Nang Matuto Ka at Magising

Similar documents
Oops... Ingat sa Lansangan

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

GRADE VI GAMIT NG GRID

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

E P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Ang aklat na ito ay inilimbag ng WWF-Philippines para sa proyekto ng Coral Triangle Support Partnership sa tulong ng USAID.

Ang Makisig at Hangal na Hari

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

ANG AMING MGA GAWAIN. Gawaing Bahay. Gawaing Pampamayanan

Chapter 6 Tagalog Verbs

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Advance Directive - ALASKA

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ano-ano Ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

Kanser sa Cervix. Cervical Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

KJ~ NG DIYOS ILILIGTAS. International Correspondence Institute. ARALiN 7. Tungkol sa Diyos - Ang Ating Pag-aralan

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Pagsasanay sa Filipino

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

Kaya Ko, Kaya Mo. pagpapanatili ng. Buhay na Lupa. Paggawa ng Compost at Iba Pang Organikong Pamamaraan na Subok ng Magsasaka

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Starting and Growing My Business. (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo) SELF-RELIANCE

H E K A S I PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Paksa: Mga Tayutay. Akdang Babasahin: Ang Pintor ni Gerry Gracio. Inihanda ni:

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Aplikasyon para sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

Kanser sa Suso. Breast Cancer / Tagalog Copyright 2017 Hospital Authority. All rights reserved

Ako at ang Ating Watawat

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

PalayCheck. Key Check 5. Sapat na sustansya sa panahon ng pagsusuwi hanggang paglilihi at pamumulaklak.

Gabay ni nanay sa pagpapakain kay baby

KABAYARAN SA PAGTAPON NG BASURA PAG-PUPULONG NG RESIDENTE BAYAN NG HIGASHIURA

Kanser sa Sikmura. Stomach Cancer / Tagalog Copyright 2018 Hospital Authority. All rights reserved 1

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1

Tungkol Saan ang Modyul na ito?

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Ano ba ang nakalaan para sa akin? Ano ang aking gagawin? Paano ako magiging kapakinabangan ng aking pamilya at kapwa?

BANGHAY ARALIN sa ARALING PANLIPUNAN 3 IKATLONG MARKAHAN - Isinulat ni Cecelia G. Buta, MTB Regional Trainer, Region XI

Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan ICT

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Basic Literacy Learning Material

Edukasyon sa Pagpapakatao

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Mathematics. Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Transcription:

2 Nang Matuto Ka at Magising B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a l B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m d e p A r t M e N t o f e d u c A t i o N Reformatted for distribution via DepEd LEARNING RESOURCE MANAGEMENT and DEVELOPMENT SYSTEM PORTAL INSTRUCTIONAL MATERIALS COUNCIL SECRETARIAT, 2011 Pag-aari ng Pamahalaan HINDI IPINAGBIBILI

Basahin Natin Basahin ang dayalogo. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Sa ospital nagkita ang magkumareng Nelia at Tuding 1

2

3

4

5

Subukin Natin 1) Nang magkasakit si Junjun, ibinili siya ni Aling Nelia ng gamot sa ubo sa botika sa halagang P 225.00. Bumili pa siya ng pampahid sa likod sa halagang P 150.00. Magkano lahat ang nabili niyang gamot? 2) Nang sumunod na linggo, lumala ang ubo ni Junjun. Bumili uli si Aling Nelia ng gamot sa botika. Iba namang brand ang kanyang binili sa mas mataas na halagang P 310.00. Binili pa niya ang gamot na inireseta ng doktor na nagkakahalaga ng P 416.50. Magkano lahat ang nagastos ni Aling Nelia para sa ubo ni Junjun? 3) Kung ang badyet ni Aling Nelia sa gamot ni Junjun ay P 900.00, magkano ang naidagdag sa kanyang badyet? 6

Alamin Natin Aralin 1: Pagkilala, Paghahanda at Paggamit ng mga Halamang Gamot Halamang Maaaring Gawing Dekoksiyon 1. Sambong (para sa mga maysakit sa bato at sa mga binabalisawsaw) Pagkilala: Palumpong (shrub) na tumataas ng 3 metro May bulo ang dahon Paggamit: Hatiin sa 3 bahagi ang inilagang gamot Inumin sa umaga, tanghali at gabi Paalala: Hindi ito gamot sa impeksiyon sa bato o ihi. 7

2. Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong panganak, tsaa para sa mga nagtatae, at mga namamagang gilagid) Paggamit: Hugasan ng inilagang gamot ang sugat nang dalawang (2) beses. Maaari rin itong ipainom sa sumasakit ang tiyan dahil sa pagtatae. Magagamit din itong pangmumog sa namamagang gilagid. 3. Ulasimang Bato (para sa pampababa ng uric acid sa dugo) Pagkilala: Isang uri ng damo na makatas at hugis- puso ang dahon Paghahanda/Paggamit: Salad Hugasang mabuti ang mga dahon Maghanda ng 1 ½ baso ng sariwang dahon Hatiin sa 3 at kainin ito sa umaga, tanghali at gabi. 8

Dekoksiyon Hugasang mabuti ang mga dahon Maghanda ng 1 ½ baso ng sariwang dahon Pakuluan ang dahon sa dalawang basong tubig sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto Huwag takpan ang palayok Palamigin at salain Hatiin sa 3 ang pinaglagaan at inumin ang bawat isa sa umaga, tanghali at gabi pagkatapos kumain 4. Ampalaya (mabisang panlunas sa sakit na diyabetes) Pagkilala: Baging, namumulaklak, at namumunga Bunga at dahon ay kinakaing gulay Paggamit: Inumin ang pinaglagaan 3 beses sa maghapon, 30 minuto bago kumain Ang murang dahon ay maaaring pasingawan at kainin (1/2 baso 2 beses maghapon) 9

5. Lagundi (para sa hika at ubo) Pagkilala: Palumpong (shrub), tumataas nang may 5 metro Paggamit: Hatiin sa 3 ang pinaglagaan Inumin ang bawat isa tuwing ika-apat na oras Anu-ano ang ibang uri na dapat pag-ingatan? Bakit? 6. Herba Buena (para sa pananakit ng iba t ibang bahagi ng katawan) Pagkilala: Halamang gumagapang na amoy mint May apat na kanto ang tangkay at kulay berde Ang dahon ay magkakatapat, magaspang, at kulubot. 10

Paggamit: Hatiin sa 3 ang pinaglagaan Inumin ang bawat isa sa umaga, tanghali, at gabi Maaaring dikdikin ang sariwang dahon at itapal sa bahaging nananakit 7. Akapulko (para sa an-an, buni, galis-aso at alipunga) Pagkilala: Palumpong (shrub) na tumataas nang 3 metro o higit pa May bulaklak na kulay dilaw na matatagpuan sa dulo ng mga sanga May maliliit na bunga na may maliliit na buto Paggamit: Paalala: Ipahid ang katas sa apektadong balat 1-2 beses maghapon Ang sariwang dahon ng akapulko ay maaaring gawing dekoksiyon para sa may allergy 11

Magpakulo ng 1 basong tinadtad na dahon sa 2 basong tubig sa loob ng 15 minuto o hanggang maging 1 baso na lamang Ihugas ito sa apektadong balat 1-2 beses maghapon Tandaan Natin Mga Kagamitan: Paghahanda ng Halamang Gamot Gumamit lamang ng palayok, enamel o anumang kagamitang hindi yari sa aluminum (para walang tingga ang nilutong gamot) Paalala: A. Pagpapakulo - hugasang mabuti ang mga dahon - maghanda ng 1 basong tinadtad na dahon at 2 basong tubig 12

- ilagay sa malinis na palayok at pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto - palamigin at salain B. Pagsukat - Gumamit lamang ng isang uri ng panukat para sa dahon at sa tubig. C. Pagpili - Gamitin lamang ang bahagi ng halamang iminumungkahi. D. Paggamit - Sundin ang wastong dosis - Gumamit lamang ng isang uri ng halaman sa bawat sintomas o karamdaman - Ihinto ang paggamit ng halamang gamot kung magkakaroon ng hindi kanais-nais na reaksiyon (tulad ng allergy) - Kung walang nararamdamang pagbabago pagkatapos ng 2 o 3 araw na paggamit, kumonsulta sa doktor. 13

Mga Kagamitan sa Pagluluto kalan palayok o stainless na lutuan sandok na kahoy baso kutsilyo boteng sisidlan Mga Sangkap: asukal tubig kandila mantika halamang gamot 14

Paggawa ng Dekoksiyon Ihanda ang mga kagamitan para sa pagluluto at mga sangkap Hugasang mabuti ang dahon Gayatin ang hinugasang dahon Pagsamahin ang isang takal na ginayat na halamang gamot at 2 basong tubig (Sa bawat isang basong ginayat na dahon 2 basong tubig ang kailangan at sa pagtatakal ay siguruhing isang klase lang ng baso ang gagamitin para sa tubig at dahon) Pakuluan ng 15 minuto sa mahinang apoy (simulang orasan sa unang pagkulo) Huwag takpan ang palayok sa pagpapakulo Salain ang pinaglagaang dahon sa isang malinis na baso o mangkok (ang dekoksiyon ay maaaring gamitin sa loob ng 2 araw) 15

