Kongreso ng Pilipinas Kalakhang Maynila

Similar documents
HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Atlantic Health System

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas SANGGUNIANG TAGAPAG-UGNAY SA PABAHAY AT PAGPAPAUNLAD NG KALUNSURAN

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

REPUBLIKA NG PILIPINAS LALAWIGAN NG BULACAN BAYAN NG BALIWAG BARANGAY NG TANGOS KAUTUSANG PAMBARANGAY SA PAGBUBUWIS BLG. 1/08

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Sistema Administratibo

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

RIVERSIDE TRANSIT AGENCY PAMAMARAAN SA IMBESTIGASYON NG REKLAMO NG TITLE VI

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Valley View Senior Homes Interseksyon ng Natalie Ln at Theresa Ave, American Canyon, CA (510)

Isang Guide para sa Naturalisasyon

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

2017 Fair Housing Survey para sa Lungsod at County ng Los Angeles

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Financial Assistance Documents

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Sa mga magulang na babiyahe dala ang kanilang mga anak patungo sa ibang bansa Sa mga magulang na pabalik ng Japan dala ang kanilang mga anak

Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) Title VI

Saligang Batas ng Migrante International

Mahalagang impormasyong legal, mga paghahayag, at mga patakarang kailangan ninyong malaman

I. LAYUNIN PATAKARAN. Pamagat: Patakaran sa Tulong Pinansyal. Patakaran Pamamaraan Alituntunin Iba pa: Saklaw: Sistema Departamento:

Mga Pambuong Sistemang Administratibong Patakaran at Proseso ng The Queen s Health Systems

Pag-access at Pagbabago ng mga Rekord ng Kalusugan

Paunawa ng mga Pamprotektang Hakbang sa Proseso Binago Oktubre 2016

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

KASUNDUAN SA SERBISYONG PANTAHANAN NG AT&T

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

ADVENTIST MIDWEST HEALTH ANYONG PATAKARAN Kategorya Mga Serbisyo ng Pasyente sa Pinansiyal

Pag-unawa sa Pamamaraan ng Pagtasa, Karapatan, at Pang-isahang Programa sa Edukasyon ng Maryland

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Petsa ng simula ng paghihintay (MM/DD/YYYY)

National Community Benefit

LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS. Mga impormasyon tungkol sa pagrerehistro ng botante Gabay sa pambansa at lokal na halalan para sa mayo 2016

Pag-navigate sa isang REALTOR

PETSANG MAY BISA: 01/01/2016 PETSA NANG NIREBISA: 06/27/2017. Financial Assistance Policy (Patakaran para sa Pinansiyal na Tulong)

Impormasyon sa Pagtatasa para sa Santa Clara County Property Owner

Sinusuportahang Pagtatrabaho sa pamamagitan ng DOR: Fact Sheet ng Pagkanararapat at Nasasaklawan ng mga Serbisyo

PANGKALAHATANG ABISO SA PRIVACY NG PERSONAL NA IMPORMASYON NG EMPLEYADO

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

Mahahalagang Bagay. Mahahalagang Bagay. Iba Pang Mga Paunawa. Iba Pang Mga Paunawa (Bawat Modelo)

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

m~öäáäá=åö=fåóçåö=rå~åö _~Ü~ó=ë~=`~å~Ç~ Ano ang Kinakailangang Malaman ng Bagong Dating

Ang Sistema sa Kalusugan ng Johns Hopkins Patakaran at Pamamaraan

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

Unang Hakbang MGA INIAATAS NA KUWALIPIKASYON

Orihinal na Epektibong Petsa: Enero 2013 Huling Petsa ng Rebisyon: Oktubre 2015 Epektibong Petsa ng

Pamamahala sa Social Security Mahalagang Impormasyon

Balita Mula sa Kumamoto Bar Association

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Pagsasanay sa Filipino

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Kagawarang May-ari: Pananalapi Petsa ng Pagkakabisa: Hulyo 1, 2017 Tagapag-ingat: Punong Opisyal na Pahina: 1 ng 16

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

2018 Buod ng Mga Benepisyo

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

LA COSTITUZIONE DELLA REPUBBLICA ITALIANA ANG KONSTITUSYON NG REPUBLIKA NG ITALYA

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas

Programa sa Bawas na Pamasaheng Pang May-Kapansanang, May Larawang Card ng Pagkakakilanlan

