Anyaya ni Jesus: Halina sa Ama, sa pamamagitan Ko at sa patnubay ng Espiritu Santo

Similar documents
Anyaya ni Jesus: Halina sa Ama, sa pamamagitan Ko at sa patnubay ng Espiritu Santo

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Ang Makisig at Hangal na Hari

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Si Hesus at Si Zaqueo

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

Panalangin ng mga Kristiyano sa Maghapon Liturgy of the Hours

TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 PAGSUSULIT ARALIN I "ANG BIBLIA"

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

GRADE VI GAMIT NG GRID

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

WORSHIP GOD IN SPIRIT AND TRUTH

Pagsasanay sa Filipino

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

LITRATO IPNAGKALOOB NG CHURCH MEDIA LIBRARY

Pinagkaloob ang pahintulot na kopyahin itong kasulatan para layunin na pag-aralan ang librong Galatia.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

HESUS, anak ni MARIA-PROPETA hindi DIYOS Sinulat ni Ahmed Jibreel Salas Revised edition, Feb

Lesson 11: GOD S GUARANTEED PROTECTION: DELIVER US FROM EVIL Series: PRAYER ROCKS THE WORLD

- 2 -

Ikapu at mga Handog-ayuno

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Panalangin ng mga Kristiyano sa Maghapon Liturgy of the Hours

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Panalangin ng mga Kristiyano sa Maghapon Liturgy of the Hours

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

Oops... Ingat sa Lansangan

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Lumapit Kayo sa Akin. July 25, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 11:25-30

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

BALIWAG BIBLE CHRISTIAN CHURCH We exist to build local and global GRACE-communities of committed followers of Christ for the glory of God.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

BOOK 1: ONE BY ONE (FILIPINO) Copyright 2016 by Global Leadership Center

FOR FREEDOM CHRIST HAS SET US FREE

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Panalangin ng mga Kristiyano sa Maghapon Liturgy of the Hours

I.~ lc "AN<17PAG-AASAWA AT ANG

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

Failure of Worship (Mal. 1:6-14)

Paghahanda para sa Kadakilaan

Panalangin ng mga Kristiyano sa Maghapon Liturgy of the Hours

,Ang nga tao ay nasuri, katapatan sa ahapters ata Bíble verses.

Kapag naatasan kang magsalita

Panalangin ng mga Kristiyano sa Maghapon Liturgy of the Hours

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ayon kay Marcos (Gospel of Mark)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

TAGALOG CHRISTIAN LIFE PROGRAM

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Theolohiya Sistematica Conrad Jun Tolosa

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ika-4 Linggo sa Pagdatal Taon B

Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya.

BANAL NA PAGBABASA PARA SA PAMILYA

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Transcription:

Gabay sa pagbubuo ng Katekesis para sa Pampublikong Mababang Paaralan Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila Research, Planning and Development Office Revised 2010 Anyaya ni Jesus: Halina sa Ama, sa pamamagitan Ko at sa patnubay ng Espiritu Santo Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay, walang makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan Ko. (Juan 14:6) (Ang mga katagang ito ng Panginoong Jesus ang siyang naging inspirasyon sa pagpili ng titulo ng syllabi na ito.) PANGKALAHATANG LAYUNIN Ninanais ng syllabina ito ang ipahayag ang Misteryong ng Pagkakatawang Tao ni Jesukristo, ang Bugtong na Anak ng Ama at tanging Tagapagligtas, hindi lamang ang ipakilala kundi iugnay sa matalik na pakikiisa ang mga tao sa Kanya (NCDP 2007,#121), na Siya lamang ang mag-aakay sa atin na mahalin ang Ama kasama ng Espiritu Santo at magbahagi sa atin n g b u h a y n g B a n a l n a Santatlo (KIK 426). DAGLAT [ ABBREVIATIONS ] NCDP - National Catechetical Directory for the Philippines KIK - Katesismo ng Iglesia Katolika KPK - Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko PCP II - Second Plenary Council of the Philippines Vatican Council II [ The Conciliar and Post Conciliar Documents ] GS - Gaudium et spes ( Pastoral Constitution on the Church in the Modern World ) SC - Sacrosanctum concilium ( The Constitution on the Sacred Liturgy ) LG - Lumen Gentium ( Dogmatic Constitution on the Church ) DV - Dei verbum ( Dogmatic Constitution on Divine Revelation )

