GRADE IV REHIYON NG LAMBAK NG CAGAYAN. Pagkaraang masunod ang lahat ng gawain ay inaasahang magagawa mo na ang sumusunod:

Similar documents
GRADE VI GAMIT NG GRID

GRADE IV REHIYON VI KANLURANG VISAYAS

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

GRADE IV CAR CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION. Ang modyul na ito ay tungkol sa Rehiyon ng CAR. Malalaman mo ang mga sumusunod

H E K A S I PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Gaano katagal nangyayari ang El Niño?

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

H E K A S I TOPOGRAPIYA NG BANSA: YAMAN NG BANSA ANYONG TUBIG SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Unang Markahan TAO, KAPALIGIRAN AT LIPUNAN. Unang Aralin. Pagtukoy ng Pilipinas Gamit ang Pangunahin at Pangalawang Direksiyon

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

E P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

GRADE VI MGA LIKAS NA YAMAN NG BANSANG PILIPINAS. Subukin mong tukuyin ang mga likas na yaman ng bansa sa larawan.

Oops... Ingat sa Lansangan

H E K A S I PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG HAPONES SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Araling Panlipunan. Kagamitan ng Mag-aaral. Tagalog

H E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I ANG EDUKASYON SA PANAHON NG ESPAÑOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Araling Panlipunan DEPED COPY. Kagamitan ng Mag-aaral. Yunit I. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Ang Makisig at Hangal na Hari

PANG-URI SA IBA T IBANG ANTAS/PAGSULAT NG PAGHAHAMBING SA TULONG NG GRAP O DAYAGRAM

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

H E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Paksa: Mga Tayutay. Akdang Babasahin: Ang Pintor ni Gerry Gracio. Inihanda ni:

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

I.~ lc "AN<17PAG-AASAWA AT ANG

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

GRADE VI LIKAS NA YAMAN AY GAMITIN: BATAS AY DAPAT SUNDIN

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ano-ano Ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Chapter 6 Tagalog Verbs

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Pagsasanay sa Filipino

6 GOP - Textbook Funds

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

MODYUL SA PAGKATUTO. Pangkalahatang Ideya

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

Stake Audit Committee

H E K A S I EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGAN SA KASALUKUYAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Doctrinal Mastery Material para sa Titser ng Aklat ni Mormon

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

DRAFT. April 10, 2014

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

From left, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Alden Richards and Betong Sumaya.

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

TAGALOG Online na Buklet ng Impormasyon ng Magulang Smarter Balanced Assessments at Hawai i State Science Assessments

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

TEACHER / STUDENT MODULES

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Tungkol Saan ang Modyul na ito?

(Effective Alternative Secondary Education)

Sustainable (Maaaring Mapangalagaan) na Pangingisda

Tungkol Saan ang Modyul Na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Starting and Growing My Business. (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo) SELF-RELIANCE

MODYUL SA PAGKATUTO. I. Pangkalahatang Ideya

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

FARMERS ASSOCIATION FOR RURAL UPLIFTMENT

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Transcription:

GRADE IV REHIYON NG LAMBAK NG CAGAYAN ALAMIN MO Nais mo bang malaman ang mga ikinaiba ng Rehiyon II sa ibang mga rehiyon? Kung gayon subaybayan at gawin mo ang mga sinasabi ng mga panuto sa kabuuan ng modyul. Pagkaraang masunod ang lahat ng gawain ay inaasahang magagawa mo na ang sumusunod: - matukoy na ang iba t ibang lalawigan ng rehiyon - maisa-isa ang mga katangiang pangheograpiya ng lambak ng Cagayan tulad ng klima, uri ng pamumuhay, industriya at produkto 1

PAG-ARALAN MO HILAGA KANLURAN SILANGAN TIMOG TINGNAN SA MAPA ANG MGA LALAWIGAN 1. BATANES 2. CAGAYAN 3. ISABELA 4. NUEVA VIZCAYA 5. QUIRINO ANG HANGGANAN NG REHIYON - sa Kanluran ang bulubundukin ng Cordillera - sa gawi ng Silangan ng baybayin ay ang karagatang Pasipiko - sa Timog ay ang bundok Caraballo at Nueva Ecija - sa gawing Hilaga ng mga Isla ng Batanes Ay ang Taiwan - sa Silangan ay ang bundok ng Sierra Madre KABUUANG SUKAT NG REHIYON 26,837.7 kilometrong parisukat KINAROROONAN 2

