Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

Similar documents
1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Mga Pananggalang na Pamamaraan Mga Karapatan ng Magulang

Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) Title VI

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Pag-unawa sa Pamamaraan ng Pagtasa, Karapatan, at Pang-isahang Programa sa Edukasyon ng Maryland

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

SVP - Chief Compliance & Audit Officer. Kontak: Posisyon: Telepono #:

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

Sinusuportahang Pagtatrabaho sa pamamagitan ng DOR: Fact Sheet ng Pagkanararapat at Nasasaklawan ng mga Serbisyo

ADVENTIST MIDWEST HEALTH ANYONG PATAKARAN Kategorya Mga Serbisyo ng Pasyente sa Pinansiyal

Financial Assistance Documents

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Atlantic Health System

RIVERSIDE TRANSIT AGENCY PAMAMARAAN SA IMBESTIGASYON NG REKLAMO NG TITLE VI

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Bayshore Elementary School District Local Control Accountability Plan Year 1 Summary

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

Paunawa ng mga Pamprotektang Hakbang sa Proseso Binago Oktubre 2016

Koleksiyon ng mga kailangan at

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Pag-access at Pagbabago ng mga Rekord ng Kalusugan

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Dapat ninyong makumpleto ang form na ito ng pagpaparehistro nang hindi lalampas sa Martes, Hunyo 12, 2018, sa ganap na 5:00 PM, Pacific.

MISYONG PAHAYAG. Isang masagana at inklusibong Canada na nakabatay sa tagumpay ng bawat indibidwal.

Sistema Administratibo

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Ang Bagong Sistema ng mga Karapatang Pantao ng Ontario

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

BUOD ng Consolidated Plan ng ESSA ng Washington

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Unang Hakbang MGA INIAATAS NA KUWALIPIKASYON

Petsa ng simula ng paghihintay (MM/DD/YYYY)

Edisyong Pang-edukasyon

Ota City Board of Education

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

AMATS Title VI Walang Diskriminasyong Plano ng Pagpapatupad

Stake Audit Committee

PETSANG MAY BISA: 01/01/2016 PETSA NANG NIREBISA: 06/27/2017. Financial Assistance Policy (Patakaran para sa Pinansiyal na Tulong)

EBIDENSYA NG SAKLAW CARE1ST CAL MEDICONNECT PLAN MGA COUNTY: LOS ANGELES AT SAN DIEGO. Care1st Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Pag-alalay sa Pag-aaral ng inyong Anak sa pamamagitan ng Pagtatasa, Pagsusuri at Pag-uulat

Gabay para sa mga Lider

Ang Sistema sa Kalusugan ng Johns Hopkins Patakaran at Pamamaraan

NOTISYA NG MGA PRIBADONG KASANAYAN

Pamamatnubay na Palakad sa Paaralan para sa mga Magulang na Baguhan

Valley View Senior Homes Interseksyon ng Natalie Ln at Theresa Ave, American Canyon, CA (510)

Mga Pambuong Sistemang Administratibong Patakaran at Proseso ng The Queen s Health Systems

I. LAYUNIN PATAKARAN. Pamagat: Patakaran sa Tulong Pinansyal. Patakaran Pamamaraan Alituntunin Iba pa: Saklaw: Sistema Departamento:

GABAY NG PROGRAMA NG ENGLISH

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Kagawarang May-ari: Pananalapi Petsa ng Pagkakabisa: Hulyo 1, 2017 Tagapag-ingat: Punong Opisyal na Pahina: 1 ng 16

Talaan ng Mga Nilalaman

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

PANGKALAHATANG ABISO SA PRIVACY NG PERSONAL NA IMPORMASYON NG EMPLEYADO

Direktoryo ng Provider at Parmasya

Ang Makisig at Hangal na Hari

Opisina ng Pagtatanggol para sa Saykayatrikong Pasyente

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Orihinal na Epektibong Petsa: Enero 2013 Huling Petsa ng Rebisyon: Oktubre 2015 Epektibong Petsa ng

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

MUNTAKLAT

ANG MISYON ANG AMING MGA KLIYENTE AY MGA TAONG MAY KAPINSALAAN

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior High ng Edmonton Catholic Schools

