MGA REHISTRO PARA MAGING LEGAL ANG NEGOSYO IBA PANG AHENSYANG MAKAKATULONG SA PAGNENEGOSYO. AHENSYA NG GOBYERNO Barangay Hall

Similar documents
E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Ang aklat na ito ay inilimbag ng WWF-Philippines para sa proyekto ng Coral Triangle Support Partnership sa tulong ng USAID.

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

フィリピノ語 Wastong Paraan ng Pagtapon ng Basura mula sa Tahanan

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Pagsasanay sa Filipino

KABAYARAN SA PAGTAPON NG BASURA PAG-PUPULONG NG RESIDENTE BAYAN NG HIGASHIURA

Department of Education Region VI Western Visayas DIVISION OF LA CARLOTA CITY City of La Carlota ---ooo---

DLA in EPP/ Computer 6 Third Quarter

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

E P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Pag-navigate sa isang REALTOR

Starting and Growing My Business. (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo) SELF-RELIANCE

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Mahalagang impormasyong legal, mga paghahayag, at mga patakarang kailangan ninyong malaman

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Oops... Ingat sa Lansangan

GRADE VI GAMIT NG GRID

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?

Gabay ni nanay sa pagpapakain kay baby

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Stake Audit Committee

Pamamahala sa Social Security Mahalagang Impormasyon

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ano-ano Ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Gabay sa Pananalaliksik at Pagsusuri sa Pamimili

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Mahahalagang Bagay. Mahahalagang Bagay. Iba Pang Mga Paunawa. Iba Pang Mga Paunawa (Bawat Modelo)

DOKUMENTO NG MGA DATOS UKOL SA KALIGTASAN

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Pamantayan para sa Mga Palaisdaan ng Seafood Watch

Kaligtasan ng Natural Gas, Mga Tip at Serbisyo sa Pagtitipid ng Enerhiya

H E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

PERSONAL NA PAGSAKOP PARA SA MGA MAY-ARI NG NEGOSYO

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

COMMUNITY-BASED MONITORING SYSTEM Household Profile Questionnaire

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

LISTAHAN NG IMPORMASYON PARA SA KALIGTASAN

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY

Kaya Ko, Kaya Mo. pagpapanatili ng. Buhay na Lupa. Paggawa ng Compost at Iba Pang Organikong Pamamaraan na Subok ng Magsasaka

2014 NATIONAL POISON PREVENTION WEEK. Heavy metals?

Nang Matuto Ka at Magising

BUMALIK SA MGA NILALAMAN. Gabay sa Pangingibang Bansa Para sa mga First-Time Domestic Helpers: HONG KONG SAR

Chapter 6 Tagalog Verbs

storybookscanada.ca children s stories in Canada s many languages. Storybooks Canada in an effort to provide

Tamang uri ng pamumuhay

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Atlantic Health System

Kanser sa Balat. Skin Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

PAGKAIN AT MGA HAIN para sa mga sanggol. Tagalog/ filippinsk

(Effective Alternative Secondary Education)

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Lungsod ng Yao. (Oktubre, 2016 ~ ) フィリピン語版

Ang Makisig at Hangal na Hari

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Kanser sa Suso. Breast Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

3.1 Paano ito Gumagana 3.2 Resolusyon sa Hindi Pagkakaunawaan 3.3 Insentibo sa Paglutas ng Hindi Pagkakaunawaan

Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT

GRADE IV REHIYON VI KANLURANG VISAYAS

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

2018 Buod ng Mga Benepisyo

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

ORBIS AY ANG PAGLILIPAT NG PERA AT PAMUMUHUNAN NA LAGANAP SA BUONG MUNDO

Philippine Center for Water and Sanitation - International Training Network Foundation. para sa. SZOPAD Social Fund

2017 Fair Housing Survey para sa Lungsod at County ng Los Angeles

Transcription:

Bureau of Micro, Small and Medium Enterprise Development 5F Trade and Industry Building 361 Sen. Gil J. Puyat Ave., Makati City 1200 Telephone No.: (+632) 751.5076/897.1693 Fax No.: (+632) 896.7916 E-mail: bmsmed@dti.gov.ph www.dti.gov.ph University of the Philippines Institute for Small-Scale Industries E. Virata Hall, E. Jacinto St., UP Campus Diliman, Quezon City 1101 Telephone No.: (+632) 928.7076 to 79 Tele/Fax No.: (+632) 920.6923/927.9238 Email: info.issi@up.edu.ph www.upd.edu.ph/~issi

