MUNTAKLAT

Similar documents
Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

Mga Pananggalang na Pamamaraan Mga Karapatan ng Magulang

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

MISYONG PAHAYAG. Isang masagana at inklusibong Canada na nakabatay sa tagumpay ng bawat indibidwal.

Pag-unawa sa Pamamaraan ng Pagtasa, Karapatan, at Pang-isahang Programa sa Edukasyon ng Maryland

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Koleksiyon ng mga kailangan at

ANG MISYON ANG AMING MGA KLIYENTE AY MGA TAONG MAY KAPINSALAAN

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Pag-access at Pagbabago ng mga Rekord ng Kalusugan

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

ADVENTIST MIDWEST HEALTH ANYONG PATAKARAN Kategorya Mga Serbisyo ng Pasyente sa Pinansiyal

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Kagawarang May-ari: Pananalapi Petsa ng Pagkakabisa: Hulyo 1, 2017 Tagapag-ingat: Punong Opisyal na Pahina: 1 ng 16

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

Direktoryo ng Provider at Parmasya

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Paunawa ng mga Pamprotektang Hakbang sa Proseso Binago Oktubre 2016

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Atlantic Health System

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

Unang Hakbang MGA INIAATAS NA KUWALIPIKASYON

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

Pamamatnubay na Palakad sa Paaralan para sa mga Magulang na Baguhan

Bayshore Elementary School District Local Control Accountability Plan Year 1 Summary

PETSANG MAY BISA: 01/01/2016 PETSA NANG NIREBISA: 06/27/2017. Financial Assistance Policy (Patakaran para sa Pinansiyal na Tulong)

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) Title VI

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE

NOTISYA NG MGA PRIBADONG KASANAYAN

EBIDENSYA NG SAKLAW CARE1ST CAL MEDICONNECT PLAN MGA COUNTY: LOS ANGELES AT SAN DIEGO. Care1st Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

APPLICATION PARA SA CALFRESH, TULONG NA PERA, AT/O MEDI-CAL/MGA PROGRAMA SA PANGANGALAGA SA KALUSUGAN

Iba pang mga wika at format

Sinusuportahang Pagtatrabaho sa pamamagitan ng DOR: Fact Sheet ng Pagkanararapat at Nasasaklawan ng mga Serbisyo

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Gabay para sa mga Lider

Ang lahat ng iba pang impormasyon at benepisyo ay hindi magbabago gaya ng isinasaad sa inyong 2016 na Handbook ng Miyembro.

Health TALK. Naarawan BUNTIS? Ano ang ibig sabihin ng bilang ng SPF sa sunscreen ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Medi-Cal. Taon ng Benepisyo Handbook ng Miyembro ng Medi-Cal para sa

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Plano na mga Serbisyo para sa Suporta ng Bata/Pag-papalaki ng Bata sa Lungsod ng Yokohama. [Pinaikling Salin] Tagalog

Financial Assistance Documents

Dapat ninyong makumpleto ang form na ito ng pagpaparehistro nang hindi lalampas sa Martes, Hunyo 12, 2018, sa ganap na 5:00 PM, Pacific.

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

GABAY NG PROGRAMA NG ENGLISH

2018 Buod ng Mga Benepisyo

PANGKALAHATANG ABISO SA PRIVACY NG PERSONAL NA IMPORMASYON NG EMPLEYADO

I. LAYUNIN PATAKARAN. Pamagat: Patakaran sa Tulong Pinansyal. Patakaran Pamamaraan Alituntunin Iba pa: Saklaw: Sistema Departamento:

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. K to 12 Curriculum Guide ARALING PANLIPUNAN.

