GABAY PARA SA TAGUMPAY ANG KODIGO SA ASAL NG PMI

Similar documents
Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Univar Kodigo ng Asal HEADLINE. Univar Kodigo ng Asal

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

PATAKARAN SA PAG-UUGALI AT

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Kodigo ng Asal at Mga Etika

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Kodigo ng Asal at Etika sa Negosyo

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

PAGSISIWALAT, PAGKAPRIBADO AT PAGIGING MAGULANG

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

ANG KODIGO NG GAWI AT ETIKA SA NEGOSYO.

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

KODA NG ASAL SA NEGOSYO

KODA NG PAG-AASAL. Pagsasapamuhay Ng Ating Mga Pinahahalagahan. Pinananatili ang Pinakamatataas na Pamantayang Etikal

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Pamamatnubay na Palakad sa Paaralan para sa mga Magulang na Baguhan

PANGKALAHATANG ABISO SA PRIVACY NG PERSONAL NA IMPORMASYON NG EMPLEYADO

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Kodigo ng Etika at Asal sa Negosyo ng Nordson

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (DPH) Kabuuang Pabatid ng HIPAA sa Karapatan ng Pagkapribado Epektibong Petsa: May 19, 2015

Atlantic Health System

Kodigo ng Etika at Asal sa Negosyo bersiyon

Stake Audit Committee

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Nanganganib ba ako sa Hepatitis B?

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Ang Bagong Sistema ng mga Karapatang Pantao ng Ontario

PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE

Ang Iyong Karapatan sa Medikal na Pagkapribado sa ilalim ng Batas Federal at ng California

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Group Code of Conduct GLOBALLY COMMITTED TO COMPLIANCE

Koda ng Kaasalan sa Dole Food Company, Inc.

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Minamahal na Pasyente at Pamilya:

Toolkit para sa Advance Directive. Ang pinakamahalaga sa iyo

Pamamahala sa Social Security Mahalagang Impormasyon

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

Gabay sa Pananalaliksik at Pagsusuri sa Pamimili

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) Title VI

Pagsasanay sa Filipino

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Gabay para sa mga Lider

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Unang Hakbang MGA INIAATAS NA KUWALIPIKASYON

LOMA LINDA UNIVERSITY BEHAVIORAL MEDICINE CENTER PATAKARAN SA PAGPAPATAKBO

Pag-access at Pagbabago ng mga Rekord ng Kalusugan

SVP - Chief Compliance & Audit Officer. Kontak: Posisyon: Telepono #:

Dapat ninyong makumpleto ang form na ito ng pagpaparehistro nang hindi lalampas sa Martes, Hunyo 12, 2018, sa ganap na 5:00 PM, Pacific.

ARALING PANLIPUNAN 10 MGA KONTEMPORARYONG ISYU

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Paunawang ito, mangyaring makipagugnayan

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

Ota City Board of Education

Financial Assistance Documents

Pamantayan para sa Mga Palaisdaan ng Seafood Watch

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sino ang Maaaring Sumali sa Isang MediConnect Health Plan (Planong Pangkalusugan ng Cal MediConnect)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

MISYONG PAHAYAG. Isang masagana at inklusibong Canada na nakabatay sa tagumpay ng bawat indibidwal.

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

MGA PAMANTAYAN SA PAMAMAHALA PARA SA TOSHIBA TEC PHILIPPINE GROUP

Ang Karapatan Ng Mga Bingi Na Lumaking Bilingwal

Mga Pananggalang na Pamamaraan Mga Karapatan ng Magulang

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

PERSONAL NA PAGSAKOP PARA SA MGA MAY-ARI NG NEGOSYO

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Ulat mula sa Ombuds Office

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

RIVERSIDE TRANSIT AGENCY PAMAMARAAN SA IMBESTIGASYON NG REKLAMO NG TITLE VI

Sa mga magulang na babiyahe dala ang kanilang mga anak patungo sa ibang bansa Sa mga magulang na pabalik ng Japan dala ang kanilang mga anak

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Patnubay para sa Dayuhang Manggagawa

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

GRADE VI GAMIT NG GRID

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

STK GLOBAL PAYMENTS DECEMBER 2017 WHITEPAPER TGL OFFICIAL WHITEPAPER:

Buod ng mga Benepisyo Anthem Blue Cross Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan)

Magplano ng maaga para sa mga hinaharap na pagdedesisyon sa legal, kalusugan at pinansiyal

Transcription:

GABAY PARA SA TAGUMPAY ANG KODIGO SA ASAL NG PMI

LIHAM MULA SA AMING CEO Minamahal na mga Kasamahan, Malugod kong ibinabahagi ang Patnubay para sa Tagumpay o Guidebook for Success ng PMI, na siyang pumapalit sa ating Alituntunin ng Pag-uugali o Code of Conduct. Ipinaliliwanag ng Patnubay ang mga pangunahing paniniwala at mga katangiang nagbubuklod at nag uugnay sa atin sa sama-sama nating paglalakbay para maabot ang layunin ng PMI. Bilang tugon, ang naturang mga paniniwala at mga katangian ay naglalarawan ng ating pangako sa ating mga kahati sa negosyo, at higit sa lahat, sa ating mga kasama, kung paano tayo kumikilos bilang indibidwal, at bilang isang kumpanya - sa araw-araw at kahit saan man. Iginagalang natin ang pangakong ito sa harap ng malalaking pagsubok at mga hamon sa ating negosyo dahil ito lamang ang paraan upang masigurado ang isang masaganang hinaharap. Tinutulungan natin ang isa t-isa na manindigan sa ating mga pangako sa pamamagitan ng pagbibigay ng tapat na katugunan at, kung hinihingi ng mga pagkakataon, ay sa pagsasalita upang magbahagi ng mga ideya at magpahayag ng mga alalahanin. Inaanyayahan kitang basahing mabuti ang Patnubay na ito. Gagabayan ka nito sa iyong pang araw-araw na trabaho at tutulungan kang pagtagumpayan ang mga masalimuot na mga sitwasyon na maaari mong makaharap. Kung di ka sigurado sa kung ano ang dapat gawin, huminto at humingi ng tulong. Karamihan sa ating mga kasamahang dalubhasa sa iba-ibang paksa ang malugod na tutulong sa iyo na malutas ang iyong problema o katanungan. Tiwala, pagtutulungan, at integridad ang nagsisilbing saligan ng inobasyon sa negosyo at, sa huli, ng ating tagumpay. Buong Katapatan, André Calantzopoulos

TALAAN NG MGA NILALAMAN Liham Mula sa Aming CEO 03 Mga Kaibuturang Kaisipan Ang Ating mga Kagawian 07 Integridad sa Lugar ng Pinagtatrabahuhan 09 Marketing at Sales 11 Kumpetisyon 13 Laban sa panunuhol at Korapsyon 15 Mga Impormasyon ng Kumpanya 17 Mga Pahayag at Talaan ng Kumpanya 19 Piskal at Kalakalan 21 Mga Conflict of Interest at mga Regalo at Libangan 23 Tungkulin ng Supply Chain 25 Pagsasalita 27 29 Mga Tungkulin ng Superbisor Ang Pagiging Angkop, Pagpapaubaya at mga Eksepsiyon

