Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

Similar documents
Pag-access at Pagbabago ng mga Rekord ng Kalusugan

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Atlantic Health System

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

RIVERSIDE TRANSIT AGENCY PAMAMARAAN SA IMBESTIGASYON NG REKLAMO NG TITLE VI

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

PANGKALAHATANG ABISO SA PRIVACY NG PERSONAL NA IMPORMASYON NG EMPLEYADO

Unang Hakbang MGA INIAATAS NA KUWALIPIKASYON

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Financial Assistance Documents

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Iba pang mga wika at format

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Direktoryo ng Provider at Parmasya

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

NOTISYA NG MGA PRIBADONG KASANAYAN

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

Kagawarang May-ari: Pananalapi Petsa ng Pagkakabisa: Hulyo 1, 2017 Tagapag-ingat: Punong Opisyal na Pahina: 1 ng 16

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

ADVENTIST MIDWEST HEALTH ANYONG PATAKARAN Kategorya Mga Serbisyo ng Pasyente sa Pinansiyal

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) Title VI

APPLICATION PARA SA CALFRESH, TULONG NA PERA, AT/O MEDI-CAL/MGA PROGRAMA SA PANGANGALAGA SA KALUSUGAN

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Pamamahala sa Social Security Mahalagang Impormasyon

Advance Directive - ALASKA

Sinusuportahang Pagtatrabaho sa pamamagitan ng DOR: Fact Sheet ng Pagkanararapat at Nasasaklawan ng mga Serbisyo

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Petsa ng simula ng paghihintay (MM/DD/YYYY)

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

Mga Pambuong Sistemang Administratibong Patakaran at Proseso ng The Queen s Health Systems

National Community Benefit

PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE

EBIDENSYA NG SAKLAW CARE1ST CAL MEDICONNECT PLAN MGA COUNTY: LOS ANGELES AT SAN DIEGO. Care1st Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

I. LAYUNIN PATAKARAN. Pamagat: Patakaran sa Tulong Pinansyal. Patakaran Pamamaraan Alituntunin Iba pa: Saklaw: Sistema Departamento:

2018 Buod ng Mga Benepisyo

Isang Guide para sa Naturalisasyon

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

PETSANG MAY BISA: 01/01/2016 PETSA NANG NIREBISA: 06/27/2017. Financial Assistance Policy (Patakaran para sa Pinansiyal na Tulong)

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

Sistema Administratibo

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Ang Sistema sa Kalusugan ng Johns Hopkins Patakaran at Pamamaraan

Orihinal na Epektibong Petsa: Enero 2013 Huling Petsa ng Rebisyon: Oktubre 2015 Epektibong Petsa ng

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

Programa sa Bawas na Pamasaheng Pang May-Kapansanang, May Larawang Card ng Pagkakakilanlan

Paunawa ng mga Pamprotektang Hakbang sa Proseso Binago Oktubre 2016

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Patakaran sa Proteksyon ng Whistleblower

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

PERSONAL NA PAGSAKOP PARA SA MGA MAY-ARI NG NEGOSYO

Mga Pananggalang na Pamamaraan Mga Karapatan ng Magulang

Opisina ng Pagtatanggol para sa Saykayatrikong Pasyente

Talaan ng mga Nilalaman

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Koleksiyon ng mga kailangan at

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Welcome sa Swedish. Welcome to Swedish. Handbook ng Pasyente at Pamilya. Patient and Family Handbook (Tagalog)

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Ang lahat ng iba pang impormasyon at benepisyo ay hindi magbabago gaya ng isinasaad sa inyong 2016 na Handbook ng Miyembro.

