Pagaaral - 6 ANG PAGPASOK SA KAHARIAN

Similar documents
Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Liksyon 8 para sa Nobyembre 25, 2017 SINO ANG TAO SA ROMA 7?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

FOR FREEDOM CHRIST HAS SET US FREE

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ayon kay Marcos (Gospel of Mark)

TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 PAGSUSULIT ARALIN I "ANG BIBLIA"

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

1. Maipakilala ang Banal na Kasulatan... Page 2 (May I Introduce to you the Gospel)

BOOK 1: ONE BY ONE (FILIPINO) Copyright 2016 by Global Leadership Center

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

BALIWAG BIBLE CHRISTIAN CHURCH We exist to build local and global GRACE-communities of committed followers of Christ for the glory of God.

Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

NAIS KONG MALAMAN... Sino si Hesu-Cristo? Pagtuklas sa Bagong Buhay kay Cristo

Galacia 1:1-5. Pagsasaliksik. Pagsasabuhay

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Si Hesus at Si Zaqueo

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Lumapit Kayo sa Akin. July 25, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 11:25-30

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ang Layunin ng Diyos sa Iyong Buhay

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ang Makisig at Hangal na Hari

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

GRADE VI GAMIT NG GRID

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

- 2 -

Theolohiya Sistematica Conrad Jun Tolosa

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Salmo 12:6-7 Kaligtasan

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

WORSHIP GOD IN SPIRIT AND TRUTH

,Ang nga tao ay nasuri, katapatan sa ahapters ata Bíble verses.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Transcription:

BAGONG LIWANAG NG KAHARIAN Pagaaral - 6 ANG PAGPASOK SA KAHARIAN paunang salita Marami sa atin ang tinuruan na tayo y maliligtas lamang kung tayo y sasapi sa isang iglesia at ating susundin ang anu-anong mga reglamento nito. May mga iglesia na nagtuturo na ang kaligtasan ay makakamit lamang sa pamamagitan ng pag-anib sa kanila. Marami din ang naniniwala na mawawala ang kanilang kaligtasan kung sila y titiwalag sa kanilang iglesiang kinagisnan. Ayon sa Biblia, ang ating kaligtasan ba ay nasasalig sa ating pagka-anib sa isang iglesia? Noong pahahon ni Martin Luther (15th Century), isa siya sa mga pareng Aleman na nagsikap na maganap ang lahat ng mga turo at tradisyon ng kanilang iglesia (Catolica Romana). Katulad ng mga karaniwang Cristiano noon, naniniwala siya na may bisa ang kanyang mga gawa sa pagpapawalang-sala. Itinuro ng iglesia noon na ang pagpapawalang-sala ng tao ay ganting-pala ng Dios sa kanyang mga mabuting gawa. Maraming Cristiano ang naniniwala noon na kung maging mas mahigit ang kanilang mabubuting gawa sa kanilang mga kasalanan, mayroon silang maiipon na puntos para sa pagpapawalang-sala. Bilang isang pare at profesor ng teolohiya sa seminario, maraming mabubuting gawa si Martin Luther. Subalit hindi pa rin siya nasiyahan sa kanyang katayuan. Kahit damihan niya ang kanyang mga mabuting gawa, hindi pa rin niya natiyak ang kanyang pagpapawalang-sala at kaligtasan. Natuklasan niya sa kanyang pagaaral ng kasulatan ni San Pablo sa Mga Taga Roma, Mga Taga Galacia, at ang mga isinulat ni San Agustin tungkol sa mga bagay na ito, na kabaliktaran ng Biblia ang itinuturo ng iglesia sa mga kaanib noon. Ayon sa natuklasan ni Martin Luther sa pagaaral niya ng Biblia (Mga Taga Roma), ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Pinapawalang-sala ang makasalanang tao sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi dahil sa kanyang mabubuting gawa. Ang ating kaligtasan ay hindi ganting-pala ng ating mga ginawang mabuti, kundi ito y kaloob ng Dios. P6-2 Si Martin Luther ang nagsimula ng Protestant Reformation. Itinuro niya na ang itinakdang paraan ng kaligtasan ng makasalanang tao ay hindi sa pamamagitan ng kanyang mabubuting gawa kundi dahil sa kagandahang-loob ng Dios. Ating pagaaralan ang natuklasan ni Martin Luther sa Biblia at ating matututuhan ang itinuturo ng Biblia tungkol sa kaligtasan. Tulad ni Martin Luther, matutuklasan natin na marami tayong mga paniwalang hindi talagang ayon sa kasulatan sa Biblia. Kaya mahalaga ang pagaaral na ito. barkada Matapos batiin ang mga kaanib ng grupo, ipasagot sa bawat isa ang tanong na ito: Ano, sa pagkaunawa mo, ang turo ng Biblia kung paano ka makakarating sa langit? ALAM ko ngayon Basahin ang mga pangungusap sa ibaba at bilugan ang inyong sagot (S-Segurado, H-Hindi, M-Medyo). 1. Naniniwala ako na hindi pa sapat ang mga mabuting gawa ko upang ako y tanggapin ng Dios sa langit. S H M 2. Naniniwala ako na ang buhay ko ay hindi napakasama upang ako y itapon ng Dios sa impiyerno. S H M 3. Ako y palaging nagdadasal at nagsisimba lingo-lingo; dapat ibilang ito ng Dios para sa kaligtasan ko. S H M 4. Tinatanggap ko na ako y hindi pa sakdal-banal, ngunit kikilalanin ng Dios na ako y nagsusumikap na makasunod. S H M 5. Naniniwala ako na ako y isinilang na muli ( born again ) dahil sa ako y nabautismuhan (o nabinyangan) na at ako y naging kaanib ng aking iglesia. S H M liwanagin Anong iba t-ibang mga paraan ang pinaniniwalaan ng mga tao upang sila y makapasok sa kaharian ng Dios? Pagkataus-puso - Ako y tatanggapin ng Dios dahil ako y taus-puso at dibdiban sa mga ginagawa ko. Kawang-gawa sa Kapwa - Ako y gagantingpalaan ng Dios dahil sa mga kawang-gawa ko sa aking komunidad.

