Sawang-sawa na ang mamamayang Pilipino

Similar documents
Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

Ipagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang ika-40 anibersaryo ng

Doble-kara at bantay-salakay. Ito ang tunay na katangian ng

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

Sinasaluduhan namin ang lahat ng Pulang kumander

Isasagawa ng naghaharing sistemang pampulitika sa Mayo 2016

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

Sa harap ng nalalapit na reaksyunaryong eleksyon, pagtatapos ng

Nitong nakaraang ilang linggo, tuloy-tuloy na ipinahayag ng

Niyayanig ngayon ng masidhing krisis sa pulitika ang naghaharing

HF Markets Ltd HOTFOREX PHILIPPINES CONTEST

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Sa kabila ng malawakang pandaraya at pagmaniobra ng magkasabwat na

Dapat magkaisa ang lahat ng sektor para panagutin ang gubyernong

Third Quarter 2017 Social Weather Survey: Net satisfaction rating of the Duterte National Administration at "Very Good" +58

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Walang renda ang kanyang bibig sa pagbabanta at pagmumura

Walang anumang pakinabang sa mamamayang

Dapat yanigin ng protesta ang rehimeng US-Aquino sa buong

Deklarasyon at Programa ng Pagkilos ng NDFP para sa mga Karapatan, Proteksyon at Kagalingan ng mga Bata

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikatlong Markahan

Ipinoproklama ng NDFP itong ANG. Deklarasyon at Programa ng Pagkilos ng NDFP para sa mga Karapatan, Proteksyon at Kagalingan ng mga Bata.

Matapos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Rodrigo Duterte, ganap ng

NOYNOY RESIGN! Sigaw ng kabataan at bayan: Bakit dapat puspusang kumilos para itulak ang pagbibitiw ni Aquino?

Ang Makisig at Hangal na Hari

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Sa masayang okasyon ng Ika-46 na anibersaryo

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. at dumedepensa sa kanilang mga karapatan.

Ang Pilipinas. Mga Pagpatay na Hindi Ipinag-utos ng Hukuman at Mga Sapilitang Pagkawala

GRADE VI GAMIT NG GRID

Sa isang operasyong komando na tumagal lamang

Binabatikos ng Partido Komunista ng Pilipinas at lahat ng rebolusyonaryong

Ang nalalapit na pulong ng mga lider ng mga kasapi ng Asia-

Idinideklara ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), kasama ng

a-39 anibersaryo ng Kabataang Makabayan! Mapulang pagbati sa lahat ng mga

Labanan ang lumalakas na tunguhing kanan ng rehimeng Duterte! Isulong ang digmang bayan!

Ang Marso 8 ay ipinagdiriwang sa buong mundo upang pahalagahan

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

Larawan ng sukdulang pang-aapi at pagsasamantala ang malawak

Ipagdiwang ang ika-50 anibersaryo ng Partido at pamunuan ang rebolusyong Pilipino sa mas malalaking tagumpay

Dapat tumindig ang sambayanang Pilipino at salubungin ng

NEWS. Kasalukuyan hanggang Dis. 31, Ene. 1, 2018 hanggang Dis. 31, Mga Kategorya ng Pinakamababang Sahod

Habang lahat ng reaksyunaryong partido at kandidato ay nagpapaganda

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

ANG GOBYERNONG GMA AT ANG MGA SUNDALONG BATA. MAPAIT man sa panlasa lalo na sa mga

Sa loob ng ilang araw, haharap sa unang pagkakataon si Rodrigo

Sa mga magulang na babiyahe dala ang kanilang mga anak patungo sa ibang bansa Sa mga magulang na pabalik ng Japan dala ang kanilang mga anak

Atlantic Health System

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. ni Duterte

Saligang Batas ng Migrante International

Hindi nilutas ng proklamasyon kay Gloria

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ibayong paglaban ng mga magbubukid sa mga patakarang neoliberal

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. gitna ng mga sibilyang komunidad sa kanayunan.

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Stake Audit Committee

EPEKTO SA PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITE SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO. by: Laurince Pantaleon

MISYONG PAHAYAG. Isang masagana at inklusibong Canada na nakabatay sa tagumpay ng bawat indibidwal.

aklat biblia ang mga LECTIO DIVINA PARA SA AKING PAMILYANG MGA PAGPAPAHALAGA PARA SA AKING PAMILYANG MAY MAGANDANG UGALI CLARET PUBLISHING GROUP

Lugmok sa krisis sa pinansya at pananalapi ang rehimeng Macapagal-Arroyo. Desperado itong makalikom

Sa kaibuturan, ang Oplan Bayanihan ay isang masaklaw at malawig

PILIPINAS. pangha-harass at karahasan laban sa mga mamamahayag. Wala pang napaparusahan sa JANUARY 2013

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

Pagsasanay sa Filipino

Ikampanya at ipanalo ang mga kinatawan ng kabataan at bayan!

Violence Against Women and Children

KASAYSAYAN. ng LEAGUE OF FILIPINO STUDENTS. Only through militant struggle can the best in the youth emerge.

tagumpay sa maraming lugar sa lalawigan na magpahanggang sa pinakikinabangan ng mamamayan.

Pamagat ng Pag-aaral (o IRB Approval Number kung maaaring labagin ng pamagat ng pag-aaral ang privacy ng subject):

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Ikalawang Markahan

Ano ang Rebolusyong Oktubre ng 1917?

Lahatang-panig na magpalakas sa pagharap sa rehimeng Duterte

Pansamantalang itinigil ang

Pang-aabusong Sekswal sa Kulungan: Isang Pandaigdigang Krisis sa Karapatang Pantao

Hulyo 2016, Lat # Tagalog. Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Walang Bayad (800)

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Toolkit upang Labanan ang Transnasyunal na Pang-aabusong Sekswal sa mga Bata. Sama-samang. tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng bata sa buong mundo!

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Eleksyon na naman sa Mayo 10, Ihahalal diumano ng mamamayan ang pinakamatataas na

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ang walang katarungan ay dagdag lamang sa Pasakit

Mga katanungang madalas itanong(q&a) tungkol sa Electronic Notification System ng Kawanihan ng Imigrasyon

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Kalayaan EDITORYAL. Setyembre 2004 OPISYAL NA PAHAYAGAN NG KABATAANG MAKABAYAN

SUMA TOTAL: Pagsahol ng krisis

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Estado ng Alaska Kagawaran ng Mga Serbisyong Pang- Kalusugan at Panlipunan

Transcription:

ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLIV Blg. 2 Enero 21, 2013 www.philippinerevolution.net Editoryal Paigtingin ang mga pampulitikang pakikibaka at ang pambansademokratikong kilusang propaganda Sawang-sawa na ang mamamayang Pilipino sa tatlong-taon nang pambubuladas at pangangako ni Aquino ng pagbabago. Habang nagtatagal, lalong lumilinaw ang kahungkagan at kawalang-saysay ng kanyang sirang-plakang matuwid na daan at malinis na gubyerno. Klarongklaro na ang kayo ang boss ko ay pambibilog ng ulo. Lantad na lantad na ang tunay na amo ni Aquino ay ang mga kaibigan niyang malalaking negosyante, dayuhang mga kapitalista at ang gubyerno at militar ng US. Malinaw na hindi si Aquino o ang kanyang mabubulaklak ngunit hungkag na talumpati ang solusyon sa kahirapan, kagutuman, pagsasamantala at kaapihan ng masang anakpawis at petiburgesya. Kahit dagdagan ang mga gimik, palabas at ang mga kwento ng magagandang balita, hindi maitatago ni Aquino ang tunay na kundisyon ng mamamayan. Ang manipuladong popularidad ay isang manipis na lamang na sinulid na ki- nakapitan ni Aquino. Ang totoo, said na ang pasensya ng masang anakpawis. Hindi na rin madaling mapasasakay ni Aquino ang panggitnang saray sa harap ng dumaraming kaso ng paglabag sa karapatang-tao, labis na pangangayupapa sa US, pang-aabuso sa kapangyarihang pampulitika, korapsyon at krimen. Batid ito ni Aquino kaya pinaiigting niya ang kampanyang panunupil laban sa demokratikong pakikibaka ng mamamayan. Ang nalalabing tatlong taon ni Aquino ay dapat harapin ng mamamayan ng ibayong pinaigting na mga pampulitikang pakikibaka. Dapat nilang pagbayarin ang rehimeng Aquino sa mga kasalanan at krimen nito sa mamamayan. Dapat nilang tipunin ang kanilang kapangyarihan sa pag-oorganisa at sama-samang pagkilos. Napakainam ng kundisyon para malawakang pukawin at pakilusin ang mamamayan sa batayan ng paglaban sa walang-awat na pagtaas ng presyo Sa isyung ito... Mga biktima ng bagyong Pablo, nagbarikada 4 Krimininalidad at korapsyon 7 Pagpaslang sa tatlong aktibistang Kurd, kinundena 12

