Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Similar documents
Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

Pag-access at Pagbabago ng mga Rekord ng Kalusugan

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Mga Pananggalang na Pamamaraan Mga Karapatan ng Magulang

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

RIVERSIDE TRANSIT AGENCY PAMAMARAAN SA IMBESTIGASYON NG REKLAMO NG TITLE VI

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Paunawa ng mga Pamprotektang Hakbang sa Proseso Binago Oktubre 2016

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Sinusuportahang Pagtatrabaho sa pamamagitan ng DOR: Fact Sheet ng Pagkanararapat at Nasasaklawan ng mga Serbisyo

PANGKALAHATANG ABISO SA PRIVACY NG PERSONAL NA IMPORMASYON NG EMPLEYADO

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Atlantic Health System

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

PETSANG MAY BISA: 01/01/2016 PETSA NANG NIREBISA: 06/27/2017. Financial Assistance Policy (Patakaran para sa Pinansiyal na Tulong)

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Pag-unawa sa Pamamaraan ng Pagtasa, Karapatan, at Pang-isahang Programa sa Edukasyon ng Maryland

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Direktoryo ng Provider at Parmasya

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

Iba pang mga wika at format

Financial Assistance Documents

PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE

EBIDENSYA NG SAKLAW CARE1ST CAL MEDICONNECT PLAN MGA COUNTY: LOS ANGELES AT SAN DIEGO. Care1st Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Sistema Administratibo

Stake Audit Committee

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Pamamahala sa Social Security Mahalagang Impormasyon

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

I. LAYUNIN PATAKARAN. Pamagat: Patakaran sa Tulong Pinansyal. Patakaran Pamamaraan Alituntunin Iba pa: Saklaw: Sistema Departamento:

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

APPLICATION PARA SA CALFRESH, TULONG NA PERA, AT/O MEDI-CAL/MGA PROGRAMA SA PANGANGALAGA SA KALUSUGAN

Unang Hakbang MGA INIAATAS NA KUWALIPIKASYON

Opisina ng Pagtatanggol para sa Saykayatrikong Pasyente

Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) Title VI

Bayshore Elementary School District Local Control Accountability Plan Year 1 Summary

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

2017 Fair Housing Survey para sa Lungsod at County ng Los Angeles

2018 Buod ng Mga Benepisyo

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ADVENTIST MIDWEST HEALTH ANYONG PATAKARAN Kategorya Mga Serbisyo ng Pasyente sa Pinansiyal

Petsa ng simula ng paghihintay (MM/DD/YYYY)

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Pamamatnubay na Palakad sa Paaralan para sa mga Magulang na Baguhan

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

Ota City Board of Education

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Isang Guide para sa Naturalisasyon

Advance Directive - ALASKA

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

GRADE VI GAMIT NG GRID

Ang lahat ng iba pang impormasyon at benepisyo ay hindi magbabago gaya ng isinasaad sa inyong 2016 na Handbook ng Miyembro.

Patakaran sa Proteksyon ng Whistleblower

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

Pag-alalay sa Pag-aaral ng inyong Anak sa pamamagitan ng Pagtatasa, Pagsusuri at Pag-uulat

TAGALOG Online na Buklet ng Impormasyon ng Magulang Smarter Balanced Assessments at Hawai i State Science Assessments

Medi-Cal. Taon ng Benepisyo Handbook ng Miyembro ng Medi-Cal para sa

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Dapat ninyong makumpleto ang form na ito ng pagpaparehistro nang hindi lalampas sa Martes, Hunyo 12, 2018, sa ganap na 5:00 PM, Pacific.

AMATS Title VI Walang Diskriminasyong Plano ng Pagpapatupad

1(415) TDD 1(415)

Ang Sistema sa Kalusugan ng Johns Hopkins Patakaran at Pamamaraan

Pamantayan para sa Mga Palaisdaan ng Seafood Watch

MUNTAKLAT

Kagawarang May-ari: Pananalapi Petsa ng Pagkakabisa: Hulyo 1, 2017 Tagapag-ingat: Punong Opisyal na Pahina: 1 ng 16

SAN LEANDRO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

PERSONAL NA PAGSAKOP PARA SA MGA MAY-ARI NG NEGOSYO

Transcription:

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet Hunyo 2015, Publikasyon #CM60.08 Tagalog Panimula Parehong inilatag ng batas ng estado at pederal ang mga kinakailangan para sa probisyon ng mga pagtatasa at serbisyo hinggil sa pag-uugali. Bibigyan ka ng fact sheet na ito ng ilang pangunahing impormasyon hinggil sa mga batas na ito at bibigyan ka ng impormasyon tungkol sa mga karapatan ng iyong anak sa positibong mga pagtatasa hinggil sa pag-uugali, mga pamamagitan at serbisyo. Sasabihin din sa iyo ng fact sheet kung saan ka maaaring makakuha ng tulong sa pagtataguyod kung kailangan mo ito o kung may mga katanungan ka tungkol sa pagbabago sa batas. 1 1 Noong Hulyo ng 2013, bilang bahagi ng proseso ng budget nito, pinawalangbisa ng California Legislature ang karamihan sa Hughes Bill, isang set ng mga batas at regulasyon na inuutusan ang mga distrito ng paaralan na gumawa ng mga partikular na hakbang para maaksyunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante ng espesyal na edukasyon na may mga problema sa pag-uugali. Inuutusan ng Hughes Bill ang mga distrito ng paaralan na awtomatikong magkaloob ng mga gumaganang pagtatasa ng pagsusuri sa ilang sitwasyon. Samantalang ang mga pagtatasa na ito ay hindi na awtomatikong kailangan gaya nang inilalarawan sa naunang batas, ang mga pagtatasa hinggil sa paguugali at mga positibong pamamagitan hinggil sa pag-uugali ay kinakailangan pa rin bilang bahagi ng isang IEP at tinalakay sa publikasyon na ito.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas pederal at estado, ang mga distrito ng paaralan ay DAPAT magkaloob ng naaangkop na mga serbisyo at suportang nauugnay hinggil sa pag-uugali, kabilang ang detalyadong gumaganang pagtatasa hinggil sa pag-uugali at mga plan ng positibong pamamagitan hinggil sa pag-uugali kapag kinakailangan, sa tuwing magkakaroon ng mga pag-uugali ang estudyante na nakasasagabal sa pag-aaral ng estudyante o iba pang estudyante. 1. Maaari bang tumangging maghandog ang distrito ng paaralan ng mga serbisyong hinggil sa pag-uugali na kinakailangan ng aking anak? Kung ang iyong anak ay may mga pag-uugali na nakasasagabal sa pag-aaral ng iyong anak o iba pang bata, inuutos ng batas pederal na DAPAT isaalang-alang ng koponan ng IEP kung aling mga suporta sa pag-uugali at mga istratehiya at iba pang serbisyo ang kinakailangan upang mabenepisyuhan ang iyong anak mula sa edukasyon sa pinakakaunting mapaglimitang kapaligiran. [34 C.F.R. Sec. 300.324(a)(2),(b)(2).] Kailangang ipagkaloob ng distrito ng paaralan ang uri ng pagtatasa, plan, mga serbisyo o suporta na pinagpasyahan ng koponan ng IEP ng iyong anak na mga kinakailangan para matulungan ang iyong anak sa kanyang pag-uugali sa paaralan para mabenipisyuhan ang iyong anak sa edukasyon at hindi kailangang lumipat sa isang mas mapaglimitang kaligiran, tulad ng isang espesyal na araw na klase o programa sa paggagamot sa umaga, dahil sa pag-uugali ng iyong anak. Kung ang iyong anak ay mayroong malalang mga pag-uugali, tulad ng agresibo o mga pag-uugaling sinasaktan ang sarili, hindi na kinakailangan ng distrito ng paaralan na awtomatikong magkaloob ng functional analysis assessment o positive behavior intervention plan, ngunit dapat isaalang-alang ng koponan ng IEP kung kinakailangan ng iyong anak ng functional analysis assessment o positive behavior intervention plan kasama sa pagsasaalang-alang sa iba pang serbisyo o istratehiya para maaksyunan ang kanyang mga pangangailangan sa pag-uugali. Kung nagkaroon na ang iyong anak ng plan ng suporta sa paguugali na hindi naging mabisa sa pag-aksyon sa mapanghamong pag-uugali, dapat mo itong tukuyin sa koponan ng IEP at hilingin na makatatanggap ang iyong anak ng detalyadong pagtatasa ng gumaganang pagtatasa hinggil sa paguugali, tulad ng isang functional analysis assessment para may sapat na impormasyon ang koponan ng IEP para bumuo nang mas detalyadong plan ng positibong pamamagitan ng pag-uugali. Pahina 2 ng 11