Unang Baytang Paksa 1 O DIYOS ANG GALING MO! Paksa 2 NILIKHA AKO NG DIYOS NA NAIIBA Paksa 3 ANG AKING PAMILYA AY REGALO NG DIYOS Paksa 4 ANG ANGHEL KONG TAGATANOD Paksa 5 ANG DIYOS AY LAGI KONG KASAMA Paksa 6 JESUS, ANAK NG DIYOS Paksa 7 JESUS, ANG ANAK NG DIYOS, ISINILANG NI MARIA Paksa 8 JESUS, ANG MASUNURING ANAK Paksa 9 JESUS, PINAKILALA ANG DIYOS BILANG AMA ( AMA NAMIN ) Paksa 10 ANG DIYOS ESPIRITU SANTO, PINAKA-DAKILANG REGALO NG AMA AT NI JESUS Paksa 11 BIBLIYA: BANAL NA AKLAT Paksa 12 SIMBAHAN: BAHAY NG DIYOS, BAHAY DALANGINAN Paksa 13 ANG PAG- AANTANDA NG KRUS Paksa 14 SA BANAL NA MISA, PATULOY AKONG NAGPUPURI SA AMA Paksa 15 MARIA, PINAGPALA SA BABAENG LAHAT Paksa 16 NAIS NG DIYOS NA MAKAPILING KO SIYA SA LANGIT, KASAMA NG MGA BANAL

Paksa 1: O DIYOS ANG GALING MO! LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang Masasabi na ang Diyos Ama ay makapangyarihan, Siya ang lumikha ng lahat. Makakapamili ng mga gagawin bilang pag-aalaga at pag-iingat sa mga nilikha ng Diyos. Makakaawit ng awiting papuri at paghanga sa Diyos. SITWASYON NG BUHAY : Mga nakikita nilang nilikha ng Diyos sa paligid. KAHALAGAHAN :Paghanga / Pangangalaga SALITA NG DIYOS : Genesis 1:1-31 ( Kasaysayan ng Paglikha ) Pinagmasdan ng Diyos ang lahat Niyang ginawa at lubos Siyang nasiyahan. Pagsamba : Purihin at pasalamatan natin ang Diyos Ama sa Kanyang mga nilikha. ( Salmo 95:1-2,6-7) Katotohanan : Ang Diyos Ama ay Makapangyarihan. Siya ang lumikha ng lahat. (KIK 268, KPK 321) Pagsasabuhay : Bilang paghanga sa lahat ng nilikha ng Diyos, alagaan at ingatan ang mga ito. (KIK 307, KPK 341) Paninindigan:Naniniwala ako na ang Diyos Ama ay makapangyarihan. Siya ang lumikha ng lahat. Pagtatalaga: Pumili sa mga sumusunod na gagawin mo pagdating sa bahay. Lagyan ng Tsek. 1. Pagdidilig ng halaman o pagtatanim. 2. Paglilinis ng kapaligiran. 3. Pag-aalaga ng hayop. 4. Pagtatapon ng kalat sa basurahan. Pagdiriwang: Magpaguhit ng larawan ng mga nilikha ng Diyos, ipatataas at ipasasabi sa mga bata ng buong

puso: O Diyos Ama, ang galing mo!!! SALAMAT PO. Aawitin: 0 kay ganda, 0 kay ganda ng ating daigdig. Ang lahat ng ito ay nilikha ng ating Diyos Ama, langit, lupa, araw, bituin, hayop, tubig, at iba pa. Paksa 2: NILIKHA AKO NG DIYOS NA NAIIBA LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang Matutukoy na ang tao ang pinaka-espesyal na nilikha ng Diyos Makakapagbahagi ng mga tamang paraan ng paggamit at pag-aalaga sa katawan. Makakaawit ng awiting "Salamat sa Buhay" bilang pasasalamat sa Diyos. SITWASYON NG BUHAY : Talakayin ang nagagawa ng mga sumusunod : mata, ilong, bibig, tainga, kamay at paa. KAHALAGAHAN : Tamang pag-gamit ng mga bahagi ng katawan SALITA NG DIYOS : Genesis 1:26-27 "Pagkatapos... ngayon, lalangin natin ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin." Katotohanan : Ang tao ang pinaka-espesyal na nilikha ng Diyos. (KIK 355, KPK 334) Pagsamba : Sa panalangin, marapat na purihin at pasalamatan ang Diyos sa paglikha sa atin. (Salmo 139:13-14) Pagsasabuhay : Nais ng Diyos na gamitin natin ang mga bahagi ng ating katawan sa kabutihan at panatilihing malinis. (KIK 2348, Galacia 3: 27)

