Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Similar documents
Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Pamamahala sa Social Security Mahalagang Impormasyon

Unang Hakbang MGA INIAATAS NA KUWALIPIKASYON

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Mga Gastusing Kwalipikado sa Medical Reimbursement Account (MRA)

Atlantic Health System

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Mahalagang impormasyong legal, mga paghahayag, at mga patakarang kailangan ninyong malaman

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

Iba pang mga wika at format

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

EBIDENSYA NG SAKLAW CARE1ST CAL MEDICONNECT PLAN MGA COUNTY: LOS ANGELES AT SAN DIEGO. Care1st Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

Direktoryo ng Provider at Parmasya

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

APPLICATION PARA SA CALFRESH, TULONG NA PERA, AT/O MEDI-CAL/MGA PROGRAMA SA PANGANGALAGA SA KALUSUGAN

Ang lahat ng iba pang impormasyon at benepisyo ay hindi magbabago gaya ng isinasaad sa inyong 2016 na Handbook ng Miyembro.

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

2018 Buod ng Mga Benepisyo

Financial Assistance Documents

PERSONAL NA PAGSAKOP PARA SA MGA MAY-ARI NG NEGOSYO

Ang Sistema sa Kalusugan ng Johns Hopkins Patakaran at Pamamaraan

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

Petsa ng simula ng paghihintay (MM/DD/YYYY)

Isang Guide para sa Naturalisasyon

GRADE VI GAMIT NG GRID

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Medi-Cal. Taon ng Benepisyo Handbook ng Miyembro ng Medi-Cal para sa

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Mga Pambuong Sistemang Administratibong Patakaran at Proseso ng The Queen s Health Systems

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

PETSANG MAY BISA: 01/01/2016 PETSA NANG NIREBISA: 06/27/2017. Financial Assistance Policy (Patakaran para sa Pinansiyal na Tulong)

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

I. LAYUNIN PATAKARAN. Pamagat: Patakaran sa Tulong Pinansyal. Patakaran Pamamaraan Alituntunin Iba pa: Saklaw: Sistema Departamento:

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

Health TALK. Naarawan BUNTIS? Ano ang ibig sabihin ng bilang ng SPF sa sunscreen ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

Mahahalagang Bagay. Mahahalagang Bagay. Iba Pang Mga Paunawa. Iba Pang Mga Paunawa (Bawat Modelo)

Health TALK. Iyong UHC. ALAM MO BA? Mahigit sa 9 sa 10 bata ang mayroong bakuna para sa tigdas (measles), beke (mumps) at rubella.

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

Pag-navigate sa isang REALTOR

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

National Community Benefit

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

Kabanata 3. Sa kabanatang ito: 32 Ang Sistemang Medikal. Ang Sistemang Medikal Mga importanteng serbisyong pangkalusugan...

Advance Directive - ALASKA

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

Sistema Administratibo

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Stake Audit Committee

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Pag-access at Pagbabago ng mga Rekord ng Kalusugan

ADVENTIST MIDWEST HEALTH ANYONG PATAKARAN Kategorya Mga Serbisyo ng Pasyente sa Pinansiyal

RIVERSIDE TRANSIT AGENCY PAMAMARAAN SA IMBESTIGASYON NG REKLAMO NG TITLE VI

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

1(415) TDD 1(415)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

panalongtaglamig 2018

2017 Fair Housing Survey para sa Lungsod at County ng Los Angeles

Valley View Senior Homes Interseksyon ng Natalie Ln at Theresa Ave, American Canyon, CA (510)

Taunang Abiso ng Mga Pagbabago para sa 2018

Talaan ng mga Nilalaman

Kagawarang May-ari: Pananalapi Petsa ng Pagkakabisa: Hulyo 1, 2017 Tagapag-ingat: Punong Opisyal na Pahina: 1 ng 16

Programa sa Bawas na Pamasaheng Pang May-Kapansanang, May Larawang Card ng Pagkakakilanlan

