Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

Similar documents
Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Kanser sa Prostata. Prostate Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Kanser sa Suso. Breast Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Sakit sa Ugat ng Puso

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Health TALK. Naarawan BUNTIS? Ano ang ibig sabihin ng bilang ng SPF sa sunscreen ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

Chapter 6 Tagalog Verbs

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Kabanata 3. Sa kabanatang ito: 32 Ang Sistemang Medikal. Ang Sistemang Medikal Mga importanteng serbisyong pangkalusugan...

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Pagsasanay sa Filipino

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Advance Directive - ALASKA

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Dementia. DEMENTIA / Tagalog Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 1

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Kanser sa Sikmura. Stomach Cancer / Tagalog Copyright 2018 Hospital Authority. All rights reserved 1

Pagiging Magulang mga pagpapasiya

Ang Makisig at Hangal na Hari

panalongtaglamig 2018

Matataas na mga Hiwatig para sa mga Magulang

GRADE VI GAMIT NG GRID

2014 NATIONAL POISON PREVENTION WEEK. Heavy metals?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Kanser sa Cervix. Cervical Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

PAGKAIN AT MGA HAIN para sa mga sanggol. Tagalog/ filippinsk

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

Isang Guide para sa Naturalisasyon

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Depresyon. Depression / Tagalog Copyright 2018 Hospital Authority. All rights reserved 1

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ang Panganganak sa Ibang Lupain

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Health TALK. Iyong UHC. ALAM MO BA? Mahigit sa 9 sa 10 bata ang mayroong bakuna para sa tigdas (measles), beke (mumps) at rubella.

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

PROBLEMADONG Isang Gabay Para SA Mga Pamilya PAGSUSUGAL

PROBLEMADONG Ang mga Isyu, ang mga Pagpipilian PAGSUSUGAL

Maagang Paghilab. Mga Tanda at Sintomas. Alamin ang mga tanda ng maagang paghilab at kung ano ang magagawa mo kung sakaling mangyari ito.

Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

From left, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Alden Richards and Betong Sumaya.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Oops... Ingat sa Lansangan

Atlantic Health System

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Direktoryo ng Provider at Parmasya

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

Transjugular Intrahepatic Portosystemic Shunt (TIPS) Hinggil sa inyong prosedyur

Tamang uri ng pamumuhay

Magplano ng maaga para sa mga hinaharap na pagdedesisyon sa legal, kalusugan at pinansiyal

Kanser sa Balat. Skin Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

0 hanggang 3 buwan- Ang Paggawa ng Kaibhan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

EMERGENCY TOOLKIT 2017

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

Kapag Sumlong ang isang Maliit na Itinatanging Buhay

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Radiofrequency Ablation Para sa Paggamot ng mga Solidong Tumor

Transcription:

2 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA Gabay Sa Genetiko at Kalusugan LANAI COMMUNITY HEALTH CENTER

Talaan ng Nilalaman Bakit importante and genetiko sa akin at 1 sa aking pamilya Bakit ako naiiba? 2 Ano pa ang masasabi mo tungkol sa aking mga gen 3 Bakit may maraming pinagkahawigan ang mga 4 miyembro ng pamilya? Bakit may ilang sakit na lumalaganap sa mga pamilya? 6 Paano ang kaalaman ng kasaysayan sa kalusugan ng 8 aking pamilya makakatulong sa akin na ako ay mapanatiling malusog? Bakit kailangan kong ipakita ang kasaysayan ng kalusugan ng aking pamilya sa aking manggagamot 9 Mga sakit na dumadaloy sa pamilya 10 Sakit sa puso 11 Coronary artery disease Alta Presyon Asma 13 Dayabetes 14 Unang Uri (Type I) Pangalawang Uri (Type 2) Janser 16 Suso Baga Prosteyt Tiyak na anomaliya ng mga gen 19 Mga Kasangkapan 21 Basahin ang Libreta Numero 1:Gabay sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya para magkaroon ng karagdagang impormasyon kung paano magkolekta, mag-ayos at magbahagi ng iyong kasaysayan tungkol sa kalusugan ng iyong pamilya (family health history).

