Trangkaso Mga Gamot sa Butlig sa Labi/Pamamaga sa Labi Gamot sa Ubo Mga Gamot na Pantanggal ng Plema Paggamot sa Diaper Rash Mga Gamot na Ipinapatak sa Mata Insulin Mga Suplemento para sa Lactose Intolerance Gamot sa Migraine Mga Nicotine Patch at Gum Gamot sa Balat na Nasunog sa Araw Sunscreen Mga Inireresetang Gamot Mga Bitamina at Mineral Kagamitang Medikal Mga Pangsuporta sa Tiyan/Likod Mga Artipisyal na Braso Binti/Prostetiko Mga Pangbenda Mga Pangsubaybay ng Presyon ng Dugo Mga Test Kit/Strip para sa Asukal sa Dugo Mga Saklay Mga Supply ng Diabetic Mga Suplementong Fiber Mga First Aid Kit Mga Pangsubaybay ng Puso Mga Pad na Pampainit Mga Paketeng Mainit/ Malamig Mga Sapatos na Ortopedik Kagamitang Pangoxygen Mga Thermometer Mga Heringgilya Mga Wheelchair Mga Serbisyo sa Ngipin Mga Brace at Iba pang Ortodontiko Mga Bridge Mga Crown Bayad sa Dentista Mga Pustiso Mga Pagpapabunot Mga Pasta ng Ngipin Paggamot ng Gilagid Operasyon sa Bibig Mga root canal Paglilinis ng Ngipin Mga X-ray Mga Serbisyo sa Pandinig Mga Gamit na Tumutulong sa Pandinig at mga Baterya Mga Eksaminasyon ng Pandinig Mga Serbisyo sa Paningin Mga Contact Lens at Cleaning Solution Mga Operasyon sa Mata Mga Eksaminasyon ng Mata Mga Salamin sa Mata Bayad sa Optometrist/ Optician Mga LASIK/Laser Eye Surgery Inireresetang Sunglasses Mga Eksaminasyon/ Pagsusuri sa Laboratoryo Mga Pagsusuri ng Dugo Mga Scan ng Katawan Pagsusuri ng Kolesterol Mga mammogram Mga MRI Mga Pap Smear Pagsusuri ng Ihi/Dumi Mga X-ray Iba pa Mga Serbisyo ng Ambulansya Mga Serbisyo ng Ospital at Bayad sa Kuwarto Mga Gastos na Hindi Saklaw Pagbabantay at Pangangalaga ng Bata Sabong Panligo at Panghugas ng Kamay Mga Kosmetiko/ Makeup Dental Floss Mga Deodorant Mga Gastos sa Pagpapalibing Mga Bayad sa Gym Mga Pagkaing Mababa sa Kaloriya/Kolesterol Mga Kasuotang Pambuntis Medical Marijuana Mouthwash Hindi Inireresetang Sunglasses Mga Personal Trainer Shampoo at Conditioner Mga Sleeping Aid Mga Sun-Tanning Product Pagtanggal ng Tattoo Toothpaste at Mga Sipilyo Pagpapaputi ng Ngipin 5 www.sfcityoption.org 1(866) 697-6078 6

Magsumite ng MRA Claim Para makakuha ng reimbursement para sa mga kwalipikadong gastos sa pangangalagang pangkalusugan, kailangan mo munang bayaran ang mga gastos at siguraduhing kumuha ng resibo. Pagkatapos, maaari kang magsumite ng MRA claim at makakuha ng bayad para sa mga naaprubahang gastos mula sa mga pondo sa iyong MRA. Bayad para sa Mga Gastos Medical Reimbursement Account Magsumite ng MRA Claim Tanggapin ang Iyong Reimbursement Mga Resibo para sa Mga Gastos sa Pangangalagang Pangkalusugan Tandaang isama ang mga resibo para sa iyong mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan kapag ipadadala mo ang iyong mga claim form. Kasama sa tinatanggap na dokumentasyon ng mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan ang: Pangalan ng tagapagbigay ng serbisyo Uri ng bagay o serbisyo Petsa noong ipinagkaloob ang bagay o serbisyo Halaga ng bayad Katibayan ng bayad Pangalan ng taong tumatanggap ng serbisyo (kung naaangkop) May apat na paraan para magsumite ng mga MRA claim: 1. KOREO Kunin ang mga resibo para sa iyong mga gastos. Kumpletuhin ang isang claim form. Tandaang lagdaan ang form. Ipadala sa koreo ang iyong nakumpletong claim form at mga resibo sa address na ito: ADP Spending Accounts P.O. Box 34700 Louisville, KY 40232 Kung kailangan mo ng isang claim form, pumunta sa www.sfcityoption.org para mag-download ng kopya o tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078 para hinging ipadala sa iyo ang form sa pamamagitan ng koreo. 2. FAX Kunin ang mga resibo para sa iyong mga gastos. Kumpletuhin ang isang claim form. Tandaang lagdaan ang form. I-fax ang iyong nakumpletong claim form at mga resibo sa 1(866) 643-2219. Kung kailangan mo ng isang claim form, pumunta sa www.sfcityoption.org para mag-download ng kopya o tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078 para hinging ipadala sa iyo ang form sa pamamagitan ng koreo. 7 www.sfcityoption.org 1(866) 697-6078 8

