Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman

Similar documents
Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Ang Makisig at Hangal na Hari

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Marunong Akong Magbasa ng mga Kwento ng Bibliya

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

I.~ lc "AN<17PAG-AASAWA AT ANG

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

,Ang nga tao ay nasuri, katapatan sa ahapters ata Bíble verses.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Pamantayang Moral. Para sa Maligayang Buhay

KJ~ NG DIYOS ILILIGTAS. International Correspondence Institute. ARALiN 7. Tungkol sa Diyos - Ang Ating Pag-aralan

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Liksyon 8 para sa Nobyembre 25, 2017 SINO ANG TAO SA ROMA 7?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 PAGSUSULIT ARALIN I "ANG BIBLIA"

FOR FREEDOM CHRIST HAS SET US FREE

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

MAGING MALAP IT KAY JEHOVA

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata. Si Jonas at ang Malaking Isda

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Salmo 12:6-7 Kaligtasan

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Lumapit Kayo sa Akin. July 25, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 11:25-30

Pagaaral - 6 ANG PAGPASOK SA KAHARIAN

GRADE VI GAMIT NG GRID

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

BOOK 1: ONE BY ONE (FILIPINO) Copyright 2016 by Global Leadership Center

NAIS KONG MALAMAN... Sino si Hesu-Cristo? Pagtuklas sa Bagong Buhay kay Cristo

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ayon kay Marcos (Gospel of Mark)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Si Hesus at Si Zaqueo

34567ABRIL 15, Tularan ang Pananampalataya ni Moises PAHINA 3 AWIT: 33, 133. Nakikita Mo ba ang Isa na Di-nakikita? PAHINA 8 AWIT: 81, 132

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Priestly Failures (Mal. 2:1-9)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

1. Maipakilala ang Banal na Kasulatan... Page 2 (May I Introduce to you the Gospel)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

storybookscanada.ca children s stories in Canada s many languages. Storybooks Canada in an effort to provide

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Lesson 11: GOD S GUARANTEED PROTECTION: DELIVER US FROM EVIL Series: PRAYER ROCKS THE WORLD

Failure of Worship (Mal. 1:6-14)

Theolohiya Sistematica Conrad Jun Tolosa

Theolohiya Sistematica Conrad Jun Tolosa

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Transcription:

Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman

Ang Diyos ay tulad ng isang maibiging ama. 1 Pedro 5:6, 7 Ang Diyos ang ating Maylalang, at nagmamalasakit siya sa atin. Gaya ng isang marunong at mapagmahal na ama na nagtuturo sa kaniyang mga anak, itinuturo sa atin ng Diyos ang pinakamainam na paraan ng pamumuhay. Ipinaaalam ng Diyos ang mahahalagang katotohanan na nagpapasaya at nagbibigay sa atin ng pag-asa. Kung makikinig ka sa Diyos, papatnubayan ka niya, iingatan, at tutulungan sa iyong mga problema. Pero hindi lang iyan mabubuhay ka magpakailanman! Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuongdaigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. Para sa donasyon, magpunta sa www.jw.org/tl. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan. Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman Listen to God and Live Forever Inilimbag Enero 2016 Tagalog (ll-tg) 2011 WATCH TOWER BIBLE AND TRACT SOCIETY OF PENNSYLVANIA Mga Tagapaglathala Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc., Wallkill, New York, U.S.A. Made in Japan Paano Tayo Makikinig sa Diyos? PAHINA 4 Sino ang Tunay na Diyos? PAHINA 6 Ano ang Buhay Noon sa Paraiso? PAHINA 8 Nakinig Sila kay Satanas Ano ang Epekto? PAHINA 10 Babala Tungkol sa Malaking Baha Sino ang Nakinig? Sino ang Hindi? PAHINA 12

Pumarito kayo sa akin, ang sabi sa atin ng Diyos. Makinig kayo, at manatiling buh ay. Isaias 55:3 Ano ang Matututuhan Natin sa Malaking Baha? PAHINA 14 Sino si Jesus? PAHINA 16 Paano Ka Makikinabang sa Kamatayan ni Jesus? PAHINA 18 Kailan Magiging Paraiso ang Lupa? PAHINA 20 Anong mga Pagpapala ang Matatanggap ng mga Nakikinig sa Diyos? PAHINA 22 Nakikinig ba sa Atin si Jehova? PAHINA 24 Paano Magiging Maligaya ang Iyong Pamilya? PAHINA 26 Ano ang Dapat Nating Gawin Para Mapasaya ang Diyos? PAHINA 28 Paano Mo Maipakikitang Tapat Ka kay Jehova? PAHINA 30

