PERSONAL NA PAGSAKOP PARA SA MGA MAY-ARI NG NEGOSYO

Similar documents
Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Pamamahala sa Social Security Mahalagang Impormasyon

Unang Hakbang MGA INIAATAS NA KUWALIPIKASYON

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

Sistema Administratibo

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Atlantic Health System

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

I. LAYUNIN PATAKARAN. Pamagat: Patakaran sa Tulong Pinansyal. Patakaran Pamamaraan Alituntunin Iba pa: Saklaw: Sistema Departamento:

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

PETSANG MAY BISA: 01/01/2016 PETSA NANG NIREBISA: 06/27/2017. Financial Assistance Policy (Patakaran para sa Pinansiyal na Tulong)

Financial Assistance Documents

Sinusuportahang Pagtatrabaho sa pamamagitan ng DOR: Fact Sheet ng Pagkanararapat at Nasasaklawan ng mga Serbisyo

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

Ang Sistema sa Kalusugan ng Johns Hopkins Patakaran at Pamamaraan

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

EBIDENSYA NG SAKLAW CARE1ST CAL MEDICONNECT PLAN MGA COUNTY: LOS ANGELES AT SAN DIEGO. Care1st Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

APPLICATION PARA SA CALFRESH, TULONG NA PERA, AT/O MEDI-CAL/MGA PROGRAMA SA PANGANGALAGA SA KALUSUGAN

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

ADVENTIST MIDWEST HEALTH ANYONG PATAKARAN Kategorya Mga Serbisyo ng Pasyente sa Pinansiyal

GRADE VI GAMIT NG GRID

Iba pang mga wika at format

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

2018 Buod ng Mga Benepisyo

Mahalagang impormasyong legal, mga paghahayag, at mga patakarang kailangan ninyong malaman

Isang Guide para sa Naturalisasyon

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Orihinal na Epektibong Petsa: Enero 2013 Huling Petsa ng Rebisyon: Oktubre 2015 Epektibong Petsa ng

Balita Mula sa Kumamoto Bar Association

Kagawarang May-ari: Pananalapi Petsa ng Pagkakabisa: Hulyo 1, 2017 Tagapag-ingat: Punong Opisyal na Pahina: 1 ng 16

Pag-navigate sa isang REALTOR

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

Mahahalagang Bagay. Mahahalagang Bagay. Iba Pang Mga Paunawa. Iba Pang Mga Paunawa (Bawat Modelo)

Opisina ng Pagtatanggol para sa Saykayatrikong Pasyente

Talaan ng mga Nilalaman

Impormasyon sa Pagtatasa para sa Santa Clara County Property Owner

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) Title VI

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Direktoryo ng Provider at Parmasya

PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE

Advance Directive - ALASKA

Pahintulutan ang Scotiabank tulungan buksan ang pintuan sa iyong bagong panimula sa Canada. MGA SERBISYO SA PAGBABANGKO PARA SA MGA BAGONG CANADIAN

Petsa ng simula ng paghihintay (MM/DD/YYYY)

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

Ang lahat ng iba pang impormasyon at benepisyo ay hindi magbabago gaya ng isinasaad sa inyong 2016 na Handbook ng Miyembro.

PANGKALAHATANG ABISO SA PRIVACY NG PERSONAL NA IMPORMASYON NG EMPLEYADO

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Stake Audit Committee

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

Mga Pambuong Sistemang Administratibong Patakaran at Proseso ng The Queen s Health Systems

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

2017 Fair Housing Survey para sa Lungsod at County ng Los Angeles

Pag-access at Pagbabago ng mga Rekord ng Kalusugan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

TAGALOG Online na Buklet ng Impormasyon ng Magulang Smarter Balanced Assessments at Hawai i State Science Assessments

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

3.1 Paano ito Gumagana 3.2 Resolusyon sa Hindi Pagkakaunawaan 3.3 Insentibo sa Paglutas ng Hindi Pagkakaunawaan

m~öäáäá=åö=fåóçåö=rå~åö _~Ü~ó=ë~=`~å~Ç~ Ano ang Kinakailangang Malaman ng Bagong Dating

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

KABAYARAN SA PAGTAPON NG BASURA PAG-PUPULONG NG RESIDENTE BAYAN NG HIGASHIURA

Koleksiyon ng mga kailangan at

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Ang Makisig at Hangal na Hari

Transcription:

