IMBUDO: ANG MUKHA NG KAPITALISMO

Similar documents
Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

From left, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Alden Richards and Betong Sumaya.

Ibig sabihin, pwede mong ipamigay ang ebook na 'to sa kahit kanino.

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Brought to you by Marco Mallari

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

Money Lost! Restie Chavez

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

Oops... Ingat sa Lansangan

Lumapit Kayo sa Akin. July 25, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 11:25-30

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

FOR FREEDOM CHRIST HAS SET US FREE

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27

GRADE VI GAMIT NG GRID

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Im Inlove With My Guardian Angel

Raquel Pawnshop, Inc.

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Galacia 1:1-5. Pagsasaliksik. Pagsasabuhay

Priestly Failures (Mal. 2:1-9)

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Ayos na Gamot sa Abot-kayang Presyo -- Ang Tunay na Sigaw ng Sambayanan!

Failure of Worship (Mal. 1:6-14)

Chapter 6 Tagalog Verbs

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

BALIWAG BIBLE CHRISTIAN CHURCH We exist to build local and global GRACE-communities of committed followers of Christ for the glory of God.

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

WORSHIP GOD IN SPIRIT AND TRUTH

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Produced by Coastal Resource Management Project

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Refiner s Fire (Mal. 2:17-3:6)

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

#2080 AAAA. Subject: Anthro 10

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

SOUNDTRACK OF MY LIFE

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

storybookscanada.ca children s stories in Canada s many languages. Storybooks Canada in an effort to provide

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

MGA NILALAMAN. Panimula Maikling Talambuhay ni Supreme Master Ching Hai..8. Ang Hiwaga Ng Kabilang Daigdig...11

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Si Hesus at Si Zaqueo

~Jen Tan Chin Turingan WFA Asst. Secretary

Pagsasanay sa Filipino

Starting and Growing My Business. (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo) SELF-RELIANCE

25-Year Contract - Rebecca Rosal

What would Caleb do to finally recover the love of the woman he once called his shining star?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

sa dalawa, sigurado ba akong makakasama ko ang Dios sa kanyang kaharian sa langit? Paano

TATLONG URI NG MGA MA NA NAMPALATAYA

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal-Habal Sa Isang Nakababagot Na Paghihintay Sa Kanto ng Lanao Del Norte

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

2017 Fair Housing Survey para sa Lungsod at County ng Los Angeles

Produced by Coastal Resource Management Project

Memoirs of A Ruthless Heartbreaker

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Written by Alyloony. Copyright 2012 by Alyoony Stories

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Transcription:

IMBUDO: ANG MUKHA NG KAPITALISMO Malunie De Claro Ang diskriminasyon ay isa sa tinitingnan suliraniin sa lipunan na umiiral sa ilalim ng iba t ibang uri o porma ng pamahalaan katuwang ng ibatibang sistema ng ekonomiya. Higit itong lantad, namamalas at nararanasan sa pormang pangpanguluhan Demokrasya na may kapitalismong uri ng pangkabuhayan. Sanhi marahil ng malayang pagpapayabong ng bawat isa sa kani-kanilang mga kakayaan at kahusayan sa kanilang napiling larangan. Bunga nito ang usaping diskriminasyon ay palasak na usapin sa anumang uri ng kwentuhan maging pormal o di pormal man, maging opisyal o di opisyal man sa pagitan ng kapwa propesyunal, kapwa di propesyunal at kung minsan ay sa pagitan propesyunal at di propesyunal. Narito ang isang kongretong halimbawa sa pagitan ng isang propesyunal at di propesyunal. Ang di pormal na huntahan ng propesyunal at ng tsuper hango sa kwentong Tsuper pala ang Susi sa Pag-asenso ng Pilipinas na sulat ng di nagpakilalang manunulat subalit napakahusay at labis ang pagpapahalaga sa gampanin sa lipunan. Narito ang ilan bahagi ng kanilang usapan. Para makaahon tayo sa hirap dapat nating itaas lahat ng bilihin. Itaas ang jeepney fare sa P25 kada tao. Tanggalan ng tax ang mga mayayaman. Triplehan naman ng tax ang mga mahihirap ang suhestyon ng mamang tsuper ng dyip na akinng nasakyan. Mahaba ang aming napagkwentuhan ng mamang drayber. May mga drayber kasi na sa kwento nila dinadaan ang pagkainip nila sa trapik dito sa Metro Manila. Maaaring nagtataka na kayo kung paano nangyari yun. Hayaan nyong ilahad ko rin sa inyo ang kwento ng Mamang tsuper. Nagmamadali ako papasok ng opisina ng maipit kami sa trapik. Haaaay naku sabi ko sa aking sarili. Walang pinagbago ang Pinas. Natawa ang tsuper ng sinasakyan kong dyip. Sa unahan kasi ako sumakay kaya narinig nya ang aking nasambit. Mukhang nagmamadali kayo sir ah, tanong ng drayber. Sanayan lang po yan, dagdag pa nya. 127