? Bakit importante ang genetiko para sa akin at sa aking pamilya? Nakakatulong and genetiko magpaliwanag kung: Kung ano ang nakapagpapaiba sa iyo sa ibang tao Bakit magkahawig ang magkakapatid Bakit lumalaganap ang ibang sakit tulad ng dayabetes or kanser sa pamilya Paano ang pagaaral sa kasaysayang pangkalusugan ng iyong pamilya makakatulong na mamalagi kayong malusog Bakit kailangang dalhin mo ang iyong kasaysayang pangkalusugan ng iyong pamilya sa iyong manggagamot Napakahalaga ang paggugol ng panahon para malaman ang tungkol sa kalusugan at mga karamdaman na nararanasan ng iyong pamilya ay napakahalaga. Makakatulong ito para maintindihan mo ang iyong kalusugan at gumawa ng pagpili na makakabuti sa iyo. GABAY SA GENETIKO AT KALUSUGAN 1

Bakit ako naiiba? Bawat tao ay naiiba. Ang isang dahilan kung bakit ka naiiba ay dahil sa genetiko mo. Ang genetiko ay buod ng mga utos na nasa loob ng pinakamaliit na bahagi na komokompone ng katawan mo, na kung tawagin ay mga sel. Ito ang naguutos kung ano ang magiging hitsura mo at kung paano gumana ang katawan mo. Dahil ang bawat isa ay may bahagyang kaunti ng pagkakaiba ng kanilang genetiko, ang bawat isa ay may ibat ibang buod ng mga utos. Ang genetiko ay ang dahilan kung bakit ka naiiba sa lahat! 1. Kamay 2. Sel 2 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA?

Ano pa ang masasabi mo tungkol sa aking mga gen Ang tao ay may dalawang kopya ng bawat gen. Ang isa ay galing sa nanay at ang isa ay galing sa tatay. Ang mga gen ay nag-uutos sa iyong mga sel kung paano magtrabaho at tumubo. Ang mga sel ay ang bumubuo ng iyong katawan. Bawat bahagi ng iyong katawan ay binubuo ng bilyones na mga sel na sabay-sabay gumagana. Ang mga gen ay nakaayos sa isang estraktura na tawag ay chromosomes sa ingles. Ang tao ay may 23 ka pares na chromosomes. s Ang mga kopya ng chromosomes ay makikita sa bawat sel. Ang mga chromosomes ay gawa ng mga DNA. Ang DNA ay espesyal na kodigo kung saan ang utos ng mga gens ay nakasulat o nakatakda. 3. Chromosomes 4. DNA GABAY SA GENETIKO AT KALUSUGAN 3

Bakit may maraming pinagkahawigan ang bawat miyembro ng pamilya? Ang mga anak ay nakakamana ng dalawang uri ng gen sa mga magulang. Ang bata ay may isang bahagi ng gen galing sa tatay at isang bahagi ng gen na galing sa nanay. Itong mga gen na ito ay puedeng magpares-pares sa maraming paraan para makagawa o magresulta ng maraming kombinasyon. Ito ang dahilan kung bakit kalimitan ang mga miyembro ng pamilya ay magkakahawig at kung bakit naman malalayo ang mga hitsura nila. Ang gen ay puede ring magdala ng hindi magandang kondisyon na nagdudulot ng sakit o iba pang problema sa kalusugan. Ang pamilya ay may napapamahaging kaugalian, diyeta at kapaligiran sa mga miyembro nito. Ito ang magdidikta kung gaano ka kalusog at paano ang magiging kalusugan mo sa hinaharap. 4 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA?

May marami kayong nababahagi sa isa t isa sa inyong pamilya kasama na dito ang puedeng ikasanhi ng sakit ninyo. GABAY SA GENETIKO AT KALUSUGAN 5

Bakit may ilang sakit na lumalaganap sa pamilya? Ang ibang sakit ay sanhi ng pagkakaroon ng pagbabago sa utos na dala ng mga gen. Ang tawag nito ay mutation sa ingles. Bawat indibiduwal ay may maraming pagbabago ng mga gen. Minsan itong pagbabago ay walang epekto, minsan naman ito ay nagdudulot ng sakit. Kalimitan ang pangkaraniwang sakit ay dulot ng kombinasyon ng pagbabago ng mga gen, pamumuhay, mga pagpipili sa araw-araw, at ng kapaligiran. Kahit ang mga tao na may parehas na mga gen ay puede o pueding hindi rin magkasakit kong mayroon silang kaibahan sa kanilang mga pagpili, hilig o magkaiba ang kanilang tinitirahan o kapaligiran. Pangkaraniwang sakit: Dayabetes Ang mga pagbabago sa mga gen mo na naipasa galing sa mga magulang mo ay maaring magdulot ng sakit na type 2 dayabetes. Kung ikaw ay aktibo o nag-iinsayo palagi at kumakain ng tama, puede mong pababain ang pagkakataon na ikaw ay magkasakit nito. Basahin sa ika-sampung pahina para alamin ang 6 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA?

