Unang Markahan TAO, KAPALIGIRAN AT LIPUNAN. Unang Aralin. Pagtukoy ng Pilipinas Gamit ang Pangunahin at Pangalawang Direksiyon

Similar documents
GRADE VI GAMIT NG GRID

GRADE IV REHIYON VI KANLURANG VISAYAS

H E K A S I TOPOGRAPIYA NG BANSA: YAMAN NG BANSA ANYONG TUBIG SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

GRADE VI MGA LIKAS NA YAMAN NG BANSANG PILIPINAS. Subukin mong tukuyin ang mga likas na yaman ng bansa sa larawan.

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Araling Panlipunan DEPED COPY. Kagamitan ng Mag-aaral. Yunit I. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

6 GOP - Textbook Funds

GRADE IV REHIYON NG LAMBAK NG CAGAYAN. Pagkaraang masunod ang lahat ng gawain ay inaasahang magagawa mo na ang sumusunod:

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

H E K A S I PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Araling Panlipunan. Kagamitan ng Mag-aaral. Tagalog

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Paksa: Mga Tayutay. Akdang Babasahin: Ang Pintor ni Gerry Gracio. Inihanda ni:

GRADE IV CAR CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION. Ang modyul na ito ay tungkol sa Rehiyon ng CAR. Malalaman mo ang mga sumusunod

Islam at pambansang identidadsa Malaysia,Indonesiaat Pilipinas. Elsa Clavé Goethe universität Frankfurt BAKAS seminar 6 Abril2017

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Oops... Ingat sa Lansangan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

E P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Pagsasanay sa Filipino

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

GRADE VI LIKAS NA YAMAN AY GAMITIN: BATAS AY DAPAT SUNDIN

DRAFT. April 10, 2014

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

Chapter 6 Tagalog Verbs

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ano-ano Ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Modyul 2 Heograpiya ng Asya Salita Ayon sa Tindi ng Ipinahahayag Tekstong Argumentativ

Ang Makisig at Hangal na Hari

ANGKOP NA PAMAGAT NG TALATA AT PAGGAMIT NG MALALAKING TITIK SA PAMAGAT

Gaano katagal nangyayari ang El Niño?

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Ako at ang Ating Watawat

(Effective Alternative Secondary Education)

H E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

MODYUL SA PAGKATUTO. Pangkalahatang Ideya

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Araling Panlipunan. Patnubay ng Guro. Tagalog

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

KJ~ NG DIYOS ILILIGTAS. International Correspondence Institute. ARALiN 7. Tungkol sa Diyos - Ang Ating Pag-aralan

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

TEACHER / STUDENT MODULES

ANG AMING MGA GAWAIN. Gawaing Bahay. Gawaing Pampamayanan

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN MODYUL 22 ANG POPULASYON NG DAIGDIG

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

H E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Ang aklat na ito ay inilimbag ng WWF-Philippines para sa proyekto ng Coral Triangle Support Partnership sa tulong ng USAID.

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

(Effective Alternative Secondary Education)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Basic Literacy Learning Material

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Transcription:

Unang Markahan TAO, KAPALIGIRAN AT LIPUNAN Unang Aralin Pagtukoy ng Pilipinas Gamit ang Pangunahin at Pangalawang Direksiyon Panimula: Lalakbayin natin ang mundo gamit ang globo at mapa Tanong: Paano nilakbay ni Magellan ang Pilipinas? Sa kanyang paglalakbay, ano ang kanyang napagalaman tungkol sa hugis ng mundo. ( Sumangguni sa 1

website na ito:http://video.answers.com/learnabout-magellans-voyage-1519-1522-117507844) 2

Gawain 1: Tanong: Ano ang hugis ng mundo? Ano ang replica ng mundo? Ang globo ay modelo ng mundo. Sa globo makikita ang kabuuang larawan kung saan nakalagay o nakapuwesto ang bawat bansa, mgakaragatan, at mga kontinente. 3