Oo nga eh, kaya lang eh nakakaasar kasing isipin na ganito na lang ba tayo palagi. Sagot ko. Wala ka na ngang pera.trapik pa! Hirap na hirap talaga ang bansa natin ngayon. Lalong natawa ang drayber sa tinuran ko. Sir sabi niya. Matanong ko nga kayo. Sure, sagot ko naman. Naniniwala ba kayong walang pera ang Pinas? Hhhhhhhhhhhhhmmm napaisip ako bigla sa tanong ng tsuper. Tingin ko wala! Kasi hirap ng buhay ngayon eh, sagot ko sa kanya. Wag kayo sanang magagalit sir, mukhang mali ata po kayo duon, ang magalang na tugon niya. Nagulat ako dahil mukhang may alam yung mamang tsuper na di ko alam. Bakit mo naman nasabi yan manong? Kasi ganito po yun sir may pera ang Pinas kaya nga lang ay nakaipit sa itaas ang paliwanag ng mamang tsuper. Nakaipit po yung pera sa bangko ng mga mayayamang negosyante. At para pong dumadaan sa embudo ang pera pababa sa ating mahihirap, ang dagdag pa nya. Unti-unti lang po ang baba, sapat lang na tayo ay makakain at wag magpatayan. Kung mapapansin nyo po ay tila napakahirap ng buhay natin dito sa ibaba. Napakahirap kitain ng pera kasi nga ay kaunti lang ang perang umiikot dito sa atin sa ibaba. Samantalang P42 lang ang dolyares ngayon at kung may katotohanan ang report ng gobyerno natin na umaangat ang ekonomiya.eh nasaan ang pera?, tanong pa nung drayber. Kung totoong kumikita ang Pinas pero hirap tayo at walang pera dito sa ibaba.ibig sabihin noon ay nasa itaas o sa mayayamang negosyante ang pera, pagtatapos ng drayber. Magaling! Sabi ko sa mamang tsuper. Ang galing nyo manong ah, dagdag ko pa. Matanong ulit kita, sabi nya sa akin. Paano naman natin mababaligtad ang kahirapan natin ngayon? Mukhang pahirap ng pahirap ang tanong nyo manong ah. Madali lang yan, sagot nya. O sige nga po manong.paano? Ganito yun iho, kung ako ang masusunod para makaahon tayo sa hirap dapat nating itaas ang jeepney fare sa P25 kada tao. Tanggalan ng tax ang mga mayayaman. Triplehan naman ang tax ng mahihirap. Manong gyera po yung hinihingi nyo! Wala na nga ho tayong pambili eh. Tapos imbes na pababain nyo eh.itataas nyo pa. Isa pa 128

