Unang Markahan Baitang 1 Supplemental Lesson Plan

Similar documents
Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

GRADE VI GAMIT NG GRID

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Ang Makisig at Hangal na Hari

Filipino Baitang 2 Ikaapat na Markahan

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Filipino Baitang 1 Ikaapat na Markahan

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Ang Rex K to 12 Pointers para sa Pagbabago ng Kurikulum

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Paksa: Mga Tayutay. Akdang Babasahin: Ang Pintor ni Gerry Gracio. Inihanda ni:

Filipino Baitang 7 Ikatlong Markahan

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

Oops... Ingat sa Lansangan

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Mga Bumuo ng Patnubay ng Guro

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

1. Center of top breaking headlines and current events related to Department of Education. 2. Offers free K-12 Materials you can use and share.

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM SENIOR HIGH SCHOOL APPLIED TRACK SUBJECT

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Chapter 6 Tagalog Verbs

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

TEMA: Kabuhayang Pampamayanan/Trabaho, Industriya ng Pakikipagkalakalan (hal. One Town One Product o OTOP, industriyang lokal, tiangge, atbp)

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Unang Markahan Baitang 7 Supplemental Lesson Plan 1

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Edukasyon sa Pagpapakatao

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

I.~ lc "AN<17PAG-AASAWA AT ANG

Pagsasanay sa Filipino

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

Pagsasanay ng mga guro sa programa ng K to 12 Baitang 8

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 PAGSUSULIT ARALIN I "ANG BIBLIA"

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Ako at ang Aking Pamayanan

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Nakapaloob sa aralin ang sumusunod na mga tema: 1. Tao, Kapaligiran, at Lipunan 2. Panahon, pagpapatuloy at pagbabago 3. Kultura at pagkakakilanlan

Araling Panlipunan. Patnubay ng Guro. Tagalog

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Pangkat II, Magsasadula ng bahagi ng nobela/kung ano ang gusting mangyari ng guro sa palabas ng nobela. Maaaring sundin ang dayagram sa p163

storybookscanada.ca children s stories in Canada s many languages. Storybooks Canada in an effort to provide

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO 5

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

BANGHAY ARALIN sa ARALING PANLIPUNAN 3 IKATLONG MARKAHAN - Isinulat ni Cecelia G. Buta, MTB Regional Trainer, Region XI

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

ayon kay Marcos (Gospel of Mark)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon

H E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ang Pagbabasa at Pagsusulat kasama ang Iyong Anak

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

GABAY NG GURO. Populasyon at Pag- unlad, Sekswalidad at Mapanagutang Pagmamagulang (Population and Development, Sexuality and Responsible Parenthood)

ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO 4

Paghahanda para sa Kadakilaan

KJ~ NG DIYOS ILILIGTAS. International Correspondence Institute. ARALiN 7. Tungkol sa Diyos - Ang Ating Pag-aralan

DEPED COPY. Filipino. Kagamitan ng Mag-aaral. Yunit 2

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Edukasyon sa Pagpapakatao

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Doctrinal Mastery Material para sa Titser ng Aklat ni Mormon

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Simply The Story (STS)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. K to 12 Gabay Pangkurikulum FILIPINO.

Transcription:

Unang Markahan Baitang 1 Supplemental Lesson Plan Aralin 1 Sa Hukuman ng Diwata A. PANIMULA 1. Pagtukoy sa Dating Kaalaman Maghahanda ng mga larawan ng hayop. Magtatanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang mga hayop na alam nila, idikit ang mga larawang naihanda mo kung nabanggit ng mag-aaral, ang hindi alam ng mag-aaral na larawan ay hayaan nating itanong nila sa iyo. 2. Palaisipan Itanong: Ano-ano ang hayop na maaaring manirahan sa lupa at sa tubig? Sagot: Palaka, Bibe, Alimasag, Talangka, Ahas 3. Pagpapaawit at pagpapakilos ng nilalaman ng awit. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Hayaang makapagisip sila ng kilos ayon sa pangalan ng kanilang pangkat. Unang Pangkat: Panlupa Pangalawang Pangkat: Pantubig Pangatlong Pangkat: Maaaring Panlupa o Pantubig Kamusta Po Halina at magsaya Umikot nang umikot at humanap ng iba Lakad sa kanan Lakad sa kaliwa Umikot nang umikot at humanap ng iba Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay magpapamalas ng kakayahang makaunawa ng pabula, alpabeto, at babala. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang pagtatanong tungkol sa larawan, makagamit ng mga magagalang na salita at makaunawa ng pabula, babala, at alpabeto. Mga Kasanayang Pampagkatuto: 1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula 2. Nakapagtatanong tungkol sa isang larawan 3. Nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon, pagpapakilala ng sarili 4. Nasasabi ang mensaheng 1

