Post-Traumatic Stress Disorder

Similar documents
Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Ang Makisig at Hangal na Hari

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Si Hesus at Si Zaqueo

ayon kay Marcos (Gospel of Mark)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

FOR FREEDOM CHRIST HAS SET US FREE

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ang Layunin ng Diyos sa Iyong Buhay

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Galacia 1:1-5. Pagsasaliksik. Pagsasabuhay

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Lesson 11: GOD S GUARANTEED PROTECTION: DELIVER US FROM EVIL Series: PRAYER ROCKS THE WORLD

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Marunong Akong Magbasa ng mga Kwento ng Bibliya

Lumapit Kayo sa Akin. July 25, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 11:25-30

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata. Si Jonas at ang Malaking Isda

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Pagsasanay sa Filipino

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

,Ang nga tao ay nasuri, katapatan sa ahapters ata Bíble verses.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Pinagkaloob ang pahintulot na kopyahin itong kasulatan para layunin na pag-aralan ang librong Galatia.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27

BALIWAG BIBLE CHRISTIAN CHURCH We exist to build local and global GRACE-communities of committed followers of Christ for the glory of God.

Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

MGA NILALAMAN. Praktikal na Gabay sa Pagdarasal at Pag-aayuno Mga Panalanging Nasagot Noong Day 0: Paghahanda sa Pag-aayuno...

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

WORSHIP GOD IN SPIRIT AND TRUTH

Pagaaral - 6 ANG PAGPASOK SA KAHARIAN

NAIS KONG MALAMAN... Sino si Hesu-Cristo? Pagtuklas sa Bagong Buhay kay Cristo

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

- 2 -

Transcription:

1

Panimula Isang nakakatakot na karanasan na hindi natin saklaw ay maaaring mangyari sa atin anuman oras. Tulad nalang ng isang aksidente sa sasakyan o kaya naman ay naging saksi ka sa isang aksidente. Kung ikaw ay nasa karagatan sa pagtratrabaho, madalas na nagiging dahilan ng stress ay problemang mag-asawa at ang hindi pagtanggap ng sahod. Ang barko ay maaaring malagay sa panganib tulad ng mga nangyari kamakailan, inakyat ng mga pirata ang barko at binihag ang mga tripulante at ginawang kidnap for ransom. Maaaring ang ilan sa atin ay nalampasan ang dinanas na trauma sa paglipas ng panahon nang hindi nangangailangan ng tulong. Subalit sa ilan tao hindi nila ito basta-basta nalalampasan at kadalasay nagiging sanhi ng paglala na inaabot ng maraming buwan o taon bago ito malampsan. Ang ganitong sitwasyon ay tinatawag na Post-Traumatic Stress Disorder o PTSD. 2

3 Post-Traumatic Stress Disorder Kung ikaw ay dumanas na nakakatakot na karanasan tulad ng pagiging bihag, o kaya nama y nakita mo ang iyong mahal sa buhay o kaibigan na dumanas ng ganun ding karanasan, nakakaramdam ka ng pagka-balisa, galit, depresyon, pighati at pagsisi sa sarili. Maaaring ikaw ay dumaranas ng PTSD at kailangan mo ng tulong. Masasabi mong ikaw ay may PTSD kung ikaw ay: may malinaw na mga ala-ala, pagbalik sa mga nakaraan o masamang paniginip. umiiwas sa mga bagay na magpapa-alala sa masamang pangyayari may emosyonal na pagkamanhid kung minsan madalas na iritable at parating maikli ang pasenya, ngunit hindi mo maipaliwanag kung bakit nakadarama ng walang kontrol sa emosyon nahihirapan na makisama o makisalamuha sa ibang tao ginagawang abala ang sarili upang makalimot

