Maaaring magdusa ang sinuman mula sa glaucoma. Gayunman, mas mataas ang panganib sa mga mas matandang tao.

Similar documents
Kanser sa Suso. Breast Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Kanser sa Prostata. Prostate Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Kanser sa Sikmura. Stomach Cancer / Tagalog Copyright 2018 Hospital Authority. All rights reserved 1

Kanser sa Cervix. Cervical Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Talamak na Paghina ng Bato

Kanser sa Balat. Skin Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Dementia. DEMENTIA / Tagalog Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 1

Sakit sa Ugat ng Puso

Depresyon. Depression / Tagalog Copyright 2018 Hospital Authority. All rights reserved 1

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Radiofrequency Ablation Para sa Paggamot ng mga Solidong Tumor

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

GRADE VI GAMIT NG GRID

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

2014 NATIONAL POISON PREVENTION WEEK. Heavy metals?

Direktoryo ng Provider at Parmasya

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Advance Directive - ALASKA

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Atlantic Health System

Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Iba pang mga wika at format

Transjugular Intrahepatic Portosystemic Shunt (TIPS) Hinggil sa inyong prosedyur

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

Tamang uri ng pamumuhay

Percutaneous (Sa Balat) Pantiyan o Pambalakang na Drain

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Pag-access at Pagbabago ng mga Rekord ng Kalusugan

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

I. LAYUNIN PATAKARAN. Pamagat: Patakaran sa Tulong Pinansyal. Patakaran Pamamaraan Alituntunin Iba pa: Saklaw: Sistema Departamento:

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Maagang Paghilab. Mga Tanda at Sintomas. Alamin ang mga tanda ng maagang paghilab at kung ano ang magagawa mo kung sakaling mangyari ito.

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Medi-Cal. Taon ng Benepisyo Handbook ng Miyembro ng Medi-Cal para sa

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

SUUNTO SPARTAN SPORT WRIST HR 2.0 GABAY SA USER

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Stake Audit Committee

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Sistema Administratibo

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

SafetyNet: Tag-sibol 2017 Artikulo ng Tagasuporta: Pwede mong mapigilan ang pagkabuwal

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

1(415) TDD 1(415)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

Ang Makisig at Hangal na Hari

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Financial Assistance Documents

Pang-aabusong Sekswal sa Kulungan: Isang Pandaigdigang Krisis sa Karapatang Pantao

Pamantayan para sa Mga Palaisdaan ng Seafood Watch

panalongtaglamig 2018

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

Kapag Sumlong ang isang Maliit na Itinatanging Buhay

Programa sa Bawas na Pamasaheng Pang May-Kapansanang, May Larawang Card ng Pagkakakilanlan

Health TALK. Naarawan BUNTIS? Ano ang ibig sabihin ng bilang ng SPF sa sunscreen ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

Tungkol Saan ang Modyul na ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Pagtugon/Pagkilos sa Sakuna

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

2018 Buod ng Mga Benepisyo

Gabay ng Magulang Paghahanda para sa Operasyon/Procedure ng Iyong Anak A Parent s Guide Preparing for Your Child s Surgery/Procedure (Tagalog)

Transcription:

Glaucoma Kilala ang Glaucoma bilang "ang Magnanakaw ng Paningin" dahil sa unang yugto nito, walang malinaw na mga sintomas. Matahimik nitong ninanakaw ang iyong paningin bago mo ito mapansin. Sa huling yugto, ang gitnang paningin na lamang ang natitira. Kung walang wastong paggamot, higit pang lalabo ang paningin at maaaring humantong sa permanenteng pagkabulag. Maaaring magdusa ang sinuman mula sa glaucoma. Gayunman, mas mataas ang panganib sa mga mas matandang tao. Ipinakita ng isang pananaliksik na ginawa ng Chinese University ng Hong Kong at tatlong pampublikong ospital mula 2005 hanggang 2009 na 67% ng mga pasyenteng may glaucoma ang hindi nakakakita ng ruta ng bus, 65% sa kanila ang nahirapan sa pag-akyat sa hagdan, at 53% sa kanila ang nagkaroon ng hindi matatag na damdamin. Ipinakita nito na ang glaucoma ay may makabuluhang epekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga pasyente. Sa kasalukuyan ay walang paggamot na maaaring makapagbaligtad sa pinsala sa paningin mula sa glaucoma at ang pagkawala ng paningin ay permanente. Mahalaga ang pagpigil sa pamamagitan nang maagang pagtuklas. Ang regular na pagsusuri ng mata ay ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang glaucoma, lalo na sa mga higit sa 40 taong gulang at mga indibidwal na mataas ang panganib. Kung madalas kang nakadarama ng pamamaga ng iyong mga mata, pagsakit ng ulo o nakakakita ng halo sa paligid ng mga ilaw tuwing gabi, biglaang pananakit ng mata, pamumula, malabong paningin, pagkahilo at pagsusuka, dapat kang kumonsulta sa doktor sa lalong madaling panahon. (Espesyal na pasasalamat kay Dr. Nafees BAIG, Ospital ng Mata ng Hong Kong para sa pagsusuri ng impormasyon sa pahinang ito.) 1. Ano ang Glaucoma? Ang glaucoma ang pangalawang nakabubulag na sakit ayon sa tinukoy ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan [World Health Organization (WHO)]. Gayunman, ito ang unang nakabubulag na sakit sa Hong Kong. Ang lokal na Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 1

