Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Similar documents
Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Atlantic Health System

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

Financial Assistance Documents

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

Pamamahala sa Social Security Mahalagang Impormasyon

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

PERSONAL NA PAGSAKOP PARA SA MGA MAY-ARI NG NEGOSYO

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

RIVERSIDE TRANSIT AGENCY PAMAMARAAN SA IMBESTIGASYON NG REKLAMO NG TITLE VI

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Mahalagang impormasyong legal, mga paghahayag, at mga patakarang kailangan ninyong malaman

PETSANG MAY BISA: 01/01/2016 PETSA NANG NIREBISA: 06/27/2017. Financial Assistance Policy (Patakaran para sa Pinansiyal na Tulong)

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

Sistema Administratibo

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Pag-access at Pagbabago ng mga Rekord ng Kalusugan

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Unang Hakbang MGA INIAATAS NA KUWALIPIKASYON

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

I. LAYUNIN PATAKARAN. Pamagat: Patakaran sa Tulong Pinansyal. Patakaran Pamamaraan Alituntunin Iba pa: Saklaw: Sistema Departamento:

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Pag-navigate sa isang REALTOR

Stake Audit Committee

Ang lahat ng iba pang impormasyon at benepisyo ay hindi magbabago gaya ng isinasaad sa inyong 2016 na Handbook ng Miyembro.

Mga Pananggalang na Pamamaraan Mga Karapatan ng Magulang

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

Sinusuportahang Pagtatrabaho sa pamamagitan ng DOR: Fact Sheet ng Pagkanararapat at Nasasaklawan ng mga Serbisyo

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

Mahahalagang Bagay. Mahahalagang Bagay. Iba Pang Mga Paunawa. Iba Pang Mga Paunawa (Bawat Modelo)

2018 Buod ng Mga Benepisyo

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

ADVENTIST MIDWEST HEALTH ANYONG PATAKARAN Kategorya Mga Serbisyo ng Pasyente sa Pinansiyal

EBIDENSYA NG SAKLAW CARE1ST CAL MEDICONNECT PLAN MGA COUNTY: LOS ANGELES AT SAN DIEGO. Care1st Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

GRADE VI GAMIT NG GRID

NOTISYA NG MGA PRIBADONG KASANAYAN

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

Iba pang mga wika at format

APPLICATION PARA SA CALFRESH, TULONG NA PERA, AT/O MEDI-CAL/MGA PROGRAMA SA PANGANGALAGA SA KALUSUGAN

Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) Title VI

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Koleksiyon ng mga kailangan at

Balita Mula sa Kumamoto Bar Association

PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE

Valley View Senior Homes Interseksyon ng Natalie Ln at Theresa Ave, American Canyon, CA (510)

Orihinal na Epektibong Petsa: Enero 2013 Huling Petsa ng Rebisyon: Oktubre 2015 Epektibong Petsa ng

Isang Guide para sa Naturalisasyon

Kodigo ng Asal at Etika sa Negosyo

Ang Sistema sa Kalusugan ng Johns Hopkins Patakaran at Pamamaraan

Pag-unawa sa Pamamaraan ng Pagtasa, Karapatan, at Pang-isahang Programa sa Edukasyon ng Maryland

Dapat ninyong makumpleto ang form na ito ng pagpaparehistro nang hindi lalampas sa Martes, Hunyo 12, 2018, sa ganap na 5:00 PM, Pacific.