ng langis, karagdagang mga buwis, nakapakong mababang sahod, nabubulok at nagmamahal na serbisyong pangkalusugan at edukasyon, malawakang demolisyon ng mga maralitang komunidad, kawalan ng disenteng pabahay, dayuhang pandarambong sa yamang mineral ng bansa, panunupil at pang-aabuso sa karapatang-tao, pang-aagaw ng lupa, pagpapabaya sa mga biktima ng kalamidad, pagsuko sa kasarinlan ng bansa at pagsunod sa lahat ng utos ng US. Dapat ituon ng sambayanang Pilipino ang kanilang galit at paniningil sa pagyanig at maagang pagtatapos sa paghahari ni Aquino. Ang pagpapaigting ng mga pakikibakang pampulitikang ito sa kalunsuran ay mag-aambag din ng lakas sa armadong pakikibaka sa kanayunan. DAPAT pamunuan ng Partido at ng mga rebolusyonaryong pwersa ang pagpapaigting ng mga pampulitikang pagkilos at pakikibaka ng mamamayan. Ang pagpapalakas ng kilusang masa sa kalunsuran ay kabilang sa pi- ANG Taon XLIVBlg. 2 Enero 21, 2013 Ang Ang Bayan ay inilalabas sa wikang Pilipino, Bisaya, Iloko, Hiligaynon, Waray at Ingles. Maaari itong i-download mula sa Philippine Revolution Web Central na matatagpuan sa: www.philippinerevolution.net Tumatanggap ang Ang Bayan ng mga kontribusyon sa anyo ng mga artikulo at balita. Hinihikayat din ang mga mambabasa na magpaabot ng mga puna at rekomendasyon sa ikauunlad ng ating pahayagan. Maaabot kami sa pamamagitan ng email sa: angbayan@yahoo.com nakamahahalagang pampulitikang rekisito para marating ng digmang bayan ang bungad ng estratehikong pagkapatas. Gamitin natin ang paggunita sa ika-43 anibersaryo ng Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970 upang balikan ang mga aral sa pagpapalakas ng rebolusyonaryo at demokratikong kilusang masa sa kalunsuran. Tulad ng papel na ginampanan ng isang kwartong pagragasa ng kilusang masa noong 1970 sa pagpupundar ng digmang bayan, ang paglakas at pagsulong din ng kilusang masa sa mga susunod na taon ang isa sa mga susi sa pagtitiyak na makakamit ang target na pag-igpaw ng digmang bayan sa mas mataas na antas sa loob ng kasalukuyang dekada. Matagumpay na napakilos ang daan-daan libong mamama- Nilalaman Editoryal: Paigtingin ang pampulitikang pakikibaka sa kalunsuran 1 Mga biktima ng bagyong Pablo, nagbarikada 4 Kabataan, nagrali laban sa Cybercrime Law 5 Transport-caravan, tagumpay 5 Indemnipikasyon sa mga biktima ni Marcos 5 Barkong US, nabahura sa Tubattaha Reef 6 Drone ng US, napadpad sa Masbate 6 Kriminalidad at korapsyon ng rehimen 7 Sunud-sunod na pang-aaresto 8 Paglabag ng AFP sa tigil-putukan 9 Bidyo ng Ang Bayan 10 Sundalo, pulis, dinakip sa ComVal 11 Opensiba sa Negros 11 Acosta, pansamantalang nakalaya 11 Pagpaslang sa 3 aktibistang Kurd 12 Pamaniil na batas, ipinasa sa US 13 US at France, nanghimasok sa CAR 13 Ang Ang Bayan ay inilalathala dalawang beses bawat buwan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas yan noong Enero hanggang Marso 1970 sa gahiganteng mga kilos-protesta na dumagundong mula Metro Manila hanggang sa iba pang mga sentrong lunsod sa buong kapuluan. Ibinunga ito ng ilang taong pagpupunyagi sa pagpopropaganda, pagmumulat, gawaing edukasyon at pag-oorganisa sa hanay ng mga manggagawa, mala-proletaryado, kabataan-estudyante, kababaihan, propesyunal, mga taongsimbahan at iba pang sektor ng lipunan. Lubusang nahiwalay at nayanig ang naghaharing rehimeng Marcos hanggang sa hindi na ito makapaghari sa dating paraan. Kumalat ang pasistang lagim nang ipataw ng rehimeng Marcos ang batas militar noong 1972. Subalit bigo itong durugin ang noo'y nagsisimula pa lamang na rebolusyonaryong kilusan. Bagkus ay lumakas pa ang digmang bayan sa pamamagitan ng pagtungo ng libu-libong mga aktibista sa kanayunan. Binigyang-bwelo nila ang paglawak ng armadong pakikibaka sa kanayunan. Inabot at inorganisa nila ang daan-libo at milyon pang mamamayan. Hindi mararating ng rebolusyonaryong kilusan ang kasalukuyan nitong lawak at lakas nang wala ang makabuluhang ambag ng mga pwersang napalitaw ng Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970. Mainam na balikan ang mga aral mula sa mahalagang bahaging ito ng kasaysayan ng rebolusyong Pilipino upang magsilbing gabay sa pagsisikap natin ngayong lumikha ng bagong ma- 2 ANG BAYAN Enero 21, 2013

ningning na kabanata sa pagsusulong ng digmang bayan. Ang malakas at sumusulong na kilusang masa sa kalunsuran ang sandata ng mamamayan para labanan ang pang-aapi at pagsasamantala. Ito ang paraan para sila ay mamulat at mapakilos at maidiin ang naghaharing pangkatin at ang buong naghaharing sistema. Dapat pukawin ng mga pwersang pinamumunuan ng Partido ang mamamayan at tipunin ang kanilang rebolusyonaryong saloobin. Dapat palakasin ang demokratikong kilusang masa sa kalunsuran upang bigyang-linaw ang sigaw ng mamamayan para sa rebolusyonaryong pagbabago at buuin ang iba t ibang tipo ng alyansa. Hindi nagkukulang sa matitingkad na isyung dapat tuntungan ng pagpukaw at pagpapakilos sa masa. Mahalagang tungkulin ng kilusang masa ang paghahapag ng kritikal na pagsusuri at paglalatag ng wastong linya upang ituon ng bayan ang pakikibaka laban sa naghaharing reaksyunaryong pangkatin at sistema. Kaakibat nito'y dapat walang pagod at walang sawang abutin ang masa at ilunsad ang mga paaralan o pag-aaral sa mga pabrika, kampus o komunidad na tumatalakay sa programa para sa pambansa-demokratikong pagbabago. Ang pagtukoy at paghahapag ng wastong linya ng pagkilos ang makapupukaw at makapagpapakilos sa milyun-milyong mamamayan at magiging daan sa pagoorganisa sa kanila upang mapagkaisa sila para ipaglaban ang kanilang mga pambansa at demokratikong mithiin. Sa gayon ay maibabaling nila ang kanilang poot hindi lamang sa naghaharing rehimen, kundi sa kinakatawan at ipinagtatanggol nitong bulok na naghaharing sistema. Di maitatatwa ang papel ng mga kabataan-estudyante sa pagpapasigla ng demokratikong pagkilos ng mamamayan. Dapat malawakan silang kumilos upang harapin hindi lamang ang kanilang mga isyu sa kampus, kundi maging ang mga isyu at suliranin ng masang anakpawis sa kalunsuran at kanayunan. Dapat silang maramihang kumilos tungo sa mga pabrika at komunidad at dalhin ang mga isyung ito sa kanilang mga paaralan at sa lansangan. Dapat muling maitayo ang malawak na organisadong lakas ng masang manggagawa. Malupit ang mga pagatake ng reaksyunaryong gubyerno sa kanilang mga unyon at sa kanilang saligang mga karapatan. Ang iba't ibang mga paraan para bigkisin ang mga manggagawa sa mga unyon o iba't ibang anyo ng asosasyon ay dapat isagawa upang bigyang-diin ang kanilang sigaw para sa karagdagang-sahod, katiyakan sa trabaho at pagpapabuti ng mga kundisyon sa paggawa. Ang mga napapalitaw na mabubuti at abanteng elemento mula sa paglakas ng kilusang masa ay dapat anihin at bigkisin sa mga rebolusyonaryong organisasyong masa. Dapat mapangahas na palakasin ang mga rebolusyonaryong organisasyong masa at tuluy-tuloy na palawakin at palakasin ang mga ito sa pamamagitan ng edukasyong pampulitika at mga kampanyang masa at pakikibaka. Ang mga rebolusyonaryong organisasyong masa ang pinagmumulan ng mga kasapi ng Partido at mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan. Ang isang makapangyarihang kilusang masa ay nagsisilbing di nasasaid na balon ng mga aktibista, proletaryong rebolusyonaryo at mga mandirigma. Matalas na tinutukoy, sinusuri at nilulutas ng Partido ang mga dahilang pumipigil o umaantala sa tuluy-tuloy na pagsulong ng demokratikong kilusang masa nitong nagdaang mga taon. Determinado ang mga rebolusyonaryong pwersa na puspusang ilantad ang naghaharing rehimeng Aquino, paigtigin ang mga pampulitikang pakikibaka at puspusang isulong ang pambansa-demokratikong kilusang propaganda. ~ ANG BAYAN Enero 21, 2013 3