Gawain 2: Ano-ano ang mga pangunahing direksyon? 4

Gawain 3: Ano-ano ang mga pangalawang direksyon? 5

Gawain 4: Ano ang mapa? Ang mapa ay isang patag na paglalarawan sa daigdig. Matutukoy mo ba ang iba t ibang lugar ng Pilipinas ayon sa pangunahin at pangalawang direksyon? 6

Gawain 5: Subukan natin ang inyong kakayahan sa pagtukoy ng mga lugar gamit ang mapa ng Pilipinas. 1. Ano ang malaking pulo na nasa hilaga? 2. Ano ang malaking pulo na nasa kanluran? 3. Ano ang malaking pulo na nasa timog? 4. Ano ang malaking pulo na nasa silangan? Ano naman ang apat na pangalawang direksyon? Kung ikaw ay nasa Cebu, ano-ano ang mga lalawigang malapit ayon sa pangalawang direksyon: 1. Timog silangan 2. Timog kanluran 3. Hilagang kanluran 4. Hilagang silangan Gawain 6: Sagutin ang mga sumusunod: A. Piliin ang titik ng tamang sagot.isulat ito sa sagutang papel. 1. Ano ang replika o modelo na mundo? A. globo B. mapa C. kompas 7

2. Ano ang patag na larawan ng mundo kung saan ipinapakita ang mga lokasyon ng mga lugar, anyong- tubig, at anyong lupa? A. globo B. mapa C.kompas 3. Nasa anong kontinente ang bansang Pilipinas? A. Aprika B. Asya C. Australia B. Alamin ang mga lugar gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang malawak na katubigan na nasa gawing silangan ng Pilipinas? A. Dagat Timog Tsina B.Dagat Celebes C. Karagatang Pasipiko 2. Ano ang malaking pulo na nasa hilaga ng Visayas? A. Mindanao B. Luzon C. Palawan 3. Ano ang bansa na nasa hilagang-kanluran ng Pilipinas? A. Thailand B. Brunei C.Hongkong 8

Ikalawang Aralin Pilipinas Bilang Bahagi ng Mundo Gawain 1: A. Ano-ano ang mga mahahalagang bahagi ng mundo? 9

B. Ano-ano ang mga guhit na makikita sag lobo? Ekwador Ito ang guhit na pahalang na naghahati sag lobo sa hilaga at timog hemispero na nasa 0 na nakakaulong sa pag-aaral ng klima ng daigdig ekwador 10

Latitud/Parallel- Ito ang tawag sa mga guhit na nasa hilaga o timog ng linya ng ekwador. Ito ay iginuhit nang paikot sag lobo. Ang sukat mula ekwador ay 0 hanggang 90 polong hilaga o 0 hanggang 90 polong timog. Ginagamit ang itik H upang tikuyin kung ang latitude ay nasa Hilaga ng ekwador at titik T kung nasa Timog ekwador. 11

Longhitud/Meridian Ito ang tawag sa mga guhit na nasa kanluran o silangan ng linya ng prime meridian at international dateline. Ito ay iginuguhit nang paikot sag lobo. Ang sukat mula prime meridian ay 0 hanggang 180 international dateline. Ginagamit ang titik K upang tikuyin kung longhitud ay nasa Kanluran ng prime meridian at titik S kung nasa Silangan ng prime meridian. 12

Gawain 2: A. Ano-ano ang mga kontinente ng mundo? Subukan ang mga ito sag lobo. 1. Asya 2. Europe 3. North America 4. South America 5. Africa 6. Antarctica 7. Australia B. Ano-ano ang mga karagatan ng mundo? Iguhit an gang mundo at ilakip ang mga karagatan. 1. Karagatang Pasipiko 2. Karagatang Atlantiko 3. Karagatang Indian 4. aragatang Arctic Gawain 3: Alamin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang tamang sagot sa papel. 1. Ito ang tawag sa mga guhit na nasa kanluran o silangan ng linya ng prime meridian at international dateline. 2. Ito ang tawag sa mga guhit na nasa hilaga o timog ng linya ng ekwador. 13