Ikaw ay depress o pata Ang mga reaksyon sa stress ay may mga iba pang sintomas: pananakit ng kalamnan at sakit pagtatae iregular na tibok ng puso sakit ng ulo nakadarama ka ng sindak at takot depresyon sobrang pag-inum ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot (kasama ang gamot sa pananakit). Ang mga sintomas ng PTSD ay maaaring magsimula agad o maaring maantala ng mga ilang linggo o buwan. Kadalasan ito y lumalabas sa loob ng anim na buwan matapos ang pangyayari. 4

Stress sa dagat Hindi madali ang buhay sa dagat. Andyan parati nakaantabay ang iba t-ibang uri ng panganib katulad nalang ng sunog, bagyo dulot ng masamang panahon at mga di-inaasahan sitwasyon sa barko. Dagdag pa nito ang nakaambang panganib kung maglalayag sa baybayin ng Aden o di kaya ay sa Somalia at iba pang baybayin kung saan may mga panganib ng pag-atake ng pirata. Marahil nakaranas ka na ng ganitong nakakatakot na sitwasyon, natutukan ng baril, naging bihag at Ikinulong sa barko marahil sa isang nakalulunos na kalagayan. Maaring sukdulan and takot mo habang nag-aantay ka ng paglaya, habang naroon ang iyong pamilya nababalisa at nananalangin sa iyong kaligtasan at pagbabalik. Kung minsa y nawawalan ka na ng pag-asa habang lumilipas ang mga araw. Lumalala ang 5

iyong pagkabalisa na humahantong sa matinding stress at panlulumo. Matapos ng ilang buwang pakikipag-negosasyon ng iyong kumpanya, sila y nagbayad ng pangtubos upang ikaw ay makalaya. Sa iyong tahanan sinisikap ng iyong pamilya na magpalubay ng loob at kalimutan ang lahat ng mga pangyayari, subali t di ka mapagkatulog at nag-aalala ka sa mga susunod mong paglalayag sa dagat. sa buhay. 6 Ang takot ay nagdulot sayo ng galit sa mga naging karanasang nagpapakita ng kawalan ng katarungan, na nakaaapekto naman sa iyong pag-uugali at bumabagabag ngayon sa iyong relasyon sa iyong mga mahal Tila baga walang nakaiintindi sa iyong pinagdaanan para kumita ng ikabuhuhay ng iyong pamilya. Marahil ninanasa na nila na makapaghanap buhay ka na lang sa malapit, subalit wala kang mahanap. Kahit sila y nag-aalala sa iyo at nababahala para sayo ay di mo sila maaaring makasama sa barko, subalit ang Dios ay nariyan.

Makikita natin sa Bibliya ang iba t ibang halimbawa ng mga taong nakaranas sa tinatawag na PTSD. Sina Jose, Jeremias at si Hesus na nakaranas ng kawalan ng katarungan, kahihiyan, pambubugbog, labis na pagpapahirap at pagkabilanggo. Subalit ito y plano ng Diyos na si Jesus ay dalhin sa krus ng kalbaryo upang mapako para sa ating mga kasalanan. Ang paghihirap ni Jose at Jeremias dahil sa pagsunod sa Dios ay humantong sa kanilang paglaya. Nakamit ni Jose ang karangalan bilang Punong Ministro ng Ehipto at si Jeremias naman ay ipinagpatuloy ang kanyang buhay bilang isa sa mga dakilang propeta ng Dios. Naranasan naman ni Jose ang matinding pagbabago sa buhay nang siya ay nasa kabataan pa lamang. Kinaiinggitan siya ng kaniyang mga kapatid sa Ama, kaya t siya ay binenta sa mga manlalakbay na negosyante at dinala sa Ehipto. Nilagyan ng kanyang mga kapatid ng dugo ng kambing ang kanyang damit at dinala sa kanilang Amang si Jacob. Sinabi nilang napatay si Jose ng mababangis na hayop. Ipinagluksa na ng kanilang ama ang pagpanaw ng mahal niyang asawa na si Rachel, nang isinilang niya ang nakababatang kapatid na si Benjamin. Ngayon nama y ipinagluksa din niya ang pagpanaw ni Jose hanggang sa panahon na muli silang nagtagpo, makalipas ang dalawampung taon. 7