Kung ang iyong anak ay may mga pag-uugali na nakasasagabal sa pag-aaral ng iyong anak o iba pang bata, dapat magsama ang IEP ng pahayag ng mga serbisyong kaugnay sa espesyal na edukasyon at pag-uugali at mga pandagdag na tulong, at mga serbisyo na ipagkakaloob sa iyong anak, at isang pahayag ng nasusukat na taunang mga layunin ng pag-uugali na idinisenyo para aksyunan ang mga pangangailangan sa pag-uugali ng iyong anak. [34 C.F.R. Sec. 300.320(a)(2),(4).] Kung ang IEP ng iyong anak ay walang nilalamang mga serbisyo o istratehiya para aksyunan ang pag-uugali o walang mga layuning nauugnay sa mga pangangailangan sa pag-uugali ng iyong anak, dapat mong isaalang-alang na maghain ng reklamo sa California Department of Education. Kung ang IEP ng iyong anak ay naglalaman ng mga walang-bisang serbisyo, suporta o mga istratehiya para maaksyunan ang mga pangangailangang hinggil sa pag-uugali na ito, maaari mong isaalang-alang ang paghahain ng kahilingan ng pagdinig ng due process. [Tingnan ang Kabanata 6, Impormasyon sa Due Process at mga Reklamo sa Pagtalima, Mga karapatan ng Espesyal na Edukasyon at mga Reponsibilidad https://www.disabilityrightsca.org/publications/serr-special-education-rights-andresponsibilities 2. Ano ang dapat kong gawin para matiyak na makakukuha ang aking anak ng kinakailangan na pagtatasa at mga serbisyo sa pag-uugali? Kung ang iyong anak ay may mga pag-uugali na nakasasagabal sa pag-aaral ng iyong anak o iba pang kakayahan ng bata na matuto, dapat kang gumawa ng nakasulat na kahilingan para sa isang pagpupulong ng IEP para malaman kung aling mga suporta at serbisyo ang kinakailangan ng iyong anak para maaksyunan ang pag-uugali ng iyong anak sa isang positibong paraan. Ang mga serbisyo ng koponan ng IEP ay dapat isaalang-alang magsama ng detalyadong gumaganang pagtatasa hinggil sa pag-uugali, isang plan ng suporta sa paguugali at kung naaangkop, isang positibong plan ng pamamagitan ng pag-uugali, ang minsanang tulong hinggil sa pag-uugali, pagsasanay at konsultasyon ng magulang at/o guro sa isang espesyalista sa pag-uugali, pagpapayo, mga kasanayang panlipunan, anger management at/o iba pang serbisyo at istratehiya na pinaniniwalaan mong kinakailangan ng iyong anak. Bago sa pulong ng IEP, maaaring gusto mo ring gumawa ng nakasulat na kahilingan para sa isang gumaganang pagtatasa hinggil sa pag-uugali, lalung- Pahina 3 ng 11

