PAG-ISIPAN ANG BASURA

Similar documents
Ang aklat na ito ay inilimbag ng WWF-Philippines para sa proyekto ng Coral Triangle Support Partnership sa tulong ng USAID.

フィリピノ語 Wastong Paraan ng Pagtapon ng Basura mula sa Tahanan

KABAYARAN SA PAGTAPON NG BASURA PAG-PUPULONG NG RESIDENTE BAYAN NG HIGASHIURA

Lungsod ng Yao. (Oktubre, 2016 ~ ) フィリピン語版

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Mga recyclable na basura Kalendaryo ng koleksyon

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

E P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

GRADE VI GAMIT NG GRID

MGA REHISTRO PARA MAGING LEGAL ANG NEGOSYO IBA PANG AHENSYANG MAKAKATULONG SA PAGNENEGOSYO. AHENSYA NG GOBYERNO Barangay Hall

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Prepektura ng Fukuoka

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Prepektura ng Fukuoka

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

storybookscanada.ca children s stories in Canada s many languages. Storybooks Canada in an effort to provide

Pagtugon/Pagkilos sa Sakuna

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Kaligtasan ng Natural Gas, Mga Tip at Serbisyo sa Pagtitipid ng Enerhiya

TAMBULI Weekly Newsletter

Iligtas natin ang sarili sa pinsalang dulot ng lindol, baha at malakas na hangin!

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

Pamamahala sa Social Security Mahalagang Impormasyon

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Direktoryo ng Provider at Parmasya

Pagsasanay sa Filipino

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

m~öäáäá=åö=fåóçåö=rå~åö _~Ü~ó=ë~=`~å~Ç~ Ano ang Kinakailangang Malaman ng Bagong Dating

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

GABAY SA PAMBAHAY NA ENERHIYA AT KALIGTASAN. Mga Katotohanan, Pabuya at Impormasyon. socalgas.com. Sundan kami sa: Twitter at Facebook

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Magplano ng maaga para sa mga hinaharap na pagdedesisyon sa legal, kalusugan at pinansiyal

Ang Makisig at Hangal na Hari

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

Mahalagang impormasyong legal, mga paghahayag, at mga patakarang kailangan ninyong malaman

Gabay sa Pananalaliksik at Pagsusuri sa Pamimili

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Pahintulutan ang Scotiabank tulungan buksan ang pintuan sa iyong bagong panimula sa Canada. MGA SERBISYO SA PAGBABANGKO PARA SA MGA BAGONG CANADIAN

Atlantic Health System

Gabay ni nanay sa pagpapakain kay baby

Tamang uri ng pamumuhay

STK GLOBAL PAYMENTS DECEMBER 2017 WHITEPAPER TGL OFFICIAL WHITEPAPER:

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

Kaya Ko, Kaya Mo. pagpapanatili ng. Buhay na Lupa. Paggawa ng Compost at Iba Pang Organikong Pamamaraan na Subok ng Magsasaka

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

Pag-navigate sa isang REALTOR

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?

Nang Matuto Ka at Magising

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Isang Guide para sa Naturalisasyon

Talamak na Paghina ng Bato

2017 Fair Housing Survey para sa Lungsod at County ng Los Angeles

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Gabay para sa mga Lider

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Koleksiyon ng mga kailangan at

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Ang Bagong Sistema ng mga Karapatang Pantao ng Ontario

Gabay ng gumagamit. Xperia V. LT25i

PETSANG MAY BISA: 01/01/2016 PETSA NANG NIREBISA: 06/27/2017. Financial Assistance Policy (Patakaran para sa Pinansiyal na Tulong)

LISTAHAN NG IMPORMASYON PARA SA KALIGTASAN

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Produced by Coastal Resource Management Project

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

COMMUNITY-BASED MONITORING SYSTEM Household Profile Questionnaire

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Mahahalagang Bagay. Mahahalagang Bagay. Iba Pang Mga Paunawa. Iba Pang Mga Paunawa (Bawat Modelo)

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Transcription:

PAG-ISIPAN ANG BASURA GABAY SA PAGLIHIS NG BASURA MGA GUSALI NA APARTMENT Gabay sa Pagbubukod ng mga Organiko at Pang-recycling www.surrey.ca/rethinkwaste