NOTES

MGA REHISTRO PARA MAGING LEGAL ANG NEGOSYO LAYUNIN Barangay clearance/ permit Business permit, mayor s permit, sanitary permit Pagrerehistro ng pangalan ng negosyo Pagrehistro para sa buwis Pagrehistro at pagpapasuri ng produkto AHENSYA NG GOBYERNO Barangay Hall City Health Office Local Government Unit Department of Trade and Industry (DTI) Bureau of Internal Revenue (BIR) Bureau of Food and Drugs (BFAD) KAHALAGAHAN Para maging rehistrado at legal ang negosyo sa barangay Para maging rehistrado at legal ang negosyo sa city hall at makasiguro na walang sakit ang nagnenegosyo Para magkaroon ng legal na pangalan at hindi magagamit ng iba Para makasingil ng tama sa mga customers at makabayad din ng tamang buwis at magkaroon ng opisyal na resibo na magagamit sa mga opisyal na transaksyon. Para makapagnegosyo ng legal at mapasuri ang nutrisyon ng pagkain IBA PANG AHENSYANG MAKAKATULONG SA PAGNENEGOSYO LAYUNIN AHENSYA KAHALAGAHAN Pagkakaroon ng kaalaman sa mga teknolohiya na makatutulong sa negosyo Pagpapalawak ng kaalaman sa negosyo Pangangalap ng pondo para sa negosyo Pagkakaroon ng kaalaman sa tamang proseso ng pagputol ng karne at gawaing pankalinisan kaugnay sa paghawak ng karne Department of Science and Technology (DOST); Technology Resource Center (TRC) Academic institutions: UP Home Economics; UP Institute for Small-Scale Industries (UP ISSI); Alternative Learning System (ALS) DepEd Mga ahensya ng gobyerno (tulad ng SSS, GSIS, OWWA), mga bangko, micro-finance institutions, kooperatiba Animal Products Development Center (ng Bureau of Animal Industry) Teknolohiya, packaging, labeling, food testing, at nutrient analysis Para sa pagkakaroon ng karagdagan kaalaman sa pagsisimula at pagpapalago ng negosyo Para makapangalap ng puhunang gagamitin sa negosyo Para malaman ang tamang pamamaraan ng pagputol at paghawak ng karne 44 1

2 43

Mula sa halimbawang kabuurang benta, pinamili, at gastusin. magagawa ang sumusunod na Profit and Loss Statement para sa buwan ng Pebrero 2010. Profit/Loss Statement Para sa Buwan ng Pebrero, 2010 Total Sales (Kabuuang Benta) P176,695.00 Less: Cost of Goods Sold (Kabuuang Halaga ng Naibentang Kalakal) 142,423.00 Gross Profit (Kabuuang Kita) 34,272.00 Less: Operating Expenses (Gastos sa Pamamalakad) Marketing expenses 500.00 General and administrative expenses 2 8,700.00 Net profit/loss (Netong tubo o lugi) P25,072.00 Ang pinagsama-samang netong tubo sa loob ng ilang buwan ang tutukoy kung kailan mababawi ang puhunan. Ang tawag dito ay payback period. Ipagpalagay nating P80,000 ang iyong kabuuang puhunan. Kung ipagpapalagay nating sa isang buwan ang netong tubo mo ay higit kumulang P25,000, ang iyong puhunan ay mababawi mo sa loob ng ikatlong buwan (P80,000 25,000 = 3.2 buwan). 2 Kasama rito ang P2,500.00 amortization of goodwill or rights. 42 3

