Kanser sa Cervix. Cervical Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Similar documents
Kanser sa Prostata. Prostate Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Kanser sa Suso. Breast Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Kanser sa Sikmura. Stomach Cancer / Tagalog Copyright 2018 Hospital Authority. All rights reserved 1

Talamak na Paghina ng Bato

Kanser sa Balat. Skin Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Maaaring magdusa ang sinuman mula sa glaucoma. Gayunman, mas mataas ang panganib sa mga mas matandang tao.

Sakit sa Ugat ng Puso

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Dementia. DEMENTIA / Tagalog Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 1

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

2014 NATIONAL POISON PREVENTION WEEK. Heavy metals?

Depresyon. Depression / Tagalog Copyright 2018 Hospital Authority. All rights reserved 1

Atlantic Health System

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Radiofrequency Ablation Para sa Paggamot ng mga Solidong Tumor

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

Maagang Paghilab. Mga Tanda at Sintomas. Alamin ang mga tanda ng maagang paghilab at kung ano ang magagawa mo kung sakaling mangyari ito.

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Transjugular Intrahepatic Portosystemic Shunt (TIPS) Hinggil sa inyong prosedyur

Percutaneous (Sa Balat) Pantiyan o Pambalakang na Drain

Advance Directive - ALASKA

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Pag-access at Pagbabago ng mga Rekord ng Kalusugan

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

GRADE VI GAMIT NG GRID

Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

Stake Audit Committee

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Kabanata 3. Sa kabanatang ito: 32 Ang Sistemang Medikal. Ang Sistemang Medikal Mga importanteng serbisyong pangkalusugan...

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Pamantayan para sa Mga Palaisdaan ng Seafood Watch

Tamang uri ng pamumuhay

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Health TALK. Naarawan BUNTIS? Ano ang ibig sabihin ng bilang ng SPF sa sunscreen ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Iba pang mga wika at format

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

Direktoryo ng Provider at Parmasya

Ang Panganganak sa Ibang Lupain

Pang-aabusong Sekswal sa Kulungan: Isang Pandaigdigang Krisis sa Karapatang Pantao

PAGKAIN AT MGA HAIN para sa mga sanggol. Tagalog/ filippinsk

Mahalagang impormasyong legal, mga paghahayag, at mga patakarang kailangan ninyong malaman

E P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

Sistema Administratibo

Medi-Cal. Taon ng Benepisyo Handbook ng Miyembro ng Medi-Cal para sa

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

Gabay ng Magulang Paghahanda para sa Operasyon/Procedure ng Iyong Anak A Parent s Guide Preparing for Your Child s Surgery/Procedure (Tagalog)

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

ANG NATIONAL HOCKEY LEAGUE

PERSONAL NA PAGSAKOP PARA SA MGA MAY-ARI NG NEGOSYO

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

Pagiging Magulang mga pagpapasiya

Financial Assistance Documents

Gabay ng Guro sa pag Gamit ng Flip Chart

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

I. LAYUNIN PATAKARAN. Pamagat: Patakaran sa Tulong Pinansyal. Patakaran Pamamaraan Alituntunin Iba pa: Saklaw: Sistema Departamento:

panalongtaglamig 2018

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

Mahahalagang Bagay. Mahahalagang Bagay. Iba Pang Mga Paunawa. Iba Pang Mga Paunawa (Bawat Modelo)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Sinusuportahang Pagtatrabaho sa pamamagitan ng DOR: Fact Sheet ng Pagkanararapat at Nasasaklawan ng mga Serbisyo

Transcription:

