Ako at ang Ating Watawat

Similar documents
GRADE VI GAMIT NG GRID

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Oops... Ingat sa Lansangan

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Paksa: Mga Tayutay. Akdang Babasahin: Ang Pintor ni Gerry Gracio. Inihanda ni:

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Chapter 6 Tagalog Verbs

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Tungkol Saan ang Modyul na ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

H E K A S I PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

I.~ lc "AN<17PAG-AASAWA AT ANG

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ano-ano Ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

TALAAN NG MAG-AARAL INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE PHILIPPINE NATIONAL OFFICE-P.O. BOX 1084, MANILA 2800 PAGSUSULIT ARALIN I "ANG BIBLIA"

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

H E K A S I ANG EDUKASYON SA PANAHON NG ESPAÑOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

H E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

H E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ang Makisig at Hangal na Hari

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit 2 Modyul Blg. 6

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

GRADE IV REHIYON VI KANLURANG VISAYAS

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Pagsasanay sa Filipino

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

From left, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Alden Richards and Betong Sumaya.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Starting and Growing My Business. (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo) SELF-RELIANCE

makilala ang pagkakaiba ng kanais-nais at di-kanais-nais na katangian ng mga Pilipino;

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

ANGKOP NA PAMAGAT NG TALATA AT PAGGAMIT NG MALALAKING TITIK SA PAMAGAT

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

Transcription:

2 Ako at ang Ating Watawat B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a l B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N Reformatted for distribution via DepEd LEARNING RESOURCE MANAGEMENT and DEVELOPMENT SYSTEM PORTAL INSTRUCTIONAL MATERIALS COUNCIL SECRETARIAT, 2011

Ako at ang Ating Watawat Karapatang Ari 2005 KAWANIHAN NG ALTERNATIBONG SISTEMA SA PAGKATUTO Kagawaran ng Edukasyon Ang modyul na ito ay pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anumang anyo nang walang nakasulat na pahintulot ng organisasyon o ahensya ng pamahalaang naglathala. Inilathala sa Pilipinas ng: Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto Kagawaran ng Edukasyon 3/F Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189

AKO AT ANG AKING WATAWAT

Tungkol Saan Ang Modyul Na Ito? Ang watawat ng Pilipinas ay sumasagisag sa ating kalayaan. Bawat bahagi nito ay sumasagisag sa iba t ibang katangian ng Pilipino at pisikal na kaanyuan ng Pilipinas. Ang pagpapahalaga sa ating watawat ay nagpapakita ng pagmamahal sa ating bansa. Ang paggalang sa watawat ay simbolo rin ng pagrespeto at pagtanaw ng utang na loob sa mga bayaning Pilipino na nakipaglaban para makamit natin ang kalayaan. Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin: Aralin 1: Aralin 2: Ang Ating Watawat Paggalang Sa Ating Watawat i

Anu-ano ang mga Matutuhan mo sa Modyul na Ito? Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, maisasagawa mo na ang mga sumusunod: Natutukoy ang mga katangian ng ating watawat; Naipaliliwanag ang mga katangiang sinasagisag ng watawat sa ating bansa; Naisusulat ang mga payak na salita; Nabibigkas nang wasto ang tula; Nasasabi ang hugis ng isang bagay; Naipahahayag ang saloobin sa paksang tinalakay; at Nasasabi ang mga wastong paraan ng paggalang sa ating watawat. ii

Anu-ano na ang mga Alam Mo? Bago mo simulan ang pag-aaral, sagutin ang mga pagsasanay na sumusunod. Makikita mo sa resulta nito kung gaano na ang iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. 1. 2. 3. Kulay sa ating watawat na sumasagisag sa katapangan. a. pula b. puti c. bughaw d. luntian Bilang ng pinakamalalaking pulo na bumubuo sa Pilipinas. a. dalawa b. tatlo c. apat d. lima Ang simbolong sumasagisag sa ating kalayaan. a. maunlad na buhay b. malalaking gusali c. Pambansang watawat d. malaking populasyon iii