Halimbawa, ipagpalagay na ang kabuuran ng benta, pinamili, at ibang gastusin para sa buwan ng Pebrero 2010 ay ang sumusunod: Kabuurang Benta, Pinamili, at Gastusin sa Buwan ng Pebrero 2010 Pebrero Kabuuang Kabuuang Kabuuang Mga Halaga ng Naibenta Benta Pinamili Gastusin 1 6,730 4,235 5,020 100 Plastik 2 6,000 4,500 6,000 3 5,750 4,500 6,000 4 6,000 4,913 6,550 5 5,900 4,125 5,500 6 5,850 5,625 7,500 7 7,500 6,000 8,000 100 Plastik 8 7,250 6,000 8,000 9 6,000 4,050 5,400 10 5,895 4,500 6,000 11 5,495 4,500 6,000 12 5,550 4,500 6,000 13 5,420 5,250 7,000 450 Renta/ tubig/ilaw 14 7,600 5,625 7,500 100 Plastik 15 7,800 6,000 8,000 2,625 Pasweldo 16 6,420 5,175 6,900 17 6,115 4,875 6,500 18 6,325 5,250 7,000 19 5,325 4,500 6,000 20 5,500 6,000 8,000 21 7,995 6,375 8,500 100 Plastik 22 8,100 6,000 8,000 23 5,625 5,025 6,700 24 5,135 4,650 6,200 25 5,495 4,500 6,000 26 5,500 4,500 6,000 27 5,875 4,500 6,000 100 Plastik 28 8,545 6,750 9,000 2,625 Pasweldo 176,695 142,423 189,270 6,200 4 41

Para makagawa ng Profit/Loss Statement sundin ang mga sumusunod na hakbang: 1. Pagsama-samahin ang arawang benta mula sa Daily Sales Record listahan ng kabuuang benta para matukoy ang pangkalahatang benta sa loob ng isang buwan o taon. Kung ang ilang kilong panindang baboy ay ginawa at binenta bilang tocino o longganisa, isama rin ang bentang nalikom mula rito. 2. Pagsama-samahin ang arawang halaga ng naibentang kalakal mula sa Cost of Goods Sold listahan ng halaga ng naibenta para matukoy ang pangkalahatang halaga ng naibenta sa loob ng isang buwan o taon. Kung may karagdagang benta gaya ng tocino at longganisa isama rin ang kaukulang halaga ng baboy na ginawang tocino at longganisa pati na rin ibang materyales na ginamit. 3. Iawas ang pangkalahatang halaga ng naibentang kalakal mula sa pangkalahatang benta para makuha ang kabuuang kita. 4. Tukuyin ang iba pang mga gastusin. Isama sa marketing expenses ang lahat ng gastos sa pagbebenta (packaging tulad ng plastik), distribusyon (ang mga ginugol sa pagdeliver ng paninda), pag-iimbak (gaya ng yelo); at promotion and advertisement ng iyong produkto (tulad ng labels). Sa general and administrative expenses naman, isama ang interes sa pera kung ang puhunan ay inutang, repair and maintenance expenses, gastusin para sa tubig, kuryente, renta, at amortization ng goodwill o rights. Para makuha ang buwanang amortization, hatiin ang buong halaga na ibinayad para sa goodwill o rights sa 12. Halimbawa, kung ang binayad na goodwill money ay P30,000, ang buwanang amortization ay P2,500. 5. Kalkulahin ang netong tubo o lugi. Para mapadali ang paggawa ng Profit/Loss Statement, gumawa ng kabuuran (summary) ng Daily Sales Record (kabuuang benta), Cost of Goods Sold (kabuuang halaga ng nabenta), Purchases (kabuuang halaga ng pinamili), at mga gastusin kada buwan. Sa ganitong paraan, madali mong masusubaybayan ang pasok at labas ng pera sa negosyo mo. 40 5

Kabuuang Benta (Total Sales) Daily Gross Profit Record P6,730.00 Ibawas: Kabuuang Halaga ng Nabentang Gulay (Cost of Goods Sold) 4,235.00 Kabuuang Kita (Gross Profit) P2,495.00 Gabay sa Paggawa ng Profit/Loss Statement Sa Daily Gross Profit Record nalalaman ang kabuuang kita o pagkalugi sa isang araw. Samantalang sa Profit/Loss Statement matutukoy ang netong tubo (net profit) o pagkalugi (net loss) sa loob ng isang buwan o taon. Ang Profit/Loss Statement ay naglalaman ng: 1) pangkalahatang benta (total sales); 2) pangkalahatang halaga ng naibentang kalakal (cost of goods sold); 3) kabuuang kita (gross profit); 4) ang mga ibang gastusin (expenses); at 5) ang netong tubo o lugi (net profit or loss). Ang mga gastusin ay nahahati sa dalawa: gastusin sa pagbebenta (marketing expenses) at sa pangkalahatang pamamalakad (general and administrative expenses). Profit/Loss Statement Para sa Buwan ng, 200 Total Sales (Kabuuang Benta) Less: Cost of Goods Sold (Kabuuang Halaga ng Naibentang Kalakal) Gross Profit (Kabuuang Kita) Less: Operating Expenses (Gastos sa Pamamalakad) Marketing expenses General and administrative expenses Net profit/loss (Netong tubo o lugi) P xxxx.xx xxxx.xx xxxx.xx xxxx.xx xxxx.xx P xxxx.xx 6 39

