Ano-ano ang ipinakikita ng mga ito? Ganito pa rin ba namumuhay ang mga Pilipino? Ngayon?

Similar documents
Ika-13 Aralin IYONG KA- UGNAYAN SA IBA" ~ Kinakailangang ibigin, igalang at sundin natin sila.

GRADE VI GAMIT NG GRID

H E K A S I KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Music. Talaan ng mga Gawain. (Unang Kwarter) Department of Education June 2016

H E K A S I PAMAMAHALA NG MGA UNANG PILIPINO SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I EDUKASYON: SAAN PATUTUNGO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO, NAIIBA BA? SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

H E K A S I PAGBABAGO SA PANAHANAN SA PANAHON NG ESPANYOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Republic of the Philippines Department of Education Negros Island Region DIVISION OF SILAY CITY City of Silay

Halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon Elastrator self castration Explicit movies on amazon 2017 Fidio porno abg perawan indo yg dapat di tonton

Tagalog NATIONAL STANDARDS. sa pagbabasa, pagsusulat at matematika. Gaano kahusay ang aking anak sa paaralan?

GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)

H E K A S I NORTH ARROW COMPASS ROSE LOKASYON NG PILIPINAS SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

E P P TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL SELF INSTRUCTIONAL MATERIALS

MODYUL SA PAGKATUTO. Pangkalahatang Ideya

GRADE IV REHIYON VI KANLURANG VISAYAS

Zangle Parent Connect Gabay sa Tagagamit. Paaralang Pampurok ng Anchorage

SCFHP Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2019 Listahan ng Matibay na Kagamitang Medikal (Listahan ng Durable Medical Equipment o DME)

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

POINTERS FOR REVIEW ARALING PANLIPUNAN - GRADE 1 Unang Markahan

E P P MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/BASKET COMPOSTING SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Alamat ng Kawayan. Anthony Pascua SAILN, Tier III

H E K A S I MAGKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

Sibika Baitang 2 Ikatlong Markahan

GRADE VI MGA LIKAS NA YAMAN NG BANSANG PILIPINAS. Subukin mong tukuyin ang mga likas na yaman ng bansa sa larawan.

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

I-reboot ang Iyong X1 TV Box

KJ~ NG DIYOS ILILIGTAS. International Correspondence Institute. ARALiN 7. Tungkol sa Diyos - Ang Ating Pag-aralan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Ang Makisig at Hangal na Hari

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Ika-14 na Aralin. Pag-aralan ayon sa mga tuntunin nasa pasimula ng unang aralin. 1. Ang Cristiano ba ang may-ari ng kanyang sariling buhay?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Chapter 6 Tagalog Verbs

Mga Nalalapit na Pagbabago sa Santa Clara Family Health Plan Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2018 na Listahan ng Gamot

H E K A S I ANG EDUKASYON SA PANAHON NG ESPAÑOL SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I

I.~ lc "AN<17PAG-AASAWA AT ANG

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Pinoys maintain anti-chinese stance on West Philippine Sea issue

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1

SUUNTO GUIDING STAR PAG-IINGAT AT WARRANTY

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

H E K A S I KAHALAGAHAN NG BATAS SA PAG-UUGNAY NG MGA UNANG PILIPINO SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

2010 Gabay sa Pagbibigay Kahulugan

Araling Panlipunan. Kagamitan ng Mag-aaral. Tagalog

Sustainable (Maaaring Mapangalagaan) na Pangingisda

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

PART A. LINGGUHANG ISKEDYUL SA TRABAHO

H E K A S I EDUKASYON SA PANAHON NG EDSA REVOLUTION HANGGAN SA KASALUKUYAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

MAY KAAGAPAY KA NA BA?

H E K A S I PANGKABUHAYAN SA PANAHON NG HAPONES SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS. Distance Education for Elementary Schools

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Ang Pangprobinsiyang Kard ng Ulat (Report Card) ng Manitoba. Impormasyon para sa. Mga Magulang

Obey God s Will October 31, 2010 By Derick Parfan Scripture: Matthew 7:21-27

Tungkol Saan ang Modyul na ito?

From left, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Alden Richards and Betong Sumaya.