Isang babaeng Pakistani ang naglahad kung paano nakalaya ang kanyang kamag-anak na seaman na binihag ng mga pirata sa Somalia. 8

9 Pagkabalisa Katulad ng marami, sina Jacob at Jose ay namuhay na puno ng pagsubok at kalungkutan. Karaniwan sa buhay ni Jose ang pangalagaan ang mga tupa ng kanyang Ama. Sa gulang na labing-pito siya ay hindi ganon ka-handa sa mga taon ng pagka-alipin at pagkabilanggo sa ibang bansa. Hindi natin mawari ang kanyang pangamba at pangungulila. Malupit at mahirap ang buhay, kung minsan kailangan natin pagtiisan kahit ayaw natin pagdaanan. At kahit ang pinakamahirap at masakit na karanasan ay maaaring gamitin ng Panginoon na pagkakataon para tayo ay tumugon sa magandang plano Niya para sa atin, sapagkat nais ng Panginoon na tayo ay hubugin at maging katulad Niya. Magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok.dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang. Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at di nanunumbat. Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. Santiago 1:2-6

Nang dumating si Jose sa Ehipto, ang kapitan ng bantay ng hari ang bumili sa kanya upang maging isang alipin sa kanyang tahanan. Subalit ang Panginoon ay kasama ni Jose at binigyan siya ng tagumpay sa lahat ng bagay na kanyang ginagawa kung kaya t siya y kinalugdan ng kanyang amo at itinalaga upang mangasiwa ng kanya buong sambahayan. Ngunit sinubukang akitin si Jose ng asawa ng kanyang amo. Nabigo ito at inakusahan siya ng panggagahasa at itinapon siya sa bilangguan. Isang bilanggo at alipin, bagamat maling akusasyon ang ipinataw sa kanya naging mabuti si Jose sa loob ng kulungan. Ginawa siyang pinuno sa loob ng kulungan at binigyan siya ng Panginoon ng tagumpay sa lahat ng kanyang ginagawa. Ngunit higit na pagsubok pa ang dumating, sapagkat inihahanda si Jose ng Dios para sa mas malalaking bagay. (Simula 39) Agad dinirinig daing ng matuwid; inililigtas sila sa mga panganib. Awit 34:17 Maaaring naranasan ni Jose ang matinding stress, ang pagkabalisa kung saan sa mahabang panahon ay nagdulot ito ng paghatol at naging sanhi ng pisikal na pinsala. Subalit naging matatag si Jose sa tulong ng Diyos upang malampasan ang mga hamon sa buhay, na naging daan upang siya ay tumalino at lumakas para sa hinaharap. 10

Si Yahweh lang ang laging inaasahan, na magliligtas sa akin sa kapahamakan. Lingapin mo ako, at ako'y kahabagan, pagkat nangungulila at nanlulupaypay. Pagaanin mo ang aking mga pasanin, mga gulo sa buhay ko'y iyong payapain. Awit 25:15-17 Ang pagkabalisa ay nagdudulot sa ilang tao ng pagbaba ng kanyang moralidad kapag siya ay dumaranas ng trauma sapagkat iniisip nito na hindi niya ito kayang pigilan at wala siyang kayang gawin. Ang sitwasyong ito ay tinatawag ng mga psychologist na learned helplessness. 11

Ang ganitong tao ay nagiging tahimik at may pananaw na wala nang magagawa, ay maaaring humantong sa kanyang kaisipan ang pagiging biktima na pwedeng maging dahilan upang kaawaan ang kanyang sarili. Ang iba ay sumusuko na lamang. Ang iba ay nag-uumpisang magumon sa alak na humahantong sa pagiging bayolente at depresyon, at damdamin ng kawalang halaga at kahihiyan. Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. Filipos 4:6-7 Manalangin tulad ni Haring David nang siya ay nanganganib: Sa masamang tao, ako ay iligtas, at sa pumapatay agawin mo ako at iyong ingatan. Awit 59:2 12