PATAKARAN SA PAG-UUGALI AT

1(415) TDD 1(415)

Health Net Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) Handbook ng Miyembro

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

2018 Buod ng Mga Benepisyo

Gender Policy para sa Pampamayana ng Radyo. Ika-8 ng Marso 2008

School Year (Akademikong Taon) English. learner. Gabay ng Programa ng. English Learner Program Guide 1

SAN LEANDRO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

2017 Fair Housing Survey para sa Lungsod at County ng Los Angeles

Transcription:

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.08 1. Ang mga estudyanteng may kapansanan ba ay may karapatan sa pantay na oportunidad upang makilahok sa mga extracurricular na gawain? Oo. Ang mga estudyanteng may kapansanan ay may karapatan sa ilalim ng Seksyon 504 ng Batas ng Rehabilitasyon (Rehabilitation Act) at Titulo II ng Batas ng Amerikanong may Kapansanan (American with Disabilities Act) sa pantay na oportunidad na makilahok sa mga extracurricular na gawain sa kanilang mga paaralan. 1, 2 1 Bagamat ang pilyego ng impormasyon na ito ay nakatuon sa mga karapatan ng mga estudyante sa elementarya at sekondaryong paaralan, ang mga estudyante matapos ang sekondaryo ay mayroon ding karapatan sa pantay na pagkakataon na makilahok sa mga extracurricular na gawain. 2 34 Kodigo ng Pampederal na Regulasyon (CFR, Code of Federal Regulation) mga seksyon 104.4, 104.37; 42 Kodigo ng Estados Unidos (U.S.C., United States Code) mga seksyon 12101; Tanggapan ng Mga Karapatang Sibil, Kagawaran ng Edukasyon ng U.S. (U.S. Department of Education, Office of Civil Rights). (2013, Enero 25). Liham na Minamahal na Katrabaho, Mga Extracurricular na Gawain. Nakuhang mga liham mula sa OCR. Mapagkukunan ng data base: http://www2.ed.gov/about/offices/list/ocr/letters/colleague-201301-504.pdf. Pahina 1 ng10

2. Ang mga estudyanteng may kapansanan ba ay kasalukuyang may mga oportunidad na makilahok sa mga programang pampalakasan na pantay sa mga batang walang kapansanan? Isang ulat ng pag-iimbestiga ng Tanggapan ng Pananagot ng Pamahalaan ng Estados Unidos (GAO, United States Government Accountability Office) na natapos noong 2010 ay nagpapakita na, sa kabila ng batas pampederal na nag-aatas sa mga estado at paaralan na magbigay ng pantay na pagkakataon sa mga extracurricular na gawain, ang mga oportunidad para sa pisikal na gawain ay limitado para sa mga bata at kabataang may mga kapansanan. Ipinakita ng ulat na ang mga estudyanteng may kapansanan na nakilahok sa palakasan sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya ay nananatiling nasa mababang bilang kumpara sa mga estudyanteng walang kapansanan. 3 3. Anong mga patnubay ang mayroon para sa mga ahensiya ng edukasyon ukol sa pagbibigay ng mga pantay na oportunidad para sa mga batang may kapansanan upang makilahok sa mga pampalakasan sa paaralan? Noong 2011, ang Kagawaran ng Edukasyon ng Estados Unidos (United States Department of Education) ay nagbigay ng patnubay ukol sa pagsali ng mga estudyanteng may kapansanan sa pisikal na edukasyon at programang pampalakasan. Ang dokumentong ito ay idinisenyo upang magbigay ng praktikal na mga mungkahi at mga mapagkukunang sanggunian sa mga ahensiya ng edukasyon upang magpasimula ng pagbabahagi ng impormasyon sa mahalagang paksang ito sa mga estado at paaralan. 4 Noong 2013, ang Tanggapan ng mga Karapatang Sibil (OCR, Office of Civil 3 Tanggapan ng Pananagot ng Gobyerno ng U.S. (GAO, U.S. Government Accountability Office). (2010, Hunyo) Mga Estudyanteng may Kapansanan: Ang dagdag na impormasyon at patnubay ay maaaring makapagpabuti ng mga oportunidad sa pisikal na edukasyon at pampalaksan (Students with Disabilities: More information and guidance could improve opportunities in physical education and athletics). (Paglalathala Blg. GAO 10-1519) nakuha mula sa Mga Ulat ng GAO. Mapagkukunan ng data base: http://www.gao.gov/assets/310/305770.pdf. 4 Kagawaran ng Edukasyon ng U.S. (2011, Agosto). Paggawa ng mga Pantay na Oportunidad para sa mga Bata at Kabataan na may Kapansanan upang Makilahok sa Pisikal na Edukasyon at Extracurricular na Pampalakasan (Creating Equal Opportunities for Children and Youth with Disabilities to Participate in Physical Education and Extracurricular Athletics). Mapagkukunan ng data base: http://www2.ed.gov/policy/speced/guid/idea/equalpe.pdf. Pahina 2 ng10

