Kaya Ko, Kaya Mo. pagpapanatili ng. Buhay na Lupa. Paggawa ng Compost at Iba Pang Organikong Pamamaraan na Subok ng Magsasaka

Similar documents
Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

E P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

GRADE VI GAMIT NG GRID

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Ang aklat na ito ay inilimbag ng WWF-Philippines para sa proyekto ng Coral Triangle Support Partnership sa tulong ng USAID.

Chapter 6 Tagalog Verbs

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Iyong patnubay sa kalayaang pampananalapi

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

PANIMULA. Ang maging isang babae o lalaki ay isang mahalagang kaganapan para sa tao sa mundo.

ANG PAG-SETUP NG ISANG SISTEMA NG PAGBABAYAD NG SUWELDO

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

International Correspondence Institute PHILIPPINE NATIONAL OFFICE P.O. Box 1084, Manila. Unang Aralin hanggang 3

PalayCheck. Key Check 5. Sapat na sustansya sa panahon ng pagsusuwi hanggang paglilihi at pamumulaklak.

Ang Makisig at Hangal na Hari

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

Pagsasanay sa Filipino

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

From left, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Alden Richards and Betong Sumaya.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

AWIT 16:2-3 SINO ANG NAKIKINABANG SA MABUBUTI NATING GAWA? NI REV RODNEY KLEYN

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Ang Karapatan Ng Mga Bingi Na Lumaking Bilingwal

Sino ba talaga si Jesus? Ano ang tunay na Cristiano?

Sustainable (Maaaring Mapangalagaan) na Pangingisda

KABAYARAN SA PAGTAPON NG BASURA PAG-PUPULONG NG RESIDENTE BAYAN NG HIGASHIURA

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon

Mga Account ng mga Pasyente/Daanan ng Pasyente MANUAL NG MGA PATAKARAN

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Integrated Pest Management

FARMERS ASSOCIATION FOR RURAL UPLIFTMENT

Fear God October 24, 2010 By Derick Parfan Scripture: Luke 12:4-7

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

ayon kay Marcos (Gospel of Mark)

TAGALOG. PATNUBAY SA PAG AARAl NG. «an

storybookscanada.ca children s stories in Canada s many languages. Storybooks Canada in an effort to provide

Ang Bautismo: Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at Bagong Buhay (Unang Bahagi)

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Isang Guide para sa Naturalisasyon

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

Gabay para sa mga Lider

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Education for Better Work. (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho) SELF-RELIANCE

God s Electing Love (Mal. 1:1-5)

Kapag Ang Mga Bata Ay Nagsasalita Ng Higit Sa Isang Wika

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

GRADE VI LIKAS NA YAMAN AY GAMITIN: BATAS AY DAPAT SUNDIN

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Transcription:

Kaya Ko, Kaya Mo pagpapanatili ng Buhay na Lupa Paggawa ng Compost at Iba Pang Organikong Pamamaraan na Subok ng Magsasaka Federation of Free Farmers Hulyo 2013

Mga Patnugot Raul Q. Montemayor Anthony L. Pavia Katuwang sa Dibuho at Paglatag Joel V. Villaruel Karapatang Magpalathala 2013 Federation of Free Farmers Quezon City, Metro Manila Philippines Inaangkin ang lahat ng karapatan. Gayunpaman ipinahihintulot ang paglalathala, pagkopya at pagbabahagi ng aklat na ito o anumang bahagi nito, pati na ang pagsisipi para sa mga pagtatasa at pagkilatis kahit walang hayagang pahintulot ng tagapaglathala. ISBN xxx-xxx-xxxxx-x-x Nilimbag sa Pilipinas Hulyo 2013 Art Angel Printshop Quests, Inc. Lunsod Quezon, Metro Manila Pilipinas

Paunang Salita Maalab na pagbati sa lahat ng Free Farmer at pati na sa lahat ng magsasakang tumatangkilik ng organikong pagsasaka. Nilalaman ng bagong edisyon ng aklat-gabay na ito ang mga karanasan ng mga kasapi ng FFF sa paggamit ng mga teknolohiyang natutunan sa mga aral-pagsasanay na ating isinagawa, gayundin sa kanilang mga napag-aralan mula sa mga iba t ibang sangay ng pamahalaan at iba pang mga samahan. Layunin nito na maibahagi ang mga praktikal at kapaki-pakinabang na kaalamang ito sa mas maraming magsasaka at pati na sa sambayanan. Tungo dito, minabuti naming samahan ito ng kaakibat na video upang higit na madaling maintindihan at matutunan ang iba t ibang pamamaraan sa organikong pagsasaka at sa pagpapaunlad ng mga gawaing bukid Bukod sa mataas na at papataas pang presyo ng mga abonong kemikal, ang pinsalang dulot nito sa kalusugan ng tao at sa kalikasan ang naging udyok upang maghanap ng mga alternatibong nagbibigay-buhay. Ang paggawa ng compost at mga organikong pampataba ng halaman at mga ligtas na pamuksa ng peste ng mga magsasaka sa mismong bukid nila ay napatunayang higit na mura at malusog na pamamaraan. Maging masiglang FreeFarmer ang bawat kasapi ng FFF, mga malayang magsasaka na gamit ang mga pinahusay na pamamaraan sa pagbubukid ito ang nananatiling payak na pangarap at matibay na adhikain ng ating samahan upang mapataas ang kita ng mga magsasaka, matiyak ang pagkain ng kanilang pamilya, at makatulong sa pangangalaga ng kalikasan. Leonardo Q. Montemayor Pangulo Pagpapanatili ng Buhay na Lupa v

