H E K A S I EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGAN SA KASALUKUYAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Similar documents
H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I ANG EDUKASYON SA PANAHON NG ESPAÑOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

GRADE V Mga Programa ng mga Pangulo matapos ang People Power 1

GRADE VI GAMIT NG GRID

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

H E K A S I PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

H E K A S I PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG HAPONES SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Oops... Ingat sa Lansangan

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

GRADE VI PAUNLARIN ANG EDUKASYON, KALUSUGAN AT TEKNOLOHIYA

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

H E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I MGA BATAS SA PAGPAPAUNLAD NG ATING KULTURA SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

a - r 4. Sino ang namuno sa isang corregimiento? r g o 5. Ano ang tawag sa tanggapan ng namuno ng isang pueblo? b n r i

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

GRADE IV MGA BATAS SA PAGPAPAUNLAD NG KULTURA

Mahal na Punong Guro, Guro o Kasama sa Trabaho

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Chapter 6 Tagalog Verbs

Pagsasanay sa Filipino

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

GRADE VI SAMAHANG PANREHIYON AT PANDAIGDIG NA KASAPI NG PILIPINAS

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

H E K A S I TAPAT NA PAGLILINGKOD: NAGBUBUKLOD SA MGA PILIPINO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Ako at ang Ating Watawat

H E K A S I KAHALAGAHAN NG BATAS SA PAG-UUGNAY NG MGA UNANG PILIPINO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Ang Makisig at Hangal na Hari

I.~ lc "AN<17PAG-AASAWA AT ANG

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Isang Patnubay para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Junior High ng Edmonton Catholic Schools

Kard sa Pag-ulat ng Pananagutan ng Paaralan Iniulat para sa Pasukang

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikatlong Markahan

E P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

Bayshore Elementary School District Local Control Accountability Plan Year 1 Summary

Anchorage School District MAHALAGANG MGA KARAPATAN PARA SA MGA MAGULANG NA MAY KINALAMAN SA MGA SURVEY SA ESTUDYANTE

Pag-alalay sa Pag-aaral ng inyong Anak sa pamamagitan ng Pagtatasa, Pagsusuri at Pag-uulat

Pantay na Pagk ak ataon sa mga Ex tr acur r icular na Gawain par a sa mga Estudyanteng may K apansanan Mayo 2014, Paglalathala #CM45.

Ang Karapatan Ng Mga Bingi Na Lumaking Bilingwal

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Doctrinal Mastery Material para sa Titser ng Aklat ni Mormon

(Effective Alternative Secondary Education)

(Effective Alternative Secondary Education)

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

ULIRANG GURO SA FILIPINO 2017 NG KOMISYON SA WIKANG FILIPI

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikalawang Markahan

MODYUL SA PAGKATUTO. Pangkalahatang Ideya

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

Islam at pambansang identidadsa Malaysia,Indonesiaat Pilipinas. Elsa Clavé Goethe universität Frankfurt BAKAS seminar 6 Abril2017

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE

GRADE VI KONTRIBUSYON NG MGA PILIPINO SA MGA SAMAHANG PANREHIYON AT PANDAIGDIG

Sensus ng Magulang 2017 Ang Iyong Boses ay Mahalaga!

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ARALING PANLIPUNAN I

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Plano tungkol sa mga bata at tulong para sa pag-aalaga ng mga bata sa Yokohama (Pansamantalang Pangalan) Plano [Pansamantala]

Pagsasanay ng mga guro sa programa ng K to 12 Baitang 8

Sensus ng Magulang 2017 Ang Iyong Boses ay Mahalaga!

GABAY NG PROGRAMA NG ENGLISH

Pag-unawa sa Pamamaraan ng Pagtasa, Karapatan, at Pang-isahang Programa sa Edukasyon ng Maryland

LITRATO IPNAGKALOOB NG CHURCH MEDIA LIBRARY

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

From left, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Alden Richards and Betong Sumaya.

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II Yunit II Modyul Blg. 1

2018 Aplikasyon para sa Neighbourhood Small Grants

Technology Responsible Use Guidelines (Mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Modyul 5 Pagsulat ng Talambuhay

ARALING PANLIPUNAN 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Starting and Growing My Business. (Pagsisimula at Pagpapalago ng Aking Negosyo) SELF-RELIANCE

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Transcription:

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) H E K A S I Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGAN SA KASALUKUYAN 5 Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE). Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines. This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

GRADE V EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGANG SA KASALUKUYAN ALAMIN MO Garden of Harmony BEC Mga Programa sa Edukasyon Agham Matimatika Tekholohiya Nagkaroon na ng iba t-ibang pangulo pagkatapos ng EDSA Revolution at bawat isa ay may kani-kaniyang patakaran at programa tungo sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon. Anu-ano kaya ang mga ito? Napaunlad ba nito ang sistema ng edukasyon sa bansa? Sa mdoyul na ito. Pag-aaralan natin ang mga pagbabagong naganap sa edukasyon sa panahon ng pagtatapos ng rebolusyon hanggang sa kasalukuyan. Handa ka na ba? 1

