PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE

Similar documents
PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) Title VI

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Pag-access at Pagbabago ng mga Rekord ng Kalusugan

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Opisina ng Pagtatanggol para sa Saykayatrikong Pasyente

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Atlantic Health System

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

RIVERSIDE TRANSIT AGENCY PAMAMARAAN SA IMBESTIGASYON NG REKLAMO NG TITLE VI

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Paunawa ng mga Pamprotektang Hakbang sa Proseso Binago Oktubre 2016

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

PANGKALAHATANG ABISO SA PRIVACY NG PERSONAL NA IMPORMASYON NG EMPLEYADO

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Ang Bagong Sistema ng mga Karapatang Pantao ng Ontario

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

SVP - Chief Compliance & Audit Officer. Kontak: Posisyon: Telepono #:

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

Mga Pananggalang na Pamamaraan Mga Karapatan ng Magulang

APPLICATION PARA SA CALFRESH, TULONG NA PERA, AT/O MEDI-CAL/MGA PROGRAMA SA PANGANGALAGA SA KALUSUGAN

2018 Buod ng Mga Benepisyo

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

PERSONAL NA PAGSAKOP PARA SA MGA MAY-ARI NG NEGOSYO

NOTISYA NG MGA PRIBADONG KASANAYAN

Unang Hakbang MGA INIAATAS NA KUWALIPIKASYON

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

Kodigo ng Asal at Etika sa Negosyo

Sinusuportahang Pagtatrabaho sa pamamagitan ng DOR: Fact Sheet ng Pagkanararapat at Nasasaklawan ng mga Serbisyo

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Iba pang mga wika at format

Pag-unawa sa Pamamaraan ng Pagtasa, Karapatan, at Pang-isahang Programa sa Edukasyon ng Maryland

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

Ang Makisig at Hangal na Hari

I. LAYUNIN PATAKARAN. Pamagat: Patakaran sa Tulong Pinansyal. Patakaran Pamamaraan Alituntunin Iba pa: Saklaw: Sistema Departamento:

Pamamatnubay na Palakad sa Paaralan para sa mga Magulang na Baguhan

EBIDENSYA NG SAKLAW CARE1ST CAL MEDICONNECT PLAN MGA COUNTY: LOS ANGELES AT SAN DIEGO. Care1st Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Sistema Administratibo

Sa mga magulang na babiyahe dala ang kanilang mga anak patungo sa ibang bansa Sa mga magulang na pabalik ng Japan dala ang kanilang mga anak

PATAKARAN SA PAG-UUGALI AT

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

EMERGENCY TOOLKIT 2017

Medi-Cal. Taon ng Benepisyo Handbook ng Miyembro ng Medi-Cal para sa

Koleksiyon ng mga kailangan at

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

GRADE VI GAMIT NG GRID

Dapat ninyong makumpleto ang form na ito ng pagpaparehistro nang hindi lalampas sa Martes, Hunyo 12, 2018, sa ganap na 5:00 PM, Pacific.

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

Welcome sa Swedish. Welcome to Swedish. Handbook ng Pasyente at Pamilya. Patient and Family Handbook (Tagalog)

Health TALK. Naarawan BUNTIS? Ano ang ibig sabihin ng bilang ng SPF sa sunscreen ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Petsa ng simula ng paghihintay (MM/DD/YYYY)

Financial Assistance Documents

Isang Guide para sa Naturalisasyon

Direktoryo ng Provider at Parmasya

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

Pamantayan para sa Mga Palaisdaan ng Seafood Watch

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

Ang lahat ng iba pang impormasyon at benepisyo ay hindi magbabago gaya ng isinasaad sa inyong 2016 na Handbook ng Miyembro.