Paano Tayo Makikinig sa Diyos? Inutusan ng tunay na Diyos ang ilang lalaki na isulat ang kaniyang kaisipan sa isang banal na aklat. Ang aklat na iyon ay ang Bibliya. Naroon ang mahahalagang impormasyon na gusto ng Diyos na malaman mo. Alam ng Diyos ang pinakamabuti para sa atin, at siya ang Pinagmumulan ng lahat ng karunungan. Kung makikinig ka sa kaniya, talagang magiging marunong ka. Kawikaan 1:5. Gusto ng Diyos na mabasa ng lahat ng tao ang Bibliya. Isinalin ito sa maraming wika. Kung gusto mong makinig sa Diyos, dapat mong basahin ang Bibliya at maunawaan ito. 4 Kinakausap tayo ng Diyos sa pamamagitan ng Bibliya. 2Timoteo3:16

Matutulungan ka ng mga Saksi ni Jehova na maunawaan ang Bibliya. Sa buong daigdig, itinuturo nila ang katotohanan tungkol sa Diyos. Hindi mo sila kailangang bayaran. Puwede ka ring matuto tungkol sa Diyos sa isa sa mga Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova. Ang salita ng Diyos ay katotohanan. Juan 17:17. Bakit tayo makapagtitiwala sa Diyos? Bilang 23:19. Maraming tao sa buong daigdig ang natututo tungkol sa Diyos. Mateo 28:19 5

Sino ang Tunay na Diyos? Iisa lang ang tunay na Diyos, at ang pangalan niya ay Jehova. (Awit83:18)Nakatirasiyasalangit; hindi natin siya nakikita dahil espiritu siya. Mahal niya tayo at gusto niya na mahalin din natin siya. Gusto rin niyang mahalin natin ang ibang tao. (Mateo 22:35-40) Siya ang Kataas-taasan, ang Maylalang ng lahat ng bagay. Ang unang nilalang ng Diyos ay isang makapangyarihang espiritu na nakilala bilang si Jesu-Kristo. Nilalang din ni Jehova ang mga anghel. 6 Nilalang ni Jehova ang lahat ng bagay sa langit...

Nilalang ng Diyos na Jehova ang mgabituinpatinaanglupaat ang lahat ng narito. Genesis 1:1. Ginawa niya si Adan, ang unang tao, mula sa alabok ng lupa. Genesis 2:7. Bakit dapat nating parangalan si Jehova? Isaias 42:5. Ano ang ilan sa mga katangian ng Diyos? Exodo 34:6. at sa lupa. Apocalipsis 4:11 7

Ano ang Buhay Noon sa Paraiso? Ginawa ni Jehova ang unang babae, si Eva, at ibinigay kay Adan para maging asawa nito. Genesis 2:21, 22. Perpekto ang kanilang isip at katawan, walang kapintasan. Ang Paraisong tahanan nila ay ang hardin ng Eden isang napakagandang lugar na may mga ilog, puno, at hayop. Nakikipag-usap sa kanila si Jehova; tinuturuan niya sila. Kung makikinig sila sa kaniya, mabubuhay sila magpakailanman sa Paraiso sa lupa. Binigyan ni Jehova ng maraming mabubuting bagay sina Adan at Eva. 8 Genesis 1:28

Isasamgaanghel ang nagrebelde sa Diyos. Ang masamang anghel na iyon ay si Satanas na Diyablo. Ipinakita ni Jehova kina Adan at Eva ang isang puno sa hardin at sinabing kapag kinain nila ang bunga nito, mamamatay sila. Ayaw ni Satanas na sumunod sina Adan at Eva kay Jehova. Kaya gumamit siya ng ahas para sabihin kay Eva na kung kakainin niya ang bunga ng punong iyon, hindi siya mamamatay at magiging gaya pa nga ng Diyos. Siyempre, hindi totoo iyon. Genesis 3:1-5. Ipinagbawal ng Diyos na kainin ang bunga ng isang puno. Genesis 2:16, 17 9

Nakinig Sila kay Satanas Ano ang Epekto? Nakinig si Eva sa ahas at kumain ng bunga. Pagkatapos, binigyan niya si Adan, at kumain din ito. Mali ang ginawa nila kasalanan iyon. Pinalayas sila ng Diyos sa Paraiso. Naging mahirap ang buhay nila at ng kanilang mga anak. Tumanda sila at namatay. Hindi sila nagtungo sa daigdig ng mga espiritu; hindi na sila umiral. 10 Sumuway sina Adan at Eva sa Diyos kaya sila namatay. Genesis 3:6, 23