P6-3 Palatumbasan - Ako y kikilalanin ng Dios kung ang buhay ko y mas mabuti kaysa mga kapwa-tao ko. Katapatan - Ako y tatanggapin ng Dios dahil matapat ako sa paglilingkod sa aking iglesia. Pagbibigay ng Salapi - Ako y gagantingpalaan ng Dios kung ako y magbibigay ng maraming salapi sa aking iglesia at sa mga mahihirap. Pagsunod sa Kautusan - Ako y tatanggapin ng Dios kapag ginawa ko ang lahat ng aking makakaya sa pagsunod sa kautusan, kahit na kulang pa ito. Tama ba ang mga paraan na ito? Anong kailangang gawin mo upang maligtas? Anong kahulugan ng biyaya o kagandahang-loob ng Dios? Sa pagaaral na ito, ating matutuklasan ang mga malinaw na katutuhanan sa Biblia tungkol sa kaligtasan. Hindi na natin kailangan pa ang pagpapaliwanag ng mga batikang dekano sa teolohiya upang maunawaan ang mga bagay na ito. Kaya na nating suriin at timbangin ang mga malinaw na pahayag ng Biblia. TANONG-1: BABASAHIN-1 Mateo 19:16-26 Paano maliligtas ang makasalanang tao? PAGUSAPAN: Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang Kanyang sinabi, Makakamit mo ang buhay-na-walang-hanggan kung susundin mo ang kautusan? BABASAHIN-2 Santiago 2:10 PALIWANAG: Kailangang sunding buo ang kautusan. Hindi maaring pahalagahan ang iyong pagsunod kung mayroong isang utos na hindi mo nasunod. Sa pagsunod sa kautusan, ang tinatanggap na pasadong grado ay 100% lamang. Hindi maaring babaan ng Panginoon ang Kanyang pamantayan ng katuwiran kung Siya y mananatiling banal na Dios. BABASAHIN-3 Taga Roma 8:7 P6-4 PALIWANAG: Ang lahat ng mga tao ay isinilang na may makasalanan at mapaghimagsik na katutubong likas. Dahil dito, hindi maaring makasunod sa kautusan ng Dios ang taong makasalanan. BABASAHIN-4 Isaias 64:6 PALIWANAG: Ang ating pinakamabuting mga gawa ay itinuturing ng Dios na mga maruruming basahan. Kaya hindi tayo makapaghahandog ng 100% malinis na mga gawa sa Kanya. BABASAHIN-5 Taga Roma 7:18 PAGUSAPAN: Ano ang hindi maaring gawin ng taong katutubong-makasalanan? BABASAHIN-6 Taga Roma 3:20 Taga Galacia 2:16 PAGUSAPAN: Bakit itinuturo ng Biblia na walang tao na magiging matuwid sa harap ng Dios sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan? LIWANAG-1: ANG MGA AY HINDI MALILIGTAS SA PAMAMAGITAN NG KANILANG SA _ NG DIOS DAHIL: 1. NA PAGSUNOD LAMANG ANG NG DIOS.

