NOTISYA NG MGA PRIBADONG KASANAYAN

Similar documents
Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

Pag-access at Pagbabago ng mga Rekord ng Kalusugan

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Iba pang mga wika at format

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

RIVERSIDE TRANSIT AGENCY PAMAMARAAN SA IMBESTIGASYON NG REKLAMO NG TITLE VI

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Atlantic Health System

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) Title VI

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Direktoryo ng Provider at Parmasya

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

Ang Bagong Sistema ng mga Karapatang Pantao ng Ontario

Mga Pananggalang na Pamamaraan Mga Karapatan ng Magulang

Advance Directive - ALASKA

Paunawa ng mga Pamprotektang Hakbang sa Proseso Binago Oktubre 2016

Ang lahat ng iba pang impormasyon at benepisyo ay hindi magbabago gaya ng isinasaad sa inyong 2016 na Handbook ng Miyembro.

Financial Assistance Documents

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Medi-Cal. Taon ng Benepisyo Handbook ng Miyembro ng Medi-Cal para sa

2018 Buod ng Mga Benepisyo

PANGKALAHATANG ABISO SA PRIVACY NG PERSONAL NA IMPORMASYON NG EMPLEYADO

Unang Hakbang MGA INIAATAS NA KUWALIPIKASYON

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

EBIDENSYA NG SAKLAW CARE1ST CAL MEDICONNECT PLAN MGA COUNTY: LOS ANGELES AT SAN DIEGO. Care1st Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapalaki ng Anak at Edukasyon

APPLICATION PARA SA CALFRESH, TULONG NA PERA, AT/O MEDI-CAL/MGA PROGRAMA SA PANGANGALAGA SA KALUSUGAN

Ang Sistema sa Kalusugan ng Johns Hopkins Patakaran at Pamamaraan

PETSANG MAY BISA: 01/01/2016 PETSA NANG NIREBISA: 06/27/2017. Financial Assistance Policy (Patakaran para sa Pinansiyal na Tulong)

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

PERSONAL NA PAGSAKOP PARA SA MGA MAY-ARI NG NEGOSYO

Orihinal na Epektibong Petsa: Enero 2013 Huling Petsa ng Rebisyon: Oktubre 2015 Epektibong Petsa ng

Mga Pambuong Sistemang Administratibong Patakaran at Proseso ng The Queen s Health Systems

Koleksiyon ng mga kailangan at

Pag-unawa sa Pamamaraan ng Pagtasa, Karapatan, at Pang-isahang Programa sa Edukasyon ng Maryland

Petsa ng simula ng paghihintay (MM/DD/YYYY)

Kagawarang May-ari: Pananalapi Petsa ng Pagkakabisa: Hulyo 1, 2017 Tagapag-ingat: Punong Opisyal na Pahina: 1 ng 16

ADVENTIST MIDWEST HEALTH ANYONG PATAKARAN Kategorya Mga Serbisyo ng Pasyente sa Pinansiyal

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

EMERGENCY TOOLKIT 2017

Balita Mula sa Kumamoto Bar Association

Sistema Administratibo

Pamamatnubay na Palakad sa Paaralan para sa mga Magulang na Baguhan

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

Mahalagang impormasyong legal, mga paghahayag, at mga patakarang kailangan ninyong malaman

ANG MISYON ANG AMING MGA KLIYENTE AY MGA TAONG MAY KAPINSALAAN

Opisina ng Pagtatanggol para sa Saykayatrikong Pasyente

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

Form NLRB-707 (4-2015) Estados Unidos ng Amerika Lupon ng Pambansang Ugnayan ng Paggawa ABISO NG HALALAN

Health TALK. Magagawa mong mag-quit. Sumali sa Great American Smokeout. ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plano

I. LAYUNIN PATAKARAN. Pamagat: Patakaran sa Tulong Pinansyal. Patakaran Pamamaraan Alituntunin Iba pa: Saklaw: Sistema Departamento:

SVP - Chief Compliance & Audit Officer. Kontak: Posisyon: Telepono #:

GRADE VI GAMIT NG GRID

Sa mga magulang na babiyahe dala ang kanilang mga anak patungo sa ibang bansa Sa mga magulang na pabalik ng Japan dala ang kanilang mga anak

PATAKARAN SA PAG-UUGALI AT

KASUNDUAN SA SERBISYONG PANTAHANAN NG AT&T

Isang Guide para sa Naturalisasyon

National Community Benefit

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Welcome sa Swedish. Welcome to Swedish. Handbook ng Pasyente at Pamilya. Patient and Family Handbook (Tagalog)