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

ARALING PANLIPUNAN I

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

H E K A S I BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

UNANG SEMESTRENG SILABUS SA FILIPINO PAGBASA AT PAGSUURI NG IBA T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Modyul 4 Ang Pagkilala at Pagbuo ng Iba t Ibang Pangungusap

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

ROBERT B. POLLOCK ELEMENTARY SCHOOL 2875 Welsh Road Philadelphia, PA

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

COMMUNITY-BASED MONITORING SYSTEM Household Profile Questionnaire

Oops... Ingat sa Lansangan

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Nutri-bingo! Gabay para sa game master o facilitators. Ano ang nutri-bingo?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Ano-ano Ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit 2 Modyul Blg. 6

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

makilala ang pagkakaiba ng kanais-nais at di-kanais-nais na katangian ng mga Pilipino;

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

DLA in EPP/ Computer 6 Third Quarter

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Our Father in Heaven. Series: Prayer Rocks the World. By Derick Parfan. July 5, Matthew 6:9-13 (ESV) 1

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Transcription:

GRADE IV KULTURA NG MGA SINAUNANG PILIPINO ALAMIN MO Tingnan mabuti ang mga larawan. Ano-ano ang ipinakikita ng mga ito? Ganito pa rin ba namumuhay ang mga Pilipino? Ngayon? 1

Sa modyul na ito malalaman ang kultura ng mga sinaunang Pilipino. PAGBALIK-ARALAN MO Bago mo simulan ang pag-aaral muli mong suriin ang mga larawan sa unang pahina. Ipinapakita nito ang bahagi ng kultura ng mga sinaunang Pilipino. Pangkatin mo sa kulturang materyal at kulturang di-materyal ang mga bagay na nasa larawan. Itala ito sa iyong kuwaderno. Materyal Di-Materyal Ngayong malinaw na sa iyo ang pagkakaiba ng kulturang materyal at di-materyal, maaari mo nang simulan ang pag-aaral sa modyul na ito. Malalaman mo sa modyul na ito ang marami pang bagay tungkol sa kultura ng mga unang Pilipino. Tatalakayin dito ang katangian ng materyal at di-materyal na bahagi ng ating kultura. Siguradong mapayayaman nito ang iyong kaalaman tungkol sa mga unang Pilipino. 2

PAG-ARALAN MO Masdan ang nasa larawan. Ano ang ipinakikita ng mga larawan? Ganito ang unang Pilipino noon. Alam mo bang may kanya-kanyang paraan ng pamumuhay ang mga unang Pilipino. Ang paraan na ito ng kanilang pamumuhay ay tinawag na katutubong kultura. Katutubo dahil ito y tumutukoy sa mga unang Pilipino. 3

Ang kultura ay may dalawang bahagi, ang materyal at di-materyal. Ang materyal na bahagi ng kultura ay tumutukoy sa mga bagay tulad ng tirahan, kasuotan, mga kasangkapan at pagkain. Ang di-materyal naman ay binubuo ng paniniwala, kaugalian, panitikan, sining, wika at pamahalaan. Ang tirahan na ating mga ninuno ay kadalasang yari sa kahoy, kawayan, sawali, pawid o kugon. Mayroon itong batalan na may tapayang lalagyan ng tubig. Mayroon din itong silong. Dito itinatago ang mga sinibak na panggatong at pinagsisilungan ng alagang manok, pato at kambing. 4

PAGKAIN Kanin ang itinuturing na pangunahing pagkain ng mga Pilipino. Kasama nito ang isda, mga pagkaing-dagat, karne, mga gulay at prutas. Karaniwang sa palayok iniluluto ang kanilang pagkain o kaya nama y sa bumbong. Masarap ang kainan kapag sa dahon ng saging nakahain ang pagkain. Ang inuman nila ay pinakinis na bao ng niyog. Banga at mga bumbong ng kawayan ang imbakan ng kanilang inumin ng tubig. KASUOTAN Iba-iba ang kasuotan ng ating mga ninuno. Karaniwang nakabahag ang kalalakihan. Sa bandang Hilagang Luzon gaya ng Ifugao, may kalalakihang may tatu sa katawan. Sagisag ito ng katapangan. Bahag at putong lang ang kanilang suot. KASUOTAN NG LAHI Sa katagalugan, kangan ang tawag sa maikling pang-itaas ng mga lalaki. Wala itong kuwelyo at manggas. Bukas ang harapan nito at ang kulay ay nababatay sa katayuan ng nagsusuot. Bahagi ng kangan ang putong sa ulo. Ang kulay ng putong ay nababatay sa katapangan ng nagsusuot. Sa Kabisayaan, bahag at tatu sa buong katawan ang suot ng kalalakihan. 5