5,000 biktima ng bagyong Pablo, nagbarikada Noong Enero 15, mahigit 5,000 biktima ng bagyong Pablo ang nagbarikada sa kahabaan ng haywey sa Montevista, Compostela Valley para batikusin ang kapabayaan ng rehimeng Aquino sa kanilang mga komunidad. Kinundena nila ang napakabagal at piling pamamahagi ng mga ahensya ng gubyerno ng mga pagkain, iba pang relief goods at serbisyo. Ang mga biktima, na karamihan ay mga magsasaka, manggagawang-bukid at mga Lumad, ay nagmula pa sa mga bayan ng Monkayo, Nabunturan, Compostela at Montevista sa Compostela Valley; mga bayan ng Baganga at Cateel sa Davao Oriental at Trento sa Agusan del Sur. Naglakad sila nang halos sampung oras sa ulan at init para lamang maiparating ang kanilang mga hinaing sa kinauukulan. Hinarang ng barikada ang haywey na nagdudugtong sa Davao City sa Compostela Valley, Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Surigao del Norte at Davao Oriental. Daandaang sasakyan ang napilitang tumigil dahil dito. Sinubukang takutin ng mga pulis at militar ang mga nagbabarikada at sinabing iligal ang kilos-protesta dahil wala itong permit, ngunit dahil sa dami ng nagpoproprotesta ay hindi ito umubra. Dahil dito, napilitan si Corazon "Dinky" Soliman, kalihim ng DSWD at Gov. Arturo Uy ng Compostela Valley na harapin ang mga raliyista. Tinangka nilang kumbinsihin ang mga nagpoprotesta na iatras ang barikada pero nabigo rin sila. Pagsapit ng alas-9:30 ng gabi, isang trak ang dumating sa barikada na may dalang 1,900 na pakete ng relief goods at 100 sako ng bigas. Nagpadala rin ng sulat si Soliman na ibibigay sa loob ng dalawang araw ang 10,000 sako ng bigas. At saka pa lamang inalis ng mga nagproprotesta ang barikada. Ayon sa Barog Katawhan (Bayan Manindigan), ang bagong tatag na organisasyon ng mga biktima ng bagyo, halos walang dumarating na tulong sa kanila, laluna sa mga pamilyang nakatira sa liblib na mga lugar. Ang kulang na kulang na suplay ay ibinabahagi sa mga biktimang may hawak na family o green card ng DSWD. Sa kanilang pahayag, inilinaw ng Barog Katawhan ang kanilang mga hinaing. Una, dapat kagyat na ipamahagi sa milyunmilyog biktima ng bagyong Pablo ang tulong para sa relief at rehabilitasyon na bumuhos mula sa lokal at internasyunal na ahensya. Nananawagan silang imbestigahan ang mga maanomalyang kalakaran ng DSWD katulad ng hoarding at pagbibigaypabor sa malalapit lamang na pamilya. Gusto rin ng mga biktima na parusahan ang mga pulitikong gumagamit ng pondo at mga produktong relief para makakuha ng mga boto sa eleksyon. Kinundena ng Barog Katawhan ang mga hakbang ng mga komersyal na plantasyon na arbitraryong nagatras ng mga kontrata sa mga lokal na grower. Ang mga grower ay mga magsasakang kinokontrata ng mga komersyal na plantasyon para magtanim ng komersyal na produkto, halimbawa saging, sa kanilang mga lupa. Ni hindi man lamang nagalok ng tulong pinansyal ang mga plantasyon sa mga grower at mga manggagawa nito, sa kabila ng deka-dekada nilang pagpapakasasa sa yaman ng lupa at lakas-paggawa. Iginiit nila na dapat kanselahin na ng mga may-ari ng plantasyon ang utang ng mga grower. Sa kaso ng mga magniniyog, hiniling nilang maglabas ng pondo ang Philippine Coconut Authority bilang pansamantalang solusyon sa malawak na pagkasira ng mga puno ng niyog at para muli silang makapagsimula. Dagdag dito, iginiit ng mga biktima ang kaagad na pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa sa mga bayang nasalanta at kanselahin ang lahat ng mga utang ng mga magsasaka at manggagawang-bukid sa mga komersyante, panginoong maylupa at mga usurero. Iginiit din nila ang kagyat na pagbawi ng lahat ng mga aplikasyon ng IFMA (Integrated Forest Management Agreement) na walang iba kundi mga prenteng kontrata para sa malawakang pagtotroso at ang pagbibigay-danyos ng malalaking kumpanya sa pagtotroso na kumalbo sa kagubatan sa dalawang prubinsya. Gayundin, ipinanawagan nila ang walang pagdadalawang-isip na moratoryum sa malawakang pagmimina sa lugar. Bago ang barikada, naglunsad ng fluvial candle-lighting (pagsisindi ng kandila sa ilog) ang mga progresibong organisasyon ng Davao at BALSA (Bulig sa)-southern Mindanao noong Enero 15. Ginunita nila ang ika- 40 araw ng bagyong Pablo at inalala ang mahigit isang libong mamamayang namatay dito. ~ 4 ANG BAYAN Enero 21, 2013

Kabataan, nagrali kontra Cybercrime Law Naglunsad ng kilos-protesta ang mga kabataan at estudyante noong Enero 15 para tutulan ang pagpapatupad ng RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Law. Itinaon nila ang protesta habang dinidinig ng Korte Suprema ang mga petisyon kontra sa Cybercrime Law. Mariin nilang tinututulan ang naturang batas dahil sisikil ito sa kalayaan sa pamamahayag sa internet. Magiging kasangkapan lamang ito ng gubyerno para patahimikin ang mga kritiko nito. Maging ang mga ordinaryong mamamayan ay maaaring maging biktima ng batas na ito dahil sa mas pinasaklaw pa na probisyon tulad ng e-libel at panghihimasok sa privacy ng mga indibidwal sa internet. Indemnipikasyon sa mga biktima ng batas militar, iginiit Dalawang dekada na ang nakararaan, subalit hindi pa rin natatanggap ng mga biktima ng paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ng batas militar ang indemnipikasyong iniutos ng hukuman sa Hawaii. Iginigiit ng Samahan ng Ex-detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA) sa Kongreso na dapat awtomatikong kilalanin ang umaabot sa 10,000 biktima ng paglabag sa karapatang-tao na nanalo sa class suit na isinampa sa Hawaii laban sa mga Marcos noong 1992. Iniutos noon ng korte sa Hawaii ang pagbayad ng $1.2 bilyong danyos sa mga biktima. Umapela ang SELDA sa komite ng Kongreso na gumagawa ng pinal na bersyon ng batas sa kompensasyon. Isa sa mga balakid sa pagpipinal ng batas ang bersyon ng Senado, na nagsasabing dapat patunayang muli ng mga biktima na sila nga ay mga biktima. Pagbabalewala ito sa mga pagsisikap ng mga biktima at kamag-anak nila na makamit ang hustisya. Muli nilang dadaanan ang mahirap at masakit Nakiisa sa kanilang protesta ang mga progresibong grupo at mga "hacktivist" (katawagan sa mga bihasang gumagamit ng kompyuter para walang pahintulot na pasukin at kontrolin ang isang website) na aktibo ring lumalaban sa Cybercrime Law. Nagdaos naman ng kasabay na pagkilos ang mga estudyante sa Bicol, Cebu, Pangasinan, Cavite at Negros. May nakatakda pang mga protesta ang mga kabataan sa susunod na mga linggo dahil patuloy ang pagdinig ng korte laban sa naturang batas. ~ na proseso ng muling pagpapatunay na nilapastangan ang kanilang mga karapatan noong panahon ng batas militar. Isa pang balakid ang proposisyon nina Sen. Joker Arroyo at Rep. Walden Bello na huwag ibilang ang mga nagsulong ng armadong pakikibaka at dumanas ng paglapastangan sa kanilang karapatan (tulad ng ekstrahudisyal na pagpatay). Pagbabalewala ito sa karapatan ng mamamayang Pilipino na lumaban sa palalong rehimen sa iba't ibang paraan. Ang kompensasyon ay manggagaling sa P10 bilyong bahagi ng dinambong na yaman ng mga Marcos na naibalik ng mga awtoridad na Swiss sa pamahalaan ng Pilipinas at pinag-iinteresan din ng kasalukuyang rehimen na gamitin sa sariling pakinabang. ~ Transport caravan, matagumpay Naglunsad ng transport caravan noong Enero 10 ang mga drayber at opereytor ng UV Express (FX) para tutulan ang planong phase-out sa kanilang mga sasakyan simula ngayong taon. Pinamunuan ng PIS- TON Party at ALSA-UV ang caravan mula Quezon City Memorial Circle patungong Mendiola sa Maynila. Umabot sa mahigit 50 sasakyan ng FX at mga dyip ang nakiisa sa caravan. Bago ito ay dumulog muna sila sa Korte Suprema para magsampa ng petisyon na ipatigil ng gubyerno ang pagpapatupad ng plano. Ayon kay George San Mateo, tagapangulo ng PISTON Party, mariin nilang tinututulan ang Memorandum Circular ng Land Transporation Office (LTO) kaugnay sa 13 taon na o mas luma pa sa mga UV Express na ipatutupad ngayong taon. Kapag pinagbawalan nang pumasada ang mga FX na mas luma pa sa 13 taon ay maraming drayber ang mawawalan ng hanapbuhay. Marami ring maliliit na opereytor ang mawawalan ng negosyo dahil kokontrolin ng mga dayuhan at malalaking kumpanya sa sasakyan ang pagbebenta ng mga mas bago at mamahaling modelo ng FX. Nagbanta rin ang PIS- TON at ALSA-UV na maglunsad ng tigil pasada kapag ipatupad ang naturang plano. ~ ANG BAYAN Enero 21, 2013 5

