EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1

Similar documents
Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

GRADE VI GAMIT NG GRID

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit 2 Modyul Blg. 6

Ano ba ang nakalaan para sa akin? Ano ang aking gagawin? Paano ako magiging kapakinabangan ng aking pamilya at kapwa?

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

Oops... Ingat sa Lansangan

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Ang Makisig at Hangal na Hari

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

I.~ lc "AN<17PAG-AASAWA AT ANG

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Pagsasanay sa Filipino

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Paksa: Mga Tayutay. Akdang Babasahin: Ang Pintor ni Gerry Gracio. Inihanda ni:

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Anyaya ni Jesus: Halina sa Ama, sa pamamagitan Ko at sa patnubay ng Espiritu Santo

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Basic Literacy Learning Material. B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

FOR FREEDOM CHRIST HAS SET US FREE

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ang Pamilyang Cristiano (The Christian Family)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ARALING PANLIPUNAN 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Pagaaral - 6 ANG PAGPASOK SA KAHARIAN

Priestly Failures (Mal. 2:1-9)

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Lumapit Kayo sa Akin. July 25, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 11:25-30

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. K to 12 Curriculum Guide ARALING PANLIPUNAN.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

makilala ang pagkakaiba ng kanais-nais at di-kanais-nais na katangian ng mga Pilipino;

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

GABAY NG GURO. Populasyon at Pag- unlad, Sekswalidad at Mapanagutang Pagmamagulang (Population and Development, Sexuality and Responsible Parenthood)

WORSHIP GOD IN SPIRIT AND TRUTH

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Gabay para sa mga Lider

Doctrinal Mastery Material para sa Titser ng Aklat ni Mormon

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

ayon kay Marcos (Gospel of Mark)

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE

Kagamitan ng Mag-aaral

Ang Karapatan Ng Mga Bingi Na Lumaking Bilingwal

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

H E K A S I TAPAT NA PAGLILINGKOD: NAGBUBUKLOD SA MGA PILIPINO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Transcription:

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1 Kapamilya Katuwang Kaisa I. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Babae, tinatanggap mo ba si Lalaki?...Lalaki, tinatanggap mo ba si Babae? Ngayong kayo ay mag-asawa na humayo kayo at magpakarami Ang mga katagang ito ay madalas nating naririnig sa simbahan tuwing may ikakasal. Ito ang hudyat na ang babae at lalaki ay magsasama bilang mag-asawa at bubuo ng pamilya. Ngunit ano ang tunay na kahulugan ng katagang ito? Lahat ay kabilang sa isang pamilya. Nilikha ito ng Diyos para sa kapakinabangan ng tao. Alam mo ba ang kalikasan at layunin ng pamilya? Upang higit mong maunawaan kung ano at para saan ang pamilya narito ang modyul na makatutulong sa iyo sa pag-unawa sa mga katanungang ito. L.C 1.1 Naipaliliwanag ang kalikasan at layunin ng pamilya A. Naipaliliwanag ang kalikasan at layunin ng pamilya B. Natutukoy ang mga banta (threats) sa katatagan ng pamilya C. Nakababalangkas ng mga hakbangin na makatutulong sa pagpapatatag ng pamilya Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga II kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalangalang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 1, pah.1/14

6. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 7. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 8. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang mga gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok. II. Handa Ka Na Ba? A. Basahing mabuti ang sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang pamilya ay isang komunidad kung saan ang isang nilkha ay natututo ng mga pagpapahalaga na gagabay sa kanyang buhay. Ito ay nangangahulugan na: a. walang pagpapahalagang natutuhan ang mga taong palaboy sa lansangan b. mas mabuti ang mga taong may nilakihang magulang kaysa wala c. hindi dapat makitaan ng masamang halimbawa ang mga magulang d. may mga pamilyang kailangan ng tulong ng institusyon upang mapabuti ang mga anak 2. Ang pamilya ay maliit na yunit ng lipunan. Anong pangungusap sa ibaba ang sumusuporta dito? a. Sa pamilya unang nahuhubog ang kagandahang asal. b. Sa pamilya natututuhan ang mga permanenteng pagpapahalaga. c. Sa pamilya tinuturuan ang mga anak na makibagay, maging mapagbigay, at maging mabuting kasapi ng pamayanan. d. Sa pamilya unang nararanasan ang mahalin at magmahal. 3. Ang pamilya ay kabahagi ng Diyos sa paglalang. Ano ang ibig sabihin nito? a. Kung hindi maaaring magkaanak ang mag-asawa, mabuti pang magkahiwalay. b. Ang anak ang bigkis na nag-uugnay sa mag-asawa. c. Dapat mahalin, arugain at palakihin nang maayos ng mga magulang ang anak tulad ng pagmamahal ng Diyos sa Kanyang nilikha. d. Maaaring mag-asawa ng marami upang makasunod sa utos na Humayo kayo at magpakarami. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 1, pah.2/14

4. Ang pakikipag-live-in o pagsasama ng isang babae at lalaki na tila mag-asawa na kahit hindi sila kasal ay mali sapagkat: a. walang silang pinirmahang kontrata ng kasal b. maaaring takasan ng lalaki ang pananagutan kapag nabuntis ang babae. c. ito ay masyadong modernong kaisipan para sa mga Pilipino. d. nilalabag nito ang kasagraduhan ng kasal na kinikilala ng estado at simbahan 5. Ang abortion o pagpapalaglag ng sanggol sa sinapupunan ay lumalabag sa: a. paggalang sa awtoridad b. paggalang sa buhay c. paggalang sa katotohanan d. paggalang sa dignidad III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Basahing mabuti at suriin ang sitwasyon. Sitwasyon Blg. 1 Si Gabriel ay isinilang na walang kinalakihang pamilya. Nabuhay siya sa isang bahay ampunan. Bagaman kinakalinga siya ng mga madre at mga social workers ay may nararamdaman pa rin siyang kakulangan. Tuwing Linggo, hindi niya mapigilan ang sariling mainggit sa mga kapwa niya batang may kasamang mga magulang sa pagsisimba. Nangangarap siyang isang araw ay makilala niya ang kanyang tunay na magulang. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 1, pah.3/14

Sitwasyon Blg. 2 Si Nelson ay kabilang sa mga streetchildren na pagala-gala sa mga kalye sa Maynila upang mamalimos. Lumayas siya sa kanilang tahanan dahil sa madalas siyang mapagalitan ng kanyang nanay. Dahil walang tiyak na titirhan, sumama siya sa mga kapwa batang sa Luneta natutulog kung gabi. Kapag umaga na ay nanghahalungkat siya ng mga basurang malapit sa mga restaurants upang makahanap ng mga tira-tirang pagkain. Naranasan na niyang madampot at maikulong ng mga pulis na nanghuhuli ng mga batang kalye. Ilang beses na rin siyang nabugbog ng mga kapwa batang kalye na naghahari-harian sa kanya-kanya nilang teritoryo. Sa kanyang pag-iisa, naisip niyang mali ang kanyang ginawa. Hindi niya aabutin ang miserableng buhay kung hindi siya umalis sa kanila. Gustuhin man niyang bumalik ay wala naman siyang sapat na perang pamasahe pabalik. Sagutin Mo. 1. Sa dalawang sitwasyong inilahad, ano ang mahalagang bagay ang kulang sa mga pangunahing tauhan? 2. Ano ang kahalagahan ng pamilya na ipinakikita ng kaso ni Gabriel at Nelson? 3. Bakit mahalaga ang pamilya? PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 1, pah.4/14

Gawain Blg. 2 Ano ang sa palagay mo ang layunin ng Diyos sa paglikha ng pamilya? Ibatay mo ang sagot sa iyong personal na karanasan at obserbasyon. Isulat ang iyong kasagutan sa loob ng tahanang nasa ibaba. Sa palagay ko, nilikha ng Diyos ang pamilya upang Mahalaga sa akin ang aking pamilya sapagkat PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 1, pah.5/14

