Special section.. nandito ang mga kinahahangaan at idol ng lahat. Mga anghel daw kung ituring. Pero lahat kaya sa kanila ay anghel? Wala bang DEMONYO?

Similar documents
SOUNDTRACK OF MY LIFE

Im Inlove With My Guardian Angel

malugi ang mga business ng mga ama ng babaeng yan, di rin naman sila maghihirap eh. Marami silang pwedeng pagtrabahuan. One example is the Neptune s

Written by Alyloony. Copyright 2012 by Alyoony Stories

Welcome to CHARM ACADEMY: SCHOOL OF MAGIC. Where every charm is power.

"Hindi na kita mahal, Nick..." Naramdaman kong nag-init ang dalawang sulok ng mata ko ng sabihin ko sa kanya iyon.

ONE SHOTS COMPILATION BY FOREVERINSPIRIT

What would Caleb do to finally recover the love of the woman he once called his shining star?

when we found love by keila06

Sa larangan ng larong pag-ibig, hindi palaging ikaw ang mananalo. Makakahanap at makakahanap ka rin ng katapat mong magpapa-iyak sa 'yo.

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Im Inlove With My Brother

Halikan kita Dyan Eh! By BlackLily

The Other Side. Written by Alyloony *** Napakagandang unang salita para sa prologue ng napaka bitter na istorya.

Memoirs of A Ruthless Heartbreaker

For 4 long years I survived without you by my side. Now I'm wondering how did I do that?

The more it's forbidden, the more Sinteya Yeo is tempted. (NagpaSeries #1)

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

/* Message from author */ sorry for the typos and wrong grammars... it is unedited. it is originally written in notepad.

From left, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Alden Richards and Betong Sumaya.

NO PERFECT PRINCE Both of you are evil... But who's more evil, the person who made you fall or you who denied you fell?

Kasi naman eh! Bakit ba kasi late ako!? Maaga naman akong natulog dahil excited ako sa try-out ko para sa volleyball team ng school na `to. HAY NAKU!

storybookscanada.ca children s stories in Canada s many languages. Storybooks Canada in an effort to provide

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

This is not edited so please bear with the typos and grammatical errors. Thank You. Lost and Found. By Sulat

Ibig sabihin, pwede mong ipamigay ang ebook na 'to sa kahit kanino.

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

Ang Storyang ito ay kathang isip lamang ng writer (mahirap na baka sabihing gaya-gaya!). Na inspire din siguro kaya nakagawa ng storyang ganito.

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

#################################### Worthless ####################################

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

And ofcourse, I don't believe in the word LOVE. For me, whoever invented that word is insane!

Ang sabi nila, 'Where there is love, there is life.' Pero paano makakahanap ng LOVE kung maagang nawalan ng LIFE?

Lalong napakunot ang noo niya nang tingnan ang sarili. Ganun na lang ang panlalaki ng mata niya ng matuklasan niyang...

Prologue. Ikaw Ang Ligaya - Jorina Reyes

When she met Mr. Gangster

Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27

Marunong Akong Magbasa ng mga Kwento ng Bibliya

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

25-Year Contract - Rebecca Rosal

Maby s Knight B 4 na buwan. Pero dahil magdadalawang taon na siyang may gusto kay Knight, palagay niya ay nandoon na siya sa estado ng love.

o Prologue o Desire Day 26

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Si Hesus at Si Zaqueo

Ang Makisig at Hangal na Hari

Oops... Ingat sa Lansangan

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

GRADE VI GAMIT NG GRID

~Jen Tan Chin Turingan WFA Asst. Secretary

Money Lost! Restie Chavez

Book 1: Diary ng hindi Malandi (Slight lang!)

Priestly Failures (Mal. 2:1-9)

Burger Queen. Nalampasan na naman siya. Mangiyak-ngiyak na si Tess nang itinuro siya nang manager. Congrats Ms. Gonzaga.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

"If We Fall In Love. written by: TheRedMoonLady ALL RIGHTS RESERVED Please don't reowned it... because it is a crime...

Burger Queen. By: Ensign William De Quillos

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Brought to you by Marco Mallari

Refiner s Fire (Mal. 2:17-3:6)

Taking my girlfriend s virginity

Lumapit Kayo sa Akin. July 25, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 11:25-30

Anyway hindi pa yan ang prologue. Sentiments ko lang yan. Wag atat okay. Nag iisip pa ako ng magandang first line.

Raymund Rodillo - poems -

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

sa dalawa, sigurado ba akong makakasama ko ang Dios sa kanyang kaharian sa langit? Paano

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

But despite all that ay may malaking kulang pa din sa pagkatao niya na nais niyang hanapin...

Apat na araw nang nasa San Ildelfonsa si

#2080 AAAA. Subject: Anthro 10

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Raquel Pawnshop, Inc.

WORSHIP GOD IN SPIRIT AND TRUTH

Dark And Beautiful - Alexie Aragon

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

FOR FREEDOM CHRIST HAS SET US FREE

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ATSAY IN DISGUISE WeirdyGurl Copyright by Ms. Shems. 1. Nakakabagabag na Maid Interview

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ang Bayot, Ang Meranao, at Ang Habal-Habal Sa Isang Nakababagot Na Paghihintay Sa Kanto ng Lanao Del Norte

Failure of Worship (Mal. 1:6-14)

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

SHCHAPTER 1. Desire Premium

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Make your favorite Kapuso stars number one by voting for them in this year's 2012 Yahoo! OMG! Philippines Awards.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Transcription:

Special Section (Published under Pop Fiction) by OnneeChan Special section.. nandito ang mga kinahahangaan at idol ng lahat. Mga anghel daw kung ituring. Pero lahat kaya sa kanila ay anghel? Wala bang DEMONYO? Available in bookstores, convenience stores and newsstands nationwide for only P195 :) ================= NOTE This is not the edited/revised version of the story. Kung gusto mo ang mas maganda at mas malinis na daloy ng story, buy the published book. P195 lang ^_^ -Onneechan. P.S. Mahal ko kayo :) ================= Special Section AUTHOR'S NOTE:Una po sa lahat.. Sumulat po ako ng Horror/Mystery story dahil po sa isang story na nabasa ko po dito sa wattpad. As in idol ko po yung "Class 3-C has a secret" ni charotera101. Nainspire po ako na magsulat ng story.gusto ko rin pong sabihin na I'm not a violent person. Trip ko lang pong isulat ang nasa imahinasyon ko. Malikot kasi pag iisip ko eh. Hahahahaha. Okayy.. sisimulan ko na po ang aking storya. Sana magustuhan niyo ;)----- -----------Prologue:Matalino.Mahinhin.Magaganda at Gwapo.Mayaman.Disiplinado.Palangiti.Mabait.Mga perpektong tao.yan ang tingin nila SA AMIN.Ganyan nga ba talaga kami?mga perpekto? Mga anghel? Hindi..Kasi..May Demonyo sa amin.ang tanong, Sino? ---------------------- A/N PLAGIARISM IS A CRIME. NO SOFTCOPIES AVAILABLE SORRY :(

================= Transfer Student Rhianne's POV "GoodMorning class. Before we start our lesson, I want you to meet your new classmate. Miss Rhianne Mari Isabella Cortes, a transfer student from Las Pinas" Sinenyasan na ako ni Ms. Gaiza na pumasok sa loob ng classroom. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan na pumasok sa loob ng silid. Lahat nakatingin sa akin. Nakangiti.. nakangiti sila. Palatandaan na winewelcome nila ako. "Good Morning po. I am Rhianne Mari Isabella Cortes. Nice to meet you all," Binigyan ko sila ng matamis na ngiti at umupo na sa vacant seat sa likod ng classroom. Nang nakaupo na ako... bumalik lahat sa utak ko ang mga pangyayari bago ako magtransfer sa school na ito.. sa Hillton University. Naalala ko ang dahilan kung bakit ko kinailangan na lumipat. "Hello," Nagulat ako bigla nang may tumabi sa akin na magandang babae. Maputi..

Matangos ang ilong.. Maganda. Ngayon ko lang napansin na lahat pala ng nandito sa section ay maganda at gwapo. Ako lang yata ang naiiba. "Ayah Romana, class president," Inabot niya sa akin ang kanyang kamay tanda na nakikipag shakehands siya. "Hello po," Nakipag shakehands ako. Ang dami niya ring naikwento sa akin. "Si Alexander Lemuel ang ating Vice President. Si Luraine Manalo ang ating secretary. Lilia Portalejo ang ating treasurer. Si Maxwell Aguas ang ating Auditor. Ang ating muse at escort ay sina Ynna Minorva at Andrei Portalejo." "Portalejo? Magkaano ano po sila Lilia at Andrei?" "Kambal," Natuwa ako bigla. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaklaseng kambal. Napansin kong magkamukha nga sila. Bakit hindi ko napansin agad 'yon? "At ang last ay ang ating Peace Officers na sina Megan Nicole Tan at Cesar Chino," Nagkwento pa siya nang nagkwento. Masaya siya kasama. Bukod sa maganda siya, may friendly aura din na makikita sa kanya.