ANG MISYON ANG AMING MGA KLIYENTE AY MGA TAONG MAY KAPINSALAAN

Patakaran sa Proteksyon ng Whistleblower

Ota City Board of Education

AMATS Title VI Walang Diskriminasyong Plano ng Pagpapatupad

Kabanata 3. Sa kabanatang ito: 32 Ang Sistemang Medikal. Ang Sistemang Medikal Mga importanteng serbisyong pangkalusugan...

Univar Kodigo ng Asal HEADLINE. Univar Kodigo ng Asal

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Rehistrasyon Dagdagan ang nalalaman sa 350 S. Oak Harbor St., Oak Harbor, WA

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

2017 Fair Housing Survey para sa Lungsod at County ng Los Angeles

Violence Against Women and Children

Transcription:

Nabubuhay nang may HIV: Alamin ang Iyong mga Karapatan 1 PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE Mga Tanong at Sagot 1. Kailan ko dapat isiwalat ang katayuan ng aking anak sa isang paaralan o daycare? Sa karamihan ng mga sitwasyon, walang legal na obligasyon na sabihin sa isang paaralan o daycare na may HIV ang iyong anak. Kung ipapaalam mo man o hindi ang katayuan sa HIV ng iyong anak sa paaralan o sa daycare, at kung kanino, ay nasa sa iyo. Ang impormasyon sa personal na kalusugan ng iyong anak, kabilang na ang katayuan sa HIV, ay pribado at personal na impormasyon. Ang HIV ay hindi naipapasa sa pamamagitan ng kaswal na pakikihalubilo o sa pamamagitan ng suka, pawis, dumi,, ihi, luha o sipon. Ang mga bata ay hindi nakakakuha ng HIV dahil sa pagpunta sa paaralan o dahil sa paglalaro sa laruan ng ibang bata, pagsasalo sa pagkain o inumin sa isang may sakit nito, kung kaya't karaniwang walang dahilan para iatas ng paaralan ang pagsisiwalat. Ang mga magulang ng mas nakababatang anak sa daycare ay maaaring mas mag-alala dahil sa panganib ng papapasa ng HIV dahil sa pagdura, pangangamot at pangangagat. Ngunit, ang contact sa laway lamang ay hindi kailanman pang nakapagpakita ng pagpapasa ng HIV at walang nakatalang kaso ng pagpapasa na nagresulta mula sa pagdura ng isang taong may HIV sa ibang tao. Gayundin, walang panganib ng pagpapasa mula sa pangangamot dahil walang paglilipat ng mga body fluid sa pagitan ng mga indibidwal. Ang pagpapasa ng HIV sa pamamagitan ng pangangagat ay napakabihira. Ang mga nakatalang kaso kung saan nakapagpasa nito dahil sa pangangagat ay dahil sa malubhang trauma na may malubhang pagkasira sa tissue at pagdurugo. Ang tanging pagkakataon lamang na may pangangailangang ipaalam sa awtoridad ng paaralan ang tungkol sa katayuan sa HIV ng iyong anak ay kapag kinakailangan ito para sa proteksyon ng bata o ng publiko. Kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailanganin ang notipikasyong ito, dapat panatilihin ng mga awtoridad sa paaralan sa pinakamababang bilang ng staff na posible, na nakakaalam sa kondisyon ng iyong anak. Ipinagbabawal ng batas sa karapatang pantao ng Canada ang diskriminasyon batay sa kapansanan kapag naghahatid ng serbisyo, kabilang na ng edukasyon. Ang HIV at AIDS ay itinuturing na mga kapansanan sa ilalim ng batas. Ang ibig sabihin nito ay hindi