Karamihan sa mga manggagawa sa Manitoba ay mayroong pagsakop sa kabayaran sa manggagawa upang matiyak kung sila ay napinsala o nagkasakit bilang resulta ng kanilang trabaho, sila ay nakakatanggap ng mga benepisyong kailangan nila habang sila ay nagpapagaling at kumukuha ng tulong upang makabalik sa kalusugan at trabaho sa lalong madaling panahon nang ligtas kung maaari. Bilang isang may-ari ng negosyo, ikaw ay hindi sakop para sa iyong mga pinsala o mga sakit sa sarili mong lugar ng trabaho maliban kung pinili mong bumili ng Personal na Pagsakop. Bumili ka man o hindi ng Personal na Pagsakop para sa iyong sarili, kung umuupa ka ng mga manggagawa na sakop ng kabayaran sa manggagawa, ikaw ay protektado mula sa legal na aksyon na tungkol sa isang tinanggap na paghahabol para sa pinsala o sakit na nangyari sa Manitoba. Ano ang Personal na Pagsakop? Ang Personal na Pagsakop ay opsyonal na seguro ng kabayaran sa manggangawa na nakalaan lamang sa mga negosyong iisa lang ang may-ari, mga kasosyo sa negosyo, mga direktor ng korporasyon, o mga self-employed o nagtatrabaho sa sarili na indibidwal (gaya ng tinukoy ng WCB). Ang mga indibidwal na bumibili ng Personal na Pagsakop ay karapat-dapat para sa parehong medikal, rehabilitasyon na mga serbisyo at mga benepisyo sa pagkamatay na makukuha ng mga manggagawa sa kaganapan ng isang pinsala o sakit sa lugar ng trabaho. Sa karagdagan, ang buo o bahagyang mga benepisyo sa kawalan ng suweldo ay makukuha ng mga indibidwal na bumibili ng Personal na Pagsakop at maaaring maipatunay na sila ay mayroong nawalang mga kita. Paano ako mag-aaplay o malalaman kung ako ay karapat-dapat na bumili ng Personal na Pagsakop? Upang makakuha ng Personal na Pagsakop para sa iyong sarili, kailangan mong ipakita na ikaw ay nagpapatakbo ng isang negosyo. Pagpapasyahan ito ng WCB sa pamamagitan ng isang pagsusuri sa negosyo. Ikaw o ang iyong kinatawan ay maaaring simpleng makipag-ugnayan sa WCB Assessment Services Department sa (204) 954-4505 o libreng tumawag sa Canada at sa Estados Unidos sa 1-855-954-4321 at tutulungan ka namin matukoy ang iyong pagiging karapat-dapat.

Pahina 2 Maaari mo ring gamitin ang aming online na sistema ng Employer Registration Request na maaaring makuha sa website ng WCB sa www.wcb.mb.ca na nasa drop down menu ng Online Services. Kung ikaw ay wala pang account sa WCB para sa pagsakop ng mga manggagawa, kakailanganin mong magbigay ng pangalan ng negosyo at ng bagay na umiiral, kumpletong impormasyon para sa pakikipag-ugnayan, at isang paglalarawan ng mga aktibidad ng negosyo. Ano ang mga benepisyong maaari akong maging karapat-dapat sa Personal na Pagsakop? Ang Personal na Pagsakop ay nagbibigay sa iyo ng karapatan para sa mga benepisyo at serbisyo ng WCB kung ikaw ay mayroong isang pinsala o sakit na may kaugnayan sa trabaho. Maaaring kabilang dito ang: kabayaran ng inaprubahang gastos sa pagpapagamot kabayaran sa paglalakbay kung ang paglalakbay ay kinakailangan para sa pagpapagamot mga benepisyo ng nawalang sahod mga gawad para sa permanenteng kahinaan ng kakayahan bokasyonal na rehabilitasyon mga benepisyo para sa mga umaasa sa pangyayari na may namatay. Magkano ang Personal na Pagsakop? Ang premium rate ay pareho para sa personal na pagsakop katulad ng sa mga manggagawa. Ang rate ay mag-iiba depende sa klasipikasyong kinabibilangan mo at ng iyong nakaraang karanasan sa gastos. Ang bawat industriya ay mayroong klasipikasyong pang-industriya at singil na itinakda ng WCB. Ang halaga ng Personal na Pagsakop ay kinakalkula sa pamamagitan ng pagmumultiplika ng singil ng iyong industriya sa halaga ng pagsakop na iyong binili at pagkatapos ay hahatiin sa 100. Halimbawa, kung ang singil ng iyong industriya ay $1.25 at ikaw ay bumili ng pagsakop na nagkakahalaga ng $30,000, ang magiging halaga ng iyong Personal na Pagsakop ay $375 para sa 2017. Sasabihin namin sa iyo ang singil ng iyong industriya kapag tumawag ka para magparehistro. Anong halaga ng pagsakop ang kailangan kong bilhin? Bawat taon, ang WCB ay nagtatakda ng isang pinakamababa at pinakamataas na halaga ng Personal na Pagsakop. Ikaw ay maaaring bumili ng anumang halaga ng