3. Ito ang guhit na pahalang na naghahati sag lobo sa hilaga at timog hemispero na nasa 0 na nakakaulong sa pag-aaral ng klima ng daigdig. 4. Ito ang kontinente kung saan nabibilang ang Pilipinas. 5. Ito and karagatan na nasa silangan bahagi ng Pilipinas. Ikatatlong Aralin Pilipinas Bilang Bahagi ng Mundo Gawain 1: Awitin ang kantang Kay Liit ng Mundo O Kay Liit ng Mundo Ito ang mundo ng kasiyahan Ng kalungkutan, ng kalumbayan Pag-ibig, pag-asa at pagmamahalan Dapat isaalang-alang O kay liit ng mundo, O kay liit ng mundo, O kay liit ng mundo, O kay liit ng mundo. 14

Gawain 2: 1. Suriin ang globo. Hanapin ang bansang Pilipinas. 2. Ipaskil ang bansang Pilipinas sa payak na larawan ng isang globo. Kulayan ito. 15

Gawain 3: Isulat sa hanayan ang mga lalawigan kabilang sa malalaking pulo. Luzon Visayas Mindanao Gawain 4: A. Tingnan ang globo. Hanapin kung saang latitud at longhitud naroroon ang mga bansang sumusunod: Bansa Latitud Longhitud 1. Pilipinas 2. Hapon 3. Saudi Arabia B. Sabihin ang mga pook na may relatibong lokasyon sa Cebu. 1. Hilaga 2. Timog 3. Silangan 4. Kanluran 16

Ikaapat na Lingo Ang Klima ng Bansa Gawain 1: A. Awitin natin ang Kaysarap ng Ulan Kaysarap ng Ulan Kung ang ulan ay katas ng mga prutas O, kaysarap ng ulan! Ako y lalabas nang ako y makalasa A, a, a, a, a, a, a, a, a, a, a, a, a, a, a O, kaysarap ng ulan! Gawain 2 Ang Pilipinas ay may dalawang pangunahing uri ng klima. Subalit may apat na uri ng klima ayon sa dami ng ulan. Ano-ano ang mga ito? Unang Uri ng Klima May salawang tiyak na panahon. Tuyo mula Nobyembre hanggang Abril, maulan naman mula Mayo hanggang Oktubre. Nakakaranas ng ganitong uri ng klima ang mga lugar. Ikalawang Uri ng klima Maulan sa mga lugar na sa kanlurang bahagi ng Pilipinas tulad ng Ilocos, Mindoro, Palawan, at Negros. ito. Nakakaranas ng lalong malalakas n pag-ulan mula Nobyembre hanggang Enero. Madalas din 17

itong daanan ng bagyo. Kasama sa mga lugar na ito ang Silangang Quezon, Catanduanes, Sorsogon, Samar, Leyte, at Silangang bahagi ng Mindanao. Ikatlong Uri ng Klima Hindi gaanong tiyak ang panahon. Tuyo mula Nobyembre hanggang Abril. Maulan mula Mayo hanggang Oktubre. Nararanasan sa mg alugar ng Kanlurang Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, silangang bahagi ng Mountain Province, timog Quezon, silangang Negros, silangang Panay, gitna hanggang Timog ng Cebu, at bahhagi ng Hilagang Mindanao. Ikaapat na Uri ng Klima Halos pantay ag distribusyon ng ulan sa buong taon. Kasama sa mga lugar na ito ang hilagang-silangang Luzon, kanluran ng Camarines Norte at ng Camarines Sur, Marinduque, at ilang bahagi ng Mindanao. Gawain 3 Magbigay ng kaukulang gawain na maaring gawin sa nabanggit na panahon: Tag-ulan Tag-init 18