Rights) ng Kagawaran ng Edukasyon ng Estados Unidos ay nagbigay ng karagdagang, detalyadong impormasyon sa mga legal na responsibilidad ng mga paaralan na magbigay ng mga pantay na extracurricular na oportunidad sa mga estudyanteng may kapansanan. 5 4. Aling mga ahensiya ang nagpapatupad ng mga karapatan ng mga estudyanteng may kapansanan upang makakuha ng pantay na pagkakataon sa mga extracurricular na gawain? Ang Tanggapan ng mga Karapatang Sibil ng Kagawaran ng Edukasyon ang may responsibilidad sa pagpapatupad ng Seksyon 504 at Titulo II ng Batas ng Amerikanong may Kapansanan ng 1990 sa konteksto ng edukasyon. Ang OCR ang nag-iimbestiga ng mga pagdaing ng diskriminasyon batay sa kapansanan pati na rin ng lahi, kulay, pambansang pinagmulan,kasarian o edad alinsunod dito at iba pang mga batas. Ang mga batas ng mga karapatang sibil na pinapatupad ng OCR ay sumasaklaw sa lahat ng mga ahensiya ng edukasyon ng estado, sistema ng paaralan sa elementarya at sekondaryo, paaralang charter, kolehiyo at unibersidad, paaralang bokasyunal, pribadong paaralan, mga bokasyunal na ahensiya ng rehabilitasyon ng estado na tumatanggap ng pondong pampederal. Kabilang sa mga larangang saklaw, ngunit hindi limitado sa, mga pampalakasan at iba pang extracurricular na gawain, programang pang-akademiko, pagtrato sa estudyante, disiplina, libangan, at pisikal na edukasyon. 5. Bakit mahalaga na dagdagan ang mga oportunidad sa mga estudyanteng may kapansanan na makilahok sa mga pampalakasan at extracurricular na gawain? Nagbigay-diin kamakailan ang Tanggapan ng Pananagot ng Pamahalaan ng Estados Unidos at ang Kagawaran ng Edukasyon ng Estados Unidos na ang pagkakataon sa, at ang pakikilahok sa, mga extracurricular na pampalakasang oportunidad ay nagbibigay ng mahalagang pangkalusugan at panlipunan na benepisyo sa lahat ng mga estudyante, lalo na sa mga may 5 Kagawaran ng Edukasyon ng Estados Unidos, OCR. (2013, Enero 25.) Liham na Minamahal na Katrabaho at 2013 at Liham kay Francisco Negron, Jr. Disyembre 16, 2013 Mapagkukunan ng data base: at http://chinniandmeuser.com/uploads/3/2/7/4/3274563/december_2013_ocr_clarification_re_ separate_athletic_opportunities.pdf. Pahina 3 ng10

