Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

Similar documents
Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

GRADE VI GAMIT NG GRID

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Ang Makisig at Hangal na Hari

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Kabanata 3. Sa kabanatang ito: 32 Ang Sistemang Medikal. Ang Sistemang Medikal Mga importanteng serbisyong pangkalusugan...

Pagsasanay sa Filipino

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Advance Directive - ALASKA

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Isang Guide para sa Naturalisasyon

Health TALK. Naarawan BUNTIS? Ano ang ibig sabihin ng bilang ng SPF sa sunscreen ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

I.~ lc "AN<17PAG-AASAWA AT ANG

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

Simply The Story (STS)

Oops... Ingat sa Lansangan

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE

From left, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Alden Richards and Betong Sumaya.

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Kanser sa Prostata. Prostate Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Si Hesus at Si Zaqueo

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Chapter 6 Tagalog Verbs

Lumapit Kayo sa Akin. July 25, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 11:25-30

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Sa nakalipas na apat na taon,

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

WORSHIP GOD IN SPIRIT AND TRUTH

panalongtaglamig 2018

Ang Inyong Anak ay Naglalaro... Tumutuklas Natututo

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Galacia 1:1-5. Pagsasaliksik. Pagsasabuhay

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

0 hanggang 3 buwan- Ang Paggawa ng Kaibhan

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Priestly Failures (Mal. 2:1-9)

TAGALOG. 0 hanggang 4 na taon MATUTO SA BAHAY

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Transcription:

1 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya GENETIC ALLIANCE

Talaan ng Nilalaman Ang nilalaman nitong libreta ay gabay sa pagkolekta, pagbuo, at pag-unawa sa kasaysayang pangkalusugan ng pamilya. Sa unang libreta: Gabay sa Pagsalaysay sa Kalusugan Ng Pamilya, bawat parte ay may mga pagpipiliang gawain. Piliin ang aktibidades na puede mong gawin. Panimula 1 Pagkolekta Mga impormasyon na kokolektahin 6 Paano kokolektahin 8 Mga halimbawa sa mga katanungan 12 Sample questions 14 Pagbuo Paano bubuohin 16 Pangkalusugang Larawan ng Pamilya 18 Pag-unawa Ano ngayon 20 Mga mapagkukunan 21 Basahin Libreta 2: Gabay Para Genetiko At Kalusugan sa karagdagang kaalaman: 1. Bakit importante and genetiko para sa akin at sa aking pamilya? 2. Anong sakit ang pangkaraniwan sa aking pamilya?

? Kasaysayan ng kalusugan ng pamilya, ano ito? Ang kasaysayan ng kalusugan ng pamilya (family history) ay impormasyon tungkol sa mga karamdaman na nararanasan ng bawat miyembro, kasama na rin dito ang nakagawiang pagkain, mga nakasanayang gawain, at kinagagalawang kapaligiran na pinamamahagian ng iyongpamilya. Kung kayo ay may nalalaman tungkol sa mga pangkaraniwang karamdaman na nararanasan ng iyong pamilya, ito ay makakatulong sa pagdesisyon kung paano kayo puedeng mananatiling malusog. Ang kalusugan ng iyong pamilya ay isang bahagi ng iyong family history. Habang sinasaliksik mo ang iyong family history, bigyan ng pansin ang mga pangyayari, kwento, karanasan na iyong naririnig. Habang kinokolekta ninyo ang inyong family history, nababanggit at naipamamahagi ninyo ang mga kwento ng bawat pamilya at impormasyon tungkol sa kalusugan ng ibang kapamilya anak, apo, mga kapatid, pamangkin, tiya at tiyohin. Ang family history ay matatagpuan sa mga desisyon mo, mga kwento na pinamamahagi ng miembro ng pamilya at ang kultura ng komunidad ninyo. TUKLASIN MO ANG MGA ITO UPANG MAPABUTI ANG IYONG KALUSUGAN! Sharon F. Terry President & CEO Genetic Alliance GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAMILYA 1