lalo kung nakapagbuo ang paaralan ng plan ng suporta hinggil sa pag-uugali o gumamit ng ibang istratehiya hinggil sa pag-uugali na hindi gumana para mapabuti ang mapanghamong pag-uugali ng iyong anak. Ang pagtatasa na ito ay dapat maidisenyo para makakuha ng detalyadong impormasyon tungkol sa pag-uugali ng iyong anak (tulad ng isang detalyadong paglalarawan ng paguugali, gaano ito kadalas mangyari, gaano ito tumatagal, saan ito nangyayari, at ano ang nangyayari bago palang at pagkatapos maging abala ang iyong anak sa mapanghamong pag-uugali) at ang mga kapaligiran sa pag-aaral ng iyong anak para matulungan ang koponan ng IEP na matukoy kung bakit nagiging abala ang iyong anak sa mapanghamong pag-uugali at ano ang maaaring gawin para tulungan ang iyong anak dito. Ang Office of Special Education Programs (OSEP) ay inilarawan ang mga gumaganang pagtatasa hinggil sa pag-uugali bilang evaluations sa ilalim ng IDEA. Kung gayon, dapat mong payuhan ang distrito ng paaralan na kapag hihiling ka ng FBA, ang lahat ng legal na kinakailangan na nauukol sa ibang pagsusuri at pagpapasya ay lalapat. 2 Ang paaralan ay may 60 araw mula sa kung kailan ka lumagda ng plan ng pagtatasa na kinabibilangan ng gumaganang pagtatasa hinggil sa pag-uugali para isagawa ang pagtatasa at para ganapin ang isa pang pulong ng IEP para talakayin ang mga resulta ng pagtatasa at para pagpasyahan kung anong mga serbisyo, suporta at iba pang positibong istratehiya sa pag-uugali na kinakailangan ng iyong anak. [Cal. Ed. Code Sec. 56344(a)] Kung magsasagawa ang distrito ng paaralan ng gumaganang pagtatasa hinggil sa pag-uugali ng iyong anak ngunit sa palagay mo ay hindi nakatutulong ang pagtatasa sa pagtukoy sa kung anong mga uri ng mga suporta at serbisyo hinggil sa pag-uugali ang kinakailangan ng iyong anak, o hindi ka sumasangayon sa pagtatasa ng distrito ng paaralan sa ibang dahilan, inirerekumenda namin na humiling ka ng independent educational evaluation (IEE) sa gastos ng publiko. [34 C.F.R. Sec. 300.502; Cal. Ed. Code Sec. 56329(b).] Dapat mong gawing nakasulat ang kahilingang ito sa distrito ng paaralan at piliting ipaliwanag ang mga partikular na bahagi ng pagtatasa o ang mga 2 Ang memo ng OSEP, yayamang hindi batas na umiiral, ay maaaring gamitin para udyukan ang distrito ng paaralan na gamitin ang parehong mga pamamaraan sa isang FBA gaya sa alinmang ibang pagtatasa. Ang talakayan ng memo na iyon ay matatagpuan sa http://www.cde.ca.gov/sp/se/ac/bipleafaq.asp. Pahina 4 ng 11

pamamaraang gingamit para isagawa ang pagtatasa na hindi mo sinasangayunan. Kung gagawa ka ng kahilingan para sa isang malayang edukasyonal na pagsusuri at pagpapasya, inuutusan ng batas ang distrito ng paaralan na alinman sa sumang-ayong magbayad para sa pagtatasa na ito o maghain para sa isang pagdinig ng due process para ipakita na naaangkop ang pagtatasa ng distrito. [34 C.F.R. Sec. 300.502; Cal. Ed. Code Sec. 56329(b).] Sa hulihan ng fact sheet na ito nagbibigay kami ng sampol ng sulat na maaari mong gamitin para humiling ng IEP para mapagpasyahan ang mga pangangailangan ng iyong anak kaugnay sa kanya o pag-uugali at/o para humiling ng gumaganang pagtatasa hinggil sa pag-uugali. Naglakip din kami ng sampol ng sulat para humiling ng malayang edukasyonal na pagsusuri at pagpapasya kung hindi ka sasang-ayon sa gumaganang pagtatasa hinggil sa pag-uugali na ibinibigay ng distrito ng paaralan. 3. Kailan maaaring gumamit ang distrito ng paaralan ng emergency na pamamagitan hinggil sa pag-uugali tulad ng pagpipigil o paghihiwalay sa aking anak? Ang bahaging ito ng batas ng California ay hindi nagbago. Ang mga distrito ng paaralan ay maaari lamang gumamit ng emergency na mga pamamagitan kapag: 1. nagiging abala ang iyong anak sa hindi mahulaan, likas na pag-uugali at 2. naghahandog ang pag-uugali ng panganib ng malalang pisikal na pinsala sa estudyante o iba pa at 3. ang mapanganib na pag-uugali ay hindi kaagad napipigilan ng isang digaanong mapaglimitang pagtugon kaysa sa emergency na pamamagitan. [Cal. Ed. Code Sec. 56521.1(a).] Hindi dapat kailanman ipamalit ng mga distrito ng paaralan ang paggamit ng hinggil sa pag-uugaling emergency na mga pamamagitan para sa sitematikong positibong mga pamamagitan hinggil sa pag-uugali. [Cal. Ed. Code Sec. 56521.1(b).] Pinagbabawalan ang mga distrito ng paaralan sa paggamit ng mga uri ng pamamagitan kung saan ay mga nakapipinsala sa kalusugan o kapakanan ng Pahina 5 ng 11