3. ONLINE Kunin ang mga resibo para sa iyong mga gastos. Mag-log in sa iyong account sa mymra.adp.com. Kumpletuhin ang online claim form. I-upload ang mga imahe ng iyong mga resibo. I-click ang I Certify ( Pinatutunayan Ko ) para ipadala ang iyong claim. Para sa mga detalyadong tagubilin, basahin ang Online Claims Submission User Guide ( Gabay ng User sa Pagsusumite ng mga Claim sa Internet ) sa www.sfcityoption.org sa ilalim ng Employee Resources ( Mga Madudulugan ng Empleyado ). 4. MOBILE APP Kunin ang mga resibo para sa iyong mga gastos. Mag-log in sa iyong account sa pamamagitan ng mobile app. Kumpletuhin ang mobile app claim form. I-upload ang mga imahe ng iyong mga resibo. I-click ang I Certify ( Pinatutunayan Ko ) para ipadala ang iyong claim. Para sa mga detalyadong tagubilin, basahin ang Online Claims Submission User Guide ( Gabay ng User sa Pagsusumite ng mga Claim sa Internet ) sa www.sfcityoption.org sa ilalim ng Employee Resources ( Mga Madudulugan ng Empleyado ). Kumuha ng Reimbursement Pagkatapos matanggap ng ADP ang iyong MRA claim, ipadadala sa iyo ang isang Pagpapaliwanag ng Mga Benepisyo kadalasan sa loob ng 3 hanggang 5 araw ng trabaho. Ipapaalam sa iyo ng Pagpapaliwanag ng Mga Benepisyo kung ang iyong MRA claim ay naaprubahan o hindi. Ang Pagpapaliwanag ng Mga Benepisyo ay ipinadadala sa iyo sa koreo o, kung mayroon kang online account, ipino-post sa iyong online account. Basahin ang Mga Madudulugan sa Internet na seksyon nitong MRA Handbook kung gusto mong magbukas ng online account. Kung naaprubahan ang iyong MRA claim, makakatanggap ka ng bayad ng reimbursement na tseke o, kung naka-enrol ka sa direct deposit, sa pamamagitan ng direct deposit. Basahin ang Mga Madudulugan sa Internet na seksyon nitong MRA Handbook kung gusto mong mag-enrol sa direct deposit. Mga Madudulugan sa Internet Kasama sa iyong MRA ang access sa mga madudulugan sa Internet para tulungan kang pangasiwaan ang iyong account. Narito ang maaaring mong gawin sa Internet: Tingnan ang account balance Magsumite ng mga bagong claim at tingnan ang mga claim status Tingnan at mag-download ng mga materyales ng MRA Mag-sign up para sa direct deposit 9 www.sfcityoption.org 1(866) 697-6078 10