Kanser sa Cervix Ang kanser sa cervix ay karaniwan sa Hong Kong. Nasa ika-sampung antas ito ng kanser ng kababaihan na may higit sa 400 mga bagong kaso bawat taon. Ipinapakita ng istatistika sa mga nakaraang taon ang pagbaba ng edad sa pag-diagnose sa mga pasyente. Sa katunayan, lahat ng kababaihan na nasa pagitan ng edad na 20 at 70 taon ay nasa panganib ng sakit. Ipinapakita ng mga numero na ang antas ng lunas ng maagang kanser sa cervix ay maaaring umabot hanggang 90%. Gayunman, karaniwang walang sintomas ang sakit sa pagsisimula nito. Sa gayon, ang mataas na pag-unawa tungkol sa kanser sa cervix at pakikilahok sa mga angkop na pamamaraang panlaban ay magpapahusay sa antas ng lunas ng kanser sa cervix sa pamamagitan ng maagang pag-diagnose at pamamahala ng sakit. Dapat na isaalang-alang ang bakuna sa kanser sa cervix ng mga kababaihan na hindi pa kailanman nakipagtalik. Para sa mga taong nagsimulang makipagtalik sa edad na 25 o pataas, kinakailangan ang regular na pagsusuri sa kanser sa cervix. (Espesyal na pasasalamat kay Prof. Hextan Y S NGAN, Pinuno ng Serbisyo, Departamento ng Obstetrics at Gynaecology, Ospital ni Queen Mary sa pagsusuri ng impormasyon sa pahinang ito.)

1. Ano ang Kanser sa Cervix? Ang cervix ay nasa tuktok ng vagina at namamalagi sa ibabang bahagi ng bahay-bata. Ang impeksiyon sa pamamagitan ng human papillomavirus (HPV) (isang pamilya ng mga virus na humahawa sa balat at sa mucosal membranes na pumapaligid sa katawan) ay maaaring maging sanhi ng hindi karaniwang mga pagbabago sa mga selula ng cervix, isang kondisyon na tinatawag na Cervical Intraepithelial Neoplasia (CIN). Hindi kanser ang CIN, ngunit mayroong pagkakataon na maaari itong mabuo bilang kanser.

2. Sino ang mga nasa panganib ng Kanser sa Cervix? Mas madaling kapitan ng kanser sa cervix ang mga kababaihang may mga ganitong kondisyon: Ang paulit-ulit na impeksyon ng HPV, lalo na ng mga HPV type na 16 at 18, ay nagpapataas sa panganib ng CIN Dati nang nakipagtalik, lalo na kung nagsimula sa maagang edad Mga sakit na naililipat sa pamamagitan ng pakikipagtalik Kung mas maraming kapareha sa pakikipagtalik na mayroon ang isang babae o ang kanyang kapareha, mas malaki ang panganib ng kanser sa cervix Huminang resistensiya sa sakit, talamak na sakit sa bato, AIDS o iba pang sakit ng immune system Paninigarilyo 3. Paano iwasan ang Kanser sa Cervix? Maaaring makatulong ang mga sumusunod na paraan upang maiwasan ang kanser sa cervix: Huminto sa paninigarilyo Ingatan ang personal na kalinisan. Ugaliin ang mas ligtas na pakikipagtalik. Maaaring makatulong ang palagiang paggamit ng condom na mabawasan ang pagkakaroon ng impeksiyon ng HPV o iba pang sakit na naililipat sa pamamagitan ng pakikipagtalik Makababawas ng pagkakataon na magkaroon ng kanser sa cervix ng 90% ang regular na pagpapasuri sa kanser sa cervix (kilala rin bilang "Pap test"). Dapat gawin ang pagpapasuri nang isang beses sa bawat taon sa simula at pagkatapos ng dalawang magkasunod na normal na resulta, isang beses sa bawat tatlong taon pagkatapos noon. Bakuna para sa kanser sa cervix