Paggawa ng Akapulko Ointment Hugasang mabuti ang sariwang dahon Gayatin ang hinugasang dahon Haluin ang isang basong ginayat na dahon sa isang basong mantika, cooking oil o langis ng niyog. Lutuin sa mantika hanggang lumutong ang dahon Hanguin at salain 16

Alamin Natin Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Bakit kailangang gumamit ng isterilisadong sisidlan sa pag-iimbak ng halamang gamot? 2. Bakit ang palayok o stainless na lutuan ang dapat pagpakuluan ng dekoksiyon? 17

Subukin Mo Pagsunud-sunurin ang mga paraan ng tamang paghahanda ng halamang gamot sa pamamagitan ng pagsulat ng bilang 1-6 sa patlang. Gayatin ang hinugasang dahon. Ihanda ang mga kagamitan sa pagluluto at mga sangkap. Salain ang pinaglagaang dahon sa isang malinis na baso o mangkok. Hugasang mabuti ang dahon. Pakuluan ng 15 minuto sa mahinang apoy (simulang orasan sa unang pagkulo). Pagsamahin ang isang takal na ginayat na halamang gamot at 2 takal na tubig. 18

Alam Mo Ba? Lagyan ng tsek (!) ang patlang kung tama ang sinasabi ng pangungusap at ekis (") kung mali. 1. Mahalagang kilalaning mabuti ang mga halamang gamot bago gamitin. 2. Maaaring magkaibang takalan ang gamitin sa pagtakal ng tubig at halamang gamot. 3. Gumamit lamang ng isang uri ng halaman sa bawat sintomas o karamdaman. 4. Itigil ang paggamit ng halamang gamot kapag nakaranas ng hindi kanais-nais na reaksyon tulad ng allergy. 5. Palayok o stainless na lutuan ang dapat pagpakuluan ng dekoksyon. 19

B. Piliin sa loob ng bilog ang mga pangalan ng halamang gamot na tumutugon sa mga tanong. Isulat ang sagot sa loob ng kahon. 1. Magaling na lunas sa sakit ng tiyan 2. Mabisang gamot sa ubo at diyabetes 3. Panglanggas ng sugat, para sa namamagang gilagid 20

4. Magaling na pampaligo sa mga bagong nanganak 5. Mabisang gamot sa mga binabalisawsaw at hindi maihi Bayabas Banaba Sabila Ampalaya Sambong Tsaang-gubat 21

Kwentahin Natin Basahin at sagutin ang mga suliraning sumusunod. Si Aling Nelia ay naging interesado sa pag-iimbak ng mga halamang gamot ngunit wala siyang mga gamit sa paghahanda ng mga ito. Nagtayo sila ng grupo ng kababaihan sa kanilang lugar at tinulungan sila ng mga opisyal ng barangay upang makabili ng mga kasangkapan. Binigyan sila ng halagang P 1,500 para pambili ng mga kagamitan. Ito ang kanilang binalak bilhin: palayok - P 80.00 salaan - 55.00 baso - 26.50 kutsilyo - 77.25 kalan - 1,275.00 sandok na kahoy - 23.75 22 1. Magkano lahat ang kabuuang halaga ng bibilhin nilang kagamitan? 2. Magkano ang halagang kailangan pa nila upang mabili lahat ang kanilang kailangan?

3. Kung ikaw ang pinabili, paano mo pagkakasyahin ang pera? 4. Ang isang takal ng halamang gamot ay nangangailangan ng 2 takal ng tubig. Kung 2 takal ng halamang gamot ang iyong inihanda, ilang takal na tubig ang dapat mong ilagay dito? Kung tatlo? Kung apat? 23

Aralin 2: Botika sa Likod Bahay Aba Pare, abalang-abala ka sa pagtatanim. Para saan ba yan? Di pa ba nakarating sa yo ang rebolusyong ginawa ng kababaihan sa ating lugar? 24

Ano!, Rebolusyon? Sumali na ba sila sa mga makakaliwa?...aba!...di ko alam yun ah! Eh, ano naman ang kaugnayan niyang pagtatanim mo? Hindi Pare, ang ibig kong sabihin, nagtayo ng samahan ang ating kababaihan para matulungan ang ating komunidad na maging maayos. 25

Aba Pareng Larry! Buti t napadaan ka, balak ko pa sanang dumaan sa inyo para makausap si Mare. Tayo na sa bahay muna at makapagkape. Magandang umaga Mare! E, ano ba ang sadya mo sa Kumare mo? Sabihin mo na nang hindi ka na maabala. 26

