PATAKARAN SA PAG-UUGALI AT

Similar documents
Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Univar Kodigo ng Asal HEADLINE. Univar Kodigo ng Asal

Kodigo ng Asal at Etika sa Negosyo

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Kodigo ng Asal at Mga Etika

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

PANGKALAHATANG ABISO SA PRIVACY NG PERSONAL NA IMPORMASYON NG EMPLEYADO

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) Title VI

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

Kodigo ng Etika at Asal sa Negosyo bersiyon

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

KODA NG ASAL SA NEGOSYO

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Kodigo ng Etika at Asal sa Negosyo ng Nordson

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Koda ng Kaasalan sa Dole Food Company, Inc.

KODA NG PAG-AASAL. Pagsasapamuhay Ng Ating Mga Pinahahalagahan. Pinananatili ang Pinakamatataas na Pamantayang Etikal

Atlantic Health System

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

ANG KODIGO NG GAWI AT ETIKA SA NEGOSYO.

Pamamatnubay na Palakad sa Paaralan para sa mga Magulang na Baguhan

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

GABAY PARA SA TAGUMPAY ANG KODIGO SA ASAL NG PMI

RIVERSIDE TRANSIT AGENCY PAMAMARAAN SA IMBESTIGASYON NG REKLAMO NG TITLE VI

Sinusuportahang Pagtatrabaho sa pamamagitan ng DOR: Fact Sheet ng Pagkanararapat at Nasasaklawan ng mga Serbisyo

PERSONAL NA PAGSAKOP PARA SA MGA MAY-ARI NG NEGOSYO

MGA PAMANTAYAN SA PAMAMAHALA PARA SA TOSHIBA TEC PHILIPPINE GROUP

Opisina ng Pagtatanggol para sa Saykayatrikong Pasyente

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

Ang Bagong Sistema ng mga Karapatang Pantao ng Ontario

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

Ota City Board of Education

Group Code of Conduct GLOBALLY COMMITTED TO COMPLIANCE

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

PETSANG MAY BISA: 01/01/2016 PETSA NANG NIREBISA: 06/27/2017. Financial Assistance Policy (Patakaran para sa Pinansiyal na Tulong)

SVP - Chief Compliance & Audit Officer. Kontak: Posisyon: Telepono #:

Pag-access at Pagbabago ng mga Rekord ng Kalusugan

Sistema Administratibo

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Form NLRB-707 (4-2015) Estados Unidos ng Amerika Lupon ng Pambansang Ugnayan ng Paggawa ABISO NG HALALAN

Financial Assistance Documents

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Dapat ninyong makumpleto ang form na ito ng pagpaparehistro nang hindi lalampas sa Martes, Hunyo 12, 2018, sa ganap na 5:00 PM, Pacific.

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pamamahala sa Social Security Mahalagang Impormasyon

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

Ulat mula sa Ombuds Office

Holy Name Medical Center Patakaran Ukol sa Tulong Pampinansyal Epektibo Mula: 1/1/2016. Pahayag Ukol sa Patakaran

Mga Pananggalang na Pamamaraan Mga Karapatan ng Magulang

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

Pang-aabusong Sekswal sa Kulungan: Isang Pandaigdigang Krisis sa Karapatang Pantao

Paunawa ng mga Pamprotektang Hakbang sa Proseso Binago Oktubre 2016

Unang Hakbang MGA INIAATAS NA KUWALIPIKASYON

Stake Audit Committee

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

Patakaran sa Proteksyon ng Whistleblower

NOTISYA NG MGA PRIBADONG KASANAYAN

Petsa ng simula ng paghihintay (MM/DD/YYYY)

ADVENTIST MIDWEST HEALTH ANYONG PATAKARAN Kategorya Mga Serbisyo ng Pasyente sa Pinansiyal

I. LAYUNIN PATAKARAN. Pamagat: Patakaran sa Tulong Pinansyal. Patakaran Pamamaraan Alituntunin Iba pa: Saklaw: Sistema Departamento:

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Pamantayan para sa Mga Palaisdaan ng Seafood Watch

Koleksiyon ng mga kailangan at

Core Humanitarian STANDARD. Batayang Pamantayang Humanitarian sa Kalidad at Pananagutan