Paano ang kasaysayan ng kalusugan ng aking pamilya nakakaapekto sa kalusugan ko? Marami kang namamana galing sa magulang mo at lolo t loala mo. Napapasa ang kultura, kaugali-an at pagpapahalaga sa pamamagitan ng mga litrato, kwento, espirituwal na mga nakasanayan o pananampalataya at mga awitin. Namamana mo rin ang iyong hitsura halimbawa, kung gaano ka katangkad at kung ano ang kulay ng iyong mata. Maliliit na estraktura na nasa mga cells ng iyong katawan na tinatawag na genes ang nagdadala ng mga impormasyon na nauukol sa iyong katangia-an at kung paano gumagana ang iyong katawan. Sa pamamagitan ng iyong mga magulang naipapasa ang mga genes na ito sa iyo. *Kuwento ni Mapuana Sa parte ng aking ina na laging naging aktibo at isinaalang-alang lagi ang kalusugan, ay nasa mga mabuting kondisyon, kasama na dito ang aking lolo t lola na walumpong taon gulang na. Hangad ko rin sana na ganon din sa parte ng aking ama. Subalit, karamihan sa kanila ay mayroong mga talamak na sakit (chronic diseases) na kalimitan nakakaapekto sa lahi ng Hawayano (tulad halimbawa sa pagiging mahilig sa mga pagkaing nakapagkakasakit, hindi pagiging aktibo o hindi nag-eehersisyo, hilig sa alkohol at paggamit ng bawal na gamot at iba pa). Dahil sa ang aking ina ang unang nagpalaki sa akin, mapalad kong nakuha ang karamihang malusog na pag-uugali o makakalusugang estilo ng pamumuhay niya (healthy lifestyle). 2 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA?

Ang ibang genes ay puedeng magdala ng ilang sakit sa iyo. Kung may nalalaman kang mga sakit na nararamdaman ng miyembro ng iyong pamilya, puede ka ring magkaroon ng sakit na iyon sa hinaharap. Ito ay sa dahilang, kayo ay maaaring may kaparehas na genes, pamumuhay, nakakagawian at kapaligiran. Gayun pa man, puede mo itong maiwasan kung batid mo ang kasaysayan tungkol sa kalusugan ng buong pamilya at malapit na kamag-anak. Itong mga sakit na sinasabi nila, ay maiiwasan mo rin sa pag-iingat at kung pananatiliing pipiliin mo ang kung ano ang makakabuti sa kalusugan mo (by making healthy choices). Naiintindihan ko kung gaano kamapangyarihan ito sa pagpabago ng sarili nating kalusugan, at kalusugan din ng ating pamilya at komunidad. Kung naiintindihan natin kung gaano kahalaga ang pamumuhay na malusog para maiwasan and mga sakit na maaring dumapo sa atin, malaki ang pagkakataon na ito ay maging bahagi na rin ating pag-uugali at pamumuhay na malusog sa hinaharap. GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAMILYA 3

Paano ang mga pinipili o hilig mo ay nakakaapekto sa kalusugan mo? Maraming bagay ang bumubuo sa kalusugan mo. May mga bagay - tulad ng kinakain mo, kung ikaw ay naninigarilyo o nag-iinsayo, kung ano ang hanapbuhay mo nakadepende sa mga desisyon, kagustuhan o sa mga pinipili mo. Para makagawa ng maka-kalusugang pagpipili, kailangang maintindihan mo ang kasalukuyang kalusugan mo, mga sakit na malaki ang pagkakataon na makuha mo, pati na rin ang iyong kapaligiran at kinagagawi-an. * Kuwento ni Rose Jane Did you know this amazing fact about 6 4 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA? Hindi ko akalain na ang alta presyon ay karaniwang sakit pala sa magkabilaang pamilya ng mga magulang ko. Kung hindi pa dahil dita sa aking pagkainteres sa kasaysayan ng kalusugan ng aking pamilya (Family health history) di ko pa nalalaman na dalawa na pala ang namatay sa aking mga kamag-anak at ang aking lolo ay napakabata pa niya nang namatay. Ang kinatatakutan ko pa ay sa lahi ng nanay ko karaniwan sa kanila ang sakit na dayabetes.