Nabanggit niya na ang section daw namin ang tinatawag na 'Special Section'. Special daw kasi lahat ng nandito ay matalino, maganda o gwapo at mayaman. Naging instant friends kami ni Ayah. Nilibot namin ang buong school. Napakalaki nga ng Hillton University. Ngunit ang kakaiba lang ay.. nagtitinginan ang mga studyante sa amin habang kami ay nadaan sa hallway. Nag-aalisan sila sa daan kapag nakikita nilang dadaan kami. "May kakaiba ba sa mukha ko? Kanina pa kasi sila natingin," Natawa siya sa sinabe ko. "Masanay ka na. Nasa special section ka eh. Ganyan ang turing sa atin. Hindi mo ba pansin? Iba ang uniform natin sa kanila. Ganito pag nasa Special Section ka," Napansin ko na iba nga ang uniform namin sa kanila. Sa kanila ay simpleng blouse lang at maikling palda. Sa amin ay blouse na may gold lotus flowers na design sa dulo ng sleeves. Nakakapanibago.. kakaiba ang feeling na maiba sa kanila. "Ngayon alam mo na?" Nginitian niya ako. Isang ngiti na nagpangiti din sa akin. Nakakagaan ng pakiramdam ang kanyang mga ngiti. Para siyang anghel, napakaperpekto niya. ---------------- A/N :

Grabe.. ang hirap po pala mag isip ng pangalan ng characters. As in. So nagtanong pako sa mga kakilala ko kung ano ba magandang pangalan. Edi yun.. karamihan sa mga pangalan na ginamit ko ay pawang binigay lang ng aking mga kaibigan o kakilala. Kung baduy man ay okay na yun.. bayaan na. hahahahaha! Happy reading guys ;) ================= Bye Ms Gaiza A/N Hmm Itong isusulat ko at ipupublish ko ay napanaginipan ko. Pag gising ko nga ang sakit ng katawan ko eh tapos parang nilalagnat ako. So, Yun lang. keep on reading ;) ------------------------------------------------------------------------- ---------- Rhianne's POV 6 Months na ang nakalipas since nung lumipat ako. Close na kaming lahat. Nakakatuwa nga kasi tinanggap nila ako agad agad. Pinagkatiwalaan agad agad. Naging bestfriend ko na nga sina Ayah at Ynna eh. Parang, they already acknowledge me as their family.

Maingay kami sa silid ngayon dahil wala pa naman si Ms. Gaiza. Sa 6 months na tinagal ko dito, 2nd mother na agad ang tingin ko kay Ms. Gaiza. Nandiyan siya palagi sa tuwing kailangan namin ng payo o tulong. Ready palagi ang kanyang mga balikat kung sakaling naiiyak ang isa sa amin. Ready palagi ang kanyang tenga para marinig. In short, she is the best teacher ever. Natahimik bigla nang may tumawag kay Ayah. Kelangan daw yung President namin eh. Pagtapos nun ay nagdaldalan at nag ingay ulit. Sanay na ako sa ganitong eksena sa classroom. Lahat naman siguro ng klase ay ganito. Kapag walang teacher, syempre magkukwentuhan. Pero iba parin sa amin dahil lumaki ang mga kaklase ko sa pamilyang mayaman kaya madisiplina sila. Maya-maya'y dumating si Ayah at namumugto ang kanyang mga mata. "Lumipat na daw ng school si Maam Gaiza. Hindi man lang siya nagpaalam," Nagulat ang lahat sa sinabi ni Ayah. Maraming nagbulungan.. marami din ang nalungkot. Bakit siya lumipat? Kahapon lang.. nakikipagbiruan siya sa amin. Oo, medyo bothered siya pero... Bakit lumipat si Ma'am? "Wala pa daw tayong substitute teacher. So for now daw mag self study daw muna tayo"

############### Kinabukasan.. Tahimik kaming nakaupo sa aming upuan sa loob ng aming silid. Yung iba nagbabasa ng libro, yung iba nakikinig lng sa kanta at yung iba'y tahimik na nagkukwentuhan lang. Nagulat kami nang biglang pumasok si Ms Gaiza. Sinara niya ang pinto at mga bintana. Dahan dahan siyang naglakad papunta sa gitnang bahagi sa harap ng silid namin. Tinignan niya kami isa-isa. Kinilabutan kami kasi kakaiba ang itsura ni Maam. Magulo ang kanyang mga buhok, namumula ang mga mata. Nanlilisik ang mga mata niya habang isa-isa niya kaming tinititigan. May hawak siyang kahon na maliit. "Gusto niyo bang maglaro?" Walang sumagot sa tanong ni Ma'am. Nagtinginan lang kaming lahat. Karamihan ay tumingin kay Ayah. Inaasahan siguro nila na si Ayah ang magsalita since siya ang class president.

"Ito na rin ang magsisilbing pamamaalam ko sa inyo. Pasensya kung hindi ko sinabi na lilipat na ako ha" Pagpapatuloy niya. Binuksan niya ang kahong pula na hawak niya. "Bubunot kayo dito ng folded paper. Basahin niyo kapag nakauwi na kayo sa mga bahay niyo. Hulaan ninyo kung para saan ang nakasulat diyan, pag nahulaan ninyo.. babalik ako," Nginitian niya kami. Isa isa niya kaming pinabunot. Pag tapos niyang ipabunot sa amin ang mga papel.. pinaalala niya na sa bahay na namin basahin. Umalis siya pagkatapos nun. Bago siya makalabas ay tinignan niya kami muli isa-isa. Ano kaya ang nakasulat? ----------------

================= Numbers and Secrets A/N Hmm.. naghintay ako kung may mapapanaginipan nanaman ako na maaaring idugtong sa story pero wala eh. hahahaha. Malas. So enjoy reading nalang :) ------------------------------------------------ Rhianne's POV "35" Pagkabukas ko ng papel na pinabunot sa akin Ms Gaiza nung ako'y nakauwi na, yan ang nakasulat. 35? Para saan kaya 'yon?

Pagkapasok ko palang sa aming classroom ay ang mga 'numero' na agad ang kanilang pinag uusapan.. "Anong number mo?" "Maganda yung nabunot ko, 24 :D" "Baka lucky number natin 'to?" "Ayah, anong number nabunot mo?" Tanong ni Lilia. Si Lilia ang pinaka maalalahanin at mother material sa aming lahat.. magkaibang magkaiba sila ng kambal niyang si Andrei. Ang pareho sa kanila ay ang cute nilang mukha. Pati na rin ang kanilang mga mata na kulay green. "2" "Ahh, ako 10" Napansin ko na kanina pa nag iisip nang malalim si Ayah. Kanina pa siya tulala at nananahimik sa tabi ko. "Ano kaya ang ibig sabihin ng mga numero na 'to?" Ngayon lang sumingit sa usapan si Alexander. Minsan lang kasi makipag usap 'to. Kadalasan ay makikita mo siyang nagsosoundtrip lang sa upuan niya, nagbabasa o natutulog. Siguro nagtataka na rin siya kung para saan ang mga numero.

"Hindi nga namin alam eh. Baka nga lucky numbers natin 'to," natatawang sabi ni Luraine. "Pupunta lang ako sa library, gawin niyo na kung ano man ang gusto niyong gawin," Tumayo na si Ayah at lumabas. Nabobother na talaga ako sa mga kilos ni Ayah. Bestfriend ko siya kaya nag-aalala ako. Nagkatinginan nalang kami ni Ynna. Ano kaya ang problema ni Ayah? Nagtayuan ang iba at lumabas. Kakain lang daw sila sa canteen. "Rhianne, may sasabihin ako sayo," Kinalabit ako ni Alexander. Medyo kinabahan ako kasi ngayon lang niya ako kinausap nang kaming dalawa lang. Pinasunod niya ako sa kanya. Napansin ko na papunta kami sa Music Room na matatagpuan sa dulo ng 5th floor. Mas kinabahan ako lalo dahil walang katao tao dito. "Alam mo na ba ang tunay na ugali ng Special Section?" Nagtaka ako sa sinabi niya. Ugali? "Oo naman.. anim na buwan na akong nag-aaral dito. Malamang kilala ko na kayo." "Hindi mo ako naiintindihan.. Ang dali lang itago ng sarili mong ugali sa harap ng iba," Palakad lakad siya. paikot ikot. Bakas sa mukha ko ang pagtataka.