kapansanan. 6 Ayon sa ulat na kinomisyon ng Pambansang Samahan ng mga Tagapangasiwa ng Interscholastic na Pampalakasan (National Interscholastic Athletic Administrators Association), ang mga indibidwal na may kapansanan na nakilahok sa mga palakasan ay may mas mataas na antas ng pangakademikong tagumpay, mas malamang na makapagtapos ng mataas na paaralan at makapasok sa kolehiyo, at makaranas ng mas mataas na tagumpay sa karera at maraming opsyon. 7 6. Anong mga extracurricular na pampalakasang gawain ang sakop ng mga batas laban sa diskriminasyon? Kabilang sa mga extracurricular na pampalakasan na sakop sa ilalim ng Seksyon 504 at Titulo II ang mga kapisanan, pampalakasang intramural o interscholastic (hal., unang taon sa sekondaryo, koponan ng ikatlong taon sa sekondaryo, koponan) sa lahat ng lebel ng edukasyon. 8 Bilang karagdagan sa pampalakasan, kabilang sa mga extracurricular na gawain subali t hindi limitado sa mga gawaing panlibangan, mga grupo ng espesyal na interes o mg kapisanan na tinataguyod ng mga pampublikong ahensiya ng edukasyon. 9 7. Sino ang responsable sa paniniguro na ang mga estudyanteng may kapansanan ay may pantay na pagkakataon sa hindi pang-akademiko at extracurricular na gawain? Sinumang entidad o indibidwal na nangangasiwa sa preschool, elementarya, sekondarya o pang-edukasyong programa o gawain para sa nasa tamang edad na tumatanggap ng pampederal na tulong pinansiyal ay dapat na gumawa ng mga hakbang upang magbigay ng mga serbisyo at gawain na hindi pang-akademiko at extracurricular, kabilang na ang pampalakasan, sa paraang kinakailangan upang masiguro na ang mga indibidwal na may 6 Paggawa ng mga Pantay na Oportunidad para sa mga Bata at Kabataan na may Kapansanan upang Makilahok sa Pisikal na Edukasyon at Extracurricular na Pampalakasan (Creating Equal Opportunities for Children and Youth with Disabilities to Participate in Physical Education and Extracurricular Athletics). Pagkukunan ng data base: http://www2.ed.gov/policy/speced/guid/idea/equal-pe.pdf. 7 Active Policy Solutions, T at S: Kapansanan sa Isport Liham ng Minamahal na Katrabaho (Q and A: Disability in Sport Dear Colleague Letter), http://www.niaaa.org/assets/ocr- Dear-Colleague_Q-and-A_2-15-13.pdf. 8 Liham ng OCR na Minamahal na Katrabaho. https://www2.ed.gov/about/offices/list/ocr/letters/colleague-201301-504.pdf. 9 34 CFR seksyon 104.37(a)(2); 34 CFR seksyon 300.107. Pahina 4 ng10

kapansanan ay may pantay na oportunidad upang makilahok sa mga serbisyo at gawain na iyon. 10 8. Maaari bang gumawa ng pagpapalagay o paglalahat ang isang paaralan tungkol sa kapansanan upang malaman kung ang estudyante na may partikular na kapansanan ay maaari o hindi maaaring makilahok sa pampalakasan o iba pang extracurricular na gawain? Hindi. Ang isang paaralan o iba pang entidad na nangangasiwa ng programang pang-edukasyon na tumatanggap ng pampederal na tulong pinansiyal ay hindi maaaring mangasiwa ng kanilang programa o gawain batay sa paglalahat, pagpapalagay, may pagkiling, o pag-estereotipo tungkol sa kapansanan bilang kalahatan, o partikular sa mga tukoy na mga kapansanan. Ang distrito ng paaralan ay hindi rin dapat na umasa sa mga paglalahat tungkol sa kung ano ang kayang gawin ng mga estudyante na may uri ng kapansanan; ang isang estudyante na may isang uri ng kapansanan ay maaaring hindi makalaro ng isang uri ng sport, ngunit ang isang estudyante na may parehong kapansanan ay maaaring makalaro ng isport na iyon. 9. Ang Batas ng Edukasyon sa mga Indibidwal na may Kapansanan ba ay nag-aatas sa mga distrito ng paaralan na gumawa ng mga hakbang upang masiguro na ang mga estudyante na may espesyal na edukasyon ay may karapatdapat na pagkakataon sa mga extracurricular na gawain? Oo, ang Batas ng Edukasyon sa mga Indibidwal na may Kapansanan (IDEA, Individuals with Disabilities Education Act) ay nag-aatas sa mga distrito ng paaralan at iba pang mga pampublikong ahensiya na siguruhin na ang bawat batang may kapansanan ay may mga karagdagang tulong at serbisyo na tinukoy ng pangkat ng Pansariling Plano sa Edukasyon (IEP, Individualized Education Plan) ng bata na angkop at kinakailangan para ang bata ay makalahok sa mga hindi pang-akademikong mga gawain. 11 10 34 CFR seksyon 104.31. 11 34 CFR seksyon 300.117 Pahina 5 ng10