Gender Policy para sa Pampamayana ng Radyo. Ika-8 ng Marso 2008

AMATS Title VI Walang Diskriminasyong Plano ng Pagpapatupad

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

Pag-unawa sa Pamamaraan ng Pagtasa, Karapatan, at Pang-isahang Programa sa Edukasyon ng Maryland

Mahalagang impormasyong legal, mga paghahayag, at mga patakarang kailangan ninyong malaman

Iba pang mga wika at format

Ang Makisig at Hangal na Hari

Welcome sa Swedish. Welcome to Swedish. Handbook ng Pasyente at Pamilya. Patient and Family Handbook (Tagalog)

GRADE VI GAMIT NG GRID

Pag-alalay sa Pag-aaral ng inyong Anak sa pamamagitan ng Pagtatasa, Pagsusuri at Pag-uulat

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM SENIOR HIGH SCHOOL APPLIED TRACK SUBJECT

Gabay para sa mga Lider

Transcription:

Patakaran sa Pag-uugali at Kagandahang-asal ng Korporasyon PATAKARAN SA PAG-UUGALI AT KAGANDAHANG-ASAL NG KORPORASYON 1. Introduksyon Kinikilala ng Amcor ang mga pananagutan nito bilang prodyuser sa buong mundo ng mga materyales para sa mga serbisyo at materyales na pangpackaging, at nakatalaga ito sa pagiging isang mamamayang-korporasyon na responsable, na kumikilala sa mga Alintuntunin ng OECD para sa Multinational Enterprises (Mga Internasyonal na Negosyo). Naniniwala ang Amcor na ito ay hindi lamang kailangang sumunod sa mga pambansang batas ng bawat bansa kung saan ito nagnenegosyo, kungdi, kailangan rin nitong patakbuhin ang negosyo alinsunod sa mga pamamaraan at kinagawian na tanggap sa buong mundo. Ang mga pangunahing paniniwalang ito, na pinagtatalagahan ng komite at nakatataas na management ng Amcor ay sentro ng mga pinahahalagahan ng Amcor at kasama sa Patakaran ng Pag-uugali at Kagandahang-Asal ng Korporasyon. Naniniwala ang Amcor na ang mga paniniwalang ito ay umaabot sa lahat ng mga manggagawang gumagawa o naghahatid ng mga produkto o serbisyo para sa Amcor, sila man ay mga katrabaho ng Amcor o hindi. Inaasahan ng Amcor na ang lahat ng mga kontratista nito, ang mga sub-contractor, mga pangunahing supplier at binigyan ng lisensya na ipatupad ang mga pamantayang ito kapag gumagawa o nagbabahagi ng mga produkto para sa Amcor o kapag naghahaid ng serbisyo sa Amcor. 2. Integridad ng Negosyo 2.1 Katapatan, integridad at pagiging patas Nakikilala ng Amcor ang kahalagahan ng katapatan, integridad at pagiging patas sa pagnenegosyo nito. Amcor Limited www.amcor.com

2.2 Pagsunod sa mga batas at mga regulasyon Ang lahat ng katrabaho ng Amcor at ang mga kapangkat na kompanya ng Amcor ay dapat sumunod sa mga naaangkop na batas at regulasyon ng mga bansa kung saan ito nagnenegosyo. 2.3 Mga shareholder at ang pinansyal na komunidad Ang Amcor ay nakatalaga sa pagpapataas sa halaga ng shareholder, kaalinsabay ng pagtupad sa mga pananagutan nito bilang isang mabuting mamamayang-korporasyon. Ang Amcor ay nakatalaga sa patas, napapanahon at tumpak na pagsisiwalat ng impormasyon upang masiguro na ganap na nakakaalam ang mga shareholder nito pagdating sa totoong pinansyal na posisyon nito, at sa pagganap ng Amcor Group. 2.4 Panloob na Trading Ang Amcor ay may patakaran sa share trading para sa mga katrabaho na nagpapaliwanag sa batas na nagbabawal sa panloob ng trading. Pinagbabawalan rin ng patakarang ito ang mga direktor nito, mga katrabaho at ilang kasamahan mula sa pagte-trade ng mga security sa mga tinukoy na panahon ng blackout. 2.4 Mga salungatan ng interes Ipinagbabawal ng Amcor ang sinomang direktor o katrabaho ng Group na gumamit ng anumang impormasyon o asset ng Group para sa personal na pakinabang o upang makipagkumpitensya sa Group. Ang kapansin-pansing salungatan ng interes gaya ng pagkakaroon ng malaking interes sa negosyo ng isang kostumer o supplier ay dapat iwasan. Kung may maganap na ganitong salungatan ng interes, ang ganap na pagsisiwalat sa salungatang iyon ay dapat isagawa alinsunod sa prosesong nakatakda sa Patakaran ng Amcor sa Delegated Authority, at ang (mga) taong may-kinalaman sa salungatang iyon ay hindi dapat makibahagi sa alinmang proseso ng pagpapasya na umuugnay sa mga bagay na sanhi ng salungatang iyon. 2.5 Paglahok sa politika Maaaring katawanin ng mga negosyo ng Amcor ang mga pananaw nito sa mga gobyerno at iba pang third party, tungkol sa mga bagay na nakakaapekto sa mga interes nito sa Pahina 2/13