Paninindigan: Ako ang pinaka-espesyal na nilikha ng Diyos. Pagtatalaga: katawan? Paano mo ipapakita ang tamang pag-gamit ng mga bahagi ng iyong Pagdiriwang:Aawitin: SALAMAT SA BUHAY! (may kilos ) Koro: 0, Salamat sa buhay na sa akin binigay ng Amang mapagmahal, o kay ganda ng buhay. ang mata ko ay buhay, ang ilong ko ay buhay. ang bibig ko ay buhay, ang tainga ko ay buhay. (Ulitin ang Koro) ang kamay ko ay buhay, ang beywang ko ay buhay. Ang tuhod ko ay buhay, ang paa ko ay buhay... Takdang Aralin : Magdala ng Family Picture Paksa 3: ANG AKING PAMILYA AY REGALO NG DIYOS LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang Magkakaroon ng kaalaman na ang pamilya ay regalo ng Diyos. Makakapaglahad ng mga gawain na nagpapakita ng pagmamahal sa pamilya. Makakapag-alay ng panalanging pasasalamat sa Diyos na nagbigay sa kanila ng pamilya. SITWASYON NG BUHAY: Kahalagahan o karanasan ng may kasama. KAHALAGAHAN: Pagmamahal sa Pamilya SALITA NG DIYOS: Genesis 2:18 Hindi mainam na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong.

Katotohanan: Binigyan tayo ng Diyos ng pamilya na makakasama at mangangalaga sa atin. (KIK 2203, KPK 1014; Ang pamilya ang unang paaralan sa pag-aalagad ) Pagsasabuhay :Nais ng Diyos na igalang at sundin ang ating ama t ina na bigay Niya sa atin. ( ika apat na utos ng Diyos ; KIK 2197, KPK 1002) Pagsamba : Ang panalangin ay nakapagpa-pasigla sa Pamilyang Kristiyano. (Familiaris Consortio 62 ikalawang talata ; A ng pa mil ya ng nananalangin ng samasama ay nananatili sa isa t-isa. - Fr. Patrick Peyton) Paninindigan:Tatawag ng ilang bata upang ipaki-lala ang bawat kasapi ng kanilang pamilya (dala ang kanilang Family Picture ) Buong pusong sasabihin: Ito ang aking pamilya, sila ay regalo ng Diyos sa akin. Pagtatalaga:Paano mo ipapakita ang pagmamahal sa iyong pamilya? Pagdiriwang:Simpleng panalangin para sa pamilya na pangungunahan ng Katekista Awitin: (to the tune of London Bridge) Salamat sa Diyos Ama Binigay si Tatay Kasama si Nanay Si Kuya t Ate (aawitin ito habang itinataas ang kanilang Family picture ) Paksa 4: ANG ANGHEL KONG TAGATANOD LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang Masasabi na ang anghel ay mga espirituwal na nilalang na sinugo ng Diyos upang mangalaga at tumulong sa atin. Makakapangako na araw - araw ay magdarasal sa Angel na Tagatanod at magiging masunurin. Makakapagdarasal ng buong puso sa Anghel na Tagatanod. SITWASYON NG BUHAY : Karanasan sa mga taong tumutulong at nag-aalaga sa atin para hindi tayo mapahamak.

KAHALAGAHAN : Paniniwala at pagtitiwala sa ibang tao SALITA NG DIYOS : Daniel 6:10-23 Hindi po ako naano pagkat ang bibig ng mga leon ay pinatikom ng mga anghel na sinugo ng aking Diyos. Exodo 23:20-21 a Salmo : 91:11 Katotohanan :Ang mga anghel ay mga espiritwal na nilalang na sinugo ng Diyos upang mangalaga at tumulong sa atin. ( KIK 336, KPK 337) Pagsasabuhay: Huwaran natin ang mga anghel sa pagsunod sa Diyos Ama. (KIK 329, KPK 335) Pagsamba :Sa panalangin natin sa mga Anghel na Tagatanod ay ipinapahayag natin ang pagtitiwala sa pangangalaga at patnubay nila sa atin lalo na sa sandali ng pangangailangan.(kpk 337) Paninindigan:Naniniwala ako na ang mga anghel ay mga espiritwal na nilalang na sinugo ng Diyos upang mangalaga at tumulong sa akin. Pagtatalaga:Araw-araw akong mananalangin sa Anghel kong Tagatanod at tutularan ko rin siya sa pagsunod sa Diyos Ama at sa aking mga magulang. Pagdiriwang:Panalangin sa Anghel na Tagatanod / Angel of God ( prayer booklet pahina 13 )Anghel ng Diyos, anghel kong mahal Na sa iyo ako pinaalagaan. Halinang lagi sa aking piling, upang ako ay tanglawan, bantayan at akayin sa Diyos. Amen. Paksa 5: ANG DIYOS AY LAGI KONG KASAMA LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang Masasabi na ang Diyos ay lagi nating kasama. Makakapagpakita ng mga paraan ng pagtitiwala sa Diyos. Makakapagbigay papuri sa Diyos sa panalangin. SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng bata sa mga sitwasyon na nakakadama sila ng takot, tulad ng brown-out, unang araw ng klase, nawala sa isang lugar, nag-iisa sa bahay, at iba pa.