MENSAHE MULA SA ALKALDE Ipinatupad ng Lungsod ng Surrey ang makabagong Programa na Pag-isipan ang Koleksyon ng Basura sa mga isang pamilyang kabahayan sa buong lungsod noong 2012. Nagresulta ito sa pagbawas ng mahigit na 40% ng mga basura na tinatambak sa lupa na nagmumula sa mga basurang inipon sa gilid ng bangketa. Dahil dito, ang pagsisimuno ng Lungsod ng Surrey ay tumanggap ng National Sustainable Communities Award mula sa Federation of Canadian Municipalities para sa mga pambihirang gawain sa pamamahala ng basura. Sa pagsisikap na ipagpatuloy ang ating progreso, kinalulugod namin na ipakilala ang Programa na Pag-isipan ang Koleksyon ng mga Basurang Organiko sa mga gusali na apartment. Mga residente ng Surrey na nakatira sa mga gusali na apartment ay nakagawa ng pambihirang trabaho sa pagbawas ng kanilang mga basura sa pamamagitan ng paglahok sa linguhan na pag-recycling. Ang Programa na Pag-isipan ang Koleksyon ng mga Basurang Organiko ay isang hakbang patungo sa patuloy na pagbawas ng mga basurang ipinapadala sa mga lupang tambakan. Ang mga basurang organiko ay isang mahalagang nagpapanibagong enerhiya at pinagmumulan ng pang-abono. Kaya balak ng Lungsod ng Surrey na mag-proseso ng mas maraming basura na maaring gawing natural na gas para magamit itong gasolina ng mga trak ng basura na kumokolekta ng mga inipong basura sa gilid ng bangeta. Sa ganyan paraan ay makakagawa tayo ng isang umiikot na sistemang sarado. Ang natitirang organikong basura ay gagawing masustansiya na abono para magamit sa mga hardin at sa agrikultura. Sa inyong paglahok at dedikasyon sa paglihis ng mga basura, ang Programa na Pag-isipan ang Koleksyon ng mga Basurang Organiko sa mga Apartment ay makakaseguro na mananatiling world-class na pinuno ang Surrey sa pamamahala ng basurang kabahayan. Sa ngalan ng Konseho ng Lungsod, nais kong magpasalamat sa inyong pinagsamang pagsisikap para masegurong mas panatiliin ang kinabukasan ng ating dakilang lungsod. Taos-puso, 2 Alakalde Linda Hepner

PROGRAMA NA PAG-ISIPAN ANG KOLEKSIYON NG MGA BASURANG ORGANIKO Kasalukuyan, ang mga basurang nagmumula sa mga apartment ay binubuo ng 73% na basura, na pinapadala sa mga lupang tambakan; at 27% na basurang pang-recycle, na ginagawang bagong mga materyales. Ang Lungsod ay nagsagawa ng pagsusuri ng mga basura mula sa mga apartment at natuklasan na halos 43% ng mga basurang pinapadala sa mga lupang tambakan ay binubuo ng mga organikong basura (basura mula sa kusina). Ang serbisyo ng Pag-isipan ang Koleksyon ng mga Basurang Organiko ay nangangailangan na paghiwalayin ng mga naninirahan sa mga apartment sa Surrey ang kanilang organikong basura (basura mula sa kusina) mula sa pangkaraniwang basurang pambahay. It ay isang mahalagang hakbang tungo sa malaking pagbawas ng mga basurang pinapadala sa mga lupang tambakan. Ang basurang organiko na pinapadala sa mga lupang tambakan ay pinagmumulan ng methane gas na may mapanganib na green-house gas (GHG) emissions factor na mahigit dalawamputisang beses na mas malubha kumpara sa gasolina o diesel. Hindi pa nababanggit ang mga gastos at mga usok mula sa mga sasakyan na kaugnay sa pagpadala ng mga basura sa mga lupang tambakan. Sa kasalukuyan, ang mga basurang organiko na nakokolekta mula sa mga kabahayan ay ginagawang masustansiyang abono na ginagamit sa paghahardin, agrikultura, at pagpapaganda ng hardin. Pagdating ng 2017, ang Lungsod ay magpapatakbo ng sariling pasilidad na gumagawa ng bio-fuel mula sa organikiong basura na magpapaandar ng armada ng mga trak ng basura na gagamitin natin sa pagkolekta ng mga organikong basura, at bilang isang masustansiyang abono. Sa ganyan paraan ay makakagawa tayo ng isang umiikot na sistemang sarado. 27% RECYCLING 30% MGA BASURA 27% RECYCLING 73% MGA BASURA 43% RECYCLING Kasalukuyang Komposisyon ng Mga Basura sa mga Gusali na Apartment Ang Ating Layunin Paglihis ng 70% ng mga Basura 3