Galit at Takot Ang galit at takot ay di pwedeng paghiwalayin. Ang galit ay normal na reaksyon sa takot. Sa tamang lugar at oras, ang galit at takot ay makakatulong sa atin upang makaraos. Subalit ang labis na emosyon ay maaaring makasira din bunga ng nakakatakot na karanasan. Nagiging alipin tayo nito at maaari tayong magsalita ng bagay o gumawa ng mga bagay na maaaring pagsisihan natin, sinisira nito ang relasyon natin sa ating mga mahal sa buhay tulad ng pamilya, kaibigan at maging sa mga taong kasama natin sa trabaho. Ang taong magagalitin ay laging napapasok sa gulo. Kawi 29:22 Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka, maging matiyagang maghintay sa kanya; huwag mong kainggitan ang gumiginhawa, sa likong paraan, umunlad man sila. Huwag kang mapopoot ni mababalisa, iyang pagkagalit, iwasan mo sana; walang kabutihang makakamtan ka. Ang nagtitiwala kay Yahweh, mabubuhay, ligtas sa lupain at doon tatahan, ngunit ang masama'y ipagtatabuyan. Awit 37:7-9 13

Ang nabubuhay sa pag-ibig ng Diyos at may positibong pag-uugali ay makakatulong para pagtagumpayan ang galit at takot. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili naman sa kanya. Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang pagkatakot. 1 Juan 4:16, 18 Kapag sumapit ang sandaling tumawag ako sa iyo, tiyak na malulupig ang lahat ng kalaban ko; pagkat aking nalalamang, "Ang Diyos ay nasa panig ko." Lubos akong umaasa't may tiwala ako sa Diyos; sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot. Awit 56:9, 11 Sinabi ni Hesus na ang takot sa kamatayan ay nagpapahirap sa lahat. Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno. Mateo 10:28 Ako ang nagbibigay-buhay at muling pagkabuhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Juan 11:25-26 14

15 Pagkabigo at Kawalang Pag-asa Matapos ang masamang karanasan nakakaramdam tayo ng kahinaan ng loob o kaya pagkabigo sa sarili na siyang dahilan ng pagkalugmok ng iba. Hindi natin maiiwasan na isipin ang mga masasamang bagay tungkol sa ating sarili. May mga tao sa Bibliya na makapangyarihang ginamit ng Dios, ganun pa man itinuring nila ang kanilang mga sariling bigo o hindi nila naganap ang kanilang mga trabaho. Si Gideon, isang magaling na mandirigma na tumalo sa libu-libong hukbo sa pamamagitan lamang ng tatlong daang mga sundalo, subalit mababa parin ang pagtingin niya sa sarili. (Hukom 6) Si Elijah, isang dakilang propeta, ay buong tapang na tumayo sa Bundok ng Karmel at tumawag na umulan ng apoy mula sa langit. Ngunit ng sumunod na sandali siya ay tumakas at nagtago sa disyerto. Puno ng kawalan ng pag-asa at awa sa sarili siya ay naupo sa ilalim ng puno at nanalangin na mamatay. (1Kings 18 & 19) Ang mga lalaking ito ay nakaramdam din ng stress tulad natin, subalit ang Espiritu ng Diyos ay laging handa upang ibangon tayo muli.