KAHALAGAHAN: Pagtitiwala SALITA NG DIYOS: Levitico: 26:12 Ako y inyong kasama saanman kayo magpunta; ako ang magiging Diyos ninyo at kayo naman ang magiging bayan ko. Katotohanan :Ang Diyos ay lagi nating kasama. ( KIK 207) Pagsasabuhay :Nais ng Diyos na ang naniniwala sa Kanya ay magtitiwala rin sa lahat ng oras ( KIK 227 ). Pagsamba :Sa panalangin, buong puso nating pinapahayag ang ating pagtitiwala sa Diyos. (KPK 133). Paninindigan:0 Diyos naniniwala ako na Ikaw ay lagi kong kasama. Nagtitiwala ako sa lyo, (ipaulit sa mga bata) Pagtatalaga: Bilang pagtitiwala sa Diyos, ano na ang gagawin mo sa mga ganitong sitwasyon? nawala ka sa mall brown out at wala kang kasama sa bahay unang araw ng klase sa paaralan Pagdiriwang:Aawitin: HINIRANG KITA, IKAW AY AKIN Lagi mo akong kasama-sama Hinirang kita ikaw ay akin Pawiin mo ang bawat panimdim Hinirang kita, ikaw ay akin Panalangin: O Diyos Ama, nagtitiwala kami sa Iyo. Ikaw ay lagi naming kasama sa lahat ng oras, kaya t di kami matatakot kahit kami ay nag-iisa. Amen.

Paksa 6: JESUS, ANAK NG DIYOS LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang Makikilala na si Jesus ay Anak ng Diyos. Makakapagtala ng mga gawain na nagpapakita ng pag-mamahal at pagtanggap kay Jesus. Makakapanalangin kay Jesus na Anak ng Diyos. SITWASYON NG BUHAY : Karanasan ng pagmama-hal ng Diyos (Balikan ang mga naunang paksa) KAHALAGAHAN :Pagmamahal ng Diyos sa tao. SALITA NG DIYOS: Juan 3:16 (Pagpapahayag ng Pag-ibig ng Diyos) Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kung kaya ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na anak. Mateo 3:16-17 Ito ang minamahal kong Anak na aking kinalulugdan Katotohanan :Tanda ng pagmamahal ng Diyos Ama sa atin, ibinigay Niya ang Kanyang Anak na si Jesus. (KIK 458) Pagsasabuhay :Kilalanin, mahalin at sundan natin ang halimbawa ni Jesus ang Anak ng Diyos. (KPK 470) Pagsamba : Sa panalangin, tinatawag ng Diyos ang bawat isa sa malalim na pakikipagkaibigan sa Kanyang Anak. (KPK 1494 huling pangungusap) Paninindigan :Ipasabi ng buong puso sa mga bata: Naniniwala ako na si Jesus ay Anak ng Diyos! Pagtatalaga :Lagyan ng tsek ( ) ang mga sali-tang nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa tulad ng ginawa ni Jesus at ekis ( X ) kung hindi. nagbibigay ng baon tumutulong sa gawain sa tahanan nakikipag-away mabait maramot

