Gender Policy para sa Pampamayana ng Radyo. Ika-8 ng Marso 2008

Similar documents
Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Pang-aabusong Sekswal sa Kulungan: Isang Pandaigdigang Krisis sa Karapatang Pantao

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

ARALING PANLIPUNAN 10 MGA KONTEMPORARYONG ISYU

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) Title VI

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

Ang Bagong Sistema ng mga Karapatang Pantao ng Ontario

PATAKARAN SA PAG-UUGALI AT

Ang Karapatan Ng Mga Bingi Na Lumaking Bilingwal

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

(Effective Alternative Secondary Education)

Mga Pananggalang na Pamamaraan Mga Karapatan ng Magulang

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM SENIOR HIGH SCHOOL APPLIED TRACK SUBJECT

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Hinggil sa Karapatan ng mga Katutubo at Kahalagahan ng Pagsalin ng Katutubong Kaalaman at Kultura

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Ang Makisig at Hangal na Hari

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

Stake Audit Committee

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

Ota City Board of Education

PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE

Bayshore Elementary School District Local Control Accountability Plan Year 1 Summary

Ang Kasaysayan at Araling Panlipunan sa K to 12 Curriculum. Lorina Y. Calingasan

Atlantic Health System

Pamamatnubay na Palakad sa Paaralan para sa mga Magulang na Baguhan

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

SVP - Chief Compliance & Audit Officer. Kontak: Posisyon: Telepono #:

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikatlong Markahan

ANG MISYON ANG AMING MGA KLIYENTE AY MGA TAONG MAY KAPINSALAAN

kalagayan at karapatan ng kababaihan: CEDAW primer CEDAW convention on the elimination of all forms of discrimination against women NCRFW UNIFEM CIDA

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

MISYONG PAHAYAG. Isang masagana at inklusibong Canada na nakabatay sa tagumpay ng bawat indibidwal.

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

ISANG GABAY SA NG BALANGKAS NG KOMPETENSIYA NG PAGKAKAWANGGAWA SINUSUPORTAHAN ANG NAGKAKAWANGGAWA UPANG EPEKTIBONG MAKAPAGTRABAHO

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

KILOS na, KAS! Pangkalahatang Programa para sa Kolehiyo ng Agham at Sining, UP Manila. Carl Marc Lazaro Ramota Oktubre 2015

STK GLOBAL PAYMENTS DECEMBER 2017 WHITEPAPER TGL OFFICIAL WHITEPAPER:

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

3.1 Paano ito Gumagana 3.2 Resolusyon sa Hindi Pagkakaunawaan 3.3 Insentibo sa Paglutas ng Hindi Pagkakaunawaan

ANG DEKLARASYON NG UNITED NATIONS

Opisina ng Pagtatanggol para sa Saykayatrikong Pasyente

Pamantayan para sa Mga Palaisdaan ng Seafood Watch

PANGKALAHATANG ABISO SA PRIVACY NG PERSONAL NA IMPORMASYON NG EMPLEYADO

Core Humanitarian STANDARD. Batayang Pamantayang Humanitarian sa Kalidad at Pananagutan

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

BUOD ng Consolidated Plan ng ESSA ng Washington

Koleksiyon ng mga kailangan at

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Ang Pampatakarang Gabay sa Pagkilala ng mga Biktima ng Trafficking

Trainer s Manual on Increasing Opportunities for Women Within Politics and Political Parties (Filipino Version )

Sistema Administratibo

Gabay para sa mga Lider

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Isang desentralisadong contact center network na kumokonekta sa mga organisasyon para sa layuning mamahagi ng pangangailangan upang maisaayos ang

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

P2PS WHITE PAPER Pinagsamang Economic Value sa Secure na Communication Systems

TAGALOG Online na Buklet ng Impormasyon ng Magulang Smarter Balanced Assessments at Hawai i State Science Assessments

EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

PANIMULANG ARALIN TUNGKOL SA SANTUARYONG- DAGAT

Kodigo ng Asal at Etika sa Negosyo

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

ORBIS AY ANG PAGLILIPAT NG PERA AT PAMUMUHUNAN NA LAGANAP SA BUONG MUNDO

Ang Proyektong Integrasyon ng mga Imigrante sa San Francisco

Direktoryo ng Provider at Parmasya

Pagsasanay sa Filipino

Saligang Batas ng Migrante International

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Talaan ng Mga Nilalaman

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikalawang Markahan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Sinusuportahang Pagtatrabaho sa pamamagitan ng DOR: Fact Sheet ng Pagkanararapat at Nasasaklawan ng mga Serbisyo