Sapagkat ang Espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili. 2 Timoteo 1:7 Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin. At kung magkagayo'y lalakad kang matiwasay, sa landas mo'y hindi ka matatalisod. Sa lahat ng iyong lakad wala kang aalalahanin,at lahat ng pagtulog mo ay masarap at mahimbing. 16 Kawikaan 3:5-6, 23-24

17 Panganib Nang tayo y pumasok sa karagatan ng mga pirata, nilagyan natin ng proteksiyon ang ating barko ng mga sandatahan guardiya, ng mga bakod na tinik at mga pambomba na may mataas na presyon ng tubig. Ito y nakakatulong upang hadlangan ang pag-atake ng mga pirata ngunit hindi ito sapat upang maging lubos ang ating seguridad. Ang ganap na kaligtasan tulad ng natagpuan nina Jose at Jeremias ay masusumpungan lamang sa ating Panginoon. Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang, at ang pinili mong mag-iingat sa iyo'y Kataas-taasan. Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan. Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan. Awit 91:9-11

18 Kawalan ng Katarungan Si Jeremias ay isang urong-sulong na propeta ngunit ang kanyang tibay ng loob sa serbisyo para sa Diyos ang nagbigay inspirasyon sa lahat ng humaharap ng mga matinding hirap at pag-uusig. Isang sensitibo at maawain tao, Si Jeremias ay namuhay sa dalawang bayo ng pananakop sa Jerusalem, ganun pa man, sa mahigit na apatnapung taon matapat niyang pinaaalahanan ang bansang Judio na gagamitin ng Dios ang mga taga Babylonia upang parusahan sila sa kanilang mga kasalanan, kawalan ng pananampalataya at pagsamba sa mga diyos-diyusan. Sa katapatan ni Jeremias sa mga propesiyang ibinigay sa kanya ng Diyos, naranasan ni Jeremias ang pambubugbog at hindi makatarungan pagkabilanggo, kabilang na dito ang iwan siya upang mamatay sa balon na puno ng putik. Siya ay naging malungkutin at nangulila sapagkat hindi siya pinayagan ng Diyos na mag-asawa at dahil dito nakadama siya na tila ang buhay walang kabuluhan. Matapos makaranas ng pambubugbog habang nakatanikala, sinumpa niya ang araw na siya ay ipinanganak at sinisi ang Panginoon sa paglinlang sa kanya, at hinayaan

siyang mapahiya sa karamihan upang gawin ang sinabi sa kanya ng Diyos. (Jeremias 20 & 37) Ngunit malakas ang kanyang pananampalataya at tiwala sa Diyos upang ito y muling sabihin niya: Subalit ikaw, Yahweh, ay nasa panig ko, tulad sa malakas at makapangyarihang mandirigma; mabibigo ang lahat ng umuusig sa akin, mapapahiya sila at hindi magtatagumpay kailanman. Hindi na makakalimutan ang kanilang kahihiyan habang panahon. Jeremias 20:11 Sa kabila ng matinding pagsubok na pinahintulot sa kanya na mangyari, niligtas ng Diyos si Jeremias. Sa oras ng mga kahirapan, marami tayong matututunan mula sa kanyang katigasan ng ulo. Basahin ang aklat ni Jeremias sa Bibliya at matutong magtiwala sa Panginoon kapag ikaw ay nahaharap sa panganib at kahirapan. Sangdaang taon lumipas, sumulat si apostol Santiago: Mapalad ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoon a sa mga umiibig sa kanya. Santiago 1:12 19

Ang kawalan ng katarungan ay maaaring maganap kahit saan. Di lamang ang mga pirata sa dagat ang pwedeng manakit sa atin! Ang buhay ay sadyang hindi patas o makatarungan, at hindi kailanman. Ito ang isinulat ni propeta Isaias may 2,700 taon ng lumipas: Hindi matagpuan ang katotohanan, kaya nanganganib ang buhay ng mga tao, na ayaw gumawa ng kasamaan. Nang makita ni Yahweh na wala nang katarungan, siya ay nalungkot. Nakita niya na wala kahit isang magmalasakit sa mga api. Dahil dito'y gagamitin niya ang kanyang kapangyarihan upang sila'y iligtas,at siya'y magtatagumpay. 20 Isaias 59:15-16