negosyo, gayundin sa mga interes ng kanilang shareholder, katrabaho at iba pang kabilang sa pagnenegosyo nito. Hindi dapat lumahok ang mga negosyo ng Amcor sa anumang partido sa politika o magbayad sa mga partido-politikal nang wala munang pag-aapruba ng Komite ng Amcor. Hindi kailangan magbabayad ang Amcor (o sinoman sa mga katrabaho, opisyal, direktor o ahente ng Amcor), na upang matulungan ang kompanyang makakuha o makapagpanatili ng negosyo para sa o kasama ng, o nagnenegosyo sa, sinomang tao, sa alinmang partidopolitikal o opisyal ng partidong iyon o kandidato para sa pampublikong puwesto para sa layuning: maimpluwensyahan ang anumang pagkilos o pasya ng partidong iyon, opisyal, o kandidato sa opisyal na kakayahan nito; himukin ang partidong iyon, opisyal o kandidato na kumilos o huwag kumilos na lalabag sa tungkulin nitong itinakda ng batas; maniguro ng anumang di tuwirang bentaha; o himukin ang partidong iyon, opisyal o kandidato na gamitin ang impluwensya nito sa isang gobyerno o tulong ng naturang gobyerno na makaapekto o makaimpluwensya sa anumang pagkilos o pagpapasya ng nasabing gobyerno o tulong. 2.6 Panunuhol at katiwalian Ang patakaran ng Amcor Laban sa Panunuhol at Katiwalian ay nagtatakda ng mga patakaran at pamamaraan ng Amcor na nauugnay sa panunuhol at katiwalian. Ang patakaran ay makikita sa website ng Amcor at dapat alamin ng mga katrabaho, kinatawan, supplier at kontratista ng Amcor ang patakarang ito. Ipinagbabawal ng Amcor ang panunuhol at katiwalian. Hindi kailanman aaprubahan ng Amcor ang anumang alok, pagsasagawa, paghiling o pagtanggap ng iregular na kabayaran o kabayarang hindi pera upang makuha ang isang negosyo o maimpluwensyahan ang isang pagpapasyang ukol sa negosyo para sa Amcor, o may ganitong layunin na ang magiging sanhi ay ang hindi magandang pagsasagawa ng tungkulin. Ang mga alok sa at panunuhol, 'kick-back', mga lihim na komisyon at mga katulad na kabayaran ay mahigpit na ipinagbabawal. At, maaari nitong ilantad ang Amcor at isang mahalagang katrabaho sa kriminal na kaso at malubhang mga parusa alinsunod sa mga batas ng ibang bansa, pati na rin ng naturingang bansa. Pahina 3/13