Pahina 3 pagsakop sa pagitan ng pinakamababa at ng pinakamataas. Para sa 2017, ang pinakamababa ay $23,710 at ang pinakamataas ay $481,930. Sa pagpili ng naaangkop na halaga ng pagsakop, kailangan mong isaalang-alang ang antas ng iyong kita at ang ibang mga pinagkukunan mo ng kita. Ang pagbili ng napakaliit na pagsakop ay maaaring mangahulugan, sa kaganapan ng isang pinsala o sakit, na ang iyong mga benepisyo ay hindi magiging sapat. Sa kabilang banda, ang pagbili ng mas maraming pagsakop kaysa sa iyong kailangan at maaaring masiyasat ay pwedeng magdulot sa iyo na magbayad ng mas mataas na mga premium kaysa sa kinakailangan. Bago gumawa ng iyong desisyon, maaaring naisin mong sumangguni sa iyong pinansyal na tagapayo o sa pribadong tagahatid ng seguro. Ano ang mangyayari kung bumili ako ng pinakamababang antas ng pagsakop? Kung bibili ka ng pinakamababang antas ng pagsakop at sa kalaunan ikaw ay hindi makalahok sa araw-araw na operasyon ng negosyo sanhi ng isang pinsala o sakit na may kaugnayan sa trabaho, ikaw ay bibigyan ng karapatan para sa mga benepisyo sa kawalan ng suweldo batay sa pinakamababang antas nang hindi kakailanganing patunayan ang iyong mga kinita. Ano ang mangyayari kung bibili ako ng mas mahigit sa pinakamababang antas ng pagsakop? Kung bibili ka ng mas mahigit sa pinakamababang antas ng pagsakop, maaari mong piliing patunayan ang iyong mga kinita kapag ikaw ay bumili/magpanibago ng pagsakop, o maaari mong piliing patunayan ang iyong mga kinita kung at kapag gumawa ka ng paghahabol para sa mga benepisyo ng nawalang sahod sanhi ng isang pinsala o sakit na may kaugnayan sa trabaho. Mangyaring tandaan kung pinili mong huwag nang patunayan ang iyong mga kinita sa oras ng pagbili/pagpapanibago, sa kaganapan ng isang pinsala o sakit na may kaugnayan sa trabaho, ang iyong mga benepisyo sa kawalan ng suweldo ay unang ibabatay sa pinakamababang antas ng pagsakop. Para sa 2017, ang pinakamababang antas ay $23,710. Ang halagang ito sa kalaunan ay aayusin nang may bisa mula sa nakaraan kapag napatotohanan na ng WCB ang isang mas mataas na antas ng mga kinita. Kung ikaw ay nakapagdesisyon na patunayan ang iyong mga kinita sa oras ng pagbili/pagpapanibago,ang naaprubahang mga antas ng kinita ay mananatiling may bisa para sa kasalukuyan at sa susunod na taon.