Lahat tayo ay namamatay dahil galing tayo kina Adan at Eva. Ang mga patay ay wala nang nakikita, naririnig, o nagagawa. Eclesiastes 9:5, 10. Ayaw ni Jehova na mamatay ang mga tao. Di-magtatagal, bubuhayin niyang muli ang mga namatay. At kung makikinig sila sa kaniya, mabubuhay sila magpakailanman. Bakit tayo namamatay? Roma 5:12. Mawawala na ang kamatayan. 1 Corinto 15:26. Ang mga patay ay gaya ng alabok na walang buhay. Genesis 3:19 11

Babala Tungkol sa Malaking Baha Sino ang Nakinig? Sino ang Hindi? Nagkaroon ng mga anak sina Adan at Eva, at dumami ang tao sa lupa. Nang maglaon, sumama ang ibang anghel kay Satanas sa pagrerebelde. Bumaba sila sa lupa, nagkatawang-tao, at nag-asawa ng mga babae. Nagsilang ang mga ito ng mga anak na mababangis at mas malalakas kaysa sa mga tao. Napun ˆ o ng masasamang tao ang lupa. Sinasabi ng Bibliya na ang kasamaan ng tao ay laganap sa lupa at ang bawat hilig ng mga kaisipan ng kaniyang puso ay masama na lamang sa lahat ng panahon. 12 Gumagawa ng masama ang karamihan noong panahon ni Noe. Genesis 6:5

Mabuting tao si Noe. Sinabi ni Jehova kay Noe na pupuksain Niya ang masasama sa pamamagitan ng isang malaking baha. Inutusan din ng Diyos si Noe na gumawa ng isang malaking bangka, o arka, at ipasok doon ang pamilya niya at ang lahat ng uri ng hayop. Nagbabala si Noe sa mga tao tungkol sa paparating na Baha, pero hindi sila nakinig. Pinagtawanan ng ilan si Noe; nagalit naman ang iba sa kaniya. Nang matapos ang arka, ipinasok ni Noe ang mga hayop. Nakinig si Noe sa Diyos at nagtayo ng arka. Genesis 6:13, 14, 18, 19, 22 13

Ano ang Matututuhan Natin sa Malaking Baha? Umulan sa loob ng 40 araw at 40 gabi, at inapawan ng tubig ang buong lupa. Namatay ang lahat ng masasama. Nagbalik sa pagiging espiritu ang mga rebeldeng anghel at naging mga demonyo. Naligtas ang mga nasa arka. Nang maglaon, namatay si Noe at ang kaniyang pamilya, pero bubuhayin silang muli ng Diyos at may pag-asa silang mabuhay magpakailanman. Pinuksa ng Diyos ang masasama pero iniligtas niya ang pamilya ni Noe. 14 Genesis 7:11, 12, 23

Patuloy na inililigaw ni Satanas at ng mga demonyo ang mga tao. Gaya noong panahon ni Noe, marami ngayon ang ayaw makinig sa mga utos ni Jehova. Malapit nang puksain ni Jehova ang lahat ng masama. 2 Pedro 2:5, 6. May mga taong gaya ni Noe. Nakikinig sila sa Diyos at sumusunod sa Kaniya; sila angmgasaksinijehova. Piliin ang daang patungo sa buhay. Mateo 7:13, 14. Lilipulin ang masasama; ang maaamo ay mabubuhay nang mapayapa. Awit 37:10, 11. Pupuksain muli ng Diyos ang masasama at ililigtas ang mabubuti. Mateo 24:37-39 15

Sino si Jesus? Kung gusto nating mapasaya si Jehova, dapat tayong makinig sa isapangimportantengpersona. Bago pa lalangin si Adan, matagal nang nilalang ni Jehova ang isang makapangyarihang espiritu sa langit. Nang maglaon, pinangyari ni Jehova na maisilang ito ng birheng simariasabetlehem. Jesus ang ipinangalan sa kaniya. Juan 6:38. Bilang tao, tinularang mabuti ni Jesus ang mga katangian ng Diyos. Siya ay mabait, mapagmahal, at madaling lapitan. Buong-tapang niyang itinuro sa iba ang katotohanan tungkol kay Jehova. 16 Isinugo ni Jehova si Jesus sa lupa. 1Juan4:9

Pinagaling din ni Jesus ang mga maysakit at bumuhay siya ng mga patay. Sinulsulan ng mga lider ng relihiyon ang mga tagapamahalang Romano na saktan at patayin si Jesus. Nagalit kay Jesus ang mga lider ng relihiyon dahil inilantad niya ang kanilang kasamaan at mga maling turo. Bakit mahalagang malaman ang tungkol kay Jesus? Juan 17:3. Ano ang ginawa ni Jesus sa langit bago siya bumaba sa lupa? Colosas 1:15-17. Gumawa ng mabuti si Jesus pero kinapootan siya. 1Pedro2:21-24 17

