Permanenteng Edisyon. Pagsasaayos ng Bahay Upang Maging Matibay sa Lindol. Lindol!! Ano ang Gagawin sa Panahong Iyon

Similar documents
GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Pagtugon/Pagkilos sa Sakuna

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Prepektura ng Fukuoka

Iligtas natin ang sarili sa pinsalang dulot ng lindol, baha at malakas na hangin!

Prepektura ng Fukuoka

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Disaster Handbook para sa mga Taga-ibang Bansang Residente

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

GRADE VI GAMIT NG GRID

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Pagsasanay sa Filipino

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

WALONG PAALALA PARA MAGING LIGTAS AT MATIBAY ANG ATING TAHANAN

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Ang Makisig at Hangal na Hari

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Ota City Board of Education

storybookscanada.ca children s stories in Canada s many languages. Storybooks Canada in an effort to provide

EMERGENCY TOOLKIT 2017

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Atlantic Health System

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Pamamahala sa Social Security Mahalagang Impormasyon

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

Isang Guide para sa Naturalisasyon

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

Advance Directive - ALASKA

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

KABAYARAN SA PAGTAPON NG BASURA PAG-PUPULONG NG RESIDENTE BAYAN NG HIGASHIURA

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Mahalagang impormasyong legal, mga paghahayag, at mga patakarang kailangan ninyong malaman

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

Unang Hakbang MGA INIAATAS NA KUWALIPIKASYON

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Mahahalagang Bagay. Mahahalagang Bagay. Iba Pang Mga Paunawa. Iba Pang Mga Paunawa (Bawat Modelo)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Rehistrasyon Dagdagan ang nalalaman sa 350 S. Oak Harbor St., Oak Harbor, WA

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

Balita Mula sa Kumamoto Bar Association

Sa mga magulang na babiyahe dala ang kanilang mga anak patungo sa ibang bansa Sa mga magulang na pabalik ng Japan dala ang kanilang mga anak

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) Title VI

Financial Assistance Documents

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika. Kapag nais magmaneho ng sasakyan sa Japan

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Matataas na mga Hiwatig para sa mga Magulang

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Direktoryo ng Provider at Parmasya

Magplano ng maaga para sa mga hinaharap na pagdedesisyon sa legal, kalusugan at pinansiyal

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

Health TALK. Naarawan BUNTIS? Ano ang ibig sabihin ng bilang ng SPF sa sunscreen ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Ang Gabay na ito ay inilikha ng No One is Illegal at ng Immigration Legal Committee at suportado ng African-Canadian Legal Clinic.

Plano na mga Serbisyo para sa Suporta ng Bata/Pag-papalaki ng Bata sa Lungsod ng Yokohama. [Pinaikling Salin] Tagalog

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Gabay para sa mga Lider

Pamamatnubay na Palakad sa Paaralan para sa mga Magulang na Baguhan

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Pag-unawa sa Pamamaraan ng Pagtasa, Karapatan, at Pang-isahang Programa sa Edukasyon ng Maryland

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Oops... Ingat sa Lansangan

Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

Iba pang mga wika at format

Transcription:

Permanenteng Edisyon Pagsasaayos ng Bahay Upang Maging Matibay sa Lindol Lindol!! Ano ang Gagawin sa Panahong Iyon Mga Nakareserbang Gamit, Mga Gamit na Mailalabas sa Panahon ng Emerhensiya, Alalahanin sa Paglikas Maghanda sa Pinsalang Dulot ng Malakas na Hangin at Baha Ang Impormasyon sa Panahon ng Kalamidad Pagtutulungan sa Panahon ng Lindol