Itinalakay ni Ministro Oliver ang Balanseng Budget, Low-Tax Plan para sa mga Trabaho, Paglago ng Ekonomiya, at Kaligtasan

I. LAYUNIN PATAKARAN. Pamagat: Patakaran sa Tulong Pinansyal. Patakaran Pamamaraan Alituntunin Iba pa: Saklaw: Sistema Departamento:

AMATS Title VI Walang Diskriminasyong Plano ng Pagpapatupad

Transcription:

Gender Policy para sa Pampamayana ng Radyo Ika-8 ng Marso 2008

Panimula Ang pagkapantay-pantay ng mga kababaihan at kalalakihan at ang kahalagahan ng tungkulin ng mga kababaihan sa bawat pantaong larangan ay kinikilala ng mga internasyonal na instrumento, pambansang saligang batas at lipunan sa buong mundo. Ang mga karapatan ng tao, anuman ang kasarian, seksualidad, lahi, relihiyon ay kinikilala sa Pandaigdigang Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao (UDHR). Ang mga pamahalaan ay kinikilala rin ang mga karapatan ng mga kababaihan sa ilalim ng Kumbensyon para sa Eliminasyon ng Lahat ng Uri ng Diskriminasyon Laban sa Kababaihan (CEDAW). Ayon sa kumbensyon, ang mga pamahalaan ay may tungkuling magpatupad ng mga programa na magsasabuhay ng tatlong pangkahatang prinsipyo: ang prinsipyo ng pagkapantay-pantay, ang prinsipyo ng kawalan ng diskriminasyon at ang prinsipyo ng pangestadong tungkulin. Ang tungkulin ng media na ikampanya ang pagkapantay-pantay ng bawat tao ay mahalaga. Ito ay kinikilala sa Seksyon J ng Beijing Platform for Action (BPFA) na inaprubahan noong 1995. Ang bahaging ito ay nagdidiin sa aktibong kontribusyon ng mga kababaihan sa media ngunit nababanggit din dito ang pangkalahatang kawalan ng kababaihan sa mga panglideratong posisyon. Tinutukoy nito ang kagyat na pangangailangan ng reporma at inaatasan ang mga pamahalaan na magpatupad ng mga hakbang gaya ng training, pananaliksik at promosyon tungo sa pagtatalaga ng mga kababaihan sa mga panglideratong posisyon. Ang mga pampamayanang radyo ay nararapat na instrumento upang maisakatuparan ang mga naising ito. Ang mga TIK at ang internet ay nagbibigay ng mga pagkakataon sa mga kababaihan na makipagugnayan sa isa't isa. Subalit karamihan ng kababaihan ay nakabase sa mahihirap na bansa, kung saan limitado ang mga pagkakataon na makakuha o makagamit ng mga teknolohiyang pangkomunikasyon. Ang realidad na ito ay dapat isaalang-alang hindi lang mga miyembro ng media, lalo na ng mga tagapampamayanang radyo, ngunit maging ng mga opisyal sa bawat antas ng lipunan, mula sa lokal na pamahalaan hanggang sa mga pandaigdigang lupon. Sa kasamaang palad, ang mga proseso ng pagpapasya at paggawa ng mga patakaran ay hindi nabibigyang atensyon ang mga pangangailan ng mga kababaihan. Ito ay nagreresulta sa isang sistemang base o para sa interes ng kalalakihan lamang. Ang situasyong ito ay nagpapalawig ng pangimpormasyong kakulangan sa pagitan ng mga kalalakihan at kababaihan at nagpapasinaya sa negatibong representasyon, komersiyalisasyon at seksuwalisasyon ng katawan ng babae. Ang pampamayanang radyo ay may tungkulin na ipursige ang mga isyung ito sa proseso at larangan ng paggawa ng mga patakaran; ikampanya ang bahagi ng kababaihan sa paggamit ng TIK; at bigyan ng solusyon ang kawalan ng balanseng pulitikal. Sa buong mundo, ang partisipasyon ng mga kababaihan sa pagpigil at pagresolba ng labanan at prosesong pangkapayapaan ay kinikalala ng United Nations Security Council Resolution 1325. Ang pampamayanang radyo ay may tungkulin na tiyakin ang bisibilidad at partisipasyon ng mga kababaihan sa mga ganitong sitwasyon; at maging instrumento para marinig ang mga tinig ng nga kababaihan sa kapayapaan at sa pagresponde sa mga partikular na pangangailangan ng mga kababaihan at bata sa gitna ng labanan. Tungkulin ng pampamayanang radyo na tiyakin ang balanseng pagbabalita; ang maayos na representasyon ng mga kababaihan bilang mga aktibong miyembro ng lipunan; ang partisipasyon ng mga kababaihan sa pagpapasya sa istasyon at mga programa nito; ang pagsuporta sa mga kababaihan sa kanilang pagkamit ng kompiyansa at kaalamang teknikal sa paglikha ng impormasyon at pagpapahayag. Ang pampamayanang radyo ay kabilang sa isang progresibong panlipunang pagkilos at dahil dito, nararapat lamang na magtatag at pagtibayin nito ang kanyang pakikipagugnayan sa mga progresibong pagkilos ng mga kababaihan. Tungkulin din ng mga himpilan na itaguyod ang mga prinsipyo at patakarang etikal, kabilang na ang pagbigay respeto sa mga kababaihan at pagtiyak ng pagkapantay-pantay ng mga empleyado. Ang gender policy para sa pampamayanang radyo ay isang instrumento tungo sa pagkapantay-pantay ng mga empleyado base sa kanilang kaakuhan at sekswlidad sa mga himpilan. Ito ay nararapat na making bahagi ng mga prinsipyo at patakarang etikal ng mga himpilan. Tinutukoy nito ang tungkulin ng media na tumulong sa katuparan ng dalawang istratehiya upang madagdagan ang partisipasyon at kakayanan ng mga kababaihan sa pamamahayag at pagpapasya sa at sa pamamagitan ng media at mga makabagong teknolohiyang pang imporamasyon at komunikasyon (TIK) at sa pagkakampanya ng balanse at di stereotipikal na representasyon ng kababaihan sa media. 1 2