Nilalaman Pagkilala........................................ iii Paunang Salita................................... v Pambungad...................................... 1 Ang lupang punong-puno ng buhay Module 1 Buhay na Lupa................................. 5 Paggawa ng compost at pag-ipon ng katulong na mumunting organismo Module 2 Compost: Pangkaraniwang paggawa............... 15 Module 3 Inuling na Ipa ng Palay......................... 22 Module 3a Rice Hull Carbonizer........................... 25 Module 4 Mabilisang Composting......................... 27 Module 5 Mga Microorganism: Iba t ibang uri at mahalagang papel ng mga ito.................. 30 vi Federation of Free Farmers

Module 6 Lactobacilli.................................. 34 Module 7 Mumunting Organismo: Mula sa Kawayan at sa Gubat.................... 38 Module 8 BIM: Beneficial Indigenous Microorganisms......... 41 Iba t ibang pamamaraan ng pagbuburo Module 9 Fish Amino Acid Extract......................... 45 Module 10 Fermented Fruit Extract......................... 49 Module 11 Fermented Plant Extract......................... 52 Module 12 Fermented Seaweed Extract...................... 54 Module 13 Calcium Phosphate............................ 58 Pagbibigay ng angkop na sustansya sa bawat yugto ng pagtubo Module 14 OFF-V: Organic Foliar Fertilizer Vegetative Stage............................. 63 Pagpapanatili ng Buhay na Lupa vii

Module 15 OFF-R: Organic Foliar Fertilizer Reproductive Stage........................... 66 Ligtas na pestisidyo at pamuksa ng peste Module 16 Neem Plus: Katas ng Dahon at Bunga ng Neem...... 71 Module 17 Fermented KBL: Katas ng Bawang at Luya........... 74 Module 18 Pamatay Uod................................. 76 Module 19 Pamatay Uod at Insekto........................ 79 Mga Appendix Appendix A Mga Pinaghalawan............................ 83 Appendix B Federation of Free Farmers: Maikling Kasaysayan at mga Kasalukuyang Programa................... 84 viii Federation of Free Farmers

Pambungad Ang FreeFarm Technoguides ng FFF ay isang serye ng mga aklat-gabay na naglalahad ng mga teknolohiya at pamamaraang pambukid na nasubukan at napatunayang mahusay ng mga magsasakang-teknisyan at mga kamagsasaka ng FFF sa kani-kanilang mga bukid. Sinusunod sa serye ang proseso ng paglipat ng teknolohiya ayon sa pamamaraan ng FreeFarming o malayang pagsasaka. Ang mga sumusunod ang mga hakbang sa prosesong ito: a) pag-aaral sa mga batayang prinsipyo na siyang tumutuhog sa mga teknolohiyang pambukid tulad ng organikong pag-aalaga ng palay, pagtatanim ng tissue-cultured na saging, at iba pa; b) paglalarawan ng mga hakbang batay sa mismong paggamit ng teknolohiya sa bukid; k) paglalahad ng mga problema sa pagsasagawa, ang mga sanhi nito, at mga napagtibay na solusyon dito; d) pag-uulat sa mga kinalabasan at mga napansin batay sa mismong paggamit sa bukid. Sa pagtuturo ng mga prinsipyo at proseso kasabay ang pagsubok at pagkilatis sa mismong paggamit sa bukid, tiyak na mauunawaan ng magsasaka kung paano at bakit mabisa o di mabisa ang isang teknolohiya. Ang ganitong kaalaman naman ang magiging batayan niya sa paggamit o di paggamit nito. Hindi bago ang mga teknolohiyang tinuturo sa FreeFarm Technoguides. Halaw ang mga ito sa iba't ibang pag-aaral at pagsubok. Hindi rin kumpleto ang mga ito. Ang isinama dito ay iyon lamang mga teknolohiya na subok na ng mga FreeFarmer at patuloy nilang pinahuhusay pa. Maaaring hindi pumasa ang mga ito sa pagtasa ng mga dalubhasa sa agham, subalit tiyak na lahat ito'y subok sa bukid at subok ng magsasaka. Nakatuon ang FreeFarm Technoguides sa ilang piling grupo: a) mga kasapi ng FFF at iba pang nagsasagawa ng malayang pagsasaka, Pagpapanatili ng Buhay na Lupa 1

