Rice Technology Bulletin

Similar documents
PalayCheck. Key Check 5. Sapat na sustansya sa panahon ng pagsusuwi hanggang paglilihi at pamumulaklak.

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Gaano katagal nangyayari ang El Niño?

E P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Editors: Norvie L. Manigbas Jeong Taek Lee Quirino D. Dela Cruz

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Q&A Series. Unang lathala, Philippine Rice Research Institute Maligaya, Science City of Muñoz, 3119 Nueva Ecija

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

GRADE VI GAMIT NG GRID

KABAYARAN SA PAGTAPON NG BASURA PAG-PUPULONG NG RESIDENTE BAYAN NG HIGASHIURA

Integrated Pest Management

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Nang Matuto Ka at Magising

Tamang uri ng pamumuhay

Pagsasanay sa Filipino

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Department of Education Region VI Western Visayas DIVISION OF LA CARLOTA CITY City of La Carlota ---ooo---

Ang aklat na ito ay inilimbag ng WWF-Philippines para sa proyekto ng Coral Triangle Support Partnership sa tulong ng USAID.

Dementia. DEMENTIA / Tagalog Copyright 2016 Hospital Authority. All rights reserved 1

MGA REHISTRO PARA MAGING LEGAL ANG NEGOSYO IBA PANG AHENSYANG MAKAKATULONG SA PAGNENEGOSYO. AHENSYA NG GOBYERNO Barangay Hall

Kaya Ko, Kaya Mo. pagpapanatili ng. Buhay na Lupa. Paggawa ng Compost at Iba Pang Organikong Pamamaraan na Subok ng Magsasaka

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Kanser sa Balat. Skin Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Kanser sa Suso. Breast Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Tungkol Saan ang Modyul na ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Sakit sa Ugat ng Puso

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Ang Makisig at Hangal na Hari

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Kanser sa Cervix. Cervical Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Chapter 6 Tagalog Verbs

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Atlantic Health System

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

PAGKAIN AT MGA HAIN para sa mga sanggol. Tagalog/ filippinsk

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

DLA in EPP/ Computer 6 Third Quarter

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Pamamahala sa Social Security Mahalagang Impormasyon

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

TAGALOG Online na Buklet ng Impormasyon ng Magulang Smarter Balanced Assessments at Hawai i State Science Assessments

Pag-navigate sa isang REALTOR

Kaligtasan ng Natural Gas, Mga Tip at Serbisyo sa Pagtitipid ng Enerhiya

Sustainable (Maaaring Mapangalagaan) na Pangingisda

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Isang Guide para sa Naturalisasyon

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Mahalagang impormasyong legal, mga paghahayag, at mga patakarang kailangan ninyong malaman

2017 Fair Housing Survey para sa Lungsod at County ng Los Angeles

GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY

m~öäáäá=åö=fåóçåö=rå~åö _~Ü~ó=ë~=`~å~Ç~ Ano ang Kinakailangang Malaman ng Bagong Dating

Philippine Center for Water and Sanitation - International Training Network Foundation. para sa. SZOPAD Social Fund

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

GRADE IV REHIYON VI KANLURANG VISAYAS

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

Kanser sa Prostata. Prostate Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

WALONG PAALALA PARA MAGING LIGTAS AT MATIBAY ANG ATING TAHANAN

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

Mahahalagang Bagay. Mahahalagang Bagay. Iba Pang Mga Paunawa. Iba Pang Mga Paunawa (Bawat Modelo)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

H E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

フィリピノ語 Wastong Paraan ng Pagtapon ng Basura mula sa Tahanan

Kapag Sumlong ang isang Maliit na Itinatanging Buhay

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Talamak na Paghina ng Bato

panalongtaglamig 2018

Transcription:

Rice Technology Bulletin Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ISSN 0117-9799 2012 No. 80 Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang MINUS-ONE ELEMENT TECHNIQUE (MOET)