maaaring magtanong ang paaralan tungkol sa katayuan sa HIV ng iyong anak, gaya ng hindi nito maaaring itanong ang relihiyon ng iyong anak o iba pang katulad na personal na katangian. Magiging hindi makatuwirang diskriminasyon para sa mga awtoridad ng paaralan ang hilingin ang impormsyong ito bilang kondisyon ng pagkakatanggp o pagtutuloy sa paaralan. 2. Kung mayroon akong sinabihang tao sa paaralan o daycare na ang aking anak ay may HIV, kailangan ba nila itong panatilihing kompidensyal? Depende kung kanino mo ito sinabi. Kung sinabi mo ang katayuan sa HIV ng iyong anak sa isang awtoridad ng paaralan (hal., isang punong-guro, guro, tagapayo, administratibong staff, o iba pang may opisyal na tungkulin sa paaralan), dapat panatilihing kompidensyal ng taong iyon ang impormasyong ito nang may isang napakahalagang eksepsyon sa mas ipinapaliwanag sa ibaba. Alinsunod sa batas, hindi maaaring magsiwalat ang paaralan ng impormasyon tungkol sa katayuan sa HIV ng isang estudyante o iba pang medikal na impormasyon sa iba (hal., mga magulang, guro, iba pan estudyante) nang walang pahintulot mo, maliban sa bibihirang pagkakataon. Ang medikal na record ng isang bata ay kompidensyal at hindi maaaring ipalabas ng empleyado ng paaralan nang walang pahintulot ng magulang. Kung nakatala ang HIV status sa file ng iyong anak sa mga serbisyong pangkalusugan at pagpapayo, ito ay itinuturing na kompidensyal na impormasyon at hindi dapat ibahagi sa ibang staff sa paaralan. Kahit na hindi mo isiniwalat ang katayuan sa HIV ng iyong anak sa isang awtoridad ng paaralan, ngunit malaman ng naturang awtoridad ang impormasyon mula sa iba, dapat pa rin respetuhin ang karapatan ng iyong anak sa pagkapribado. Dapat ay mahigpit na panatilihing kompidensyal ang impormasyon at ang bilang ng taong nakakaalam sa diagnosis ay dapat malimitahan lang ng kanilang pangangailangang malaman ito. Ngunit, sa ilang probinsya (hal., sa Alberta, Ontario, Newfoundland, Nova Scotia, Prince Edward Island), inoobligahan ng batas ang mga awtoridad ng paaralan na iulat ang isang estudyante sa paaralan na may o maaaring mayroong HIV sa probinsyal na Medical Officer of Health, na may obligasyong panatilihing kompidensyal ang impormsyong ito. Ang mga daycare ay sumasailalim rin sa batas sa pagkapribado, kung kaya't kapag isiniwalat mo ang katayuan sa HIV ng iyong anak sa isang daycare provider, inoobligahan din silang panatilihing kompidensyal ang impormasyong ito, maliban kung pahintulutan mo ang pagsisiwalat. Ang tungkuling ito sa pagpapanatili sa kompidensyal na kaalaman ay pagtitibayin kahit wala na ang iyong anak sa daycare. Sa karamihan ng mga probinsya at teritoryo, ang lega na obligasyong panatilihing kompidensyal ang katayuan sa HIV ng iyong anak ay hindi iniaangkp sa isang kaklase o iba pang tao sa paaralan o daycare na hindi gumaganap sa opisyal nilang na kapasidad. Ito ay dahil ang karamihan sa mga batas sa pagkapribado, hindi pinoprotektahan ng batas ang daloy ng impormasyon sa pagitan ng mga indibidwal. Bagama't maaaring magkaroon 2

