Integrated Pest Management

Similar documents
PalayCheck. Key Check 5. Sapat na sustansya sa panahon ng pagsusuwi hanggang paglilihi at pamumulaklak.

Gaano katagal nangyayari ang El Niño?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Kaya Ko, Kaya Mo. pagpapanatili ng. Buhay na Lupa. Paggawa ng Compost at Iba Pang Organikong Pamamaraan na Subok ng Magsasaka

INSEKTO AT HANIP NA PESTE SA TALONG

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Chapter 6 Tagalog Verbs

Ang aklat na ito ay inilimbag ng WWF-Philippines para sa proyekto ng Coral Triangle Support Partnership sa tulong ng USAID.

Q&A Series. Unang lathala, Philippine Rice Research Institute Maligaya, Science City of Muñoz, 3119 Nueva Ecija

Kanser sa Cervix. Cervical Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Editors: Norvie L. Manigbas Jeong Taek Lee Quirino D. Dela Cruz

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

E P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Rice Technology Bulletin

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

GRADE VI GAMIT NG GRID

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

Pagsasanay sa Filipino

DLA in EPP/ Computer 6 Third Quarter

Sustainable (Maaaring Mapangalagaan) na Pangingisda

Talamak na Paghina ng Bato

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

Kanser sa Balat. Skin Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Stake Audit Committee

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

KABAYARAN SA PAGTAPON NG BASURA PAG-PUPULONG NG RESIDENTE BAYAN NG HIGASHIURA

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Sakit sa Ugat ng Puso

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Kanser sa Prostata. Prostate Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

WALONG PAALALA PARA MAGING LIGTAS AT MATIBAY ANG ATING TAHANAN

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

ng Binhi ng Pagsalalay (Ang Katotohanan Tungkol sa Hybrid Rice)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

GRADE VI LIKAS NA YAMAN AY GAMITIN: BATAS AY DAPAT SUNDIN

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Kanser sa Suso. Breast Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Pamantayan para sa Mga Palaisdaan ng Seafood Watch

Tungkol Saan ang Modyul na ito?

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

From left, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Alden Richards and Betong Sumaya.

Dementia. DEMENTIA / Tagalog Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 1

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Depresyon. Depression / Tagalog Copyright 2018 Hospital Authority. All rights reserved 1

3.1 Paano ito Gumagana 3.2 Resolusyon sa Hindi Pagkakaunawaan 3.3 Insentibo sa Paglutas ng Hindi Pagkakaunawaan

EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

FARMERS ASSOCIATION FOR RURAL UPLIFTMENT

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tamang uri ng pamumuhay

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

TEACHER / STUDENT MODULES

2014 NATIONAL POISON PREVENTION WEEK. Heavy metals?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

PAGKAIN AT MGA HAIN para sa mga sanggol. Tagalog/ filippinsk

H E K A S I PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Ang Makisig at Hangal na Hari

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

フィリピノ語 Wastong Paraan ng Pagtapon ng Basura mula sa Tahanan

Pang-aabusong Sekswal sa Kulungan: Isang Pandaigdigang Krisis sa Karapatang Pantao

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Philippine Center for Water and Sanitation - International Training Network Foundation. para sa. SZOPAD Social Fund

Isang Guide para sa Naturalisasyon

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ano-ano Ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Transcription:

SERIES No. 13 Questions and Answers ISSN 1655-2814 Oktubre 2010 FILIPINO VERSION Integrated Pest Management Philippine Rice Research Institute

Q&A Series 1 Hybrid Rice 2 Varieties and Seeds 3 Integrated Pest Management 4 Integrated Nutrient Management 5 Rice Biotechnology 6 Rice Postproduction Technology 7 Economics of Rice 8 Golden Rice 9 Organic Fertilizer 10 Location-specific Technology Development 11 Hybrid Rice (Filipino version) 12 Varieties and Seeds (Filipino version) 13 Integrated Pest Management (Filipino version) 14 Integrated Nutrient Management (Filipino version) 15 Rice Biotechnology (Filipino version) 16 Rice Postproduction Technology (Filipino version) 17 Economics of Rice (Filipino version) 18 Organic Fertilizer (Filipino version) Inilathala Setyembre 2010 ng Philippine Rice Research Institute Maligaya, Science City of Muñoz, 3119 Nueva Ecija