10. Dapat bang ipakita sa mga IEP ng mga estudyante ang mga pampalakasan at iba pang hindi pang-akademiko at extracurricular na gawain? Kung ang estudyante ay karapat-dapat para sa espesyal na edukasyon at nangangailangan ng espesyal na edukasyon, kaugnay na mga serbisyo at/o karagdagang tulong, mga serbisyo at iba pang suporta upang makamit ng estudyante ang kakaibang mga pangangailangan upang siya ay makalahok sa mga hindi pang-akademiko o mga extracurricular na gawain, ang mga ganitong serbisyo at suporta ay dapat na kasama sa mga IEP ng mga estudyante. 12 Kung malaman ng coach o administrador ng programa na ang bata ay hindi nangangailangan ng anumang ganitong mga serbisyo o suporta o may mga pagbabago na maaaring gawin upang ang bata ay makalahok, ang pakikilahok ng bata ay hindi nangangailangan na isama sa IEP. 11. Ang mga pampalakasan na coach ba ay maaaring maging miyembro ng pangkat ng IEP? Oo. Sinuman na may kaalaman ukol sa bata ay maaaring maging miyembro ng pangkat. Kung ang bata ay nangangailangan ng mga serbisyo o suporta o layunin upang makilahok sa mga pampalakasan, ang magulang o ang kinatawan ng distrito ng paaralan ay dapat na isaalang-alang na imbitahin ang coach upang makilahok sa pagbuo ng IEP. 12. Anong mga uri ng mga may kaugnay na serbisyo, karagdagang tulong, at iba pang suporta ang responsibilidad ng distrito ng paaralan na ibigay upang masiguro na ang mga estudyante na may kapansanan sa pangkaisipang kalusugan ay makakalahok sa mga extracurricular na gawain? Ang pangkat ng IEP ay dapat na isaalang-alang ang anumang mga may kaugnay na serbisyo, karagdagang tulong, at iba pang mga suporta na kinakailangan upang matamo ang kakaibang mga pangangailangan ng bata. Para sa mga bata na may pangangailangan sa pangkaisipang kalusugan maaaring kabilang dito ang, ngunit hindi limitado sa, isa o higit pa sa mga sumusund: isang pansuportang plano ng positibong ugali na idinisenyo na nagbibigay-pansin sa pag-uugali; pag-papayo upang maturuan na makasabay o magkaroon ng kakayanan na makihalubilo na may kaugnayan 12 34 CFR seksyon 300.320.(a)(4) Pahina 6 ng10