b) mga manggagawang bukid, k) mga samahang isinusulong ang agrikultura, d) mga mag-aaral, at e) mga mahilig magsaka at naniniwalang malaki ang maiaambag ng mga magbubukid sa pagpapaunlad ng agrikultura. Ang aklat-gabay na ito ay batay sa unang aklat-gabay sa serye na inilimbag noong 2010. Tungkol pa rin ito sa dalawang paksa na lubos na ikinalugod ng mga kasapi ng FFF na lumahok sa mga pagsasanay mula 2007 hanggang sa kasalukuyan: ang pagko-compost at ang paggawa ng mga organikong pataba at pamuksa sa peste. Nakalarawan dito ang kanilang mga naging matagumpay na pamamaraan ng paggawa ng mga ito sa mismo nilang mga bukirin. Ang pangunahing pagkakaiba ng paglalathalang ito ay may kasama itong DVD na naglalaman ng mga video ng bawat module na tinatantiyang higit na magpapadali sa pagpapaliwanag at pagsasalin ng tampok na teknolohiya. Mga Hudyat Bilang tulong sa magbabasa, narito ang mga hudyat para sa mga tampok na bahagi: Mga Gamit at Sangkap Paano Gumawa? Paano Gamitin? Ang Galing! Makilahok Inaanyayahan ang lahat ng mambabasa at gumagamit ng aklat-gabay na ito na ipadala ang kanilang mga puna at mungkahi sa: / Federation of Free Farmers 41 Highland Drive Blue Ridge 1109, Quezon City Philippines % Telepono: (632) 647-1451 o (632) 647-1093 + Email: technoguides@freefarm.org * Website: www.freefarm.org 2 Federation of Free Farmers

Ang lupang punong-puno ng buhay Hitik sa samu t saring buhay ang lupang ating sinasaka at pinagkukunan ng ikabubuhay. Kailangan nating pangalagaan at pagyamanin ang lupa dahil sa buhay na lupa nakasalalay ang buhay ng sangkatauhan. Tungo dito dapat natin pag-aralan ang iba t ibang paraan kung paano isasauli ang sustansyang kinukuha ng ating pananim sa lupa upang hindi ito masaid.

1 Buhay na Lupa Ang lupa ay maituturing na isang kalawakan na may sariling daigdig. Ito ay binubuo hindi lamang ng buhangin, banlik at putik. Mayroon din ditong tubig kung saan nakalusaw ang mga sustansya na kailangan ng mga halaman. Mayroon din ditong hangin sa mga puwang na namamagitan sa mga butil at istraktura na bumubuo ng lupa. Dito sa mga puwang na ito sumusuot at gumigitgit ang mga ugat ng mga halaman. Ngunit, higit sa lahat, ang lupa ay punong-puno ng mga buhay. Mayroon ditong mga maliliit na mga hayop at kulisap. At mayroon din ditong mga organismo na hindi kayang makita ng ating mga mata lamang. Ito ang tinatawag nating buhay na lupa. Ang lupa ay punong-puno ng buhay. Tulad ng mundo natin, mayroon din ditong mga komunidad. Mayroong mga organismo na simple ang pamumuhay. Mayroon ding komplikado at mahirap unawain. Mayroong Pagpapanatili ng Buhay na Lupa 5

10 Federation of Free Farmers

Paggawa ng compost at pag-ipon ng katulong na mumunting organismo Sa mga sumusunod na module, pag-aaralan ang composting, isang mabisang pamamaraan upang mapabilis ang pagbulok ng organic matter at gawin itong humus. Tatalakayin din ang pag-akit at pag-ipon ng mga fungi, bacteria at algae na siyang tumutulong sa pagbulok at paggawa ng humus.

2 Compost Pangkaraniwang paggawa Ang malusog na lupa ay nagbibigay ng malusog na pananim na may kakayahang labanan ang mga peste at sakit. Magiging malusog at balanse lamang ang lupa kapag ito ay mayaman sa humus na siyang pinakaimbakan ng mga kailangang sustansya ng halaman. Sa Module 1, ating napag-alaman na ang humus ang huling produkto ng proseso ng pagkabulok. Bahagi ito ng isang proseso kung saan umiikot ang mga sustansiya mula sa lupa papunta sa mga halaman at muling pagbalik nito sa lupa sa tulong ng mga microorganism. Ang composting ay isang paraan para mapayaman ang lupa ng humus. Composting ang pinaka-popular na paraan para mabulok kaagad ang mga pinagtabasan pagkatapos ng ani at maibalik muli sa lupa ang mga sustansya. Mga fungi o onggo ang mga pangunahing microorganism na katulong natin upang mapabilis ang pagka-bulok ng mga salansan ng organikong sangkap. Ngunit habang tumatagal ang proseso ng pagkabulok, ang temperatura ay tumataas at iba t ibang organismo ang umaatake sa ating mga pinabubulok. Sa pagtaas ng temperatura, namamatay ang mga organismo na may dalang sakit. Mahalaga na mapanatili ang pagiging mamasa-masa ng compost pile para mapanatiling buhay ang mga microorganism. Ang compost ay mahalagang pamamaraan upang maisaayos ang pisikal na katangian ng lupa. Sa pamamagitan ng mga organikong sangkap na nagmumula sa compost natutugunan ang mga kakulangan ng lupa na labis na mabuhangin. Tinutulungan ng compost na mapanatili ang tubig at iba pang sustansiya sa lupa upang mapakinabangan ng mga pananim nang mas matagal. Pagpapanatili ng Buhay na Lupa 15