PAGBALIK-ARALAN MO Marami ka ng natutuhan tungkol sa mga pagbabago sa edukasyon ng mga Pilipino sa iba t-ibang panahon. Subukin mong gawin ang palaisipan sa ibaba. Isulat mo ang mga titik sa bawat kahon upang mabuo ang mga salita na may kaugnayan sa edukasyon. Gawin mo ito sa iyong kuwadernong sagutan. 6. 1. 3. 5. 2. 4. 7. 8. Pahalang 1. mga gurong Amerikano 4. tinuturuan ang mga anak na babae ng paglilinis ng bahay 7. alpabeto ng mga unang Pilipino 8. edukasyong binigyang-diin sa Bagong Republika Pababa 2. ginawang opisyal na wika sa komunikasyon 3. mga gurong Espanyol 5. wikang panturo sa panahon ng Amerikano 6. mga gawaing tulad ng technician, elektrisyan 2

PAG-ARALAN MO Basahin at unawain mo ang talata sa ibaba. Pagkatapos ng EDSA Revolution, nanungkulan na bilang Pangulo ng Bansa sina Gng. Corazon Aquino, G. Fidel Ramos, G. Joseph Estrada at Gng. Gloria Macapagal Arroyo. Sa klase ni Gng Eleanor Forbes, nag-uulat ang unang pangkat tungkol sa mga naisagawang programa o proyekto sa edukasyon ng mga naging pangulo ng bansa. Ako si Corazon C. Aquino, ang kaunaunahang babaeng naging pangulo ng bansa. Naluklok ako sa tungkulin mula 1986 hanggang 1992. Sa aking panunungkulan naisagawa ko ang mga sumusunod: Pagpapatupad ng Republic Act No. 6655, ang Free Public Secondary Act of 1986 upang magbigay ng libreng edukasyon para sa elementarya at mataas na paaralan. Pagtaas ng sweldo ng mga guro ng 20% para sa taong 1986, 20% sa 1987, at 10% sa 1988. Pagpapababa ng gulang sa pagpasok ng mga bata sa unang baitang mula pitong taong gulang ay naging anim na taong gulang na sinimulan noong panuruang taon 1988-1989. Pagpapatupad ng bagong kurikulum sa haiskul na tinawag na Secondary Education Development Program (SEDP) upang maitaas ang antas ng pagtuturo sa sekondarya. Sinimulan ito noong taong panuruang 1989-1990. Pagpapalimbag ng maraming aklat para sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan na umabot ng 26 milyon ang kopya. 3

Pagtataguyod sa Literacy Program na sinimulan sa taong panuruan 1987-1988. Layunin nito na maturuan ang mga mag-aaral na nasa pook na dumaranas ng matinding kahirapan. Narito naman ang ulat ni Fidel V. Ramos na naging pangulo ng Pilipinas mula 1992-1998. Itinalaga ako bilang panlabindalawang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 30,1992. Narito ang mga naisagawa namin. Nagpatayo ng marami pang paaralan upang matugunan ang dumaraming mag-aaral. Dinagdagan ang bilang ng araw sa pagtuturo mula 200 araw ay naging 220 araw sa pagtuturo upang maiangat ang kalidad ng pag-aaral. Pinalitan ang NCEE noong 1993-1994 ng National Secondary Assessment Test (NSAT) upang masuri ang libel ng kakayahan ng mga nasa ikaapat na taon ng haiskul. Ang mga nasa elementarya naman ay binigyan ng National Elementary Achievement Test (NEAT). Inilunsad din ang mga programang WOW (Wow on Waste), Garden of Peace and Harmony, SIGA (School Within a Garden) at iba pa. Binigyan-diin ang pagtuturo ng agham, teknolohiya at matematika. May pagkakaiba ba o pagkakatulad ang mga naging plataporma sa edukasyon nina Corazon Aquino at Fidel V. Ramos? Pagkatapos ng panungkulan ni Pangulong Fidel Ramos, nahalal na pangulo ng bansa si pangulong Joseph Ejercito Estrada. Itinalaga siya sa tungkulin noong Hunyo 30, 1998. 4

Narito ang kanyang ulat. Ako si Joseph E. Estrada na tinawag na sentenyal na pangulo sapagkat naluklok ako nang ipinagdiwang ng ating bansa ang sentenaryo na ating kalayaan noong Hunyo, 1998. Narito ang aming naipatupad: Pagtaas ng badyet sa edukasyon na 20% ng pambansang badyet. Pagpapaaral nang libre sa dalawang milyong mag-aaral sa preschool. Pagbibigay ng 100,000 kompyuter sa mga pampublikong paaralan. Pagsasagawa ng feeding program para sa mga batang may mababang timbang mula sa kindergarten hanggang sa antas ng elementarya. Paglikha ng isang kapaligirang namayani ang kagandahan at kagalingan ng ating sining at kultura. Ang dapat na anim na taong panunungkulan ni Pangulong Joseph E. Estrada ay di natapos sapagkat nagkaroon ng People Power 2. Ang sumunod na pangulo ay si Gng. Gloria Macapagal Arroyo na nanumpa noong Enero 20,2001. matapos mapatalsik si Pangulong Joseph Estrada. Nang magkaroon ng halalan, naluklok muli sa puwesto si Pangulong Gloria M. Arroyo noong Hunyo, 2004. Narito ang kanyang ulat. Sa panahon ng aking panunungkulan naisagawa ang mga sumusunod: 5