Koleksiyon ng mga kailangan at

Balita Mula sa Kumamoto Bar Association

m~öäáäá=åö=fåóçåö=rå~åö _~Ü~ó=ë~=`~å~Ç~ Ano ang Kinakailangang Malaman ng Bagong Dating

Pahintulutan ang Scotiabank tulungan buksan ang pintuan sa iyong bagong panimula sa Canada. MGA SERBISYO SA PAGBABANGKO PARA SA MGA BAGONG CANADIAN

Ang Makisig at Hangal na Hari

Sakit sa Ugat ng Puso

Orihinal na Epektibong Petsa: Enero 2013 Huling Petsa ng Rebisyon: Oktubre 2015 Epektibong Petsa ng

Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Harold L. Zellerbach Rehearsal Hall. Filipino

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Transcription:

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account SF Covered MRA Binago Setyembre 2017 sfcityoption.org

Mga Nilalaman Tungkol sa Handbook na ito... 1 Ano ang Medical Reimbursement Account...1 Ang Iyong SF Covered MRA... 2 Ang Iyong Deposito... 3 Ang Iyong Taon sa Plano... 4 Ang Iyong Account Number... 4 Mga Kwalipikadong Gastusin sa Pangangalaga ng Kalusugan... 5 Mag-file ng SF Covered MRA Claim... 9 Mga Resibo para sa Mga Gastusin sa Pangangalaga ng Kalusugan... 9 Koreo...10 Fax...10 Online...11 Mobile App...11 Kumuha ng Reimbursement... 12 Mga Madudulugan sa Internet...13 Magbukas ng Online Account...13 Mag-Sign Up para sa Direct Deposit... 15 I-download ang Mobile App...16 Tingnan ang Balanse ng Iyong SF Covered MRA... 17 Availability ng mga Pondo sa SF Covered MRA... 17 I-update ang Iyong Contact Information...19 Mga Madalas na Itinatanong...19 Mga Madudulugan at Importanteng Kontak... Pabalat sa Likod

Tungkol sa Handbook na ito Kasama sa handbook na ito ang impormasyon kung paano gagamitin ang iyong SF Covered Medical Reimbursement Account (SF Covered MRA). Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa iyong SF Covered MRA, pakitawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078, Lunes hanggang Biyernes, 5:00n.u. hanggang 5:00n.h. Oras sa Pasipiko. Maaari mo ring i-access ang iyong account online sa mymra.wageworks.com. Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo para gamitin sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan. Itong mga kwalipikadong gastusin ay maaaring para sa iyo, sa iyong asawa o domestic partner, at sa iyong mga anak o mga dependent. Ang mga hulog sa insurance sa kalusugan, mga pagbisita sa opisina ng doktor, mga bayad sa ospital, mga serbisyo sa paningin, mga serbisyo sa ngipin, at mga gamot na inirereseta at nabibili nang walang reseta ay ilan lamang sa mga gastusin na kwalipikado para sa reimbursement. Ang Iyong SF Covered MRA Ang SF Covered MRA ay isang programa ng Lungsod at County ng San Francisco na tumutulong upang gawing abot-kaya ng bulsa ang insurance sa kalusugan. Kwalipikado ka para sa SF Covered MRA dahil: Nakatira ka sa San Francisco; Ikaw ay edad 18 o mas matanda; Ang kinikita mo ay nasa pagitan ng 138% at 500% ng Federal Poverty Level; Inaatasan ka ng batas na magkaroon ng insurance sa kalusugan; Bumili ka ng insurance sa kalusugan sa pamamagitan ng Covered California; at Nagbigay ng mga bayad sa SF City Option ang iyong employer. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano at bakit nagbigay ng bayad ang iyong employer sa SF City Option, bisitahin ang: Health Care Security Ordinance: sfgov.org/olse/hcso SF City Option: sfcityoption.org Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano maging kwalipikado at mag-apply para sa SF Covered MRA, bisitahin ang: SF City Option: sfcityoption.org 1 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 2