ng legal na proseso para sa pagsira sa pagkapribado sa pagitan ng mga pribadong mamamayan (gaya ng sa ilang probinsya), limitado lang ang mga sitwasyon kung kailan pinananagot ang isang tao. Batay sa nakagawian, madalas ay mahirap kontrolin ang daloy ng impormasyon sa paaralan o sa daycare, at ang mga legal na lunas ay limitado lamang kapag nagkaroon ng paglabag sa pagkapribado. Pinoprotektahan ng pederal, probinsyal at teritoryal na batas sa pagkapribado ay pagkakompidensyal ng personal na impormasyon ng isang indibidwal, kabilang na ang impormasyon sa kalusugan sa mga opisyal na record sa paaralan o daycare. Kung naniniwala ka na ang pagkapribado ng iyong anak ay nasira ng kanilang paaralan o daycare, makipag-ugnayan sa isang abogad, legal na klinika o sa iyong probinsyal/teritoryal na komisyoner sa pagkapribado para sa pagpapayo. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga lunas para sa pagsira sa pagkapribado, tingnan ang Mga lunas para sa diskriminasyon at pagsira sa pagkapribado sa lugar ng trabaho" sa seryeng ito. Ang karamihan sa impormasyong iyon ay naaangkop rin sa konteksto ng paaralan at daycare. 3. Kung may pagsabihan ako sa paaralan na may HIV ang aking anak, itatala ba ito sa file ng aking anak sa paaralan? Inaatasan ang mga awtoridad ng paaralan na pangalagaan ang medikal na impormasyon ng mga estudyante, kabilang na ang katayuan sa HIV ng isang estudyante. Maaaring i- record ng awtoridad ng paaralan ang katayuan sa HIV sa record ng estudyante ng iyong anak, ngunit ang impormasyong ito ay dapat manatiling eksklusibo sa nakatalagang empleyado, sa isang ligtas na filing system upang maprotektahan ang pagkapribado ng iyong anak. Sa ilang hurisdiksyon (hal., sa BC at Ontario), ang impormasyong pangkalusugan ay maaaring itago nang kasama ang academic na record ng iyong anak. Ngunit, ang access sa impormasyong ito ay dapat limitado lamang at makikita lamang ng nakatalagang empleyado ng paaralan. 4. Paano kung hindi ko pa nasasabi sa aking anak nay sila ay positibo sa HIV, ngunit alam ng paaralan, daycare o ng ibang tagapag-alaga? Kung ang tagapag-alaga ng iyong anak ay gumaganap sa opisyan nilang kapasidad, pareho rin ang legal na obligasyon ng tagapag-alaga na panatilihing kompidensyal ang katayuan sa HIV ng iyong anak, kasama na roon ang iyong anak. Sa karamihan ng mga probinsya at teritoryo, ang legal na obligasyong ito ay hindi naaangkop kapag ang tagapag-alaga ng iyong anak ay hindi gumaganap sa opisyal na kapasidad sa paaralan (hal., bilang babysitter). 5. Kailan ko dapat sabihin ang katayuan sa HIV ng aking anak sa ibang mga sitwasyon (hal., sa isang babysitter, kapag may sleepover, sa pinuno ng sports team ng aking anak)? 3