MGA KAIBUTURANG KAISIPAN

mga kaibuturang kaisipan May ilang pangunahing paniniwala tungkol sa pag-aasal sa negosyo ang nagbubuklod at gumagabay sa atin bilang mga empleyado ng PMI. Ang ating mga paniniwalang ito ay nasa kaibuturan ng Aklat ng Gabay na ito. Ipinapakita ng mga sumusunod na pahina kung paano kailangang palakarin ang PMI upang manatiling competitive sa bawat quarter, taon at para sa mga dekada pang darating. Ang mga prinsipyong iyong mababasa ay sumasalamin sa kung ano ang inaasahan sa atin ng mundo sa labas, bilang isang matagumpay na kumpanyang nagnenegosyo ng tabako, at kung ano ang dapat asahan at kinakailangan natin sa bawat isa, bilang mga magkakatrabaho, para maabot ang mga layunin ng PMI. Maipagmamalaki natin ang pamanang ito habang nililikha natin ang kinabukasan ng ating kumpanya. Maipagpapatuloy natin ang katangi-tanging paglago ng PMI nang di kinakalimutan na ang ating tagumpay ay dulot ng pakikipagnegosyo nang may integridad. Makakaya nating harapin ang anumang masalimuot na pagsubok habang tayo'y may kumpiyansa sa ating kinabukasan basta't patuloy nating pinagtitibay ang tiwala ng lipunan sa pamamagitan ng tamang pamamalakad sa kumpanya. Ang reputasyon ng PMI ay nagmumula sa pinagsama-sama nating indibidwal na aksyon. Dahil sa laki ng nakataya, kailangan nating kumilos sa tamang direksiyon at sa tamang paraan. Ang maling pag-aasal ng kahit isa sa atin ay maaaring magpawalang-saysay sa labis na pagsisikap ng nakararami sa atin. Kaya't napakahalaga ng mga direksiyon sa Aklat ng Gabay na ito: kung may tiwala tayo sa ating mga sarili at sa ating mga katrabaho na susundin ang mga direksiyong ito, mapapanatili natin ang posisyon ng PMI na nangunguna sa mundo ng negosyo; kapag tayo'y nagkamali, matindi ang mga idudulot nitong pinsala sa atin, bilang mga indibidwal, at sa PMI, bilang isang kumpanya. Para matulungan kayong maisagawa ang mga konseptong ito sa inyong araw-araw na pagtatrabaho, ang Aklat ng Gabay na ito ay sumasaklaw sa mga paksang madalas napapag-usapan at nangangailangan ng matinding pag-iingat. Inaasahang wala sa atin ang mayroong kasagutan sa lahat ng bagay, ang mahalaga ay sinusubukan nating magtanong sa iba upang makahanap ng mga pinakatamang sagot. 04

mga kaibuturang kaisipan Kinikilala ng Aklat ng Gabay na ito ang mga pinagbuklod nating katangian habang tayo ay nagtatrabaho para sa PMI: Tayo'y nagtatanong, tayo'y nagsasalita, at tayo'y lumilikha ng pagbabago. Ang merkado ay patuloy na nagbabago. Ang mga organisasyon ay laging may kakayahang humusay pa. Bukas nating hinaharap ang mga problema. Ang pagsasawalang-bahala ay hindi solusyon. Ang bawat empleyado ay kailangang magpakita ng malimitang paghahangad ng pagbabago sa pamamagitan ng regular na pagtatanong ng: Anong ginagawa natin ngayon? Bakit natin ito ginagawa? Anong mga makabagong solusyon ang maaari kong imungkahi? Nagsasalita tayo kapag may nakikita tayong mga bagay na mali o mga kagawian sa negosyo, mga proseso, o mga produkto na maaari nating mapahusay pa. Ang pagpaparating ng mga usapin o pagbibigay ng solusyon ay nagbibigay ng kahulugan sa ating paninindigan sa bawat isa. Bilang kapalit, ang kumpanya ay masusing makikinig at kikilos nang naaayon habang tinutupad ng mga empleyado ang kanilang tungkuling magsalita. Tayo'y nagtutulungan. Ang paghihikayat sa iba para makipagtulungan ay hindi isang hadlang sa daan ng ating pagkilos. Ito ay isang mahalagang hakbang sa paglutas ng problema. Ang pagpupulong ng iba-ibang kaisipan at opinyon ay nagdudulot ng mga pinakamagagaling na desisyon. Pinangangasiwaan natin ang ating negosyo sa pamamaraang nagbubuklod, at sinisira ang sa anumang balakid at mga hadlang sa pagtutulungan ng mga departamento at mga tungkulin. Tayo ay tumatanggap ng ating pananagutan at kumikilos. Sa ating pagnenegosyo, ginagawa natin ang mga bagay sa lalong madaling panahon. Hindi tayo naghihintay sa iba para malutas ang mga problema. Hindi tayo nagpapasa ng trabaho sa nakatataas sa atin. Pinamumunuan natin ang ating mga grupo at pinananagutan ang mga kahihinatnan ng kanilang trabaho. Hindi tayo kontento lamang sa hindi paggawa ng mali. Bagkos ay kumikilos tayo nang buo ang loob kapag may hawak tayong impormasyong susi sa ating pagsulong. Gayunpaman, ang mas mahalaga, ay parte na ng ating sistema ang pagiging mabilis kasama ang pagiging maingat. Laging mayroong oras para huminto bago gumawa ng huling aksyon upang magtanong kung ang aksyon ay legal; kung ito ba ay nakakatugon sa common sense; kung ito ba ay sumasalamin sa tamang pagdedesisyon; kung ito ba ay alinsunod sa paraan ng pangangalakal ng PMI.

mga kaibuturang kaisipan Pinapahalagahan natin ang panuntunan ng batas. Umaasa tayo sa mga politikal na sistema na nagpapatupad ng batas nang walang kinikilingan; na pumoprotekta sa mga saligang karapatan; na nagpapatupad ng pagkakapantaypantay kaysa sa popularidad o politikal na kapangyarihan. Ang panuntunan ng batas ay pumuprotekta sa atin sa mga hindi makatuwirang atake sa ating mga karapatan na mangalakal. Kapag malabis ang mga batas at regulasyon, maaaring humingi tayo ng pagbabago, ngunit hanggang sa mangyari ang pagbabagong iyon, sumusunod tayo dahil ang ating paggalang sa pananaig ng batas ay tapat. Kapag binabasa ang Aklat ng Gabay na ito, lagi ninyong tandaan ang mga pangunahing konseptong ito: Tinatanggap natin na hinihingi ng lipunan na tayo ay kumilos ng may pananagutan. Maraming mga tao ang may malakas na paniniwala tungkol sa tabako at mga kumpanya ng tabako. Hindi natin inaasahan na sasang-ayon ang bawat isa sa lahat ng ating ginagawa, ngunit kailangan nating maging sensitibo sa kapaligiran na ating pinapalakad. Dapat na isinasaalang-alang sa mga desisyon natin ang katotohanan at ang pananaw sa ating asal. Kailangan nating maunawaan na ito'y laging nasa pinakamabuting interes natin, lalo na sa mas mahabang panahon, na panatilihin natin ang ating sarili sa mas mataas na pamantayan kaysa sa ating mga kakumpetensiya o mga kumpanya sa ibang mga industriya. Nauunawaan natin na ang tiwala at katapatan ay napakahalaga. Walang organisasyon ang maaaring makapagpanatili ng kakayahan na magpatuloy nang walang tiwala at katapatan. Sa pinakapangunahing antas, magiging imposible ang magdesisyon nang tama kung hindi natin maaasahan ang pagtanggap ng tamang impormasyon mula sa ating mga katrabaho. At, para sabihin ang maliwanag, ang isang kumpanyang sumusubok na makipagkumpitensiya sa pamamagitan ng pandaraya at panlilinlang ay hindi tatagal. Nasa kredibilidad pa rin ang saligan; kung ang mga tao sa loob at labas ng kumpanya ay maaari at dapat na maniwala sa atin; kung tumutupad ba tayo sa salita at sa gawa. Pangmatagalang-panahon ang ating kaisipan. Hindi tayo nakukontento sa paunti-unti o panandaliang tagumpay; ang layunin ay ang patuloy na pag-unlad. Maagap tayo sa mga potensiyal na pagkakataon at mga problema. Ang paggamit ng madaliang pamamaraan para magkaroon ng pansamantalang resulta ay lumilikha lamang ng ilusyon ng tagumpay at, sa halip na magkaroon ng mapakinabang na kita, ay palaging nagdudulot ng pagkalugi. Ang patuloy na paglago ay nakahihigit sa pinansiyal na resulta; ganoon din tungkol sa tao. Ang pagtutuon sa mga mamimili, dedikasyon sa pagkakaiba at pagbubuklod, at matibay na mga samahan lahat ng mga ito ay nagpapakita ng pangmatagalang-panahong pananaw. At panghuli, kasama sa pagtatanong ay ang pakikinig. Kung ikaw ay namamahala sa iba, ikaw ay may natatanging tungkulin na pakinggan ang mga pananaw at mga hinaing ng mga miyembro ng iyong pangkat (at para tiyakin na naintindihan nila ang Aklat ng Gabay na ito). Ikaw man ay mayroong dalawa o 2,000 na tauhang nag-rereport sa iyo, huwag mong kalilimutan na ang mabisang pamumuno ay nangangailangan ng mabuting pakikinig. 06