Rice Technology Bulletin Series 1 Released Rice Varieties (1968-1994) 2 Pagpaparami at Pagpupuro ng Binhi sa Sariling Bukid 3 Paggawa ng Maligaya Rice Hull Stove 4 PhilRice Micromill 5 PhilRice Flourmill 6 PhilRice Drumseeder 7 PhilRice Rototiller 8 Rice Food Products 9 PhilRice-UAF Batch Dryer 10 Integrated Management of the Malayan Black Bug 11 SG800 Rice Stripper-Harvester 12 Dry-Seeded Rice-Based Cropping Technologies 13 Maligaya Rice Hull Stove 14 10 Steps in Compost Production 15 Rice Tungro Virus Disease 16 The Philippine Rice Seed Industry and The National Rice Seed Production Network 17 10 Hakbang sa Paggawa ng Kompost 18 10 nga Addang ti Panagaramid iti Kompost 19 Characteristics of Popular Philippine Rice Varieties 20 Rice Stem Borers in the Philippines 21 Rice Food Products (revised edition) 22 Leaf Color Chart (English) 23 Leaf Color Chart (Ilocano) 24 Leaf Color Chart (Filipino) 25 Equipment for Rice Production and Processing 26 Use of 40kg Certified Seeds per Hectare 27 Rice Wine 28 Management of Field Rats 29 Controlled Irrigation: Saving water while having good yield 30 Minus-one Element Technique: Soil Nutrition Deficiency Test Made Easy 31 Management of the Rice Black Bug 32 Management of Zinc-Deficient Soils 33 Management Options for Golden Apple Snail 34 Use of Evaporation Suppressant 35 Pagpaparami ng Purong Binhi ng Palay 36 Management of Sulfur- Deficient Lowland Rice Soils 37 Management of Planthoppers and Leafhoppers 38 Management Options for Ricefield Weeds 39 Use of Indigo as Green Manure 40 Management of Salt-affected Soils for Rice Production 41 Wet-Seeded Rice Production 42 Matatag Lines 43 Hybrid Rice Seed Production 44 Metarhizium anisopliae: Microbial Control Agent for Rice Black Bug 45 Integrated Nutrient Management for Rice Production 46 Management of Armyworms/Cutworms 47 Carbonized Rice Hull 48 Rice-based Microbial Inoculant 49 Integrated Farm and Household Waste Management 50 Rice Postproduction Practices 51 Ecological Rice Farming 52 Modified Dry Direct Seeding Technology 53 Palayamanan: Making the Most out of Rice Farms 54 Practical Guidelines in Predicting Soil Fertility Status of Lowland Rice Soils 55 Bakanae: The Foolish Disease of Rice 56 Management of Rice Blast Disease 57 Root-knot Management in Rice-Onion Cropping System 58 Management of Yellow and White Stemborers 59 The PhilRice Dapog Technology 60 Rice Straw-Based Nutrient Management in Irrigated Lowland Rice 61 Biofertilizer Production: Vesicular Arbuscular Mycorrhizae (VAM) 62 Trichoderma: Biofungicide for vegetables 63 Barayti ng Palay handog ng PhilRice 2007-2009 64 Management of Zinc-deficient Soils (revised edition) 65 Soil Series: Improving Agricultural Productivity in Pampanga 66 Soil Series: Improving Productivity in Tarlac 67 Laboy tiller: Improving deep muddy and swampy rice lands 68 B&S Rice mini-combine harvester 69 Rice Disease Diagnostic Kit 70 Reducing Methane Emissions from Irrigated Ricefields 71 Rice Hull Gasifier Engine-Pump System 72 Kontroladong Pagpapatubig 73 Saclob: Airtight Storage for Rice Seeds 74 No Tillage Technology in Irrigated Rice Production 75 Management of Yellow and White Stemborer (2011) 76 Management Options for Ricefield Weeds (2011) 77 Management of Salt-Affected Soils 78 Pangangasiwa ng Dilaw at Puting Aksip 79 Metarhizium: Ang mikrobyo sa pagsugpo ng atangyang itim

