H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools
|
|
- Hugo Richardson
- 5 years ago
- Views:
Transcription
1 Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA 5 Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2 Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE). Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines. This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal ( under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.
3 GRADE V KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA ALAMIN MO Sa panahon ng Ikatlong Republika, muling nagkaroon ng pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Nagkaroon ng iba t-ibang suliranin dulot ng katatapos na digmaan. Ang mga nanungkulang pangulo sa panahong ito ay ang naglunsad ng iba t-ibang programa at palatuntunan upang mapaunlad ang kabuhayan ng bansa. Naging aktibo rin ang mga kababaihan sa panahong ito. May iba t-ibang bahagi silang ginampanan sa paglutas ng mga suliraning panlipunan. Ito ang tatalakayin natin sa modyul na ito. Game ka na ba? PAGBALIK-ARALAN MO Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong notebook. 1. Ano ang mahalagang nagawa ng pamahalaang Komonwelt para sa mga kababaihan? 2. Ano ang kahalagahan ng sumusunod na mga petsa? a. Abril 30, 1937 b. Disyembre 14, 1937 c. Nobyembre 11,
4 PAG-ARALAN MO Basahin at unawain mo ang teksto sa ibaba. Bahaging Ginampanan ng mga Kababaihan Ang mga kababaihan sa panahong ito ay aktibong nakibahagi sa paglutas ng mga suliraning panlipunan. Ang dating pantahanan lamang ay lumabas at nakilahok sa mga gawaing nakatulong sa pag-unlad ng kabuhayan. May mga nagtayo ng negosyo at ang iba naman ay pumasok sa mga tanggapan at pabrika upang makatulong sa kita ng mag-anak. May mga babae rin na pumasok sa pulitika at mayroon ding mga gumawa ng lingkod-bayan. Narito ang ilan sa kanila: Geronima Pecson Aurora Quezon Francisca Reyes Aquino Anu-ano ang kanilang mga bahaging ginampanan para sa bayan? Geronima Pecson Malaki ang naging bahagi niya sa pagpapaunlad ng edukasyon. Bilang unang babaing senador, isinaalang-alang niya ang kapakanan ng mga guro sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng mga batas sa edukasyon tulad ng Batas sa Edukasyong Pang-elementarya ng 1953, Batas sa Edukasyong Bokasyunal, at batas na nagpapahintulot na makapagsanay ang mga guro sa mga paaralang pansining. Nagtatag din siya ng iba t-ibang samahang pansibiko at panlipunan. 2
5 Aurora Quezon Naging unang ginang siya ng Pilipinas sa panahon ng panunungkulan ni Manuel Quezon bilang pangulo ng bansa. Sa pagiging unang ginang ng bansa, ginugol niya ang kanyang panahon sa paglilingkod sa nangangailangan. Sa tulong niya, naitatag ang Assosacion de Damas Filipina. Isa itong institusyon na nangangalaga sa mga ulilang lubos at mga babaing naligaw ng landas. Kasama rin siya sa White Cross na tumutulong sa mga manggagawa at kanilang mga anak. Francisca Reyes Aquino Naging tanyag siya sa pagpapanatili ng katutubong sayaw at awiting Pilipino. Pinag-aralan niyang mabuti ang ating mga katutubong sayaw at tugtugin sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pagtungo sa malalayong bayan sa Luzon at Visayas. Gumawa siya ng aklat tungkol dito na ginagamit ngayon ng marami sa pagtuturo ng mga katutubong sayaw at awitin. Sila ay ilang halimbawa lamang ng mga babaing naghandog ng kanilang talino at paglilingkod para sa bayan. Sagutin mo: 1. Anu-ano ang mga bahaging ginampanan ng mga kababaihan sa Ikatlong Republika? 2. Magbigay ng halimbawa ng mga babaing naggugol ng panahon sa paglilingkod at pagkakawanggawa para sa mga Pilipino. PAGSANAYAN MO Isa-isahin ang mga nagawa ng mga babaing Pilipino sa iba t-ibang larangan. Mga Natatanging Babae Mga Nagawa para sa Bayan 3
6 TANDAAN MO Naging aktibo sa pagganap ng iba t-ibang bahagi ang mga kababaihan sa Ikatlong Republika sa pamamagitan ng pagkakawanggawa, pagbahagi ng talento, at pagtugon sa pangangailangan ng kapwa. ISAPUSO MO May mga kababaihan na nagkawanggawa para sa kanilang kababayan. Ikaw, may magagawa ka bang paglilingkod sa iyong kapwa? Ano ang naibahagi mo bilang munting mamamayan ng bansa? Itala mo ito. GAWIN MO Magtala ka ng mga kababaihang may nagawang malaking tulong at kapakinabangan sa inyong pamayanan. 4