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

Ota City Board of Education

Pang-aabusong Sekswal sa Kulungan: Isang Pandaigdigang Krisis sa Karapatang Pantao

Ang Bagong Sistema ng mga Karapatang Pantao ng Ontario

Pag-alalay sa Pag-aaral ng inyong Anak sa pamamagitan ng Pagtatasa, Pagsusuri at Pag-uulat

Sistema Administratibo

Isang Guide para sa Naturalisasyon

National Community Benefit

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Welcome sa Swedish. Welcome to Swedish. Handbook ng Pasyente at Pamilya. Patient and Family Handbook (Tagalog)

Sensus ng Magulang 2017 Ang Iyong Boses ay Mahalaga!

Orihinal na Epektibong Petsa: Enero 2013 Huling Petsa ng Rebisyon: Oktubre 2015 Epektibong Petsa ng

Mahalagang impormasyong legal, mga paghahayag, at mga patakarang kailangan ninyong malaman

Transcription:

Ang Aming Kasaysayan Ang Lower Fraser Valley Cerebral Palsy Association (LFVCPA) ay itinatag noong 1953 ng isang pangkat ng mga magulang na ang mga anak ay may cerebral palsy. Sa paglaki ng populasyon sa Lower Fraser Valley, napagtanto ng Asosasyon na kailangan ang isang Sentro sa Pag-Unlad o Pagdebelop ng Bata (Child Development Centre) sa kanilang sariling komunidad. ANG Sentro PARA SA PAG-UNLAD NG BATA At LOOKOUT PRESCHOOL MUNTAKLAT www.centreforchilddevelopment.ca Dating South Fraser Child Development Centre, Pinapamahalaan ng Lower Fraser Valley Cerebral Palsy Association Noong 1973 ang pangarap na magkaroon ng isang makabagong pasilidad ng panggagamot ay natupad unang-una sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng mga taga- British Columbia na nagabuloy sa taunang pondo na nilikom ng Variety Club of BC Telethon. Ang gusali ng The Centre for Child Development na nakikita ninyo sa ngayon ay resulta ng suporta mula sa Variety Club. Ang The Centre ay ang dating South Fraser Child Development Centre na pag-aari at pinapamahalaan ng Lower Fraser Valley Cerebral Palsy Association. Sino Kami Sa Ngayon Samantalang ang lahat ng mga orihinal na kliyente ng The Centre ay may karamdamang cerebral palsy at ang mga serbisyo ng The Centre ay binalak para sa kanilang mga pangangailangan, madaling napagtanto na ang ibang mga bata na wala o kulang sa kakayahan sa pag-unlad o pagdebelop o sinasabing may developmental disabilities ay makikinabang sa mga ganitong serbisyo sa kanilang sariling komunidad. Sa ngayon ang The Centre ay tumutulong na sa mga batang maraming kakulangan sa kakayahan sa pag-unlad o developmental disabilities at mga espesyal o natatanging mga pangangailangan. Ipinagmamalaki