MGA PAMANTAYAN SA PAMAMAHALA PARA SA TOSHIBA TEC PHILIPPINE GROUP

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Health TALK. Naarawan BUNTIS? Ano ang ibig sabihin ng bilang ng SPF sa sunscreen ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

Kodigo ng Asal at Mga Etika

Mahahalagang Bagay. Mahahalagang Bagay. Iba Pang Mga Paunawa. Iba Pang Mga Paunawa (Bawat Modelo)

Stake Audit Committee

Transcription:

Sistemang Pangkalusugan ng Hukbo NOTISYA NG MGA PRIBADONG KASANAYAN Epektibo Oktubre 1, 2013 Ang notisyang ito ay naglalarawan ng iyong impormasyong medikal at kung paano gagamitin, isisiwalat at kung paano makakuha ng impormasyong ito. Basahing mabuti. Ang Notisya ng mga Pribadong Kasanayan ay ipinapatupad ng Health Insurance Portability and Accountability Act (HIPAA) Privacy Rule. Kung may mga katanungan tungkol sa notisyang ito, makipag-alam sa Privacy Officer ng HIPAA at sa inyong pagamutan ng hukbo (MTF) o, kung kinakailangan, ang Defense Health Agency (DHA) Privacy and Civil Liberties Offices (DHA Privacy Offices). Pansinin ang Pagkalapat ng Impormasyon sa dulo ng notisyang ito. Mga Kasanayang MHS ukol sa Pinangangalagaang Impormasyon tungkol sa Kalusugan (PHI) Ang notisya na ito ay naglalarawan ng mga kasanayan ukol sa iyong PHI. Ang mga katagang tayo at amin sa notisya na ito ay tumutukoy sa MHS. Ang MHS ay sumasaklaw sa mga sumusunod: Mga MTF kasama pati ang mga pagamutang Hukbong Pandagat Lahat ng mga planong pangkalusugan ng MHS/Tricare Mga pang-rehiyong opisina ng TRICARE Mga kontratista na nangangasiwa, sumusuporta sa TRICARE at iba pang mga organisasyon na may karapatang pahintulot makagamit ng iyong PHI, sa loob ng kasunduan sa MHS. Ngunit, ang mga tagalaan sa pribadong sector ng kasaping kontratista ay kinakailangan magbigay ng kanilang sariling Notisya ng mga Pribadong Kasanayan. Ang himpilan at katungkulan ng MHS at Hukbong Pandagat, kasama na ang mga gawain ng DHA at ng Military Departments Surgeons General Aming Mga Tungkulin Hinggil sa iyong PHI Ang Pribadong Patakaran ng HIPAA ay ipinag-uutos sa MHS na: Tiyakin na ang iyong PHI ay pinapangalagaan Ipagpaalam kapag natiyak namin na ang iyong PHI ay ginamit nang hindi maayos o nabunyag