Ang kaalaman sa kasaysayan ng kalusugan ng pamilya ay ang unang hakbang tungo sa mas mahusay na kalusugan. Nagpapasalamat ako t natutuwa, na binigyan ko ng panahon alamin ang tungkol sa kasaysayan ng kalusugan ng aming pamilya. Dahil dito nabuksan lalo ang aking mga mata na kailangang magplano para mabago ang kahinanatnan ng kalusugan ko. Dahan-dahan at unti-unting nababawasan ang timbang ko. Ito ang isang paraan na bumaba ang pagkakataon na magkaroon ng dayabetes at atake sa puso at strok upang sa ganon matamasa ko ang bunga ng maka-kalusugang pamumuhay. Tayo naman ay maliit lang na komunidad, maaari nating suportahan ang bawat isa at lumikha ng - malawakang kultura ng pagkain ng tama - malawakang kultura ng aktibong pamumuhay - at pinalakas na maka-kalusugang pagpili - simula sa ating mga kapamilya. Ito ang pinakamabuting mangyayari sa Lanai kasi tayong lahat naman ay gustong mabuhay ng malusog, maligaya at nasisiyahan. collecting infomation? Now you do! GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAMILYA 5

Anong impormasyon ang dapat kong kolektahin? Mula kanino mangongolekta ng impormasyon? Sarili Mga magulang Mga kapatid Mga anak Pagkatapos isama na rin ang iyong mga tiya at tiyohin, pinsan, mga lola at lolo sa magkabila-ang mga magulang. Anong mga impormasyon ang kokolektahin? Pangalan at kung ano ang relasyon ninyo(sarili, nanay, tatay, anak atb.) Lahi, etniko, at/o pinagmulan ng pamilya Taon na pinanganak (o yong pinakamalapit mong tantiya o hula) Lugar na pinanganakan Kung patay na, idad nang pagkamatay at sanhi ng pagkamatay Mangolekta ng mga kuwento tungkol sa iyong lipi at kultura. Ito ay magandang pagkakataon para panatilihin ang mga alaala ng buong pamilya. Hindi mo kailangan na kolektahin and lahat! 6 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA?

Siguraduhin Who to collect na info itala from ang idad noong unang naramdaman ang sakit Collect the medical and health information on: Kasaysayan Yourself ng kalusugan ng pamilya: Your brothers and sisters Alzheimer Your children na sakit o sakit ng pagkalimot Your parents Asma Then o alerge go back a generation at Deperensiya a time and magmula include: sa kapanganakan Grandparents (bungi, sakit sa puso, Aunts spina and bifida ) Uncles Pagkabulag/o Cousins unti-unting pagkabulag Nieces and nephews Kanser (sa suso, obari, kolon, prosteyt) Basic info to collect Ini-inom na medisina Name and relationship to you Pagkabingi/ (myself, parent, o pagkawala child, etc.) ng pandinig sa simula pa sa batang Race, idad ethnicity and/or origins of family Mahinang pagtubo o pagka-antala Date of birth ng (or kaisipan if the Dayabetes/sakit information is sanhi unavailable, sa mahina write o your hindi best pagproseso guess for ng katawan example ng 1940 s ) tamis o asukal Sakit sa puso Place of birth Alta presyon Mataas na kolesterol If deceased, age and cause of death Mga operasyon Pagbabakuna Pangkaisipang sakit (tulad ng sobrang pagkalungkot o lugang, skisoprenya) Labis na katabaan Sa panganganak (bilang ng anak, bilang ng aborsiyon o di natuloy na pagbubuntis, mga komplikasyon) Atake sa puso Pagkalulang sa pinagbabawal na gamot (tulad ng alkohol o alak, mga druga) Pamumuhay: Pag-iinsayo o ehersisyo Kinagawi-an (tulad ng paninigarilyo, pag-inom, regular na pagpatingin sa doctor o dentist) Libangan at mga gawain o aktibidades Nutrisyon at diyeta Hanapbuhay Importante may nalalaman ka. GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAMILYA 7 7