GRADE VI GAMIT NG GRID

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Oops... Ingat sa Lansangan

Medi-Cal. Taon ng Benepisyo Handbook ng Miyembro ng Medi-Cal para sa

Pag-unawa sa Pamamaraan ng Pagtasa, Karapatan, at Pang-isahang Programa sa Edukasyon ng Maryland

1(415) TDD 1(415)

EMERGENCY TOOLKIT 2017

Ang Makisig at Hangal na Hari

Valley View Senior Homes Interseksyon ng Natalie Ln at Theresa Ave, American Canyon, CA (510)

ISANG GABAY SA KALIGTASAN MGA MAPAGKUKUNAN AT IMPORMASYON PARA SA MGA BIKTIMA NG KAHARASAN SA TAHANAN

Mahalagang impormasyong legal, mga paghahayag, at mga patakarang kailangan ninyong malaman

Form NLRB-707 (4-2015) Estados Unidos ng Amerika Lupon ng Pambansang Ugnayan ng Paggawa ABISO NG HALALAN

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

ANG MISYON ANG AMING MGA KLIYENTE AY MGA TAONG MAY KAPINSALAAN

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Ang Bagong Sistema ng mga Karapatang Pantao ng Ontario

Transcription:

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California Mayo 2014, Publication #CM47.08 1. May karapatan ba ako ng pagkapribado para sa impormasyon ng aking kalusugan? Oo. Sa pangkalahatan, dapat kang magbigay ng pahintulot bago maibunyag ang impormasyon tungkol sa iyong kalusugan. Gayunman, may malaking bilang ng mga eksepsyon. 2. Paano akong magbibigay ng pahintulot para maibunyag ang aking protektadong impormasyong pangkalusugan? Makapagbibigay ka ng pahintulot sa pamamagitan ng paglagda ng authorization form. Ang mga probisyon ng pagkapribado ng batas ng Health Insurance Portability and Accountability Act (HIPAA) ng pederal at California law ay kailangan ng ilang bagay-bagay na kailangang nasa authorization form. Para magsimula, ang form ay kailangang may sumusunod na impormasyon: 1. Ang pangalan o paglalawaran ng tao o entidad na nagbibigay ng impormasyon. (Maaari itong maging isang partikular na pangalan, tulad ng Dr. Jones, o isang malawak na paglalarawan, tulad ng sinuman o lahat ng medical care provider. )

2. Ang pangalan o paglalawaran ng tao o entidad na tatanggap ng impormasyon. (Maaari itong maging isang partikular na pangalan, tulad ng Dr. Jones, o isang malawak na paglalarawan, tulad ng sinuman o lahat ng medical care provider. ) 3. Isang paglalawaran ng impormasyon na gusto mong ibunyag. (Maaari itong maging isang partikular na paglalarawan, tulad ng medikal na report na may petsang Hunyo 5, 2010, o isang pangkalahatang paglalarawan, tulad ng lahat ng tala ng progreso, o lahat ng medikal na impormasyon. 4. Isang paglalarawan ng bawat layunin para sa paggamit o pagbubunyag ng impormasyon. (Maaari itong maging isang partikular na dahilan, tulad ng para kay Dr. Jones na magkaloob ng pagkonsulta, o isang pangkalahatang dahilan, tulad ng sa aking kahilingan. Ang mahalaga ay ang form ay dapat na nakaakma sa kung ano ang gusto mong ibunyag, walang labis, at walang kulang. Dapat din bigyan ka ng abiso ng authorization form ng sumusunod: 1. Abiso na ang indibidwal o entidad na sasailalum sa HIPAA ay hindi maaaring magkundisyon ng paggagamot, pagbabayad, pagpapalista, o pagkanararapat para sa mga benepisyo sa kung lalagdaan mo man o hindi ang authorization, maliban lang kung lalapat ang isang eksepsyon. 2. Abiso na ang authorization ay boluntaryo. 3. Abiso na mayroon kang karapatan na bawiin ang authorization nang nakasulat kasama ang anumang eksepsyon sa karapatang bawiin. 4. Abiso na mayroon kang karapatan na tumanggap ng kopya ng autorization. 5. Abiso na ang impormasyong ibinunyag alinsunod sa authorization ay maaaring sumailalim sa muling pagbubunyag ng tatanggap ng impormasyon at maaaring hindi na protektado sa ilalim ng HIPAA. (Tandaan: Sa California, ang impormasyon ay hindi maaaring ibunyag ng tatanggap ng impormasyon.) Sa panghuli, ang authorization form ay kailangan ding may pagsunod dito upang maging balido: 1. Isang petsa ng expiration. (Bilang halimbawa: Hunyo 20, 1995, o isang taon mula sa petsa ng authorization na ito. ) 2. Ang iyong lagda. O ang lagda ng iyong personal na kinatawan, tulad ng: a. Iyong ahente para sa pangangalagang pangkalusugan kung nagtalaga ka ng ahente sa ilalim ng matibay na power of attorney para sa pangangalagang pangkalusugan. Page 2 of 12

