GRADE VI MGA LIKAS NA YAMAN NG BANSANG PILIPINAS. Subukin mong tukuyin ang mga likas na yaman ng bansa sa larawan.

Similar documents
GRADE VI GAMIT NG GRID

GRADE IV REHIYON VI KANLURANG VISAYAS

H E K A S I TOPOGRAPIYA NG BANSA: YAMAN NG BANSA ANYONG TUBIG SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Unang Markahan TAO, KAPALIGIRAN AT LIPUNAN. Unang Aralin. Pagtukoy ng Pilipinas Gamit ang Pangunahin at Pangalawang Direksiyon

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

6 GOP - Textbook Funds

GRADE VI LIKAS NA YAMAN AY GAMITIN: BATAS AY DAPAT SUNDIN

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan

GRADE IV CAR CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION. Ang modyul na ito ay tungkol sa Rehiyon ng CAR. Malalaman mo ang mga sumusunod

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

GRADE IV REHIYON NG LAMBAK NG CAGAYAN. Pagkaraang masunod ang lahat ng gawain ay inaasahang magagawa mo na ang sumusunod:

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

E P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

PANG-URI SA IBA T IBANG ANTAS/PAGSULAT NG PAGHAHAMBING SA TULONG NG GRAP O DAYAGRAM

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Ano-ano ang ipinakikita ng mga ito? Ganito pa rin ba namumuhay ang mga Pilipino? Ngayon?

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

H E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Chapter 6 Tagalog Verbs

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Araling Panlipunan DEPED COPY. Kagamitan ng Mag-aaral. Yunit I. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

DLA in EPP/ Computer 6 Third Quarter

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Oops... Ingat sa Lansangan

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

GRADE VI SAMAHANG PANREHIYON AT PANDAIGDIG NA KASAPI NG PILIPINAS

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

GRADE VI KONTRIBUSYON NG MGA PILIPINO SA MGA SAMAHANG PANREHIYON AT PANDAIGDIG

H E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

H E K A S I PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG HAPONES SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Kaya Ko, Kaya Mo. pagpapanatili ng. Buhay na Lupa. Paggawa ng Compost at Iba Pang Organikong Pamamaraan na Subok ng Magsasaka

Araling Panlipunan. Kagamitan ng Mag-aaral. Tagalog

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN MODYUL 22 ANG POPULASYON NG DAIGDIG

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ano-ano Ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Ako at ang Ating Watawat

Paksa: Mga Tayutay. Akdang Babasahin: Ang Pintor ni Gerry Gracio. Inihanda ni:

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

MODYUL SA PAGKATUTO. Pangkalahatang Ideya

Modyul 2 Heograpiya ng Asya Salita Ayon sa Tindi ng Ipinahahayag Tekstong Argumentativ

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

TEACHER / STUDENT MODULES

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

Tungkol Saan ang Modyul na ito?

Ang Makisig at Hangal na Hari

Pagsasanay sa Filipino

Basic Literacy Learning Material

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

GRADE V Mga Programa ng mga Pangulo matapos ang People Power 1

(Effective Alternative Secondary Education)

Islam at pambansang identidadsa Malaysia,Indonesiaat Pilipinas. Elsa Clavé Goethe universität Frankfurt BAKAS seminar 6 Abril2017

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

ANGKOP NA PAMAGAT NG TALATA AT PAGGAMIT NG MALALAKING TITIK SA PAMAGAT

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

H E K A S I ANG EDUKASYON SA PANAHON NG ESPAÑOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Ang aklat na ito ay inilimbag ng WWF-Philippines para sa proyekto ng Coral Triangle Support Partnership sa tulong ng USAID.

