Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Similar documents
Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Pamamahala sa Social Security Mahalagang Impormasyon

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Mga Gastusing Kwalipikado sa Medical Reimbursement Account (MRA)

Atlantic Health System

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Unang Hakbang MGA INIAATAS NA KUWALIPIKASYON

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

Iba pang mga wika at format

2018 Buod ng Mga Benepisyo

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Mahalagang impormasyong legal, mga paghahayag, at mga patakarang kailangan ninyong malaman

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

APPLICATION PARA SA CALFRESH, TULONG NA PERA, AT/O MEDI-CAL/MGA PROGRAMA SA PANGANGALAGA SA KALUSUGAN

EBIDENSYA NG SAKLAW CARE1ST CAL MEDICONNECT PLAN MGA COUNTY: LOS ANGELES AT SAN DIEGO. Care1st Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

Direktoryo ng Provider at Parmasya

Financial Assistance Documents

Ang lahat ng iba pang impormasyon at benepisyo ay hindi magbabago gaya ng isinasaad sa inyong 2016 na Handbook ng Miyembro.

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Health TALK. Naarawan BUNTIS? Ano ang ibig sabihin ng bilang ng SPF sa sunscreen ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

Medi-Cal. Taon ng Benepisyo Handbook ng Miyembro ng Medi-Cal para sa

Ang Sistema sa Kalusugan ng Johns Hopkins Patakaran at Pamamaraan

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

Advance Directive - ALASKA

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Mga Pambuong Sistemang Administratibong Patakaran at Proseso ng The Queen s Health Systems

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

PERSONAL NA PAGSAKOP PARA SA MGA MAY-ARI NG NEGOSYO

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

GRADE VI GAMIT NG GRID

Isang Guide para sa Naturalisasyon

Mahahalagang Bagay. Mahahalagang Bagay. Iba Pang Mga Paunawa. Iba Pang Mga Paunawa (Bawat Modelo)

I. LAYUNIN PATAKARAN. Pamagat: Patakaran sa Tulong Pinansyal. Patakaran Pamamaraan Alituntunin Iba pa: Saklaw: Sistema Departamento:

Pag-access at Pagbabago ng mga Rekord ng Kalusugan

1(415) TDD 1(415)

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

Petsa ng simula ng paghihintay (MM/DD/YYYY)

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

Kabanata 3. Sa kabanatang ito: 32 Ang Sistemang Medikal. Ang Sistemang Medikal Mga importanteng serbisyong pangkalusugan...

Health TALK. Iyong UHC. ALAM MO BA? Mahigit sa 9 sa 10 bata ang mayroong bakuna para sa tigdas (measles), beke (mumps) at rubella.

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

National Community Benefit

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

2017 Fair Housing Survey para sa Lungsod at County ng Los Angeles

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

PETSANG MAY BISA: 01/01/2016 PETSA NANG NIREBISA: 06/27/2017. Financial Assistance Policy (Patakaran para sa Pinansiyal na Tulong)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

EMERGENCY TOOLKIT 2017

panalongtaglamig 2018

Programa sa Bawas na Pamasaheng Pang May-Kapansanang, May Larawang Card ng Pagkakakilanlan

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Sistema Administratibo

Taunang Abiso ng Mga Pagbabago para sa 2018

ADVENTIST MIDWEST HEALTH ANYONG PATAKARAN Kategorya Mga Serbisyo ng Pasyente sa Pinansiyal

Orihinal na Epektibong Petsa: Enero 2013 Huling Petsa ng Rebisyon: Oktubre 2015 Epektibong Petsa ng

RIVERSIDE TRANSIT AGENCY PAMAMARAAN SA IMBESTIGASYON NG REKLAMO NG TITLE VI

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Talaan ng mga Nilalaman

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Koleksiyon ng mga kailangan at

Pag-navigate sa isang REALTOR

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

Harold L. Zellerbach Rehearsal Hall. Filipino

Valley View Senior Homes Interseksyon ng Natalie Ln at Theresa Ave, American Canyon, CA (510)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ang Makisig at Hangal na Hari