b. Iyong tagapag-alaga o tagapag-ingat kung ang tagapag-alaga o tagapag-ingat ay awtorisadong gumawa ng mga desisyon sa pangangalagang pangkalusugan sa ngalan mo. c. Iyong magulang o tagapag-alaga kung ikaw ay isang menor na bata at wala kang kakayahan na magpahintulot sa medikal na paggagamot. 3. Petsa ngayong araw. Ang mga talang psychotherapy ay kailangan ng magkahiwalay na pagbubunyag. Sa lahat ng kaso, pinakamabuti na gumamit ng magkahiwalay na form ng pagbubunyag para sa bawat health care provider upang maprotektahan ang pagkakumpidensyal. 3. Sino ang nasasaklawan ng HIPAA? Sa ilalim ng batas pederal ang mga sumusunod na entidad ay dapat sundin ang HIPAA: - Mga health care provider. Sinumang tao o organisasyon na nagkakaloob, nagbi-bill, o binabayaran para sa pangangalagang pangkalusugan sa normal na takbo ng negosyo na naghahatid ng anumang impormasyong pangkalusugan nang de kuryente na may kinalaman sa: mga claim ng health care o katumbas ng nakatagpong impormasyon; paalaala ng bayad at remittance ng health care; koordinasyon ng mga benepisyo; kalagayan ng claim ng health care; pagpapalista o pag-aalis sa pagkakalista sa isang health plan; pagkanararapat para sa isang health plan; mga bayd ng premium ng health plan; sertipikasyon at authorization ng referral. - Mga health plan. Anumang indibidwal o group plan (o kumbinasyon) na nagkakaloob, o nagbabayad para sa gastos, ng pangangalagang medikal. - Mga health care clearinghouse. Anumang entidad na nagsasalin ng nilalaman ng datos o format para sa iba pang entidad mula sa nonstandard hanggang sa standard o baliktaran. Tingnan ang 45 C.F.R. 160.102;164.103; 164.500;162.1101 162.1802 4. Maibubunyag ba ang aking impormasyong pangkalusugan nang wala ang aking pahintulot? Oo. Sa ilang kaso. Ang mga isang pangunahin ay ipinapaliwanag sa ibaba. Page 3 of 12

Kinakailangan ng pagbubunya sa ilalim ng batas ng estado. Ang iyong protektadong impormasyong pangkalusugan ay maaaring ibunyag kung inuutos ng batas ng estado. Narito ang dalawang halimbawa: - Inuutos ng batas ng estado na ang impormasyon at mga tala na nakuha sa kurso ng pagkakaloob ng mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip sa ilalim ng Lanterman-Petris-Short Act at ilang estado at mga programa ng lokal na kalusugan sa pag-iisip at kapansanan sa paglinang ay kailangang ibigay sa mga korte, bilang kinakailangan sa pagbibigay ng katarungan. Welfare and Institutions Code Section 5328(f). - Inuutos ng batas ng estado ang pagrereport sa pang-aabuso sa bata, pang-aabuso sa matanda, at pang-abuso sa umaasang may sapat na gulang ng ilang health care at social service provider. Pagbubunyag na kailangan sa paggagamot, pagbabayad, o mga operasyon sa pangangalagang pangkalusugan. Bilang karagdagan, nagkakaloob ang HIPAA ng napakalawak na pangkalahatang eksepsyon sa pahintulot sa inuutos na pagbubunyag. Pinapayagan ng HIPAA ang pagbubunyag nang walang pahintulot para sa sumusunod na tatlong layunin: 1. Paggagamot. 2. Pagbabayad. 3. Mga operasyon sa pangangalagang pangkalusugan. Nangangahulugan ito na ang iyong doktor ay maaaring makipagkonsulta sa iba pang doktor tungkol sa iyong paggagamot. Nangangahulugan din ito na ang iyong mga health care provider ay maaaring magpadala ng mga medikal na report tungkol sa iyo sa mga kumpanya ng insurance kung ang mga report ay kinakailangan upang bayaran ang provider. Ang impormasyon tungkol sa iyong pangangalagang pangkalusugan ay maaari rin gamitin ng aming medical provider para sa mga operasyon sa pangangalagang pangkalusugan, tulad ng sa pagpapabuti ng kalidad o repaso ng paggamit. Pagbubunyag para Maiwasan ang Pinsala Hindi pinapayagan ng HIPAA ang isang nasasaklawang entidad na magbunyag ng pampublikong impormasyong pangkalusugan, kabilang ang mga tala ng psychotherapy, kapag ang nasasaklawang entidad ay, tapat, naniniwala na ang Page 4 of 12