7 Sa tabi ng kanilang pangalan isulat mo ang nagawang tulong nito sa inyong pamayanan. Halimbawa: Francisca Reyes Aquino - Nagpanatili ng katutubong sayaw at awiting Pilipino. PAGTATAYA Sipiin mo ang graphic organizer sa iyong notebook. Dito mo itala ang iyong sagot sa katanungang ito: Anu-ano ang bahaging ginampanan ng mga kababaihan sa Ikatlong Republiika? Mga Bahaging Ginampanan ng mga Kababaihan sa Ikatlong Republika 5
8 PAGPAPAYAMANG-GAWAIN Magsaliksik ng mga (5) kababaihang may katangi-tanging nagawa para sa bayan. Itala mo ito sa iyong kuwaderno. Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. 6
H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO 5 Department of Education BUREAU OF
More informationGRADE VI GAMIT NG GRID
GRADE VI GAMIT NG GRID ALAMIN MO Ito ang mundo. Matutukoy mo ba kung saan dito matatagpuan ang ating bansa? Halika, hanapin mo! Sa modyul na ito, matututuhan mo ang paggamit ng grid sa paghahanap ng tiyak
More informationH E K A S I ANG EDUKASYON SA PANAHON NG ESPAÑOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS ANG EDUKASYON SA PANAHON NG ESPAÑOL 5 Department of Education
More informationH E K A S I EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGAN SA KASALUKUYAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGAN SA KASALUKUYAN
More informationH E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS H E K A S I 6 MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA
More informationH E K A S I PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG HAPONES SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG HAPONES 5 Department of Education
More informationH E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? 5 Department of Education
More informationE P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS
Modified In School Off School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools E P P 4 SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL Department
More informationIka-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.
Naniniwala Kami Ika-13 Aralin II ANG IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" 'I Paq-eralen ayon sa I11gatuntunin na nasa pasimula ng unang aralin. 1. Paano natin dapat pakitunguhan ang ating mga magulang? ~ Kinakailangang
More informationH E K A S I PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL 5 Department of
More informationTagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?
Tagalog NATIONAL STANDARDS sa pagbabasa, pagsusulat at matematika Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan? The New Zealand Curriculum Ano ang National Standards? Simula 2010, ang lahat ng mga paaralan
More informationH E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS H E K A S I 6 BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN Department of Education
More informationH E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools
Modified In School Off School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I 4 Distance Education for Elementary Schools SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS Department of
More informationH E K A S I MGA BATAS SA PAGPAPAUNLAD NG ATING KULTURA SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools
Modified In School Off School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I 4 Distance Education for Elementary Schools SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS MGA BATAS SA PAGPAPAUNLAD NG ATING KULTURA Department of Education
More informationGRADE VI KONTRIBUSYON NG MGA PILIPINO SA MGA SAMAHANG PANREHIYON AT PANDAIGDIG
GRADE VI KONTRIBUSYON NG MGA PILIPINO SA MGA SAMAHANG PANREHIYON AT PANDAIGDIG ALAMIN MO Suriin mo ang larawan. Ano kaya sa palagay mo ang kanilang pinag-uusapan? May kahalagahan bang magagawa ang kanilang
More informationPOINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikatlong Markahan
ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Mga Batayang Impormasyon tungkol sa Sariling Paaralan Ang Pisikal na Kapaligiran ng Paaralan Epekto ng Pisikal na Kapaligiran ng Paaralan sa Sariling Pag-aaral Ang mga Taong
More informationH E K A S I KAHALAGAHAN NG BATAS SA PAG-UUGNAY NG MGA UNANG PILIPINO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I 5 Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS KAHALAGAHAN NG BATAS SA PAG-UUGNAY NG MGA UNANG PILIPINO Department
More informationH E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools
Modified In School Off School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I 4 Distance Education for Elementary Schools SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO Department of Education BUREAU
More informationGABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)
Page 1 of 16 A CLOUD INFORMATION SYSTEM FOR DISASTER PREPAREDNESS GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE) UPDATED: NOVEMBER 2016 No pa r t of this publica tio n m ay be re pro duce
More informationMusic. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016
5 Music Talaan ng mga Gawain (Unang Kwarter) Department of Education June 2016 identifies visually and aurally the kinds of notes and rests in a song / MU5RH-Ia-b-1 RHYTHM Aralin 1 MGA NOTE AT REST Layunin
More informationARALING PANLIPUNAN 10 MGA KONTEMPORARYONG ISYU
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA KONTEMPORARYONG ISYU Pamantayang sa Pagkatuto: Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga isyu at hamong panlipunan, partikular ang isyung, mga isyung pag-ekonomiya tulad ng
More informationGRADE IV MGA BATAS SA PAGPAPAUNLAD NG KULTURA
GRADE IV MGA BATAS SA PAGPAPAUNLAD NG KULTURA ALAMIN MO Maraming bagay ang bumubuo ng kultura ng bansa. Sa natatanging kulturang ito nakikilala ang isang bansa. Dahil dito, mithiin ng bawat isa na mapahalagahan
More informationH E K A S I TAPAT NA PAGLILINGKOD: NAGBUBUKLOD SA MGA PILIPINO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS H E K A S I 6 TAPAT NA PAGLILINGKOD: NAGBUBUKLOD SA MGA PILIPINO Department
More informationHalimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton
Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton 16 Mar 2012. Talumpati ito tungkol sa edukasyon entitled:
More informationGRADE V Mga Programa ng mga Pangulo matapos ang People Power 1
GRADE V Mga Programa ng mga Pangulo matapos ang People Power 1 ALAMIN MO Malaking tagumpay ng People Power 1 ang pagpapatalsik kay Pangulong Ferdinand Marcos matapos ang mahigit 20 taong paniniil at pagpapahirap
More informationGRADE IV REHIYON VI KANLURANG VISAYAS
GRADE IV REHIYON VI KANLURANG VISAYAS ALAMIN MO Tingnan at suriin ang larawan. Saan mo nakikita ang pagsasayaw sa kalye? May ganito rin bang okasyon sa inyong bayan? Alam mo bang dinarayo ang ganitong
More informationInternational Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3
nternational Correspondence nstitute PHLPPNE NATONAL OFFCE P.O. Box 1084, Manila TALA NG MAG-AARAL oo ANG GLESYA Unang Aralin hanggang 3 Petsa ng ipadala. sulat ng Malinaw Tirahan.. Gulang Babae o Lalaki..
More informationPOINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikalawang Markahan
ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Kahulugan ng Pamilya at ang mga Kasapi nito Mga Uri ng Pamilya Mga Papel na Ginagampanan ng mga Kasapi ng Pamilya Pagtutulungan ng mga Kasapi ng Pamilya Kahalagahan ng Bawat
More informationGRADE VI SAMAHANG PANREHIYON AT PANDAIGDIG NA KASAPI NG PILIPINAS
GRADE VI SAMAHANG PANREHIYON AT PANDAIGDIG NA KASAPI NG PILIPINAS ALAMIN MO Suriin mo ang larawan. Ano ang nakikita mo sa larawan? Ano ang gustong ipahayag ng larawan? Bakit ipinakita sa larawan ang pagkakapit-kamay
More informationI-reboot ang Iyong X1 TV Box
I-reboot ang Iyong X1 TV Box Kapag nagto-troubleshoot ng problema sa iyong XFINITY X1 TV box, maaari kang madirekta upang i-reboot ang device. Alamin ang tungkol sa tatlong opsyon na mayroon ka para sa
More informationZangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage
Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit Paaralang Pampurok ng Anchorage Talaan ng Nilalaman Paano Makapag-akses sa ParentConnection... 2 Tuloy Po Mga Magulang!... 2 Mga Rekisito sa Computer... 2 Paghahanap
More informationOops... Ingat sa Lansangan
2 Oops... Ingat sa Lansangan B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a l B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m d e p A r t M e n t O f e d u c A t I O n Reformatted
More informationThird Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue
20 November 2018, page 1 of 18 52 Malingap St., Sikatuna Village, Quezon City Website: www.sws.org.ph Tel: 924-4456, 924-4465 Fax: 920-2181 Erratum, 20 November 2018: In Table 5, page 18, the June 2018
More informationGRADE VI PAUNLARIN ANG EDUKASYON, KALUSUGAN AT TEKNOLOHIYA
GRADE VI PAUNLARIN ANG EDUKASYON, KALUSUGAN AT TEKNOLOHIYA ALAMIN MO Suriin ang larawan. Paano kaya nakatutulong sa ngayon ang ating pamahalaan sa mga suliranin na dapat pagtuunan ng pansin? Naranasan
More informationTungkol Saan ang Modyul na Ito?