National Community Benefit

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Direktoryo ng Provider at Parmasya

m~öäáäá=åö=fåóçåö=rå~åö _~Ü~ó=ë~=`~å~Ç~ Ano ang Kinakailangang Malaman ng Bagong Dating

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

3.1 Paano ito Gumagana 3.2 Resolusyon sa Hindi Pagkakaunawaan 3.3 Insentibo sa Paglutas ng Hindi Pagkakaunawaan

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Sa mga magulang na babiyahe dala ang kanilang mga anak patungo sa ibang bansa Sa mga magulang na pabalik ng Japan dala ang kanilang mga anak

Health TALK. Naarawan BUNTIS? Ano ang ibig sabihin ng bilang ng SPF sa sunscreen ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

ORBIS AY ANG PAGLILIPAT NG PERA AT PAMUMUHUNAN NA LAGANAP SA BUONG MUNDO

Oops... Ingat sa Lansangan

Rehistrasyon Dagdagan ang nalalaman sa 350 S. Oak Harbor St., Oak Harbor, WA

Opisina ng Pagtatanggol para sa Saykayatrikong Pasyente

MUNTAKLAT

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

Transcription:

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan 1

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak Mga Madalas na Katanungan Talaan ng nilalaman A. Panimula 3 B. Paghiling ng Pondo mula sa isang Trust 3 C. Pondo para sa Pamumuhunan (Investment) 4 D. Impormasyon sa Buwis 5 E. Pagpaplano para sa Pangwakas na Pamamahagi ng Trust 6 F. Mga Bayarin sa PGT 6 G. Pagrepaso ng mga Desisyon at Pagreklamo 7 Makipag-ugnay sa Public Guardian and Trustee Likurang Pabalat 2

A. Panimula Mabuhay mula sa Public Guardian and Trustee (PGT). Ang patnubay na ito ay ginawa upang sagutin ang mga mahahalagang katanungan na madalas namin matanggap mula sa mga magulang, tagapag-alaga (guardian) at mga kabataan. Kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa Child and Youth Services sa 604.775.3480 o sa cys@trustee.bc.ca o kaya bisitahin ang aming website sa www.trustee.bc.ca. Bakit kumikilos ang PGT bilang tagapangasiwa (trustee) ng pondo ng mga bata? Mayroong ilang mga batas sa British Columbia na pinoprotektahan ang mga pinansyal at legal na interes ng mga bata at kabataan. Sa ilalim ng mga batas na ito, ang PGT ay kinakailangang kumilos bilang tagapangasiwa ng mga pondo na dapat ibayad sa mga bata at kabataan. Ang mga probisyong natatagpuan sa Batas ukol sa Pamilya (Family Law Act) ay nagsasaad na ang ilang mga pondo na ibabayad sa isang bata o kabataan na nasa isang takdang halaga ng dolyar ay maaaring ibayad nang direkta sa mga magulang at tagapag-alaga upang pamahalaan bilang tagapangasiwa. Sa mga sirkumstansyang iyon, ang magulang o tagapag-alaga ay hindi kinakailangang pumunta sa hukuman at kumuha ng kautusan upang kumilos bilang tagapangasiwa. Gayunpaman, kapag ang pondo ay ibinayad sa PGT, ang PGT ay magbubukas (set up) ng isang trust account para sa bata o kabataan. Kung mayroon kang anumang mga katanungan sa kung paano ang mga pondo ay pinangangasiwaan o nais mong makatanggap ng pinansyal na pahayag (financial statement) sa isang regular na batayan, mangyaring makipag-ugnayan sa Child and Youth Services sa 604.775.3480 o sa cys@trustee.bc.ca. B. Paghiling ng Pondo mula sa isang Trust Ang PGT ay pinapatnubayan ng Family Law Act na nagsasaad na bawat magulang at tagapag-alaga ay may tungkulin na magbigay ng suporta para sa kanyang anak. Upang magbigay ng mga serbisyo sa inyong anak, ang Guardianship and Trust Officer (GTO) ay maaaring magtanong tungkol sa iyong anak tulad ng kung sino ang nagbibigay ng pinansyal na suporta sa iyong anak, sino ay ang mga legal na tagapag-alaga, at kanino nakatira ang iyong anak. Paano ko malalaman kung ang PGT ay nakatanggap ng pera para sa aking anak? Pagkatanggap ng trust funds para sa isang bata o kabataan, nagpapadala ang GTO sa magulang o tagapag-alaga ng bata o kabataan ng isang sulat na nagkukumpirma ng halaga at tinutukoy kung paano gagamitin ang pondo upang makatulong sa mga pangangailangan ng bata o kabataan. Maglalabas ba ng pera ang PGT mula sa trust fund ng aking anak? Dapat na tiyakin ng PGT na ang anumang pondong ilalabas ay gagamitin lamang para sa (mga) layunin na tinukoy at para sa mapapakinabangan ng bata o kabataan. Nasa mabuting pagpapasya na ng GTO kung ilalabas ang lahat o bahagi lamang ng pondo bago sumapit ang bata o kabataan sa 19 na taon gulang. Kapag gumawa ng mga kahilingan para sa pondo, ang GTO ay maaari ring humiling ng direktang impormasyon mula sa bata o kabataan, kung ito ay naaangkop na gawin. 3