"Parang mga nakamaskara.. Oo, mga nakamaskara sila..kami..tayo. Nakamaskara tayong lahat sa Special Section. Lahat tayo ay may tinatagong ugali, tinatagong sikreto, tinatagong baho. Naiintindihan mo na ba?" Tumigil siya sa harap ko. Lumapit siya sa tenga ko at bumulong. "Ano kaya ang tunay mong ugali? Hmm?" Ngumisi siya. Ramdam ko ang mainit niyang mga hinga dahil sa sobrang lapit niya sakin. Mas lalo ako nakaramdam ng kilabot, ng takot. "Ano kaya ang tinatago ng isang Rhianne Mari Isabela Cortes? Hmm?" Nanlaki ang mga mata ko. Alam niya kaya ang... HINDE. IMPOSSIBLE. "W-wala akong tinatago," nanginginig kong sabi. Ngumisi siya. "Wala nga ba talaga?" lumapit siya lalo sa akin. Nararamdaman ko ang maiinit niya mga hinga sa kanang pisngi ko. Parang... inaamoy niya ako. "Wag kang magugulat sa unting unting pagbabago ng mga ugali nila, dahil yun ang tunay nilang ugali" Sabi niya nang siya ay lumayo na sa akin. Napansin ko na kanina pa pala ako hindi humihinga. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Lumabas na siya. Iniwan niya akong puno ng pagtataka. Nanginginig akong napaluhod. Ano nga ba ang tunay na ugali ng Special Section?

Lumabas na rin ako sa Music Room. Nagtungo ako sa Canteen upang bumili ng tubig. Pampalamig sa ulo. Pagdating ko sa canteen ay may nagkakagulo. "Sa susunod mag ingat ka ha? Kilala mo ba ako? Taga Special Section ako! Gusto mo bang ma-expell sa school na ito? Napakatanga mo. Nakakahiya ka!" Pamilyar sa akin ang boses na yun. At nang marinig ko ang pangalan ng section namin ay nagmadali ako na lumapit. May nakita ako na babae na naiyak at nakaluhod na lapag. Nakita ko si... Megan.. Ang peace officer namin. Basa ang kanyang uniform. "S-sorry po Ms. Megan. Sorry p-po..." humahagulgol ang babae habang nakayuko. "Hindi ko po sinasadya s-sorry po." "Ano ba ang problema dito?" Dumating si Alexander. Tumingin siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero parang kakaiba yung tingin niya sa akin. Hudyat yata iyon na tutukan ko ang nangyayari. "Paano ba naman kasi.. naglalakad kami ni Ynna nang biglang may bumangga na babae sa akin. Ang tanga kasi, tumatakbo habang may dalang tubig. Paexpell na natin oh" Nakakapanibago ang ugali ni Megan. Mabait, maunawain at napakaresponsableng tao ang pagkakakilala ko sa kanya. Ngayon, ibang iba. "Si Ayah ang kausapin mo patungkol diyan. Vice President lang ako. Magpalit ka na ng uniform" Umalis na si Alexander.

"Hindi pa ako tapos sayo," Binuhusan ni Megan yung babaeng nakaluhod at umalis na. Hindi ko napigilan ang sarili ko at tinulungan ang babae na tumayo.. nanlaki ang mata niya nang makita ang uniform ko.. tanda na ako'y taga special section. "Bitiwan mo ako!" Hinila niya ang braso niyang kanina ay hawak ko para siya ay itayo. Tumakbo siya palayo sa akin. "Ganyan, ganyan ang ugali ni Megan.. isa palang ang nakikita mo.. marami pang iba" Nagulat ako nang may biglang bumulongsa likod ko. Si Alexander.. Ano pa kaya ang nalalaman niya? ------------ A/N Okay, napakasama naman siguro ni Megan 'no? Oh well.. keep on reading nalang ;)

================= Student No. 1 A/N Hi :) hmm.. Keep on reading nalang. Condolence nga po pala sa kaibigan kong si Shang or known as Scire Gerone Ollero. Her Grandma died this morning yata. Please pray for her soul. ----------------------------------- ALEXANDER's POV Sinabi ko na kay Rhianne ang ilang hint tungkol sa mga nalalaman ko. Pero hindi ko pa nasasabi lahat. Hindi rin naman kasi ako sigurado sa mga susunod na mangyayari.. pero may kutob nako.. may kutob nako na mauulit nanaman ang nangyari dati nung nag aaral pa si mama dito sa University. Babalik na sana ako sa Classroom nang may narinig ako sigaw at hagulgol mula mismo sa loob ng silid namin. Binilisan ko ang paglalakad. Pagpasok ko ay puno nang dugo ang classroom..

"Anong nangyre dito?!" Napatakip ng ilong Ayah. Talsik talsik ang dugo. Parang.. parang may pinatay. Ang sang sang ng amoy. Yung ibang babae naiyak.. yung mga lalaki tumutulong sa pagkuha ng mga gamit ng mga kaklase ko. "KADIRI!" "T*ng*na. Ang baho!" "AHHHH!" "Tignan nyo yun oh" Tinuro ni Maxwell ang nakasulat sa black board.. dugo ang panulat. "Uno..." Binasa ni Ayah. Anong uno? One? "Sino nakabunot ng number 1?" Sumigaw ni Ayah. "Anong number 1?" nagtatakang tanong ni Rhianne. "SINONG NAKABUNOT NG NUMBER 1?! YUNG PINABUNOT SA ATIN NI MS. GAIZA! SINO?!" sumigaw nang mas malakas si Ayah. "A-ang alam ko si Cesar eh," Sabi ni Lilia.

Nanlaki ang mata ni Ayah.. "NASAAN SI CESAR?!" "Bakit Ayah?" tanong ni Rhianne. Nag-iba ang reaksyon ng mukha ni Ayah. Parang.. kinabahan na.. nalungkot.. "AHHHHHHHHHHH!!!" Nagulat kaming lahat nang may sumigaw na babae malapit sa CR naming mga lalaki. RHIANNE's POV Nawala bigla sa tabi ko si Ayah. Tumakbo siya kung saan nanggaling ang sigaw. Pagdating namin malapit sa CR.. nakita namin si Ynna.. naiyak..

"Anong problema Ynna?" hinawakan siya ni Andrei sa balikat. Nanginginig na tinuro ni Ynna yung loob ng CR ng boys. Nakipag-unahan kaming pumasok sa loob ng CR. Napatakip nalang ako ng bibig.. unti unting namuo ang mga luha sa mata ko. "CESAR!" Humagulgol ng iyak si Ayah.. Nakita ko si Alexander.. tumatagaktak ang pawis niya.. napasuntok siya bigla sa pader.. "Ano bang nangyayari?!" Naiiyak na din si Lilia. "Napaka-brutal naman ng gumawa nito!" "Magreretouch kasi dapat kami ni Ynna sa CR tapos may napansin kami sa CR ng boys.. parang dugo.. nang sumilip kami sa CR ng boys.. nakita namin na nakasabit na si Cesar diyan" Naiyak na nakayakap si Megan kay Ynna. Binaling ko ulit ang tingin ko kay Cesar. Nakabigti siya.. walang saplot sa katawan.. hubad. Puno ng pasa ang katawan at halatang pinahirapan. Puro hiwa ang katawan.. May laslas sa leeg at pulso..nakadikit sa noo niya ang maliit na papel. '1' ang nakasulat.

Hindi kaya.. ang mga numero ay... Sino na susunod? --------------- ================= Who did it? A/N Sorry kung medyo natagalan sa pag update.. medyo naging busy lang. hmm follow me on twitter nga pala --> @IAmTeresaGil :) Another Picture of Ayah sa gilid --------> ------------------------------------ Rhianne's POV

Kasalukuyan kaming nasa AVR (Audio Visual Room) ngayon. Bakas sa aming mukha ang takot, gulat at pagtataka. Halata na namamaga ang mga mata namin dahil sa kakaiyak. Sino ang gumawa ng kaguluhan na ito? Hanggang ngayon ay hindi parin kami makapaniwala na wala na si Cesar.. ang 'class clown' sa amin. Ang laging nakangiti at makulit na Cesar. Maya maya'y may pumasok na investigator.. "Magandang umaga sa inyo. Ako ang investigator na na-assign sa nangyari ngayon. I'm Detective Lux Matalo. Magtatanong lang ako saglit. Sino kasama ni Cesar kanina bago siya pumunta sa boys' CR?" Nagtinginan ang lahat...halatang walang nakakaalam kung sino. Katahimikan ang bumabalot sa buong AVR. Tumayo si Andrei. Lahat ng mata'y nakatitig sa kanya. "Niyaya ko si Cesar kanina sa library. Nung una ko siyang tinanong hindi niya ako pinansin.. may katext kasi siya. Nung tinanong ko siya ulit.. sabi niya busy daw siya kaya ako nalang mag isa ang pumunta sa library." Tumingin kami kay Detective Lux.