Ang pagbabawal na ito ay nakalapat rin sa mga ahente at mga third party na nagtatrabaho para sa Amcor upang kumatawan sa mga interes nito. Dapat maging maingat kapag nag-aatas ng sinoman para sa ganoong posisyon, at sa pagsubaybay sa kanilang pagganap, tasahin ang kanilang reputasyon at kaangkupan para sa posisyon. Sa mga maseselang bahagi o pagkakataon, ang patakaran at mga inaasahan ng Amcor ay dapat malinaw na maipaabot sa at tinanggap ng ahente o third party. Sumangguni sa Patakaran ng Amcor Laban sa Panunuhol at Katiwalian para sa karagdagang detalye sa diskarte ng Amcor laban sa panunuhol at korupsyon, impormasyon at gabay upang makilala at mapangasiwaan ang mga isyung patungkol sa panunuhol at katiwalian at kung paano isinasagawa at sinusubaybayan ang mga posibleng kaganapan ng panunuhol at katiwalian. 2.7 Mas kabayaran para sa pagpapabilis Hindi iba na sa ilang bansa, nagpapabayad ng maliit na halaga sa mga katrabaho, bilang pasasalamat, sa mga opisyal na may mababang posisyon o sa mga empleyado ng gobyerno. Ang mga kabayarang ito (na minsan ay tinatawag na mga kabayaran para sa pagpapabilis) ay isinasagawa upang mapabilis ang mga serbisyo o administratibong pagkilos na inihahatid o ginaganap ng mga indibidwal na iyon. Hindi sang-ayon ang Amcor sa mga ganitong kabayaran dahil sa patakaran, at dapat isagawa ang lahat ng pagsisikap upang maiwasan ang mga ito. Nakikilala ng Amcor na sa ilang bansa, maaaring magsagawa ng maliliit na kabayaran para sa pagpapabilis. Ngunit, sa ibang bansa, may mga umiiral na mahigpit na batas na nagbabawal sa anumang uri ng kabayaran para sa pagpapabilis. Walang anumang halaga ng kabayaran para sa pagpapabilis ay maaaring isagawa kung ito ay hindi nakakasunod sa mga pamamaraang nakasaad sa Patakaran ng Amcor Laban sa Panunuhol at Katiwalian. Ang malinaw at tumpak na mga tala ay dapat rin itago, alinsunod sa Patakaran ng Amcor Laban sa Panunuhol at Katiwalian. 2.8 Mga Regalo Dapat mag-ingat ang mga katrabaho pagdating sa pagbibigay o pagtanggap ng mga regalong may-kinalaman sa negosyo. Ang mga lokal na kinagawian, halaga ng regal at ang mga legal na pangangailangan ay dapat isaalang-alang kapag pinag-iisipan kung ang regalo ay dapat tanggapin ng katrabaho o ng kinatawan ng Amcor, iabot sa kompanya o ibalik. Ipinagbabawal ng Amcor ang mga regalo sa anyong pera, droga at iba pang kontroladong gamot, mga diskwento sa mga produkto o serbisyo na hindi napakikinabangan ng ibang mga katrabaho, personal na paggamit ng sasakyan o mapagbabakasyunang lugar, at mga Pahina 4/13

kabayaran o pagpapautang na magagamit upang makabili ng personal na pag-aari. Ang mga katrabaho at ang mga kinatawan ng Amcor dapat ay hindi rin mag-alok, magbigay, humingi o tumanggap ng mga regalo kailanaman, na maaaring maituring bilang pagiimpluwensya sa partidong kalahok o paggawa ng obligasyon sa negosyo na naglalayong maisagawa nang di maayos ang isang tungkulin. Maliban pa rito, ang isang katrabaho at kinatawan ng Amcor ay hindi dapat humingi ng mga regalo o pagmamagandang-loob mula sa supplier, kostumer o iba pang partido kung kanino nakikipagnegosyo ang Amcor, ni hindi rin siya dapat makipagpalitan ng mga regalo sa mga kinatawan ng kakumpitensya dahil ang ganitong mga aksyon ay maaaring magsanhi ng salungatan sa interes. Ang Amcor ay nagpapanatili ng isang register para sa mga regalo at pagmamagandangloob na mas malaki sa USD 1,000. Sumangguni sa Patakaran ng Amcor Laban sa Panunuhol at Katiwalian para sa iba pang detalye na may-kaugnayan sa register pati na rin sa patakaran ng Amcor sa mga regalo at pagmamagandang-loob. 2.9 Kompetisyon Sinusuportahan ng Amcor ang mga prinsipyo ng malayang kompetisyon sa merkado, alinsunod sa naaangkop na mga batas sa kompetisyon. Ngunit, ang mga batas ng kompetisyon na nakakaapekto sa mga aktibidad ng negosyo ay iba-iba sa bawat banasa at ang Amcor ay may malinaw na koleksyon ng mga patakaran sa Pagsunod sa Kompetisyon, kasama na ang Mga Gabay ng Samahan sa Pagnenegosyo (Trade Association) at ang Pinakamahusay na Kasanayan sa Pangangasiwa ng Tala (Record Management Best Practices). Dapat tiyakin ng lahat ng mga katrabaho ng Amcor na nauunawaan nila ang mga patakarang ito ng korporasyon at kumilos nang naaayon o humingi ng gabay kung kinakailangan mula sa legal na tagapayo ng Amcor. 2.10 Pagkapribado at impormasyon Ginagalang ng Amcor ang pagkapribado ng mga indibidwal at ang mga batas na nauugnay rito. Ipinagbabawal ang di-wastong paggamit ng kompidensyal na impormasyon. Ang Amcor ay may malinaw na koleksyon ng Patakaran sa Pagkapribado na nagtatakda ng ating mga patakaran ukol sa koleksyon at pangangasiwa ng personal na impormasyon. Pahina 5/13