3 Inuling na Ipa ng Palay Sa ating module tungkol sa paggawa ng compost, natutunan natin na mabuting lahukan ng inuling na ipa ng palay ang tumpok ng mga dahon, dumi ng hayop at iba pang sangkap na ating binubulok. Pag-aaralan natin ngayon kung paano gumawa ng inuling na ipa ng palay. Mga Gamit at Sangkap 20 sako ng ipa ng palay (sapat upang matabunan ang carbonizer) Tuyong dahon at patpat na panggatong Carbonizer 22 Federation of Free Farmers

Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Paano Gamitin? Ang Galing! Ang isang kilo ng carbonized rice hull ay makaka-hold ng 5 liters na water. Malaking tipid lalo na sa labor cost. Sa halip na araw-araw ka magdilig, puwede nang kahit isang beses isang linggo kung may carbonized rice hull. Lahat ng magsasaka, inaanyayahan ko kayo, na kung may rice hull kayo sa inyo, huwag ninyong itapon; gawin ninyong carbonized rice hull. Madali lamang itong gawin at gamitin sa inyong gardening at sa inyong palayan. Rodrigo P. Sargado Aleosan, North Cotabato 24 Federation of Free Farmers

3a Rice Hull Carbonizer Mga Gamit at Sangkap 1 lata ng mantika na walang laman 1 bakal na tubo na may habang 4 na talampakan, 3 pulgada ang diametro o bawat gilid kung kuwadrado 4 na piraso ng bakal, 1 talampakan ang haba at 8 milimetro ang diametro Panghinang o welding machine Oxy-Acetylene machine o ibang pambutas Paano Gumawa? 1. Ihanda ang chamber. Kailangan lagyan ng mga butas na bilog ang apat na gilid ng lata ng mantika. Sa bawat gilid magkrokis ng 12 bilog na pantay ang agwat, 3 pahalang at 4 pababa. Bawat bilog ay dapat may diametrong 3.2 cm o kaya ay tulad ng puwit ng maliit na lata ng sardinas 2. Gamit ang oxy-acetylene machine o iba pang paraan, butasin ang mga krinokis na bilog. Pagpapanatili ng Buhay na Lupa 25

4 Mabilisang Composting Sa mga nakaraang module, napag-usapan natin ang proseso ng paggawa ng compost. Napag-alaman natin na aabot ito nang hanggang 25 araw. Pero alam ba ninyo na maaaring paikliin sa 10 araw ang paggawa ng compost? Alamin kung paano sa sumusunod na pahina. Mga Gamit at Sangkap Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Paano Gumawa? 1. Pagpapanatili ng Buhay na Lupa 27

Ang Galing! Dito sa shortened composting 10 days lang ay puwede na natin itong magamit na pareho lang din ang ingredients sa aming ginagawang regular na compost. Sa lahat ng halaman ay maaari natin itong gamitin; makakapagpalago at makakapagpaganda din ito ng bunga ng ating palay. Magtulong-tulong tayo upang maiwasan ang pagkalat ng hindi magaganda sa ating kapaligiran. At sa nagsasabi na mahal nila ang kanilang mga anak at apo subalit hindi nag-oorganic, sasabihin ko na hindi yata tama ang inyong pagmamahal. Reynaldo G. Fallaria San Agustin, Occidental Mindoro Pagpapanatili ng Buhay na Lupa 29

5 Mga Microorganism Iba t ibang uri at mahalagang papel ng mga ito Fungi Bacteria Algae Sa nakaraang kabanata, napag-aralan natin na malusog na tutubo at lalaki ang mga pananim sa isang balanseng lupa na hitik sa humus. Dito tayo makakaasa na magkaroon ng masagana at masustansyang ani. Sa balanseng lupa napupunuan ang pangangailangan ng mga halaman ng iba t ibang sustansya. Nakakalaya ang mga sustansya na nakakanlong sa humus. Ang mga microorganism sa lupa ang may pinakamalaki at may pinakamahalagang papel sa pag-ikot ng mga sustansya mula sa mga halaman, mga hayop, at mga tao pabalik sa lupa. Kung walang mga microorganism, hindi maisasakatuparan ang kasabihang, Tayo ay mula sa alabok at babalik sa pagka-alabok. Fungi o onggo ang pangunahing uri ng microorganism na kailangan upang masimulan ang pagkabulok. Hindi ba ninyo napapansin na ang lumang tinapay ay ina-amag? Ang amag ay isang uri ng fungi. Hindi ninyo ba napapansin ang mga kabuti ay tumutubo sa mga patay na kahoy? Ang kabuti ay isa ring uri ng fungi. Primary decomposer o pangunahing tagabulok ang tawag sa kanila. Pagkatapos nila ay hahalili naman ang mga bacteria at mga algae, hanggang sa maging compost ang mga nabubulok na bagay. Sa lupa 30 Federation of Free Farmers