Magbukas ng Online Account Upang magbukas ng bagong online account: Pumunta sa mymra.adp.com. Mag-click sa New Users Register Here ( Mga Bagong User Magrehistro Dito ). Sundin ang mga tagubilin sa website na ibigay ang iyong personal na impormasyon at user ID/password para sa account. TANDAAN: Ipasok ang iyong account number kapag hiningi sa iyong magbigay ka ng Social Security Number o Alternatibong ID. Kung kailangan mong alamin ang iyong account number, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Mayroon kang isang MRA para sa bawat employer na nagdeposito ng mga pondo sa isang MRA para sa iyo. Kung mayroon kang higit sa isang MRA at gusto mong i-access ang mga MRA na ito sa Internet, kakailanganin mong magbukas ng mga magkakahiwalay na online account para sa bawat MRA. Kung magbibigay ka ng email address kapag bubuksan mo ang iyong online account, ipadadala sa iyo ang mga notipikasyon sa pamamagitan ng email. Kabilang sa mga notipikasyong ito ang: Kumpirmasyon na tagumpay na naipadala ang claim sa Internet Pagpapaliwanag ng Mga Benepisyo kapag ang iyong claim ay naaprubahan o hindi Kumpirmasyon na na-issue ang bayad ng reimbursement (kung nag-sign up ka para sa direct deposit) Mag-Sign Up para sa Direct Deposit Kumuha ng reimbursement para sa mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan nang mas mabilis sa pamamagitan ng direct deposit. Maaari kang mag-set up ng direct deposit upang maideposito ang mga bayad ng reimbursement mismo sa iyong bank account sa halip na ipadala sa koreo bilang tseke. Sa sandaling maaprubahan ang isang gastos sa pangangalagang pangkalusugan, kadalasang ipinadadala ang bayad ng reimbursement sa loob ng 3 araw ng trabaho sa iyong bank account. Upang mag-sign up para sa direct deposit: Mag-log in sa iyong account sa mymra.adp.com. Mag-click sa Direct Deposit mula sa menu sa kaliwa. Sundin ang mga tagubilin sa website na ibigay ang impormasyon ng iyong account sa bangko. I-download ang Mobile App Maaari mong gamitin ang MRA mobile app para i-access ang iyong account at magsumite ng mga claim mula sa isang ios o Android device. I-download ang libreng My Benefits Center app mula sa Google Play Store o Apple App Store. Kailangang mayroon ka nang online account na naka-set up sa mymra.adp.com upang magamit ang mobile app. 11 www.sfcityoption.org 1(866) 697-6078 12

Tingnan ang Balanse ng Iyong MRA Alamin kung magkano ang perang kasalukuyang nasa iyong MRA sa pamamagitan ng pagtawag sa 1(866) 697-6078 o sa pamamagitan ng pagla-log in sa iyong account online sa mymra.adp.com. Availability ng Mga Pondo ng MRA Maaari mo pa ring gamitin ang mga pondo sa iyong MRA kahit pagkatapos mong humintong magtrabaho sa employer na nagdeposito sa MRA. Available para gastusin ang mga pondo sa MRA basta t active ang iyong account. Panatilihing active ang iyong account sa pamamagitan ng pagsagot ng isang MRA claim bawat 24 na buwan. Isasara ng aming programa ang account at hindi mo magagamit ang mga pondo sa MRA kung walang mga claim o deposito sa loob ng 24 na buwan. Available ang mga pondo sa MRA makalipas ang iyong pagkamatay. Maaaring magsumite ang isang executor o iba pang legal na kinatawan ng mga claim para sa mga kwalipikadong serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan na natanggap mo o mga bagay sa pangangalaga ng kalusugan na binili mo hanggang sa petsa ng iyong pagkamatay. May mga pondo rin sa MRA para sa iyong asawa o kinakasama at mga dependent para sa kanilang mga kwalipikadong gastos hanggang 24 na buwan pagkatapos ng petsa ng iyong pagkamatay. Mga Madalas na Itinatanong Nagdeposito ang aking employer. Kailan ko makikita ang mga pondo sa aking MRA? Ang mga pondo ay magiging available sa iyong MRA sa loob ng 1 hanggang 3 linggo pagkatapos ng bawat bayad ng employer sa aming programa. Ano ang aking account number? Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Ang iyong account number ay ang alinman sa Social Security Number mo o isang natatanging numerong pagkakakilanlan ng empleyado na ibinigay ng San Francisco City Option. Ano ang petsang magkakaroon ng bisa ang aking MRA? Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Ang petsang magkakaroon ng bisa ang iyong MRA ay ang bank posting date ng unang deposito ng iyong employer sa iyong MRA. I-update ang Iyong Contact Information Panatilihin kaming updated sa iyong kasalukuyang address, numero ng telepono, at email address upang matanggap mo ang mga bayad ng reimbursement, mga update sa programa, at iba pang komunikasyon. Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078 kung kailangan mong palitan ang iyong contact information. 13 www.sfcityoption.org 1(866) 697-6078 14