Libo-libong sakit ay dahil sa tiyak na pagbabago ng DNA ng isang gen. Karamihan sa mga sakit na ito ay di pangkaraniwan. Itong kondisyon ay nangyayari kung ang indibiduwal ay ipinanganak na may mutated o may maanomaliyang gen. Tiyak na anomaliya sa isang gen: Sickle Cell Anemia Ang sickle cell anemia ay dulot ng isang gen na may anomaliya na naipasa galing sa nanay o tatay (bawat magulang). Kung mayroong di pangkaraniwang sakit na lumalaganap sa iyong pamilya, kailangang isulat mo ito. Huwag kalimutang alamin ang tungkol sa mga pangkaraniwang kondisyon naman na umaapekto sa kalusugan ng pamilya ninyo. mga sakit na pangkaraniwan sa mga pamilya. GABAY SA GENETIKO AT KALUSUGAN 7

Paano ang kaalaman sa kasaysayan sa kalusugan ng aking pamilya, makakatulong na mapanatiling ako ay malusog? Ang kasaysayan ng iyong pamilya ay nagtutukoy kung anong sakit ang dumadaloy sa iyong pamilya. Ang mga problema sa kalusugan na nagsisimulang mabuo sa pagkabata ay palatandaan na ang iyong pamilya ay nanganganib. Samantalang di mo mababago ang inyong gen, pero puede mong baguhin ang iyong mga kilos o estilo ng pamumuhay. Ang iyong kaalaman tungkol sa kasaysayan ng iyong pamilya ay maaaring makatulong na: Tukuyin ang delikadong sakit dahil sa gen na ito. Alamin at unawain kung anong klaseng estilo ng pamumuhay at kapaligiran na magkaparehas kayo. Alamin at unawain kung paano ang makakalusugang estilo ng pamumuhay (healthy lifestyle) makakabawas sa pagkakataon na makuha ang sakit na karaniwan o komon sa iyong pamilya. Kausapin mo ang iyong pamilya tungkol sa inyong kalusugan. Sabihin sa iyong manggagamot tungkol sa mga sakit na pangkaraniwan sa iyong pamilya. Huwag kalimutan 1. Ipaalam sa iyong manggagamot ang kasaysayan tungkol sa kalusugan ng iyong pamilya. 2. Tanungin sa iyong manggagamot kung puede kang ma-eskrin para sa sakit na karaniwan sa iyong pamilya. 8 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA?

Bakit kailangang kong ipakita ang kasaysayan ng kalusugan ng aking pamilya sa aking manggagamot? Ang iyong manggagamot (doctor, nurse practicioner, physician assistant) ay puedeng gamitin ang kasaysayan sa kalusugan ng iyong pamilya kasama na rin ang iyong kasalukuyang kondisyon, para alamin ang pagkakataong mabuo o magkaroon ka ng sakit. Ang iyong manggamot ay matutulungang magdesisyon kung anong eskrining ang puedeng ibigay sa iyo at anong gamot ang iyong iinumin. Base sa kasaysayan sa kalusugan ng iyong pamilya, ang iyong manggagamot ay puedeng magrekomenda sa iyo na ipasuri ang iyong gen (genetic testing) o magpatingin ka sa isang genetic counselor na magpapayo sa iyo tungkol sa gen mo at puede ka ring ipatingin niya sa eksperto sa genetiko. Malalaman sa resulta ng pagsusuri ng iyong gen kung mayroong pagbabago sa iyong gen na puedeng tumaas ang pagkakataon na makakuha o matablan ka ng takdang sakit (specific ailment or disease or health problem). Puede rin nilang sabihin kung nagkaroon man ng pagbabago ang gen mo at kung ito ay puede mong maipasa sa iyong mga anak. Ang iyong manggagamot ay makakatulong sa iyo na: Intindihin ang kahulugan ng mga resulta ng iyong mga susuri. Magkaroon ng kaalaman kung paano gamutin ang sakit na nakita base sa resulta ng pagsusuri. Lahat ng bagong isinilang na bata sa Estados Unidos at sa karamihang mga bansa ay sinusuri, sa tiyak na mga sakit na sanhi sa gen na puedeng magdulot sa kanila ng sakit. Ito ay tinatawag na newborn screening o pag-eskrin sa mga bagong isinilang. Kung may problemang natuklasan base sa pag-eskrin, tutulungan ka ng iyong manggagamot na intindihin mo ito. GABAY SA GENETIKO AT KALUSUGAN 9