6 Lactobacilli Sa paggawa ng compost gumamit tayo ng isang sangkap na tinatawag na beneficial indigenous microorganism o BIM. Ang BIM ay binubuo ng iba t ibang microorganism o mumunting organismo na siyang tumutulong sa pagbulok ng organic matter hanggang ito ay maging humus. Isang halimbawa ng bakterya na kasama sa BIM ay ang lactic acid bacteria o lactobacilli. Mahusay ito na pampatunaw ng pagkain at pagbulok ng mga organikong labis. Tumutulong din ang lactobacilli sa pagbawas ng mababahong amoy mula sa mga nabubulok na mga bagay at gumagawa ng mga enzyme at natural na panlaban sa masasamang mikrobyo. Mga Gamit at Sangkap Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org 34 Federation of Free Farmers

Ang Galing! Ang lactobacilli ay ginagamit po namin sa pag-control ng amoy sa babuyan namin. Nagagamit ko rin itong antibiotiko at vitamins. Ang gagawin lang dito, yung ipapainum mo sa baboy at yung pagkain lalagyan mo. Yung loob ng kulungan isprayan din; wala na yung amoy. Nirerekomenda ko po ang paggamit ng lactobacilli. Ricardo Abogado Palo, Leyte Pagpapanatili ng Buhay na Lupa 37

7 Mumunting Organismo Mula sa Kawayan at sa Gubat Sa pagtalakay natin sa proseso ng composting, nakita natin ang kahalagahan ng mga microorganism o mumunting organismo sa pagbulok ng organic matter hanggang sa ito ay maging humus na naglalaman ng mga sustansya na mahalaga sa pagtubo at paglago ng ating mga halaman. May tatlong uri ng mumunting organismo: 1) ang fungi o onggo, 2) ang bacteria, at 3) ang algae o lumot. Nasa paligid lang natin ang mga microorganism na ito. Kung minsan ay wala o kulang ang mga ito sa lupang tinataniman natin. Dahil dito bumabagal ang pagproseso ng mga sustansya na kailangan ng mga pananim. Ang pag-akit at pag-ipon ng mga mumunting organismo ay lubos na makakatulong sa Inang Kalikasan. Tatalakayin natin ngayon ang isang paraan ng pag-akit at pag-ipon ng dalawang klase ng mumunting organismo: 1) ang bacteria na matatagpuan sa mga kawayanan, at 2) ang fungus o onggo na nagmumula sa gubat. Halos pareho lang ang paraan ng pagkalap ng bacteria at onggo. Ang pagkakaiba lamang ng dalawa ay ang lugar kung saan sila natatagpuan. Kung malayo kayo sa gubat, maghanap ng isang mayabong o malusog na punong kahoy at doon kayo makakakuha ng fungus. Mga Gamit at Sangkap 38 Federation of Free Farmers

Paano Gamitin? Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Ang Galing! Ang pagkalap ng mumunting organismo ay nakakatulong sa pagbubulok ng mga bagay-bagay na gagawin nating compost. Yung compost naman ay para payamanin ang sustansya ng lupa. Tumutulong din ang mumunting organismo na mapawalan ang mga sustansya na kailangan naman ng mga halaman. Amador R. Dela Cruz Sta. Ignacia, Tarlac 40 Federation of Free Farmers

8 BIM Beneficial Indigenous Microorganisms Sa paggawa ng compost gumagamit tayo ng tinatawag na beneficial indigenous microorganisms o BIM upang mapabilis at masiguro ang pagkabulok ng organic matter hanggang ito ay maging humus. Binubuo ang BIM ng mga nakabubuti at natural na mikrobyo mula sa kagubatan at kawayanan. Paano Gumawa? Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Pagpapanatili ng Buhay na Lupa 41

Paano Gamitin? Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Ang Galing! Sa karanasan ko, nakakatulong ang BIM sa pagpapaganda ng mga tanim, lalo na sa palay at saka sa mga gulay. Mapapadali din ng BIM ang composting. Hinihikayat ko ang lahat ng magsasaka na gumamit din ng BIM tulad ko kasi ito ay magpapalaki ng ating produksyon. Cristituto B. Batonghinog Alicia, Zamboanga Sibugay 42 Federation of Free Farmers

Iba t ibang pamamaraan ng pagbuburo Sa Module 9 hanggang Module 13, tatalakayin natin ang sistema ng fermentation o pagbuburo. Ito ay paraan ng paggamit ng mga mumunting organismo at iba pang sangkap upang makagawa ng katas na naglalaman ng mga sustansya na maaaring ipakain sa halaman sa pamamagitan ng kanyang mga ugat o dahon.