namin ang aming nakaraan, at mga natamong gawain. Kami ay nakalaan na harapin ang mga paghamon ng isang lumalaking populasyon. Ang aming Pondo Ang pondo para sa mga serbisyo ay pangunahing ipinagkakaloob ng Ministry of Children and Family Development, United Way at ng aming sariling nalikom na salapi. Ang karagdagang pondo ay ipinagkakaloob ng B.C. Medical Services Plan, B.C. Ministry for Human Resources, Insurance Corporation of B.C. (ICBC), B.C. Community Brain Injury Program, mga nagkakaloob ng segurong pang-ekstensiyon sa kalusugan o extended health insurers at ilang mga kabayaran sa mga serbisyo. Ang Aming Mga Ginagawa Ang layunin ng The Centre for Child Development ay maging isang lugar kung saan ang mga bata at kabataan na wala o kulang-kaya sa pag-unlad o pagdebelop at ang kanilang pamilya ay makakuha ng kasagutan sa kanilang mga katanungan at upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa isang mapagkalingang kapaligiran Ang Aming Mga Pinahahalagahan Ang pagkakaloob ng serbisyo sa mga bata at kabataang wala o kulang-kaya sa pag-unlad o pagdebelop at sa kanilang pamilya ay nababatay sa mga sumusunod na paniniwala: Ang lahat ng mga bata at kabataang wala o kulang-kaya sa pag-unlad o pagdebelop ay may karapatan sa mga matataas na uring programa at serbisyo, na makatutulong sa kanilang pisikal, pangsosyal, emosyunal at intelektuwal na pag-unlad. Ang mga programa at serbisyo ay dapat na nakabase sa komunidad, pinagyayaman ang integrasyon o pagsali ng mga batang walang-kaya sa komunidad, madaling makuha o magamit, at binalangkas upang matugunan ang pangindibidwal na pangangailangan ng mga bata at kabataan, mga magulang at mga samahang pinaglilingkuran. Ang mga epektibong programa at serbisyo ay nagtutuonpansin sa bata at kabataan at gumagamit ng pamamaraan ng pag-aaruga na nakasentro sa pamilya. Ang mga programa at serbisyo ay ipagkakaloob sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pangkat na kabilang ang mga bata, kabataan, magulang at mga propesyonal na nagtatrabaho sa kapaligiran na may pagkakapantaypantay at paggalang sa isa t isa. Sino ang Aming Pinaglilingkuran Mga bata at kabataang wala o kulang-kaya (0-19 taong gulang) a) Kakayahan/Kasanayan/Kaalaman nagdaragdag ng malawakang hanay ng mga kasanayan at kakayahang pampersonal upang malabanan, mapaginhawa o mabawasan ang epekto ng kanilang kawalan o kakulangang-kaya b) Pampisikal na kagalingan binabawasan ang trauma, istres, sakit o kirot, paglubha; pinag-iibayo ang kaginhawahan, lakas, pagkilos, at kalusugan c) Pang-emosyunal na kagalingan binabawasan ang trauma, istres, sakit o kirot, galit, kabiguan; dinaragdagan ang pagtitiwala sa sarili, pandama ng tagumpay, kaligayahan at pag-asa d) Kalayaan o pagsasarili binabawasan ang pakiramdam ng kawalang kakayahan /pagiging dependiyente sa iba; pinalalakas ang kakayahan na makapagsarili o malayang pagkilos e) Pagtanggap ng Lipunan /Pagiging Kasama binabawasan ang pakiramdan ng pagkakahiwalay o isolation ;