PAANO GUMAGANA ANG PROGRAMANG ORGANIKO Ang programa sa pagkolekta ng organikong basura ay dinisenyo para gawing mas madali ang paglalahok ang mga residente, patungo sa mas maraming paglilihis at pagbabawas ng dami ng mga basura sa inyong gusali. LALAGYAN NG BASURANG PANGKUSINA Gamitin ang lalagyan sa kusina para mas madaling ipaghiwalay ang mga organikong basura sa loob ng bahay at para mabawasan ang pagpunta niyo sa organikong kariton ng inyong gusali. Kapag napuno na ang lalagyan ng basurang pangkusina, itapon ang laman nito sa organikong kariton na nakalagay sa lugar ng mga basurahan at pang-recycling sa loob ng inyong gusali. Bumisita sa www.surrey.ca/rethinkwaste para sa karagdagan na impormasyon. 1 LAGYAN ANG LOOB NG INYONG LALAGYAN NG BASURANG PANGKUSINA NG MGA LUMANG PAHAYAGAN O MGA KAYUMANGGING PAPEL NA SUPOT PARA MAS MADALING LINISIN 2 KAYUDIN ANG MGA NATIRANG PAGKAIN DIRETSO SA LOOB NG INYONG LALAGYAN NG BASURANG PANGKUSINA 3 ITAPON ANG LAMAN NG INYONG LALAGYAN NG BASURANG PANGKUSINA SA LOOB NG ORGANIKONG KARITON 4 ANG ORGANIKONG KARITON NG INYONG GUSALI AY PAGLILINGKURAN SA ARAW NG KOLEKSIYON Ang paggamit ng garburator para sa pagtapon ng mga natirang pagkain ay nagbibigay ng karagdagan na pabigat sa mga sistema ng alkantarilya at planta ng paggamot ng dumi ng Lungsod, at bukod doon ay nagaaksaya ng kuryente at tubig tuwing ginagamit ito. 4 Ang pagtapon ng mga natirang pagkain tulad ng mga buto o maraming almirol sa agusan ng tubig ay maaring maging sanhi ng pagbara nito dahil ang mga materyales ay naiipon at natutuyo sa loob ng mga tubo. Ang paglagay ng mga natirang pagkain sa loob ng organikong kariton ay makakaseguro na ang mga organikong bagay ay mapupunta sa isang pasilidad ng pang-abono kung saan ito mapapamahalaan ng tama.

MAKAKATULONG NA MGA TIP Balutin ang mga natirang pagkain sa loob ng pahayagan, papel na supot, papel na tuwalya, o Ilagay sa kahon na karton Lagyan ang ilalim ng inyong lalagyan ng basurang pangkusina ng lumang pahayagan, karton, o isang kayumangging papel na supot Patigasin sa lamig ang mga natirang karne sa loob ng papel na supot hanggang sa araw ng koleksiyon Panatilihing sarado ang takip ng inyong lalagyan ng basurang pangkusina Wisikan ng kaunting baking soda ang ibabaw ng basurang pagkain kung kinakailangan para mabawasan ang masamang amoy Hugasan lagi ang inyong lalagyan ng basurang pangkusina ng malumay na sabon o tubig na may hinalong suka Itapon ang laman ng inyong lalagyan ng basurang pangkusina para makolekta kada linggo kahit hindi pa ito napupuno MGA SUPOT PARA SA BASURANG PAGKAIN Para mas madaling linisin, ang mga lalagyan ng basurang pangkusina ay maaring lagyan sa loob ng mga supot para sa basurang pagkain o mga pahayagan. Mga supot para sa basurang pagkain para sa inyong lalagyan ng basurang pangkusina ay maaring mabili sa halagang $1 kada 10 piraso. Mga supot ay mabibili sa mga sumusunod na mga pasilidad na panlibangan ng lungsod: Cloverdale Recreation Centre 6188 176 St 604-598-7960 Don Christian Recreation Centre 6220 184 St 604-502-6400 Fleetwood Community Centre 15996 84 Ave 604-501-5030 Fraser Heights Recreation Centre 10588 160 St 604-592-6918 Guildford Recreation Centre 15105 105 Ave 604-502-6360 Newton Wave Pool 13730 72 Ave 604-501-5540 North Surrey Recreation Centre 10275 135 St 604-502-6300 South Surrey Indoor Pool 14655 17 Ave 604-502-6220 South Surrey Recreation Centre 14601 20 Ave 604-592-6970 Surrey Sport & Leisure Complex 16555 Fraser Hwy 604-501-5950 Mga plastik na supot (kasama ang mga plastik na supot na biodegradable o pang-abono) ay hindi pinapayagan at hindi tinatanggap sa loob ng mga organikong kariton. 5