Pagsasaayos ng Bahay Upang Maging Matibay sa Lindol Hindi natin maiiwasan ang lindol habang tayo ay nakatira sa bansang Hapon. Noong Malaking Lindol ng Kobe, maraming tao ang namatay dahil hindi na sila makakilos habang pinapatay nila ang apoy at nadaganan sila ng gusali o muwebles. Hindi naman lahat ng lindol ang dumarating sa ganitong sitwasyon, subalit kailangang maghanda sa biglaang lindol sa pamamagitan ng pagsasapuso sa sumusunod. Tumira sa ligtas na tahanan Ligtas ba ang iyong tahanan? Mahalaga na malaman mo kung ligtas ba ang gusali kung saan ka nakatira. Sa Kawasaki, isang libreng ebalwasyong panlindol ang isinasagawa para sa mga bahay na gawa sa kahoy na tinayo bago pa ang Mayo 31, 1981 na hindi tumutugon sa kasalukuyang Pamantayang Panlindol. Nagbibigay rin ang siyudad ng perang kaloob para sa bahagi ng gastos ng pagpapakumpuni ng mga ito upang maging mas matibay sa panahon ng lindol. Dagdag pa dito, may perang kaloob rin para sa bahagi ng gastos ng ebalwasyong panlindol at pagpapakumpuni ng condominium. Mga Tanong Bahay na Gawa sa Kahoy - Sangay na Nag-iinspeksiyon sa Mga Gusali, Kawanihan sa Pagpapaganda ng Lungsod (Machizukurikyoku Kenchiku Kansatsuka)200-3017 Kondominyum- Sangay para sa Pagkukumpuni ng Mga Bahay, Kawanihan sa Pagpapaganda ng Lungsod (Machizukurikyoku Jyuutaku Seibika) 200-2997 Pagsasaayos ng Kuwarto Upang Maging Matibay at Ligtas sa Lindol Araw-araw, kailangang siguraduhin ang isang kapaligirang ligtas para sa iyong tahanan sa pamamagitan ng mabuting pagkakaayos ng mga muwebles at paggamit ng kasangkapan upang hindi ito matutumba. Ilagay ang flashlight, tsinelas at iba pa sa lugar na maaabot lang ng kamay. Hadlangan ang pagtilapon ng mga bagay mula sa loob ng paminggalan sa pamamagitan ng mga pansaradong may dobleng-bisagra. Kailangang ipirmi ang mga matataas na muwebles sa pamamagitan ng isang kasangkapan na hahadlang sa pagkalaglag at pagkatumba nito. Kailangang patayong ipirmi ang mga pinapatung-patong na muwebles. Kailangang tapalan ang salamin ng bintana, paminggalan at istante ng libro ng pangproteksiyong film na hahadlang sa pagtalsik nito sa iba't ibang direksyon kung mabasag man ito. Kailangang ipirmi ang mga repridyeretor sa pamamagitan ng isang kasangkapan na hahadlang sa pagkatumba nito. Ang nakabitin na ilaw ay kailangang hadlangang umindayog.

Sa loob ng bahay? Lindol!! Ano ang Gagawin sa Panahong Iyon Unahin muna ang sariling kaligtasan Agad na itago ang katawan sa ilalim ng matibay na mesa sa panahong nakakaramdam ka ng pagyanig. Habang pinoprotektahan ang sarili sa mga nahuhulog na bagay gamit ang kalapit na makutsong bagay kagaya ng unan, lumipat sa isang ligtas na lugar ng kuwartong walang masyadong muwebles. Dagdag pa, huwag maglakad nang nakahubad dahil maaaring masugatan ka sa mga piraso ng nabasag na salamin. Pagkontrola ng Sunog May 3 pagkakataon sa pagpatay ng sunog 1Iilang segundo mula sa umpisa ng pagyanig (Mahinang pagyanig) * Maaring maging sanhi ng sugat at pagkapaso ang pilit na pagpatay ng sunog sa panahon ng malaking pagyanig. Sa sitwasyong ito, magsagawa ng aksiyon sa tiyempong 2 at 3. 