Gawain 4 Sagutin ang mga pagsasanay. Direksiyon: isulat sa papel ang letra ng tamang sagot: 1. Alin ang naglalarawan sa klima ng bansa? A. tropical B. pabago-bago C.walang direksyon 2. Ilang uri ng panahon sa ating bansa? A. 2 B. 3 C. 4 3. Ano-ano ang uri ng klima sa ating bansa? A. tag-ulan at tag-init B. tag-ulan, taginit at tagsibol C. taglamig, tagsibol, tag-init at taglagas 4. Bakit magkakaiba ang klima sa ibat-ibang bahagi n gating bansa? A. Dahil sa pagkilos ng hangin B. Dahil sa pagdaan ng mga bagyo C. Dahil sa pisikal na kapaligiran II. Pag-aralan ang mapa sa ibaba. Sagutin ang mga tanong : maulan bagyuhin bagyuhin malamig 19

1. Ano ang uri ng klima sa Sta. Rosa? 2. Ano ang klima ng Lian? 3. Aling mga pook ang magkatulad ang klima? 4. Alin-alin ang madalas na daanan ng bagyo? 5. Ano ang klima sa Niyogan? Ikalimang Aralin Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig Gawain 1: Awitin ang PIlipinas Kong Mahal Pilipinas Kong Mahal Ang bayan ko'y tanging ikaw Pilipinas Kong Mahal Ang puso ko at buhay man Sa iyo'y ibibigay [ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/franciscosantiago-pilipinas-kong-mahal-lyrics.html ] Tungkulin kong gagampanan Na lagi kang paglingkuran Ang laya mo'y babantayan Pilipinas kong Hirang Gawain 2: Ano-ano ang mga anyong lupa at kanilang katangian? 20

Kapatagan isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay. Bundok isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol. hal.bundok Banahaw,Bundok Apo. Bulkan isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang Pinatubo. Burol higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sapilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate. 21

Lambak isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito. Talampas patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman Bulubundukin matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud- Gawain 2: Ano-ano ang mga tubig at ang kanilang mga katangian? a. Karagatan -Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyongtubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang Southern.) b. Dagat - Ang dagat ay malawak na anyongtubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes, Dagat Mindanao at Dagat llapitan.) 22

c. Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol. d. Look - Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan. (Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.)Ito ay parte ng isang Golpo e. Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa. f. Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa Gawain 3: Sagutin ang pagsasanay: Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Hanapin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. A. B. 1. Pinakamataas na anyong lupa a. lawa 2. Mataas na lugar tulad ng bundok ngunit ang ibabaw nito ay patag b. kapatagan 23

3. Anyong tubig na hindi dumadaloy at napapaligiran ng lupa 4. Anyong tubig na bumabagsak mula sa mataas na lugar 5. Ito ay malawak at patag na lupain c. bundok d. talon e. talampas Ikaanim na Aralin Uri ng Mapa ng Pilipinas ( Katangian at Pagkakakilanlang Heograpikal) Gawain 1: Balik-aralan ang kahulugan ng mapa. Ibigay ang mg uri ng mapa. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na mapa: 1. Mapa ng relatibong lokasyon 2. Mapang Pisikal at topograpikal 3. Mapang Pangklima Mapa ng relatibong lokasyon - Tiyak o absolutong pagtukoy ng lokasyon Mapang pisikal - uri ng mapa na naglalarawan sa anyong lupa o tubig. Mapa ng klima - uri ng mapa na nagpapakita ng tipo ng klima ng iba't ibang lugar. 24

Gawain 2. Subukin at gawin a. Maglagay ng tsart sa pisara. Bawat bata ay bibigyan ng larawan o salita at dapat Pangklima Pisikal/Topograpikal Relatibong Lokasyon Idikit nila ito kung saan ito nararapat. Tag ulan tag init talampas Lambak taglamig Taiwan Japan Cambodia Karagatan 25