Seksyon I Kakayanan ng Kababaihan Mapakinggan sa Ere Kailangan ng mga kababaihan na maggamit ang ere, partikular na ang pagkakaroon ng kakayanan na maglikha ng kanilang programa hinggil sa mga pulitikal at panlipunang isyu, programang pangaliwan at programang tumatalakay sa kanilang mga suliranin bilang mga babae. Ang layuning ito ay nangangailangan ng positibong pagkilala sa mga pagsasanay para sa kababaihan; paglikha ng kanilang programa; pagtiyak ng isang mapagsuporta at ligtas na kapaligiran sa loob at paligid ng himpilan. Kabilang dito ang pagtataguyod ng mga patakaran hinggil sa sexual harassment at mekanismo sa pagdulog ng reklamo upang protektahan ang mga kababaihan sa anumang uri ng pang-momolestiya at pang-aabuso. Ang mga kababaihan ay may karapatang magtrabaho nang walang kinatatakutan. Datapwat ang pagkakaroon ng tamang pagsasanay sa seguridad at pansariling pagdepensa; kawalan ng puwang para sa paglabag ng dignidad ng kababaihan; at pagtulong sa mga kababaihan sa mga banta mula sa loob at labas ng himpilan ay bahagi ng pagpapaubaya sa mga kababaihan ang paggamit ang ere. Dahil sa kultura, minsan ay nahihirapang makapagpahayag ang mga kababaihan sa ere lalo na kapag ito ay nangagahulugan ng paglalakbay mag-isa o sa kalaliman ng gabi. Kailangang matiyak na makaraos ang mga kababaihan sa mga limitasyong ito sa pamamagitan ng panlansangang himpilan ng radyo; at pagbibigay ng panggastos at kasama sa paglalakbay. Ang paglalaan ng mga pagsasanay o araw para lang sa kababaihan ay ilang paraan upang itaguyod ang tiwala ng mga kababaihan sa kanilang mga sarili. Hanggat hindi pa naabot ang pagkapantay-pantay ng mga kababaihan at kalalakihan sa radyo, ang mga himpilan ay dapat magtaguyod ng women's desk na siyang pangunahing susuporta sa partisipasyon ng mga kababaihan; magproprotekta sa kanila sa anumang uri ng diskriminasyon sa loob ng himpilan at sa ere; mangangampanya sa paglikha ng positibong espasyo para sa pagkapantay-pantay ng mga kababaihan at kalalakihan sa larangan ng partisipasyon. Seksyon II Representasyon ng mga Kababaihan sa Ere Himukin ang representasyon ng mga kababaihan sa kanilang pagkakaiba, at hindi ang pagdidiin ng mga de-kahong pagganap lalo na sa pamilya. Tiyakin na lahat ng tao, anuman ang kaakuhan, lahi, antas, sekswalidad atbp ay ginagawaran ng respeto sa lahat ng materyal, maging mga patalastas na ihahayag at itatanghal sa ere. Kabilang dito ang pagtiyak na walang tao ang maiinsulto at mababastos sa anumang paraan. Ang pananaw ng mga kababaihan ay dapat tiyakin sa lahat ng programa. Kailangan din maglaan ng mga programa na para lamang sa kababaihan. Gayon din, ang mga kababaihan mamamahayag ay hindi dapat kinakahon sa mga programang ekslusibo sa mga kababaihan. Kadalasan, ang mga kababaihan ay hindi itinuturing ng media bilang mga pinagkukunan ng impormasyon at opinyon. Ang pagkakaroon ng iba't ibang pinagkukunan ng impormasyon at opinyon na nanggagaling mula sa iba't ibang sektor sa lipunan ay dapat tiyakin sa paglikha, pagsusuri at pagtalakay ng mga balita. Maaring makatulong ang paggawa ng isang directory na naglalaman ng mga pangalan ng mga kababaihang eksperto sa iba't ibang larangan. Seksyon III Mga Partikular na Pangangailangan ng mga Kababaihan mula sa Minoridad Ang pakakaiba ng mga karanasan ng mga kababaihan ay kailangang isaalang-alang. Kailangan din na maglikha ng espasyo para sa mga kababaihang nakaranas ng diskriminasyon, pang-aapi, o pagpapabaya ng pribado at pampublikong media. Kabilang dito ang pagkakaroon ng mga natatanging probisyon para sa mga kababaihang may kapansanan, mula sa minoridad, katutubong grupo, caste at minoridad na sekwalidad gaya ng mga lesbiana at transgender. Tiyakin na ang mga kababaihan ay makagamit at makapagpahayag sa ere sa kanilang pagkakaiba. Kabilang dito ang paglalaan 3 ng 4