9 Fish Amino Acid Extract Lupa na mayaman sa humus ang sikreto upang maging malusog ang ating mga pananim at magkaroon ito ng depensa laban sa mga sakit at peste. Humus ang pinakahuling produkto ng pagkabulok ng organic matter. Ito rin ang simula ng muling pag-ikot ng mga sustansya at mineral na bumubuo ng ating mundo at bumubuhay sa tao at sa sanlibutan. Bilang mga magsasaka, maaari nating tulungan ang Inang Kalikasan para mapabilis ang proseso ng paggawa ng humus sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga microorganism sa lupa. Ang fermentation o pagbuburo ay isang uri ng metabolismo ng mga mumunting organismo kung saan carbon ang kanilang ginagamit sa halip na oxygen para makumpleto ang proceso. Anaerobic ang tawag sa mga organismong ito na hindi kailangan ng oxygen. Sa pamamagitan ng katas ng fish amino acid (FAA), mabilisan ngunit sa natural na paraan natin naibibigay sa halaman ang mga sustansyang kailangan nila ng maramihan tulad ng kinasanayan na nating mga abono na (N) nitrogen, (P) phosphorus at (K) potassium. Bukod dito, naibibigay din natin ang iba pang mineral na hindi kalakihan ang kanilang pangangailangan calcium, magnesium at sulfur. Mayroon din itong boron, copper, iron, manganese, zinc, mga bitamina at humic acid. Napupunan ng katas ng FAA ang pangangailangan ng mga mumunting organismo sa lupa at napapabilis nito ang proseso sa paggawa ng humus, na mabagal kung ikukumpara sa ating inaasahang takdang pag-ani ng mga pananim. Pagpapanatili ng Buhay na Lupa 45

Paano Gamitin? Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Ang Galing! Nakakatulong ang Fish Amino Acid Extract sa pagpapalago ng mga halaman kasi mayroon siyang nitrogen. Magagamit ito sa lahat ng pananim tulad ng petsay, kangkong, at lettuce, pati sa mga bulaklak, kasi pangpayabong siya. Magtulungan tayo lalo sa organikong pagsasaka na isinusulong ngayon ng ating gobyerno. Yung kita umaakyat dahil mas mababa yung gastos. 48 Federation of Free Farmers Esmeralda Gamil Imelda, Zamboanga Sibugay

10 Fermented Fruit Extract Kung ang fish amino acid extract ay nagbibigay ng nitrogen sa mga halaman, mayroon din tayong paraan upang madagdagan ang potassium na kinakailangan ng mga ito. Mayaman ang mga prutas sa potassium (0-0-60) na tumutulong sa pamumulaklak at pamumunga ng mga halaman. Ang fermented fruit extract (FFE) o burong katas ng pinaghalong kalabasa, papaya at saging ay mayaman sa beta-carotene at mga protina. Mga Gamit at Sangkap Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Pagpapanatili ng Buhay na Lupa 49

Paano Gamitin? Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Ang Galing! Nang gumamit ako nung ginawa naming Fermented Fruit Extract, nagtaka yung mga kapitbahay namin. Paano ko daw napabunga yung lanzones namin ng marami? Maliit na yung puno, hindi pa grafted. Ano daw ang sikreto ko? Sabi ko, subukan ninyo gumamit ng Fermented Fruit Extract. Alam mo naman sa mga Pilipino, To see is to believe! Kaya ngayon mas madali akong makapangengganyo nang kapwa ko magsasaka. Rebecca P. Adobas Bontoc, Southern Leyte Pagpapanatili ng Buhay na Lupa 51

11 Fermented Plant Extract Ang fermented plant extract (FPE) o binurong dahon o puno ng halaman ay isang mabisang pampalago ng pagtubo ng ugat ng mga pananim. Di lang yan, ito y mayaman sa phosphorous, magaling na pampatibay ng puno ng mga halaman at nakakatulong sa pagbubulok ng compost. Mga Gamit at Sangkap Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org 52 Federation of Free Farmers

Paano Gamitin? Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Ang Galing! Nakita ko sa paggamit ng Fermented Plant Extract ay madali itong gawin dahil madali lang hanapin ang mga materyales at hindi na kailangang bumili pa sa tindahan. Hindi ito nakakasama sa kalusugan; hindi ito nakalalason at environment friendly pa ito. Hindi lang ito para sa isang tanim, kundi sa lahat ng pananim ng magsasaka. Francisco P. Garlit Ilihan, Agusan del Sur 54 Federation of Free Farmers