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

(Effective Alternative Secondary Education)

ARALING PANLIPUNAN 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN

Transcription:

GRADE VI MGA LIKAS NA YAMAN NG BANSANG PILIPINAS ALAMIN MO Subukin mong tukuyin ang mga likas na yaman ng bansa sa larawan. Ano-ano ang nakita mo sa larawan? Saan-saan mo nakikita ang mga larawang ito? Bakit may mga puno? Saan nagmula ang mga isda? Saan nagmula ang ating mga kinakain? Ang tawag sa mga ito ay ang mga likas na yaman ng bansa. Kasama ang mga likas na yaman sa teritoryo ng Pilipinas. Ito ang mga yamang likas sa kapaligiran na pinagkukunan ng ikabubuhay ng ating mga mamamayan. Sa modyul na ito matutukoy natin ang mga likas na yaman na matatagpuan sa iba t ibang pook ng bansa. Handa ka na ba? 1

PAGBALIK-ARALAN MO Natatandaan mo pa ba ito? Subukin mo ngang punan ng mga salita ang graphic organizer na ito. TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS ANYONG LUPA 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. ANYONG TUBIG 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. PAG-ARALAN MO Basahin mo ang maikling tula sa pahina 3. 2

BAYANG SINILANGAN I Bayang sinilangan, may likas na yaman Na hango sa akin nitong kalikasan Sa kaparangan man at sa kabundukan Ang kasaganaa y siyang natatanaw II Ang payapang dagat, ilog, talon, batis Tila kristal sa ganda at linis Kalinisan at kalusugan Sa yamang tubig maasahan III Dalawang uri ng mineral Ang metal at di-metal Ginto, bakal at iba pa Kabuhayan, sasagana. IV Tiwangwang na lupa y pinagtataniman Ng binhing malusog na pang-agdong buhay Mataba ang lupa ng lupang sakahan Kaya t umuunlad itong kabuhayan Nagustuhan mo ang tula? Ano ang isinasaad ng tula? Saan daw tayo sagana? Ano-anong likas na yaman ang nabanggit sa tula? Magaling! Tama lahat ang iyong mga sagot. May inihanda akong grapiko na dapat mong suriin. Simulan mo nang basahin. YAMAN NG BANSA SA GUBAT SA TUBIG MGA MINERAL SA LUPA punongkahoy dipterocarp bulaklak molave pine hayop isda hipon coral alimasag perlas kabibe metal ginto karbon pilak bakal chromite niyog abaca tubo tabako gulay mais Ang mga nakatalang yaman sa grapiko ay ilan lamang sa mga likas na yaman ng bansa. 3

Tingnan mo ang mga larawan sa ibaba. Ito ang yamang gubat. Ang yamang gubat ay isa pa ring mahalagang likas na yaman. Maraming dolyar ang naipapasok ng mga produkto mula sa kagubatan tulad ng troso, kahoy, dagta o katas na ginagamit na panangkap sa mga gamot, pabango, pomada at langis ng buhok. May matataas na uri ng kahoy ng bansa katulad ng narra, apitong, kamagong, ipil, lawan, yakal at tindalo na bantog sa ibang bansa. Malaki rin ang nagagawa ng mga gubat sa pagsugpo sa baha at paghadlang sa malakas na hangin. Sinisipsip ng mga ugat ng mga puno sa gubat ang tubig-ulan kaya hindi ito umaagos sa mga kapatagan. Sa gayon naiiwasan ang pagbaha. 4

Sa panrehiyong lawak ng kagubatan, ang Palawan ang may pinakamataas na bahagdan ng kagubatan. Pumapangalawa ang Mindanao at ang Visayas ang may pinakamaliit. May mahuhusay na uri ng kahoy sa kagubatan. Ito ang dipterocarp. Ang mga halimbawa nito ay ang tangile, apitong, lawan, yakal, guijo at manggachapui. Sumunod ang Punong Molave. Ito ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas. Kabilang sa pamilya nito ang narra, tindalo, dao at ipil. Ginagamit ito sa paggawa ng mga cabinet at iba pang kasangkapan. 5