$ YOUR $ MRA Ang Iyong Deposito Ang halagang idinedeposito sa iyong account ay nakalaan upang bayaran ang bahagi ng iyong mga hulog sa insurance sa kalusugan sa Covered California at iba pang mga gastos sa insurance sa kalusugan tulad ng mga copay at deductible. Kinuwenta ng aming programa ang halaga batay sa mga bagay na ito: Ang iyong kinikita; Ang iyong edad; Ang petsa ng pagsisimula ng iyong taon sa plano ng insurance sa kalusugan sa Covered California; at Ang halaga ng pangalawang-pinakamababang Covered California Silver plan sa San Francisco para sa sambahayang may 1 miyembro. Ang Iyong Taon sa Plano Makakakuha ka ng reimbursement para sa mga kwalipikadong serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan na natanggap o mga bagay para sa pangangalaga ng kalusugan na binili sa loob ng iyong taon sa plano sa SF Covered MRA. Ang mga petsang sakop ka ng iyong plano ng insurance sa kalusugan sa Covered California ang iyong taon sa plano sa SF Covered MRA. Sa kalahatan, ang taon sa plano ay ika-1 ng Enero hanggang ika-31 ng Disyembre. Kung bumili ka ng insurance sa kalusugan sa pamamagitan ng Covered California makalipas ang ika-1 ng Enero o sa panahon ng espesyal na pagpapatala, maaaring magsimula ang iyong taon sa plano makalipas ang ika-1 ng Enero. Kung kailangan mong alamin ang iyong taon sa plano sa SF Covered MRA, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Ang Iyong Account Number Ang iyong account number ay isang natatanging numero na itinakda ng SF City Option. Gamitin ang iyong account number sa claim form kapag hihingi ka ng reimbursement at kapag makikipag-usap ka sa Customer Service tungkol sa account na ito. Kung kailangan mong alamin ang iyong account number, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. 3 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 4

Mga Kwalipikadong Gastusin sa Pangangalaga ng Kalusugan Ito ay hindi kumpletong listahan ng mga gastusin sa pangangalaga ng kalusugan na kwalipikado para sa reimbursement mula sa iyong SF Covered MRA. Pumunta sa www.sfcityoption.org at mag-click sa MRA Eligible Health Care Expenses ( Mga Kwalipikado sa MRA na Gastusin sa Pangangalaga ng Kalusugan ) upang tingnan ang detalyadong listahan ng mga kwalipikadong gastusin. Kung mayroon kang tanong tungkol sa isang espesipikong gastusin, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Mga Serbisyong Medikal Acupuncture Mga Paggamot sa Pagkalulong sa Alak Chemotherapy Mga Bayad sa Doktor Mga Paggamot sa Pagkalulong sa Droga Mga Paggamot sa Kahirapang Magkaroon ng Anak Mga Bakuna sa Trangkaso Mga Pagpapa-screen ng Kalusugan In-Vitro Fertilization Terapiya sa Pamamagitan ng Paggawa Mga Pagta-transplant ng Organ Mga Eksaminasyon ng Katawan Terapiya ng Katawan Radiation Therapy Terapiya sa Pagsasalita Operasyon (hindi pampaganda) Mga Pagbabakuna Vasectomy Mga Bayad/Paghahati ng Gastos Mga Co-pay Mga Deductible Mga Hulog sa Insurance sa Kalusugan Mga Medisina at Gamot Gamot sa Allergy Mga Lotion sa Pangangati Mga Gamot sa Hika Pangkontrol sa Pagbubuntis Gamot sa Sipon at Trangkaso Mga Gamot sa Butlig sa Labi/Pamamaga sa Labi Gamot sa Ubo Mga Gamot na Pantanggal ng Plema Paggamot sa Diaper Rash Mga Gamot na Ipinapatak sa Mata Insulin Mga Suplemento para sa Lactose Intolerance Gamot sa Matinding Pananakit ng Ulo (Migraine) Mga Nicotine Patch at Gum Mga Inireresetang Gamot Gamot sa Balat na Nasunog sa Araw Sunscreen Mga Bitamina at Mineral Kagamitang Medikal Mga Pansuporta sa Tiyan/Likod Mga Artipisyal na Braso o Binti/Prosthetics Mga Pangbenda Mga Pansubaybay ng Presyon ng Dugo Mga Test Kit/Strip para sa Asukal sa Dugo Mga Saklay Mga Supply ng Diabetic Mga Suplementong Fiber Mga First Aid Kit Mga Pansubaybay ng Puso Mga Pad na Pampainit Mga Paketeng Mainit/Malamig Mga Sapatos na Orthopedic Kagamitang Pang-oxygen Mga Heringgilya Mga Thermometer Mga Silyang May Gulong (Wheelchair) 5 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 6