Pahina 4 Paano ko papatunayan ang aking mga kinita? Para mapatunayan ang iyong mga kinita, sinusuri ng WCB ang iyong mga talaan ng buwis sa kita at mga sumusuportang dokumento mula sa nakaraang isa hanggang dalawang taon. Maaaring makuha ng WCB ang impormasyon na ito mula sa Canada Revenue Agency (CRA)o sa ibang independiyenteng pinagmumulan na pirmado ng isang sertipikadong taga-tuos (CPA, CA, CGA o CMA). Minsan pero hindi madalas, ang WCB ay maaaring mangailangan ng mga karagdagang dokumento upang patunayan ang iyong mga kinita. Upang patunayan ang mga kita para sa mga Direktor na may 50% o higit pang pagmamay-ari sa isang korporasyon idinadagdag pabalik ang shareholding percentage ng netong kita ng negosyo at depresasyon/capital cost allowance ng Direktor sa iyong iniulat na kita sa T4. Upang patunayan ang mga kita para sa mga Direktor na may mas mababa sa 50% pagmamay-ari sa isang korporasyon, kinokonsidera lamang ng WCB ang iniulat na kita sa T4. Upang patunayan ang mga kita para sa mga nag-iisang may-ari at mga kasosyo, idinadagdag pabalik ng WCB ang mga binawas na kinuha mula sa gastusin sa depresasyon/capital cost allowance at Paggamit Bilang Negosyo ng mga Gastusin sa Bahay sa iyong iniulat na Netong Kita sa Negosyo. Halimbawa, kung ang naitala sa iyong talaan ng buwis sa kita ay $20,000 na Netong Kita sa Negosyo, $4,000 na binawas mula sa Capital Cost Allowance at $1,000 na binawas mula sa Paggamit Bilang Negosyo ng mga Gastusin sa Bahay, sasangayunan ng WCB na ang kinita mo ay $25,000. Sa sandaling nasang-ayunan na ng WCB ang iyong mga kita, ang mga benepisyo sa kawalan ng suweldo ay nakabatay sa mas kakaunti ng: (1) Ang antas ng pagsakop na iyong binili, o (2) Ang halaga ng kinita na maaaring beripikahin ng WCB na iyong kinita mula sa mga nakaraang taon. Abiso: Kung ang beripikadong halaga ng mga kita ay mas kaunti sa antas ng pagsakop na iyong binili nang naisaayos at natanggap ang isang paghahabol sa mga benepisyo sa kawalan ng suweldo o mga benepisyo sa pagkamatay, maaari mong hilingin sa WCB na maibalik ang diperensya sa pagitan ng premium na binayaran mo para sa hiniling na antas ng pagsakop at sa premium na dapat mong binayaran batay sa beripikadong mas mababang mga halaga ng kita na sakop ng pinakamaliit na halaga ng premium.

Pahina 5 Gayunman, kung ang iyong mga napatunayang kita ay mas mababa sa pinakamaliit na antas ng pagsakop, ikaw ay patuloy na tatanggap ng mga benepisyo batay sa pinakamaliit. Sa kasong ito, ang iyong mga benepisyo sa kawalan ng suweldo ay muling kakalkulahin batay sa mga average na taunang kita na $25,000. Itong pag-aayos sa iyong mga benepisyo sa kawalan ng suweldo ay magiging may bisa mula sa nakaraang petsa ng iyong pinsala o sakit. Ang Tagahatol o Tagapamahala ng Kaso ay magiging regular ang ugnayan sa iyo upang suriin ang iyong medikal na katayuan at karapatan sa mga benepisyo sa kawalan ng suweldo. Kapag naaprubahan ng WCB ang antas ng pagsakop na hiniling batay sa ibinigay na pagpapatunay, ang antas ng iyong pagsakop ay mananatiling may bisa para sa kasalukuyan at sa susunod na taon. Maaari mong i-akma at muling patunayan ang iyong mga kinita sa anumang oras kung kinakailangan. Ang abilidad ko bang lumahok sa aking negosyo pagkatapos ng aking pinsala o sakit ay makakabawas sa aking mga benepisyo sa kawalan ng suweldo? Kung ang paghihigpit sa iyong medikal ay hindi pumipigil sa iyong paglahok sa negosyo sa ilang antas, ang Tagahatol o Tagapamahala ng Kaso, sa pagsangguni sa iyo, ay tutukuyin ang iyong kawalan ng kakayahan na kumita bilang porsyento. Halimbawa, ang iyong pinsala o sakit na may kaugnayan sa trabaho ay nagpapahintulot sa iyo na lumahok sa negosyo sa pinababang antas na 40%, ginagamit ng WCB ang porsyentong ito para mapakita ang epekto sa iyong kapasidad na kumita kapag kinakalkula ang iyong mga benepisyo sa kawalan ng suweldo. Sa nakaraang halimbawa, ang iyong mga average na pinatunayang kita ay itinatag sa $25,000. Ang iyong mga benepisyo sa kawalan ng suweldo ay kinakalkula gamit ang 40% ng pinatunayang mga kita ($25,000 x 40% = $10,000) upang mabawasan ang iyong mga benepisyo bilang repleksyon ng mga patuloy na operasyon at mga kita mula sa negosyo. Bilang resulta, ang iyong $25,000 na pinatunayang mga kita ay babawasan ng $10,000 at ang mga benepisyo sa kawalan ng suweldo ay ibabatay sa natitirang $15,000. Gaano ko kadalas kailangang patunayan ang antas ng aking mga kita? Ang mga kalagayan ay nagbabago. Kaya, kapag ikaw ay bumibili/nagpapanibago ng iyong Personal na Pagsakop, dapat mong isaalang-alang ang antas ng iyong mga kita at iyong iba pang mga pinagkukunan ng kita para masigurado na ang antas ng Personal na Pagsakop ay sapat.