P6-5 2. SA TAO ANG MAKAGAWA NG SAKDAL NA PAGSUNOD SA _. PALIWANAG: Ang kautusan ay hindi ibinigay ng Dios sa tao upang ito y maging paraan ng kaligtasan o pagiging -matuwid sa harap ng Dios. Ito ang ginawang paraan ng Dios upang makilala ng tao ang kanyang kalagayan sa pagkakasala at paghihimagsik sa Panginoon. TANONG-2: Anong paraan ang ginamit ng Dios upang maibalik ang mga makasalanang tao sa Kanyang kaharian? BABASAHIN-7 Taga Efeso 2:4-9 PALIWANAG: Ang mga taong makasalanan ay maliligtas sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Dios kapag sila y nanampalataya sa Kanya. Ang kaligtasan ay hindi gantingpala sa mga mabubuting gawa ng tao, kundi ito y kaloob ng Dios. Ating natutuhan na tayo y walang sapat na magagawa upang ating makamit ang gantingpala ng Dios. Maruruming basahan ang ating kayang gawin. Kung gagamitin ng Dios ang Kanyang pamantayan ng katuwiran (100% pagsunod sa kautusan), walang taong maliligtas. Dahil sa pagibig ng Dios sa tao at sa kagustuhan Niya na maibalik tayo sa piling Niya, pinili Niyang gawin na kaloob-na-walang-bayad ang kaligtasan. Hindi ito gantingpala na maari nating kitain, kundi ito y ating tatanggapin lamang sa pamamagitan ng ating pananampalataya kay Cristo. BABASAHIN-8 Tito 3:5 PALIWANAG: Marami tayong magagawang mabubuti, ngunit ang ating mga gawa ay hindi maaring maging dahilan ng pagtanggp ng Dios sa atin. Mangyari, ang ating pinakamabuting P6-6 mga gawa ay pawang maruruming basahan. Hindi sapat ang mga ito na pagbatayan ng ating kaligtasan. Kaya nga, tayo y maliligtas dahil lamang sa kaawaan ng Panginoon sa atin. BABASAHIN-9 Taga Roma 6:23 PALIWANAG: Sa halip na tanggapin natin ang kabayaran ng ating pagkakasala (kamatayan), ninais ng Dios na ipagkaloob sa atin ang buhay-na-walang-hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ang kaloob na ito y ibinibigay na walang bayad sa atin dahil ito y hindi natin mababayaran ng mga mabubuting gawa. LIWANAG-2: ANG MGA MAKASALANANG TAO AY MALILIGTAS LAMANG SA PAMAMAGITAN NG NG DIOS KUNG SILA Y KAY JESUS, DAHIL ANG KALIGTASAN AY NG DIOS NA DAPAT NATING AT PANAMPALATAYANAN. PALIWANAG: Ginamit ng Dios ang paraang ito dahil hindi maaring tumugon ang makasalanang tao sa iba pang paraan kundi sa kagandahang-loob ng Dios lamang. Ang kauhawan ng tao sa pagibig ng Dios ay siya na lamang nalalabing anino ng kanyang pagkalikha sa larawan ng Dios. TANONG-3: Ano ang gustong makita ng Dios sa mga makasalanang tao? BABASAHIN-10 Juan 6:28-29 Taga Roma 1:17 Mga Hebreo 11:6