INTEGRIDAD SA LUGAR NG PINAGTATRABAHUHAN

INTEGRIDAD SA LUGAR NG PINAGTATRABAHUHAN Ano Ang Ginagawa Natin Paano Natin Ito Ginagawa Ano ang Kailangan Nating Tandaan karagdagang Alamin Pinapanatili natin ang isang kapaligiran ng pinagtatrabahuhan na kasali ang lahat, ligtas, at propesyonal. Lahat ng tao ay nararapat na magkaroon ng pantay-pantay na pagkakataong makatulong at magtagumpay batay sa mga merito ng ating trabaho. Lahat ay makikinabang kapag nangyari ito. Ang diskriminasyon, panliligalig, at ang hindi ligtas na kondisyon sa lugar ng trabaho ay hindi makatuwiran; ang mga ito ay kabaligtaran ng ating pamamaraan ng pangangalakal. PMI 2-C Empleyo PMI 8-C Kapaligiran, Kalusugan, Kaligtasan at Seguridad Ginagawa natin ang lahat ng mga desisyong may kinalaman sa trabaho batay sa merito. Huwag limitahan ang pagkakataon ng mga tao para tumulong o umasenso batay sa edad, mga tungkulin sa pag-aalaga ng anak, kapansanan, etnisidad, kasarian, pagpapahayag ng kasarian, sekswal na oryentasyon, relihiyon, pagdadalantao, o iba pang mga protektadong personal na katangian. Walang lugar dito ang pangliligalig. Tratuhin ang iba nang may paggalang. Huwag pahintulutan ang nakakasakit, mapang-api, o mapang-abusong asal. Ang pang-aabuso sa pananalita, pangbu-bully, hindi kanais-nais na mga pagpapasaring sekswal, pananakot, at mapanglapastangan na asal ay mga halimbawa ng hindi naaangkop na asal. Ang karahasan at mga marahas na pananakot ay tiyak na hindi rin katanggap-tanggap. Gawing priyoridad ang kaligtasan. Protektahan ang iyong sarili at ang mga nasa paligid mo laban sa pinsala sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng mga panuntunan sa kalusugan at kaligtasan ng kumpanya at ng pamahalaan. Payuhan ang iyong mga tagapangasiwa tungkol sa lahat ng mga pinsala at muntik-muntikan nang pinsala. Hindi ligtas at bawal na magtrabaho habang nasa impluwensiya ng o lasing sa legal o ilegal na sangkap, kasama na ang alak o iniresetang gamot at droga. Huwag magdala ng mga sandata sa trabaho o magbitbit ng mga ito habang nagsasagawa ng aktibidad ng kumpanya maliban kung nakatanggap na ng partikular na pagpapaghintulot na gawin ito sa ilalim ng mga kagawian ng kumpanya. Huminto at makinig. Ang pag-aasal ay maaaring maging mapanglapastangan at mapagbukod sa iba kahit na hindi ito sinasadya. Hindi sinasadya minsan ng mga tao na makasakit ng iba at maipahiya ang kumpanya dahil sa hindi lang nila paglalaan ng oras upang pakinggan at unawain kung ano ang mararamdaman o magiging reaksyon ng iba. Halimbawa, kung mapansin mo na nag-iisip ka at kumikilos na parang ikaw na ang pinakamatalinong tao sa kuwarto at walang kuwenta ang mga ideya ng iba, maaaring nagpapakita ka ng kakulangan ng respeto at pang-unawa sa mga taong nasa paligid mo. Maaaring masaktan mo sila at lubos na di makita ang mga kapaki-pakinabang na ideya. Dapat na maramdaman ng mga tao na sila ay malayang magpahayag ng kanilang sarili sa trabaho. Nakikinabang ang ating negosyo sa malawak at iba't ibang pamamaraan at mga opinyon. Itinataguyod natin ang pagkaka-iba at mapagbubuklod na kapaligiran kung saan kumportable ang mga empleyado. Mayroon tayong iba t ibang mga pangangailangan at estilo, at kailangan natin ang naaayon na pagtanggap upang makibagay sa mga pagkakaiba-ibang ito. Ang mga pamantayan natin ay naaangkop din sa mga sitwasyon sa labas ng opisina. Ang mga malalayong lokasyon ng trabaho, off-site na mga miting, mga biyaheng pangnegosyo, at mga social event ng pangkat ay pawang mga setting na may kinalaman sa trabaho. Halimbawa, ang mga alituntunin laban sa panliligalig ay naaangkop sa pag-aasal na nagaganap sa isang retirement party sa labas ng opisina. Sa lahat ng mga sitwasyon, kailangan mong isaalang-alang kung paano makakaapekto ang iyong mga aksyon sa iyong mga kasamahan at sa reputasyon ng kumpanya. Representasyon ng empleyado. Ating iginagalang ang karapatan ng mga empleyadong sumali, o hindi sumali, sa mga trade union at mga organisasyong kumakatawan na kanilang pinili. 08

MARKETING & SALES

MARKETING AT SALES Ano Ang Ginagawa Natin Paano Natin Ito Ginagawa Ano ang Kailangan Nating Tandaan karagdagang Alamin Responsable nating iminemerkado at ibinibenta ang ating mga produkto, at sa mga nasa hustong gulang na naninigarilyo lamang. Ang ating mga brand ang iilan sa mga pinakamahalaga sa mundo. Inilalagay natin ang ating pagka-malikhain at inobasyon sa pagbubuo at pagpapanatili ng halaga ng brand. At kasabay nito, alam natin na ang mga produktong tabako ay lumilikha ng panganib sa kalusugan ng mga namimili. Kaya, tayo ay nagsasagawa lamang ng mga responsableng gawain sa sales at marketing. Kapag hindi tayo responsable, hindi tayo magkakaroon ng kinabukasang pangmatagalan. PMI 4-C Pagmemerkado, Pagpapakete at Pagbebenta sa Mamimili PMI 7-C Regulasyon, Pagbuo at Paggawa ng mga Karaniwang Produkto ng Tabako Tayo ay nagtitinda at nagbebenta lamang sa mga naninigarilyong nasa hustong gulang. Ang mga nasa hustong gulang ay may kakayahang gumawa ng napaliwanagang desisyon para manigarilyo. Ang ating mga produkto at mga aktibidad sa marketing at sales ay hindi nakatuon para sa mga menor de edad at mga hindi naninigarilyo. May pananagutan tayo bilang isa sa mga pangunahing kumpanya ng tabako na gawin ang ating papel sa pagpigil ng paninigarilyo ng mga kabataan. Binibigyan natin ng babala ang mga mamimili tungkol sa mga epekto sa kalusugan ng ating mga produkto. Ang lahat ng mga patalastas at pagpapakete para sa mga mamimili ay dapat na may mga babala tungkol sa kalusugan, kahit na hindi ipinag-uutos ng batas ang mga ito. Ang marketing ay dapat na matapat at tumpak. Dapat na nakabatay sa katotohanan ang mga impormasyon at pagpapahayag tungkol sa ating mga produkto sa ating mga materyales sa marketing at sales. Iginagalang natin ang batas. Ang mga regulasyon sa marketing at sales ay madalas na kumplikado at nangangailangan ng gabay para mabigyangpakahulugan. Kailangan mong magsalita kung may nalalaman kang anumang mga aktibidad na maaaring salungat sa mga batas o mga patakaran ng kumpanya. Ang lahat ng mga marketing ay dapat na sumailalim sa proseso para maaprubahan. Dahil sa dapat nating matugunan ang napakataas na pamantayan, pinagsasama ng ating proseso sa pag-apruba ang tiwala at paggalang para sa indibidwal na pasya at pagkamalikhain, nang may naaangkop na pagsusuri. Kapag nagrerepaso ng iminumungkahing marketing, ating isinasama ang mga taong mula sa iba t ibang tungkulin na may iba't ibang karanasan. Tayo rin ay hinuhusgahan sa mga aktibidad ng mga third parties. Ang mga aktibidad sa marketing at sales ay madalas na may mga third parties, tulad ng mga ahensiya at mga representante. Ang kanilang mga kilos ay nagrereplekto sa ating kumpanya na gaya rin ng sa atin. Kapag nakikipagtrabaho ka sa mga third parties sa anumang aktibidad sa marketing o sales, ipaalam sa kanila ang tungkol sa ating mga prinsipyo at maging alerto para sa anumang bagay na maaring magkompromiso sa ating mga kaugalian o magbabaluktot sa mga panuntunan. Lumilikha tayo ng mga bagong produkto. Nangungunang priyoridad para sa PMI ang makabuo at makabenta ng mga produkto na may potensiyal na makabawas sa mga peligro sa pagkakaroon ng mga karamdamang may kaugnayan sa paninigarilyo. Batay sa katangian at pamamaraan ng pagdi-distribute ng mga ito, ang mga produktong ito ay maaaring sumailalim sa ibang mga alituntunin na nangangasiwa sa mga pananaliksik sa mamimili at sa marketing at sales. Kailangan mong maging pamilyar sa mga alituntuning ito bago sumali sa anumang mga aktibidad sa marketing at sales para sa mga produktong reduced-risk. 10