Si Hesus Kristo ay biktima ng kawalan ng katarungan, subalit inako Niya ang ating mga kasalanan at namatay upang tayo ay magkaroon ng kaligtasan. 21 Hinamak siya ng mga tao at itinakwil. Nagdanas siya ng hapdi at hirap. Wala man lang pumansin sa kanya. Binale-wala natin siya, na parang walang kabuluhan. Tunay ngang inalis niya ang ating mga kahinaan, pinagaling niya ang ating mga karamdaman. Subalit inakala nating iyo'y parusa ng Diyos sa kanya. Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasa maan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na di nanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap. Isaias 53:3-5

22 Kaligtasan Ang buhay sa dagat ay maaaring magdala sa atin harap-harapan sa realidad ng takot at kamatayan. Ang ating mga mahal sa buhay ay nagmamalasakit sa atin, lalong higit ang Panginoong Hesus. Ibinigay Niya ang isang pinakamagandang halimbawa ng pagpapakasakit sa sarili dalawang libong (2000) taon na ang nakalipas sa isang burol na malapit sa Jerusalem kung saan ipinako Siya (Jesus). Sinabi ni Jesus, "Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa."] Pinaghati-hatian ng mga kawal ang damit ni Jesus. Sila'y nagpalabunutan upang malaman kung kanikanino mapupunta ang bawat kasuotan niya. Ang mga tao nama'y nakatayo roon at nanonood, habang si Jesus ay kinukutya ng mga pinuno ng bayan. Sinabi nila, "Iniligtas niya ang iba; iligtas niya ngayon ang kanyang sarili kung siya nga ang Cristo na hinirang ng Diyos!"

Sumigaw nang malakas si Jesus, "Ama, sa mga kamay mo'y ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!" At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga. Lucas 23:34-35, 46 Nakatayo sa harap ng krus ang opisyal ng mga kawal. Nang makita kung paano namatay si Jesus, sinabi niya, "Tunay ngang Anak ng Diyos ang taong ito!" Marcos 15:39 Ipinako sa krus si Hesus hindi dahil Siya ay kriminal - hindi Siya nakagawa kahit isang kasalanan man. Sa halip, binigay Niya ang kanyang buhay para sa ating mga kasalanan. Sa huling sandali ng Kanyang buhay, tanging ang Kanyang alagad na si Juan kasama si Maria at ilan pang mga kababaihan ang naroon. At ang ilan sa Kanyang mga tagasunod ay tumakas. Sa pamamagitan ng pag-alay ng Kanyang buhay, nagapi Niya ang kamatayan sapagkat matapos ang tatlong araw Siya ay nabuhay mula sa kamatayan. Nalupig ni Hesus ang kamatayan at kasalanan magpakailanman upang ang sinuman ang naniniwala at sumunod sa kanya ay magkakaroon din ng buhay na walang hanggan. Ibinigay niya ang Kanyang buhay para sa atin dahil sa Kanyang malasakit. 23 at hindi Niya tayo kailanman iiwan.

Lahat tayo ay mayroon mga pangamba at takot na pwede natin pagtagumpayan lamang sa tulong ng Diyos. Tinanggap Niya kung ano tayo at nais lamang Niya na magtiwala tayo sa kanya. Magiging tunay lamang ang ating kaligtasan kung tatanggapin natin ang regalo ng Dios na buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Kanyang Anak na si Hesus Kristo. Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sum ampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Juan 3:16 Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. Roma 3:23 Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. Roma 6:23 Kung ipahahayag ng iyong labi na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. Roma 10:9 At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito'y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Ang sinumang pinapanahanan ng Anak ng Diyos ay mayroong buhay na walang hanggan, ngunit ang hindi pinapanahanan ng Anak ng Diyos ay hindi makakaranas ng 24 buhay na walang hanggan. 1 Juan 5:11-12