Dulong Hilagang Silangan ng LUZON Punan mo ng mga wastong impormasyon ang mga patlang sa mga sumusunod na bilang. 1. Ang mga lalawigan ng Lambak ng Cagayan ay,,, at. 2. Ang mga kabisera ay,, at. 3. Punuan ang mga hangganan ng rehiyon sa kanluran, silangan at timog. Sa Kanluran ay ang Bundok ng Sa Silangan ay ang karagatang At sa Timog ay bundok ng at Nueva Ecija 3

4. Ang kabuuang sukat ng rehiyon ay. 5. Matatagpuan ito sa dulong ng Luzon. Basahin ang liham. Babalitaan ka nito tungkol sa magagandang pook sa rehiyon na maaari mong puntahan. Mahal na kaibigan, May magagandang mapapasyalan sa Lambak ng Cagayan. May yungib ng Chawa at Nakabuang sa Batanes. May puting buhangin sila sa isla ng Sabtang. Sa lalawigan naman ng Cagayan may yungib ng Callao ng Peñablanca, may puting dalampasigan sa Sanchez Mira at simbahanng mapaghimalang birhen ng Piat. Sa Isabela ang magagandang simbahan ay makikita sa Alicia at Tumawini. May malaking dam din sa Magat. Sa Nueva Vizcaya ay may bukal ng asin sa Salinas, magandang tanawin sa Dalton Pass at pambansang parke ng Bundok Pulog. Kuweba at mga talon naman ang makikita sa Aglipay at Madela sa lalawigan ng Quirino. Ang iyong kaibigan, Penton Alam mo ba na sa pagitan ng bundok ng Sierra Madre at Cordillera ay may malaking ilog? Ang pinagmumulan nito ay Bundok ng Caraballo sa Nueva Vizcaya. Dumadaloy ito patungong hilaga at ang pinakabunganga ay sa Aparri na dulo ng Cagayan. Ito ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas ang Ilog Cagayan. Sa mga lalawigan ng Rehiyon II, ang Batanes ang palaging dinadaanan ng bagyo. Laging malakas ang hangin dito. Walang tiyak na haba ng tag-araw sa Lambak ng Cagayan. Kahit tag-araw ay may ulan pa rin. Setyembre hanggang Nobyembre ang buhos ng malalakas na ulan. Ulan ang nagdadala ng mga tuyong dahon at nabubulok na halaman na dumadaloy sa mga sapa at ilog. Pagtigil ng tag-ulan naiiwan ang manipis na mga putik sa gilid ng ilog at mga bahagi ng lupaing binaha o inapawan ng ilog. Nagpapayaman ito ng lupa na mainam sa tanim na tabako. Maraming lupain dito na dalawang beses tinatamnan ng palay sa loob ng isang taon. Maraming taga-ilocos ang dumarayo rito upang makitanim at makigapas. 4

Minsan lang ang anihan sa Ilocos bukod sa maliliit pa ang bukid nila. Lumilipat sila sa Cagayan pagkatapos nilang makapagtanim at bumabalik kapag anihan na sa Ilocos. Lumilipat uli sila pagkaani at bumabalik sa panahon ng tag-ulan sa Ilocos. Ang iba ay di na bumalik sa Ilocos. Karamihan ng mga tao sa Cagayan ay mga Ilokano na rin. Ano-ano ba ang mga industriyang pinagkakakitaan ng mga taga Cagayan? Siyempre, pagsasaka, pagbubukid, pangingisda, paghahayupan at mga industriyang pantahanan. Maraming mangingisda lalo na sa Batanes pagkat ang lalawigan ay binubuo ng mga isla. May mga mangingisda rin sa malalapit sa ilog at mga sapa. May mga pook din na may mga rantso at kural na pinag-aalagaan ng mga baka, kambing at iba pang hayop. Pagtotroso naman at pagkuha ng pulut-pukyutan yantok at paggawa ng basket at mga muwebles ang karagdagang hanapbuhay sa Isabela at Nueva Vizcaya. Ang mga produkto ng lupa nila bukod sa palay ay tabako, mais, halamang-ugat, mani, saging at kalabasa. May mga gulayan din sila sa Nueva Vizcaya. SAGUTIN MO 1. Piliin at isulat sa iyong kuwadernong sagutan ang mga lalawigan ng Rehiyon II. Nueva Ecija Apayao Bataan Abra Isabela Nueva Vizcaya Cagayan Kalinga Batanes Benguet Aurora Quirino 2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapayaman sa lupain ng Lambak ng Cagayan? a) Ang mga natuyong dahon at nabulok na mga yagit na inanod ng ulan. b) Ang mga bundok ng Cordillera at Caraballo c) Ang kasipagan ng mga Ilokano d) Ang Ilog Cagayan 5