KUMPETISYON

Kumpetisyon Ano Ang Ginagawa Natin Paano Natin Ito Ginagawa Ano ang Kailangan Nating Tandaan karagdagang Alamin Nagiging maunlad tayo sa isang patas, makumpitensiyang pamilihan. Tayo ay masiglang nakikipagkumpetensiya batay sa kalidad ng produkto, mga pananaw ng mamimili, inobasyon, presyo, at iba pang paraan na hinihikayat ng mga batas sa pakikipagkumpetisyon. Nalalaman natin na ang isang makumpitensiyang merkado ay mabuti para sa negosyo at sa ating mga mamimili. PMI 5-C Kumpetisyon Kumikilos tayo nang indipendiyente sa ating mga kakumpetensiya. Huwag mag-isip man lamang na makipag-usap o makipagkasundo tungkol sa presyo o sa anumang iba pang makumpitensiyang paksa na sensitibo sa mga kakumpentensiya. Kung kinakailangan sa iyong trabaho na makipag-ugnayan sa isang kakumpetensiya, humingi ng payo sa Kagawaran ng Batas tungkol sa kung paano ito maisasagawa nang maayos. Iwasan ang mga usapang may kinalaman sa presyo, paglulunsad ng mga brand, mga programang pangkalakal, o iba pang mga makumpitensiyang paksang sensitibo sa kumpetisyon. Hindi tayo kumikilos na kasama ang mga kasosyo para ibukod ang kakumpetensiya o maminsala ng kumpetisyon. Ang pakikipagayos sa mga mamimili at mga tagapagbenta ay maaaring maging isang issue kung ibubukod ng mga ito ang mga karibal o gawing mas mahal para sa mga karibal na makipagkumpetisyon, o kung mapipinsala ng mga ito ang pakikipagkumpetensya sa mga distributor, mga retailer, o mga tagapagbenta. Kung saan tayo ay may malaking bahagi sa merkado, kailangan nating maging sensitibo kapag nakikiharap sa trade at supply chain. Ang paggawa ng tama ay nangangahulugan na paghingi ng tulong. Ang mga alituntunin ng kumpetisyon ay kumplikado at maaaring kontra sa sentido komun. Ang Kagawaran ng Batas at pangangasiwa ng kaanib ang nakakaunawa kung ano ang naaangkop para sa inyong merkado at makakapagbigay ng gabay. Bago kumilos, tanungin ang iyong sarili kung ang desisyon mo ba ay maaaring magpakita ng pakikipagtulungan sa mga kakumpitensiya, o dinisenyo para ihiwalay o gawing mas mahal para sa mga karibal na makipagkumpetensiya. Kung ganoon, kailangan mong kumonsulta sa iyong pangasiwaan at sa iyong mga kasamahan sa Kagawaran ng Batas. Ang anumang pakikipag-ugnayan sa mga kakumpetensiya ay maaaring lumikha ng mga legal na usapin. Kadalasan ang iyong pinakamabuting aksyon ay iwasan ang anumang hindi kinakailangang pakikipag-ugnayan sa mga kakumpetensiya, lalo na kung ang iyong trabaho o sitwasyon ay maaaring lumikha ng impresyon na ang pagpepresyo, mga tuntunin at mga programa sa kalakalan o iba pang makumpitensiyang mga paksa ay tinatalakay. Kung may isang taong magsisimulang magsalita tungkol sa mga naturang paksa, tapusin ang usapan. Gawing malinaw sa mga nasa paligid mo na hindi mo nais na sumali sa anumang anti-competitive na kasunduan. Pagkatapos, agarang makipag-ugnayan sa Kagawaran ng Batas. Ang paraan ng ating pakikipagkumpetensiya ay kasinghalaga ng mga resulta. Ang ilang mga paraan ng pagpapataas ng bulto at kita ay hindi natin paraan ng pagsasagawa ng pangangalakal. At tulad din nito, ang pangongolekta ng impormasyon tungkol sa mga aktibidad ng ating kakumpetensiya ay hindi nangangahulugan na tamang gawin ito. Ang uri ng impormasyon at kung paano natin kinokolekta ito ay madalas na sumasailalim sa mga legal na limitasyon. Makipagtulungan sa iyong lokal na abogado para malaman at sumunod sa lahat ng mga naaangkop na lokal na alituntunin. 12

LABAN SA PANUNUHOL & KORAPSYON

LABAN SA PANUNUHOL & KORAPSYON Ano Ang Ginagawa Natin Paano Natin Ito Ginagawa Ano ang Kailangan Nating Tandaan karagdagang Alamin Hindi tayo nanunuhol kahit kanino man, kahit saan man, para sa anumang kadahilanan. Pinarurupok ng panunuhol ang pananaig ng batas at pinapahina ang kaginhawaan ng lipunan. Kinikilala natin na ang ating pagtangging sumali sa mga gawain na masama ay maaaring magpahirap sa pakikipagkalakal sa mga ilang merkado, pero ang panunuhol ay talagang hindi katanggap-tanggap sa PMI. Masinsin at matatag ang ating posisyon dito: kung hindi, inilalagay natin sa panganib ang ating integridad at reputasyon. At paulit-ulit na ating napatunayan makakamit natin ang ating mga hangarin sa negosyo nang walang gayong paggawa ng mga hindi katanggap-tanggap na short cut. PMI 14-C Pakikitungo sa mga Opisyal ng Pamahalaan at mga Kasosyo sa Negosyo. Aktibidad sa Politika. Huwag kailanman mag-alok o magbigay ng suhol o pabayaan ang iba na manuhol sa ngalan natin. Kailangan nating maging lubos na maingat kapag tayo ay nag-aalok ng anumang may halaga kabilang na ang pera, mga regalo, mga pabor o aliwan na maaaring ituring bilang isang pagtatangkang impluwensiyahan ang mga propesyonal na kilos o desisyon ng isang tao. Gumamit ng mainam na pagpapasiya at, kapag ika'y may pagdududa, makipagtulungan sa Law Department para maunawaan kung ano ang maaari at hindi mo maaaring gawin. Huwag magbibigay ng mga facilitating payment kahit na pinapayagan sa ilalim ng lokal na batas. Ang facilitating payments o pampadulas ay mga kaunting halaga o regalong ibinibigay sa mga opisyal ng pamahalaan bilang kapalit sa pagpapabilis ng isang karaniwang proseso o serbisyo. Kung ikaw ay nakakadama ng isang pangangailangan o nakakaramdaman ng pressure para gumawa ng gayong kabayaran, huwag mo itong gawin. Sa halip, makipag-usap sa Kagawaran ng Batas tungkol sa pinakamabuting paraan ng pakikitungo sa sitwasyon. Idokumento ang lahat ng may halagang ibinigay sa mga opisyal ng pamahalaan. Kailangang palagi mong i-report ang mga regalo at aliwan na iyong ibinibigay sa mga opisyal ng pamahalaan. Ito ang tutupad sa mga legal na rekisito para sa wastong mga libro at mga rekord, at makakatulong sa pag-iwas ng anumang mga maling impresyon. Bago mag-alok o magbigay ng anumang bagay na may halaga sa isang opisyal ng pamahalaan, unawain ang mga rekisito ng PMI at ng iyong lokal na pamahalaan. Ang asal na maaaring maging angkop sa isang merkado ay maaaring maging ilegal o kaya ay hindi katanggaptanggap sa iba. Halimbawa ang pag-alok ng pagkain sa isang opisyal ay ilegal sa ilang bansa, ngunit lehitimo at nakaugalian sa ibang bansa. Paano na kung ang panunuhol o pampadulas na bayad ang parang tanging opsyon? Kung sa paniniwala mo ang panunuhol ay kinakailangan o may isang taong namumuwersa sa iyo upang manuhol, kailangan mong magsalita. Iuugnay ng kumpanya ang tamang tao para makahanap ng tamang paraan na pausad. Madalas tayong nakakalutas ng mga problema sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mas mataas na antas ng pamahalaan o mga asosasyon ng negosyo. Tatalikuran natin ang mga oportunidad sa negosyo o babaguhin ang mga layunin sa mga sitwasyon na kung saan hindi natin malutas ang pangunahing problema. Ang kahulugan ng opisyal ng pamahalaan ay maaaring makasurpresa sa iyo. Kailangan mong maging lalong maingat kapag nakikitungo sa mga opisyal ng pamahalaan. Ito ay dahil may mga napakapartikular na rekisito ang mga batas kaugnay sa mga pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng pamahalaan. Kabilang sa mga opisyal ng pamahalaan ang mga pambansa at lokal na empleyado ng pamahalaan at mga kandidatong politiko. Maaari ring maging kasama sa depinisyon ang mga empleyado ng mga negosyo na pag-aari ng pamahalaan, tulad ng mga mamamahayag na nagtatrabaho para sa pinapatakbong diyaryo ng pamahalaan o maging ang manager ng istasyon ng petrol na pag-aari ng estado. Kailangang sundin ng mga third parties ang ating mga tuntunin. Ang sinumang third party na nakikiharap sa mga opisyal ng pamahalaan para sa ating kapakanan ay dapat na sumunod sa mga alituntunin na atin ding sinusunod at umiwas sa pagbibigay ng mga suhol (direkta o sa pamamagitan ng mga tulay). 14