2Sa paghinto ng pagyanig na dulot ng lindol 3Sa loob ng 1 ~ 2 minuto matapos mag-umpisa ang sunog Paano kung nasa labas ka ng bahay? Siguruhin ang Labasan Maaaring mag-ibang hugis ang normal na pintuan nang dahil sa lindol at mahihirapan kang buksan ito upang makalabas. Maging mahinahon habang binubuksan ang pintuan o bintana Siguruhin ang Tubig Mahalagang mag-ipon ng tubig na maiinom. Subalit importante ring maghanda ng tubig para sa pagpatay ng sunog at sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sikaping masigurong may magagamit na tubig sa pamamagitan ng araw-araw na pag-iipon ng tubig sa bathtub at pagreserba ng tubig na nasa loob ng boteng PET. Sa kalye Protektahan ang ulo mula sa mga nahuhulog na bagay. Lumayo sa mga pader na yari sa bloke, vending machine, sa ilalim ng medya-agwa (o eaves) at salaming pintuan at bintana. Mga Lugar kung Saan Nagtitipun-tipon ang Mga Tao Nakakatakot ang pagpapanik na dulot ng sikolohiya ng pagkalipunlipon ng tao. Kung nasa sitwasyon na maraming tao ang nagpapanik, lumakad sa daanan sa pagitan ng mga silya kung nasa sinehan o ilapit ang sarili sa malaking poste kung nasa department store at mahinahong sundin ang instruksiyon ng mga kawani. Kung Malapit sa Dagat o Lawa Kung nararamdaman mo ang pagyanig at may babala ng tsunami, agad na lumikas papuntang matataas na lugar o sa taas na palapag ng gusali. Sa Pamilihan na Nasa Ilalim ng Lupa (o Underground Shopping Center) Papaandarin ang pang-emerhensiyang generator kung mayroong blackout. Maging mahinahon at huwag patakbong pumunta sa labasan papuntang itaas. Kung Nasa Loob ng Elebeytor Kung nararamdaman mo ang pagyanig sa loob ng elebeytor, pindutin ang lahat ng pindutan para sa bawa't palapag at lumabas sa pinakaunang palapag kung saan bumukas ang elebeytor. Kung nakulong sa loob ng elebeytor, pindutin ang pindutang pang-emerhensiya at maghintay na mailigtas. (May mga elebeytor na awtomatikong humihinto sa pinakamalapit na palapag kung nakakaramdam ng pagyanig.) Kung Nagmamaneho ng Sasakyan Kung nagmamaneho ng sasakyan, gumawi sa kaliwang parte ng kalsada at huminto. Iwanang nakakabit ang susi sa makina at lumayo sa sasakyan. Kung nakasakay sa bus, tren at iba pang pampublikong sasakyan, sumunod sa mga sasabihing instruksiyon ng taong nakatalaga kung nasa loob ka ng istasyon ng tren. Ang Maagap na Impormasyon sa Oras ng Lindol ay Sa iilang segundo bago pa dumating ang lindol, ipapaalam kaagad ang tungkol dito sa pamamagitan ng telebisyon at radyo. Upang magamit ang impormasyong ito sa mabisang paraan, kailangang pag-isipan mong mabuti kung ano ang iyong gagawin sa sandaling dumating na ang lindol. Kung makapanood o makarinig ka ng biglaan balita Huwag mataranta! Maging mahinahon at isipin mo ang sariling kaligtasan. Para sa mga detalye, pumunta sa homepage ng Ahensiyang Meteorolohiko ng Bansang Hapon (Kishouchou), http://www.jma.go.jp/