APPLICATION PARA SA MGA BENEPISYO NG CALFRESH

Ang Panganganak sa Ibang Lupain

Balita Mula sa Kumamoto Bar Association

Stake Audit Committee

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Transcription:

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account SF MRA Na-update Setyembre 2017 sfcityoption.org

Mga Nilalaman Tungkol sa Handbook na ito... 1 Ano ang Medical Reimbursement Account?... 1 Mga Deposito sa SF MRA mula sa Iyong Employer... 2 Ang Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa ng Iyong SF MRA... 2 Ang Iyong Account Number...3 Mga Babayaran sa Programa... 3 Mga Kwalipikadong Gastos sa Pangangalagang Pangkalusugan... 4 Mga Gastusing Hindi Sakop... 7 Mag-file ng SF MRA Claim... 8 Mga Resibo para sa Mga Gastusin sa Pangangalaga ng Kalusugan... 8 Koreo... 9 Fax... 9 Online... 10 Mobile App... 10 Kumuha ng Reimbursement...11 Online Resources (Mga Madudulugan sa Internet)...11 Magbukas ng Online Account...12 Mag-Sign Up para sa Direct Deposit... 13 I-download ang Mobile App... 13 Tingnan ang Balanse ng Iyong SF MRA... 14 Availability ng mga Pondo sa SF MRA... 14 I-update ang Iyong Contact Information... 14 Mga Madalas na Itinatanong... 15 Alamin Kung Kwalipikado Ka para sa SF Covered MRA... 20 Mga Madudulugan at Importanteng Kontak...Pabalat sa Likod

Tungkol sa Handbook na ito Kasama sa handbook na ito ang impormasyon kung paano gagamitin ang iyong SF Covered Medical Reimbursement Account (SF MRA). Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa iyong SF MRA, pakitawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078, Lunes hanggang Biyernes, 5:00nu hanggang 5:00nh Oras sa Pasipiko. Maaari mo ring i-access ang iyong account online sa mymra.wageworks.com. Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo para gamitin sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan. Itong mga kwalipikadong gastusin ay maaaring para sa iyo, sa iyong asawa o domestic partner, at sa iyong mga anak o mga dependent. Ang mga hulog sa insurance sa kalusugan, pagbisita sa opisina ng doktor, bayad sa ospital, serbisyo sa paningin, serbisyo sa ngipin at gamot na inirereseta at nabibili nang walang reseta ay ilan lamang sa mga gastusin na kwalipikado para sa reimbursement. Mga Deposito sa SF MRA mula sa Iyong Employer Ang iyong SF MRA ay pinopondohan ng mga deposito mula sa iyong employer. Iniaatas ng isang batas ng San Francisco na tinatawag na Health Care Security Ordinance (HCSO) na magbigay ang ilang employer ng mga bayad ng pangangalagang pangkalusugan para sa kanilang mga empleyado. Nagbayad ang iyong employer sa isang programang tinatawag na SF City Option para tumupad sa HCSO. Ang SF City Option ay pinangangasiwaan ng Lungsod at County ng San Francisco. Idineposito ng SF City Option ang mga pondo ng iyong employer sa isang SF MRA para sa iyo. May karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano at bakit nagbibigay ang iyong employer ng mga bayad para sa pangangalaga ng kalusugan sa mga website na ito: Health Care Security Ordinance: sfgov.org/olse/hcso SF City Option: sfcityoption.org Maaari mo pa ring gamitin ang mga pondo sa iyong SF MRA kahit hindi ka na nagtatrabaho sa iyong employer. Ang mga pondo sa SF MRA ay hindi ibinabalik sa iyong employer. Ang Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa ng Iyong SF MRA Ang petsa ng pagkakaroon ng bisa ng iyong SF MRA ay ang petsa ng bank posting ng unang deposito ng iyong employer sa iyong SF MRA. Maaari kang makakuha ng reimbursement para sa mga kwalipikadong serbisyong pangangalaga ng kalusugan o mga bagay sa pangangalaga ng kalusugan na binili sa o makalipas ang iyong petsa ng pagkakaroon ng bisa. Kung kailangan mong alamin ang iyong petsang pagkakaroon ng bisa, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. 1 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 2