Ang kaalaman at paglahok ng mga bata at kabataan sa kung paano pinamamahalaan ang kanilang trust funds ay makakatulong sa kanila upang magdibelop ng kanilang mga pampinansyal na kasanayan at nagtatakda ng mga pangmatagalang layunin para sa paggamit ng kanilang pera pagsapit sa edad na 19. Matatagpuan ang impormasyon ukol sa Financial Literacy (Kaalaman sa Pinansya) sa aming website sa www.trustee.bc.ca. Maingat na isasaalang-alang ng GTO ang anumang kahilingan para sa paglalabas ng trust fund ng isang bata o kabataan. Isinasaalang-alang ang halaga ng pondong ipinagkatiwala at ang pagbalanse ng kasalukuyang pangangailangan ng bata o kabataan gayundin ang kanyang mga pangangailangan kapag nasa hustong gulang na. Kailangan ko ng pinansyal na tulong upang suportahan ang aking anak, maaari ba akong humiling ng tulong mula sa trust fund? Ang mga bata at kabataan ay karaniwang hindi inaasahan na bayaran ang kanilang pang araw-araw na mga gastos sa pamumuhay; gayunman, ang PGT ay maaaring tumanggap ng mga pondo sa ngalan ng mga bata o kabataan na maaaring gamitin para sa kanilang pagkupkop (maintenance) at pagsuporta sa mga gastos - halimbawa, ang mga pondong natanggap mula sa namatay na magulang o ari-arian ng tagapag-alaga. Kapag humihiling ng pondo para sa pagkupkop, tatalakayin ng GTO ang impormasyong kailangan upang isaalang-alang ang kahilingan at hihilingin na isulat mo ang iyong kahilingan at isama ang sumusunod na mga impormasyon: Ano ang mga pangangailangan ng bata o kabataan at kung bakit hindi magagawa ng magulang o tagapag-alaga na ganap o suportahan ang bahagi ng mga pangangailangang pinansyal nito? Ano ang iba pang mga pinagkukunan ng pondo? (hal., Canada Pension Plan Children s Benefits, Child Disability Benefits) Ano ang mga plano para sa hinaharap na paggagamitan ng trust funds? (hal., mga gastos sa pag-aaral sa unibersidad o kolehiyo) Paano naman ang tungkol sa tulong pinansyal para mabayaran ang mga di karaniwang gastos o espesyal na mga kaganapan para sa aking anak? Maaaring gawin ang mga kahilingan upang pondohan ang mga espesyal na kaganapan mula trust funds. Kabilang sa mga naturang espesyal na kaganapan ang medikal o mga kagamitan sa pag-aaral, mga serbisyo o mga oportunidad na magbibigay ng direktang benepisyo sa bata o kabataan, na maaaring hindi maibigay kapag hindi makakakuha sa trust funds. Kapag humihiling ng pondo, kakausapin ng GTO ang magulang o tagapagalaga tungkol sa kahilingan at hihingi ng nakasulat na impormasyon tungkol sa mga sumusunod: Ano ang mga espesyal na kaganapan at ang benepisyo nito para sa bata o kabataan? Ano ang tinatantyang halaga ng gastos? May iba pa bang mga mapagkukunan ng pondo para sa kahilingan? May iba pa bang mga gastusin sa hinaharap ang bata o kabataan na maaaring kailangang bayaran mula sa trust? (hal., mga gastos sa pag-aaral sa unibersidad o kolehiyo) C. Pondo para sa Pamumuhunan (Investment) Anong uri ng mga desisyon sa pamumuhunan ang gagawin ng PGT bilang tagapangasiwa (trustee)? Ang PGT ang may responsibilidad para sa pamamahala ng mga pondong ibinabayad sa PGT. Bilang tagapangasiwa, ang PGT ay dapat na maging maingat sa pamumuhunan ng mga pondo, may kasanayan, kasigasigan at pagpapasya ng isang masinop na namumuhunan kapag gumagawa ng mga desisyon sa pamumuhunan. 4

