Hinggil sa Karapatan ng mga Katutubo at Kahalagahan ng Pagsalin ng Katutubong Kaalaman at Kultura

Similar documents
POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikalawang Markahan

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikatlong Markahan

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

ARALING PANLIPUNAN 10 MGA KONTEMPORARYONG ISYU

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Ang Kasaysayan at Araling Panlipunan sa K to 12 Curriculum. Lorina Y. Calingasan

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

(Effective Alternative Secondary Education)

ANG DEKLARASYON NG UNITED NATIONS

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. K to 12 Curriculum Guide ARALING PANLIPUNAN.

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

MISYONG PAHAYAG. Isang masagana at inklusibong Canada na nakabatay sa tagumpay ng bawat indibidwal.

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

ANG GOBYERNONG GMA AT ANG MGA SUNDALONG BATA. MAPAIT man sa panlasa lalo na sa mga

FARMERS ASSOCIATION FOR RURAL UPLIFTMENT

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya,

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Atlantic Health System

EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon

Pang-aabusong Sekswal sa Kulungan: Isang Pandaigdigang Krisis sa Karapatang Pantao

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

TABLE OF CONTENTS. By Farah Sevilla. Ni Emmanuel Drewery. Editorial Board NYMIA PIMENTEL-SIMBULAN DR. P.H. SONNY MELENCIO GINA DELA CRUZ

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

(P h ilippin e Ele m e ntary Learn in g Compe te n cie s)

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

The K to 12 Araling Panlipunan Curriculum. Scope and Expected Competencies

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

GRADE VI PAUNLARIN ANG EDUKASYON, KALUSUGAN AT TEKNOLOHIYA

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Positibong Pagtatasa ng Pag-uugali at Pagpaplano sa mga Paaralan: Fact Sheet

Ang aklat na ito ay inilimbag ng WWF-Philippines para sa proyekto ng Coral Triangle Support Partnership sa tulong ng USAID.

PANIMULANG ARALIN TUNGKOL SA SANTUARYONG- DAGAT

Ang Karapatan Ng Mga Bingi Na Lumaking Bilingwal

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

Gender Policy para sa Pampamayana ng Radyo. Ika-8 ng Marso 2008

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Araling Panlipunan DEPED COPY. Kagamitan ng Mag-aaral. Yunit IV. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN MODYUL 22 ANG POPULASYON NG DAIGDIG

GRADE VI GAMIT NG GRID

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Santa Clara Valley Transportation Authority (VTA) Title VI

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

TUNGO SA ISANG MAALIWALAS NA BUKAS: HIKAYATIN NATIN ANG MGA KABATAANG BUMALIK SA PAGSASAKA

ARALING PANLIPUNAN 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN

BUDGET OUTLAY ON 180 DAYS LEARNING COMPETENCIES FOR CLASSROOM INSTRUCTION IN HEKASI GRADES7&8

Saligang Batas ng Migrante International

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM SENIOR HIGH SCHOOL APPLIED TRACK SUBJECT

Ang Bagong Sistema ng mga Karapatang Pantao ng Ontario

1. Ano ang teknolohiyang pantulong (assistive technology) sa espesyal na edukasyon?

PASIG CATHOLIC COLLEGE Grade School Department S.Y ARALING PANLIPUNAN 6 Ikatlong Markahan. Gawain Blg.1

kalagayan at karapatan ng kababaihan: CEDAW primer CEDAW convention on the elimination of all forms of discrimination against women NCRFW UNIFEM CIDA

ARALING PANLIPUNAN I

ANG MISYON ANG AMING MGA KLIYENTE AY MGA TAONG MAY KAPINSALAAN

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

H E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Pamahiin nila noon, Buhay pa ba ngayon? Pagsusuri sa mga Pamahiing Nananatili mula noon Hanggang Ngayon

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Basic Literacy Learning Material. B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N

MUNTAKLAT

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

PATAKARAN AT PAMAMARAAN NG PAMAMAHALA NG DIGNITY HEALTH

Pondong Ipinagkatiwala para sa Inyong Anak (Your Child s Trust Fund) Mga Madalas na Katanungan