4. Ano-ano ang dahilan ng Kanser sa Cervix? Ang 70% ng kanser sa cervix ay sanhi ng dalawang HPV subtypes, iyan ay, HPV 16 at 18. Ang Genital HPV ay kalimitang naililipat sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Maaaring humantong sa CIN ang patuloy na impeksiyon sa cervix ng HPV. Pagkatapos ng mahabang panahon, maaari itong maging kanser sa cervix. CIN Ang CIN ay hindi kanser. Ito ay kondisyon bago ang pangyayari ng kanser. May tatlong uri ng CIN. CIN 1 mga hindi karaniwang pagbabago na saklaw lamang ang 1/3 na kapal ng balat na bumabalot sa cervix CIN 2-2/3 na kapal ng cervix ang saklaw CIN 3 - kabuuang kapal ng cervix ang saklaw Kung hindi maayos na gagamutin ang CIN 3, ang pagkakataon na ito ay mabuong kanser sa loob ng 10 taon ay halos 40%. 5. Ano-ano ang sintomas ng kanser sa cervix? Ang kanser sa cervix sa kanyang maagang yugto ay maaaring hindi magpakita ng anumang sintomas. Kung napansin mo ang mga sumusunod, dapat kang kumonsulta sa iyong doktor at sumailalim sa pagsusuri sa lalong madaling panahon: Hindi karaniwang pagdurugo sa vagina Pagdurugo sa pagitan ng mga panahon o pagkatapos ng pagtatalik Pagdurugo ng vagina pagkatapos ng menopause Bahid ng dugo sa likidong lumabas sa vagina Kabilang sa iba pang sintomas ang: Masamang amoy na likidong lumalabas sa vagina Maaaring mangyari sa malalang yugto ng kanser sa cervix ang pananakit ng likod, namamagang paa o kahirapan sa paglabas ng dumi

6. Paano suriin at gumawa ng pag-diagnose para sa Kanser sa Cervix? Kung naghihinalang may kanser sa cervix matapos alamin ang kasaysayan, isasaayos ng doktor ang mga sumusunod na pagsusuri: Pagsusuri para sa kanser sa cervix o "Pap smear test": isang hindi masakit na pamamaraang nangangailangan lamang ng ilang minuto. Kakailanganin ang mga pamamaraan ng muling pagtingin kung may mga hindi karaniwang pagbabago o selula ng kanser ang nakita. Colposcope: pagsusuri at pagtatasa ng anumang bukol sa cervix Cervical biopsy: kung matatagpuan ang bukol sa cervix sa panahon ng pagsusuri, kukuha ng sample ng tisyu at dadalhin para sa pathology test. Mga pagsusuri ng dugo, X-ray at iba't ibang pag-scan: upang matukoy ang lugar na apektado ng kanser at gabayan ang mga estratehiya ng paggamot. Ang kanser sa cervix ay may 4 na yugto: Stage I nanghimasok na ang mga selula ng kanser sa pang-ilalim na tisyu (na nasa ilalim ng balat) ngunit nananatiling nakakulong sa cervix uteri. Stage II kumalat na ang mga selula ng kanser sa mga tisyu na nasa paligid ng cervix o itaas ng vagina. Stage III kumalat na ang mga selula ng kanser sa mga gilid na bahagi ng pelvic cavity o 1/3 sa mababang bahagi ng vagina. Stage IV kumalat na ang mga selula ng kanser sa iba pang pangunahing organ, hal., pantog, malaking bituka o baga.

7. Ano ang paggamot para sa Kanser sa Cervix? Maaaring imungkahi ng doktor ang mga sumusunod na paggamot para sa kanser sa cervix: (1) Paggamot sa pamamagitan ng operasyon Bukod sa mga bukol sa cervix, inaalis din ang bahay-bata, bahagi ng vagina, mga tisyu sa paligid ng bahay-bata at lymphatic tissues. Isasaalang-alang ang edad ng pasyente sa pagpasya sa pagtanggal ng mga obaryo. (2) Radiotherapy Mayroong dalawang uri ng radiotherapy, panlabas na radiotherapy at panloob na radiotherapy. Karaniwang ginagamit ang mga nang magkasama para sa pinakamahusay na resulta. Panlabas na radiotherapy - paggamit ng linear accelerator upang makapaghatid ng may malalakas na sinag ng radiation sa mga lugar ng bukol at sa buong pelvic cavity upang puksain ang bukol. Panloob na radiotherapy - isinasagawa ang pamamaraang ito silid-operasyon kapag ang pasyente ay nasa ilalim ng general anesthesia. Isisingit ng doktor ang isang maliit na aparato sa vagina at cervix ng pasyente, na sa pamamagitan nito ay ibinubuga ang radiation para sa paggamot. Karaniwang sumasailalim ang pasyente nang 3 hanggang 4 na beses ng paggamot na tumatagal nang 10 hanggang sa ilang dosenang minuto sa bawat pagkakataon. Mga potensiyal na pangalawang epekto ng radiotherapy: Pagtatae at pagkapagod Pagdurugo ng pantog o tumbong Pagkipot ng vagina (3) Chemotherapy Tumutulong ang chemotherapy upang paliitin ang bukol at katuwang sa radiotherapy upang mapahusay ang epekto. Karaniwang ginagamit ang intravenous chemotherapy na pag-iiniksiyon ng gamot sa pamamagitan ng ugat. Kapag isinagawa ang chemotherapy kasama ng radiotherapy, humahantong ito sa