Ang ilang mga isinasaalang-alang na dahilan kapag tinutukoy ang layunin ng pamamahala sa pamumuhunan (investment management) ng pondo ay ang edad ng bata o kabataan, ang halaga ng pondo na nasa trust at ang posibilidad na ang trust o pondong ipinagkatiwala ay kakailanganin pagsapit ng ika 19 na taon gulang. Ang mga trust fund ng bata at kabataan ay propesyonal na ini-invest sa isa o higit pang mga investment funds ng PGT tulad ng mga sumusunod: PGT Premium Money Market Fund Ang pondong ito ay may layunin na mapanatili ang kapital para sa mga kliyenteng ayaw na magbakasakali at nais nang kasiguraduhan at isang mabuting rate ng kita para sa maikling panahon ng pamumuhunan. Ang rate ng kita na nasa portfolio ay kinakalkula bawat buwan at ang interes ay ibinabalik sa trust account ng bata o kabataan. PGT Balanced Growth Fund Ang pondong ito ay may layunin na pangmatagalang paglago ng kapital at madalas na ginagamit ng mga bata o kabataan na may mas mahabang panahon ng pamumuhunan tulad ng mga maliliit na bata. Ang kita na nasa portfolio ay kinakalkula bawat taon at ang interes ay ibinabalik sa bata o kabataan sa anyo ng bagong unit ng pondo. Kapag ang isang bata o kabataan ay may mahigit sa $500,000 na nasa trust, ang pondo ay maaari rin i-invest gamit ang iba pang mga alternatibo sa pamumuhunan, kabilang ang brokerage services at discretionary na mga pinamamahalaang account. Ang PGT ay tinutulungan ng isang Investment Advisory Committee na itinatag ng batas, na nagpapayo ukol sa mga istratehikong patakaran sa pamumuhunan. Anong uri ng mga rate of return ang maaaring asahan ng aking anak? Ang interest rates ay nagbabago sa paglipas ng panahon depende sa ekonomiya ng mundo at financial market. Maaari mong makita ang mga rate of return na ibinayad sa PGT investment funds, kasama ang karaniwang mga paghahambing, sa taunang ulat PGT. D. Impormasyon sa Buwis Kailangan ko bang mag-file ng tax return para sa aking anak? Ipinag-utos ng Canada Revenue Agency sa PGT na: Humiling ng isang Social Insurance Number para sa iyong anak. Iulat ang kita ng interes kung ito ay mahigit sa $50 sa kabuuang taon ng buwis. Ikaw ay kinakailangan lamang mag-file ng income tax return kung ipinag-utos ng Canada Revenue Agency. Dapat kang humingi ng propesyonal na payo ukol sa buwis kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa pagpapabuwis ng pondo ng inyong anak. Maliban sa: Kita ng interes sa mga settlement sa personal na pinsala ay hindi saklaw ng income tax hanggang sa taon na ang bata o kabataan ay sumapit sa edad na 21. Dahil ang interes na kinita ay hindi maaaring buwisan, ang PGT ay hindi magpapadala ng tax slips para sa ispesipikong mga trust accounts. Kontakin nang libre ang Canada Revenue Agency sa 1.800.959.8281 o bisitahin ang website nito sa www.craarc.gc.ca para sa karagdagang impormasyon sa mga kinakailangan sa pag-file ng buwis. 5