12 Fermented Seaweed Extract Maliban sa nitrogen, potassium at phosphorus, marami pang ibang klaseng sustansya ang kinakailangan ng mga halaman upang mabuhay at lumago. Sa puntong ito uumpisahan natin ang iba t ibang paraan para makapagbigay tayo ng mas maraming sustansya sa ating mga pananim. Ang fermented seaweed extract (FSE) o burong damong dagat ay mabisa sa pagpapadami ng maliliit na organismo na tumutulong sa mabilis na pagtubo ng mga halaman. Dahil ito ay malagkit, hindi ito madaling matanggal ng ulan at tumutulong sa pagkapit ng foliar na abono sa halaman. Mayaman din ang seaweed extract sa micronutrients. Mga Gamit at Sangkap Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Pagpapanatili ng Buhay na Lupa 55

Paano Gamitin? Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Ang Galing! Batay po sa aking karanasan, ang Fermented Seaweed Extract ay magandang gamitin sa palay, sa vegetable at gayun na rin po sa saging. Madali itong kumapit sa dahon ng halaman at pinapatibay ang puno. Sa madaling salita, ang halaman kapag nai-spray natin ng Fermented Seaweed Extract, ito po ay nakapaghahanda sa kanyang pamumunga. Norberto I. Bague Calape, Bohol Pagpapanatili ng Buhay na Lupa 57

13 Calcium Phosphate Ang calcium phosphate ay tumutulong sa pamumulaklak at pagpaparami ng uhay ng palay. Mabisa rin itong pampaunlad ng ugat upang higit itong makasipsip ng tubig at sustansya sa lupa. Pinalalakas din nito ang kalamnan ng halaman upang maging matibay laban sa sakit at peste. Ang calcium phosphate ay katumbas ng iron. Mga Gamit at Sangkap Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Ang iba pa nating gagamitin ay 58 Federation of Free Farmers

Paano Gamitin? Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Ang Galing! Ito po ay tumutulong sa pamumulaklak ng tanim, o ng mga halaman at saka ito ay mabisa din para maging productive pa yung bulakalak kasi ito po ay hindi lang pamulaklak, tumutulong din ito para maging productive at maging butil o mabuo ang butil kasi ito yung pinaka importante din. Sa katulad kong magsasaka kayo po ay aking inaanyayahan na subukan po ninyo at gumamit ng Calcium Phosphate para mapataas at maparami ang ating ani kasi it po ay natural na elemento na kailangan na ating tanim na hindi na nating kailangang bumili pa. Ito po ay nasa paligild lang po natin at nasa bahay lang po natin itong mga materyales na kakailanganin. Rolann D. Odiaman Isulan, Sultan Kudarat 60 Federation of Free Farmers

Pagbibigay ng angkop na sustansya sa bawat yugto ng pagtubo Sa Module 14 at Module 15, pag-uusapan naman natin ang pagtitimpla ng iba t ibang klase ng katas at sangkap na umaangkop sa pangangailangan ng halaman sa iba t ibang yugto ng kanyang pagtubo.

14 OFF-V Organic Foliar Fertilizer Vegetative Stage Sa mga nakaraang module tinalakay natin ang paggawa ng iba t ibang klase ng katas at sangkap na makakapagbigay ng sustansya sa mga halaman. Ngunit, tulad sa tao, nagbabago ang kinakailangang sustansya ng halaman depende sa kanyang edad o yugto ng pagtubo. Iba t iba rin ang kombinasyon ng mga sustansya na kakailanganin ng halaman sa bawat yugto ng pagtubo. Sa module na ito at sa susunod pag-aaralan natin ang paggawa ng iba t ibang timpla ng buhay na sangkap para sa iba t ibang yugto ng pagtubo ng halaman. Nutrio-periodism ang tawag sa pag-aangkop ng paggamit ng mga buhay na sangkap batay sa gulang o yugto ng pagtubo ng halaman. Makikita sa ibaba ang pangangailangan ng palay ng sustansya sa panahon ng pagtubo at pagdadahon. Mabisang gamitin ang Organic Foliar Fertilizer Vegetative Stage (OFF-V). Ang Galing! Ang Organic Foliar Fertilizer Vegetative o OFF-V ay siyang pamamamaraan na aming ginagamit sa aming mga halaman o palay at gulay. nagbabalanse ito ng pagkain ng aming mga pananim. nagpapalago ito ng mga tanim namin na palay at gulay. Kaya lumaki na ang yield namin, nakakatipid pa kami sa aming expenses. Mahusay na pamalit ang OFF-V sa chemical fertilizer. Ramon C. Hifarva Surallah, South Cotabato Pagpapanatili ng Buhay na Lupa 63