sa kumpetisyon o sa mga pampangkat na gawain; mga serbisyo ng rehabilitasyon sa pangkaisipang kalusugan upang ipakita at ituro ang mga pag-uugaling kasanayan habang nagsasanay; mga pagbabago sa tagubilin ng pagtuturo na maaaring kabilang ang pag-uulit, paghahati ng mga mahirap unawain na mga tagubilin, pagbibigay ng pang-indibidwal na tagubilin o pagtuturo upang patibayin ang mga kasanayan, pagbabago ng mga patakaran sa mga pagdalo at pagsasanay upang ang estudyante ay makapunta sa mga medikal na appointment. 13. Ang mga paaralan ba ay inaatasan na payagan ang mga estudyante na may kapansanan na makilahok sa anumang mga gawaing paligsahan nang hindi alintana ang mga may kaugnay na kakayahan at abilidad ng estudyante? Hindi. Ang mga distrito ng paaralan ay maaaring mangailangan ng lebel ng kakayahan o abilidad ng estudyante upang ang estudyanteng iyon ay makalahok sa isang programa o gawain na pili o pampaligsahan. Subalit, ang mga distrito ng paaralan ay dapat na bigyan ang mga estudyante na may kapansanan ng pantay na oportunidad na makilahok sa mga extracurricular na pampalakasan sa isang paraan na isinasama sa abot ng makakayang angkop sa pangangailangan ng bawat estudyante. Ibig sabihin nito, ang distrito ng paaralan ay dapat na gumawa ng pang-indibidwal na pagtatanong upang malaman o hindi kung mayroon, o walang makatwirang kaluwagan o pagbabago sa mga patakaran, kasanayan, o pamamaraan, ang estudyante ay karapat-dapat na makilahok sa isang pampaligsahan na gawain. 14. Paano nalalaman ng paaralang kung ang pagbabago o kaluwagan ay makatwiran o hindi? Kung ang pagbabago o kaluwagan ay kinakailangan upang mabigyan ang isang estudyanteng may kapansanan ng pantay na pagkakataon sa isang extracurricular na gawain, karaniwan, ang pagbabago o kaluwagan ay maisasaalang-alang na makatwiran maliban na lamang kung maipapakita ng paaralan na ang hinihiling na pagbabago o kaluwagan ay maituturing na pagbabago sa saligan ng uri ng extracurricular na pampalakasang gawain o magbibigay sa estudyante ng hindi patas na kalamangan sa ibang mga estudyante. 13 13 Liham ng OCR na Minamahal na Katrabaho, petsa Enero 25, 2013. https://www2.ed.gov/about/offices/list/ocr/letters/colleague-201301-504.pdf. Pahina 7 ng10

15. Ano ang kailangang gawin ng ahensiyang pang-edukasyon sa paggawa ng pang-indibidwal na pagtatanong? Nilinaw kamakailan ng Tanggapan ng mga Karapatang Sibil na ang pangindibidwal na pagtatanong ay nangangailangan ng nasa panahon, makatwirang magandang loob na pagsisikap ng kawani ng paaralan na may angkop na kaalaman at karanasan upang malaman kung mayroong mga makatwirang pagbabago o tulong o suporta na makapagbibigay sa estudyante ng pantay na pagkakataon sa mga extracurricular na gawain. 14 16. Ang mga distrito ng paaralan ba ay inaatasan na gumawa ng aksyon kung ang estudyante ay nililigalig batay sa kapansanan habang ang estudyante ay nakikilahok sa mga extracurricular na gawain? Oo. Ang mga paaralan ay dapat na gumawa ng mga hakbang upang maiwasto ang mga batay sa kapansanan na panliligalig na alam ng paaralan o makatwirang dapat na malaman tungkol dito, kabilang na ang panliligalig na nangyayari sa panahon ng mga extracurricular na gawain. Kabilang dito ang mabilis, masusi, at walang kinikilingan na imbestigasyon, paggawa ng mga mabilis na hakbang upang itigil ang panliligalig at pagpigil na muling maulit ang panliligalig at upang maprotektahan ang sumailalim sa panliligalig laban sa paghihiganti. 15 17. Ibig sabihin ba ng pantay na oportunidad ay ang bawat estudyante na may kapansanan ay garantisadong may lugar sa isang pangkat ng pampalakasan kung saan ang ibang estudyante ay dapat na dumaan sa pagsubok? Hindi. Subalit, ang mga distrito ng paaralan ay dapat na magbigay sa mga karapat-dapat na estudyante na may kapansan ng pantay na oportunidad para makilahok sa extracurricular na pampalakasan sa isang paraan na isinasama sa abot ng makakaya na angkop sa pangangailangan ng bawat estudyante. Ibig sabihin nito na ang distrito ng paaralan ay dapat na gumawa ng mga makatwirang pagbabago sa mga patakaran, kasanayan, o 14 Liham ng OCR para kay Francisco Negron, Jr. http://chinniandmeuser.com/uploads/3/2/7/4/3274563/december_2013_ocr_clarification_re_ separate_athletic_opportunities.pdf. 15 Tingnan ang Liham na Minamahal na Katrabaho, petsa 2010 na makikita sa http://www.ed.gov/ocr/letters/colleague-201010.html. Pahina 8 ng10