paggamit o pagbubunyag ay kailangan para maiwasan o mabawasan ang isang malala at napipintong banta sa kalusugan o kaligtasan ng isang tao o ng publiko at makatwiran sa isang tao o mga tao na maiwasan o mabawasan ang banta, kabilang ang puntirya ng banta. Dapat din maging naaalinsunod ang pagbubunyag sa nalalapat na batas at mga pamantayan ng etikal na pag-uugali. Tingnan ang 45 C.F.R. 164.512(j)(1)(i). 5. Mayroon bang mga limit sa pagbubunyag para sa paggagamot, pagbabayad o mga operasyon sa pangangalagang pangkalusugan? Oo. Narito ang mga halimbawa. Impormasyon na sinag-ayunan ng health care provider na pananatilihing kumpidensayl sa iyong kahilingan. Ang impormasyon na ito ay maaari lamang ibunyag nang wala ang iyong pahintulot kung kailangan mo ng emergency na medikal na paggagamot. Mga tala ng psychotherapy. Hindi maaaring ipalabas ang mga tala ng psychotherapy nang wala ang iyong pahintulot maliban lang sa ibang provider sa programa ng organisasyon ng iyong provider sa pagsasanay sa kalusugan ng pag-iisip na nagkakaloob ng paggagamot sa iyo. Ang mga tala ng psychotherapy ay mga tala na dinodokumento o inaanalisa ang mga nilalaman ng iyong pag-uusap sa panahon ng pribado, grupo, o magksama o pangpamilyang sesyon ng pagpapayo at mga hinihiwalay sa natitira ng iyong medikal na rekord. Ito ay napakalimitadong kategorya. Hindi isinasama sa mga tala ng psychotherapy ang anumang ibang rekord kabilang ang mga rekord ng gamot, mga buod ng pagpapa-ospital o paglabas, mga tala sa nursing, mga medikal na report, o impormasyong kinakailangan para sa pag-bill ng kumpanya ng insuran para sa mga serbisyo. Impormasyon sa serbisyo at paggagamot sa kalusugan ng pagiisip/kapansanan sa paglinang. Ang impormasyon at mga rekord na nakuha sa kurso ng pagkakaloob ng mga serbisyo sa kalusugan sa pag-iisip sa ilalim ng Lanterman-Petris-Short Act at ng iba-ibang estado at mga lokal na programa ay hindi maaaring ibunyag sa labas ng pasilidad ng provider nang wala ang iyong pahintulot maliban lang kung ibinibunyag ang impormasyon para sa emergency na medikal na paggagamot o Page 5 of 12