Advance Directive - ALASKA

Violence Against Women and Children

Harold L. Zellerbach Rehearsal Hall. Filipino

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

INFORMATION IMPORMASYON ### SPECIAL MUNICIPAL ELECTION PRIMARYANG HALALANG PANGMUNGKAHI TUESDAY, MAY 19, 2015 MARTES, IKA-7 NG MARSO, 2017 TAGALOG

GRADE VI GAMIT NG GRID

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Form NLRB-707 (4-2015) Estados Unidos ng Amerika Lupon ng Pambansang Ugnayan ng Paggawa ABISO NG HALALAN

NOTISYA NG MGA PRIBADONG KASANAYAN

Halimbawang Balota At Librito Ng Impormasyon Para Sa Botante. Espesyal na Halalan sa Piedmont Unified School District Martes, lka-5 ng Marso, 2013

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

KABAYARAN SA PAGTAPON NG BASURA PAG-PUPULONG NG RESIDENTE BAYAN NG HIGASHIURA

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika. Kapag nais magmaneho ng sasakyan sa Japan

Transcription:

Republika ng Pilipinas Kongreso ng Pilipinas Kalakhang Maynila Ikalabing-apat na Kongreso Ikalawang Regular na Sesyon Sinimulan at idinaos sa Kalakhang Maynila, noong Lunes, ika-dalawampu t walong araw ng Hulyo, dalawanlibo t walo. [BATAS REPUBLIKA BLG. 9653] ISANG BATAS NA NAGTATATATAG NG MGA REPORMA SA REGULASYON SA UPA NG ILANG RESIDENSYAL NA YUNIT, NAGTATADHANA NG MGA MEKANISMO PARA DITO AT PARA SA IBA PANG MGA LAYUNIN Pagtibayin ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na nagkakatipon sa Kongreso: SEKSYON 1. Maikling Pamagat. Ang Batas na ito ay makikilala at tatawaging Batas sa Regulasyon sa Upa ng 2009. SEK. 2. Pagpapahayag ng Patakaran. Ang Estado, para sa pangkalahatang kagalingan, ay magsasagawa ng patuluyang palatuntunan ng paghimok sa pagpapaunlad ng abot-kayang pabahay para sa mga antas ng may mabababang kita at iba pang mga benepisyaryo. Tungo sa ganitong layunin, ang Estado ay magpapatuloy sa pangangalaga sa mga nangungupahan na nasa mga antas ng may mabababang kita at iba pang mga benepisyaryo mula sa mga di-makatwirang pagtataas ng upa. SEK. 3. Kahulugan ng mga Kataga. Ang mga sumusunod na kataga ayon sa pagkakagamit sa Batas na ito ay dapat na maunawaan gaya ng: (a) Upa ay mangagahulugan ng halagang ibinayad para sa paggamit o pag-okupa ng isang residensyal na yunit kahit na ang bayad ay ginawa sa buwanan o iba pang batayan. (b) Residensyal na Yunit ay tutukoy sa isang apartment, bahay at/o lupa kung saan ang isang tirahan ay matatagpuan at ginagamit para sa layuning residensyal at sasaklaw hindi lamang sa mga gusali, bahagi o mga yunit nito na ginagamit lamang bilang mga lugar ng