3. Sa palagay mo, bakit dalawang beses sila nagtatanim at nag-aani sa loob ng isang panahong taniman sa Cagayan? a) Dahil ito ay isang lambak b) Dahil sa haba ng tag-araw c) Dahil kahit tag-araw ay mayroon pa ring ulan d) Dahil naririto ang pinakamahabang ilog 4. Ang yungib ng Callao at simbahan ng Birhen ng Piat ay matatagpuan sa lalawigan ng. a) Nueva Vizcaya c) Cagayan b) Isabela d) Quirino 5. Kapag laging mahangin at mabagyo, alin sa mga sumusunod ang angkop na tanim sa Batanes? a) mangga c) gulay b) mais d) halamang-ugat TANDAAN MO Ang Rehiyon II ay napapalibutan ng mga bundok Nakakadalawang ulit magtanim ng palay sa Rehiyon II dahilan sa mahabang tag-ulan Malaking tulong ang pinakamahabang ilog dito sa kanilang kabuhayan Ang mga industriyang pantahanan dito ay paggawa ng muwebles, paggawa ng kasangkapang yari sa yantok, pag-aalaga ng hayop at pagtatanim ng mga gulay. 6

ISAPUSO MO Sabihin ang mga nararapat na desisyon at dahilan sa sitwasyong ilalahad. 1. Kung pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mamamayang nasa baybayin ng Cagayan, paano mapangangalagaan ang mga katubigan mula sa polusyon? Magmungkahi ng dalawang paraan. 2. Paano matutulungan ang mga magsasaka sa Cagayan upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan? 3. Kung bibili ka ng bigas at sa palengke ay may dalawang klase ng bigas ang tinda: isang galing sa Tsina at iyong ani sa Pilipinas, alin ang iyong pipiliin? Bakit? Ipaliwanag mo. GAWIN MO A. Awitin sa himig ng Si Pelimon Sa Cagayan, sa Cagayan May ilog na may kahabaan Sa kanluran at silangan Cordillera at Sierra Madre Mga tao y masisipag Sa pagsasaka t pangingisda Ang industriyang pantahanan Karagdagang ginagawa Dagdag sa kanilang kita (Ulitin) 7

SAGUTIN MO A. Piliin ang mga tamang sagot mula sa loob ng mga nakalarawang bagay. Isulat sa sagutang kuwaderno ang sagot. 1. Ang mga Lalawigan ng Rehiyon II 2. Ang mga Produkto ng Lupa sa Rehiyon 8

3. Ang mga iba pang pinagkakakitaan ng rehiyon paggawa ng bagoong paggawa ng muwebles pamumulot ng kabibe paggawa ng basket paggawa ng bukayo pangunguha ng yantok pagtatanim ng gulay pagtrotroso pangunguha ng pulutpukyutan paglililok 4. Tamang paglalarawan sa rehiyon Kapatagang nasa tuktok ng mga bundok Lupaing maraming ilog at gubat Kapatagang nasa pagitan ng mga bundok Lupaing bulubundukin at magubat 5. Sumulat ng isang talata na maglalarawan sa Rehiyon II. Malaya kang pumili ng anumang natatandaan mo tungkol sa pag-aaral ng rehiyon. Sariling salita ang gamitin at huwag kumopya sa mga gawain sa pahinang natapos mo nang mabasa t maisagawa. B. Muli mong tingnan ang mapa sa bahaging Pag-aralan Mo ng modyul na ito. Tukuyin ang mga lalawigang ipinahahanap sa bawat bilang. 1. Ano ang nasa gawing silangan ng Apayao at Kalinga? 2. Ano ang nasa gawing silangan ng Nueva Vizcaya? 3. Ano ang nasa gawing kanluran ng Quirino? 4. Ano ang ang nasa timog-silangan ng Cagayan? 5. Ano ang nasa dulong hilaga ng Rehiyon II? 9

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. 10