Barkong pandigma ng US, nabahura sa Tubbataha Reef Nakiisa ang PKP sa malawakang pagkundena sa pagpasok ng barkong pandigma ng US na USS Guardian sa Tubbataha Reefs Natural Park noong Enero 17 at pagsadsad nito sa pinagkakaingat-ingatang mga bahura sa lugar. Ang Tubbataha Reef na nasa Sulu Sea ay isang pinangangalagaang pook at itinuring na World Heritage Park ng UNESCO noong 1993. Ipinagbabawal ang anumang barkong pandagat na pumasok sa pook. Walang awtorisasyon na pumasok ang USS Guardian sa Tubbataha. Binalewala nito maging ang mga pagbabala sa radyo ng mga Tubbataha Park Ranger o tagapagbantay ng lugar. Nang sumadsad sa bahura, nilapitan ng mga ranger ang barkong pandigma ng US subalit tinutukan sila ng mga sundalong Amerikano ng malalakas na armas at hindi pinahintulutang makalapit o umakyat sa barko. Anang PKP, ang walang pahintulot na pagpasok ng USS Guardian sa Tubbataha ay nagpapakita ng labis na pagkaarogante ng militar ng US. Sa suporta ng papet nitong si Benigno Aquino III, buong kahambugang naglilibot ang mga barkong pandigma ng US sa teritoryo ng Pilipinas na walang pakundangan sa soberanya ng bansa. Ang USS Guardian ay isang "minesweeper" na may humigitkumulang 90 tauhan. Kagagaling lamang nito sa Subic at patungo sa mga operasyong pagpapatrulya sa bahaging Palawan kung saan madalas na naglalayag ang mga barkong pandigma ng US sa loob ng teritoryo ng Pilipinas. Noong 2012, hindi bababa sa 80 barkong pandigma ng US ang dumaong sa Subic, Maynila at iba pang lugar sa Pilipinas at sumama sa mga "ehersisyong militar" at mga operasyong pagpapatrulya sa bahaging South China Sea. Kaakibat din nito ang buong-layang pagpapalipad ng US ng mga drone na paniktik ng militar ng US sa himpapawid ng Pilipinas. Lalo pang lalawak at sisinsin ang presensyang militar ng US at pagkakasangkot nito sa digmang panunupil laban sa mamamayang Pilipino. Noong Disyembre, muling nagpulong ang Mutual Defense Board (isang lupong binuo sa ilalim ng 1951 Mutual Defense Treaty) at ang Strategic Defense Dialogue (SSD). Ang pulong na ito ng SSD ang ikatlo noong 2012. Dumalo sa pulong na ito ang matataas na upisyal-militar at -panseguridad ng US, kabilang si US Pacific commander Admiral Samuel James Locklear. Naging resolusyon sa mga pulong na ito ang higit pang pagpaparami ng mga dadaong na barko ng US sa Pilipinas. Tinalakay din sa pulong na ito ang lalong pagpapahigpit ng ugnayan ng US sa Philippine National Police sa pamamagitan ng Security Engagement Board (SEB), na binuo ng gubyernong US at Pilipinas noong 2006. Ginagamit ng US ang SEB upang papalalim na manghimasok sa Pilipinas sa ngalan ng umano'y pagtutulungan sa pagsugpo sa mga "di-tradisyunal na banta." Lalong hihigpit ang panghihimasok ng US sa ngalan ng pagharap umano sa piracy, cyber security at mga kalamidad. Bago ito, may nabuo nang kasunduan sa pagitan ng New York Police Department (NYPD) at PNP para sa pagtatayo ng upisina ng NYPD sa Pilipinas. ~ Presensya ng drone ng US sa Masbate, binatikos Binatikos ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang naiulat na pagkapadpad ng isang Unmanned Aerial Vehicle (UAV) o drone ng US malapit sa baybayin ng Masbate noong Enero 6. Sinabi ng PKP na ginamit ang drone na ito para sa operasyong counter-insurgency katulad ng paniniktik laban sa rebolusyonaryong kilusan. Dapat din anitong batikusin ang rehimeng Aquino dahil pinapayagan nito na magsagawa ng operasyong paniktik ang US na malinaw na paglabag sa soberanya ng bansa. Bumagsak ang US drone na may modelong BQM-74E Chukar III sa tabing dagat ng Sityo Tacdugan, San Jacinto sa Masbate. Kinumpirma ito mismo ng embahada ng US at sinabing isang surveillance drone ng US Navy na ginamit sa pagsasanay-militar ang bumagsak sa nasabing prubinsya. Sinabi pa ng PKP na hindi lang ito ang unang insidente na ginamit ang drone sa bansa. Noong Pebrero 2, 2012, naiulat na gumamit ang AFP ng mga drone bago bombahin ang isang kuta ng mga pinaghihinalaang terorista sa Parang, Jolo. Sa Masbate rin mismo noong 2009 ay nasaksihan ng ilang upisyal ng pulis at militar sa prubinsya ang pagpapalipad ng US drone sa isla subalit nasira at bumagsak ito kinalaunan. ~ 6 ANG BAYAN Enero 21, 2013