Gawain 3: Iguhit ang mapa ng Pilipinas. Kulayan at kilalanin ang mga lalawigan. 26

Gawain 4: Iguhit ang mapa ng inyong lalawigan. Isulat ang mga lungsod at bayan nito. Kulayan ito. 27

Ikapitong Aralin Likas Na Yaman Ng Bansa Illus of natural resources Pag-isipan Illus of a child Ano-ano ang inyong nakikita sa larawan? Ano ang tawag natin dito? Tayo y Umawit Tayo y Umawit (Himig: Leron-Leron Sinta) Bansang Pilipinas pinagpalang tunay Mga anyong lupa, mga anyong tubig Ang lahat ng ito nagbibigay ganda At umaakit pa sa mga turista. Kaya dapat lang ating pagkaingatan 28

Mga ilog, dagat na pinagkukunan Isda, perlas at mga kabibe pa Nakatutulong sa pag-unlad ng bansa. Tanong: Ating anyong-lupa bigyan ng halaga Ito y nagbibigay pagkain sa tuwina Masustansiyang gulay, prutas at iba pa Pagputol ng puno dapat iwasan na Ano ang ibig ipahiwatig sa kanta? Saan ba natin makukuha ang mga isda, perlas at mga kabibe? Saan ba natin makukuha ang masustansiyang gulay, prutas, at iba pa? Dapat ba nating pahalagahan ang mga ito? Paano mo mapahahalagahan ang ating mga likas na yaman? Gawain 1 Ilagay sa tamang hanay ang sumusunod na larawan. Illus of ginto pilak mais bangus niyog abaka langis palay gulay korales 29

Yamang Nauubos Yamang Di-Nauubos Gawain 2 A. Basahin ang maikling tula. Bansang Pinagpala ni: Bing Castor-Gonzales Ating bansa y kaakit-akit Tunay na marikit Mga anyong-lupa nito y Walang makahihigit. 30

Malawak na kapatagan Mataas na kabundukan Mga burol at palayan Tila walang katapusan. Tayo t pagmasdan mo Lalim ng karagatan Tila baga dinuduyan Sa alon ng kagandahan. Mga ilog, lawa dito Look, talon at baybayin Pinagpala ng Diyos natin Kaya t nararapat na mahalin. Sagutin ang sumusunod: 1. Tungkol saan ba ang tula? 2. Ano ang mensahe ng tula? 3. Ikaw, ano ba ang iyong magagawa upang mapangalagaan ang ating likas na yaman? B. Gumuhit ng iba t ibang likas na yaman na ating makukuha sa lupa, tubig at gubat. 31

Tubig Yamang Lupa Yamang Yamang Gubat Gawain 3 A. Isulat ang N kung ang likas na yaman ay nauubos at DN ay di-nauubos. 1. ginto 2. mais 3. niyog 4. langis 5. gulay 6. pilak 7. bangus 8. abaka 9.palay 10. korales B. Pangkatin ang mga likas na yaman ayon sa uri na nasa talahanayan. Gawin ito sa sagutang papel. isda ginto perlas 32

tangile korales goma troso pilak nikel tanso gulay alimango pinya abaka yakal Yamang Lupa Yamang Tubig Yamang Gubat Yamang Mineral C. Gumawa ng isang poster tungkol sa tamang paglinang ng ating mga likas na yaman. Tandaan Ang mga lupang sakahan, tubigan, pangisdaan, kagubatan, at kabundukan ang bumubuo ng mga likas na yaman ng bansa. Ayon sa anyo, dalawa ang uri ng mga likas na yaman- nauubos o yamang di-napapalitan at di-nauubos o yamang napapalitan. Kabilang sa yamang nauubos o yamang di-napapalitan ang 33

mga yamang mineral gaya ng ginto, pilak, tanso at nikel. Samantala, ang mga yamang dinauubos o yamang napapalitan ang mga halaman, hayop, at kagubatan. Gawain 1 Umawit Tayo Ikawalong Aralin Umawit nang masigla sa himig ng Sitsiritsit. Sumunod sa guro. Tayo Na (Himig: Sitsiritsit) Sa malawak na sakahan Sari-sari ang halaman Mais, gulay, sitaw, pakwan Kalabasa at dalandan. Mamasyal sa pangisdaan At doo y matitikman Mga isdang malinamnam Sa protina ay mayaman 34