Tahimik siya na nag iisip. Mga ilang sandali pa ang nakalipas at nagpaalam na samin si Detective Lux. "Babalikan ko kayo if ever na may malaman ako regarding sa case, okay?" paalala niya sa amin. Binalot muli kami ng katahimikan. Cesar.. wala na nga si Cesar. "Sino ang gumawa nito kay Cesar? Bakit?!" Umiiyak parin si Ayah. Magkababata sila ni Cesar. Kinder palang ay magbestfriend na sila. Humahagulgol si Ayah. Daig niya pa ang pag iyak ng mga magulang ni Cesar. Pinauwi kami kaagad ng mga teachers pagkatapos ng investigation. "Huwag na huwag ninyong ibabalita sa labas ng paaralan ang nangyari." paalala sa amin ng principal. Marahil ay upang maiwasan ang pagkalat ng isyu tungkol sa Hillton University.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng principal. "Bakit.." bulong ko. "Ayaw nilang malaman ng iba ang kaguluhan sa school. Minemantain nila ang magandang image ng school natin," bulong sa akin ni Alexander. "Mga makasarili sila." ########### Kinabukasan.. Tahimik sa classroom ngayon. Ramdam ko ang lungkot sa klase. Dati kasi.. si Cesar ang pasimuno ng kalokohan sa klase. Siya ang class clown. At dahil sa wala pa kaming teacher na papalit kay Ms Gaiza.. free time kami hanggang uwian.

Umupo ako sa tabi ni Ayah. Napansin ko na kanina pa siya tulala.. nakatingin sa bintana... nanlalamig ang kanyang mga mata. "Ayah, okay ka lang? Kanina ka pa tahimik eh. Miss ko na yung kakulitan mo. Haha" Pinilit kong ngumiti sa harap ni Ayah. Hinimas ko ang malambot niyang buhok. "Samahan mo ako sa library mamaya. May pag-uusapan tayo." Tinignan ko ang mukha ni Ayah. Walang expression ang mukha nya, para bang wala na siyang pakiramdam.. wala na siyang damdamin. I feel like she's so empty inside, like she's being swallowed by darkness.. sadness. Tumayo si Ayah at lumabas ng classroom habang ako'y naiwan at malungkot. Malungkot na makitang malungkot ang taong madalas mong makitang masaya. "Nagbago si Ayah. Dahil kay Cesar" Napansin ko na tumabi na pala sakin si Ynna. Napatingin ako sa knya. Nginitian niya ako. Kapag kasama ko talaga si Ynna.. napakagaan ng pakiramdam ko.

"Wag kang mag alala... lilipas den yang kalungkutan ni Ayah. Just give her some time" Hiniwakan ni Ynna ang kamay ko. Muli akong nabuhayan ng loob. ########## Natapos na ang klase.. naalala ko na magkikita pala kami ni Ayah sa library kaya dumiretso na ako doon. Pagpasok ko'y agad kong nakita si Ayah dahil kami lang yata ang tao sa library. "Ayah anong pag uusapan natin? Mag seself study ba tayo?" Lumapit ako sa knya at umupo sa harap niya. Binigyan ko siya ng ngiti.. ngiti na kahit pilit ay umaasa akong susuklain nya din ng isang ngiti. Napansin kong nagfi-flicker yata yung isang ilaw sa dulo ng library. Nakakatakot. "May pag uusapan tayong seryoso. Alam mo ba kung bakit at sino pumatay kay Cesar? Hmm?" Seryoso ang mukha ni Ayah.

"H-hindi. Bakit Ayah? May nalalaman ka ba?" Medyo nabubulol ako.. takot kasi akong malaman ang nangyari. Takot pa akong maalala ang itsura ni Cesar kahapon. "Sumpa. May sumpa ang section natin. Nagsimula ito noon pa.. 20 years ago. Handa ka bang malaman ang katotohanan? Ang nangyari? Ang sagot sa mga 'bakit' mo?" Pinaglalaruan niya ang mga hibla ng buhok ko. Kinilabutan ako.. parang hindi si Ayah ang nasa harapan ko. "Hindi ako handa pero kailangan kong malaman." "20 years ago.. may special section na. Payapa ang section nila noon until may nagtransfer na student. Simula nung nagtransfer ang student, sunod sunod silang namamatay. Nagsimula daw silang isa isang mamatay noong nag quit ang teacher nila sa pagtuturo. Nabaliw daw ang teacher. At sunod sunod silang namatay.." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.. Transfer student ako.. nag quit si Ms Gaiza.. namatay si Cesar.. "I-ibig m-mong s-sabihin.. a-ako ang.. ako ang may kasalanan kung bakit namatay si Cesar?" Tinigil ni Ayah ang paglalaro sa buhok ko. Naging seryoso nanaman ang mukha niya. "Hindi kita masisisi.. dahil hindi mo naman alam. Pero galit na galit ako kung bakit si Cesar pa ang nauna. Bakit hindi nalang yung mga demonyo sa Special Section ang nauna"

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Kilala ni Ayah ang tunay na ugali ng Special section. "Wala bang solusyon kung paano matitigil ang sunod sunod na pagkamatay?" Kinakabahan na tlga ako sa mga susunod na mangyayari. "Meron. Yun ay ang.. mamatay ang DAPAT mamatay. At alam mo kung sino yun?" Nginitian niya ako sa hinawakan ang aking mga kamay. Ang lamig ng kamay niya. "Ang anak ng nagsimula ng sumpa" "Sino? Ang anak ng transfer student noon?" Baka nga. "Hindi ko alam. Konti lng ang alam ko." Naguguluhan na talaga ako. Bakit ba naging ganito ang sitwasyon? ------------- A/N

sorry po tlga kung late yung update XD ================= No. 2 A/N: Hmm balak kong magdagdag ng mga characters. Ano po ba magandang pangalan? Icomment nalang po sa baba :) Follow me on twitter -> @IAmTeresaGil ---------------- AYAH's POV Bago pa mamatay si Cesar.. May kutob na ako sa nangyayari. "A-Ayah... Bye na.. Magdidilim na k-kasi. Baka pagalitan ako nila m- mama." Ramdam ko na natatakot si Rhianne sa mga nangyayari. Hindi ko siya masisisi. Kailangan niyang maging matapang.. lalo na't siya ang sisisihin pag marami na ang nawala.

Sayang kasi hindi nako makakatulong.. Alam kong ako na ang susunod. Ako ang number 2. Naiwan ako mag isa sa library. Binalikan ko ang librong binasa ko.. librong nagsabi sa akin ng impormasyon.. tungkol sa kaguluhan na ito. Napansin ko na may nakaipit na class picture sa libro. Nagulat ako sa nakita ko. Siya ba yun? Hindi.. Kamukha niya.. Wag mong sabihing..

Siya.. siya ang dapat mamatay. THIRD PERSON's POV (ang third person's pov ay ang pov ng narrator) Gulat si Ayah sa natuklasan. May hinala na siya kung sino ang DAPAT mamatay. Tumayo siya upang habulin si Rhianne at sabihin ang nalaman niya ngunit namatay bigla ang lahat ng ilaw. Kinabahan siya.. alam niya na ang mangyayari. Kinapa niya ang bag niya. May narinig siya.. parang may kasama siya sa loob ng library. Ramdam niyang hindi siya nag iisa. "Kahit kailan talaga Ayah.. pakelamera ka" Pamilyar sa kanya ang boses. Kumunot ang noo niya. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Siya kaya?