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Nakapanood ka na ba ng isang pangmusikang pagtatanghal na may mga tradisyunal na sayaw at tugtuging Pilipino? Kapag nakikinig ka sa radyo, naiisip mo ba kung pinakikinggan
More informationAng Makisig at Hangal na Hari
Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata Ang Makisig at Hangal na Hari Isinulat ni: Edward Hughes Inilarawan nila: Janie Forest Isinalin ni: Dulia Penalber Ibinagay nila: Lyn Doerksen Kuwento Bilang 18
More informationTungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Marami tayong mga kababayang nasa ibang bansa. Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho bilang Overseas Filipino Workers (OFWs). Nangyayari ito dahil dito sa ating bansa, kakaunti
More informationTungkol Saan ang Modyul na Ito?
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ano ang naaalala mo noon sa iyong kabataan? Subukang balikan ang mga araw noong bata ka pa. Marahil matatandaang madalas kang naglalaro kasama ang iyong mga kaibigan. Masasabi
More informationPART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO
PROVIDER NUMBER PROGRAMA NG MGA SERBISYO NG SUPORTA SA BAHAY (IN-HOME SUPPORTIVE SERVICES PROGRAM, IHSS) KASUNDUAN SA LINGGUHANG TRABAHO & PAGBIBIYAHE NG TAGABIGAY (Dapat itong makumpleto ng isang provider
More information(P h ilippin e Ele m e ntary Learn in g Compe te n cie s)
(P h ilippin e Ele m e ntary Learn in g Compe te n cie s) MAKABAYAN MAKABAYAN DESKRIPSYON Ang Makabayan ay binubuo ng mga sumusunod na asignatura: Sibika at Kultura; Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (SK;HKS)
More informationaklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP
ang mga aklat ng biblia MGA PAGPAPAHALAGA MAY MAGANDANG UGALI A N G B A G O N G T I PA N CLARET PUBLISHING GROUP ISBN 978-1-62337-143-2 9 781623 371432 ang mga ng aklat biblia A N G B A G O N G T I PA
More informationMahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho
Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho Paksa: Ang Global na Kampanya ng UNGEI para sa Edukasyon - Big Story Lesson 2011 Linggo ng Global na Aksyon: Isa syang karapatan, gawin nating tama! Edukasyon
More informationEDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I
( Effective and Affordable Secondary Education ) EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I MODYUL BILANG 8 Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.1/14 EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I Yunit II Modyul
More informationH E K A S I TOPOGRAPIYA NG BANSA: YAMAN NG BANSA ANYONG TUBIG SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS H E K A S I 6 TOPOGRAPIYA NG BANSA: YAMAN NG BANSA ANYONG TUBIG Department
More informationTungkol Saan ang Modyul na Ito?
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ang estilo ng pamumuhay ng mga tao ay binabago ng mga bagong tuklas at makabagong teknolohiya. Nakakaapekto ang mga pagbabagong ito sa isang pamilya. Kailangang makaangkop
More informationAng Kasaysayan at Araling Panlipunan sa K to 12 Curriculum. Lorina Y. Calingasan
Ang Kasaysayan at Araling Panlipunan sa K to 12 Curriculum Lorina Y. Calingasan Curriculum working group Eksperto mula sa DepEd Curriculum Development Division DepEd Master Teachers Propesor ng Edukasyon
More informationARALING PANLIPUNAN 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN
ARALING PANLIPUNAN 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN Panimula at Gabay na Tanong Subukan mong ilarawan ang iyong lipunan. Ano-anong mga suliranin ang iyong nakikita? Paano ito nakaaapekto sa iyong pamumuhay?