GRADE IV MGA BATAS SA PAGPAPAUNLAD NG KULTURA

Pagsasanay sa Filipino

Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon DepEd Complex, Meralco Avenue Lungsod ng Pasig. K to12 Gabay Pangkurikulum ARALING PANLIPUNAN

C. Panitikang Masa Bersus Panitikang Popular Key terms: commodity fetishism, co-optation, reification, surplus value, political economy

PAGSISIWALAT SA PAARALAN AT DAYCARE

BUOD ng Consolidated Plan ng ESSA ng Washington

Tugon sa mga Hinaing at Mithiin ng Bayan Para sa Pagbabago at Pag-unlad ng Mamamayan Nobyembre 5, 2015

Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon DepEd Complex, Meralco Avenue Lungsod ng Pasig. K to12 Gabay Pangkurikulum ARALING PANLIPUNAN

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Mga Pananggalang na Pamamaraan Mga Karapatan ng Magulang

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

Pamagat ng Polisiya: Pangangalagang Kawanggawa at Pinansyal na Tulong

Sustainable (Maaaring Mapangalagaan) na Pangingisda

Koleksiyon ng mga kailangan at

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

Perspektibo ng pakikiuso sa materyal na bagay at sa pag-uugali ng ilang mga kabataan sa Baguio City Macaraeg, Grace Anne Bullecer, Ma.

Ang Pampatakarang Gabay sa Pagkilala ng mga Biktima ng Trafficking

Sa mga magulang na babiyahe dala ang kanilang mga anak patungo sa ibang bansa Sa mga magulang na pabalik ng Japan dala ang kanilang mga anak

ARALING PANLIPUNAN I

Orihinal na Epektibong Petsa: Pahina Enero 2006 Huling Petsa ng. Numero ng Patakaran (Policy Number)

Transcription:

Hinggil sa Karapatan ng mga Katutubo at Kahalagahan ng Pagsalin ng Katutubong Kaalaman at Kultura (Input para sa Luzon-wide Youth Gathering) I. SINO ANG MGA KATUTUBONG MAMAMAYAN? Ang mga katutubong mamamayan ay ang mga grupo ng taong nakapagpanatili ng kanilang katutubong paraan ng pamumuhay na isinalin sa maraming henerasyon. Naganap ito sa kabila ng pananakop ng mga makapangyarihang dayuhang bansa sa loob ng mahigit tatlong dantaon. Sila ay hindi lubos na nasakop ng mga Espanyol at nanatiling malayang namuhay at isinasagawa ang mga nakagawian sa larangang pangekonomya (sa agriultura, pangangalap at pangangaso), larangang pampulitika (mga katutubong institusyong political tulad ng mga dap-ay, ato, bodong, atbp.) Ang kalayaan sa ilalim ng kapangyarihan ng Espanya ay hindi naging madali at hindi rin nito napabilis ang pag-unlad ng mga katutubong pamayanan sa larangang pang-ekonomya. Gamit ang taktika at estratehiyang manghati at maghari, pinalaganap ng pamahalaang kolonyal ang kaisipang mas mababang uri ng mamamayan ang mga katutubo sa mga nasasakupan nito. Sa ilang pagkakataon din ay ginamit ang mga nasakop na mga Pilipino sa mga tangkang paglusob sa teritoryo ng mga katutubo. Dito nagsimula ang sistematikong diskriminasyon sa mga katutubo sa pamamagitan ng pagbale-wala sa kanilang katutubong kaalaman at pagkondena sa mga katutubong paniniwala at relihiyon. (laban sa mga nakapag-aral at sa mga nabinyagan bilang mga Kristiyano) Ang ganitong pagtrato sa mga katutubo ay nagpatuloy at ginawang mas sistematiko ng mga mananakop na Amerikano. Gamit ang mga batas, pormal na edukasyon at pagpapanatili ng relihiyong Kristiyanismo, mas matagumpay ang mga Amerikanong ipaloob at unti-unting tanggalan ng kalayaan ang mga katutubong mamamayan sa ilalim ng kanilang pananakop. Gumamit ng panlilinlang at dahas ang mga Amerikano upang matagumpay na masakop ang mga katutubong tumindig laban sa mga Espanyol. Kahit marami ang nakapag-aral sa panahong ito lalo na sa mga Igorot, inukit na sa pangkabuuang sistemang panlipunan ang pagtingin sa mga katutubo na di malayo sa pagtinging ipinalaganap ng mga Espanyol. Ang pagpapaloob sa mga katutubo sa lipunan ay hindi batay sa paggalang at pagkilala sa karapatan nila kundi sa pagkawala ng likas na mga karapatan at identidad. Ang mga natatanging kultura at kaalaman ay nagiging laman ng pag-aaral ng mga Amerikanong iskolar o ginagamit upang aliwin ang mga mananakop at kanilang lokal na kasapakat.

