BANAL NA PAGBABASA PARA SA PAMILYA Ang banal na pagbabasbas ni Papa Francisco Na may pagtangkilik ng:
Banal na Pagbabasa para sa Pamilya Ang Salita ng Dios ang pinagmumulan ng buhay at espiritualidad para sa pamilya. Ang mapabilang ang pamilya sa simbahan ng tahanan sa pamamagitan ng panalangin at pagbabasa ng Banal na Salita ay malaking responsibilidad ng mga pastor. Ang salita ng Dios ay hindi lamang mabuting balita para sa bawat isang buhay, subalit ito din ay pagsasanay upang magkaroon ng tamang paghuhusga, at kaliwanagan upang sa pagharap sa iba t ibang hamon sa buhay may asawa at pamilya. (Relatio Synodi 34) Buong galak kong tinatawagan ang bawat pamilya, pinapaalalahanan na ang Salita ng Dios ang pinagmumulan ng buhay, pagkakaisa at pagbabago. Sa espesyal na bahagi ng BAGONG TIPAN, ay binuo upang makita natin ng malinaw ang buhay ni Hesus at ang naunang pamayanan ng mga mananampalataya. Kasama ito sa mga libro ng Bagong tipan ayon sa salaysay ng apat na ebanghelista. Higit pa dito, isinama na ang mga pagsasanay ng Banal na Pagbabasa na tumutulong sa pamilya, upang mapagtibay ang pagkakakilanlan ng bawat miembro at upang ang bawat pagpapahalaga ay mabuo, at maituro sa kanila ang kabutihang asal. Ang Pontifical Council para sa Pamilya ay lubos pusong nagpapasalamat sa Ramon Pañe Foundation sa kanilang masigasig na paggawa sa iba t ibang wika, sa may pagbabasbas ni Papa Francisco. Ako ay personal na nanalangin sa Dios upang pagpalain ang proyekto na ito, at ang mga pamilya na nagbabasa nito. Dalangin na bawat nababasa nilang turo ni Hesus sa Bagong Tipan ay kanilang isapamuhay. VINCENZO PAGLIA Pangulo ng Pontifical Council para sa Pamilya
Ito ay tumutulong sa amin upang lumago bilang isang indibidual. Higit pa dito, nabibigyan kami ng pagkakataon upang gumawa ng mahusay patungkol sa pagpapatawad at kalayaan; nabibigyan kami ng pagkakataon upang makita ang pagpapahalaga at kandahang asal ng bawat miembro ng pamilya. Nakakatulong ito upang mapagtibay ang ugnayan ng bawat miembro ng pamilya sa loob at labas man ng tahanan. Ang pagbabasa ng Mga Libro sa Biblia ay katulad ng pagbabasa ng kwento ng pagibig ito ang pinamahalagang pagmamahal na patuloy na nanatili. Ang kabuuan ng libro, ang pagsasaayos nito, ay ginawa upang maramdaman ng mambabasa na sila ay kaugnay dito. Ang isang tao ay nagbigay ng puna na sila ay may nabasa na kwento na kung saan ay hindi nila mapigilang hindi ipagpatuloy na basahin. Pamilya ng Maritinez Torres- Guadalajara, Mexico Pamilya ng Sosa Toledo- Puebla, Mexico
Banal na Pagbabasa para sa Pamilya Msgr. DANIEL MEDINA PECH Spiritual na Tagapayo ng Kilusan, Educating the Family in Faith (Ang aming Kilusan), Educating the Family in Faith, ay nabuo sa pamamagitan ng isang karanasan na nagpasigla ng buong kilusan. Ito ay ang Banal na Pagbabasa sa Pamilya. Ang Salita ng Dios ang nagpanumbalik sa amin sa aming dating sigla. Ang pagsunod sa paraan ng pananalangin ng Dios, ang nagpamulat sa amin kung papaano kami dapat mamuhay ayon sa nais ng Dios..Ngayon kailangan kong pumunta sa iyong tahanan sabi ni Hesus kay