Mga sakit na dumadaloy sa pamilya Sa mga sumusunod na pagtalakay, bibigyan ka namin ng mga halimbawa ng mga karaniwang sakit o karamdaman na nakakaapekto sa komunidad at mga pamilya. Sa bawat sakit, kasama dito ang mga sumusunod na impormasyon: Ano itong mga sakit? Sino ang may malaking pagkakataon na matablan o magkasakit nito? Mga makakatulong sa kalusugan 10 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA?

Sakit sa puso Ang sakit sa puso ay ang unang sanhi ng pakamatay ng mga tao sa Amerika, maging sa mga lalaki man o babae. Maraming uri ang sakit sa puso. Ang dalawang pangkaraniwang uri ay ang coronary artery disease - CAD o sakit sa mga ugat na dinadaluyan ng dugo papasok at palabas sa puso, at ang high blood pressure o alta presyon (lakas ng pagdaloy ng dugo). ANO ANG CORONARY ARTERY DISEASE (CAD)? Sa sakit na ito ang, ang ugat na nagdadala ng dugo sa puso ay tumitigas at lumiliit. Ang ugat ay kumikitid o kumikipot at lumiliit dahil sa mga taba (plaque) at cholesterol na namumuo sa dingding ng ugat. Ang CAD ay lumalala habang tumatagal ang panahon. Habang lumiliit ang ugat na ito, kumakaunti din ang dugo na dumadaloy sa puso, at kumakaunti din ang oxygen o hangin na dumadaloy sa puso. Ang kaunting oxygen o hangin ay puedeng magdulot ng pananakit ng dibdib o atake sa puso. Ang CAD ay ang pangkaraniwan o komon na sanhi ng atake sa puso sa mga Amerikano. Sino ang may malaking pagkakata-on na magkaroon o magkasakit ng CAD? Umaabot sa 13 ka milyones na Amerikano ang may CAD. Lahat ay may pagkakataon na magkasakit nito. Ang CAD ay sanhi ng maraming kombinasyon: mga gen, pagpipili ng estilo sa pamumuhay, at kapaligiran. Para sa ibang tao, ang pagkain ng tama at pagiging aktibo at pag-ehersisyo, ay puedeng magkapagpabago ng dami ng kolesterol at makakabawas ng pagkakataong magkasakit ng CAD. Dahil sa ang iyong mga gen ay di puedeng magbago, ang ibang tao ay kailangang uminom ng medisina para mapababa o mabawasan ang pagkakataon na magkaroon ng atake sa puso. Makakatulong sa kalusugan Kumain ng tama at maging aktibo. Ang pagkamataba ay nagdadagdag ng pagkakataon na ikaw ay magkasakit. Inumin ang iyong gamot para mapanatiling mababa ang iyong kolesterol at alta presyon. Kung ikaw ay naninigarilyo, kausapin mo ang manggagamot mo para matulungan kang tumigil. Para sa karagdagang kaalaman, tingnan ang www.nhlbi.nih.gov/ health/dci at pindutin ang Coronary Artery Disease o tumawag sa American Heart Association in Hawaii sa 808-244-7185. GABAY SA GENETIKO AT KALUSUGAN 11