isang estudyante tulad ng mga pamamagitan kung saan ay malamang na magdudulot ng sakit, kung saan ay ipinagkakaila ang sapat na tulog, pagkain, tubig, silungan, kumot, pisikal na kaginhawahan, o paggamit sa mga pasilidad ng banyo ng estudyante; o kung saan ay malamang na daranas ang iyong anak sa berbal na pang-aabuso, pangungutya o panghihiya; o kung saan ay inaasahan na magiging sanhi sa iyong anak ng sobrang emosyonal na pagkagimbal. [Cal. Ed. Code Sec. 56521.1(d).] Maaaring gumamit ang paaralan ng emergency na pamamagitan tulad ng pisikal na pagpipigil sa iyong anak lamang hangga't kinakailangan para makontrol ang mapanganib na pag-uugali at gagamitin lamang ang lakas ng puwersa na makatwiran at kinakailangan batay sa mga pagkakataon. [Cal. Ed. Code Sec. 56521.1(b),(c).] Kung naniniwala kang ginagamit ng paaralan ng iyong anak ang isa sa mga ipinagbabawal na uri ng pamamagitan sa iyong anak o paulit-ulit na gumagamit ng pagpipigil o paghihiwalay o iba pang pamamagitan sa iyong anak tulad ng pagtawag sa pulis nang hindi binibigyan ang iyong anak ng isinaindibidwal na positibong suporta ng pag-uugali, dapat mong kontakin ang isang espesyal na abogado o tagapagtaguyod ng edukasyon. 4. Anong mga karapatan ang mayroon ako at aking anak kung gagamit ang Distrito ng Paaralan ng emergency na pamamagitan ng pag-uugali tulad ng pisikal na pagpipigil sa aking anak? Kung gagamit ang paaralan ng emergency na mga pamamagitan sa pag-uugali sa iyong anak, dapat kang abisuhan dito ng mga distrito ng paaralan sa loob nang isang araw ng eskuwela. [Cal. Ed. Code Sec. 56521.1(e).] Dapat din magpuno ang distrito ng paaralan ng ulat ng emergency hinggil sa pag-uugali ng impormasyon tungkol sa mga kaganapan na humahantong sa paggamit sa emergency na pamamagitan ng pag-uugali at tungkol sa paggamit ng pamamagitan at ilagay ito sa file ng iyong anak. [Cal. Ed. Code Sec. 56521.1(e).] Hindi inuutusan ang distrito na bigyan ka ng kopya ng ulat na ito maliban lang kung hihilingin ito. Inirerekumenda namin na gumawa ka ng nakasulat na kahilingan para sa ulat na ito kung mabalitaan mo na ginamit sa iyong anak ang emergency na pamamagitan. Pahina 6 ng 11

Kung ang iyong anak ay walang plan ng pamamagitan hinggil sa pag-uugali, kung gayon dapat mag-schedule ang distrito ng paaralan ng pulong ng IEP sa loob nang dalawang araw ng emergency na pamamagitan para matukoy kung ang gumaganang pagtatasa hinggil sa pag-uugali ay kinakailangan at para matukoy kung kinakailangan ng iyong anak ng plan ng emergency na pag-uugali habang isinasagawa ang pagtatasa. [Cal. Ed. Code sec. 56521.1(g).] Kung mayroon ng positibong plan ng pamamagitan ng pag-uugali ang iyong anak, dapat mag-schedule ng pulong ng IEP ang distrito para repasuhin at maaaring palitan ang plan na ito kung gumamit ang paaralan ng emergency na pamamagitan ng pag-uugali sa iyong anak dahil naging abala ang iyong anak sa pag-uugali na hindi nasasaklawan sa plan o hindi naging mabisa ang plan ng iyong anak sa pag-aksyon sa pag-uugali. [Cal. Ed. Code sec. 56521.1(h).] Kung nasabihan kang gumamit ang paaralan ng iyong anak ng emergency na pamamagitan hinggil sa pag-uugali tulad ng pagpipigil o paghihiwalay, dapat mong paalalahanan ang distrito ng paaralan sa kanilang obligasyon na magschedule ng pulong ng IEP para bumuo ng bago o magbago ng plan ng suporta sa pag-uugali para sa iyong anak. Kung hindi ito gagawin ng distrito ng paaralan, inirerekumenda namin na maghain ka ng reklamo sa pagtalima. 5. Saan pa ako makahahanap ng patnubay sa isyu na ito? Ang California Department of Education (CDE) ay naglathala ng dokumento ng detalyadong katanungan at kasagutan na inaaksyunan ang mga kinakailangan ng local educational agency (LEA) na nuugnay sa pagkakaloob ng mga pagtatasa hinggil sa pag-iisip at mga serbisyo. Ang form ng katanungan at kasagutan ay nakalaan sa online sa: http://www.cde.ca.gov/sp/se/ac/bipleafaq.asp Tinatalakay ng sheet na iyon ang memo ng OSEP na naglalarawan ng mga pagtatasa hinggil sa pag-uugali bilang mga pagsusuri at papapasya sa ilalim ng IDEA, na tinalakay sa katanungan 2 sa i taas. 6. Saan ako makakukuha ng tulong kung kailangan ko ito? Kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa pagbabago ng batas na ito o makapanagpo ng anumang ibang problemang nauugnay sa mga pag-uugali ng iyong anak sa paaralan, tawagan ang Disability Rights California sa 1-800-776- Pahina 7 ng 11