ibinubunyag sa isang provider na may medikal o psychological na responsabilidad sa iyo. Impormasyon sa paggamit ng sustansiya Ang impormasyon sa paggamit ng droga at alkohol ay maaaring hindi ilabas sa isang provider sa labas ng organisasyon ng provider nang wala ang iyong pahintulot maliban lang sa emergency na medikal na paggagamot. Bilang karagdagan, kung ang tumatanggap ang provider ng pagpopondo ng pederal, ang impormasyon ng paggamit ng droga at alkohol ay maaaring hindi ilabas sa isang provider sa labas ng organisasyon ng provider nang wala ang iyong pahintulot maliban lang sa emergency na medikal na paggagamot, at maliban lang sa isang central registry, detoxification o programa ng paggagamot na mababa sa 200 milya ang layo, para sa layunin na pigilan ka sa pagpapalista sa maraming programa. Impormasyon sa HIV test. Ang impormasyon ng HIV test ay hindi maaaring ibunyag maliban lang sa iyong health care provider para sa layunin ng paggagamot, at maliban sa county bilang bahagi ng sistema sa pagrereport ng nakakahawang sakit. 6. Sino ang mahihilingan ko na ibunyag ang impormasyon ng aking kalusugan. Halos sinuman. Kabilang dito ang mga health care provider, ang iyong ahente para sa health care kung nagtalaga ka ng isa sa ilalim ng matibay na power of attorney, isang abogado o iba pang awtorisadong kinatawan na hiningan mo ng tulong, o isang kaibigan o miyembro ng pamilya. Maaari mo rin repasuhin at kumuha ng mga kopya ng sarili mong impormasyong pangkalusugan. Ikaw o ang iyong awtorisadong kinatawan ay dapat gumawa ng nakasulat na kahilingan para inspeksyunin at/o para tumanggap ng mga kopya ng iyong mga rekord. H&SC 123110(a), (b). Ang kahilingan para sa mga kopya ay dapat tukuyin ang mga rekord na kokopyahin. H&SC 123110(b). Dapat payagan ng health care provider ang pag-access sa mga rekord sa panahon ng mga regular na oras ng negosyo sa loob ng lima (5) araw na may trabaho pagkatapos matanggap ang nakasulat na kahilingan. H&SC 123110(a). Kung ikaw o ang iyong awtorisadong kinatawan ay gagawa ng kahilangan para sa mga kopya ng lahat o bahagi ng isang file, dapat i-transmit ng health care Page 6 of 12

provider ang mga kopya sa loob ng labinglimang (15) araw pagkatapos matanggap ang nakasulat na kahilingan. H&SC 123110(b). Bago ibigay ang mga kopya ng mga rekord sa humihingi, maaaring utusan ng provider ang humihingi na magbayad: gastos sa pagkopya, na hindi lalampas sa dalawamput limang sentimo ($.25) kada pahina o limampung sentimo ($.50) kada pahina para sa mga rekord na kinopya mula sa microfilm, at anumang karagdagang makatwirang mga klerikal na gastos na babayaran sa paglalaan sa mga rekord. H&SC 123110(b). Bilang karagdagan, maaaring maningil ang health care provider ng makatwirang bayad batay sa aktuwal na oras at gastos sa paghahanda ng isang buod alinsunod sa isang kahilingan ng pasyente para sa pag-access sa kanyang mga rekord. H&SC 123130(f). Gayunman, ang isang provider ay hindi maaaring maningil ng mga kopya kinakailangan para suportahan ang isang apela para sa mga benepisyo ng Social Security Disability Insurance (SSDI), Supplemental Security Income (SSI) o Medi-Cal, kung ang kahilingan para sa mga rekord at patunay ng apela ay ibinibigay sa provider nang nakasulat. H&SC 123110(d)(1). Dapat ipagkaloob angmga rekord sa loob ng 30 araw ng nakasulat na kahilingan. H&SC 123110(f). Isang kopya lamang ng kaugnay na mga bahagi ng mga rekord ang dapat ibigay nang walang bayad. H&SC 123110(d)(2). Ang mga Kauganay" na rekord ay mga rekord sa umpisa ng petsa ng inisyal na aplikasyon para sa mga benepisyo at nagtatapos kapag ginawa na ang pangpinal na desisyon sa anumang apaela. H&SC 123110(d)(1). Ang isang provider ay hindi kailangang magkaloob ng mga rekod na walang bayad kung ang pasyente ay kinakatawan ng isang pribadong abogado (abogado bukod sa isang entidad na hindi kumikita sa legal na mga serbisyo). H&SC 123110(d)(3). Kung matagumpay ang apela, maaaring i-bill ng provider ang pasyente para sa mga rekord sa mga bayad na tinukoy sa itaas. H&SC 123110(e). 7. May mga limit ba sa aking karapatan para inspeksyunin o kopyahin ang sarili kong mga rekord na pangkalusugan? Oo, may ilang mga limit. Sa pangkalahatan, maaari ka lamang matanggihan sa pag-access kung ang pag-access ay malamang na malalagay ang buhay ng isang tao o pisikal na kaligtasan sa panganib. Page 7 of 12