Mga Kwalipikadong Gastusin sa Pangangalaga ng Kalusugan (ipinagpapatuloy) Mga Serbisyo sa Ngipin Mga Brace at Iba pang Orthodontics Mga Bridge Mga Crown Bayad sa Dentista Mga Pustiso Mga Pagpapabunot Mga Pasta ng Ngipin Paggamot ng Gilagid Operasyon sa Bibig Mga root canal Paglilinis ng Ngipin Mga X-ray Mga Serbisyo sa Pandinig Mga Gamit na Tumutulong sa Pandinig at mga Baterya Mga Eksaminasyon ng Pandinig Mga Serbisyo sa Paningin Mga Contact Lens at Cleaning Solution Mga Operasyon sa Mata Mga Eksaminasyon ng Mata Mga Salamin sa Mata Mga LASIK/Laser Eye Surgery Bayad sa Optometrist/ Optician Inireresetang Sunglasses Mga Eksaminasyon/ Pagsusuri sa Laboratoryo Mga Pagsusuri ng Dugo Mga Scan ng Katawan Pagsusuri ng Kolesterol Mga mammogram Mga MRI Mga Pap Smear Pagsusuri ng Ihi/Dumi Mga X-ray Iba pa Mga Serbisyo ng Ambulansya Mga Serbisyo ng Ospital at Bayad sa Kuwarto Mga Gastusing Hindi Sakop Ang mga sumusunod na gastusin ay hindi kwalipikado para sa reimbursement mula sa iyong SF Covered MRA. Pagbabantay at Pangangalaga ng Bata Sabong Panligo at Panghugas ng Kamay Mga Kosmetiko/Makeup Dental Floss Mga Deodorant Mga Gastos sa Pagpapalibing Mga Bayad sa Healthy SF Mga Pagkaing Mababa sa Kaloriya/Kolesterol Mga Kasuotang Pambuntis Medical Marijuana Mouthwash Hindi Inireresetang Sunglasses Mga Personal Trainer Shampoo at Conditioner Mga Sleeping Aid Mga Sun-Tanning Product Pagtanggal ng Tattoo Toothpaste at Mga Sipilyo Pagpapaputi ng Ngipin 7 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 8