B. KATAWAN Kasanayang Pampanitikan Babasahin ang kuwento at makikinig ang mag-aaral. 1. Pabula Ang pabula ay kuwento na ang mga tauhan o nagsisiganap ay mga hayop. Sa Hukuman ni Diwatang si Mariang Sinukuan Si Mariang Sinukuan ang diwata ng kagubatan. Siya ang nangangalaga sa mga hayop na nakatira doon. Isang araw, dumating si Martines, umiiyak na nagsumbong kay Mariang Sinukuan dahil nabasag ang kanyang itlog dahil kay Kabayo. nais ipabatid ng nabasang pananda, patalastas, babala o paalala 5. Nakasusulat nang may tamang laki at layo sa isa t isa ang mga letra 6. Napagsusunodsunod ang mga alpabeto 7. Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon Mariang Sinukuan: Tawagin si Kabayo At dumating si Kabayo Mariang Sinukuan: Bakit ka dumamba nang dumamba kaya nabasag ang mga itlog ni Martines? Kabayo: Kasi po nagulat ako sa pagkokak ni Palaka. Mariang Sinukuan: Tawagin si Palaka At dumating si Palaka Mariang Sinukuan: Bakit ka kumokak nang kumokak kaya nagulat si Kabayo at dumamba nang dumamba kaya nabasag ang mga itlog ni Martines? Palaka: Kasi po natakot ako kay Pagong dahil daladala niya ang bahay niya at baka ako mabagsakan. Mariang Sinukuan: Tawagin si Pagong At dumating si Pagong Mariang Sinukuan: Bakit mo dala-dala ang bahay mo kaya natakot si Palaka na mabagsakan ng bahay at kumokak ito nang kumokak, nagulat tuloy si Kabayo kaya dumamba ito nang dumamba kaya nabasag ang mga itlog ni Martines? 2

Pagong: Kasi po natakot ako kay Alitaptap dahil may dala siyang apoy at baka masunog ang bahay ko. Mariang Sinukuan: Tawagin si Alitaptap At dumating si Alitaptap Mariang Sinukuan: Bakit ka may dalang apoy kaya natakot si Pagong at dinala ang bahay niya, natakot tuloy si Palaka kaya kumokak ito nang kumokak, kaya nagulat si Kabayo at dumamba ito nang dumamba kaya nabasag ang mga itlog ni Martines? Alitaptap: Kasi po natakot ako kay Lamok dahil may dala siyang gulok at apoy lamang ang panlaban ko sa kanya para hindi niya ako malapitan. Mariang Sinukuan: Tawagin si Lamok At dumating si Lamok Mariang Sinukuan: Bakit ka may dalang gulok kaya natakot si Alitaptap kaya nagdala siya ng apoy, natakot tuloy si Pagong kaya dinala ang bahay niya, kaya natakot si Palaka kaya kumokak ito nang kumokak, nagulat tuloy si Kabayo kaya dumamba ito nang dumamba kaya nabasag ang mga itlog ni Martines. Lamok: Kasi po galit ako kay Talangka dahil sinipit niya ako noong dumaan ako sa bahay niya kaya pinaghahanap ko siya ngayon para makaganti (galit na paliwanag ni Lamok). Nagkagulo sa kagubatan, nagdadadamba si kabayo, lumipad si Alitaptap, mabilis na lumakad palayo si Pagong at kumokak nang kumokak si Palaka. Nagalit din ang Diwata. Mariang Sinukuan: Magsitigil kayong lahat. Lamok, ikaw ay marahas at mapaghiganti. Kung may nagkasala sa iyo, dapat ay nagsumbong ka sa akin at ako ang magpapataw ng kaukulang parusa sa nagkasala. Bilang parusa dahil nagkagulo sa hukumang ito at nabasag ang mga itlog ni Martines, ikaw ay kailangang magbayad sa kanya at ipinagbabawal ko na sa iyo ang pagdadala ng gulok. Ipinagbawal na rin kay Martines na gumawa 3