Sa ilalim ng mga regulasyon ng pagkapribado ng HIPAA, kung tatanggihan ng provider na payagan ang pag-access sa mga rekord, dapat magbigay ang provider ng nakasulat na pagtanggi. Ang nakasulat na pagtanggai ay dapat maglaman ng sumusunod na impormasyon: a. ang batayan sa pagtanggi; b. ang karapatan na repasuhin ng isang lisensyadong dalubhasa sa pangangalagang pangkalusugan na itinalaga ng provider (kabilang ang paglalarawan ng kung papaanong gamitin ang karapatan na marepaso); c. ang karapatan na maghain ng reklamo sa provider, at ang karapatan na maghain ng reklamo sa Department of Health and Human Services Office for Civil Rights. Ipinagkakaloob ng batas ng California na hindi kailangan ng provider na pumayag sa pag-access sa ibinigay na impormasyon bilang kumpiyansa sa provider sa pamamagitan ng isang tao bukod sa iba pang health care provider o sa pasyente. Kinukundisyon ng mga regulasyon ng pagkapribado ng Federal HIPAA na ang impormasyong ito ay maaaril lamang ipagkait kung ang pagbubunyag ay magiging "makatwirang malamang na maibubunyag ang pinanggagalingan ng impormasyon. 164.524(a)(2)(v). 8. Kung naglalaman ang aking mga rekord ng impormasyon na hindi tumpak maaari ko bang hilingan ang provider na itama ang mga rekord? Oo. Una, dapat mong hilingan ang provider na baguhin ang iyong mga rekord. Maaaring hilingin ng provider na isulat ang iyong kahiligan at kabilang nito ang dahilan para sa kahilingang pagbabago, ngunit dapat kang abisuhan ng provider sa mga kinakailangang ito bago mo gawin ang kahilingan. Walang limit sa oras sa paghiling ng pagbabago. Maaari kang humiling ng pagbabago hanggat sa umiiral ang iyong mga rekord. Dapat umakto ang provider sa iyong kahilingan sa loob ng 60 araw. Ang provider ay maaaring magkaroon ng 30 araw na ektensyon kung binibigyan ka ng provider ng nakasulat na pahayag ng mga dahilan para sa antala at sa petsa kung saan ang aksyon ay makukumpleto. Kung sumasang-ayon ang provider na babaguhin ang iyong mga rekord, ang provider, sa pinakamababa, ay kikilalanin ang rekord na babaguhin at alinman ay babaguhin ang pagbabago sa rekord na iyon o magbibigay ng link sa Page 8 of 12