Paninda Dami (Kilo o Tali) (D) Cost of Goods Sold Halaga ng Isang Kilo o Tali (B) Halaga ng Gulay na Naibenta E= (D x B) Karots 20 kilo 25.00 P500.00 Repolyo 20 kilo 20.00 400.00 Kamatis 50 kilo 15.00 750.00 Kangkong 30 tali 4.00 120.00 Patatas 15 kilo 15.00 225.00 Sayote 20 kilo 10.00 200.00 Sibuyas 50 kilo 20.00 1,000.00 Bawang 40 kilo 26.00 1,040.00 Kabuuang Halaga ng Nabentang Gulay P4,235.00 Ang listahan naman ng kabuuang benta ay nahahati rin sa apat: mga paninda, ang dami ng naibenta, ang presyo (selling price) ng bawat isa, at ang kabuuang benta. Paninda Dami (Kilo o Tali) Daily Sales Record Presyo ng Pagkakabenta Kada Kilo Tali (F) Kabuuang Benta (D) G = (D x F) Karots 20 kilo 40.00 P800.00 Repolyo 20 kilo 32.50 650.00 Kamatis 50 kilo 20.00 1,000.00 Kangkong 30 tali 6.00 180.00 Patatas 15 kilo 20.00 300.00 Sayote 20 kilo 15.00 300.00 Sibuyas 50 kilo 40.00 2,000.00 Bawang 40 kilo 37.50 1,500.00 Kabuuang Benta P6,730.00 Mula sa dalawang listahan (listahan ng halaga ng naibenta at listahan ng kabuuang benta) makakagawa ka ng listahan ng pang araw-araw na kabuuang kita (Daily Gross Profit Record). Base sa halimbawang nabanggit, ang kabuuang kinita sa isang araw ay: 38 7

Gabay sa Simpleng Kalkulasyon ng Pang Araw-araw na Kabuuang Kita Ugaliing gumawa ng listahan ng pinamili sa araw-araw (Daily Purchases Record). Mahalaga ang Daily Purchases Record sa pagtukoy ng halaga ng nabentang paninda at ang halaga ng natirang paninda sa isang araw. Ang Daily Purchases Record ay nahahati sa apat: ang mga paninda, ang dami ng bawat panindang pinamili, ang halaga ng bawat isa, at ang kabuuang halaga. Gumawa ng sariling Daily Purchases Record. Tularan ang halimbawa sa ibaba: Paninda Daily Purchases Record Dami (Kilo o Tali) (A) Halaga ng Isang Kilo o Tali (B) Halaga ng Napamili C = (A x B) Karots 30 kilo 25.00 P750.00 Repolyo 25 kilo 20.00 500.00 Kamatis 50 kilo 15.00 750.00 Kangkong 30 tali 4.00 120.00 Patatas 20 kilo 15.00 300.00 Sayote 30 kilo 10.00 300.00 Sibuyas 50 kilo 20.00 1,000.00 Bawang 50 kilo 26.00 1,300.00 Kabuuang Halaga ng Napamiling Paninda P5,020.00 Ang Simpleng Kalkulasyon ng Pang Araw-Araw na Benta Ugaliin ding gumawa ng listahan ng benta sa araw-araw (Daily Sales Record). Ang Daily Sales Record ay may dalawang bahagi: ang listahan ng halaga ng naibenta (Cost of Goods Sold) at listahan ng kabuuang benta (Daily Sales Record). Ang listahan ng halaga ng naibenta ay nahahati sa apat: mga paninda, ang dami ng naibenta, ang halaga ng bawat isa, at ang kabuuang halaga ng naibenta. Ipagpalagay na sa mga napamiling gulay sa ating halimbawa, ang mga sumusunod lang ang naibenta: 8 37