Paano kokolektahin ang kasaysasayan ng kalusugan ng aming pamilya? Makipag-usap sa iyong mga kapamilya Ang iyong mga kamag-anak ay ang magandang pagkakuhaan ng mga kuwento tungkol sa kasaysayan ng iyong pamilya. Ito ay kalimitan pinamamahagi habang nagkukuwentuhan sa mga handaan tuwing kaarawan, kasal, reyunyon, pangsimbahan na pagtitipon, bakasyon, at sa lamay. 8 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA?

collect organize understand Gamitin kong ano man ang mayroon na kayo Alamin kong mayroon na kayong family tree, charts o listahan ng miyembro ng pamilya. Ito ay maaring nasa mga ginawang libro sa bawa t pinapanganak na bata, litrato, album, listahan ng mga petsa ng bawat birthday ng miyembro ng pamilya, bibliya ng pamilya, o ibang mga talaan na pangsimbahan. Alamin at baybayin mo rin ang ang kasaysayan ng pansarili mong kalusugan na kasama ang iyong doktor upang masiguro na wala kang nakakalimutan. Magplano kung sino at paano kakausapin Pagkatapos mong banggitin ang plano mong pagkolekta ng kasaysayang pangkalusugan ng pamilya, malamang na may gusto kang kausapin para makakuha ng mas kompletong kuwento o impormasyon. Kung maari gumamit ng tape recorder, upang mabalikan muli ang p ag-uusap. Kasama sa babasahin na ito ay ang listahan ng mga posibleng tanong. Magpadala ng palatanungan o questionnaire Puede ka ring magpadala ng palatanungan o questionnaire. Ang paglikha ng newsletter o pahayagang palihan ay isang mabilis at madaling paraan ng pagkolekta nang ganitong uri ng imposmasyon. Hindi lahat ay sang-ayon sumagot sa questionnaire. Siguruhin na naipaliwanag mo kung bakit kailangan ang mga katanungang iyon. GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAMILYA 9

Mga tips sa pagkolekta sa kasaysayan ng kalusugan ng pamilya Magsimula sa iyong mga magulang kung sila ay buhay pa. Kalimitan ang mga nakakatandang kamag-anak ay magandang pagkukunan ng mga impormasyon at sila ay puedeng magsilbi na tigasalaysay ng kasaysayan ng iyong pamilya o family historian. Kung ikaw ay anak-anakan o adopted child, puede mong malaman ang iyong kasaysayan pang pamilya sa mga tunay mong magulang. Puede ka ring humingi ng mga impormasyon o rekords sa ahensiya na pinanggalingan mo. Kuwento ni Anne Ako ay may maliit na pamilya. Kahit na kung ano-anong mga sakit ang naririnig ko sa kanila, alta presyon pa lang ang naging karaniwang sakit sa aking mga magulang at mga kapatid na babae. Sa aming paguusap tungkol sa mga miyembro ng aming pamilya, nakakatuwang gunita-in ang mga alaala ng tiyo at mga lolo at lola kasama na rin ang aking tatay na pumanaw na. Nagtataka ako kung bakit ang pagkamatabain ay hindi kasama doon sa mga kondisyon ng katawan na pinagpipilian sa pag lalarawan sa kasaysayan ng kalusugan ng pamilya (family health portrait). Alam ko na puede rin naman itong isama- p-e-r-o mahirap pa rin kung ano ang tiyak na ilalagay dahil karamihan sa mga kamag-anak ko ay malimit mag-sisiso ang kanilang mga timbang: bumibigat gumagaan, gumagaan bumibigat ang kanilang mga timbang. Ang tambang timbay ay unang hakbang panlaban sa sakit na dumadapo sa katawan. 10 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA?