Sakit sa puso itutuloy ANO ANG ALTA PRESYON (HIGH BLOOD PRESSURE)? Ang alta presyon o high blood pressure ay sukat kung gaano kahirap nagtratrabaho ang puso mo para itulak ang dugo na dumadaloy sa mga ugat, papasok at palabas din sa puso. May dalawang numero kung babasahin ang sukat ng iyong alta presyon. Ang normal ay 120/80 (kung sa ingles ito ay binibigkas na 120 over 80 ) Ang unang numero ay ang lakas na ginagamit ng iyong puso upang itulak o bombahin ang iyong dugo. Ang pangalawang numero ay ang lakas sa bawat pintig ng iyong puso. Ang ibig sabihin ng alta presyon o ang sobrang lakas na pagdaloy ng dugo ay; ang iyong puso ay sobrang nagtratrabaho. Sa katagalan ang sobrang lakas ng pagdaloy ng dugo ay magdudulot ng pagkasira ng kidni, atake sa puso, pagputok ng ugat o stroke at iba pang mga sakit. Sino ang may malaking pagkakata-on na magkaroon o magkasakit ng alta presyon? Malamang na isa sa tatlong may idad (adult) ay may alta presyon. Marami nito ay walang alam na mayroon silang alta presyon dahil wala itong malinaw na palatandaan. Ang mga kasaysayan ng alta presyon na nangyayari sa pamilya ay nagdudulot ng mataas na pagkakataon na magkaroon din nito ang kahit bata pa o wala pa sa tamang idad. Tumataas ang pagkakataon na magkaalta presyon ka habang ikaw ay nagkakaidad, bumibigat ang timbang, o kung may kapamilya kayo na may alta presyon. Makakatulong sa kalusugan Kumain ng kaunting asin o huwag maging mahilig sa asin. Limitahan ang paginum ng alak, katamtaman lang. Siguruhin na tama lang ang timbang mo at maging aktibo. Ayusin ang pagdala ng stress o mga problema o sobrang pagaalala at huwag magpaapekto nito. Magpa-eskrin lagi. Para sa kararagdagang impormasyon, tumingin sa www.nhlbi.nih. gov/health/dci at pindutin ang High Blood Pressure o tumawag sa American Heart Association in Maui sa 808-244-7185. Ang mga palatandaan sa sakit sa puso ay maaring hindi mo mapuna hangga t ito ay nakapinsala na. Kausapin mo ngayon ang pamilya mo tungkol sa sakit sa puso. 12 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA?

Asma ANO ANG ASTHMA? Asma ay sakit sa baga na sanhi ng paulit-ulit na pag-atake nang mahirap na paghinga, ubo, paghingal, paninikip ng dibdib. Ang pag-atake ay maaaring katamtaman lang hanggang sa delikado na ang kalagayan at makakamatay na ito. May mga sanhi ang pag-atake o mga triggers. Ito ay katulad ng alikabok, mala-alikabok na maliliit na insekto (dust mites), mga balahibo, buhok, pakpak o balat ng hayop, amag, maliliit na liso o parte ng mga bulaklak, halaman o punongkahoy, malamig na hangin, ehersisyo, mga pag-aalala o problema o stress, sipon, alergi, usok galing sa sigarilyo o tabako at polusyon sa hangin. Ang ibang tao ay may gen na nagpipigil na maapektohan sila ng mga sanhi ng asma (asthma triggers). Sino ang may malaking pagkakata-on na magkaroon o magkasakit ng asma? Isa sa bawat sampung bata ay may asma at isa sa bawat indibiduwal na may sapat na gulang. Asma ang malimit na dahilan kung bakit ang mga bata ay napupunta sa emergency room at hindi nakakapasok sa klase nila. Kung mayroon kang mga magulang, kapatid o anak na may asma o alergi, ikaw ay maaaring magkasakit din nito. Makakatulong sa kalusugan Lumayo o iwasan ang mga sanhi sa asma. Gamitin ang mga gamot nang isakto. Para sa kararagdagang impormasyon, tumingin sa www.nhlbi. nih.gov/health/dci at pindutin ang Asthma or call the American Lung Association in Hawaii sa 808-537-5966 x208. GABAY SA GENETIKO AT KALUSUGAN 13