TALAAN 3: Working Capital Halaga na Kakailanganin sa Isang Linggo Paninda (30 kilos ng isda x 50/kilo x 6 araw) P9,000.00 Plastik 30.00 Renta 60.00 Tubig 100.00 Kuryente 100.00 Pasweldo 600.00 Yelo 400.00 Working Capital na kakailanganin sa loob ng isang linggo Working Capital na kakailanganin sa loob ng isang buwan Multiplikahin: Kung ilang buwan bago kumita ang negosyo Kabuuang Working Capital 10,290.00 x 4 41,160.00 x 1 P41,160.00 4. Pagsama-samahin ang kabuuang halaga ng pre-operating expenses, fixed assets, at working capital na naitala mo. Ang pinagsamang halaga ay ang puhunang kakailanganin mo. Kabuuang Pre-operating Expenses P36,945.00 Kabuuang Fixed Assets 5,025.00 Kabuuang Working Capital 41,160.00 Kabuuang Halaga ng Puhunang Kakailanganin P83,130.00 36 9

2. Anu-anong kasangkapan (fixed assets) ang kakailanganin mo sa pagtitinda sa palengke? Ang fixed assets ay karaniwang inilalagak nang minsanan lamang. Nakalista sa Talaan 2 ang mga kasangkapang karaniwang ginagamit ng mga market vendors. Gumawa ng sariling talaan at ilista ang mga gamit na kakailanganin mo sa pagtitinda, tukuyin kung ilan ang kakailanganing bilhin, at alamin ang halaga ng bawat isa. TALAAN 2: Fixed Assets Halaga ng Buong Kasangkapan Bilang Bawat Isa Kabayaran Timbangan 1 P 2,000.00 P2,000.00 Sangkalan 1 100.00 100.00 Kutsilyo 3 150.00 450.00 Basurahan 1 85.00 85.00 Ilawan 1 100.00 100.00 Hasaan 1 100.00 100.00 Styropor boxes 2 1,000.00 2,000.00 Tabo 1 15.00 15.00 Walis ting-ting 1 15.00 15.00 Plastik na timba 2 80.00 160.00 Kabuuang Fixed Assets P5,025.00 3. Kakailanganin mo ng pera para sa araw-araw na pagpapatakbo ng negosyo (working capital). Kailangan mo ng working capital para pambili ng paninda, plastik, pambayad ng mga gastusin tulad ng renta, tubig, kuryente, pasweldo, at iba pa. Tantiyahin ang working capital na kakailanganin para sa mga ilang buwang operasyon. Sa madaling salita, maglaan ka ng working capital hanggang sa magsimula ng bumenta nang malaki-laki ang iyong negosyo at kaya nang tumakbo sa sariling kita. Isipin ang iba t ibang gastusin sa negosyo mo. Gumawa ng sariling talaan. Pagkatapos kalkulahin ang kabuuang halaga na gagastusin sa loob ng isang buwan ay multiplikahin sa inaakalang bilang ng buwan bago kumita ang negosyo. 10 35

Gabay sa Pagkalkula ng Puhunan Ang puhunang kakailanganin mo sa negosyo ay nahahati sa tatlo: ang puhunang kakailanganin para matustusan ang mga gastusin bago pa man magsimula ang negosyo (pre-operating expenses); ang puhunang kakailanganin para sa iba t ibang kasangkapang gagamitin sa negosyo (fixed assets); at ang puhunan para sa pang-araw-araw na operasyon (working capital). Ang halaga ng mga gastusin ay depende sa lugar na pagnenegosyohan at pagkukunan ng mga gamit. Dahil sa hindi pare-pareho ang mga presyo ng mga ito, alamin ang halaga ng mga gastusin sa iyong lugar at kalkulahin ang kakailanganin mong puhunan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga sumusunod na hakbang. 1. Alamin ang mga bagay na kailangan mong bayaran bago ka pa man makapagtinda sa palengke at kung magkano ang gagastusin mo sa bawat isa. Sa Talaan 1 nakalista ang ilan sa mga karaniwang preoperating expenses. Gumawa ng sarili mong talaan. Alamin ang lahat ng mga gastusin at kaukulang kabayaran kaugnay sa pagrerehistro ng negosyo mo at iba pang pre-operating expenses na kailangang pagkagastusan. TALAAN 1: Pre-Operating Expenses Kabayaran Barangay clearance/permit Business name registration Mayor s permit/business permit/vending fee etc. Goodwill o rights P100.00 315.00 700.00 35,000.00 Training fees (kung naaangkop) 0.00 Professional fees (kung naaangkop) 0.00 Pamasaheng ginastos sa paglakad ng mga papeles Mga gastos sa pagkukumpuni ng puwesto Pag-seal ng timbangan 300.00 500.00 30.00 Kabuuang Pre-operating Expenses 34 P36,945.00 11