Nilalaman Ano ang Integrated Pest Management (IPM)? p.1 Maaari bang gamitin ang IPM sa lahat ng peste ng palay? p.1 Kailan maituturing na peste ang mga organismo? p.1 Ano ang mga pangunahing peste ng palay? p.1 Ano ang mga likas na kaaway ng mga peste? p.2 Paano nakatutulong ang mga likas na kaaway ng peste sa pangangasiwa ng peste? p.2 May pagkakaiba ba ang IPM noon at ngayon? p.2 May pagkakaiba ba ang ani sa pagitan ng mga magsasakang gumagamit ng IPM at sa mga magsasakang hindi gumagamit nito? p.3 Anong mga kagawian ang epektibo sa pagpaparami ng populasyon ng mga likas na kaaway ng peste? p.4 Maaari bang gumamit ng pestisidyo kasabay ng paggamit ng IPM? p.5 Bakit hindi iminumungkahi ang paggamit ng pamatay-insekto? p.5 Ano ang masamang epekto ng pamatay-insekto sa mga likas na kaaway ng peste? p.5 Bakit hindi inire-rekomenda ang paggamit ng pamatay-insekto sa palay na nasa maagang yugto pa lamang ng paglaki? p.6 Anong mga pesteng insekto ang umaatake sa bawat yugto ng paglaki ng palay? p.6 Ang pinsala ba ng langaw-bukid ay nakapagpapababa ng ani? p.7

Ang pag-atake ba ng mambibilot sa yugto ng pamumulaklak ng palay ay nakapagpapababa ng ani? p.7 Bakit nagkakaroon ng panaka nakang pagdagsa ng brown plant hopper? p.7 Kailangan bang mag-isprey ng pamatay-insekto sa aksip para mapigil ang pag-atake nila? p.8 Makababawi pa ba ang palay sa pagkasira ng patay na talbos (deadhearts) at pagkakaroon ng uban (whiteheads)? p.8 Kung nakapag-isprey ba ng pamatay-insekto ang isang magsasaka, lilipat nga ba sa kalapit na bukirin ang mga pesteng insekto? p.8 Gaano kaimportante ang maresistensyang mga barayti ng palay sa mga programa ng IPM? p.9 Ano ang bakanae? p.9 Bakit ang IR64 ay naging madaling kapitan o pinsalain ng tungro? p.9 Paano mapangangasiwaan ang sakit na tungro? p.10 Ang sobrang pataba ba ay nagdudulot ng sakit? p.11 Ano ang epekto ng damo sa palay? p.11 Paano masusugpo ang mga damo? p.11 Ang paggamit ba ng isang klase ng pamatay-damo sa matagal na panahon ang dahilan ng pagkakaroon ng resistensiya ng damo sa pamatay-damo? p.13 Paano masusugpo ang golden kuhol? p.13 Paano masusugpo ang mga daga? p.15 Paano napapamahalaan ang mga ibon? p.16

Q&A on Integrated Pest Management (Filipino version) Ano ang Integrated Pest Management (IPM)? Ang IPM o pinagsama-samang paraan ng pamamahala ng peste ay ang paggamit ng likas na mga pamamaraan na katulad ng bayolohikal (hal. paggamit ng mga kaibigang organismo) at kultural (hal. paggamit ng matibay na barayti) sa pagsugpo o pagpapababa ng populasyon ng mga peste sa antas na hindi makapamiminsala. Ipinalalaganap nito ang tama at angkop na paggamit ng pestisidyo kung ang lahat ng paraan sa pagkontrol ng mga peste ay nasubukan na. Maaari bang gamitin ang IPM sa lahat ng peste ng palay? Oo. Ang IPM ay maaaring gamitin sa lahat ng peste lalo na kung maayos ang plano at pagpapatupad nito. Kailan maituturing na peste ang mga organismo? Ang isang organismo ay maituturing na peste kapag makadudulot ng malaking pagbaba sa ani. Ang mga peste ay umaatake at naninira ng pananim. Ano ang mga pangunahing peste ng palay? Mga insekto ang pangunahing peste ng palay na gaya ng black bugs, rice bugs (atangya), brown planthoppers (kayumangging hanip), berdeng ngusong kabayo, at stem borers; ang mga bayrus na sanhi ng tungro, sheath blight, blast, bacterial blight, mga damo, kuhol at mga daga. 1