paglaganap nito ay tinatayang 3 sa 100 tao na may edad na higit sa 40. Pumapasok sa mata ang sinag ng liwanag sa pamamagitan ng cornea at lens at nakatutok papunta sa retina. Pagkatapos ay nalilikha ang electric signal at naililipat sa utak sa pamamagitan ng optic nerve. Upang mapanatili ang kabuuan ng eyeball, napupuno ito ng tubig na inilabas tulad ng isang lobo. Inipon ang laman na tubig mula sa ciliary body, umaagos sa pamamagitan ng iris at pupil at sinisipsip sa trabecular network sa drainage angle. Hahantong sa abnormal intraocular pressure ang anumang pagkakaiba sa pagitan ng secretion at absorption na magreresulta sa pagkasira ng optic nerve. Kung ikaw ay may Glaucoma, maaapektuhan ng sakit ang iyong optic nerve na hahantong sa pagkamatay ng selula na retinal ganglion sa isang tipikal na padron, na magreresulta sa isang hindi na maibabalik na pagkawala ng visual field at paningin. 2. Anu-ano ang mga panganib na kadahilanan ng Glaucoma? Maraming mga panganib na kadahilanan na maaaring humantong sa Glaucoma. Kung ikaw ay nasa alin man sa isa sa mga sumusunod na kategorya, mangyaring magkaroon ng kamalayan at mag-ingat kaagad: Mataas na intraocular pressure (pressure sa loob ng eyeball) Higit sa 40 taong gulang Mataas na myopia (hindi makakita sa malayo) o mataas na hyperopia (maliwanag ang paningin sa malayo), Diabetes mellitus Sakit sa puso Glaucoma sa kasaysayan ng pamilya Kasaysayan ng trauma Sobrang sakit ng ulo Obstructive sleep apnea Pangmatagalang paggamit ng steroid Pangkaraniwan din sa Asya ang angle closure glaucoma. 3. Paano maiiwasan ang Glaucoma? Ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang glaucoma ay ang pagkakaroon ng regular na pagsusuri sa mata sa klinika ng Opthalmologist. Kabilang sa check-up ang intraocular pressure (ang pressure sa loob ng mata ay sinusukat gamit ang mga espesyal na instrumento, ang mataas na pressure ay isang panganib na kadahilanan Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 2

sa pagkakaroon ng glaucoma), pagsusuri ng drainage angle (ito ay sinusuri gamit ang espesyal na lens, maaaring uriin bilang bukas na anggulo o makitid na anggulo; mas karaniwan sa mga Asyano ang makitid na anggulo at siyang pagmumulan ng malubhang glaucoma) at pagsusuri ng ulo ng optic nerve. Ang maagang pagkabatid sa sakit ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang paglala ng sakit. 4. Anu-ano ang mga sanhi ng Glaucoma? Maaaring uriin ang Glaucoma bilang pangunahin at pangalawa. Walang maliwanag na dahilan sa pangunahing glaucoma. Ipinapalagay ng ilan na totoong ang genetic mutation ay may ginagampanang papel. Ang pangalawang glaucoma ay isang uri ng glaucoma na sanhi ng iba pang mga sakit o kondisyon sa mata gaya ng pangmatagalang paggamit ng steroid (kahit alin sa iniinom, ipinapahid o nilalanghap), trauma o pag-opera sa mata, cataract, lumalaganap na diabetic retinopathy, central retinal vein occlusion, uveitis (pamamaga ng tisyu na uveal), bukol sa mata atbp. Maaari ding uriin ang Glaucoma bilang open-angle at closed-angle. Ang 'angle' ay tumutukoy sa drainage angle sa nauunang bahagi ng eyeball na siyang namamahala sa pagtatapon ng lamang tubig sa loob ng eyeball upang mapanatili ang isang optimal intraocular pressure. Kapag sarado ang angle, ang pagtatapon ng tubig ay pinahihina at samakatuwid ay tumataas ang pressure. Sa open-angle na glaucoma, ang pagtatapon ng tubig ay hindi kasing bilis ng pagtatago ng lamang tubig at samakatuwid ay tataas din ang intraocular pressure. 5. Madali bang malaman ang mga sintomas ng Glaucoma? Walang palatandaan bago mangyari ang malubhang glaucoma, kung mayroon ka ng mga sumusunod na tanda ng babala, mangyaring kaagad na kumonsulta sa iyong doktor: Halo (paglitaw ng bahaghari sa paligid ng liwanag) Katamtamang sakit ng ulo Hindi matinding kirot sa mata Panlalabo ng paningin Pagkawala ng peripheral visual field. Ang mga nabanggit na sintomas ay karaniwang pinapabayaan hanggang ang mga pasyente ay nagpapakita ng malubhang pagkawala ng visual field na nakakaapekto sa gitnang paningin na nagpapahiwatig ng huling yugto ng sakit. Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 3