Ang Iyong Account Number Ang iyong account number ay ang iyong Social Security Number o natatanging numerong pagkakakilanlan ng empleyado na ibinigay ng SF City Option. Gamitin ang iyong account number sa SF MRA claim form kapag hihingi ka ng reimbursement at kapag makikipag-usap ka sa Customer Service tungkol sa account na ito. Kung kailangan mong alamin ang iyong account number, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Mayroon kang isang SF MRA para sa bawat employer na nagdeposito ng mga pondo sa isang MRA para sa iyo. Bawat SF MRA ay may sariling account number. Mga Babayaran sa Programa Ang WageWorks ay ang kompanyang nagbibigay ng customer service, claims processing, at mga iba pang serbisyo para sa programang SF MRA. May bayad pang-administratibo na $2.75 na kinakaltas sa iyong SF MRA bawat buwan, ginamit mo man o hindi ang iyong SF MRA sa buwang iyon. Ang bayad pangadministratibo ay binabayaran sa WageWorks para sa kanilang mga serbisyo. Ang mga bayad pangadministratibo ay hindi kinakaltas kung ang balanse ng iyong account ay mas mababa sa $2.75. Nagpapadala kami ng mga SF MRA Statement hanggang sa 4 na beses kada taon upang ipaalam sa iyo ang tungkol sa balanse sa iyong account. Ang bayad ng SF MRA Statement na $1.00 ay kinakaltas mula sa mga pondo sa SF MRA sa tuwing may ipinapadalang nakasulat sa papel na SF MRA Statement. Magbukas ng online account kung gusto mo ng mga online statement lamang. Hindi ka magbabayad para sa SF MRA statement kung nakakakuha ka ng mga online statement lamang. Mga Kwalipikadong Gastusin sa Pangangalaga ng Kalusugan Ito ay hindi kumpletong listahan ng mga gastusin sa pangangalaga ng kalusugan na kwalipikado para sa reimbursement mula sa iyong SF MRA. Pumunta sa sfcityoption.org at mag-click sa MRA Eligible Health Care Expenses ( Mga Kwalipikado sa MRA na Gastusin sa Pangangalaga ng Kalusugan ) upang tingnan ang detalyadong listahan ng mga kwalipikadong gastusin. Kung mayroon kang tanong tungkol sa isang partikular na gastusin, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Mga Serbisyong Medikal Terapiya ng Katawan Acupuncture Mga Paggamot sa Pagkalulong sa Alak Chemotherapy Mga Bayad sa Doktor Mga Paggamot sa Pagkalulong sa Droga Mga Paggamot sa Kahirapang Magkaroon ng Anak Mga Bakuna sa Trangkaso Mga Pagpapa-screen ng Kalusugan In-Vitro Fertilization Terapiya sa Pamamagitan ng Paggawa Mga Pagta-transplant ng Organ Mga Eksaminasyon ng Katawan Radiation Therapy Terapiya sa Pagsasalita Operasyon (hindi pampaganda) Mga Pagbabakuna Vasectomy Mga Paghahati ng Babayaran/Gastos Mga Co-pay Mga Deductible Mga Hulog sa Insurance sa Kalusugan Mga Babayaran ng Kalahok sa Healthy San Francisco Mga Medisina at Gamot Gamot sa Allergy Mga Lotion sa Pangangati Mga Gamot sa Hika 3 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 4