Foreword Ang Minus-One Element Technique (MOET) ay isang mura, maaasahan, at simpleng paraan sa pagsusuri ng kakulangan ng sustansiya sa lupa. Ang tanim na palay sa paso na may kumpletong pataba ay ikinukumpara sa palay sa paso na may kulang na isang sustansiya. Makatutulong ang MOET sa mga magsasaka at teknisyan, lalo na sa mga lugar na malayo sa mga laboratoryong pinagpapasurian ng lupa. Sa paggamit ng MOET, natutukoy kung bitin ang sustansiya sa lupa na ipinakikita mismo ng halaman sa isang aktwal na kalagayan sa bukid. Nasusuri nito ang kakulangan sa nitroheno (N), posporo (P), potasyo (K), zinc (Zn), sulfur (S), copper (Cu). Ipinapayo rin na ipasuri ng mga magsasaka sa laboratoryo ang kanilang lupain tuwing 3-5 taon upang alamin ang mga natitirang sustansiya ng lupa. Nawa ay makatulong ang babasahing ito upang mailagay ang tamang dami ng pataba sa tamang panahon, na siya namang makatutulong sa pagkamit ng mataas na ani at kita.

Gaano kataba ang ating lupang sinasaka? Taong 1999, sinaliksik ng PhilRice Los Baños ang lupa sa 20 lalawigan sa bansa upang matukoy ang mga lugar na may kakulangan sa maraming sustansiya. Sa 719 lugar sa mga lalawigang ito, dalawa lamang ang napag-alamang may sapat na panustos ng sustansiya sa lupa. Umabot sa 89% ang napagalamang kakulangan ng mga kinakailangang sustansiya ng lupa. Ang Zinc at Sulpur na hindi naman karaniwang isinasama sa rekomendasyon sa paggamit ng abono ay napag-alamang kulang nang 17% sa mga lugar na nasaliksik. Ipinakita ng pag-aaral na maraming lupang tinatamnan ng palay ng kulang sa sustansiya. Kung hindi ito isasaayos, lubhang bababa ang ani sa mga lupang ito. Ang natuklasang ito ay sinuportahan ng mga eksperimento sa PhilRice Central Experiment Station. Kung walang inilagay na patabang N, P, at K, ang palay ay patuloy na nabubuhay dahil lamang sa mga tira-tirang sustansiya sa lupa. Ang karaniwang ani sa pag-aaral ay 3.06 tonelada sa panag-araw. Sa kabilang dako, umabot sa 7.4 ton/ ektarya ang ani sa lupang nilagyan ng abonong NPK. Ang mga resultang ito, patunay na ang pagsasaayos ng sustansiya sa lupa ay napakahalaga kung ang habol ay mataas na ani. Sa mga lupa ng mga magsasaka, ang palay ay bitin pa rin ng mga sa sustansiya sa kabila ng pagpapataba dahil ang iba pang kinakailangang sustansiya sa lupa ay hindi nasuri nang husto. Dahil dito, kailangnag matukoy ang tunay na kalagayan ng sustansiya ng lupa, upang maiwasto ang pagpapataba. 1

ANI (tonelada/ektarya) walang NPK mayroong NPK TAON Aning panag-araw sa Long-Term Fertility Experiment ng PhilRice Maligaya, 1990-1999 MOET: simpleng pagsusuri sa kakulangan ng sustansiya sa lupa Ang karaniwang paraan sa pagpapasuri ng lupa ay ang paghatid ng sampol ng lupa sa laboratoryo ng Bureau of Soils and Water Management at balikan ang resulta mtapos ng dalawang buwan. Maaaring sumablay ang pagsusuri ay sa sampol ng lupa na tinuyo ng hangin. Sa pagsusuring kemikal, maaaring makaligtaan ang ilang kakulangan lalo kung ang lupang pinanggalingan ng sampol ay binabaha o nabababad sa tubig. Halimbawa, ang lebel ng Zn sa tuyong lupa na idinaan sa pagsusuring kemikal ay maaaring makitang mataas ngunit kapag ang lupa ay bahain, ang Zn ay posibleng nagbagonganyo na hindi magagamit. Ang pagsusuring MOET ay tumitiyak sa kakulangan ng sustansiya sa aktuwal na kalagayan sa tinatamnang bukid. Hindi mo na kailangan ang isang laboratoryong lubhang maraming kagamitan, at ikaw mismo ang gagawa ng isang simpleng eksperimento malapit sa iyong bukid, o kaya ay sa likod-bahay o bakuran. 2