Nagpapakita ang acute glaucoma ng biglaang masakit at mapulang mata, panlalabo, matinding sakit ng ulo, pagkahilo at pagsusuka. Ang mga sintomas ay mas kitang-kita at matindi kaysa sa chronic glaucoma. 6. Paano suriin at gumawa ng pag-diagnose sa Glaucoma? Ang pag-diagnose ay ginagawa sa pamamagitan ng detalyadong kasaysayan ng opthalmic at medikal, komprehensibong pagsusuri ng mata kabilang ang pagsukat sa intraocular pressure, pagsusuri sa ulo ng optic nerve, mga palatandaan ng kasabay na umiiral na sakit sa mata atbp. Ang pagsusuri ng visual field ay ang gintong pamantayan sa pag-diagnose. Kabilang sa iba pang mga pagsisiyasat ang optical coherence tomography (OCT), ultrasound biomicroscopy (IBM), pagsusuri ng kapal ng central cornea at anterior segment OCT. Ang OCT ay ginagamit upang suriin ang kapal ng layer ng nerve fiber na nagiging manipis sa mga pasyenteng may glaucoma. Ang UBM ay isang makinang pang-ultrasound na sumusuri sa istruktura ng angle at sa degree ng drainage angle. 7. Ano ang gamot para sa Glaucoma? Layunin ng paggamot ang pagpapababa sa intraocular pressure. Ang mga topikal na pampatak sa mata ay ang mga maaasahang pamamaraan. Kabilang sa iba pang mga paraan ang laser at mga opsyong pagpapa-opera. Irerekomenda ng doktor ang naaangkop na paggamot para sa mga pasyente ayon sa uri ng kanilang glaucoma, kalubhaan, kasaysayang medikal at kondisyon ng kalusugan. 8. Ano ang mga gamot para sa Katarata? Ang pag-opera sa pagtanggal ng katarata ay nananatiling pinaka-epektibong paggamot sa maulap na lens. Karaniwang ginagawa ang operasyon gamit ang lokal na pangpamanhid at pinapayagang umuwi ang pasyente sa bahay sa araw ding iyon. Sa ngayon, ang dalawang pinakapangkaraniwang ginagawang operasyon sa katarata ay phacoemulsification extracapsular na pagtatanggal sa katarata. Gumagamit ang phacoemulsification ng lakas ng ultrasound upang basagin ang lens nang pira-piraso at pagkatapos ay inilalabas ang mga ito mula sa mata sa pamamagitan ng paghigop. Mayroon itong maliit na sugat at hindi kailangan ang pagtahi. Gayunman, hindi lahat ng katarata ay naaangkop sa phacoemulsification. Para sa mga makapal na katarata, maaaring mas mabuting opsyon ang Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 4

extracapsular na pagtanggal sa katarata dahil maaaring maiwasan nito ang pagkasira ng mga istruktura ng mata sanhi ng mataas na lakas ng ultrasound sa phacoemulsification. Upang mapabuti ang resulta sa paningin, magtatanim ng artipisyal na lens sa parehong panahon pagkatapos na maaalis ang katarata. 9. Ano ang komplikasyon ng Glaucoma? Maraming pasyente na nasa huling yugto ng sakit ang magkakaroon ng makitid na visual field at hahantong sa pagkawala ng central field. 10. Paano alagaan ang pasyenteng may Glaucoma? Pinapayuhan ang mga pasyente na maglagay ng gamot sang-ayon sa pamamaraan upang makontrol ang intraocular pressure at maliit lang ang pagbabagu-bago. Makatutulong ang sapat na pahinga at ehersisyo. Pinapayuhan din ang mga pasyente na i-optimize ang mga cardiovascular na panganib na kadahilanan upang mapabuti ang sirkulasyon ng dugo sa ulo ng optic nerve. Dapat ay tiyak na iwasan ang trauma lalo na sa mga taong sumailalim sa operasyon sa glaucoma. Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 5