Ang ganitong pagtrato sa mga katutubong pamayanan ay nananatili hanggang sa kasalukuyang kaayusan ng sistemang panlipunan ng Pilipinas. Ang mga batas at polisiya ng pamahalaan, mga aralin sa paaralan, mga palabas at pahayag sa iba t ibang midya ng pangmadlang komunikasyon ay sumasalamin parin sa paghubad sa mga katutubong mamamayan sa kanilang likas na karapatan na kadalasa y humahantong din sa paglabag sa kanilang mga karapatang ipinagkaloob bilang mga mamamayang Pilipino na bahagi ng bansang Pilipinas. II. Mga Likas na Karapatan ng mga Katutubong Mamamayan Ang mga katutubong mamamayan, sa pagkakapanganak at pagbuo ng mga pamayanan ay may taglay ng karapatan. Ang mga likas na karapatang ito ay taglay o nakamit nila sa maraming henerasyong paninirahan at pamumuhay sa kani-kanilang mga teritoryo. Maraming uri ng karapatan ang maaaring ilista dito ngunit sesentro lang tayo sa dalawa na nagluluwal din ng iba pang partikular na karapatan. A. Karapatan sa Lupang Ninuno Ang lupang ninuno ng mga katutubo ay ang kalupaan, katubigan, hangin at mga likas yaman na matatagpuan sa itinakda nilang teritoryo. (nahahati ang mga katutubong grupo sa kani-kanilang mga teritoryo) Dito tumira at nabuhay ang mga maraming henerasyon ng mga katutubong mamamayan simula sa panahong lagpas na sa ala-ala. Ang lupang ninuno para sa mga katutubo ay buhay. Dito nagmumula ang diwa at pagkakaisa ng mga katutubong pamayanan at ang kanilang mayamang kultura. Ang lupa ay ang pangunahing pinagkukunan ng pang-araw araw na kabuhayan ng mga katutubo para sa mga pamilya at sa buong pamayanan. Upang makamit ang karapatan sa lupa para sa mga katutubo ay nangangailangan ng karampatang pagaaruga sa lupa. Hindi kikilalanin ang pagmamay-ari sa lupa ng isang kasapi, pamilya, angkan o grupo sa isang tribu o pamayanan kung walang puhunang lakas paggawa upang alagaan at pagyamanin ang lupa para sa pagkukunan ng pagkain at iba pang pangangailangan ng kanilang pamilya at buong komunidad. Ang pagmamay-ari ng lupa sa kalakhan ay kolektibo at itinuturing na tungkulin bilang tagapangalaga (steward). Maaari ring magmay-ari ng lupa ang pamilya o angkan at ito y nakadepende sa pangangailangan at kakayanan batay sa lakas-paggawa. Ngunit ang lahat ng ito y naipagkakaloob at kinokontrol ng mga katutubong batas hinggil sa pagmamay-ari ng lupa. B. Karapatan sa Sariling Pagpapasya Ang sariling pagpapasya ng mga katutubong mamamayan ay pangunahin paring nakaugat sa kontrol ng mga katutubo sa lupang ninuno. Ito ay ang karapatang magpasya sa landas na tatahakin at mga pamamaraan sa pagkamit ng kaunlaran ng mga tribu o pamayanan. Malaya nilang pinagpapasyahan kung kakailanganin pa ang panlabas na tulong sa pagkamit ng kaunlaran. Kaakibat ng karapatang ito ang malayang paggamit ng mga katutubong institusyong sosyo-politikal sa pagdedesisyon sa landas ng pag-unlad at iba pang mahahalagang usapin na kinakaharap ng komunidad. Ang ilang halimbawa ng mga ito ay ang mga dap-ay, ato, bodong, konseho ng mga lider, kastifun at iba