dinaragdagan ang pagtanggap ng mga kasing-gulang, suporta, normal na mga relasyon, pagsali Mga Pamilya at Tagapag-aruga o Caregivers a) Pagsasarili binabawasan ang pakiramdam ng kawalang kakayahan; pinalalakas ang kakayahan na makapagsarili o malayang pagkilos b) Pagtanggap ng Lipunan/ Pagiging Kasama binabawasan ang pakiramdan ng pagkakahiwalay o isolation ; dinaragdagan ang suporta ng mga tagapag-aruga sa isatisa sa kanila na may mga anak na wala o kulang-kaya at suporta mula sa mga tagapag-aruga na may mga anak na tipikal KOORDINASYON NG KASO AT PAGPAPLANO NG SERBISYO Ang mga kawani ng The Centre ay makikipagtrabaho sa mga pamilya na matukoy ang isang koordineytor ng kaso o case coordinator o tagapangasiwa ng kaso o case manager sa The Centre kung kailangan ninyo ng isa. Ang mga case coordinators/case managers ay makikipagtrabaho nang mabutihan sa mga pamilya upang matiyak na ang mga alalahanin at layunin ng pamilya ay marinig, upang tulungan na pagtuguntugunin ang programa ng panlahatang pag-unlad at rehabilitasyon para sa mga bata at upang matulungan ang mga pamilya na maiayos ang mga dapat mauna-una sa mga rekomendasyon na maaaring gawin ng mga praktisyuner. Ang mga pagpupulong para sa pagpaplano ng serbisyo ang ilan sa mga pagkakataon o oportunidad para sa mga bata, pamilya at mga terapist na maupo at magplano nang sama-sama. Ito ay oportunidad o pagkakataon para sa mga bata at pamilya na mapag-usapan ang kanilang mga alalahanin at layunin, upang marinig ang tungkol sa mga pagtasa o assessments at mga rekomendasyon ng mga terapist at mga iba at mapili ang plano na maaaring maisakatuparan at makapagbibigay ng benepisyo. Mayroong pag-uusap tungkol sa mga kalakasan, pangangailangan ng, progreso at mga plano para sa bata. KAMI AY NAKALAAN Ang mga tao na aming pinaglilingkuran ay may mga karapatan na kailangang kilalananin at itaguyod. Kabilang sa mga karapatang ito ang mga sumusunod: ang karapatan sa paglilingkod na may paggalang sa kultura, edad, kasarian, panlipunan-pangkabuhayang katayuan, wika, pang-ispirituwal na mga paniniwaba at pangsekswal na paglalagay sa sarili; ang karapatan sa pagkapribado o pagpapanatiling lihim ng impormasyon tungkol sa mga taong pinaglingkuran; ang karapatan na mabigyan ng impormasyon tungkol sa legal na hangganan ng pagpapanatiling kompidensiyal kabilang ang mga pangangailangan na tumupad sa mga batas ng pamahalaan at kautusan ng hukuman, halimbawa, mga alalahanin sa proteksiyon ng bata, mga legal na pangangailangan na magreport sa pampublikong kalusugan ng pamahalaan, katungkulan na magreport kung ang kawani ay nagsususpetsa na may panganib na masaktan ang mga bata o iba pa; ang karapatan sa pagiging pribado; ang karapatan na maging malaya sa pang-aabuso, pagsasamantala, pagbabalik-ganti, pagkapahiya o kapabayaanan;

ang karapatan na makuha at maipalabas ang impormasyon tungkol sa taong pinagsilbihan nang may sapat sa panahon upang mapadali ang paggawa ng kanyang desisyon; ang karapatan sa maalam na pagpayag o pagtanggi, at/o pagpapahayag ng pagpili tungkol sa paghahatid ng serbisyo, pagpapalabas ng impormasyon, magkakasabay na mga serbisyo, komposisyon ng pangkat na magkakaloob ng serbisyo, pagsali sa mga proyekto ng pananaliksik, pagsali sa mga hindi-tradisyunal o bagong lumilitaw na mga paggagamot o emerging therapies ; ang karapatan sa impormasyon kung paano kami sumusunod sa mga gabay sa pananaliksik at kamoralan kapag ang mga taong pinaglilingkuran ang kasali o kasangkot; ang karapatan na maituro o mai-reper sa mga legal na katawan para sa marapat na representasyon; ang karapatan na makalapit sa o makakuha ng mga serbisyong nagkakaloob ng pantulong sa sarili at nagtataguyod ng mga suporta; ang karapatan sa imbestigasyon at pagwawakas ng alegasyon ng pagkakait ng mga karapatan ang karapatan na magreklamo/magreport ng alegasyon ng paglabag ng aming mga panuntunang pangkamoralan, pandaraya, pang-aabuso, pag-aaksaya at iba pang maling gawain ng walang anumang negatibong bunga o parusa, pagbabalik ganti, mga hadlang sa serbisyo o kahit anong klase ng ganting-pinsala sa mga taong pinagsilbihan bunga ng kanilang reklamo sa sinuman na may kaugnayan sa amin. Para sa Kaligtasan Mayroon kaming mga pamamaraan ng pagbabakwit kung may sunog, lindol atbp, na ipaliliwanag sa inyo sa panahon ng oryentasyon at ang mga ito ay nakapaskel sa importanteng lugar sa kabuuan ng aming mga pasilidad. Ang kopya ng aming Mga Panuntunan at Pamamaraang Pangkalusugan at Pangkaligtasan (Health & Safety Policies and Procedures) ay nasa lugar ng pinaghihitayan o waiting area sa bawat isa sa aming mga pasilidad. Kami ay may nakalaang pakete ng mga gamit pang-emerdyensi na naglalaman ng mga flashlight, kagamitang pang-unang lunas o first aid, mga pagkain na nagbibigay ng mataas na enerhiya o high-energy bars at tubig na magkakaloob para sa mga pangunahing pangangailangan para sa loob ng 72 oras. Legal na Pagtayo bilang Magulang Ang isa sa mga pinaka-importanteng paraan ng aming pagtatrabaho upang mapanatiling ligtas ang mga bata ay ang pagtitiyak na mayroon kaming pinakahuling impormasyon sa kung sino ang may karapatang magbigay pahintulot sa mga serbisyo para sa kanila, kung sino ay may kapangyarihan na tumanggap ng mga report at magbahagi ng impormasyon, at kung sino ang may karapatang maghatid at sumundo sa mga bata mula sa kanilang mga appointment. Sa dahilang ito, manghihingi kami sa inyo ng impormasyon tungkol sa legal na tumatayong magulang o guardian at legal na may karapatang magdesisyon. Hinihingi din namin na ipabatid ninyo sa amin sa pamamagitan ng pagsulat ang anumang pagbabago sa katayuang legal. PAGKUHA NG MGA NILALAMAN SA KASO NG MGA TAONG PINAGSISILBIHAN Ang mga legal na tumatayong magulang o guardian ay maaaring makuha ang mga impormasyon sa mga files na nagawa ng The Centre for Child Development tungkol sa kanilang mga anak na murang gulang at kanilang sarili. Pangkalahatan, ang mga kopya