2.11 Whistleblowing o Pagsisiwalat ng Impormasyon Ang Amcor ay nakatalaga sa paniniguro na ang mga katrabaho ay maaaring magparating ng mga alalahanin ukol sa ilegal na asal o maling pagganap, kung saan ang intensyon ng mga ito ay mabuti, nang hindi napapailalim sa isang kalayagan ng pagiging biktima, paggambala o pagtrato nang may diskriminasyon at upang maimbestigahan nang maayos ang ganitong mga alalahanin. Kinikilala ng Amcor na ang ganitong kaugalian na may mabuting intensyon at umaayon sa Patakaran ng Whistleblower ng Amcor ay isang mahalagang aspeto ng papel ng bawat katrabaho na kasama sa Group. Ang Amcor ay nagpatupad ng isang pormal na Patakaran sa Whistleblower na ibinibigay sa mga katrabaho (kung pinapayagan ng mga lokal na batas) at mayroong isang hiwalay na Serbisyo para sa Whistleblower na pinangangasiwaan mula sa labas, upang maiulat ng mga katrabaho nang hindi sila nakikilala, ang anong potensyal na pangyayari ng diwastong asal. Available ang Serbisyo ng Whistleblower sa buong mundo, sa mahigit 20 wika. Maaaring magharap ng mga alalahanin ang mga katrabaho online o sa pamamagitan ng mga espesyal na toll-free na numero ng telepono sa pakikipag-ugnayan na available sa ibaibang bansa kung saan nagnenegosyo ang Amcor. 3. Mga Kinagawian sa Paggawa 3.1 Mutual na Respeto Ang Amcor ay nakatalagang gumawa sa isang lugar kung saan mayroong mutual na tiwala at respeto at kung saan ang lahat ay may-pananagutan sa pagganap at reputasyon ng Group. 3.2 Walang Diskriminasyon Kinikilala ng Amcor ang dignidad ng bawat katrabaho, at ang karapatan sa isang lugar na pinagtatrabahuhan na walang panggugulo at pang-aabuso. Ang mga pagpapasyang patungkol sa pagtanggap sa trabaho, pasuweldo, mga benepisyo, pagsulong, pagtatanggal o pagreretiro ay batay lamang sa kakayahan ng katrabaho na gawin ang trabaho. Walang diskriminasyong batay sa lahi, paniniwala, kapansanan, kasarian, kalagayan sa pag-aasawa o pagiging-ina, mga paniniwala sa relihiyon at politika, edad o piniling sekswalidad. Pahina 6/13