4. Sapinan ng dahon ng saging ang kaing para mabawasan ang moisture loss ng mga prutas at gulay. Tanggalin ang dahon ng prutas at halamang ugat para mabawasan ang moisture loss. 5. Pagbukud-bukurin ang mga prutas at gulay ayon sa uri, laki, at pagkahinog. 6. Tanggalin ang mga lantang bahagi at dahon ng prutas at gulay. 7. Iwasan ang sobrang paghawak sa panindang prutas at gulay. 12 33

8. Ang paggamit ng formalin at dye sa lahat ng uri ng panindang isda ay mahigpit na ipinagbabawal. Ipinagbabawal din ang pagbebenta ng isda na hinuli sa pamamagitan ng dinamita at cyanide. 9. Bawal ang pagbebenta ng shellfish na apektado ng red tide. 10. Pagdating sa pag-iimbak ng isda, pagsama-samahin ang magkakaparehong isda. Ang mga malalaking isda ay ipailalim para maiwasang madaganan at masira ang mga maliliit na isda. Bawat lalagyan ay pinupuno ng yelo (1 bahagi ng yelo sa 1 bahagi ng isda). Siguraduhing may takip ang pinag-iimbakan. Ang tamang pangangasiwa ng panindang karne 1. Lahat ng panindang karne (tulad ng baboy, baka, at manok) ay dapat galing sa accredited slaughterhouses, dressing at meat processing plants. Lahat ng panindang karne ay dapat may kaukulang meat inspection certificate. 2. Ang mga panindang karne na nagpapakita ng pagkabulok, kontaminasyon, binantuan, o kaya hindi ligtas sa vermin (isang grupo ng mga insekto tulad ng mga lamok, ipis, at kuto, o di kaya mga maliliit na hayop tulad ng daga na may dalang sakit) ay hindi dapat ibenta. 3. Anumang gawain, maliban sa pagputol at paggiling ng karne, ay mahigpit na ipinagbabawal sa puwesto. 4. Sa pagsalansan ng karne, pagsama-samahin ang magkakaparehong putol. 5. Ang paggamit ng formalin at dye sa lahat ng uri ng panindang karne ay mahigpit na ipinagbabawal. 6. Nirerekomenda ang paggamit ng panipit sa paghawak ng karne para maiwasan ang direct contact. Ang tamang pangangasiwa ng panindang prutas at gulay 1. Lahat ng panindang prutas at gulay ay dapat panatilihing malinis at ligtas sa kontaminasyon. 2. Ilayo ang mga prutas at gulay sa mga nakalalasong bagay o kemikal tulad ng mga disimpekto, sabon, pestisidyo, atbp. 3. Ang mga prutas at gulay ay dapat nakaimbak sa malinis, malamiglamig, at di-basang lugar. Iimbak ang mga halamang ugat (tulad ng gabi, singkamas, kamote, labanos) at bulb crops (tulad ng bawang at sibuyas) sa medyo tuyong kapaligiran. 32 13