MGA IMPORMASYON NG KUMPANYA

IMPORMASYON NG KUMPANYA karagdagang Alamin Ano Ang Ginagawa Natin Pinoprotektahan natin ang kahalagahan sa negosyo ng ating mga impormasyon at ideya. Ang mga impormasyon at ideya na ginagamit natin sa ating trabaho ay nagmumula sa ating pagsisikap at pagkamalikhain. Kung paano natin ginagamit at ibinabahagi ang impormasyong ito ay maaaring makapagpabuti o makasira sa halaga nito. Para mapanatili ang kahalagahan nito, kailangan nating sumunod sa mga partikular na pamamaraan para idokumento, protektahan, iproseso at gawing ligtas ang ating mga pribadong impormasyon at ideya. Ang pagbabantay sa impormasyong ito ay nakakatulong sa pagpoprotekta at pag-unlad ng ating negosyo. PMI 1-C Pamamahala ng Impormasyon ng Kumpanya PMI 3-C Personal na Proteksyon ng mga Datos PMI 6-C Mga Karapatan sa Intellectual Property PMI 18-C Paggamit ng Teknolohiya ng Computer PMI 18-CG2 Mga Patakaran ng Social Media Paano Natin Ito Ginagawa Protektahan ang mga confidential na impormasyon. Mawawala sa atin ang ating competitive advantage kung alam ng iba ang ating iniisip o ginagawa. Maaari tayong makabuo ng makabagong estratehiya sa marketing at sales, pero maaaring mawalan ng halaga ang ating mga pagsisikap kung malaman nang maaga ng kakumpetensiya ang ating mga plano. Huwag magbahagi ng mga sensitibong impormasyong pangnegosyo nang walang pahintulot. Ang mga halimbawa ng mga sensitibong impormasyong pangkomersiya ay tulad ng mga ispesipikasyon para sa mga bagong produkto at mga teknolohiya, estratehiya sa marketing at gawain ng kumpanya, datos sa pananaliksik, mga budget, at iba pang impormasyong pampinansiyal. Igalang ang pagkapribado at protektahan ang mga impormasyon na may kinalaman sa personal na pagkakakilanlan. Nangongolekta tayo at gumagamit ng impormasyon tungkol sa mga indibidwal sa loob at labas ng kumpanya para sa human resources, marketing at iba pang mga lehitimong layunin. Ito ay karaniwang bahagi ng pagnenegosyo, pero may mga alituntunin para sa pangongolekta, paggamit, pagbabahagi, pagtatago, paglilipat at pagtatapon ng mga personal na datos para mapangalagaan ang pagkapribado nito. Huwag magbibigay ng mga personal na datos sa sinuman na walang naaangkop na awtorisasyon na tumingin nito dahil sa malinaw na pangangailangan ng impormasyon para sa negosyo. Huwag sumali sa o magfacilitate ng insider trading. Para maprotektahan ang namumuhunang publiko, ginagawang ilegal ng securities law ang pagbili at pagbebenta ng securities (mga stock, bond, opsyon, at iba pa) mula sa mga may mahalagang impormasyong panloob ( material inside information ). Ang ibig sabihin ng mahalagang impormasyong panloob o material inside information ay impormasyon na hindi makukuha ng publiko at malamang na ituturing na mahalaga ng mga namumuhunan o investors sa pagdedesisyon kung siya ay bibili o magbebenta ng security. Huwag gumamit ng panloob na impormasyon para bumili o magbenta ng securities. Dagdag pa rito, huwag magbigay sa iba (sa iyong asawa, katrabaho, kaibigan, broker, at iba pa) ng isang tip tungkol sa mahalagang impormasyong panloob. Kumonsulta sa ating investor relations office bago magbigay ng pinansiyal o pangnegosyong impormasyon na hindi pampubliko sa isang miyembro ng namumuhunang komunidad. Inaabuso ng pakikipagkalakalan sa loob ng kumpanya ang tiwalang ibinibigay ng PMI sa iyo, ito ay ilegal, at hindi makatarungan sa mga ibang namumuhunan. Pangalagaan ang ating mga karapatan sa intellectual property. Maraming mga paraan para mawalan ng halaga ang isang magandang ideya kung hindi ito poprotektahan. Makipagtulugan sa Law Department para maunawaan kung paano pinoprotektahan ng mga karapatang magpalathala, mga patente, mga tatakpangkalakal, at iba pang mga uri ng mga karapatang intelektwal ang halaga ng ating mga ideya at produkto sa trabaho. Igalang ang pagiging confidential at mga karapatan sa intellectual property ng iba. Huwag magnakaw ng mga sekreto ng ibang tao o ng kanilang ari-arian, maging ito man ay intellectual o hindi. Ito ay na-a-apply sa mga malalaking bagay na tulad ng mga sekretong proseso ng kumpanya at mga maliliit na bagay na tulad ng naka-copyright na image na nakikita sa Internet. Maging maingat sa mga hindi hinihinging ideya. Kung may isang tao sa labas ng kumpanya na lumapit sa iyo na mayroong hindi hinihinging ideya, kontakin kaagad ang Law Department bago gamitin o ibahagi ang ideya. Ang paggawa nito ay makakapagbawas ng panganib ng paghahabol ng isang third party para sa isang ideya na mayroon na tayo o pagbibintang na ninakaw natin ang ideya. Panatilihin ang mga rekords na kailangan ng batas at kumpanya. Ang lahat ng mga affiliates ng kumpanya ay may iskedyul ng retensyon na nagsasaad kung aling dokumento ang dapat itago at kung gaano katagal. Tinitiyak ng mga iskedyul na ito na mayroon ang negosyo ng mga kinakailang nitong impormasyon para mag-operate at upang makatugon tayo sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan. Paminsan-minsan, maaaring makatanggap ka ng Legal Hold Notice na nag-uutos na panatilihin ang ilang mga dokumento dahil, halimbawa, sa isang paghahabla o isang imbestigasyon ng pamahalaan. Kung makakatanggap ka ng isang Legal na Abiso ng Pagpigil, dapat mong sundin ang mga direksiyon at panatilihin ang lahat ng mga dokumentong inilalarawan nito. 16