ho, pag tinaas nyo ang pamasahe eh tataas ang bilihin. Lalo lang hong magiging kawawa ang mahihirap nyan. sabi ko sa tsuper. Isipin nyo mataas na ang bilihin tapos triple pa ang tax nila samantalang yung mayayaman naman eh aalisan nyo ng tax.. manong naman! Ganito kasi yun iho. Kaming mga drayber ang sukatan at madalas na idinadahilan ng mga mayayaman. Kami rin ang tagapasan lagi ng problema. Kada gustong pagaanin ng gobyerno ang buhay natin dito sa ibaba. Lagi na lang yung karampot naming kita ang kanilang pilit na pinabababa. Kasi nga naman pag mababa pamasahe eh makatitipid daw yung mga mahihirap dahil bababa din ang presyo ng bilihin. At kung mababa ang bilihin at pamasahe. E di syempre mababa din ang pasweldo. Para nga naman daw di bumagsak ang negosyo ng mga mayayaman at makahatak pa ng foreign investors. Pero kung gagamitan mo ng simpleng math. Eh magkano lang talaga ang matitipid ng isang simpleng empleyado na gaya mo. Sa totoo lang ay malaki na ang P1,000.00 kada buwan ang matitipid mo at 12,000.00 sa isang taon. Aba manong malaki na pong tulong yung P12,000.00 sa mahihirap, ang sabi ko sa tsuper. Sige nga iho, ano sa tingin mo ang magagawa sa iyo ng P12,000.00? Sapat na ba iyon para makabili ka ng bahay? Sapat na ba iyon para mapag-aral mo ang iyong mga anak sa magandang paaralan? Maaari siguro na makabili ka ng second hand na telebisyon at maliliit na kagamitan sa bahay pero di yun sapat para mapaunlad mo kahit konti ang buhay ng iyong pamilya. Natigilan ako dahil may katwiran ang mamang tsuper. Bilang isang padre de pamilya na may tatlong anak ano nga naman ang magagawa ng P1,000.00 kada buwan at P12,000.00 kada taon. Kung tutuusin eh sobra sobra pa nga yung kwenta nung drayber. Eh kung ganun manong ano naman ang iginanda ng suhestyon mo? Sa pagpababa, ng presyo, hindi ang mahihirap ang tunay na nakikinabang. Mas malaki ang natitipid ng mayayaman lalo na nung malalaking korporasyon. Kasi, bumababa ang kanilang operational expenses. Bababa ang kanilang puhunan dahil mababa ang kanilang pasahod presyo ng materyales. Milyones ang kanilang natitipid. Ibig sabhin lang nun ay mas malaki ang kanilang kikitain. Lalo na ang foreign investors, dahil ini-export nila yung kanilang produkto, syempre pa dollars ang kanilang singil sa international market. Kaya naman sa 129

pagpapababa ng presyo sila ang tunay na nakikinabang at hindi yung maliliit na gaya natin, lalo na kaming mga drayber. Hhhhhhmmmmmm may katwiran nga po kayo manong! Tama nga po kayo! Kung hindi pagpababa ng pamasahe ang sagot.eh ano po? Hindi mo kailangang ibaba ang pamasahe para matulungan ang mga mahihirap na gaya natin iho. Kung ako ang masusunod, kung itataas natin sa P25 ang pamasahe, wala ng dahilan ang mga mayayaman para di magtaas ng pasahod. At kung ako ang masusunod ay gagawin kong P1,500.00 ang minimum salary ng bawat manggagawa. Hehehe! Natawa ako sa tinuran ng drayber sa akin. Matutuwa po misis ko nyan manong hehehe! Imaginine mo ang laki ng take home pay ko. Pero kung ganun po ang gagawin nyo eh magrereklamo naman po yung mayayamang businessman. Sa laki ng gusto nyong pasahod e wala na silang kikitain at baka magsara pa yung kumpanya nila. Matatakot din po yung foreign investor ditto sa atin dahil ang taas ng labor cost. Hindi ka nakikinig iho, sagot naman ng tsuper. Kaya nga aalisan ko na ng tax ang mayayamang negosyante. Ihalimbawa na natin yung nakasuhan ng P25billion na tax evation. Di ba kung ano ano pang red tape at bayad sa mamahaling abogado ang ginawa nun? Sigurado umubos din sya ng milyon para lang di magbayad? Kung tatanggalan ko sya ng tax hindi na nya kailangang umubos ng milyon sa red tape at magbayad sa abogado. Kanya na yung P25billion. Sa tingin mo masama pa ba yun? Sa ganung paraan din ay mababawasan ang mga buwaya sa BIR. Tungkol naman sa foreign investors nakakalungkot isipin na labor lang ang kayang isipin ng ating gobyerno na panghatak sa kanila. Nakakalungkot din na isipin na ibinebenta tayo n gating gobyerno bilang murang alipin. Bakit di nila ipagmalaki ang kalidad o ang mataas na antas ng ating manggagawa? Mahusay ang mga pinoy magtrabaho at pulido pa. Dun pa lang lamang na tayo. Kaya nga mas gusto tayo ng mga arabo di ba? Di paulit ulit yung gawa kaya nakakatipid sila at naibebenta pa nila ng mahal dahil pulido nga ang pagkakagawa. Isa pa din nating pakinabangan yung kung tawagin ng kano na strategic location ng bansa natin. Di ba kaya nga pilit pa rin ng mga kano na magkaroon ng military 130