"G*go ka! Bakit mo ginagawa 'to!" Galit na galit si Ayah. Hindi niya aakalain na siya ang pasimuno nito. "Akala ko ba alam mo na? Gusto ko lang naman ipagpatuloy ang sumpa noon. Ang malas kasi natin. May nagtransfer pa kasi." Ramdam ni Ayah na malapit na sa kanya ang murderer.. ang pumapatay.. ang pinakademonyo sa kanilang lahat. "May atraso ka rin pala sa akin Ayah.. dapat ako yung class president diba? Pero dahil sa nandaya ka.. ikaw parin ang nanalo" Naramdaman ni Ayah na may matulis na bagay ang idinikit sa leeg niya. "Hayup ka! Traydor!" Yan nalang ang nasabi ni Ayah. "Mas traydor ka. Paalam na. Pagod nako sa pagmumukha mo" Tuluyan nang itinusok ng murderer ang kutsilyo sa leeg ni Ayah. Napasigaw si Ayah sa sakit. Kitang kita niya ang sumisirit na dugo mula sa kanyang leeg. Hindi pa tapos ang murderer sa pagpatay kay Ayah. Tinadtad niya ng saksak ang dalawang balikat ni Ayah.

Para siyang demonyo.. tuwang tuwa sa kulay ng dugo. -------------- ================= Chaos A/N May nagsabi sa akin na mabagal daw yung daloy ng story.. Mabagal ba? Hmmmm -------------------------------------------------------------- RHIANNE's POV "Ikaw may kasalanan nito! Dapat ikaw nalang ang namatay!" Papalapit nang papalapit sa akin si Ayah... may hawak siyang kutsilyo.. "A-Ayah.. w-waaaaaaag" At bigla ang nagising.. Panaginip lang pala.

Kagabi ko pa iniisip ang sinabi sa akin ni Ayah.. Sino nga ba ang dapat mamatay? "Rhianne! Bumaba ka na dito! Mag almusal ka na!" -Si dad. Bumaba nako. "GoodMorning! Baby ko kain ka na." -dad Hindi ko siya pinansin. "Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa rin ako kakausapin?" -dad Tsk. "Rhianne.. ano ba.." -dad "PWEDE BA! Wag mo nga muna ako kausapin DAD. Dapay kasi nandito si Mommy eh. Pero dahil sayo wala siya!" Tumayo na ako at umalis. Alam kong harsh ang pagkakasabi ko kay Dad nun. Pero who the hell cares? Tama nga si Alexander.. may kanya kanya tayong sikretong tinatago.. Pagdating ko sa school.. ang daming taong nagkakagulo sa library. "Rhianne!" -nakita ko sa Luraine.. siya yung secretary namin.. tumakbo siya palapit sa akin.. naiyak. "Patay na si Ayah! Rhianne pano na yan?!" -Humahagulgol si Luraine sa akin. Kahit ako.. hindi ko matanggap. Wala na ang class president.

Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko.. Ako ang may kasalanan nito.. Bakit pa kasi ako nagtransfer. Pagpasok namin ni Luraine sa classroom.. Bakit ganun?! Walang naiyak.. si Luraine at Lilia lang ang naiyak. "Patay na si Ayah.." -Andrei. "Oo nga eh HAHA." -Megan. Bakit mukhang masaya pa sila? "Bakit natatawa pa kayo?" -naluha nako. "Bago ka palang kasi dito Rhianne.. hindi mo pa lubos na kilala si Ayah.." -lumapit sa akin si Megan at pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. "Oo nga.." -Nagulat ako kasi sumang ayon si Lilia. Anong nangyayari?! Bakit ganito sila? "RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINGGGG" Bell na.. hudyat na Break time na. Naguguluhan ako sa ugali nila. Grabe.. akala ko pa naman close kaming lahat at mahal namin isa't isa. "Rhianne.. mag ingat ka. Wag ka basta basta tataliwas sa opinyon nila" - Nilingon ko ang kumausap sa akin. "Bakit ganun sila Maxwell?" -ako

"Halos 6 months ka palang kasi dito. Kami ilang taon nang magkakasama.. Hindi mo pa kami lubos na kilala" -Maxwell Naiintindihan ko ang sinabi ni Maxwell.. Parehas sila nang sinabi ni Alexander. "Wag kang mag alala.. tutulungan kita kung medyo naguguluhan ka pa"- nginitian niya ako.. Hindi ko alam kung bakit pero gumaan ang pakiramdam ko. Natapos na ang break time. Bumalik na sa classroom ang mga kaklase ko. Pero iba na ang atmosphere. Hindi na sila ang dating Special Section. Ang gulo.. Yung iba nag hahalakhakan. Yung mga lalaki nagkukumpulan sa likod. Ang gulo! "Masanay ka na" -napalingon ako. Si maxwell. "Anong nangyari sa kanila?" -ako "Wala na kasi si Ayah.. wala nang nagsasaway. Wala nang nagbabantay" - Maxwell. Grabe naman sila.. ganito ba talaga sila? "Samahan mo naman ako Maxwell.." -ako

------------------------------------------------------------------ A/N Sino po mahilig sa Anime dito :3 ================= Maxwell MAXWELL's POV Nagpasama sakin si Rhianne.. Habang naglalakad kami'y pinagmasdan ko ang mukha niya.

Maputi, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata... maganda. Hindi ko namalayan na sa library pala siya magpapasama, sa library kung saan namatay si Ayah... ang tinuturing niyang bestfriend. Hindi niya kasi kilala ang dating Ayah. Kami.. kilalang kilala na namin ang ugali niya. Pumasok siya sa loob ng library.. As expected.. nalinis na. Nalinis na ng MAGAGALING na mga pulis. Sabagay.. diyan naman si magaling.

Sa huli lang naman sila nadating.. Wala sila pag sa oras na may pinapatay... nadating lang pag may namatay na. Nagulat ako nang biglang hawakan ni Rhianne ang kamay ko. Ang higpit ng hawak niya. "Hindi ko dapat siya iniwan mag isa eh" Umiiyak yata siya. Rinig ko ang mga hikbi niya. "Alam ko naman na siya ang No. 2 eh.. bakit iniwan ko pa siya... kung hnd ko cguro siya iniwan.. edi sana buhay pa siya ngayon" -patuloy ang pag iyak niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya.

Randam na randam ko na nasasaktan siya sa nangyari kay Ayah. Hindi ko nga lang siya maintindihan.. Kung hindi niya daw iniwan si Ayah... edi sana daw buhay pa si Ayah? Magkasama sila kahapon? "Salamat Maxwell.. tara na... magbebell na.. uwian na" tumigil na siya sa pag iyak. Hindi ko alam kung bakit pero biglang gumaan ang loob ko nung nakita ko na wala na ang mga luha niya. Basta ang alam ko lng ay ayokong makita siyang nasasaktan. >>>>><<<<<

Pagdating ko sa bahay.. "Oh Maxwell nakauwi ka na pala" Hindi ko pinansin ang lalaking kumausap sa akin. Dire diretso lng ako sa kusina at hinanda na ang hapunan ko. "Hindi mo nanaman ba ako kakausapin?" "Oy Maxwell Aguas! Sumagot ka!" "Magtatalo nanaman ba tayo? Paulit ulit nalang!" "Ayoko makipag usap sa pulis" -ako "Sa oras na 'to, hindi ako pulis. Tatay mo ako kaya kausapin mo ako ng maayos" "Pero pulis ka parin" -ako

"Dahil nanaman ba ito sa kapatid mo?" "Kung nandun ang mga PULIS... hindi sana siya narape at pinatay. Biruin mo.. TATAY namin pulis pero walang nagawa? Nakakatawa." Tumayo na ako at umakyat sa kwarto ko. Hindi ko masikmura ang mukha ng tatay ko. Bata palang ako.. iniwan na kami ng nanay ko. Sumama sa kabit niya. Tapos last year narape ang kapatid kong babae at pinatay. Lintek na buhay 'to. -------------------------------------------------------------- A/N

Hi guys :) May pasok na ulit kami bukas :'( Hindi pako handaaaaa :'( ================= 3, 4, 5??? A/N Sorry po kung ngayon lang nakapag-update. Pasensya poooo. Tae kasi eh. May pasok na :'( Nakakaiyak. Ayoko sa school! Taong wattpad ako eh. Nalululong nako sa wattpad. HAHAHA -OnneeChan ------------------------------------------------------------------ ANDREI's POV "Sino ang nga assigned cleaners ngayon?" -Alexander

Siya na ang elected President namin. Well maayos naman siya magpatakbo. Hindi kagaya ni Ayah. Plastik. "Ako Cleaner!" -ako. "Ako din pala" -Micah "Ako rin po!" -Joanne at Janine "Okay. Kayo na bahala maglinis ha. Byeee" -Alexander Nag-alisan na sila.. tutal uwian na eh. Dapat lima kaming cleaner eh..