Mga Kwalipikadong Gastusin sa Pangangalaga ng Kalusugan (ipinagpapatuloy) Pangkontrol sa Pagbubuntis Gamot sa Sipon at Trangkaso Mga Gamot sa Butlig sa Labi/Pamamaga sa Labi Gamot sa Ubo Mga Gamot na Pantanggal ng Plema Paggamot sa Diaper Rash Mga Gamot na Ipinapatak sa Mata Insulin Mga Suplemento para sa Lactose Intolerance Gamot sa Matinding Pananakit ng Ulo (Migraine) Mga Nicotine Patch at Gum Mga Inireresetang Gamot Gamot sa Balat na Nasunog sa Araw Sunscreen Mga Bitamina at Mineral Kagamitang Medikal Mga Pansuporta sa Tiyan/ Likod Mga Artipisyal na Braso o Binti/ Prosthetics Mga Pangbenda Mga Pansubaybay ng Presyon ng Dugo Mga Test Kit/Strip para sa Asukal sa Dugo Mga Saklay Mga Supply ng Diabetic Mga Suplementong Fiber Mga First Aid Kit Mga Pansubaybay ng Puso Mga Pad na Pampainit Mga Paketeng Mainit/ Malamig Mga Sapatos na Orthopedic Kagamitang Pangoxygen Mga Heringgilya Mga Thermometer Mga Silyang May Gulong (Wheelchair) Mga Serbisyo sa Ngipin Mga Brace at Iba pang Orthodontics Mga Bridge Mga Crown Bayad sa Dentista Mga Pustiso Mga Pagpapabunot Mga Pasta ng Ngipin Paggamot ng Gilagid Operasyon sa Bibig Mga root canal Paglilinis ng Ngipin Mga X-ray Mga Serbisyo sa Pandinig Mga Gamit na Tumutulong sa Pandinig at mga Baterya Mga Eksaminasyon ng Pandinig Mga Serbisyo sa Paningin Mga Contact Lens at Cleaning Solution Mga Operasyon sa Mata Mga Eksaminasyon ng Mata Mga Salamin sa Mata Mga LASIK/Laser Eye Surgery Bayad sa Optometrist/ Optician Inireresetang Sunglasses Mga Eksaminasyon/ Pagsusuri sa Laboratoryo Mga Pagsusuri ng Dugo Mga Scan ng Katawan Pagsusuri ng Kolesterol Mga mammogram Mga MRI Mga Pap Smear Pagsusuri ng Ihi/Dumi Mga X-ray Iba pa Mga Serbisyo ng Ambulansya Mga Bayad para sa Serbisyo ng Ospital at Kuwarto 5 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 6

Mga Gastusing Hindi Sakop Ang mga sumusunod na gastusin ay hindi kwalipikado para sa reimbursement mula sa iyong SF MRA. Pagbabantay at Pangangalaga ng Bata Sabong Panligo at Panghugas ng Kamay Mga Kosmetiko/Makeup Dental Floss Mga Deodorant Mga Gastos sa Pagpapalibing Mga Pagkaing Mababa sa Kaloriya/Kolesterol Mga Kasuotang Pambuntis Medical Marijuana Mouthwash Hindi Inireresetang Sunglasses Mga Personal Trainer Shampoo at Conditioner Mga Sleeping Aid Mga Sun-Tanning Product Pagtanggal ng Tattoo Toothpaste at Mga Sipilyo Pagpapaputi ng Ngipin Mag-file ng SF MRA Claim Upang makakuha ng reimbursement para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan, kailangan mo munang bayaran ang mga gastusin at siguraduhing kumuha ng resibo. Pagkatapos, maaari kang magsumite ng SF MRA claim at makakuha ng reimbursement para sa mga naaprubahang gastusin mula sa mga pondo sa iyong SF MRA. Bayaran ang mga Gastusin Mag-file ng SF MRA Claim Mga Resibo para sa Mga Gastusin sa Pangangalaga ng Kalusugan Tandaang isama ang mga resibo para sa iyong mga gastusin sa pangangalaga ng kalusugan kapag ipadadala mo ang iyong mga claim form. Kasama sa tinatanggap na dokumentasyon ng mga gastusin sa pangangalaga ng kalusugan ang: Pangalan ng tagapagbigay ng serbisyo Uri ng bagay o serbisyo Tanggapin ang Iyong Reimbursement Petsa noong ipinagkaloob ang bagay o serbisyo Halaga ng bayad Katibayan ng bayad Pangalan ng taong tumatanggap ng serbisyo (kung naaangkop) 7 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 8