Mag-file ng SF Covered MRA Claim Para makakuha ng reimbursement para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan, kailangan mo munang bayaran ang mga gastusin at siguraduhing kumuha ng resibo. Pagkatapos, maaari kang magsumite ng SF Covered MRA claim at makakuha ng reimbursement para sa mga naaprubahang gastusin mula sa mga pondo sa iyong MRA. Mga Resibo para sa Mga Gastusin sa Pangangalaga ng Kalusugan Tandaang isama ang mga resibo para sa iyong mga gastusin sa pangangalaga ng kalusugan kapag ipadadala mo ang iyong mga claim form. Kasama sa tinatanggap na dokumentasyon ng mga gastusin sa pangangalaga ng kalusugan ang: Pangalan ng tagapagbigay ng serbisyo Uri ng bagay o serbisyo Petsa noong ipinagkaloob ang bagay o serbisyo Halaga ng bayad Katibayan ng bayad Bayaran ang mga Gastusin Mag-file ng SF Covered MRA Claim Tanggapin ang Iyong Reimbursement Pangalan ng taong tumatanggap ng serbisyo (kung naaangkop) May apat na paraan para magsumite ng mga MRA claim: 1. KOREO Kunin ang mga resibo para sa iyong mga gastos. Kumpletuhin ang isang claim form. Tandaang lagdaan ang form. Ipadala sa koreo ang nakumpleto mong claim form at mga resibo sa adres na ito: WageWorks Spending Accounts P.O. Box 34700 Louisville, KY 40232 Kung kailangan mo ng isang claim form, pumunta sa www.sfcityoption.org para mag-download ng kopya o tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078 para hinging ipadala sa iyo ang form sa pamamagitan ng koreo. 2. FAX Kunin ang mga resibo para sa iyong mga gastos. Kumpletuhin ang isang claim form. Tandaang lagdaan ang form. I-fax ang iyong nakumpletong claim form at mga resibo sa 1(866) 643-2219. Kung kailangan mo ng isang claim form, pumunta sa www.sfcityoption.org para mag-download ng kopya o tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078 para hinging ipadala sa iyo ang form sa pamamagitan ng koreo. 9 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 10

3. ONLINE Kunin ang mga resibo para sa iyong mga gastos. Mag-log in sa iyong account sa mymra.wageworks.com. Kumpletuhin ang online claim form. I-upload ang mga imahe ng iyong mga resibo. I-click ang I Certify ( Pinatutunayan Ko ) para ipadala ang iyong claim. Para sa mga detalyadong tagubilin, basahin ang Online Claims Submission User Guide ( Gabay ng User sa Pagsusumite ng mga Claim sa Internet ) sa sfcityoption.org sa ilalim ng Employee Resources ( Mga Madudulugan ng Empleyado ). 4. MOBILE APP Kunin ang mga resibo para sa iyong mga gastos. Mag-log in sa iyong account sa pamamagitan ng mobile app. Kumpletuhin ang mobile app claim form. I-upload ang mga imahe ng iyong mga resibo. I-click ang Magsumite ng Claim ( Pinatutunayan Ko ) para ipadala ang iyong claim. Para sa mga detalyadong tagubilin, basahin ang Mobile Phone User Guide sa sfcityoption.org sa ilalim ng Employee Resources. Kumuha ng Reimbursement Pagkatapos matanggap ng WageWorks ang iyong MRA claim, ipadadala sa iyo ang isang Pagpapaliwanag ng Mga Benepisyo na kadalasan sa loob ng 3 hanggang 5 araw ng trabaho. Ipapaalam sa iyo ng Pagpapaliwanag ng Mga Benepisyo kung ang iyong MRA claim ay naaprubahan o hindi. Ang Pagpapaliwanag ng Mga Benepisyo ay ipinadadala sa iyo sa koreo o, kung mayroon kang online account, ipino-post sa iyong online account. Basahin ang Online Resources na seksyon nitong MRA Handbook kung gusto mong magbukas ng online account. Kung naaprubahan ang iyong MRA claim, makakatanggap ka ng bayad ng reimbursement na tseke o, kung naka-enrol ka sa direct deposit, sa pamamagitan ng direct deposit. Basahin ang Online Resources na seksyon nitong SF Covered MRA Handbook kung gusto mong mag-enrol sa direct deposit. 11 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 12