P6-7 PAGUSAPAN: Bakit mahalaga ang pananampalataya sa pagbabalik at pakikipagbati ng tao sa Dios? BABASAHIN-11 Mga Hebreo 11:1 PALIWANAG: Ang tunay na pananampalataya ay may tatlong angkop na ating mararanasan: a. Pagkilala sa Katutuhanan - Narinig ang magandang balita. Isipan - Kinilala at naunawaan na si Cristo ay nagliligtas. b. Pagsang-ayon sa Katutuhanan - Tinanggap na katutuhanan at magandang balita. Damdamin - Naging palagay ang puso kay Cristo. c. Pagtitiwala Kay Cristo - Nagbago ang loob at pagiisip sa buhay. Pagpili - Piniling magpasakop kay Cristo, manalig at sumunod sa Kanya. LIWANAG-3: ANG ATING KAUGNAYAN SA _ AY NASASALIG SA ATING. TANONG-4: tao? Paano tatanggapin ng Dios ang makasalanang BABASAHIN-12 Taga Roma 3:27 PAGUSAPAN: Tinatanggap ba ng Dios ang tao dahil sa kaniyang mabubuting mga gawa? BABASAHIN-13 Taga Roma 3:28 P6-8 PAGUSAPAN: Mahalaga ba ng pagsunod ng tao sa kautusan sa pagtanggap ng Dios sa kanya? BABASAHIN-14 Taga Roma 3:30 LIWANAG-4: NG DIOS ANG TAO SA PAMAMAGITAN NG LAMANG AT HINDI DAHIL SA: 1. PANANAMPALATAYA AT MABUBUTING MGA. 2. PANANAMPALATAYA AT SA KAUTUSAN. TANONG-5: Ano ang mangyayari kapag ang isang makasalanang tao ay sumampalataya kay Jesu-Cristo? BABASAHIN-15 Taga Roma 3:21-26 PALIWANAG: Pagisipan natin ang mga pananalita na ating nabasa sa Biblia: Hindi sa pamamagitan ng kautusan - Maliwanag na hindi sa pagsunod sa kautusan ang ating kaligtasan. Pinawawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya ( Justification by Faith ) - Tayo y itinuturing na sakdal-banal sa paningin ng Dios sa sandaling tayo y manampalataya kay Cristo (binalutan tayo ng sakdal na katuwiran ni Jesus). Nakakamit natin ang kaligtasan sa saglit na nanalig tayo kay Cristo. Walang pagkakaiba - Walang ibang paraan ng kaligtasan. Lahat ay maliligtas sa ganitong paraan lamang. Kahit sa anong relihiyon ka nakasapi, hindi ka maaring gumawa ng ibang daan na patungo sa kaharian ng Dios. Hindi ka maililigtas ni Cristo kung igigiit mo ang iyong pansariling daan na hindi Niya pinanukala. Dahil sa Kanyang kagandahang-loob pinawalang-sala sila - Hindi lamang tayo pinatawad sa ating pagkakasala, higit dito,