Naipatupad ang R.A. 9155 na ang Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports (DECS) ay pinalitan ng Kagawaran ng Edukasyon lamang o DepEd. Itinaguyod ang Basic Education Curriculum (BEC) 2002 upang higit na mapabuti ang kalidad ng edukasyon. Binigyang-diin ang pag-aaral ng agham, teknolohiya, matematika at wikang Ingles. Pagbibigay ng pambansang pagsusulit sa elementarya at haiskul (National Achievement Test-NAT) upang masuri ang kakayahan ng mga batang mag-aaral. Paglulunsad ng Strong Republic School (SRS) noong taong 2004. May pagkakaiba ba o pagkakatulad ang mga isinagawang programang pang-edukasyon nina Pangulong Joseph Estrada at Pangulong Gloria Macapagal Arroyo? Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang pag-iisip ng mabubuting paraan upang matuto nang lubos ang mga mag-aaral. Pinagsisikapan na maibigay ang mga pangangailangan sa mga paaralan upang maitaas ang kalidad ng edukasyon. PAGSANAYAN MO A. Isulat mo sa retrieval chart ang ilan sa mga programa sa edukasyon ng mga pangulo ng bansa. Pangulong Corazon Aquino Pangulong Fidel Ramos Pangulong Joseph Estrada Pangulong Gloria Arroyo 6

B. Sa palagay mo, mahalaga ba ang mga pabagu-bagong patakaran ng mga naging pangulo ng bansa? Bakit? TANDAAN MO May iba t-ibang patakaran o programa sa edukasyon ang mga naging pangulo ng bansa na kanilang ipinatupad sa panahon ng kanilang panunungkulan. ISAPUSO MO Alam mo ba ang awiting ito? Kung alam mong awitin. Kundi naman ipaawit mo sa iyong kasambahay. Ang awiting ito ang naging bahagi sa pagkakamit ng kalayaan ng mga Pilipino sa mapayapang paraan. Isapuso mo ang mensahe ng awit. Handog ng Pilipino sa Mundo Hindi na ko papayag, na mawala pang muli Hindi na ko papayag na muling mabawi Ating kalayaan kaytagal na nating mithi Di na papayagang mabawi muli Magkakapit bisig, libu-libong tao, kay sarap palang maging Pilipino Sama-sama iisa ang adhikain, kailanma y di na papaalipin. 7

Chorus: Handog ng Pilipino sa mundo Mapayapang paraang pagbabago Katotohanan, kalayaan, katarungan ay kayang makamit ng walang dahas Basta t magkaisa tayong lahat Masdan ang nagaganap sa ating bayan Magkasama na ang mahirap at mayaman Kapitbisig, madre, pari at sundalo. naging langit itong bahagi ng mundo. Huwag muling payagang umiral ang dilim, Tinig ng bawat tao y bigyan ng pansin Magkakapatid lahat sa panginoon, ito ay laging nating tatandaan Repeat Chorus 3X GAWIN MO Gawin ang mga sumusunod sa iyong kuwadernong sagutan. Ilagay mo sa timeline ang sakop ng panunungkulan nina: A. Pangulong Corazon Aquino - 1986-1992 B. Pangulong Fidel Ramos - 1992-1998 C. Pangulong Joseph Estrada - 1998-2001 D. Pangulong Gloria Arroyo - 2001-2004 - 2004-2010 1985 1995 2005 2015 1. Ilang taon ang panunungkulan ng bawat pangulo ng bansa? 2. Ilang taon nanungkulan si Pangulong Estrada? Ano ang nangyari sa kanyang pamamahala sa bansa? 8

PAGTATAYA Panuto: Isulat ang pangalan ng mga pangulong nagpatupad ng sumusunod na mga proyekto sa edukasyon. Gawin ito sa iyong kuwadernong sagutan. 1. Ang mga batang may anim na taong gulang ay maaari nang makapasok sa unang baitang. 2. Ipinatupad ang SEDP o ang bagong kurikulum sa haiskul. 3. Pinalitan ang NCEE ng NSAT. 4. Itinaguyod ang Basic Education Curriculum 2002. 5. Nagsagawa ng Feeding Program para sa mga batang may mababang timbang. 6. Nagpatupad ng Free Public Secondary School. 7. Itinaguyod ang Literacy Program. 8. Inilunsad ang programang WOW at SIGA. 9. Pagbibigay ng 100,000 computer sa mga pampublikong paaralan. 10. Paglulunsad ng Strong Republic Schools noong taong 2004. PAGPAPAYAMANG-GAWAIN Magsaliksik sa talambuhay ng mga naging pangulo ng bansa. Gumawa ka ng album tungkol dito. Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. 9