Gaya ng sa paaralan at sa daycare, sa karamihan ng sitwasyon, walang legal na obligasyong sabihin ang katayuan sa HIV ng iyong sa ibang sitwasyon dahil ang HIV ay hindi naipapasa sa pamamagitan ng kaswal na contact. Kung ang iyong anak ay naglalaro ng sports, ipinasya ng Canadian Academy of Sport Medicine na, "Ang panganib sa pagpapasa ng HIV sa sports ay napakababa....ang mga kalahok sa sport ay nasa parehong panganib ring maimpeksyon ng HIV gaya ng ibang indibidwal sa pangkalahatang populasyon." Ang pagkakataon lang na kailangang ipaalam sa iba ang katayuan sa HIV ng iyong anak ay kapag kinakailangan para sa proteksyon ng bata o ng publiko. Ngunit, sa karamihan ng mga probinsya at teritoryo, walang legal na obligasyon sa ibang magulang (hal., isang boluntaryong magulang na sports coach na pagtibayin ang kompidensyal na impormasyon ng iyong anak. 6. Malilimitahan ba ang mga aktibidad ng aking anak bilang resulta ng katayuang positibo sa HIV? Halos walang panganib ang pagpapasa ng HIV mula sa kaswal na pakikihalubilo sa pagitan ng mga batang may HIV at iba pang bata. Ang mga batang may HIV ay dapat makalahok rin sa mga aktibidad nang walang pagbabawal. Sa ilang probinsya, maaaring mapag-alaman ng Medical Officer of Health na may mga espesyal na sitwasyon (hal., mga kondisyon sa pag-uugali at kaisipan) na nangangailangan ng pagbabawa. Ngunit, ang pangangailangan sa anumang posibleng pagbabawa sa mga aktibidad ng iyong anak ay dapat muling tasahan sa pana-panahon ng Medical Officer of Health at ng doktor ng bata. Kung alam man o hindi ng isang paaralan o daycare na ang sinoman sa mga bata ang may HIV sa mga estudyante o batang inaalagaan nila, dapat ipatupad ang mga pamantayang pag-iingat sa lahat ng sitwasyon kung magkaroon ng contact sa dugo o sa iba pang body fluid. Dapat ay may mga protocol sa emergency ang mga paaralan at daycare at dapat marunong ang lahat ng empleyado nang wastong pamamaraan sa first aid at maisagawa ang mga ito. Pananagutan ng paaralan o ng daycare na tiyaking marunong ang mga empleyadong magsagawa ng mga wastong kasanayan sa mga ganitong sitwasyon. 7. Papagtuunan ba ng pansin ang aking anak ng paaralang pinapasukan nito? Kapag ang isang bata ay napag-alamang may pangangailangang nauugnay sa isang kapansyan (gaya ng HIV), ang paaralan ay may-pananagutan na pagtuunan ng pansin ang estudyante upang magkaroon ito ng patas na pag-access sa mga serbisyo ng paaralan nang hindi "dadaan sa di-makatuwirang paghihirap." Ang karapatan para sa patas na pagtrato at ang pananagutang magtuon ng pansin ay umiiral sa mga pre-school, elementary school at secondary school na pribadong pinopondohan o pampubliko. 4

Kapag hiniling mo sa paaralan ng iyong anak na pagtuunan ng pansin ang iyong anak, kakailanganin mong magbigay ng impormasyon tungkol sa mga pangangailangan ng iyong anak na nauugnay sa HIV, upang maisagawa ang pagtutuon ng pansin. Kadalasan, hindi na kailangang ipaalam sa mga awtoridad ng paaralan ng tungkol sa katayuan sa HIV ng iyong anak, o magbigay ng ispesipikong medikal na impormasyon gaya ng diagnosis, dahil hindi naman ito magiging mahalaga sa o hindi naman ito kakailanganin sa pagpaplano ng pagtutuon ng pansin. Kailangang magsikap ang mga awtoridad ng paaralan na pagtuunan ng pansin ang mga pangangailangan ng estudyante nang hindi na nangangailangan ng pormal na diagnosis. Ngunit, maaaring may ilang kaso kung saan mangangailangan ang paaralan ng mas tiyak na impormasyon tungkol sa kondisyon ng iyong anak upang mapagtuunan ito ng pansin, kabilang na ang pagkompirma sa medikal na kondisyon, sa ilang pagkakataon. Kapag kinakailangan ang medikal na diagnosis, ang paaralan ng iyong anak ay maypananagutang siguraduhin ang pagpapanatili sa kompidensyal na kaalamang ukol sa iyong anak (alinsunod sa mga eksepsyong nabanggit sa itaas), ang paghingi ng impormasyong naaangkop lang para sa kinakailangan para sa pagtuon, at pagbabahagi lang ng impormasyon tungkol sa kondisyon ng estudyante sa mga kalahok lang sa magpapatupad ng pagtuon. Walang isang pamamaraan sa pagtuon at dapat pagtuunan ng pansin ng paaralan ang bawat natatanging pangangailangan ng mga estudyante. Ang mga uri ng pagtuon ng pansin ay maaaring ang pagbabago upang padaliin ang pagpunta sa paaralan, binagong curricula o mga pamamaraan sa pagtatasa, hanggang sa tulong sa loob ng klase mula sa mga specialized na propesyonal (hal., mga tutor, mga tagasulat, mga personal na tagabasa), hanggang sa transportasyon papunta at pauwi mula sa paaralan. Ang pamantayan para sa hindi makatuwirang pagpapahirap ay mataas, at tatlong bagay lamang ang dapat isaalang-alang: gastos, panlabas na pagkukunan ng pondo, at kalusugan at kaligtasan. Ang paaralang naghaharap ng reklamong hindi makatuwirang paghihirap ay siyang dapat magpatunay, at dapat ay may ebidensya (hal., mga totoong kaganapan, mga numero at scientific na data o opinyon) upang suportahan ang paghaharap na ang iminumungkahing pagtuon ng pansin ay nagsasanhi nga ng di-makatuwirang paghihirap. 8. Anong proteksyon mayroon ang isang tao laban sa diskriminasyon at panggugulo sa paaralan? Kung naniniwala kang inaapi o ginugulo ang iyong anak sa paaralan, dapat mong subukang magtago ng tala sa pamamagitan ng paglilista sa mga nauugnay na detalye ng diskriminasyon (hal., mga petsa, mga paglalarawan sa insidente, mga pangalan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng mga saksi, kung mayroon, mga kopya ng lahat ng kaugnay na e-mail, mga text message, mga post sa social media, mga sulat at mga dokumento). Ang karamihan sa mga paaralan, mga pormal na provider sa pangangalaga ng bata at mga komite ng paaralan ay may malawak na patakaran at pamamaraang nakatakda upang 5