pagbaba ng bilang ng dugo ng pasyente, na nagreresulta sa pagkapagod at paghina ng resistensiya sa impeksiyon. Maaaring kailanganin ng pasyente na lapatan ng antibiotics at iyong may anemia ay maaaring kailanganing salinan ng dugo. Ang operasyon at radiotherapy ay may parehong epekto sa Stage I at II ng kanser sa cervix. Ngunit para sa mas batang mga pasyente na mas mahusay ang kondisyon ng kalusugan, mas pinipili ang operasyon upang sagipin ang mga obaryo para sa mga reproductive hormone. Maaari din nitong ibaba ang epekto sa seksuwal na buhay na may kaugnayan sa pagkipot at pagtigas ng vagina bilang resulta ng radiotherapy. Ang pangmatagalang epekto ng operasyon ay mas mababa kaysa sa radiotherapy. Para sa kanser sa cervix sa huling yugto, ang radiotherapy at tumutulong na chemotherapy ang mga pangunahing paggamot. 8. Ano-ano ang mga potensiyal na komplikasyon ng paggamot? Mga komplikasyon na maaaring mangyari sa panahon ng operasyon para sa kanser sa cervix: Mga pinsala sa pangunahing daluyan ng dugo sa panahon ng operasyon na nagiging sanhi ng napakaraming pagdugo. Ang kondisyon ay nakamamatay. Mga pinsala sa pantog, tumbong, ureter (ang tubo mula sa mga bato patungo sa pantog) at mga ugat. Maaaring kailanganin ng mga pasyente ng isa pang operasyon kung hindi maiiwasan. Potensyal na mga masamang epekto pagkatapos ng operasyon: Mahirap na pag-ihi Edema (pagpigil ng likido na nagiging sanhi ng pamamaga ng apektadong lugar) ng ibabang paa, banayad na pamamanhid ng mga hita Pagtitipon ng mga lymph sa pelvic cavity na nagiging sanhi ng lymphocele (isang malaking, masa na may cyst at puno ng likido na lymphatic) at magkakasunod na impeksiyon Pagdurugo o hematocele (koleksiyon ng dugo) ng vagina, impeksiyon ng sugat Hindi mabuntis

9. Paano alagaan ang pasyenteng may Kanser sa Cervix? Pisikal na mas mahina ang mga pasyente pagkatapos ng paggamot. Kabilang sa mga paraan upang mapahusay ang paggaling at mapalakas ang resistensiya ang: Pagiging pisikal na aktibo sa lalong madaling panahon Sapat na pahinga at ehersisyo: hal. paglakad, calisthenics, tai chi, qigong atbp. Huminto sa paninigarilyo at pag-inom ng alkohol Para sa diyeta, dapat na: o Iwasan ang pagkain ng maanghang, nakapreserba o mataba o Magdiyeta ng mataas sa protina at mga bitamina. Pagkain ng mga sariwang prutas at gulay upang mapadali ang pagdumi Seksuwal na buhay: dapat na magpigil ang mga pasyente mula sa pakikipagtalik sa loob ng unang 6 na linggo pagkatapos ng operasyon upang mapabilis ang paggaling ng sugat. Maaaring ipagpatuloy ang pakikipagtalik pagkatapos na ganap gumaling ang katawan.