25 Kapayapaan Kapag inilagay natin ang ating tiwala sa Panginoong Hesu Kristo maaari nating hilingin sa Kanya na tulungan tayong lutasin ang ating mga problema at mabuhay tayo sa paraan nais Niya sa atin. Sa pagbabalik natin sa ating mga tahanan, mahihirapan ang ating mga mahal sa buhay na tayo ay pakisamahan lalo na kung apektado tayo ng masamang karanasan. Ang susi ng matagumpay na pagbangon muli ng ating relasyon ay ang dahan-dahan natin harapin ang mga bagay-bagay sa buhay at magkaroon ng kamalayan sa mga pangangailangan ng ating pamilya. Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon. Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. Filipos 4:5-7 Kasama natin ang Dios, tayo man ay nasa dagat o nasa ating tahanan.

Kung tayo ay nasa dagat, maliit lamang ang ating pagkakataon na makadalaw sa isang doktor at makakuha ng mga praktikal na payo, ngunit maaari natin tulungan ang ating sarili sa pamamagitan ng panalangin at pagsunod sa ilang mga simpleng alituntunin: Panatilihing normal ang buhay hangga't maaari at bumalik sa iyong mga karaniwang ginagawa habang nasa barko o sa tahanan. Makipag-usap tungkol sa kung ano ang nangyari sayo sa taong pinagkakatiwalaan mo, huwag mong sarilinin ang iyong nararamdaman. Subukan mag-relax at mag-ehersisyo upang bumuti ang kalusugan, huwag lamang sobrahang mapagod. Kumain ng tama at mag ehersisyo ng wasto. Umiwas sa pag-inom ng sobrang alak at kape at paninigarilyo, ito ay hindi makakabuti. Maglaan ng sapat na oras para sa pamilya at mga kaibigan. Mag-ingat sa iyong mga ginagawa, kung ikaw ay nagmamaneho, maaaring mahina o mabagal ang iyong konsentrasyon. Gawing doble ang pag-iingat upang makaiwas sa aksidente. Umasa na magiging mabuti ang sitwasyon ngunit hwag umasa na mawawala agad ang masamang alaala. Huwag madaliin ang sarili tungkol sa nararanasang. Ang mga PTSD sintomas nito ay hindi isang palatandaan ng kahinaan bagkus ito ay isang normal na reaksyon sa mga taong normal na may karanasan nito. Kung nais mong i-download ang isang kumpleto at buong impormasyon tungkol sa PTSD sa Ingles, bisitahin ang website na 26

http://www.seafarersmentalhealth.org/ http://maketheconnection.net/conditions/ptsd?gclid= COSRha2t9r4CFVglvQodjzMATg Ang Bibliya ay salita ng Diyos Marami itong masasabi kung paano natin mahanap ang kapayapaan at kaligtasan sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Hesus Kristo. Upang mahanap ang mga talata sa iyong Bibliya na tinutukoy, tignan sa buklet na ito: Halimbawa sa pahina 9, Santiago 1:2-6 ay tumutukoy sa Aklat ni Santiago: Kabanata 1 talata 2-6. 27 Scriptures quotations are taken from: The Holy Bible, New International Version (Anglicised edition) Copyright 1979,1984, 2011 by Biblica (formerly IBS) Used by permission of Hodder & Stoughton Publishers, an Hatchette UK company All rights reserved. NIV is a registered trademark of Biblica (formerly IBS). UK trademark number 1448790 Photographs: Copyright Courtesy of Shutterstock, page 5 Asianet-Pakistan/Shutterstock.com Tagalog 2014

Published for Seafarers Missions by Naval Military & Air Force Bible Society Castaway House 311 Twyford Avenue Portsmouth PO2 8RN United Kingdom www.nmafbs.org Registered Charity Number 1102593 28 NM& AFBS