3.3 Kalayaan mula sa panliligalig Ang Amcor ay lumikha ng isang kultura sa trabaho na nagbibigay sa mga katrabaho nito ng pagkakataong magtrabaho nang walang takot sa paninindak, paghihiganti, at panliligalig at patuloy na kikilos ang Amcor upang matiyak na ang ganitong kultura ay mapanatili sa loob ng Group. 3.4 Trabaho na Malayang Pinili Ang Amcor ay hindi gumagamit at hindi mag-aatas ng pagtatrabahong sapilitan, nakabond, naka-indenture o hindi kusang pagpapatrabaho sa mga preso. Ang Amcor ay sumusunod sa mga umiiral na regulasyon sa pagtatrabaho tungkol sa puwersadong paggawa sa lahat ng hurisdiksyon kung saan ito nagnenegosyo. 3.5 Pagpapatrabaho sa Kabataan Kinikilala ng Amcor ang mga karapatan ng bawat kabataan na maproteksyonan laban sa mga pagsasamantala at iginagalang ang mga batas ng bawat bansa kung saan ito ay gumagawa alinsunod sa pagtanggap ng mga katrabahong nasa wastong edad. Ang pagtanggap sa trabaho ng mga kabataang na mas bata sa 18 ay mangyayari lamang kung ang trabaho ay hindi mapanganib at kung ang mga kabataang trabahador ay mas matanda na sa legal na edad na pinahihintulutan ng batas sa pagtatrabaho, o ang nakaatas na edad sa pagtatapos ng kinakailangang edukasyon. Anuman ang kaso, hindi nagpapatrabaho ang Amcor ng mga indibidwal na mas bata sa 15 taong gulang. 3.6 Pasuweldo Ang Amcor ay nagpapasuweldo at nagbibigay ng mga benepisyo na sumusunod sa mga naaangkop na batas at mga may-bisang collective agreement, kasama na ang mga ukol sa overtime na trabaho at iba pang kasunduan sa premium pay. Pahina 7/13

3.7 Oras ng trabaho Ang Amcor ay nakatalaga upang matiyak na ang mga empleyado nito ay gumagawa alinsunod sa mga naaangkop na batas at sa mandatoryong pamantayan sa industriya, na nauukol sa bilang ng oras at araw ng trabaho. 3.8 Malayang pakikisama at collective bargaining Naniniwala ang Amcor na ang bukas na pakikipag-usap at ang direktang pakikisalamuha sa pagitan ng mga manggagawa at pamamahala ay ang pinakamabisang paraan upang malutas ang mga isyung tungkol sa lugar ng pinagtatrabahuhan at pasuweldo. Ginagalang ng Amcor ang mga karapatan ng manggagawa, gaya ng nakasaad sa mga lokal na batas, na malayang makisama, sumali o hindi sumali sa mga unyon, kumuha ng mga representasyon at sumali sa mga konseho ng mga manggagawa. Maaaring bukas na makipag-usap ang mga manggagawa sa pamamahala tungkol sa mga kondisyon ng pagtatrabaho nang walang takot sa paghihiganti, paninindak o panliligalig. 3.9 Pagre-refer ng mga kandidato mula sa mga kaugnay na partido Pinupuno ang mga oportunidad sa trabaho sa Amcor batay sa kahusayan at isinasagawa ang pagre-recruit sa maayos at naaangkop na paraan kapag may potensyal na salungatan sa interes. Kung nakakatanggap ang Amcor ng mga referral para sa mga potensyal na kandidato para sa mga trabaho sa Amcor Group na mga kamag-anak ng katrabaho, mga customer, mga kaugnay na entity o supplier, ang mga patakaran at pamamaraang nakasaad sa ibaba ang iaangkop. Kasama sa mga kaugnay na entity sa Amcor Group ang mga joint venture at subsidiary ng Amcor kung saan may 20% interes o higit pa ang Amcor. Isasaalang-alang lang ng Amcor na ibigay ang mga posisyon sa mga kandidato kapag: may bakante o pangangailangan para sa mga partikular na kakayahan sa Amcor; natutugunan ng kandidato ang pamantayang hinahanap alinsunod sa mga patakaran at kasanayan ng Amcor sa pagtanggap sa trabaho, taglay nila ang kinakailangang Pahina 8/13