Gawain Blg.3 Sa natapos na mga gawain, natitiyak kong nakita mo na ang kahalagahan ng pamilya sa buhay ng bawat tao. Ano kaya ang kahihinatnan natin kung ang pamilya ay unti-unting humina at masira dahil sa mga makabagong paniniwala? Pagmasdan at suriing mong mabuti ang larawan. Mga Banta ( Threats) sa Pamilya Abortion Pamilya Live-in Pambababae/Panalalaki Droga Sagutin Mo 1. Bukod sa mga halimbawang ibinigay, anu-ano pa ang mga nagsisilbing banta sa katatagan ng pamilya? Ipaliwanag kung bakit mo nasabing ito ay banta. 2. Bakit mahalagang mapangalagaan ang pamilya laban sa mga bantang ito? PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 1, pah.6/14

3. Ano ang posibleng mangyari kung: Kahihinatnan Kung papayagan ng Simbahan at pamahalaan ang pagpapakasal ng magkaparehong kasarian. Lalaki sa lalaki o babae sa babae Mauubos ang lahi ng tao dahil wala ng ipanganganak na sanggol sapagkat hindi maaaring magkaanak ang parehong lalaki, o parehong babae. Gagawing legal ang abortion upang mabawasan ang pagdami ng populasyon. Hahayaang magsama ang babae at lalaki sa iisang bahay na parang mag-asawa kahit hindi kasal. Lahat ng mag-asawa ay gagamit ng conctracepatives tulad ng pills, condom, at iba pang pampapigil ng pagdadalantao. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 1, pah.7/14

IV. Ano Ang Natuklasan Mo? Anong mahalagang konsepto ang iyong natutuhan sa modyul na ito? Gamitin mong gabay ang mga salita sa ibaba sa pagbuo mo ng kaisipan. Nilikha ng Diyos Unang natututuhan ang mahalin at magmahal Layunin Magpatuloy ang lahi ng tao Pamilya Hubugin sa kagandahang asal Unang guro ng mga anak Ituro ang daan sa kabutihan na maglalapit sa kanila sa Diyos Konsepto: V. Pagpapatibay There s no place like home. Narinig mo na ito di ba? Kapag binanggit ang katagang tahanan, tiyak na pamilya ang tinutukoy nito. Ang pamilya ang ating tanging yaman. Walang anumang materyal na bagay ang maaaring pumalit sa kahalagahan nito sa buhay ng isang tao. Nilikha ito ng Diyos para sa kabutihan natin. May layunin Siya sa pagbibigay nito sa atin. Ano ba ang kalikasan ng pamilya? Halika at tuklasin. Alam mo ba na sa kabila ng napakaraming organisasyong mayroon sa buong mundo, wala pa ring maaaring pumalit sa pamilya. Maaaring gawin ng ilang mga samahang panlipunan PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 1, pah.8/14