activities o military base ditto sa atin? Kung sa military ay importante yun ganun din sa negosyo. Pwede tayong maging daungan at koneksyon ng mga barko at eroplano na naghahatid ng produkto. Mumura din ang presyo ng importation dahil bukod sa magiging daungan tayo ay meron pa tayong tinatawag na Globalization. Mura na rin nilang makukuha ang kanilang raw materials na kailangan nila dahil sa bias ng Globalization. Di ba yun nga ang purpose nun? Haaay naku mukhang napag-isipan nyo na ng husto yan manong drayber ah? Pero may isa ho ata kayong nakaligtaan. Kung aalisan nyo ng tax ang mga negosyante paano naman po tatayo ang gobyerno natin nyan? Paano na ang infrastructures natin nyan? Paano na yung operation expenses ng gobyerno natin? Dito mahihirapan na sya sa isip-isip ko. Napakamot ng ulo ang mamang drayber. Haaay naku iho di ka talaga nakikinig. Kaya nga ti-triplehin ko ang tax ng mahihirap o empleyado eh. Sige mathematics ulit tayo. Sa ngayon ay meron tayong 87milyon na Pilipino. 10% lang nyan ang mayayamang negosyante, 20% ang middle class at 70% ang mahihirap. Sa mathematics ibig sabihin nun ay may 8.7milyon lang ang mayayaman. Baka nga sobra pa yang bilang na iyan, dagdag pa ng tsuper. Yung natitirang 78 milyon ay malamang na karamihan ay empleyado. Sabihin na lang natin na 50 million ang nagtatrabaho para di tayo mahirapan sa mathematics. Kung dati ay nakakakuha ka ng tigpipiso, magiging triple yun, ngayon ay makakakuha ka ng P3.00. Ibig sabihin nito kung dati nakakakolekta ang BIR ng P50million magiging P150million nay un. Eh hindi lang naman 3 piso ang ibinabawas sa tax ng isang empleyado. Mababa ang P500 sa mga iyan eh kung tatlong P500 yan! Sige nga iho i- mathematics mo nga. Mas magiging epektibo ang koleksyon ng BIR dahil di na nila kailangan pang maghabol. Sa ayaw at sa gusto ng empleyado ay babawasan sila ng tax kada buwan. Madadagdagan pa ang galamay ng BIR sa pamamagitan ng mga employer at mababawasan ng malaki ang corruption sa ating bansa. Hanep manong ang galling nyo po ah! 131