Makabubuting isagawa ang pagsusuring Minus-One Element Technique bago ang paghahanda ng lupa (mga 30 araw) upang malaman mo kung anong abono ang ilalagay at gaano karami sa panahon ng paglilipat-tanim. Gastos Pagsusuring kemikal P1305 (N,P,K,Zn, S, Cu) Pagsusuring Minus-One P300 (N,P,K,Zn, S, Cu) Tagal 30-60 araw 45 araw pagkatapos ng lipat-tanim o pamumunla Lagay ng lupa Pinatuyo sa hangin Aktuwal na kalagayan sa bukid Magsasagawa ng pagsusuri Lugar ng pagsusuri Kagamitan/ pasilidades Teknisyan Laboratoryo ph meter, UV-VIS, atomic absorption spectrophotometer, mga babasagin, kemikal Magsasaka at extension worker Malapit sa bukid/likodbahay Mga plastik na sisidlan, tinimplang abono, mga punlang palay, o pinatubong binhi 3

Mga problemang tutugunan Mataas ang gastos sa pagsusuring kemikal. Hindi madaling puntahan ang sentrong pasurian/laboratoryo at lalo na kung ikaw ay taga malayong lugar Kakulangan ng mahusay na kagamitan at sinanay na mga teknisyan para magsagawa ng pagsusuring kemikal Matagal lumabas ang resulta ng pagsusuring kemikal Gastos sa pagsusuring moet Pitong maseterang plastik - P125 Pormulasyon ng abono - P175 Kabuuang halaga - P300 Sa kasalukuyan, ang pormulasyon ng abono ay mabibili sa PhilRice Business Development Office. Upang lalo pang makatipid, gumamit ng nagamit nang mga sisidlan o bag na plastik. 4

paghahanda ng Mga materyales na kailangan sa MOET 7 maseterang plastik, paso, o anumang kahalintulad nitong sisidlan. 28 kilong bagong-kuhang lupa, mas mainam kung basa MOET Kit. Naglalaman ito ng iba t ibang pormulasyon ng abono (mabibili sa PhilRice) Mga 28-35 na punla ng palay na ang edad ay 10-15 araw o kaya naman ay pinatubong buto ng palay Mga hakbang na dapat isagawa 1 Mangolekta ng sampol ng lupa mula sa bukid sa lalim na 20 sm. gamit ang alin man sa 2in x 8in PVC pipe, bamboo pipe, o trowel. Kung iba-iba ang sustansya ng lupa (makikita sa magkakaibang tindig ng palay noong nakaraang tanim), hatiin ito sa mga seksyon o sampling units. Kumuha ng sampol sa bawat seksyon na sasapat para sa mga pasong ihinanda. Huwag kumuha ng sampol 5

sa mga alanganing lokasyon tulad ng lungkaw o lubluban ng kalabaw, o malapit sa mga nabubulok na bagay dahil makaaapekto ito sa resulta ng pagsusuri. 2Ilagay ang mga sampol sa isang malaking lalagyan. Huwag gumamit ng sisidlang gawa sa metal, maliban sa stainless steel, upang maiwasan ang kontaminasyon. Panatilihing basa ang lupa. Subalit kung tuyo ang sampol, ibabad ito sa tubig sa loob ng 2 linggo bago ilipat sa mga paso. Haluing mabuti ang mga lupa at tanggalin ang mga ugat at ibang nabubulok na bagay. Lagyan ng mga 4 na kilong basang lupa ang bawat isa sa pitong paso. Ihalong mabuti ang pormulasyon ng abono. Hugasang mabuti ang mga kamay bago magsalang ng kasunod na paso upang maiwasan ang kontaminasyon. Lagyan ng pananda ang bawat paso base sa inilagay na fertilizer formulation gaya ng kumpleto (kumpletong abono), -N (kulang sa N),-P (kulang sa P),-K (kulang sa K),-Zn (kulang sa Zn),-S (kulang sa S), at -Cu (kulang sa Cu). Iwasang may mapasamang upos ng sigarilyo, alikabok, at iba pang dumi sa hinalong lupa at abono. Ang wastong pag-iingat sa paggamit ng pormulasyon ng pataba ay napakahalaga. 6