4. 5. 6. 7. Ang tatlong malalaking pulo sa Pilipinas a. Luzon, Cebu at Davao b. Luzon, Visayas at Mindanao c. Luzon, Palawan at Mindanao d. Luzon, Iloilo at Mindanao Bilang ng probinsyang sinasagisag ng mga sinag ng araw sa watawat a. lima b. anim c. pito d. walo Kulay sa watawat na sumasagisag sa kapayapaan a. pula b. bughaw c. puti d. dilaw Lugar kung saan unang itinaas ang watawat ng Pilipinas a. Calamba, Laguna b. Kawit, Cavite c. Sto. Tomas, Batangas d. Imus, Cavite iv

8. 9. 10. Dapat gawin sa ating watawat bilang isa mga sa sagisag ng bansa. a. tanaw-tanawin b. itago sa magandang lalagyan c. iwagayway tuwina d. igalang at pahalagahan Dapat nating gawin kapag itinataas ang watawat. a. umupo at ipagwalambahala b. tumayo nang tuwid at sabayan ng pag-awit c. ipagpatuloy ang ginagawa d. makipag-usap sa katabi Anong kulay ang sumasagisag sa kalinisan? a. pula b. puti c. dilaw d. bughaw Kumusta ang iyong pagsagot? Sa palagay mo ba ay nasagutan mo ito nang tama? Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 25. v

Kung tamang lahat ang sagot mo, napakahusay! Ito y nagpapakita na alam mo na ang karamihan sa mga paksa ng modyul na ito. Maaari mo pa ring pag-aralan ang modyul na ito upang pagbalik-aralan ang mga nalalaman mo na. Tinitiyak nito na may iba ka pang bagay na matutuhan. Kung mababa ang nakuha mong iskor, huwag kang malungkot. Nangangahulugan ito na ang modyul na ito ay inilaan para sa iyo. Matutulungan ka nitong maintindihan ang ilang mahahalagang kaisipan na magagamit mo sa iyong pang-araw-araw na buhay. Kung pag-aaralan mong mabuti ang modyul na ito, malalaman mong lahat ang mga kasagutan sa nakaraang pagsusulit at marami pang bagay! Handa ka na ba? Maaari mo nang buksan ang susunod na pahina sa pagsisimula ng Aralin 1. vi

Aralin I Ang Ating Watawat Karaniwang nakikita ang watawat sa harap ng mga paaralan at mga opisina ng pamahalang bayan. Mayroon din nito maging sa malalaking gusali o mga tanggapang pampribado man. Isipin mo, bakit nga ba naglalagay ng watawat sa ganoong mga lugar? May kahulugan din kaya ang bawat bahagi at kulay nito? Nasa araling ito ang kasagutan sa mga tanong mo. 1

Pakinggan Natin Isang umaga, sa bahay nina lolo Ambo at lola Ana... Ambo, dali ka na! Mag-aayos pa tayo ng lambat. Sandali, Ana. Makinig muna tayo sa ating mga apo. Ku, ikaw talaga, Ambo, usisero pa rin. Ano ba yan? Nanalo ka kamo sa pagtula ate Amy? Aber, pakinggan nga namin. Wala talaga kayong bilib sa akin. Sige, makinig kayo... Ang ating watawat ay may tatlong kulay, pula, puti, at saka bughaw. Tatlong bituin at isang araw. Inilalarawan ang ating bayan. Halika, pero huwag kang maingay. 2

Magaling! Magaling! Mana ka talaga sa lolo, Amy. Okey, makata ka. Pero, tingnan ko kung makakapasa ka sa mga itatanong ko. Ano ang sinasagisag ng kulay ng ating watawat? Ang pula ay katapangan. Bughaw ang kapayapaan. Ang puti nama y sagisag ng kalinisan. 3