May apat na paraan para magsumite ng mga SF MRA claim: 1. KOREO Kunin ang mga resibo para sa iyong mga gastos. Kumpletuhin ang isang claim form. Tandaang lagdaan ang form. Ipadala sa koreo ang nakumpleto mong claim form at mga resibo sa adres na ito: WageWorks Spending Accounts P.O. Box 34700 Louisville, KY 40232 Kung kailangan mo ng isang claim form, pumunta sa sfcityoption.org para mag-download ng kopya o tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078 para hinging ipadala sa iyo ang form sa pamamagitan ng koreo. 2. FAX Kunin ang mga resibo para sa iyong mga gastos. Kumpletuhin ang isang claim form. Tandaang lagdaan ang form. I-fax ang iyong nakumpletong claim form at mga resibo sa 1(866) 643-2219. Kung kailangan mo ng isang claim form, pumunta sa sfcityoption.org para mag-download ng kopya o tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078 para hinging ipadala sa iyo ang form sa pamamagitan ng koreo. 3. ONLINE Kunin ang mga resibo para sa iyong mga gastos. Mag-log in sa iyong account sa mymra.wageworks.com. Kumpletuhin ang online claim form. I-upload ang mga imahe ng iyong mga resibo. I-click ang I Certify ( Pinatutunayan Ko ) para ipadala ang iyong claim. Para sa mga detalyadong tagubilin, basahin ang Online Claims Submission User Guide ( Gabay ng User sa Pagsusumite ng mga Claim sa Internet ) sa sfcityoption.org sa ilalim ng Employee Resources ( Mga Madudulugan ng Empleyado ). 4. MOBILE APP Kunin ang mga resibo para sa iyong mga gastos. Mag-log in sa iyong account sa pamamagitan ng mobile app. Kumpletuhin ang mobile app claim form. I-upload ang mga imahe ng iyong mga resibo. I-click ang Submit Claim ( Magsumite ng Claim ) para ipadala ang iyong claim. Para sa mga detalyadong tagubilin, basahin ang Mobile Phone User Guide sa sfcityoption.org sa ilalim ng Employee Resources. 9 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 10

Kumuha ng Reimbursement Pagkatapos matanggap ng WageWorks ang iyong SF MRA claim, ipadadala sa iyo ang isang Pagpapaliwanag ng Mga Benepisyo na kadalasan ay sa loob ng 3 hanggang 5 araw ng trabaho. Ipapaalam sa iyo ng Pagpapaliwanag ng Mga Benepisyo kung ang iyong SF MRA claim ay naaprubahan o hindi. Ang Pagpapaliwanag ng Mga Benepisyo ay ipinadadala sa iyo sa koreo o, kung mayroon kang online account, ipino-post sa iyong online account. Basahin ang Online Resources na seksyon nitong SF MRA Handbook kung gusto mong magbukas ng online account. Kung naaprubahan ang iyong SF MRA claim, makakatanggap ka ng bayad ng reimbursement na tseke o, kung naka-enrol ka sa direct deposit, sa pamamagitan ng direct deposit. Basahin ang Online Resources na seksyon nitong SF MRA Handbook kung gusto mong mag-enrol sa direct deposit. Online Resources (Mga Madudulugan sa Internet) Kasama sa iyong SF MRA ang access sa online resources (mga madudulugan sa Internet) para tulungan kang pangasiwaan ang iyong account. Narito ang maaari mong gawin online: Tingnan ang account balance Magsumite ng mga bagong claim at tingnan ang mga claim status Tingnan at mag-download ng mga materyales ng SF MRA Mag-sign up para sa direct deposit Magbukas ng Online Account Upang magbukas ng bagong online account: Pumunta sa mymra.wageworks.com. Mag-click sa New Users Register Here ( Mga Bagong User Magrehistro Dito ). Sundin ang mga tagubilin sa website na ibigay ang iyong personal na impormasyon at user ID/ password para sa account. TANDAAN: Ipasok ang iyong account number kapag hiningi sa iyong magbigay ka ng Social Security Number o Alternatibong ID. Kung kailangan mong alamin ang iyong account number, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Mayroon kang isang SF MRA para sa bawat employer na nagdeposito ng mga pondo sa isang SF MRA para sa iyo. Kung mayroon kang higit sa isang MRA at gusto mong i-access ang mga SF MRA na ito online, kakailanganin mong magbukas ng mga magkakahiwalay na online account para sa bawat SF MRA. Kung magbibigay ka ng email address kapag bubuksan mo ang iyong online account, ipadadala sa iyo ang mga notipikasyon sa pamamagitan ng email. Kabilang sa mga notipikasyong ito ang: Kumpirmasyon na tagumpay na naipadala ang claim online Pagpapaliwanag ng Mga Benepisyo kapag ang iyong claim ay naaprubahan o hindi Kumpirmasyon na na-issue ang bayad ng reimbursement (kung nag-sign up ka para sa direct deposit) Mga SF MRA Statement para ipaalam sa iyo ang balanse sa iyong account. Ipinadadala ang mga SF MRA Statement hanggang sa apat na beses bawat taon. *Inirerekomenda namin na kayo ay gumamit ng Internet Explorer upang gagawa ng iyong account. Magkaroon ka ng mga problema kapag Chrome o ibang internet browser ang iyong gagamitin. 11 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 12