Atimonan rub-out Kriminalidad at korapsyon sa ilalim ni Aquino Rub-out at hindi shoot-out ang nangyaring pagpatay sa jueteng lord na si Victorino Siman at 12 niyang kasamahan sa isang tsekpoynt ng pulis at militar sa Atimonan, Quezon noong Enero 6. Napatunayan sa mga imbestigasyon na mayorya sa mga napatay ay binaril sa ulo. Isinagawa ito kaakibat ng ribalan ng dalawang grupong sindikato para sa kontrol at pagpapalawak ng teritoryo sa operasyon ng jueteng sa Southern Tagalog (ST). Muling tumatampok ang pag-iral ng malawak na lambat na pulitiko-kriminal na sumasaklaw sa iba't ibang andana ng gubyerno, at kung saan nasasangkot ang matataas na upisyal ng militar, pulisya at burukrasyang sibil at pinatatakbo ng kung sinuman ang nasa poder. Anupaman ang sabihin ng rehimeng Aquino, hindi na nito maitatanggi na buhay na buhay ang mga sindikato sa ilalim ng paghahari nito na pinangangasiwaan ng kanyang mga kamag-anak at pinakamalalapit na kaibigan at upisyal. Matagal nang sangkot sa operasyong jueteng ang mga sindikatong nagkasagupaan sa Atimonan. Dating kabilang sa operasyon ni Charing Magbuhos (kaalyado ng jueteng lord na si Macario Bong Pineda) si Siman, hanggang magkalabuan sila noong 2010. Pinatatakbo ni Siman ang kanyang grupo, katuwang ang ilang pulitiko at upisyal ng militar at pulisya, kabilang si Supt. Alfred Consumino, Acting Chief ng Headquarters Support Group ng Region-4-B, isa sa mga napatay sa insidente. Humantong sa pag-ambus kay Siman ang tatlong buwang plano na pinamunuan ni Supt. Hansel Marantan, hepe ng Regional Special Operations Group (RSOG) at deputy intelligence chief ng Police Regional Office- A. Si Marantan ay kapatid at kasosyo ni Cenen Dinglasan, isang mahigpit na karibal ni Siman sa Laguna. Si Dinglasan din ang opereytor ng Small Town Lottery (STL) sa ilang bayan ng Laguna na siyang tabing sa operasyon ng jueteng. Si Marantan ay bantog sa kanyang proteksyon raket na nag-uugnay sa operasyon ng jueteng at karnaping. Mula 2005 ay sangkot siya sa apat pang kaso ng rub-out kung saan 34 na pinagsuspetsahang kriminal ang napatay. Umigting ang ribalan sa pagitan ng dalawang grupo nang mamatay ang isa pang opereytor ng jueteng at lumipat ang anim na kolektor nito sa grupo ni Vic Siman. Noong Nobyembre, napatay lahat ang anim na tauhan ni Siman sa sinundang operasyong rub-out na isinagawa rin ni Marantan sa Calamba, Laguna. Sina Dinglasan at Marantan ay bahagi lamang ng pambansang operasyon ng jueteng na malalim na nakaugat sa bu- rukrasya, pulisya at militar. Regular itong nag-eentrega ng daan-daan milyong piso sa mga susing upisyal ng Malacañang at matataas na upisyal ng militar at pulisya. Walang pinag-iba ito sa nabulgar na malawak na organisadong operasyon ng jueteng na nagbibigay ng payola sa dating presidenteng Joseph Estrada, na isa sa nagsilbing mitsa sa pagsiklab ng galit ng mamamayan at tumungo sa pagbagsak ng kanyang gubyerno. Nagpatuloy ito sa panahon ni Gloria Arroyo nang umupo siya sa Malacañang, sa pamamagitan ng koneksyon sa hari ng jueteng sa Central Luzon na si Bong Pineda at asawa nitong si Lilia Pineda. Hindi isasagawa ang operasyong rub-out sa grupo ni Vic Siman nang walang pagpapaalam o basbas ng naghaharing rehimen. Taliwas sa unang pahayag ni Executive Sec. Paquito Ochoa, malapit na kaibigan ni Aquino at pinuno ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PA- OCC), inaprubahan ng PAOCC ang operasyon para itarget si Siman, na tinaguriang Case Operation Plan (COPLAN) Armado. Inamin ito ni Supt. Glenn Dumlao, kumander ng Regional Public Safety Battalion sa Calabarzon at supervisor ng COP- LAN Armado. Inamin din ng mga upisyal ng PAOCC na nagbigay ito ng P100,000 para anito sa operasyong paniktik. Direktang nag-uulat si Marantan kay Police Director James Melad, pinuno ng PNP Calabarzon. Sina Dumlao at Melad ay mga kilalang tauhan ng dating hepe ANG BAYAN Enero 21, 2013 7

ng PNP na si Panfilo Lacson, isang senador na ngayon at malapit na alyado ng rehimeng Aquino. Dati na rin silang sangkot sa mga kaso ng rub-out. Si Melad ay isa sa mga upisyal ng pulisya na sangkot sa pagpatay sa 11 kasapi ng kriminal na sindikatong Kuratong Baleleng noong 1995 at sa sumunod na mga pagpatay ng mga saksi. Si Dumlao naman ay nasangkot sa pagdukot at pagpatay kina Bubby Dacer at drayber nitong si Emmanuel Corbito noong 1998 sa atas ni Lacson, na noo'y hepe ng PNP sa ilalim ni Estrada. Sa kabila nito, nagawang maibalik sa PNP si Dumlao at nahirang bilang kumander ng Calabarzon Public Safety Battalion makaraang lumitaw sila ni Lacson noong 2011 mula sa pagtatago. Isinagawa ang COPLAN Armado kasama ang 25 sundalo mula First Special Forces Battalion ng AFP Southern Luzon Command. Hindi kaila sa mamamayan na talamak ang mga kriminal na sindikatong kasabwat ng pampulitikang kapangyarihan sa bansa, pero ayon mismo sa pahayag ni Aquino noong nakaraan, wala sa prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagpuksa sa mga ito. Nagmaang-maangan lamang si Aquino nang ibulgar noong 2010 ni dating Arsobispo Oscar Cruz sina dating DILG Undersecretary Rico S. Puno at dating hepe ng PNP na si Gen. Jesus Verzosa bilang mga kolektor ni Aquino ng jueteng payola. Sila ang ginamit ni Aquino para magayos ng lambat ng jueteng at iba pang kriminal na sindikato at gumawa ng mga kaayusan sa sentralisasyon ng payola para sa bagong nakaupo sa Malacañang. Si Puno ay malapit na kaibigan at kabarilan ni Aquino, bago pa man ito naging pangulo. Sa kabila ng iskandalong kinasangkutan ni Puno, hindi siya inalis ni Aquino sa gubyerno at ngayo'y balak pang italagang upisyal ng Department of Agriculture. Sa huling pagputok ng kontrobersya sa kriminal na sindikato ng jueteng nitong Enero, pinahawak ng rehimeng Aquino ang imbestigasyon sa National Bureau of Investigation (NBI). Kalkulado ang hakbang ng rehimen sa pagtitiyak na nasa kontrol nito ang takbo ng imbestigasyon at maiwasang madawit ang Malacañang at lumaki pa ang kontrobersya. Sa kumplikado na pinaghalong pulitiko-kriminal na sindikato, proteksyon raket at sistemang padrino na tagos hanggang sa tuktok ng reaksyunaryong gubyerno, PNP at AFP, walang maaasahang seryosong paglutas nito. Hindi rin maihihiwalay ang katotohanan na sa nalalapit na eleksyong 2013, higit na mamamayagpag ito. Malaking porsyento ng pinagkukunan ng pera sa kampanya ay mula sa operasyon ng jueteng at binabayarang payola ng mga sindikato. Sa panig ng rebolusyonaryong kilusan, matibay ang paninindigan nito laban sa operasyon ng jueteng at iba pang klase ng sugal. Komprehensibo at sustenido ang pagharap nito sa isyu ng lahat ng klase ng sugal at nakaugnay ito sa matiyagang gawaing masa at gawaing militar. ~ 28 aktibista, sunud-sunod na inaresto Umabot sa 28 aktibista ang sunud-sunod na inaresto sa loob lamang ng mahigit isang buwan mula noong Disyembre. Ayon sa grupong KARAPATAN, ang mga aktibista ay pawang inaresto sa bisa ng mga isinampang gawagawang kasong kriminal. Magkakatulad ang mga kaso ng mga inarestong aktibista kung saan sila'y inaakusahang mga Pulang mandirigma na sangkot sa iba't ibang aksyon ng BHB. Pinakahuling kaso ang pag-aresto ng PNP-Cagayan noong Enero 4 kay Virgilio Corpuz, coordinator ng PISTON Party para sa Region 2. Sinampahan siya ng gawa-gawang kasong pagpatay kaugnay sa naganap na ambus ng BHB sa Tinoc, Ifugao noong Abril 2012. Si Corpuz ay kasapi rin ng Katinnulong Dagiti Umili iti Amianan (Kaduami), isang progresibong organisasyong matagal nang tumutulong sa mga komunidad na biktima ng malawakang pangangamkam ng lupa at kahirapan. Kabilang din sa mga iligal na inaresto sina Randi Vegas at Raul Camposano ng COURAGE; Anecita Rojo na ina ng pangkalahatang kalihim ng BAYAN- Negros; ang 19 myembro ng Tribu Bukidnon sa Negros Occidental; tatlong magsasaka sa Mulanay, Quezon; si Oligario Sebas ng Negros Oriental; at Rene Boy Abiva ng ACT Teachers Partylist. Sa harap ng mga pag-arestong ito, sinalu- 8 ANG BAYAN Enero 21, 2013