pang katutubong istrukturang pulitikal. Ang mga ito ay pinamumunuan o kinakatawan ng mga pangat, panglima, datu, timuay, fulung at iba pang pinunong katutubo. Ang malaya, nauna at napag-alamang pagsang-ayon ay bahagi rin ng sariling pagpapasya ng mga katutubong mamamayan. Ito ay mas kinikilala bilang FPIC at nakasaad sa Indigenous Peoples Rights Act o IPRA. Ang FPIC ay nangangahulugang walang proyekto o polisiya ng pamahalaan o mga pribadong korporasyon na ipapatupad sa mga lupang ninuno ng mga katutubo kung wala ang kanilang pagsangayon na pinagpasyahan ng buong komunidad o tribu gamit ang mga nakagawiang batas (customary laws) at sariling pamamaraan ng pagpapasya. Nangagailangan din ito ng sapat at tamang impormasyon hinggil sa proyekto at walang pananakot o panunuhol sa mga katutubo na maaaring makaapekto sa kanilang tunay na kapasyahan. Kasama rin sa sariling pagpapasya ang malayang paggamit at pagkilala ng gobyerno at iba pang institusyon sa mga katutubong kaalaman at kultura at makakatulong ito pangunahin sa mga katutubo at maaaring sa mas malawak na pamayanan. Ang katutubong kaalaman sa agrikultura, mga tradisyunal na kabuhayan, pangangalaga ng kalusugan at pamamahala sa paggamit ng likas yaman ay nakabatay din sa pagtatanggol sa lupang ninuno at pagsigurong mananatili itong mayaman para sa mga susunod na salinlahi. Dapat kilalanin ang mga ito at hindi maliitin bilang atrasado, at hindi tugma sa modernong sibilisasyon. Ang mga kultura at manipestasyon ng mga ito ay dapat sumasalamin sa tunay na kalagayan at pangangailangan ng mga katutubo na walang kaakibat na salapi o komersyal na halaga. C. Mga Batas at Instrumentong Kumikilala sa mga Likas Karapatan ng mga Katutubong Mamamayan Ang mga karapatan ng mga katutubong mamamayan ay ipinagkaloob ng mga batas at instrumento sa Pilipinas at sa buong daigdig. Sa Saligang Batas ng bansa na inapribahan noong taong 1987, nakasaad ang pagtanggol, pangangalaga, at pagtaguyod ng mga karapatan ng mga katutubong mamamayan sa lupang ninuno. Ito ay nakasaad sa Seksyon 5, Artikulo 7. May particular din na pagkilala sa sariling pagpapasya ng mga katutubong mamamayan ng Kordilyera at ang pagkakabuo bilang isang nagsasariling rehiyon (Autonomous region). Noong 1997 ay isinabatas ang Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) bilang tugon sa nakasaad sa saligang batas. Kinikilala ng IPRA ang mga likas na karapatan ng mga katutubong mamamayan sa lupang ninuno, sariling pagpapasya, paggamit ng katutubong batas sa pamamahala sa lupa at likas yaman at pangangailangan ng FPIC sa mga proyektong makaka-apekto sa kanila. Ang pagkilala sa pagmamay-ari ng lupang ninuno ay pormal na kinikilala sa pamamagitan ng CADT at CALT. Mayroon ring mga instrumentong pandaigdigan na kumikilala sa karapatan ng mga katutubo at iba pang instrumentong mahalaga rin sa kagalingan ng mga katutubo sa buong daigdig. Ang United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples (UNDRIP) ay ang instrumento hinggil sa kabuuan ng mga karapatan ng mga katutubong mamamayan sa buong mundo. Ang Pilipinas ay umayon at pumirma dito noong ito y pinagtibay noong Setyembre 20.