Paano Ka Makikinabang sa Kamatayan ni Jesus? Tatlong araw pagkamatay ni Jesus, may mga babaing dumalaw sa libingan niya,perowalanasiyaroon. Binuhay-muli ni Jehova si Jesus. Nang maglaon, nagpakita si Jesus sa kaniyang mga apostol. Ano ang kabayaran ng kasalanan? Roma 6:23. Dahil kay Jesus, puwede tayong mabuhay magpakailanman. Roma 5:21. Binuhay-muli ni Jehova si Jesus bilang isang makapangyarihan at imortal na espiritu. Nakita ng mga alagad ni Jesus na umakyat siya sa langit. 18 Namatay si Jesus para tayo ay mabuhay. Juan 3:16

Ibinigay ni Jesus ang kaniyang buhay bilang pantubos sa mga tao. (Mateo 20:28) Dahil sa pantubos na inilaan ng Diyos, posible tayong mabuhay magpakailanman. Pinili ni Jehova si Jesus para maging Hari sa buong lupa. Makakasama niya ang 144,000 tapat na mga tao na bubuhaying muli bilang mga espiritu. Si Jesus at ang 144,000 ang bumubuo sa matuwid na pamahalaan sa langit ang Kaharian ng Diyos. Apocalipsis 14:1-3. Gagawin ng Kaharian ng Diyos na paraiso ang lupa. Mawawala na ang digmaan, krimen, kahirapan, at gutom. Ang mga tao ay talagang magiging maligaya. Awit 145:16. Anu-anong pagpapala ang idudulot ng Kaharian ng Diyos? Awit 72. Dapat nating ipanalangin ang pagdating ng Kaharian ng Diyos. Mateo 6:10. Binuhay-muli ng Diyos si Jesus at ginawang Hari sa Kaharian ng Diyos. Daniel 7:13, 14 19

Kailan Magiging Paraiso ang Lupa? Marami sa mga nangyayari ngayon ay nakahula sa Bibliya. Sinasabi nito na ang mga tao ay magiging maibigin sa salapi, masuwayin sa mga magulang, mabangis, at maibigin sa mga kaluguran. Magkakaroon ng malalakas na lindol, mga digmaan, kakapusan sa pagkain, at mga salot sa iba t ibang lugar. Nangyayari ang mga ito ngayon. Gayundin, sinabi ni Jesus na ipangangaral ang mabuting balita ng Kaharian sa buong lupa. Mateo 24:14. 20 Ang mga kaguluhan sa lupa ay patunay na malapit nang kumilos ang Kaharian ng Diyos. Lucas 21:10, 11; 2 Timoteo 3:1-5

Malapit nang puksain ni Jehova ang lahat ng masama. Parurusahan si Satanas at ang mga demonyo. Ang mga nakikinig sa Diyos ay makaliligtas tungo sa isang matuwid na bagong sanlibutan, kung saan wala nang takot at nagtitiwala at nagmamahalan ang mga tao sa isa t isa. Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari sa ating panahon? Mateo 24:3-14. Pupuksain ang masasama. Awit 37:9. Aalisin ng Kaharian ang lahat ng kasamaan. 2Pedro3:13 21

Anong mga Pagpapala ang Matatanggap ng mga Nakikinig sa Diyos? Isipin ang mga pagpapalang tatanggapin mo kung makikinig ka kay Jehova! Hindi ka na magkakasakit; wala na ring may kapansanan. Wala nang masasamang tao, at mapagkakatiwalaan mo ang kahit sino. Mawawala na ang kirot, kalungkutan, o pagluha. Wala nang tatanda at mamamatay. 22 Karamihan sa mga patay ay bubuhaying muli sa lupa. Gawa 24:15

Makakasama mo ang iyong pamilya at mga kaibigan. Magiging maligaya ang buhay sa Paraiso. Wala nang takot. Magiging tunay na maligaya ang mga tao. Wawakasan ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng pagdurusa. Apocalipsis 21:3, 4 23

Nakikinig ba sa Atin si Jehova? Si Jehova ang Dumirinig ng panalangin. (Awit 65:2) Gusto niya na makipag-usap tayo sa kaniya mula sa puso. KayJehovakalang dapat manalangin. Tinuruan tayo ni Jesus kung paano manalangin. Mateo 6:9-15. Sino ang pinakikinggan ng Diyos? Awit 145:18, 19. 24 Pinakikinggan ng Diyos ang ating mga panalangin. 1Pedro3:12