collect organize understand Mahalaga ang paggalang sa iba. Ang ibang kamag-anak ay puedeng hindi nila gusto na isalin sa iba ang kanilang kasaysayan ng kalusugan. Ang iba naman ay talagang wala silang alam anomang salaysayin. Puedeng nakakatakot malaman ang tungkol sa problemang pangkalusugan o karamdaman ng mga kapamilya. Kung sasabihin mo ito sa iyong doktor malalaman mo kong ikaw ay nanganganib na magkasakit din nito. Maaring hindi malinaw na maitukoy ng mga kapamilya mo ang mga karamdaman nila. Halimbawa, ang isang nakaranas ng di pagkibo o sobrang pagkamatahimikin ay puedeng nagkaroon ng depression o sobrang pagkamalungkutin at wala na sa sarili. Tanungin ang kamag-anak mo kung paano siya kumilos. Ang isang bagay na gusto kong gawin ay magbawas ng timbang. Nitong nakaraang tag-init, naku! ako ay nagdagdag ng timbang. Biglang tumaas ang BMI ko sobra sa 25, kung kaya t pag-iigihan ko na hindi lumiban sa aking mga exercise classes. Mayroon akong 4 na klase sa isang lingo 2 ehersisyo sa tubig (water aerobics), 1 na gamit ay bola (pilates) at isang sayaw (zumba). Bukas pagkatapos ng aking exercise didiretso ako sa aking mga estudyante na pinagpapawisan, pero naman, ito ay magandang halimbawa sa kanila. Ika nga sa ingles you walk the talk. Kung sa atin pa lalakarin mo ang salita mo. Ay mali! GAGAWIN MO ANG SINASABI MO. GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSU- GAN NG PAMILYA 11

Paano ko tatanungin ang aking mga kamag-anak tungkol sa pangkalusugang kasaysayan ng aming pamilya? Sa sunod na pahina ay listahan ng mga tanong na puedeng makatulong sa pakikipag-usap ninyo sa miyembro ng iyong pamilya. Ang mga katanungang ito ay makakatulong para malaman mo ang mga kuwento ng pamilya, karaniwang kondisyon at ano mang naging epekto ng kapaligiran, pamumuhay, at ano mang kasaysayan ng kalusugan sa miyembro ng pamilya ninyo. Dagdagan mo ng ibang tanong na makahulugan sa iyong pamilya. Paghandaan ang nakatakdang pag-uusap Isulat ang lahat ng nalalaman ninyo mga pangalan ng miyembro ng pamilya, saan sila isinilang, o ilan ang kanilang mga anak. Piliin ang mga itatanong mo bago mangyari ang pakikipanayam. I-record and pakikipanayam sa tape recorder o video camera. *Kuwento ni Wilma Maalala ko pa noong akoy nakarating ng Lanai noong 1985. Lahat ng tao dito ay halos tumigil na sa pagtratrabaho sa plantasyon ng pina. Isa sa kanila ay ang aking Ama. May 9 taon siyang nagtrabaho sa plantasyon bilang tiga pitas sa mga pinya. Sa katagalang paglanghap niya ng kemikal na binubomba sa plantasyon nahirapan na siyang huminga hanggang namatay na rin siya ng kanser sa baga. Namatay siya sa idad na 65. Hindi ko ipinagwalang bahala ang mga simptomas ng mahirap na paghinga lalo na ang paglagay sa mapayapa at ligtas na kapaligiran sa ano mang 12 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA?