MGA STATEMENT & TALAAN NG KUMPANYA

MGA STATEMENT & TALAAN NG KUMPANYA Ano Ang Ginagawa Natin Paano Natin Ito Ginagawa Ano ang Kailangan Nating Tandaan karagdagang Alamin Bukas at tapat tayong nakikipag-ugnayan. Naiimpluwensiyahan ng mga pahayag ng ating kumpanya kung magiging maganda ba o hindi ang pagtingin sa atin ng publiko. Ang pagtitiwala ng publiko sa ating katapatan ay mahalaga sa pangmatagalang-panahon na pagpapatuloy ng ating negosyo. Para mapanatili ang pagtitiwalang ito, dapat na maging matapat, naaangkop at hindi nakakalinlang ang lahat ng ating komunikasyon sa publiko. Isinasagawa natin ang parehong mga gawi sa ating panloob na mga komunikasyon at talaan. PMI 1-C Pamamahala ng Impormasyon ng Kumpanya PMI 18-CG2 Mga Patakaran ng Social Media Ang ating mga financial statement ay tumpak at madaling maintindihan. Dapat ay kayang gumawa ng mga namumuhunan ng mga desisyon batay sa kung ano ang ating sasabihin. Ang ating mga financial statements at iba pang pampinansiyal na impormasyon na ating ibinabahagi sa mga tagapangasiwa at sa publiko ay dapat na makapagbigay ng nauunawaan at kumpletong larawan ng ating negosyo. Nagpapanatili tayo ng mga wastong libro at mga rekord. Ang pagkakaroon ng mga wastong libro at mga rekord ay hindi limitado sa ating mga financial statement. Ang pag-uulat ng mga empleyado at ng kumpanya ng anumang impormasyon sa negosyo ay dapat wasto, kumpleto, at napapanahon. Hindi tayo nagbibigay ng anumang pahayag na pang-agham nang walang sapat na katibayan. Tayo ay gumagawa ng mga produkto na maaaring magkaroon ng potensiyal na pagbawas sa mga panganib ng paninigarilyo. Para matugunan ang kumplikadong hamon na ito, ang ating mga siyentipiko, na dalubhasa sa malawak na larangan ng mga disiplina, ay gumagawa at nagsusuri ng mga prototype na produkto. Mayroon tayong matibay at de-kalidad na balangkas para sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito, pati na ang mga pre-clincial trials, klinikal na pag-aaral, mga pag-aaral sa pag-asal, at pagsusubaybay pagkatapos ng paglulunsad ng produkto. Sinusuportahan natin ang ating mga pahayag na pangsiyentipiko sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga datos at pagiging bukas sa scientific peer review. Ipinagbibigay alam natin ang ating pagsuporta. Tayo ay bukas tungkol sa ating papel sa pagbuo ng mga materyales na naglalayon na maka-impluwensiya sa mga desisyong may kinalaman sa patakaran na importante sa kumpanya. Kasama rito ang mga resulta ng gawain na ating pinondohan ukol sa mga implikasyon sa kalusugan ng ating mga produkto, pati na rin kapag ang mga third party ay nagpakita ng data o mga pananaw para sa atin, na ating tinustusan, upang ipaalam ang mga pasya sa patakaran. Ang attribution requirement ay hindi papairalin kapag ang independiyenteng third party, pati na ang mga pamahalaan at mga organisasyon, ay kumilos para sa kanilang sariling layunin, kahit na ang PMI ay nagbibigay ng tulong na tulad ng mga reperensiyang materyales o datos. Kaparehong mga prinsipyo ay naaangkop kung paano tayo nagpapahayag sa loob ng kumpanya. Maging tapat, wasto, at kumpleto sa iyong mga pangaraw-araw na komunikasyon. Maggugol ng panahon para ika'y maintindihan. Huwag malito sa kung ano ang katotohanan at kung ano ang opinyon. Kung kailangan mong gumawa ng kuru-kuro tungkol sa isang paksa, linawing mabuti na ito ang iyong ginagawa. Huwag gumawa ng mga legal na pagsusuri o mag-alok ng mga legal na opinyon sa iyong mga isinusulat, maliban na lamang kung trabaho mo ito. Ang social media ay hindi pribado. Natural lamang na gumamit ng social media para ipahayag kung ano ang nasa isip mo. Gayunpaman, unawain na, anuman ang iyong sabihin sa social media ay magiging pampublikong komunikasyon. Kahit na hindi mo sinasadya ito, maaaring ituring itong pahayag ng kumpanya, sa halip na iyong indibidwal na pananaw, at magbunyag ng confidential na impormasyon ng kumpanya. Maaari itong makalinlang sa publiko at makalabag sa mga batas sa pamumuhunan at pagiging kumpidensiyal. Sundin ang mga alituntunin ng kumpanya sa paggamit ng social media. 18

PISKAL & KALAKALAN

PISKAL & KALAKALAN Ano Ang Ginagawa Natin Paano Natin Ito Ginagawa Ano ang Kailangan Nating Tandaan Tayo ay tumutulong na pigilan ang mga ilegal na pagbebenta ng ating mga produkto at maling paggamit ng mga resources ng ating kumpanya. Mas pinipili ng malaking bahagi ng mga naninigarilyo sa buong mundo ang ating mga brands nang higit sa iba. Malinaw ito na isang napakabuting bagay, ngunit pinapalaki nito ang mga insentibo para sa mga kriminal na ikalakal ang ating mga produkto bilang kontrabando na lumalabag sa mga batas ng mga customs o pagbubuwis o para gamitin ang ating kumpanya para sa pandarambong. Malinaw ang mga pamantayan ng PMI: Hindi natin palalampasin, gagawin o susuportahan ang kontrabando o pandarambong. Nakikipagtulungan tayo sa pamahalaan para matigil ang mga ilegal na pagbebenta ng ating mga produkto. Ang ating kredibilidad sa larangang ito ay nagdedepende sa ating pagiging alerto sa anumang mga aktibidad o mga kagawian na maaaring magkompromiso ng ating mga pamantayan. Mayroon tayong mga kagawian sa negosyo na idinisenyo para maiwasan ang mga kriminal na pagsasamantala. Ang money laundering ay isang proseso na kung saan ang mga indibidwal o mga entidad ay nagtatangkang magtago ng pinanggalingan ng kanilang mga ilegal na pondo o kaya ay gawing mukhang lehitimo ang pinagmulan ng kanilang mga ilegal na pondo. Sumusunod ang PMI sa mga batas na kontra sa pandarambong sa pamamagitan ng paggamit ng mga proseso para maiwasan ang pagtanggap ng pera o mga katumbas ng mga pera na nagmumula sa krimen. Para makaiwas sa kontrabando, sinusubaybayan ng ating mga affiliates ang dami ng mga benta ng mga mamimili at kumikilos kung may pinaghihinalaan silang ilegal na dibersiyon ng ating mga produkto. Sinasala natin ang mga potensiyal na bagong mamimili, mga tagapagbenta, at mga ikatlong-partidong tagagawa. Nakikipagnegosyo lang tayo sa mga may kaparehong pamantayan ng pagsunod at integridad. May mga proseso ang Kagawaran ng Panloob na Pamamahala para matukoy ang mga potensiyal na problema sa mga kasosyo sa negosyo. Ating dinodoble ang pagsisiyasat para matiyak na hindi tayo nangangalakal sa mga bansa, mga pamahalaan, mga organisasyon, o mga indibidwal na sumasailalim sa mga trade sanction na dapat nating tuparin. Dapat na maisagawa ang pagsisiyasat bago pumasok sa isang bagong relasyon sa negosyo. Kilalanin ang Iyong Mamimili at iba pang mga pamantayan na kaugnay ng pananalapi at kalakalan para matulungan kang isagawa nang mas mabilis ang iyong trabaho at mailayo tayong lahat sa gulo. Ang mga kagawiang pangkumpanya para sa pagsiyasat ng ating mga mamimili at mga third party ay maaaring magmukhang malaking abala at masyadong matagal, pero ang mga ito ay nakakatulong para makapag-operate tayo nang mas maayos at mas naayon sa batas. Ang U.S. at mga iba pang bansa ay nagpapataw ng mga pagbabawal sa pakikipagkalakal sa ilang mga bansa at libu-libong mga indibidwal, at ang listahan ay nagbabago araw-araw. Tinutulungan tayo ng ating mga sistema para maiwasan ang mga paglabag at mangolekta ng impormasyon na kailangan nating ibigay ayon sa kahilingan ng pamahalaan. karagdagang Alamin PMI 9-C Kilalanin ang Iyong mga Tagapagtinda PMI 10-C Kilalanin ang Iyong mga Mamimili at mga Ikatlong Partidong Tagagawa PMI 11-C Katanggaptanggap na Uri ng Kabayaran PMI 15-C Pagbubuwis Tayo ay sumusunod sa mga pagbabawal ng anti-boycott. Sa ilalim ng batas ng Estados Unidos, ang PMI ay kailangang magreport sa pamahalaan ng Estados Unidos, at huwag makipagtulungan sa, anumang kahilingan na nauukol sa mga boycott ng ibang bansa na kontra sa patakaran ng pamahalaan ng Estados Unidos. Ang mga empleyado ay maaaring hindi gumawa ng anumang aksiyon, o magbigay ng anumang deklarasyon na maaaring maituring na pagsali sa isang ilegal na boycott ng ibang bansa. Ang pinakabagong impormasyon sa ipinagbabawal na internasyunal na boycott ay makukuha sa Kagawaran ng Batas. 20