ng mga report at plano ay pipirmahan ng legal na tumatayong magulang o guardian at/o ng kabataan 14 na taong gulang o higit pa kung saan nararapat at ibinibigay sa legal na guardian /kabataan na matanda sa 14 anyos. Ang mga ito ay maaaring kopyahin (xerox) at ipadala sa iba ng legal na guardian /kabataan ayon sa inaakala nilang marapat. Upang mapagbalik-aralan ang impormasyon na nilalaman ng file sa kaso, ang taong pinagsilbihan ay dapat makipag-ugnay sa kanilang Case Coordinator o kawani ng Family Services (587-4272) at makiapg-ayos ng oras na parehong maluwag sa kanila, ang nasabing oras ay di kailangang lumampas ng 10 araw mula sa petsa ng pagtanggap ng nakasulat na pakiusap. Ang legal na guardian o kabataang matanda sa 14 anyos ay maaaring makiusap para sa kopya ng file ng kaso 10 araw bago dumating ang pagkakaloob ng file. Ang lahat ng nasabing pakiusap ay ipinadadala sa Chief Operating Officer o Chief Financial Officer. May bayad na 10 sentimos bawat pahina para sa pagkopya sa photocopy. Pakiusap o Mangyari Na Ipabatid sa The Centre sa lalong madaling panahon hanggang maaari, ng hindi kukulangin sa 24 oras pauna, kung hindi kayo makararating sa apoyntment maging ito man ay sa The Centre, sa inyong bahay o sa ibang lokasyon. Mangyaring tumawag sa (604) 584-1361 at mag-iwan ng mensahe sa inyong terapist o sa receptionist o sa voice mail. Kanselahin ang mga apoyntment kapag kayo o ang inyong anak ay mayasakit o may sipon. Ang iba sa mga batang aming pinagsisilbihan ay maaaring makompromiso ng mga mikrobyo o mga virus na hindi pangkaraniwang makakaapekto sa mga malulusog na kabataan. MGA SINGIL NG SENTRO Sa kasalukuyan kami ay nagkakaloob ng Physical Therapy, Occupational Therapy at Communication Therapy sa mga bata mula pagkapanganak hanggang pumasok sa paaralan ng walang bayad. Ang singil sa mga serbisyong ito ay magsisimula pagkatapos nito kung ang serbisyo ay klinikal na nakasaad at may empleyado kami na maaaring magkaloob ng serbisyo. Ang terapi sa paaralan ay maaaring maiayos sa mga independyenteng mga paaralan sa pamamagitan ng mga pribadong kasunduan sa pagitan ng paaralan, pamilya at ng The Centre. Karagdagan may mga gastos kaugnay ng ibang mga serbisyong ipinagkakaloob tulad ng Programang Pagpapahiram ng mga Kagamitan/ Laruan o Equipment/Toy Loan Program, Mga Serbisyong Panlibangan o Recreation Services, mga kursong Hanen at iba pang mga programa. Sa bawat isa sa mga kasong ito, ang singil na bayad ay ipaliliwanag sa inyo bago ang lahat at kayo ay may pagkakataon na tanggapin o tanggihan ang serbisyo. Kapag kayo ay pumayag, makatatanggap kayo ng buwanang resibo para sa mga serbisyong ito kapag ginamit. Ang mga serbisyo ay maaaring ipagkaloob ng aming mga terapist para sa mga batang naka-enrol sa mga paaralang pampubliko sa pakikipagkasundo sa mga pampaaralang distrito. Ang mga reperal ay dapat manggaling sa mga paaralan para sa mga serbisyong ito. May mga singil na babayaran kaugnay ng pagsali ng inyong anak sa pre-school. Ang mga ito ay nag-iiba batay sa mga pang-