Aba y, para kang si Francisco Balagtas, ah. Ang galing talaga ng pinsan ko, makata. O, huling tanong na ito. Kapag nasagot mo pa, hanga na talaga ako. Ano ang kahulugan ng 3 bituin at isang araw. Sinasagisag ng 3 bituin ng ating watawat ang 3 malalaking pulo: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang mga ito ang bumubuo sa bansang Pilipinas. 4

Ang sinag ng araw ay ang 8 probinsya raw na unang nag-alsa laban sa mananakop. Mga kababayan yan ang kahulugan ng araw at bituin at ng tatlong kulay. Pagkatapos tumula ni Amy, pumasok na sina Lolo Ambo. Yan ang mga apo ko! Mana sa Lolo. Wow, sina Lolo at Lola, nag-uusyoso pala! Ayos si Lolo, Makata! Hu, ang yabang mo talaga! Lika na. Tulaan mo ako sa pag-aayos ng lambat. 5

Alamin Natin 6 Ang Ating Watawat May tatlong kulay ang ating watawat Pula, puti, at saka bughaw May tatlong bituin at isang araw Tunay na larawan nitong ating bayan. Ang pula ay tanda ng katapangan Ang bughaw naman ay kapayapaan Puti ay tanda ng kalinisan Mga katangian ng ating bayan. Luzon, Visayas at Mindanao Malalaking pulo ng ating bayan Walong probinsiya na nakipaglaban Nang maging Malaya itong Inang Bayan.

Subukin Natin Punan ng wastong sagot ang mga puwang. Pumili sa mga salita sa loob ng kahon. Kalinisan bughaw katapangan walo puti tatlo Luzon pagmamahalan kalayaaan 1. Ang sinasagisag ng pula ay. 2. Kapayapaan ang sinasagisag ng kulay. 3. Sinasagisag naman ng puti ang. 4. Tayo ay mayroong malalaking pulo. 5. May bituin ang watawat. 6. Ang sinag ng araw ay kumakatawan sa probinsiya. 7. Ang tatlong pinakamalalaking pulo sa Pilipinas ay, Visayas, at Mindanao 8. Ang unang pagtataas ng ating watawat ay simbolo ng. Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 25. 7

Pag-usapan Natin Anu-anong mga hugis ng bagay ang alam mo na? Tingnan mo ang ating watawat. Masasabi mo ba ang iba t ibang hugis na iyong makikita? Magmasid sa paligid. Anu-ano ang mga hugis ng mga bagay na nakikita mo? Isulat mo. 8

Subukin Natin Sa pag-aaral ng ating watawat, may iba t ibang hugis kang nakita. Ngayon, tingnan mo ang mga hugis na nasa loob ng bawat kahon. Isulat ang sagot sa patlang. (1) (2) (3) 9

Tandaan Natin Ang watawat ay sagisag ng ating bansa. Ang watawat ay may tatlong kulay. Ang pula ay sumasagisag sa katapangan. Ang bughaw ay sumasagisag sa kapayapaan. Ang puti ay sumasagisag sa kalinisan. Sinasagisag ng 3 bituin ang 3 malalaking pulo. Luzon, Visayas, at Mindanao ang pinakamalalaking pulo na bumubuo sa ating bansa. Walong probinsiya ang unang nag-alsa upang makamit ang ating kalayaan. Ang walong sinag ng araw sa watawat ang sumasagisag sa 8 probinsiya. Ang ating watawat ay hugis parihaba. 10

Subukin Natin Isulat ang mga pangungusap sa mga puwang o patlang. 1. May tatlong kulay ang ating watawat. 2. Ang watawat ay may tatlong bituin. 3. Tatlong malalaking pulo ang sinasagisag ng tatlong bituin. 4. Tumutukoy ang walong sinag ng araw sa walong probinsiya ng Pilipinas. 11