priority airtime sa mga minoridad at ang kanilang pagtalakay ng mga isyu sa isang mapagpalaya, ligtas at bukas na kapaligiran. Ang mga pagsasanay ng mga kababaihan na mula sa mga minoridad na pinanggagalingan at oryestasyon ay maaaring kakaiba. Ang mga pangangailangang ito ay dapat maisasalangalang sa pagpopondo. Seksyon IV Representasyon ng mga Kababaihan sa Lahat ng Antas ng Pangangasiwa ng Himpilan Ang representasyon ng mga kababaihan sa pampamayanang radyo ay inaasahang mas mainam kaysa sa pribadong radyo at radyo na kontrolado ng pamahalaan. Sa kabila nito, madalang pa rin ang balanseng representasyon ng kababaihan sa liderato ng himpilan at sa mga kawani na may teknikal na kaalaman. Upang maging makabuluhan ang representasyon ng kababaihan sa lahat ng antas at aspeto ng himpilan, kailangang magtakda ng kota sa pagaari, pangangasiwa at produksiyon, kabilang na ang teknikal na pangangasiwa. Bagaman ang pangunahing layunin ay makamit ang pagkakapantay-pantay ng mga kalalakihan at kababaihan, maaaring magtakda ng kota ng 30% pansamantala. Upang makamit ang mga kota, mahalagang paglaanan ng atensiyon ang pagpapayabong ng kaalaman ng mga kababaihan tungo sa mga kasanayan sa pagkapinuno at pangangasiwa. Ngunit ang partisipasyon ng mga kababaihan ay hindi nasusukat ng kota lamang, bagkus sa lalim at halaga ng kanilang partisipasyon sa mga pulitikal na proseso na pinasisinayaan ng isang kapaligirang sensitibo sa iba't ibang kultura. 5 Maraming bagay ang maaring magpasinaya ng partisipasyon ng mga kababaihan. Kabilang dito ang paglalaan ng pasilidad at serbisyo sa pangangalaga ng mga bata; oras ng trabaho na nagsasaalang alang ng kakaibang pangangailan; oras ng pageere na nakakatulong sa mga kababihang gampanan ang kanilang ibang tungkulin; sapat na ilaw at kaligtasan sa paligid ng himpilan habang nagdadaos ng pulong o pageere ng programa; ligtas na sistemang pangtransportasyon para sa mga kababaihang kailangang maglakbay lalo na sa gabi o sa pampublikong okasyon. Hindi bababa sa kalahati ng mga lugar ng pagsasanay ang kailangang ilaan sa mga kababaihan. Seksyon V Ang paggamit ng Akmang Teknolohiya Bagaman may ilang kababaihang bihasa sa paggamit ng TIK, nanatili pa rin ang digital divide o ang malaking agwat sa pagitan ng mga may kakayahang magmayari at gumagit ng TIK at mga taong walang pagkakataon na mapagaralan at magamit ang mga ito. Karaniwang hindi kasama ang mga kababaihan sa paggamit ng teknolohiya, kabilang na ang mga tradisyonal na gamit pangkomunikasyon gaya ng radyo. Mahalagang kilalanin ang pangkasariang dimensyon ng digital divide at malunasan ito sa pamamgitan ng mga ekslusibong pagsasanay ng mga kababaihang bihasa para sa kapwa nilang kababaihang nais matuto at paglaanan ng karampatang pansin at pondo ang paggamit ng mga akmang teknolohiya. Kaakibat ng paggamit ng akmang teknolohiya ang pagtangkilik sa free and open source software; ang pagsasaayos ng himpilan sa paraan na madali para sa mga kababihang gumagamit nito isinasaalang-alang, halimbawa, na karaniwang mas mababa ang tindig ng kababaihan kaysa sa mga kalalakihan upang tiyakin na ang himpilan ay maaring gamitin ng lahat ng tao, kabilang na ang may mga kapansanan. Kabilang din dito ang pagtitiyak na ang mga gamit sa mga pagsasanay ay maaring gamitin ng lahat; nakasalin sa mga lokal na wika; at naiintindihan lalo na ng mga taong hindi marunong bumasa at sumulat. Kailangan din na maghimok ng mga malalim na pagaaral sa radyo at suportahan ang mga inisyatibang tumutulong sa mga mahihirap at di nakapag-aral sa kanilang pangangailang pangkomunikasyon sa pamamagitan ng paglikha ng akma at abot-kayang teknolohiya. Section VI Pagpopondo at Kasanayan para sa Kababaihan sa Radyo Ang pagsasanay ay isang pangunahing sangkap upang makamit ang pagkapantay- pantay ng mga kababaihan at kalalakihan. Ang pangangailang 6