indibidwal na kalagayan at riribyuhin ito sa inyo ng inyong Case Coordinator. Sa mga buwan ng tag-init, ang The Centre ay makapagkakaloob ng limitadong pagpapaibang-araw na pangangalaga o respite care. May mga singil na kaugnay sa serbisyong ito na ipaliliwanag sa inyo bago kayo pumayag o tumanggi sa serbisyo. Layunin namin na paglingkuran ang lahat ng mga bata at mga pamilyang nangangailangan na karapatdapat para sa aming mga serbisyo. Kung may alinman sa mga singil na ito na makapagpapahirap sa pinansiyal na kalagayan ng inyong pamilya, mangyaring ipaalam sa inyong Case Coordinator o kontakin ang Accounting Department sa 584-1361, local 2280. Maaaring may magawa kaming ibang pakikipag-ayos. Mayroon kaming mga brosyur o pulyeto na maipagkakaloob para sa mga paksa sa ibaba. Mangyaring manghingi sa tagabati sa pambungad na mesa o front desk reception kung nais ninyo ng kopya. Programa ng Suportadong Pag-Unlad ng Bata o Supported Child Development Program Ligtas na mga Sanggol o Safe Babies PreSkool o PreSchool Mga Serbisyong Pangkalibangan o Recreation Services Mga Serbisyong Pang-Sikolohiya at Suporta sa Magulang o Psychology and Parent Support Services Mga Serbisyo Kaugnay ng Developmental Pediatrician o Developmental Pediatrician Services Mga Serbisyong Pampamilya o Family Services Pang-Gawaing Terapi o Occupational Therapy Pampisikal na Terapi o Physical Therapy FASD at mga kaugnay na Masasalimuot na Kondisyon ng Paguugali o FASD and related Complex Behavioural Conditions Pang-espesyalidad na mga Serbisyo at mga Pangkat kasama ang: Autism Spectrum Disorder Mga Serbisyong Pagsusuri o Diagnostic Services Koponang Pang-Molde at Balangkat o Casting & Splinting Team Koponang Pang-Kasanayan sa Pagkain o Eating Skills Team Koponang Pang-Kasangkapan o Equipment Team Programang Pagpapahiram ng Kagamitan at Laruan o Equipment and Toy Loan Program Mga Serbisyong Pangkomunikasyon Pagsasalita Lenggwahe o Speech-Language Communication Services Agosto 2007 www.centreforchilddevelopment.ca 9460 140 th Street Surrey, B. C. V3V 5Z4 604-584-1361 Opisina sa Langley Lookout Preschool