at maglagay ng pugad sa lupa. At si Talangka ay kailangang magpakita sa akin upang malaman niya na ipinagbabawal ko ang paninipit na makasasakit ng kanyang kapwa. 2. Palaisipan Ipakilala ang mga hayop at itanong sa mga mag-aaral kung nakakita na ba sila nito. Itanong din kung ano ang mga huni at kilos o nagagawa nito bilang hayop. Halimbawa: Ang kabayo ay may tunog na wheeeehehehe at ito ay tumatakbo lalo na sa karera ng mga kabayo o kaya naman ay sa karitela. 3. Pagpapalawak ng Talasalitaan Ipatutukoy sa mga mag-aaral ang pangalan ng hayop ayon sa pagsasalarawan sa kanila sa pabulang binasa. Kabayo Alitaptap Palaka Martines Talangka 1. dumadamba 2. may dalang apoy 3. kumokokak 4. isang uri ng ibon 5. naninipit 3. Ipasulat ang mga pangalan ng hayop ayon sa pagkakasunod-sunod ng letra ng alpabeto. Kabayo, Alitaptap, Palaka, Martines, Talangka 4

4. Anong salitang paggalang ang ginamit ng mga hayop kapag sumasagot sa tanong ni Mariang Sinukuan? 5. Kung ikaw ay naatasan ni Mariang Sinukuan na magbigay ng babala para laging maalala ni Martines, Lamok, at Talangka ang ipinagbabawal sa kanila, ano-ano ang ilalagay mo? Halimbawa ng babala ay: BAWAL MAGTAPON NG BASURA DITO 1. Para kay Lamok 2. Para kay Talangka 3. Para kay Martines 4. Kasanayang Panggramatika Tatalakayin ang tungkol sa kasanayang panggramatika. Ang Magalang na Pananalita Po ginagamit upang maging magalang ang pangungusap karaniwang matatagpuan pagkatapos ng unang salita hindi maaaring makapag-isa bilang pagsagot sa positibong tanong 5

ipinalalagay ito sa pangungusap kung mas matanda sa edad ang nakikipag-usap bilang paggalang Opo ay positibong sagot sa tanong tumatayong pangungusap kaya maaaring wala ng kasunod na mga salita 5. Pagpapayaman Pagpapakita sa mga mag-aaral kung kailan ginagamit ang po at opo Kung kakausap ng hindi kilalang tao Kung mas matanda ang kausap Kung ang kauusapin ay nasa opisina, paaralan, o tanggapan Kung ang kausap ay mga pari o madre Kapag sasagot ng telepono Kapag kinakausap ang Diyos, magulang, o guro 6. Pagpapalawig: Ipaliliwanag ang gagawing pagpapasadula ng mga sitwasyong makikitaan ng paggalang. Pangkatang Gawain: Magsasadula batay sa sitwasyon at paggamit ng po at opo. Pangkat 1: Sa loob ng paaralan Pangkat 2: Sa loob ng simbahan Pangkat 3: Sa loob ng bahay Pangkat 4: Sa loob ng Barangay Pangkat 5: Sa loob ng opisina 6

C. KONGKLUSYON 1. Sasabihin ang pinakabuod ng aralin. Ang paggamit ng po at opo ay hindi lamang para sa may edad, bagkus isinasaalang-alang din ang posisyon at lugar kung saan magsasalita. Si Mariang Sinukuan ay isang diwata o reyna ng Kagubatan kaya gumamit din ng po at opo ang mga nasasakupan niya. 2. Ipaliliwanag kung ano ang nararapat gawin sa kaniyang itatakda. Takdang Aralin Gumupit ng mga larawan ng tao, bagay, hayop, at lugar. Tig-iisa lamang. Idikit ang larawan sa kartolina na sinlaki ng? (Paghahanda ito para sa Pinoy Henyo kinabukasan) Rubrik sa Pagmamarka sa Dula-Dulaan 1. Tamang Sitwasyon 40% 2. Paraan ng Presentasyon 10% 3. Kaayusan ng Presentasyon 30% 4. Orihinalidad (Walang Hawig sa Kaklase) 5% 5. Wastong Tono, Intonasyon, at Pagbigkas 15% KABUUAN 100% 7