Kaso wala na si.... Cesar... Bestfriend ko... "Andrei, pakikuha naman yung dust pan sa janitor sa baba. Hiniram niya kasi kanina eh" -Micah. Bumaba na ako at hinanap ang janitor. Sampung minuto nako naghanap ay nandun lang pala sa kadulu-duluhan ng 1st floor... Tulog - - Kinuha ko na ang dust pan namin at umakyat na.. Nagulat ako.. Hindi ko akalain na ito pala ang sasalubong sa akin..

>>>>>>><<<<<<<< RHIANNE's POV Pagpasok ko sa loob ng room namin ay tahimik. Nagulat ako dahil umaasa ako na maingay nanaman sila. May nakita ako na nakasulat sa black board.............. RIP Micah, Janine at Joanne.

Nagulat ako. Bakit sunod sunod? 3, 4, at 5. Kinakabahan na ako... Paano matatapos 'to? Kelangan ko na mahanap ang anak ng Transfer Student 20 years ago... May kutob ako na alam niya tong lahat. Nakakakilabot nga lang isipin na... isa siya sa mga kaklase ko... "BAKIT BA NANGYAYARI TO! HAA!" -Nagwawala si Andrei. "WALA AKONG NAGAWA! INIWAN KO LANG SILA NG SAGLIT PARA KUNIN SA JANITOR YUNG DUST PAN TAPOS PAGBALIK KO PUGOT NA ULO NILA! WALA NA! WALA NAAAAA!" -Sinipa niya ang mga upuan. Nakita ko na niyayakap siya ni Lilia.. kambal nga pala sila. Bumuhos na ang mga luha ng iba. Ang sakit nga naman kasing makitang sinisisi ng kaklase namin ang sarili niya dahil sa pagkamatay nila Micah. Mas lalo akong nakokonsensya.. dapat hindi nako nagtransfer eh.

"RHIANNE! OY RHIANNE! HINDI MO BA PANSIN?! HA? SIMULA NUNG NAGTRANSFER KA.. SUNOD SUNOD NA SILANG NAMATAY! IKAW YUN 'NO? IKAW YUN! PAYAPA NAMAN BUHAY NAMIN DATI EH! LECHE KA!" -Nagulat ako kasi pinagtututuro ako ni Andrei. Gulat na gulat ako... ang sakit sa puso.. ang sakit kasi ako ang may kasalanan. Transfer transfer pa kasi eh. "Tumigil ka na nga Andrei. Hindi kasalanan ni Rhianne 'to. Wag mo siyang sisihin. Tama na. Wala ka rin namang kasalanan sa pagkamatay nila" - Alexander. Pinaupo na ni Alexander si Andrei. "Malaman ko lang talaga na ikaw ang may pakana nito... Papatayin kita." -Nagulat ako sa sinabi niya... Hindi naman ako ang mismong pumapatay pero nakaramdam ako ng matinding takot.. Dahil alam ko na kaya niya akong patayin.

------------------------------------------------------------------ A/N Please vote Please comment ================= Time A/N At dahil sa late ako nag-update... "Time" ang title ng chapter na 'to. Yippieee! -OnneeChan -------------------------------------------------------------------- RHIANNE's POV Hindi ako pinapatulog ng maayos ng mga nangyayari sa school.

1 week na ang nakakalipas simula nung namatay ang pang 3,4, at pang 5. Nandito ako ngayon sa harapan ng pintuan ng room. Hinga ng malalim at wag pansinin ang sasabihin nila. Wag dibdibin. "Yan na si Rhianne..." -Sabi ni Lilia. "Ehem..." -Megan. "Guys, abante nga tayo sa harap. Iwanan natin sa likod yung malas" -Megan ulit..

'Yan nanaman sila. Lalayuan ako at magpaparinig nanaman sila. "Rhianne! Dito ka na umupo! Tabi na tayo" -Ynah. Napansin kong sa likod siya nakaupo. Uupo na sana ako pero... "Ynah! Halika nga dito! Tabi tayo" -Hinatak siya ni Megan. At dahil jan.. Mag-isa akong nakaupo sa likod. Tahimik lang akong nakaupo.. pansin ko na ang iba ay natingin sakin tapos bubulong sa katabi. Halata sila -.-

"Maaari bang umupo sa tabi mo?" -Maxwell. Umupo siya sa tabi ko. "Tatabi rin ako ha" -Umupo rin si Alexander sa tabi ko. Nagsimula nanamang magbulungan ang mga kaklase ko. "Tsk. Ang landi" -Megan. Lumabas siya ng room kasama si Ynah at Lilia. Nagbago na sila. Hindi na sila ang mababait na kaibigang nakilala ko. "Ahmm.. Rhianne" -nilingon ko ang babaeng tumawag ng pangalan ko. Sa likod ko siya nakatayo.

Nagulat ako kasi minsan niya lang ako kausapin or minsan lang siya makipag-usap.. Si Rose. "Maaari bang tumabi sa inyo?" Tinignan ko si Maxwell at Alexander kung sang-ayon sila Alam kong nagulat din sila dahil ngayon lang nakihalubilo si Rose. Dark Red ang buhok niya. Matangos ang ilong. Maputla ang mukha. Laging nakalugay at bagsak ang buhok. Walang expression ang mga mata.

Ang mas ikinagulat pa naman ay ang nakakaloko niyang ngiti. Hindi lang dahil sa ngayon lang namin siya nakitang ngumiti.. Pati na rin sa dahilang.. Nakakakilabot ang mga ngiti niya. ----------------------------------------------------------- A/N Sa ngayon.. siguro may mga naiisip na kayo na "Ay baka ito ung pumatay" pero paalala lang na hindi halata kung sino ang pumatay kasi simula palang 'to. Sa kalagitnaan niyo na malalaman. Kung mapapansin nyo or kung magaling ako magpahalata XD At kung magaling ako magsulat ng story XD

Panget ba? : Magcomment naman kayo oh. :/ -OnneeChan ================= Rose? A/N Yehey nakapag update din sa wakas! hahahaha! Si Rose ang nasa multimedia ----> -OnneeChan ----------------------------------------------------------- RHIANNE's POV Nilalayuan na nila ako. I deserve it. Kasalanan ko naman. Kahit hindi ko ginusto. Ako parin ang may kasalanan. Kung hindi ako nagtransfer dito.. buhay pa sana sila Cesar, Ayah.. buhay pa sana yung iba. Masaya pa sana sila. Ako may kasalanan eh. "Rhianne.. kanina ka pa tahimik ah" nagulat ako sa katabi ko. Oo nga pala.. si Rose..

Nginitian niya ako. Pansin kong lahat ng tao dito ay tinitignan kami. Nasa canteen kami ngayon. Ewan ko ba kung sino tinitignan nila.. Ako ba na nilalayuan na ng Special Section o si.......... Rose. 'Kasama niya 'yan?' Narinig kong sabi ng babae sa table malapit sa amin. Ano ba meron kay Rose? Ang alam ko.. Loner siya. Laging nakaupo sa pinakadulo. Hindi nakikipagusap kahit kanino.

"Nagtataka ka ba kasi kinausap kita?" napakahinhin ng boses niya. Malamig sa tenga. "Ah.. Hmm.. medyo" nahihiya kong sagot. Ayoko siyang ma-offend. "I knew it. I've been alone... I mean I'm always alone. That's why I want to change. Kaya I tried na lumapit sayo" sabi niya. Tahimik lang ako na nakikinig sa kanya. Bagsak at medyo kulot ang buhok niya. Dark Brown. Medyo mapula ang mga labi. Matangos ang ilong. Mahaba ang pilik mata. Pero.. maputla siya. Medyo payat. "My parents died when I was 7 yrs old. Wala nakong natitirang relatives kasi my grandparents past away too. At ang masaklap ay iisang anak lang si dad at mom. Wala silang kapatid. Wala akong tita. Walang gustong kumupkop sakin" Hindi ko akalain na ganun pala ang buhay niya. "Dinala nila ako sa Orphanage. Isang taon akong nagstay dun. Nung akala ko wala nang kukupkop sa akin.. 'She' came" Sabi niya. "Sino?" tanong ko.

"My stepmom. Siya ang nag alaga sa akin till now." nginitian niya ako. Tinignan ko lang siya. I pity her. I never thought na malungkot pala buhay niya. "I have a Step sister. She never loved or liked me. She never treated me like her sister" nag iba ang tono ng boses niya. Tonong.. galit... malungkot... Napansin kong naging cold ang expression niya. "I sure wish na ako nalang ang anak ng step mom ko" sabi niya. "Dont be like that" sabi ko sabay patong ng kamay ko sa balikat niya and I smiled to her. "Gusto mo?" Inalok niya sa akin ang Raisins Bread niya. "No thanks" sabi ko

May napansin lang ako sa kanya. Puro band aid yung kamay niya. "Napano 'yan?" tanong ko sabay turo sa kamay niyang puro band aid........................... "Roses" nginitian niya ako ulit.