E. Pagpaplano para sa Pangwakas na Pamamahagi ng Trust Ano ang mangyayari kapag ang aking anak ay sumapit sa19 na taon gulang? Pagsapit sa 19 na taon gulang, ang iyong anak ay legal na nasa hustong gulang na at karapat-dapat na matanggap ang balanse ng kanyang trust funds maliban kung umaaplay ang mga di pangkaraniwang sirkumstansya, tulad ng ang pinagmulan ng mga pondo (hal., testamento o dokumento ng hukuman) ay tinutukoy na ang pondo ay dapat na ilabas sa isang edad pagkalampas ng 19; ang nakababatang indibidwal ay walang legal na kakayahan na pangasiwaan ang kanyang mga gawaing pinansyal bilang nasa hustong gulang nang walang tulong at wala pang isang legal na kinatawan na nai-appoint. Paano ko matutulungang ihanda ang aking anak na pamahalaan ang kanyang pera pagsapit ng edad na 19? Magpapadala kami ng isang sulat sa iyong anak pagsapit niya ng edad na 17 upang ilarawan ang trust fund at mag-alok ng mga ideya sa kung paano kayo at ang iyong anak ay maaaring magplano para sa pagtanggap ng pondo pagsapit niya ng 19 na taon gulang. Iminumungkahi namin na isaalang-alang ng inyong anak ang pagtatakda ng layunin at pagpaplano sa pinansya upang matugunan ang kanyang mga hangarin. Maaari ring i-access ng iyong anak ang mga magagamit na impormasyong pinansyal mula sa mga bangko, credit union at iba pang mga institusyon at mga pinansyal na website ng pagpaplano at mga tools online, kabilang ang PGT Dollars & Sense Handbook. Nag-aalala tungkol sa kakayahan ng inyong anak na pamahalaan ang kanyang pera kapag nasa hustong gulang na? Maaari mong tingnan ang mga alternatibong opsyon sa paggawa ng desisyon kung nag-aalala na ang iyong anak ay maaaring walang kakayahang pang-kaisipan upang pangasiwaan ang kanyang mga pondo kapag nasa hustong gulang na. Ang GTO ay maaaring makipagtrabaho sa inyo upang makatulong na magdibelop ng isang plano para protektahan ang pinansyal na kinabukasan ng iyong anak. Kabilang sa mga posibleng opsyon na makakatulong sa inyong anak na nasa hustong gulang, ngunit hindi limitado sa, ang Kasunduang Maging Kinatawan (Representation Agreements), Pangmatagalang Power of Attorney, o kaya Committeeship Order. Ang PGT website, na matatagpuan sa www.trustee.bc.ca ay nag-aalok ng karagdagang impormasyon upang makatulong sa inyo sa usaping ito. F. Mga Bayarin sa PGT Sumisingil ba ng bayad (fee) ang PGT para sa mga serbisyong ibinibigay nito? Alinsunod sa Mga Regulasyon sa Bayarin (Fees) ng Public Guardian and Trustee, ang PGT ay kinakailangan sumingil ng iba t ibang mga bayad at mga komisyon para sa pangangasiwa ng ipinagkatiwalang pondo o trusts sa ngalan ng isang bata o kabataan. 6