Kaya mo ba itong gawin sa mga susunod na araw? Oo Hindi Pagdiriwang : Panalangin Diyos Ama, salamat po sa pagbibigay mo sa amin ng iyong Anak na si Jesus, tulungan mo kaming magmahal sa aming kapwa katulad ng pagmamahal mo sa amin. Amen. Paksa 7: JESUS, ANG ANAK NG DIYOS, ISINILANG NI MARIA LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang Masasabi na si Jesus ay isinilang ni Maria. Makakapaglahad ng mga gawain nagbibigay saya sa iba. Makakapagpuri sa Diyos sa pamamagitan ng awit. SITWASYON NG BUHAY : Karanasan ng mga bata sa pagiging mapagbigay Ano ang pakiramdam ng isang batang mapagbigay? Ano ang pakiramdam ng taong binigyan? Bakit ba tayo nagbibigay o nagbabahagi? Noong nakaraang linggo ay nalaman natin na mahal na mahal tayo ng Diyos kaya ibinahagi Niya sa atin ang Kanyang bugtong na Anak... KAHALAGAHAN : Mapagbigay / mapagkaloob SALITA NG DIYOS :Lukas 2:1-7 (Isinilang si Jesus) Isinilang niya ang kanyang anak na lalaking panga-nay Katotohanan : Si Jesus, ang Anak ng Diyos na nagkatawang tao ay isinilang ni Maria. (KPK 519, KIK 456) Pagsamba : Buong galak nating pinagdiriwang ang kapistahan ng kapanganakan ni Jesus tuwing ika-25 ng Disyem-bre. (Batay sa Kalendaryo Liturhi-kal ng Simbahan) Pagsasabuhay : Mahal ng Diyos ang taong mapag-bigay. (2 Corinto 9:7; Sabi ng isang awit pamasko at magbuhat ngayon kahit hindi pasko ay mag-bigayan ) Paninindigan:Naniniwala ako na si Jesus, ang Anak ng Diyos na nagkatawang tao ay isinilang ni Maria. Pagtatalaga:Ano ang maari mong ibigay sa iba na makapagdudulot sa kanila ng saya?

Pagdiriwang: Aawitin: Pamaskong awit Paksa 8: JESUS, ANG MASUNURING ANAK LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang Masasabi na si Jesus ay masunuring anak ng Diyos. Makakapagbigay ng mga gagawin bilang tanda ng pagiging masunuring anak tulad ni Jesus. Makakapag-alay ng panalangin kay Jesus na masunuring anak. SITWASYON NG BUHAY : Karanasan ng mga bata sa pagsunod. KAHALAGAHAN : Pagiging masunurin SALITA NG DIYOS : Lukas 2:42-51 Siya y umuwing kasama nila sa Nazareth, at naging masunuring anak. Katotohanan :Si Jesus, ang Anak ng Diyos ay lumaking masunuring bata. (KIK 532) Pagsasabuhay : Nais ng Diyos na igalang at sundin natin ang ating mga magulang tulad ni Jesus.(KIK 532, 2217) Pagsamba :Ang panalangin ng isang masunuring anak ay agad p i n a k i k i n g g a n n g D i y o s. (Sirac / Ecclesiastico 3:5) Paninindigan:Naniniwala ako na si Jesus, ang Anak ng Diyos ay masunuring bata. Pagtatalaga: Isulat sa notebook ang mga pag-sunod na gagawin sa mga darating na araw. Pagdiriwang:Spontaneous Prayer: Halimbawa: Jesus, aking Kuya Ikaw ang aking tutularan Sa pagiging masunurin.

Paksa 9: JESUS, PINAKILALA ANG DIYOS BILANG AMA ( AMA NAMIN ) LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang Matutukoy na si Jesus ang nagpakilala sa Diyos bilang ating Ama. Makakapagpahayag ng pagtitiwala sa Ama sa pamamagitan ng panalangin. Makakapangako na laging darasalin ang Ama Namin. SITWASYON NG BUHAY : Karanasan ng bata sa pagdarasal KAHALAGAHAN : Pagdarasal SALITA NG DIYOS : Mateo 6:7-14 Ganito kayo manalangin Ama namin sumasalangit ka, sambahin ang ngalan Mo Katotohanan : Ipinakilala ni Jesus na ang Diyos ay ating Ama. (KIK 2779, KPK 2136) Pagsamba : Sa pagdarasal sa Ama ay naipapahayag natin ang ating pagtitiwala sa Kanya bilang mga anak.(kik 2785) Pagsasabuhay: Sa palagiang pagdarasal sa Ama tayo ay nagiging katulad Niya na mapagmahal.(kik 2783,2800) Paninindigan:Naniniwala ako na ang Diyos ay aking Ama. Pagtatalaga:Tuwing kailan ninyo darasalin ang dasal na Ama Namin? Gaano kadalas? Ako si ay magdarasal ng Ama Namin tuwing. Paano ninyo ito darasalin? Magpaturo at aralin ang dasal na Ama Namin. Pagdiriwang:Aawitin ang Ama Namin Takdang Aralin: Ipapasaulo ang dasal na Ama Namin.