Mga Nakareserbang Gamit, Mga Gamit na Mailalabas sa Panahon ng Emerhensiya, Alalahanin sa Paglikas Kailangang mag-usap usap ang miyembro ng pamilya kung ano ang kailangan nilang ihanda sa araw-araw at sa panahon ng kagipitan. Kailangang itabi ang mga bagay na kailangan sa pang-araw araw at mga gamit na mailalabas sa oras ng emerhensiya. Kailangang magtabi ang bawa't tahanan nang hindi kakaunti sa 3 araw na dami ng pagkain. Tubig na inumin (3 litro bawa't tao sa loob ng isang araw) Maiimbak na pagkain (Bigas, mga nakapaketeng lutong kanin, mga instant noodle, mga cup noodle, de-lata pagkain) Gatas na pulbos para sa sanggol, pagkain ng bata, pangmiryenda Siguraduhing nakahanda ang mga gamit na mailalabas sa oras ng emerhensiya radyo flashlight baterya damit na panloob, medyas, guwantes wet tissue medisina (gamot, pamatay ng mikrobyo, bendahe, gunting) Mga mahahalagang bagay (Pera, mga passbook sa bangko, librito ng segurong pangkalusugan, kopya ng lisensiya sa pagmamaneho, atbp.) mga pagkain na madaling ihanda o hindi na kailangang lutuin plastic bag napkin na pangregla kapote, mga gamit na pananggalang sa ginaw Nag-iiba ang pangangailangan depende na rin sa kapanahunan (tag-init, taglamig) o kalagayan ng pamilya. Isaalang-alang ang bawa't miyembro ng pamilya habang hinahanda ang mga gamit na ito. Sa Malaking Lindol ng Kobe, malaking tulong ang naibigay ng mga gamit na pangkaraniwang nasa bahay lang kagaya ng gamit na nagbibigay init sa katawan, mga wrap, cassette cooker, aluminum foil. Ang mga ito ay naitatapon matapos na magamit. Mga Pag-iingatan at Tatandaan sa Panahon ng Paglikas Isara ang pinagmulan ng gas (o main gas valve) at ibaba o patayin ang electric switch/breaker (main switch) Magsuot ng sapatos na may makapal na suwelas, gumamit ng hard hat o kahit anong matigas na sombrero para proteksiyon sa ulo laban sa mga nahuhulog na bagay at mag-ingat sa mga mapanganib na bagay kagaya ng mga putol na electric wire. Baka mayroong mga nakahiga na lamang na matatanda o imbalido sa iyong paligid. Kung ganoon, ipagbigay alam sa mga taong ito ang tungkol sa paglikas at umaksiyon ng karapat-dapat. Dalhin lamang ang pinaka-importante at pinakamagaang bagay (mga bagay na kinakailangan talaga sa pamumuhay). Mag-iwan ng maikling sulat sa iyong pinto na nagsasaad ng lugar na pinaglikasan (adres o numerong makokontak) para sa kaalaman ng tao. Kung mayroong instruksiyon sa paglikas, mangyaring sundin ito. Huwag gumamit ng sasakyan sa paglikas. Sa Lugar na Paglilikasan Iba't iba ang kalagayan ng mga taong naroon sa lugar na paglilikasan. Kailangang sumunod ang bawa't tao sa mga patakaran dito at dapat magkaroon ng matulunging pananaw. Dagdag pa, huwag umasa sa ibang tao habang nasa lugar na pinaglilikasan. Kailangan na maging aktibo sa pagsagawa ng mga bagay para sa iyong sarili. Mga Dapat Malaman sa Paglikas Kahit dumating pa ang isang kalamidad kagaya ng lindol o baha, hindi ibig sabihin nito na kailangang agad-agad na lumikas. Dapat munang siguraduhin na ligtas ka, pagkatapos mahinahong kumuha ng wastong impormasyon. Pagpapasiyahan ang paglikas ayon sa sitwasyon. Tahanan at Rehiyon Lugar na Paglilikasan *3 Pagdating ng kalamidad Siguraduhing ligtas ang sarili Kumuha ng impormasyon Temporaryong Lugar na Paglilikasan *1 Malawak na Lugar Kung may payo o na Paglilikasan *2 instruksiyon mula sa pamahalaankung mapanganib ang sitwasyon kagaya ng pagguho ng isang gusali at pagkalat ng sunog Siguruhin ang kaligtasan sa mga parke o bakanteng lote *1Temporaryong Lugar na Paglilikasan Temporaryong lugar na paglilikasan upang masiguro ang kaligtasan Malapit na parke o bakanteng lote, atbp. *2 Malawak na Lugar na Paglilikasan Lugar na paglilikasan sa panahon ng isang malaking kalamidad kagaya ng sunog na kumalat sa malawak na lugar Malaking parke o malawak na damuhan *3 Lugar na Paglilikasan Paaralang Elementarya, Junior High School, o Senior High School ng Siyudad (Sentro ng Lokal na Pagkahanda sa Kalamidad), atbp. Kung hindi ninyo kayang mamuhay sa inyong tahanan, pumunta sa lugar na paglilikasan Kung naging mapanganib ang Lugar na Paglilikasan, lumipat sa Malawak na Lugar na Paglilikasan Ito ay hinanda upang makapamuhay nang temporaryo ang mga taong hindi na kayang mamuhay sa sariling tahanan dahil sa pagguho ng kanilang bahay Maaari nang bumalik sa sariling tahanan kung nawala na ang panganib o kung maaari nang mamuhay dito