2. Siguraduhing may takip ang mga imbakan para maiwasan ang kontaminasyon. 3. Huwag pagsama-samahin ang magkakaibang produkto sa iisang lalagyan. 4. Siguraduhing ang tubig na ginamit sa paggawa ng yelo ay malinis. 5. Huwag ilapag o ilapat ang yelo sa sahig. 6. Siguraduhing malinis at walang butas o punit ang gamit na pambalot. Huwag gumamit ng lumang diyaryo para pambalot. Iwasan ang paggamit ng lumang pinagbalutan. Mayroon ding mga tukoy na kalakaran sa tamang pangangasiwa at pag-iimbak ng isda, karne, gulay at prutas. Ang tamang pangangasiwa ng panindang isda 1. Nirerekomenda ang paggamit ng panipit at guwantes para maiwasan ang kontaminasyon. 2. Iwasan ang paglalantad ng isda sa room temperature na walang yelo. 3. Ang mga isda na nagpapakita ng pagkabulok ay hindi na dapat ibenta. Ang ilan sa mga palatandaan ng pagkabulok ng isda ay ang mga sumusunod: malambot ang laman, lubog at mapulang mata, pagkawala ng kaliskis, at ang masamang amoy. 4. Ang mga mollusks (tulad ng alimango, alimasag, talangka, at katang) ay dapat ilagay sa malinis na sako, kaing, o kahon. Ilayo ang mga ito sa pagkabilad sa init ng araw, usok, at iba pang contaminants. 5. Kaagad lagyan ng yelo ang panindang hipon para maiwasan ang pagkasira. Ilayo ang mga ito sa pagkabilad sa init ng araw, alikabok, usok, hangin, at iba pang contaminants. 6. Ang seaweeds (tulad ng lato at gulaman dagat) ay dapat hugasan gamit ang malinis na tubig dagat o weak brine solution. Ilayo ang mga ito sa pagkabilad sa init ng araw, alikabok, usok, hangin, at iba pang contaminants. 7. Ang mga gastropods (tulad ng suso) ay hindi dapat ibabad sa tubig o ibilad sa init ng araw, alikabok, usok, hangin, at iba pang contaminants. May mga clams (tulad ng tulya at paros) na dapat nakalubog sa malinis na tubig sa lahat ng oras. Ang mga talaba at tahong ay hindi iniiwanang nakalubog sa tubig. Sa halip ang mga ito ay winiwisikan lamang ng tubig dagat o malinis na weak brine solution. 14 31

Paglilinis at Pangangasiwa ng mga Kagamitan Lahat ng kasangkapan, lalagyan, at materyales na ginagamit sa pagtitinda at pag-iimbak ng karne, isda, gulay, prutas, o anumang pagkain ay kailangang malinis. Para makasiguro na malinis ang mga kasangkapan, lahat ng nagtitinda sa palengke ay pinapayuhang sundin ang mga sumusunod na alituntunin kaugnay sa paglilinis at pangangasiwa ng mga kagamitan: 1. Tanggalin ang anumang butil ng pagkaing naiwan sa mga kasangkapan bago hugasan ang mga ito gamit ang maligamgam na tubig na may sabon. 2. Gumamit ng sabon at pandisimpekta na non-toxic at non-corrosive. Ilayo ang sabon at pandisimpekta sa panindang pagkain. 3. Ang mga lalagyan, kagamitan, at mesa ay dapat gawa sa non-toxic material, di-kinakalawang, walang bitak, at madaling linisin at disimpektahan. 4. Huwag gagamitin ang mga kasangkapan sa pagtitinda para sa ibang bagay. 5. Siguraduhing ang mga gamit na sisidlan ay may takip. 6. Gumamit ng mga sangkalan na madaling linisin at walang mga siwang o bitak. 7. Huwag gumamit ng lalagyang dating ginamit para sa mga sangkap na nakalalason o nakasasama sa kalusugan ng tao, tulad ng insecticides, pintura, sabon, langis, abtp. 8. Ang mga kasangkapang gamit sa pagtitinda ay dapat nasa maayos na kondisyon, malinis, at disimpektado. 9. Ang lahat ng kagamitan at lalagyan ay dapat linisin bago at pagkatapos ng trabaho. Siguraduhing tuyo at malinis ang mga kagamitan bago itago sa loob ng malinis na kabinet. Ang Mga Kalakaran sa Pag-iimbak at Pagbabalot Ang mga dapat tandaan pagdating sa pag-iimbak ay ang mga sumusunod: 1. Ang mga imbakan ay dapat gawa sa non-toxic material, di-kinakalawang, walang bitak, at madaling linisin at disimpektahan. 30 15