Sa ilalim ng kabundukan Mayroon ding likas na yaman Pilak, ginto, tanso, bakal Makukuha sa minahan. Tanong: Ano ang iyong naramdaman habang umaawit? Ipinagmamalaki mo ba na sagana sa likas yaman ang ating bansa? Ano-ano ang mga likas yaman na ating makukuha sa sakahan? pangisdaan? kagubatan? Gawain 2 Pagbabasa ng isang dayalogo. Illus of two children talking Jenny : Napakaganda naman ng mesa at upuan natin! Mel : Oo nga, gawa kasi iyan sa matibay na kahoy. 35

Jenny : Nagmula sa ating mga minahan at kagubatan ang mga iyan. Mel : Gawa naman sa minang mineral ang mga kagamitan. Jenny : Sagana talaga sa yamang mineral at yamang gubat ang ating bansa. Tanong: Sino ba ang nag-uusap sa dayalogo? Tungkol saan ba ang kanilang pinaguusapan? Anong materyal ang ginamit sa paggawa ng mga mesa at upuan? Alam na ba ninyo kung saan makikita ang pinakamalaking kagubatan sa bansa? Malaking tulong ba sa atin ang mga yamang mineral? Saan ba natin ito makukuha? Gawain 3 Sa isang short size bondpaper, iguhit ang iba t ibang likas yaman na pinakikinabangan ng ating bansa. Kulayan ito. 36

Gawain 4 Magagandang Tanawin Luzon Visayas Mindanao Bulkang Chocolate Hills Talon ng Maria Hundred Boracay Beach Dapitan Shrine Banaue Rice Terraces Itanong: Tulay ng San Moro Vinta Gawain 5 Ano-anong mga magagandang tanawin ang ating makikita sa Visayas? Saan naman natin makikita ang Bulkang Mayon? Banaue Rice Terraces? Talon ng Maria Cristina? Paano natin mapangalagaan ang ating magagandang tanawin at lugar pasyalan? A. Iguhit ang likas na yaman na sa tingin mo ay iyong napakikinabangan. Kulayan ito. Gawin ito sa papel. 37

B. Sagutin ng Tama o Mali. Isulat sa inyong papel ang sagot. 1. Ang Bulkang Mayon ay nasa Laguna. 2. Maraming magagandang tanawin at lugar pasyalan sa Pilipinas. 3. Ang Chocolate Hills ay nasa Visayas. 4. Ang Banaue Rice Terraces ay gawa ng kalikasan. 5. Pinakamahabang tulay sa Pilipinas ang tulay ng San Juanico. C. Ilista sa inyong sagutang papel ang mga produkto ng ating bansa na nagmuka sa likas na yaman. Tandaan May iba t ibang likas yaman ang bansa na ating pinakikinabangan. Ayon sa gamit may mga likas na yamang nagagawang produkto at nagagamit ng tuwiran sa iba t ibang industriya. Sa Palawan makikita ang pinakamalaking kagubatan sa bansa. Ang mga trosong nakukuha rito ay angkop na angkop sa paggawa ng mga cabinet, muwebles, at bahay dahil sa matibay at matigas ang mga ito. 38