ORGANIKONG KARITON ANO ANG NASA LABAS MGA PLASTIK NA SUPOT O KAHIT NA ANONG URI NG BASURA MGA LAMPIN MGA DUMI NG ALAGANG HAYOP MGA BOTE AT BAKAL MGA MAPANGANIB NA BASURA TULUNGAN BAWASAN ANG PAGKAHAWA Ang paglagay ng mga hindi karapat-dapat na mga bagay sa loob ng organikong kariton ay may negatibong epekto sa kalidad ng naproseso na produktong pang-abono at dapat tanggalin sa mga pasilidad ng pagproseso ng mga organikong basura. Mas madali at mas matipid, kung gawin nating lahat ang ating parte para maseguro na nilalagay lang natin ang mga karapatdapat na mga bagay sa loob ng organikong kariton.ang pagsunod ng mga sumusunod na hakbang ay makakatulong na mabawasan ang pagkahawa: WALANG PLASTIK: Huwag maglagay ng kahit na anong plastik (kahit mga supot na pang-abono o biodegradable) sa mga organiko. Paglinis ng Inyong pridyeder, paalala lamang na alisin ang mga pagkain mula sa mga supot na plastik, mga balot, at styrofoam. WALANG MGA LASTIKO: Tanggalin ang mga lastikong goma sa mga nakabigkis na gulay tulad ng kintsay, sibuyas na berde, at asparagus. WALANG MGA LAMPIN, GAMIT PANGKALUSUGAN, O DUMI NG MGA ALAGANG HAYOP Para sa impormasyon sa wastong pagtapon ng mga ito, tumukoy sa www.surrey.ca/rethinkwaste 6

KARITONG ORGANIKO ANO ANG NASA LOOB Mga Organiko Prutas at Gulay Itlog at Produktong Gawa sa Gatas Pasta at Haspe Karne, Manok at mga Buto Inihurnong Pagkain Ensalada at Salsa Isda Pagkaing Dagat Siguraduhin na may basurang hardin o pagkain sa loob ng kariton para matulungang masipsip ang mantika Mantika Supot ng Tsaa Kape at Papel na Pansala Tuwalyang Papel Gamit na Kahon ng Pizza Serbiliyeta Pinagputulang Damo Bulaklak Dahon Maliit na Pinaggupitan Halaman (Walang Lupa at Bato) 7