Dayabetes (Sakit sanhi sa tamis o asukal) Ang dayabetes ay seryoso at di nawawala dahil sa sobrang asukal sa dugo. Tuloy-tuloy na itong sakit. Nalalaman na lang ito ng karamihan kong mayroon na silang dayabetes. Sabi ng American Diabetes Association, isa sa tatlong tao na mayroong pangalawang uri ng dayabetes (Type 2 Diabetes) ay di nila alam na mayroon sila nito. Ang simtomas nito ay lumalabas kung ang katawan ay nawawalan ng kakayahan na gamitin ang asukal at iba pang pagkain para magbigay ng lakas sa buong katawan. Ito ay nangyayari kung ang katawan ay hindi na nakakapagbigay o nakakagamit ng hormone na ang tawag ay insulin. Ang malalang problema na dulot ng dayabetes ay pagkabulag, pagkasira ng kidne, at pagkamatay. Puedeng malaman ng maaga kung mayroon kang dayabetes at puede ring gamutin para mapigilan ito o para antala-in muna ang pag-epekto nitong seryosong sakit sa katawan. Genetiko at kapaligiran katulad ng pagkain, at pag-ehersisyo o pagiging aktibo ay may kinalalaman sa pagkakaroon ng dayabetes. ANO ANG UNANG URI NG DAYABETES (TYPE 1 DIABETES)? Ang unang uri (Type 1) ng dayabetes ay nararamdaman ng mga bata o wala pa sa tamang idad o young adults. Ang mga taong mayroong unang uri ng dayabetes ay tumigil na ng paggawa ng sarili nilang insulin. ANO ANG PANGALAWANG URI NG DAYABETES (TYPE 2 DIABETES)? Ang pangalawang uri ng dayabetes ay nararamdaman ng mga indibiduwal na may 30 taong gulang. Ngunit nitong mga huling taon, maraming mga kabataan ang nagkakasakit nito dahil sa hindi tamang pagkain. Ang mga dalub-agham (scientists) ay may dagdag na kaalaman tungkol sa mga gens na may koneksiyon sa ganitong uri ng sakit. 14 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA?

Sino ang may malaking pagkakata-on na magkaroon o magkasakit ng dayabetes? Isa sa 13 na tao sa Estados Unidos ay may dayabetes. Lima sa sampung porsiyento sa mga may dayabetes na Amerikano ay may unang uri ng dayabetes. Ang mga kapatid o anak ng mga taong may dayabetes ay malaki ang pagkakataon na magkaroon din sila ng dayabetes. Ang mga malalaki o matatabang tao ay kalimitan magkakaroon ng pangalawang uri ng dayabetes. Ang mga babae na may mga sanggol na may timbang sobra ng 9 libras (pound) o mayroong dayabetes noong nagbubuntis sila ay malaki ang pagkakataon na magkasakit ng dayabetes. Makakatulong sa kalusugan Kumain ng maraming prutas at gulay, kaunting asukal o matatamis na pagkain at taba. Laging mag-ehersisyo at maging aktibo. Magbawas ng timbang kung kinakailangan. Para sa karagdagang impormasyon, tumingin sa www.ndep.nih.gov o tumawag sa Hawaii American Diabetes Association 808-947-5979. GABAY SA GENETIKO AT KALUSUGAN 15

Cancer Maraming uri ng kanser. Ang kanser ay sanhi ng pagtubo at paglaganap ng abnormal na mga sel. Pero kahit na ang pagkakataong ikaw ay magkaroon ng kanser ay tumataas habang ikaw ay tumatanda, ang genetiko at ang kapaligiran mo ay may kinalalaman din para ang ibang tao ay magkaroon ng tiyak na tipo ng kanser. Ang ibang karaniwan o komon na kanser ay kanser sa suso, kanser sa baga at kanser sa prosteyt (prostate). ANO ANG KANSER SA SUSO? Ang kanser sa suso ay isang tipo ng kanser na kalimitan may namumuong laman sa loob ng maliit na tubo (ducts) sa suso. Ang kanser sa suso ay ang pinakakomon na kanser sa mga babae. Ang mga lalaki ay puede ring magkaroon nito, pero bihira lang. Kalimitan ang kanser sa suso ay magagamot kung maaagapan ng maaga. Sino ang may malaking pagkakata-on na magkaroon o magkasakit ng kanser sa suso? Isa sa bawat walong Amerikanang babae, habang siya ay nabubuhay, ay magkakaroon ng kanser sa suso. Sa mga Hispanika/Latina, ang kanser sa suso ay ang pinakakomon na tipo ng kanser. May malaking pagkakataon na magkaroon ka rin ng kanser sa suso kung ikaw ay may malapit na kamag-anak na nagkasakit nito. Kasama na dito ang magkabilaang pamilya ng tatay at nanay mo, kung mayroon sa kanila nagsakit ng kanser sa suso. Makakatulong sa kalusugan Ang babae ay dapat magkaroon ng buwan-buwang sariling pag-eksamin sa suso (self-exam). Paglampas ng babae ng edad na 40, siya ay dapat magpamamogram taon-taon. Magtanong tungkol sa pagsusuri ng genetiko sa mga pamilya na maraming nagkakasakit ng kanser. Kumain ng tama at balanseng pagkain at laging mag-ehersisyo. Limitahan ang alkohol na iyong iinumin. Para sa kararagdagang impormasyon, tumingin sa www.cancer. gov/cancertopics at pindutin ang Breast Cancer o tumawag sa Susan G. Komen for the Cure of Breast Cancer in Hawaii 808-754- 6659. 16 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA?