5746 para sa payo. Nagpapanatili rin ang California Office of Administrative Hearings ng listahan ng libre at murang mga abogado na makatutulong sa mga magulang. Maaari mo silang tawagan para humiling ng kopya sa (916) 263-0550, o kung mayroon kang access sa Internet, nakalaan sa online ang isang kopya sa: https://www.documents.dgs.ca.gov/oah/se/attorneylist.pdf Karagdagang mga Mapagkukunan: Mga sampol ng Sulat Sampol ng Sulat na Humihiling ng pulong ng Gumaganang Pagtatasa Hinggil sa Pag-uugali at IEP Magulang Address Numero ng Telepono Petsa Direktor ng Espesyal na Edukasyon Lokal na Pinag-isang Distrito ng Paaralan Address Hinggil sa: Pangalan ng Bata Minamahal na Direktor ng Espesyal na Edukasyon Natanggap namin ang pagtatasa ng aming anak na kinumpleto ng mga tauhan ng distrito noong [ilagay ang petsa ng pagtatasa]. Hindi kami sumasang-ayon sa pagsusuri at pagpapasya na ito dahil hindi nito kasama ang sapat na gumaganang pagtatasa hinggil sa pag-uugali ng aming anak. Dahil naniniwala kami na hindi nagpapakita ang kasalukuyang pagsusuri at pagpapasya ng tumpak na paglalarawan ng mga pangangailangan hinggil sa pag-uugali ng aming anak, kabilang ang paggana ng pag-uugali ng aming anak at mga sanhing pangkapaligiran kung saan ay maaaring makapag-ambag sa pag-uugali, humihiling kami ng malayang gumaganang pagtatasa hinggil sa pag-uugali sa gastos ng publiko, alinsunod sa 34 CFR Section 300. 502. Hindi rin kami sumasang-ayon sa pagtatasa dahil: Pahina 8 ng 11

[magsama ng anumang dahilan na hindi mo sinasang-ayunan sa pagtatasa, kabilang ang isa o higit pa sa sumusunod na pahayag kung mag-a-apply sila] Ang mga obserbasyon, panayam at iba pang datos na ibinatay ang pagtatasa ay hindi sapat na komprehensibo para makilala ang paggana o layunin ng paguugali ng aking anak at maaksyunan ang lahat ng pangangailangan hinggil sa pag-uugali ng aking anak. Hindi kasama sa pagtatasa ang pagsusuri ng mga nauna (mga kaganapang nangyari bago pa) at mga kinahinatnan (mga kaganapang nangyayari bilang resulta) ng mapaghamong pag-uugali ng aking anak at/o ng positibong altenatibong pag-uugali ng aking anak at kung kaya ay hindi direktang tinutulungan ang koponan ng IEP sa pagbuo o pagbabago ng plan ng positibong pamamagitan ng pag-uugali para sa aking anak. Ang pagtatasa ay hindi isinagawa ng mga kawani na mga sinanay o eksperiyensado sa pagsasagawa ng gumaganang pagtatasa hinggil sa paguugali. Inuutusan ka ng mga regulasyon ng pederal na tumugon sa kahilingang ito nang walang hindi kailangang pagkaantala sa pamamagitan ng alinman sa pagtitiyak na pagkakalooban mo ang aking anak ng malayang edukasyonal na pagsusuri at pagpapasya sa gastos ng publiko o paghain ng abiso ng reklamo ng due process para humiling ng pagdinig at para patunayan na naaangkop ang iyong gumaganang pagtatasa hinggil sa pag-uugali. (34 CFR section 300.502(b).) Umaasa kaming makikipagtulungan sa iyo na magkatulong na sasang-ayon sa isang karapat-dapat na malayang tagapagtasa at umpisahang sumulong sa malayang gumaganang pagtatasa hinggil sa pag-uugali nang naaayon sa mga kinakailangan ng pagtatasa ng pederal at estado. Mangyaring tumugon sa kahilingang ito sa lalong madaling panahon. Lubos na gumagalang, Magulang Pahina 9 ng 11