collect organize understand Sa kasalukuyang nag-uusap kayo Isulat ang mga nababanggit na impormasyon na nauukol sa kalusugan. Hangga t maaari dapat maiksi lang ang mga tanong. Iwasan ang mga tanong na masasagot ng oo o hindi. Sundan ang mga tanong ng bakit paano at puede ka ba magbigay ng halimbawa. Huwag mong asahan na alam nila lahat ng sagot sa iyong mga tanong. I-respeto ang kahilingan ng kausap mo kong may ayaw siyang banggitin o pag-usapan. Hilingin mo ang kamag-anak mo kung mayroon siyang mga larawan, resipe, sulat at iba pang naitatago niya na galing sa inyong pamilya sa matagal nang panahon. Ito ay makakatulong sa kanya sa pag-aalala ng mg detalya at kuwento tungkol sa inyong pamilya. Hangga t maari hayaan mo lang siyang magkuwento huwag siyang gambalain habang nagsasalaysay! panggagalingan ng lason o kemikal na makakasira sa katawan. Lahat kami ngayon, ang aking pamilya, aking ina, mga kapatid at mga pamangkin ay nagpapasalamat na ligtas na ang palibot naming at kapaligiran sa puedeng panggalingan ulit ng kanser sa baga. Naging leksiyon sa amin ang parteng ito ng kasaysayan ng kalusugan ng aming pamilya. GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAMILYA 1 3

Mga halimbawa sa itatanong Itong mga tanong ay halimbawa lang. Kung kinakailangan palitan niyo ito para mai-angkop sa iyong pinag-uusapan. Mga tanong tungkol sa pagkabata Saan kayo pinanganak? Saan kayo lumaki? Nakaranas ba kayo ng problema sa kalusugan (katulad ng alerge) noong bata pa kayo? Mayroon ba kayong mga kapatid? Buhay pa ba sila? Ilang taon na sila? Mga tanong tungkol sa karapatang gulang (adult) Ano ang mga naging trabaho mo? Ilarawan mo ang arawaraw na nangyayari sa trabaho mo? Ano ang masasabi mo tungkol sa kapaligiran ng pinagtratrabahoan mo? May mga anak ka ba? Ano ang pangalan nila? Kailan sila ipinanganak? Nagkaroon ba sila ng problema pangkalusugan? Ano ang kanilang mga hilig (pagpaaraw, pag-ehersisyo, panigarilyo atbp.) na posibleng nakaapekto sa kalusugan nila? Nagkaroon ka ban ng problema sa kalusugan nang ikaw ay lumaki na? Sa anong gulang? Paano ito ginamot (medisina, inopera atbp.)? 16 14 DOES ITO BA IT RUN AY IN PANGKARANIWAN THE FAMILY? SA ATING PAMILYA?

collect organize understand Mga tanong tungkol sa mga magulang at mga lolo at lola Kailan at saan isinilang ang mga magulang mo? Ano ang nalalaman mo tungkol sa kanila? (hanapbuhay, mga libangan)? Kailan at saan pinanganak ang mga lolo at lola mo? Ano ang mga naaalala mo tungkol sa kanila? Nagkaroon ban ng problema sa kalusugan ang iyong mga lolo at lola? Alam mo ba kung umiinom sila ng medisina lagi? Kung oo, para saan? Sa kanilang tahanan may ginagawa ba silang panggagamot? Anong paraan at para saan man? Mga tanong tungkol sa pamumuhay ng pamilya Tumira ba ang pamilya ninyo sa isang lugar na siyang naging sanhi sa pagkasakit ng ilang miyembro (hlb, dinaanan ng lakamidad, basurahan)? Anong klase ng pagkain ang laging kinakain ng pamilya ninyo? Ilarawan ang isang karaniwang almusal at hapunan? Kayo ba ay kumakain ng espesyal na pagkain kung may mga okasyon? Anong klase ang mga ito? May mga pagkain ba kayo noon na iniiwasan o nililimitahan? Mayroon ba sa inyo nagkaroon ng problema sa panganganak o pagkabata Mayroon bang mga sakit na karaniwan o komon sa ating pamilya? Mayron ka pa bang iba na gustong banggitin sa akin tungkol sa kalusugan ng ating pamilya? GABAY SA PAGSALAYSAY GABAY PAGSALAYSAY KALUSUGAN SA KALUSUGAN NG PAMILYA NG PAMILYA 1 5 17