ANO ANG KANSER SA BAGA? Ang kanser sa baga ay sanhi sa di mapigilang pagtubo ng mga kanser sel sa isa o sa dalawang baga. Sino ang may malaking pagkakata-on na magkaroon o magkasakit ng kanser sa baga? Ang kanser sa baga ay ang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng may mga kanser na babae at lalaki. Mga 160,000 na tao ang namatay sa Estados Unidos sa kanser sa baga noong 2007. Malapit sa 87 porsiyento ng mga kaso ng kaser sa baga sa Estados Unidos ay dahil sa paninigarilyo o may kinalalaman sa sigarilyo. Makakatulong sa Kalusugan Huwag manigarilyo. Iwasan ang usok ng sigarilyo (secondhand smoke). Alamin ang tungkol sa pagtesting para sa radon at saka asbestos sa iyong bahay at sa trabaho. Para sa kararagdagang impormasyon, tumingin sa www.cancer. gov/cancertopics at pindutin ang Lung Cancer o tumawag sa Hawaii American Lung Cancer Association in Maui 808-244-5110. GABAY SA GENETIKO AT KALUSUGAN 17

Kanser itutuloy ANO ANG KANSER SA PROSTEYT (PROSTATE)? Ang kanser sa prosteyt ay namumuo sa pampanganak na parte ng katawan (reproductive system) ng lalaki. Ang prosteyt ay maliit na glandula (gland) malapit sa pantog (bladder). Ang mga dalub-agham (scientists) ay wala pang kaalaman kung ano ang sanhi ng kanser sa prosteyt. Ang mga doktor ay may pagsusuring ginagawa para malaman kung ang isang lalaki ay may kanser sa prosteyt o wala. Sino ang may malaking pagkakata-on na magkaroon o magkasakit ng kanser sa prosteyt? Ang mga lalaki kahit ilang taon ay puedeng magkaroon ng kanser sa prosteyt. Pero, sobra sa 8 sa bawat 10 na kaso ay nangyayari sa mga lalaki na sobra sa 65 taong gulang. Ang kanser sa prosteyt ay ang pinakakomon na klase ng kanser sa mga lalaking Hispaniko/Latino at Aprikanong-Amerikano. Kung mayroong tatay o kapatid na lalaki na nagkaroon ng kanser sa prosteyt, dumodoble ang pagkakataong magkaroon ng kanser na ito ang isang lalaki. Tumataas pa ito sa pagtaas din ng bilang ng mga kamag-anak na nagkasakit nito, lalo na kung ang mga kamag-anak na ito ay kulang pa sa 50 taong gulang na nagkaroon nito. Makakatulong sa kalusugan Sundin ang tamang pagkain o diyeta. Mag-ehersisyo palagi. Paglampas mo nang 50, magpasuri ka sa prosteyt mo. Para sa kararagdagang impormasyon, tumingin sa www.cancer. gov/cancertopics at pindutin ang Prostate Cancer o tumawag sa American Cancer Sociey Hawaii Pacific Inc. sa 808-595-7544. 18 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA?

Tiyak na mga anomaliya sa gen ANO ANG TIYAK NA MGA ANOMALIYA SA GEN? Sa unahan nitong libreta, nabasa mo ang tungkol sa mga kondisyones na sanhi ng pagbabago o mutations sa isang takdang gen. Ang tawag sa kondisyon na ito sa ingles ay single gene disorders. Mayroong 6,000 single gene disorders. Sa kalahatang kombinasyon, nangyayari ito sa isa, bawat 300 na isinilang na sanggol. Ang mga simtomas sa single gene disorders ay masyadong magkaiba-iba, pero kalimitan nito ay makikita sa pamilya. Ang pagkolekta ng kasaysayan ng kalusugan sa iyong pamilya para sa ganitong kondisyon o problema ay importante sa pagtukoy at paggamot o pagbakas kung ano ang maaring gawin at desisyon tungkol sa panganganak. Sino ang may malaking pagkakata-on na magkaroon o magkasakit ng takdang anomaliya sa gen? Bawat tao ay isinilang na mayroong mutations. Kalimitan sa mga mutations na ito ay hindi magdudulot ng sakit sa ganon na lang, pero importante na matukoy kung may takdang idudulot itong pagbabago ng gen (mutation) na sakit. Depende kung anong gen ang apektado, ang single gene disorders ay puedeng maipasa kahit na kung ang nanay at tatay ay walang simtomas na nakikita o nararamdaman. Ang ibang single gene disorder ay nadidiskobrehan sa pagbubuntis o sa kapapanganak ng sanggol. Ang iba ay hindi matutukoy (diagnosed) kung di pa ang bata lumalaki o nasa tamang gulang na. Ang pinakadelikadong mutations ay nagreresulta sa pagkalaglag o pagkamatay ng bata sa loob ng sinapupunan ng ina. Kung mayroon karanasan ang miyembro ng iyong pamilya ng pagkalaglag, baka ito ay may kinalalaman sa genetic mutation. GABAY SA GENETIKO AT KALUSUGAN 19