Aralin 2 Ako y Pinoy A. PANIMULA Maghanda ng mga larawan ng batang lumalakad, tumatakbo, umuupo nang maayos sa upuan. Ipaskil ang mga larawan sa pisara at ituro ang kanta sa tono ng Kamusta Ka. Ipakanta ito sa mag-aaral nang sabay-sabay. Hatiin ang klase sa 2 pangkat. Palaisipan Kung nagkasalubong kayo ng iyong kaibigan, ano ang iyong itatanong sa kanya? Sagot: Kamusta ka? B. KATAWAN 1. Kasanayang Pampanitikan Ipaawit sa mag-aaral sa tono ng Kamusta Ka! Hatiin sa tatlong pangkat ang klase. Kailangan ipakilos sa bawat pangkat ang sinasaad ng awit. Unang Pangkat: Kamusta po halina at magsaya Umikot nang umikot at humanap ng iba Lakad sa kanan lakad sa kaliwa Umikot nang umikot at humanap ng iba Ikalawang Pangkat: Kamusta po halina at magsaya Umikot nang umikot at humanap ng iba Takbo sa kanan takbo sa kaliwa Umikot nang umikot at humanap ng iba Ikatlong Pangkat: Kamusta po halina at magsaya Umikot nang umikot at humanap ng iba Upo sa kanan upo sa kaliwa Umikot nang umikot at humanap ng iba Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay magpapamalas ng kakayahang makaunawa ng nilalaman ng aklat batay sa pabalat at natutukoy ang kahulugan ng kilos. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng magaaral ang pagkilos sa napakinggang awit at nabibigkas ng wasto ang alpabeto. Mga Kasanayang Pampagkatuto: 1. Naisasakilos ang napakinggang awit 2. Nabibigkas nang wasto ang tunog ng bawat letra ng alpabetong Filipino 3. Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kumpas, galaw, ekspresyon ng mukha, at ugnayang salitalarawan 4. Nasasabi ang nilalaman ng aklat batay sa pabalat 5. Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin, at kultura ng mayakda ng tekstong napakinggan o nabasa 8

Sabihin: Ang mga salitang Kumusta ka ay isang ekspresyon na karaniwang sinasabi ng mga Pilipino. Naipahahayag ng katagang ito ang kulturang Pilipino na pagiging magalang at nakikiisa sa kaniyang kapuwa. Nagagamit din ang wikang ito upang makipag-kaibigan. Pagbasa (Pagpapakanta sa mag-aaral ng Ako y Isang Pinoy) Bago ipabasa o ipaawit, sabihin sa mag-aaral na bukod sa ekspresyong Kumusta ka, maraming paraan pa upang makilala ang kultura ng isang Pilipino. Maaari itong makita sa titik ng awiting Ako y Isang Pinoy. 2. Awit Ang awit ay parang isang tula na maaaring may tugma at sukat na nilapatan ng tunog at ritmo. Ako y Isang Pinoy Ako y isang Pinoy sa puso t diwa Pinoy na isinilang sa ating bansa Ako y hindi sanay sa wikang mga banyaga Ako y Pinoy na mayroong sariling wika. Koro: Wikang pambansa ang gamit kong salita Bayan kong sinilangan Hangad kong lagi ang kalayaan. Si Gat Jose Rizal nuo y nagwika Siya ay nagpangaral sa ating bansa Ang hindi raw magmahal sa sariling wika Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda. Itanong ang sumusunod upang magkaroon ng malayang talakayan. a. Sino ang nagsabing, Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda? 9

b. Paano masabing ikaw ay isang Pinoy? c. Ano ang wikang ginagamit ng isang Pinoy? d. Ano ang mensaheng gustong sabihin ng sumulat ng tula? e. Ano naman ang mungkahi mo upang maipakita ang pagpapahalaga sa pagiging Pinoy? 3. Pagpapalawak ng Talasalitaan a. Ipatukoy sa mag-aaral ang kahulugan ng makikita sa bawat larawan. Ibigay ang kahulugan ng mga larawang nagpapakita ng madalas na aksiyon ng isang Pilipino. http://forgetfulghee.blogspot.com/2010/07/pagmamano-among-pinoys.html http://www.123rf.com/clipart-vector/nationalities.html http://www.teacherspocketbooks.co.uk/images/cartoons/handshake-hi.jpg http://akosirabsky.blogspot.com/2009/12/sarah-geronimos-next-one-concertof.html 10

b. Sabihin sa mag-aaral na makikita rin sa iba t ibang aklat ng mga kuwento ang kulturang Pilipino. Ipakita ang mga pabalat ng aklat at ipahula ang mga pamagat o nilalaman ng kuwentong tungkol sa Pilipino. c. Ipatukoy ang pamagat ng aklat batay sa larawan ng pabalat. Isulat ang sagot sa tapat ng larawan. http://pagtuklas.blogspot.com/ http://www.wikakids.com/filipino/pabula-fables/ang-unggoy-at-ang-pagong http://www.wikakids.com/filipino/alamat-philippine-legends/alamat-ng-arawbuwan-at-mga-bituin 4. Kasanayang Panggramatika Sabihin sa klase na ang pangalan nila ay isa ring paraan upang maipakilala ang kanilang pagka-pilipino. Bukod sa buong pangalan, mas nais nating tawagin sa palayaw ang isang tao. Gamitin ang alpabeto sa tamang pagbigkas at baybay ng iyong palayaw. Pagpapabigkas nang wasto ng bawat letra ng alpabetong Filipino 11