Kapag ibibigay mo ang iyong email address, magsisimula kang makatanggap ng mga online SF MRA Statement. Kung gusto mo ring maipadala sa iyo sa koreo ang nakasulat sa papel na mga SF MRA Statement, may babayaran na $1.00 na kinakaltas mula sa iyong account para sa bawat statement. Upang humingi ng nakasulat sa papel na mga SF MRA Statement, tawagan ang SF City Option sa 1(415) 615-5720. Mag-Sign Up para sa Direct Deposit Kumuha ng reimbursement para sa mga gastusin sa pangangalaga ng kalusugan nang mas mabilis sa pamamagitan ng direct deposit. Maaari kang magset up ng direct deposit upang maideposito ang mga bayad ng reimbursement mismo sa iyong bank account sa halip na ipadala sa koreo bilang tseke. Sa sandaling maaprubahan ang isang gastos sa pangangalagang pangkalusugan, kadalasang ipinadadala ang bayad ng reimbursement sa loob ng 3 araw ng trabaho sa iyong bank account. Upang mag-sign up para sa direct deposit: Mag-log in sa iyong account sa mymra.wageworks.com. Mag-click sa Direct Deposit mula sa menu sa kaliwa. Sundin ang mga tagubilin sa website na ibigay ang impormasyon ng iyong account sa bangko. CHSA I-download ang Mobile App Maaari mong gamitin ang mobile app para i-access ang iyong account at magsumite ng mga claim mula sa isang ios o Android device. I-download ang libreng Spending Accounts (CHSA) app mula sa Google Play Store o Apple App Store. Pagkatapos ma-download, makikita ang app bilang CHSA sa inyong telepono. Kailangang mayroon kang online account na naka-set up sa mymra.wageworks.com upang magamit ang mobile app. Tingnan ang Balanse ng Iyong SF MRA Alamin kung magkano ang perang kasalukuyang nasa iyong SF MRA sa pamamagitan ng pagtawag sa 1(866) 697-6078 o sa pamamagitan ng pag-log in sa iyong account online sa mymra.wageworks.com. Availability ng Mga Pondo sa SF MRA Maaari mo pa ring gamitin ang mga pondo sa iyong SF MRA kahit hindi ka na nagtatrabaho sa employer na nagdeposito. Available para gastusin ang mga pondo sa SF MRA basta t active ang iyong account. Panatilihing active ang iyong account sa pamamagitan ng pagsagot ng isang SF MRA claim bawat 24 na buwan. Isasara ng aming programa ang account at hindi mo magagamit ang mga pondo sa SF MRA kung walang mga claim o deposito sa loob ng 24 na buwan. Kung maisara ang iyong SF MRA at gusto mong muling buksan ito tumawag sa SF City Option sa 1(415) 615-5720 at ibabalik namin ang mga pondo ng SF MRA. Available ang mga pondo sa SF MRA makalipas ang iyong pagkamatay. Maaaring magsumite ang isang executor o iba pang legal na kinatawan ng mga claim para sa mga kwalipikadong serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan na natanggap mo o mga bagay sa pangangalaga ng kalusugan na binili mo hanggang sa petsa ng iyong pagkamatay. May mga pondo rin sa SF MRA para sa iyong asawa o domestic partner at mga dependent para sa kanilang mga kwalipikadong gastos hanggang 24 na buwan pagkatapos ng petsa ng iyong pagkamatay. I-update ang Iyong Contact Information Panatilihin kaming updated sa iyong kasalukuyang adres, numero ng telepono, at email address upang matanggap mo ang mga bayad ng reimbursement, mga update sa programa, at iba pang sulat. Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078 kung kailangan mong palitan ang iyong contact information. 13 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 14