Maghanda sa Pinsalang Dulot ng Malakas na Hangin at Baha Maghanda sa bagyo at malakas na pag-ulan Sapat ba ang paghahanda mo sa iyong tahanan upang malabanan nito ang malakas na hangin at baha? Tingnan ang loob at paligid ng iyong bahay at agad na ipaayos ang lugar na may sira. Bagyo Putulin ang sanga ng malalaking kahoy na tumubo sa pangpang o nasa tabi ng bahay. Ipirming mabuti ang antenna Suriin ang atip at ipaayos ang anumang sira. Suriin ang kansel o panara ng bintana at ipaayos ang anumang sira. Ang tropikong cyclone (mababang presyon ng hangin na nagsisimula sa karagatang tropiko) ay nagmumula sa Karagatang Pasipiko. Tinatawag itong bagyo kung higit sa 17m/s ang pinakamabilis na takbo ng hangin (tindi ng hangin 8) na malapit sa sentro nito. Impormasyong ukol sa Bagyo 00 Araw 9:00 00 Araw 9:00 00 Araw 12:00 Bilang 00 00 Araw 12:00 Alisin ang guguhong lupa Hadlangan ang pagpasok ng tubig-ulan sa pamamagitan ng plastic sheet. Linising ang daanan at paagusan ng tubig upang mapabuti ang daloy ng ulan Ipaayos ang pader Malakas na Pag-ulan Tatawaging "torrential" ang pag-ulan kung umuulan nang napalakas sa isang limitadong lugar sa loob ng medyo maiksing panahon. Kamakailan lang, may mga tinatawag na "guerilla rainstorm" na bigla na lang dumarating nang pagkalakas-lakas sa hindi inaasahang oras at sa maikling panahon. Dami ng ulan sa 1 oras at Uri ng Pag-ulan 20 ~ 30 milliliters Malakas na pag-ulan Bumabaha ng tubig galing sa imburnal, mapanganib na magkaroon ng pagguho ng lupa 30 ~ 50 milliliters Napakalakas na pag-ulan na tumataob na ang balde Madali nang gumuho ang lupa, at kailangan nang maghandang lumikas ang mga nasa mapanganib na lugar 50 ~ 80 milliliters Bumababa na parang tubig ng talon. (Patuloy na paghulog na may tunog na goo goo.) Maaaring umagos ang ulan sa pamilihan na nasa ilalim ng lupa. Bubulwak ang tubig mula sa manhole. Kasama ng "torrential" na pag-ulan ang kulog at kidlat. Kung nadatnan ng pagkulog habang nasa labas, gawin ang sumusunod upang makalikas sa ligtas na lugar. Agad na sumilong sa gusali o sasakyan kung mayroong malapit sa iyong kinalalagyan. Kung ikaw ay nasa bundok o bukiring lugar, maghanap ng mataas na punong-kahoy, lumayo nang higit sa 2 metro mula sa puno, sanga at dahon nito at dumapa. Ligtas rin sa ilalim ng linyang transmisyon ng elektrisidad. (Mangyaring lumayo nang higit sa 2 metro mula sa poste ng elektrisidad.) 45 higit sa 2m Mula sa libritong "Mga tanong at kasagutan ukol sa kung paano protektahan ang sarili sa elektrisidad at mga aksiyong magagawa upang maging ligtas mula dito, Nirebisang edisyon" (Kapisanan para sa Atmosperikong Elektrisidad ng bansang Hapon) Upang maprotektahan ang buhay Maglikom ng impormasyon mula sa telebisyon, radyo, internet, at e-mail (sumangguni sa pahina 6), at lumikas kung nasa sumusunod na sitwasyon. * Bigyan ng partikular na atensiyon ang mga matatanda at imbalido at agaran silang ilikas. Kung may impormasyon ukol sa paghahanda sa paglikas (Paglikas ng Taong Nangangailangan ng Suporta) Maliban sa mga paraan na isinulat sa itaas, mananawagan rin ng boluntaryong paglikas at paghahanda sa paglikas ang radyo ng Namamahala sa Paghadlang ng Sakuna. Kung may payo at instruksiyon sa paglikas Maliban sa mga paraan na isinulat sa itaas, mananawagan rin ng paglikas ang radyo ng Namamahala sa Paghadlang ng Sakuna, ang mga van na may loudspeaker, at sirena. Sirena 60 segundo 5 segundo pahinga 60 segundo 5 segundo pahinga 60 segundo (pahinga) Kung may panganib sa pagguho ng lugar <Lumikas kaagad sa isang ligtas na lugar kung na-oobserbahan ang sumusunod na palatandaan ng sakuna> Kung umalsa ang lupa ng dalisdis Kung nagkakaroon ng bitak sa dalisdis Mayroong namumuong daanan ng agos ng ulan sa dalisdis Mayroong natatanggal na mga bato mula sa tutok at kalagitnaan ng dalisdis Kung dumarami o nagiging maputik ang pagbugwak ng tubig Kung hiwa-hiwalay na nahuhulog ang maliliit na bato sa araw na may ulan Alalahanin ang sumusunod sa panahon ng paglikas Sa panahon ng paglikas, magsuot ng damit na magpapahintulot sa iyong kumilos nang mabilis. Huwag magsuot ng bota, bagkus magsuot ng pang-ehersisyong sapatos na may sintas. Gamitin ang backpack para dalhin ang mga kinakailangang gamit upang maaari mo pa ring gamitin ang iyong dalawang kamay. Mag-ingat sa dumadaloy na ulan dahil kahit na mababaw lang ito, maaari ka pa ring madulas Sa bumabahang lugar, mapanganib ang mga kanal sa tabi ng kalye at manhole na natanggalan ng takip. Maging maingat sa paglakad. Kung mahirap makarating sa lugar na paglilikasan, maaari pa ring lumikas patungo sa mga gusali at matataas na lugar.