pamamaraan sa tuwing may ganitong mga pagbabago upang masiguro ang pantay na oportunidad, maliban na lamang kung maipapakita ng paaralan na ang hinihiling na pagbabago o kaluwagan ay maituturing na pagbabago sa saligan ng uri ng extracurricular na pampalakasang gawain o magbibigay sa estudyante ng hindi patas na kalamangan sa ibang mga estudyante. 18. Maaari bang panghawakan ng isang distrito ng paaralan ang mga patakaran o kinakailangan ng interscholastic na pederasyon o iba pang kapisanan na pampalakasan, mga samahan o liga na kabilang ang distrito ng paaralan upang tanggihan ang isang estudyante sa mga programang extracurricular batay sa kapansanan? Hindi. Idineklara ng OCR na ang legal na obligasyon ng paaralan na sumunod sa mga pampederal na batas laban sa diskriminasyon ay mangingibabaw sa anumang mga patakaran ng anumang asosasyon, organisasyon, samahan, o liga, na pumipigil o naglilimita sa pakikilahok batay sa kapansanan. 16 Ang mga paaralan ay dapat na magbigay ng mga pantay na oportunidad sa mga estudyanteng may kapansanan nang hindi inaalintana ang ganitong mga patakaran at dapat na makipagtulungan sa mga asosasyon upang masiguro na ang mga estudyanteng may kapansanan ay hindi mapagkakaitan ng pantay na oportunidad na makilahok sa mga interscholastic na pampalakasan. 17 Ang mga programang Pagpigil at Maagang Pamamagitan na isinasagawa ng CalMHSA ay pinondohan ng mga county sa pamamagitan ng isang aprubadong mga- botante na Batas ng mga Serbisyo ng Pagkaisipang Kalusugan (Mental Health Services Act, Prop 63). Ang Prop. 63 ay nagbibigay ng mga pondo at balangkas na kailangan upang mapalawig ang mga serbisyo ng pangkaisipang kalusugan sa mga dating hindi sapat na naseserbisyuhang populasyon at sa lahat ng iba-ibang komunidad ng California. Nais naming makarinig mula sa iyo! Matapos basahin ang pilyego ng impormasyon na ito, mangyaring pakisagot ang maikling pagsusuri na ito at ibigay sa amin ang iyong puna. Ingles na bersyon: http://fs12.formsite.com/disabilityrightsca/form54/index.html 16 Liham ng OCR na Minamahal na Katrabaho, petsa Enero 25, 2013. https://www2.ed.gov/about/offices/list/ocr/letters/colleague-201301-504.pdf. 17 Id. Pahina 9 ng10

Espanyol na bersyon: http://fs12.formsite.com/disabilityrightsca/form55/index.html Ang Disability Rights California ay pinondohang ng iba t ibang mga pinagmulan, para sa kumpletong listahan ng mga nagpondo, pumunta sa http://www.disabilityrightsca.org/documents/listofgrantsandcontracts.html. Ang Awtoridad sa mga Serbisyong Pangkaisipang Kalusugan ng California (CalMHSA, California Mental Health Services Authority) ay isang organisasyon ng mga pamahalaan ng county na nagtutulungan na mapabuti ang mga resulta ng pangkaisipang kalusugan para sa mga indibidwal, pamilya at mga komunidad. Ang mga programang Pagpigil at Maagang Pamamagitan na isinasagawa ng CalMHSA ay pinondohan ng mga county sa pamamagitan ng isang aprubado- ng mga-botante na Batas ng mga Serbisyo ng Pagkaisipang Kalusugan (Mental Health Services Act [Prop 63]). Ang Prop. 63 ay nagbibigay ng mga pagpopondo at balangkas na kailangan upang mapalawig ang mga serbisyo ng pangkaisipang kalusugan sa mga dating hindi sapat na naseserbisyuhang populasyon at sa lahat ng iba-ibang komunidad ng California. Pahina 10 ng10