kahusayan para sa posisyon, at kapag sila ang pinakanaaangkop na tao para sa posisyon; ang kandidato ay may-hawak na posisyong sumasailalim sa mga kondisyon ng trabahong may-kaugnayan sa posisyon. Halimbawa, ang kanilang suweldo at kasunduan sa trabaho ay naaayon sa pangangailangan sa merkado at ibinatay sa partikular na papel at naaayon sa lahat ng patakaran ng Amcor; at hindi ilalagay ang isang kandidato sa isang posisyon na may potensyal na salungatan sa interes dahil sa kalagayan ng posisyon na iniaalok. 3.10 Mga Ugnayan Nababatid ng Amcor na ang mga hindi pagkakasundo ng interes ay maaaring magmula kung may direkta o hindi direktang ugnayan sa pag-uulat sa pagitan ng mga katrabahong may espesyal na ugnayan, kabilang ang sitwasyon kung saan may malapit na ugnayan ang mga katrabaho at kamag-anak ng mga ito. Ang mga katrabahong may ganitong ugnayan ay inaatasang isiwalat ang umiiral na ugnayang ito sa kanilang lokal na kinatawan ng Human Resources sa pinakamaagang pagkakataon na posible, upang makapagsagawa ng naaangkop na pagkilos upang matiyak na maiiwasan ang anumang nagaganap o inaasahang pagkiling. 4. Kalusugan at kaligtasan 4.1 Lugar ng Trabaho Pinangangalagaan ng Amcor ang kaligtasan ng mga tauhan nito at nakikilala nito na ang mga pinsalang nagreresulta sa hindi kinakailangang paghihirap para sa mga indibidwal at sa mga pamilya nito. Ang Amcor ay nakatalaga sa pagbibigay ng ligtas na lugar ng trabaho na maganda sa kalusugan, para sa mga katrabaho nito, mga kontratista at mga bisita. Pahina 9/13

Kinikilala ng Amcor ang mga pananagutan nito bilang isang nangungunang prodyuser ng packaging at mga produktong may-kaugnayan sa packaging sa buong mundo at dahil dito, nagsisikap kaming makamit ang "Walang Mga Pinsala". Ang Kompanya ay nakatalaga sa pagbibigay ng lugar na pinagtatrabahuhan na malaya sa mga masasamang pangyayari, sakit at pinsala para sa lahat ng katrabaho, kontratista at mga bisita. Ito ay nagbibigaydaan sa atin na gumawa sa isang ligtas na paraan na gumagalang sa kalusugan at kaligtasan ng mga katrabaho, at mga komunidad kung saan kami nagnenegosyo, habang nakakalikha ng mga produktong mataas ang kalidad. Ang pagtatalagang ito ay ganap na sinusuportahan ng pamamahala ng kompanya at mayroon nang naisagawang malawakang programa para sa kaligtasan. 4.2 Mga Produkto Ang Amcor ay nakatalaga sa paggawa ng mga produktong mataas ang kalidad at ligtas gamitin. Patuloy naming pinahuhusay ang aming pagganap sa pamamagitan ng paghahanap ng mga mas ligtas na paraan upang magawa at maipamahagi ang aming mga produkto. 5. Kapaligiran Ang Amcor ay nagsisikap na makilala bilang isang kompanyang may malasakit sa kapaligiran at gumagalang rito at sa mga komunidad kung saan kami nagnenegosyo habang patuloy na gumagawa ng mga produktong mataas ang kalidad at naghahatid ng mga serbisyo. Naniniwala kami na ang aming pagtatalaga sa pamamahala ng negosyo sa isang paraang mapangangalagaan ang kapaligiran ay magpapataas sa halaga ng kompanya, sa ating mga katrabaho, sa ating mga kostumer at sa komunidad. Kami ay nakatuon sa pagpigil at pagpapababa sa masasamang epekto sa kapaligiran, kasama na ang waste, mga emission at mga discharge na nagmumula sa aming paggawa. Nilalayon naming pababain ang markang maiiwan ng aming paggawa sa kapaligiran. Binabawasan namin ang markang aming iniiwan sa kapaligiran sa pamamagitan ng patuloy na pagpapahusay sa aming paggamit ng mga natural na mapagkukunan ng materyales. Gumagamit kami ng mga proseso para sa pangangasiwa ng peligro, upang makontrol ang panganib sa kapaligiran na di-sinasadyang kakambal ng aming mga paggawa. Pahina 10/13