Mga Madudulugan sa Internet Kasama sa iyong MRA ang access sa mga madudulugan sa Internet para tulungan kang pangasiwaan ang iyong account. Narito ang maaaring mong gawin online: Tingnan ang account balance Magsumite ng mga bagong claim at tingnan ang mga claim status Tingnan at mag-download ng mga materyales ng MRA Mag-sign up para sa direct deposit Magbukas ng Online Account Upang magbukas ng bagong online account: Pumunta sa mymra.wageworks.com. Mag-click sa New Users Register Here ( Mga Bagong User Magrehistro Dito ). Sundin ang mga tagubilin sa website na ibigay ang iyong personal na impormasyon at user ID/password para sa account. TANDAAN: Ipasok ang iyong account number kapag hiningi sa iyong magbigay ka ng Social Security Number o Alternatibong ID. Kung kailangan mong alamin ang iyong account number, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Kung magbibigay ka ng email address kapag bubuksan mo ang iyong online account, ipadadala sa iyo ang mga notipikasyon sa pamamagitan ng email. Kabilang sa mga notipikasyong ito ang: Kumpirmasyon na tagumpay na naipadala ang claim online Pagpapaliwanag ng Mga Benepisyo kapag ang iyong claim ay naaprubahan o hindi Kumpirmasyon na na-issue ang bayad ng reimbursement (kung nag-sign up ka para sa direct deposit) *Inirerekomenda namin na kayo ay gumamit ng Internet Explorer upang gagawa ng iyong account. Magkaroon ka ng mga problema kapag Chrome o ibang internet browser ang iyong gagamitin. 13 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 14

Mag-Sign Up para sa Direct Deposit Kumuha ng reimbursement para sa mga gastusin sa pangangalaga ng kalusugan nang mas mabilis sa pamamagitan ng direct deposit. Maaari kang magset up ng direct deposit upang maideposito ang mga bayad ng reimbursement para sa mga aprubadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan mismo sa iyong bank account sa halip na ipadala sa koreo bilang tseke. Sa sandaling maaprubahan ang isang gastusin sa pangangalaga ng kalusugan, kadalasang ipinadadala ang bayad ng reimbursement sa loob ng 3 araw ng trabaho sa iyong bank account. I-download ang Mobile App Maaari mong gamitin ang MRA mobile app para i-access ang iyong account at magsumite ng mga claim mula sa isang ios o Android device. I-download ang libreng Spending Accounts (CHSA) app mula sa Google Play Store o Apple App Store. Pagkatapos ma-download, makikita ang app bilang CHSA sa inyong telepono.kailangang mayroon ka nang online account na naka-set up Upang mag-sign up para sa direct deposit: Mag-log in sa iyong account sa mymra.wageworks.com. Mag-click sa Direct Deposit mula sa menu sa kaliwa. Sundin ang mga tagubilin sa website na ibigay ang impormasyon ng iyong account sa bangko. CHSA 15 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 16

sa mymra.wageworks.com upang magamit ang mobile app. Tingnan ang Balanse ng Iyong SF Covered MRA Alamin kung magkano ang perang kasalukuyang nasa iyong SF Covered MRA sa pamamagitan ng pagtawag sa 1(866) 697-6078 o sa pamamagitan ng pagla-log in sa iyong account online sa mymra.wageworks.com. Availability ng mga Pondo sa SF Covered MRA Maaari mo pa ring gamitin ang iyong SF Covered MRA matapos mong humintong magtrabaho sa isang employer na nagbayad sa SF City Option. Upang ma-reimburse ang mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan na natanggap o mga bagay para sa pangangalaga ng kalusugan na binili sa loob ng taon sa plano, kailangan mong isumite ang iyong mga MRA claim hanggang ika-31 ng Marso sa susunod na taon ng kalendaryo. Makalipas ang ika-31 ng Marso ng susunod na taon ng kalendaryo, hindi mo na magagamit ang mga pondo sa SF Covered MRA. Available ang mga pondo sa SF Covered MRA makalipas ang iyong pagkamatay. Maaaring magsumite ang isang executor o iba pang legal na kinatawan ng mga claim para sa mga kwalipikadong serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan na natanggap mo o mga bagay sa pangangalaga ng kalusugan na binili mo hanggang sa petsa ng iyong pagkamatay. Kailangang maisumite ang mga claim hanggang sa ika-31 ng Marso makalipas ang taon sa plano. Ang mga pondo sa SF Covered MRA ay magagamit din ng iyong asawa o domestic partner at ng kanilang mga dependent para sa mga kwalipikadong gastusin sa loob ng taon sa plano. 17 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 18