Sampol na Sulat sa Distrito ng Paaralan na Humihiling ng Malayang Gumaganang Pagtatasa Hinggil sa Pag-uugali sa Gastos ng Publiko Magulang Address Numero ng Telepono Humihiling din ako ng Petsa Direktor ng Espesyal na Edukasyon Lokal na Pinag-isang Distrito ng Paaralan Address Hinggil sa: Pangalan ng Bata Minamahal na Direktor ng Espesyal na Edukasyon Sumulat ako para isangguni ang aking anak para sa isang gumaganang pagtatasa hinggil sa pag-uugali. Ang aking anak ay may mga pag-uugali na nakasasagabal sa kanyang pag-aaral at iba pang kakayahang matuto ng mga bata. Bukod pa rito, ang plan ng suporta sa pag-uugali at mga istratehiya ng pamamagitan ay kasalukuyang nasa IEP ng aking anak ay naging hindi mabisa sa pag-aksyon sa mga pag-uugali na ito. Umaasa akong makatatanggap ng plan ng pagtatasa sa loob nang 15 araw. Nauunawaan kong kailangan mong kumpletuhin ang gumaganang pagtatasa hinggil sa pag-uugali at magdaos ng pulong ng IEP para talakayin ang pagtatasa sa loob nang 15 araw sa petsa nang nilagdaan ko ang plan ng pagtatasa. Mangyaring bigyan ako ng mga kopya ng mga ulat ng pagtatasa nang isang linggo bago sa pulong ng IEP para makahulugan akong makalalahok sa pulong na iyon. [Opsyonal: Hinihiling ko rin na ang pulong ng IEP ay mai-schedule sa lalong madaling panahon para malaman kung anong mga suporta hinggil sa pag-uugali ang maaaring maipagkaloob sa aking anak habang kasalukuyang isinasagawa ang gumaganang pagtatasa hinggil sa pag-uugali. Nauunawaan ko na kailangan kang mag-schedule ng pulong ng IEP na hindi lalampas nang tatlumpung araw sa petsa ng kahilingan na ito.] Lubos na gumagalang, Magulang Pahina 10 ng 11

Gusto naming makabalita sa iyo! Pagkatapos basahin ang fact sheet na ito mangyaring tanggapin ang maikling survey na ito at ibigay sa amin ang iyong feedback. Bersyon ng Ingles: http://fs12.formsite.com/disabilityrightsca/form54/index.html Bersyon ng Spanish: http://fs12.formsite.com/disabilityrightsca/form55/index.html Ang Disability Rights California ay pinopondohan ng iba t ibang pinangkukunan, para sa kumpletong listahan ng mga nagpopondo, pumunta sa http://www.disabilityrightsca.org/ Documents/ListofGrantsAndContracts.html. Ang California Mental Health Services Authority (CalMHSA) ay isang organisasyon ng mga gobyerno ng county na nagtutulungan para mapabuti ang mga kinalabasan ng kalusugan sa pag-iisip para sa mga indibidwal, pamilya at mga komunidad. Ang mga programa na Pang-iwas at Maagang Pamamagitan na ipinatutupad ng CalMHSA ay mga pinopondohan ng mga county sa pamamagitan ng naaprobahan ng botante na Mental Health Services Act (Prop 63). Prop. 63 ang nagkakaloob ng pagpopondo at balangkas na kinakailangan para palawakin ang mga serbisyo ng kalusugan sa pag-iisip sa dating mga populasyong napagsilbihan nang kulang at lahat ng iba't ibang komunidad ng California.