Ang Pine ay matatagpuan sa Hilagang Luzon at Mindoro. Ang dalawang mahalagang uri nito ay ang pino at tapulaw. Ginagamit ito sa pagpapatayo ng bahay at sa pagmimina sa Lalawigang Bulubundukin. Ginagamit ito sa magagaang na konstruksyon bilang panggatong, at sa paggawa ng uling. Sa ibang lugar ang nipa na dahon ng sasa ay ginagamit na pambubong at sa ibang pagkakataon naman ay ginagawang tuba na isang uri ng maiinom. Ano ang naitutulong ng yamang gubat sa kabuhayan ng mga mamamayan? Ano ang nagagawang tulong ng yamang kagubatan sa pamumuhay ng bawat tao? Ano-ano ang uri ng punongkahoy na matatagpuan sa kagubatan? 6

Tingnan mo naman sa larawan sa ibaba ang mga yaman ng tubig. Biniyayaan ang ating bansa ng saganang pinagkukunan ng tubig. Nagmumula ang mga pang-ibabaw na tubig sa mga ilog, batis at look. Ang masaganang pang-ilalim ng lupang tubig ang tumutustos sa pangangailangan sa tubig ng mga tahanan at higit sa lahat, ng mga pook rural. Matatagpuan sa mga ilog, lawa, dagat at sapa ng Pilipinas ang iba t ibang uri ng isda, perlas kabibe at iba pang pagkaing dagat. Ang pinakamalaking isda ang tinatawag na balyenang pating o pating bulik at ang pinakamaliit na isda naman sa daigdig ay Pandaca Pygmea. Matatagpuan ito sa Lawa ng Buhi, Camarines Sur. Ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino ay kanin at isda. Pinagkikitaan ito ng mga Pilipinong naninirahan sa mga baybaying pampangisdaan tulad ng Estancia, Iloilo, Orani, Bataan, Binangonan, Rizal at Navotas, Metro Manila. Ang mga suso at kabibe naman ay matatagpuan sa mga dagat at lawa na bukod sa nakakain ay ginagawa ring mga palamuti sa katawan tulad ng kuwintas, pulseras at hikaw. Saan-saang anyong tubig matatagpuan ang iba t ibang uri ng isda? Ano ang pinakamaliit na isda sa daigdig? Saan ito matatagpuan? Ano-ano ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino? 7

Ang mga larawan sa itaas ay mga halimbawa ng Yamang mineral. Isa ang Pilipinas sa mga bansang mayaman sa pinagkukunan ng mineral. May dalawang uri ang yamang mineral Metal at Di-Metal. Ang mga metal na mineral ay chromite, tanso, ginto, bakal, lead, manganese, mercury, tingga at zinc. Binubuo naman ng asbestos, barite, hilaw na materyal para sa semento, luwad, carbon feldspar, guano, gypsum, apog, marmol, sulpur, petroleum, natural gas at buhanging silica ang mga di-metal na yamang mineral ng bansa. Alam mo ba na ang Pilipinas ay isa sa sampung nangungunang prodyuser ng ginto at chromite? Ang pinakamalaking deposito ng Nikel ay nasa pulo naman ng Nonoc, Surigao. Ang may pinakamalaking deposito ng chromite ay matatagpuan sa Zambales. Ang marmol naman ay sa Romblon. Ang guano ay matatagpuan sa mga yungib sa Cotabato, Zambales, Palawan at Cebu. Noong 1993, may natagpuang deposito ng natural gas sa Maguindanao na kapag nalinang nang mabuti ay maaring makatustos ng enerhiya ng Mindanao. Ano uri ng metal kilala sa pagkakaroon ng napakalaking deposito sa Pilipinas? Ano-ano ang dalawang uri ng Yamang Mineral? Saan Matatagpuan ang malaking deposito ng ginto at pilak? Kayamanan din ba ito ng Pilipinas? Bakit? 8