MGA CONFLICT OF INTEREST & MGA REGALO & LIBANGAN

MGA CONFLICT OF INTEREST & mga regalo & libangan Ano Ang Ginagawa Natin Paano Natin Ito Ginagawa Ano ang Kailangan Nating Tandaan karagdagang Alamin Gumagawa tayo ng mga walang kinikilingan at patas na desisyon. May nangyayaring mga conflict of interest kapag ang mga personal, panlipunan, pinansiyal, o pampulitikang aktibidad ay nagkapapangabot sa mga responsibilidad sa trabaho ng isang empleyado. Karamihan sa mga conflict of interest ay may kinalaman sa mga personal na relasyon, tulad ng pagkakaroon ng malapit na kamag-anak na nagtatrabaho sa isang kumpanyang nagnanais na makipagkalakalan sa PMI. Ang ating mga desisyon sa trabaho ay kailangang palaging nakabatay sa kung ano ang pinakamabuti para sa PMI, hindi personal na para sa atin. Ang pagkakaroon ng pagkakasalungat ay hindi nangangahulugan na isa itong problema. Itinataguyod ng mga kinakailangan sa conflict of interest ang patas na pagdedesisyon sa pamamagitan ng paghingi ng paghahayag, pagrerepaso, at potensiyal na paghuhumpay ng mga conflict na maaaring makaapekto sa ating propesyunal at matapat na pagdedesisyon. Gayundin, ang ating mga alituntunin tungkol sa mga regalo at libangan ay nagbabawal sa pagtanggap at pag-aalok ng anumang maaaring maka-impluwensiya sa propesyunal na pagpapasiya. Nangangahulugan ito na maaari tayong umasa sa bawat isa na gumawa ng mabuting desisyon, na nagtatatag sa ating reputasyon para sa matapat na pangangalakal. PMI 13-C Mga Conflict of Interest PMI 14-C Pakikitungo sa mga Opisyal ng Pamahalaan at mga Kasosyo sa Negosyo. Aktibidad sa Politika. Pagbubunyag ng mga posibleng conflict of interest. Ang iyong pribadong buhay ay pribado. Iginagalang ng kumpanya ito pero kailangan nitong malaman kung may mga sitwasyon na ang iyong mga pribadong interes ay maaring sumalungat sa iyong mga propesyunal na tungkulin. Dapat mong ipagbigay-alam ang iyong potensiyal na conflict of interest sa Compliance Department, kahit na sa tingin mo ay kaya mong pangasiwaan ang issue nang walang tulong. Karamihan ng mga tao ay labis na nagtitiwala sa kanilang sariling kakayahan para gumawa ng mga desisyon na walang kinikilingan kapag humaharap sa mga magkasalungat na personal na interes. Ang pinakamabuting paraan para masubukan ang iyong pagiging tapat ay ang pagsasangkot ng iba, na kadalasan ay nakakahanap ng paraan para mahumpay ang conflict of interest. Huwag mag-alok ng mga regalo o libangan na magkokompromiso ng propesyonal na pagpapasiya ng iba. Ang pagbibigay ng mga regalo at libangan ay isang lehitimong paraan ng pagtatatag ng mga relasyon sa negosyo at pagpapakita ng pagpapahalaga. Pero ang mga regalo at libangan ay hindi dapat na gamitin para impluwensiyahan ang pagiging tapat ng mga taong kasama natin sa pangangalakal. Ang mga pagtutukoy ay nasa ating mga alituntunin ng mga regalo. Palaging gamitin ang iyong pinakamabuting pagpapasiya at iwasan ang anumang bagay na maluho at hindi nakaugalian o iyong maaaring magpahiya sa mga kasamahan mo o sa kumpanya. Huwag lumahok sa anumang libangan na hindi kanais-nais o may kaugnayan sa sex. Sa pangkalahatan, kakailanganin mo ang pagpapa-aproba para makapagbigay ng mga regalo na nagkakahalaga ng mahigit sa US$250 sa loob ng isang taon; ang mga affiliates ay maaaring magtakda ng mga mas mabababang batayan. Huwag tatanggap ng mga regalo o libangan na maaaring maka-impluwensiya sa iyong propesyunal na objectivity. Huwag tumanggap ng anumang bagay na lumalabag sa alintutunin ng kumpanya tungkol sa regalo o na magpapahiya sa iyong mga kasamahan o sa kumpanya. Kakailanganin mo ang pag-aaproba para makatanggap ng mga regalo na nagkakahalaga ng mahigit sa US$250 sa loob ng isang taon; ang mga kaanib ay maaaring magtakda ng mga mas mabababang batayan. Ag proseso ng pagsisiwalat ng conflict of interest ay simple, confidential at patas. Ang kumpanya ay nagbibigay ng mga simpleng pamamaraan para sa mga empleyado na makapagbunyag ng mga conflict of interest. Sa totoo lang, karamihan ng mga potensiyal na conflicts ay nakakatanggap ng clearance, na may naaangkop na mga kondisyon para sa mga taong kasangkot. Ang mga tao lamang na kailangang makaalam ang magsusuri ng iyong conflict of interest disclosure. Sino ang malapit na kamag-anak? Ang malapit na kamag-anak ay isang asawa, mga magulang at stepparents; mga anak at stepchildren; mga kapatid; mga stepbrothers and stepsisters; mga pamangkin; mga tiyuhin at tiyahin; lolo at lola; mga apo; at mga kaanak ng asawa. Ang mga alituntunin sa malapit na kamag-anak ay sumasakop rin sa mga kinakasama sa tahanan (maging sila man ay kinikilala sa ilalim ng lokal na batas o hindi) at ang taong may malapit at personal na relasyon sa iyo. Makipag-ugnayan sa Compliance Department para magabayan ka kung hindi ka nakakasiguro kung ang isang tao ay isang malapit na kamag-anak. Ibunyag ang isang Conflict of Interest Gamitin ang aming online na form o makipagugnayan nang direkta sa Compliance. Maliban lang kung sa iyong palagay na ito ay kailangang manatililing pribado, sabihan ang iyong superbisor. 22

TUNGKULIN NG SUPPLY CHAIN

tungkulin NG SUPPLY chain Ano Ang Ginagawa Natin Paano Natin Ito Ginagawa Ano ang Kailangan Nating Tandaan Tayo ay naninindigan sa pangmatagalang panahong pag-unlad. Patuloy nating babawasan ang ating carbon footprint. Mayroon tayong taunan, tuwing limang taon, at dalawampung taon na target para Tayo ay nakikipagtulungan sa mga supplier na nakikibahagi sa ating pagtatalaga sa compliance at integridad. Kung sino ang ating pinipiling maging katrabaho Ang pagtatamo ng pangmatagalangpanahong pag-unlad ay umaasa sa pagpapatuloy ng ating mga supply chain sa loob at labas ng kumpanya. Binabawasan natin ang epekto sa kalikasan ng ating mga aktibidad at itinataguyod ang pagpapanatili ng mga natural na kalikasan na kung saan tayo ay umaasa. mabawasan ang carbon footprint ng ating supply chain. Ang ating mga inisyatibo ay sumasaklaw sa pagpapanatili ng produksiyon na pang-agrikultura, pati na ang deforestation, paggamit ng enerhiya at tubig, pagre-recycle, at ang mga paglalabas ng CO2. Ibinubunyag natin ang ating progreso taun-taon. sa ating supply chain at kung paano nag-ooperate ang ating mga partners at mga supplier ay nakakaapekto sa ating reputasyon at sa ating negosyo. Kung ikaw ay pipili ng isang bagong supplier o muling nagsusuri ng isang kasalukuyang supplier, tiyakin na naiintindihan nila ang ating mga prinsipyo at maging alerto sa anumang maaaring magkompromiso sa ating mga pamantayan. Tayo ay sensitibo sa at nagsisikap upang matugunan ang mga alalahanin tungkol sa pagpapatrabaho sa mga bata para kumita at sapilitang patrabaho. Ang mga kilos na ito ay nagpapahusay sa mga resulta ng ating negosyo at nagpapabuti ng mga buhay ng mga tao sa mga komunidad kung saan tayo ay nagpapalakad. Nagsisikap tayo para matanggal ang mga pang-aabusong pagpapatrabaho sa mga bata, sapilitang pagpapatrabaho at iba pa sa ating pang-aabuso sa ating supply chain. Hindi natin pinalalampas ang pagpapatrabaho sa bata para kumita o sapilitang pagpapatrabaho at hindi nag-eempleyo ng mga bata sa ating kumpanya. Nakikipagkasundo tayo sa mga magbubukid sa mga mabubuting pang-agrikulturang kagawian para mapahusay ang pagpapanatili ng kanilang mga pananim. Inaasahan natin ang mga karagdagang Alamin Kodigo ng mga Kagawian para sa Trabahong Pangagrikultura (Agricultural Labor Practices Code) ng PMI PMI 8-C Kalusugan at Kaligtasan ng Kapaligiran PMI 12-C Mga Kontribusyong Pangkawanggawa magbubukid na isagawa ang mga ipinag-uutos ng ating Agricultural Labor Practices Code o Kodigo ng mga Kagawian sa Trabahong Pang-agrikultura. Ang ating programang pangkawanggawa ay tumutulong na lumikha ng mga pagkakataon para sa komunidad sa kanayunan. 24