Ibigay sa iyo ang notisyang ito, ng aming mga legal na katungkulan at mga pribadong kasanayan para sa paggamit at pagbunyag ng iyong PHI Sundin ang mga nakatakda sa notisya na kasalukuyang maybisa Aming Karapatang Ibahin ang Notisyang Ito. Maaari naming palitan itong notisya at ang aming mga pribadong kasanayan kahit kailan. Ang napalitang notisya ay ipapatupad sa PHI na nakatakda sa oras ng pagpalit at anumang PHI na aming gagawin o matanggap pagkatapos mapalitan. Ipapaalam namin sa iyo ang mga mahahalagang pagbabago at ipapahayag ang mga pagbabago sa aming website. Paano makakakuha ng kopya ng Notisyang ito: Ang ipinirintang kopya ng notisya na ito ay makukuha sa iyong MTF at matatagpuan din sa aming website. Maaaring hingin ang kopyang ito sa iyong susunod na pagbisita o tumawag at hilingin na ipadala sa koreo, kahit na nakatakda kang tumanggap ng notisyang elektronika. Paano Namin Gagamitin o Isisiwalat Ang Iyong PHI na Walang Awtorisasyon Pagpapagamot. Upang ipagkaloob, isaayos o ipamahala ang pangagalaga ng iyong kalusugan. Halimbawa, maaari naming isiwalat ang iyong PHI sa ibang MTF, manggagamot o tagapamahala ng iyong kalusugan, kagaya ng iyong espesyalista, parmasyutiko o laboratoryo, kung saan, sa kahilingan ng iyong manggagamot, ay payagang makilahok sa iyong kalusugang pangangalaga. Kabayaran. Upang makakuha ng kabayaran para sa ipinagkaloob na serbisyong pangkalasugan. Kabilang na rito ang mga aprubadong aktibidad o kabayaran sa mga serbisyong pangkalusugan, katulad ng paggamit o pagsiwalat ng iyong PHI sa panahon ng paglagi sa ospital. Pagpapatakbo ng Pangkalusugang Pangagalaga. Upang itaguyod ang araw-araw na mga gawaing may kaugnayan sa pangangalagang pangkalusugan. Ang mga gawaing ito ay kagaya ng, subalit hindi limitado sa, antas ng halaga ng mga gawain, kaligtasan ng pasyente, mga imbestigasyon, pangagasiwa sa mga empleyado, kasanayan ng mga propesyonal, pagkuha ng lisensya, komunikasyon ukol sa produkto o serbisyo, at pangangasiwa o pagsasaayos ng mga gawaing may kaugnayan sa pangkalusugang pangangalaga. Hindi namin gagamitin o isisiwalat ang anumang pala-angkanang impormasyon para sa layuning pangseguro. Kabakas sa Negosyo. Sa iilang mga kumpanya, ( kabakas sa negosyo ) na nagbibigay ng iba tibang serbisyo sa MHS, (halimbawa, pagsingil, transkripsyon, pananatili ng software, serbisyong legal, at suporta sa pamamahala ng pangkalusugan). Iniuutos ng batas na protektahan ng mga kabakas sa negosyo ang iyong PHI at ipatupad ang mga Pribadong pamantayan ng HIPAA na aming ipinatutupad at ipinag-uutos. Hukbong Sandatahang PHI para sa mga Gawaing Hukbo at Pambansang Seguridad. Para sa iilang mga opisyal at naiibang pang-gobyernong katungkulan kagaya ng: Namumunong awtoridad ng military, kung saan, titityakin ang tamang pagpapatupad ng tungkuling hukbo, katulad ng pagpapahalaga ng kalusugan na angkop sa katungkulan. Ang Kagawaran ng Kapakanan ng mga Beterano (VA) upang ipasugid ang iyong mga karapatang pam-benepisyo Mga awtorisadong dayuhang hukbo at sa kanilang pinaglilingkurang hukbong sandatahan

Mga awtorisadong opisyal Federal ng pambansang seguridad o gawaing intelihensya, o serbisyong pananggalang para sa Presidente at iba pa. Pampublikong Pangkalusugan. Para sa mga awtoridad ng pampublikong pangkalusugan at mga partidong pinamamahalaan nito, ayon sa batas. Ilan sa mga halimbawa kung saan kinakailangan ang iyong PHI ay upang pigilin o sugpuin ang paglaganap ng sakit, pinsala o kapansanan. Pagbibigay Alam Ukol sa mga Biktima ng Pang-aabuso, Kapabayaan o Pantahanang Karahasan. Para sa mga awtoridad ng gobyerno na awtorisadong tumanggap ng mga impormasyon, kabilang na ang panlipunang serbisyo o ahensya ng panggalang serbisyo. Mga Nakakahawang Karamdaman. Para sa sino mang nanganganib na madapuan o maaaring manghawa ng karamdaman o sakit. Kompensasyon Para sa Mga Manggagawa. Para sa mga programang nagbibigay ng bayad-pinsala sa mga manggagawa. Tagapangasiwa ng Kalusugan. Para sa mga ahensyang nangangasiwa sa kalusugan na may legal na awtoridad, magsagawa ng awdit, imbestigasyon, at inspeksyon. Kasama sa mga gawaing ito ay ang sistemang pangkalusugan, gobyernong programang benebisyo, karapatang pang-sibil, at mga programang pinamamahalaan ng gobyerno. Iniutos ng Batas. Para sa pamahalaan at mga kasapi nito ayon sa batas pederal o ng estado (kabilang ang DoD at mga tuntunin ng Military Department). Halimbawa, maaaring kinakailangan naming isiwalat ang iyong PHI sa Kagawaran ng Kalusugan at Palingkurang Pantao (HHS) na nagiimbestiga ng mga paglabag ng HIPAA o sa Inspector General ng DoD na nagmamatnugot ng iba pang mga imbestigasyon. Mga Hakbang na Legal. Para sa mga partido at kasapi sa mga pamamaraan ng korte at ahensyang pampangasiwaan, pati na ang pagsagot sa utos ng korte o subpena. Mga Bilanggo. Para sa bilibid hinggil sa mga bilanggo. Mga Koroner, Direktor ng Punerarya, at Pagbibigay ng Organo. Para sa mga koroner, mga medikal eksaminer, o direktor ng punerarya, upang alamin ang dahilan ng kamatayan o sa pagganap ng iba pang tungkulin. Ang PHI ay maaari ding gamitin at isiwalat para sa donasyon ng mga organong bangkay, mata o hilatsa. Pagpapatupad ng Batas. Para sa mga alagad ng batas. Halimbawa, para imbestigahan ang krimen na may kaugnayan sa MHS o mga pasyente. Pananaliksik. Para sa mga mananaliksik. Ang MHS ay sinisiyasat ang mga panukalang pansaliksik at protokol upang manatiling pribado ang iyong PHI na isiniwalat para sa gawaing pananaliksik. Maiwasan ang mga Banta. Upang maiwasan o maibsan ang malubha at namimintong panganib sa kalusugan o kaligtasan ng isang tao o buong publiko.