Pahina 6 Paano natutukoy ang benepisyo sa kawalan ng suweldo, at magkano ang aking magiging karapatan kung ako ay napinsala o may sakit? Kung ang pinsala o sakit na may kaugnayan sa trabaho ay nakakaapekto sa iyong kakayahan na lumahok sa mga pagpapatakbo ng negosyo at ang medikal na impormasyon ay sumusuporta sa pangangailangan para sa panahon na malayo mula sa trabaho, ikaw ay maaaring maging karapat-dapat sa mga benepisyo sa kawalan ng suweldo. Kung ano ang matatanggap mo sa mga benepisyo sa kawalan ng suweldo ay depende sa maraming mga salik: ang iyong pagkawala ng mga kinita ang pinakamababang antas ng Personal na Pagsakop ($23,710 sa 2017) ang antas ng Personal na Pagsakop na iyong binili ang iyong pinatunayang mga kinita anumang mga kolateral na benepisyo na natanggap mo para sa parehong pinsala o sakit, ang mga pagbabayad na ito ay maaaring maituring na mga kolateral na benepisyo at maaaring makabawas sa iyong mga WCB na benepisyo sa kawalan ng suweldo. Bawat personal at propesyonal na kalagayan ng indibiduwal ay maaaring mag-iba at maimpluwensiya ang kanilang mga aktwal na benepisyo sa kawalan ng suweldo. Bilang patulad, ang mga sumusunod na talahanayan ay nagpapakita ng humigitkumulang na mga halaga ng benepisyo sa kawalan ng suweldo lamang. 2017 Mga Antas ng Personal na Pagsakop na pinaka-madalas binili para sa 2017 Tinatantiyang mga benepisyo sa kawalan ng suweldo na tatanggapin bawat dalawang linggo (kinalkula para sa nag-iisang tao na walang ibang mga kredito sa buwis at mga pagbabawas na pinapahintulutan ng WCB) $700 $ 23,710 (pinakamaliit na antas ng pagsakop) $ 30,000 $805 $ 40,000 $1040 $ 50,000 $1,261 $ 60,000 $1,476 $ 70,000 $1,708 $ 80,000 $1,914 $ 90,000 $2,117 $ 100,000 $2,301

Pahina 7 Lahat ng mga kalkulasyon ay isinasaalang-alang na ang mga may-ari ng negosyo ay hindi kailangan na magbayad ng Paseguro sa Pag-empleyo (EI) at sa makatuwid, ang maaaring EI na bayad sa paseguro ay hindi pa naibawas. Mangyaring tandaan: Ang mga benepisyo sa kawalan ng suweldo para sa mga may-ari ng negosyo ay batay sa mga kakayahan ng mga may-ari na patuloy na patakbuhin ang negosyo. Ang halagang nasa itaas ay batay sa hindi kayang gawin na mga tungkulin ng may-ari ng negosyo na kanilang ginawa bago ang pinsala o sakit. Kapag maaari pa silang magsagawa ng ilan sa kanilang tungkulin bago pa ang kanilang pinsala o sakit, ang antas ng mga benepisyo sa kawalan ng suweldo na kanilang matatanggap ay mababawasan nang alinsunod. Kung bumili ka ng mahigit sa pinakamababang antas ng pagsakop at kamakailang pinatunayan ang iyong mga kinita, makakatanggap ka ng kawalan ng suweldo batay sa antas ng pagsakop na iyong binili at sa pagkawala ng iyong mga kita. Kung bumili ka ng mas mahigit sa pinakamababang antas ng pagsakop at hindi kamakailang pinatunayan ang iyong mga kinita, makakatanggap ka ng isang kawalan ng suweldo batay sa pinakamababang antas ng pagsakop hanggang maberipika ng WCB ang iyong aktwal na mga kinita. Kadalasan, pinapatotohanan ng WCB ang iyong mga kinita sa pamamagitan ng mga tala ng buwis sa kita. Ang iyong mga benepisyo sa kawalan ng suweldo ay maaaring kalkulahin ulit nang may bisa mula sa nakaraan batay sa mas kakaunti na antas ng pagsakop na iyong binili, o ang halaga ng mga kita na maaaring maberipika ng WCB na iyong kinita sa mga nakaraang taon. Ang iyong mga benepisyo sa kawalan ng suweldo ay ibabatay sa pinakamababa kahit na ang iyong pinapatotohanang mga kinita ay mas mababa sa pinakamababa, hangga t mayroong isang pagkawala ng mga kinita. Kung tumatanggap ka ng mga benepisyo mula sa ibang nagbibigay ng seguro para sa parehong pinsala o sakit, ang mga kabayarang ito ay maaaring isaalang-alang bilang mga kolateral na benepisyo at maaaring makabawas sa iyong mga WCB na benepisyo sa kawalan ng suweldo. Kung ikaw ay 61 taong gulang o mas matanda pa sa panahon ng pinsala o sakit na may kaugnayan sa trabaho, ang mga benepisyo sa kawalan ng suweldo ay hindi babayaran nang lampas sa 48 buwan. Kailan ang pag-aktibo ng aking personal na pagsakop? Magiging epektibo ang iyong pagsakop kapag natanggap na ang iyong aplikasyon at awtomatiko itong ipapabago sa ika-1 ng Enero ng bawat taon sa parehong antas ng pagsakop na iyong pinag-aplayan. Gayunman, kung bumili ka ng pinakamababang antas ng pagsakop, ikaw ay magpapanibago sa susunod na taon