bong ng protesta ng grupong KARAPATAN ang unang pulong ng superbody na Interagency Committee (IAC) na idinaos noong Enero 8. Itinatag ng rehimeng Aquino ang IAC para diumano imbestigahan ang mga kaso ng ekstrahudisyal na pamamaslang, pagdukot at iba pang paglabag sa karapatang-tao. Katulad ito ng Task Force Usig na itinayo noon ng rehimeng Arroyo na ang tanging layunin ay palabasing may ginagawa ang estado habang inaabswelto ang sarili nito sa mga kaso ng malalalang paglabag sa karapatang-tao. Binatikos ng mga abugado mula sa National Union of People's Lawyers ang pagpapalawak ng IAC ng saklaw kung ano ang ituturing na ekstrahudisyal na pamamaslang (extrajudicial killings o EJK. Alinsunod sa depinisyon ng IAC, maaari nang ituring na EJK ang mga pamamaslang ng mga non-state actor o mga pwersang wala sa estado. Layunin nitong palabasing EJK ang mga lehitimong aksyong militar ng BHB, pati na ang mga kaso ng pagparusa alinsunod sa rebolusyonaryong sistema ng hustisya. Maaari na ring ituring na EJK ang isang pagpaslang batay sa mga sirkunstansya nito at pamamaraang ginamit. Taliwas ito sa depinisyon ng EJK bilang paglabag sa karapatang-tao na isinasagawa ng estado at mga institusyon nitong may pananagutang pangalagaan ang buhay at mga karapatan ng mamamayan sa ilalim ng mga internasyunal na batas. Gayundin, binatikos ng mga abugado ang paparaming kaso ng iligal na pang-aaresto ng mga sibilyan at pagsasampa sa kanila ng mga gawa-gawang krimeng may kinalaman sa rebolusyonaryong kilusan. ~ Pinakahuling mga paglabag ng AFP sa tigil-putukan Ang sumusunod ay karagdagan sa nauna nang inilabas ng Ang Bayan na ulat ng mga paglapastangan ng AFP sa sabayang tigil-putukan noong Disyembre 20, 2012 hanggang nitong Enero 15. Ito ay batay sa ulat na isinumite ng mga balangay ng NDF at komite ng Partido sa Southern Mindanao, Northcentral Mindanao at Southern Tagalog. Enero 10. Inatake ng mga elemento ng AFP 10th Special Forces kasama ang ilang pwersa ng CAFGU ang isang platun sa ilalim ng BHB Herminio Alfonso Command (Guerrilla Front 53) sa Upper Tiwayan, Barangay Badyangun, Arakan, North Cotabato. Naghahanda noon ang yunit ng BHB para pulungin ang masang magsasaka tungkol sa problema sa lupa sa lugar. Enero 10. Nag-operasyon ang isang platung pwersa ng 8th IB sa St. Peter at nagpatrolya sa Kulaman at Busdi, lahat sa Malaybalay City. Enero 9. Inaresto at dinetine ng mga elemento ng 67th IB ang isang sibilyan, si Pablito Gubaton, purok tserman ng Sityo Bangas, Barangay Mainit, bayan ng Cateel. Pinakawalan siya pagkatapos ng walong oras na interogasyon. Inakusahan si Gubaton ng pagtanggap ng ayudang pagkain mula sa Bagong Hukbong Bayan. Enero 2. Nagtayo ng tsekpoynt ang mga tropa ng 8th IB-CAFGU sa Halapitan, San Fernando, Bukidnon. Disyembre 31. Nagtayo ng tsekpoynt ang siyam na mga sundalo ng 8th IB sa isang tulay sa Barangay Alanib, Lantapan, Bukidnon. Nirekisa nila ang mga dumadaan at binuksan ang mga dalang kargamento. Disyembre 28. Pumasok ang dagdag na mga tropa ng 8th IB lulan ng apat na siksbay sa St. Peter, Malaybalay City. Nagpatrulya sila sa mga sityo ng magkanugnog na apat na barangay. Disyembre 27. Nagtayo ng tsekpoynt ang 58th IB at CAFGU sa Palo, Balason, Gingoog City. Naka-ambus posisyon sila sa tabi ng kalsada at nakatutok ang kanilang mga armas sa dumadaang mga tao. Nirekisa nila ang mga dalang bag ng mga byahero. Disyembre 26. Nangikil ng pera ang mga pulis sa mga motoristang dumadaan sa itinayo nilang tsekpoynt sa kahabaan ng haywey ng Kinoguitan, Misamis Oriental. Noong araw ding iyon, nagtayo ng tsekpoynt ang mga tropa ng 8th IB at CAFGU sa Can-ayan, Malaybalay City. Inimbestigahan nila ang mga dumadaang motorista at pasahero. Nagtayo rin sila ng isa pang tsekpoynt sa Barangay Silae, Malaybalay City. Disyembre 23. Pumasok ang mga tropa ng 8th IB lulan ng dalawang siksbay sa St. Peter, Malaybalay City dala ang dalawang howitzer. Nagpatrulya ang ilang tropa sa mga sityo ng St. Peter at sa malapit na baryo ng Busdi. Nagpapatuloy ang mga operasyong militar sa Barangay Cawayan at Victory, Lantapan, Bukidnon na nagsimula pa noong Nobyembre 28. Inokupa ng mga sundalo ang ANG BAYAN Enero 21, 2013 9

barangay hall na nasa gitna ng maraming mga bahay sa Barangay Victory. Kinampuhan ng 13 sundalo ang isang basketball court sa Barangay Cawayan at inokupa nila ang isang bodega ng mga gulay. Habang nakakampo sa dalawang barangay, nagsusugal, naglalasingan at nangingikil ang mga sundalo ng mga produkto ng mga magsasaka. Sa buong panahon ng tigilputukan, tuluy-tuloy ang mga operasyong laking-batalyon sa bayan ng Rizal sa Laguna. Nagtuluy-tuloy din ang mga operasyong militar ng pinagsanib na pwersa ng 1st Special Forces Battalion at 202nd Infantry Brigade sa San Pablo City, partikular na sa mga barangay ng San Antonio, Santisimo, San Miguel, San Bartolome at Santa Monica. Inilunsad ang mga operasyong pangkombat sa kalapit nitong mga bayan ng Victoria at Pagsanjan. Sa Quezon, naglunsad ng mga operasyong militar ang Special Warfare Group (SWAG) sa bayan ng Real. Naglunsad din ng mga operasyon ang mga pangkat sa ilalim ng 201st Infantry Brigade sa mga barangay ng Guinayangan, Calauag at Tagkawayan. Umabot din sa mga bayang ito ang operasyon ng 49th IB ng 9th ID na nakabase sa rehiyong Bicol. Samantala, ang mga elemento ng 201st Infantry Brigade ay naglunsad ng mga operasyon sa bayan ng Sta. Elena sa Camarines Norte. Naglunsad naman ng mga operasyong pangkombat ang 76th Infantry Battalion na nakabase sa mga barangay ng Bagong Silang, Casispalan, Busignon at Kabatuhan sa Tagkawayan hanggang katapusan ng Disyembre. ~ Bidyo ng Ang Bayan Mula Mayo ng 2012, tuluy-tuloy na lumalabas ang bidyo ng bawat isyu ng Ang Bayan. Sa pamamagitan ng 8-10 minutong mga bidyo sa anyong pagbabalita, nailalahad ang sumada ng nilalaman ng isyu ng Ang Bayan. Ang bawat labas ng bidyo ng Ang Bayan ay unang napapanood sa website na www.philippinerevolution.net. Mula doon ay maaaring mapanood at i- download ang mga bidyo sa mga kompyuter, tablet o cellphone. Pinalalaganap din ang mga bidyo ng AB sa pamamagitan ng mga DVD o USB drive. Sa kanayunan, nagdaraos ng sama-samang panonood ng bidyo ng Ang Bayan ang mga sangay ng Partido at mga yunit ng BHB. Nagagawa ring panoorin ang mga bidyo ng AB sa mga makabagong cellphone. Dahil mas madaling palaganapin, may mga pagkakataon na mas nauuna pang nakararating ang bidyo ng Ang Bayan bago ang aktwal na pahayagan, laluna sa mga sonang gerilya. Sa gayong mga pagkakataon, ang bidyo ng Ang Bayan ay nagsisilbing "patikim" at nagpapalakas ng tulak sa mga gerilyang palimbagan na agad na paramihin ang pahayagan. Matagal nang hinihingi ng mga mambabasa ng Ang Bayan ang bidyo bilang karagdagang anyo ng rebolusyonaryong pagbabalita. Nakatutulong ito sa biswalisasyon ng mga manonood ng nilalamang impormasyon ng pahayagan ng Partido, laluna para sa mga walang akses sa regular na palabas sa telebisyon o internet. Sa pamamagitan ng bidyo ng AB, naipapakita sa mga manonood nito ang mga imahe ng mga pangyayari, lugar, personalidad at iba pang paksa ng mga balita. Pinakapaboritong panoorin sa mga bidyo ng AB ang mga imahe ng mga Pulang mandirigma ng BHB, ang pati na rin ang iba't ibang mga rebolusyonaryong organisasyong masa. Nananawagan ang Ang Bayan sa lahat ng komite ng Partido at yunit ng BHB na mag-ambag ng inyong mga bidyo at mga larawan na maaaring magamit sa susunod na mga paglabas ng bidyo ng AB. Taganito: Tampok na bidyo ng Sine Proletaryo Inilabas noong Enero 16 ng Sine Proletaryo ang Taganito, isang pitong-minutong bidyo na nagtatampok sa matagumpay na operasyon ng Pulang Diwata Command ng Bagong Hukbong Bayan noong Oktubre 2011 laban sa mapangwasak na pagmimina sa Surigao del Sur. Ang bidyo ay inilabas ng Sine Proletaryo bilang pagtatanghal ng malalaking tagumpay ng rebolusyonaryong kilusan sa Mindanao nitong nagdaang dekada. Ang Taganito ay ikalawa na sa maiiksing bidyo na inilabas ng Sine Proletaryo nitong nagdaang mga buwan. Noong Nobyembre, inilabas nito, sa pakikipagtulungan sa Isnayp Multimedia ng Bicol, ang Mga Bata sa Rebolusyon, isang 10-minutong bidyo na nagtatampok sa inilabas na deklarasyon ng National Democratic Front of the Philippines para sa karapatan at kagalingan ng mga bata. ~ 10 ANG BAYAN Enero 21, 2013