Ang ating bansa ay lumahok at nakiisa rin sa ilang mga kasunduan, tratado at mga instrumentong pandaigdigan na mahalaga rin sa mga katutubo. Ang ilan dito ay ang: - Universal Declaration of Human Rights (UDHR) - International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR) - International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights (ICESCR) - International Convention on the Abolition of All Forms of Racial Discrimination (ICERD) - Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW) - Convention on the Rights of the Child (CRC) - Convention on Biological Diversity (CBD) - United Nations Framework Convention of Climate Change (UNFCCC), at iba pang mga kasunduang kaakibat ng mga nabanggit dito. D. Mga Halimbawa ng Paglabag sa Likas na Karapatan ng mga Katutubong Mamamayan Bagamat may mga batas pambansa ang Pilipinas na kumikilala sa mga likas na karapatan ng mga katutubong mamamayan ay may mga maling probisyon, hindi lubos ang pagkilala sa karapatan at ang pagpapatupad ay hindi pabor sa mga katutubong mamamayan. Ang mismong pormal na pagkilala sa pagmamay-ari ng lupa ay masalimuot, mahaba at magastos na prosesong hindi kaya ng lahat ng mga grupong katutubo. Nariyan ang mahal na sarbey o pagsusukat at pagguhit ng mga hangganan ng teritoryo at mga dagdag na pruweba ng matagalang pagmamay-ari na nangangailangan ng mga teknikal na kakayanan sa pagmamapa at pananaliksik. Ang CADT o titulo para sa kolektibong pagmamay-ari ng isang grupong katutubo ay nakukuha lamang hanggang mahigit isang dekada. Ang tunay na sukat ng lupang ninuno ay maaari pang mabawasan dahil ang IPRA ay kumikilala rin sa mga papel at pruweba ng pagmamay-ari maging ng mga di-katutubo sa loob ng lupang ninuno. Ang lantarang pagbubukas para sa mga mamumuhunan sa mga kumpanya o industriyang kumukuha ng likas na yaman (extractive industry) para sa industriyal na gamit tulad ng pagmimina, enerhiya, at mga plantasyon ay lantaran at matinding lumalabag sa karapatan sa lupang ninuno ng mga katutubong mamamayan. Nawawalan ang mga katutubo ng tradisyunal na kabuhayan at naipagkakait sa kanila ang yamang nakukuha sa lupa tuulad ng mga pananim, prutas, halamag gamut, mga mailap na hayop para sa pagkain, isda sa mga ilog at mineral na nakukuha sa maliitan at simpleng pamamaraan (small scale mining). Marami rin sa mga katutubo ay sapilitang lumikas at ang iba nama y nanganganib na mapalayas sa kanilang lupang ninuno kapag nagpatuloy ang mga malalaking mapanghuthot na proyektong ang iilang lokal at dayuhang negosyante lamang ang nakikinabang. Walang kasiguruhan ang mga katutubong lumipat mula sa kanilang pinagmulan lalo na kapag sa sentrong bayan o kalunsuran sila napunta. Ang laging bukambibig ng mga ahensya ng pamahalaan at mga mamumuhunan ay para sa kaunlaran ang