Paksa 10 ANG DIYOS ESPIRITU SANTO, PINAKA-DAKILANG REGALO NG AMA AT NI JESUS LAYUNIN :Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang Masasabi na ang Espiritu Santo ay Diyos, pinaka-dakilang regalo ng Ama at ni Jesus. Makakapangako ng mga gagawing kabutihan sa loob ng isang linggo. Makakapanalangin sa Diyos Espiritu Santo. SITWASYON NG BUHAY : Karanasan ng mga bata sa paggawa ng mabuti Mga gawang kabutihan sa pamilya, paaralan, pamayanan. Bakit tayo nakakagawa ng mabuti? Madali bang gumawa ng mabuti sa kapwa sa lahat ng oras. May regalo ang Diyos sa atin na tumutulong upang makagawa tayo ng kabutihan sa lahat ng oras. KAHALAGAHAN :Paggawa ng mabuti SALITA NG DIYOS: Juan 14:16-17 Dadalangin ako sa Ama, at kayo y bibigyan Niya ng isa pang patnubay na magiging kasama ninyo mag-pakailanman. Ito y ang Espiritu ng Katotohanan Katotohanan :Ang Diyos Espiritu Santo ay Tagapagbigay ng buhay, pinaka-dakilang regalo ng Ama at ni Jesus. (KPK 1322,1265 ) Pagsasabuhay :Makakagawa tayo ng mabuti araw-araw sa tulong ng Espiritu Santo na nagbibigay sa atin ng buhay at lakas. (KPK 1337, 1315) Pagsamba :Nakakapagdasal tayo ng maayos at mabuti sa tulong ng Espiritu Santo. (KIK 741,2652, KPK 1555) Paninindigan:Naniniwala ako na ang Diyos Espiritu Santo ay Tagapagbigay ng buhay, pinaka-dakilang regalo ng Ama at ni Jesus sa atin. Pagtatalaga:Gumawa ng listahan ng mga gagawing mabuti sa loob ng isang linggo. Ipangako na ito y tutuparin. Pagdiriwang :Iaalay ang mga pangako na ginawa. (Spontaneous prayer c/o Catechist.) Panalangin : ( aawitin ) Halina Espiritu Santo, Kinakailangan kita Sigla at lakas ng mahina, Pag-asa nating lahat

Paksa 11: BIBLIYA: BANAL NA AKLAT LAYUNIN :Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang Malalaman na ang Bibliya ay Banal na Aklat. Makakapagtala ng mga paraan na makakapagpakita ng paggalang sa Bibliya. Makakapag-alay ng parangal sa Banal na Aklat. SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng bata sa paghawak at pagbabasa ng mga aklat. Nakakita / nakahawak na ba kayo ng Bibliya? Ang Bibliya ay kaiba sa mga ibang aklat. Ito ay Banal na Aklat... KAHALAGAHAN :Paggalang sa Bibliya SALITA NG DIYOS: 2 Timoteo 3:15-16 Mula pa sa pagkabata alam mo ng ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos Katotohanan :Ang Bibliya ay Banal na Aklat. Ang Bibliya ay Salita ng Diyos. ( KIK 109,134; KPK 112,113) Pagsasabuhay :Sa tuwina, iginagalang ng Simbahan ang Bibliya. ( KIK 141) Pagsamba :Sa mga pagtitipon sa Simbahan ipinagdiriwang natin ang Salita ng Diyos. (KIK 1154) Paninindigan : Naniniwala ako na ang Bibliya ay Banal na Aklat Pagtatalaga:Hanapin ang Bibliya sa bahay ninyo, ayusin, at ilagay sa maayos na lugar. Kung wala pang Biblia sa bahay, kaya mo bang himukin ang iyong magulang na bumili ng isa? Paano mo maipapakita ang pag-galang mo sa Banal na Biblia? Pagdiriwang: P a g p a p a r a n g a l s a B i b l i a -Ipuprusisyon ang Biblia habang inaawit ang mga sumusunod: Wika Mo y aming diringgin Wika Mo y aming susundin Wika Mo y aming tutupdin.