Oktubre 2010 Ano ang mga likas na kaaway ng mga peste? Ang mga likas na kaaway ng peste ay tinatawag ding mga kapaki-pakinabang na organismo o mga kaibigan ng palay. Tumutulong sila sa pagkontrol ng peste dahil inaatake nila ang mga ito. Likas silang naninirahan sa lugar na pinagtatamnan ng palay o maaari ring sila ay dalhin dito. Ang mga likas na kaaway ng peste ay mga maninira gaya ng pagongpagungan, tutubing karayom, tutubi, gagamba at parasito gaya ng putakti, at iba pang mga patoheno (pathogens). Paanong makatutulong sa pangangasiwa ng peste ang likas na mga kaaway ng peste? Ang mga likas na kaaway ng peste ay kumakain ng mga peste kaya nakatutulong sila sa pagpapababa ng populasyon ng mga peste. Subali t sa mga malala at malawakang kaso (outbreak), hindi puwedeng umaasa lamang sa mga likas na kaaway ng peste. May pagkakaiba ba ang IPM noon at ngayon? Oo. Ang IPM noon ay tumutugon sa mga pesteng insekto. Kahit anong insektong nanginginain ng palay ay itinuturing na peste anuman ang epekto niya sa ani. Ang nagagawa ng mga likas na kaaway ng peste ay hindi nabibigyang-pansin sa pagdebelop at implementasyon ng IPM. Ang paggawa ng desisyon na nakabatay sa 2

Q&A on Integrated Pest Management (Filipino version) pag-aanalisa sa sistemang agronomiya-ekolohiya ang binibigyang-pansin ng IPM ngayon. Tumutugon ito sa mga konseptong tulad ng: 1. Ang isang organismo ay hindi maituturing na peste kung ang nagawang sira ay hindi pa umaabot sa yugto ng hangganan ng pinsala. Ang pinsalang gawa ng karamihan sa mga nanginginain ng dahon ay walang masyadong epekto sa pagbaba ng ani, kaya, hindi sila maituturing na peste. 2. Ang ekosistema (ecosystem) ay ang yunit ng pamamahala. Ang buong sistemang ekolohiya ay dapat isaalang-alang at hindi lamang ang pitak ng lupa. Ang mga lugar na nakapalibot sa palayan ay bahagi ng sistemang ekolohiya na dapat isaalang-alang. Ang magsasaka, ang kanyang pamilya, ang kanyang mga alagang hayop, at iba pa, ay bahagi ng sistemang ekolohiya ng palay. 3. Ang paggamit ng likas na pamuksa ay dapat lubusin bago magsagawa ng ibang hakbang gaya ng paggamit ng artipisyal na pagkontrol. Ang natural na pagkontrol (maliban sa mga walang buhay na salik) ay kinabibilangan ng mga maninira, parasito, at mga patoheno na likas na naninirahan sa bukid. Sila ay kailangang maparami at maprotektahan sa pamamagitan ng maayos na kinagawiang kultural na pampigil at sa pagbawas sa paggamit ng pestisidyo. May pagkakaiba ba ang ani sa pagitan ng mga magsasakang gumagamit ng IPM at sa mga magsasakang hindi gumagamit nito? Mayroong malaking pagkakaiba sa ani ng mga magsasakang gumagamit at sa hindi gumagamit nito. 3

Oktubre 2010 Ang magsasakang gumagamit ng IPM ay mas malaki ang pakinabang dahil mas kakaunti ang ginagamit na kemikal sa pagkontrol ng peste, na ang ibig sabihin ay madaragdagan ang kanyang kita at nagiging ligtas ang kanyang kalusugan at ang kapaligiran sa anumang pinsala. Anong mga kagawian ang naging matagumpay sa pagpaparami ng populasyon ng mga likas na kaaway ng peste? Pagkontrol sa alikabok - Mayroong mga pag-aaral na nagpapakita na ang alikabok ay nakapipigil sa pagsalanta ng mga peste. Para makontrol ang alikabok, mag-iwan ng halamang takip sa lupa at mga halamang pampigil sa hangin. Pagpapakilala sa tirahang halaman/organismo - Kapag ang tirahang halaman/organismo/likas na kaaway ng peste ay kakaunti, ipakilala ang mga ito sa lugar o kaya ay pabayaan lamang sila upang dumami ang populasyon ng mga likas na kaaway ng peste. Alternatibo sa tirahang halaman/organismo - Ang mga palaka, gagamba, at salagubang ay itinuturing na alternatibo sa mga likas na kaaway ng peste. Salitang pagtatanim (intercropping) at sunurang pagtatanim (sequential cropping) - Ang mga ito ay nagbibigay ng ibang mapagkukunan ng likas na kaaway ng peste, lalo na sa mga kasong may malawakan at laganap na peste. 4