Mabuti pa nga Pare, may proyekto kasi ang mga kababaihan na mapaunlad ang pagtatanim ng mga halamang gamot, at ang bawat pamilya ay maakit na magtanim ng sariling halamang gamot. Ganun ba! Kaya ba kanina pang umaga abala si Pare sa pagtatanim? Aba y sige Mare, maasahan mo ang pakikiisa namin. 27

Pag-usapan Natin Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang sagutan. 1. Bakit mahalaga ang proyekto ng kababaihan? 2. Kung kasapi ka ng samahang ito, ano sa palagay mo ang kaya mong maiambag upang magtagumpay ang proyektong ito? 3. Sa palagay mo ba kailangan din ng inyong komunidad ang mga ganitong proyekto? 28

Tandaan Natin Kung nais mong magkaroon ng botika sa likod ng iyong bahay, narito ang dapat mong isaalang-alang Pagtatanim Pumutol ng sangang may tatlong buko Patulisin ang dulo ng sanga at ibaon ito sa lupa hanggang sa bahaging may kasamang isang buko. Pag-aalaga Ilagay sa lilim ang bagong tanim sa loob ng 2 linggo Diligan araw-araw Gumamit lamang ng natural na pataba gaya ng dumi ng manok, bulok na dahon, at iba pa, Huwag gumamit ng pestisidyo dahil ito y maaaring mag-iwan ng lason sa halaman Panatilihing malinis ang paligid ng halaman Pag-aani Anihin lamang ang malulusog na dahon Patuyuin sa mahangin at malilim na lugar hanggang maging malutong ang dahon Iwasang mapabilad ang dahon sa init ng araw Pag-iimbak Ilagay sa plastik ang pinatuyong dahon Iimbak sa garapong may kulay na may uling Takpang mabuti 29

Subukin Mo 30 Lagyan ng! (tsek) ang lahat ng patlang ng tamang sagot. 1. Magiging magandang halimbawa ka ng iyong komunidad kung ikaw ay tumutulong sa pagkakalat ng basura mahilig maghatid ng mga tsismis tumutulong sa pagpaparami ng mga halamang gamot hindi lumalabas ng bahay 2. Ang mga asawang lalaki o bana na tumutulong sa kababaihan sa inilunsad nilang rebolusyon ay under de saya mabuting kabiyak may malasakit sa komunidad nagbibigay inspirasyon sa kababaihan 3. Kung ikaw ay walang lugar na pagtataniman ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa proyekto? magtanim sa mga lata at supot na plastik manguha sa ibang barangay ng mga pananim sirain ang pananim ng iba

Alam Mo Na Ba? A. Isulat ang titik ng salita sa patlang ayon sa sinasabi ng pangungusap. A B C D Pagtatanim Pag-aalaga Pag-aani Pag-iimbak 1. Ilagay sa lilim ang bagong tanim sa loob ng 2 linggo. 2. Anihin lamang ang malulusog na dahon. 3. Ilagay sa plastik ang pinatuyong dahon. 4. Patulisin ang dulo ng sanga at ibaon sa lupa. 5. Gumamit lamang ng natural na pataba. 6. Panatilihing malinis ang paligid ng halaman. 7. Iwasang mapabilad ang dahon sa init ng araw. 8. Iimbak sa garapong may kulay at lagyan ng uling. 9. Patuyuin sa mahangin at malilim na lugar hanggang maging malutong ang dahon. 31

B. Sundin ang sinasabi ng panuto. 1. Ang sanga na itinatanim sa halamang gamot ay dapat na may 3 buko. Kung tama ito gumuhit ka ng bulaklak sa kahon, kung mali naman, gumuhit ng dahon. 2. Sa pag-aani ng halamang gamot, siguraduhing hanggang sa ugat ang makukuha mo upang ito y maging mabisa. Kung sang-ayon ka dito, lagyan mo ng tatlong titik B ang bawat bilog. Kung hindi ka sang-ayon, lagyan mo ng mga ekis (x) ang bawat bilog nito. 32

3. Alin sa mga pahayag na sumusunod ang walang kaugnayan sa paraan ng pag-aalaga ng halamang gamot. Iguhit mo sa katapat na patlang nito ang limang (5) ekis. Ilagay sa lilim ang bagong tanim sa loob ng isang linggo. Diligan araw-araw. Kainin ang mga bunga ng puno. Gumamit lamang ng mga natural na pataba. Huwag gumamit ng pestisidyo. 33