MAARING ILAGAY SA INYONG KARITON NG RECYCLING MGA PLASTIK Inuman na baso at takip Plastik na paso para sa halaman at mga trey na pampunla Plastik na balde na hindi hihigit ng 25 litro (ex: balde ng sabong panglaba) Plastik na bote, garapon, o banga na may mga takip o saklob Plastik na hugis kabibi (ex: para sa mga hinurnong pagkain o prutas) Trey at takip Batya at takip Mangkok at tasa na maaring i-microwave MGA YARI SA METAL Lata at takip na yari sa metal Lata at takip ng erosol Pambalot na gawa sa aluminyo Lalagyan ng pagkain na gawa sa aluminyo MGA BAGAY NA GAWA SA PAPEL Pahayagan at polyeto Katalogo, magasin, at libro ng telepono Papel pambahay, pambalot ng regalo, at mga kard na pambati Kulubot na karton at mga kahon na gawa sa karton Hinubog na karton (ex: karton ng itlog, mga trey na lalagyan ng mga inumin) Papel na supot na may isa o maraming patong na papel (ex: supot para sa pagkain ng hayop) Ginutay-gutay na papel Latang gawa sa pinilipit na papel Lalagyan na gawa sa papel na may patong na plastik (ex: karton ng gatas at sopas, lalagyan ng mga panghimagas na pinatigas sa yelo) Paalala lamang na 8 Tanggalin ang laman at linisin ang mga lalagyan Ilagay ang mga takip sa loob ng mga lata at pisilin ng bahagya I-recycle lahat ng mga takip at saklob Isauli ang mga lalagyan ng inumin na may deposito para maisauli ang ibinayad Tanggalin ang mga natirang pagkain, plastik na panlatag at balot mula sa aksesorya Gawing maluwag ang paglagay ng mga bagay sa loob ng kariton Patagin at gupitin ang mga kahon para magkasya sa loob ng kariton Balutin ang mga sobrang pinatag na kahon at Ilagay sa tabi ng inyong kariton (maaring lagyan ng tape o staple) Ilagay ang mga gutay-gutay na papel sa isang plastik na supot na nakatali, malinaw, at walang kulay

KARITON NG RECYCLING ANO ANG NASA LOOB Halo-halong Lalagyan Pakete na Hugis Kabibi Plastik na Paso pang Halaman RECYCLING Pinatag na Bote ng Gatas Inuman na Baso at Takip Plastik na Trey ng Pagkain Palara at Trey na Aluminyo Lata ng Chips Lata ng Pagkain Walang Laman na Latang Erosol Tasa ng Kape at Takip Papel na Trey ng Itlog Tetra Pak na Lalagyan Karton at Papel Lalagyan ng Gatas Lalagyan ng Sorbetes Pahayagan at Polyeto Magasin at Libro ng Telepono Papel sa Opisina 9

HINDI TINATANGGAP SA INYONG KARITON NG RECYCLING PAGKAIN AT KUSINA Straws Pambalot na may insulasyon na hindi papel Takip ng karton na lalagyan ng pagkain na may lining na palara Mangkok na maaring i-microwave na may gilid na yari sa metal Supot na palara Palarang pambalot na may papel (ex: pambalot ng mantikilya o sigarilyo) Naitatayong supot Plastik na gamit sa kusina na pambalot ng pagkain, karne, manok, isda, o keso Blister na Pakete (ex: pambalot ng nginunguyang gam o gamot na gawa sa plastik o palara) PAPEL AT PAMBALOT Sari-saring libro Mga supot na may lining na palara (ex: mga supot ng galyetas) Mga supot na may balot na palara (ex: mga supot ng galyetas) Papel na tuwalya Serbiliyeta o tisiyu Sobreng may padding Mga kard na pambati na may tugtog at baterya Mga pambalot na may tatak na biodegradable o compostable PAMBAHAY Mga Bote at Garapon Pasong seramiko Edger ng hardin Tarapal Plastik na kasangkapan Gomang pandilig ng hardin Tali o lubid Plastik na balde na mahigit 25 litro Tangke ng LPG o silindro Lata ng pintura na gawa sa bakal o plastik Bote ng langis ng makina o ibang lubrikante ng sasakyan Produkto na anti-freeze Balde para sa mga lubrikante at langis Lata ng erosol na may laman pa Pangsabit ng damit Palayok, kawali o trey na panghurno Laruan na gawa sa plastik o metal Mga aparato Mga kagamitang metal o pirapirasong metal Mga alambre, kable na metal o kord na pangdugtong Sapin na sumisipsip ng likido Lastikong goma Pambalot ng regalo na hindi gawa sa papel (ex: palara, ribon, laso)

KARITON NG RECYCLING ANO ANG NASA LABAS Plastik na Supot Styrofoam na lalagyan at pambalot Pira-pirasong Metal Papel na Tuwalya Bote at Garapon Pambalot na Narumihan ng Pagkain Plastik na Hindi Pambalot Salamin Salamin sa Bintana Baso Seramico Baterya Elektronika Matulis at Mapanganib na Basura Basura at Organiko Para mas malaman ang Multi-Material BC Packaging at ang programa ng recycling ng nakalimbag na papel, bumisita lang sa www.recyclingbc.ca. 11