paninirahan, mga bahay-pangaserahan, mga dormitoryo, mga silid at higaang espasyo na iniaalok para paupahan ng mga may-ari nito, maliban sa mga motel, hotel, mga silid sa hotel, kundi maging iyong mga ginagamit para sa mga industriyang pantahanan, tindahang pantingian, o iba pang mga layuning pangkalakal kung ang may-ari nito at ang kanyang pamilya ay aktuwal na nakatira doon at pangunahing ginagagamit ito para sa layuning paninirahan. (c) Mga malalapit na Miyembro ng Pamilya ng Umuupa o Nagpapaupa para sa layunin ng pagbawi ng pamumusesyon sa inuupahang lugar, ay magiging limitado lamang sa kanyang asawa, mga tuwirang nagmula at pinagmulan, sa dugo o sa kasal. yunit. (d) Umuupa ay mangangahulugang ang taong umuupa ng isang residensyal na (e) May-ari/Nagpapaupa ay sasaklaw sa may-ari o tagapangasiwa o kinatawan ng may-ari ng residensyal na yunit. (f) Umuupang-nagpapaupa ay mangangahulugang ang taong nagpapaupa o nagpapaarkila ng isang residensyal na yunit na pinauupahan sa kanya ng isang may-ari. (g) Umuupa sa Umuupang-nagpapaupa ay mangangahulugang ang taong umuupa o umaarkila ng isang residensyal na yunit mula sa isang umuupang-nagpapaupa. SEK. 4. Limitasyon sa Pagtataas ng Upa. Sa loob ng isang (1) taon simula sa pagkakabisa nito, walang pagtataas ang ipapataw sa upa ng alinmang residensyal na yunit na nasasaklaw ng Batas na ito: Sa pasubali, Na matapos ang panahong iyon hanggang Disyembre 31, 2013, ang upa sa alinmang residensyal na yunit na nasasaklaw ng Batas na ito ay hindi maaaring dagdagan ng higit sa pitong bahagdan (7%) taun-taon habang ang yunit ay inookupa ng mismomg umuupa. Sa pasubali gayunman, Na sa kaso ng mga bahaypangaserahan, mga dormitoryo, mga silid at higaang espasyo na iniaalok para paupahan sa mga mag-aaral, walang dagdag na upa na higit sa minsan isang taon ang pahihintulutan. SEK. 5. Saklaw ng Batas na ito. Lahat ng mga residensyal na yunit sa Pambansang Punong Rehiyon at sa iba pang mga lubhang urbanisadong lungsod, na ang kabuuang buwanang upa sa bawa t isa ay nasa pagitan ng Piso (P1.00) hanggang Sampunlibong piso (P10,000.00) at lahat ng mga residensyal na yunit sa iba pang mga lugar, na ang kabuuang upa ay nasa pagitan ng Piso (1.00) hanggang Limanlibong piso (P5,000.00) simula sa petsa ng pagkakabisa ng Batas na ito ay masasaklaw, na walang pinsala sa mga umiiral na kasunduan. SEK. 6. Kapangyarihan na Ipagpatuloy ang Regulasyon sa Upa. Sa kabila ng paglipas ng panahong itinatadhana sa Seksyon 4 ng Batas na ito, ang Sangguniang Tagapagugnay sa Pabahay at Pagpapaunlad ng Kalunsuran (Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC) ay ginagawaran dito ng kapangyarihan na ipagpatuloy ang regulasyon sa upa ng ilang residensyal na yunit, tiyakin ang panahon ng pagregula at ang kanyang kasunod na mga pagpapalawig kung kinakailangan, tiyakin ang mga residensyal na