Pahina 8 sa bagong nadagdagan na pinakamababang antas ng pagsakop. Halimbawa, kung ikaw ay bumili ng pinakamababang antas ng pagsakop para sa 2016 ($23,330), kapag ang iyong pagsakop ay napanibago ng Enero 1, 2017, ang iyong antas ng pagsakop ay itataas sa bagong 2017 na pinakamababang antas na $23,710. Kung pipiliin mong kanselahin ang pagsakop sa iyo o baguhin ang antas ng pagsakop na mayroon ka, kailangan mong ipagbigay-alam sa WCB bago mag ika- 31 ng Disyembre ng bawat taon. Gaano katagal mananatiling epektibo ang pagsakop? Mananatiling epektibo ang Personal na Pagsakop hanggang sa kanselahin mo ang pagsakop o hanggang sa kanselahin ng WCB ang pagsakop dahil hindi ka sumunod sa mga pangangailangan sa pag-uulat at pagbabayad ng WCB. Ano ang dapat kong gawin kung mapipinsala ako? Humingi ng medikal na atensiyon para sa iyong pinsala o sakit. Siguraduhing sabihin sa iyong doktor na ang iyong pinsala o sakit ay may kaugnayan sa trabaho. Sa lalong madaling panahon na maaari mong gawin, iulat ang iyong pinsala sa WCB. Maaari mong iulat ang pinsala sa telepono sa pamamagitan ng pagtawag sa WCB s Claim Information Centre sa (204) 954-4100 o libreng tumawag sa Canada at sa Estados Unidos sa 1-855-954-4321 mula 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes. Ang WCB ay naninindigang maghahandog ng serbisyong mabilis, madali, may malasakit, tama at malinaw. Sa gayon, nais naming malaman kung ang impormasyong ibinigay sa lathalaing ito ay natugunan ang iyong mga pangangailangan. Kanino ako makikipag-ugnayan para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kalkulasyon o pagbabayad ng mga benepisyo? Kung ikaw ay may mga katanungan tungkol sa kalkulasyon o pagbabayad ng mga benepisyo sa kaganapan ng pinsala o sakit na may kaugnayan sa trabaho, paki tawagan ang aming linya sa pangkalahatang impormasyon sa (204) 954-4100 o libreng tumawag sa 1-855-954-4321 at hilinging makipag-usap sa Payment Assessor. Maaari ka ring sumulat sa amin sa: Workers Compensation Board Compensation Services Attention: Payments Department 333 Broadway, Winnipeg, Manitoba R3C 4W3 O mag-email sa amin sa: wcb@wcb.mb.ca

Pahina 9 Mangyari lamang na magbigay ng ilang minuto para magbigay ng iyong feedback sa AssessmentServices@wcb.mb.ca Ang lathalang ito ay ipinapagkaloob bilang pangkalahatang impormasyon. Hindi ito nilalayon na maging legal na payo, at hindi dapat asahan na bilang tulad. Para sa mas tiyak na impormasyon, tingnan ang The Workers Compensation Act and Regulations and WCB Policies. Ang mga dokumentong ito ay makukuha sa website ng WCB sa wcb.mb.ca. 01/17