pagbabago. Dapat din abisuhan ka ng provider na nagawa na ang pagbabago, at nakuha ang iyong pahintulot para paalamanan ang iba na nakatanggap sa mga rekord na kinukuwestiyon. Dapat ibigay ng provider ang pagbabago sa mga tao na iyong ipinaalam sa provider na nakatanggap sa mga rekord na kinukuwestiyon, at sa mga tao na alam ng provider na may roong impormasyon at kung sino ang aasa sa impormasyon sa iyong kapinsalaan. 45 C.F.R. 164.526(c)(3). Ang mga provider na tumatanggap sa pagbabago ay dapat din baguhin ang mga rekord na hinahawakan ng provider. Maaaring tanggihan ng provider ang iyong kahilingan para sa pagbabago kung naniniwala ang provider na ang rekord ay tumpak at kumpleto. Maaari rin tanggihan ng provider ang iyong kahilingan para sa pagbabago kung hindi nilikha ng provider ang rekord na kinukuwestiyon (malaiban lang kung ang lumikha ng rekord ay hindi na magagawang umakto sa isang kahilingan para sa pagbabago); o kung wala sa provider ang rekord na kinukuwestiyon; o wala kang karapatan sa pag-access sa rekord. Kung tatanggihan ng provider ang iyong kahilingan para sa pagbabago ng mga rekord, dapat bigyan ka ng provider ng pagtanggi nang nakasulat. Ang nakasulat na pagtanggi ay dapat maglaman ng sumusunod: a. Ang batayan para sa pagtanggi (hal., naniniwala ang provider na tumpak at kumpleto ang mga rekord). b. Abiso ng iyong karapatan na magsumite ng pahayag na hindi sumasangayon sa pagtanggi, at kung papaanong isumite ang pahayag. c. Abiso na kung hindi ka magsusumite ng pahayag na hindi sumasang-ayon sa pagtanggi, maaari mong hilingan ang provider na isumite ang iyong kahilingan para sa pagbabago, at ang pagtanggi ng provider, kasama ng anumang pagbubunyag ng mga rekord sa hinaharap. d. Isang paglalarawan kung papaano kang maghahain ng reklamo sa provider o sa Department of Health and Human Services Office for Civil Rights (OCR). Maaaring makatwirang limitahan provider ang haba ng isang pahayag ng hindi pagsang-ayon, ngunit dapat kang payagang magsama nang hanggang 250 salita. Maaaring maghanda ang provider ng nakasulat na sagot sa iyong pahayag ng hindi pagsang-ayon, ngunit dapat kang bigyan ng kopya ng provider. Kung ibubunyag ng provider ang iyong mga medikal na rekord, dapat isama ng provider ang iyong pahayag ng hindi pagsang-ayon sa pagbubunyag. Page 9 of 12

Bilang karagdagan, sa kabilang ng mga hinihingi ng HIPAA, pinapayagan ka ng batas ng California na magbigay sa iyong health care provider ng nakasulat na karagdagan hinggil sa anumang bagay o pahayag sa iyong mga rekord na pinaniniwalaan mong hindi kumpleto o hindi wasto. Ang karagdagan ay magiging limitado hanggang sa 250 salita kada sinasabing hindi kumpleto o hindi wastong bagay sa rekord ng iyong pasyente at dapat na malinaw na isaad nang nakasulat na gusto mong gawing bahagi ng iyong rekord ang karagdagan. 9. Ano ang magagawa ko kung nalalabag ang aking mga karapatan? Maaari kang maghain ng reklamo sa medical services provider. Dapat iproseso ng provider ang isang reklamo sa ilalim ng HIPAA para sa pagtanggi ng pagaccess, o sa pagtangging baguhin ang mga rekord. Maaari ka rin maghain ng rekalamo sa entidad ng tagalisensya para sa iyong provider. Ang impormasyon tungkol sa paglilisensya ng mga health providers ay nakalaan sa http://www.cdph.ca.gov/services/pages/complaintscaliforniahealthcare.aspx at http://www.mbc.ca.gov/consumers/#complaint. Ang mga reklamo para sa mga paglabag sa mga regulasyon ng pagkapribado ng federal HIPAA privacy ay maaaring ihain sa federal Department of Health and Human Services Office for Civil Rights (OCR). Ang address ay: Office for Civil Rights U.S. Department of Health & Human Services 90 7th Street, Suite 4-100 San Francisco, CA 94103 (415) 437-8310 (415) 437-8311 (TDD) (415) 437-8329 FAX Maaari kang bigyan ng OCR ng form para sa paghain ng reklamo. Matatagpuan din ang form ng reklamo sa internet sa http://www.hhs.gov/ocr/privacyhowtofile.htm. Ang mga reklamo ay dapat maihain nang nakasulat sa loob ng 180 araw sa petsa na nalaman mo o dapat mong nalaman ang paglabag. Dapat pangalan ng reklamo ang provider na paksa ng reklamo at ilarawan ang mga akto o mga hindi pagsali na lumalabag sa mga regulasyon. Ang OCR ay maaaring magpataw ng mga multang sibil at kriminal, ngunit hindi makapagkakaloob ng pera sa mga danyos sa isang Page 10 of 12