ito ay hindi lamang limitado sa kababaihan sa mga himpilan ngunit maging sa mga kalalakihan. Ito ay upang ang lahat ng tao ay makapagtrabaho tungo sa kolektibong paglikha ng isang mapagkalinga at ligtas na kapaligiran kung saan lahat ay makakapaglaan ng kanilang kagalingan para sa ikauunlad ng himpilan. Maliban sa pagsasanay sa iba't ibang kaalaman sa radyo, kailangan din ng mga pagsasanay sa gender sensitivity para sa lahat ng kawani ng himpilan. Ito ay makakatulong sa pagkilala at pagbago ng patriyarkal na kaisipan at mapang-aping representasyon; at kalaunan, paglikha ng pantay-pantay na relasyon ng mga tao at patas at sensitibong pagbabalita. Bagaman maraming himpilan ay naglalayon ng pagkapantay-pantay sa pagitan ng mga kababihan at kalalakihan, bihira ang paglalaan ng pondo o pagsasanay para dito. Kailang maglaan ng pondo na magagamit sa pagsasanay ng kababaihan sa mga kaalamang teknikal, pamprograma at pangangasiwa; pagsasaayos ng himpilan upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat (gaya ng ilaw, gamit pangseguridad, hiwalay na palikuran); at pagbibigay ng mga pagkakataon sa mga kababihan na makipagugnayan, magbahagi at matuto sa mga kapwa nilang kababaihan galing sa ibang himpilan o organisasyon. Maari ring makatulong ang pagtatalaga ng isang kawani para sa mga kababaihan at mga kababaihan sa advisory board o sa pangasiwaan. Ang mga ito ay makakatulong sa pagtukoy ng mga pangangailangan sa himpilan at pagpapatupad ng mga programang makakatulong sa pagkamit ng pagkapantay-pantay ng mga tao. Ang dokumentong ito ay inisinalin sa 18 pang wika. AMARC-WIN International, 705 Rue Bourget #100, Montreal, Quebec CANADA, H4C 2M6, Tel: +1-514-982-0351, Fax: +1-514-849-7129 secretariat@si.amarc.org, http://win.amarc.org/ Ang nilalaman ng gender policy ay mula sa mga miyembro ng AMARC-WIN Asia Pacific. Ito ay inaprubahan ng AMARC-WIN International. Komite sa Pagsulat: Geeta Malhotra, READ (India); Nimmi Chauhan, DRISHTI Media Collective (India); Sonia Randhawa, AMARC Asia Pacific Board (Australia); Tamara Aqrabawe, INTERNEWS (Afghanistan); and Bianca Miglioretto, Isis International (Philippines) Ang Pagsalin mula English sa Tagalog ay ginawa ni Nina Somera, Isis International Koordinasyon: Isis International, www.isiswomen.org