Q&A on Integrated Pest Management (Filipino version) Maaari bang gumamit ng pamatay-insekto kasabay ng paggamit ng IPM? Oo, lalo na kung may malawakan at laganap ang problema sa peste. Nguni t maglagay lamang ng pestisidyo kung kinakailangan at kung may mapakikinabang pa. Bakit hindi iminumungkahi ang paggamit ng pamatay-insekto? Sa walang patumanggang paggamit, ang mga kemikal ay maaaring magdulot ng problema sa kalusugan at kapaligiran. Ang pamatay-insekto ay magastos at pinapatay nito ang mga likas na kaaway ng peste na tumutulong sa pagkontrol ng mga pesteng insekto. Ang mga pamatay-insekto kung minsan ay nagdudulot ng muling paglitaw ng peste. Ang muling paglitaw ng peste ay ang kagyat na pagdami ng populasyon ng peste kasunod ng walang patumanggang paggamit ng pamatay-insekto. Ano ang masamang epekto ng pamatay-insekto sa mga likas na kaaway ng peste? Ang isang ordinaryong sakahan ay may 800 na klase ng likas na kaaway, mas marami pa kaysa sa pesteng insekto. Ang likas na kaaway ng peste ay nakatutulong sa pagpuksa ng 95% ng pesteng insekto kahit hindi gumagamit ng pamatay-insekto. Kapag gumamit ng pamatay-insekto, ang pesteng insekto at likas na kaaway sa palayan ay parehong namamatay dahil ang kemikal na dulot nito ay hindi kumikilala ng peste o likas na kaaway. Ang pesteng insekto ay mas mabilis makapag-recover kaysa sa likas na kaaway. Dahil dito, ang likas na kaaway ng peste ay nahihigitan sa 5

Oktubre 2010 dami ng pesteng insekto na nagiging dahilan ng kanilang muling paglitaw at pagdami. Bakit hindi inire-rekomenda ang paggamit ng pamatay-insekto sa palay na nasa maagang yugto pa lamang ng paglaki? Sa mga unang yugto ng paglaki ng palay, ang karaniwang namiminsala ay mga langaw-bukid, caseworms, mambibilot at harabas. Maraming magsasaka ang naniniwalang ang mga pesteng ito ang dahilan kung bakit bumababa ang kanilang ani. Walang katotohanan ito sapagka t ang mga pananim na palay ay may kakayahang makabawi mula sa mga pinsalang natamo sa panahon ng yugto ng paglago ng palay. Kaya, hindi kinakailangang gumamit ng mga pamatay-insekto habang nasa unang yugto ng paglaki ang palay. Anong mga pesteng insekto ang umaatake sa bawat yugto ng paglaki ng palay? Mga Bahagi ng Paglaki ng Palay Pag-usbong/pagsusuwi Pamumunga Pagpapahinog ng bunga Pesteng insekto Langaw-bukid, mambibilot, maniniklop ng dahon,harabas, berdeng ngusong kabayo, kayumangging hanip, berdeng uod na may sungot, aksip, at puting hanip. Maniniklop ng dahon, aksip, kayumangging hanip, at uod na may sungot na be rde Rice bugs na umaatake kung ang butil ay malagatas na. 6

Q&A on Integrated Pest Management (Filipino version) Ang pinsala ba ng langaw-bukid ay nakapagpababa ng ani? Hindi. Umaatake lamang ang langaw-bukid sa unang yugto ng paglaki ng palay at sa pangkalahatan ay nakababawi ang palay mula sa pinsala, kaya naiiwasan ang pagbaba ng ani. Ang pag-atake ba ng mambibilot sa yugto ng pamumulaklak ng palay ay makapagpapababa ng ani? Hindi, maliban kung malubha ang pananalasa ng mambibilot. Sa panahon ng pamumulaklak, ang pagdebelop ng uod ng mambibilot ay mababa. Mahina rin silang manginain sa yugtong ito. Kaya, walang malaking kaibhan sa ani sa pagitan ng napinsalang pananim at hindi napinsalang pananim sa panahon ng pamumulaklak. Bakit nagkakaroon ng panaka-nakang pagdagsa ng brown planthopper (BPH)? Sa ilalim ng normal na kondisyon, ang populasyon ng hanip ay napananatili ng mga likas na kaaway nito sa antas na hindi makapamiminsala. Ang biglang pagdami ng hanip ay nangyayari lamang kung mawawala na ang mga kaibigang insekto. Ang mga kalamidad na tulad ng tag-tuyot at pagbaha ay hindi paborable para sa pagdami ng mga likas na kaaway ng peste. Sa isang banda, ang mga hanip naman ay may kakayahang umangkop at manatiling buhay sa mga panahon ng kalamidad. Ito ang dahilan ng kanilang biglang pagdami. Pinalalala pa ito ng walang habas na paggamit ng pamatay-insekto na siyang pumapatay sa mga likas na kaaway ng peste. 7