kanilang mga proyekto ngunit para sa mga katutubo ay ito y mapaminsalang kaunlaran at mga mapanirang proyekto (development aggression). Kasabay ng pagpaplano at pagpapatupad ng mga mapanirang proyekto ay ang lantarang paglabag sa karapatan ng mga katutubong mamamayan sa sariling pagpapasya. Ang prosesong FPIC na ipinapatupad ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ay sa pangkalahatan ay hindi sumusunod sa mga nakagawiang batas ng mga tribu at pamayanan ng mga katutubo at marami rin ang lumalabag sa mismong panuntunan sa pagsasagawa ng FPIC. Nariyan ang lantaran at lansakang pananakot at panunuhol, panloloko o pagsasamantala sa kawalang edukasyon ng mga katutubo, paglikha ng mga huwad na pinuno at iba pang pagbabaluktot ng mga proseso upang mabigyang pabor ang mga kumpanya at mamumuhunan. Madalas ay hindi kinikilala ang mga umiiral pang mga katutubong institusyong sosyo-politikal at mga tunay na lider ng mga katutubo. Ang ilan ring manipestasyon ng paglabag sa karapatan ng mga katutubo ay ang mababang pagtingin sa katutubong kaalaman at mga katutubong pamamaraan sa pangangalaga sa kalikasan, paggagamot, pagsamba at iba pa ng mga ahensya ng gobyerno, mga midya ng pangmadlang komunikasyon, simbahan at mga paaralan. Nariyan rin ang komersiyalisasyon, pagbabastos at mababaw na pagtingin sa kultura at manipestasyon nito tulad ng wika, mga awit, sayaw, kasuotan, likhang-kamay at iba pa. III. Mga Karapatang Panlipunan, Pulitikal at Sibil A. Ang mga karapatang panlipunan, pulitikal at sibil ay ipinagkakaloob din sa mga katutubong mamamayan bilang bahagi ng mas malawak na sambayanang Pilipino. Nakasaad sa saligang batas ang ilang mga karapatang dapat tamasahin ng mga mamamayan kasama na ang mga katutubo. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: 1) karapatang mabuhay nang malaya at masagana; 2) karapatan sa seguridad; 3) kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, pagpapahayag sa midya, at pagtipon ng mga mamamayan upang maglabas ng mga hinaing at magprotesta sa pamahalaan; 4) karapatang magbuo ng mga samahan tuad ng mga unyon at iba pang organisasyong pang-mamamayan at iba pang mga karapatang kumikilala sa dignidad at kalayaan ng pagkilos ng mga mamamayan. B. Ang paglaan o pagkakaloob ng karampatang batayang serbisyong panlipunan sa mga katutubo ay karapatan nila bilang mga mamamayang Pilipino. Ang mga serbisyong edukasyon, pangkalusugan, imprastruktura, sistemang patubig, suporta sa agrikultura at iba pa ay tungkulin ng pamahalaang ipagkaloob ng libre o kaya y abot kaya at batay sa kakayanang magbigay ng kapalit ang mga mamamayan. Mula noong nakaraan hanggang sa kasalukuyan ay nagkukulang ang pamahalaan sa kaniyang tungkuling ipagkaloob ang mga iti lalo na sa mga katutubong pamayanan. Kaakibat din ng pagkakaloob nito ay ang pagkilala at pagsuporta sa mga tradisyunal na pmaaraan sa agrikultura at paggagamot. Dapat ay kabilang din ang mga kasaysayan, wika, kultura at mga katutubong kaalaman ng mga katutubo sa mga kurikulum o mga dapat pag-aralan ng mga kabataan sa paaralan dahil ang kasalukuyang sistema ng edukasyon ay hindi tumutugon sa tunay na mga usapin ng mga katutubong mamamayan at hindi rin napupunta sa kanila ang anumang napag-aralan ng mga kabataan. Marami ring kaso na ang nagpupuno sa ganitong mga pagkukulang ay mga non-government