3Maglipat-tanim ng 4-5 punla sa bawat paso, magtanim ng 6 na pinasibol na buto. Kumpleto -N -P -K -Zn -S -Cu Kumpleto -N -P -K -Zn -S -Cu 7 Panatilihing basa (hindi lubog) ang lupa hanggang bumulas na ang punla. Diligan ang halaman gamit ang tubig mula sa irigasyon, poso, o balon.

Kumpleto -N -P -K -Zn -S -Cu Dalawang pinakamalusog na halaman lamang ang 10 araw pagkalipat-tanim, o 7-10 araw pagkatanim ng pinasibol na buto. Panatilihin ang 2 sm na tubig sa paso. 4Obserbahan ang paglaki ng palay 14 araw pagkatanim. Palakihin ang halaman hanggang 30-45 araw pagkalipat-tanim, o 55 araw matapos pagkatanim ng pinasibol na buto. pagsibol ng buto hanggang sa pagsuwi 14 na araw matapos ang lipat-tanim o pagtatanim ng buto 30-45 araw matapos ang lipat-tanim o pagtatanim ng buto 8

5Makalipas ang 30-45 araw, ikumpara ang halaman ng anim na paso sa halamang nasa pasong may tatak na kumpleto na inaasahang maganda ang bulas. Kung ang mga halaman ay kasing-lusog ng halamang may kumpletong pataba, patunay ito na sapat ang sustansya ng lupang sinusuri. Bilangin ang suwi. Kung ang bilang ng suhi ng halaman sa isang paso ay 80% o mas mababa kaysa sa halaman na may kumpletong abono, ang sustansya na nakamarka sa paso ay kulang. Matabang lupa kumpleto Lupang kulang sa N, P, K, Zn, at S kumpleto -N -P -K -Zn -S -Cu 9

6Putulin ang halaman maliban sa ugat at ihambing ang timbang ng biomass sa bawat paso sa biomass ng nasa pasong kumpleto. Kung ang biomass ng alinman sa mga paso ay maunti sa 80%ng biomass ng nasa pasong kumpleto, tiyak na kulang ang sustansya na nakatatak sa naturang paso. kumpleto -N -P -K -Zn -S -Cu Ang biomass ay siyang kabuuang timbang ng pinatuyong halaman na hindi kasama ang ugat. 10

ILANG MGA KAILANGANG SUSTANSIYA NG Sintomas ng Elemento Tungkulin Sintomas ng kakulangan Nitroheno Nagbibigay ng berdeng kulay sa mga bahagi ng palay Bansot na halaman at kakaunti ang suwi Nagpapabulas palay at nagpaparami ng suwi Nagpapalaki sa mga dahon at butil, nagpaparami sa mga butil sa uhay, at nagpapataas sa taglay na protina ng mga butil Nagpapahaba at nagpapasigla sa ugat Makikitid at maiiksi ang mga dahon na nakatirik, at manilawnilaw ang pagkaberde habang tumatanda ang halaman Ang matatandang dahon ay nagkukulaydayami at namamatay Nagpapa-aga ng pamumulaklak ng palay at paghinog ng mga butil Posporo Nagpaparami ng mga suwi upang makabawi at maging mas kumpleto ang halaman na dumanas ng masamang panahon Nagpapaganda sa mga butil upang maging mataas ang presyo Bansot ang palay at kaunti lang ang suwi Makikitid, maiiksi, at sobrang berde ang mga dahon Ang mga talbos ay mas malulusog kaysa sa matatandang dahon na nagkukulay-kape at namamatay Namumula o kulaymurado sa dahon ng palay dahil ang anthocyanin 11