Ang Impormasyon sa Panahon ng Kalamidad Upang makakuha ng tamang impormasyon sa panahon ng kalamidad Mahalagang malaman kaagad ang wastong impormasyon sa panahon ng kalamidad upang makagawa ng naaayong aksiyon. Sa Kawasaki, ang impormasyon tungkol sa kalamidad at paglilikas ay ibinibigay gamit ang iba't ibang media. Telebisyon at Radyo Digital Satellite na Broadcast (Terebi Kanagawa) Community FM (Kawasaki FM 79.1MHz) Internet (Para sa PC) Homepage ng Kawasaki (http://www.city.kawasaki.jp) Sa panahon ng emerhensiya, ipapakita ang impormasyon tungkol dito sa top page. Homepage ng Impormasyon ng Kawasaki Ukol sa Kalamidad na Dulot ng Klima (http://kawasakicity.bosai.info/) Makikita mo ang mga alerto sa lindol at klima. * May planong baguhin ang adres ng homepage ng Impormasyon ng Kawasaki Ukol sa Kalamidad na Dulot ng Klima ngayong Abril 2009. Radyo ng Namamahala sa Paghadlang ng Sakuna Naka-instala sa Mga Lugar na Paglilikasan, Mga Malawak na Lugar na Paglilikasan, at Lugar na Matarik na Dalisdis. Sa alas 5 ng hapon bawa't araw, isang sirena ang pinapatugtog. Ang impormasyon tungkol sa emerhensiya ay ibibigay sa oras ng kalamidad. Pagsiguro ng Impormasyong Pangkaligtasan Nakalimutan mo ba? Tumawag sa 171, ang Serbisyo ng Pang-emerhensiyang Mensahe Ang Serbisyo ng Pang-emerhensiyang Mensahe ay umpisang magagamit kung may malaking kalamidad na dumating. Sa natatawagang 171 na Serbisyo ng Pang-emerhensiyang Mensahe, maririnig mo ang mga boses ng mga taong nakaligtas sa salanta ng kalamidad. Mangyaring isaulo ang numerong ito at baka sakaling magamit mo ito sa hinaharap. Paraan sa Pagrekord ng Mensahe 171 Pamatnubay 1 Pamatnubay Magdayal simula sa iyong area code Paraan sa Paggamit Oras ng Pagrekord ng Mensahe: Sa loob ng 30 segundo bawa't mensahe Bilang ng Mensaheng Maipapadala: 1 ~ 10 mensahe sa bawa't numero ng telepono Panahon na Mananatili ang Mensahe: 2 araw (48 oras) matapos na marekord ang mensahe Pagbura ng Mensahe: Awtomatikong mabubura ang mensahe paglipas ng itinakdang panahon na mananatili ito sa loob ng sistema Kailangang magbayad ng singil sa telepono sa pagtawag mula sa iyong lugar hanggang sa Serbisyo ng Pang-emerhensiyang Mensahe. Celphone Paraan sa Pakikinig ng Mensahe 171 Pamatnubay 2 Pamatnubay Magdayal simula sa iyong area code Paskilan ng Pang-emerhensiyang Mensahe Sa panahon ng emerhensiya, maaaring magrekord ng mensahe na ligtas ka sa pamamagitan ng celphone. Maaaring marinig sa celphone o mabasa sa kompyuter ng iyong mga kamag-anak o kaibigan ang iyong mensahe. Serbisyong Paskilan ng Pang-emerhensiyang Mensahe imode Paskilan ng Pang-emerhensiyang Mensahe Serbisyong Paskilan ng Pang-emerhensiyang Mensahe Celphone Mobile Kawasaki (http://www.city.kawasaki.jp/k/) Impormasyon ng Kawasaki Ukol sa Kalamidad na Dulot ng Klima Top>Impormasyon Ukol sa Kalamidad>Mobile Site ng Impormasyon ng Kawasaki Ukol sa Kalamidad na Dulot ng Klima Pagpapadala ng Email Mobile Kawasaki Top>Balitang Email ng Kawasaki Kodigong QR One Seg (Terebi Kanagawa) Makikita ang pang-emerhensiyang impormasyon bilang data broadcast Serbisyong Pangkalamidad sa Telepono Maaaring marinig ang impormasyon tungkol sa kalamidad sa pamamagitan ng telepono. Maaaring masiguro sa pamamagitan ng telepono ang nilalaman ng impormasyong ipinadala ng radyo ng Namamahala sa Paghadlang ng Sakuna. [Pangkalahatang Telepono] 0120-910-174 (Libreng Telepono) [Celphone at PHS] 044-245-8870 Mga Mahahalagang Kontak sa Panahon ng Emerhensiya at Impormasyon Tungkol sa Kalamidad Mga Mahahalagang Kontak sa Panahon ng Emerhensiya Sunog o Ambulansiya 119 Pulis 110 Serbisyo sa Pagkumpuni ng Telepono 113 Aksidente sa dagat 118 Ospital Pagtagas ng Gas Tokyo Gas Elektrisidad Tokyo Electric Naputulan ng Tubig Kawanihan ng Patubig Kontak para sa sakuna Tanggapan ng Pamahalaan ng Siyudad ng Kawasaki Opisina sa Pagkontrola ng Krisis ng Kagawaran ng Pangkalahatang Serbisyo Kagawaran ng Pagkontrola ng Sunog Tingnan ang direktoryo ng telepono at punan ng numero ang itaas. Tanggapan ng Pamahalaan ng Kanagawa Punong Himpilan ng Pulis ng Kanagawa Kawasaki-ku Sangay ng Daishi Sangay ng Tajima Saiwai-ku Nakahara-ku Takatsu-ku Miyamae-ku Tama-ku Asao-ku Tanggapan ng Ward 201-3113 271-0130 322-1960 556-6666 744-3113 861-3113 856-3113 935-3113 965-5100 200-2111 200-2795 223-1199 045-210-1111 045-211-1212 Kagawaran ng Pagkontrola ng Sunog Rinkou 299-0119 Kawasaki 223-0119 511-0119 411-0119 811-0119 852-0119 933-0119 951-0119