organization (NGO) at mas masama pa, ang mga kumpanya ng minahan, dam at plantasyon na nagsasagawa ng kanilang mga aktibidad sa mga katutubong pamayanan. C. Mga Paglabag sa Karapatang Pantao ng mga Katutubong Mamamayan Ang mga naunan nabanggit na paglabag ay maaari na ring maituring biklang paglabag sa karapatang pantao ng mga katutubong mamamayan. Ngunit may mga mas matinding manipestasyon ng paglabag sa karapatang pantao tulad ng pamamaslang, pagsampa ng gawa-gawang kaso, pagbabansag bilang komunista o terorista. Kadalasan itong ginagawa sa mga pinuno at mga aktibong kasapi ng mga organisasyong tumututol sa mga proyektong lumalabag sa karapatan ng mga katutubo sa lupang ninuno at sariling pagpapasya. IV. Ang mga Katutubong Kaalaman, Pagpapahalaga (values) at Kultura at ang Kahalagahan ng Pagsalin ng mga ito sa mga Kabataan Ang katutubong kultura ay ang paraan ng pamumuhay na napanatili sa kabila ng kolonisasyon at pagpasok ng impluwensya ng modern at dominanteng kultura sa mga katutubong pamayanan. Napakahalagang pangalagaan ang katutubong kultura at pagpapahalaga lalo na ang pananaw sa lupa bilang kolektibong pamana ng mga katutubo sa maraming henerasyon. Ang pagpapahalaga sa lupa ay bumuhay at nagpausbong ng mga makulay na manipestasyon ng buhay ng mga katutubo na maisasalarawan sa mga awitin, sayaw, yaring-kamay at iba pa.manganganib ang pinakaiingatang kultura at pagpapahalaga ng mga katutubo kapag nawalasa kanila ang kanilang lupang ninuno na buhay ang ibig sabihi para sa mga katutubo. Kabilang na dito ang tungkuling ipagtanggol ang lupa laban sa mga mapanirang proyekto. Ang mga katutubong kaalaman ay nilinang ng mahabang karanasan ng mga katutubo sa paghanap at pag-isip ng paraan upang manatiling sagana at may seguridad sa pagkain at kalusugan ang mga pamilya at pamayanan. Ang mga ito y nagsilbing syensya para sa patuloy na pag-iral at pag-unlad ng mga katutubong pamayanan. Ang mga katutubong kaalaman at praktika lalo na sa pagsasaka at sa pamamahala sa mga likas na yaman na matatagpuan sa lupang ninuno ay mahalagang pagyamanin pa lalo na ng mga kabataan sa kasalukuyan. Ang Philippine Task Force for Indigenous Peoples Rights (TFIP) ay nagkaroon ng mga pagsusumikap na isadokumento sa mga sulatin at sa bidyo ang mga katutubong kaalaman tulad ng lampisa sa Sagada, Holok sa Hingyon Ifugao, pag-iimbak ng mga binhi ng mga kababaihang Blaan sa Saranggani, muyong ng Ifugao, Gamal ng mga Ibaloi sa Benguet, sistemang gobyerno at katarungan ng mga Teduray at iba pang katutubong kaalaman at pagpapahalaga. Makakabuti ring maipamana sa mga kabataan ang mga pagpapahalaga sa kolektibong paggawa o katutubong bayanihan na ginamit ng mga ninuno upang pagtulungan ang mga gawain sa paglikha ng pagkain at mga istrukturang kinakailangan ng mga komunidad. Napakahalaga rin nito at ng mga nararapat na kaalaman upang harapin ang mga epekto ng pagbabago ng klima at kaakibat nitong mga matitinding sama ng panahon gaya ng malalakas na bagyo, buhos ng ulan at iba pang natural na kalamidad.

Mabuting maisalin lahat ng katutubong kaalaman, pagpapahalaga at mga positibong aspeto ng kultura at magsumikap na baguhin ang mga negatibong kultura na may kaakibat na malaking halagang material, pera, seguidad o buhay tulad ng digmang tribu, paggigiit ng dowry sa mga nais magpakasal at iba pa. Ngunit ang lahat ng ito, laluna ang pagbabago o pagpapanatili ng mga aspeto ng kultura ay nasa kapasyahan ng mga katutubong grupo sa bansa. Tungkulin rin ng mga kabataang katutubo ang pag-aralan, huwag ikahiya o maliitin (sa kabila ng makabagong edukasyon na ibinibigay sa mga paaralan) at pagsumikapang gamitin ang mga katutubong kaalaman, pagpapahalaga at mga positibong aspeto ng kultura para sa ikauunlad ng buong pamayanan at hindi para sa sariling interes lamang. Napakahalaga ang pagkakaisa at pagpapalakas ng mga samahan at kasama sa programa ang pagsasabuhay at pagpapaunlad ng katutubong kaalaman at kultura.#