Oktubre 2010 Kailangan bang mag-isprey ng pamatay-insekto sa dilaw na aksip para mapigil ang pag-atake nila? Hindi, maliban kung masyadong mataas ang populasyon ng mga paru-parung gabi sa dahon. Ang aksip ay sadyang mahirap makontrol ng mga pamatayinsekto dahil ang kanilang mga bata pang uod (larvae) at mga uod sa tulog pang anyo (pupae) ay matatagpuan sa loob ng tangkay ng palay. Ang pamatay-insekto ay hindi makapapasok sa mga tangkay nito, kaya mas mainam na pang-kontrol ang mga likas na kaaway ng peste. Makababawi pa ba ang palay sa pagkasira ng patay na talbos o suwi (deadhearts) at pagkakaroon ng uban (whiteheads)? Oo. Sa unang tingin, ang mga patay na suwi ng palay ay seryosong problema, subalit ang mga makabagong barayti ay mabilis lumago at dumami ang mga suwi. Ang mga matitibay at malulusog na pananim ay makababawi sa mga natamong sira ng dahon sa panahon ng pagsusuwi. Kung nakapag isprey ba ng pamatay-insekto ang isang magsasaka, lilipat nga ba sa kalapit na bukirin ang mga pesteng insekto? Hindi. Base sa mga eksperimentong naisagawa ng PhilRice, hindi limilipat ang mga pesteng insekto mula sa mga bukiring nawisikan papunta sa mga bukiring hindi na-ispreyan ng pamatay-insekto. Makilos ang mga insekto ngunit hindi kagyat na nakalilipat sa ibang lugar. Maliit lamang ang pagkakataon na sila y lumipat sa kabilang bukirin. 8

Q&A on Integrated Pest Management (Filipino version) Gaano kaimportante ang matibay na barayti ng palay sa mga programa ng IPM? Ang mga barayti ng palay na matitibay sa sakit ay mainam gamitin sa pagpapababa ng problema sa mga peste. Ang paggamit ng matitibay na barayti ng binhi ay isang murang teknolohiya para sa IPM. Ito ang pinakamadaling ipakilala, pinakaligtas para sa kapaligiran, at kasundo ng mga likas na kaaway ng peste. Ang mga matitibay na barayti ng binhi na ito ay nagsisilbing tirahan ng mga likas na kaaway ng peste na siyang lalaban sa mga pesteng insekto. Gayunman, may kahirapang magdebelop ng mga ganitong barayti ng palay. Ano ang bakanae? Ang sakit na Bakanae ay sanhi ng amag na Gibberella fujikoroi. Ito ay kilala sa tawag na palay lalake. Ang sakit na ito ng binhi ay hindi naman gasinong nagpapababa ng ani. Ito ay pangkaraniwan sa mga binhing mataas umani katulad ng PSB RC82 at IR42, na pinaniniwalaang may mataas na antas ng Gibberelin, isang hormone na sanhi ng biglang pagtaas ng laki ng palay. Ang karaniwang sintomas ay ang abnormal na paghaba ng halamang palay. Paanong ang IR64 ay naging madaling kapitan o pinsalain ng tungro? Nang ilabas ang IR64 noong 1985, mayron itong resistensya laban sa green leaf hopper (GLH) o berdeng ngusong kabayo, ang tagapagdala ng bayrus ng tungro. Ang resistensyang ito ang nagpoprotekta sa halaman laban sa 9

Oktubre 2010 mga impeksiyong dulot ng tungro dahil hindi nanginginain ng IR64 ang mga GLH. Nguni t naging popular ang IR64 at halos lahat ng mga bukirin ay tinamnan ng barayting ito sa loob ng mahabang panahon. Nagbunga ito sa pagkakaroon ng GLH ng kakayahang maka-angkop sa barayting ito, na nagdulot naman ng pagkawala ng resistensiya ng IR64 sa tungro. Paano mapangangasiwaan ang sakit na tungro? Ang tungro ay sanhi ng dalawang magkaibang bayrus. Tanging ang GLH lamang ang nakapagdadala ng bayrus sa mga halamang palay. Ang mga insektong ito ang pangunahing kumakain sa palay. Tandaan ang mga sumusunod: 1. Magtanim ng matibay na barayti ng palay tulad ng Matatag lines. Ito ang pinakamurang paraan upang maiwasan ang tungro. 2. Alisin ang mga pinaggapasan pagkatapos umani sa pamamagitan ng pag-aararo at pagsusuyod upang mapababa ang bilang ng mga GLH at mga halamang tirahan nito. 3. Ugaliin ang sabayang pagtatanim (sa loob ng isang buwang panahon ng pagtatanim) upang maiwasan ang pagdami ng GLH. 4. Gawing regular ang inspeksyon sa bukirin upang malaman nang maaga kung may sakit ang tanim na palay. Alisin ang halamang kakikitaan ng mga sintomas tulad ng paninilaw ng dahon at pagkabansot ng halaman at siyasatin kung may mga GLH. Huwag munang mag-sprey 10