Zacheo. Kaya kung sinuman ang pinapamuhay ang Salita ng Dios sa kanilang tahanan, si Hesus ay malayang makakakilos upang mabago ang kanilang buhay, ang kanilang ugnayan ay mapapasigla at ang kasiglahan ay mananariwa. Ang pamilya na nakatanggap ng Salita ng Dios ay matututunang ibahagi ang Salitang ito sa iba. Ang Banal na Pagbabasa sa Pamilya ay dahilan upang ang Salita ng Dios ay parang mga selyula na may kakayanang bumuo ng mga kalamnan ng buhay ng isang pamilya. Ang pagdating ng Salita ng Dios ay nagpapalakas sa pamilya, nagpapagaling, at nagpapatibay ng ugnayan na mahina at wasak, at gagawing buo uli. Msgr. DANIEL MEDINA PECH Spiritual na Tagapayo ng Kilusan, Educating the Family in Faith
Palatuntunan ng Pagbabasa ng Bagong Tipan PAGPAPATIBAY NG PAGPAPAHALAGA, ANG PAGPUKAW SA KAGANDAHANG ASAL SA PAMILYA Ang proyekto na ito ay iniaalay sa tapag-alaga ng Episcopal Conferences, Diosesan, Missionary Groups and Apostolic Movements and Evangelization
ITO ANG PARAAN KUNG PAPAANO NAGANAP Ang paglalahad ng Iglesias a Instrumentum Lobris, para sa Kapulungan ng mga Obispo sa pamilya, ang tema sa bilang 42: Ang kahalagahan ng panalangin sa pamilya ay hindi nabibigyan ng pansin, kung saan dito napapakita ang simbahan sa tahanan, kung saan nagkakaroon tayo ng kasiglahan sa kultura ng pananalangin sa pamilya. Ang totoong kaalaman kay Hesus Kristo ay sa pamamagitan ng pansariling panalangin at pananalangin bilang isang pamilya, sa pamamagitan ng patuloy na pagsasagawa nito madali nating maisasalin ang ating pananampalataya sa ating mga anak. Sa isang banda, patuloy naming hinihikayat na magbasa ng sama-sama ng Kasulatan, isang paraan pa ng pananalangin. ANG LIBRO NG BIBLIA BANAL NA PAGBABASA SA PAMILYA Ang mga kabahagi ay nagbabasa ng Bagong Tipan sa iba t ibang pamamaraan. Ang limbag na ito ay walang kabanata o talata. Ang binibigyang diin ay ang pagkakakilala kay Hesus, upang tayo ay mabuhay ayon sa kanyang utos. Ito ay magaan, payak at magaang basahin. Ito ay ang kwento ng pagmamahal ng Dios sa kanyang mga anak. ANG PAMAYANAN AY HINIHIKAYAT NA MAGBASA AT MANALANGIN SA LOOB NG WALONG LINGGO Ang pamilya ay magbabasa ng 12 hanggang 15 pahina bawat araw. Isang beses sa isang lingo, ginagawa nila ang Banal na Pagbabasa paraan upang mapalawig nila ang pagpapahalaga nila na nagpapabago ng kanilang buhay. Sa panahon ng pagtatalakay sa tahanan, ang bawat miembro ng pamilya ay nagbibigay ng puna patungkol sa kanilang nabasa at natutunan. PAGPAPAHALAGA AT KAGANDAHANG ASAL Ang pamilya ay isang lugar kung saan ang pagpapahalaga ay nagiging huwad. Kaya bilang isang Kristiyanong pamilya, magbasa ng Bagong Tipan at gumanap ng Banal na Pagbabasa at ang buhay ay magkakaroon ng pagbabago. Sila ay magiging banal, habang sila ay lumalago. Ang buhay nila ay mas magiging masaya ayon sa pamantayan at plano ng Dios sa kanila.
ANG LAHAT AY MAYROON NANG LIMBAG SA: English INGLÉS ESPAÑOL Español PORTUGUÉS Português Italiano ITALIANO TAGALOG Tagalog SOON TO BE AVAILABLE IN: Français MAAARI KAMING MAABOT SA: Email: familia@fundacionpane.org www.fundacionpane.org