BASURA ANO ANG NASA LABAS Basurang hardin Labi na pagkain Recyclables Ano mang uring Likido Mapanganib na Kimiko Paputok o Munisyon Mga Gamit sa Pagtayo o Pagbuwag ng Gusali Dumi, Bato, o Buhangin Likidong Nasusunog o Gasolina Pestisidyo Gulong Parte ng Kotse Langis ng Makina Baterya Elektronika Mga Gamot Maliit na Aparato 12

BASURA ANO ANG NASA LOOB ANO ANG NASA LOOB? WALANG MASYADO Ang basura lamang na hindi maaring ma-recycle o gawing pang-abono ay ang ilalagay sa basurahan, halimbawa mga lampin, mga damit, o mga tela, o mga produkto na hindi na magagamit muli o ma-recycle. MGA BASURA NA HINDI MAARING MA-RECYCLE O GAWING PANG-ABONO MGA BASURA Para sa impormasyon kung paano ang wastong pagtapon ng mga bagay na mapanganib, tumawag sa Recycling Council of BC hotline sa 604-732-9253 o bisitahin ang www.rcbc.bc.ca o ang www.metrovancouverrecycles.org. 13

Surrey Transfer Station Kung ang isang bagay ay hindi pwedeng ma-recycle sa inyong gusali, maari ninyong dalhin ito sa Surrey Transfer Station sa 9770 192 Street. Libre ang pagbagsak ng mga recyclables kasama na rin ang mga salaan ng langis, mga bakal, baterya, aparato, at tangke ng LPG. Ang estasyon ay tumatanggap ng plastik (#1,2,4,5), plastic na pilm, bote, pahayagan, pinaghalong papel na basura, at karton. Mga gamit na nakakalason tulad ng pintura, mapanganib na bagay, o mga kargado na may likido na wala sa lalagyan ay hindi tinatanggap. Mumultahin ang mga magtatapon ng mga nakakalason at pinagbabawal na mga basurang bagay. Bumisita sa www.wastech.ca para sa karagdagan na impormasyon tungkol sa mga bagay na tinatanggap, mga oras ng operasyon, at mga kabayaran. GOLDEN EARS WAY 96 AVE 190 ST 192 ST Surrey Transfer Station 94 AVE 9770 192 St Surrey, BC 604-513-2409 14

PAGDAMPOT NG MALALAKING BAGAY PRIBADONG PAGDAMPOT Para malaman kung ang inyong gusali ay tumatanggap ng mga malaking bagay para itapon, pakitawagan lamang ang manager ng inyong gusali o ang kontraktor na kumokolekta ng basura. Maari mo rin ipadampot ang isang malaking bagay sa pagkontrata ng isang pribadong kolektor (may bayad). Mga malaking bagay ay katulad ng mga kutson, kasangkapan sa bahay, pridyeder, priser, at mga aparato. Para sa impormasyon kung paano ang tamang pagtapon ng mga bagay na ito, tawagan ang Recycling Council of BC hotline sa 604-732-9253 o bumisita sa www.rcbc.bc.ca o ang www. metrovancouverrecycles.org. MGA MALAKING BAGAY 15

MAPANGANIB NA BASURANG PAMBAHAY Nagtataka ka ba kung anong gagawin sa inyong mapanganib na basura? Mga baterya, elektronika, matutulis at ibang mapanganib na bagay ay nangangailangan ng espesyal na pag-asikaso. Bisitahin ang www.rcbc.bc.ca o tumawag sa recycling hotline sa 604-RECYCLE (604-732-9253) para sa impormasyon tungkol sa wastong paraan ng pagtapon at sa pasilidad na malapit sa inyo. Para sa impormasyon kung paano ang wastong pagtapon ng mga bagay na mapanganib, tumawag sa Recycling Council of BC hotline sa 604-732-9253 o bisitahin ang www.rcbc.bc.ca o ang www.metrovancouverrecycles.org. PAGTAPON NG MANTIKA AT SEBO HUWAG itapon ang mantika o sebo sa lababo. Tumitigas ang sebo at dumidikit ito sa loob ng mga tubo ng alkantarilya, na dahilan ng pagipon ng mga bagay at paghigpit ng pag-agos ng tubig. Ito ay maaring maging sanhi ng pinsala sa mga ari-arian o pagbara ng alkantarilya sa loob ng inyong bahay. ILAGAY ang maiinit na mantika sa loob ng isang lata para lumamig at mabuo bago itapon ito sa mga organiko. GUMAMIT ng mga papel na tuwalya para punasan ang natirang sebo sa mga plato bago hugasan ang mga plato at itapon ang nagamit na papel sa mga organiko. 16