indibidwal. Ang karagdagang impormasyon ng HIPAA ay maaaring matagpuan sa http://www.hhs.gov/ocr/hipaa/. Kung kailangan mo ng tulong sa paghahain sa reklamo o may mga katanungan tungkol sa form ng reklamo, tawagan ang 1-800-368-1019. Hindi ka maaaring gantihan ng provider dahil sa paggamit sa mga karapatan sa ilalim ng HIPAA. Ang isang health care provider na kusang-loob na nilalabag ang mga inuutos ng California Health and Safety Code ay maaaring sumailalim sa mga multa, kabilang ngunit hindi limitado sa $100 na multa at pagsuspindi o pagbawi ng lisensya. Bilang karagdagan, ang isang pasyente, o isang kinatawan ng pasyente ay maaaring idemanda sa pag-access sa mga rekord. Ang umiiral na partido ay may karapatan sa mga gastos at makatwirang mga bayad sa abogado. Maaari ka rin magdemanda para sa mga aktuwal na pinsala kung ang isang lisensyadong provider na nawalan ng negosyo ay inabandona ang iyong mga rekord. (Ang mga provider na nawalan ng negosyo ay dapat itago ang mga rekord nang hindi bababa sa 7 taon at kahit hanggang sa maging 19 na anyos ang isang indibidawal. Ang mga lalabag sa batas ng California at sa mga regulasyon ng pagkapribado ng federal HIPAA ay maaari ring magpasimula sa isang aksyon ng kapabayaan laban sa isang provider para sa mga danyos na pera dahil ang batas at mga regulasyon ay nagtataguyod ng tungkulin ng pangangalaga sa bahagi ng mga medical service provider. 10. Saan ako makakakuha ng marami pang impormasyon? Sa U.S. Department of Health and Human Services, Office for Civil Rights (OCR) ay may napakamagandang website: http://www.hhs.gov/ocr/privacy/index.html. Sa State of California, Office of Health Information Integrity (OHHI) ay mayroon ding magandang website: http://www.ohii.ca.gov/calohi/privacysecurity.aspx. Maaaring matagpuan ang kapaki-pakinabang na impormasyon sa website ng pagkapribado ng kalusugan ng Center for Democracy and Technology: https://www.cdt.org/issue/health-privacy. Page 11 of 12

Ang DRC ay may kapaki-pakinabang na mga lathala sa pagkapribado at pagacces sa pangangalagang pangkalusugan: http://www.disabilityrightsca.org/pubs/publicationshealthbenefits.htm. Gusto naming makabalita sa iyo! Pagkatapos basahin ang pilas ng katotohanan na ito gawin ang maikling survey na ito at ibigay sa amin ang iyong feedback. Bersyon na Ingles: http://fs12.formsite.com/disabilityrightsca/form54/index.html Bersyon na Spanish: http://fs12.formsite.com/disabilityrightsca/form55/index.html Ang Disability Rights California ay pinopondohan ng iba t ibang pinagkukunan, para sa isang kumpletong listahan ng mga nagpopondo, pumunta sa http://www.disabilityrightsca.org/ Documents/ListofGrantsAndContracts.html. Ang California Mental Health Services Authority (CalMHSA) ay isang organisasyon ng mga gobyerno ng county na gumagawa para pabutihin ang mga kinalabasan ng kalusugan sa pag-iisip para sa mga indibidwal, pamilya at mga komunidad. Ang mga programa sa Prevention and Early Intervention na isinasagawa ng CalMHSA ay pinopondohan ng mga bansa sa pamamagitan ng inaprobahan-ng-botante na Mental Health Services Act (Prop 63). Prop. 63 ang nagkakaloob sa pagpopondo at kinakilangang framework para palawakin ang mga serbisyo ng kalusugan ng pag-iisip sa dating mga populayon ng hindi karapat-dapat at lahat ng magkakaibang komunidad ng California. Page 12 of 12