Paano ko bubuohin ang kasaysayan ng kalusugan ng aking pamilya Ang mga impormasyon na iyong nakolekta ay puedeng isulat o i-tayp sa kompyoter sa paraan na may kahulugan sa iyo, sa iyong pamilya at sa iyong doktor. Ang susunod ay mga ideya kung paano mo gagamitin o bubuohin ang mga nakuha mong impormasyon. Pangkalusugang Larawan ng Pamilya Ang pangkalusugang larawan ng pampamilya ay halintulad sa punong-pampamilya o family tree pinapakita ang bawat miyembro ng pamilya at ang kanilang kalusugan. Dahil sa ito ay simpleng paglarawan ng kalusugan ng iyong pamilya madali itong ibahagi sa iyong doktor. Puntahan ang pahina 18 para sa karagdadang impormasyon. Kuwento ni Diana *Nagkaroon ako ng magandang pagkakataon na makausap ang Nanay ko upang malaman ang lahat tungkol sa kalusugan ng aming pamilya bago man mahuli ang lahat! Natuklasan ko na lang na galiit lang talaga ang nalalaman ko tungkol sa aking lolo at lola, mga tiyo at tiya. Nagulat na lang din ako na ang alta presyon at atake sa puso ay karaniwang sakit pala sa aming lahi pagtumatanda mga 60 taong gulang. Kung iisipin malapit na ako sa idad na ito kaya kailangang magdahandahan na ako. Ngayon, pinagtibay ko ang aking pangako sa sarili na laging nag-ehersisyo araw-araw, laging kumain ng tama, at tamasahin ang buhay na kasama ang pamilya at mga kaibigan. Naisipan ko ring bigyan ang aking kapatid Did you know this amazing fact about 6 18 16 DOES ITO BA IT RUN AY IN PANGKARANIWAN THE FAMILY? SA ATING PAMILYA?

collect organize understand Kard Para sa Manggagamot Sa internet (www.geneticalliance. org/ccfhh), may makikita kang kard para sulatan ng mga impormasyon nadadalhin sa iyong manggagamot. Ang kard nakapokus tungkonl sa kasaysayan ng kalusugan ng iyong pamilya. Ito ay makapagbibigay sa iyong manggamot ng maraming kaalaman kung paano magagamit ng husto ang iyong family health history na matukoy ang pagkakataon na ikaw ay magkaroon ng takdang sakit. ng kopya nitong kasaysayan ng kalusugan ng aming pamilya at ituloy nila ang pagbakas nito sa panig naman ng kanyang asawa at mga anak. Nagpapasalamat ako na binigyan ko ng panahon na malaman at pag-aralan ang kalusugan ng aming pamilya. Ang mga Hawayano at tama nga: TAYO ANG TALAANGKANAN AT TAYO DIN ANG KASAYSAYAN NG ATING PAMILYA. Kung collecting baga sa ingles: infomation? we are our genealogy Now and you do! family history. 7 GABAY SA PAGSALAYSAY GABAY PAGSALAYSAY a guide KALUSUGAN to SA family KALUSUGAN health NG PAMILYA NG history PAMILYA 17 19 19