HALAMANG PALAY, Tungkulin, at mga Kakulangan Elemento Tungkulin Sintomas ng kakulangan Potasyo Nagpaparami ng suwi, at nagpapalaki at nagpapabigat sa mga butil. Nagpapabilis ng pagsipsip ng palay sa abonong posporo Isinasaayos ang pagbukas at pagsara ng mga istomata (pinong butas sa dahon) upang malabanan ang masamang epekto ng klima Pinalalakas ang palay laban sa sakit na rice blast at Helminthosphorium Bansot na palay at kakaunti ang suwi Maiiksi, nakalaylay, at sobrang berde ang mga dahon Paninilaw ng dahon, mula sa dulo, at natutuyot na kulaykape Kulay-kapeng batik sa magulang na berdeng dahon Mahahaba at payat na mga uhay Zinc Pagbuo ng auxin, isa sa mga kilalang ensaym na nagpapalaki ng palay Nagpapalago ng mga punla Pagkalanta kung bitin din sa N Ang gitnang ugat sa dahon, lalo na sa ibaba, ay kulay-kape. 12

Elemento Tungkulin Sintomas ng kakulangan Pagkabansot habang nagsusuwi Kumikitid na gilid ng dahon at ang lapak ay bahagyang apektado Sulpur Kalahok sa pagbuo ng bitamina at ng ilang hormon Mahalaga sa paggana at pagbuhay ng maraming ensaym. Hindi parehas na paglago at nabalam na paggulang ng palay Tulad ng sintomas ng kakulangan sa N Manilaw-nilaw na lapak, hanggang sa gilid ng dahon at ang buong halaman ay mapusyaw sa panahon ng pagsusuwi Hindi gaanong lumalaki ang palay at kakaunti ang suwi Maiiksi ang uhay, kakaunti ang butil sa paggulang Iron Pagbuo ng kloropil at protina Pumipigil sa pagsipsip ng palay ng sobrang potasyo Ang buong dahon ay mamuti-muti o mapusyaw 13

Elemento Tungkulin Sintomas ng kakulangan Copper Pagdepensa sa selyula at pagbuo ng ensaym Nakabilot na dahon Hindi gaanong nagsuwi Pinadadali ang potosintesis, paghinga ng halaman, Kakaunting polen pertilisasyon, at pagbuo ng polen o bulo ng bulaklak Ang mga dahon ay mapusyaw bago maging kulay-kape Wastong pangangalaga ng PaSo ng MOET 1. Ilagay ang mga paso ng MOET sa lugar na naaarawan at madali itong masubaybayan. Huwag ilagay sa mga daanan ng tao at mga hayop. Iwasang maihian ang mga ito upang hindi makontaminado ang mga paso na sanhi ng maling resulta. Ilang paalala: Kung malapit kayo sa bukid, ilagay ang mga paso sa papag at ilagay sa bukid. Kung mayroon kayong mga halaman na nakalagay sa papag, isama ang mga paso ng MOET upang palagi silang matubigan at maalagaan. Kung kailangan, maglagay ng harang sa mga paso upang hindi makain ng mga hayop. 2. Kung may kulang na sustansiya sa lupang sinusuri, magkakaiba ang tubo ng palay. Huwag maglagay ng abono sa mga paso na hindi maganda ang tubo ng palay. 3. Huwag hayaang matuyuan ang mga paso upang di mangaluntoy ang mga dahon, at mapanatiling katulad ng tubigang-lupa ang sampol sa paso. 14