Gaano katagal sa nakaraan ang maaari kong i-claim para sa reimbursement? Maaari kang makakuha ng reimbursement para sa mga kwalipikadong serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan o mga bagay para sa pangangalaga ng kalusugan na nabili sa o pagkatapos ng petsang pagkakaroon ng bisa ng iyong MRA. Kung kailangan mong alamin ang iyong petsang pagkakaroon ng bisa, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Gaano katagal na available ang aking MRA? Ang mga pondo ng MRA ay umiikot taon-taon na walang petsa ng pagpapaso. Ang mga pondo sa MRA ay hindi bumabalik sa iyong employer. Maaari mo pa ring gamitin ang mga pondo sa iyong MRA kahit pagkatapos mong humintong magtrabaho sa employer na nagdeposito sa MRA. Magkano ang babayaran ko para sa MRA? Isang bayad pang-administratibo na $2.75 ang kinakaltas mula sa mga pondo sa MRA bawat buwan. Ang mga bayad pang-administratibo ay hindi kinakaltas kung ang balanse ng iyong account ay mas mababa sa $2.75. Wala nang iba pang babayaran para sa pagkakaroon ng MRA. Maaari ko bang gamitin ang aking MRA para makakuha ng reimbursement para sa mga premium sa insurance sa kalusugan? Oo, ang mga premium sa insurance sa kalusugan ay kwalipikado para sa reimbursement mula sa isang MRA. Kabilang dito ang insurance sa kalusugan na binili sa pamamagitan ng Covered California o iba pang mga pamilihan ng insurance sa kalusugan. Maaari ba akong magpadala ng claim na mas malaki kaysa sa available na pondo sa aking MRA? Oo, maaari kang magpadala ng claim na mas malaki kaysa sa available na pondo sa iyong MRA. Kung mayroon kang mga available na pondo sa ibang MRA, mawi-withdraw din ang mga pondo mula sa ibang MRA. Kung wala kang ibang MRA na may mga available na pondo, babayaran ang claim hanggang sa available na balanse sa account. Mayroon bang pinakamababang halaga ng claim? Wala, maaari kang magpadala ng claim na kasing baba ng $0.01 at makakakuha pa rin ng reimbursement kung maaprubahan ang claim. Mayroon bang pinakamababang halaga para sa reimbursement na tseke o direct deposit? Wala, maaari kang makakuha ng reimbursement na tseke o direct deposit na kasing baba ng $0.01. 15 www.sfcityoption.org 1(866) 697-6078 16

Mayroon bang pinakamalaking bilang o halaga ng mga claim na maaari kong hilingin bawat taon? Wala, maaari kang magpadala ng kasing daming claim na kailangan mo. Ang mga claim ay binabayaran hanggang sa available na balanse sa account. Gaano katagal na makakuha ng reimbursement para sa mga kwalipikadong gastos sa pangangalagang pangkalusugan? Ang mga claim ay kadalasang pinoproseso sa loob ng 3 hanggang 5 araw ng trabaho. Maaari ko bang i-cash out ang aking MRA? Hindi, maaari mo lamang gastusin ang mga pondo sa MRA sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga claim para sa mga kwalipikadong gastos sa pangangalagang pangkalusugan. Maaari ko bang gamitin ang aking MRA kahit pagkatapos kong humintong magtrabaho sa aking employer? Oo, maaari mo pa ring gamitin ang mga pondo sa iyong MRA kahit pagkatapos mong humintong magtrabaho sa employer na nagdeposito sa MRA. Bakit mayroon akong higit sa isang MRA? Mayroon kang isang MRA para sa bawat employer na nagdedeposito ng pondo sa isang MRA para sa iyo. Maaari ko bang pagsamahin ang mga pondo mula sa maraming MRA sa iisang account? Hindi, ang mga deposito sa MRA mula sa iba t ibang employer ay kailangang nasa hiwa-hiwalay na account. Ano ang aking kasalukuyang balanse sa MRA? Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Maaari mo ring tingnan ang iyong account balance online sa mymra.adp.com. Paano ko titingnan ang status ng aking claim? Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Maaari mo ring tingnan ang iyong mga claim online sa mymra.adp.com. Paano ko papalitan ang aking address o numero ng telepono? Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Puntahan kami sa: www.sfcityoption.org 17 www.sfcityoption.org 1(866) 697-6078 18

MGA NOTASYON MGA NOTASYON 19 www.sfcityoption.org 1(866) 697-6078 20

Medical Reimbursement Account Mga Madudulugan at Importanteng Kontak Customer Service 1(866) 697-6078 Lunes Biyernes, 5:00am hanggang 5:00pm Pacific Time Magsumite ng mga MRA Claim KOREO: ADP P.O. Box 34700 Louisville, KY 40232 FAX: 1(866) 643-2219 ONLINE: mymra.adp.com MOBILE APP: My Benefits Center Online Account mymra.adp.com Program Information www.sfcityoption.org 23901 0416