5. Pagpapayaman Isulat ang iyong palayaw at bigkasin ang baybay sa klase. Halimbawa: Buong Pangalan: Christeline Anne Palayaw: Krizi Baybay: key-ar-zi-ay Buong Pangalan: Francis Louis Palayaw: Franz Baybay: ef-ar-ey-en-zi Sagot: Buong Pangalan: Palayaw: Baybay: 6. Pagpapalawig Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat upang magkaroon ng iba t ibang gawain ayon sa kanilang interes. Pangkatang gawain: Pumili ng isang kuwento na nakuha mula sa pabula, napanood sa TV o napakinggang awit na tumatalakay sa kulturang Pilipino. Kung gagawing isang aklat ang kuwento, gawan ito ng pabalat. Iguhit at kulayan ito. Pangkat 1: Mga halimbawa ng pabulang nabasa Pangkat 2: Mga halimbawa ng pelikulang napanood Pangkat 3: Mga pamagat ng paboritong awit 12

C. KONGKLUSYON Ipaalala: 1. Ang pagsasanay ng wasto at malinaw na bigkas ay nakasalalay sa paulit-ulit na pagsasagawa nito. 2. Maging isang batang nagmamalaki sa iyong kulturang Pilipino. 3. Maging batang Pilipinong mahilig magbasa. Takdang Aralin Gumupit ng mga larawan ng iba t ibang ekspresyon ng mukha ng mga Pilipino at isulat kung anong ekspresyon ang isinasaad ng larawan at baybayin ito batay sa bigkas. Magbigay ng 10 halimbawa. Rubrik sa Pagmamarka sa Dula-Dulaan 1. Tamang ekspresyon 20% 2. Tamang baybay 20% 3. Tamang bigkas 30% 4. Maayos na larawan 15% 5. Maayos na takda 15% KABUUAN 100% 13

Aralin 3 Ang Mayang si Elena A. PANIMULA Magpakita ng larawan ng tatlong maya, isang nanay na maya, tatay na maya, at batang maya. Sa larawan ay nagbibilin ang Nanay at Tatay na maya na huwag siyang lilipad sapagkat mahina pa ang kanyang mga batang pakpak. Palaisipan Ano ang kuwento ng larawan? Sagot: a. Nagmamahalang pamilya ng mga maya b. Nangangaral na nanay sa batang maya Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay magpapamalas ng kakayahang matukoy ang pangngalan, pamagat ng akda, may-akda, at tagaguhit ng akda. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang pagsulat ng letra nang may tamang laki at espasyo, naguguhit ang naibigang bahagi ng kuwento, naiuulat ang mga pangyayari sa paaralan, at nakabibilang ng salita sa loob ng pangungusap. Mga Kasanayang Pampagkatuto: B. KATAWAN 1. Pagbasa Pabula Ang pabula ay kuwento na ang mga tauhan o nagsisiganap ay mga hayop. 1. Naiguguhit ang naibigang bahagi ng kuwento 2. Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan 14

Ang Kuwento: Ang Pagsuway ng Mayang si Elena Si Elena ay isang batang Maya. Madalas siyang iniiwan ng kanyang ama at inang Maya upang maghanap ng makakakain para sa kanilang pamilya. Sa tuwing aalis ang kanyang mga magulang, ang bilin nila ay huwag munang lumipad sapagkat mahina pa ang kanyang batang pakpak. Ngunit, madalas pa rin siyang nagsasanay lumipad tuwing aalis ang magulang sapagkat gusto niyang mabilis na matuto at sumama sa inaakalang pamamasyal ng mga magulang. Kaya naman, nang makalipad siya sa kabilang bahagi ng puno, ang kanyang kabagalan sa paglipad ay naging madali sa mga namamaril ng ibon upang makapagpraktis lamang ng pamamaril. Nabaril ang batang maya. Malaki ang tinamo niyang sugat. Mabuti na lamang at nakita siya ng isang batang mabait. Pinulot siya nito at inalagaan hanggang sa gumaling. Matagal na hindi nakita ng magulang niya si Elena. Nagkita lamang sila nang gumaling at palayain siya ng batang nag-alaga. Simula noon, hindi na siya sumuway sa kaniyang magulang. ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari 4. Nabibilang ang salita sa isang pangungusap 5. Natutukoy ang pamagat, mayakda, tagaguhit ng aklat o kuwento 6. Nakasusulat ng malaki at maliit na letra 7. Napahahalagahan ang tekstong pampanitikan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa usapan Palaisipan Ang pagsunod sa magulang ay pag-iwas sa kapahamakan. a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na mga tanong upang magkaroon ng talakayan. Ano ang ugali ni Elena? Ano ang bilin na sinuway ni Elena? Bakit sinuway ni Elena ang bilin ng magulang? Ano ang nangyari sa kaniyang pagsuway? Ikaw, anong bilin o paalala ng magulang mo ang madalas mong hindi sinusunod? Bakit? 15