IBALIK SA DEPOSITOHAN NG RECYCLING Lalagyan ng Inumin na may Deposito Styrofoam Plastik na Supot Bote at Garapon Pintura at Pantunaw Pestisidyo Kagamitan Maliit na Aparato TV o Komputer Elektronika at Laruan de Koryente Cellphone Kutson Gasolina Gamit na Langis ng Makina at Piltro Gulong Bateryang Pangsasakyan Bombilya Mga Gamot Salamin sa Mata Bateryang Alkaline 17 depositohan ng pang-recycling

IBANG PARAAN PARA MABAWASAN ANG BASURA Para malihis ang ibang basura mula sa tambakan sa lupa at makatulong sa pag-ipon ng pondo ng mga lokal na kawanggawa, kung maari lamang ay magbigay ng mga gamit na nasa mabuting kalagayan na maaring ipagbili muli. Big Brothers of Greater Vancouver www.bigbrothersvancouver.com Canadian Diabetes Association www.diabetes.ca Canuck Place Children s Hospice www.canuckplace.org Developmental Disabilities Association www.develop.bc.ca/develop Mennonite Central Committee Canada Thrift Shop www.mcccanada.ca Salvation Army Thrift Store www.thriftstore.ca Surrey Women s Centre www.surreywomenscentre.ca Value Village www.valuevillage.com Pakitawagan muna ang kawanggawa o ang samahan bago magbigay ng donasyon para siguruhin na tatanggapin nila ang inyong materyales. 18

HUWAG IBASURA! Bago kayo magtapon ng bagay, siguruhin na hindi maaring ma-recycle ito. Bumisita sa www.rbc.bc.ca o tumawg sa 604-RECYCLE HUWAG ITAPON IPAMIGAY ITO! surreyreuses.com Sa surreyreuses.com maari ninyong ibenta, ikalakal, o ipamigay ang mga kagamitan na malamang itatapon lang ninyo o maghanap kayo ng mga magagamit na bagay mula sa ibang mga residente. Ang mga kagamitan ay maaring ialok ng libre o may halagang hindi hihigit sa $99. Ang paglahok ay libre. May mga ilang nakalagay na kondisyon at pinagbabawal. BAGO MO ITAPON HANAPIN ITO! metrovancouverrecycles.com Hindi mo alam kung paano itatapon ang isang bagay na hindi tatanggapin sa gilid ng bangketa? Mabilis at madaling alamin sa isang online tool na makakatulong makahanap ng mga lugar sa pag-recycle ng kahit anong bagay! Ang website ay may kasaling listahan ng mga tindahan kung saan makakatipid at mga ahensiya ng kawanggawa na tumatanggap ng mga donasyon ng mga umaandar at mga gamit na bagay. Ito ay isang magaling na paraan para humanap ng mga lugar na bilihan ng mga gamit na bagay. 19

PARA SA KARAGDAGAN NA IMPORMASYON BUMISITA SA www.surrey.ca/rethinkwaste MATATAWAGAN PARA SA IMPORMASYON City of Surrey Waste Collection Hotline 604-590-7289 BC Recycling Hotline 604-732-9253 Household Hazardous Waste 604-732-9253 Surrey Transfer Station 604-513-2409 MGA KALEDARYO NA ISINALIN Mga maikling bersyon ng kalendaryo sa mga ibang wika (Ingles, Pranses, Intsik, Koreano, Punjabi, Hindi, o Tagalog) at maaring ma-download sa www.surrey.ca/rethinkwaste PAG-ISIPAN ANG BASURA PROGRAMA NG KOLEKSIYON www.surrey.ca/rethinkwaste 15435