matugunan ang iba-ibang uri ng diskriminasyon at panggugulo. Pananagutan nila ang magbigay ng ligtas at makalingang kapaligiran at ang pinapahalagahan nang husto ng karamihan sa mga ito ang bullying, diskriminasyon at panggugulo. Samakatuwid, ang guro, punong-guro o ang direktor ng daycare centre ng iyong anak ang pinakamainam na mga taong dapat kausapin muna upang makakuha ng suporta para sa iyong anak at upang matigil ang panggugulo. Sa ilalim ng batas ng karapatang-pantao, ikaw ay protektado laban sa diskriminasyon ant panggugulong nauugnay sa HIV (na itinuturing na anyo ng diskriminasyon) sa paaralan. Sa karamihan ng mga hurisdiksyon, ang naaangkop na komisyon sa karapatang pantao ay nagbibigay ng impormasyon at mga serbisyo sa mga taong naniniwalang sila ay dumaan sa diskriminasyon. Maraming reklamo ang naaayos sa pamamagitan ng pamamagitan o mediation. Kung hindi magtagumpay ang mga pagsubok sa pamamagitan, magpapasya ang komisyon kung isasangguni ang kaso sa isang korte ng karapatang pantao para sa paglilitis. Kung magpasya ang komisyon na huwag isangguni ang kaso sa isang korte, ito na ang magiging katapusan ng reklamo. Ang mga pamamaraan at serbisyo makukuha sa bawat probinsya o teritoryo ay magkakaiba kaya makipag-ugnayan sa wastong komisyon para sa detalyadong impormasyon. Sa B.C., Ontario at Nunavut, ang mga reklamo ay direktang inihaharap sa korte ng karapatang pantao ng probinsya o ng teritoryo, sa halip na sa komisyon. Tandaan na karaniwan ay may "hangganan ng panahon," at ang ibig sabihin nito ay dapat mong i-file ang iyong reklamo sa loob ng isang partikular na panahon pagkatapos maganap ang diskriminasyon. Madalas, ang tagal ng panahon ay isang taon, ngunit alamin ito mula sa kaukulang komisyon o korte. Libre ang pagfa-file ng reklamong ukol sa karapatang pantao. Hindi mo na kailangan ng abogadong kakatawan para sa iyo, ngunit maaari mong piliing magkaroon din nito. Kung ikaw ay kukuha ng isang abogado, ito ay magiging pansarili mong gastusin, maliban kung makakakuha ka ng mga libreng serbisyo mula sa legal na klinika o iba pang serbisyo sa legal na tulong. Ang komisyon sa karapatang pantao o korte kung saan ka makikipag-ugnayan ay maaaring magmungkahi ng mga ganitong mapagkukunan ng tulong. Tandaan na maraming iba-ibang tao at organisasyon ang makakapagbigay sa iyo ng impormasyon at suporta, ngunit isang abogado lang ang maaaring makapagbigay ng legal na pagpapayo na partikular sa iyong sitwasyon. Para sa karagdagang impormasyon sa kung ano ang maaari mong gawin kung makaranas ang iyong anak ng diskriminasyon sa paaralan, tingnan ang Mga lunas para sa diskriminasyon at pagsira sa pagkapribado sa lugar ng trabaho sa seryeng ito. Ang karamihan sa impormasyong iyon ay naaangkop rin sa konteksto ng edukasyon. Kumuha ng legal na pagpapayo mula sa isang abogado o legal na klinikal tungkol sa iyong personal na sitwasyon. Para sa karagdagang impormasyon 6