Paksa 12 SIMBAHAN: BAHAY NG DIYOS, BAHAY DALANGINAN LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang Maipapaliwanag na ang simbahan ay bahay ng Diyos, bahay dalanginan. Matutukoy ang tamang pagkilos sa loob ng simbahan bilang pagmamahal at paggalang sa bahay ng Diyos. Maaanyayahan na maipagdasal ang mga taong hindi nagmamalasakit at gumagalang sa simbahan. SITWASYON NG BUHAY simbahan. : Karanasan ng mga ginagawa kapag nasa loob ng KAHALAGAHAN : Tamang pagkilos sa loob ng simbahan SALITA NG DIYOS :Lukas 19: 45-47 (Ang Paglilinis ng Templo).. ang aking bahay ay tatawaging bahay dalangi-nan, ngunit ginawa ninyong pugad ng mga magnanakaw. Katotohanan :Ang simbahan ay bahay ng Diyos, bahay dalanginan. (KPK 1352 ; KIK 756) Pagsasabuhay : Nais ng Diyos na mahalin at igalang ang Kanyang tahanan, ang simbahan. (Lukas 19:45-47) Pagsamba :Sa simbahan, sama-samang nananalangin ang mga naniniwala kay Jesus. (KPK 1351) Paninindigan : Naniniwala ako na ang simbahan ay bahay ng Diyos, bahay dalanginan. Pagtatalaga: Ano ang tamang pagkilos natin kapag tayo ay nasa loob ng simba-han? Ako ay uupo ng a. malikot b. maayos Ako ay a. tatahimik b. mag-iingay Kaya mo kaya itong gawin sa loob ng simbahan tuwing araw ng Linggo? Pagdiriwang: Ipanalangin natin sa Diyos ang mga taong hindi nagmamalasakit at gumagalang sa Kanyang tahanan.

Paksa 13: ANG PAG- AANTANDA NG KRUS LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang Makikilala ang Diyos bilang Ama, Anak at Espiritu Santo. Magagawa ng tama at maayos ang pag-aantanda ng krus bilang pananampalataya sa Diyos. Makakapagbigay ng papuri sa Diyos Ama, Anak, Espiritu Santo. SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng bata sa pag-aantanda ng krus. Tama ba ang pag-aantanda mo ng krus? Maayos mo ba itong nagagawa? Bakit tayo nag-aantanda ng krus? KAHALAGAHAN :Tama at maayos na pag-aantanda ng krus. SALITA NG DIYOS: Mateo 27:11-26 / Mateo 28:19 Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo Pagsamba :Sa pag-aantanda ng krus tayo ay nagbibigay papuri sa Diyos Ama, Diyos Anak, Diyos Espiritu Santo na nagmamahal sa atin. (KPK 1475) Katotohanan : Iisa lamang ang Diyos na ating sinasamba: Ang Ama, ang Anak at ang Espiritu Santo. (KPK 1326-1327) Pagsasabuhay : Sa tama at maayos na pag-aantanda ng krus ay naipapakita natin ang pananampalataya sa Diyos na Santatlo. (KPK 232) Paninindigan: Naniniwala ako na iisa lamang ang Diyos na ating sinasamba: Ang Ama, Anak at Espiritu Santo Pagtatalaga :Handa ka bang gawin ng tama at maayos ang pag-aantanda ng krus bilang pagpapahayag ng iyong pananampalataya sa Diyos? Paano mo ito gagawin? Pagdiriwang :Papurihan natin ang ating Diyos ( may kilos )

Aawitin : SA NGALAN NG AMA, AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO. AKOay para sa Diyos. ( 3 X ) IKAW TAYO Paksa 14 SA BANAL NA MISA, PATULOY AKONG NAGPUPURI SA AMA LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang Malalaman na ang araw ng Linggo ay araw ng Panginoon. Makakapagbigay ng mga gagawin na nagpapakita ng kahalagahan ng araw ng Panginoon at maitatala ang mga paghahandang gagawin bago magsimba Maaanyayahan na laging sumabay sa mga awit ng pagpupuri sa Diyos Ama. SITWASYON NG BUHAY : Karanasan ng mga bata sa pagsisimba tuwing araw ng Linggo. KAHALAGAHAN:Pagsisimba sa araw ng Linggo SALITA NG DIYOS :Gawa 2:46-47 sa araw-araw sila ay nagsasama-sama sa templo Pagsamba :Ang Banal na Misa ay gawaing pagsambang-pasasalamat at pagpupuri sa Diyos Ama. (KPK 1680,1683,) Katotohanan : Ang araw ng Linggo ay araw ng Pangnoon. (Salmo 118:24, KIK 2171) Pagsasabuhay :Nais ng Diyos na igalang natin ang araw ng Linggo. Ito ang ikatlong utos ng Diyos. (KPK 903, KIK 2180) Paninindigan:Naniniwala ako na ang araw ng Linggo ay para sa Panginoon. Pagtatalaga: 1. Piliin ang una mong gagawin kapag araw ng Linggo. Maglalaro Matutulog Magsisimba