How can I draw a family health portrait? Ang isang madaling paraan sa pagbuo ng pangkalusugang larawan ng pamilya ay ang paggamit ng internet at hanapin ang U.S. Surgeon General s My Family Health Portrait sa www.familyhistory.hhs.gov para lumikha ng pangkasulugang kasaysayan ng pamilya. Puede mo ring iguhit ang pangkalusugang larawan ng iyong pamilya. Tingnan ang isang ehemplo sa susunod na pahina. Tagubilin sa pagguhit ng pangkalusugang larawan ng pamilya. Paano ko isasalarawan o i-drodrowing ang kalusugan ng aming pamilya? Isulat ang iyong pangalan sa itaas ng malapad na papel. Guhitin mo ang sarili sa sentro gamitin ang parisukat kung ikaw ay lalaki at bilog kung ikaw ay lalaki. Iguhit mo ang mga magulang mo sa itaas mo at tatakan mo ang parisukat at bilog ng kanilang mga pangalan at kaarawan (o tantiyang idad). Gumuhit ng linya na maghihiwalay sa kanila at isang linya din na maghihiwalay sa kanila at sa iyo. Kung mayroon kang mga kapatid iguhit mo rin sila at ang mga kapatid ng mga magulang mo magmula sa pinakamatanda hanggang bunso, simula sa kaliwa papuntang kanan sa malaking papel. Idagdag ang mga impormasyong pangkalusugan na nakolekta mo tungkol sa kanila. Idagdag ang lipi at iba pang mga impormasyon na iyong nalalaman. Mga simbolo sa pagsasalarawan ng kalusugan ng pamilya: lalaki babae patay na 18 does ITO BA it run AY in PANGKARANIWAN the family? SA ATING PAMILYA?

collect organize understand Ang Kuwento ni Kim 1 2 3 Sinimulan ko ang pankalusugang larawan ng aking pamilya sa pamamagitan ng pagguhit ko sa aking sarili. Lahat ng babae sa larawan ay bilog. Sa ilalim ng pangalan ko, inilagay ko ang aking kaarawan. Sumunod, ginuhit ko ang aking nanay at tatay. Sino mang lalaki ay pinangangatawan ng parisukat. Kinonekta ko ang mga magulang ko ng isang linya at gumuhit ako ng isa pang linya konektado sa akin. Pagkatapos, idinagdag ko ang mga kapatid ko at saka ang kanilang mga kaarawan. Kinonekta ko bawat isa sa kanila sa linya ng aming mga magulang. Mark b. 1950 Mark b. 1950 Jon b. 1974 me (Kim) b. 1975 me (Kim) b. 1975 me (Kim) b. 1975 Helen b. 1952 Helen b. 1952 Rebecca b. 1979 4 Para sa magulang ng tatay ko, nilagay ko ang mga pangalan nila sa ibabaw ng aking tatay at pagkatapos, gumuhit ako ng linya para konektado silang lahat sa tatay ko. Idinagdag ko rin ang lipi nila. Sa huli, ginuhitan ko ng dayagol na linya ang bilog na kumakatawan sa lola ko para makita na siya ay namatay na. Ana b. 1930 heart attack, age 42 mexico Mark b. 1950 Jon b. 1974 Luis b. 1929 me (Kim) b. 1975 alta presyon germany Helen b. 1952 Rebecca b. 1979 GABAY SA PAGSALAYSAY SA a guide KALUSUGAN to family health NG PAMILYA history 19 21

? Ano ngayon? Panatilihin ang kasaysayang pangkalusugan ng iyong pamilya at magdagdag ng mga bagong impormasyon na nalalaman mo tungkol sa iyong pamilya. Alamin o magsaliksik tungkol sa mga sakit na karaniwan o komon sa iyong pamilya. Ibahagi ang mga impormasyon sa iyong pamilya. Dalhin ang kasaysayang pangkalusugan ng iyong pamilya sa doctor ninyo. Basahin ang Pangalawang Libreta: Mga Gabay sa Genetika at Kalusugan. 20 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA?

collect organize understand Mga Kasangkapan Genetic Alliance Family Health History Resources www.geneticalliance.org/familyhealthhistory The Smithsonian Folklife and Oral History Interviewing Guide www.familyoralhistory.us/news/view/the_smithsonian_folklife_and_ oral_history_interviewing_guide/ and visit the American Folklife Center website: www.loc.gov/folklife/fieldwork Lanai Community Health Center www.lanaicommunityhealthcenter.org GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAMILYA 21

WWW.GENETICALLIANCE.ORG 4301 Connecticut Ave. NW, Suite 404 Washington, D.C. 20008-2369 Phone: 202-966-5557 Fax: 202-966-8553 info@geneticalliance.org