More informationSWS December 8-16, 2017 Survey: Expectation of Happy Christmas Highest in 14 years at 77%; All-time High 81% Say It Is Better to Give than to Receive
23 December 2017, page 1 of 10 52 Malingap St., Sikatuna Village, Quezon City Website: www.sws.org.ph Tel: 924-4456, 924-4465 Fax: 920-2181 SWS December 8-16, 2017 Survey: Expectation of Happy Christmas
More informationANGKOP NA PAMAGAT NG TALATA AT PAGGAMIT NG MALALAKING TITIK SA PAMAGAT
ANGKOP NA PAMAGAT NG TALATA AT PAGGAMIT NG MALALAKING TITIK SA PAMAGAT Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang makapagbibigay na ng angkop na pamagat sa talata at makagagamit na nang wasto ng malalaking
More informationChapter 6 Tagalog Verbs
Chapter 6 Tagalog Verbs Ang TAGALOG VERBS ay mayroong dalawang bahagi na tatawagin nating ROOT (UGAT) at AFFIX (PANLAPI). Ang ROOT (UGAT) ay nagbibigay ng kahulagan sa VERB (PANDIWA) habang ang AFFIX (PANLAPI)
More informationRepublic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay
Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay Special Science Elementary School (SSES) ACTIVITY SHEETS IN ARALING PANLIPUNAN 1 Prepared by:
More informationE P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS E P P 5 MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING Department of
More informationTALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 PAGSUSULIT ARALIN I "ANG BIBLIA"
"NANINIWALA KAMI" TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 ARALIN I "ANG BIBLIA" Petsa _ Isulat nang malinaw: Pangalan Tirahan 1.
More informationTungkol Saan ang Modyul na Ito?
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Tinatalakay natin ang numero o bilang sa araw-araw. Madalas natin itong ginagamit sa tuwing tayo ay namimili, nakikipag-kalakalan o nagsusukat. Kahit na ang pinakasimpleng
More informationImpormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika
4 Batas-trapiko 4-1 Batas-trapiko sa Japan May mga batas-trapiko para sa mga taong naglalakad, sasakyan, motorsiklo, bisikleta at iba pa sa Japan. Tandaan ang mga batas-trapikong ito sa pinakamadaling
More informationSibika Baitang 2 Ikatlong Markahan
Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan 1 2 Ikatlong Markahan, Baitang 2, Karagdagang Aralin 1 Paksa: Ang Hanapbuhay at Kultura ng Aking Komunidad Layunin: Natatalakay ang mga produkto at mga kaugnay na hanapbuhay
More informationTungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Sa isang demokratikong bansa tulad ng Pilipinas, mahalagang ang mga mamamayan ay mayroong tapang at kakayahang manindigan para sa kanilang mga paniniwala. May mga taong
More informationTungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ituturo ng modyul na ito ang tungkol sa iba t ibang pamamaraan ng pagtantiya (estimation) at kung paano mo ito gagamitin sa iyong pang-arawaraw na pamumuhay. Bakit sa tingin
More informationMga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot
Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot Petsa ng pagbabago 8/1/2018 Ang Santa Clara Family Health Plan (SCFHP)
More informationa - r 4. Sino ang namuno sa isang corregimiento? r g o 5. Ano ang tawag sa tanggapan ng namuno ng isang pueblo? b n r i
GRADE V PROYEKTO: ANG PAMAMAHALA NG MGA AMERIKANO ALAMIN MO Ang mga Amerikano ay nagpakilala ng maraming pagbabago sa Pilipinas lalonglalo na sa pamamahala ng pamahalaan. Mapag-aaralan mo sa modyul na
More informationNaipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya, kapwa, bansa, daigdig at Diyos; nakapagpapasya at nakakikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat.
More informationAWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN
AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN Isang pribilehiyo para sa akin ang muling makabalik sa himpapawid para sa Reformed Witness Hour para sa darating na apat na
More informationTungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Naniniwala ka ba sa Diyos? Paano mo Siya sinasamba o pinapupurihan? Ano ang iyong relihiyon? Ikaw ba y Katoliko Romano, Muslim, Protestante o Iglesia Ni Cristo? Naisip mo
More informationAng Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang
Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba Impormasyon para sa Mga Magulang B A I T A N G 1 H A N G G A N G 8 Nagpakilala ang Manitoba Education ng pangprobinsiyang kard ng ulat na kailangang
More informationTungkol Saan ang Modyul na Ito?