P6-9 pinawalang-sala (declared not guilty ) pa tayo. At ito y dahil sa kagandahang-loob ng Dios at hindi dahil sa ating kabutihan. Sa pagbububo ng Kanyang dugo ay maipatawad ang kasalanan ng tao - Ang kapatawaran ng kasalanan natin ay nababatay sa dugo lamang ni Jesus. Hindi ito maaring dagdagan pa ng gawain ng tao. Dapat lamang itong tanggapin at panampalatayanan. LIWANAG-5: IPAHAHAYAG NG DIOS NA ANG MGA MAKASALANANG SALARIN AY NA KAPAG SILA Y _ KAY JESU-CRISTO. TANONG-6: Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa pagpasok ng makasalanang tao sa Kanyang kaharian? BABASAHIN-16 Juan 3:3-7 PAGUSAPAN: Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang Kanyang sabihin kay Nicodemo na kailangan siyang ipanganak na muli? LIWANAG-6: KAILANGAN AKONG _ UPANG MAKAPASOK SA _ NG DIOS. PALIWANAG: Nauunawaan ba natin kung ano ang kahulugan ng ipanganak na muli? Ano man ito, nakatitiyak tayo (dahil sa ito y sinabi ni Cristo) na hindi tayo maliligtas sa langit kung hindi tayo ipapanganak na muli. Kaya nga, mahalaga para sa atin na maunawaan natin ang kahulugan nito. Higit pa rito, mahalagang matiyak natin na ating maranasan ang muling pagsilang, sapagkat nasasalalay dito kung tayo y mayroong buhay-na-walang-hanggan. TANONG-7: Paano maipapanganak na muli ang isang makasalanang tao at tatanggapin sa kaharian ng Dios? BABASAHIN-17 Juan 3:14-18 P6-10 PAGUSAPAN: Anong salita ang ulit-ulit na ginamit ni Jesus sa Kanyang pagpapaliwanag kung paano naipapanganak na muli ang isang tao? PAGISIPAN: Tayo y ipanganganak na muli kapag ating pananampalatayanan si Jesu-Cristo. Sa saglit na iyon, tayo y bibigyan ng Banal na Espirito ng bagong espirito at buhay. BABASAHIN-18 Mga Gawa 2:37-38 PALIWANAG: Ang pagsisisi at pagtalikod sa makasalanang pamumuhay ( repentance ) ay bunga ng ating muling pagkapanganak. Hindi maaring magbago ang isipan ng isang taong likasmakasalanan dahil siya y laban pa sa Dios. Kailangang baliktarin ang kanyang isipan ng Banal na Espirito. Kapag nabaliktad ang maling pagkaunawa ng mga tao sa Dios (na Siya y gusto lamang parusahan ang mga tao) at nakilala nila na ang Dios ay pagibig (pinatawad na Niya ang kanilang mga kasalanan at gusto Niyang iligtas sila), sila y manunumbalik sa Dios at tatalikdan nila ang kanilang mga kasalanan. Sa ganitong paraan lamang magbabago ang pagtingin ng tao sa Dios at sa kanyang mga kasalanan. Imposibleng magsisi ang tao bago niya tanggapin ang pagkapanganak na muli ng Banal na Espirito. BABASAHIN-19 Taga Roma 10:8-10 LIWANAG-7: ANG MGA MAKASALANANG TAO AY _ AT NA MULI KUNG SILA Y: A. KAY JESUS.