Sundalo, pulis dinakip ng BHB sa ComVal Isang sundalo at isang pulis ang dinakip ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Compostela Valley nitong Enero 17, bandang alas-8 ng umaga. Sina Pfc. Jesreel Colanggo at SPO1 Ruel Pasion ay dinakip sa isang tsekpoynt na itinayo ng Guerrilla Front 34 Operations Command ng BHB sa Barangay Mangloy sa bayan ng Laak. Nakakumpisa rin ang BHB sa kanila ng isang kal.45 pistola. Ang dalawang bihag ay tinatrato nang maayos, alinsunod sa mga pandaigdigang alituntunin ng digma. Itinayo ang tsekpoynt upang pigilin ang pagpasok ng mga di kanais-nais na elemento sa lugar at para kontrahin ang Special Operations Team ng 60th IB na naglulunsad ng operasyon doon. Madugo ang rekord ng 60th IB. Ito ang responsable sa pagpaslang sa magsasakang si Totong Mabinsa ng Barangay Datu, Laak at sa sapilitang rekrutment at pagpapasuko sa mga magbubukid. Bago ito, inatake naman ng mga elemento ng 67th at 72nd IB ang isang grupo ng mga upisyal pampulitika ng BHB mula sa Front 15 Operations Command na nangangalap noon ng relief goods at ibang ayuda para sa mga biktima ng bagyong Pablo. Nangyari ang reyd bandang alas-7 ng umaga sa Sityo Limot, Barangay Binondo, Baganga, Davao Oriental. Nabigyang-babala, nakalaban at nakamaniobra ang nireyd na mga kasama subalit nakaiwan sila ng dalawang riple sa lugar na pinaglabanan. Lalo pa ngayong binibiktima ng lakas-brigadang operasyon ng 67th at 28th IB ang mga nasalanta ng bagyong Pablo sa mga bayan ng Baganga, Manay, Mati at Lupon sa Davao Oriental. Pinagbawalan nilang maglabas-masok ang mga residente ng mga sityo ng Tigbawan, Limot, Mantapay at Bagangan sa Barangay Binondo, Baganga at mga taga-sityo ng 72 at Sityo Tangaan sa Barangay Manurigao, New Bataan. Samantala, patuloy na pinagsisikapan ng Demokratikong Gubyernong Bayan ang mediumterm program para makabawi ang mga nawasak na sakahan at kabuhayan ng masa sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Pablo. Habang papaigting ang digmang bayan, gagapiin nito ang abusado at mapanlinlang na Oplan Bayanihan na dagdag-pabigat sa buhay ng mga biktima. ~ Armadong aksyon sa Negros Sa kabila ng superyoridad ng pwersa, kalidad ng armas at treyning ng kaaway, nagawang gapiin ng isang platun ng Bagong Hukbong Bayan ang pinagsanib na pwersa ng Scout Ranger at 11th IB sa Sityo Mapaho-paho, San Agustin, Isabela, Negros Occidental noong Disyembre 13. Ayon sa Leonardo Panaligan Command-Central Negros, tatlong sundalo ang napatay, dalawa ang nawawala at apat ang nasugatan. Nakakumpiska ang BHB ng tatlong malalakas na armas (ang isa ay nasira sa labanan) at iba pang kagamitang militar. Ang naturang taktikal na opensiba ay malaking sampal ng BHB kay Col. Francisco Patrimonio, hepe ng 302nd Brigade na namuno sa pag-aresto ng isang inosenteng sibilyan, si Oligario Sebas, noong Disyembre 25 sa Barangay Tubod, Manjuyod, Negros Oriental. Layunin niyang makolekta ang P5.5 milyong pabuya sa ikadarakip ni Sebas, na ipinipilit nilang si Filemon Mendres, isa umanong mataas na upisyal ng BHB. Balak ni Colonel Patrimonio na magpasiklab sa pamamagitan ng nasabing pakikipag-engkwentro para matiyak ang kanyang promosyon ngayong taon. ~ Acosta, pansamantalang nakalaya Pansamantalang nakalaya si Ericson Acosta para magpagamot sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City noong Enero 18. Kasama niya mula Calbayog ang mga abugado at upisyal ng Public Attorney s Office at mga paralegal ng KARAPATAN. Kasama rin nila ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology. Nasa NKTI si Acosta para magpatsek-ap sa kanyang sakit na nephritis, o pamamaga ng bato. Samantala, nabigyan si Alan Jazmines ng tatlong oras noong Enero 5 para dumalaw sa burol ng kanyang ina sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Si Jazmines ay konsultant ng NDFP sa usapang pangkapayapaan. Magdadalawang taon na siyang nakadetine. Namatay ang kanyang inang si Cristina Valera Jazmines noong Enero 1 sa edad na 92. ~ ANG BAYAN Enero 21, 2013 11

Pagpaslang sa 3 aktibistang kababaihang Kurd, kinundena Umabot sa 50,000 Kurd ang bumuhos sa lansangan ng Diyarbakir, Turkey noong Enero 17 para sa libing ng tatlong kababaihang Kurd na pinaslang sa Paris, France. Kinundena ng mga Kurd ang pagpaslang kina Sakine Cansiz, isa sa mga tagapagtatag ng rebolusyonaryong Kurdistan Workers Party (PKK), Finan Dogan, kinatawan ng Kurdistan National Congress (KNC) na nakabase sa Belgium at Leyla Soylemez, isang aktibistang kabataan na kinatawan naman ng KNC sa France. Binaril ang tatlo sa ulo habang nasa loob sila ng Kurdistan Information Center sa Paris, France noong Enero 9. Pinalalabas ng mga pulis sa France na ordinaryong krimen ang pamamaslang pero malakas ang paniniwala ng mga Kurd na isinagawa ito ng mga armadong pwersa ng Turkey. Naniniwala ang PKK na may kinalaman din ang gubyernong France na idinidiin ng Turkey na walang ginagawa sa harap ng mga aktibidad ng mga aktibistang Kurd doon. Sa France mismo, umabot sa 15,000 Kurd ang nagrali para kundenahin ang pampulitikang pamamaslang. Kilala ang tatlong babae bilang mga aktibistang nagtataguyod sa pambansang pakikibaka ng mamamayang Kurd. Ginawaran si Cansiz ng katayuan bilang political refugee sa France noong 1998. Bago ito, 12 taon siyang nakakulong sa Turkey kung saan dumanas siya ng matinding tortyur. Mariing pinabulaanan ni Gultan Kisanak, isang lider ng pampulitikang partidong Kurdish na resulta ng ribalan sa loob ng PKK ang pamamaslang. Sinabi niyang dapat managot ang France sa naturang pamamaslang dahil tiyak na may kinalaman sa krimen ang mga operatibang French. Ang lider ng PKK na si Abdullah Ocalan ay nagsisilbi ng sentensyang habang buhay na pagkakakulong sa isang isla malapit sa Istanbul, kabisera ng Turkey mula pa noong 1999. Ang PKK ay isang armadong rebolusyonaryong grupo ng mga Kurd na nakabase sa hilagang bahagi ng Turkey. Nakikibaka ang PKK para sa pambansang pagpapasya-sa-sarili ng mamamayang Kurd. Katulad ng PKP, nasa listahan ng mga teroristang organisasyon ng US ang PKK. Bago ang pamamaslang, inaresto ng mga pulis ng France si Adem Uzun, myembro ng komiteng tagapagpaganap ng KNC, noong Oktubre 6, 2011 sa Paris. Nasa bansa noon si Uzun para dumalo sa isang kumperensyang ipinatawag ng gubyerno ng France para talakayin ang kalagayan ng mamamayang Kurd na nakabase sa Syria. Ang KNC ay isang alyansa ng mga organisasyong Kurd na nakikibaka para sa pambansang pagpapasya-sa-sarili. Isa ang KNC sa mga organisasyong nagtutulak ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng PKK at gubyernong Turkey. Si Uzun, sa partikular, ang isa sa mga upisyal na sangkot sa mga resto ng France si Uzun bilang pabor sa gubyernong Turkish. Noong 2012, napilitan ang gubyernong Turkey na makipagusapang pangkapayapaan sa PKK nitong huling bahagi ng 2012. Ito ay matapos paigtingin ng PKK ang mga armadong opensiba nito laban sa mga armadong pwersa ng Turkey matapos ang halos isang dekadang pag-iwas sa armadong sagupaan. Pero tuluy-tuloy pa rin ang pang-aatake at panggigipit ng gubyernong Turkish sa mga komunidad ng Kurd na pinaghihinalaan nitong base ng PKK at kanilang mga tagasuporta. Nitong nakaraang buwan lamang, halos araw-araw na binomba ng mga pwersang Turkish ang hilagang Kurdistan (malapit sa Iran). Ang mamamayang Kurd ang tinaguriang pinakamalaking grupong etniko sa buong mundo na walang sariling estado. Nakakalat sila sa mga hangganan ng apat na bansa Turkey, Syria, Iran at Iraq sa tinatawag na rehiyong Kurdistan. Sa Turkey, 20% ng populasyon ay Kurd na pinagkakaitan ng maraming karapatan, kabilang na ang karapatang gumamit ng sariling wika. ~ negosasyon noong 2009-2011 na isinagawa sa Oslo, Norway. Naniniwala ang KNC na ina- Sakine Cansiz, 58 12 ANG BAYAN Enero 21, 2013