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Nakikilahok ka ba sa mga gawain ng iyong komunidad? Nakikibahagi ka ba sa mga proyektong magpapaunlad sa iyong kapaligiran, kabuhayan, kalusugan at iba pa? Ang modyul na
More information(Effective Alternative Secondary Education)
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN IV MODYUL 19 ANG PILIPINO SA PAMBANSANG KAUNLARAN BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig
More informationTungkol Saan ang Modyul na Ito?
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ang teknolohiya ay ang pangkalahatang kataga para sa proseso na kung saan ang tao ay gumagawa ng mga kagamitan at makina upang madagdagan ang kanilang kontrol at pag-unawa
More informationPOINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan
ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Mga Batayang Kaalaman Tungkol sa Sarili Ang Aking Pisikal na Katangian Mga Pangangailangan ng Bata Mga Mithiin para sa Pilipinas Mga Pansariling Kagustuhan Mahahalagang Pangyayari
More informationUNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
SENIOR HIGH SCHOOL BASIC EDUCATION FILIPINO DEPARTMENT Pamantasang Holy Angel Lungsod Angeles UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK DESKRIPSYON
More informationTungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Naalala mo pa ba ang huling halalan o eleksyon para sa pagkapangulo? Ginamit mo ba ang iyong karapatang bumoto? Sino ang iyong ibinoto? Alam mo ba kung bakit tayo nagkakaroon
More informationMODYUL SA PAGKATUTO. Pangkalahatang Ideya
1 Grado 7 Mga Saksi sa Kasaysayang Pilipino Markahan 1 Sinaunang panahon hanggang sa pagtatag ng kolonyang Espanyol Modyul 2 Ang bangang Manunggul at mga sinaunang paniniwala Gawain 1. Ano ang artefact?
More informationEDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1 Kapamilya Katuwang Kaisa I. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Babae, tinatanggap mo ba si Lalaki?...Lalaki, tinatanggap mo ba si Babae? Ngayong kayo
More informationReformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores
Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Ruth 4:13-22 Isang Pinagpalang Wakas Sa Isang Magandang Aklat ni Rev Rodney Kleyn Ngayon tayo
More informationBANGHAY ARALIN sa ARALING PANLIPUNAN 3 IKATLONG MARKAHAN - Isinulat ni Cecelia G. Buta, MTB Regional Trainer, Region XI
IKATLONG LINGGO (Week 3) BANGHAY ARALIN sa ARALING PANLIPUNAN 3 IKATLONG MARKAHAN - Isinulat ni Cecelia G. Buta, MTB Regional Trainer, Region XI! - Layunin: Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon
More informationmakilala ang pagkakaiba ng kanais-nais at di-kanais-nais na katangian ng mga Pilipino;
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Layunin ng modyul na ito na ipakita sa mga mag-aaral ang ilan sa mga mabuting pagpapahalaga at kaugalian sa pamamagitan ng pag-aaral ng ating kultura. Sa modyul na ito,
More informationIslam at pambansang identidadsa Malaysia,Indonesiaat Pilipinas. Elsa Clavé Goethe universität Frankfurt BAKAS seminar 6 Abril2017
] Islam at pambansang identidadsa Malaysia,Indonesiaat Pilipinas Elsa Clavé Goethe universität Frankfurt BAKAS seminar 6 Abril2017 Pamaraan Kasaysayan ng mga kesultanan = Kasaysayan ng lipunan > Kasaysayan
More informationReformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores
Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Timoteo 4:12 Huwag Hamakin Ng Sinuman Ang Kabataan Ng Tipan ni Rev. Carl Haak Ang sipi ng
More informationTungkol Saan ang Modyul na Ito?