Pagtutulungan sa Panahon ng Lindol IUpang bumaba ang dami ng pinsalang dulot ng kalamidad at sakuna, napakahalaga na makipagtulungan ang bawa't tao sa iba sa pagsagawa ng iba't ibang aksiyong panlaban sa sakuna. Ang boluntaryong organisasyon sa paghadlang ng sakuna ay isang pangkat na itinatatag upang maprotektahan ang kaligtasan ng lugar sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng lahat ng mamamayan na nakatira doon. Maaari itong maging isang asosasyon ng magkakapitbahay o asosasyon ng mga residente ng lugar. Pagdadamayan ng mga Magkakapitbahay Sa panahon ng isang malaking lindol, maaaring kumalat ang sunog o gumuho ang mga gusali at kailangan ang maraming tao na tutulong sa pagpatay ng apoy at pagligtas ng tao. Sa mga sandali bago pa dumating ang pulis at bombero, kailangan nang umaksiyon ang mga ordinaryong tao na may kayang labanan ang sunog, magligtas ng tao, at magbigay ng pang-unang lunas. Hinihiling ang tulong ng bawa't tao, ayon sa kanyang abilidad. Pagtulong sa Mga Taong Taong Nangangailangan ng Suporta sa Panahon ng Sakuna Sa panahon ng kalamidad, mahihirapan ang mga matatanda at imbalido na kumuha ng impormasyon, lumikas, o masiguro ang kanilang pamumuhay. Kailangang unahin ang kapakanan ng matatanda at imbalido at suportahan sila nang lubos sa pamamagitan ng pagsiguro na ligtas sila, pagtulong upang mapatay ang sunog, pagtulong sa kanilang paglikas, at pagbigay sa kanila ng tamang impormasyon. Lumahok sa Pagsasanay sa Paghadlang ng Sakuna Hindi mo magagawa nang mag-isa ka lang ang pagsasanay sa paghadlang ng sakuna at pagsaklolo sa panahon ng sakuna. Kung kaya't isang magandang pagkakataon na sumali sa mga pagsasanay sa paghadlang ng sakuna ng komunidad. Dapat sumali tayong lahat kasama na ang ating mga kasambahay at kapitbahay. Pakikipagtulungan ng Komunidad Mga Aktibidad ng Boluntaryong Organisasyon sa Paghadlang ng Sakuna Dahil maraming alam ang boluntaryong organisasyon sa paghadlang ng sakuna tungkol sa kapaligiran at mga residente ng lugar, maaari silang magsagawa ng mga aktibidad na naaayon sa sitwasyon ng lugar na iyon. Kailangang kailangan ang organisasyon sa pagsagawa ng unang hakbang sa panahon ng emerhensiya at pamamahala ng lugar na paglilikasan. Hinihiling namin ang maigi ninyong paglahok sa mga gawain ng organisasyon dahil nangangailangan kami sa kabataan upang maisagawa ang karamihan sa mga gawain namin. Mayroon ba boluntaryong organisas yon sa paghadlang ng sakuna sa inyong lugar? Kung gusto mong malaman ang dagdag pa tungkol dito, o gusto mong magtatag ng boluntaryong organisasyon sa paghadlang ng sakuna sa iyong lugar, mangyaring makipagkonsulta sa Dibisyon sa Pagtaguyod ng Komunidad ng Tanggapan ng Pamahalaan ng Bawa't Ward. Patnubay ng sistema sa Paglikas ng Taong Nangangailangan ng Suporta sa panahon ng sakuna. Upang maprotektahan ang mga taong nahihirapan sa sariling paglikas, mayroong sistema na itinatag ang Siyudad ng Kawasaki upang matulungan sila sa paglikas. Naisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagsisikap ng mga lokal na asosasyong pangkomunidad at mga boluntaryong organisasyon sa paghadlang ng sakuna. Maaaring magparehistro ang mga taong gustong humiling ng suporta sa Tanggapan ng Pamahalaan ng Ward kung saan sila nakatira at sa mga istasyon ng Tulong Pangkalusugan at Kabutihang-bayan ng distrito.