I-update ang Iyong Contact Information Panatilihin kaming updated sa iyong kasalukuyang adres, numero ng telepono, at email address upang matanggap mo ang mga bayad ng reimbursement, mga update sa programa, at iba pang sulat. Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078 kung kailangan mong palitan ang iyong contact information. Mga Madalas na Itinatanong Ano ang aking account number? Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Ang numero ng iyong akawnt ay ibinigay sa inyo noong panahon ng inyong nakatakdang pagkikita para sa pagpapatala. Ito ay natatanging 9-na-tambilang na numero na ginawa ng SF City Option. Gaano katagal sa nakaraan ang maaari kong i-claim para sa reimbursement? Maaari kang makakuha ng reimbursement para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan na natanggap o mga bagay para sa pangangalaga ng kalusugan na binili sa loob ng iyong taon sa plano sa SF Covered MRA. Ang mga petsa kung kailan ka sakop ng iyong plano ng insurance sa kalusugan sa Covered California ay ang iyong taon sa plano sa SF Covered MRA. Kung kailangan mong alamin ang iyong taon sa plano sa SF Covered MRA, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Gaano katagal na available ang aking SF Covered MRA? Upang makakuha ka ng reimbursement para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan na natanggap o mga bagay para sa pangangalaga ng kalusugan na binili sa loob taon sa plano, kailangan mong isumite ang iyong mga MRA claim hanggang sa ika-31 ng Marso ng susunod na taon ng kalendaryo. Makalipas ang ika-31 ng Marso ng susunod na taon ng kalendaryo, hindi mo na magagamit ang mga pondo sa SF Covered MRA. May mga babayaran ba sa isang SF Covered MRA? Walang mga babayaran para magkaroon ng SF Covered MRA. Ano ang WageWorks? Ang WageWorks ay ang kompanyang nagbibigay ng customer service, claims processing, at mga iba pang serbisyo para sa programang SF Covered MRA. Maaari ko bang gamitin ang aking SF Covered MRA para ma-reimburse ang mga hulog sa insurance sa kalusugan? Oo, ang mga hulog sa insurance sa kalusugan ay kwalipikado para sa reimbursement mula sa isang SF Covered MRA. Kabilang dito ang insurance sa kalusugan na binili sa pamamagitan ng Covered California. 19 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 20

Mga Madalas Itinatanong (ipinagpapatuloy) Paano kung aalis ako sa aking plano ng insurance sa kalusugan sa Covered California bago matapos ang aking taon sa plano sa SF Covered MRA? Tawagan ang SF City Option sa 1(415) 615-4555 upang ipagbigay-alam sa amin. Maaari mo pa ring gamitin ang anumang available na pondo sa iyong SF Covered MRA. Maaari ba akong magpadala ng claim na mas malaki kaysa sa available na pondo sa aking SF Covered MRA? Oo, maaari kang magpadala ng claim na mas malaki kaysa sa balanse ng iyong SF Covered MRA ngunit babayaran lamang ang claim hanggang sa available na balanse sa account. Mayroon bang pinakamababang halaga ng claim? Wala, maaari kang magpadala ng claim na kasing baba ng $0.01 at makakakuha pa rin ng reimbursement kung maaprubahan ang claim. Mayroon bang pinakamababang halaga para sa reimbursement na tseke o direct deposit? Wala, maaari kang makakuha ng reimbursement na tseke o direct deposit na kasing baba ng $0.01. Mayroon bang pinakamalaking bilang o halaga ng mga claim na maaari kong hilingin bawat taon? Wala, maaari kang magpadala ng kasing daming claim na kailangan mo. Ang mga claim ay binabayaran hanggang sa available na balanse sa account. Gaano katagal na makakuha ng reimbursement para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan? Ang mga claim ay kadalasang pinoproseso sa loob ng 3 hanggang 5 araw ng trabaho. Maaari ko bang ilabas ang pera sa aking SF Covered MRA? Hindi, maaari mo lamang gamitin ang mga pondo sa SF Covered MRA sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga claim para sa reimbursement ng mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan. Maaari ko bang gamitin ang aking SF Covered MRA kahit pagkatapos kong humintong magtrabaho sa aking employer? Oo, maaari mo pa ring gamitin ang mga pondo sa iyong SF Covered MRA kahit pagkatapos mong humintong magtrabaho sa employer na nagdeposito sa SF City Option. Paano kinukuwenta ang halaga ng deposito sa aking SF Covered MRA? Kinukuwenta ng aming programa ang halaga batay sa iyong kita, sa iyong edad, sa petsa ng pagsisimula ng iyong taon sa plano ng insurance sa kalusugan sa Covered California, at sa halaga ng pangalawang-pinakamababang Covered California Silver plan sa San Francisco para sa sambahayang may 1 miyembro. 21 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 22