PAGSASALITA

pagsasalita Ano Ang Ginagawa Natin Kapag may isang bagay na maaaring mapaayos o ay mali, tayo ay kumikilos. Kapag may nakita kang mali, dapat kang magsalita. Kung magsasalita ka, makikinig at kikilos ang kumpanya. Magkasinghalaga ang pagsasalita para mapahusay ang mga bagay-bagay. Kapag nagsalita ka ng may magandang intensiyon, lubos kang susuportahan ng PMI. Paano Natin Ito Ginagawa Ibahagi ang iyong mga ideya at karanasan tungkol sa kung paano mapapahusay ang mga bagay. Kapag ang isang pangangailangan o proseso ay nagpapahirap sa iyo para maging epektibo sa iyong trabaho o mukhang kumplikado para sa layunin nito, magsalita ka. Ang mga alituntunin at mga proseso ay kailangang magkaroon ng saysay at makatulong sa iyo sa iyong trabaho. Dapat ka ring magsalita kung sa tingin mo ay hindi isinagawa ang nararapat na mga hakbang upang maprotektahan ang kumpanya laban sa potensyal na peligro sa negosyo, sa batas o pagkontrol. Magtanong kung may mga bagay na hindi malinaw. Ibinibigay ng PMI sa ating lahat, sa bawat antas ng organisasyon, ang pagkonsulta sa mga kasamahan na makakasagot sa mga tanong, lumutas ng mga problema at makakapagbigay ng payo. Kung hindi ka nakakatiyak kung ano ang gagawin, magpatulong para matulungan. Ano ang Kailangan Nating Tandaan Aming iimbestigahan ang mga ulat ng pinaghihinalaang maling asal. Ang Compliance Department ay nagsasanay ng mga empleyado sa iba t ibang mga tungkulin para mag-imbestiga tungkol sa iyong mga alalahanin. Pinangangasiwaan ng PMI Investigation Standards ang lahat ng imbestigasyon sa compliance, at nagsasagawa kami ng programang post-investigation quality assurance para matiyak na ang proseso ay nananatiling patas, walang kinikilingan at magalang. Magtanong kung hindi ka nakakatiyak. Kung nag-aalala ka tungkol sa mangyayari kapag magsasalita ka, makipag-usap sa iyong lokal na pangasiwaan o sa Compliance Department. Matutugunan nila ang iyong mga hinaing at masasagot ang anumang mga katanungan na maaaring mayroon ka tungkol sa proseso. Paano Magsalita Maraming mga paraan ng pagsasalita. Makipag-ugnayan sa: Iyong superbisor o pinuno ng departamento Human Resources Kagawaran ng Batas Sa Compliance Department: - PMI.Compliance@pmi.com - Pangrehiyon na Direktor ng Pagpapasunod - Cluster Head para sa iyong kaanib karagdagang Alamin PMI 16-C Pag-uulat ng mga Pinaghihinalaang Paglabag sa Pagsunod Pigilin ang mga bagay na nagiging mali. Nangyayari ang mga pagkakamali. Kapag nangyari ito, bahagi ng iyong trabaho ang tumulong para maiwasto ang mga ito. Kung may bagay na parang hindi tama, o mukhang magkokompromiso sa Aklat ng Gabay na ito, sa isang Prinsipyo & Kagawian, o sa batas, may pananagutan kang magsalita. Ang pagsasawalang-bahala sa isang potensiyal na isyu sa compliance ay maaaring magdulot ng marahil maliit na problema na maaaring lumaki, na magiging sanhi ng pinsala sa iyong mga katrabaho at sa kumpanya. Ang Compliance Helpline na pinapalakad ng isang third party ay matatawagan 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo, sa lahat ng mga wikang sinasalita sa PMI. Makipag-ugnayan sa Helpline online o sa pamamagitan ng telepono. Ang mga lokal na dial-in na numero ay nakalista sa iyong intranet. Tinatanggap ang mga collect call. Maaari mo ring gamitin ang Helpline nang hindi nagpapakilala, maliban lamang kung tumatawag ka mula sa mga ilang bansa na kung saan ang mga lokal na batas ay naghihigpit sa gayong mga kagawian. Kung hindi ka nakakatiyak tungkol sa mga paghihigpit tungkol sa hindi pagpapakilala sa iyong lokasyon, magtanong sa Helpline o kumonsulta sa Kagawaran ng Batas. 26

Mga Tungkulin ng Superbisor

Mga Tungkulin ng Superbisor Ang kultura ng ating organisasyon ay nakaka-impluwensiya sa ating mga kilos. Maraming mga bagay na lumilikha ng kultura sa loob ng kumpanya. Halimbawa, ang paraan nating magtrabaho na magkakasama bilang mga pangkat, ang pagiging patas ng organisasyon, mga pananaw sa mga patakaran ng kumpanya, makumpitensiyang pressure, at kahit na ang mga tsismis ay pawang nagsasama-sama, para sa ikakabuti o ikakasama, ng ating kultura sa kumpanya. Ang mga taong pinagkakatiwalaan ng kumpanyang mangasiwa sa iba ay may isang natatanging tungkulin para humubog ng ating kultura sa kumpanya at sa kapaligirang pinagtatrabahuhan ng kanilang mga pangkat. Kailangang tiyakin ng lahat ng mga superbisor na ang kanilang mga pangkat ay: Nalalaman at naiintindihan ang Aklat ng Gabay na ito at ang Mga Prinsipyo & mga Kagawian ng PMI na nauugnay sa kanilang trabaho. Naiintindihan ang Aklat ng Gabay na ito at ang Mga Prinsipyo & mga Kagawian ng PMI ay ipinapairal nang patas at hindi pabagu-bago. Huwag mag-atubiling magsalita tungkol sa mga usapin sa compliance at maaasahan mo na ang kumpanya ay makikinig sa kanilang mga hinaing. Siguraduhin na ginagawa natin ang pagnenegosyo nang may integridad. Ang pagpapanatili ng wastong kultura ay mas mahirap kaysa sa pagsasabi lamang sa mga empleyado na sumunod sa mga alituntunin. Higit sa lahat, nangangailangan ito ng tunay na pamumuno. Maging isang halimbawa sa pamamagitan ng pagpapakita kung ano kahulugan ng pagkilos nang may integridad. Kunin ang tiwala ng iyong pangkat sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksa sa Aklat ng Gabay na ito. Pakinggan at aksiyunan ang kanilang sasabihin. Tandaan na ang katahimikan ng ating mga kasamahan ay hindi nangangahulugang wala silang masasabi. Kung may isang taong nagsumbong tungkol sa isang pinaghihinalaang maling asal, tandaan na ito ay alinsunod sa kanilang tungkulin bilang isang empleyado at kailangang i-respeto. Kontakin kaagad ang Compliance tungkol sa anumang naturang maling asal para maayos itong matugunan ng kumpanya. Ang pagtitiwala ay kailangang maganap sa bawat isa. Kung sa tingin mo ay kailangan pang magsumikap ang iyong superbisor para makapagtatag ng ating kultura ng compliance at integridad, ipaalam ito sa iyong superbisor o sa iba pa sa kumpanya. 28

Ang Pagiging Angkop, Pagpapaubaya & mga Eksepsiyon Ang Aklat ng Gabay na ito ay nagtataglay ng mga sapilitang probisyon na naaangkop sa lahat ng mga empleyado, mga opisyal, at mga direktor ng PMI at sa sinumang nangangalakal para sa ating kapakanan. Ang mga paglabag sa Aklat ng Gabay na ito o di pagsunod sa Mga Prinsipyo & mga Kagawian ng Compliance ay maaaring magbunga ng pagdisiplina, pati na ang pagkakatanggal sa trabaho. Sa mga natatanging pagkakataon, maaaring magbigay ang Pinunong Opisyal na Tagapagpatupad ng isang pagpapaubaya sa isang probisyon ng Aklat ng Gabay na ito. Ang mga pagpapaubaya sa anumang probisyon para sa mga ehekutibong opisyal ng kumpanya ay dapat ring makumpirma ng Lupon ng mga Direktor. Ang Aklat ng Gabay na ito ay naaangkop sa Philip Morris International Inc. at sa mga direkta at hindi direktang sangay nito, na sama-samang tinutukoy bilang Philip Morris International, PMI, o ang kumpanya.

04/15 PH EX