Upang mapalakas pa ang panlaban ng tahanan at komunidad laban sa sakuna Klase sa Pagsasanay ng Tagaligtas ng Mamamayan Sa panahon ng sakuna, kailangang bigyan kaagad ng pang-unang lunas ang mga taong nasaktan o nasugatan. Sa Kagawaran ng Pagkontrola ng Sunog ng Kawasaki, may magtuturo ng paraan sa Tagaligtas ng Mamamayan upang muling buhayin ang puso at baga (o cardiopulmonary resuscitation) at ihinto ang pagdurugo. Kontak: Seksiyon ng Pagtuturo ukol sa Pang-unang Lunas Dibisyon ng Pang-unang Lunas Kagawaran ng Pagkontrola ng Sunog 223-2627 Bisitang Pagtuturo Ukol sa Kalamidad Bibisitahin kayo sa inyong lugar upang turuan ng tungkol sa kalamidad, kagaya ng mga pangkaraniwang kaalaman tungkol dito at kung paano makapaghanda sa oras na dumating ito. Kontak:Opisina sa Pagkontrola ng Krisis Kagawaran ng Pangkalahatang Serbisyo 200-2795 Aklatan Ukol sa Kalamidad Maaaring humiram dito ng mga video, DVD, at libro tungkol sa kalamidad at sakuna. Makikita ang listahan ng mahihiram sa homepage ng siyudad at sa Dibisyon sa Pagtaguyod ng Komunidad ng Tanggapan ng Pamahalaan ng Bawa't Ward. Kontak: Opisina sa Pagkontrola ng Krisis Kagawaran ng Pangkalahatang Serbisyo 200-2795 Araw ng Paghadlang ng Sakuna ng Mga Mamamayan ng Siyudad ang bawa't ika-15 ng buwan Mag-uusap usap tayong mag-anak ukol sa paghahanda laban sa kalamidad at sakuna, at sisiguruhin nating maisagawa iyon. Ligtas ba ang iyong Bahay? May lindol! Ang gagawin mo sa oras na ito? Handa ka ba araw-araw? Alam mo ba ang panganib ng malakas na hangin at baha? Napagpasiyahan na ba ng iyong pamilya kung paano kokontakin ang isa't isa sa panahon ng kalamidad? Nagtutulungan ba sa iyong komunidad? Saan ang lugar na iyong paglilikasan? Mapa para sa Panahon ng Kalamidad Sumangguni sa may-kinalamang pahina na tutulong sa pag-usap usap Kard ng Pagkontak sa Panahon ng Emerhensiya Pangalan Lalaki Babae Tirahan Araw ng Kapanganakan Talamak na Sakit Numero ng Librito ng Segurong Pangkalusugan Numero ng Lisensiya sa Pagmamaneho Numero ng Account sa Bangko Telepono Tipo ng Dugo Alerhiya Numero ng Librito ng Seguro sa Buhay Numero ng Pasaporte Paaralan na Magiging Lugar na Paglilikasan Malawak na Lugar na Paglilikasan Paraan sa Pagkontak Serbisyo ng Pang-emerhensiyang Mensahe 171 Pangalan Panlahat Telepono /E-mail adres na Kontak Tirahan Pangalan ng Kamag-anak Relasyon Telepono/E-mail adres (Kompanya Paaralan) Kard ng Pagkontak sa Panahon ng Emerhensiya Pangalan Lalaki Babae Tirahan Telepono Araw ng Kapanganakan Tipo ng Dugo Talamak na Sakit Alerhiya Numero ng Librito ng Segurong Pangkalusugan Numero ng Pasaporte Paaralan na Magiging Lugar na Paglilikasan Malawak na Lugar na Paglilikasan Paraan sa Pagkontak Serbisyo ng Pang-emerhensiyang Mensahe 171 Pangalan Panlahat Telepono /E-mail adres na Kontak Tirahan Pangalan ng Kamag-anak Relasyon Telepono/E-mail adres (Kompanya Paaralan) Maghanda. Kawasaki *Mangyaring kopyahin at gamitin. Petsa ng Paglalathala/Setyembre 1, 2008 Naglathala/Siyudad ng Kawasaki Nagplano at Nag-edit/ Opisina sa Pagkontrola ng Krisis ng Kagawaran ng Pangkalahatang Serbisyo 210-8577 1-Miyamoto, Kawasaki-ku, Kawasaki-shi TEL 044-200-2795 Homepage ng Siyudad ng Kawasaki http://www.city.kawasaki.jp