Bakit kaya palaging ipinaaala ito sa iyo ng iyong mga magulang? b. Pagpapaguhit Ipaguhit sa mga mag-aaral ang bahagi ng kuwento na naibigan niya. c. Mayroon na bang inutos ang magulang mo na hindi mo sinunod? Iguhit ito sa loob ng kahon. d. Pagpapasulat Isulat ang pangalan ng mga tauhan sa kuwento gamit ang maliit at malaking titik. e. Ilan ang bilang ng mga salita sa loob ng pangungusap? Isulat sa kahon ang tamang sagot. Ang nanay at ang tatay ng mayang si Elena ay nagbibilin na huwag munang lumipad. 16

2. Kasanayang Pampanitikan: Lilinangin ang kasanayan at kaalamang pampanitikan ng mga mag-aaral. Si Elena na isang ibong maya ay isa lamang karakter ng kuwentong pambatang Pilipino. Higit na popular na ibong karakter ang makikita sa larawan. Tingnan ang pabalat ng aklat at subukang tukuyin ang pamagat, sumulat ng kuwento, at ang gumuhit ng larawan sa pabalat. http://pinoyculture.flyingcart.com/?p=detail&pid=1117&cat_id= Pamagat: Nagsalaysay: Gumuhit: 3. Kasanayang Panggramatika Ipaliliwanag ang pangngalan, pagkatapos ay ipagagawa ang gagawing pagpapayaman. Pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. ay salitang nauunawaan, kung hindi maunawaan, hindi ito salita kaiba ito sa pangalan na tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari 17

Halimbawa: Pangngalang Pambalana Tao lalaki babae Hayop aso Bagay lapis Pook siyudad Pangyayari espesyal na araw Pangalang Pantangi Jeremy Bella Homer Mongol Makati Araw ng Kagitingan 4. Pagpapayaman Pagpapasagot sa bawat pangkat: Magbigay ng tigsasampung halimbawa ng pangngalan. Pangkat 1: Bagay Pangkat 2: Pook Pangkat 3: Pangyayari Pangkat 4: Hayop 5. Pagpapalawig Ipaliliwanag na magkakaroon ng isang maikling pagtatanghal ang bawat pangkat upang ipakita ang pangngalan ng kanilang grupo. Maaaring gawan din ito ng cheer. Pangkatang Gawain: Magsasadula batay sa pangngalan ng bawat grupo. Bumuo ng kuwento kung paanong magsasalita ang bawat pangngalan. Pangkat 1: Bagay Pangkat 2: Pook Pangkat 3: Pangyayari Pangkat 4: Hayop 18

C. KONGKLUSYON Ibuod ang natapos na aralin: Ang pangngalan ay mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari. Mga salitang nauunawaan, may pagkakakilanlan, at mailalarawan. Makikita sa pabalat ng aklat ang pamagat, mayakda, at ang tagaguhit. Takdang Aralin Maghanap ng larawan ng inyong bahay, maaaring family picture, o paboritong bahagi ng inyong bahay. (Paghahanda ito para sa pagpapaliwanag kinabukasan). Sa larawan, ipaliwanag kung bakit iyon ang napili, at kung ano-ano ang pangngalan na makikita sa larawan. Rubrik sa Pagmamarka sa Pagpapaliwanag 1. Tamang pangngalan 40% 2. Paraan ng presentasyon 10% 3. Kaayusan ng presentasyon 30% 4. Orihinalidad (Walang hawig sa kaklase) 5% 5. Wastong tono, intonasyon, at pagbigkas 15% Kabuuan 100% 19