Mga Madalas na Itinatanong Nagdeposito ang aking employer. Kailan ko makikita ang mga pondo sa aking SF MRA? Ang mga pondo ay magiging available sa iyong SF MRA sa loob ng 1 hanggang 3 linggo pagkatapos ng bawat bayad ng employer sa aming programa. Ano ang aking account number? Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Ang iyong account number ay ang alinman sa Social Security Number mo o isang natatanging numerong pagkakakilanlan ng empleyado na ibinigay ng SF City Option. Ano ang petsang magkakaroon ng bisa ang aking SF MRA? Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Ang petsang magkakaroon ng bisa ang iyong SF MRA ay ang bank posting date ng unang deposito ng iyong employer sa iyong SF MRA. Gaano katagal sa nakaraan ang maaari kong i-claim para sa reimbursement? Maaari kang makakuha ng reimbursement para sa mga kwalipikadong serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan na natanggap o mga bagay para sa pangangalaga ng kalusugan na nabili sa o pagkatapos ng petsang pagkakaroon ng bisa ng iyong SF MRA. Kung kailangan mong alamin ang iyong petsang pagkakaroon ng bisa, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Gaano katagal na available ang aking SF MRA? Available para gastusin ang mga pondo sa SF MRA basta t active ang iyong account. Panatilihing active ang iyong account sa pamamagitan ng pagsagot ng isang SF MRA claim bawat 24 na buwan. Isasara ng aming programa ang account at hindi mo magagamit ang mga pondo sa SF MRA kung walang mga claim o deposito sa loob ng 24 na buwan. May mga babayaran ba sa isang SF MRA? Oo. Isang bayad pang-administratibo na $2.75 ang kinakaltas mula sa mga pondo sa SF MRA bawat buwan. Ang mga bayad pang-administratibo ay hindi kinakaltas kung ang balanse ng iyong account ay mas mababa sa $2.75. Ang bayad ng SF MRA Statement na $1.00 ay kinakaltas mula sa mga pondo sa SF MRA sa tuwing may ipinapadalang nakasulat sa papel na SF MRA Statement. Magbukas ng online account kung gusto mo ng mga online statement lamang. Hindi ka magbabayad para sa SF MRA statement kung nakakakuha ka ng mga online statement lamang. Maaari ko bang gamitin ang aking SF MRA para makakuha ng reimbursement para ma-reimburse ang mga hulog sa insurance sa kalusugan? Oo, ang mga hulog sa insurance sa kalusugan ay kwalipikado para sa reimbursement mula sa isang SF MRA. Kabilang dito ang insurance sa kalusugan na binili sa pamamagitan ng Covered California o iba pang mga pamilihan ng insurance sa kalusugan. Maaari ba akong magpadala ng claim na mas malaki kaysa sa available na pondo sa aking SF MRA? Oo, maaari kang magpadala ng claim na mas malaki kaysa sa available na pondo sa iyong SF MRA. Kung mayroon kang mga available na pondo sa ibang SF MRA, mawi-withdraw din ang mga pondo mula sa SF MRA na iyon. Kung wala kang ibang SF MRA na may mga available na pondo, babayaran ang claim hanggang sa available na balanse sa account. 15 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 16