The Charter in the Classroom: Students, Teachers and Rights, Concept 8: Equality Accommodation of Difference and Concept 9: Equality Protection from Discrimination. On-line: www.thecharterrules.ca. Ang National Educational Association of Disabled Students (NEADS): www.neads.ca. Ontario Human Rights Commission, Guidelines on Accessible Education (2004; revised 2009). On-line: www.ohrc.on.ca. Ontario Human Rights Commission, Consultation paper: Education and disability Human Rights issues in Ontario s education system (2006). On-line: www.ohrc.on.ca. College of Physicians & Surgeons of Ontario, Blood-borne Pathogens, Policy #3 12 (1998; revised 2005, 2012). On-line: www.cpso.on.ca ( Policies ). Comité d adaptation de la main d œuvre pour personne handicapée, «Diagnostic sur la formation des personnes handicapées» (2014). On-line: www.camo.qc.ca/documentation/diagnosticformation.php. Kami ay nagpapasalamat kina Mary Birdsell (Justice for Children and Youth), Renée Lang (HALCO), Claude Longpré-Poirier (COCQ-Sida), at Simone Shindler (The Teresa Group), para sa pagsusuri at pagbibigay ng impormasyon sa polyetong ito. Ang impormasyong nasa lathalang ito ay impormasyong tungkol sa batas, ngunit ito ay hindi legal na pagpapayo. Para sa legal na pagpapayo, mangyaring makipagugnay sa isang abogado sa iyong rehiyon. Ang dokumentong ito ay nagsimula bilang isa sa serye ng walong polyeto (sa English at French), ukol sa mga karapatan ng mga taong may HIV sa Canada. Ang mga kopya ng dokumentong ito ay makukuha sa website ng Canadian HIV/AIDS Legal Network sa www.aidslaw.ca. Hinihikayat ang paggawa ng mga kopya, ngunit hindi maaaring ibenta ang mga kopya, at dapat banggitin ang Canadian HIV/ AIDS Legal Network bilang pinagmulan ng impormasyon. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnay sa Legal Network sa info@aidslaw.ca. Ang pondo upang mailimbag ang mga naunang bersyon ng dokumentong ito sa English at French ay nagmula sa Public Health Agency of Canada. Ang pondo para sa pagsasalin nito ay ibinigay ng Ontario Ministry of Citizenship and Immigration. Ang mga opinyong naipahayag ay mula sa mga may-akda/tagasaliksik at hindi nangangahulugan na ito ay mga pananaw o patakaran ng mga nagbibigay ng pondo. Canadian HIV/AIDS Legal Network, 2013 7