Rekomendasyon (Para sa ani ng 5 tonelada kung tag-ar Kulang na elemento 10 araw pagkalipat-tanim ng 21 araw na gulang na punla o 14 araw pagkalipat-tanim kung nagdapog (12 araw na punla o 20 araw pag sabog-tanim) N 1 sako ng urea (46-0-0) N at S 2 sako ng ammonium sulfate (21-0-24) N at P 2.5 sako ng ammophos (16-20-0) N at K 1 sako ng urea at kalahating-sako ng muriate of potash (0-0-60) N, P, at K 3 sako ng 14-14-14 N, K, at S 2 sako ng ammonium sulfate (21-0-0-24) at 0.5 sako ng 0-0-60 N, P, at S 2 sako ng ammophos at kalahating sako ng ammosul N at Zn 1 sako ng urea at maglagay ng zinc sulfate sa mga parteng may senyales ng kakulangan sa zinc* N at Cu 1 sako ng urea at maglagay ng copper sulfate sa mga parteng may senyales ng kakulangan sa copper** * Mas mura at praktikal kung isasawsaw na lang sa 2% (10g/L) zinc oxide sulution ang ugat ng mga punla bago maglipattanim o kaya ay magbomba ng 2% (20g/L) zinc sulfate sa punlaan 2-3 araw bago maglipat-tanim. Maglagay pa ng 20-25 kg zinc sulfate kung kailangan sa loob ng 3 linggo pagkatanim. ** Mas mura at praktikal kung mag-iespray na lang ng 0.4% (4g/L) copper sulfate sa punlaan 2-3 araw bago maglipat- 15

kada ektarya aw at 4 tonelada kung tag-ulan) Gitnang bahagi ng pagsusuwi *** Paglilihi *** Tag-araw Tag-ulan Tag-araw Tag-ulan 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2 sako ng urea 1.5 sako ng urea 3 sako ng urea 2 sako ng urea 3 sako ng urea 2 sako ng urea 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea at kalahating sako ng 0-0-60 1.5 sako ng urea at kalahating sako ng 0-0-60 2 sako ng urea at kalahating sako ng 0-0-60 1 sako ng urea at kalahating sako ng 0-0-60 1 sako ng urea at kalahating sako ng 0-0-60 1.5 sako ng urea at kalahating sako ng 0-0-60 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2 sako ng urea 1.5 sako ng urea tanim kaysa sa isabog ang granular na copper sulfate sa bukid. Maaari ring mag-apply ng fungicide sa daming 2-3 g/l na katumbas ng 1.54-2.31g copper hydroxide (Cu(OH) 2 ). *** Sundin ang mga rekomendasyon ukol sa urea sa kasagsagan ng pagsusuwi at sa paglilihi kung walang LCC. 16

SANGGUNIAN: Anaeto, S.G. Minus-One: A nutrient deficiency test. PhilRice Newsletter, Vol.13. no. 6, 2000. CECAP and PhilRice. 2000. Highland Rice Production in the Philippine Cordillera. Central Cordillera Agricultural Programme (CECAP), Banaue, Ifugao, and Philippine Rice Research Institute (PhilRice), Maligaya, Muñoz, Nueva Ecija. Descalsota J.P., C.P. Mamaril, G.O. San Valentin, A.L. Ayo, T.M. Corton, and S.R. Obien. Biological methods for diagnosis of nutrient limitations and balancing fertilizer application to lowland rice soils. Descalsota, J.P., C.P. Mamaril, G.O. San Valentin, and T.M. Corton. Minus-one element kit (MOEK) for diagnosis of multiple nutrient deficiencies. Wells, B.R., et al. 1993. Chapter 3: Rice in Nutrient deficiencies and toxicities in crop plants. William Bennett (ed). APS Press, The American Phytopathological Society, St. Paul, Minnesota. 17

Tala 18

Tala

Subject Matter Specialists Cezar P. Mamaril, PhD* Constancio A. Asis Jr., PhD* Josue P. Descalsota + Teodula M. Corton, PhD Jovino L. De Dios Salvador I. Yabes + Managing Editor/Layout Artist Christina A. Frediles Alfred Franco T. Caballero Illustrator Carlito N. Bibal Editorial Advisers Karen Eloisa T. Barroga, PhD Ruben B. Miranda * Filipino Version For more information, text the PhilRice Text Center 0920-911-1398 write, visit, or call: Agronomy, Soils, and Plant Physiology Division Philippine Rice Research Institute Maligaya, Science City of Muñoz, 3119 Nueva Ecija Tel. No. (044) 456-0285; -0113; -0651 local 215/217/212 Readers are encouraged to reproduce the content of this bulletin with acknowledgment.