Mayroon bang pinakamababang halaga ng claim? Wala, maaari kang magpadala ng claim na kasing baba ng $0.01 at makakakuha pa rin ng reimbursement kung maaprubahan ang claim. Mayroon bang pinakamababang halaga para sa reimbursement na tseke o direct deposit? Wala, maaari kang makakuha ng reimbursement na tseke o direct deposit na kasing baba ng $0.01. Mayroon bang pinakamalaking bilang o halaga ng mga claim na maaari kong hilingin bawat taon? Wala, maaari kang magpadala ng kasing daming claim na kailangan mo. Ang mga claim ay binabayaran hanggang sa available na balanse sa account. Gaano katagal na makakuha ng reimbursement para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan? Ang mga claim ay kadalasang pinoproseso sa loob ng 3 hanggang 5 araw ng trabaho. Maaari ko bang ilabas ang pera sa aking SF MRA? Hindi, maaari mo lamang gamitin ang mga pondo sa SF MRA sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga claim para sa reimbursement ng mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan. Maaari ko bang gamitin ang aking SF MRA kahit pagkatapos kong humintong magtrabaho sa aking employer? Oo, maaari mo pa ring gamitin ang mga pondo sa iyong SF MRA kahit hindi ka na nagtatrabaho sa employer na nagdeposito sa SF MRA. Bakit mayroon akong higit sa isang SF MRA? Mayroon kang isang SF MRA para sa bawat employer na nagdedeposito ng pondo sa isang SF MRA para sa iyo. Maaari ko bang pagsamahin ang mga pondo mula sa maraming SF MRA sa iisang account? Hindi, ang mga deposito sa SF MRA mula sa iba t ibang employer ay kailangang nasa hiwa-hiwalay na account. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng SF MRA at ng SF Covered MRA? Ang SF MRA ay para sa mga tao na hindi kwalipikado para sa SF Covered MRA. Ang SF Covered MRA ay isang programa na tumutulong upang maging mas abot-kaya ng bulsa ang insurance sa kalusugan para sa mga kwalipikadong residente ng San Francisco na bibili ng insurance sa kalusugan sa pamamagitan ng Covered California. Ang halagang idinedeposito sa isang SF Covered MRA ay inilaan upang sagutin ang bahagi ng iyong mga hulog sa insurance sa kalusugan at mga iba pang gastos sa insurance sa kalusugan. Maaari ba akong magkaroon ng SF MRA at SF Covered MRA nang sabay? Oo, kung kwalipikado ka para sa SF Covered MRA, makakatanggap ka ng deposito sa isang SF Covered MRA account. Kung nagkaroon ka noon ng SF MRA, available pa rin ang mga pondong iyon para sa reimbursement ng mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan. Dapat mong isumite ang iyong mga claim sa pamamagitan muna ng iyong SF Covered MRA dahil mapapaso ang mga pondong iyon sa katapusan ng taon sa plano sa SF Covered MRA. 17 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 18

Ano ang aking kasalukuyang balanse sa SF MRA? Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Maaari mo ring tingnan ang iyong account balance online sa mymra.wageworks.com. Paano ko titingnan ang status ng aking claim? Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Maaari mo ring tingnan ang iyong mga claim online sa mymra.wageworks.com. Paano ko papalitan ang aking adres o numero ng telepono? Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Alamin Kung Kwalipikado ka para sa SF Covered MRA Ang SF Covered MRA ay isa pang programang iniaalok ng Lungsod at County ng San Francisco na nagbibigay ng mga subsidiya upang tumulong na gawing mas abot-kaya ng bulsa ang insurance sa kalusugan. Maaaring maging kwalipikado ka para sa SF Covered MRA kung natutugunan mo ang mga sumusunod na hinihingi: Nakatira ka sa San Francisco; Ikaw ay edad 18 o mas matanda; Ang kinikita mo ay nasa pagitan ng 138% at 500% ng Federal Poverty Level; Inaatasan ka ng batas na magkaroon ng insurance sa kalusugan; Bibili ka ng insurance sa kalusugan sa pamamagitan ng Covered California; At Nagbigay ng mga bayad sa SF City Option ang iyong employer. Puntahan kami sa: sfcityoption.org 19 sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 20

Mga Madudulugan at Importanteng Kontak Customer Service 1(866) 697-6078 Lunes Biyernes, 5:00n.u. hanggang 5:00n.h. Oras sa Pasipiko Isumite ang mga SF MRA Claim KOREO: WageWorks Spending Accounts P.O. Box 34700 Louisville, KY 40232 FAX: 1(866) 643-2219 ONLINE: mymra.wageworks.com MOBILE APP: Spending Accounts (CHSA) Online Account mymra.wageworks.com Impormasyon ng Programa sfcityoption.org 73204 1017