Mga Pagsisiwalat ng Planong Pangkalusugan. Para sa mga partidong nangangailangan ng iyong PHI na hangaring pangalagaan ang kalusugan tulad ng pagtatala, pagpapatunay ng katanggapan, pagsasaayos ng nasasakupan, o iba pang benepisyong programa. Mga Menor de Edad at Iba Pang Kinatawang Benepisyado. Para sa mga magulang, tagapagalaga, at iba pang personal na kumakatawan, naaalinsunod sa batas ng estado kung saan makakamtan ang panggamot. Paano Namin Maaaring Gamitin o Isiwalat ang Iyong PHI Maliban kung Ikaw ay Hindi Sumang-ayon Listahan ng MTF. Para sa mga taong nagtatanong tungkol sa iyo sa isang MTF (ang pagbigay ng impormasyon ay limitado sa iyong ngalan, kung saan ka tumatanggap ng pangkalusugang pangangalaga, at ng iyong pangkalahatang kondisyon). Maaari din naming ipaalam sa klero ng iyong kinabibilangang relihiyon. Mga Indibidwal na Kalahok sa Pangangalaga ng Iyong Kalusugan. Para sa mga sumusunod na tao o kasapi: Miyembro ng iyong pamilya, o kahit sino man na iyong kinilalang may kaugnayan sa iyo habang nabubuhay o sa dahilang kamatayan, sa iyong pangkalusugang pangangalaga o kabayaran para sa pangangalaga, maliban lang kung malinaw sa amin na ang namatay ay hindi sumang-ayon. Isang taong responsable para sa iyong pangangalaga na kailangang malaman ang iyong kinaroroonan, pangkalahatang kondisyon, o kamatayan. Isang awtorisadong kasapi na maaaring makatulong sa panahon ng kalamidad. Mga Paggamit at Pagsiwalat na Nangangailangan ng Iyong Awtorisasyon Anumang paraan ng paggamit o pagsiwalat ng iyong PHI na hindi nailarawan sa notisyang ito ay kinakailangang may kasulatang awtorisasyon. Ilan sa mga paraan at pagsiwalat, kahit na kasama sa notisyang ito, ay hindi pahihintulutan kung walang kasulatang awtorisasyon. Kabilang sa mga ito ay tatlong gawain kung saan ang MHS ay hindi sumasabwat: Pagbahagi ng iyong mga sikoterapiyang nota sa ibang partido na walang kinalaman sa iyong pangangalaga Pagpapadala ng impormasyon para himukin ka na bumili na produkto sakaling kami ay bayaran upang ipadala ang impormasyon o magbigay-alam. Pagbebenta ng iyong PHI Kapag pinahintulutan mo kaming ibahagi ang iyong PHI, maaari mong bawiin ang iyong pahintulot kahit kailan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa iyong MTF HIPAA Privacy Officer; ngunit ang pagbawi mo ay maisakatuparan lamang sa impormasyong hindi pa nasiwalat. Ang Iyong Mga Karapatan Hinggil sa Iyong Impormasyong Pangkalusugan Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na karapatan sa pamamagitan ng nakasulat na kahilingan sa iyong Pribadong Opisyal sa MTF. Kapag ang iyong kahilingan ay walang kaugnayan sa MTF, basahin ang Contact Us na pahina sa TRICARE website, na magbibigay ng karagdagang