15 OFF-R Organic Foliar Fertilizer Reproductive Stage Gawin nating halimbawa muli ang palay. Tumutok tayo ngayon sa yugto kung saan namumulaklak na ang palay at nag-uumpisa na itong mamunga. Mainam gamitin sa yugtong ito ang timplang Organic Foliar Fertilizer Reproductive Stage (OFF-R). Ang Galing! nakatulong sa amin yung OFF-R dahil nakapagpapalusog ito ng butil ng palay. At hindi lang sa palay, sa amin ding mga pananim na prutas. Dahil dito ang aming pamumuhay ay gumaganda. Hindi naman masyadong magastos ang OFF-R dahil ang mga sangkap nito ay nakikita lang sa paligid. Dito sa amin, sa pagpe-ferment, nilalagyan namin ng molasses at iyon lang ang aming ginagastos. Kaya malaking bawas gastos ito sa aming pagsasaka. David E. Carbon new Corella, Davao Del norte 66 Federation of Free Farmers

Ligtas na pestisidyo at pamuksa ng iba t ibang peste Dumarami na ang nakakaunawa sa panganib na dulot ng mga pestisidyong kemikal sa kalusugan ng tao. Dahil dito marami nang magsasaka ang gumagamit ng mga iba t ibang timpla ng pamuksa ng peste na gawa sa likas na mga sangkap. Mabisa na, ligtas pang gamitin ang mga ito. Sa bahagi na ito matutunan kung paano gumawa at gamitin ang ilan sa mga napurbahan nang timpla ng mga magsasaka.

16 Neem Plus Katas ng Dahon at Bunga ng Neem Ang Neem Plus o binurong katas ng dahon at bunga ng punong neem ay isang mabisang pamuksa ng iba t ibang uri ng mapanirang kulisap. Mga Gamit at Sangkap Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Paano Gumawa? 1. Pagpapanatili ng Buhay na Lupa 71

Paano Gamitin? Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Tandaan! Ang Galing! Based on my experience mas mabisang gamitin ang Neem Plus pagdating ng hapon kasi gabi umaatake ang mga uod. Mabisa po siya at maganda yung epekto sa mga halaman natin. Nasa paligid lamang natin ang mga materials at halos molasses lang ang bibilin para dun sa fermentation. Argen M. Villacote Carles, Iloilo Pagpapanatili ng Buhay na Lupa 73

17 Fermented KBL Katas ng Bawang at Luya Maraming halaman ang may mga taglay na sangkap na pamuksa ng peste. Magagamit ang katas ng mga ito na pang-spray upang puksain ang mga kulisap na naninira ng mga halaman. Mas ligtas ang mga natural na pamuksa ng peste para sa tao, lalo na sa mga magsasakang gumagamit nito, at sa kapaligiran. Dahil galing sa mga karaniwang halaman ang mga natural na pamuksang ito, madali rin silang nagigiling at napapakinabangan ng mga mumunting organismo na karaniwang natatagpuan sa lupa. Ang binurong Katas ng Bawang at Luya (KBL) ay isang magaling na pamuksa ng mga lumilipad na insekto. Mga Gamit at Sangkap Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Paano Gumawa? 1. 74 Federation of Free Farmers

Paano Gamitin? Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Ang Galing! Nasubukan ko nang gumamit ng katas ng bawang at luya. Pine-ferment ko ito ng dalawang buwan. Habang tumatagal parang lalong lumalakas ang kanyang katas. Iyon lang ang ginagamit ko na pang-spray sa aming palayan. Lalo na kung namulaklak hindi dadapo ang insekto. dahil masama ang amoy nun. 76 Federation of Free Farmers Nicanor B. Oclarit Matanao, Davao del Sur

18 Pamatay Uod Tatalakayin natin dito ang paggawa ng isang magaling na pamatay uod. Mga Gamit at Sangkap Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Paano Gumawa? 1. 2. Pagpapanatili ng Buhay na Lupa 77

3. 4. Paano Gamitin? Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Ang Galing! Ang organikong pamatay uod ay malaki ang naitutulong lalo na sa mga maliliit na magsasaka. Ito po ay mabisa, ligtas, at walang gastos kaya mapapaunlad ang kita. Doon sa mga magsasaka na gustong makatipid pa at makadagdag ng kita, subukan ninyo na gumamit nitong organikong pamatay uod. 78 Federation of Free Farmers Rosalinda M. Angeles Donya Remedios Trinidad, Bulacan

19 Pamatay Uod at Insekto Tatalakayin natin dito ang paggawa ng isa pang sangkap sa pangsugpo sa mga uod at insekto. Mga Gamit at Sangkap Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Paano Gumawa? 1. 2. Pagpapanatili ng Buhay na Lupa 79

3. 4. Paano Gamitin? Get a copy now! Call: (632) 647-1093 (632) 647-1451 Email: technoguides@freefarm.org Ang Galing! Maganda ang pamatay uod kasi pati yung mga itlog ng mga peste ay nababaog. Yung mga kohol na nasa tubig mamamatay din. Malaki ang naitutulong nito; bukod sa madali mahanap ang mga materyales sa pali-paligid wala pang gastos. 80 Federation of Free Farmers Mustapha M. Mohammad Isulan, Sultan Kudarat