"Anong ro--" naputol yung sasabihin ko kasi nagbell na. Uwian na pala? "Rhianne I have to go now. Bye" Niyakap niya ako. I felt chills nung niyakap niya ako. Umalis na siya. Kahit nakwento niya na sa akin ang tungkol sa family niya.. Parang may mystery pa rin akong dapat malaman sa kanya. She's so mysterious. Rose?

.............. Roses? SOMEONE's POV I am chaos. I am pain. I am trapped in a world full of polluted souls.

Red. Blood. Sweet smell of Blood. Kelan kaya ako titigil? "I'm Home" sabi niya "Nakauwi ka na pala" hinarap ko siya. "Ano na balak natin?" tanong niya. Nilapitan ko siya at hinawakan ang dulo ng buhok niya. "Rhianne" sabi ko "Siya?"

"Oo" "Ang aga naman" "I didn't say na siya na" "Eh ano?" "Paglalaruan lang muna natin. Hindi pa niya kailangan sumunod kanila Ayah" She smiled at me. It's time to see blood again.

----------------------------------------------------------------- A/N Ang baduy ng killer natin XD hahahahahaha sino kaya siya? I mean sino kaya SILA? Teka bakit dalawa killer natin -_- Osha atleast nakapag update XD -OnneeChan ================= Old Library? A/N Sorry kung late update :)) Atleast nakapag update XD

Picture ni Lilia sa Giliiiiiiiiiiiid ------> -Onneechan RHIANNE's POV Monday. 3 weeks na ang nakakaraan simula nung layuan nila ako. Ako ang sinisisi nila. 3 weeks na rin akong nilalapitan ni Rose. She's still a mystery to me. Nung minsan nga.. papunta ako sa cr para mag ayos ng buhok. Pagpasok ko.. nakita ko siya na nginingitian ang sarili niya sa salamin at nagna-nod up and down.. parang may kinakausap siya o may kumakausap sa kanya. Kinilabutan ako 'nun. Pagpasok ko sa classroom.. Ayan nanaman ang mga tingin nila sa akin. Parang diring diri sila sa akin. Mamamatay tao ang tingin nila sa akin. "Bakit ba ganyan ang turing niyo kay Rhianne?!" Galit na sabi ng lalaking nasa likod ko.

"Alexander okay lang" mahina kong sabi. "Okay lang?! Okay ka lang?! Mukha ka bang okay sa mga nangyayari?!" sabi ni Maxwell na kakapasok lang ng classroom. "OMG. Nanjan na yung knight in shining armor niya" mataray na sabi ni Megan. "Bakit ba siya ang sinisisi niyo sa pagkamatay nila? Mukha siyang mamamatay tao? Hindi naman diba?" sabi ni Alexander. "Tsaka bestfriend niya si Ayah. Hindi niya kayang patayin ang bestfriend niya. Hindi niyo alam kung paano o gaano katagal siya umiyak nung namatay si Ayah. Kaya malabong siya ang pumatay sa kanila!" sabi ni Maxwell. Hinawakan niya ang kamay ko. Inabot naman sa akin ni Alexander ang panyo niya. Tumutulo na pala yung luha ko. Bakit ba nagkaganito? Hindi ko na alam kung ano na ang susunod na mangyayari.

"PERO SIMULA NUNG NAGTRANSFER SIYA DITO, NAGSIMULA NANG MAGULO ANG SECTION NATIN!" sigaw ni Andrei. "Paano ka nakasisiguro na siya nga ang pumatay? Malay mo coincidence lang na nagtransfer siya at may pumatay kanila Ayah? Nakita mo ba si Rhianne na pinatay sila? Hindi diba?" mahinahong sagot ni Alexander. Halatang pinipigilan niya ang galit niya. Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa classroom. LILIA's POV [A/N : For the first time nagka POV si Lilia XD] Natahimik kaming lahat sa classroom. Napaisip nga ako.. Bakit nga ba si Rhianne ang sinisisi namin? Hindi naman kami sigurado na sita nga ang pumapatay pero sobra na ang tinrato namin sa kanya. Naniwala kasi kami ka agad kay Megan. Nakalimutan namin ang tunay na ugali ni Megan at kumampi sa kanya agad.

Tinignan ko si Megan. Halatang nag iisip siya ng magandang rason para kamuhian namin si Rhianne. Kilalang kilala ko si Megan.. kaya niya ginagawa 'to dahil naiinggit siya kay Rhianne. Nawala kasi sa kanya ang atensyon ng lahat nang dumating si Rhianne. "Eh paano kung Rhianne nga? Hahayaan nalang ba natin na mapatay tayo ni Rhianne?" Tumayo si Megan at nakahawak pa sa bewang niya. "Eh paano kung hindi siya? Maaaring iba. Maaaring si Andrei. O kaya si Alexander. o kaya ako.paano kung ikaw? " sabi ni Maxwell. Natigilan si Megan. Kilalang kilala ko nga siya.. mag pagtingin pa rin siya kay Maxwell. Umupo bigla si Megan at nanahimik. Hindi niya pa rin kayang magalit o makipag talo kay Maxwell. "Lahat tayo ay maaaring mapagbintangan sa pagkamatay nila. Hindi lang si Rhianne. Kaya dapat malaman na kung sino ang DEMONYONG pumapatay" madiin na sabi ni Alexander. Tahimik pa rin sa classroom. Umupo na sa upuan nila sila Maxwell. Wala pa rin kaming teacher. Iniiwasan nila ang magturo sa section namin. Dahil na rin siguro sa sunod sunod na pagkamatay ng mga studyante.

Narinig kong bumukas ang pinto.. "Saan ka pupunta Rhianne?" tanong ni Maxwell. Si Rhianne pala ang nagbukas ng pinto. "Sa library... nag reresearch lang about sa school. Baka sakaling maayos ko 'tong gulo" sabi ni Rhianne at tuluyan nang lumabas ng classroom. Tumayo din si Maxwell at akmang lalabas na. Nakita kong hinawakan ni Megan si Maxwell sa wrist nung dumaan si Maxwell sa harap niya. "Ano ba? Bakit?" Tanong ni Maxwell. "Susundan mo ba siya?" tanong ni Megan.

"Si Rhianne? Oo. Bakit?" sagot ni Maxwell. Binitawan na ni Megan si Maxwell. Si Maxwell naman ay lumabas na. Nakita kong.. malapit nang maiyak si Megan. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. RHIANNE's POV "May iba pa po bang books and albums about sa history ng school?" Tanong ko sa librarian. Kanina pa kami ni Maxwell dito sa library. 3 oras na ang nakalipas. Nagugutom na nga kami eh. Puro year book lang ang nakita namin. Pero yung year book 20 years ago.. hindi namin mahanap. "Maraming old books sa old library" sabi ng matandang librarian namin. "Old Library?" patanong kong sabi.

"Meron po tayong Old Library?" tanong naman ni Maxwell. "Oo iho.. Nasa Old Building ng school natin. Yung building sa likod ng school. Ginagamit yung building na yun dati eh. Pero ngayon hindi na. Hindi ko lang alam kung bakit" sabi ng librarian. "Ahh May tanong lang po ako" sabi ni Maxwell "Ano yun iho?" -librarian "May alam po ba kayo tungkol sa history ng special section?" diretsong tanong ni Maxwell Nakita kong napatigil sa pagsusulat ang librarian. Tinanggal niya yung salamin niya at sinabing "Kung meron man akong alam.. hindi ko sasabihin. Kayo na ang umalam 'nun". Umalis na kami ni Maxwell sa Library at pumunta na sa Old Building na nasa likod daw ng School. Nabanggit ng librarian na sa 2nd floor daw makikita ang Old Library. Medyo kinikilabutan ako dahil medyo madilim sa building. Malapit na kasi mag gabi at pundido na ang mga ilaw.

Narating na namin ang Old Library. Wala gaanong libro. Maalikabok. At may masangsang kaming naaamoy. Ngunit may napansin kami. May isang libro na nakapatong sa librarian's desk. 'Year Book SY 1992-1993' Binuklat namin yung year book at hinanap namin yung class picture ng Special Section. Pero.. punit ang page. Halatang may pumunit. A/N whooo.. kapagod XD -OnneeChan ================= Pictures A/N sorry po kung late update. I'm very sorry :)))) Hmm exoited na akew kasi malapit na yung JS namin! Yayy! Excited muchhh hahaha! Share langs!