impormasyon kung papaano ipapadala ang iyong kahilingan. Depende sa iyong kahilingan, maaaring may karapatan ka rin sa loob ng Privacy Act ng 1974. Karapatang Siyasatin at Kopyahin. Sa pahintulot ng batas, maaari mong siyasatin at humiling ng kopya ng iyong talaang medikal at kabayaran (kasama na ang mga elektronik na kopya, sakaling pinanatili ang elektronik na talaan). May karapatan kang hilingin na direktang ipadala sa partidong may pahintulot mula sa iyo, kagaya ng iyong manggagamot. Maliban sa mga limitadong sitwasyon, maaaring tanggihan ang iyong kahilingan o bahagi nito, subalit, ipapaalam namin ang dahilan sa pamamagitan ng kasulatan at ipapaliwanag ang iyong karapatang suriin muli, kung meron man. Karapatang Humiling ng mga Restriksyon. Maaaring hilingin sa aming ipagbawal na ipamahagi ang iyong PHI para sa panggagamot, pagbayad o anumang operasyong pangkalusugang pangangalaga. Maaari mo ring hilingin na limitahan ang impormasyon na aming ibabahagi sa sinumang kasali sa iyong pangangalaga o sa pagbabayad ng iyong pag-alaga. Sa iyong paghiling, kailanganag banggitin ang mga impormasyong nais mong ipagbawal, at kung kanino ang paghihigpit matutungod. Alin man sa MTF o DHA ay hindi kailangang tumugon sa iyong kahilingan. Hindi namin itatanggi ang kahilingang nais mong higpitan ang pagsiwalat ng iyong PHI sa isang pangkalusugang plano (kasama ang pangkalusugang plano ngtricare), kung nauukol ang PHI sa pangangalaga na kusa mong binayaran nang buo. Hindi namin ipapamahagi o gagamitin ang iyong PHI na lalabag sa anumang restriksyon na aming sinang-ayunan, maliban lang kung ang iyong PHI ay kinakailangan sa paggamot sa panahon ng kagipitan. Ikaw, ang MTF o DHA ay may pahintulot na alisin ang napagkasunduang restriksyon kahit kailan, kapag may kasulatang kahilingan. Karapatang Humiling ng Lihim na Pag-ugnay. Maaari kang humiling na makipag-ugnay kami sa iyo sa ibang pamamaraan o kaya y sa isang lugar (hal., sa bahay lamang o sa pamamagitan ng koreo lamang). Pahihintulutan namin ang mga makatwirang kahilingan. Karapatang Humiling na Susog. Maaaring humiling ng susog sa iyong PHI kung naniniwala kang merong pagkakamali. Kinakailangang ipagpaalam sa amin kung ano ang gusto mong iwasto o idagdag sa iyong impormasyon at kung bakit. Kapag matugunan namin ang kahilingan, itatama o idadagdag ang impormasyon sa iyong PHI. Kapag hindi namin maaprubahan ang kahilingan, bibigyan ka namin ng dahilan at ipapaliwanag ang iyong karapatang magharap ng kasulatang di pagsang-ayon. Karapatan sa Salaysay ng Pagsiwalat. Maaaring humiling ng salaysay na kung kailan isiniwalat ang iyong PHI sa labas ng MHS subalit hindi kasali dito ang ilang mga pagsiwalat (hal. pagpapagamot). May karapatan kang makatanggap ng isang salaysay sa loob ng 12 buwan nang walang bayad. Maaari kaming sumingil ng bayad kapag humiling ka ng dagdag na salaysay. Nilalaman dapat ng iyong kahiligan ang sakop na panahon na iyong nais matanggap, na maaaring hanggang anim na taon bago sa petsa ng iyong kahilingan. Mga Reklamo Kung may paniwala ka na ang MTF o iba pang kasaping MHS ay lumabag sa mga Pribadong Tuntunin ng HIPAA, maaari magsalansan ng kasulatang reklamo sa iyong MTF HIPAA Privacy Officer, ang DHA Privacy and Civil Liberties Office, o HHS. Hindi kami maaaring kumilos laban sa iyo sa kadahilang pagreklamo.

Pagkalapat ng Impormasyon Maaaring kang makipag-ugnay sa ang iyong MTF HIPAA Privacy Officer sa adres at numero ng telepono na nakasaad sa MTF Locator sa internet o sa DHA Privacy and Civil Liberties Office para sa iba pang impormasyon tungkol sa proseso ng paghahain ng reklamo, o para sa karagdagang paliwanag ng notisya na ito. Ang opisina ng DHA Privacy and Civil Liberties ay maaaring matawagan sa telepono numero (703) 275-6363 o : DHA Privacy and Civil Liberties Offices 7700 Arlington Boulevard Suite 5101 Falls Church, VA 22042 Pagkilala at Pagtanggap ng Notisya Na Ito Ikaw ay maaaring hilinging pumirma na natanggap mo ang notisya na ito. Sakaling piliin mong tanggihan ang pagpirma, ang MHS ay magbibigay pa rin ng pangangalaga sa iyong kalusugan, at ang iyong mga karapatang isinaad sa notisyang ito ay hindi maapektuhan.