ang gawain ng pamilya, ngunit hindi kailanman mapapalitan ito. Bakit? Narito ang mga dahilan: Ang pamilya ay isang natural na komunidad. Nangangahulugang hindi ito ginawa sa pamamagitan ng pagbabatas o lehislasyon. Ang Diyos ang lumikha nito para sa kabutihan ng tao. Likas sa taong magnais na magtatag ng sariling pamilya sapagkat ang lahat ng tao y nangangailangan ng pagmamahal at kalinga. Ang pangangailangang ito ay natutugunan ng pamilya. Dito, ang tao ay nakikiisa sa gawain ng Diyos ng paglalang. Ang pamilya ay lunduan ng pagmamahal. Sinabi ni Papa Juan Pablo II na ang pamilya ay may misyong bantayan, ipahayag at ipadama ang pagmamahal. Ang pagmamahalan ng mag-asawa ay maaaring magbunga ng mga supling na tinatawag nating bunga ng pagmamahalan. Kaya nga, hindi dapat na basta na lamang makikipagtalik ang sinuman. Ito ang dahilan kung bakit hindi katanggaptanggap ang premarital sex at mga extra-marital affairs. Ang pakikipagtalik ay laging dapat nasa ilalim ng basbas ng kasal sapagkat ito y isa ng tungkulin ng mag-asawa na Diyos ang nag disenyo. Tanging ang pamilya lamang ang pinahihintulutan ng Diyos na maging instrumento sa pagpaparami ng tao. Bakit sa pamilya lamang? Hindi ba ito kayang gawin ng ibang institusyon? Hindi! Tingnan mo kung bakit. Ang pamilya ang unang paaralan ng buhay. Dahil ang bawat batang isinisilang sa isang pamilya ay bunga ng pagmamahalan ng kanyang ama at ina. Lahat ng bagay na makabubuti sa kanya ang hahangarin ng kanyang mga magulang sapagkat mahal siya nito. Sa pamilya unang nararamdaman ng isang tao kung paano mahalin at paano magmahal. Dito, tinatanggap siya sa kanyang kabuuan walang kondisyon. Di tulad sa ibang institusyon na pinahahalagahan lamang ang isang tao dahil sa kanyang mahusay na trabaho o dahil sa kanyang naiaambag sa pag-unlad ng samahan. Kaya nga may retirement age sa maraming kompanya, di man sabihin ng tuwiran, ipinahihiwatig nito na wala ka ng kakayanang maging produktibo kaya tinatapos nila ang serbisyo mo. Sa pamilya, walang hangganan ang pagtanggap sa iyo kahit matanda ka na at ulianin, tanggap ka pa rin nila na kapamilya. Sa pamilya rin unang natututuhan ng isang tao ang mga pagpapahalagang kakailanganin niya upang maging mabuting kasapi ng lipunan. Disiplina, paggalang sa awtoridad, pakikiisa, sipag at tiyaga ay ilan lamang sa napakaraming pagpapahalagang unang nalilinang sa pamilya. Ang mga makabagong paniniwala tulad ng live-in. pre-marital sex, abortion, same-sex union, contraceptive mentality ay dapat kondenahin sapagkat banta ang mga ito sa katatagan ng pamilya. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 1, pah.9/14

Mahalagang pangalagaan ang kapakanan ng pamilya sapagkat kapag ito y nasira, wala ng maaari pang pumalit dito. Malalim ang impluwensya ng pamilyang kinagisnan sa paghubog ng pagkatao ng isang nilalang. VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Ngayong batid mo na ang kalikasan at layunin ng pamilya, natitiyak kong nais mong mapangalagaan ito laban sa iba t-ibang bantang nagnanais sumira dito. Sa iyong edad ngayon, anu-anong mga bagay ang maaari mong gawin upang mapaunlad ang inyong pamilya? Isulat ito sa loob ng bawat kahon. Matatag na pamilya Pagtulong sa mga magulang Mahalin ang ama at ina PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 1, pah.10/14

VII. Gaano Ka Natuto? A. Sa natapos na mga Gawain, natuklasan mo ang kalikasan at kahalagahan ng pamilya sa buhay ng bawat tao. Bilang pasasalamat sa iyong mga magulang sa lahat ng kanilang ginawa para sa iyo, gumawa ka ng isang liham pasasalamat sa kanila. Ipabasa mo ito sa kanila at papirmahan. Gawin mo itong makasining. Petsa: Mahal kong nanay at tatay, Nagmamahal, 1. Ano ang damdaming naghari sa iyo habang ginagawa ang liham? 2. Marami ka bang dapat ipagpasalamat sa Diyos tungkol sa iyong pamilya? Ipaliwanag PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 1, pah.11/14