Idalangin na mangyari nawa ang kalooban ng Diyos sa langit at sa lupa. Hilingin kay Jehova na tulungan kang gawin ang tama. Puwede mo ring ipanalangin ang tungkol sa pagkain, damit, tirahan, trabaho, at kalusugan. Manalangin sa pangalan ni Jesus para maipakitang pinahahalagahan mo ang ginawa niya para sa iyo. Nakikinig si Jehova sa panalangin ng mga gumagawa ng mabuti. Kawikaan 15:29. Huwag kang mabalisa. Filipos 4:6, 7. Marami tayong puwedeng ipanalangin. 1Juan5:14 25

Paano Magiging Maligaya ang Iyong Pamilya? Iniutos ng Diyos na ang pag-aasawa ay sa pagitan ng isang lalaki at isang babae. Ang mapagmahal na asawang lalaki ay magiliw at maunawain sa kaniyang asawa. Ang asawang babae ay dapat makipagtulungan sa kaniyang asawa. Ang mga anak ay dapat sumunod sa kanilang mga magulang. 26 Pag-ibig ang kailangan para maging maligaya ang pamilya. Efeso 5:33

Sinasabi ng Salita ng Diyos na dapat mahalin ng lalaki ang kaniyang asawa gaya ng sarili niyang katawan at dapat namang lubos na igalang ng babae ang kaniyang asawa. Mali ang makipagtalik sa hindi asawa. Mali ring magkaroon ng maraming asawa. Malaking tulong ang SalitaniJehovapara maging maligaya ang pamilya. Maging malinis sa moral. 1 Corinto 6:18. Mahalin, turuan, at ingatan ang iyong mga anak. Deuteronomio 6:4-9. Maging mabait at tapat; huwag maging malupit at taksil. Colosas 3:5, 8-10 27

Ano ang Dapat Nating Gawin Para Mapasaya ang Diyos? Ayaw ni Jehova na tayo ay nagnanakaw, naglalasing, o nagdodroga. Kung mahal natin si Jehova, hindi tayo gagawa ng mga bagay na ayaw niya. Kinapopootan ng Diyos ang pagpatay, aborsiyon, at homoseksuwalidad. Ayaw niya tayong maging sakim o makipag-away. Hindi tayo dapat sumamba sa mga imahen o magsagawa ng espiritismo. Ano ang tingin ng Diyos sa mahika? Deuteronomio 18:10-12. Bakit hindi tayo dapat sumamba sa mga imahen? Isaias 44:15-20. Hindi papayagang tumira sa Paraisong lupa ang masasamang tao. 28 Iwasan ang paggawa ng masama. 1 Corinto 6:9, 10

Para mapasaya ang Diyos, dapat natin siyang tularan. Magpakita ng pag-ibig sa iba sa pamamagitan ng pagiging mabait at mapagbigay. Maging tapat. Maging maawain at mapagpatawad. Sabihin sa iba ang tungkol kayjehovaatsakaniyangmga pamantayan. Isaias 43:10. Tularan si Jehova. 1 Pedro 1:14-16. Magpakita ng pag-ibig. 1 Juan 4:7, 8, 11. Gumawa ng mabuti. Mateo 7:12 29

Paano Mo Maipakikitang Tapat Ka kay Jehova? Iwasan ang mga kaugaliang hindi sinasang-ayunan ng Bibliya. Kailangan mong maging matapang para magawa ito. Huwag makisali sa pulitika; tanging kay Jehova lang at sa kaniyang Kaharian tayo dapat sumuporta. Iniingatan ni Jehova ang mga tapat sa kaniya. Awit 97:10. 30 Manindigan sa panig ng Diyos. 1 Pedro 5:6-9

Makisama sa mga Saksi ni Jehova; tutulungan ka nilang maging malap ıt sa Diyos. Patuloy na mag-aral tungkol sa Diyos at sikaping sundin ang kaniyang mga utos. Kapag matibay na ang pananampalataya mo, dapat mong ialay ang iyong buhay kay Jehova at magpabautismo. Mateo 28:19. Makinig sa Diyos. Basahin ang Bibliya, at magpatulong sa mga Saksi ni Jehova na maunawaan ito, saka gawin ang iyong natutunan. Kung gagawin mo ito, mabubuhay ka magpakailanman. Awit 37:29. Magsisi para mapatawad ng Diyos. Gawa 3:19. Lumakad sa daang patungo sa buhay. Mateo 7:13, 14. Gumawa ng tamang pasiya makinig sa Diyos. Mateo 7:24, 25 31

ll-tg 170720s