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Sinasabi na ang mundo ay isang pandaigdigang pamayanan. Alam mo ba ang ibig sabihin nito? Nangangahulugan ito na ang mundo ay binubuo ng maraming bansa at mga tao ng iba
More informationEDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1 Isang Buhay, Isang Diyos I. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Nasa ikaapat na taon ka na sa haiskul! Ilang buwan na lamang at haharap ka na sa panibagong
More informationReformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores
Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Mga Awit 139:19-22 Si Jehovah ang Dios na Nakakaalam ng Lahat: (5) Ang Ating Pagkapoot Sa Kanyang
More informationEPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon
EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO by: Laurince Pantaleon Abstrak Isa sa kinahuhumalingan ng mga mag-aaral sa kasalukuyan ay ang Social Networking Sites
More informationReformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores
Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Corinto 10:31 "Mga Dapat Unahin Sa Pag-aasawa (1)" ni Prof. Barrett Gritters Ang Westminster
More informationReformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores
Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Efeso 6:5-9 Ang Awtoridad Na Saklaw Sa Paggawa ni Rev. Wilbur G Bruinsma Ang buhay ay maraming
More informationModyul 5 Pagsulat ng Talambuhay
Department of Education Bureau of Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City (Effective Alternative Secondary Education) FILIPINO 1 Modyul 5 Pagsulat ng Talambuhay 1 Modyul
More informationPaksa: Mga Tayutay. Akdang Babasahin: Ang Pintor ni Gerry Gracio. Inihanda ni:
Paksa: Mga Tayutay Akdang Babasahin: Ang Pintor ni Gerry Gracio Inihanda ni: G. Bennedick T. Viola Muñoz National High School-Annex Division of Science City of Muñoz LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO Baitang
More informationTAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an
TAGALOG PATNUBAY SA PAG AARAl NG «an .'" Nais mo bang malaman. ang ilang kahangahangang balita? ang katotohanan tungkol sa Diyos? kung paano magkakaroon ng isang buhay na maligaya? Kung gayon, ang Patnubay
More informationTungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Nagbabalak ka bang magpakasal? Kung gayon, ang modyul na ito ay naangkop sa iyo. Kung ikaw ay may asawa na, basahin ang modyul na ito upang matuklasan kung napag-isipan
More informationReformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores
Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Tesalonica 2:7-12 "Mga Ulirang Ama" ni Rev. Carl Haak Kung nakinig kayo sa ating programa
More informationIka-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?
Ika-14 na Aralin Naniniwala Kami Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. na 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay? ~ Hindi. Ang Panginoon ang may-ari ng buhay
More informationTungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Matututuhan mo sa modyul na ito ang tungkol sa ating mga pambansang bayani gayundin ang kanilang mga dakilang ginawa para sa atin at sa ating bansa. Malalaman mo rin dito
More informationTungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Pinoy yata yan! Iba talaga ang Pinoy. Madalas mo bang marinig ang mga komentaryong ito? Naitanong mo na rin ba sa iyong sarili kung bakit iba talaga ang Pinoy? Ano nga ba
More informationGRADE VI LIKAS NA YAMAN AY GAMITIN: BATAS AY DAPAT SUNDIN
GRADE VI LIKAS NA YAMAN AY GAMITIN: BATAS AY DAPAT SUNDIN ALAMIN MO Pag-aralan ang larawan. Sino ang makikinabang kung ang mga babala ay susundin? Sino naman ang maapektuhan kung babalewalain ang mga kautusan?
More informationEdukasyon sa Pagpapakatao
3 Edukasyon sa Pagpapakatao Kagamitan ng Mag-aaral Yunit 2 Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at
More informationMAY KAAGAPAY KA NA BA?
MAY KAAGAPAY KA NA BA? By Derick Parfan March 21, 2010 GAWA 2:41-47 Kaya't ang mga tumanggap sa sinabi [ni Pedro] ay nagpabautismo, at nadagdagan ang mga alagad ng may tatlong libong katao nang araw na
More informationARALING PANLIPUNAN I
(Effective and Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN I MODYUL 10 TUNGO SA PAGTATATAG NG PAMAHALAANG PILIPINO BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue
More informationAplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)
TM Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance) Ang iyong destinasyon para sa abot-kayang segurong pangkalusugan, kabilang na ang Medi-Cal Tingnan ang Nasa Loob Mga bagay na dapat malaman
More informationReformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores
Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores I Corinto 16:15-18 "Itinalaga Sa Paglilingkod Sa Mga Banal" ni Rev. Carl Haak Nahumaling. Nakawit.
More informationTungkol Saan ang Modyul na Ito?
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ano ang pakiramdam mo ngayon? Masaya ka ba? Katulad ng maraming tao, maaaring minsan ay masaya ka ngunit minsan nama y malungkot ka rin. Kung ano ang nararamdaman natin
More informationIsang Guide para sa Naturalisasyon
U.S. Department of Justice OMB No. 1115-0009 Immigration and Naturalization Service Isang Guide para sa Naturalisasyon Form M-476-TG (12/00) NOTE: This document is certified by a contractor to be a true
More information