Ang mayamang lupa ay nagbibigay sa bansa ng mga metal at di-metal na mga mineral tulad ng carbon at langis na nagpapaandar sa mga sasakyan at iba pa. Ang mga ito ay nagbibigay ng higit na kaunlaran sa kabuhayan ng bansa. May mga mineral na napakahalaga tulad ng ginto, pilak, tanso, at nikel dahil nagagawang alahas, kasangkapan, at palamuti ang mga ito. Ikasiyam Na Aralin Gawain 1 Umawit Tayo! Kantahin ang awiting Masdan Mo Ang Kapaligiran ng Asin. Masdan Mo Ang Kapaligiran (Asin)Wala ka bang napapansin Sa iyong mga kapaligiran Kay dumi na ng hangin Pati na ang mga ilog natin. (Refrain1) Hindi na masama ang pag-unlad At malayu-layo na rin ang ating narating Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat 39

Dati y kulay asul ngayo y naging itim Ang mga duming ating ikinalat sa hangin Sa langit huwag na nating paabutin Upang kung tayo y pumanaw man, Sariwang hangin sa langit natin Matitikman. (Refrain 2) Mayron lang akong hinihiling Sa aking pagpanaw Sana ay tag-ulan Gitara ko ay aking dadalhin Upang sa ulap nalang tayo magkantahan Ang mga batang ngayon lang isinilang May hangin pa kayang matitikman? May mga puno pa kaya silang aakyatin May mga ilog pa Kayang lalanguyan? (Refrain 3) Bakit di natin pag-isipan Ang nangyayari sa ating kapaligiran Hindi na masama ang pag-unlad Kung hindi nakakasira ng kalikasan 40

Darating ang panahon Mga ibong gala Ay wala ng madadapuan Masdan mo ang mga punong Dati y ay kay tatag Ngayo y namamatay Dahil sa ting kalokohan (Refrain4) Lahat ng bagay na narito sa lupa Biyayang galing sa Diyos Kahit nong ika y wala pa Ingatan natin at wag nang sirain pa Pagkat pag kanyang binawi, Tayo y mawawala na (Repeat refrain 2) Mayron lang akong hinihiling Sa aking pagpanaw Sana ay tag-ulan Gitara ko ay aking dadalhin Upang sa ulap nalang tayo Magkantahan ang mga batang Ngayon lang isinilang May hangin pa kayang matitikman? May mga puno pa kaya silang aakyatin May mga ilog pa Kayang lalanguyan? 41

Tanong: Ano ba ang inyong nararamdaman habang kumakanta? Ano kaya ang mensahe ng awit? May napapansin ka ba sa ating kapaligiran? Anu-ano ang mga ito? Gawain 2 Iguhit sa loob ng kahon ang iyong magagawa upang mapangalagaan ang ating kapaligiran. Gawain 3 Isulat ang tsek ( / ) sa sagutang papel kung ang parirala ay nagpapakita ng wastong pangangalaga ng yamang tubig at ekis (x) kung hindi. 1. Pagtanim ng mga puno sa mga bundok 42

2. Pag-alis ng basura sa ilog 3. Paglaba sa tabing ilog 4. Iwasan ang pagtapon ng busura sa pangisdaan 5. Paggamit ng dinamita sa pangingisda Ikasampung Aralin Panimula Illus. natural resources Pag-isipan Ano-ano ang ating mga pinakugkunang yaman? Gawain1: Panuto: Gamit ang drawing book, lapis, krayola o mga kagamitang panglokal, gumawa ng mapa na nagpapakita ng mga likas na yaman ng Pilipinas Gawain 2: Panuto: Isulat ang pagkapareha, pagkakaiba at kakayahang taglay na katangian 43

Kakaiban g taglay na katangian Gawain 3 1. Kunin ang inyong mga kagamitan, gumawa o gumuhit ng isang patalastas o advertisement na nagsusulong at nagpapalaganap ng mga magagandang tanawin at pangunahing lugar pasyalan sa ating bansa. 2. Ipaskil ang mga ito sa bulletin board at sa ibang lugar sa loob ng silidaralan Tandaan: Dapat ingatan ang ating mga pinagkukunang yaman dahil bigay ito sa ating Panginoon. 44