Mamamasyal 2. Anong paghahanda ang gagawin mo bago ka magsimba? Pagdiriwang:Halina at sama sama nating papurihan ang Diyos Ama na walang sawang nagmamahal sa atin : ( aawitin ) Halina t magsilapit at tayo ay umawit Sa Diyos Ama sa langit, ang hari ng pag-ibig Mahalin at ating sambahin, ang Diyos Ama natin Na Siyang nagbigay ng buhay na walang hanggan. Paksa 15: MARIA, PINAGPALA SA BABAENG LAHAT LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang Malalaman na si Maria na Ina ni Jesus ay pinagpala sa babaeng lahat. Makakapagtala ng mga gagawin kung paano tutularan ang Mahal na Birheng Maria. Maipapahayag ang panalanging Aba Ginoong Maria. SITWASYON NG BUHAY: Birheng Maria. Sino si Maria? Karanasan ng pagkakilala ng mga bata sa Mahal na KAHALAGAHAN: Pagmamahal kay Inang Maria SALITA NG DIYOS: Lucas 1:26-33. Ikaw ay magiging ina ng aking Anak. Katotohanan : Si Birheng Maria ay pinagpala sa babaeng lahat. (KIK 2676) Pagsamba :Ang pagdarasal ng Aba Ginoong Maria ay tanda ng ating pag-mamahal at pagpaparangal sa Mahal na Birheng Maria, ang ina ni Jesus. (KPK 1545) Pagsasabuhay : Maging masunurin at mapagmahal tayo sa Diyos at sa kapwa tulad ng Mahal na Birheng Maria. (KPK 1439) Paninindigan: Naniniwala ako na ang Mahal na Birheng Maria ay pinagpala sa babaeng lahat.

Pagtatalaga: Maglista ng mga gagawin kung paano matutularan ang Mahal na Birheng Maria. Pagdiriwang: Parangalan natin ang Mahal na Birheng Maria sa pag-awit ng Aba Ginoong Maria. Paksa 16: NAIS NG DIYOS NA MAKAPILING KO SIYA SA LANGIT, KASAMA NG MGA BANAL LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang Malalaman na ang Diyos ay nagnanais na makapiling tayo sa langitkasama ang mga banal. Makakapagbigay ng mga gagawin na magdadala sa atin sa piling ng Diyos sa langit. Maipapahayag ang pag-asa na makapiling ang Diyos sa pamamagitan ng palagiang panalangin. SITWASYON NG BUHAY:Ano ang pagkaunawa ng mga bata sa salitang langit. Ano ang langitpara sa isang batang nasa unang baitang? Gusto ninyo bang makapunta sa langit? Bakit? Paano tayo makapupunta sa langit? KAHALAGAHAN : Paggawa ng kabutihan SALITA NG DIYOS :Juan 14: 1-3. Paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan Mateo 25 : 31-40 Halikayo mga pinagpala ng aking Ama, pumasok na kayo at manirahan sa kahariang inihanda para sa inyo. Katotohanan :Ang Diyos ay naghihintay sa atin sa langit kasama ng mga Banal. (KPK 2068,2102, KIK 1024) Pagsasabuhay: Mapapalad ang mga taong may malinis na puso at tumutupad sa kalooban ng Diyos sapagkat makakapiling nila ang Diyos. (Mateo 5:8, KIK 1029)

Pagsamba:Sa pagdarasal, buong pag-asa tayong lumalapit sa Diyos. Winika nga ni Santa Teresita: Ang panalangin ay isang simpleng pagsulyap sa langit. (KIK ika-apat na bahagi unang seksiyon, ano ang panalangin? ) Paninindigan :Ipamamalita ko : Ang Diyos ay naghihintay sa atin sa langit kasama ang mga banal. Pagtatalaga : Ano ang iyong gagawin upang makarating sa langit at makapiling ang Diyos? Pagdiriwang : Buong puso nating dasalin Jesus mahal kita, kasama ng mga Banal nais kong makapiling ka sa langit balang araw. Amen