Q&A on Integrated Pest Management (Filipino version) kung walang halamang maysakit. Ang panahong kritikal sa pagdebelop at pagkalat ng tungro ay sa loob ng 6 na linggo pagkatapos ng lipat-tanim. 5. Pagkatapos umani, panatilihing walang tanim ang bukid sa loob ng kahit isang buwan upang maalis ang mga halamang tirahan ng mga bayrus at mga tagapagdala ng sakit. Ang sobrang pataba ba ay nagdudulot ng sakit? Sa isang banda, oo. (Ito y maaaring mangyayari kung dalawang buwang tuluy-tuloy na sobrang nagpapataba). Ang sobrang pataba ay nakapanghihikayat ng mga sakit sanhi ng amag at baktirya tulad ng bacterial leaf blight, bacterial leaf streak, sheath blight, sheath rot, at blast. Ano ang epekto ng damo sa palay? Ang damo ay kaagaw ng palay sa sikat ng araw, lugar, at nutrisyon. Ang pagdami ng damo ay nakapag-papababa ng ani ng 44 hangggang 96 porsyento depende sa pagaalaga sa palay. Nagpapataas ito ng gastos sa produksyon, partikular sa gastos sa pagpapabunot ng damo at pagbili ng pamatay-damo. Ang damo ay nakapagpapababawas din ng kalidad ng butil at nagsisilbing alternatibong halamangtirahan ng mga pesteng insekto at mga sakit. Paano masusugpo ang mga damo? 1. Ang pinakamainam at pinakamurang pamamaraan sa pagsugpo ng mga damo ay ang pinagsama-samang 11

Oktubre 2010 paggamit ng mga kultural na pamamahala katulad ng maayos na paghahanda ng lupa, paggamit ng binhing walang buto ng damo, salitang-tanim, mahusay na pamamahala ng tubig at pag-aalip-ip (mulching). 2. Ang mga itik ay maaari ring gamitin sa pagsugpo ng damo sa pinitak na ginamitan ng hanayang pagtatanim. Sa ika- 25 araw matapos magtanim, kung umabot na sa 20 cm ang taas ng pananim, maaari nang pakawalan ang mga itik sa taniman. Ang madalas na pagtuka at pagtapak ng mga itik sa lupa ay nagpapalambot sa lupa hanggang magputik, na siyang pumipigil sa pagtubo ng mga damo. Maging ang mga damong tumutubo sa pagitan ng mga hanay ng palay ay malulubog sa putik. Kinakain rin ng mga itik ang mga damong may malalapad na dahod. Nababawasan din ang populasyon ng mga peste dahil kinakain din nila ang mga insekto (hal: gamu-gamo o aksip, ararawan, tipaklong at iba pa) at mga kuhol sa ibabang bahagi ng halaman. 3. Isang bagong pamamaraan na tinatawag na stale seedbed technique ang napatunayang epektibo sa pagbawas ng tumutubong damo at lamang-ugat sa lupa. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-aararo at paulit-ulit na mekanikal na pagsuyod sa panahong walang tanim na palay ang bukirin o kaya naman ay minsanang 12

Q&A on Integrated Pest Management (Filipino version) pagsuyod na susundan ng paglalagay ng glyphosphate (isang kemikal na pamatay-damo) na isinasagawa ng may 2 hanggang 3 linggong pagitan sa bawat paglalagay. 4. Kung lubhang marami ang damo, maaaring gumamit ng pamatay-damo na angkop para sa palay na nasa bukiring tuyo, bukiring basa at bukiring may lipat-tanim. Ang paggamit ba ng isang klase ng pamatay-damo sa matagal na panahon ang dahilan ng pagkakaroon ng damo ng resistensiya sa pamatay-damo? Oo. Ang paggamit ng parehas na uri ng pamataydamo sa mahabang panahon ay nagiging sanhi upang magkaroon ng resistensiya ang damo sa pamatay-damo. Importanteng alisin ang mga damong lumitaw pagkatapos maglagay ng pamatay-damo. Makapipigil ito sa pagdami ng mga damong maaaring maging maresistensiya sa pamatay-damo. Ang pagpapalit ng uri ng pamatay-damo na gagamitin ay makababawas sa ganitong posibilidad. Paano masusugpo ang golden kuhol? Ang malawakang pagsira ng mga itlog at pagpatay ng anak at may-sapat na gulang na golden kuhol o golden apple snail (GAS) ang siyang pinakamabisang paraan sa pagsugpo ng GAS. Naririto ang mga iminumungkahing paraan sa pagpapabilis ng pagkolekta at pagwasak ng mga kuhol: 1. Sa huling pagsuyod ng lupa, gumawa ng maliliit na kanal (25 cm luwang at 5 cm lalim) sa mga gilid ng pinitak. Maglagay ng 10 hanggang 15 metrong pagitan sa bawat maliit na kanal. Sa pagpapatuyo ng lupang taniman, 13