Mapaniil na mga batas, ipinasa sa US Pinalawig nitong Disyembre ni Pres. Barack Obama ng US ang batas na nagpapahintulot sa gubyernong US na tiktikan nang walang mandamyento ang mamamayang Amerikano at mga residente ng US. Pinalawig ni Obama nang limang taon ang FISA (Foreign Intelligence Surveillance Act) Amendments Act, isang batas na mahigpit na tinututulan ng mga grupong nagtataguyod sa mga karapatang sibil. Niluwagan ng batas na ito ang mga rekisito para sa pagmamanman sa mga pinagsususpetsahang indibidwal na may kuneksyon sa mga "dayuhang terorista." Ang FISA Amendments ay sinimulan ni dating Pres. George Bush Jr. pagkatapos ng pag-atake sa New York noong Setyembre 11, 2001. Ilang buwan pagkatapos nito, sikretong inatasan ni Bush ang National Security Agency (NSA) na tiktikan ang mamamayang Amerikano. Ipinatupad ang malawakang surbeylans nang walang kautusan ng korte. Kabilang sa saklaw ng malawakang surbeylans ang pagtawag sa telepono sa ibang bansa, email at iba pang tipo ng komunikasyon. Naisasagawa ang gayong pagmamanman sa batayan ng kahit katiting lanang na hinala na sangkot sa mga teroristang aktibidad ang kanilang target. Bulnerable sa naturang batas ang mga aktibistang kumokontra sa mga gubyernong sinusuportahan ng US at mga indibidwal at grupong pinaghihinalaan ng US na mga terorista. Sa kaugnay na balita, muling pinirmahan ni Obama ang National Defense Authorization Act of 2013 nitong unang linggo ng Enero na nagpapahintulot sa walang taning na pagdedetine ng kahit sino, kabilang ang mamamayang Amerikano kahit wala pang kasong isinasampa laban sa kanila. Pananatilihin nitong bukas ang kulungan sa Guantanamo Bay sa Cuba sa kabila ng pangako ni Obama sa unang araw niya sa panunungkulan na sa loob ng isang taon ay isasara na ito. Kabilang sa mga probisyon ng naturang batas ang paglalaan ng $633 bilyon para sa mga operasyong militar ng US sa buong mundo. Para sa contingency operations, $88.5 bilyon ang gagamitin sa pagpapatuloy ng gera sa Afghanistan. Popondohan ng $10.5 bilyon ang Special Operations Command (USSOCOM) bilang paghahanda sa mga bagong panghihimasok ng US sa iba't ibang bahagi ng mundo. ~ US at France, nanghimasok sa CAR SA tabing ng makataong interbensyon, nagpadala ng karagdagang mga tropa ang US at France sa Central African Republic (CAR) para manghimasok sa panloob na usapin ng bansa. Matagal nang nagsasagawa ng mga operasyong militar ang mga tropa ng US at France dito, sa gitna ng opensiba ng mga rebeldeng naglalayong patalsikin ang gubyerno ni Pres. Francois Bozize. Ang CAR ay isa sa maraming bansa sa Central Africa kung saan aktibo ang 100 Amerikanong Special Forces na kunwa y lumalaban sa mga myembro ng Lord's Resistance Army (LRA). Kabilang ang LRA sa mga binansagan ng US na teroristang organisasyon. Pinamumunuan ito ni Joseph Kony, na pinaniniwalaang nagbabase sa CAR. Sa atas ni Obama, ipinadala sa CAR ang karagdagang 50 standby security force para mabigyan umano ng tulong ang mamamayan. Pinauwi ang mga tauhan ng embahada ng US at iba pang mga Amerikano mula sa Bangui, kabisera ng CAR. Nakadeploy sa CAR ang 600 tropang French sa dating kolonya ng France para umano bigyangproteksyon ang 1,200 nitong residente. Ang CAR na may 4.5 milyong populasyon ay isa sa mga bansang pinakamatinding naghihirap. Atrasado ang ekonomya nito ngunit hitik sa likas na yaman na pinaglalawayan ng mga imperyalistang bansa gaya ng US at France. Kabilang sa likas na yaman nito ang diamante, ginto, uranium, troso at langis. Kasalukuyang pinatatakbo ng Areva, isang kumpanya ng France ang isang mina ng uranium sa timog na bahagi ng CAR. ANG BAYAN Enero 21, 2013 13

ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLIV Blg. 2 Enero 21, 2013 www.philippinerevolution.net Editoryal Paigtingin ang mga pampulitikang pakikibaka at ang pambansademokratikong kilusang propaganda Sawang-sawa na ang mamamayang Pilipino sa tatlong-taon nang pambubuladas at pangangako ni Aquino ng pagbabago. Habang nagtatagal, lalong lumilinaw ang kahungkagan at kawalang-saysay ng kanyang sirang-plakang matuwid na daan at malinis na gubyerno. Klarongklaro na ang kayo ang boss ko ay pambibilog ng ulo. Lantad na lantad na ang tunay na amo ni Aquino ay ang mga kaibigan niyang malalaking negosyante, dayuhang mga kapitalista at ang gubyerno at militar ng US. Malinaw na hindi si Aquino o ang kanyang mabubulaklak ngunit hungkag na talumpati ang solusyon sa kahirapan, kagutuman, pagsasamantala at kaapihan ng masang anakpawis at petiburgesya. Kahit dagdagan ang mga gimik, palabas at ang mga kwento ng magagandang balita, hindi maitatago ni Aquino ang tunay na kundisyon ng mamamayan. Ang manipuladong popularidad ay isang manipis na lamang na sinulid na ki- nakapitan ni Aquino. Ang totoo, said na ang pasensya ng masang anakpawis. Hindi na rin madaling mapasasakay ni Aquino ang panggitnang saray sa harap ng dumaraming kaso ng paglabag sa karapatang-tao, labis na pangangayupapa sa US, pang-aabuso sa kapangyarihang pampulitika, korapsyon at krimen. Batid ito ni Aquino kaya pinaiigting niya ang kampanyang panunupil laban sa demokratikong pakikibaka ng mamamayan. Ang nalalabing tatlong taon ni Aquino ay dapat harapin ng mamamayan ng ibayong pinaigting na mga pampulitikang pakikibaka. Dapat nilang pagbayarin ang rehimeng Aquino sa mga kasalanan at krimen nito sa mamamayan. Dapat nilang tipunin ang kanilang kapangyarihan sa pag-oorganisa at sama-samang pagkilos. Napakainam ng kundisyon para malawakang pukawin at pakilusin ang mamamayan sa batayan ng paglaban sa walang-awat na pagtaas ng presyo Sa isyung ito... Mga biktima ng bagyong Pablo, nagbarikada 4 Krimininalidad at korapsyon 7 Pagpaslang sa tatlong aktibistang Kurd, kinundena 12