Aralin 2 Watawat Natin Igagalang Ko Ang ating watawat ay isa sa mga sagisag ng ating bansa. Maraming hirap ang tiniis ng ating mga bayani para ipagtanggol ang bansa. Nakipaglaban sila sa mga dayuhan upang magkaroon lang tayo ng kasarinlan. Ang watawat ang sumasagisag sa kalayaan ng ating bansa. Kalayaan mula sa pananakop ng mga dayuhan. Bilang isang Pilipino, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa ating watawat? 12

Pakinggan Natin Isang araw... Opo, itay. Tayo na. Hala na! Tayo na sa bukid. Johnny, tingnan mo hindi ba si Bb. Rose ang nakasakay sa kalesa ni Mang Pedring? Patuloy na lumalakad ang mag-ama nang... Sandali lang po, itay! Itinataas po ang watawat. Siyanga po tatay, papasok po marahil sa paaralan. Bb. Rose, masdan po ninyo si Mang Juan at ang kanyang anak na si Johnny. Papunta na naman sa bukid. Napakasipag ng magamang iyan. Ay naku, dalian mo na! Abala lang iyan. Tatanghaliin na tayo. 13

Itay naman, itinataas po ang ating watawat. Sandali po tayong huminto bilang paggalang. Hoy, Pareng Juan, bakit nandito pa kayo? Kanina pa kayo, ah. Tanghali na! Magandang umaga, pareng Pedring. Naabutan kami ng pagtataas ng watawat. Sabi ng anak kong ire, huminto raw kami bilang paggalang sa pagtataas nito. Mano po, Ninong Pedring. Kaawaan ka ng Diyos, anak. 14

Oo nga naman Pare, ito ngang si Bb. Rose, nagmamadali para makaabot sa pagtataas ng watawat. Siya pong tunay. Dapat igalang natin ang ating watawat. Yan ang di ko maintindihan. Bakit ba tuwing umaga itinataas iyang watawat. At sa hapon naman ay ibinababa. Itinataas po ito tuwing umaga bilang pagpapaalala na tayo y bansang malaya. Totoo po iyon, itay. Itay pakinggan po Nang gabing ninyo ito: iyon... Kung itinataas ang watawat at inaawit ang Lupang Hinirang, kailangang: 1. Alisin ang sombrero. 2. Tumayo ng tuwid. 3. Ilagay ang kanan kamay sa kaliwang dibdib. 4. Sumabay sa pag-awit. 15

Oh, ano pa ang binabasa mo? Hindi raw po dapat paglaruan ang watawat. Nilulupi pa nga po nang maayos kapag tinatago sa lalagyan. Tama ka, anak. Buhay ang ibinuwis ng ating mga bayani para malaya nating maiwagayway ang ating watawat. 16

Pag-usapan Natin Sagutin ang mga tanong na sumusunod. 1. Sinu-sino ang mga tauhan sa usapan? 2. Bakit huminto sa paglalakad si Johnny? Ganito rin ba ang gagawin mo? 3. Anu-ano raw ang mga dapat gawin kapag itinataas ang watawat? 4. Paano mo pinapahalagahan ang watawat? 17

Basahin Natin Panunumpa ng Katapatan sa Watawat Ako ay Pilipino Buong katapatang nanunumpa Sa watawat ng Pilipinas At sa bansang kanyang sinasagisag Na may dangal, katarungan, at kalayaan Na ipinakikilos ng sambayanang Maka-Diyos, makatao, makakalikasan, at makabansa 18

Subukin Natin A. Punan ang mga kahon upang mabuo ang panunumpa. Panunumpa ng Katapatan sa Watawat Ako ay Buong nanunumpa Sa Na may, katarungan at 19

Na ng sambayanang -,, makakalikasan B. Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang pamagat? 2. Anu-ano ang mga katangiang nabanggit sa panunumpa? a. b. c. 20