Ito naman ang yamang lupa. Isa sa pinakamahalagang likas na yaman ng bansa ang malawak na lupa. Batayan ito ng kaunlarang pambansa. Dito nakasalalay ang buhay ng tao, mga halaman at hayop. Sa kabuuang lawak ng lupain ng Pilipinas na tinatayang umaabot sa 300,000 kilometro kwadrado, 28.3 bahagdan nito ang binubuo ng mga sakahan. Bukod sa mga lupang pansakahan ng bansa, may mga lupa ring pangkomersiyo, pantirahan, pampalaruan at panlibangan. Maraming uri ng pananim ang pinatutubo rito na kadalasan ay nagbibigay ng masaganang ani dahil sa matabang lupa at magandang klima. Hindi lamang ang kapatagan ang ginagamit na taniman ng mga magsasaka. Ang mga gilid ng bundok ay tinataniman din tulad ng Hagdan-hagdang palayan ng Ifugao, mga Talampas ng Bukidnon at Batangas. May pakinabang din tayo sa mga lupang malapit sa ilog na may matabang lupa at mga lambak tulad ng Lambak Trinidad sa Benguet. 9

Makikita mo sa mapang pangkabuhayan ang iba t ibang produkto ng yamang lupa sa iba t ibang lalawigan. 10

Matapos mong maunawaan ang iyong aralin, makakaya mo na bang tapusin ang grapikong ito? Yaman ng Bansa Sa Lupa Sa Tubig Mga Mineral Saan-saang rehiyon makikita ang pangunahing produkto ng bansa tulad ng niyog, asukal, saging at palay? Gamitin ang mapang pangkabuhayan. Ano ang maidudulot ng mga produktong ito sa kabuhayan ng bansa natin? Bakit? PAGSANAYAN MO Matapos mong pag-aralan ang mga likas na yaman, sagutin mo ang sumusunod na tanong? Ano-ano ang likas na yaman ng bansa? Ano-ano ang naitutulong nito sa ating pangkabuhayan? Mga yamang likas sa kapaligiran ang pinagkukunan ng ikabubuhay ng isang bansa. Paano mapakikinabangan ng isang bansa ang mga likas na yaman na ito? Ano sa palagay mo ang mga kahalagahan ng mineral sa tao? Dahil sinasabing ang likas na yaman ang pinagkukunan natin ng kabuhayan ano ang magagawa mo upang mapaunlad mo ang mga ito? Simulan mo sa sumusunod: A. yamang lupa B. yamang tubig C. yamang mineral D. yamang kagubatan 11

TANDAAN MO Ang mga likas na yaman ng bansa ay binubuo ng yamang lupa, yamang kagubatan, yamang mineral at yamang tubig. Ito ay nagdudulot ng kapakinabangan sa mamamayan nito. ISAPUSO MO Natukoy mo na ang likas na yaman ng bansa. Nalaman mo na rin ang lugar kung saan ito matatagpuan. Bilang isang mamamayan, ano ang gagawin mo sa mga likas na yaman na iyong napag-aralan? Narito ang larawan ng punongkahoy, larawan ng caravan at bangka at isulat mo sa loob ang mga yamang likas na dapat mong pangalagaan at pagyamanin. 12

GAWIN MO Tunghayan mo muli ang Mapang Pangkabuhayan. Tukuyin kung saang lugar matatagpuan ang mga yamang matatagpuan sa iba t ibang lalawigan ng bansa sa mga datos na nakatala sa tsart. Likas na Yaman Pook na Katatagpuan 1. tubo 2. palay 3. pinya 4. saging 5. deposito ng chromite PAGTATAYA Tingnan mo muli ang Mapang Pangkabuhayan. Tukuyin kung anong mga produkto ang makukuha mo sa bawat rehiyon. 1. NCR 2. Rehiyon 4 3. Rehiyon 10 4. CAR 5. CARAGA PAGPAPAYAMANG GAWAIN Tunghayan mo muli ang mapang pangkabuhayan sa bahagi ng modyul. Iguhit mo ang mga produktong nakukuha sa lugar ninyo at kulayan ang bawat isa. Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa inyong pamayanan. 13

Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. 14