yunit na masasaklaw at ilapat ang maaaring payagang hangganan ng dagdag sa upa bawa t taon, na isinasaalang-alang, kasama ng iba pa, ang sensus ng Pambansang Tanggapan ng Estadistika (NSO) sa mga paupahang yunit, mga umiiral na antas ng upa, ang buwanang antas ng paglaki ng mga upa sa sinundang taon, at ang talatuntunan ng halaga ng upa. SEK. 7. Upa at Pangangailangan ng Deposito sa Bangko. Ang upa ay paunang babayaran sa loob ng unang limang (5) araw ng bawa t kasalukuyang buwan o sa simula ng kasunduan sa pagpapaupa maliban kung ang kontrata sa pagpapaupa ay nagtatakda ng mas matagal na petsa ng pagbabayad. Ang nagpapaupa ay hindi maaaring humingi ng higit sa isang (1) buwang paunang upa. Hindi rin siya maaaring humingi ng higit sa dalawang (2) buwang deposito na ilalagak sa isang bangko sa ilalim ng pangalan nagpapaupa. Ang alinman at lahat ng interes na mapaparagdag ditto ay isasauli sa umuupa sa pagtatapos ng kasunduan sa pagpapaupa. Gayunman, kung sakaling ang umuupa ay mabigong mabayaran ang upa, mga bayarin sa kuryente, telepono, tubig o iba pang katulad na mga bayaring pampalingkuran o masira ang anumang bahagi at kagamitan sa bahay, ang mga deposito at interes nito ay iilitin pabor sa huli sa halagang katumbas ng pinsalang pananalapi na ginawa ng una. SEK. 8. Paglilipat ng Karapatan sa Pag-upa o Pagpapaupa ng Umuupa. Ang paglilipat sa karapatan sa pag-upa o pagpapaupa ng umuupa sa kabuuan o sa alinmang bahagi ng residensyal na yunit, kasama na ang pagtanggap ng mga interno o nangangasera, ng walang nakasulat na pahintulot mula sa may-ari/nagpapaupa ay ipinagbabawal. SEK. 9. Mga Batayan para sa Panghukumang Pagpapaalis (Judicial Ejectment). Ang pagpapaalis ay pahihintulutan sa mga sumusunod na batayan: (a) Paglilipat ng karapatan sa pag-upa o pagpapaupa ng umuupa ng mga residensyal na yunit maging buo o bahagi nito, kabilang ang pagtanggap ng mga interno o nangangasera, ng walang nakasulat na pahintulot mula sa may-ari/nagpapaupa; (b) Atraso sa pagbabayad ng upa na may kabuuang tatlong (3) buwan: Sa Pasubali, Na sa kaso ng pagtanggi ng nagpapaupa na tanggapin ang bayad sa upa na napagkasunduan, maaring ideposito ng umuupa, sa paraan ng konsignasyon, ang halaga sa hukuman, o sa ingat-yamang pambayan o panlungsod, kung alinman ang naaangkop, o sa punong barangay, o sa isang bangko sa pangalan ng at may abiso sa nagpapaupa, sa loob ng isang (1) buwan matapos ang pagtanggi ng nagpapaupa na tanggapin ang bayad. Pagkatapos nito, ang umuupa ay magdedeposito ng upa sa loob ng sampung (10) araw ng bawa t kasalukuyang buwan. Ang kabiguang magdeposito ng upa sa loob ng tatlong (3) buwan ay magsisilbing batayan para sa pagpapaalis. Ang nagpapaupa, sa ilalim ng kapahintulutan ng hukuman sa kaso ng konsignasyon o sa pamamagitan ng pinagsanib na sinumpaang salaysay niya at ng umuupa na isusumite sa ingat-yamang pambayan o panlungsod o sa punong barangay at sa bangko kung saan ginawa ang pagdeposito, ay papayagang mailabas ang mga deposito;

(c) Lehitimong pangangailangan ng may-ari/nagpapaupa na makuhang muli ang pamumosesyon sa kanyang ari-arian para sa kanyang sariling gamit o para sa gamit ng malalapit na miyembro ng kanyang pamilya bilang residensyal na yunit: Sa pasubali, gayunman, Na ang papagpapaupang may takdang panahon ay nakalipas na: Sa pasubali pa rin, Na ang nagpapaupa ay nakapagbigay na sa umuupa ng pormal na abiso tatlong (3) buwan bago ang intensyon ng nagpapaupa na makuhang muli ang pamumosesyon sa ariarian at: Sa huling pasubali, Na ang may-ari/nagpapaupa ay pinagbabawalang paupahan ang residensyal na yunit o payagang gamitin ito ng ibang tao sa loob ng hindi bababa sa isang (1) taon mula sa panahon ng pagbawi. (d) Pangangailangan ng nagpapaupa na makagawa ng mga kinakailangang pagkumpuni sa inuupahang lugar na nasasaklaw ng isang atas ng pagkondena (order of condemnation) ng mga kinauukulang maykapangyarihan upang gawin itong ligtas at maaaring tirhan: Sa pasubali, Na pagkatapos ng nasabing pagkumpuni, ang umuupang pinaalis ay magkakaroon ng unang pagpili (first preference) na upahan ang nasabing lugar: Sa pasubali pa rin, Na ang bagong upa ay dapat na makatwirang naangkop sa mga gastusing ginugol para sa pagkumpuni ng nasabing residensyal na yunit at: Sa huling pasubali, Na kung ang residensyal na yunit ay kinondena o ganap na giniba, ang pagpapaupa sa bagong gusali ay hindi na masasaklaw ng nabanggit na patakaran sa unang pagpili sa ilalim ng sabseksyon na ito; at (e) Pagtatapos ng panahon ng kasunduan sa pagpapaupa. SEK. 10. Pagbabawal Laban sa Pagpapaalis Dahil sa Bentahan o Pagsasangla. Walang nagpapaupa o kanyang kahalili-sa-interes (successor-in-interest) ang bibigyang karapatan na magpaalis ng umuupa sa dahilang ang inuupahang lugar ay naipagbili o naisangla na sa ibang tao kahit pa ang pagpapaupa o pagsasangla ay nakarehistro o hindi. SEK. 11. Paraang Upahan-Para-Magmay-ari (Rent-to-Own Scheme). Sa pamamagitan ng unang karapatan sa pagpili ng nagpapaupa, maaari nyang hikayatin ang umuupa sa isang kasundunang Upahan-Para-Magmay-ari na hahantong sa paglilipat ng pagmamay-ari sa partikular na tirahan na pabor sa huli. Ang kasunduang gaya nito ay hindi masasaklaw ng nasasakop ng Seksyon 5 ng Batas na ito. SEK. 12. Aplikasyon ng Kodigo Sibil (Civil Code) at Mga Tuntunin ng Hukuman (Rules of Court) ng Pilipinas. Maliban kung ang pagpapaupa ay para sa isang tiyak na panahon, ang probisyon ng talata (1) ng Artikulo 1673 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas, hangga t ito ay tumutukoy sa mga residensyal na yunit na nasasakklaw ng Batas na ito, ay isususpinde sa panahon ng pagkakabisa ng Batas na ito, subalit ang iba pang mga probisyon ng Kodigo Sibil at ng Mga Tuntunin ng Hukuman sa mga kontrata sa pagpapaupa, hangga t ito ay hindi sumasalungat sa mga probisyon ng Batas na ito ay patuloy na iiral. SEK. 13. Mga Kaparusahan. Ang multang hindi bababa sa Dalawampu t limanlibong piso (P25,000.00) o hindi hihigit sa Limampung libong piso (P50,000.00) o pagkabilanggo na hindi kukulangin sa isang (1) buwan at isang (1) araw hanggang sa hindi