Isa pa iho, mas marami ngayon ang magtutulungan na paangatin ang bansa natin. Imbes na 10% lang ng population ang magdadala yung 90% na ngayon ang papasan ng ekonomiya natin. Oo nga po manong kaya lang parang ganun pa rin iyon. Mataas nga ang sahod pero mataas din ang bilihin. Eh di wala rin po! Kayod marino ka pa rin nun dahil sa taas ng bilihin. Maaaring ganun pa nga rin yun iho. Pero matanong kita ulit. Maaari ngang mahihirapan ka pa rin. Pero alin naman ang mas pipiliin mo yung nahihirapan ka na ang pagkain mo ay tuyo o yung nahihirapan ka na ang pagkain mo ay fried chicken? Manong naman! Tinatanong pa ba yun? Syempre naman dun ako sa chicken. Ano ang mas gusto mo iho yung nahihirapan ka na nakahiga sa banig o yung nahihirapan ka na nakahiga ka sa malambot na kama? Manong trick question po ba yan? Syempre naman dun ako sa kama! Eto pa ang isang tanong iho. Sa tingin mo ba may katotohanan yung naisip ko? Nangyayari ba yun? Naku manong drayber kayo na po siguro ang sumagot nyan. Medyo mahina po ako sa math eh! Natawa na lang yung drayber sa aking isinagot sa kanya. Di mo naman kailangan ng math dun iho! Ihalimbawa na natin ang mga bansang gaya ng Singapore, Japan, Hongkong, Canada, Australia, Amerika at England. Lahat ng binanggit ko ay may mataas na pasahod sa mga empleyado. Lahat yung mga bansang iyon ay may buying power ang mga taong nasa ibaba. Lahat yun ay may kapasidad ang mamamayan na bumili. Lahat ng mga iyon ay dinadayo ng foreign investor dahil malakas ang kanilang kalakalan. Lahat ng iyon may maunlad na local na ekonomiya. Kasi iho basic lang naman yung ginawa nating solusyon. Naalala mo ba yung embudo na sinasabi ko sa iyo kanina? Sa pamamagitan ng pagpapataas ng sahod ay lumuwag yung butas sa embudo at bumuhos yung pera sa ibaba. At dahil nga may 132

buying power ang isang simpleng empleyado na gaya mo ay mamimili ka rin. Halimbawa na dahil may pera ka na ay kaya mo ng yayain si esmi mo na kumain naman sa restaurant. Kaya mo na ring ibili ng ng sapatos ang anak mo. Kaya mo na ring bumili ng bahay at higit sa lahat ay kaya mo nang mapagaral ang iyong anak sa maayos na paaralan. Kada bibili ka yung pera mo ay aakyat ulit pataas dun sa mga negosyante. Ang nangyari ay umikot lang yung pera sa paraan na matitikman din nating mahihirap yung pinagmamalaki ng gobyerno na pag-unlad ng ekonomiya at nung P42 per dollar. Imbes na sila lang sa itaas ang nakikinabang hehehe medyo maaambunan na tayo. Ang di pormal na kwentuhan sa pagitan ng tsuper at propesyunal ay konkretong patunay na di lantad ang diskriminasyon sa mental o intelektwal na kakayanan ng tao. Ang antas sa lipunan propesyunal man o hindi ay di batayan sa pagkakaroon ng mga argumento at katwiran na may kinalaman sa lipunan. Kung walang diskriminasyon sa mental na aspeto sa makatuwid ang diskriminasyon ay tahasang makikita sa material o pisikal na aspeto na siyang laman o buod ng katwirang inilahad ng tsuper. Ang kongkretong halimmbawa ng diskriminasyon ay sa pagitan ng mayaman at ng mahirap na tahasang tumutukoy sa material na aspeto ng tao. Ito ay kayang ilarawan ng embudo bilang simbolo. 133

Ang isang daang porsiento ng populasyon at yaman ay nahati sa dalawa. Sampong porsiento ng populasyon lamang ang nagmamay-ari ng siyamnapong porsiento ng yaman ng bansa. Samantalang ang sampoong porsiento ng yaman lang ang pinaghahati-hatian ng siyamnapong posiento ng populasyon ng bansa. Ang simbolo na nasa itaas ay malinaw na naglalarawan ng di timbang na anyo ng sitwasyon ng lipunan. 134