DAMIT NG KABABAIHAN Magkakaiba rin ang pananamit ng kababaihan. Ang iba y walang suot na pang-itaas katulad ng mga Ita. May mga babaing may tatu, tulad ng mga Bontoc at Yakan. Ang iba y may pang-itaas at bukas ang harap. Ang pang-ibaba naman ay tapis na hanggang tuhod. Pangkaraniwan na sa kababaihan ang paglalagay ng palamuti sa katawan. Nagsusuot sila ng kuwintas, hikaw, singsing at pulseras na yari sa kabibe, kristal, kahoy, mga buto ng hayop at halaman, at metal. KASANGKAPAN AT KAGAMITAN Yari sa bato, metal at luwad ang mga kagamitan ng ating mga ninuno. 6

Palayok at tapayan ang lalagyan ng tubig. Baul naman ang lalagyan ng mga damit at iba pang mahahalagang bagay. Kabibe o bao ng niyog ang ginagawang kutsara at sandok. Palayok din ang ginagamit na lutuan o kaya ay buho ng kawayan. Ang mga sandata ay bahagi rin ng kagamitan ng ating mga ninuno. Ang sibat, pana at palaso ay ginagamit sa pagpatay ng hayop at sa pakikipaglaban. Ang mga itak at balisong ay dala-dala nila kahit saan. Mayroon silang kalasag na kahoy na ginagamit na pananggalang kapag nakikipaglaban. SINING AT AGHAM Kilala ang mga unang Pilipino sa kanilang mataas na antas ng sining. Makikita ito sa mga inukit at disenyo sa kanilang mga kagamitan, paggawa ng mga palamuti sa katawan, pagtatatu, paglililok at paghahabi (at pagtugtog ng instrumentong etniko). 7

Ang Ifugao ay kilala sa mga eskulturang kahoy at makukulay na hinabing tela. Hindi rin pahuhuli ang mga T boli at Maguindanaoan. Makulay ang kanilang kasuotan at mga palamuti sa katawan. Mahusay silang tumugtog ng kulintang, gong at agong. May kaalaman din ang ating mga ninuno sa pagtatanim at pangingisda. May paraan sila ng paglilibing. Napapanatili nilang buo ang anyo ng namatay sa mahabang panahon. Tinatawag itong mummy. Matatagpuan ang mga ito sa Sagada, Mt. Province. May kaalaman din sila sa panggagamot. Ang gamit nila ay mga dahon at ugat ng mga halaman. Ang katangi-tanging hagdan-hagdang palayan o payyao sa Banawe ay patunay ng kanilang kaalaman sa inhenyerya. 8

MUSIKA Noon pa mang unang panahon, bahagi ng buhay ng Pilipino ang musika. Mahusay silang tumugtog ng instrumentong etniko. Ang mga katutubo nating awitin ay nagpapahayag ng iba t ibang pangyayari sa buhay tulad ng pag-iibigan at pagkamatay. Ang mga Ifugao sa Hilagang Luzon ay mahuhusay tumugtog ng mga instrumentong yari sa kawayan kagaya ng tungatong, bungkaka, kubing, bamboo flute at iba pa. PAMAHALAAN Ang Barangay ay nagbuhat sa salitang balangay, isang bangkang may layag. Ito ay uri ng pamahalaan ng ating mga ninuno noong unang panahon. Binubuo ito ng 30 hanggang 100 pamilya. Datu o Raha ang tawag sa puno ng barangay. Siya ang hukom at puno ng hukbo kung panahon ng digmaan sa tulong ng matatanda bilang katulong at tagapayo. Ang pinakamatapang na Datu ang pinipiling pinuno ng mga Barangay. Namamana ang pagiging Datu. Kung walang tagapagmana, ang pagpili ay ibinabatay sa talino, lakas ng katawan at kayamanan. 9

RELIHIYON Pagano ang ating mga ninuno. Sinasamba nila si Bathala, ang lumikha ng langit at lupa. Sinasamba rin nila ang kalikasan tulad ng araw, ilang hayop at punong-kahoy. Sumasamba rin sila sa mga anito at espiritu ng namatay na kamag-anak. Naniniwala sila na may buhay sa kabilang-buhay. Ayon sa kanila, ang mga kaluluwa ng mabubuti ay napupunta sa langit at sa impiyerno ang masasama. 10