P6-11 B. SA DIOS AT MAGBABAGO ANG KANILANG TUNGKOL SA _ NG DIOS AT KANILANG MGA. C. BUONG-PUSO NILANG PANINIWALAAN NA NABUHAY NA MULI SI AT KANILANG _ NG KANILANG MGA LABI NA SI CRISTO AY KANILANG. PALIWANAG: Hindi mahirap ang pagtanggap ng kaligtasan. Hindi mo na kailangan pang magtungo sa simbahan upang ikaw ay maipanganak na muli. Sa katutuhanan lamang, kahit saan o kailan man, maaring maipanganak na muli ang isang tao. Ito y madaling maabot ng sinoman. Maraming taong hindi makapaniwala na napakadali palang maligtas. Manalig ka ng buong-puso na si Jesus ay muling binuhay ng Dios at ipahayag ng iyong mga labi na si Jesus ay Panginoon. Yaon lamang ang ating dapat gawin upang tanggapin si Jesus, ang kaligtasan, ang Banal na Espirito, at ang panibagong pagkasilang. Kung hindi ka nakatitiyak na ikaw ay naipanganak nang muli at naligtas na, wala ka nang dahilan pang ipagpaliban ito. Bakit hindi mo pa gawin ito ngayon din? P6-12 MAGANDANG BALITA NG KAHARIAN - 6 Ang kaligtasan ay ipinagkakaloob ng Dios na walang bayad sa mga makasalanang tao na walang kakayahang sundin ang kautusan at hindi maaring maging matuwid sa kanilang sariling mga gawa. Ipinagkakaloob ito sa akin ng Dios sa pamamagitan ng Kanyang Anak, si Jesus, na Siyang dumanas ng aking kaparusahan upang matanggap ko ang buhay na hindi ko dapat makamit. Ang kaligtasan ay tinatanggap ko sa pamamagitan ng aking pananalig kay Jesus, ang aking Tagapagligtas na bumangon sa kamatayan at sa aking paghahayag sa buong daigdig na aking Panginoon si Jesus. PAGLAPIT SA KAHARIAN - 6 KAILANGAN KONG MANAMPALATAYA KAY JESU-CRISTO AT TANGGAPIN KO NA SIYA AY AKING TAGAPAGLIGTAS AT PANGINOON. PALIWANAG: Ang Magandang Balita ay ito: Ang ating kaligtasan ay kaloob na walang bayad na nanggaling sa kagandahang-loob ng Dios para sa mga taong hindi karapat-dapat na makamit ito. Ang taong hindi matuwid ay ipinahayag ng Dios na walang sala ( Not Guilty ) at ibinalik sa kaharian ng Dios dahil ibinibilang na kanya ang katuwiran at kamatayan ni Cristo. Tinatanggap ng Dios ang makasalanang tao hindi dahil sa kanyang pansariling katuwiran ( katuwirang pangloob ), kundi dahil sa katuwiran ni Jesus ( katuwirang panglabas ). Ang paraang pagliligtas na ito ( Pagpapawalang-sala sa Pamamagitan ng Pananampalataya ) ay nagaganap sa sandaling tinanggap at nanampalataya ang makasalanang tao kay Jesus. Walang maaring maligtas kundi sa paraang ito. Ito ang pinakamahalagang doktrina ng Cristianismo. Kapag ang docktrinang ito ay naging malabo o nawaglit sa pagtuturo ng isang iglesia, hindi na maaring ipangaral pa ng inglesiang ito ang tunay na Magandang Balita ng Kaharian.

P6-13 NATUTUHAN ko Basahin ang mga pangungusap sa ibaba at bilugan ang inyong sagot (S-Segurado, H-Hindi, M-Medyo). 1. Nauunawaan ko na kailangang sakdal ang pagsunod sa kautusan ng Dios dahil sakdal ang Kanyang kabanalan at katarungan. S H M 2. Nauunawaan ko na itinuturo ng Biblia na imposible para sa mga makasalanang taong katulad ko na sundin na walang palya ang kautusan. S H M 3. Nauunawaan ko na walang makasalanang tao ang matatanggap ng Dios dahil ang mga gawa nito ay maaring maging sapat na pagsunod sa batas ng Dios. S H M 4. Nauunawaan ko na ang kaligtasan ay kaloob ng Dios na walang bayad. Kaya nga ito y aking tatanggapin lamang at hindi ko maaring kitain o pag-trabahuhan ito. S H M gagawin ko NGAYON (Check) Naniniwala ako na kailangan ko lamang tanggapin si Jesus na aking Tagapagligtas at Panginoon upang ako y ibilang ng Dios na walang sala. Gusto kong tanggapin si Jesus na aking Tagapagligtas at Panginoon at maipanganak na muli ngayong oras na ito. Tinanggap ko na si Jesus na aking Tagapagligtas at Panginoon at naipanganak na akong muli. Gusto kong magpasalamat sa Kanya at magpatutoo sa aking kaligtasan. Tinanggap ko na si Jesus noong nakaraan, ngunit matagal na akong tumigil sa pagsamba sa Kanya. Gusto kong tanggapin na panibago Siya sa buhay ko. Ipagdasal po ninyo ako. Marami pa akong mga bagay na kailangang itama o liwanagin bago ko matanggap si Cristo.