8. Ang sabay na paghawak ng panindang pagkain at pera ay labag sa gawaing pangkalinisan. Ang Pagbebenta sa Palengke Mayroong mga pamamalakad hinggil sa pagbebenta sa palengke na mahigpit na ipinapatupad. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod: 1. Ipinag-uutos ang hayagang pagsabit ng business permit, stall number, at pangalan ng principal vendor and handlers sa puwesto. 2. Ang puwesto, pati na rin ang paligid nito, ay dapat panatalihing malinis at maayos. Anumang kalat ay dapat kaagad linisin. 3. Sa pangkalahatan, responsibilidad ng mga tindero t tindera na siguraduhing ligtas ang kanilang paninda sa lahat ng uri ng kontaminasyon. 4. Ang mga puwesto ay dapat walang pansariling gamit (tulad ng damit, sapatos, at kumot) o mga palamuti na maaaring pagmulan ng kontaminasyon. 5. Kapag hindi ginagamit ang puwesto, ito ay dapat lagyan ng panaklob. 6. Lahat ng mga paninda ay dapat maayos na nakasalansan sa puwesto. 7. Dapat malinis na tubig (potable water) ang gamitin sa paghuhugas ng mga paninda. 8. Ipinagbabawal ang paggamit ng ilaw na may kulay o di kaya ilaw na nababalutan ng colored cellophane para linlangin ang mga mamimili sa kasariwaan ng paninda. 9. Ang paggamit ng formalin, dye, o anumang nakalalasong bagay ay mahigpit na ipinagbabawal. 10. Labis na pag-iingat ang dapat gawin para maiwasan ang kontaminasyon, tulad ng pag-iingat na hindi mahulog ang anumang paninda sa sahig. 11. Ang mga timbangan ay dapat palaging malinis at regular na kina-calibrate. 12. Inirerekomenda na lahat ng mga paninda ay ibenta sa pamamagitan ng first-in, first-out basis. 16 29

Gawaing Pangkalinisan Kaugnay sa Pagbebenta ng Pagkain Sa Palengke Upang makatiyak na ang ibinebentang pagkain sa palengke ay ligtas na kainin ng tao, may iminumungkahing mga alituntunin kaugnay sa pagbebenta ng pagkain. Nakasaad sa Code of Hygienic Practices 1 ang mga gawaing dapat sundin ng mga nagtitinda ng pagkain sa palengke. Pansariling Kalinisan Dapat malinis sa pangangatawan ang mga nagtitinda ng pagkain (food handlers) sa palengke. May ilang alituntunin kaugnay sa pansariling kalinisan ang nakapaloob sa Code of Hygienic Practices. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Dapat malinis ang kasuotan at apron ng mga nagtitinda ng pagkain sa palengke. 2. Ang sinumang may sakit sa balat, ilong, lalamunan, o anumang nakahahawang sakit ay hindi dapat magtinda ng pagkain sa palengke hanggang sa makakuha ng kaukulang medical clearance. 3. Ang mga hiwa at sugat ay dapat nakabalot ng waterproof bandage. 4. Ang kuko ay dapat malinis, maikli, at walang cutex. 5. Hindi dapat magsuot ng singsing o pulseras habang nagtitinda. 6. Lahat ng tindero t tindera sa palengke ay dapat iwasang dumura, bumahing, umubo, o manigarilyo sa harap ng paninda para masiguro ang kalinisan ng mga ito. 7. Kailangang maghugas at magsabon ng mga kamay (hanggang bisig) pagkatapos gumamit ng banyo, suminga, humawak ng basura, at manigarilyo. Ipinapayo ang madalas na paghuhugas at pagsasabon ng mga kamay. 1 Inangkop at isinalin mula sa Code Of Hygienic Practice For The Sale Of Fresh Meat In Markets And Authorized Outlets (http://bafps.da.gov.ph / Pages/Code_Drafts1.htm), Code Of Hygienic Practice For The Sale Of Fresh Fruits and Vegetables In Markets And Authorized Outlets (http:// www.bafps.da.gov.ph/pages/code_drafts3.htm), and the Code Of Hygienic Practice For The Sale Of Fresh Fish In Markets And Authorized Outlets http://bafps.da.gov.ph/pages/code_drafts2.htm). 28 17

18 27

26 19

20 25

24 21

22 23