Mga Madalas Itinatanong (ipinagpapatuloy) Ano ang pagkakaiba ng SF Covered MRA at ng ibang programang MRA? Ang SF Covered MRA ay isang programa na tumutulong upang maging mas abot-kaya ng bulsa ang insurance sa kalusugan para sa mga kwalipikadong residente ng San Francisco na bibili ng insurance sa kalusugan sa pamamagitan ng Covered California. Ang halagang idinedeposito sa isang SF Covered MRA ay inilaan upang sagutin ang bahagi ng iyong mga hulog sa insurance sa kalusugan at mga iba pang halaga ng insurance sa kalusugan. Ang isa pang programang MRA (SF MRA) ay bukas sa mga hindi kwalipikado para sa SF Covered MRA at nakakatugon sa pagiging karapat-dapat sa mga pamantayan ng SF MRA. Maaari ba akong magkaroon ng SF Covered MRA at SF MRA nang sabay? Oo, kung nagkaroon ka noon ng SF MRA, available pa rin ang mga pondong iyon para sa reimbursement ng mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan. Dapat mong isumite ang iyong mga claim sa pamamagitan muna ng iyong SF Covered MRA dahil mapapaso ang mga pondong iyon sa katapusan ng taon sa plano sa SF Covered MRA. Kailangan ko bang magpatalang muli para sa SF Covered MRA sa susunod na taon? Kung gusto mong magkaroon ng SF Covered MRA sa susunod na taon, kailangan mong mag-apply muli. Kakailanganing kumpirmahin ng SF City Option na kwalipikado ka pa rin para sa programa at kukuwentahin ang halaga ng iyong bagong deposito. Kung mayroon akong SF Covered MRA at SF MRA, maaari ko bang pagsamahin ang mga pondo sa isang account? Hindi, ang iyong SF Covered MRA ay hiwalay na account mula sa anumang iba pang MRA mo. Ano ang aking kasalukuyang balanse sa SF Covered MRA? Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Maaari mo ring tingnan ang iyong account balance online sa mymra.wageworks.com. Paano ko titingnan ang status ng aking claim? Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Maaari mo ring tingnan ang iyong mga claim online sa mymra.wageworks.com. Paano ko papalitan ang aking adres o numero ng telepono? Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Puntahan kami sa: sfcityoption.org 23 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 24

MGA NOTASYON MGA NOTASYON 25 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 26

Mga Madudulugan at Importanteng Kontak Customer Service 1(866) 697-6078 Lunes Biyernes, 5:00n.u. hanggang 5:00n.h. Oras ng Pasipiko Isumite ang mga SF Covered MRA Claim KOREO: WageWorks Spending Accounts P.O. Box 34700 Louisville, KY 40232 FAX: 1(866) 643-2219 ONLINE: mymra.wageworks.com MOBILE APP: Spending Accounts (CHSA) Online Account mymra.wageworks.com Impormasyon ng Programa sfcityoption.org 73211C TAG 0817