Takdang mga anomaliya ng gen continued Makakatulong sa kalusugan Kung mayroon ang iyong pamilya kasaysayan ng single gene disorder, pag-usapan ninyo ito ng iyong manggagamot. Maaaring irekomenda sa iyo na magpatingin ka sa espesyalista. Alamin kung anong pagsusuri ang ginagawa sa bagong isinilang na sanggol sa iyong lugar (state). Para sa mga libo-libong kondisyones na ito, may mga grupong nagbibigay ng suporta o tulong, impormasyon, at mga paraan para makialam at tumulong sa pagdiskobre ng mga nararapat na lunas na puede mong pagpilian. Tumingin sa Disease InfoSearch sa www.geneticalliance.org para may marami ka pang malaman. Para sa kararagdagang impormasyon tungkol sa single gene disorders, makipanayam sa Genetic and Rare Diseases (GARD) Information Center sa gardinfo@nih.gov o tumawag 888-205-2311 o tumawag sa 888-205-2311 o tumawag sa Hawaii State Genetics Program, Hawaii State Department of Health 808-733-9055 at tumingin sa www.hawaiigenetics.org. 20 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA?

Mga Kasangkapan Ang kasangkapang Does it Run in the Family o Ito Ba ay Pangkaraniwang Sakit sa Ating Pamilya, ay may kasamang 2 libreta na makakatulong na magkaroon ng maiksing impormasyon tungkol sa iyong kalusugan na puede mong ibigay sa iyong manggagamot ang Family Health Portrait at ang Health Care Provider Card. Puede mo ring marinig sa iyong manggagamot na tawagin ang Family Health Portrait na pedigree. Bawat pamilya at indibiduwal ay kakaiba at maaaring may kakaiba ding sakit sa genetiko na hindi nabanggit dito. Ang nabanggit dito ay ang mga pangunahing sakit na may kinalalaman sa genetiko. Para sa karagdagang impormasyon tumingin sa: Disease InfoSearch www.geneticalliance.org National Library of Medicine www.nlm.nih.gov/services/genetics_resources.html Lanai Community Health Center www.lanaicommunityhealthcenter.org GABAY SA GENETIKO AT KALUSUGAN 21

WWW.LANAICOMMUNITYHEALTHCENTER.ORG 478 Lauhala Place Lanai City, HI USA 96763 0142 Phone: 808-565-6919 Fax: 808-565-9111 info@geneticalliance.org Ang Lanai Community Health Center (LCHC) ay binibigyan ng pundo ng gobyernong pederal ng Estados Unidos na tumatanggap ng pasyente - mayroon o wala man siyang insyurans. Ang LCHC ay nagbibigay ng malawakang saklaw sa pagbibigay ng iyong lunas, maingat sa iyong praybasi, mataas na paggalang at respeto sa iyong mga paniniwala at kultura at pangunahing pag-aalaga para sa buong pamilya. ORAS NA BUKAS Lunes/Miyerkules/Biyernes: 9:00 ng UMAGA 7:00 ng GABI Martes/Huebes: 8:00 ng UMAGA 5:00 ng HAPON Sabado: 8:00 ng UMAGA 3:00 ng HAPON WWW.GENETICALLIANCE.ORG 4301 Connecticut Ave. NW, Suite 404 Washington, D.C. 20008-2369 Phone: 202-966-5557 Fax: 202-966-8553 info@geneticalliance.org