lalampas sa anim (6) na buwan, o pareho, ay ipapataw sa sinumang tao, maging likas o huridikal, na mapapatunayang lumabag sa alinmang probisyon ng Batas na ito. SEK. 14. Kampanya sa Pagbibigay-Impormasyon. Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (Department of the Interior and Local Government) at ang HUDCC, sa pakikipag-ugnayan sa ibang mga kinauukulang ahensya, ay inaatasan dito na magsagawa ng isang patuluyang kampanya sa pagbibigay-impormasyon tungkol sa mga probisyon ng batas na ito, na isasalin at maaaring magamit sa mga pangunahing diyalekto at ipapaskel sa mga hayag na pampublikong lugar, kasama na ang mga bulwagang pambarangay. SEK. 15. Pagrepaso sa Regulasyon sa Upa, - Ang HUDCC ay inaatasan dito na magsagawa tuwing ikatlong (3) taon simula sa pagkakabisa ng Batas na ito ng isang pagrepaso ng pagpapatupad nito at ng isang pag-aaral ukol sa regulasyon sa upa, at magsumite sa Kongreso ng kanyang rekomendasyon kung kailangan pa ang patuloy na regulasyon o ang deregulasyon na ang kinakailangan. SEK. 16. Programa para Mapahina ang Epekto ng Isang Walang-Regulasyong Merkado ng Paupahang Pabahay. Ang HUDCC at ang mga kaakibat na ahensya nito ay inaatasan dito na magbalangkas at magpatupad ng isang dalawang (2)-taong programang pang-transisyon na magtatadhana ng mga pamamaraang ligtas upang mapahina ang epekto ng isang walang-regulasyong merkado ng paupahang pabahay. SEK. 17. Sugnay ng Pagbubukod ng mga Probisyon. Kung ang anumang probisyon o bahagi nito ay ipalagay na walang-bisa, o di-naaayon sa saligang batas, ang nalalabi sa batas o ang probisyon na hindi naapektuhan dahil dito ay mananatiling may bisa at umiiral. SEK. 18. Sugnay ng Pagpapawalang-bisa. Ang alinmang batas, dikreto o kalatas pampanguluhan, atas tagapagpaganap, liham pagpapatupad, atas administratibo, alituntunin at patakaran na salungat sa mga probisyon ng Batas na ito ay pinawawalang bisa, binabago o sinususugan alinsunod dito. SEK. 19. Sugnay ng Pagkakabisa. - Ang batas na ito ay magkakabisa labinlimang (15) araw matapos ang kumpletong paglalathala nito sa hindi bababa sa dalawang (2) pahayagang may malawakang sirkulasyon. Pinagtibay. Hulyo 14, 2009 Isinalin sa Filipino ni: ATTY. ALVIN T. CLARIDADES albinoski2005@yahoo.com Hulyo 21, 2009, Makati City