6. Komunidad Ang Amcor ay nagsisikap maging isang pinagkakatiwalaang mamamayang-korporasyon at nagsisikap na gumawa sa paraang nakakahimok ng mga tumatagal, kapaki-pakinabang at interaktibong relasyon sa mga komunidad kung saan ito nagnenegosyo. Ang Amcor ay nakatuon sa paggamit ng lalim at lawak ng mga produkto at kahusayan nito, upang maibahagi ang mga benepisyo ng responsableng packaging. Ang estratehiya ng Amcor sa Pakikilahok at Pamumuhunan sa Komunidad sa buong mundo ay kaayon ng obligasyon nito at ito ay sentro sa aming pagnenegosyo. 7. Pagsunod 7.1 Dokumentasyon at pagiging-bukas Ang Amcor ay nakatalaga sa mga prinsipyo ng lubos na pagiging-bukas (transparent) na kaayon ng normal na gawi sa pagkakompidensyal sa komersyal na industriya. Pananatilihin ng Amcor ang lahat ng kinakailangang dokumentasyon upang ipakita ang pagsunod dito sa Patakaran sa Pag-uugali at Kagandahang-asal ng Korporasyon na ito at bilang pagaatas ng lokal na mga batas. 7.2 Hindi pagsunod Ang mga panloob na pagsusuri sa pagsunod ng Amcor dito sa Patakaran sa Pag-uugali at Kagandahang-asal ng Korporasyon na ito ay isasagawa sa pana-panahon. Kung mapag-alaman ng Amcor na ang katrabaho, kontratista o supplier na iyon ay hindi sumusunod dito sa Patakaran sa Pag-uugali at Kagandahang-asal ng Korporasyon na ito, isusulong ng Amcor ang mga hakbang upang maitama ito o tatapusin ang relasyon nito sa naturang katrabaho, kontratista o supplier. 8. Pangangasiwa sa Panganib Sa Amcor, nauunawaan namin at kinikilala na ang pangangasiwa sa panganib at oportunidad ay mahalaga sa katatagan ng isang korporasyon dahil pananatilihin nito ang napakagandang puwesto sa merkado at sa pangmatagalang pagganap. Pahina 11/13

Kasama sa pamamaraan ng Amcor ang mga prinsipyo ng mabisang pangangasiwa sa panganib, gaya ng nakasaad sa Global Risk Management Standard ISO31000. 9. Saan pupunta para sa tulong Kung naniniwala ka na ang isang pagpapasya o pagkilos ay hindi kaayon ng Patakaran sa Pag-uugali at Kagandahang-asal ng Korporasyon, o kung hindi ka sigurado sa dapat gawin sa isang partikular na sitwasyon, kailangan mong ipaabot kaagad ang isyu. Kung kailan posible, kailangan mo munang talakayin ang isyu sa management. Ang ibig sabihin ng management ay ang iyong immediate na supervisor o manager o chairperson sa komite kung saan ka kabilang. Kung sa palagay mo ay hindi mo ito magagawa, may ilang ibang paraan upang makapagtanong o magharap ng alalahanin. Maaari kang makipag-ugnayan sa: susunod na antas ng management; sa kinatawan ng Human Resources, Legal o Group Internal Audit ng iyong Business Group; sa manager na may-hawak sa lugar; o sa Serbisyo ng Whistleblower. Ang lahat ng kaganapan ng aktwal o pinaghihinalaang pandaraya ay dapat iulat alinsunod sa Patakaran ng Amcor sa Pagpigil sa Pandaraya. Hinihiling sa lahat ng Business Group na iulat ang lahat ng isyu, maliban sa mga isyung may-kaugnayan sa pandaraya, na ukol sa malubhang paglabag at mga kaganapan ng dipagsunod sa Patakaran sa Pag-uugali at Kagandahang-asal ng Korporasyon sa Company Secretariat sa panahon kung kailan isasagawa ang ASX certification nito. Ron Delia Chief Executive Officer Disyembre 2015 Pahina 12/13

Nabasa ko at naunawaan ang Patakaran sa Pag-uugali at Kagandahang-asal ng Korporasyon ng Amcor Ltd. Ako ay sumasang-ayon na susunod sa patakarang ito. Pangalan (SA MALALAKING TITIK): Posisyon: Lagda: Petsa: Pahina 13/13