Oktubre 2010 maiipon ang mga pesteng kuhol sa mga maliliit na kanal, mas madali na ang pagkolekta at pagwasak ng mga kuhol (nabawasan din ang paggamit ng mga pamatay-kuhol). 2. Maglagay ng panala na gawa sa alambre o kawayan sa mga pasukan at labasan ng tubig upang maiwasan ang pagpasok ng mga kuhol at mapadali rin ang pagkolekta sa mga ito. 3. Magpastol rin ng mga itik sa panahong inihahanda ang lupa hanggang sa huling pagsusuyod at makatapos ng pagani dahil kinakain ng mga itik ang mga kuhol. 4. Maglagay ng mga bagay na nakaaakit sa mga kuhol katulad ng lumang diyaryo at mga katutubong halaman (hal: dahon ng gabi, saging, papaya at bulaklak ng trumpeta) sa gilid ng mga pinitak upang madali silang ipunin at kolektahin. 5. Lagyan ng mga tulos na kawayan ang mga lugar sa pinitak na babad sa tubig o lugar na malapit sa mga kanal na magiging pangitlugan ng mga kuhol. Sa pamamagitan nito, magiging mas madali ang pagkolekta at pagdurog sa mga itlog nito. 6. Kung ang kuhol ay malaking problema, maglipat-tanim ng mga binhing paaga na may 20 hanggang 25 araw na gulang. Sa mga palayan nasa kabundukan ng Cordillera, gumamit ng mga binhing pahuli na inililipat-tanim kapag 30 hanggang 35 araw na ang gulang ng punla. 7. Patuyuan paminsan-minsan ang palayan upang malimitahan ang paggalaw at panginginain ng mga kuhol sa panahon ng paglilipat-tanim. 14

Q&A on Integrated Pest Management (Filipino version) Paano masusugpo ang mga daga? Ang matagumpay na pamamahala ng daga ay kinapapalooban ng aktibong pakikilahok ng buong pamayanan, lalung-lalo na sa panahong nasa mga unang araw pa lang ng paglago ang palay. Mababawasan ang mga daga kung mababawasan ang kanilang pagkain at tirahan. Ang pagtutulungan ng buong pamayanan ang mabisang paraan sa pagkontrol ng daga. Mga iminungkahing paraan sa pagkontrol ng daga: 1. Pisikal o mekanikal na paraan gaya ng blanket system o drive. Panghuhuli ng daga sa gabi o night hunting, pagwasak sa mga lungga at paggamit ng flame thrower sa mga lungga. 2. Ang paggamit ng trap barrier system ay isang napaka-epektibong paraan. Sa bawa t 10 ektaryang palayang magkakalapit, maglaan ng lugar na may sukat na 10 x 15 metrong mapagtatamnan ng palay na magsisilbing pain. Tamnan ito ng binhing mabango isang buwan bago ang pangkaraniwang taniman. Bakuran ang buong lugar ng plastik na may taas na 0.5 metro at may mahabang tulos 15

Oktubre 2010 na kawayan na may taas na 1 metro bilang pansuporta sa plastik. Siguraduhing nasa loob ng plastik na bakod ang mga tulos na kawayan. Ilagay ang mga bubo na gawa sa screenwire o lata ng mantika sa loob ng ginawang plastik na bakod. Butasan ng pabilog ang tapat ng bubo na saktong papasukan ng daga. Araw-araw na isagawa ang pagbisita ng bubo at tanggalin ang nahuling daga. 3.Paggamit ng mga pamamaraang kultural katulad ng sabayang pagtatanim, kalinisan ng bukirin, pag-aararo ng lupa matapos mag-ani, pagtatakip ng putik sa mga lungga ng daga, pagpapalalim ng tubig sa palayan,at ang pagbawas ng lapad at taas ng pilapil (gawin ito sa sukat lamang na 6 pulgada x 8 pulgada) upang hindi mapaglunggaan ng mga daga. 4.Gumamit ng kemikal na pang-kontrol katulad ng pamatay-daga (acute o chronic) at mga pausok. Unawaing lubos ang pagdami ng daga sa pamayanan. Pag-aralang mabuti kung kailan madami ang kanilang pagkain, at ang kabuuang kalendaryo ng pagtatanim para sa mas epektibo, ligtas, at tuluy-tuloy na pagsugpo sa mga daga. Kumunsulta sa inyong teknisiyan para sa ligtas at tamang paggamit ng nakalalasong kemikal. Paano mapamamahalaan ang mga ibon? Isagawa ang sabayang pagtatanim matapos pagpahingahin ang lupa. Ang paglalagay ng mga laso at video o cassete tapes na nakasabit sa palayan ay epektibo sa pagtaboy ng mga ibon. Ang iba pang mga pamamaraan ay ang pag-itsa ng tingkal na lupa at paputok, ingay na likha ng paghila ng mga 16