PAGSANAYAN MO I. Subuking sagutin ang mga sumusunod na bugtong. Isulat sa kuwaderno ang sagot. Bugtong bugtong kalibugtong Yaring kawayan kugon ang bubong (bahay-kubo) Sinigang, tinola, kanin kaniya Masarap ang niluto sa mukha ng paso (palayok) Hindi salakot, hindi sumbrero Kakapiraso nakapatong sa ulo Sakbit-sakbit, dala-dala Kahit saan sila pumunta. Ihip, pukpok para tumunog Parang ugong, parang kulog Kubli, kubli nandyan na ang hari Hukom at pinuno, katawa y matipuno Kankanaey, Ilonggot, ibanag, Igorot Hagdan hagdang palayan saan matatagpuan? Sinipa, hinila, pinagtabi-tabi, nilala Makulay nilang buhay inilapat sa tela Hindi sa papel, hindi sa kahoy ipininta Parte ng kasuotan kung ito y makita Bugtong bugtong kalibugtong Pamahalaan noong unang panahon. (putong) (itak at pana) (ethnic instrument) (Datu) (Hilagang Luzon) (tinalak-habing produkto) (tatu) (Barangay) 11

TANDAAN MO Mayroon ng kultura noon pa mangunang panahon ating mga ninuno. Ito ay masasabing kanila bago pa man sila nakipag-ugnayan sa mga dayuhan. Natatangi at karapat-dapat na ipagmalaki ang katutubong kultura ng mga Pilipino. ISAPUSO MO Ano ang nadarama mo sa mga sumusunod na kalagayan? 1 Ikaw ay isang mag-aaral na T-boli. Palagi kang tinutukso ng iyong mga kamag-aral. Wala raw sa uso ang iyong suot na damit. Para sa iyo, kaaya-aya at maganda ang suot mo. Nagpapahiwatig ito ng kagitingan ng inyong pangkat etniko. Paano mo haharapin ang iyong mga kamag-aral? 12

2 Nagkaroon ng malaking sunog sa lugar ninyo. Unang iniligtas ng iyong mga kasambahay ang mga kagamitan padala ng kuya mo galing sa abroad. Hindi na nagawa pang iligtas ang mga kagamitang pinamana pa ng iyong mga ninuno GAWIN MO Batay sa mga natutuhan mo tungkol sa materyal at di-materyal na kultura ng mga unang Pilipino, mayroon pa kayong nakikitang bahagi ng materyal na kultura na ginagamit sa kasalukuyan? Itala at iguhit ang mga ito sa malinis na papel. Gumawa ng isang album. Lagyan ito ng titulo na: Mga Lumang Gamit ng Ating mga Ninuno 13

SAGUTIN MO Punan ng angkop na salita ang bawat patlang. Isulat sa kuwaderno ang sagot. 1. Ang paraan ng pamumuhay ng mga tao ay tinatawag na. A. kaugalian B. tradisyon C. kultura 2. Ang tirahan, kasuotan, pagkain at mga kagamitan ay mga halimbawa ng kulturang. A. di-materyal B. katutubo C. materyal 3. Ang bahagi ng bahay ng mga Pilipino na lalagyan ng tubig at ginagawang paliguan ay. A. silong B. tapayan C. batalan 4. Ang pang-itaas na bahagi ng kasuotang panlalaki ay tinatawag na. A. kangan B. putong C. patadyong 5. Ang putong ay bahagi ng kasuotang panlalaki na ilalagay sa. A. paa B. baywang C. ulo 14

6. Ang disenyo na inilalagay sa katawan ng mga sinaunang Pilipino ay. A. pinta B. tatu C. burda 7. Ang tawag sa puno ng barangay noong unang panahon ay. A. datu B. kapitan C. tiniente 8. Ang bungkaka at kubing ay mga halimbawa ng instrumentong. A. pagpipinta B. pag-uukit C. pangmusika 9. Ang imbakan ng tubig ng mga unang Pilipino ay ang. A. tapayan B. balde C. dram 10. Isang halimbawa ng kulturang di-materyal ay. A. kasuotan B. edukasyon C. kagamitang pambahay 15

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. 16