Tandaan Natin Ang watawat ay sagisag ng ating kalayaan Ito y irespeto at pangalagaan Pagpapahalaga dito ay kailangan; sa isip, kilos at damdamin man Huwag ding kakalimutan Araw ng kalayaan Hunyo labingdalawa isang libo walong daan siyamnapu t walo yan Nang ipahayag ang ating kasarinlan Muling sumigla ang bayan at mga mamamayan 21

Subukin Natin A. Sabihin kung Tama o Mali ang bawat pangungusap. Ilagay ang sagot sa patlang. 1. 2. 3. 4. 5. Tumayo nang tuwid kapag itinataas ang watawat. Panatilihing suot ang sombrero habang umaawit ng Lupang Hinirang. Ilagay sa maayos na lugar ang watawat kung wala sa tagdan. Ang watawat ay sagisag ng kalayaan. Ang watawat ay hindi isinasampay lamang. B. Punan ang patlang. Isulat ang saloobin sa patlang upang mabuo ang pangako. Ako si. Ipinapangako ko na ang watawat ng Pilipinas. Bilang Pilipino ay ko ito. 22

Ibuod Natin Tanda ng ating kalayaan ay ang pambansang watawat. Kaya bilang Pilipino, alamin natin ang mga bagay ukol dito. Sa araling ito, natutuhan mo ang mga sumusunod: Ang watawat ay sagisag ng ating bansa. Ito ay may 3 kulay, puti, pula, at bughaw. Ang puti ay tanda ng kalinisan. Ang pula ay sagisag ng katapangan. Ang bughaw ay sumasagisag sa kapayapaan. Ang 3 bituin sa watawat ay sumasagisag sa 3 pinakamalalaking pulo sa bansa: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang walong sinag ng araw ay sumasagisag sa walong probinsiya. Ang mga probinsiyang ito ang unang nag-aklas upang makamit natin ang kalayaan. Ang watawat natin ay hugis parihaba. Tumayo nang tuwid kung itinataas ang watawat. Ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib kung inaawit ang Lupang Hinirang. 23

Anu-ano na ang mga Natutuhan Mo? I. Sagutan ang mga pagsusulit na sumusunod upang masukat kung gaano ang mga natutuhan mo sa mga araling ito. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Kapayapaan ang kinakatawan ng sa ating watawat. a. dilaw c. pula b. puti d. bughaw 2. Ang puti sa watawat ay kumakatawan sa. a. katapangan c. kapayapaan b. kalinisan d. kaapihan 3. Ang mga sinag ng araw sa ating watawat ay kumakatawan sa probinsiya. a. dalawa c. anim b. apat d. Walo 4. Ang tatlong bituin ay kumakatawan sa. a. maunlad na siyadad c. magigiting na bayani b. pinakamalalaking pulo d. maliliit na isla 5. Isa sa sagisag ng malayang bansa ang. a. watawat c. malaking populasyon b. malalaking gusali d. matatalinong lider 24

6. Lugar kung saan unang itinaas ang pambansang watawat. a. Kawit, Cavite c. Calamba, Laguna b. Cainta, Rizal d. Imus, Cavite 7. Ibigay ang isa sa mga pinakamalalaking pulo sa bansa. a. Cebu c. Palawan b. Mindanao d. Masbate 8. Anong kulay sa watawat ang sumasagisag sa katapangan? a. bughaw c. puti b. pula d. asul 9. Kapag itinataas ang watawat dapat na. a. umupo c. tumayo nang tuwid b. tumakbong paalis d. makipag-usap sa katabi 10. Kailan unang itinaas ang ating watawat? a. May 26, 1940 c. Hulyo 4, 1896 b. Hunyo 12, 1898 d. Agosto 19, 1890 Makipag-ugnayan sa tagapatnubay para malaman ang nakuha mo sa pagsusulit. Kung ang iskor mo ay 8 o 9, mahusay! Kailangan mo na lang magbalik-aral sa mga bahaging hindi mo gaanong naunawaan. 25