Q&A on Integrated Pest Management (Filipino version) latang nakatali, at paggamit ng panakot sa ibon Ang ingay na nagagawa sa pamamagitan ng paghila ng mga nakataling basyo ng mga lata at mga panakot-ibon ay mabibisang paraan sa pagtaboy sa mga ibon. Sanggunian Fighting back with IPM. ILEA newsletter for low external input and sustainable agriculture, Vol. 13 No. 4 December 1997. PCCARD farmnews. Ducks for low-cost weed management in ricefields. Agribusiness digest, Vol. 12 No.9 January 2002. Rice IPM. An interactive information and identification system for integrated pest management of rice. University of Queensland and International rice Research Institute. 2001. Rice IPM Module 4. Agroecosystem management. http://www. aglearn.net/riceipmmodule4.html Stormwater non-point source management frequently asked questions. http.//www.dep.state.fl.us/water/stormwa ter/faq.html 17

Notes

Subject Matter Specialists Mario S. dela Cruz* Anita V. Antonio** Madonna C. Casimero, PhD** Hilario D. dela Cruz, Jr.** Herminia R. Rapusas** Errol V. Santiago** Managing Editors/Desktop Artists Hanah Hazel Mavi M. Biag* Reah Joyce P. Laguna** Kathleen D. Solis** Arturo C. Taguinod** Illustrator Carlito Bibal*** Editorial Advisers Atty. Ronilo A. Beronio* Andrei B. Lanuza* Karen Eloisa T. Barroga** Leocadio S. Sebastian, PhD** Kathleen D. Solis** (* Filipino version ** English version *** English and Filipino versions) For more information, text the PhilRice Text Center (+63) 920-911-1398; write, visit, or call: Crop Protection Division Philippine Rice Research Institute Maligaya, Science City of Muñoz, 3119 Nueva Ecija Tel: (044)-456-0285; -0258 local 227 Readers are encouraged to reproduce the contents of this bulletin with acknowledgment.

PhilRice We are a government corporate entity attached to the Department of Agriculture. We were created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos. We accomplish this mission through research and development work in our central and six branch stations, coordinating with a network that comprises 57 agencies and 70 seed centers strategically located nationwide. To help farmers achieve holistic development, we will pursue the following goals in 2010-2020: attaining and sustaining rice self-sufficiency; reducing poverty and malnutrition; and achieving competitiveness through agricultural science and technology. We have the following certifications: ISO 9001:2008 (Quality Management), ISO 14001:2004 (Environmental Management), and OHSAS 18001:2007 (Occupational Health and Safety Assessment Series). For more information, write, visit, or call: PhilRice Central Experiment Station Science City of Muñoz 3119 Nueva Ecija Trunklines: (44) 456-0277, -0258, -0649, -0426, -0433 Telefax: (44) 456-0651 to 52 loc 218, 261, 309, 413, 512, 515, and 529 Text Center: 0920-911-1398 E-mail: prri@email.philrice.gov.ph Website: http://www.philrice.gov.ph PhilRice Agusan Basilisa, RTRomualdez 8611 Agusan del Norte Tel: (85) 818-4477; 343-0778 Tel/Fax: 343-0768 E-mail: agusan@email.philrice.gov.ph PhilRice Batac MMSU Campus, Batac City 2906 Ilocos Norte Tel/Fax: (77) 792-2545, -4702 E-mail: batac@email.philrice.gov.ph Department of Agriculture PhilRice Isabela San Mateo, 3318 Isabela Tel/Fax: (78) 664-2280, -2954 E-mail: san_mateo@email.philrice.gov.ph PhilRice Los Baños UPLB Campus, College 4031 Laguna Tel: (49) 536-3631 to 33 Fax: 536-3515; -0484 E-mail: los_banos@email.philrice.gov.ph PhilRice Midsayap Bual Norte, Midsayap 9410 North Cotabato Tel: (64) 229-8178 Tel/Fax: 229-7242 E-mail: midsayap@email.philrice.gov.ph PhilRice Negros Cansilayan, Murcia 6129 Negros Occidental Tel/Fax: (34) 446-0835 E-mail: negros@email.philrice.gov.ph PhilRice Field Office CMU Campus, Musuan 8710 Bukidnon Tel: (088) 222-5744 Philippine Rice Research Institute