B. Lagyan ng tsek (/) ang Oo o Hindi ayon sa talahanayan ng mga kasagutan. 1. Unang natututuhan ng mga anak ang pagharap sa responsibilidad sa halimbawang ipinakikita ng kanilang mga magulang. 2. Ang maagang paghahanapbuhay ng mga anak sa murang edad ay pagtupad sa tungkulin sa pamilya. 3. Ang ama ang siyang dapat maghanapbuhay para sa pamilya. 4. May pananagutan ang anak na alagaan ang kanyang mga magulang pagtanda nito. 5. Ang huwarang pamilya ay nakikitaan ng sama-samang pagsisikap upang umunlad. 6. Likas sa tao ang magtatag ng pamilya. 7. Katungkulan ng magulang na pag-aralin ang mga anak sa abot ng kanilang makakaya. 8. Ang kaganapan ng pagkatao ay nahuhubog sa pamilya. 9. Ang uri ng kapaligirang pantahanan ay may malaking impluwensya sa bata. 10. Ang tahana ay dapat na pinakaligtas na lugar para sa mga bata. Oo Hindi C. Basahin ang mga pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot. ` 1. Ang magulang ang modelo ng mga anak. Ang ibig sabihin nito ay: a. Kung ano ang isitilo ng pananamit ng nanay/tatay ay gagayahin ng anak. b. Ang bawat galaw, salita at kilos ng magulang ay nakikita sa mga anak. c. Ang anak ay imahen ng magulang d. Ang mga magulang ang nagpapakita ng magagandang halimbawa sa anak. PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 1, pah.12/14

2. Ang sabi sa Bibliya, Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa pagkakasala ang inyong mga anak. Ano ang kahulugan nito? a. Huwag sasaktan ng magulang ang anak. b. Sundin lahat ng magulang ang gusto ng anak upang huwag magalit ang anak. c. Dapat igalang ng magulang ang dignidad ng anak. d. Maging maingat ang magulang sa pagsasalita sa anak. 3. Ang anak na hindi paluin, ina ang paluluhain. Ito ay nangangahulugang: a. Kapag ang lahat ng gusto na anak ay ibinigay nang walang kahirap-hirap, magiging suliranin siya ng magulang. b. Ipagbawal sa mga anak ang pagsasaya. c. Saktan ang anak kapag nagkamali upang magtanda. d. Iwasang ibili ang anak ng mga maluluhong bagay. 4. Ano sa mga sumusunod ang makatutulong upang magkaroon ng magandang ugnayan ang mag-asawa? a. Pagpapakasakit ng babae sa lahat ng bagay para sa lalaki. b. Pagkakaroon ng tiyak na tungkulin at pananagutan ng lalaki at babae. c. Pagkakaroon ng kakayahang magpasya ng lalaki. d. Paggalang sa pagkatao ng isa t-isa. 5. Ano ang tamang pagkakasunud-sunod ng pangungusap? a. Ang babae ay nilikha buhat sa tadyang ng lalaki. b. Nakita nng Diyos na malungkot ang nilikhang lalaki kaya t iginawa niya ito ng katuwang. c. Kaya dapat siyang mahalin, unawain at igalang. d. Siya ay sa tadyang kinuha, malapit sa puso. a. b,a, d, c b. a, b, c, d c. c, d, b, a d. a, c, d, b PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 1, pah.13/14

VIII. Mga Sanggunian Abangan, Bella. Lakbay Diwa, Gabay sa Wastong Pamumuhay. De Torre, Joseph M. Roots of Society. Manila: Sinag-Tala Publisher, 1977 Esteban, Esther J. Values Education: What, Why and For Whom. Manila: Sinagtala Publisher, 1990 Pope John Paul II, Familiaris Consortio Santos, Caesar R., Carlos VG Estrada & Juan Manuel Perez. Congujal Communion. Manila: University of Asia and the Pacific, 1997 Susi sa Pagwawasto Handa Ka Na Ba? A. 1. c 2. c 3. c 4 d 5. b Gaano Ka Natuto? A. 1. Oo 2. Hindi 3. Oo 4. Oo 5. Oo 6. Oo 7. Hindi 8. Oo 9. Oo 10. Oo B. 1. d 2. c 3. a 4. d 5. a PROJECT EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Modyul Blg. 1, pah.14/14