Ang mga bayarin at mga komisyon na regular na sisingilin para sa mga serbisyong ibinibigay ay ang mga sumusunod: Capital Commission Ito ay isang beses na bayarin na sinisingil ng PGT pagkatanggap ng pera o mga ari-arian sa ngalan ng isang bata o kabataan. Ang kabayarang ito sa PGT ay para sa mga tungkulin sa pagpapasya na ginagawa sa ngalan ng trust at para sa mga serbisyong ibinigay, kabilang ang pakikipagtrabaho sa mga magulang o tagapag-alaga at iba pang mga partido upang maunawaan ang mga kagyat at hinaharap na pangangailangang pinansyal ng bata o kabataan at mga desisyon sa pamumuhunan at paggastang ginagawa batay sa kanyang pangangailangan. Income Commission Ang income commission ay sinisingil sa lahat ng mga pumapasok na kita at interes na ibinayad sa trust account ng bata o kabataan. Ang komisyong ito ay bayad sa PGT para sa lahat ng mga gawain o serbisyong may kaugnayan sa pangongolekta ng kita, pagbabayad ng bills, atbp. Sa lahat ng kalagayan, babayaran ng PGT ang buwanang kita ng interes sa mga kliyente na idinadagdag sa kanilang mga trust account. Asset Management Fee Ang asset management fee ay sinisingil para sa lahat ng mga ari-ariang pinangangasiwaan sa ngalan ng isang bata o kabataan. Kabilang dito ang pera sa trust o ari-ariang lupain na maaaring pag-aari ng isang bata. Ang kabayarang ito sa PGT ay para sa pagtanggap ng tungkulin sa pamamahala ng mga ari-arian ng bata, at para sa pagsubaybay sa pagtupad ng mga serbisyo sa pamumuhunan na ibinibigay ng mga propesyonal. Ang PGT ay kinakailangan ring singilin ang naaangkop na mga buwis sa mga bayarin (fees) at mga komisyon. Ang isang detalyadong paglalarawan ng mga bayarin at mga komisyon ay matatagpuan sa www.trustee.bc.ca/fees. G. Pagrepaso ng mga Desisyon at Pagreklamo Pagreklamo Kung sa anumang pagkakataon na nag-aalala ka tungkol sa mga antas ng serbisyo na natatanggap mo, mangyaring tumawag sa 604.775.3480 at hilingin na makipag-usap sa isang manager o direktor ng Child and Youth Services. O, maaari ring mag email ka sa cys@trustee.bc.ca at hilingin na ang iyong email ay maipaabot sa isang manager o direktor. Mga desisyon Kung ikaw ay hindi nasisiyahan sa isang ginawang desisyon, maaari mong hilingin na ang desisyon ay repasuhin. Ang unang hakbang ay kausapin ang isang manager at pagkatapos ay ang direktor. Ang lahat ng mga detalye tungkol sa pormal na proseso ng pagrepaso ng PGT ay matatagpuan sa www.trustee.bc.ca/pages/feedback.aspx. Kung manatiling hindi ka nasisiyahan pagkatapos ng proseso ng pagrerepaso ng PGT, maaari mong dalhin ang iyong mga pag-aalala sa atensyon ng isang opisyal ng pangpropinsyang lehislatura o Ombudsperson. 7

Makipag-ugnayan sa Public Guardian and Trustee Child & Youth Services Public Guardian and Trustee 700-808 West Hastings Street, Vancouver, BC V6C 3L3 Telepono: 604.775.3480 email: cys@trustee.bc.ca www.trustee.bc.ca email: webmail@trustee.bc.ca Matatawagan nang libre sa pamamagitan ng Service BC. Pagkatapos ng pag-dial sa naaangkop na numero para sa iyong lugar (sa ibaba), humiling na maikunekta sa PGT (regular na oras ng opisina 8:30am - 4:30pm, Lunes-Biyernes). Vancouver 604.660.2421 Victoria 250.387.6121 Mga karatig na lugar 800.663.7867 July 2014 8 14-7#65 [Filipino]