Baydawey.. enjoy reading nalangs. Labyu all -OnneeChan RHIANNE's POV Pinagmamasdan pa rin namin ni Maxwell ang punit na pahina ng year book kung saan dapat namin makita ang Class Picture ng Special Section 20 years ago. Naglakad lakad si Maxwell. "Maghahanap pa ako ha. Baka may mahanap pa akong libro" sabi niya. Binuklat ko pa ang ibang pahina ng year book. Puro litrato lang ng mga mahahalagang events ang nakalagay. Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko pagkabuklat ko sa susunod na pahina. 'Special Section's Farewell Party' ang nakalagay sa taas. Kung titignan ay mga litrato yun na nagcecelebrate sila. May cake, spag at kung ano ano pang pagkain. Mga litrato nila na sobrang saya na nagtatawanan. Mga group pictures kasama yung teacher nila. Akala mo mga ordinaryong litrato. Pero HINDI. Burado ang mga mata ng bawat isang nasa mga litrato. At sa bawat litrato ay. may stain ng dugo. Nabitawan ko bigla ang year book. Kinilabutan ako. "Anong problema Rhianne?" tanong ni Maxwell. Tinuro ko yung mga litrato sa year book. Pupulutin na sana ni Maxwell yung year book ngunit natigilan siya kasi may pumatak sa year book... dugo... mula sa kisame. "AHHHHHHHHHH!" napayakap ako kay Maxwell. Ramdam ko din ang panginginig niya.

Naiiyak ako.. naiiyak at natatakot ako sa nakita namin. Ang pugot na ulo ng mahal naming teacher dati. Ang ulo ni Ms Gaiza. Tumakbo kami palabas ng Old Library at tumakbo papunta sa classroom namin. Nagulat yung iba kung bakit kami tarantang taranta at kung bakit ako naiyak. "Si Maam... Si Maam Gaiza patay na..." hinihingal na sabi ni Maxwell. "Paano?" tanong ni Lilia. "Nakita namin yung ulo niya... yung ulo lang niya sa Old Library" sabi Maxwell. Umiiyak parin ako. Hindi ko kinaya yung nakita ko. Nakadilat ang mga mata ni Maam Gaiza. Nakatitig sa akin. Nakakakilabot. "Ano yang hawak mo Rhianne?" tanong sa akin ni Alexander. Napatingin ako sa hawak ko. Hindi ko namalayan na nadala ko pala yung year book. "May papakita kami sa inyo" hinablot sa akin ni Maxwell yung year book. Oras na para alamin namin ang mga nangyayari. A/N Tentenenen! Update! Yehey! -OnneeChan ================= Camping

A/N Yayy! Tapos na JS namin. Bitin! Di bale.. may next yr pa. Trololololol! Enjoy my update :)))) -OnneeChan "Hindi ko maintindihan. Sumpa? Curse? 20 years ago?" RHIANNE's POV Halos hindi sila makapaniwala sa sinabi ni Maxwell. "Ibig mong sabihin.. namatay sila Cesar.. sila Ayah.. at yung iba pa dahil sa... dahil sa isang sumpa?" tanong ni Lurainne. "Not exactly" sabi ni Maxwell. Tumayo ako sa kinauupuan ko kanina at pumunta sa harapan. "Hindi dahil sa sumpa. Alam ko.. sa tingin ko... ramdam ko.. na may pumatay sa kanila." sabi ko. "Hindi namin alam kung sino. Pero alam namin na isa satin dito sa loob ng room na 'to ang pumapatay" sabi ni Maxwell. "Teka.. diba sabi niyo.. dahil sa isang transfer student... nagsimula or bumalik ang sumpa? So technically speaking.. dahil kay Rhianne kaya namatay sila Cesar?" sabi ni Megan at tinuro ako. "Hindi naman alam ni Rhianne na mangyayari lahat 'to" pagtatanggol sa akin ni Maxwell. "Tsaka hindi naman niya alam na mamamatay pala yung iba pag nagtransfer siya" sabi ni Lilia.

Natahimik si Megan at umupo. Alam kong mainit ang dugo niya sa akin. Bakit ba kami nagkaganito? Maayos naman kami noong umpisa ah? Masaya naman kaming lahat noon. Hindi naman kami naging masama.. Hindi nga ba? Naalala ko yung sinabi ni Alexander noon.. Lahat kami ay nakamaskara.. may tinatagong sikreto. Ang nakikita ko ay maaaring acting lang.. Hindi ko pa nga siguro lubos na kilala ang mga taong nasa paligid ko. Maaaring umaarte lang ang totoong pumapatay.. Baka habang nakatalikod ako'y.. nakatapat na sa akin ang patalim niya. Kelangan kong mag ingat.. Kelangan naming mag ingat. Kelangan ko nang alamin kung sino siya. "AHHHHHHHHHHHHHHHH!" Napatayo kaming lahat nang marinig naming may sumigaw sa likod. Nakita namin ang kaklase naming si Bryan na mimilipit sa likod. Bumubula yung bibig niya tapos kulay violet ang kanyang mukha. "Tumawag kayo ng teacher! Dalhin niyo siya sa clinic! Tumawag kayo ng ambulansya!" sigaw ni Alexander samantalang sila Maxwell at Andrei naman ay binubuhat si Bryan papunta clinic. Kaming mga babae ay naiwan sa loob ng room. Yung iba halatang natatakot.. samantalang ako.. napipikon na. Alam kong ang pumapatay ang may pakana nito. "B-balita ko.. magkakaroon daw tayo ng camping sa Saturday and Sunday. Needed daw ang section natin kasi tayo ang mga committee" sabi ni Lurainne. "Saan mo naman nabalitaan 'yan?" tanong ni Megan

"Pinatawag kasi lahat ng secretary ng bawat section kanina" sabi ni Lurainne. "P-paano kung sa camping may mamatay? Wag nalang tayo pumunta" sabi ni Lilia. Ramdam ko ang takot niya. Halos lahat natatakot na. Pwedeng isa samin ay mamamatay na. "Pano kung kahit nasa bahay tayo masundan tayo ng napatay?" sabi ni Cindy, kaklase namin. "Siguro ang mahalaga ay sama sama tayo lagi para mabantayan natin ang isa't isa" sabi ko. Hindi lang para mabatayan namin ang isa't isa.. para na rin malaman kung sino ang napatay. Sabi nga nila.. Keep your friends close and your enemies closer. Pag mas malapit samin ang napatay.. mas malalaman ko kung sino siya. Kelangan kong matapos 'to. Ayaw kong may mamatay pang iba. Ayoko pang mamatay. A/N Update :) Ninja moves! -OnneeChan ================= Overnight Camping I A/N

Okay okay.. Nakapag-update akoooo :)) -OnneeChan RHIANNE's POV "Rest in peace Bryan Rovillos. Amen." sabay sabay namin sinabi at nagsign of the cross na. Food poisoning daw yung kinamatay niya. Hindi daw sinasadya ang pagkamatay niya. Pero alam kong may naglason sa kanya.

"Guys kailangan na daw natin magprepare para sa camping bukas" sabi ni Lurainne. "Tayo yung assigned committee diba?" tanong ni Lilia. "Okay, kailangan natin ng mamamahala sa mga pagkain ng mga magcacamping, kailangan ng disciplinary committee, hmm ano pa ba?" sabi ni Alexander. "Yun lang yata? Yung mga teachers na yata yung bahala sa mga activities and equipment" sabi ni Lurainne. Pinaplano na namin ang darating na camping sa Saturday. Overnight camping siya dito sa school namin. Lahat yata ng kayear level namin ang magcacamping. Kinakabahan ako. Nararamdaman kong may mangyayaring hindi maganda. Natapos ang pagpaplano namin para sa camping bukas at nakauwi nako. Pagkapasok ko sa bahay ay umakyat na kagad ako sa kwarto ko.. ignoring my Dad na inaabangan ako sa sala. Pagdating ko sa kwarto ay inayos ko ang mga damit at gamit ko para bukas. "Aalis ka baby? Ano meron?" tanong sa akin ng taong ayokong makita ang pagmumukha.. ng tatay ko. Nagtigilan ako sa pagpasok ng mga damit sa bag na gagamitin ko at tinignan ko siya ng masama. Bakit ba ganito ang tatay ko? Alam niya naman